By:
Joemar Ancheta
Blog:
joemarancheta.blogspot.com
[06]
Halos
tatlong taon. Matuling lumipas ng tatlong taon. Naghilom ang sugat. Nagkapilat
man ngunit wala na ako doong naapuhap na sakit. Tanging alaala na lamang ng
nakaraan. Bago ko binuksan ang pintuan ay sinikap kong pakalmahin ang aking
sarili. Namiss ko siya, sobra ngunit hindi nakakatulong ang agarang pagpapakita
ng ganoong damdamin sa akin. Natuwa akong makitang bumabalik siya sa akin
ngunit hindi tamang maglulundag ako sa tuwa. Ganoon naman talaga ang buhay,
binabalikan ang taong walang ginawang masama, nilalapitan ang nagpunla ng
kabutihan. Ngunit nabanaag ko sa kaniyang hitsura ang malaking pagbabago. May
malaking pilat ang noo, basag ang labi at nangingitim ang gilid ng mga mata na
parang sinuntok. Bumagsak ang dating hinangaan kong katawan niya. Mahabang
buhok, impis ang pisngi na parang tumanda ng ilang taon. Anong nangyari sa
kaniya?
Nang pagbuksan ko siya ng
pintuan ay hindi niya alam ang gagawin. Parang gusto niyang magsalita ngunit
walang namumutawi sa kaniyang labi. Malikot ang kaniyang mga mata. Napakaraming
emosyon ang gustong ipakahulugan ng kaniyang mukha Bigla siyang tumalikod na
parang nahihiya.
“Sorry.” Yun lang at
nagmamadali na siyang lumakad paalis ngunit bago niya marating ang elevator ay
kumilos ang aking mga paa.
“Sandali.” Mahina man ang
pagkawika ko ngunit may kakaibang lakas ang aking mga kamay nang hawakan ko ang
balikat niya para pigilan.
“Hindi ko pala kayang humarap
sa iyo pagkatapos ng nangyari noon.” Malikot parin ang kaniyang mga mata.
“Pare, walang nangyari.
Kinalimutan ko na kung anuman ang sinasabi mong nangyari. Lumapit ka na din
lang mabuting pumasok ka muna sa loob at nang makapag-usap tayo.”
Pinaupo ko siya. Nakita ko ang
lungkot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung paano magsimulang magtanong. Ayaw
ko na kasing itanong pa pero alam kong may nangyari. Hindi siya lalapit sa akin
kung walang nangyari.
“Sandali lang, ipaghahanda kita ng
makakain at maiinom.” Iyon lang kasi ang alam kong paraan para matakasan ang
nakakabinging katahimikan. Nang inaayos ko na ang miryenda niya ay bigla siyang
nagsalita na nasa likod ko na pala.
“Ilang araw din kitang sinundan
mula nang makita kita isang araw sa iyong pinagtratrabahuan. Hindi ko kasi alam
kung paano kita lapitan. Hindi ko alam kung paano kita katukin sa iyong
pintuan.”
“Hindi mo naman kailangang
matakot sa akin. Hindi naman ako nagbago kaya wala ka naman dapat ikahiya.
Maliban sa tumaba ako at pumangit pa lalo, wala ng nabago sa totoong ako.”
“Napatay ni Mommy si Daddy sa
matindi nilang away. Nakakulong si Mommy at dahil mag-isa lang akong anak ay
parang pakiramdam ko ni isa ay wala ng naiwan sa akin. Ayaw kong umuwi sa
probinsiya at paalipin kay lolo. Nasanay na ako dito sa buhay ko sa Manila.”
“Sorry to hear that. Sobra pala
ang pinagdadaanan mo. May magagawa ba ako para kahit papano guminhawa ang
pakiramdam mo?”
“Tungkol kay Ram, nagiging
mahigpit siya sa akin. Gusto ko siyang iwan noon pa ngunit hindi ko siya
maiwan. Bumabalik at bumabalik lang ako sa kaniya sa tuwing…” parang hindi niya
narinig ang una kong sinabi. Animo’y may sarili siyang mundo. Parang batang
nagsusumbong kahit hindi tinatanong. Ngunit nagging interesado ako doon sa
balita kay Ram. Magtatanong pa sana ako tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya
ngunit minabut kong huwag ng ungkatin ang alam kong maaring magpapaalaala sa
kaniyang mapait na nakaraan.
Hinintay ko ang kasunod ng
kaniyang sasabihin. Ngunit hindi ko nahintay.
“Sa tuwing ano…”
“Itong pilat sa noo ko,
kagagawan niya ito nang minsang naging matindi ang pag-aaway namin dahil sa
nagseselos siya sa kaibigan niyang nakikipag-usap lang sa akin. Nakahiga ako
noon. Lasing na lasing ng hinampas niya ang noo ko ng lamp shade. Hindi ako
puwedeng lumabas na hindi siya kasama. Wala naman akong mapuntahang iba. Wala
naman akong malapitan at kailangang-kailangan ko siya dahil sa pangangailangan
ko.”
“Nagtiis ka ng ilang taon?
Sinaktan ka na ng ganiyan hindi mo pa nagawang iwan? Pa’no mo hinahayaang
sinasaktan ka lang ng ibang tao. Hindi ikaw ‘yan Lando. Nasaan na yung Landong
kaibigan ko noon?”
“Magaling siyang maglaro.
Marunong siyang paikot-ikutin ako. Hanggang isang araw nakita kita. Nang
nakaraang linggo nakita kita kaya kahit pinigilan niya ako ay pilit kitang
sinundan kaya nalaman ko itong tinitirhan mo. Nang isang araw sinundan muli
kita at lihim din niya akong sinundan kaya nauwi sa matinding pag-aaway dahil
ayaw niyang bumalik ako sa iyo. Kaibigan kita. Kilala kita mula pagkabata. Patawarin mo ako sa lahat ng mga ginawa ko
pare. Gusto kong buuin muli ang aking buhay.”
Ngunit sa hitsura niya ay alam
kong may hindi pa siya nasasabi sa akin. Iyon ang gusto kong malaman para alam
ko kung paano simulan at ayusin ang lahat.
“Matutulungan kita kung magtiwala
ka sa akin. Alam kong may gusto kang ayusin muna at iyon ay kailangan kong
malaman.”
Tumingin siya sa akin. Alam
kong tinatantiya niya ako kung hanggang saan ang aking pag-iintindi. Sa tingin
niya sa akin nababasa kong gusto niyang siguraduhin muna kung matatanggap ko
ang lahat.
“Huwag kang masasaktan Lando,”
pagpapatuloy ko. “Ngunit matutulungan kita kung buo mong sabihin ang lahat sa
akin. Lahat naman naiintindihan ko. Ako parin yung dating ako kaya puwede mong
ipagkatiwala sa akin kung anuman ang gumugulo sa iyo ngayon na alam kong siyang
ugat ng iyong problema.”
“Na-adik ako pare.” Mabilis
niyang sagot. Tumbok ko ang problema. Unang tingin ko pa lamang alam kong gumon
na siya sa ipinagbabawal na gamot. Iyon ang dahilan kaya nagkaganoon ang ayos
niya. Iyon din ang dahiln kaya hindi niya maiwan si Ram dahil sa siya lang ang
tanging makapagbibigay sa kaniya ng ipinagbabawal na gamot. Hindi siya makaalis
sa poder niya at kaya niyang tiisin ang lahat huwag lang mawala ang supply niya
sa ipinagbabawal na gamot.
Hindi pa kami nakakapgsimulang
magmiryenda at magsasalita pa lamang sana ako nang may nagbuzzer. Sa kababuzzer
niya ay alam mong hindi lang basta bisita, isang nagngingitngit na bisita. Kaya
gustuhin ko mang sagutin ang sinabi ni Lando ay naglakad muna ako papunta sa
pintuan ng pinigilan niya ako.
“Huwag mo ng buksan, si Ram
‘yan. Alam niyang dito lang ako sa iyo pupunta. Alam kong susunduin niya ako.
Ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin.” Nakita ko sa hitsura niya ang pagsusumamo at
panginginig kahit alam kong epekto din iyon ng pagkagumon niya ng ipinagbabawal
na gamut. Nakadesisyon na kong hindi ko na hahayaang sasama pa siya kay Ram.
Tao lang ako para magalit. At alam kong kung papatulan ng iba ang nararamdaman
ko ay sasambulat ang iniipon kong sakit ng loob. Tanggap ko kung ako lang ang
gawan ng di maganda huwag lang ang taong mahal ko. Ibang usapin na iyon sa
akin. Iba ako kapag mga mahal ko na sa buhay ang inaagrabyado.
“Doon ka muna sa kuwarto.
Halika. Ihatid kita do’n. Kunin mo ang mga pagkain na yan at sa kuwarto mo na
lang kakainin. Mula ngayon, hindi ako papayag na makuha ka pa ni Ram. Ako ang
makakaharap niya. Huwag na huwag kang lumabas sa kuwarto hangga’t di kita
pinupuntahan.” Matigas ang pagkakasabi ko do’n. Hindi na siya ang dating Lando
na nakilala ko at minahal. Masyado na siyang sinira ng bawal na gamot.
Pagkahatid ko sa kaniya sa
kuwarto ay lumapit ako sa pintuan na wala paring tigil ang pagbabuzzer niya.
Lalo iyon nagpatindi sa nararamdaman kong galit.
Pagkabukas ko ng pintuan ay
bigla niya akong itinulak na akala mo kung sinong may-ari ng bahay na papasukin
niya. Nagtimpi parin ako.
“Ilabas mo si Lando kung ayaw
mong makatikim sa akin.”
“Bakit sa akin mo hahanapin si
Lando, e di ba nga halos tatlong taon kayong nagsama?” pagsisinungaling ko.
“Huwag ka ngang
mag-maang-maangan dahil alam kong dito siya nagpunta. Hinintay ko siyang bumaba
sa building na ito pero hindi na siya bumaba pa kaya alam kong dito siya
nagtago.”
“Umupo ka muna Ram. Mag-usap
tayo dahil gusto kong malaman ang totoong nangyayari sa inyo.”
“Hindi ko kailangan ang kausap.
Tang-ina, ang kailangan ko si Lando. Ilabas mo siya dahil kung hindi, papasukin
ko ang lahat ng sulok ng bahay mo at iuuwi ko siya sa ayaw mo’t sa gusto.”
“Tao kitang tinanggap sa
pamamahay ko, Ram. Tao kitang pinakikitunguhan at sana itigil mong magmura
dahil baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita.”
“Ahh, ang paminta, marunong din
palang sumagot. Amoy na kita noon pa dambuhalang bakla ka!”
Nagpanting ang tainga ko sa
narinig ko. Huminga ako ng malalim. Gusto kong isipin na hindi ko siya
papatulan. Kailangan kong pigilan ang galit ko.
“Nakikiusap ako Ram, umalis ka
na.”
Hindi siya nakinig. Mabilis
niyang tinungo ang kuwarto. Hinabol ko siya para pigilan ngunit itinulak niya
muli ako at napaupo ako sa sofa. Malakas siya. Sa tingin ko ay kung nagdrugs
man siya ay alam niyang kontrolin iyon kaya wala sa hitsura niya ang gumagamit.
Pinagamit niya ng pinagamit si Lando para hindi ito lalayo sa kaniya at tulad
ng drugs, balik-balikan siya kahit pa nasasaktan at nahihirapan na ito. Nang
buksan na niya ang pintuan ng kuwarto ay tumayo ako ngunit mabilis din siyang
pumasok at nasukol nga niya doon si Lando na noon ay nakaupo at nanginginig.
Noon ko nakita ang kakaibang takot niya kay Ram. Sa nakita kong reaksiyon ni
Lando ay alam kong pinahirapan siya at ginamit ng husto ni Ram. Tinakot at
pinaglaruan.
“Tarantado ka, binihisan kita,
pinakakain, ibinibigay ang lahat ng hilig mo ng ilang taon tapos tatakasan mo
lang ako ng ganito?” Nanlilisik ang mga mata ni Ram. Dinampot nito ang buhok ni
Lando saka niya sinabunutan pataas.
Nanlaban si Lando. Nakita ko
kung paano niya gustong tanggalin ang nakasabunot na kamay ni Ram ngunit salat
siya ng lakas. Nakita ko na parang nagpapatulong sa akin sa kaniyang mga
tingin. Hindi niya sinasabi ngunit alam kong humihingi siya ng saklolo.
“Bitiwan mo siya, Ram. Maawa ka
naman sa kaniya. Masyado mo na siyang pinahihirapan. Kung hindi mo siya kayang
ituring bilang karelasyon, sana man lang ituring mo siya bilang tao.” Pakiusap
ko.
“Kaya siya nagkaganito dahil sa
katigasan ng ulo niya. Kaya siya nagumon sa drugs dahil din sa mga kapabayaan
at kalandian niya. Huwag kang makialam dito pangit at dambuhalang bakla dahil kahit
ikaw hindi ko sasantuhin kung nangingialam ka sa aming dalawa.”
“Terence, ayaw kong sumama sa
kaniya. Tulungan mo ako! “ pagsusumamo ni Lando. Tinunaw ng pakiusap na iyon
ang lahat ng kabaitan ko sa loob.
“Gago! Tarantado ka!” isang
malakas na suntok ang pinakawalan ni Ram sa sikmura ni Lando. Namilipit ito sa
sakit. Hindi pa siya nakuntento at sinipa pa niya ng malakas dahilan para
lalong namilipit ang kawawang mahal ko.
“Hindi na makatao ang ginagawa
mo, Ram. Inadik mo siya para magawa mo lahat ang gusto mo sa kaniya. Ginamit mo
ang katalinuhan mo para mapasaiyo siya at mapaikot sa paraang gusto mo.”
“Hindi lang ako matalino ulol!
Milya milya pa ang layo ng hitsura ko sa iyo.”
“Oo nga naman. Ganda ng kutis mo. Ganda ng
katawan mo ngunit hindi naman makatao ang ugali mo. Saktan mo pa ng kahit minsan si Lando at
makakalimutan kong tao ka.”
“Ah ganun! At ano ang gagawin
mo ha? Hayan bibigtiin ko siya hanggang hindi makahinga ng ganito at tignan
natin kung ano ang magagawa mo.” hinawakan niya ang leeg ni Lando. Si Lando
naman ay nagpupumiglas at biglang dumilim ang paningin ko. Hindi na yung dating
ako. Hindi ko na nakayanang kontrolin ang galit sa dibdib ko.
Naglaban kami. Nagsagupa. Hindi
pala siya ganoon kadaling kalabanin. Sa tulad kong hindi sanay sa gulpihan ay
madali din pala niya akong magapi. Ngunit determinado akong mabigyan siya ng
leksiyon ngunit di ko alam kung sa anong paraan ko gagawin.
Isang
madugo at nakakagimbal na kabanata ang inyong muling mababasa.
[07]
Isang
iglap lang ay natagpuan ko ang sarili kong nagpakawala ng isang malakas na
suntok sa panga ni Ram. Dahil doon ay nabitiwan niya si Lando. Hinarap niya
ako. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung saan ko hinugut ang
lakas ko para lumaban. Basta alam ko naroon ang galit, naroon ang kakaibang
tapang at alam ko, hindi ako mananalo sa lakas ng loob para manakit ng kapwa
tao. Sinipa niya ako ngunit nakailag ako.
Ang masama ay nawalan ako ng balanse kaya ako natumba at kinuha niya ang
pagkakataong iyon para magawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin.
Hindi ko alam kung nakailang suntok siya sa aking mukha. Nalalasahan ko ang
maalat-alat kong dugo at ilang bituin din ang nakita kong nagliliparan. Buong
lakas ko siyang itinumba dahil sa sinakyan niya ako ngunit dahil nasa ibaba ako
at mas malakas siya sa akin ay parang hindi ko man lang siya matinag.
Paulit-ulit niyang sinuntok ang dati ng sira kong mukha. Nang mapagod ay
hinawakan niya ang aking leeg. Hindi ako makahinga. Parang wala ng naiwang
hangin sa akin at alam kong namumula na ako. Napaluha ako sa kawalang pag-asa
at napapikit ako dahil alam kong kung tagalan pa niya ang pagbigti sa akin ay
alam kong tuluyan na akong maubusan ng hangin. Pinilit kong tanggalin ang
kaniyang mga kamay sa leeg ko. Napakahalaga ng bawat sandali sa akin ngunit
sadyang nagkaroon siya ng kamay na bakal. At alam kong unti-unti ng sumusuko
ang aking mga baga. Humihina na din ang aking mga pakiramdam.
Nang
biglang parang natanggal ang mga kamay niya sa aking leeg. Kinuha ko ang
pagkakataong iyon para punuin ang hangin ang aking mga baga. Napakahalaga ng
bawat hininga. Kasabay ng pag-ubo ko ay ang malalalim na hininga. Noon ko
nabigyang halaga ang hiningang noon ay parang ordinaryong proseso lang ng aking
katawan. At nang bumalik ang aking lakas ay nakita kong ipinalo ni Lando ang
lampshade sa kaniyang likod dahilan para kay Lando mabaling ang
naghuhurementadong si Ram. Hindi na ako nag-aksaya ng kahit anong sandali.
Nasuntok na niya at nasipa si Lando bago ako nakabawi. Binuksan ko ang pintuan
ng kuwarto. Kinuha ko din ang upuan at nang nakatalikod siya sa akin ay ipinalo
ko iyon sa likod niya at saka ko sinipa. Nang malapit na siya sa may pintuan
dahil sa lakas ng aking sipa ay sinipa ko uli ng magpadausdos siya sa labas ng
kuwarto saka ko sinara ang pintuan ng kuwarto. Mabilis kong tinungo ang
telepono at humingi ng saklolo sa guwardiya ng aming Condo at saka din ako
tumawag ng pulis. Parang gusto niyang gibain ang pintuan ng kuwarto.
Nakita
kong unti-unting umatras si Lando sa gilid ng kwarto. Nanginginig, nababalisa…
takot. Nilapitan ko siya. Tumingin sa akin at nakita ko ang bumabagtas na luha
sa kaniyang pisngi. Tinaas niya ang kaniyang mga palad. Inabot ko iyon. Umupo
ako sa tabi niya. Bigla siyang yumakap sa akin at doon sa aking dibdib ay
malakas na humagulgol. Wala akong maisip na sabihin. Tuyo ang aking lalamunan .
Niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang kaniyang likod. Alam kong kahit walang
pag-uusap sa pagitan naming ay batid kong naiintindihan namin ang isa’t isa.
Awang-awa ako sa pinagdadaanan niya. Kailangan kong maging matatag para sa
kaniya. Kailangan niya ng masasandalan. Kailangan niya ng taong tutulong sa
kaniya para tuluyan siyang iahon sa kumunoy na kinasadlakan niya.
Buo na ang desisyon ko noon, ipapakulong ko si
Ram sa ginawa niya kay Lando, sa amin. Magkikita kami sa korte at bahala na din
ang hustisiya na singilin siya sa kaniyang mga ginawang kasamaan. Hindi makatao
ang ginawa niya.
Hinuli
siya ng pulis at nagdemanda ako ng physical injuries para sa aming dalawa.
Hindi lang iyon ang naging kaso niya dahil ibinunyag din ni Lando ang pagiging
drug pusher niya, nahulian ng maraming stock sa mismong bahay niya ng mga iba’t
ibang drugs at isa din siya sa mga tinuturo ng iba pang saksi na nagpapagamit
ng isang maliit na bahay para magiging drug den. Dahil sa pakikipagtulungan ng
mga naawa sa pinagdaanan ni Lando ay nakulong si Ram sa iba’t ibang kasong
inihain sa korte. Hindi kayang magbulag-bulagan ang batas sa katulad ni Ram.
Dapat ang katulad niyang mapera ngunit ginamit sa kawalang-hiyaan ay mabulok ng
habambuhay sa kulungan. Marami siyang sinirang pangarap. Maraming ipinahamak na
kaluluwa.
Ipinasok
ko din si Lando sa isang Rehabilitation Center. Siya ang kusang humiling no’n
sa akin. Kailangan naming gawin iyon para muli kong mahanap ang Landong naligaw
dahil sa kasamaan ng isang ligaw ding kaluluwa. Napapaluha ako noon sa tuwing
nakikita kong nagsisigaw siya, pinagpapawisan at nanginginig na pilit
pinapakalma ng mga nurses. Noon lang ako nakakita ng adik na sa tuwing
nangangailangan ay kulang na lang ay paluin sa ulo para tuluyang makatulog
dahil sa kahit tatlong tao pa ang hahawak sa kaniya ay hindi nila nito kayang
patigilin sa kaniyang pagwawala. Kailangang pagdaanan lahat ni Lando ang mga iyon
para gumaling siya. Masakit din sa loob kong makita siya sa ganoong kalagayan
lalo pa’t wala din naman akong kakayahan
para tulungan siyang ilayo sa mali niyang nakahiligan. Ang tanging nagagawa ko
ay ang bisitahin siya at dalhan ng mga paborito niyang niluluto ko. Naging
mahirap ang unang buwan sa kaniya. Lalong bumagsak ang kaniyang katawan. Lalong
parang hindi ko makausap ng matino dahil sa palagian niyang panginginig. Sa
pangalawang buwan ay nakakitaan ko siya ng katahimikan. Nakakausap ko na siya ng
matino. Nakakakain sa mga dinadala ko ngunit naging madamot parin sa kaniya ang
pagngiti. Parang pasan parin niya ang mundo. Parang puno parin siya ng takot at
pag-aalala. Tumagal siya ng ganoon. Umabot din siya ng tatlong buwan sa ganoong
kalagayan. Laging nag-iisa dahil iniwasan nitong makihalu-bilo sa mga kasamahan
niya. Ayaw niyang kausapin siya. Hanggang isang Linggong binisita ko siya ay
hindi na siya mapilit na harapin ako. Hindi pa daw siya handa. Kaya’t
ipinabigay ko na lamang ang mga dinala ko para sa kaniya. Napaluha ako noong
nakauwi ako. Paano kung tuluyan na naman kaming paglayuin ng tadhana. Paano
kung magiging ganoon na siya ng tuluyan. Patuloy pa din ang pagbabayad ko ng
kaniyang rehabilitation fee at nagpasya akong dagdagan ang service sa kaniya sa
pamamagitan ng pagbabayad ng isa mas magaling na Psychologist na makatulong sa
kaniyang agarang paggaling.
Nang
sumunod na dalaw ko ay hindi parin niya ako gustong harapin ngunit may
ipinaabot siyang sulat para daw sa akin. Mabigat ang mga paa kong nilisan ang
lugar na iyon na hindi ko man lang siya nakausap. Nakaramdam ako ng
pangungulila lalo pa’t hindi ko man lang siya nasilayan man lang. Pagkauwi ko
sa aking bahay ay binuksan ko ang sulat niya at ito ang nilalaman.
Pareng
Terence,
Pasensiya
ka na kung hindi na naman kita haharapin. Gusto ko lang malaman mo na okey na
ako. Hindi ko lang kasi talaga alam kung paano ko matagalang harapin ka.
Nahihiya ako sa iyo. Sobrang hiya ko sa ganitong nangyari sa buhay ko. Habang
pagaling ako ng pagaling ay lalong nagiging malinaw sa akin ang hindi magandang
ginawa ko noon sa iyo, ang maling pagpapatuloy ng buhay na gusto mong tahakin
ko. Sinayang ko ang pagkakataong iyon. Iniwan kita. Sumama ako sa mabilisang
kaligayahan at madaliang pagpapakasarap ng buhay. Tama ka. Mali ako.
Nagtagumpay ka, nabigo ako. Nakalayo ka na, naiwan ako at umurong pa.
Hiyang-hiya
akong aminin sa iyo ang lahat ng ito ngunit humihingi ako ng kapatawaran sa
iyo. Gusto kong kapag magkaharap tayo ay ako na iyong dating kaibigan mong Lando
na kahit hindi man kasintalino mo ay may determinasyon naman. Hindi man
kasingyaman mo ay may pangarap din naman. Alam kong hindi pa huli ang lahat.
Makapagsisimula pa akong muli. At pagdating ng araw, maipagmamalaki mo din ako.
Bago ako lumabas dito ay makikipagkita ako sa iyo ngunit pagkatapos no’n ay
mawawala ako ng hanggang dalawang taon. Tapusin ko ang kurso ko sa sarili kong
pamamaraan. Alam kong may naiwan pang lupain sina Daddy na pamana ng lolo. May
kabuhayan din ang pamilya ng lola ko sa side ni Mommy. Makakatulong siguro iyon
sa muli kong pagsisimula. Alam kong may pamilya pa akong babalikan pagkatapos
ng lahat ng ito. Pilitin kong pakibagayan si Lolo dahil alam kong kabutihan ko
din lang ang hangad niya para sa akin.
Huwag
mo na muna akong dalawin. Pagkaraan ng dalawang buwan, lalabas na ako dito.
Magkita tayo, susunduin mo ako at ihahatid sa sakayan pauwi ng probinsiya. Sana
huwag kang magbabago kahit tuluyan ka ng makalayo. Pangako pare, susunod ako sa
landas mo. Mahirapan na akong sabayan ka dahil nakalayo ka na ngunit
sisiguraduhin ko sa iyong makakasunod parin ako. Naging paliku-liko man ang
dinaanan ko ngunit pilitin kong hanapin ang landas na tinahak mo.
Maraming
salamat. Simple ang pagkasulat nito ngunit nakatatak iyon sa buo kong pagkatao.
Isa kang anghel sa buhay ko na kahit kailan ay hindi mapantayan ng kahit sino.
Lando
Binasa ng luha ang pisngi ko ng
sulat na iyon. Inipon ko ang basang tissue paper sa gilid ng aking kama.
Tinapon sa basuharan. Lahat iyon ay basa ng aking luha. Lagi na lang akong
pinaiiyak ni Lando.
Sinunod ko ang hiling niyang
huwag na munang magpakita sa kaniya ng dalawang buwan. Hinintay ko ang dalawang
buwan na iyon na parang sa katulad kong nananabik ay parang dalawang taon ang
nagdaan. Binibilang ang bawat pagdaan ng oras. Nanabik na matapos ang isang
buong araw. Para akong nasa kulungan na naghihintay ng paglaya.
Naghintay ako sa labas ng
rehabilitation. Sinabi sa akin ng doctor na hinihintay daw nila ang pagdating
ko dahil puwede nang lumabas si Lando. Ako na rin lang daw ang hinihintay
niyang susundo sa kaniya at kapag daw nagpakita na ako, ibig sabihin ay puwede
na din siyang lumabas. Ilang sandali pa ay lumabas na sa pintuan si Lando.
Napakalaki ng pinagbago ng hitsura niya nang huli kong makita. Bumalik ang
dating porma ng katawan. Nagkalaman na ang kaniyang pisngi at kuminis na muli
ang kaniyang mukha. Maayos ang kaniyang gupit at pananamit. Nagbago ang buo
niyang pagkatao pati ang pagdadala sa kaniyang pangkahalatan. Magiliw siya sa
lahat ng mga naroon. Masaya siyang nagpaalam sa lahat. Nakita ko ang kakaibang
energy na parang bang ibang-iba na siya. Siya yung dating siya noong high
school palang kami. Muling tumayog ang tingin ko sa kaniya. Muli akong nilamon ng
paghanga. Muli akong iginupo ng isang hindi maihahambing na pagtatangi.
Nang makita ako ay sumilay sa
kaniyang mukha ang kakaibang ligaya. Tumigil siya at umiling-iling na parang
batang nagpapakyut lang. Kumindat siya sa aking parang kindat niya noong
nagbabasketball siya noong high school kami at ringless ang tira niya.
Nagthumbs-up siya sa akin. Sinagot ko din ng thums up hanggang mabilis siyang
lumapit at niyakap niya ako ng walang kasing-higpit.
“Salamat pare, binuhay mo muli
ako.” paanas iyon ngunit tumama sa aking puso.
“Walang anuman. Basta para sa
iyo.” Sagot ko habang tinatapik ko ang likod niya.
Naramdaman ko ang kaniyang
paghagulgol. Umiiyak siya. Napaiyak na din ako ngunit bago niya kinalas ang
pagkayakap niya sa akin ay mabilis din niyang pinunasan ang mga luha.
“Ikaw lang nagpapaiyak sa akin
ng ganito pare ah. Hayaan mo, hindi masasayang ang sinimulan mong ito. Pangako
ko sa’yo ‘yan. Maipagmamalaki mo din ako pare.” Mabilis na bumalik ang saya sa
kaniyang mukha.
“Sa pinagdaanan mo, alam kong
kaya mong bumangon muli. Nang nasa baba ka, nakalimutan mong kumapit sa pamilya
ng mga magulang mo na alam kong nakahanda parin silang tanggapin ka. Nasa sa
iyo na kung paano mo ipaliliwanag ang nangyari sa iyo ngunit kung nakita nilang
pursigido kang magbago at ayusin ang buhay mo, alam kong tutulungan ka nila sa
abot ng kanilang makakaya. Kung ako lang sana ang masusunod, kayang-kaya kitang
tulungan.”
“Hindi. Hayaan mong tumayo ako sa sarili
kong mga paa. Gusto kong paghirapan ang tagumpay para lalo kong manamnam ang
tunay na pagbangon. Marami ka ng nagawa sa akin kaya hiyang-hiya na ako sa iyo.
Kung tutulungan mo naman ako ngayon na abutin ang pangarap kong naantala, hindi
na ako ang nagtagumpay kundi ikaw parin ang siyang tunay na nagtagumpay sa
likod ko. Siguro, kaya ako nagkaganun dahil naging madali lang sa akin ang
buhay. Naging madali sa akin ang pag-abot sa lahat ng ginusto ko mula pagkabata.
Kaya nga nang dumating ang problema, naghanap agad ako ng madaliang lulusutan
at iyon ang napala ko.”
“Kalimutan mo na ‘yun.”
“Hindi. Ang mga nangyaring
ganoon sa buhay natin ay hindi dapat kalimutan. Iyon kasi ang magiging gabay
natin para sa susunod ay gawin na natin ang dapat. Mali yung sinasabi nilang
ang mga magagandang bagay lang ang dapat nating isipin, ang mga maling nagawa
ay kailangan na nating kalimutan. Dapat nga, mas bigyan pa natin ng halaga ang
maling nangyaring iyon para mas mapabuti pa natin ang ating hinaharap.”
“Pinapabilib mo ako sa mga
sinasabi mo ngayon ah.”
“Iyon nga eh. Kailangan ngang
mangyari iyon sa akin para tuluyan kong maintindihan ang tunay na kulay ng
buhay. Gusto kong maranasan na lahat ng mga gusto kong marating ay dapat kong
paghirapan. Lahat ng gusto kong makamit o mabili ay dapat kong pagpapaguran
para alam ko ang kahalagahan nito kapag nasa akin na. Alam kong nakahanda kang
tulungan ako, ibigay ang lahat ng hihilingin ko o padaliin ang takbo ng aking
buhay ngunit sa ngayon, hayaan mong ako ang magpagod para sa aking buhay. Doon
ko lamang din lalong mamahalin ang aking pagkasino.”
Hindi na ako nagsalita pa. Alam
kong tama ang lahat ng kaniyang sinasabi. Hinatid ko na siya sa terminal ng bus
pauwi sa probinsiya. Tinitigan niya ako bago siya bumaba sa kotse ko. Hindi ko
kayang labanan ang kaniyang mga titig sa akin. Natatalo ako ng aking emosyon.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Ikaw na ang pinakaguwapong tao
na nakilala ko sa buong buhay ko.”
“Ano ka ba! Para mo naman akong
iniinsulto niyan. Gwapo talaga? Okey na ako ng dinadramahan mo ako huwag mo
lang akong gawing bola. Mali naman ang banat mo.” natawa kong tugon ngunit
nanatili siyang seryoso. Hindi ko na nagawang itinuloy ang pagtawa.
“Seryoso ako. Iba ka sa lahat
Terence.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis niya akong hinalikan sa
pisngi. Sa tuwa ay mabilis na sumungaw ang aking mga luha. Dumaan iyon sa aking
pisngi. Napapikit ako. Gusto kong namnamin ang halik na iyon sa aking pisngi.
Ayaw kong kalimutan ang sandaling iyon sa buong buhay ko. Dama ko ang pagpunas niya sa aking mga luha
ngunit ayaw kong ibuka ang aking mga mata. Natatakot akong isa lang iyong
panaginip at kung buksan ko ang aking mga mata, tuluyan na ding maglaho ang
tuwang aking nararamdaman. At lalo akong parang ipinaghele sa alapaap ng
naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi sa aking mga labi. Nasamyo ko ang
mabango niyang hininga. Sandali lang iyon. Mabilis na parang dumaang hanging
ngunit dinala niya ang buhay ko sa isang di makakalimutang kasiyahan. Pagbukas
ko ng aking mga mata ay pababa na siya ng kotse. Bigla akong bumalik sa aking
katinuan.
Pagkasara niya sa pintuan ng
kotse ay mabilis din akong bumaba at nilapitan siya. Nakangiti siya sa akin.
“Lando…”
“Terence, hiling ko lang, hayaan mo na muna ako ng dalawang taon.
Darating ang araw, magpapakita uli ako sa iyo. Kung kailan handa na ako at may
napatunayan na ako sa iyo. Salamat sa lahat. Maraming maraming maraming
salamat.”
Marami akong gustong sabihin. Gusto ko siyang
tanungin kung anong ibig sabihin ng halik na iyon. Gusto kong ihayag ang
nararamdaman ko sa kaniya. Gusto kong sabihin ang matagal ko ng tinatagong
pagmamahal ngunit parang natigilan ako. Hindi pa siguro napapanahon. Makuntento
na lang muna ako sa mga halik na iyon. Langit narin kasi itong maituturing.
Pagsakay niya ng bus at nang
kumaway sa akin ay muli na naman akong lumuha. Paulit ulit na pagluha na di ko
alam kung sa lungkot o sa tuwa. Basta ang alam ko, siya lang ang tanging
lalaking paulit-ulit na nagpapaluha sa akin. Maghihintay ako. Kahit walang
kasiguraduhan ay hihintayin ko ang muli naming pagkikita. Matagal, mahirap lalo
pa’t wala akong panghahawakan na babalikan niya ako bilang kami ngunit sa tulad
kong salat sa pagmamahal niya ay handa akong maghintay para tuluyan niya iyong
punan. Kailan kaya ako tatagal sa paghihintay? Babalik kaya siya dala ng
kaniyang pangako? Kung babalik man siya, anong bagong yugto ng buhay ang
kaakibat nito?
[08]
Hindi
ko alam kung ano ang meron sa paghawak niya ng aking kamay nang hinatid ko
siya. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko na nakalimutan pa ang pagdampi ng
kaniyang labi sa aking labi. Dahil ba noon lang ako nakaranas na halikan ako ng
lalaking mahal ko? Hindi na naging madali sa akin ang magiging masaya. Hindi na
katulad noong una kaming nagkahiwalay. Parang sa akin, napakabilis ko siyang
tanggalin sa aking utak at harapin ang pag-aaral ngunit ngayon, bakit kahit
anong gawin ko ay paulit-ulit lang iyong tumatakbo sa isipan ko. Kung dati
sakop niya ang bahagi ng aking puso at kaya iyon na kontrolin ng aking utak,
ngayong nakasilip na ako ng kaunting siwang ng liwanag ay buo na niyang
inangkin ang aking pagkatao. Mahal na mahal ko na si Lando ngunit hindi ko siya
maaring makita. Hindi ko siya maaring makausap. Wala akong ibang puwedeng gawin
kundi ang hintayin siyang magpakita.
Ganoon pala ang pagmamahal,
kung hinayaan mo lang na nadiyan sa puso mo, hindi binibigyan ng pag-asa, hindi
nagkakaroon ng kahit katiting na pagsaling sa kaniyang katahimikan, hindi iyon
mag-uumalpas at hindi iyon magkakaroon ng kahit anong expectation. Oo nga’t
mahal mo ang isang tao, pero alam mong imposibleng maging kayo kaya mananahimik
ang puso, nakokontrol ng utak ang sigaw nito at ang tanging naiisip mo ay gawin
ang tama at alam mong makapagpapasaya sa taong itinitibok nito. Ngunit kung ang
pusong nananahimik at nakukuntento sa takbo ng pangyayari, kapag ito ay
sinaling at binigyan ng pag-asa ng taong pinag-uukulan, mag-uumalpas ito,
matutong ipaglaban ang katiting na pag-asang iyon at ang masama, doon na din
lalabas ang hindi kontrolado ng utak na puwedeng gawin n gating puso. Kung
nabigyan ng kaunting liwanag ang nananahimik na puso at hindi nito nakukuha ang
gusto, magsimulang mangulit, gawin ang bawat tibok nito na kadalasan ay nauuwi
sa pagkasawi at pagkawasak ng pagkatao kung hindi ito ginagawa sa tamang
dahilan at makatwirang pamamaraan.
Iyon ang naramdaman ko at
napagdaanan ko kay Lando. Gustong-gusto ko siyang sundan, sirain ang usapan na
huwag muna akong makipagkita sa kaniya. Gusto ko siyang kunin sa probinsiya at
pag-aralin dito sa Manila nang muli kaming magkasama. Marami din namang
magagandang university sa probinsiya at kaya ko siyang hanapin ng isang araw
lang ngunit sinikap kong paglabanan ang lahat. Pinilit kong tiisin ang sigaw ng
aking puso. Kahit medyo nawawala ang atensiyon ko sa trabaho ko ay pilit kong
hinarap ang dapat. Balikan ang mga araw na hindi ko na siya kasama at nangarap
na balang-araw, kung kailan handa na siya ay magkikita kami. Iyon ang pangarap
na ginamit ko para sumunod ang nagwawalang puso sa tamang diskarte ng utak.
Pinigil ko ang sarili ko, sa
una, pangalawa at pangatlong buwan na sadyang nagtiis ako ngunit nasasanay din
ang puso, natatahimik sa patuloy na bulong ng utak hanggang nagbalik sa normal
ang takbo ng araw ko. Tinutukan ko ang trabaho ko, nagkaroon ng promotion after
1 year and 3 months at mas lalo na akong naging abala. Ang rating ko sa career,
95% and still drastically improving, lovelife, still waiting and sexlife, as in
ZERO. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung tao pa ako. Natatakot kasi akong
magkaroon dahil ayaw ko ng idea na makikipagsex ako tapos babayaran ko yung kasex
ko. Natatakot din ako ng rejection lalo na yung nakahubad na ako at nakikita
ang katabaan ko sa katawan tapos may ibang expression sa mukha ng kasex ko na
kahit hindi man magsasalita ay alam kong nauumay siya sa nakikita niya. Siguro
dahil din naghihintay ako kay Lando. Isang paghihintay na walang katiyakan.
Nababago ng panahon ang tao. May mga pangakong tuluyang tinatangay ng hangin sa
katagal ng pagkapako.
Dalawang taon ang matuling
nagdaan. Nagsimula akong maghintay. Nagsimula akong muling nangarap.
Nagmamadali akong umuwi galing sa trabaho dahil iniisip kong baka naroon na si
Lando at matiyagang naghihintay sa aking pag-uwi. Kapag nasa bahay naman ako ay
ayaw kong umalis dahil baka bigla na lamang siyang kakatok sa aking pintuan. Kung
may kakatok ay nagkukumahog akong magbukas ng pintuan ngunit madidismaya lamang
ako kung hindi siya ang aking mabubungaran. Kung tutunog ang telepono o ang
celphone ko ay mapapakislot akong maisip na yayain na ako para kami’y magkita
ngunit walang Lando ang dumating. Walang Lando ang nagparamdam. Nang dumaan pa
ang ilang buwan ay nagsimula nang gumuho ang aking pag-asa. Nanamlay muli ang
aking puso at tuluyang tinanggap ang katotohanang may sarili na sigurong buhay
ang lalaking minahal ko.
Galing ako sa birthday party noon ni Jasper. O
huwag na munang atat saka, na natin pag-usapan ang tungkol sa kaniya sa tamang
panahon. Medyo nakainom din dahil sa nagkayayaan. Pagbukas ng elevator ay
nakita ko ang isang lalaking may dalang isang malaking bag na nakatalikod na
para bang naiinip na sa kakapindot ng buzzer. Bumilis ang pintig ng aking puso.
Biglang parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahilan para manginig ang buo
kong katawan. Ang lalaking muli kong hinintay. Ang lalaking minahal ko sa buo
kong buhay. Ang kaisa-isang lalaking nagsasabing ako na ang pinakaguwapong
nakilala niya sa kaniyang buhay.
“Lando?” maingat ngunit puno ng
kasiyahan kong pagtawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran.
“Terence, kumusta na!” maluwang
ang kaniyang pagkakangiti. Binitiwan niya ang kaniyang bag at muling nagdampi
ang maskulado niyang katawan at ang lumba-lumba kong katawan.
“Anong oras ka pa nandito?
Kumusta na! Anong nangyari sa iyo?” sunud-sunod kong tanong ngunit mabilis na
naglakbay ang aking mga mata sa kaniyang kabuuan. Bakit ganun, habang siya ay
pabata ng pabata sa paningin ko at paguwapo ng paguwapo, ako naman yata ay
nagiging pataba ng pataba an din a tinatantanan ng pimples ang buo kong mukha.
“Papasukin mo kaya muna ako ng
makapagkuwentuhan tayo. May dala akong alak for us to celebrate. Siguradong mahabang balitaan ito.”
Pumasok kami, kumain at
nagshower siya. Nakasuot lang siya noon ng puting boxer short at puti ding sando.
Bakat ang magandang hubog ng kaniyang lalaking-lalaki na tindig at ang
bumubukol niyang pagkalalaki. Ilang ulit din akong napalunok na para bang
gustung-gusto ko na siyang dakmain at ikulong sa aking mga bisig. Oh God!
Sobrang namiss ko siya.
“Pagkatapos kong nakuha ang mga
subjects ko dito sa Manila ay tinanggap naman ako sa University of Saint Louis
at nacredit naman ang mga subjects na natapos ko.” Pagsisimula niya habang
umiinom kami ng alak na dala niya. “Wala akong sinayang na pagkakataon.
Ginugulgol ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral. Pagkaraan ng dalawang taon,
nagtapos din ako ng Management. May business si Lolo na gusto niyang ipahawak
sa akin. Sinubukan kong pumasok ngunit alam kong kulang pa ako ng experience
para patakbuhin iyon. Walang silbi ang mga theories pare kung hindi ko aralin
kung ano ang tunay na nangyayari. Gusto kong makapagtrabaho muna sa iba,
makakuha ng experience saka ko lang siguro mapapatakbo ang negosyo ni lolo kung
ako ay handa na. Puwede mo na akong ipagmalaki ngayon pare!” natutuwa niyang
pagbabalita habang tumutungga ng alak.
Nanatiling tikom ang aking mga
labi. Napakasaya kong narito siya sa tabi ko ngayon. Nagtagumpay siya.
Nakatapos siya. Sana masaya na muna ako
doon. Sana makuntento na ako na pinutahan niya ako at tinupad niya ang kaniyang
pangakong babalik siya kung nakahanda na siya. Ganoon lang naman dati kasimple
ang takbo ng puso ko. Ngunit bakit ngayon iba. Mas marami akong gustong
malaman, hindi lang sa pagtatagumpay niya, hindi lang sa kung ano na siya
ngayon kundi kasama na din kung sino na ang nagmamay-ari sa kaniya. Dalawang
mahabang taon ko ding pingarap na tanungin siya kung ano ang kahulugan sa
kaniya ng halik na iyon noong nagkahiwalay kami. Ang halik na gumulo sa nananahimik
kong puso.
“Congratulations! Ngayon
sadyang masasabi kong tuluyan ka na ngang bumalik sa dating ikaw. Sobrang saya
kong makita kang muli mong nahanap ang tama para sa iyo. Kumusta naman ang
naiwan mo sa atin. Huwag mong sabihin na sa dalawang taon mong pag-stay sa
probinsiya ng lolo mo ay puro aral lang ang inatupag mo. Ikaw pa!” pagsisimula
ko sa mas seryosong usapan.
“Babae ba?” tanong niya.
Gusto kong sabihin babae o
lalaki basta karelasyon. Ngunit nagpigil ako. Hindi ko kasi alam kung paano
sisimulan.
“Alam
ba niyang nandito ka?” malayo ang tanong ngunit gusto ko lang ikumpirma kung
meron na nga ba talaga. Hindi mahalaga kung lalaki o babae, ang gusto kong
malaman ay kung may magagalit na ba.
“Lolo ko at ilan sa mga pinsan
ko, alam nilang nandito ako. Buong address, kahit telephone number mo. Ayaw
kong maging ingrato sa kanila na pagkatapos nila akong tulungang makatapos ay
saka ako aalis na hindi nila alam kung saan ako nagpunta.”
“E, siya, alam ba niya?”
“Sino ba kasing siya?” tanong
niya.
“Wala ba?” tanong ko uli.
“Naku ha. Uminom na nga lang
tayo. Huwag nga nating pag-usapan ang mga bagay na wala naman at mga bagay na
kailangan lang kalimutan.
Nakailang tagay kami hanggang
nang medyo lasing na ako dahil dati na akong nakainom ay hindi na kayang
kontrolin ng utak ko ang lumalabas sa labi ko.
“Huwag kang maooffend Lando ha.
Dalawang taon na kasing gustong gusto kong tanungin ang tungkol dito eh.” Lakas
loob kong pagbubukas.
“Bakit kaya ang salitang offend
na ‘yan. Ginagamit lang panangga bago saktan ang taong tatanungan. Iyon bang
alam na nating nakaka-offend ang tatanungin ngunit ginagamit lang natin bilang
panangga. Hindi ba dapat huwag na lang tayong magbigay ng babala kung ang labas
ay itutuloy parin naman nating gawin ang alam nating nakakasakit sa iba. Iyon
bang naroon ung babala na “Huwag tumawid dito, nakamamatay!” pero itutulak
natin yung iba para dumaan kahit alam nating ikamamatay niya.”
Natawa ako. Natawa din siya.
May punto siya. Iniba ko ang pagsisimula ko.
“Tanungin kita. Bahala na kung
masaktan ka o hindi basta gusto ko lang malaman kung ano ang totoo dahil
naguguluhan ako.”
“Iyan ang tanong.” Tumawa siya.
Tumingin siya sa akin. Mukhang naghihintay. “Ano yun?”
Tumingin ako pero hindi ko
matagalan kaya mabilis din akong yumuko ngunit nagtanong parin ako. “Yung
nangyari noong hinatid kita sa bus terminal… yung ginawa mong…”
Hindi ko pa nasasabi ang gusto
kong sabihin ay tinaas na niya ang baba ko.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko…
“Anong ginawa ko? Yung hinalikan
ba kita sa labi? Yung ganito?”
Parang napakabilis ng
pangyayari dahil naramdaman ko na naman ang labi niya sa labi ko. Ngayon ay mas
matagal…ngayon ay nagawa kong lumaban. Tigang ako na matagal ng naghihintay ng
pag-ulan. Parang sakahan na naghihintay sa pagdating ng ulan pagkatapos ng
mahabang tag-init. Amoy ko ang mabango niyang hininga. Sobrang nanginginig ang
buo kong katawan na parang hindi ko maipaliwanag. Hanggang unti-unti siyang
lumapit. Nilapit ko din ang aking katawan. Nagsimulang lumakbay ang aking mga
palad. Mula sa kaniyang makinis na mukha hanggang sa kaniyang leeg at batok.
Sabik ako sa halik na iyon at hindi ko binalak na ilayo ang mukha niya sa mukha
ko. Patayin na ako huwag lang mailayo ang labi niya sa labi ko. Sinuksuk ko ang
mga palad ko sa kaniyang dibdib. Dinama ko ang tigas nun. Ang maumbok niyang
dibdib at narinig ko ang pag-ungol niya. Hanggang inalalayan kong pinahiga sa
sofa. Tinaas ko ang puting sando niya at hinalikan ang buong katawan.
Napakabango niya. Bangong parang dumikit sa kaniyang balat. Naglakbay ang aking
dila at labi. Bago sa akin ang ganoong karanasan kaya nanginginig ako. Ginagawa
ko lang ang mga napapanood ko. Matagal ko ng ginagawa pala iyon. Matagal na
naming ginagawa sa aking pangarap. Akala ko ganoon lang kadaling gawin din sa
totoong buhay ngunit hindi pala dahil tensiyon na tensiyon ako. Nanlalamig ako.
Hindi ko makuha ang tamang ritmo. Hindi ko kayang isaliw sa kung paano ko
ginagawa sa aking panaginip hanggang sa siya na mismo ang nagbaba ng kaniyang
short kasama ng brief. Noon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko
alam kung paano ko siya mapapasaya at makukuntento lalo pa’t di ko pa talaga
iyon nagagawa. Ganoon pala iyon, may bangong hindi ko maipaliwanag. May igting
na matigas na kayang tusukin ang aking lalamunan. May saktong laki na kung
hindi maingat ay mabubulunan. May dapat saliw ng bibig at dila pati na din ang
mahusay na pag-iingat na masaling ng ngipin. Ilang labas masok. Hanggang kaya
ko na itong isaliw sa tamang ritmo. BumIlis ng bumilis. Dumiin ang paghawak
niya sa aking ulo. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang binti at ang
kaniyang kakaibang pagmumura hanggang sa masaganang katas ang bumulwak sa aking
labi. Gano’n pala iyon, ang amoy, ang lasa, ang unang karanasan sa taong
matagal mo ng pinapangarap, sa lalaking pinakamamahal mo.
Sandali kaming nagpahinga.
Hindi parin ako makapaniwala. Sinubukan kong kinurot ang tagiliran ko. Gising
ako. Di lang iyon nangyayari sa aking pangarap tulad dati. Tumingin ako sa
kaniya. Nakatitig din siya sa akin. Nakaramdam ako ng hiya. Kinuha ko ang kumot
saka ko nilagay sa mukha ko.
“Bakit
ka ba masyadong conscious sa hitsura mo.” Pilit niyang tinatanggal ang kamay
kong may hawak sa gilid ng kumot.
“Nahihiya
ako e.”
“Tagal
ko ng nakikita mukha mo. Lumaki na tayong sabay, tapos ngayon ka lang nahiya?”
“Dati
na akong nahihiya no.”
“Ano
bang kinahihiya mo? Oo nga’t taghiyawatin ka, moreno, pinagkaitan ng tamang
tubo ng ilong ngunit di mo ba nakikita ang pungay ng iyong mga mata at ang
tamang hulma ng iyong labi? Iyon dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin bago ang
mga kapintasan mo.”
“E,
taba ko kaya. Chaka ako alam ko yun.”
“Chaka?”
“Oo
chaka, salitang bakla na patungkol sa pagiging pangit.”
“At
kailan ka pa natuto ng salitang bading aber?”
Di
na ako sumagot. Kung alam lang niya na kahit ganito ako ay may mga kaibigan din
naman akong kauri ko.
“Salamat
ha?” nahihiya kong sabi sa kaniya. Kinuha niya ang kumot na nakatakip sa aking
mukha. Hinayaan ko lang siya.
“Salamat?
Para saan?”
“Wala
lang. Dito. Sa pagtupad mo sa pangako mong balikan ako.”
Ngumiti
siya sa akin. Hinawi niya ang mataba kong baywang saka niya ito pinupog sa
halik. Nakiliti ako. Naisipan akong kilitiin ng kilitiin hanggang sa pinuno na
ng tawanan ang dating tahimik kong bahay. Biglang parang lumiwanag ang lahat ng
sulok nito. Bago kami pumikit sa gabing iyon ay mala-anghel siyang natulog sa
aking bisig.
Hindi ko siya tinanong kung ano
kami. Hindi ko siya matanong kung ano ang kahulugan ng nangyari. Basta masaya
ako, alam kong masaya din siyang pinaglilingkuran ko. Hanggang naulit pa iyon,
ng naulit at naulit. Isang Linggo na siya sa bahay nang magdesisyong lumabas
para sa kaniyang unang job interview. Wala paring I love you ngunit naipaparamdam
ko iyon sa kaniya. Hindi man kami ngunit para sa akin hindi lang sex ang
nangyayari sa amin. Hindi lang libog kundi iisa na kami.
Nang
may nagbuzz sa pintuan. Sinilip ko. Babae, maganda, mukhang sopistikada. Ngunit
lalo akong nagimbal nang pagbuksan ko siya..buntis…at hinahanap si Lando.
[09]
Hindi
ko alam kung paano ko haharapin ang buntis na babae na kumakatok sa pintuan.
Biglang parang natakot ako. Hindi ko maipaliwanag yung takot na namuo sa dibdib
ko ngunit mahusay kong pinakalma ang aking sarili sa paghinga ng malalim. Sabi
ko sa sarili ko, huwag OA Terence. Huwag mag-assume, huwag mag-judge. Kung
sakaling may hindi magandang mangyari, matibay ka na oo nga’t pangit ka pero
matatag ka, matalino at buo pa din ang pagkatao. Kaya nang pagbuksan ko siya ng
pinto ay naging kalmado na ako at mabilis na akong nagpakawala ng magiliw at
maaliwalas na ngiti.
“Sino
pong hinahanap nila?” magalang kong tanong.
Ngumiti
siya sa akin. Dama ko ang kabaitan niya. Ngiting hindi nagpapakitang tao lang.
Ngiting totoo na parang nababasa mo ang kanilisan ng puso.
“Magtatanong
po sana ako kung kayo si Terence?” magalang din niyang tanong.
“Ako
si Terence. Bakit po?”
Sa
pagkakaalala ko, never been kissed and never been touched pa ako sa lahi ni Eba
kaya Diyos ko, tantanan ako…. Di ako ang ama ng dinadala mo. Napangiti ako sa
bigla kong naisip.
“Hi!”
tinaas niya ang kaniyang mga palad. Nakikipagkamay? Inabot ko ito na may
kasamang matipid na ngiti. “Ako nga po pala si Glenda. Pasensiya na po kung
bigla na lang akong eeksena sa pintuan ninyo. Gusto ko lang po sanang makausap
si Lando kung nandiyan po siya?”
Binitiwan
ko ang palad niya. Muli ko siyang tinignan na akala mo kagandahan naman akong
may karapatang sumuri sa pisikal na anyo ng ibang tao. Magandang babae ang
naghahanap sa lalaking mahal ko. Hindi lang maganda kundi mukhang mayaman at
may pinag-aralan. Malambing ang bawat pagbitaw niya ng salita. Mukha nang
expensive, mukha pang mabait. Nagsimula akong magduda ngunit hindi ko naman
kailangang mag-isip ng ikakasira ng araw ko na hindi ko buong napapakinggan ang
kaniyang pakay kay Lando.
Pinapasok
ko siya.
“Anong
gusto mong inumin?” nakangiti kong tanong ngunit ang totoo niyan ako ang
biglang nauhaw. Ako iyong hindi mapakali na para bang gusto kong lunurin ang
sarili ko sa malamig na tubig nang tuluyang mawala ang kaba. Ano ka ba Terence.
Relax. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Diyos ko wala pa man
nangyayari parang pakiramdam ko kasi nabuntis na ako agad at manganak. Ganun
iyong nangyayari sa akin. Wala pang sex nanganak na agad. Masiyadong advance.
“Kape…sana?
Kung okey lang po?”
Pampanerbiyos
talaga ang hanap niya samantalang ako iyong sobrang ninenerbiyos na.
“Sandali
lang.”
Habang
nagtitimpla ako ng kape niya ay nakailang lagok din ako ng tubig. Pero naroon
parin ang kaba na sa katagalan ay nagiging takot. Paano kung narito siya para
tuluyang ilayo sa akin si Lando?
Nang
bumalik ako ay hindi ko alam kung paano magsimulang tanungin siya. Iyon bang
gusto kong magtanong ngunit natatakot naman akong masaktan sa maari niyang
isagot. Iyon bang gusto kong malaman ang totoo ngunit kinakabahan akong ang
isasagot niya ay tuluyang magpapaguho sa aking mga pangarap.
“Nasaan
nga po pala si Lando?” siya na ang nagsimula pagkatapos naming maghulian ng
paningin.
“Naghahanap
kasi siya ng trabaho. Pauwi na din siguro iyon. Kung hindi mo mamasamain puwede
bang malaman kung anong pakay mo sa kaniya?” Pakialamerang froglet lang? E,
bakit kung ayaw niyang sagutin e, di huwag.
“Gusto
ko lang ho sanang ipaalam sa kaniya na buntis ako. Bago ako umalis ako sa
probinsiya hindi ko pa alam na buntis ako sa kaniya… hanggang heto na nga, wala
naman akong ibang choice kundi ipaalam sa kaniya. Lolo niya mismo nagsabi kung
saan ko siya pupuntahan at kailangan ko daw siyang iuwi para pag-usapan ang kasal
namin.”
Ouch!
Walang kambyo te? Tuwiran mo talaga akong saksakin? Hindi ko na kayang magbiro
sa sarili ko. Lalong di ko na ginawa bang magbuo ng kasinungalingan para lang
makaramdam ako ng kahit katiting na kaginhawaan. Hindi niya alam na sa bawat
pagbitaw niya ng salita ay para niya akong nilalatigo. Bakit ba parang
napakasakit pakinggan ang katotohanan kahit na napaghandaan ko na ang bagay na
iyon. Bakit ba nagulat parin ako kahit na alam kong kaya narito siya ngayon
dahil tinutunton na niya ang ama ng kaniyang anak. Hindi ako makapagsalita.
Hindin din ako makatingin sa kaniya ng diretso. Gusto kong pagbigyan ang luha
ngunit anong karapatan kong iiyak iyon samantalang kung iisipin, mas may
karapatan siyang umiyak kaysa sa akin.
Sasagot
sana ako pero biglang parang may pumihit sa seradura. Alam kong darating na ang
kaniyang hinihintay. Alam kong sa kanilang paghaharap ay tuluyan na din niyang
ilayo ang lalaking minahal ko. Tumayo ako.
“Ah,
nandiyan na pala siya. Sige ha, bigyan ko kayo ng panahong makapag-usap.”
Garalgal kong tugon. Nangilid ang luha.
Bago
ako tumalikod ay nagawa kong pagmasdan ang reaksiyon ni Lando. Nagulat siya.
Para siyang nakakita ng multo. Ngunit wala akong karapatang magtanong. Wala din
akong lakas para makinig sa kanilang pag-uusap. Nang tumalikod ako at tinungo
ang kuwarto ko ay hinayaan kong bumuhos ang masaganang luha. Nanikip ang dibdib
ko na parang gusto kong sumigaw, magmura, magsisisi dahil hinayaan kong lamunin
ako ng kawalang katiyakang pagmamahal.
Pagkapasok
ko sa aking kuwarto ay maingat kong sinara ang pintuan. Nilagay ko ang unan sa
aking bunganga at dun ko isinigaw ang naipon doong sakit. Naibsan mang bahagya
ngunit hindi nito kayang pigilin ang pagluha. Hindi din nito kayang burahin ang
pagmamahal ko kay Lando.
Pagkaraan
ng halos isang oras ay hindi parin nauubos ang aking luha. Umiiyak ako sa hindi
ko alam kung bakit kailangan kong dibdibin ang ipinahiram lang sa aking ligaya.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong ariin ang alam ko namang hindi
akin.
Naramdaman
ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwarto. Nagkunyarian akong tulog. Maingat na
umupo sa kama. Di ko nagawang magparinig ng pekeng hilik. Nauna ang paghikbi.
“Umiiyak
ka?” mabait na tanong. Kasama ng tanong na iyon ay isang mabigat na paghinga.
Hindi
ako sumagot. Tingin mo, tumatawa ako? Tingin mo kailangan kong humalakhak.
Anong klaseng tanong yan. Sinabi ko lang yun sa aking sarili.
“Hindi
mo naman kailangang umiyak. Dapat nga masaya ka dahil may anak na ako.”
“Anong
plano ninyo?” tanong ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Hindi ko siya
tinitignan.
“Pinauuwi
ako ni Lolo. Kailangan daw panagutan ko ang aking ginawa.”
“Pakakasalan
mo siya?”
Hindi
siya sumagot. Humiga siya sa tabi ko. Pumikit. Sa kaniyang pagpikit ay nakita
ko ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.
“Mahal
mo siya? Tanong ko uli.
Nilagay
niya ang kaniyang kamay sa kaniyang noo.
“Importante
pa bang sabihin ko iyon? Hindi na ako malayang gawin ang mga gusto kong gawin.
Ikakasal kami, ang ibig sabihin no’n hindi ko na din puwedeng gawin ang mga
plano ko, ang mga pangarap ko. Hindi na ako magiging malaya sa lahat ng naisin
ko.”
“Puwede
ka namang tumanggi kung ayaw mo e.” nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin
iyon. Gusto kong isugal ang huling braha ko. Baka sakali lang na makinig siya.
Baka lang sakaling maging akin parin siya.
“Si
lolo na ang nagsabing kailangan ko ng lumagay sa tahimik. Siguro nga. Lalo na
ngayon at may anak na ako.” mahina niyang sagot.
Ayaw
ko ng dagdagan ang pagtatanong dahil alam kong parang pipiga lang ako ng
kalamansing ilalagay sa aking sugat. Alam kong batid niya kung bakit ako
lumuluha. Alam din niya kung bakit hindi ko siya sinusumbatan dahil wala pa
naman akong karapatan. Iyon lang naman ang dapat kong gawin. Umiyak. Namnamin
ang sakit. Piliting mabuhay ng wala siya. Hintayin ang panahong maghilom ang
sugat.
“Pasensiya
ka na.” dinantay niya ang kaniyang bisig sa aking katawan. Bahagya siyang
bumangon. Hinarap niya ako na noon ay nakatihaya lamang at nakatingin sa
kisame. Hindi ko siya tinitignan. Ayaw kong tapunan siya ng kahit sulyap lang.
Ngunit iniharap niya ang mukha ko sa kaniya. Nagtama ang aming mga paningin.
Hindi siya nagsalita ngunit nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
“Galit
ka ba sa akin? Sorry ha?” muli niyang tugon.
Galit?
Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Sa tulad kong chakka, langit na ding
maituturing ang mabigyan ako ng karanasang mayakap, mahalikan at makaniig ang
guwapong katulad niya. Sa tulad kong chakka, isa nang di matatawarang kayamanan
ng aking alaala ang kahit papano ay naugnay sa artistahing katulad niya. At
hindi niya kailangang humingi ng aking pasensiya dahil kahit saang anggulo ay
hindi siya ang nanakit kundi ako ang nanakit dahil binigyan ko ang sarili ko ng
dahilan para masaktan. Hinayaan kong mahulog ng tuluyan sa katulad niya.
Nangarap sa hindi naman dapat. Pinilit abutin ang hindi ko naman kayang abutin
at hindi nakuntentong pagmasdan ang bituing dapat ay tinatanaw lang ng katulad
kong nasa lupa.
“Wala
naman akong karapatang magalit. Wala ka din dapat ihingi sa aking ng
pasensiya.” Sagot ko.
Isang
mainit na halik ang tumapos iyon. Napawi ng sandali ang hapdi. Ngunit
pansamantala lang iyon.
“Paano,
sa pag-alis ko, magkakaroon na tayo ng sariling mga buhay. Hindi mo lang ba ako
pipigilan?”
“Pipigilan?
Bakit naman kita kailangang pigilan? Kaya mo ng magdesisyon para sa sarili mo.
Kung saan ka sa tingin mo matatahimik at magiging masaya, doon din ako.” Martir
lang ang drama ko pero iyon kasi ang alam kong tama. Di ko maibigay ang sayang
maibigay ng anak at asawa niya. Sa pagkakataong ganito, higit na dapat
pinakikinggan ang tamang desisyon ng utak kaysa sa kalabit ng puso.
“Sigurado
ka?” tanong niya.
Ayaw ko ng masaktan o palalain pa ang sakit
na aking nararamdaman. Sa pag-ibig, mabuting timbangin kung alin lang ang dapat
ipaglaban. May mga pag-ibig na di na kailangang ipaglaban dahil batid mong di
ka pa lumalaban ay alam mong talo ka na. Ganoon ang naramdaman ko. Maganda,
mukhang may pinag-aralan at mabait ang kalaban ko. Hindi lang iyon, babae ang
kalaban ko at may kasama pang sanggol. Ano naman ang panama ko doon.
“Hindi
ko sinasadya.” Maikli niyang pambabasag sa katahimikan.
“Sinasadyang
alin? Na buntisin siya? Saka wala kang pananagutan sa akin. Wala kang nilabag
na kasunduan natin para bigyan mo ako ng paliwanag. Dapat nga pasalamat pa din
ako kasi tinupad mo ang pangako mong babalikan mo ako.”
Hindi
siya sumagot. Kinuha niya ang aking mga kamay. Hinalikan niya iyon.
“Bakit
ba napakabuti mong tao. Dahil diyan sa ginagawa mo lalo mo akong pinapahanga.
Lalong parang hindi ko alam kung paano magsimula muli na tuluyan ka ng mawala.”
“Hindi
naman ako mawawala. Nandito lang ako. Ang kaibahan lang. Kailangan mo ng
magkaroon ng pamilya, ng sariling buhay. Kung magiging bahagi man ako sa buhay
mo muli, iyon ay ang pagiging matalik na kaibigan na lang.”
Bumuntong
hininga siya. Katahimikan na naman.
“Hindi
ka ba babangon diyan? Hindi mo ba haharapin ang bisita natin?”
Gusto
kong tumayo, gusto kong makipagkuwentuhan kay Glenda, ipaghanda ng makakain
ngunit ayaw kong maging isang dambuhalang orocan. Tama na yung tahimik kong
pagtanggap sa kaniya na wala siyang narinig na di maganda o kilos na hindi niya
magugustuhan. Sinagot ko siya ng iling at mapait na ngiti.
“Bakit?”
pangungulit niya.
“Hindi
ko pa kaya. Nasasaktan pa ako.”
“Akala
ko ba matatanggap mo ang lahat, bakit ka nasasaktan?”
“Hindi
lahat ng tanggap ay kasiyahan ang katapat. Tanggap ko dahil alam kong talo na
ako ngunit masakit parin sa akin. Iyon bang tanggap na ng utak ngunit hindi pa
nito.” Tinuro ko ung puso ko. Drama ang dating ngunit bakit ang hirap kong
sabihing mahal ko siya. Dahil ba sa kadahilanang wala naman magbabago kahit pa
paulit-ulit ko pang sabihing mahal na mahal ko siya?
“Pasensiya
na.” matipid niyang sagot. Niyakap ako.
“Hangad
ko ang kaligayahan mo, Lando. Magpapahinga na muna ako.”
Iyon
lang at nagtalukbong na ako. Masakit. Walang kasingsakit ngunit kailangan kong
bumalik sa basic. Walang expectation. Bumalik sa simpleng pag-iisip… hindi niya
ako magawang mahalin kaya kahit gaano kasakit, tuluyang kalimutan ang nabuong
pangarap.
Naramdaman
ko ang pagbangon niya at ang paglabas ng kuwarto. Tinanggal ko ang talukbong ko
at bumangon para tuluyang isara ang pintuan ng kuwarto. Tanaw ko sila sa sala.
Mahigpit na niyakap siya ni Glenda habang siya ay nakatingin sa kisame.
Nag-iisip. Sandali ko lang iyon nakita ngunit hindi na iyon natanggal sa aking
isipan. Bumaon iyon sa aking utak. Bumaon na hindi ko kayang bunutin.
Madaling
araw ng nakaramdam ako ng pagkauhaw. Bumaba ako at nakita kong tulug na tulog
sila sa sala. Nakayakap ang babae sa kaniya. Tanging boxer short na puti lang
ang suot niya. Walang pang itaas. Ang kamay ng babae ay nakadantay sa maumbok
an dibdib ni Lando. Noong nakaraang gabi ako ang nakayakap sa kaniya. Nakaunan
lang siya sa mga bisig ko. Nasasamyo ko ang kaniyang hininga. Abot ko ang
langit. Pwede ko lang yakapin siya ng buong higpit sa buong magdamag. Ngayon,
iba na. Hindi ko na siya puwedeng yakapin ng ganoon. Naiinggit ako sa babae.
Sana ako na lang siya. Sana ako na lang ang buntis.
Kinaumagahan
ay kinatok ako ni Glenda sa kuwarto ko.
“Pasensiya
ka na ha? Pinakialaman ko na ang kusina mo. Halika na mag-almusal na muna
tayo.” Magiliw niyang pag-aya. Nakita ko ang mga mata niyang halata kong busog
ng tulog samantalang ako, kahit man lang sana nakaidlip ako ng limang minuto.
Pagbaba
ko ay naroon na si Lando. Nakatingin sa akin. Walang kahit anong expression ang
mukha. Tinungo ko kaagad ang kusina. Nagtimpla ng kape.
“Kape
mo” bigay ko sa kaniya.
“Ayy,
natimplahan ko na siya.” sagot ni Glenda. Noon ko lang napansin ang umuusok na
kape malapit sa plato niya.
“Sorry.”
Natawa kong sagot. Mapait ang tawang iyon. “Akin na lang ito.” Wala na pala ako
karapatang magtimpla ng kape niya.
Napahiya
man ako ay nagawa ko paring ngumiti na parang walang bahid na pagkainsulto.
“Akin
na nga iyan. Kaya ko namang inumin ang dalawa e.”
“Ganun?”
nagtatakang sambit ni Glenda. “Parang mag-ano kayo ah…ano ba kayo? Kasi kahapon
ko pa napansin eh.”
Nagkatinginan
kami ni Lando. Hindi kami makasagot. Alam kong nakasalalay sa sagot namin ang
kanilang pag-iisang dibdib. Kailangan may sasagot sa aming dalawa. Biglang
naisip kong iyon na ang pagkakataon ko para makabawi. Hahayaan ko bang tuluyan
mawala si Lando sa akin ng ganun- ganun na lang? Hindi ko ba siya pwedeng
ipaglaban? Kapg ba babaeng buntis ang kalaban ng bakla ay itataas na agad nito
ang bandila ng pagsuko? Di ba pwedeng akin ang asawa, iyo ang anak? Nakita ko
sa mukha ni Glenda na naghihintay ng sagot. Kailangan namin siyang bigyan ng
sagot.
[10]
Nahiwagaan
din ako sa tanong. Sasabihin ko bang kami kung wala naman talagang napag-usapan
na kami. Kapag nagsex na, may mga lambingan at pagpapahalaga, ibig bang sabihin
no’n kami na kahit di ko man lang narinig sa kaniyang sinabi niya na mahal niya
din ako? Kahit pa sabihing mahal ko siya at kahit papano nababasa ko sa mga
kilos niya ang kahit papano ay may pagpapahalaga siya sa akin ay puwede nab a
ituring iyon na officially, akin na siya?
“Pati ba naman pagkakaibigan
namin ni Terence pag-iisipan mo ng iba? Ikaw talaga.”
Iyon ang narinig kong sagot ni
Lando. Ang sagot niyang iyon ang naghatid sa akin sa katotohanan. Oo nga naman.
Magkaibigan lang kami. Bukod sa mga nangyayari sa pagitan namin, wala ng
masasabing espesyal na turingan naming dalawa. At kung ako ang sumagot, kaya ko
kayang panindigan ang sasabihin ko? Yumuko ako. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
Bumalik ako sa tama lang na kinalalagayan ng kagaya ko.
“Pasensiya na kayo ha. May
naramdaman lang kasi akong kakaiba. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong may
masasaktang ibang tao sa mga padalos-dalos na desisyon ko. Gusto ko, kung
magdecide ako at papasok sa isang bagay, iniintindi ko din ang damdamin ng
nakakarami dahil doon talaga nakasalalay ang tunay na ligaya. Kung madami ang
kumokontra, ibig talagang sabihin ay may mali at iyon ang kailangang
pag-isipan. Hindi dahil buntis ako ay gagamitin ko ito para makuha ang taong
gusto ko. Nandito ako hindi para humingi ng kasal kundi nandito ako para
malaman ng ama ng anak ko na may magiging pananagutan siya sa akin. Bonus na
lang sa akin ang kasal.” nakangiting paglalahad ni Glenda.
“Wala kang dapat ipag-alala.
Matagal na kaming magkaibigan ni Lando. Medyo nabigla lang kasi ako, saka
siguro naman maintindihan mo yung pakiramdam na kung ikakasal kayo ay may mga
bagay na mababago.” nagawa kong sabihin.
“Huwag kang mag-alala,
mamahalin, aalagaan at iintindihin ko ang bestfriend mo.”
“Salamat naman. Marami na
kasing pinagdaanan ang kaibigan kong ‘yan at gusto kong magiging masaya siya.
Kailan niyo balak magpakasal?”
“Isa o dalawang buwan mula
ngayon. Sa susunod na buwan kasi darating ang mga magulang ko mula America.”
“Di ba malaki na ang tiyan mo
niyan?”
“Okey lang iyon. Pagawa na lang
kami ng trahe de boda na puwede sa buntis. Di naman sa akin importanteng seksi
at maganda ako sa kasal ko. Importante pa ding mabigyan ng isang pamilya ang
anak namin.”
Hindi na muli ako nagtanong.
Kahit pa kasi anong gawin kong pag-intindi sa sitwasyon naming ay talagang
masakit parin sa akin. Naiintindihan ko naman e, hindi ko lang kasi matanggap.
Gusto kong tanggapin ngunit hindi ko lang siguro kayang biglain. Mahal ko si
Lando. Parang napakahirap sa aking basta na lang siyang hayaang mapunta sa iba
ng wala akong ginagawang kahit anong paraan. Ngunit ano nga ba ang puwede kong
gawin? Kahit saang anggulo ay talo ako. Kahit anong laban ang gawin ko ay alam
kong kailangan kong isuko ng di na kailangang simulan. Ganoon pala kahirap
kapag gusto ng damdamin mo, sobrang mahal mo ang isang tao ngunit hindi talaga
puwede. Para kang nakakulong sa isang salamin na nakikita mo siyang hubu’t
hubad at nakahiga sa kama ngunit hanggang tingin ka lang dahil hindi mo siya
kayang abutin.
Bago sila umalis sa umagang
iyon ay nilapitan ako ni Lando sa kuwarto. Nakaupo ako sa may gilid ng kama.
Umiiyak ako. Hindi na naubos ang luha. Hindi na nagsawa ang aking mga mata sa
pag-iyak.
“Pa’no, aalis na kami. Umayos
ka naman. Lalo mong pinabibigat ang kalooban ko. Alam ko, nakakaramdam na si
Glenda ngunit ayaw lang niyang sabihin ng diretsuhan.” Hinawakan niya ang kamay
ko.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko.
“Aling ginagawa?”
“Yung mga paghawak-hawak mo sa
akin ng ganiyan. Mamaya Makita niya tayo.” Binawi ko ang kamay kong marahan
niyang pinipisil-pisil.
Bumuntong hininga lang siya.
Tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.
“Sabihin mo sa akin kung paano
ko matatanggap ang lahat. Sabihin mo sa akin kung paano ako babalik sa dating
ako.” Pambabasag ko sa katahimikan.
“Anong hindi mo matanggap? Ang
mahirap sa iyo, mula noon ay hindi ka nagpapakatotoo. Ang mahirap sa iyo,
sinasarili mo ang nararamdaman mo. Tinanong kita kung okey lang sa iyo, ang
sabi mo sigurado ka na. Saka linawin mo kasi kung bakit ka nagkakaganyan?”
“Kailangan ko pa bang sabihin iyon?”
“Bakit, sa tingin mo ba,
kailangan lang akong maniwala sa nakikita ko na wala naman akong naririnig.
Kailangan lang bang laging maniwala sa ipinaparamdam na wala naman sinasabi?
Kung sa tingin mo sapat na sa akin na ipinaparamdam mo ang lahat, kahit naman
papaano magiging buo lang iyon kung sabihin mo din ang laman niyan!” nagiging
emosyonal na siya. Mabigat na kasi ang pagturo niya sa dibdib ko.
“Sasabihin ko sa iyo? Para ano
pa? Alam kong talo na ako. Bakit kailangan ko pang ilaban kung alam ko namang
hindi na puwede pa o sabihin na nating kahit kailan ay hindi talaga magiging
puwede.”
“Ewan ko sa’yo. Kung magsalita
ka, lagi mong ibinababa ang sarili mo. Hindi ka sumusubok. Matalino ka, matibay
ka ngunit pagdating sa pag-ibig ayaw mong sumugal. Ayaw mong pumusta kaya lagi
kang talo.”
“Lando, pangit ako. Isa pa
lalaki ako.”
“Pangit ka? Bakit Terence ganun
ba kakitid sa tingin mo ang lahat ng tao? Sa tingin mo ba, lahat ng tao
tumitingin sa panlabas na anyo? Sa tingin mo ba, nasusukat ng kagandahan o
kaguwapuhan ang pagmamahal? Kung may nagmahal sa iyo dahil ganyan ka, masuwerte
ka dahil alam mong tunay na pagmamahal iyon. Alam mong hindi iyon mabilis
kumupas tulad ng pagkupas ng kagandahan o kaguwapuhan sa pagdaan ng taon.
Ngayon, kung ang laging pumipigil sa iyo na ihayag at ipaglaban ang
nararamdaman mo dahil lagi mong binibigyan ng mataas na bakod ang puso mo,
dahil sa tingin mo walang magkakainteres sa iyo dahil sa hitsura mo, siguro nga
tama lang na iwan ka ng lahat dahil ikaw mismo hindi mo kayang tanggapin ang
kulang sa iyo.” Tumalikod siya. Palabas na siya ng pintuan. Bigla akong
natauhan. Bago niya mabuksan ang pintuan ay nagawa kong hawakan ang kamay niya.
“Lando.”
Nang lumingon siya ay bigla
niya ko siyang niyakap. Hinalikan sa labi. Matagal iyon. Nakapikit siya at basa
ang kaniyang pisngi.
“Mahal na mahal kita.” Iyon ang
nasabi ko sa kaniya.
“Ngunit bakit hindi mo
sinubukang ipaglaban ako?”
“Dahil alam kong ito ang dapat
para sa iyo. Alam kong ito ang kailangan mong gawin.”
“Gaano mo ba ako kakilala?
Paano mo nasisigurong magiging masaya ako?”
“Dahil alam kong magiging
mabuting asawa si Glenda sa iyo. Saka alam kong magiging masaya ka kapag
magkaroon ka ng pamilya.”
“Nang nasira ang buhay ko dahil
hindi ako nakinig sa iyo at lalo na nang ginawa mo lahat para muli kong
mapabuti ang buhay ko, ipinangako ko sa aking sarili na makikinig ako at
susunod sa lahat ng sasabihin mo. Bumalik ako sa iyo dahil alam kong magiging
mabuti akong tao sa iyo. Binalikan kita dito hindi dahil gusto kong magtrabaho
kundi dahil gusto kong makasama ka. Ngayong ikaw na muli ang nagsabing
kailangan kong pakasalan si Glenda kahit medyo labag sa loob ko ay gagawin ko
dahil sa iyon ang gusto mo.”
“Hindi ko kagustuhan. Iyon ang tamang gawin
Lando. May mga bagay na masakit ngunit iyon ang dapat at ito, itong atin ang
mali kung ikukumpara ang sa inyo ni Glenda. Masakit sa akin ito. Hindi madali
sa aking tuluyan kang mawala ngunit nandiyan na e. Nangyari na. May isa pang
buhay na magiging kasangkot. Hindi ko kayang agawan ipagkait sa munting buhay
ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang ama sa pamilya. Ayaw kong maging
makasarili. Alam kong kahit papaano ay ginusto mo din ito. Hindi makabubuo ng
anak si Glenda kung wala kayong ginawa na kagustuhan ninyong dalawa.”
Tumingin siya sa akin. Matagal
bago nagsalita.
“Kung magsalita ka parang alam
mo lahat ang nangyari. kung magbitiw ka ng salita parang nandoon ka nang
mangyari ang lahat. Sa tingin ko, nakapagdesisyon ka na. Subukan kong gawin ang
gusto mo. Sa pagkakataong ito, makikinig ako sa iyo at tignan ko kung hanggang
kailan ko kakayanin ang lahat.”
Napayuko ako. Parang binigyan
niya ako ng dahilan upang ipaglaban siya. Ngunit paano? Sa anong dahilan? Kaya
ko bang higitan o kahit man lang sana pantayan ang kayang ibigay ni Glenda sa
kaniya? Paano si Glenda? Paano ang pinagbubuntis niya? Ano ang sasabihin ng
pamilya nilang dalawa kung itutuloy ko ito?
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?”
muli niyang tanong. Nag-aanyaya ito. Parang isang tuksong anghirap kong hindi
sunggaban.
Masakit sa akin na sagutin siya
ng “Oo” na nakikita ko siya kaya tumalikod ako at naglakad papunta sa kama.
“Sigurado na ako.” kasabay
niyon ng mabilis na pagdaloy ng aking luha.
Nakiramdam ako. Matagal siyang
hindi kumilos. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ngunit hindi siya gumagalaw
para lumabas. Lumingon ako. Nakatingin siya sa akin. Lalabas na sana siya
ngunit parang di ko kayanin. Muli akong bumalik sa pintuan at ganoon din siya.
Muli niyang sinara ang pintuan at mabilis ang kilos naming dalawa kaya muli
kaming nagyakap ng mahigpit na mahigpit.
“Mahal kita Terence.”
Lumaki ang mga mata ko sa
narinig ko. Nanginig ako.
“Anong sinabi mo?”
“Mahal kita..no’n pa…kaya lang
parang takot kang sabihin sa akin. Takot kang maging tayo. Nakapagdesisyon ka
na. Siguro nga sadyang hindi tayo.”
“Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Bakit ko naman sasabihin kung
hindi ka nagtatanong? Pinaramdam ko na sa ‘yun. Kung ikaw nga mismo
nahihirapang ihayag sa akin an nararamdaman mo, pano pa ako?”
Pumikit ako. Gusto kong makapag-isip ngunit
kailangan kong mag-stick sa kung ano ang dapat. “Hinihintay ka na niya. Susunod
ako sa labas. Aayusin ko lang ang hitsura ko. Salamat sa pagmamahal. Masaya na
ako do’n. Alam ko kasing huli na, may umaasa na, may naghihintay na sa iyo.
Kakayanin ko ito.”
“Lagi kang mag-iingat ha?
Tandaan mo lang na mahal kita. Pilitin kong gawin ang gusto mong gawin ko. Alam
kong nagdesisyon ka na pakasalan si Glenda dahil alam mong ito ang nakabubuti
sa lahat.”
Paglabas nila ng pintuan ng
condo ko ay doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Naging duwag ako.
Masyado akong natakot dahil sa hitsura ko. Kaya ang unang gabi ay walang
kasing-lungkot. Di ako makakain, di ako makaligo, nakahiga lang ako, umiiyak.
Tinatamad akong pumunta ng banyo, basta don lang ako sa kama. Nag-iisip.
Namimiss ko siya. Nilalamon ng kadiliman. Ang tanging bumabasag sa katahimikan
ang ay mga hikbi ko. Para akong tanga.
Ngunit sa tulad kong binigyan
na ng pag-asa o kaya ay naroon na ako sa pedestal para ipaglaban at gahibla na
lang para makamit ang premyo ay nag-isip ako ng sign. Kung babalikan niya ako,
kung tatawag siya sa akin pagkaraan ng tatlong araw, iyon ang magiging hudyat
na ipaglalaban ko siya. Ngunit kung hindi ay kailangan kong ayusin ang aking
buhay. Kahit mahirap, kahit walang kasinsakit.
Ganoon
pala iyon. Alam mong wala na siya ngunit may katiting paring pag-asa. Iyong
pag-asang babalikan niya ako. Pag-asang kung mahal niya ako ay babalikan niya
ako. Sa mga pag-asang iyon, hindi natin alam na iyon ang mitsa para lalo lang
tayong masaktan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi tayo tuluyang makalimot.
Binibigyan natin ng pag-asa ang sarili nating muli siyang babalik dahilan para
tuluyan tayong makulong sa paghihintay. Pagkaraan ng isang Linggong wala siyang
tawag na parang dumaan iyon na hindi ako buhay. Isang linggo na palang ni hindi
ako naglinis ng condo. Nagkalat sa lahat ngs ulok ng kuwarto ko ang mga
pinagkainan ko. Nasa mga bote ang mga ihi ko. Pagpunta ko ng kusina ay kalat
ang mga pinaglutuan ko. Parang binagyo. Hindi na siya babalik. Tuluyan na
siyang lumimot at walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko. Kailangan
ko na din muling mabuhay. Mahirap. Hindi ko alam kung kakayanin ko pero dapat
kong simulan.
Naligo
ako. Nilinis ko ang kuwarto ko. At kinabukasan no’n ay lumabas ako.
Nagshopping. Nanood ng sine. Nagpagupit. Nagpamasahe. Minahal ko ang sarili ko.
Ibinigay ko ang hilig ng katawan. Nakatulong sa akin na makakita ng ibang mga
tao. Natutuwa akong napapansin ko na ang mga ibang lalaki sa paligid. Hindi
nag-iisa si Lando sa mundo. Maraming iba pa na siguro mamahalin ako. Hindi ko
kailangang magpakulong sa gusto ng damdamin. Malaya ako. Madami pa akong
puwedeng gawin. Hindi ko na hinintay ang two weeks na bakasyong hiningi ko sa
amo ko.
Kinabukasan
ay pumasok ako. Tinapos ang lahat ng Gawain. Sa tuwing nagsisimulang pumasok si
Lando sa utak ko ay mabilis kong ibinabaling sa iba. Sabi ko ng paulit-ulit sa
aking sarili, wala ng silbing isipin pa siya. Wala ng kahalagahan ang
pagmamahal ko sa kaniya. Kailangan kong mabuhay para sa aking sarili.
Pagkatapos ko lahat ng mga pending sa trabaho ko ay naisip kong mangibang
bansa. Magreresign ako sa trabaho ko. Makikipagsapalaran ako. Malayo sa
Pilipinas. Matakasan ang mga alaala.
Tinawagan ko ang kaibigan ko sa
Dubai. Mag-aabroad ako. iwan ko ang Pilipinas sa kadahilanang kailangan kong
makalimot. Siguro kung lalayo ako, ibang mundo, ibang mga makakasalamuha,
siguradong sa pagdaan ng panahon ay makakalimot din ako ng tuluyan. Pagakatapos akong sabihan ng kaibigan ko at
kaklase sa college na madali lang ang pagprocess ng business visa at mabilis
din lang ako makahanap doon ng good paying job ay nagresign na ako. Pagkaraan
ng isang buwan na processing at pagturn-over ko sa trabaho ko sa papalit sa
akin, handa na ako.
Umuwi
muna ako sa bahay para magpaalam kina mama. Masiyado nilang kinagulat ang
mabilis kong pag-alis na hindi man lang daw muna kinukunsulta. Alam ko namang
hindi ako papayagan. Matatag ang pamumuhay namin. Kung tutuusin nga kahit sa
bahay lang ako buong buhay ko ay kaya nila akong suportahan. Ngunit buhay ko
ito. Gagawin ko ang lahat ng maibigan ko. At doon ako masuwerte. Walang hindi
kayang tanggapin ng pamilya ko basta alam nilang masaya ako.
“Anong
dahilan ng iyong pag-alis. May tinatakasana ka ba dito anak?”
“Wala
po, ma. Gusto ko lang ng bagong karanasan.”
“May
kinalaman ba ito sa pagpapakasal ni Lando?”
“Ma
naman, huwag na nating pag-usapan yan.”
“Alam
ko anak, mahal mo ang kaibigan mo. Ngunit lumagay na sa tahimik ang kaibigan
mo.” Kaya nga Ma. Huwag na nating pag-usapan pa iyon.”
“Sige.
Sabi mo e.”
Nagmotor
din ako padaan sa dating bahay nina Lando ngunit mula nang namatay ang kaniyang
mga magulang wala na sa pamilya nila ang nagagawi doon. Siguro ayaw na nila
maalala pa ang mga mapapait na nakaraan. Malayo-layo din ang lugar nila sa amin
kung pupuntahan ko pa ang probinsiya ng lolo niya. Isa pa, bakit pa?
Kinalimutan na din naman niya ako. Saka kahit papaano nakayanan ko ng mabuhay
ng ilang Linggo nang wala siya, kinaya ko ng isang buwan at kakayanin ko din ng
ilang taon hanggang tuluyang burahin ng panahon ang alaala niya’t pagmamahal ko
sa kaniya. Umaasa akong mangyayari iyon.
Nagsimula
na akong maglagay ng damit ko sa maleta. Naroon parin ang hapdi. Sobrang sakit
parin lalo pa’t hindi na niya ako naalalang kamustahin man lang. Buo na ang
loob kong lumimot. Sana magiging tama ang desisyon kong lumayo.
At sa pagpunta ko ng Dubai,
maraming binago ang buhay ko, binago niya pati ng hitsura ko.
No comments:
Post a Comment