Monday, January 7, 2013

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (16-20)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[16]
Hindi ko alam kung bakit ko pinalampas ang mga ginawang iyon ni Jc sa akin. Siguro kapag naroon ka sa isang sitwasyon na mahal mo ang isang tao ay binibigyan mo ng pagkakataon ang taong baguhin ang kaniyang kamalian. Ngunit, hindi ko alam na mas binibigyan ko siya ng pagkakataon din para muli niya akong saktan. Dahil pinapasok ko siya sa buhay ko, binibigyan ko siya ng karapatang panghimasukan ito ngunit hindi ang karapatang tratuhin ako ng hindi makatao. Walang karapatan ang sinuman na manakit kahit pa gaano ka kamahal ng taong nagbigay ng kaniyang puso’t pagtitiwala. Hindi ako maintindihan ng mga taong hindi pa naranasang nagmahal ngunit dumadating kasi sa puntong dahil mahal mo ang isang tao ay tuluyang nawawala ka sa katinuan sa tuwing niyayakap ka at hinahalikan. Pinapawi ng mga paglalambing na iyong ang lahat ng masasakit na nakaraan. Tuluyang iginapos ng aking talino at prinsipyo ang pagmamahal ko sa kaniya.


Mag-iisang taon na kami ni JC noon, nang minsang nag-uusap kami ng workmate ko habang hinihintay ko si Jasper na daanan ako sa aming opisina. Napag-uusapan naming ang mga kapalpakan ng ibang lahing katrabaho namin. Nagtatawanan kami. May asawa at anak ang katrabaho ko at walang kaalam-alam na may karelasyon akong kapwa ko lalaki. Bakla ako ngunit hindi iyon lantad sa lahat. Maingat ko iyong itinatago sa aking mga katrabaho at natatakot akong malaman ng kahit sino doon.
Biglang sa isang iglap ay nakita ko na lamang na isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Jc sa mukha ng katrabaho. Nagulat ako na kung paanong bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan. Hindi pa siya nakuntento dahil nang mapaupo iyon sa pagkabigla ay dinagukan pa niya kasabay iyon ng pagbabanta.
“Tang-ina mo. Layuan mo si Terence kung ayaw mong iuwi kang bangkay sa Pilipinas!”
Hindi ako noon makagalaw sa pagkabigla. Parang sa isang iglap ay huminto ang mundo ko. Kinuwelyuhan niya ako at itinulak sa loob ng kaniyang kotse.
“Di ba dapat nasa trabaho ka? Anong ginawa mo? Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo?” magkahalong takot at pagtataka kong usisa sa kaniya.
“Tumahimik ka, huwag mo akong galitin! Ayaw kong mapagbuhatan na kita ng kamay.”
Mas pinili ko na lamang tumahimik. Pagdating namin sa bahay ay hindi parin ako nagsalita. Iniisip ko kung paano ko ipaliliwanag at humingi ng dispensa ang nangyaring iyon sa katrabaho kong nabigla sa bilis ng pangyayari.
“Mabuti pa siguro maghiwalay na lang tayo.” Maalumanay kong sinabi. “Hindi ka na nakakatuwa.”
                Narinig ko na lamang ang mahina niyang paghikbi hanggang yumuyugyog na ang kaniyang balikat.
                “Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko lang kasi kayang kontrolin ang sarili ko. Patawarin mo ako. Kahit bukas na bukas din hihingi ako ng tawad sa katrabaho mo. Patawarin mo sana ako.” Humahagulgol na siya. Iyon ang unang pagkakataong iniyakan ako ng isang lalaki. Iyon ang unang pagkakataong humahagulgol ang isang tao sa harapan ko para lang humingi ng paumanhin sa nagawa niya lalo pa’t sobra niya akong minahal. Parang ako na din ay nagiging sira-ulo. Katulad niya, parang napakabilis na din ang transition ng aking emosyon.
                “Patatawarin kita kung kausapin mo ang katrabaho ko at humingi ka sa kaniya ng dispensa sa ginawa mo.”
                “Sige, tawagan mo siya at ako ang kakausap.”
                “Tatawagan ko siya at magpapaliwanag ako ngunit gusto kong personal kang hihingi sa kaniya ng tawad.”
                “Sige gagawin ko ang lahat na hiling mo mahal.”
                Naayos ang gusot. Mabuti hindi din ipinagkalat ng katrabaho ko ang totoo kong pagkasino at hindi din naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Tanga na kung tanga. Mahal ko si Jc. At sa tulad kong nabulag ng pagmamahal. Lahat tinatanggap. Lahat inuunawa.
                Dahil sa palagian kong pagtanggi sa gusto niyang posisyon sa sex ay hindi na niya iyon hiniling pa. Ngunit nandoon pa din ang pagiging mahigpit niya. Laging nasa kuwarto ko at naghahalughog ng mga ebidensiya. Ngunit tapat ako kung magmahal. Hindi ko ugaling mangaliwa. Hindi din ako iyong tipong naghahanap ng iba habang may kasintahan.
                Naging close na sila ni Jasper. Nakuha niya ang buong tiwala ni Jasper kaya labas-masok siya sa bahay na parang doon na din siya nakatira. Uuwi na lang siya sa kanila kung magpapalit ng damit. Wala naman ako doong reklamo dahil naintindihan ko siya. Gusto niyang lagi kaming magkasama. Hanggang sa lagi ko na siya naabutan sa bahay na masayang kausap ni Jasper. Hindi ko binigyan ng kulay iyon dahil wala namang nabago sa amin. Ramdam ko nga na mas lalong umigting ang pagmamahal niya sa akin.
                Pinag-overtime kami ng boss namin ilang linggo bago ako babakasyon sa Pilipinas. Ako ang pinakiusapan na kailangang habaan ang oras ko pa sa trabaho para matapos lahat ang pending ko. Pinauna ko na si Jasper at sinabing gagabihin pa ako. Tumawag din si Jc at sinabing hihintayin na lang ako sa baba n gaming building ngunit sinabi kong aabutin pa ako ng tatlong oras sa opisina. Napagkasunduan na sa bahay na lang niya ako hihintayin o kung hindi ay tatawagan ko na lang siya para magpasundo. Ngunit isang oras palang ang nakakaraan nang tumawag siya ay nagsisiuwian na ang mga katrabaho ko. Sumasakit na din ang ulo ko kaya ipinasya kong sumabay na lang sa kanila at bukas ko na lang uli hahabaan ang oras ng trabaho ko. Minabuti kong magpahatid na lamang sa katrabaho ko dahil on the way naman ang tinitirhan niya sa akin. Hidni ko na din lang tinext o tinawagan ang isa sa dalawa dahil alam kong nasa bahay lang naman sila.
Nang aking buksan ang pintuan ay tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang makita. Nakatuwad si Jasper habang sarap na sarap naman si Jc na binabayo siya sa likod. Nakaharap ang litrato ko kay JC habang nakapikit naman si Jasper na nakahawak sa gilid ng sofa. Para akong nasabuyan ng nagyeyelong tubig. Nanigas ako doon na nakamasid lang sa kanila. Parang nakakita ng multo ang dalawa. Saglit lang na natigilan at mabilis nilang tinakpan ang kanilang hubad na katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong tuod na nakatunghay lang sa kanila. Sa tagpong naabutan ko ay wala akong kahit anong puwedeng sabihin. Nagkalat sa mesa ang pinag-inuman nilang Vodka, tubig, upos ng sigarilyo at mga pulutan. Alam ko nakainom silang dalawa. Nang bumalik ako sa aking katinuan ay dumaan ako na parang walang nakita. Walang nangyari ngunit may binigkas ako…
                “Tapusin niyo na ang ginagawa ninyo. Nasimulan na ninyo, nakita ko na, kaya tapusin niyo na lang pero sana sa tamang lugar.”
                Isang malakas na pagsara ng pintuan ang tanging alam kong paraan para maipadama sa kanilang hindi ako natutuwa sa aking nasaksihan. Mabigat kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hirap kong umiyak. Gusto kong iyakan ang nakita ko ngunit hindi ko magawa. Nasaid na ba nang nakita ko ang nararamdaman kong pagmamahal kay Jc kaya ako hirap umiyak. Ngunit masama ang loob ko sa nakita ko? Kung hindi ko na mahal si Jc bakit nararamdaman ko ang galit. Dahil ba pakiramdam ko ay niloko niya ako at nangaliwa siya? Pero hindi ba dapat masaya ako dahil naibibigay na ni Jasper ang hindi ko kayang ibigay sa kaniya? Nakaramdam ako ng kalituan. Masiyado akong nawili sa ideya na may magmamahal sa akin at mamahalin ko din. Natakot akong muling mag-isa. Natakot akong muling iwan. Katulad ng pagkawala ni Lando. Malinaw na sa akin ang lahat. Pinalagpas ko ang lahat ng mga maling ginawa sa akin ni Jc dahil sa takot kong maiwan muli. Natatakot akong wala ng magmamahal pa sa akin.
                Isang maingat na katok sa pintuan ang sumunod na narinig ko.
                “Mahal, puwedeng pumasok? Mag-uusap sana tayo kahit sandali lang?”
                Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung handa ko na ba siyang harapin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung kaya ko siyang kausapin. Gusto kong matiyak kung kaya  ko na siyang harapin at nagtataka ako sa nararamdaman kong tibay ng loob.
                “Mahal, hindi ako aalis dito sa pintuan mo hangga’t hindi mo ako hinaharap.” pangungulit niya.
                Naisip kong hindi naman niya kailangang tumagal doon dahil ayaw ko ng patagalin pa ang lahat. Parang bigla akong nakadama ng tuwa…parang sa tinagal-tagal ng panahon, naramdaman kong naging malaya ako sa isang isang mapag-abusong relasyon. Ito na nga ang pagkakataong hinihintay ko.
                “Salamat mahal” mahigpit ang yakap niya ng pagbuksan ko siya. May tumulong luha sa aking balikat ngunit hindi na nitong kayang hugasan ang puso kong tuluyan ng nilumot ng kawalang pag-ibig. Hindi na nito kayang tunawin ang bumalot na dumi lalo di na kayang buwagin ng luhang iyon ang pader sa pagitan namin.
                “Pumasok ka, mag-uusap tayo ng masinsinan at diretsuhan.” Seryoso kong sagot.
                Nang umupo siya sa gilid ng kama ay tinignan ko siya pataas-pababa. Guwapo parin siya…napakaguwapo niya kung ang titignan ay ang panlabas niyang hitsura. Sino bang mag-aakala na sa tikas niya at tindig ay isa siyang sirena? Katulad ko…sino bang mag-aakala na akong isang ugly duckling na binihisan ng makabagong teknolohiya. Ngunit may isang bagay na ayaw kong baguhin. Isang kagandahang mahirap makita ng mga taong hindi tumitingin sa tunay na busilak na kagandahan. Hindi kaya ni Jc na titigan ako. Di niya matagalang makipagtitigan sa akin. Nakayuko lang siya. Hindi siya nagsasalita.
                “Anong gusto mong pag-usapan natin?” Usisa ko.
                “Tungkol sa nakita mo, wala iyon, nagkatikiman lang. Nagkasiyahan. Nakainom kasi kami. Pero ikaw ang iniisip ko habang ginagawa ko iyon. Picture mo ang tinititigan ko at hindi si Jasper ang nasa utak ko. Hanggang ganun lang yun. Sex lang.”
                “Siguro sa tingin niyong dalawa, yung ginawa ninyo ay sex lang. Pero sa akin, sa pananaw ko, hindi lang ganun iyon. Paano naman ang tiwala ko? Paano pa kita pagkakatiwalaan ngayong may nasaksihan ako. Sabihin na nating ako ang iniisip mo habang ginagawa mo iyon pero hindi ko katawan ang ginagamit mo. Hindi ko din nakikita kung ano nga ba talaga ang nasa utak mo. O, sige sex lang ang nakita ko. Kaya nga sa relasyong ganito ay madaming nasisira dahil ang tingin kasi natin sa sex ay sex lang…nagkatikiman lang pero hindi mo ba naisip na ang “sex lang” na ginawa niyo ay may mas malaking nasira. Sinisira niya ang tiwala na siyang tuluyang hihila sa pag-ibig para tuluyang maglaho ang nararamdaman. Kung nasira ang tiwala, tuluyan ng sisibol ang walang hanggang pag-aaway. Ayaw kong sisirain ako ng pag-ibig mo. Ayaw akong laging nag-iisip kunsakaling aalis ka. Ayaw kong laging natatakot na maaring may ginagawa ka kapag may kasama kang iba. Ayaw kong ako yung hindi nakakatulog sa pangambang may kinakalantari ka. Lalong ayaw kong maghabol at magmukhang kawawa. Kaya siguro kailangan na nating tapusin ang lahat.”
                “Nakikipaghiwalay ka ng dahil lang doon?”
                “Hindi lang dahil doon ang tingin ko do’n. Nakikipaghiwalay ako dahil hindi na kita kayang pagkatiwalaan. Kaya pala ganoon ka na lang kahigpit sa akin dahil natatakot ka sa mga multong ginagawa mo. Nakikita mo sa akin ang ginagawa mo. Pinagbabawalan mo ako sa mga hindi ko naisip gawin dahil ikaw mismo ang gumagawa sa mga iyon. Kunyari nagseselos ka ngunit ang totoo ay ikaw ang may ginagawa. Nakikita mo sa akin ang ginagawa mo sa iba.”
                “Sorry na mahal.”
                “Ilang beses bang kailangang humingi ng tawad ang taong nagkasala? Ilang beses ba kailangang patawarin ang taong walang hanggan ang pananakit? Ayaw ko na Jc. Nakakapagod kang mahalin. Nakakatakot kang angkinin.”
                “Patawarin mo na ako. Nagmamakaawa naman ako oh!” 
                “Napapatawad na kita.” sagot ko.
Nakita ko na naman ang tuwa sa kaniyang mukha sa tuwing pinagbibigyan ko siya.
                “Talaga? Salamat mahal!” akmang yayakapin niya ako.
                “It’s not like what you think.” Umiwas ako sa pagyayakap niya sa akin.
                “Di ba nga pinapatawad mo na ako? E, anong ibig sabihin no’n.”
                “Iba ang pinatawad sa tayo pa. Nakapagdesisyon na ako. Ayaw ko na. Pero pinatatawad na kita sa ginawa mo dahil ayaw kong magtanim ng kahit anong sama ng loob sa kapwa.”
                “Labo mo naman. Pinatatawad mo ako pero binebreyk mo ako… ano yun?”
                “Mahirap bang intindihin? Pinatatawad na kita ngunit hindi na puwedeng maging tayo. Siguro tapos na ang pag-uusap na ito. Buo na ang desisyon ko, ayaw ko na.” pakiramdam ko noon lang ako nagkaroon ng boses. Noon lang ako nagkaroon ng sariling lakas.
                “Hindi mo puwedeng gawin ito sa akin!” hinawakan niya ang kuwelyo ng damit ko. Nagbago ang talim ng kaniyang mga mata. Nagpupuyos. Sa pagkakataong iyon ay matibay na ang dibdib ko. Buong-buo na ang tiwala ko sa aking sarili at hindi kabaitang maituturing ang patuloy na tumatanggap sa pananakit ng iba. Katangahan ng maituturing kung hahayan ko lang siyang pagbuhatan ako ng kamay sa kabila ng mga hindi ko na masikmurang mga ginawa sa akin.
                Nang gumalaw ang kamay niya para sikmurain ako ay mabilis akong umilag at dahil hindi niya napaghandaan ang pag-ilag ko ay nawalan siya ng balance. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para pumuwesto sa likod niya at buong lakas kong kinuha ang kaniyang mga kamay patalikod. Sa pagkakataong iyon ay alam kong mas nasa magandang posisyon ako. Naggigym na din ako ng matagal-tagal kaya alam kong hindi na din ako padadaig sa lakas. Pinilipit ko iyon at itinaas habang hawak ko din ang isang kamay niya.
                “Hindi mo na ako masasaktan Jc. Minahal kita. Initindi ko lahat ang mga kalabisan mo sa akin ngunit sa pagkakataong ikaw na iyong nahuli kong gumawa ng katarantaduhan at saktan pa ako physically, hindi na siguro tama pang hahayaan kitang pagbuhatan pa ako ng kamay.
                Pinilit niyang kumawala pero sa tuwing gumagawa siya ng paraan para  makahulagpos ay buong lakas ko namang ipinihit.
“Siguraduhin mong di mo ako mabibitiwan dahil kapag ako ang nakawala makakatikim ka sa akin.”
“Kung makakawala ka at kung papayag pa akong pagbuhatan mo ng kamay.”
Nagsimula siyang magwala. Nagpalundaglundag siya at winawasiwas ang katawan hanggang tuluyan ko na nga siyang nabitiwan at bago siya tuluyang makasuntok ay buong lakas ko siyang sinipa.
“Marunong ka ng lumaban ngayon! Tigasin ka na ha!” singhal niya. Nagpupuyos siya. Nakikita ko din ang galit sa kaniyang mga mata.
Ngunit hindi ako natinag. Kung kaya niya akong saktan ay mas may karapatan akong gawin iyon sa kaniya. Hindi lang siya ang may lakas, hindi lang siya ang galit. Mas kinawawa niya ako. At ngayong tuluyang naglaho ang nararamdaman ko, ngayong tuluyang pinagharian ng galit ang puso ko ay hinding hindi na siya mananalo pa sa akin.
Nang bumangon siya ay mabilis kong kinuha ang isang matigas na bagay na puwede kong ipalo sa kaniya kung ipagpilitan niyang lumapit. Hindi ko alam pero sa tulad kong napuno na, sa tulad kong mabait ngunit napuno na din sa pang-aapi ng iba ay wala akong sinasanto. Hindi ko alam ngunit wala na akong takot noon. Tuluyan ng ginapi ng galit ang naiiwang kagandahang asal.
                Kung magpipilit siya ay hindi ako magdadalawang isip na gawin ang lahat para lang tuluyan na siyang umalis. Sa galit ko noon ay maari akong makapatay. Humakbang siya palapit sa akin. Malikot ang kaniyang mga mata na parang naghahanap din ng maari niyang pantapat sa hawak kong pamalo. Nakita niya ang isang matalim na gunting Mabilis niya iyong kinuha. Nanginginig ako sa galit. Wala akong ibang iniisip kundi ang depensahan ang aking sarili kahit pa kapalit nito ay ang pagkitil sa buhay ng taong dati kong minahal.

[17]
Hindi ako nagpatinag kahit may hawak siyang gunting. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot. Punum-puno na ako. Wala na ako akong maapuhap na pagmamahal sa aking puso. Ganoon pala kabilis iyon lalo na kung may katagalan na din ang iyong pagtitiis. Tinutupok ng kawalang tiwala kahit pa gaano katindi ang pagmamahal.
“Lumabas ka sa kuwarto ko. Kung ipagpipilitan mong lumapit, magpasensiyahan na lang tayo pero sumusobra ka na. Hindi ko na kayang tiisin ang mga ginagawa mo sa akin at mula ngayon, ayaw ko ng makita ka pa!” naginginig ako. Handa ko siyang hatawin kung magpipilit siyang lapitan ako.Hindi ako lumuha. Walang mababanaag sa aking mukha kundi ang galit. Umiinit ang aking buong katawan at alam kong namumula na ang aking mukha dahil doon naiipon ang aking emosyon. Mabigat ang bawat paghinga tanda ng halos di makontrol na pagpupuyos ng damdamin. Hanggang kumilos ang kaniyang mga paa, paatras at tuluyan na siyang lumabas.
Mabilis kong tinungo ang pintuan. Sinara ko iyon at bumalik sa aking kama. Huminga ng malalim at dama kong parang nakatakas ako sa pagkakakulong. Parang naging malaya akong gawin ang lahat ng aking nanaisin. May mahinang katok sa aking pintuan. Hinintay kong magsalita kung sinuman ang kumakatok ngunit sigurado akong si Jasper iyon. Hihingi siguro ng tawad sa nagawa niya. Napatawad ko na siya. Sa lahat ng mga naitulong niya sa akin, handa akong patawarin siya kahit hindi pa niya ito hingin. Ayaw ko ng paliitin ang mundo ko. Kung anuman ang nagawa niya sa akin, sisingilin na siya ng kaniyang konsensiya. Kilala ko ang kaibigan ko, kilalang-kilala ko siya pero hindi pa ako handa para harapin siya.
Kinabukasan paglabas ko sa kuwarto ay nakita ko si Jasper na nagluluto ng agahan namin. Walang good morning. Hindi niya naihaharap ang mukha niya sa akin. Tahimik kong kinuha ang aking tasa, nilagyan ko ng mainit na tubig at umupo. Nilingon ko siya at nahuli kong nakatingin siya sa akin ngunit mabilis niyang ibinaling sa iba ang tingin. Binuksan ko ang lagayan ng kape, asukal at creamer. Hinihintay kong imikan muna niya ako.
Katahimikan.
Siguro tinitimbang niya ang mood ko. Siguro natatakot siya o nahihiya siya sa nagawa niya kagabi. Dahil hindi na ako makatiis ay ako na ang unang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.
“Anong niluluto mong agahan natin?”
“Eto, tocino at itlog saka sinangag.”
Katahimikan uli.
“Terence, yung kuwan pala…” siya naman ang unang nagsalita.
Hindi ko na siya hinintay na tapusin ang sasabihin niya. Tumbok ko na.
“Huwag mong isipin iyon. Nangyari na. Sana lang di na maulit pang mangyari iyon sa atin.”
“Sorry. Siya kasi iyong mapilit. Tagal na niya akong pinipilit. Nakainom na din kasi. Hanggang nangyari na yung dapat hindi mangyari. Nagsisisi man ako, nagawa ko na. Hiyang-hiya talaga ako sa iyo.”
“Ano ka ba? Sabi ko, wala na iyon. Nagpapasalamat nga ako dahil kung di sa iyo, di ko pa siya makikilala ng husto. Akala mo kung sinong istrikto iyon pala siya ang may kayang gumawa. Sana noon pa ako sumuko. Nagkataon lang na ikaw ang ginamit ng pagkakataon para magising ako sa kahibangan at katangahan ko.”
“Nakapabait mo talaga, Terence. Alam kong mabait ka na dati pa, pero hindi ko talaga lubos maisip na ganyan parin ang sinasabi mo sa akin ngayon sa kabila ng nagawa kong pagkakamali.”
“Tao ka lang naman kapatid. Natutukso at nagkakamali ngunit sana hindi na maulit pa kasi kung uulitin mo pang gawin sa akin ito e talagang isa ka ng hayok na anaconda. At ang mga ahas ay dapat?”
“Gaga, huwag mo naman ako agad patayin. Pero hinding-hindi ko na gagawin pa iyon kasi sa pinakita mo sa akin ngayon ay lalo akong nahiya sa aking sarili.”
“Dapat lang no.”
Tumayo ako. Kumuha akong dalawang plato. Patapos na rin kasi ang niluluto niya at umupo na din siya sa tapat ko. Nagsimula na kaming kumain nang muli siyang nagtanong.
“Anong balak mo ngayon kay Jc? Patatawarin mo ba siya katulad ng pagpapatawad mo sa akin?”
Sumubo muna ako. Nginuya ko ang kinain ko at nang nalunok ko ito ay saka ko siya sinagot.
“Tinapos ko na yung sa amin.”
“Sigurado ka na ba diyan?”
“Oo, puwede ng maging kayo.” Pang-aalaska ko.
“Hindi no. Wala akong balak na maging kami. Nadala nga lang ako kasi nakainom kami pareho pero di siguro mangyayaring maging kami nun. Saka alam mo bang pangalan mo ang sinasabi niya saka hiniling pa niyang ilagay ang picture mo doon sa malinaw niyang makita habang ginagawa namin iyon. Ate, naguguluhan ako sa pagkatao ng diyowa mo. Akala ko lang dati may OCD siya pero parang hindi e, parang mas matindi pa doon ang tama ng ulo niya.”
“Ako din Jaz, kailangan niyang magpakita sa psychiatrist. Paranoid, controlling, possessive at kung galit o di niya makuha ang gusto, para nakikita kong may tendency na kaya niyang pumatay sa galit kasi hindi siya yung Jc na kilala ko kapag nagalit. May kung anong demonyo ang humahalili sa pagkatao niya. Naguguluhan ako sa kaniya. Sana nga noon ko pa tinapos ang sa amin.”
“Pasensiya ka na talaga. Kahit paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa iyo alam kong hindi mo na makakalimutan pa ang ginawa ko.”
“Kulit naman.”
Tumayo ako. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Pagbalik ko ay naisip kong magpaalam na sa kaniya.
“Uuwi na ako. May mga bagay  akong iniwan na hindi ko pa naayos. May mga gumugulo parin sa isip ko dahil hindi ko nabigyan ng tamang closure. Sa mga susunod na darating sa buhay ko, siguro tamang ipaglaban ko naman ang alam kong akin. Siguro kailangan ko ding isipin ang bagay na makapagpapasaya sa akin.”
“Anong ibig mong sabihin? Hahanapin at babalikan mo si Lando?”
“Oo pero hindi para agawin siya sa asawa niya. Hahanapin ko siya para ituloy ang pagkakaibigan namin. Iyon lang ‘yun. Gusto ko siyang mapatawad. Wala naman kasing kasalanan talaga yung tao sa akin. Gusto ko lang lumimot kaya ako umalis ngunit hindi pala natatakasan ang tunay na pagmamahal. Kahit nasaan ka naroon iyon at hindi na ako aasa pang maging kami. Huwag lang siyang tuluyang mawala sa akin. Masaya na akong maipagpatuloy yung pagkakaibigan namin. Gusto ko siyang makitang masaya sa pinili niyang buhay at gusto kong manatiling kasangga niya hanggang nabubuhay kami. Kung may darating man na bagong pagmamahal sa akin sa Pilipinas ay siguro mainam na may totoo akong kaibigan din na magiging katuwang ko lalo na kung dumadating yung mga problemang ganito sa akin.”
“Paano kung makita niyang maganda ka na at gusto niyang kayo ang magkakatuluyan.”
“Diyos ko naman ate. Nagpapatawa ka? Gusto mo na naman akong maghopya? May asawa na iyong tao. Saka hindi ganoon si Lando. Siya yung lalaking katangi-tanging hindi isyu sa kaniya ang hitsura ng taong mamahalin. Pinahanga niya ako dahil sa kabila ng hitsura ko noon ay minahal niya ang tunay na ako at hindi ang ako na binalutan lang ng magandang kutis at katawang tinanggalan lang ng taba. Minahal niya ang aking pagkasino. Ang totoong ako. Ngunit hindi na ako umaasang maipagpatuloy pa namin ang naudlot na sana ay pagmamahalan sa pagitan namin. Tulad ng sabi ko. Masaya na akong makitang masaya siya sa buhay na pinili niya. May mga bagay talagang kahit gustuhin mong ariin ay hindi talaga pupuwede ngunit kahit hindi mo pag-aari ay puwede namang manatili sa paligid mo at laging bukas para sa iyo sa tuwing kailangan mo. ”
“Hindi kaya lalong magkagulo lang ang lahat lalo pa’t nananahimik na yata siya doon ngayon?”
“Alam kong katulad ko, hindi din siya natatahimik na hindi niya ako nakikitang masaya. Alam kong wala siyang ibang hinangad kundi makita akong tuluyan ng hinarap ang katotohanang kaibigan ko siya at kasangga kahit ano pang magbago sa buhay naming dalawa. Iyon lang kasi ang alam kong ikasisiya ko ngayon, ang magiging bahagi parin ako ng buhay niya kahit masakit mang isipin na hindi talaga kami ang itinadhana.”
“Sige kung iyan ang desisyon mo. Magpaalam ka ng maayos sa amo mo na hindi ka na nga babalik pa dito.”
Pagkatapos ng agahang iyon ay idinaan na niya ako sa trabaho ko. Nagawa kong magpalit ng number at kinausap ko ang guard sa building namin  na kung may magtanong sa akin ay sabihing nakavacation leave ako. Sa likod ng building ako dumadaan at doon ako sinusundo ni Jasper na maingat ding nag-iba ng labasan para hindi kami masundan ni Jc.
Nagpabalik-balik man si Jc sa bahay ngunit si Jasper na mismo ang gumawa ng paraan para hindi siya makapasok. Lahat ng mga ginagawa niyang pagpapaawa ay hindi na namin kinagat. Wala ng pakiusap niya ang lumulusot sa amin. Hindi na din umeepek ang paghihintay niya sa labas. Umaalis din naman pala kung hindi na niya nakakayanan ang tindi ng sikat ng araw. Hindi na din ako pumunta ng gym.
Hanggang dumating ang araw ng uwi na ako ng Pilipinas.
Kung noong umalis ako sa Pilipinas, ang mga kasama ko sa eroplano ay may mababanaag na lungkot, takot, kawalang katiyakan at ang ilan ay may mga luha sa kanilang mga mata, kaiba noong palapag na ang aming sinakyang eroplano sa NAIA. Sigawan at palakpakan ang mga katulad kong pasahero. May pananabik ang kanilang mga ngiti, may liwanag ng pag-asa, may ligayang hindi maipaliwanag. lahat nagmamadali sa paglabas sa eroplano upang muling samyuhin ang kakaibang amoy ng hangin ng lupang sinilangan. Kung nakabibingi ang katahimikan noong paalis kami papunta ng ibang bansa, ang pag-uwi ay nakakatulig din sa hindi magkamayaw na hiyawan, tawanan at pagtawag sa kani-kanilang mga minamahal na naghihintay. Ang kanilang hikbi at luha nang nagpapaalam sila ay napalitan ng ngiti sa kanilang labi sa kanilang pagbabalik. Bigla akong nakaramdam ng kasiyahan. Bigla kong namiss ng husto ang aking pamilya. Nakaramdam ako ng kakaibang silakbo ng damdamin ng maisip ko siya.
Kumusta na kaya si Lando ngayon.
Masaya akong sinalubong ng aking pamilya. Nang palabas ako sa airport ay hindi ako nakilala nina mama at papa ngunit ang kapatid kong nang-aalaska sa akin sa facebook ang siyang nagsabing ako na nga iyon.
“Pucha! Akalain mong pwede ka na ipantapat kay Coco Martin. Ikaw na ikaw na talaga kuya. Akala ko edited lang ang mga pictures mo. Iyon pala totoo lahat.” Pagsisimula niya.
“Sige, banatan mo ako nang hindi ko ituloy na ibigay ang pasalubong ko sa’yo.” banat ko.
“Ma, may sinabi ba ako? Di ba wala? Astig talaga ng kuya ko. Gwapo oh!” pagpapatuloy niya.
“Anak, ikaw na ba talaga iyan? Anong nangyari sa pinamana kong ilong sa’yo?” singit ni Mama.
“Pasensiya ka na ‘Ma. Mahal kita pero hindi ang ipinamana mong ilong sa akin. Tignan mo nga at na-improve siya.” Sagot ko sa kaniya.
“Ikinakahiya mo ang kulay ko anak kaya naging ganiyan ka kaputi?” si Papa na mula’t sapol ay hindi niya sinukat o ikinahiya ang aking pagkasino.
“E, di lalong nagmukhang mayaman at artistahin ang pinamana mong kulay sa akin Pa. Medyo hindi na kasi napapanahon ang kulay Goma ngayon, eto na po ang in.”
“Sana anak, kahit binago mo ang hitsurang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo ay nanatili sa kaloooban mo ang magandang pagpapalaki namin sa iyo. Sana ikaw pa din ang Terence namin ng papa mo.”
“Huwag kayong mag-alala ma. Ako pa din ito. Walang labis, walang kulang. Maiba ako ‘Ma, may nakatira ba hanggang ngayon doon sa condo ko. Kasi kung wala baka pwedeng doon muna tayo magpahinga bago uuwi ng probinsiya?”
“Ay naku anak, meron yata? Pasensiya ka na kasi ‘yung katiwala namin ng papa mo ang pinapunta namin noon para asikasuhin. Tutal wala naman problema sa pagbabayad at laging ontime naman ang pasok sa account mo kaya hindi na ako lumuluwas pa. Hindi bale, pwede ka namang magpahinga din muna sa sasakyan habang nasa daan tayo.”
“Sige ‘Ma pero babalik ako sa Manila. Siguro mainam na mabigyan na din ng notice ng kahit dalawang buwan ang nakatira ngayon doon para makapghanap-hanap ng lilipatan niya.”
“Hindi ka na ba babalik sa Dubai anak?”
“Hindi na po. Mas masaya pa din dito sa Pilipinas.”

Napakasaya ko ng araw na pumasok ako sa aming bahay. Parang nagbigay ng kaluwalhatian lalo na nang kasama ko ng kumain ang mga mahal ko sa buhay. Lahat ng mga kapitbahay at kamag-anak ay nagtataka sa laki ng pinagbago ng aking hitsura. Lahat namangha at noon ko lang talaga napatunayan na guwapo na nga talaga ako lahat sila ay halos hindi na ako makilala dahil akala daw nila ay artista ang kanilang nakakasalamuha.
Gusto kong magpahinga dahil sa pagod ako sa biyahe ngunit nang mapag-isa na ako sa kuwarto ko, hindi ko magawang maidlip man lamang. Naaalala ko ang Lando noong kabataan pa namin. Ang panakaw naming pag-iinuman sa kuwarto. Ang kaniyang kabuuan. Ang kagaguhang ginawa ko sa kaniya nang malasing siya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Kung sana hindi ako natakot. Kung sana hindi ko siya basta-basta na lang iniwan. Ngunit nakaraan na iyon.
Hindi ako pinatulog ng excitement kong makausap si Lando ngunit kailangan ko munang magpahinga bago ko siya puntahan sa bayan ng kaniyang lolo. Sari-saring mga senaryo ang pinapangarap kong gawin sa muli naming pagkikita. Magugulat ba siya sa biglang pagkatok sa kanilang pintuan? Yayakapin ko ba siya o kaswal lang na daop-palad dahil naroon si Glenda at baka maglikha lang ito ng hindi maganda? Hahayaan ko bang muling magising ang matinding pagtangi ko sa kaniya? Ano kaya ang reaksiyon niya kung makita niyang hindi na ako ang dating chaka na kababata niya?
Hindi ko alam, basta dahil sa excitement ay halu-halong mga emosyon ang aking nararamdaman. Narinig ko ang mga nag-uunahang tilaok ng mga manok. Na-miss kong marinig iyon. Nakakadagdag kasi iyon ng katahimikan at kapayapaan ng aking utak. Iyong alam mong ligtas at malaya ka dahil kasama mo sa iisang bubong ang mga taong tunay na nagmamahal sa iyo. Sinipat ko ang orasan. Mag-uumaga na pala. Bumangon ako at tinungo ang kusina. Tulog pa ang lahat.
Para hindi ako mainip sa pagsikat ng araw ay minabuti kong ipaghanda ang aking pamilya ng agahan saka na ako aalis papunta sa bayan nina Lando. Buo na noon ang loob kong magiging kaibigan siya hanggang sa aking pagtanda dahil alam kong sa pamamagitan ng aming pagkakaibigan, doon ko maibigay ang pagmamahal na hindi kayang tapatan ng kahit ng pagmamahal ng kaniyang asawa. Kaibigang laging handing tumulong. Makinig sa kaniyang mga hinaing. Pupuno kung may pagkukulang ang asawa niya. Aayos sa gusot nilang dalawa. Alam kong sa paraang ganoon ay may aspetong mahihigitan ko pa ang kaniyang kabiyak dahil siguradong may mga alam ako sa kaniya na hindi alam ng kaniyang asawa o kaya ay may mga bagay na naeenjoy naming gawin na magkaibigan na hindi nila magawang mag-asawa. Alam ko, magiging masaya muli ako. Tunay na saya na dala ng pagmamahal na hindi naghahangad ng kahit anumang kapalit. Mahigit dalawang taon. Halos magtatatlong taon na nga kung susumahin lahat mula ng hindi kami ngakita. Malaki na siguro ang anak nila ni Glenda. Babae kaya ito o lalaki. Ito na kasi ang hindi maganda sa ginawa ko. Sa pagtakas ko, pinutol ko lahat-lahat ng communication namin. Pinakiusapan ko din ang pamilya kong huwag magbigay pa ng balita tungkol kay Lando at huwag din ibigay ang contacts ko sa Dubai. Pati facebook ko ay nakaprivate din at hindi basta basta masearch ng kung sinuman ang magtangkang hanapin ako sa search box.
Madali kong natunton ang bahay ng kaniyang lolo. Pinatuloy ako ng kasambahay nila sa maluwang nilang sala. Binigyan ako ng miryenda at ilang sandali pa ay kaharap ko na ang may-ari ng bahay. Ang lolo ni Lando.
Tahimik ang buong kabahayan. Walang naglalarong bata. Walang Lando o Glenda akong nakita. Naisip kong baka lumabas lang ang buong pamilya. At nang araw na iyon, isang katotohanan ang aking natuklasan. Katotohanang hindi ko inakalang nangyari.
Nangilid ang aking luha.

[18]
“Mahigit dalawang taon na silang wala sa bahay.” Bungad sa akin ng kaniyang lolo.
“Saan po sila nagpunta?”
“Basta ang maibibigay ko lang sa iyong detalye ay sa Manila na sila ngayon nakatira. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa apo ko para magawa niyang suwayin ang gusto ko. Lahat ng gusto ko na alam ko namang ikagaganda ng kinabukasan niya ay sinuway niya ngunit wala naman siyang napala dahil hindi ka naman niya mahagilap. Masakit sa loob ko na tanging alaala ko sa namayapa niyang ama ay napapalayo din sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan hanggang ngayon ay kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Matanda na ako, ang tanging gusto ko na lang sanang mangyari ay makitang masaya ang apo ko sa pinili niyang buhay. Ngunit ang alam ko, sobra siyang naapektuhan sa nangyari. Hiling ko lang na sana huwag mo ng guluhin ang pananahimik niya ngayon. Pasensiya ka na pero ayaw ko na kasing balikan pa ng alaala ang lahat. Iyon lang ang maibibigay kong impormasyon sa’yo.”
Umalis din ako kaagad dala ang napakaraming mga katanungan. Nangilid ang aking luha. Paano kung ang tatlong taon na nagtago ako ay nasayang lamang dahil sa mga mali kong desisyon. Paano nga kung sa tatlong taon na iyon ay tahimik na siya pagkatapos kong iniwan at tinaguan. Anong karapatan kong guluhin iyon samantalang ako ang tumakas? Ngunit sa kabilang dako ay nag-aalala ako para sa kaniya. Ano ang nangyari nang wala na ako? Bakit kasi hindi ko man lamang siya nagawang tawagan o i-text man lamang sana noong nasa Dubai ako? Bakit hindi ako gumawa ng paraan na kahit magkalayo kami ay nagawa ko man lang makibalita sa kaniya?
Dahil nagutom ako ay dumaan muna ako sa malapit na fastfood. Nang mag-oorder ako ay napansin kong iba ang nakuha kong pitaka sa aking bag na iniwan ko sa kotse ni Mama na hiniram ko para lang hanapin si Lando. Tinatamad na akong balikan pa kaya naisip kong itanong kung maaring gamitin na lamang ang credit card ko. Nang hindi sigurado ang cashier ay tinawag niya ang Manager daw nila at nang lumingon ang babae ay nakilala ko kaagad siya.
Ang asawa ni Lando. Si Glenda.
Nakilala ko siya ngunit siya ang hindi nakakilala sa akin.
“Glenda! Kumusta na!” excited at masayang-masaya kong bati sa kaniya.
Tumingin siya sa akin na parang hindi talaga niya matandaan kung sino ako. Napakunot siya ng noo. Ngunit ilang sandali na niya akong tinitignan ngunit hindi talaga niya ako matandaan. Kaya minabuti kong magpakilala.
“Terence. Maalala mo? Yung bestfriend ng asawa mo?”
“Terence? Oh my God, is that you! My God! Anong nangyari!” bigla niyang sinabi na parang hindi parin talaga makapaniwala kaya lumabas siya sa counter at mabilis na hinarap ako. Malapitan niya akong tinignan.
“Oh my God. Grabe! Anlaki ng pinagbago mo. Doon muna tayo nang makapag-usap. Sandali lang ha. Aayusin ko lang yung order mo.” Bumalik siya sa cashier at sinabi niyang dadalhin na lang yung order niya sa table na pag-uusapan nila.
Pagkaupong-pagkaupo palang namin ay hindi na ako nakatiis na tanungin ang tungkol kay Lando.
                “Kumusta naman ang mag-ama mo?”
                “Ibig mong sabihin ang anak namin ni Lando at si Lando mismo?”
                “Oo. Sino pa ba naman. Ikaw talaga.”
                Ngumiti siya ng matipid. Tumingin muna sa malayo saka niya ako tinignan.
                “So, wala ka talagang alam?” Seryoso ang kaniyang mukha.
                “Alam sa ano? Bakit ba napakahirap kong malaman ang totoo. Ganyan din ang sinabi ng lolo niya. Ano bang totoo?” sunud-sunod kong tanong dahil masyado na akong nabibitin. Sobrang litung-lito na ako.
                “Ilang araw bago ang kasal namin, kinausap niya ako ng masinsinan.”
                Dumating ang order ko. Nilapag ng crew sa mesa. Tumigil muna siya hanggang nakaalis ang crew.
                “Tapos? Anong nangyari?” usisa ko uli.
                “Napapansin ko kasi noon na laging tulala. Napakalalim lagi ng iniisip niya. Tinanong ko siya kung ano ang gumugulo sa isip niya. Sinabi niya sa akin na kahit daw anong gawin niya ay hindi niya ako kayang mahalin dahil may nagmamay-ari na ng puso niya. Masakit din para sa aking tanggapin iyon ngunit kailangan kong makinig at unawain siya. Ayaw daw niyang mas may magiging masidhing problema kung pasukin namin ang pag-aasawa dahil sa nabuntis niya ako at wala namang pagmamahalan sa pagitan  namin.”
                “Sa pagitan ninyo? Ibig sabihin, hindi mo din siya mahal?”
                “Hindi mo kasi alam ang totoong nangyari. Pero tutal napag-uusapan na din lang ay siguro mainam ng malaman mo kung saan nagsimula ang gusot na ito. Kaibigan ko si Lando noong college kami. May boyfriend ako na sobrang pasaway kaya lagi kaming nag-aaway. Dahil sa lalaki si Lando, siya ang lagi kong kinakausap para sana lalo kong maintindihan ang pinagdadaanan talaga ng boyfriend ko. Dahil si Lando ang laging nasa tabi ko, siya ang laging nakikinig sa akin, nahulog ang loob ko sa kaniya. Nagkainuman hanggang nangyari ang di dapat mangyari. Minsan lang nangyari iyon ngunit pagkatapos no’n umiwas na si Lando sa akin. Akala ko hindi nagbunga. Kaya nagkaayos muli kami ng boyfriend ko. Ngunit ilang buwan pagkatapos mangyari ang lahat ay nalaman kong buntis ako. Alam kong si Lando ang ama kasi may nangyari man sa amin ng boyfriend ko ay protektado kami ngunit iyong kay Lando dahil sa kapwa nakainom ay hindi namin nagawang gumamit ng protection noon. At kung susumahin ang buwan na buntis ako, iyon ang buwan mula nang may nangyari nga sa amin. Kaya maaring ako lang ang nagkagusto sa kaniya ngunit hindi siya sa akin. Naibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko sa boyfriend ko dahil nasa sa kaniya kasi ang katangian na hinahanap ko.”
                Nakatingin ako sa kaniya. Tumigil siya. Tinignan ang inorder ko.
                “Kumain ka na muna baka nagugutom ka.”
                Biglang parang nanuyo ang lalamunan ko sa mga naririnig ko kaya minabuti kong uminom muna ng softdrink. Pinakawalan ko ang kanina ko ba pinipigilang malalim na hininga.
                “Biglang nawala ang gutom ko. Anong nangyari sa dapat ay kasal ninyo?” pagpapatuloy ko.
                “Hindi niya daw kayang itali ako sa kawalang kasiguraduhan. Kaya nang kinausap niya ako ay binuksan ko din ang katotohanan na kung ipilit ko ang gusto ko ay ako parin ang magiging kawawa sa huli lalo pa’t siya na mismo ang nagsasabi ng kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Wala ako noong magawa kundi palayain siya habang maaga pa. Hindi natuloy ang aming kasal, Terence. Umalis siya noon agad-agad para puntahan ka sa Manila. Tinanggap niya ang mga masasakit na sinabi ng lolo niya tungkol sa kaniya dahil gusto niyang ipaglaban ang tunay niyang nararamdaman. Dama ko kung gaano ka niya kamahal. Walang araw na hindi ikaw ang bukambibig niya. Dama ko kung gaano ka niya iningatan sa buhay niya. Kaya ko siya pinakawalan dahil alam kong ganoon ka din sa kaniya. Inintindi ko ang lahat.”
                “Naghintay ako. Hinintay ko kahit tawag lang niya. Pero nang hindi na ako makapaghintay ay umalis ako para makalimot. Umalis ako dahil ayaw kong makigulo.” Sagot ko.
                “Gaano ka katagal naghintay? Hindi mo man lang binigyan yung tao kahit tatlong buwan lang?”
                “Akala ko kasi…”
                “Kaya maraming nadidisgrasiya dahil sa akala na ‘yan e. Iyon nga ang malaki mong pagkakamali e. Alam mong panalo ka na. Alam mong hawak mo ang suwerte sa larong iyon ngunit natakot kang ituloy ang laban ninyo. Ako kasi, nang sinabi niyang hindi niya ako mahal, alam kong talo na ako pero hindi ko muna siya isinuko bilang kaibigan. Sa pag-ibig kasi, parang sugal lang din iyan. Kung alam mong talo ka na, huwag nang ipilit, huwag nang ituloy ang laban lalo pa’t alam mong wala ka ng ipapanalo pa dahil kung ipagpatuloy mo lang, mas malaki ang matatalo sa iyo. Ganun naman talaga ang pag-ibig. Dapat alamin mo kung kailan ka pupusta ng malaki, kung kailan ka lalaban at kung hanggang saan lang ang kaya mong ipatalo. Nanalo ka na, tumakas ka pa. Kaya nang umiiyak siya dahil hindi ka na niya naabutan ay alam kong talo ako pero hindi ko kailangang isuko ang braha ko ng ganon lang. Nilaro ko ang huling braha ko hindi para magpatalo ng mas malaki kundi para matapos ang laro sa magandang pagtatapos. Iyon bang natalo ka pero naglaro ka parin dahil gusto mong mag-enjoy. Kaya sinuportahan ko parin siya bilang kaibigan hanggang tuluyan ko nang natanggap na magkaibigan lang talaga kami at tuluyan kong tinanggap na ituloy ang buhay. Hanggang sa nanganak ako ay hindi niya ako iniwan. Naging mabuti siyang ama sa anak namin. Ngunit hindi niya kailanman ipinaramdam sa akin na asawa niya ako. Pinaramdam niyang kaibigan ko lang siya. Laging handang dumamay. Ikaw Terence, anong ginawa mo nang umalis ka? Alam mo ba lahat ang nangyari nang minabuti mong takasan siya ng walang kahit anong pasabi? Akala niya hindi mo siya iiwan. Akala niya lagi kang nandiyan para sa kaniya. Nagkamali daw siya ng akala at pati ang tiwala mo sa kaniya ay ramdam niyang tuluyang naglaho kasama ka.
                Hindi ako nakasagot. Tuluy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Nasundot ng mga sinabi ni Glenda ang puso ko. Tama, napakalaki kong tanga. Napakalaki kong hangal.
                “Sa’n ko siya makikita ngayon?”
                “Nandito lang sila ng anak namin noong nakaraang buwan. Ibinigay ko sa kaniyang pangangalaga ang anak namin dahil may bago na din akong pamilya. Nagkatuluyan kami ng boyfriend ko dahil kay Lando. Mabuti nga natanggap uli ako ng boyfriend ko. Alam naman kasi ng boyfriend ko dati ang kaniyang mga pagkukulang na si Lando ang pumuno. Hanggang napaniwala din siya ni Lando na hindi nga kami talo. Na ikaw ang mahal niya, na dugong berde din pala ang kaibigan ko.”
“Dugong berde? Anong ibig mong sabihin? Bakla si Lando?”
“Pssst! Lakas ng boses mo… diyos ko naman. Sino naman ang straight na lalaking magmahal ng kagaya mo kundi kadugo mo din lang. Inamin niya sa akin iyon. Nang highschool daw kayo gusto niyang manligaw, gusto niyang baguhin ang kakaiba niyang nararamdaman, gusto niyang paniwalain ang sarili niya na lalaki siya at mali ang nararamdaman niya ngunit sadyang hindi niya ito kayang labanan. Nagawa daw niyag magpakalalaki dahil wala ni isa sa angkan nila ang babading-bading. Ano na lang daw ang iisipin ng mga pinsan niya at mga tito? Anong sasabihin sa kaniya? Ibig sabihin pala, hindi mo siya naamoy?”
“Hindi, as in hinding-hindi.” Totoo ako sa winika kong iyon. Noon ko naisip na kahit pala magkasama kayo ng matagal ng isang tao, kahit akala mo kilalang-kilala mo na ay may mga bagay kang hindi alam. May mga sikretong ang maysarili lamang ang nakakaalam. Ngunit sa kabilang banda, bakit nga ba ako magtataka e minahal nga niya ako. Ibig sabihin kabaro ko siya.
Katahimikan. Minabuti kong sumubo sa inorder kong burger at lumagok ng softdrink. Nilibot ko ang paningin ko sa fastfood.
“Kami ng asawa ko ang may-ari ng fastfood na ito. Gusto kong bumuo ng pamilya na alam kong mahal ako ng asawa ko at mahal ko din siya. Kasama pala ni Lando ang anak namin. Hindi sa hindi ko mahal ang anak namin ngunit alam kong mas kailangan ni Lando ang katulad ni Jay-ar para maibsan ang lungkot niya.”
“Kumusta siya? Sa tingin mo masaya na siya ngayon?”
“Iyan ang hindi ko masasagot. Sinabihan akong huwag ka na lang daw namin pag-usapan. Masakit ang loob niya, kasi kaya mo daw siyang tiisin ng tatlong taon. Nagawa mong hindi magparamdam sa kaniya ng ganoon katagal. Kung mahal mo daw siya, hindi ka umalis ng ganun-ganun lang na wala man lang paalam. Ilang beses siyang bumalik sa bahay ninyo para magtanong kung nasaan ka ngunit ang alam niya pati pamilya mo ay nabilinan mong hinidi sa kaniya sasabihin kung nasaan ka. Anong nangyari sa iyo Terence? Bakit mo pinahirapan si Lando ng ganoon katagal?”
Tanging buntong-hininga ang naisagot ko sa kaniya.
“Paano kung may iba na siyang mahal? Paano kung masaya na siya ngayon, Glenda? May karapatan pa kaya akong guluhin siya?”
“Pasensiya ka na Terence hindi ko masasagot iyan. Hindi na din ako naging palatanong sa personal niyang buhay. Sana maintindihan mo.”
Napailing ako. Hindi ko na tuloy alam ang iisipin ko.
                “Alam mo ba kung saan ko siya makikita?”
                “Naku, iyan ang lagi naming pinagtatalunan. Alam ko yung dati pero nang lumipat siya e, ayaw namang sabihin sa akin. Pero di ko na din lang kinulit kasi nga buwanan naman kung ipasyal niya si Jay-ar kaya nakampante na din ako.”
                “Diyos ko hahalughugin ko buong Manila, ganun?”
                “Ikaw nga Manila lang. Si Lando di niya alam kung saang lumapalop ka ng mundo naroon.”
                “Salamat Glenda sa impormasyon. Kahit papano naliwanagan ako sa mga hindi nasagot ng kaniyang lolo. O, paano, tuloy na ako. Salamat talaga.”
                “Good luck! Guwapo mo ha. In fairness. Naku, ilang metro na ang layo mo kay Lando ngayon. Grabe. Hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago mo.”
                “Salamat.”
                Nakita ko ang saya sa mukha ni Glenda. Nakita ko ang kabutihan ng kaniyang puso at alam ko na kung sinuman ang matagumpay na lalaking pumili sa kaniya para makasama habang buhay ay hindi niya pagsisisihan ang pagkakaron ng katulad niya.
                Nagkaroon ako ng kakaibang saya. Parang nakikini-kinita ko na ang masayang pagtatapos ng pagmamahalan namin ni Lando. Sobrang nabuhayan ako ng loob sa mga narinig ko. Minabuti kong umuwi muna sa bahay nang hindi sila mag-alala.
“Ma, si Lando ba pumupunta dito?” usisa ko kay Mama.
“Akala ko ba ayaw mong pag-usapan natin siya. Ni ayaw mo ngang banggitin ko siya sa iyo na parang may ginawa sa iyong hindi maganda yung tao.”
“Kaya nga ho ako nagtatanong sa inyo e, ibig sabihin handa na akong pag-usapan siya.”
“Kung umuuwi siya dito sa probinsiya noon, mga siguro dalawang taon na ang nakakaraan, lagi ‘yan dito. Tumira pa nga iyan dito ng tatlong buwan kasama nung anak nila ni Glenda. Masaya nga kami kapag nandito sila kasi ang cute-cute nung bata saka parang hindi ka umalis noong nandito siya. Siya ang parang ikaw. Hinintay ka niyang bumalik kaso hindi ka naman niya na nahintay. Higpit kasi ng bilin mong huwag ipaalam sa kaniya. Pati pagtawag mo iniingatan namin sagutin kung nandiyan siya ngunit alam niya, batid niyang pinagtataguan mo siya. Tuwing umaga at hapon nandiyan sila ni Jay-ar sa beranda. Siguro umaasang isang araw ay uuwi ka at maabutan mo siya dito. Umaasa na handa ka ng patawarin siya. Gustung-gusto na namin ng papa mo na sabihin kung nasaan ka ngunit yang kapatid mo ang kontra. Mahigpit mo daw lagi binibilin na hindi dapat malaman ni Lando kung nasaan ka. Kaya nirespeto na lang namin ang gusto mo.”
“Tatlong buwan siya dito Ma? Hindi ko man lang alam? Wala man lang hong nagsabi sa inyo?”
“Tapos ngayon kami ang nasisisi e ‘yun ang bilin mo sa amin. Anlabo mo naman anak e.”
Hindi na ako sumagot. May punto si mama, sumunod lang sila sa hiling ko.
“Ay sandali, noong dalawang taon ng wala ka talagang paramdam ay may iniwan siyang sulat. Naku saan ko kaya nailagay iyon. Hahanapin ko muna sa kuwarto. Sandali lang.” pagpapaalam ni mama.
Nang bumalik siya ay iniaabot ni Mama ang sulat ni Lando sa akin. Ito ang laman ng sulat.
Terence,
Kumusta? Andami kong gustong itanong sa iyo. Dami kong gustong sabihin.
Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Parang gusto ko ng sumuko sa kahihintay na balikan mo ako. Ito ba ang kabayaran ng lahat ng mga naging kasalanan ko sa ‘yo? Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako maghihintay o may aasahan pa ba akong darating? Paano kung may iba ka ng mahal? Paano kung kinalimutan mo na ako?
Araw-araw, gabi-gabi, ikaw lagi ang nasa isip ko. Hindi kumpleto ang bawat pagdaan ng araw dahil wala ka. Kung alam mo lang kung gaano ko iniiyakan ang mga gabing iniisip kita ngunit hindi ko alam kung nasaan ka. Hindi ko alam kung naiisip mo din ba ako. Wala akong alam dahil pilit mong pinagkakait ang pagkakataon na sana kahit boses mo lang ang marinig ko. Kahit sana malaman ko lang na nasa mabuti kang kalagayan. Sana alam mo kung gaano ako nahihirapan ngayon. Sobrang sakit, Terence, sobrang hirap ang ginawa mong ito sa akin. Sana man lang nagpaalam ka sa akin. Sana man lang marinig ko ang boses mo kahit ilang segundo lang para may lakas akong harapin ang hirap ng paghihintay.
Lupit mo, mahal ko. Ngunit sana kung mabasa mo ang sulat na ito ay malaman mong walang ibang laman ang isip at puso ko kundi ikaw. Wala akong ibang hiniling sa Diyos kundi ang kaligtasan mo at kaligayahan. Siguro kaya ka lumayo ay para matahimik ka na. Para malayo sa mga sunud-sunod kong pananakit sa iyo. Baka nga lumayo ka dahil pinipili mong huwag na akong mahalin pa.
Sa ginawa mong ito, kahit gaano kasakit sa akin ay pinapalaya na kita. Sana sa muli nating pagkikita ay wala pang nagmamay-ari sa puso ng bawat isa sa atin. Pasensiya ka na kung parang sumusuko na ako sa paghihintay. Wala kasi akong pinanghahawakan. Wala kang naging pangako sa akin na sana ay magpapatibay sa aking kalooban. Hangad ko ang iyong kaligayahan at katahimikan. At sana ako din, ipanalangin mo na sana magiging masaya na ako sa piling ng iba kung sa mga panahong mabasa mo ito ay may iba ng nagpapatibok din sa puso mo.
Paalam at maraming salamat. Sana lagi mong tandaan na wala akong minahal ng kasintindi nito kundi ikaw lang at makakaasa kang kung magmahal man ako ng iba ay batid mong hindi na kasintindi ng pagmamahal na inalay ko sa iyo.
Subukan ko pang maghintay. Pero kung sadyang wala na talaga ay sana mapatawad mo ako dahil wala akong pinanghahawakan, wala kang sinabing hihintayin kita. Hanggang sa muling pagkikita.
Nagmamahal,
Lando
Basam-basa ng luha ang buo kong mukha. Niyakap ako ni Mama. Pinunasan niya ang aking mga luha. Hindi siya nagsalita ngunit alam niya kung gaano kabigat ang dinadala ko. Naiintindihan niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko.
Kinabukasan ay tumuloy na ako sa Manila.
                Nang nasa Manila na ako ay naisip kong magcheck-in na muna sa hotel. Hindi pa ako makahanap agad-agad ng matitirhang iba. Nakahiga na ako noon at nagpapahinga ng pumasok sa isip ko na kahit number lang ni Lando ay hindi ko man lang nahingi kay Glenda. Masiyado akong nadala sa mga narinig ko. Ni hindi ko nagawang hingin pati ang number ni Glenda. Laki ko paring tanga.
                Nang makapagpahinga ako ay naisip kong puntahan ang aking condo para sabihan sa nakatira doon na binibigyan ko na lamang sila ng dalawa hanggang tatlong buwan na palugit dahil doon na ako muling titira. Namimiss ko na din kasi ang bahay na buong saksi ng aming nakaraan ni Lando. Gusto ko lang sariwain din ang lahat kaya gusto kong bisitahin muna iyon kahit sandali lang.
                Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay nagbuzz ako. Ilang sandali pa ay nabuksan ang pintuan. Nagulat ako sa aking nakita. Bumilis ang tibok ng aking puso. Parang akong ipinaghele sa alapaap. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko lalo na nang nagtagpo ang aming mga mata. Siya ay nagulat sa nakita niya sa akin at ako naman ay nagulat ngunit binalot ng hindi maipaliwanag na tuwa. Nang biglang may guwapong lalaki na tumabi sa kaniya. Tuluyang napawi ang ngiti sa aking mga labi. Bumigat ang aking paghinga. Umatras ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang gusto ko na lang doon ay biglang maglaho.       

[19]
Tumingin siya sa akin. Napakunot siya ng noo. Ngunit alam niyang ako iyon. Hindi lang siya sigurado pero alam niya ang aking mga mata, kabisado niya ang aking mga labi. Pumayat man ako at pumuti ngunit nakikita ko sa kaniyang mga mata ang unti-unting pamamasa nito. Yayakapin ko na sana siya ngunit biglang may tumabi sa kaniya at inakbayan siya. Napakislot ako. Gusto kong lumayo agad doon kaya kumilos ang aking mga paa paatras hanggang sa ako’y tuluyang tumalikod. Kasabay iyon ang masaganang luha na bumagtas sa akin pisngi. Huli na ang lahat. Gusto kong humagulgol. Nasa tapat na ako ng elevator nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat.
                “Terence? Ikaw na ba ‘yan?”
                Hindi muna ako lumingon. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak. Pagkaharap ko pa lamang ay natagpuan ko na lamang ang aking pisngi na nakadikit sa kaniyang leeg at ikinulong ako ng kaniyang matitipunong mga bisig. Hindi ko namalayang muli ang pagtulo ng aking mga luha.
                “Pasensiya ka na kung nagulo ko kayo. Gusto ko lang sana sabihin na may dalawa o tatlong buwan pa kayo diyan sa condo. Gusto ko na kasi dito tumira. Pasensiya ka na Lando. Alam ko pinahirapan kita. Hindi ko alam kung paano ko sa iyo ihingi ng patawad ang lahat ng ginawa ko sa iyo. Iniwan kita kaya tama lang na ito ang kabayaran ng lahat.”
                “Kabayaran? Anong pinagsasabi mo?” hawak niya ang ng dalawa niyang palad ang aking pisngi.
                “Siya at ikaw.” Itinuro ko ang lalaking nakangiti at nakamasid sa amin. “Pasensiya na pero hindi ako pumunta rito para guluhin kayo.”
                “Wala kang ginugulo. Masaya nga ako dahil bumalik ka na.”
                “Paano siya?” tanong ko uli.
                “Si Dok Bryan. Pinsan ko siya. Magkapatid ang mama namin. Lumaki siya sa Houston, Texas pero limang taon na siya dito. Noong nakaraang taon lang kami muli nagkita nang inaayos namin ang kaso ni Mommy dahil self defence daw ang nangyari. Nandito sila ngayon dahil gusto akong tanungin kung ano pa ang kailangan gawin kasi pinabubuksan ni Tita ang kaso ni Mama.”
                “Pinsan mo siya? Akala ko kasi…”
                “Oo. Hayan ka na naman kasi sa mga tamang hinala mo. Puro ka akala saka ka biglang nawawala. Iyan ang kulang sa iyo e, ang di manindigan sa gusto at ang di alamin muna kung anong kasiguraduhan bago sumuko.” Habang nag-uusap kami ay lumabas din sa condo ang isa pang guwapo at matipunong lalaki. Nakita kong inakbayan ni Dok Bryan ang dumating at saka nakangiti silang tumingin sa amin.
                Noon ako parang bumalik sa aking katinuan. Malaya pa si Lando. Hinintay ng taong mahal ko ang pagbabalik ko. At hindi na ako nahiyang muling yakapin siya at di ko na din tinago ang aking pagluha bilang pagpapatunay ng ibayo kong ligaya. Sapat na ang kaniyang yakap para tuluyang mahawi ang ulap ng nakaraan at pag-aalinlangan. Sapat na ang pagdantay ng aming mga katawan upang lubusang maihayag ang nararamdaman namin sa isa’t isa.
                “Halika nga insan ng maipakilala kita” sabi niya sa pinsan niyang nakangiting nakamasid sa amin. Lumapit siya at siya na mismo ang naglahad ng kaniyang mga palad.
                “Bryan here. Am glad to see you back. Naku mabuti na lang bumalik ka na dahil sa awa ko diyan sa pinsan ko malapit ko na talagang ireto sa iba. Huwag mo na siyang pahihintayin at paiiyakin ha?”
                Tinanggap ko ang palad ni Dok Bryan at ngiti lang ang tangi kong naisukli sa tinuran niyang iyon.
                “Paano insan, mauna na kami. Mukhang marami pa kayong pag-uusapan.” Nakangiti ng pilyo si Dok Bryan.
                “Ayy, siya nga pala. Si Dok Mario. Ang butihin at sobrang bait na partner ng pinsan ko. Dok Mario, si Terence po, ang lagi kong kinukuwento sa inyo.” Inakbayan ako ni Lando. “Bumalik na siya. May pinatunguhan ang matagal kong paghihintay Dok. Kasama ko na muli siya.” Muling dumaloy ang kaniyang mga luha.
                “Naku, pumasok na nga kayo doon dahil pati ako napapaluha sa inyo.” Sagot ni Dok Mario. “Nice meeting you, Terence.” Tinaas niya ang kaniyang mga palad tanda ng pakikipagkamay. Tinanggap ko iyon na maluwang ang pagkakangiti.
“Magkikita-kita uli tayo next time dahil alam namin namiss ninyo ang isa’t isa. Papaalam muna kami.” Si Dok Bryan habang tinatapik-tapik niya ang likod ng pinsan na napapaluha parin sa kagalakan. Hinatid namin ang dalawa sa elevator at nang nakasakay na sila doon ay bumalik na kami sa condo.
                “Napakatagal kong hinintay na mangyari ito.” Madamdamin niyang pagsisimula. Niyakap niya uli ako. Parang hindi parin siya makapaniwala. Kasabay niyon ang pagbagsak ng mainit-init niyang luha sa aking leeg. “Akala ko matatagalan pa bago mo ako babalikan at masabi sa iyong ikaw lang ang mahal ko.
                Hindi ako sumagot. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. Gusto kong damhin ang katawan niyang nakadikit sa akin. Gusto kong maramdamang hindi na ito isang pangarap lang. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang balikat ko at nilayo niya ang katawan ko sa katawan niya.
                “Anong nangyari?” pagtataka niyang tanong.
                “Nangyari?” balik kong tanong.
                “Ikaw? Sa iyo? Bakit nagbago ang kabuuan mo?”
                “Ito ba? Bakit ayaw mo ba?”
                “Gusto. Hindi ko lang akalain talaga na ganiyan ka na kagandang lalaki ngayon. Naungusan mo ako ng ilang paligo. Para na nga yatang nakakahiyang itabi ko ang sarili ko sa iyo.
                “Ganun? Binobola mo naman ako niyan.”
                “Grabe, anlaki ng pinagbago mo. Nagdadalawang isip nga ako kanina kung hahabulin ba kita kasi nahihiya akong baka nagkamali ako. Pero nang tinitigan ko ang mga mata mo at ang mga labi mo, sabi ko si Terence ka. Kahit pa nagbago ang ilong mo at pumuti saka pumayat, may kakaiba akong naramdaman. Iyong nararamdaman na parang may kumislot sa akin at sinasabing, ikaw nga iyan. Sobrang laki kasi ng pinagbago ng kabuuan mo.”
                “Oa na.” nakatawa kong pamimigil sa mga sinasabi niya. Hindi ako sanay na pinupuri niya ako sa panlabas kong katauhan.
                “Pero maiba tayo, ginawa mo ba iyan dahil sa akin?”
                “Hindi noh! Ginawa ko ito dahil gusto ko, ginawa ko ito dahil sa tingin ko wala namang masama kung maging maayos ako sa pangingin ng iba.”
                “Mabuti naman kung ganoon. Kasi gusto ko lang malaman mo na minahal kita kahit ano ka pa. Naramdaman ko ang pagmamahal na ito dahil iyon ang nakita ng puso at hindi ng aking mga mata. Gusto kong sabihin sa iyo na may nakita ako sa iyo na minahal ko na hindi kayang makita ng mga mata kundi nito.” Tinuro niya ang kaniyang puso.
                “Grabeng mga banat. Parang nahihimatay ako. Lumalabas ang kakornihan hahaha” natawa ako ngunit hindi siya. 
“Seryoso ako. Kung alam mo lang na mas matindi ang nararamdaman kaysa sa nakikita lang. Ngayon na dumating ka, hindi na ako makapapayag pa na muli kang mawala. Napakarami na nating pinagdaanan. Hindi na tayo bumabata Terence para gugulin lang sa pagkakalayo at pagtakas. Sana huwag mo ng ulitin pa ang sumuko ng di pa sinusubukang lumaban o kaya ng umalis ng di sa akin nagpapaalam. Alam mo ba kung gaano kahirap ang ginawa mo sa akin, ha” hinalikan niya ako sa labi bago ko magawang sumagot. Nagpaubaya ako.
God, namiss ko ng sobra ang init ng kaniyang mga labi sa aking labi. Ang mabango niyang hininga. Ang kakaibang sensasyon na dinadala ako sa alapaap.
                “Sana huwag mo na akong uling iwan ha? Pangako kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwang mag-isa. Sana naniniwala ka sa akin.” Niyakap muli niya ako ng mahigpit.
Wala akong maisagot dahil dama ko ang kaniyang sinasabi. Hindi lang kasi bunganga niya ang nagsasabi no’n ibinubulong iyon ng kaniyang puso sa kaibuturan ng aking puso. Sapol ang aking damdamin dahilan para tuluy-tuloy lang ang aking pagluha. Hanggang sa tuluyan ko ng hindi pa nakakayanan pa at muling naglapat ang aming mga labi. Ang simpleng paglapat ay mas nagiging mainit. Umaalab. Lumalaban. Nakipagtagalan hanggang sa natagpuan na lang namin ang aming sarili sa loob ng dating kuwarto na siyang saksi ng una naming pagniniig.
                Hindi na ako noon nakaramdam ng hiya nang haplusin niya ang mamasel-masel kong katawan. Hinayaan kong maidampi ang hubad kong katawan sa nag-aanyaya niyang kahubdan. Hanggang sa naglakbay ang labi niya sa likod ng aking tainga hanggang sa aking leeg habang binabalik ko rin ang sensasyong iyon sa kaniya. Umibabaw siya sa akin at dinama niya ang aking dibdib pababa sa aking tiyan habang hinahalikan niya ako sa labi. Hinimas-himas niya ang maumbok ngunit matigas kong dibdib samantalang naglakbay din ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib hanggang sa malabot-lambot niyang katawan na tuluyang tumigil sa galit na galit niyang kargada.
                Nagkaroon ng ritmo ang bawat indayog niya at hindi ko alam kung bakit sa kaniya, hindi ko naramdaman ang takot o sakit na hinayaang pasukin niya ako. Kung nagagalit akong gawin sa akin ni Jc ang ganoon sa akin, kay Lando ay hindi niya iyon kailangang hilingin para tuluyang makamit. Hindi niya kailangang magsalita para buong puso kong ialay. Ilang sandaling naglabas-masok iyon sa loob ko habang maingat niyang hinahalikan ang aking mga bibig. Ang mga halik niya at paulit-ulit na pagsabi ng kaniyang nararamdamang pag-ibig ang parang naghatid sa akin sa kakaibang sensasyon ng kaniyang paghagod. Nagiging isang napakasarap na ritmo ang dating kinaiinisan kong posisyon. Tama ngang langit na maituturing iyon kung ginagawa ninyo iyon ng tunay mong mahal. Walang takot… walang sakit… walang pandidiri.
                Pagkatapos no’n ay nakangiti niya akong hinalikan sa labi.
                “I love you mahal ko.” Nakatingin siya sa aking mga mata at may pumunit na ngiti sa kaniyang mga labi.
                “I love you more.” Sagot ko.
                “Hindi nga, parang mas mahal naman kita e. Natiis mo nga ako ng tatlong taon.”
                “I’m sorry.”
                “Nope, I’m sorry.” Saka niya ako muling hinalikan. “Dito ka muna ha. Give me an hour to prepare. Pahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa biyahe at sa ginawa natin.” pilyo niyang ngiti.           
                Parang noon ko lang talaga naramdaman ang kapaguran. Pagod ngunit may ngiti sa labi. Parang noon ko lang din naramdaman ang tunay na kasiyahan na para bang wala na akong ibang mahihiling pa. Walang ibang gumugulo sa aking isip kaya hindi ko namalayang napaidlip.
                Nagulat na lamang ako ng may batang humahagikgik sa paanan ko at nang ilibot ko ang aking paningin ay may naka-set ng mesa na puno ng pagkain.  Tanging mga kandila ang sumasabog ng liwanag sa kuwarto. May alak din at isang pulang rosas sa tabi nito. Nandoon din ang sari-saring mga paborito kong pagkain.
“Hayan gising na ang daddy Terence.” Binuhat niya si Jay-ar at inilapit sa akin. Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nakasando ng puti at boxer short ding puti si Lando. Nang pagmasdan ko ang batang ay nakita kong parang pinagbiyak silang bunga ni Lando. Nakasando din ang bata ng puti na binagayan din ng short na puti. Nakatitig lang si Jay-ar sa akin na parang pinag-aaralan niya ang bawat anggulo ng aking mukha. Kinuha ko siya kay Lando at hinalikan sa pisngi. Muli akong tinignan ng bata.
“Tawag mo sa kaniya anak, Daddy Terence. Sige, Jay ar anak, sabihin mo nga, how are you daddy Terence?”
“Hawl al yu daddy Telens?” sunod ding sinabi si Jay-ar.
Sabay kaming tumawa ni Lando. “Sabihin mo, anak. Welcome home, daddy Terence”
“Welyam om daddy Telens” pabulol padin sinabi ng bata at sa sobrang gigil ko sa pagkabibo niya ay pinupog ko ito ng halik. Naramdaman ko din ang mahigpit na yakap sa aming dalawa ni Lando.
“Buo na ako. Puwede na akong mamatay kasi buong-buo na ang kasiyahan ko.” Sabi niya.
“Mamatay agad? Kasisimula lang natin patay agad? Di ba puwedeng 100 years muna nating ienjoy ito?”
“Joke lang, gusto ko lang sabihin na sobrang saya ko na hindi ko alam kung paano siya i-express.”
               “Luku-luko ka. Hindi kaya malito ang bata kapag lumaki ‘yan na dalawa ang daddy niya sa bahay.” Seryoso kong tanong.
                “Hindi naman nating hahayaang malito. Pagdating ng araw, kailangan nating sagutin siya ng totoo at alam kong maiintindihan niya tayo. Busugin lang natin siya ng tamang pagmamahal at kalinga at alam kong matatanggap niya ang kaibahan ng kung anong pamilya mayroon siya. Di ba mahal ko?” pagkasabi niya iyon ay muli kong naramdaman ang malambot niyang labi sa aking labi.
                “Ano ka ba, nakikita ng bata.” Pagsuway ko.
                “Bata pa iyan kaya hindi pa niya alam. Saka paano siya magtatanong balang araw kung wala siyang nakikita? Paano niya maiintindihan kung tinatago natin sa kaniya ang dapat nakikita na niya mula’t sapol pa? Hala, umupo ka na doon at kargahin mo ang anak natin at kunan ko muna  kayo ng picture tapos kami naman ang kunan mo at pagkatapos set natin ang camera sa timer para lahat tayo as one family. Di ba angsaya?” humigik na din siya.
                Siguro maarte lang talaga ako kaya ako naluha sa ligaya ngunit sobrang ligaya ang naramdaman ko noon. Ligayang hindi ko hiniling, hindi ko pinangarap, hindi ko hinintay. Wala akong ginawa kundi nagtanim lang ng pagmamahal at hindi ako naghintay na ito’y mamunga.  Iyon na ang pinakamasayang salu-salo sa buhay ko.
                Hanggang sa parang pamilya na kami kung lumabas ng bahay. Sabay-sabay kaming magsimba, sa pagdala kay Jay-ar sa mga pook pasyalan, nakikipaglaro kami sa kanya sa mga palaruan sa Mall. Dinadala namin kapag nagswiswimming kami.  Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Diyos sa ligayang nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung hanggang kailan basta ang alam ko ay nagmamahalan kami at walang araw na hindi kami nakangiti. Bago ko ipikit ang aking mga mata ay yakap niya ang siyang naghahatid sa akin hanggang sa tuluyang makatulog at halik niya ang sumasalubong sa akin sa umaga. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya at ni Jay-ar ang nagbibigay ng di matatawarang ligaya sa buhay ko.
                “Walang iwanan, mahal ko ha?” paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin bago kami matulog. Parang nagkaroon na siya ng trauma ng iwan ko siyang walang paalam at hindi ko din pinagdadamot ang sagot ko.
                “Sumpa ko, pangako ko, walang iwanan.”
                Nagpatuloy ang aming buhay. Hindi na muna niya ako pinaghanap ng trabaho para makapagbonding pa daw muna kami ng anak namin. Naging ulirang maybahay naman ako. Nag-aalaga sa anak namin, nagluluto, naglalaba, namamalantsa at mabangong- mabango pag-uwi niya. Hindi ako nakakaramdam noon ng kapaguran. Gustung-gusto ko ang ginagawa ko. Kahit tatlong buwan lang daw na ganoon muna ang set up at kapag malapit na ang bata sa akin ay saka na lang kami kukuha ng magiging yaya ni jay-ar.
                Tuwing dumadating siya ay hindi niya kinakaligtaang dumaan ng kung anu-anong pasalubong sa amin ni Jay-ar. Tuwing day-off naman niya ay namamasyal kami sa park, kumakain sa labas o kaya ay nag-a-out of town. Hindi ko ramdam na kinakahiya niyang lalaki ang asawa niya. Lalo pa’t madalas na din naman namin nakakasama sa mga lakad namin si Dok Mario at si Dok Bryan. Minsan nga sinasamahan din namin sila para dalawin ang namatay na kaibigan ni Dok Bryan at ang minahal ni Dok Mario na si Gerald.
                Hindi ko alam ang buong detalye ng pagkamatay ni Gerald ngunit dama ko kung gaano kahalaga sa relasyon nina Dok Mario at Dok Bryan ang nakahimlay doon. Hindi man sa akin naikukuwento ang buong katotohanan ngunit nakikita ko na kung gaano ang pagmamahalan namin ni Lando ay kayang tapatan ng dalawa. Nakapabait nila sa amin at pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isa pang pamilya bukod sa aming pamilya.
                Sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko ay tanging si Jasper lamang ang nakakaalam sa lahat. Balak niya kasing magbakasyon ng isang buwan sa Pilipinas at balak niyang bumisita sa Pilipinas. Siya din ang nagkuwento na tinanggal na daw sa trabaho si Jc dahil sa napapansin nilang nawawala na ito sa sarili. Ibig sabihin ay hindi na maintindihan ng pinagtratrabahuan niya ang kaniyang mga kinikilos sa mga nagdaang araw. Hanggang isang araw nang tumawag si Jasper sa akin, isang balita ang gumimbal sa akin. Balitang alam kong magiging hadlang sa kung anuman ang mayroon kami ngayon o kung hindi man ay siyang tuluyang tatapos sa lahat.
(Note from the Author: Sina Dok Mario at Dok Bryan at ang nakahimlay na si Gerald ay mga tauhan sa nauna nating Nobelang "Everything I have" Basahin ang kanilang kuwento sa mga hindi pa nakakilala sa kanila)

[20]
May mga nangyari sa nakaraan na kahit anong gawing pagtakas ay pilit kang babalikan. May mga nakilala sa nakaraan na maaring maging dahilan ng mga suliranin sa kasalukuyan. Tinapos ko na ang kuwento naming dalawa ni Jc. Hanggang sa Dubai na lang iyon. Kinausap ko din naman siya ng matino noon na tapos na kami. Nang makausap ko si Jasper ay parang nabuo uli ang takot na naramdaman ko noong kasama ko palang siya sa Dubai. Hindi lang ako noon natatakot para sa sarili ko, mas matindi ang takot ko para kay Lando.
                “Gurl, itong si Jc kinuha ang address mo diyan sa Pilipinas. Pati ang celphone number mo.” Balita sa akin ni Jasper nang makausap ko siya.
                “Bakit mo ibinigay? Di ba sinabi ko sa iyo na huwag na huwag mong hahayaang makuha niya ang address ko dito? Saka akala ko ba kasi iniwasan mo na yung taong ‘yan. Hayan tuloy, hindi tayo makalayo-layo sa kaniya.”
                “E, kasi gurl, nagyaya siyang uminom tapos hayun nalasing ako. Hindi naman sa bahay siya nag-aya. Saka madami din naman kami noon. Alam mo namang malungkot ang buhay dito sa Dubai kung wala kang mga kasama. Nakatulog ako noon sa kanila sa kalasingan, pag-uwi ko kinabukasan nakita ko sa sent items ko na lahat ng mga tinext mo sa akin na address mo at contact number ay nakaforward na sa mobile number niya.”
                “Paano ‘yan ngayon?”
                “At hindi lang pala iyon gurl. Nalaman ko lang sa isang kaibigan namin na kakilala niya daw dati pa diyan sa Pinas si Jc at galing na daw ito sa Mental Hospital dahil nagnervous breakdown siya nang mabigo sa pag-ibig at nagkaroon ng family problem noong college pa sila. Kaya nga siya nagtataka nang makita siya dito sa Dubai.”
                “Napakarami mo namang magagandang balita sa akin ngayong araw na ito. Sobrang hinakot mo na yata ang mga inspiring chika sa Dubai.” Biro ko lang iyon dahil tumataas na naman ang nararamdaman kong tensiyon. “Ibig mong sabihin may tililing na dati si Jc?” pagpapatuloy ko.
                “Iyon nga e, minsan daw naririnig ng mga boss niyang nagsasalita daw siya mag-isa tapos may mga pagkakataong naninigaw, may oras ding halos wala siyang ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho.”
“At kanino mo naman nalaman ang chikka na yan? Katrabaho mo yung tao?”
“Gaga, ano ka ba, e syempre nalaman ko iyon sa katrabaho niya nung nag iinuman kami. Napansin ko din iyon noong gabing iyon. Paiba-iba ang tungo ng pinag-uusapan namin ngunit halos laging ikaw ang bukambibig niya. Lalo na ngayon pinauwi na siya ng company niya kaya natatakot ako na baka puntahan ka niya diyan at baka kung ano pa ang gagawin niya.”
                “Pinauwi na siya? Kailan pa?”
                “Nalaman ko lang kahapon. Despedida na pala yung inuman na ‘yun. Nakakaloka. Dalawang araw na siyang nakakauwi. Sana naman hindi niya maisipan pang guluhin ang buhay ninyo ni Lando.”
“E, di ba nga wala sa katinuan. Baka naman hindi na din niya alam ang address ko.”
                “Hindi e, may mga pagkakataong normal naman siya. Tingin ko kasi may sakit siyang “Sadistic Personality Disorder”.  Alam mo naman ang mga maysakit ng ganoon.  Baka kasi bigla ka na lang pupuntahan diyan at gusto pa rin niya siya ang dominante sa relasyon ninyo kahit nga tinapos mo na ang sa inyo. Noong nag-uusap kasi kami, talagang ang punto niya ay kayo parin at hindi pa nagkakahiwalay. Natatakot ako para sa inyo gurl.”
                “Praning ka na naman e. Napakarami mong mga assumptions sa sakit ni Jc. Dapat pala BS Psycology ang kinuha mo noon at hindi BS Accountancy para naman matumbok mo talaga kung anong sakit nong tao. Sa dinadami ng sinasabi mong sakit nong tao, nalilito na ako. Puwede bang sabihing may sakit talaga siya sa pag-iisip hindi yung binibigyan mo ako nang kung anu-anong personality disorder na ‘yan. Saka ipagdasal na lang natin na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo kaya huwag ka ngang ganiyan. Saka hindi ako pababayaan ni Lando.”
                “Ayyy naman, haba ng buhok. O siya. Sinabi ko lang para kahit papano ay makapaghanda-handa ka kunsakali man. ”
                Unang araw, pangalawang araw hanggang pangatlo, balisa ako. Hindi ako mapakali. Napapakislot ako sa tuwing may nagbabuzz.
                “Okey ka lang ba mahal? Tatlong araw na kitang napapansin na balisa.” Puna ni Lando sa akin.
                “Wala. Kung anu-ano lang napapansin mo sa akin. Huwag mo akong intindihin. Kung may problema ako, sasabihin ko naman sa’yo.” Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay takot ako para sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin ang lahat ng nakaraan ko sa Dubai. Ngunit nakaraan na kasi iyon. Gusto ko na talagang ibaon sa limot. Saka hindi naman din siya nagtatanong sa akin kung ano ang mga nangyari sa akin sa Dubai. Ang lagi lang niyang sinasabi sa akin ay masaya siyang kasama na ako at kuntento na siya doon.
                “Kung may problema ka, nandito lang ako. Alam mo naman ‘yun di ba? Kahit ano pa yan, malalagpasan natin.” Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko saka niya ako hinalikan sa labi. Niyakap ako ng mahigpit pagkatapos. At sa ginawa niyang iyon ay pinapawi nito ang aking mga takot at pangamba.
                “Sana lang wala kang nililihim sa akin kasi dahil sa mga paglilihim na iyan, napakarami nating mga sinayang na panahon sa buhay natin.”
                “Lihim?” pagmaaang-maangan ko. “Ikaw, may mga nilihim ka ba sa akin dati?”
                “Siguro hindi ko masabing lihim, hindi kasi ako sigurado noon e. Hindi ko din matanggap sa aking sarili na ganito ako kaya minabuti kong paglabanan ang lahat at hindi ko alam na kapag lalo kitang nasasaktan, napapansin kong lalo kitang minamahal.”
                “Naks naman. Pansin ko lang, nagiging korni ka na nitong mga huling araw.”
                “Kakornihan ba ‘yun? Ikaw nga diyan ang malihim. Alam mo ba na noong high school tayo ay may ginawa ka sa akin?”
                “Alam mo yun? Akala ko ba lasing at tulog ka nun?” gulat kong tinuran. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa ginawa ko.
                “Oo lasing ako noon pero alam ko ang nangyayari. Sayang nga hindi mo tinuloy haha” tumawa siya.
                “Noong nagkagirl-friend ako at ikaw ang ginamit ko para manligaw, akala ko noon aamin ka na. Akala ko, dahil nasasaktan ka, sasabihin mo nang mahal mo ako pero nang ginawa mo parin iyon, nagdalawang isip din ako na baka mali lang ang hinala ko. Saka hindi ko din alam noon kung ano ang magiging reaksiyon ko. Hindi ko pa kasi tanggap ang pagkatao ko noon at kinamumuhian ko yung nararamdaman ko.”
                “So hindi mo mahal si Janine noon?”
                “Hindi no. Pinapaselos nga kita. Pero ‘antindi mo ha. Wala akong naramdamang pagbabago o galit mula sa iyo. Kung ano ang pakikitungo mo sa akin noong wala akong gf, ganoon ka padin kahit nagkasyota na ako. Ang ending, sarili ko pa din yung pinahihirapan ko.”
                “Sus, yun ang alam mo ‘no. Sakit kaya sa akin iyon noon kaso lagi kong ipinapaunawa sa sarili ko na hindi mo ako gusto, na lalaki ka at babae ang para sa iyo at sino ba naman ako na iparamdam ang pagmamahal e sobrang chakka ko noon.”
                “Sa totoo lang, hindi ko tinitignan ang pisikal mong kaanyuan noon kasi mas nakikita ko yung kabutihan mo sa akin. Hanggang nag-college tayo. Akala mo ba hindi ko alam na sinundan mo lang ako ng school. Alam kong napilitan ka lang na mag-enrol sa pinag-enrolan ko kasi gusto mo magkasama tayo pero tindi mo talagang magtago ng nararamdaman mo. Sabi ko noon sa sarili ko, kung ayaw mong maunang magtapat, e hinding-hindi ako magpaparamdam sa iyo. Puro ka lang kasi gawa, hindi ka naman nagsasabi. Hanggang dumating na si Ram sa buhay ko. Siya ang nagpagising sa tunay na ako.”
                “Minahal mo din ba si Ram?”
                “Noong una, minahal ko siya. Sa kaniya ko naibaling yung pagmamahal ko na dapat sa iyo. Naisip ko kasi baka nga hindi mo din ako mahal. Baka likas lang sa pagkatao mo ang mabait, maalahanin at mapagmahal. Kaya dahil napakatigas mo noong mga araw na iyon at ayaw sabihing mahal mo ako, e naisip kong doon na lang ako sa taong kaya akong panindigan. Kaso nagkamali ako. Naging masalimuot ang buhay ko. Mas lalong nasira ang kinabukasan ko at ikaw muli ang nag-ayos no’n. Nahihiya na ako ng sobra noon sa iyo kaya gusto ko, kapag magkita tayong muli, iparamdam ko na sa iyo ang pagmamahal ko. Hindi na ako matatakot. Hindi na ako mahihiya. Pero sadyang pinaglaruan tayo ng tadhana dahil dumating naman si Glenda. Pero nang magkasama kami ni Glenda, alam kong hindi ako sasaya sa kaniya. Sinubukan ko ng tatlong buwan lalo pa’t ayaw mo naman akong ipaglaban na para bang pinagtulakan mo pa ako. Sinunod ko ang gusto mo pero naramdaman kong may mali. Gusto ko, ikaw ang makasama ko sa pagtanda. Ikaw lang ang taong nakakapagpasaya sa akin. Ramdam ko na kumpleto ang buhay ko kapag kasama kita. Kaya sana, kung may gumugulo man sa iyo ngayon, sabihin mo sa akin. Handa akong makinig at unawain lahat. Hindi na tayo dapat bumalik pa sa ganoong mga sitwasyon na dahil sa takot natin na baka mabigol lang tayo ay mas pinipili nating sumuko na lang o manahimik. Hindi pala ganoon ang buhay. Dapat matatag na harapin at sabihin ang nanaisin at kung mabigo man ay alam mong sumubok ka at huwag manghihinayang dahil alam mo sa puso mong lumaban ka kaysa sa kaagad na sumuko na hindi pa sumusubok.”
                Niyakap ko muli siya. Tagos sa puso ko lahat ang sinabi niya at buum-buo yung pagmamahal ko sa kaniya. Ayaw kong mawala pa siya sa akin. Hinding-hindi ko hahayaang may sisira pa sa amin. Kahit pa kamatayan ang katumbas no’n ay hindi ko siya bibitiwan kahit kailan. 
Natapos ang isang Linggo mula nang tinawagan ako ni Jasper tungkol doon at wala namang dumating na Jc ay parang tuluyan ko na lamang kinalimutan na mangyari ang kinatatakutan niya. Ang importante kasi ay masaya ako at kumpleto sa piling ni Lando at ang anak niyang tinuturing ko na ding anak. Ayaw kong mabalot lang ng takot at pangamba ang araw-araw naming pagsasama. Ayaw kong bigyan siya ng proproblemahin.
                “Nag-order ka na ba ng pizza mahal ko?” tanong sa akin ni Lando habang masaya kaming nanonood ni Lando ng isang science fiction movie. Si Jay ar naman ay nakatulog na sa sofa. Kinumutan na lang muna namin doon at ipasok na lang sa kuwarto niya kung matutulog na kami.
                “Oo, kanina pa. Parating na din iyon mamaya.  Taman-tama patapos na pinapanood natin at gusto ko isunod na natin ay horror naman.” sagot ko.
                “Horror? As in Horror talaga ang gusto mo? Sige horror basta siguraduhin mong tapusin mong panoorin na hindi ka nakatakit ng mukha att pagkatapos nating manood patulugin mo ako ha, kasi alam na alam ko na naman ang ending nito, gusto mo na naman na patutulugin muna kita bago ako matulog. Tanda mo na, natatakot ka pa sa napanood mo lang.”
                “Mas maganda kasi ‘yun para mas nararamdaman kong nandiyan ka laging bantayan ako hanggang makatulog. Saka kapag mga ganiyang movie pinanonood natin hindi ako makayakap ng madalas sa’yo.”
                “Anong hindi naman e, anong tawag mo sa ginagawa ko sa iyo ngayon. Hindi ba yakap to?”
                “Basta horror ang gusto kong isunod natin.”
                “Lang ‘ya naman mahal ko. Laging ikaw ang nasusunod kung ano ang panonoorin ah. Basta sigurado kang manood ka at walang matakot mamayang gabi.”
              
Nang biglang may nagbuzz.
                “Mahal ko, kunin mo si Jay-ar. Ako na lang ang kukuha sa pizza. Ihatid mo na lamang siya sa kama niya.” Malambing niyang pakiusap sa akin.
                “Ako na kukuha nung pizza mahal. Baka magising pa yang bata e, alam mo namang ikaw ang gusto niyang naghahatid sa kama niya. Ako na ang magbukas at dalhin mo na lang si baby Jay-ar sa kuwarto niya.” Habang sinasabi ko iyon ay kumilos na ang mga paa ko para buksan ang pintuan. Hindi na ako sumilip pa dahil kampangte ako na iyon na ang inorder naming pizza.
                Pagbukas ko ay nanlaki ang aking mga mata at biglang parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Isasara ko na sana nang mabilis niyang ipinasok ang isang paa. Minabuti kong ako na lang ang lumabas at muling isinara ang pintuan.
                “Kumusta?” seryoso at may dating na tanong ni Jc.
Nakasumbrero siya at nakajacket ng itim. Hindi ako makasagot. Nakapalakas ng kabog sa aking dibdib. Kinakabahan ako na parang hindi ko maipaliwanag. Muli akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang napakaamo niyang mukha. Nakangiti siya na parang walang kahit anong kasamaan siyang binabalak.
“Bumalik ka na lang sa ibang araw. Gabi na kasi. Magpapahinga na ako.”  Pakiusap ko. Hindi ko tinatanggal ang kamay ko sa seradura ng pinto. Wala akong balak papasukin siya.
                “Babalik? Ganun lang iyon? Hindi mo lang ba ako namiss? Akala mo ba madali lang ang pinagdaanan ko para mahanap kita at pumuslit diyan sa guwardiya ninyo sa baba. Hindi ako makapapayag na magkakahiwalay pa tayo.” Nakangiti pa din siya. Kalmado ang bawat pagbitiw niya ng kaniyang mga sinasabi.
                “Anong pinagsasabi mo? Matagal na tayong tapos. Nang iniwan kita sa Dubai, tinapos ko na ang lahat ng tungkol sa atin kaya puwede ba? Utang na loob, tigilan mo na ako Jc. May sarili na akong buhay.” Madiin ang bawat pagbitaw ko ng salita. Gusto ko iyon ipaunawa sa kaniya. Tapos na kami.
                “Anong tapos? Pumayag ba ako?  Sinabi ko bang, sige tapos na tayo. Malaya ka na. Tinaguan mo ako, iniwan mo ako ng walang paalam. Anong gusto mong gawin ko. Basta na lang kita kakalimutan? Halos dalawang taon, Terence. Sa’yo umikot ang buhay ko. Inaamin ko hindi ako naging perpekto ngunit alam mong mahal kita.” Basa ang gilid ng kaniyang mga mata.
                “Tapos na nga tayo. Sana matanggap mo ‘yun. Hanggang don na lang lahat.”
                “Wow! Sa tingin mo gano’n lang kadali iyon? Pagkatapos ng lahat? Minahal kita Terence at kung sa iyo ganoon lang kadaling talikuran ako, para sa akin hindi ganoon iyon. Kailan lang nang sinabi mong mahal mo ako tapos biglang naglaho na lang iyon? Ngayon, gusto mo, basta na lang iyon kakalimutan?”
                “Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap na mahal kita? Kahit anong gawin ko Jc hindi ko na kayang ipilit iyon sa puso ko. Kahit ano pang gawin ko, hindi na ako masaya sa iyo. Alam ko, masakit iyon pero mas lalo ka lang masasaktan kung ipilit mong ibalik ang matagal ng tapos.”
                “Walang tapos, Terence. Hindi pa tayo tapos.” Matatag niyang sinabi iyon. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Napawi ang mukha niyang parang nakikiusap kanina.
                “Ako na ang nagmamakaawa, tulungan mo ang sarili mo para makalimutan ang lahat. Subukan mong buksan ang isip mo, ipaunawa mo sa puso mo na hindi na tayo, na tapos na yung sa atin. Mahirap sa una alam ko pero pagdaan ng panahon at kung nakatagpo ka na ng taong para sa iyo ay pagtatawanan mong minahal mo ang isang katulad ko lang.”
                “Hindi! Ikaw lang ang mahal ko. Alam kong mahal mo parin ako. Alam kong nagalit ka lang sa nakita mo ngunit ako parin ang mahal mo.” halos humihiyaw na siya. Hindi ko na alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya ang totoo.
                “Anong nangyayari dito?” maalumamay na tanong ni Lando mula sa likuran ko. Nabitiwan ko ang seradura ng pintuan dahil hinila niya ito mula sa loob ng condo. Binuksan niya ang pintuan. “Papasukin mo siya at hindi kayo diyan sa labas nagtatalo. Sino ba siya, mahal?”
                Tuluyan na akong pinagpawisan ng malapot. Wala siyang alam tungkol kay Jc. Inilihim ko iyon kaniya sa pag-aakalang ang relasyon ko sa ibang bansa ay hanggang sa ibang bansa lang nagsimula at doon na din natatapos. Akala ko kasama ng paglisan ko sa Dubai ang siya namang tuluyang pagkalibing ng alaala ni Jc. Lumingon ako sa kaniya. Tinimbang ko muna ang lahat ng gusto kong sabihin para akong basing sisiw na hindi ko alam kung saan ako susukob. Nanigas ang dila ko. At ang tagpong iyon ang pinagmulan ng trahedyang siyang tuluyang tumupok sa aking mundo.

No comments:

Post a Comment