By:
Joemar Ancheta
Blog:
joemarancheta.blogspot.com
[11]
Pagbalik
ko ng Manila ay sunod ko namang pinarenta sa iba ang condo ko. Hindi sa gusto
kong pagkakitahan ito kundi gusto kong kahit papaano ay may maglilinis o may
mag-aalaga habang wala ako. Si Mama ang inatasan kong maningil buwan-buwan.
Alam kong di naman nangangailangan si Mama pero sinabi niyang ihuhulog na lang
niya sa bank account ko para magiging savings ko na lamang din. Mahirap para sa
akin na lisanin ang bahay na siyang nagiging piping saksi sa ilang araw na
kaligayahang hatid ng naudlot na pagmamahalan namin ni Lando. Nang piƱata ko
ang ilaw ay alam kong babalot na muna doon ang kadiliman. Nang isara ko ang
pintuan ay hudyat na din iyon na isasara ko na ang puso at isipan ko para kay Lando.
Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kalian. Ang di ko lang sigurado ay kung
makakayanan ko bang gawin iyon sa habampanahon.
Nang paalis ako sa NAIA ay
parang bigla akong tinamaan ng takot. Parang noon ko naisip na bakit ako
tatakas na alam ko namang kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko parin siya sa
puso ko, kung bakit ako iiwas gayong alam ko namang wala na akong iiwasan pa
dahil nagpatali na siya sa iba? Kung kailan ako paalis ay saka sumagi sa isip
ko… ano kaya kung ipinaglaban ko si Lando? Ano kaya kung noon pa man ay
nagiging totoo na ako sa kaniya at hindi ako naduwag dahil lang sa aking
kapangitan. Ano kaya kung mas pinanindigan ko ang pagmamahal ko sa kaniya dahil
inamin naman niyang mahal niya ako? Ngunit tapos na… sinimulan ko ng buuin ang
buhay ko. Siguro tama lang naman na kailangan ko ding subukang tumingin sa
paligid ko na hindi ko siya nakikita. Buong buhay ko kasi siya na lamang ang
minahal ko. Buong buhay ko siya ang naging sentro kaya nang mapunta siya sa iba
ay parang wala ng naiwan sa akin. Ngunit matibay ako. Hindi ako ginagapi ng
usaping puso kahit alam kong muntikan na niya akong tuluyang tinalo.
Si Jasper, ang kaibigan kong
katulad ko noong college kami ay pangit ngunit matalino. Padamihan kami noon ng
taghiyawat. Palakihan ng bilbil at patabaan ng mukha. Lantad siyang bading, ako
naman ay patago ngunit siyempre naman ay amoy na amoy niya ako. Kung may tao na
nakakaalam sa sobrang pagmamahal ko kay Lando, siya iyon. Kung may kaibigan
akong nakaalam kung paano ako nasaktan nang pinili ni Lando ang sumama kay Ram
ay si Jasper iyon. Siya ang laging kasangga ko sa tuwing nasasaktan ako. Siya
ang laging takbuhan ko noon hanggang nang magtapos kami ng college ay kinuha na
siya ng kaniyang mga magulang na nagtratrabaho sa Dubai. At heto nga, susunod
ako sa kaniya sa kadahilanang muli na naman akong sinaktan ni Lando. Ngayon,
iba na, hindi na ako muli pang aasa, hindi na ako muli pang maghihintay.
Tuluyan ko ng baguhin ang kuwento ng aking buhay.
Nang paglabas ko sa Dubai Airport ay
hinanap ko kung nasaan si Jasper. May lalaking-lalaki ang ayos na palapit sa
akin. Nakasando ng itim kaya lumitaw ang kaputian nito na binagayan niya ng
skinny jeans at converse shoes. Parang kilala niya ako dahil panay ang kaway
niya. Nang tinawag niya ang pangalan ko ay alam kong si Jasper nga iyon dahil
sa kaniyang boses.
“Uyy gurl! Ano na! Kumusta ka!
Mukhang pinanindigan mo ang pagpapataba hayop ka!”
“Jasper! Ikaw na ba ‘yan. Anong
ginawa mo at bigla yatang naging tao ka mula sa pagiging pangit.” biro ko
ngunit totoo.
“Gaga,
anong tingin mo sa akin noon, hindi tao. E ano ka ngayon gurl kung hindi na tao
ang chaka.” Humagalpak ng tawa.
“Hiyang-hiya
naman ako sa iyo gurl. Gumanda lang e.”
“E,
di mahiya ka. Dapat lang naman na mahiya ka no. Tignan mo ako.” Umikot-ikot pa
siya habang ako naman ay di makapaniwalang nakatingin sa kabuuan niya.
Nagulat
ako sa laking pagbabago niya. Matipuno ang pangangatawan. Ang galing niyang
magdala ng damit, maputi, makinis ang mukha kahit medyo pansin parin ang mga
naging alaga niya dati sa pisngi. Bumagay ang medyo pinatangos niyang ilong at
sa kabuuan, sasabihin mong isa siyang beast na nagiging isang guwapong
prinsipe.
“Gurl, maganda ako?”
pangungulit niya.
“Oo na. Kaya nga di kita
nakilala e.”
“Ito
ang uso ngayon gurl. Kung may pera, kailangan mong magpaganda. Kung gusto mong
makabingwit ng lalaki sa porma ngunit pusong badesh, dapat ikaw, umaktong
lalaki din. Siya, doon muna tayo sa bahay. Akin na iyang ibang mga abubot mo.
Sa wakas may kasama na ako ditong kafatid na rarampa at magbayad ng bahay.
Mahal kasi ang upa dito kaya ngayon at least, may kasama na akong magbayad.
Ayaw ko kasi kasama sina mama sa bahay. Masiyadong napapakialaman ang buhay ko.
Tara na at nang makapagkuwentuhan tayo.”
Maganda din ang tinutuluyan
niya, dalawa ang kuwarto, akin yung isa. Nagpahinga muna ako at kinabukasan ay
naghanap na agad kami ng trabaho. Ilang araw pa, medyo dumagsa ang offers pero
namili ako ng mataas ang sahod at matibay na kumpanya. Nang natransfer ang
business visa ko sa working visa, naging kampante na din ang loob ko.
“Ngayon at may trabaho ka na,
simulan na nating baguhin ang hitsura mo.” simula ni Jasper.
“May ibabago pa ba ito?”
nagdadalawang isip ako. Para kasing ipinanganak na akong ganito at naging
kuntento na ako sa ganito.
“Naku! Ganyan na ganyan ako
noon. Kasalanan ang maging pangit gurl kung may pera ka namang pampaganda.”
“Sabagay.” Napapangiti ako sa
idea nay un. Bakit kaya hindi pumasok sa isip ko noon ang mahalin ang sarili ko
at gumamit ng agham para lalabas ang nakatagong ganda ko?
“Madali lang ‘yan. Medyo mahirap
lang yung magpaganda ng katawan.”
“May igaganda pa ba ang
katawang ito. Ganito na ito mula nung bata pa ako e.”
“Bakit ako? Tignan mo ako.
Sinong mag-aakalang Ugly Duckling ako dati? Kung nakaya ko, kaya mo. Wala ka
namang pagkakagastusan di ba? So ibuhos mo sa pagpapaganda at kapag magkita
kayo ni Lando, kahit na lalaki pa siya, siguradong maglalaway siya sa iyo.”
“Sige, subukan ko. Gagawin ko
ito hindi dahil kay Lando kundi dahil gusto kong itaas tingin ko sa sarili ko.
Saka mag-aasawa na siya. Narito ako para lumimot. Tulungan mo ako. Malay mo,
dito ako makakahanap ng para sa akin.”
“Naku, kapag ikaw ay gumanda,
siguraduhin ko sa iyo, madaming aali-aligid diyan pero dapat marunong kang sumabay.
Dapat din ay marunong kang kumilatis. Madaming mga kababayan natin ang
manloloko. Madami iyong gagamitin ka para magkapera. Kunyari mahal na mahal ka
niya, pagbibigyan ka hanggang kapag kumagat ka na ay lalabas ang walang
kamatayang mga kadramahan sa buhay. Bihira na dito ngayon yung matino. Ako,
nakailang iyak na ako sa lalaki kaya nakikipaglaro na muna ako. Yung puntirya
ko ay mga bagong salta. Kasi ang mga iyan, wala pang gaanong koneksiyon dito,
madami yung nalulungkot kaya painumin lang ng alak bibigay na. Kapag natikman
at sa tingin mo ay hindi puwedeng i-career, bukas makalawa iwasan mo na kasi
karamihan, kapag nagpatikim ang straight na iyan, bukas makalawa hihingi na
iyan ng kung anu-ano sa iyong gadget. Kung hindi man ay magdradrama na iyan.
Kaya gamitin mo ang utak mo. Sinasabi ko ito dahil likas kang mabait. Baka
mamaya, puso mo ang gamitin mo. Akala mo mahal ka niya, iyon pala mahal lang
niya ang laman ng pitaka mo. Kung sila magaling magpaikot, dapat huwag kang
patalo.”
“Sama naman no’n. Titikman mo
lang tapos iiwas ka na.”
“E kaysa ikaw yung gagamitin at
simutin ang pera mo na hindi mo namamalayan dahil super-inlove ka na.”
“Bakit ka ba kasi titikim sa
alam mo namang hindi ka seseryosohin. Bakit kailangang makipagsex sa alam mong
di ka naman mamahalin.”
“Sus nagsalita, e, bakit ikaw
kay Lando?”
“Baklang to. Iba naman yun no!
Magkaibigan kami tapos nahulog ang loob ko sa kaniya. Nagsex kami pero hindi ko
pinangarap na mahalin niya ako. Nagmahal ako ng di ko hininging mahalin niya
ako. Gumawa ako ng kabutihan at hindi ako humingi o kahit naghintay ng kapalit.
Ano ba iyan, magkaliwanagan nga tayo, puwede ba huwag na natin siyang
pag-usapan. Gusto ko ng magmove on. Baklang ‘to. Hindi matinong kausap.”
“O, sige. Mula ngayon hindi mo
na maririnig pang babanggitin ko siya. Basta magpaganda ka nang di naman isipin
ng iba diyan na yaya kita. Kasi di na tayo bagay magkasamang rumampa sa Mall
gurl. Mukha kang atsay. Mukha kang nanay na dose ang anak.”
“Makapanlait naman neto wagas”
“At least may karapatan. Chaka
namang ikaw ang manlait pa sa akin di ba?”
“E, anong una kong gagawin?”
“Una, sasama ka sa akin sa gym. Kailangan
magpatone. Hindi mo naman kailangang magkamasel-masel. Okey na iyong masunog
ang taba mo at magiging slim. Basta kunin muna natin ang calories na kailangan
ng katawan mo araw-araw. Kumain ka ng mas mababa dun sa calories daily intake
mo at more on cardio tayo. Jogging sa umaga, gym sa hapon. Tapos, bantayan ko
ang diet natin. Bawal ang softdrinks at dapat iinom tayo ng green tea in evey
meal pero no sugar.”
“Kakayanin ko ba iyon?”
“Kayanin mo iyon kung determinado kang
gumanda. Sa tatlong buwan mapapansin mo may pagbabago na ang timbang mo at
hanggang isang taon, sigurado magiging slim ka na. Habang nagpapaslim ka,
papainject naman tayo ng Glutathione nang unti-unti namang pumuti yang ulikbang
balat mo. Tapos samahan mo na din ako sa
dermatologist ko para matigil ang pagtubo ng salot na pimples na iyan sa mukha
mo. Kapag wala ng tutubo, saka naman pagtuunan ng pansin ang mga bakas nitong
peklat. Kung hindi man maibalik sa dati, sigurado namang kikinis iyan. Sandali
ha…” Tinignan niya ang mukha ko. Titig na titig siya.
“Bakla kung makatingin ka
parang kursunada mo ako.”
“Ayy baklang to, hindi na
nandiring sabihin ‘yan. Tinignan ko lang ang pango na ilong mo. Maganda nga pala ang mga mata mo saka lips
gurl. Iyon nga lang dahil sa katabaan mo, saka maduming mukha, pango na ilong
at hindi bagay na gupit kaya ka nagmumukhang ugly duckling. Natakot naman ako.”
“Natakot ka sa ano, bakla!”
“Natakot ako na baka mas maganda
ang magiging kalalabasan mo kapag tao ka na. Baka wala ng papansin sa akin
kapag gumanda ka!”
“Echosera
ka. E, ikaw ang reyna na. Alangan namang tatalunin pa kita.”
“Promise?”
“Oo
noh, sige na, tara na, gym na tayo. Dapat wala tayong sasayangin n panahon
dahil kahit papaano gusto ko din gumanda. Gusto kong luhuran din ako ng tala.”
“Gurl
hindi lang tala ang luluhod sa iyo, Luluhuran ka ng mga nota!”
“Sagwa
mo!”
“Ayy
nagmalinis ang Tide!”
Hindi
nga naging madali ang lahat. Bukod sa mabigat sa bulsa, napakahirap pang
magmaintain. Sa pagkain ako hirap na hirap. Nasanay kasi akong kumain ng gusto
ko. Pero sa tuwing napapansin ng ibang tao ang mabilis na pagbulusok ng timbang
ko ay naeenganyo akong ituloy. Hanggang sa halos lahat ng damit at pants ko ay
tuluyan ng napakaluwang sa akin. Napansin ko din ang pagbago ng aking kulay.
Pumuputi na ako. Hanggang sa napakalambot na rin ang aking pisngi.
“Anim
na buwan ka na dito ano ‘te?” isang umaga habang nag aalmusal kami ni Jasper.
“Oo,
bakit?” nagtataka kong tanong.
“Puwede
ka na kumuha ng leave mo kahit 15 days lang sa amo mo.”
“Pwede na ba? Saka bakit? Anong
gagawin ko sa 15 days na bakasyon?”
“Gaga,
pupunta tayo ng Thailand. Doon ako nagpagawa ng ilong ko kaya Go na tayo dun.
Kailangan kasi yan ng healing period kaya sana bigyan ka ng bakasyon. Saka ang
alam ko sa company ninyo after 6 months pwede mo n kunin ang 15 days na
bakasyon mo.”
“Sa
Thailand pa talaga? Hindi ba puwede dito na lang?”
“Hindi
ako kumbinsido sa Rhinoplasty nila dito sa Dubai. Kung magpaganda ka huwag ka
sa hindi sigurado. Kahit mahal basta hindi maitataya ang quality ng pagkagawa
kasi bahagi ng mukha mo ang babaguhin.”
Nag-isip
ako. Tama si Jasper. Kaya minabuti naming magbakasyon muna sa Thailand at doon
ko pinabawas-dagdag ang tubo ng aking ilong. Bago nila iyon ginawa ay ipinakita
muna sa akin kung ano ang magiging resulta. Pati ako mismo ay hindi
makapaniwala sa nakikita kong ako sa monitor noon. Excited na ako noong matapos
ang operasyon at makita sa salamin ang bagong ako.
Nang
matapos ang operasyon sa aking ilong ay nakita ko kung paano niya ito binago
ang kabuuan ng mukha ko. Ilang buwan din na hindi ako nakapg gym at hanggang
walking lang ako at diet hanggang sa tuluyan ng gumaling ang operasyon ko sa
ilong. Basta ang alam ko, hindi na ako ang dating si Terence.
Malayong-malayo. Guwapong-guwapo. Ayaw
kong gamitin ang salitang maganda. Bawas pogi points kasi sa akin sa
pamimingwit daw ng lalaki. Kung gusto mo daw na magustuhan ka ng ibang guwapong
paminta, dapat kumilos lalaki ka. Malaking turn-off daw kasi sa paminta ang
kilos bading at mukhang bading.
Si
Lando? Kahit pala anong gawin ko ay mananatili siya sa puso ko. Nakatatak na
siya sa nakaraan ko. Ngunit mas malakas na ako ngayon. Ginamit ko ang utak ko.
Ginamit ko ang katatagan ko. Ngunit may pilat doong kapag nakikita ko ay
bumabalik ang alaala. Naroon at nakahimlay ang pagmamahal.
Nang
isang araw na pumasok ako sa gym ay may lalaking guwapong Pilipino na
nakatingin sa akin. Parang noon ko lang kasi naranasang titigan ng guwapo.
Hindi ako sanay kaya mabilis kong iniiwas ang aking paningin. Si JC.
Sa
tulong ni JC, ang misteryosong lalaki sa gym, ang alam kong makakatulong sa
aking paglimot. Ngunit anong buhay mayroon ako sa piling niya? Anong epekto sa buhay ko ang pagiging
maganda? O siya, sige na, sabihin na
nating guwapo…dahil kahit kailan naman ay hindi naman ako umaktong bakla. Anong
mga pagbabago ang hatid ng tuluyan kong pagbibihis sa panlabas kong anyo?
[12]
Dahil
sa kagustuhan kong mapaganda ang katawan ko at mukha ay sa halos isang taon ko
sa Dubai ay wala akong naitabing ipon. Kung hanapin mo kung nasaan ang pera ko,
makikita iyon sa ipinagbago ng mukha ko, ng katawan at porma ko. Hindi na ako
iyong dating si Terence na maitim, pango ang ilong, puno ng taghiyawat ang
mukha at balyena. Dahil sa katabaan ko dati ay hindi din ako puwedeng magsuot
ng kahit anong pamporma. Ngunit napansin ko ang malaking pagbabago nang nakita
kong nagiging maputi na ako, kuminis na ang pisngi ko at tumangos na din ang
ilong ko. Salamat sa agham, pera at ibayong sakrpisyo, naging isang guwapo na
din akong nilalang.
Kung dati kapag pumapasok ako
sa isang Department Store, hirap akong maghanap ng damit na babagay sa kulay ko
at sa katabaan ko, ngayon, madali na lang akong pumili at halos lahat ay sukat
na sa akin. Hanggang naging adik na ako sa kabibili ng kung anu-ano kahit hindi
ko na kailangan. Parang kapag gumasto ako sa pagshoshopping ay pinupulot na
lang ang pera sa mga basurahan. Kung ano ang fashion na in, siguradong mayroon
kami Jasper. Kahit mga simpleng house party lang hindi puwedeng hindi ako
makapagsuot ng bago. Hindi puwedeng hindi ako mapansin. Tulad din pala iyan ng
kasikatan na kung nasa taas ka na ayaw mo ng bumaba sa pedestal. Nabusog ako sa
mga papuri ng iba, napakasarap palang pakinggan ang mga papuring hindi mo
hiningi ngunit kusa itong sinasabi. Iyon ang kapalit ng bagong ako. Kahit
marami ng nakakapansin sa malaki kong pinagbago ay parang uhaw na uhaw pa din
ako.
Tumaas ang pagtingin ko sa
aking sarili ngunit hindi naman ako nagiging mayabang. Ngayon, hindi na ako
umiiwas sa salamin ng CR kung may nakakasabay akong nagsasalamin. Hindi na din
ako nakakaramdam ng pagkaasiwa kung may tumititig sa akin. Marunong na din
akong makipagtitigan dahil batid kong hindi naman kahiya-hiya ang panlabas kong
anyo. Ngunit kahit nakakalasing ang papuri ng iba ay hindi ko hinayaang mahilo
ako at makalimutan ang dating ako. Ang isang pagiging mabuting tao ay ang
kagandang hindi kukupas, hindi din ito kayang tugunan ng sensiya maliban na
lamang kung may mga pinagdaanan na siyang magpapabago sa iyong kabuuan. Ngunit
ako, hinding-hindi ko kailanman babaguhin ang pagiging ako. Sa loob ng maputi
at kuminis kong balat, naroon ang dating si Terence at mananatiling si Terence
hanggang sa ako’y nabubuhay.
“Ganda naman ng damit mo, san
mo nabili yan?… Ganda naman ng relo mo… wow, bagay sa iyo ang kulay ng suot
mo…ikaw ang may pinaastig ng outfit ngayon…”
“Grabe, blooming ka lagi
gurl…sa ating lahat dito ikaw ang pinakamaganda ng katawan, pinakamatangkad at
pinakamaganda.”
Napapangiti lang ako sa mga
papuring iyon. Kaya nga nagiging consistent ako sa mga ginagawa kong pagpapaguwapo
dahil natatakot akong bumalik sa dating ako. Ayaw ko ng bumalik sa dating ako.
Gusto ko yung ako ngayon. Iyon bang kapag papasok ka sa isang Mall ay alam mong
lilingunin ka dahil guwapo ka at muli kang pagmasdan dahil sa kaaya-aya nilang
nakita hindi iyong lilingunin ka nga pero parang hindi ka nakita dahil angkin
mo ang ordinaryong hitsura kundi man parang dadaanan ka lang ng mga mata dahil
hindi ka kaaya-aya.
Kung dati ako ang laging
pumapansin sa mga nakakasalubong kong kakilala, ngayon kung hindi puwedeng
hindi ako hihintuan at kakausapin. May magnet ba ang pagiging guwapo? May hindi
ba nakikitang enerhiya para kahit nagmamadali ang makakasalubong mo na
nakakikilala sa iyo ay mapapahinto para kausapin ka? Ngunit madami akong napansing
nahihiya. Sila ‘yung mga taong hindi pa nila napag-iisipang may igaganda sila
kung sana ay hindi lang makuntento sa kung ano ang hitsura nila. Iba’y ayaw
magpapawis para gumanda sa katawan. Iba naman ay sasabihing bakit sila gagastos
sa pagpapaayos ng hitsura samantalang iyon ang bigay ng Diyos sa kanila. Marmi
din ang nagsasabing bakit nila sasayangin ang pera nila kung sa pagdaan ng
panahon ay tatanda at papangit din ang lahat. May mga ilan din na kahit
gustuhing magpaguwapo ay salat naman sa pera. Ngunit paano ang ngayon? Iyong ngayon na dapat inieenjoy mo ang buhay.
Hindi
ko alam pero parang biglang tumaas ang aking pagkatao, parang binago ng
panlabas kong anyo ang pananaw ko sa lahat ng bagay. Hindi na lang ako simple,
nagiging sosyal na ako. Hindi ko pinilit o pinag-aralang maging ganoon. Dahil
sa pagsama-sama ko sa barkadahan namin nina Jasper, tuluyan akong nabihisan
ngunit gusto kong manatiling ako yung dating ako. Pero sa ibang tao, alam kong
ibang Terence na ang kanilang nakikita.
Pumasok ako sa gym isang araw ng
Linggo. Hindi ko kasama si Jasper noon dahil may lakad siyang iba. Ako iyong
tipong pagpasok ng gym ay iniiwasan kong makipag-usap sa iba. Pumunta ako doon
para mag-exercise hindi para makipagkaibigan kaya nga hindi ko pansin kung sino
ang bago at kung sino ang matagal na. Saka higit isang oras lang ako doon at
pagkatapos ay aalis na din lang ako. Nagpapalit ako noon nang biglang may
lumapit sa akin.
“Ganda ng bicep saka abs natin
tol ah.” Nakangiti ang isang guwapong lalaki sa akin. Kapwa kami walang
pang-itaas noon. Nagpupunas din siya ng pawis sa katawan katulad ko. Nilingon
ko siya ngunit parang hindi ako nakuntento dahil naguwapuhan ako sa kaniya. Mas
matangkad ako ng bahagya ngunit napakaamo ng kaniyang mukha. May kaunti mang
taba ang katawan ngunit maumbok naman ang dibdib niya. Taglay niya ang katawan
na pangkama samantalang sa akin ay magandang tingnan dahil athletic ngunit
parang kulang iyon sa libog dahil tanggal na halos lahat nang taba para sana
sabihing yummy ito.
“Salamat.” Matipid kong tugon.
Tumalikod ako. Hindi ko matagalan ang pagsuyod niya ng tingin sa buo kong
katawan. Kahit pala papaano ay medyo naroon parin ang hiya kung pinagmamasdan
ng ibang tao ang kahubdan ko. Lalo na kung guwapo ito. Napakagat ako ng labi.
Shet! Guwapo niya!
Nang mailagay ko ang hapit na
t-shirt ko at mabilis na humarap patungo sa pintuan ay bumangga ang basa sa
pawis na katawan niya sa katawan ko. Nagkatinginan kami. Matagal siyang tumitig
sa aking mga mata. Hindi din ako agad nakakilos lalo pa’t naramdaman ko ang
magaang paghawak niya sa akin balikat at ang isang kamay naman niya ay sa aking
boobs. Hayan na naman ako, dibdib pala. Nagulat kasi siya sa bigla kong
pagharap kaya siguro ay sinikap niyang pahintuin ako para hindi kami tuluyang
magkabangga. Ngunit tumbok talaga na
boobs ang hawakan? Doon talaga niya ako hinawakan? Pwede ba!
Amoy
ko ang mabango niyang hininga at ang kakaibang halimuyak ng pawisan niyang
katawan. Inaamin kong nag-init ako. Kakaibang init. Parang nilamon ng
nangyaring iyon ang pangako ko sa aking sarili na pagkaraan ng sakit na
nangyari sa amin ni Lando ay hindi na ako magmahal pa ng iba. Siya lang ang
mananatili sa puso ko. Hinding-hindi ako magmahal pa ng iba kung siya parin ang
tinitibok ng puso ko. Inaamin ko, sa higit isang taon na nagkalayo kami, siya
parin ang buong may-ari ng aking puso. Siya parin ang pinangarap kong makasama.
Marami na akong nakasex, ngunit hanggang sex lang naman iyon. Nawili akong
gawin ang itinuro ni Jasper. Ang
maghanap ng bagong salta, kaibiganin ng ilang araw, kasex at kung sa tingin ko
ay aabusuhin ako, iiwas ako ngunit kung manatling nagiging mabait sa akin ang
isang tao, hindi ko naman yata masikmurang umiwas na lang. Ako yung taong
marunong tumulong kung alam kong kailangan ng iba ang tulong ko. Ngunit alam ko
din kung hanggang kailan ako puwedeng magbigay. Alam ko ang hangganan ng
pagtulong bago pa man ako tuluyang abusuhin. Bagay na hindi sa akin
maintindihan ni Jasper. Pinipilit niya sa akin ang kaniyang prinsipyong
maghanap ng bago, kunin ang number, tanungin kung ano ang trip, makisex at
tuluyang iwasan… Ngunit inaamin ko, masarap pala ang ganoon, walang commitment,
walang expectation, walang emosyon dahil una pa lamang ay sinabi mo na sa
sarili mong hindi kayo puwede. Iyon bang kinondisyon mo na ang sarili mo na sex
lang ang lahat.
“JC pare… JC Santos.” Maikli
niyang pakilala, nakalahad na ang kamay niya. Humakbang ako ng isang paatras
dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at
mag-init pa ako ng tuluyan.
“Terence” tinanggap ko ang
kamay niya. Bahagya niyang pinisil iyon. “Sige, mauna na ako.” pag-iiwas ko.
Masarap magmahal ngunit walang kasinsakit kapag nasaktan. Pilit kong pinauunawa
sa sarili ko. Baka kasi tuluyan na naman itong bibigay.
Bago ako lumabas sa pintuan ng
Dressing Room ay hinabol niya ako.
“Pahingi naman ng number mo
pare. Bago lang kasi ako dito sa Dubai. Malungkot pala kapag wala kang kakilala
o mga kaibigan.” Ngumiti siya. Ngiting tuluyang gumapi sa akin. Napakaganda at
napakaputi ng kaniyang mga ngipin. Hawig na hawig niya si Jake Cuenca. Mas
maumbok lang kaunti ang pisngi ngunit ang puti at ganda ng katawan, hindi sila
halos nagkakalayo.
Naisip ko… bagong prospect.
Bakit hindi patulan. Sinabi ko ang number ko saka nagpaalam. Kung itetext niya
ako, doon lang ako sasagot.
Nang nasa daan ako pauwi, panay
ang tingin ko sa celphone ko. Excited lang? Panay ang labas ko sa celphone ko
sa bulsa ko, baka lang may text at hindi ko narinig. Hanggang sa hawak ko na
lang ito lagi. Napabuntong hininga ako. Sana pala kinuha ko din ang number niya
para kung makalimutan akong itext ay ako na lang ang gagawa ng first move.
Tatlong minute, isang oras,
dalawang oras, tatlong oras? Tuluyan na akong pinanghinaan ng loob. Iniwan ko
na lang ang celphone ko sa kama at naligo na lamang ako. Hindi na nga iyon
magtetext.
Lagpas nine o’clock ng gabi na
noon ng may mareceive akong text. Bagong number. Alam kong si JC na iyon.
“Mgkta nmn tyo tonight. Kung d
k bc. Bored kasi ako. Treat kta kht san mo gus2.”
Iba ang dating sa akin nu’n.
Siya mismo ang naunang nagsabing i-treat ako. Kakaiba sa mga nauna kong
nakilala. Nagyayaya ngunit nagpapalibre. Maraming mga ganun. Sasabihing, “labas
naman tayo, treat mo ako he he.” Saan kaya sila pumakyaw ng pampakapal ng
fezlak!
“Cge. Kita tyo ng quarter to 10 sa Chilli’s”
maikli kong sagot.
“Ok. See you.”mabilis niyang
reply.
“Ok.”
Pagpasok ko ay nakita ko na
agad siya. Nakasuot siya noon ng medyo hapit na skyblue na polo shirt na
binagayan niya ng slim fit na kupasing pantalon. Simple ngunit iba ang dating
sa kaniya. Guwapo nga talaga siya. Hindi mahirap mahalin kung handa kang
magmahal. Kahit nga hindi mo turuan ang puso mo, alam mong mahuhulog ka agad sa
katulad niya. Jake na Jake Cuenca ang dating pati sa porma.
Sa dinner na iyon ay nalaman ko
ang ilang importanteng bagay sa buhay
niya. 25 years old siya, isang Engineer ng Etisalat. Pumunta siya dito ng
Business Visa sa tulong ng kafriendster niya. Nanggamit daw ng ibang picture
ang kafacebook niya. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magchat with cam
dahil nabuo ang tiwala. Tama na daw iyong mga tawag, text, private message sa
facebook at chatting sa facebook. Paano daw naman kasi siya hindi maniwala e
updated naman ang mga pictures niya. Saka di naman daw siya ang gagastos sa
pagpunta niya sa Dubai kaya ni katiting ay hindi na siya nangulit pang magchat
sila sa skype o ym with cam.
Tinotoo
ng kachat niya na gastusan siya sa pagpunta niya ng Dubai ngunit nang magkita
sila ay para siyang pingasakluban ng langit at lupa dahil ayon sa kaniya,
pangit, maitim at mataba daw nung sumundo sa kaniya. Malayong-malayo sa
nakilala niyang kafacebook niya. Isang posse rang pinagkatiwalaan niyang
mahalin. Dahil alangan daw ang hitsura no’n sa kaniya at dahil daw mabait iyon
ay pinakisamahan niya ng halos isang buwan. Binigay din daw naman niya ang
katawan ngunit hindi daw niya masikmurang magmahal sa ganoong hitsura.
Pagkaraan ng tatlong buwan na pakikisama, binayaran daw niya lahat ang nagastos
ng kafacebook niya saka siya lumipat ng bahay. Ngayon ay apat na buwan na siya.
Malungkot daw pala ang malayo sa pamilya at wala pang nagmamahal sa iyo.
Nasaktan ako. Isa siya sa mga lalaking naghahanap ng pisikal na katangian. Kung
ako pala yung dating ako, malayong iimbitahan niya ako ngayon. Ngunit iba na
ako ngayon kaya okey lang na sabayan siya.
Pagkatapos ng dinner namin ay
nakiusap siya kung puwede daw bang magpalipas ng gabi sa akin dahil day-off daw
naman niya kinabukasan. Bumilis ang tibok ng aking puso.
“Akala niya siguro, magiging
kami. Hindi na uyyy! Kahit pa siya ang tumulong sa akin para pumunta dito, di
ko siguro papatusin ang kagaya niya. Pangit na antaba at ang itim pa.”
pagsisimula niya muli nang nakapasok na kami sa kuwarto. Paulit-ulit niyang
pagmamaliit sa taong tumulong sa kaniya. Nakaramdam ako ng hindi maganda. Hindi
ako sumasagot na parang hindi ako interesadong pag-usapan ang ibang tao. Hindi
kasi ako sanay na laitin ang kakulangan ng iba. Wala akong panahong pintasan
ang ibang tao.
“Hindi siya dapat nanloloko
para makapamingwit lang ng matitikman. Sino naman ang magkakagusto sa ganoong
hitsura.” Pagpapatuloy niya. Nakaramdam na ako ng pagkairita.
“Grabe ka naman. Huwag ka
namang masyadong mapanlait. Isa pa siya din naman ang tumulong sa iyo para
makapunta ka dito. Buti nga nagtiwala yung taong gumasto kahit di ka niya
ganoon kakilala.”
“E, ano naman. Natikman naman
niya ako saka binayaran ko naman siya. Baka kung wala ako na nagpauto, hindi pa
iyon makatikim ng guwapo, noh!”
Naisip ko, mayabang nga.
Minabuti kong huwag na lang siyang sagutin.
Nang nakapasok kami ay walang
kaabog-abog na basta na lang niya tinanggal ang polo shirt at pantalon.
“Okey lang naman na maghubad
ako ano? Nakita mo naman na ito sa gym di ba?” huli na ng humingi ng permiso.
Nakahubad na siya.
Muling tumambad sa akin ang
maputi at masarap sa kama niyang katawan na binagayan pa ng maamo niyang mukha.
Hindi ko napigilan ang matinding galit ni manoy na alam kong napangiti siya
nang masulyapan niya ito.
Tinatanggal ko ang pantalon ko
at sinasabit ko ito sa likod ng pintuan ng kuwarto ko at nang nahubad ko ang
t-shirt ko at tanging boxer short na lang ang suot ko ay bigla niya akong
niyakap mula sa likod.
“Game ka ba? Trip kita!” paanas
ang pagkasabi niyon sa likod ng aking tainga kaya nagdala ito ng kakaibang
boltahe. Lalo akong parang nanghina ng pinadaan niya ang dulo ng dila niya mula
sa puno nito hanggang sa aking leeg. Napaiktad ako ng sinuyod niya muli ng
halik ang aking batok hanggang nilalamas na niya ang matigas at maumbok kong
dibdib. Napapikit ako sa kakaiba nitong sensasyon. Napakainit ng kaniyang
hininga. Kinokontrol din ng mainit niyang katawan ang malamig na buga ng
aircon. Hayuk na hayok ang kaniyang haplos at dumiin ng dumiin ang kaniyang
halik sa aking likod. Hanggang kumilos ang kaniyang kamay para bahagyang iharap
niya aking mukha at sinalubong ng kaniyang labi ang aking labi. Kapwa kami
parang hindi makahinga sa tindi ng mainit na halikan nang humarap na ako sa
kaniya. Wala akong magawa kundi sumandig sa pintuan ng aking kuwarto ng
sinimulan niyang halikan ang aking mga utong at dilaan ang aking tagiliran.
Nakadama ako ng kakaibang kiliti. Nang ibaba niya ang aking boxer short ay
tumama ang galit na galit kong ari sa kaniyang mukha. Tumingin sa akin at
napangiti. Napangiti din ako. Muli siyang tumayo at muli naming pinagsaluhan
ang walang kasinsarap na halik. Nagtama an gaming mga dila. Parang may mga
buhay na kusang nag-uusap. May ritmo ang kanilang mga galaw. May kakaibang
pagsaliw ng kanilang paggalaw. Hanggang sa nagsimula na ding lumakbay ang aking
mga kamay mula sa dibdib niya hanggang sa kaniyang alaga. Nagulat ako sa
kaniyang sukat. Hindi iyon malaki lang, iyon ay malaking-malaki.
“Anlaki ah.”
“Mula ngayon, sayong-sayo ‘yan
kung isusubo mo ng buung-buo.” Pilit niyang binaba ang aking ulo doon ngunit
hindi ako sanay na nakaluhod sa hindi comfortable na lugar. Gusto ko sa kama
lang ginagawa iyon. Nang yayain ko siya sa kama ay lalong naging mainit ang
sumunod na eksena. Hindi lang ako ang sumubo, sabay kaming nakarating sa tugatog
ng ligaya. Sa gabing iyon, hindi lang minsan nangyari ang lahat. Naulit
pagkaraan ng dalawang oras, naulit sa madaling araw at kinaumagahan, ayaw na
naming mahiwalay sa isa’t isa. Ngunit kahit anong pilit niya sa akin ay hindi
ko ibinigay ang kaniyang hinihiling. Hindi ko yata kakayanin iyon. Iyon ko
kayang ibigay sa kaniya ngunit naintindihan naman niya ako at alam kong hindi
lang sa paraang ganoon maibigay ang ligayang gusto ng aking kapareha.
“Tayo na ba?” simpleng tanong
niya ngunit hindi ko pa alam ang isasagot ko.
“Gusto mo ba?” tanong ko.
“Ayaw mo ba?” pangungulit niya.
“Ikaw?” balik ko.
“E, ako yung unang nagtanong di
ba?”
Hindi ko talaga alam ang
isasagot ko. Takot akong masaktan. Hinalikan ko siya sa labi. Nanlaban siya.
“Ano? Tayo na?” tanong niya
uli.
Hindi ko parin ang alam ang
sagot dahil si Lando, siya parin ang nasa puso ko.
[13]
Minsan
napakahirap timbangin kung ano ang pagkakaiba pag-ibig at libog. Kung
nalilibugan ka, akala mo mahal mo na siya. Ganoon ang nangyayari sa amin ni Jc
sa panahong hinihingi niya ang pagsang-ayon kong maging kami. Oo nandoon na,
guwapo siya, masarap siya sa kama, napapaligaya niya ako pero kung tatanungin
mo ako kung naroon na siya at may puwang sa puso ko? Hindi ko alam. At kung
tinatanong mo kung mahal ka ng isang tao at ang sagot niya ay hindi niya alam?
Madalas kung hindi man sigurado, ang talagang nararamdaman niya ay hindi.
Nahihiya lang o natatakot lang sabihin sa iyong hindi ka mahal. Kung mahal ka
ng isang tao, hindi mo na iyon dapat pang kinukulit na sabihin pa sa iyo. Oo
nga’t may mga taong pinapakita sa gawa ang pagmamahal ngunit kung tinanong mo
sila kung mahal ka nila, hindi iyan sasagot ng hindi niya alam o hindi siya
sigurado maliban na lang kung nagpapakipot. Pero sa mundo nating alanganin?
Sino ang makapal ang mukhang mag-inarte? Kadalasan nga sa atin kahit libog lang
pinagpipilitan ng pagmamahal iyon.
“Ano?
Ayaw mo ba sa akin?” pangungulit niya.
Humarap
siya sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Sandaling
nilingon ko siya. Binasa ang kaniyang mga mata. Sandali lang iyon, dahil muli
kong ibinaling ang aking tingin sa kisame na parang bang may binabasa ako doong
mas maayos na isagot sa pangungulit niya.
“As in, ngayon na?” balik
tanong ko.
Ang
totoo niyan ay kung sasagutin ko na si JC siguradong marami ng mababago. Hindi
na lagi “ako” lang ang dapat isipin ko kung gagawa ako ng kahit anong desisyon
kundi “kami” na. Kung kami na, hindi ko na din kailangang dumapo at tumikim pa
sa bawat hinog na bungang gustong kong tikman. Laging may mangingialam na sa
bawat pagtunog ng aking celphone. May magtataka na kung bakit ako pupunta ng
Mall o kaya ay may mga lakad akong hindi siya kasama. May magagalit na kung
sakaling hindi ako nagpaalam na lumabas kasama ng mga kaibigan. At higit sa
lahat ay maaring tuluyan ng hindi na madugtungan pa ang nakaraan namin ni
Lando. Lando? Bakit kailangan pang bigyan ng kahalagahan ang sa amin ni Lando?
Hindi ba’t noong nag-asawa siya ay naputol na rin dapat ang lahat sa amin?
Hindi ba’t dapat binibigyan ko na din ang sarili ko ng pagkakataong mahalin ako
at magmahal naman ng iba? Ayaw ko ng muling magsisisi pa na kung kailan may
dumating ay hindi ko agad inamin ang pagkagusto ko. Baka matulad muli yung
nangyari kay Lando na huli na nang malaman kong mahal pala din niya ako. Ayaw
ko na ding ipaglaban pa ang pagmamahal ko kung kailan may nagmamay ari na sa
kaniyang iba.
“Madali naman akong kausap.
Kung ayaw mo sa akin sabihin mo.” Seryoso ang kaniyang mukha. Tinignan ko siya
uli siya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Masiyadong mabilis. Hindi pa ako
handa.
“Di naman sa ayaw pero kailangan bang
madaliin? Sige sabihin na nating may nangyari na pero hindi naman ibig sabihin
no’n mahal na natin ang isa’t isa. Di naman ibig sabihin na kung nagustuhan
natin ang sex ibig sabihin no’n ay gusto na din natin ang kabuuan ng bawat
isa.”
“So, you are implying na hindi
mo pa ako mahal.” Dumapa siya. Magkaharap na ang aming mga mukha. Bakit
napakahirap ko siyang basahin? Bakit ba niya ako minamadali? Sa anong dahilan?
Hindi pa naman ako sanay ng kinukulit ng ganito. Sa buong buhay ko, ngayon lang
ako nililigawan ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong kilig. Takot?
Pangamba? Basta gusto kong maging tapat sa nararamdaman ko.
“Ganun na nga ‘yun. Ikaw ba
mahal mo na ako dahil lang sa nangyari?”
“Sus,naman. Matanda ka na. Saka
kailangan ba kapag pumasok ka sa relasyon ay dapat mahal mo na agad ang partner
mo? Di naman relasyon na parang babae at lalaki ito na kailangan mahal ang
isa’t isa bago masabing officially na sila na. Sa katulad ng relasyong ganito,
di na ganun kahalaga iyon. Ang importante ay gusto mo ako, gusto kita, may
nabubuong attraction. Sabihin ko sa iyo sa pagdaan ng araw, mabubuo din ang
lahat at mauuwi sa pag-ibig.”
“Iyon na nga e. Bakit hindi
muna natin hintayin yung araw na iyon bago tayo mag-commit sa bawat isa at kung
sakaling hanggang sex lang pala lahat ay hindi tayo mahihirapang maging
magkaibigan na lang.”
“Naku naman!” maikli niyang
tugon. Sinubsub ang mukha sa unan na parang naiinis na hindi niya makuha ang
gusto.
Nilagay ko ang kamay ko sa
aking ulo. Katahimikan. Ayaw kong ako ang bumasag sa katahimikang namamayani sa
pagitan namin.
“Iyon ba talaga ang gusto mo?”
tanong niya. Naulit na tanong ni Lando noon. Nakakainis naman, laging gano’n na
lamang ang tanong. Simple lang pero sa katulad kong hindi naman talaga
siguradong iyon talaga ang gusto ko ay parang napakahirap sagutin.
Hindi ako nagsalita. Bumangon ako. Kinuha ko ang tuwalya na nasa
sahig at mabilis kong ibinalabal sa aking baywang pagkatayo.
“Sigurado ka na ba diyan?”
Hayun at dinagdagan pa sa dati ay linya ni Lando.
“Kung sasagutin kita alam mo
bang maraming magbabago? Alam mo ba na kung magiging tayo, hindi na lang sarili
mo ang pinagdedesisyunan mo sa lahat ng hakbang na gagawin mo sa buhay mo kundi
kasama na din ako? Na kung may gagawin kang gusto mo na di ko gusto ay maaring
pagmulan ng pagtatalo. Alam mo bang may masasaktan na kung sakaling may ginawa
kang dapat ay puwede lang gawin ng single?”
Bumangon siya. Hindi siya
sumagot ngunit alam kong pinag-iisipan din niya ang sinabi ko. Iyon ang mga
consequences na dapat niyang malaman. Hindi biro ang pumasok sa relasyon. Hindi
parang laro iyon na kung natalo ka. Ganun lang iyon. Puso at utak ang sinusugal
dito. Bahagi ng iyong buhay ang ipinupusta.
“Bakit kasi iyon ang kailangang
isipin mo? Bakit hindi mo isipin yung kabutihan naman. Iyon bang kapag may
karelasyon ka ay may magpapasaya na sa iyo kapag nalulungkot ka. May kasama ka
sa mga lakad mo. May masasandalan ka sa tuwing hindi mo kayang ituloy ang
laban. May mayayakap ka, may mahahalikan, may makakasex. Iyon bang may masabi
kang sarili mo at hindi ka lang tumitikim ng por kilo.”
“Tingin mo sa akin parang karne
ng baka na puwedeng bilhin ng buo.”
Natawa siya. Nakitawa din ako.
“Hindi naman. Kaya lang, di ba
mas mainam yung may sarili kang baka na ginagatasan iba pa yung ibang gatas na
nabibili sa labas. Iyong kapag walang mabili ay may sarili kang gagatasan kapag
nangangailangan ka?”
“Anong ibig sabihin no’n.” May
dating sa akin ang sinabi niya. Bukod sa regular mong ginagatasan ay puwede ka
pang manggatas ng iba at kung wala kang magatasan na iba ay kampante ka namang
may regular kang mapagkukunan ng gatas?
“Binibigyan mo naman ng ibang kahulugan ‘yun? Ikaw talaga.
Ano? Sagutin mo na yung tanong ko… tayo na ba?”
“Kulit naman e. Bigyan mo pa
ako ng sapat naman na panahon para pag-isipan lahat kasi sa totoo lang hindi pa
ako sigurado.”
Tumayo na din siya. Walang
saplot ang buong katawan at kahit pa tulog ang nakalawit doon ay alam mong
hindi regular ang laki nito. Tumalikod siya at hindi ko maiwasang hindi
mapalunok. Napakakinis ng katawan niya. Akala ko artista lang ang may ganoong
kakinis na katawan. Ngunit heto at nakatalik ko ang isang taong hindi mo
ikahihiyang itabi kay Jake Cuenca. Buo ang kaniyang makinis na puwit at
athletic na mga hitang tinubuan ng manipis na balbon. Alam ko hindi siya
mahirap gustuhin at ang pagkakagustong iyon ay magiging pagmamahal kung
hahayaan ang pusong pagbuksan siya.
“Ako kasi siguradong- sigurado
ako sa iyo. Ngunit anong magagawa ko kung talagang ayaw mo sa akin.” Sinuot ang
brief saka isinunod ang pantalon. Tumingin sa akin na parang tinitimbang niya
ako.
“Sanay ka bang nakukuha mo ang
lahat ng gusto mo? Hindi lahat ng gusto, makukuha mo.”
“Kung gusto, maraming paraan
para makuha ito. Maaring hindi sa lahat ng pagkakataon ngunit ang tao, kung
talagang gusto niya ang isang bagay, may panahong makukuha niya ang anumang
gustuhin.”
Sinuot ko na din ang sando ko
at boxer short. Nakaramdam na din ako ng gutom. Niyaya ko siyang lumabas para
makapaghanda ng almusal. Hindi siya umimik. Sinabi ko na lamang na sumunod siya
sa kusina. Alam ko, sa tulad niyang guwapo, masakit sa kaniya ang rejection. Hindi
siya nasanay na hindi niya nakukuha ng madalian ang nagugustuhan. Ngunit para
sa akin, kung talagang kami, magkikita pa kami. Makikilala pa naman ang isa’t
isa. Di naman namin kailangang madaliin ang lahat. Oo ngat, walang
kasiguraduhan ang bawat relasyon, may mga nagsimula nga diyan sa facebook o
text lang pero umabot naman ng ilang taon ang relasyon at meron diyan inabot ng
ilang buwan ang pagliligawan ngunit nganga naman. At iyong sa amin nga ni
Lando, mula high school lihim na akong nanilbi at nanligaw ngunit nauwi din
naman sa wala.
Paglabas ko ng kuwarto ay
nakita ko si Jasper. Nagsasangag siya. May kape, pritong itlog, tinapay at beef
longanisa na nakahain sa mesa.
“Morning landi. Tinanghali ka
yata ng gising.” Maaga niyang pang-aalaska.
“Morning” matipid kong sagot.
Kumuha ako ng isa pang tasa at tatlong plato.
“Bakla, dalawa na yung natimpla
kong kape at dalawa lang tayong kakain. Bakit tatlong plato ‘yan aber.”
Sasagot sana ako ng bumungad sa
pintuan ng kusina si Jc. Nakapolo shirt na siya. Taglay niya ang
nakakapanghinang ngiti.
“Ayyy ayun naman pala.”
Humagikgik si Jasper. Tumingin kay Jc saka kinurot ako sa tagiliran. “Landi
mo!” bulong niya sa akin.
“Jc po.” Lumapit si Jc kay
Jasper at nilahad niya ang kaniyang mga palad.
“Jasper bro.” palalaking
pakilala ni Jasper sa sarili niya.
Natawa
ako.
“Anong nakakatawa, pre?”
palalaking baling sa akin ni Jasper.
“Wala. Natatawa lang ako sa
bro, bro-ha.”
Sinamahan ako ng dalawa sa
pagtawa. Nang kumakain kami ay panay ang tadyak ni Jasper sa aking mga paa.
Parang napakadami niyang gustong itanong sa akin. Ngunit hindi ako nagpahalata.
Minabuti ko na lamang na ilayo ang aking mga paa at nagbukas ng mga
mapag-uusapan maibaling lang ang mga gustong itanong sa akin ni Jasper sa harap
ni Jc. Pagkakain ng almusal ay nagpaalam na si Jc.
“Ano? Wala talaga?” pangungulit
niya nang nasa pintuan na siya.
Sinara
niya ang pintuan nang pagbuksan ko siya.
“Pag-isipan ko.” Sagot ko.
“Wala naman akong choice. Sige
ikaw, bahala ka. Kagustuhan mo din naman ang masusunod.”
Bago siya umalis ay hinalikan
ako sa labi.
“Amoy longganisa ka.” Sabi
niya.
“Ayy nagsalita naman. Parang
ako lang ang nag-ulam ng longganisa. Nahihiya naman ako sa amoy sinangag mong
hininga.”
Napangiti siya at niyakap ako
bago lumabas.
Pagbalik ko sa sala ay naroon
si Jasper. Alam ko kailangan kong humanda sa mala-Bottomline ni Boy Abunda
niyang tanong.
“Saan mo natisod ang prince
charming mo ate?”
“Sa gym.” Maikli kong sagot.
Nakita kong tinitimbang ako ng kaibigan ko.
“Choosy lang ang peg ano? Wala
man lang akong nakikitang kislap sa mga mata mo. Wala bang spark?”
“Hindi ko nga alam. Siguro kasi
bago palang naman na nakilala ko ‘yung tao.”
“Sa tingin mo ba may future
kayo together? Hindi naman masama kasi kung mukhang Jake Cuenca siya, isang
paligo lang naman ang layo ni Coco Martin sa’yo.”
“Binola mo pa ako. Hindi ko nga
alam. Kinukulit niya ako kung puwede daw maging kami. Kahapon lang kami
nagkakilala. Nagsex lang kami tapos kinabukasan gusto niya kami na daw agad.
Weird.”
“Anong weird doon gurl. Babae
ka? Ganoon talaga sa mundo ng mga paminta. Malandi pa mga iyan sa mga mukhang
parlorista. Ikaw ba gusto mo siya?”
“Kung gusto, oo. Kung
tatanungin mo ako kung mahal ko siya. Hindi ko alam.”
“Gaga ka pala e. Sa mundo
natin, nagsisimula talaga iyan sa pagkagusto. Kung gusto mo siya at ilang beses
na may nangyari na sa inyo, ibig sabihin niyan, puwedeng maging kayo at sa
pagdaan ng araw magising ka na lang mahal mo na siya.”
“Anong ibig sabihin nu’n.
Sasagutin ko na agad siya kahit di ko pa sigurado ang nararamdaman ko sa
kaniya?”
“Diyos ko, iba nga diyan,
walang I love you, I love you pero higit pa sa mag-asawa kung guwardiyahan niya
ang kinakalantari niya. Kung nagsex kayo at sa tingin mo gusto mo pang
ulit-ulitin iyon hindi lang ngayon o bukas o sa makalawa, ibig sabihin no’n may
potential.” Pagbibida niya. May punto naman talaga ang kaibigan ko.
“Bakit ikaw, hanggang ngayon
ayaw mo makipagrelasyon?”
“Dahil hindi ko pa nahahanap
ang gusto ko. Iyon bang, alam kong potential. Alam mo naman ako, trip ko talaga
mga straight. Iyong tipong pinaiinom muna, nilalasing at alam mo na. Yung mga
nangangailangan ng pera. Kapag kasi paminta o kapwa ko bading para akong
nalalason.”
“Kaya tuloy hindi ka makahanap.
Saan ka naman kasi makakita ng straight na magkakagusto sa iyo e talo mo pa si
Carlos Agassi sa kilos at katawan ate.”
“Naku, huwag mo ngang ibaling
sa akin ang usapan. So, ano, may future ba kayo ni Jc together?”
“Puwede. Siguro. Hindi ko alam
e.”
“Ang isipin mo, hindi ka babae.
Sa katulad natin kailangan talaga magtrial and error. Wala naman sa inyo
mabubuntis. Hindi naman kayo ikakasal para daanin iyan ng matagal na ligawan o
pag-iisip. Alam kong alam mo yung sinasabi ko na ang bakla, sa una palang alam
na niya ang gusto at ayaw. Doon ka sa tingin mo mas matimbang. Pag-aralan mo
ang sarili mo. Baka maulit na naman yung kay Lando na kung kailan pala siya na
talaga ay pinakawalan mo pa dahil sa takot mo. Iba ka na ngayon Terence. Hindi
na ikaw yung dating Terence na maraming insecurities sa katawan. Alam ko may
mga nabago na sa iyo ngunit hindi mo lang tanggap na may pinagbago ka na.
Napapansin ko ang mga pagbabagong iyon.”
Napaisip ako sa sinabi ni
Jasper.
Kinagabihan nu’n hindi na ako
mapakali. Naghihintay ako sa text ni Jc. Sa tuwing tumutunog ito ay umaasa
akong sa kaniya galing ang mababasa ko. Ngunit nabigo ako. Magdamag akong umasa
na sana kulitin niya ako. Naguluhan na tuloy ako sa mga nangyayari.
Mahal ko na ba siya? Bakit
kaninang umaga lang hindi ko gusto ang idea na kami na walang pang nabubuong
pagmamahal. Ngayon na hindi ko siya nakikita at di nagpaparamdam ay gusto ko
namang habulin siya. Fuck! Ano itong nangyayari sa akin? Ako na! Ako na si
Denial Queen!
Hayan tuloy napuyat ako sa
kaiisip sa kaniya. Gusto ko siyang itext ngunit nahihiya naman akong gawin
iyon. Baka kasi isipin niya, aayaw ayaw ako tapos maghahabol din pala. Sa trabaho
naman, kahit nilagay ko na at nakasilent ang celphone ko sa drawer pero panay
pa din ang pagchecheck ko at baka may text na siya. Ngunit maghapon akong
walang napala. Naisip ko, baka hindi lang niya talaga ako gusto. Baka hindi
lang talaga niya ako kayang panindigan. Mabuti na lamang pala hindi ko siya
sinagot kahapon ng umaga dahil malamang, magiging ganito ang kalalabasan kung
magiging kami. Sasaktan lang niya ako. Ayaw ko ng masaktan.
Kinahapunan ay naghanda na ako
para mag-gym. Kung nakaya niyang hindi magparamdam magdamag at maghapon. Kaya
ko din siyang ignore mamaya kung makita ko siya sa gym. Ngunit isang oras na
akong nagpapawis at panay ang sulyap ko sa pintuan ngunit walang Jc ang
dumating. Nag-extend pa ako ng kalahating oras sa pagbubuhat baka kako late
lang siya ngunit sumakit na ang buo kong katawan sa kagi-gym ay hindi parin
siya dumating. Tuluyan ng gumuho ang pag-asa ko. Hopya pa din kasi ako. Hayan
ang napapala ng maarte. Tama lang sa iyo dahil sa ugali mong denial queen.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Dahil alam ko, iyon naman talaga ako.
Nagbihis na ako at lumabas sa
gym. Naglalakad na ako papunta ng abangan ng taxi nang may bumunggo sa akin.
“Surprise!” nakangiti siya sa
akin. Si Jc. Bigla akong parang ipinaghehele sa sobrang saya. May inaabot sa
akin.
“Ano ‘to?” naguguluhan kong
tanong. Nakabalot ito ng newspaper saka may kasamang box.
“Buksan mo kasi muna ah!”
nakangiti siya. Ngiting lagi kong binabalik-balikan sa aking alaala.
Sinilip ko ang laman ng
binalutan ng diyaryo. Tatlong puting rosas. Binuksan ko ang laman ng maliit na
box. Chocolates? Napangiti ako sa kabaduyan niya. Sa akin kasi parang makaluma
naman yatang gawin ang ganoon lalo pa’t hindi naman ako babae.
“Dahil ayaw mo ng santong
paspasan, subukan natin ng santong ligawan. Kinindatan niya ako. Akala ko
kahapon gusto lang kita ngunit ng hindi na ako mapalagay na di kita makausap at
makita, sigurado akong mahal na kita. Sana bigyan mo ako ng katiting na puwang
sa puso mo para maipadama ko iyon sa’yo.”
Tinignan ko siya. Sinagot ko ng
matamis na ngiti ang kaniyang sinabi. Bigla akong parang maluha sa mga
naririnig ko sa kaniya at sa kaniyang ginawa. Siya… siya palang ang
kauna-unahang gumawa niyon sa akin. Ngunit saan ako dadalhin ng relasyong ito
kay JC? Siya na ba ang tuluyang magpapalimot sa mapait kong nakaraan o lalo
lang guguho ang mundo ko?
[14]
“Puwede
ka ba maimbitahan ng dinner?” masuyo niyang pag-aanyaya.
“Ngayon na?” tanong ko. Hindi
ko kasi alam kung sasama ako kasi naalangan ako sa suot kong jogging pants,
rubber shoes, sandong puti na pinatungan ko ng varsity jacket.
Nahalata niyang naalangan ako
sa suot ko.
“Magbabayad
naman tayo saka presentable ka naman sa suot mo. Hindi naman sa mga class na
restaurant tayo kakain kaya puwede na ‘yan. Kahit anong suot mo, guwapo ka
parin kaya huwag ka masyadong balidoso.”
Nang
kumakain kami ay hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Nagsimula sa
kinakain namin hanggang sa buhay sa Dubai at katahimikan uli.
“Napag-isipan
mo na ba yung sinasabi ko sa’yo?” pamamasag niya sa katahimikan.
“Oo”
sagot ko. Mabuti, siya na din lang ang nagbukas dahil sa pagkakataong iyon,
napagdesisyunan ko ng bigyan ang sarili ko ng pagkakataong lumigaya. Gusto ko
ng maranasann ang magkaroon ng official na karelasyon at kailangan kong sumugal
kung gusto kong lumigaya sa pag-ibig. Kung hindi ko susubukan at bigyan ng
pagkakataon ang sarili ko, hindi ko alam ang magiging kahihinatnan ko.
Napag-isip-isip
ko ding lalaki naman kaming dalawa. Kung sasagutin ko siya ngayon, wala naman
sigurong masama dahil wala naman akong karelasyon. Wala namang masasaktan at
kung darating iyong panahong sasaktan niya ako, siguro naman makakayanan ko
dahil nasaktan ako kay Lando ngunit heto ako at buhay naman. Malay ko, siya na
pala talaga ang lalaking tinadhana para sa akin.
“Sige na nga.”
“Sige na nga? As in pumapayag
ka ng maging tayo?” panlilinaw niya. Nakikita ko na sa kaniyang mga mata ang
excitement.
“Oo
nga. Tayo na.” kasabay nu’n ng matamis kong ngiti.
“Yes!”
mahina niyang suntok sa mesa. Hindi na maitago sa mga mata niya ang kakaibang
saya. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Tuluyang pinawi ng kasiyahang iyon ang
pangamba ko at takot.
Tama
nga siya. Sa pagdaan ng panahon ay natutunan ko siyang magustuhan. Natutunan
kong mahalin siya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na binura ng pagmamahal ko
sa kaniya ang pagtatangi ko kay Lando. Naroon parin sa sulok ng puso ko si
Lando. Parang kanin na kahit paulit-ulit kong tikman ay hindi ko pagsasawaan.
Sa
mga unang araw at linggo na kami ni Jc ay naramdaman ko ang kakaibang saya.
Hindi siya puwedeng dadalaw sa akin na walang pasalubong na makakain. Dahil
nahihiya naman ako na siya lagi ang bumubunot kapag kumakain kami sa labas o
nanonood ng sine ay napag-usapang salitan kami sa pagbabayad. Oo nga’t bilang
engineer ay may kalakihan ang kaniyang sahod ngunit hindi din naman nakakalayo
sa sahod ko bilang isang accountant. Mahal ko na siya, inaamin ko iyon.
Nagkaroon siya ng puwang sa puso ko kahit hindi pa niya tuluyang nabubura si
Lando ay may espesyal na siyang lugar sa aking buhay.
“Mahal mo na siya? Ilang weeks
palang kayo ganyan na sinasabi mo?” gulat na tinuran ni Jasper.
“E, sa ganun na ang nararamdaman
ko e. Masaya ako kapag kasama siya. Kapag kayakap ko siya, wala na akong
pakialam pa sa ikot ng mundo. Kapag hinahalikan niya ako, tanging siya ang
laman ng isip ko.”
“Korni ng beklabush na ito.
Hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya.”
“Sus, Madam Auring, ano naman
yun? Dati sinasabihan mo akong sagutin siya. Na bigyan siya ng pagkakataon
tapos ngayon naman iba na naman ang timplada mo doon sa tao.”
“Flirt siya o may pagka
possessive. Hindi ko lang sigurado sa ngayon ha.”
“Paano mo naman nasabing flirt
siya o possesive? Guwapo lang yung tao kaya natural na madaming lumalapit at
nagpaparamdam na mga bakla.”
“May mga guwapo naman diyang
suplado di ba? Iyong mga guwapong walang pakialam sa paligid. Pero siya, iba.
Pansinin mo gurl kapag lalabas tayo, tignan mo ang mga mata, malikot. Ang mga
ngiti para sa lahat. Kapag pumapasok tayo sa CR at nakaharap sa salamin, gurl
hindi ang mukha niya ang tinititigan niya kundi ang mga dumadaan sa likod niya.
Iyong mga taong nasa tabi niya at nagsasalamin. Lalo na kung nandiyan ka? Naku
malikot ang mga mata. Pinapansin lahat ang mga tao sa paligid ninyo. Hindi ko
alam kong flirting iyon o inoobserbahan lahat ang mga lalaking naroon na baka
may makaagaw sa iyo. Basta, naguguluhan din ako.”
“Gagang ‘to. Daig pa niya ang
spy. Basta wala pa naman akong nakitang ginawa niya kaya siguro hayaan mo
munang pagkatiwalaan ko siya.”
“Sige ba. Magtiwala ka, bakla.
Isaksak mo sa pekpek mo ang tiwalang iyan. Ambisyosa!”
Hindi ko binigyan ng kahit
anong importansiya ang mga babalang iyon ni Jasper. Buo ang tiwala ko sa tao.
Wala pa man din akong natuklasan na niloloko niya ako o kaya hinihigpitan kaya
walang dahilan para gawing isyu ang mga bagay na iyon. Hindi sa gusto kong
magbulag-bulagan ngunit kung nagmahal ka, ibigay mo ang iyong tiwala at kung
sinira niya, hudyat na iyon na kailangan mong protektahan ang iyong sarili.
Hanggang tuluyan na ngang
nahulog ang loob ko sa kaniya. inabot kami ng buwan. Ang tatlong buwan ay
naging anim.
Naglalambingan kami noon sa
kuwarto ko. Nakaugalian kasi namin na bago may mangyari sa amin ay hahanapin ng
nakapiring ang isa sa amin. Ako noon ang nakapiring at nagsimula kong hanapin
siya loob ng bahay nang nabangga ko ang maliit kong drawer at dahil doon ay
natumba ako at nagkalat ang laman niyon. Sobrang sakit ng tuhod ko no’n kaya
tinanggal ko ang aking piring habang siya ay humahagalpak ng tawa.
“Sakit nun a.” reklamo ko
habang hinihilot ang tumama kong tuhod.
“Sino ‘to mahal?” tanong niya sa akin
habang hawak-hawak niya ang luma kong litrato. Sinabihan ako ni Jasper na
sunugin o kaya itapon na lang ang mga lumang pictures ko ngunit hindi ko iyon
ginawa. Mahal ko ang dating ako. Kahit pa nagbago ang hitsura ko ay ako iyon at
bahagi ng buhay ko ang hitsura kong iyon.
“Ako yan.” Casual lang ang
sagot. Dahil mas nakatuon ang utak ko sa kumikirot kong tuhod.
“Ikaw ‘to? Panong… ampangit
kaya neto. Paanong naging ikaw ito, mahal?”
“Ako nga ‘yan, noon. Bakit ba
ayaw mong maniwala?”
“E, sa panong ikaw, bukod sa
parang siopao na sunog ang mukha, nakaparami pang taghiyawat at halos sinakop
na ng pangong ilong ang kabuuan ng mukha.” Pagpapapatuloy niya sa panlalait.
Parang biglang nawala ang kirot
ng tuhod ko sa narinig ko sa kaniya. Totoong hindi na ako iyong dating ako na
nilalait niya ngunit nasaktan pa din ako.
“Sobra ka naman makapanlait.
Oo, ako ‘yan noon. Nagpapaputi ako, nagpaderma, nagpaayos ng ilong at
nagpapayat. Ngunit ang nilalait mo na iyan ay walang iba kundi ako. Ngayon,
sabihin mo sa akin, kung ganyan ba ako kapangit noong nakilala mo, mamahalin mo
kaya ako?”
Hindi siya sumagot. Ang
kanina’y ngiti sa kaniyang mga labi ay parang biglang naglaho. “Niloko mo ako.”
Mahina niyang tugon.
“Anong panloloko ang sinasabi
mo? Ako pa din naman ito ah. Oo nga at dati akong ganyan ngunit Jc,
pinaghirapan ko kung anong meron ako ngayon. Panlabas lang ang nabago sa akin.
Hindi ang kabuuan ng aking pagkatao. Ngayon kung ang minahal mo lang ay ang
nakikita mo at nahahawakan sa akin, hindi iyan pagmamahal. Dahil dapat mas
pinahahalagahan mo ang mga bagay na hindi mo nahahawakan. Mas binibigyan mo dapat
ng importansiya kung paano ko pinaramdam sa iyo na mahal kita.”
“Alam mong sa lahat ng ayaw ko
ay iyong pinaglilihiman ako. Bakit hindi mo ito sinabi sa akin noon. Kung
kailan ilang buwan na tayo ay saka ko malaman na ganito ka pala dati…” tumigil
siya. Ngunit alam ko ang tinutumbok niya.
“Ano? Bakit hindi mo ituloy? Na
ganyan ako kapangit? O sige, ngayong alam mo na hindi naman talaga ako
ipinanganak na guwapo katulad mo, na hindi ako likas na pinagpala at sinuwerte
ng dati nang meron ka, hindi kita pipigilang layuan ako. Balat lang ito Jc,
ilong lang ito, panlabas ko lang na kaanyuan ito ngunit sabihin ko sa iyo,
lahat ng ito, sa pagdaan ng panahon ay magbabago, tatanda tayong lahat at ang
tanging maiiwan ay ang pagmamahal, pakikitungo sa iba at pagpapahalaga sa mga
taong mahal natin. Kung ngayon palang na bata-bata pa ako ay pinaparamdam mo na
sa akin na hindi mo tanggap ang pagiging tunay na ako ay siguro tapusin na lang
natin ito.”
“Shit!” kasabay niyon ng
malakas niyang pagsipa sa drawer. Natakot ako sa biglang pagbago ng mood niya.
Hindi ang guwapong si Jc ang nakita ko sa kaniya noon. May kakaiba sa kaniyang
ikinikilos.
Umupo ako sa kama. Nakaramdam
ako ng takot. Nagulat ako sa ginawa niya.
“Umalis ka na muna. Mag-usap na
lang tayo kung magsink-in na sa iyo na hindi ako dating guwapo. At kung
mahalaga sa iyo ang panlabas na anyo ng isang tao. Baka hindi ako ang hinahanap
mo. Nakahanda akong palayain ka.” Masakit para sa aking sabihin iyon lalo pa’t
mahal ko siya ngunit hindi ko puwedeng itali siya sa akin kung hindi niya
nakita sa akin ang hinahanap niya sa partner niya.
“Tapos ngayon ikaw pa ang may
ganang hiwalayan ako? Iyon ba ang sinasabi mo?”
Lumapit siya sa akin. Nanlilisik ang
kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang mga braso ko. Madiin iyon na parang gusto
niyang durugin.
“Hindi naman sa ganoon pero
baka lang kasi mas gusto mong maghanap ng katulad mong ipinanganak na guwapo.
Hindi kita niloko Jc. Oo, nagkamali akong hindi ko sinabi sa iyo ang dating ako
ngunit akala ko, kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo siya ng buong-buo
kasama na iyon ng nakaraan niya. Na kahit ano at sino pa siya noon ay tanggap
mo iyon dahil mahal mo siya.” Nangilid na sa mga mata ko ang kanina ko pa
pinipigilang luha.
Ang kaninay madiin niyang
paghawak sa braso ko ay biglang lumuwang. Unti-unting nawala ang galit sa
kaniyang mga mata hanggang naramdaman ko ang masuyo niyang pagpunas sa aking
mga luha. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Paulit-ulit
niyang sinasabing mahal niya ako. Ang kaninang naramdaman kong takot ay parang
biglang napawi ng mainit niyang yakap. Naramdaman ko ang labi niya sa aking mga
labi. Nagsimulang lumakbay ang kaniyang mga kamay sa buo kong katawan.
Nagpaubaya ako. Ginising niya ang aking pagnanasa at ang tagpong iyon ay nauwi
sa mainit na pagtatalik.
“Kung ganoon pala ang hitsura
ko tulad dati malayong mamahalin mo ako, ano?” tanong ko sa kaniya nang
nagpapahinga na kami. Nakayakap siya sa akin.
“Nabigla lang kasi ako. Sorry,
mahal.” Pang-aamo niya.
“Yung totoo, mahal. Kung tataba
ba ako uli at tutubuan ng maraming taghiyawat mamahalin mo parin ba ako?”
“Hindi mo naman hahayaan
mangyari iyon di ba?”
“Kung sakali nga eh.”
Pangungulit ko.
“Kung mahal mo ako at ayaw mong
mawala ako sa iyo, hinding-hindi mo hahayaang bumalik ka pa sa dating ikaw.”
Hindi ko na siya kinulit pa.
Sapat na ang sagot niya sa akin para masabi kong iba siya kay Lando. Mahal ako
ni Jc sa kung ano ang nakikita niya sa akin hindi kung sino ako. Si Lando,
mahal niya ang kabuuan ko at tanggap niya kahit ano at sino pa ako. Napabuntong
hininga ako. Hindi ko na dapat pa silang pinaghahambing. Si Lando ay bahagi ng
nakaraan ko at pag-aari na ng iba. Si Jc ang kasalukuyan ko at pag-aari ko
ngayon. Ang dating Terence na pangit ay nakaraan ko na, ang bagong Terence ang minahal
ni Jc ngayon. Dapat matuto akong pahalagahan ang ngayon at ipagpatuloy ang
ngayon para bukas.
Naging maayos ang gusot na
iyon. Mas nagiging maalaga si Jc sa akin. Mas lagi kaming nagkakasama kahit
saan ako pupunta. Ngunit napansin kong pati sa kaibigan kong si Jasper ay hindi
niya pinapayagang lumabas ako na kami kami lang. Gusto niya, lagi siyang naroon
sa bawat paglabas ko. Lahat ng ginagawa ko, kung sakali mang hindi kami
magkasama ay dapat alam niya. Hawak niya ang bawat ikot ng buhay ko. Naramdaman
kong ako lang ang umiikot sa buhay niya. Ngunit dahil nirerespeto ko ang
pagiging kami, naiintindihan ko ang lahat ng ginagawa niyang iyon. Tanggap kong
bahagi iyon ng pagiging kami. Maaring natatakot lang siyang maagaw ako ng iba.
Siyam na buwan na kami noon.
“Umuwi na tayo!” paanas ngunit
ma-otoridad niyang sinabi sa akin habang kausap ko ang isang bagong lalaki sa
gym. Nagtatanong lang ito kung ano ang ginagawa kong exercise para mapaganda
ang shoulder ko. Napakatalim ang tingin niya sa akin at sa kausap ko.
“Kadarating lang natin a?”
“E, sa ayaw ko ng maggym. Wala
na akong gana. Tara na.”
Hindi ako sumagot. Minabuti
kong magpalit na lang din at sundin ang gusto niya. Ayaw ko ng away. Huling
away namin noong nakita niya ang luma kong picture. Mas gusto kong sundin ang
gusto niya kaysa sa makipagtalo ako sa kaniya lalo pa’t wala din lang
patutunguhan. Hindi siya patatalo sa akin. Pagkatapos naming magpalit ay wala
pa din siyang imik. Pinili kong huwag na rin muna siyang imikan dahil alam kong
mainit ang ulo niya.
Ngunit
halata kong galit na galit parin siya habang pababa na kami sa building.
“Di ka na nahiya. Kapal ng
mukha mo!” unang banat niya.
Kinontrol ko ang sarili ko.
Hindi ako sumagot. Nang nakalabas na kami ng building ay binilisan ko ang lakad
ko.
“Akala mo hindi kita
inoobserbahan? Ano! Kulang pa ba ako sa iyo? Kulang ba ang laki ng ari ko para
lumandi ka pa sa iba?”
Lalo kong binilisan ang
paglalakad ko. Ayaw kong makipag-away sa daan. Nang may dumaan na taxi ay
pinara ko at binilisan kong sumakay. Isasara ko na sana ang pintuan ngunit
mabilis siyang sumunod.
“Nasasaktan ka dahil totoo! Ano
na lang kung wala ako do’n. Siguro iuuwi mo na iyon sa kuwarto mo. Baka nga
lahat ng guwapo sa gym naiuwi mo na.”
Parang wala akong narinig.
Sinabihan ko ang Indiyanong driver ng taxi kung saan kami ihatid.
“Sumagot ka, gago!”
Kinuha ko ang iphone ko at
inayos ang earphone sa aking tainga. Ayaw kong makipag-away sa sa kaniya. Ayaw
ko siyang sagutin sa wala namang kuwentang bagay.
Pagkasuot ko ng earphone ay
isang malakas na suntok sa hita ko ang kaniyang pinakawalan. Napakalakas niyon
kaya hindi ko na natiis ang mag-aray ng malakas.
Napalingon
ang taxi driver.
At
noon, alam kong nagsisimula ko ng nakikilala ang tunay na pagkatao ng taong
pinili kong isugal ang puso ko’t kinabukasan. Noon ay tuluyang nabuo ang dating
takot ko at pangamba. Saan ako dadalhin ng pagmamahal ko kay Jc?
[15]
Tinignan
kami ng taxi driver mula sa salamin na alam ko kanina pa siya nagmamasid kung
ano ang nangyayari sa amin. Hindi ako sanay makipag-away. Nahihiya akong
nakikita sa ganoong sitwasyon. Napa-aray ako hindi lang sa sobrang sakit kundi
sa gulat ko ding kaya pala niya akong pagbuhatan ng kamay kahit pa may ibang
taong maaring makakakita sa pananakit niya.
“Are
you fighting in my taxi?” tanong ng taxi driver.
“We’re just joking my friend.”
Pinilit kong ngumiti. Kahit naninigas
ang hita ko hanggang binti sa sakit ng suntok niya.
Nanlilisik ang kaniyang mga
mata. Salita siya ng salita at kahit walang kasinsakit ay hinarap ko siya.
Tinanggal ko ang earphone at pinatay ko ang iphone. Ayaw ko lang na suntukin
niya akong muli. Iyon bang, parang nakikinig ako sa sinasabi niyang masasakit
kahit walang katotohanan ang lahat. Pilit kong inilabas sa kabilang tainga ang
mga masasakit niyang pagbibintang. Gusto ko na siyang sagutin pero kailangan ko
lang magtimpi.
Pagkabayad ko sa taxi ay
binilisan kong bumaba. Pumasok ako ng elevator at nakabuntot parin siya. Nasa
gym si Jasper at iniwan namin doon dahil sa biglang pagyaya niya sa aking
umuwi.
“Ano kayo ng lalaking iyon,
Terence!” hindi na mahal ang tawag sa akin. Terence na lang. Mataas ang boses.
Handang makipag-away.
“Naka-drugs ka ba? Nagtanong
siya, sinagot ko. Huwag mong sabihin na noong nagtanong siya at nang sinagot ko
ay naghubad na agad ang inisip mo. Nandoon ka, mahal. Narinig mo ang
napag-usapan namin. Walang dahilan na magkaganiyan ka. Ni hindi ko nga kilala
yung tao.”
“Iba yung dating ng
pakikipag-usap mo e.”
“Anong iba doon, mahal?”
nanatiling maalumanay ang aking boses.
“Nakangiti ka. Nilalandi mo
siya!”
“So, anong gusto mong pagsagot
ko sa kaniya? Iiyakan ko siya, magagalit ako at magsimangot e maganda naman
iyong approach no’ng tao. Saka bakit ka ba insecure? Dahil ba mas guwapo yun sa
iyo o wala kang tiwala sa akin?”
“Tang-ina mo, huwag na huwag
mong sabihing insecure ako ha dahil kahit kailan, di ko naranasang mainsecur!”
“E, huwag kang magmura. Huwag
mong isama ang nanay ko sa kakitiran ng utak mo.” Uminit na din ang aking ulo.
“Ako makitid ha? Makitid ako!
Insecure ako? Tang-ina mo. Naging ganyan lang ang hitsura mo dahil sa retoke.
Akala mo na kung sino ka e, dati ka naman chaka.” hinawakan niya ang leeg ko.
Hindi ako makahinga sa pagsakal niya sa akin.
Sinuntok ko ang sikmura niya
dahil desperado na akong makahinga. Ngunit nang binitiwan niya ako ay isang
malakas na suntok sa tagiliran at isa sa pisngi ang ipinatikim niya sa akin.
Sumuntok din ako pero nakailag siya at natumba ako.
“Umalis ka dito! Wala kang
karapatang saktan ako hayop ka!” sigaw ko sa kaniya.
“Para iuwi mo siya dito ha!
Tang-ina mo. Di mo ako mapapaalis ng ganun lang!” sinipa niya ako.
sinuntok-suntok sa tagiliran at hindi ko na alam kung alin ang masakit. Siniko
ko siya at tumama iyon sa kaniyang bibig. Basag ang kaniyang labi. Lalo siyang
nagwala. Kinuha niya ang rope na ginagamit ko sa exercise at malakas niyang tinali ang kamay ko
patalikod. Pinilit kong lumaban ngunit
sa dami ng suntok niya sa katawan ko ay para akong lantang gulay sa sakit.
Hinila niya ako sa kama. Hindi ko matanggal ang pagkakatali ng kamay ko.
Tanging paa ko ang kaya kong gamitin para lumaban ngunit kulang ang lakas ko.
Lalo pa’t kaya niyang gamitin ang kamay at paa para gawin ang gusto niyang gawin.
“Malandi ka ha..tignan natin
kung hindi ka madala ngayon sa gagawin ko, tang-ina mo!” paulit-ulit niyang
sinabi ang pagbabantang iyon. Hanggang ibinaba na niya ang jogging pants ko.
Mabilis niyang hinablot ang lotion sa drawer na katabi lang ng aking kama.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makawala. Tumihaya ako ngunit isang
malakas na suntok sa sikmura ko ang siyang parang tuluyang humigop sa natitira
kong lakas. Mas nanaig ang paninigas ng sikmura ko sa sakit kaysa sa kagustuhan
kong lumaban. Nagawa niya akong muling padapain at naramdaman ko na lamang na
tinutok niya sa likod ko ang may lotion niyang malaking kargada. Natakot ako.
Nanginig ang buo kong katawan. Napaluha ako. Sana nagkamali ako sa aking
hinalang gagawin niya sa akin.
Walang kasinsakit ang naramdaman
ko ng bigla niya iyong ipinasok sa likuran ko. Para akong natatae na hindi.
Pero dama ko ang sobrang sakit na di ko maipaliwanag. Minura ko siya ng minura
dahil pakiramdam ko ang sarili kong boyfriend ay pinagsasamantalahan ako. Sa
iba at sanay siguro kakantahan pa nila pero sa tulad kong unang pagkakataong
mapasukan ay sobrang hapdi ang karanasang iyon. Gusto kong matanggal iyon kaya
ginawa ko ang lahat para mabunot. Naroong iginiling-giling ko ang puwitan ko para
mawalan siya ng control ngunit lalo siyang nagngingit sa galit. Sinuntok niya
ang batok ko dahil sa kaniyang inis…
“Demonyo kang hayop ka! Manyak!
Putang ina mo!” paulit-ulit kong sigaw ngunit parang wala siyang narinig.
Sinabunutan ang likod ko at ang isang kamay naman ay lalong pinagbuti ang
paghawak sa isang pisngi ng puwit ko.
“Tang ina mong hayop ka!
Tingnan natin kung lalandi ka pa sa iba ngayon sa gagawin ko!”
Napakagat-labi na lang ako sa
sakit. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya kayang kontrolin. Umiyak ako.
Umusbong ang galit. Natabunan ng galit ang naramdaman ko sa kaniyang
pagmamahal. Hindi ko alam kung talaga bang nagselos siya doon sa kausap ko o
gumawa lang siya ng paraan para makuha niya sa akin ang matagal na niyang
gusto.
Bumilis na bumilis ang kaniyang
pagbayo. Namanhid na ang likod ko. Oo nga’t umiiyak ako ngunit nakikita ko ang
repleksiyon ko sa salamin ang kakaibang galit na nabuo doon…
Lumakas ang kaniyang pagmumura
sa pagitan ng bumibigat niyang paghinga hanggang dama ko ang pagdiin ng ari
niya sa puwit ko ng buong-buo kaya din dami ko ang pagpintig-pintig nito sa
loob ko. Naroon ang sakit ngunit mas matindi na ang naipong galit sa dibdib ko.
Nang makapagpahinga ay binunot niya iyon. Sumalampak siya sa tabi ko.
Matagal na niya akong inaamong
gawin naming iyon. Naiinis siya kapag tumatanggi ako. Nagiging isyu na nga iyon
sa sex life namin. Di ko daw buong naibibigay ang gusto niya. Minsan sumusubok
siyang ipasok nguit nasa bukana palang nag-iingay na ako. Takot ako sa sukat
niya at hindi ko lang talaga gusto yung ganoon. Nadudumihan ako.
“Sorry!” paanas niyang sinabi.
Sinuklay suklay niya ang buhok ko at nang alam kong hahalikan ako ay binaling
ko sa kabila ang aking mukha. Napapikit ako. Ayaw ko siyang makita.
Kinamumuhian ko siya.
Ilang saglit pa ay tinanggal na
niya ang itinali niya sa akin. Umayos ako ng higa. Kinuha ko ang unan at
itinapat ko iyon sa aking mukha. Isinigaw ko doon ang galit. Humahagulgol ako.
Sobrang sakit sa akin ang ginawa niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang
tunay kong nararamdaman sa kaniya.
“Sorry mahal.”
Hindi ako sumagot. Naramdaman
ko ang masuyo niyang paghaplos-haplos sa likod ko.
“Bitiwan mo ako. Kinamumuhian
kita!”
“Sorry na please? Ikaw naman
kasi, nagpapaligaw ka pa sa iba e, akin na nga lang kita. Sorry na mahal. Anong
gagawin ko para mapatawad mo ako?”
“Umalis ka na! Iyon lang ang gusto
ko. Iwan mo ako. Ayaw kitang makita.”
“Mahal naman, puwede ba naman
iyon? Di naman kita puwedeng iwan na galit ka pa sa akin. Ayaw kong umalis na
hindi pa tayo okey. Promise ko sa iyo hindi na mauulit pa.” pagsusumamo niya.
Naisip ko. May pagkasira-ulo ba
ang napili kong katuwang? Kanina lang galit na galit na para bang kulang na
lang ay patayin ako tapos nagawa pa niya akong pilitin sa ayaw ko at ngayon na
nakapagparaos na ay biglang nag-iba ang ikot ng kaniyang mundo.
“Anong gusto mong gawin ko ha?
Matuwa ako sa ginawa mo sa akin? Pinagbibintangan mo ako sa alam mong hindi ko
naman gagawin, binugbog mo na ako, pinilit mo pa ako sa ayaw ko.”
“Sorry na. Ayaw ko lang kasi
talaga na mapunta ka sa iba.”
“Mapunta sa iba? Kinakausap
lang ako. Nagtanong lang ‘yung tao. Saka sa tingin mo ba maglalandi ako na
naroon ka? At may nangyari na bang kahit isang pagkakataong kinakitaan mo ako
ng paglalandi. Niloko na ba kita? Sa siyam na buwang naging tayo, may ginawa ba
ako para pag-isipan mo ako ng ganoon?”
“Sorry na nga. Sige, ganito na
lang, ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako. Gagawin ko para lang
mapatawad mo ako.”
“Kahit ano?” paninigurado ko.
“Kahit ano, mahal.”
“Umalis ka dito ngayon din.”
“Puwera naman iyon. Aalis lang
ako kapag pinatawad mo na ako.”
“Kaya nga. Kung gusto mong
patawarin kita, umalis ka dito dahil kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita.”
“Sige na nga. Basta mahal,
sorry ha? Mahal na mahal kita. Babalik ako kapag hindi na mainit ang ulo mo.”
Hinalikan niya ang pisngi ko.
Niyakap niya ako ngunit tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin.
Hindi pa kasi humuhupa ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kaniya.
Gabi ng dumating si Jasper at
dinadampian ko ng yelo ang namaga kong pisngi. Nabigla siya sa nakita niya.
“Anong nangyari diyan?”
“Wala. Nadulas lang ako sa CR
kanina.”
“Sige, gawin mo akong tanga. O
kaya paniwalain mo ang sarili mong nadulas ka lang. Kailan ka pa niya
sinasaktan ng ganyan.”
Hindi na ako
makapagsinungaling. Alam kong hindi tanga ang kaibigan ko. Saka halata naman
kasi ang nadulas sa sinuntok.
“Galit lang siya kanina. Nagselos
doon sa kumausap sa akin sa gym. Nauwi sa mainitang pagtatalo kaya nauwi sa
sakitan. Pero okey lang ‘to. Huwag mo na lang intindihin.”
“Anong huwag intindihin e,
pinagbubuhatan ka na ng kamay wala pa kayong isang taon. Kailan kita intindihin
kapag bangkay ka na?” seryosong tinuran ng aking kaibigan.
“OA ka naman. Hindi naman
siguro aabot sa gano’n ‘yun.”
“’Yan ang sinasabi ko kasi sa
iyo noon pa na napapansin ko. May OCD yata ang dyowa mo.”
“Sus, sinuntok lang ako
nagkaroon ka na agad ng sariling theory na may Obsessive- Compulsive Disorder
‘yung tao.” Sinabi ko lang iyon ngunit maaring may katotohanan ang sinasabi ni
Jasper. Hindi lang maari, sa nakikita kong mga ginagawa niya, alam kong may
sakit siya sa pag-uutak.
“Ano ngayon ang balak mo? Kayo
pa din?”
Napabuntong-hininga ako. “May
ayaw lang akong ginawa niya sa akin. Pinilit niya ako sa gusto niyang gawin
namin noon pa. Pakiramdam ko, nirape niya ako.”
“Bakla, tinira ka niya? Hindi
ka na virgin! Gano’n ang ginawa niya sa iyo? Okey lang iyon e, bahagi iyan ng
love-making sa mga katulad natin. Kung ako ang tatanungin mas malaking isyu
yung pagbintangan ka at saka bugbugin.Kung ako siguro ang tinirang ganu’n na
may kunyaring pwersahang nangyari, kinilig pa ako.”
Tumaas ang kilay ko. Anong
nakakilig do’n. Sapilitan kang titirahin? Sa’n ang nakakilig do’n?”
“E, di ba sobrang sarap no’n.
Yung pupuwersahin ka pa na parang babaeng titirahin. So exciting. Sarap kaya ng
ganun?”
Tinignan ko si Jasper. Hindi
nga lang nagbibiro. Parang yung nangyari sa akin ay normal lang sa kaniya.
“Nagpapatira ka?” diretsuhang tanong ko.
“Naman. Bakla ka. Wala ka naman
pekpek. Kung bunganga lang naman lagi ang gagamitin, boring din. Kaya kailangan
mong gamitin yan bago magsara, bakla. Saka isa pa, mahal mo naman at boyfriend
mo naman ang gumawa no’n sa iyo…so, anong isyu do’n? Ang isyu lang na nakikita
ko na dapat mo sigurong pag-isipan ay yung pananakit at kakaiba niyang
kinikilos na parang sobrang obsessed na sa’yo.”
“Nalilito ako.”
“Saan ka nalilito? Dahil mahal
na mahal mo pa din siya kahit ganyan ang ginawa niya sa iyo?”
“Oo. Hindi ko kayang magalit sa
kaniya sa mahabang panahon. Mahal ko pa din siya e.”
“Ikaw. Malaki ka na. Nasa sa
iyo ang desisyon.”
Lalo akong nalito ngunit kahit
anong gawin ko, kahit hindi ko kayang tanggapin yung nangyari ay hindi ko
maturuan ang puso kong tuluyan na siyang kalimutan. Ngunit sa tulad kong
nasaktan, kailangan ko lang siguro ng sapat na panahon para mawala ‘yung galit.
Isa, dalawa hanggang tatlong araw ay ayaw ko parin sagutin ang tawag niya.
Sinasadya ko ding hindi pumunta sa Gym kung alam kong iyon ang schedule niya.
Bago ako uuwi ay inaalam ko muna kay Jasper kung nasa bahay si Jc o wala at
kung nagkataong kakatok siya na nasa kuwarto ako, kahit pa anong pakiusap niya
ay hindi ko hinaharap. Hanggang dumaan ang isang Linggo. Kinatok ako ni Jasper.
“Bakla ka. Maawa ka naman do’n
sa tao. Kanina pa ‘yan na nakabilad sa araw. Alam mo naman kung gaano katindi
ang init dito sa Dubai. Hindi raw siya aalis diyan kung hindi ikaw ang pupunta
do’n at kausapin siya. Baka magkasakit pa iyan, konsensiya mo pa.”
“Hayaan mo siya. Kung hindi
niya makayanan, aalis din iyan diyan.”
“Mahal ka siguro talaga niya kaya siya
nagkakaganyan. Harapin mo na kasi. Kausapin mo ng matapos na yang problema
ninyo. Kung ayaw mo na sa kaniya, mag-usap pa din kayo ng maayos. Tapusin ang
dapat tapusin dahil nagsimula naman talaga kayo sa magandang simula. Sana
marunong ka ding tumapos sa nasimulan ninyo ng maayos at hindi yung ganyang
umiiwas ka. Hanggang kailan ka makakaiwas?”
“So, ganun na lang ba iyon?”
Ang tinutumbok ko ay ang ginawa niya sa aking pananakit at kababuyan.
“Bakla ka, e ano naman ang gusto
mo? Maglaslas muna siya o mamatay bago mo kausapin. Sige, tignan mo nga siya
doon nang makita mo kung gaano kahirap ang ginawa niyang ‘yan.”
“Ano naman ang sasabihin ko
kapag nag-usap kami?”
“Huwag ka ngang tanga. Kaya yan
pumunta dito dahil gusto niyang makinig sa iyo. Gusto niyang makipag-ayos. Kung
mahal mo siya at di mo pa kayang iwan kailangan mong sabihin sa kaniya ang ayaw
mo na ginawa niya. Kung nawala na ang pagmamahal mo at gusto mo ng
makipaghiwalay, kailangan mo parin siyang harapin at tapusin ng maayos.”
Tatlumpong minuto din akong
hindi mapakali. Alam ko kasi kung gaano katindi ang tama ng araw kapag ganitong
summer sa Middle East. Nakadama ako ng awa. Nagdesisyon na lang akong lumabas
at papasukin siya.
“Anong ginagawa mo? Gusto mong
masunog?”
“Ayaw hu hu.” nag-iiyakan
siyang parang bata.
“E, bakit ka nandiyan.”
“Kasi ayaw na ako kausapin ng
mahal ko. Hindi niya ako patawarin kaya ko pinaparusahan ko na lang ang sarili
ko.”
“Sino ba yang mahal mo na iyan
at anong naging kasalanan mo sa kaniya bakit ka niya iniiwasan.”
“Kasi sinaktan ko siya. Kasi
nagselos ako dahil natatakot akong makuha siya ng iba sa akin. Tapos, ginawa ko
yung isang masarap na ayaw niya.”
“Masarap? Paanong naging
masarap ang masakit. Ikaw kaya tirahin ko para malaman mo.”
“E, mas gustuhin ko namang
tirahin mo ako kaysa mabilad sa araw no.”
“Pumasok ka nga sa loob. Baka
pulutin ka ng mga pulis dito dahil mapagkamalan kang nasisiraan nang tuktok. “
Pagkapasok palang namin sa
bahay ay bigla niya akong niyakap na parang hindi niya ako nakita ng ilang
dekada.
“Patawarin mo na ako. Please
mahal?” pagsusumamo niya. Nakita kong kumislap ang gilid ng kaniyang mga mata.
Pinigilan niyang mapaluha.
Parang tuluyang nilusaw ng
nakitang kong kumislap na iyon ang lahat ng pagkamuhi. Hindi man iyon bumulwak
sa kaniyang mga mata ay sapat na para hugasan niya ang poot na bumalot sa aking
puso. Niyakap ko siya. Hinila sa kuwarto at doon namin pinakawalan ang
madamdaming pagbabalikan. Mas matinding halikan, mas mainit na yakapan, mas
masarap na sex ngunit nang pinakiusapan niya akong ipasok niya ang ari sa akin
ay nagprotesta ako.
“Hayaan mo munang mawala ‘yung
trauma na masakit. Ibibigay ko din balang araw. Hintayin mo lang.”
Hanggang naging maayos kami
ngunit naroon parin ang pagseselos niya. Lahat ng nakakasabay ko sa gym ay
pinagsususpetsahan niya. Guwardiyado ako. Lagi siyang nakabuntot at nagmamasid.
Kung magbasa ng mga text ko ay parang celphone niya. Lahat pati bagong add ko
sa Facebook ay kailangan alam niya ang history kung bakit ko siya ini-add at
kung ano ko ba siya. Di ko rin dapat ipagdamot ang password ko sa kaniya.
Hinubaran na niya ako ng tuluyan. Hindi na niya iginalang ang aking privacy.
Samantalang ako ay buo ang tiwalang binibigay ko sa kaniya. Nasasakal ako.
Nahihirapan. Napapagod.
Simula na pala iyon ng mas
matinding kaguluhan sa aking mundo. Napakihirap ko ng tumakas sa bilangguang
hinabi ng mapaglaro niyang pagmamahal.
No comments:
Post a Comment