By: Daredevil
[11]
by: Daredevil
Dumating na ang araw
ng pasukan para sa kolehiyo. Dalawang buwan na ang nakalilipas nang iwanan ako
ng aking pinakamamahal na bestfriend para ituloy ang pag-aaral sa Amerika. Pero
hindi ko naman nararamdaman gaano ang pagkamiss ko sa kanya dahil halos twice a
week kami kung mag-usap sa pamamagitan ng internet. Ginagamit ko ang laptop ni
Jake sa kanyang kwarto.
Naipasa ko naman ang entrance exam para sa kolehiyo. Sa tulong na rin ng araw-araw na tutorial namin ni Jake. Sa nakikita ko sa kanya, medyo bumabait na siya sa akin pero bumabalik pa rin ang pagkamainitin niya ng ulo kapag hindi ko nakukuha ang mga itinuturo niya. Tinuloy ko talaga ang naisip kong kurso, ang nursing ganoon din si Jake na medicine. Natural, hindi kami magkaklase pero sabay pa rin kami pumasok at umuwi alinsunod na rin sa utos ng mga magulang niya.
First day of classes, naghiwalay kami ni Jake sa lobby ng school para hanapin ang aming mga classrooms. Ayon sa aking registration card sa Rm. 211, nalaman ko na iyon pala ay sa second floor. Pagkatapos ng halos 5 minutong hanapan, nakita ko na ito. Bago ako pumasok, tinignan ko muna ang magiging kaklase ko. Marami-rami rin pala sila at halos puro lalaki. Pagkatapos, deretso na kong pumasok at umupo sa bandang likuran. Dahil sa wala pa akong kilala, siyempre tahimik lang ako, maya-maya nag ring ang cellphone ko.
"O Dave, kamusta na ang first day" si Erika na tumawag.
"Ito ok lang medyo naiilang ako kasi mukhang matatalino itong mga kaklase ko, ikaw ok ka lang ba?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman, at saka alam mo friend, ang dami mga gwapo sa mga kaklase ko." si Erika.
"Ahh ganun ba, dito rin puro lalaki rin pero wala akong interes sa kanila" sabiko ulit.
"Kasi si Jake na naman ang nasa puso mo eh, tanggapin mo na friend na malabo maging kayo" si Erika ulit.
"Alam ko naman iyon, ok na sa akin ang set-up namin saka kung lalayuan ko siya ay malabo ring mangyari dahil nakatira ako sa kanila" ang mahabang sagot ko sa kanya.
"Basta tatandaan mo friend na mag-ingat ka at pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mong gawin ha. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong" si Erika.
"Oo alam ko naman iyon binilin naman sa akin ni Pat na ikaw ang magbabantay sa akin."
"O siya sige nandito na ang prof namin kita-kits na lang" si Erika.
"Ok bye." sabay baba ko ng phone.
Habang naghihintay pa rin sa pagdating ng aming prof para sa first subject, naisipan ko munang dukutin ang earphone ko sa bag at mag soundtrip gamit ang cellphone ko, siyempre para di ko rin marinig ang daldalan ng aking mga kaklase. Maya-maya, isang estudyante ang nakaagaw pansin sa akin na pumasok at saglit kong tinanggal ang earphone sa tenga. Sa nakikita ko, mukhang nagmamadali ito dahil pawis na pawis siya, gayunpaman humahalimuyak ang ginamit niyang pabango. Umupo siya sa katabi kong upuan sa kanan.
"Buti naman at hindi pa dumadating ang prof natin" sabi niya.
Hindi naman ako nagsasalita sa pag-aakalang di ako ang kausap niya kundi ang babae sa harapan niya nang kalabitin niya ako sa balikat.
"Hi!!! bati niyang nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako sa mukha niya. Doon ko napansin na may itsura din pala ang taong ito. Maputi ang mukha niya, ang mata na medyo singkit, ang matangos na ilog at mapupulang labi, ang buhok na pang koreano ang style, maganda ang pangangatawan at matangkad.
"Sabi ko hi." sinabi ulit niya.
"Ah eh kwan, hello" sabi ko sa kanya.
"Mukhang natutulala ka yata sa akin, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sabay punas ng panyo sa mukha.
"Ah wala naman, nabigla lang ako sa iyo akala ko kasi na hindi ako kausap mo e." sabi ko naman.
"Ganun ba, by the way ako nga pala si Mark Joseph." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay para makipagshake hands.
"John David pala" sabi ko sabay abot din ng kamay.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang magkamay kaming dalawa. Grabe ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Agad naman akong bumitaw sa kanya.
"Alam mo sa tingin ko mukhang mabait ka, kasi una palang pagkakita ko sa iyo e parang ang gaan-gaan ng loob ko, natutuwa ako dahil magiging magkaklase tayo ng apat na taon." sabi niya na ikinabigla ko.
"Hi..hindi naman masyado, ikaw naman ngayon mo pa lang ako nakilala e hehehehe" sabi kong medyo nahihiya.
"Basta iyon ang nararamdaman ko sa iyo, kaya sana maging friends tayo simula ngayon kung papayag ka" sabi niya.
"O..oo naman walang problema hehehe" sabi ko sa kanya.
Napaisip naman ako sa kanya. Parang ang bilis niya yata. Tapos sa lahat ng mga kaklase ko dito e sa akin pa siya unang makipag-usap. Magkaganun pa man natutuwa na rin ako kahit papaano dahil meron na akong naging friend agad.
Marami pa kaming napag-usapan ni Mark. Nalaman ko na mayaman din pala ang pamilya niya at nag-iisa rin siyang anak tulad ko. Valedictorian din noong high school. Sa pag-uusap namin, medyo nakagaanan ko na siya ng loob dahil masayahin siyang tao at palabiro. Hindi mo aakalaing isang henyo rin ito. Binanggit ko na rin sa kanya ang tungkol sa akin, na may pagkabobo ako, walang sariling tirahan at ang pagkaulila ko sa ina at bestfriend.
Labis kong ikinatuwa ang mga sinabi niya. Siyempre di ko sinabi ang totoo kong pagkatao baka layuan niya ako agad.
"Tandaan mo Dave na walang taong bobo. Huwag mong ibaba ang sarili mo. Sa tingin mo ba na makakapag college ka ba kung mahina ang utak mo. Isa pa, kahit ganyan ka, huwag mong hayaan na maliitin o insultuhin ka ng ibang tao. Ipakita mo kung ano ang mga kakayahan mo na maaari mong ipagmalaki.Tungkol naman diyan sa pangungulila huwag kang mag-alala tutal e pumayag ka nang maging friend ko kaya sisikapin kong mapunan iyon." mahabang pangaral niya habang nakatingin lang siya sa akin.
Nabilib ako sa mga sinabi niya dahil first time kong makarinig ng mga ganoong pananalita sa ibang tao. Kasi nakasanayan ko na ang mga sinasabi sa akin ni Jake pati ng iba kong ka schoolmates noong high school. Sobrang tuwa ko sa kanya. Dahil doon lalong gumaan ang loob ko sa kanya.
Maya-maya dumating na rin ang mga prof namin. Dahil first day, puro orientation lang sa subject, pakilala sa sarili ang ginawa. Makalipas ng halos 6 na oras, natapos na rin ang klase.
"Dave, saan ka pala nakatira?" tanong ni Mike sa akin.
"Ah diyan lang sa may Mandaluyong sa Greenhills East." sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit.
"Talaga, taga San Juan lang ako, pwede tayong magsabay sa pag-uwi." sabi niya.
"Hindi pwede dahil may kasabay na ko pauwi, yung isang kasama ko sa tinitirhan ko" pagtanggi ko sa alok niya.
"Ganun ba sayang naman, sige mauna na ako sa iyo kita kits na lang bukas" paalam niya sa akin.
"Ok bye."
Lumabas na rin ako ng classroom nang maisipan kong hanapin ang classroom ni Jake para makita siya doon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa fourth floor lang ito ng parehong building. Sinilip ko siya sa loob. Nabigla ako sa aking nakita. Sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ng kung anong lungkot. Si Jake may kausap na babae at mukhang masaya silang nag-uusap. Maganda ang babae, kaya naisip ko agad na bagay sila. Nakatingin lang ako sa kanila nang makita ko siyang lumingon sa akin. Agad kong nilisan ang lugar na iyon para hindi niya makita ang kung anumang emosyong nararamdaman ko.
Pumunta ako sa isang puno na malayu-layo sa building ng school. Doon ko nilabas ang lahat ng luha ko sa nakita ko kanina. Maya-maya habang nagiiyak ako, may isang taong lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.
Itutuloy. . . . . . .
.
allaboutboyslove.blogspot.com
[12]
by: Daredevil
Inangat ko ang mukha
ko para malaman kung sino ang nag-abot ng panyo. Si Mark pala ito.
"Akala ko ba may
kasabay ka sa pag-uwi, bakit nandito ka pa at saka bakit ka umiiyak?"
sunud-sunod niyang tanong saka tumabi sa aking pagkakaupo sa lilim ng puno.
"Wala to, hindi
ako umiiyak oh" pagtanggi ko sabay punas ng kamay sa mata pero hindi ito
pinaniwalaan ni Mark.
"Alam ko may
problema ka, huwag mong kimkimin yan, nandito lang ako, pwede mong sabihin sa
akin ang saloobin mo." si Mark.
"Mark, salamat
ha, kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging mabait ka sa akin"
pagpapasalamat ko sa kanya.
"Siyempre naman,
nakikita ko naman sa iyo na mabait ka ring tao, wala akong rason para hindi ako
maging mabait din sa iyo." si Mark.
"Alam mo Mark,
nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa
paligid ko e. Pero di ko pa masasabi ang
problema ko, hindi pa ako handa" humahagulgol ko pa ring sabi sa kanya.
"Naiintindihan
kita Dave, basta kung kailangan mo ng karamay
nandito lang ako ha. Ito lang masasabi ko sa iyo ngayon, alam ko na
pag-ibig ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Tandaan mo na kapag
nagmamahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan, pagsubok kasi iyan upang
malaman ang kapasidad ng isang tao, darating at darating iyan." mahabang
paliwanang niya sa akin.
"Oo
naiintindihan ko, alam mo dahil sa iyo, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob
para mabuhay. Simula kasi ng magkalayo kami ng bestfriend kom medyo bumigat na
ang mga problema ko.
"Kayanin mo
iyan, lumaban ka, wag mong ipakita sa taong iniibig mo na nasasaktan ka"
sabi ni Mark.
Tama siya, dapat
hindi magpakita ng lungkot, sa halip ay mag move-on. Dahil sa pag-uusap naming
iyon, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Agad naman akong nagpaalam sa kanya
baka hinihintay na ako ni Jake sa kotse.
Pagdating ko sa lugar
kung saan nakaparking ang kotse niya, nakita ko na si Jake, nahihintay sa
loob.Binuksan ko na rin ang kabilang pinto at pumasok.
"Napatagal ka
yata, kanina pa kong naghihintay dito" si Jake habang nagstart ng makina
na kotse.
"Pasensiya ka na
may ginawa lang kasi kami kanina"
"Ganun ba, teka
nga pala Dave, simula bukas dito ka na sa kotse dederetso, wag mo na akong
pupuntahan sa room" utos niya sa akin.
Sa sinabing iyon ni
Jake, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko bumalik na siya sa
dati nitong pag-uugali. May punto naman siya, di nga naman tama na ang lalaki
pimupuntahan o sinusundo ang kapwa lalaki sa room. Baka ikinakahiya niya ako sa
bagong babae niya.
"Sige, simula
bukas dito na lang ako maghihintay" maluha-luha kong pag-ayon sa kanya.
Wala kaming naging
imikan ni Jake habang nagmamaneho siya hanggang sa makarating ng bahay. Kahit
nalulungkot ako, pinilit ko pa rin maging masaya sa mga kasama ko sa bahay.
Hindi na ako naghapunan dahil sa walang gana, deretso sa kuwarto at doon
nagsimula muli akong lumuha.Naalala ko ang sinabi ni Mark na sa akin kanina.
Tama hindi dapat ako magselos dahil wala naman kaming relasyon.
Lumipas ang isang buwan,
ganoon pa rin ang set-up namin ni Jake. Hindi ko na rin pinupuntahan ang room
nila kaya tinutuon ko ang oras ko sa
pag-aaral ko at sa bago kong kaibigan. Si Mark, napakabait niya talaga halos sa
akin lang siya nakikipag-usap sa araw-araw na nagkikita kami. Textmates din
kami kapag gabi at sabay kung maglunch sa canteen. Minsan kasama rin namin si
Erika. Dahil sa kanya, nagiging masaya ang bawat araw ko at hindi ko na naiisip
ang mga masasakit kong karanasan kay Jake.
Isang gabi, nag-usap
ulit kami ni Pat sa pamamagitan ng internet at nakikita ang isat-isa through
webcam.
Pat: "Bestfriend
mukhang masaya ka na ngayon ah di tulad ng mga nakaraan nating pag-uusap"
Ako: "Oo,
masayang-masaya ako dahil kahit papaano mayroon akong bagong friend sa
school"
Pat" "Iyon
bang sinasabi mong Mark"
Ako: "Oo, alam
mo ang bait talaga niya at napakamasayahing tao kaya di ko maiwasang mangiti at
tumawa kapag magkasama kami. Hindi lang iyan, siya na ang tutor ko ngayon sa
school."
Pat: "Mabuti
naman, kahit papaano nakakadistansya ka na sa kanya, hindi ka na gaano
masasaktan."
Ako: "Tama ka
best, ikaw naman musta na dyan sa Amerika?"
Pat: "Ok naman,
medyo sanay na saka marami na rin akong mga bagong friends dito."
Ako: "Good, at
least di ka na nag-iisa dyan."
Pat: "Oo, sige
best, next time ulit marami akong ginagawa ngayon e."
Ako: "Sige
goodnyt ingat ka"
Pat: "Ikaw rin
basta wag mong kalilimutan mag-updates sa akin ha"
Ako:"Oo naman
bye."
Pinatay ko na ang
laptop at palabas na ng kwarto ng biglang nagsalita si Jake.
"Mukhang masaya
ka na ngayon ah, ang laki ng epekto sa iyo ng bago mong FRIEND" si Jake na
nakaupo sa kama na pinagdiinan ang salitang friend.
"Oo, naman kaya
wala ka nang dapat ipag-alala dahil madidistansya ko na ang sarili ko sa iyo,
hindi mo na rin kailangang turuan pa ako." sabi ko sa kanya.
"E di
mabuti" tugon niyang walang kaemo-emosyon sa mukha.
"Saka nga pala,
baka sa susunod hindi na rin ako makakasabay sa iyo sa pag-uwi dahil
magkakaroon na kami ng tutorial malapit na kasi ang exam e." paalam ko sa
kanya.
Nagtaka ako sa
reaksyon niya, nagulat kasi siyasa narinig niya sa akin. Pero di ko na lang
pinansin ito.
"Sige, balik na
ako sa kwarto ko, magpapahinga na ako." sabi ko. Nang akmang bubuksan ko
na ang pinto bigla siyang nagsalita ulit.
"Hindi
pwede" pagtanggi niya.
"Anong hindi
pwede, wala naman akong gagawin masama saka hindi naman ako nakakasagasa sa
damdamin ng iba sa gagawin ko" matigas ko nang sagot sa pagtanggi niya.
"Sigurado kang
wala" sagot niya ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oo wala, kung
ang sinasabi mo ay ang pagsuway ko sa utos ng magulang mo, wag kang mag-alala,
nagpaalam na ako sa kanila at naiintindihan nila ako" sabi ko sa kanya.
Nanlaki bigla ang
mata ni Jake sa narinig niya. Biglang nagbago ang mukha niya. Medyo
nakasimangot ito na malungkot. Nagsalita ulit siya.
"Sige magpahinga
ka na" sabi niya sa akin sabay higa sa kama at tumagilid.
Lumabas na ako at
pumasok sa kabilang kwarto ko. Humiga na rin ako sa aking kama. Naisip ko si
Jake. Parang weird ang pinakita niya sa akin kanina. Pero hindi ko na lang din
pinansin iyon. Bakit ko pa ba siya iisipin e kuntento na ako sa buhay ko
ngayon.
Kinabukasan, sabay pa
rin kami sa pagpasok ni Jake, sa uwian lang hindi. Wala kaming imikan sa loob
ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating na kami sa school. Naghiwalay rin
ulit kami para pumasok sa kaniya-kanyang classroom.
"Dave ano,
nagpaalam ka na ba sa inyo na sa amin ka muna dederetso mamaya para sa tutorial
natin pag uwian?" tanong ni Mark na sumalubong sa pagdating ko sa pintuan.
"Oo, ayos na sa
kanila" sagot ko.
"Yan mabuti
naman, siya nga pala mamayang break dun tayo sa library, kukuha tayo ng mga
references na gagamitin natin sa pag-aaral." sabi niya.
"Sige"
pagsang-ayon ko sa kaniya sabay upo.
Sumapit na ang oras
ng breaktime, tulad ng napag-usapan, dumeretso kami sa library ni Mark. Umupo
kaming magkatabi sa upuan, tapos nagpaalam siya saglit upang maghanap ng libro
sa shelves, hinintay ko na lang siya sa upuan. Maya-maya sa hindi inaasahan
pumasok ang dalawang tao na naging sanhi ng pagkawasak ng damdamin ko, walang
iba kundi si Jake kasama ang babae niyang classmate.
Masaya silang
nag-uusap at magkatabing umupo sa may bandang dulo ng library. Naramdaman kong
biglang bumalik na naman ang aking kalungkutan sa nakita at di ko maiwasang
maluha na naman. Bigla naman akong tinapik sa balikat ni Mark na nasa likod ko
na pala.
"Yan, malungkot
ka na naman, sabi ko sa iyo dapat masaya lang, tatanda ka agad niyan sige
ka" si Mark sabay tabi sa akin at lapag ng mga libro sa mesa.
"Ok lang ako,
wag kang mag-alala." sabi ko abay punas ng luha.
"Sila bang
dalawa ang tinitignan mo" si Mark sabay turo sa direksyon nina Jake at ng
baba gamit ang bibig niya.
"Oo sila
nga" sabi ko.
"Yung lalaki
pala na iyon ang dahilan ng iyong kalungkutan" si Mark.
"Siya nga"
sagot ko.
Mukhang natutunugan
na nio Mark ang tinatago kong nararamdaman para kay Jake.
"Alam mo Dave,
sana matauhan ka na, lalaki si Jake, natural lang na sa babae niya ilaan ang
kanyang atensyon." Paalala ni Mark.
"Tama ka, tara
na, magsimula na tayo sa paghahanap." sabi ko.
Sinimulan na namin
ang paghahanap ng mga datos na gagamitin namin sa pag-aaral. Habang busy kami
sa pagbubuklat ng mga aklat. Napatingin naman ako sa mga taong umupo sa tapat
mismo namin ni Mark. Si Jake at ang babae niya.
Itutuloy.............
allaboutboyslove.blogspot.com
[13]
by: Daredevil
Katapat ko si Jake
samantalang ang kasama niyang babae ay kay Mark. May dala rin silang libro.
Wala kaming imikan, lahat busy sa pagbabasa. Si Jake na rin ang bumasag ng
katahimikan.
"Cathy,
papakilala ko lang sa iyo si Dave, ang kasama ko sa bahay" biglang
pagpapakilala sa akin ni Jake.
"Dave, nice to
meet you," si Cathy sabay nakipagkamay sa akin.
Doon ko napuna na may
kagandahan pala ang babaeng ito. Mahaba ang buhok, may katangkaran, maputi at
pang model ang dating. Hindi kataka-takang magkagusto si Jake sa kanya.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Hindi ito nakaligtas kay Mark.
"Dave, ok ka
lang, gusto mo, lumipat tayo ng pwesto?" si Mark na napuna ang pagkabalisa
ko.
"Ok lang ako,
dito na lang tayo, bilisan na lang natin" pagtanggi ko sa kanya.
"Dave, hindi mo
ba ipapakilala ang kasama mo sa amin" si Jake.
"Mark Joseph nga
pala" ang pagsingit ni Mark sabay abot din ng kamay sa kanilang
dalawa."
Nakakapagtakang si
Cathy lang ang nakipagkamay sa kanya. Si Jake, nakatingin lang sa binabasang
libro. Alam ko mayroong siyang iniisip sa mga kilos pa lang niya. Hindi ko na
lang pinansin iyon. Pinagpatuloy na lang namin ang paghahanap ng mga impormasyong gagamitin
namin ni Mark. Maya-maya biglang nagsalita ang kasama ni Jake na babae.
"Jake, mamaya
sabay tayo maglunch, isama natin sila" si Cathy.
"Kung papayag
sila bakit hindi" si Jake na nakatngin pa rin sa libro.
"Dave, Mark sama
kayo sa amin mag-lunch" yaya ni Cathy sa amin.
"O....o...oo
sige hehehehehe" pagpayag ko.
Pagkaraan ng halos 30
minuto, nakatapos na kami sa paghahanap. Sabay-sabay kaming lumabas ng library
pauntang canteen para mag-lunch. Nakitang kong inakbayan ni Jake si Cathy na
nakapagpalungkot ulit sa akin. Nang makarating, pumila sina Jake at Mark
samantalang kami ni Cathy ay naghanap ng aming pupuwestuhan. Doon kami sa may
bintana sa dulo umupo.
"Dave, ang gwapo
talaga ni Jake ano, maginoo at matalino pa, alam mo una ko pa lang kita sa
kanya, nagustuhan ko agad siya. Palagay ko bagay kami." si Cathy.
Nagulat naman ako sa
mga sinabi ng babaeng ito. Lalong bumigat ang damdamin ko at halos maiiyak na
ako. Tama nga naman siya, bagay sila. Gwapo si Jake at maganda si Cathy. Lalaki
si Jake, babae si Cathy. Siyempre ang lalaki ay para sa babae hindi sa kapwa
lalaki. Naisip kong kahit saang anggulo mo tignan, talo talaga ang mga katulad
ko sa babae pagdating sa pag-ibig.
"Dave, ok ka
lang, umiiyak ka ba?" si Cathy na nahalata siguro ang pag-iyak ko.
"Ok lang ako,
napuwing lang" ang pagdeny ko sa kanya.
"Ah, akala ko
kung ano na" si Cathy. Maya-maya sabay na bumalik ang dalawa dala ang
order namin. Tumabi ulit si Jake kay Cathy at si Mark sa akin. Habang
kumakain...
"Dave, gusto mo
kuha ka lang?" pag-alok ni Mark ng ulam niya sa akin.
"Sige salamat ok
na sa akin to" pagtanggi ko.
"Dave, tutal,
sabay naman tayong uuwi mamaya, mag meryenda muna tayo sa Jollibee." si
Mark.
"Oo, ba matagal
na rin akong di nakakakain doon ng may kasama " pagpayag ko sabay ngiti.
Mula kasi ng mawala si Pat, hindi ko na magawang kumain doon.
"Talaga, hayaan
mo simula ngayon, ako na ang magiging kasama mo kumain sa labas, ang cute
talaga kapag nakangiti ang bestfriend ko" si Mark sabay hawak sa ulo ko at
haplos ng buhok.
Biglang naubo si
Jake. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Jake, anong
nangyari, o eto tubig" agad na saklolo ni Cathy sa kanya.
"Ok lang ako,
nasamid lang" sabi niya sabay inom ng tubig.
Kataka-taka talaga
ang mga kinikilos ni Jake ngayon, sa mga kakaibang pagtingin pa lang niya sa
akin alam ko meron siyang iniisip. Binalewala ko na lang ulit iyon at tinuloy
ang pagkain. Nang makatapos, bumalik na kami sa aming mga rooms. Habang
naglalakad sa lobby paakyat ng hagdan bigla akong inakbayan ni Mark at
nagsalita.
"Dave, alam mo
excited na ako mamaya, siyanga pala, agahan natin mamaya, gusto kang makita ng
mga parents ko, ipapakilala kita sa kanila" si Mark at ngumiti.
"Hindi ba kakain
pa tayo sa Jollibee?" tanong ko.
"Oo naman,
bilisan lang natin" si Mark ulit. Nginitian ko lang siya.
"Ca...ca...cathy
mauna ka na sa room, p...p...punta lang ako ng CR saglit." si Jake na
halatang may dinaramdam sa pananalita.
"Oo, bilisan mo
ha." si Cathy.
Agad namang umalis si
Jake na nakatungo ang mukha. Lalo tuloy ako nahiwagaan sa kanya. Marahil napuna
na rin ni Cathy ang kakaibang pagkilos niya kaya pinakiusapan niya ako.
"Dave, parang
may problema si Jake, mayroon bang nangyayaring hindi maganda sa bahay
nila?" si Cathy.
"Wala naman, ako
rin, kanina ko pang napapansin sa kanya yun eh" sagot ko.
"Siguro mabuting
sundan mo muna siya para alamin kung ano yon may 30 minuto pa naman tayo para
sa next subject." si Mark na tumingin sa relo niya.
"Tama, tutal, nakatira
naman kayo sa isang bahay, baka sabihin niya sa iyo ang problema niya kung
meron man" si Cathy.
Tututol dapat ako sa
kanila at sasabihing sa bahay ko na lang siya kakausapin pero naisip ko na pagkakataon ko na ito para malaman ang
bumabagabag sa kanya kung meron man.
"Ok, susubukan
ko siyang kausapin, sige sundan ko muna siya." paalam ko sa kanila.
"Salamat Dave,
sana maging maayos na siya mamaya. Mauna na ako" si Cathy.
"Ako rin,
hihintayin na lang kita sa room natin" si Mark.
Agad naman akong naglakad
papunta ng CR. Pagdating ko doon, nakita ko siyang nakaharap sa salamin at
nakapatong ang dalawang kamay sa lababo. Naaninag niya siguro ako sa salamin
kaya tumingin siya sa akin.
Pagharap niya,
nagulat ako sa itsura ng mukha niya. Medyo namamasa ang mata niya ng luha na
hinilamusan lang ng tubig. Halata ring nagpipigil siya ng galit sa nakikita ko
sa kamao niya.
"Bakit mo ako
sinundan dito?" pabulyaw niyang tanong sa akin.
Itutuloy.........................
allaboutboyslove.blogspot.com
[14]
by: Daredevil
"Jake,
tinutulungan ko lang si Cathy. Napapansin na kasi naming may kakaiba sa mga
kinikilos mo eh. May problema ka ba? Kahit mahina ang ulo ko, sisikapin kitang
intindihin at tulungan." sabi ko.
"Ano problema
ko, tsk,tsk,tsk. Nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang manhid ka lang"
pabulyaw niyang sagot.
"Ano ibig mong
sabihin? di kita maintindihan" agarang tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa
iyo" si Jake sabay kuha ng bag at nag walk-out.
Bumalik ako sa room
namin na nag-iisip. Pilit kong inaalam sa sarili ko ang kakaibang kinikilos ni
Jake. Sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, ngayon ko lang siya
nakitang nagalit ng husto at umiyak. Naglalakad ako nang wala sa sarili, hindi
na tinitingnan ang mga taong nakakasalubong ko kung mababangga ko na sila.
Pagdating sa room ,agad akong tinawag ni Mark.
"Ano na nangyari
Dave? Sinabi ba ni Jake ang problema niya" tanong agad ni Mark pagkaupo
ko.
"Hindi ko alam
Mark, pati sa akin ayaw niyang sabihin e" sagot ko.
"Ganun ba,
siguro obserbahan mo muna siya tutal madalas mo naman siyang nakakasama
e." si Mark.
"Tama ka Mark,
kapag nakita mo pala si Cathy mamaya, sabihin mo na lang sa kanya ang mga
sinabi ko"
"Sige
Dave."
Bumalik na sa upuan
niya si Mark. Ako naman iniisip ko pa rin si Jake. Inamin ko sa sarili na may
concern pa rin ako sa kanya kahit malamig ang naging pakikitungo niya sa akin.
Pero ano magagawa ng pagkaconcern ko, nililihim niya sa akin ang mga problema
niya.
Natapos ang klase
namin ng araw na iyon, pinagpaliban ko muna ang pag-iisip kay Jake para mafocus
ko ang sarili sa tutorial namin ni Mark para sa midterms. Tulad ng napag-usapan
namin, sabay kami umalis ng school.
"Wala ka bang
sariling kotse" agad kong tanong kay Mark habang naglalakad kami.
"Siyempre meron,
napagdesisyuan ko munang hindi gamitin iyon para makasama kita nang
matagal." si Mark.
"Ganon,
paglalakarin mo ako" sabi ko.
"Hindi,
magcocommute lang muna tayo." si Mark.
"Ok, sanay naman
na ako sa ganun hehehehehe" sabi ko sabay ngiti.
Nabigla naman ako
nang hinalikan ako ni Mark sa pisngi.
"Ano ba ginagawa
ko Mark, nakakahiya nasa labas tayo oh baka may makakita sa atin" sabi ko.
"Wala naman
nakakita oh, pasensya ka na, nanggigigil lang kasi ako sa iyo e ang cute mo
kaya" si Mark.
Binalewala ko na lang
yung ginawa niya. Ewan ko parang di ganun katindi ang impact sa akin ng ginawa
niya. Sana kung si Jake pa ang gumawa baka nahimatay na ako sa kilig. "Ano
ba yan siya na naman ang naisip ko?" sa isip-isip ko.
Nang makarating sa
kanto, sumakay kami ng jeep, tapos MRT tapos jeep ulit papunta sa kanila. Kahit
papaano ay nag-enjoy ako sa biyahe. Pagkarating sa bahay niya, doonj ko nalaman
na medyo malapit lang pala ito sa tinitirhan ko. Mayaman din sila katulad ni
Jake.
Pumasok kami ng gate
nila, at dumeretso sa pinto. Kumatok si Mark at pinagbuksan naman siya ng isang
babae na ang edad ay nasa 40 pataas, pero nandun pa rin ang angking kagandahan
niya. Alam ko siya ang nanay ni Mark. Kaya pala may itsura tong si Mark dahil
sa mama niya.
"Mark, siya ba
ung kinukuwento mong bagong kaibigan?" salubong na tanong nung Mama niya
kay Mark.
"Yes Ma, si Dave
nga pala. Dave ito naman ang mama ko si Evelyn." pakilala ni Mark.
"Aba, gwapo rin
pala ito, at mukhang mabait, Ah Dave puwde mo na kong tawaging Tita" sabi
ng mama niya sabay nakipagkamay sa akin.
"Hindi naman po
hehehehe" nahihiya kong sabi.
"Totoo yan Ma,
kaya nga gustong-gusto ko siya e" si Mark.
Napatingin naman ako
sa kanya dahil sa sinabi nya. Agad niyang dinuktungan ito.
"I mean, I like
him to be my bestfriend." dagdag niya. Napatungo na lang ako.
"Tama yan anak,
ang galing mong pumili bamuti pang magmeryenda muna kayo" si Tita Evelyn.
Bigla ko namang
naalala yung sinabi ni Mark na kakain kami sa Jollibee. Babanggitin ko sana sa
kanya ito nang unahan niya ako.
"Yes Ma,
nakalimutan din naming kakain pala kami sa Jollibee."
"Sige, Dave upo
ka muna, Mark, asikasuhin mo naman yang kasama mo" si Tita ulit.
Nang pumunta na sa
kusina si Tita Evelyn, agad nagpaliwanang si Mark sa akin.
"Pasensya ka na
Dave, nakalimutan ko talaga, pero di bale, bukas doon tayo maglulunch" si
Mark.
Tumungo na lang ako
sa kanya. Makaraan ng halos 10 minuto, kumain na kami ng meryenda. Naalala ko
tuloy si Tita Edna sa nanay ni Mark. Parehas kasing mabait at palakuwento. Pero
si Mark, hindi ko maikumpara kay Jake, dahil opposite sila. Pagkatapos kumain,
umakyat na kami sa kwarto niya, umupo sa kama niya. si Mark sabay labas lahat
ng mga nakuha naming impormasyon kanina sa library.
Nag-umpisa na siya sa
pagtuturo sa akin. Nabilib naman ako sa pagtuturo niya, ang resulta natutunan
ko lahat. Masaya naman ako kahit papaano dahil mahinahon siya sa pagpapaliwanag
sa akin kahit na nagkakamali ako. Pero pakiramdam ko sa sarili ko may kulang,
parang may hinahanap pa ako. Bakit hindi kumpleto ang kasiyahan ko kay Mark.
Bigla kong naalala ulit si Jake. Doon ko nabatid na mas totoo ang nararamdaman
ko kapag si Jake ang kasama ko. Hindi ko naman ito pinahalata kay Mark na
tuloy-tuloy lang sa pagtuturo sa akin. Alas dyes na ng gabi nang matapos kami
sa unang araw ng tutorial.
"Ayos ka naman
pala, mukhang papasa ka na niyan sa midterms" si Mark.
Muli, naaalala ko,
ganyan din ang mga sinasabi ni Jake sa akin nung high school kami. Lalo na nang
makapasa ako, kita ko sa kanya na masaya rin siya sa akin. Napapangiti na lang
ako sa pag-iisip.
"Mukhang masaya
ka na Dave, alam mo ang cute mo talaga kapag nakangiti sana palagi ka nang
ganyan" si Mark sabay pisil ng pisngi ko.
Niyaya na ako ni Tita
Evelyn na maghapunan muna bago umuwi. Pumayag naman ako na sabayan ang mag-ina.
Pero bago ako magsimula, biglang nagring ang cellphone ko. Si Erika pala ito.
"Hello Erika,
bakit bigla kang napatawag?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Dave, tapos na
ba kayo ni Mark?" si Erika.
"Oo, kakatapos
lang namin pauwi na sana ako pero niyaya pa nila akong maghapunan dito"
sabi ko.
"Dave mabuti
pang bilisan mo diyan, sabi kasi ng isa kong kaklase na nakita raw nila si Jake
na naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Parang lasing nga e kasi iba ang ayos
niya."
"Ha, sige
pupuntahan ko siya, saan ba nila nakita?" napasigaw ako dahil sa
pagkagulat. Napatingin naman sa akin ang mag-ina.
"Doon sa KTV bar
malapit sa school natin." si Erika.
"Ok, pupuntahan
ko na siya" sabay end call.
"Mark, Tita,
alis muna ako may importante kasing nangyari e pasensiya na po salamat na lang
po sa hapunan" paalam ko sa mag-ina.
"Dave, ano
nangyari, gusto mo ihatid na lang kita, gagamitin ko kotse ko" si Mark.
"Wag na, maabala
ka pa, magtataxi na lang ako, kita nalang tayo bukas tandaan mo ang Jollibee ko
ha" pagtanggi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige ,ingat ka
ha, bukas tutuparin ko na ang promise ko sa iyo " si Mark na nakangiti
rin.
Nagmadali akong
naglakad papunta sa labas nila. Buti na lang nakasakay agad ako ng taxi. Bumaba
ako sa KTV bar na sinasabi ni Erika. Pinagtanong ko sa mga tao dun kung may
estudyanteng lalaki silang nakita. Maya-maya isang babae ang lumapit sa akin at
inabot ang mga bag ni Jake. Naiwan daw niya ito. Sabi nila umiiyak daw siya
habang umiinom. Dahil sa pag-aalala, napagdesisyunan ko na siyang hanapin.
Nagsimula na akong maglakad-lakad at ipagtanong sa mga taong nakakasalubong ko
sabay pakita ng ID niyang naiwan sa bag.
Sa panganim na taong napagtanungan ko, tinuro niya sa akin na nakita daw
niya ito na nakatayo malapit sa gate ng aming school na lasing. Nagtatakbo ako
papunta doon. Lalong lumala ang pag-aalala ko sa kanya.
Nang makarating na
ako sa school, nakita ko siyang nakaupo sa semento, nakasandal sa gate ng
school at may hawak pang isang bote ng beer. Nilapitan ko siya. Doon nahabag
ako sa ayos niya. Magulo ang buhok, at nakabukas ang polo shirt. Marahil
naramdaman niyang may tao sa harap niya dahil sa anino kaya tumingin siya sa
akin. Dahil sa ilaw ng poste, naaninag ko ang mukha niya. Muli, nakita ko na
maga ang mata niya sa luha.
Itutuloy…………
allaboutboyslove.blogspot.com
[15]
by: Daredevil
Nahabag ako sa
nakikita ko. Kita-kita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Jake. Akmang
hahawakan ko siya nang bigla siyang bumulyaw.
"Layuan mo ako,
lumayas ka, ginulo mo ang pagkatao ko" si Jake na humahagulgol pa rin.
"Jake, lasing ka
lang, alam kong may problema kaya. Maaari mo namang sabihin ito sa akin baka
matulungan kita.Tara na, nag-aalala na si Tita." sabi ko sabay hawak sa
braso niya para alalayang tumayo.
"Huwag mo akong
hawakan, umalis ka. Tutulungan mo ako, e lalo mo lang sinasaktan ang damdamin
ko e. Dahil din sa iyo confuse na ako sa sarili ko! napapasigaw na niyang sabi.
Napapatingin na ang mga tao sa amin.
"Please tara na,
saglit na lang at darating na si Tita." panunuyo ko pa rin sa kanya.
"Hindi muna ako
uuwi hanggat nandun ka pa sa bahay, kaya inuulit ko, layuan mo na ako! si Jake.
Biglang bumigat ang
dibdib ko sa mga narinig ko sa kanya. Kahit lasing siya, alam niya ang mga
sinasabi niya. Naisip ko tuloy na ako ang may kasalanan kung bakit
nagkakaganito siya.
"Ano, tutunganga
ka pa ba diyan, alis na" si Jake sabay tulak sa akin.
Hindi ko na rin
napigilang maluha sa nangyayari. Ang taong mahal ko pinagtatabuyan na ako
ngayon. Nasasaktan din ako tulad niya. Napayuko na lang ako habang
humahagulgol. Maya-maya isang kotse ang huminto sa harapan namin. Napatingin
naman ako sa taong bumaba sa pag-aakalang sina Tita Edna ito. Ngunit lalong
bumigat ang dibdib ko parang tinutusok ng napakaraming karayom sa nakita ko. Si
Cathy.
"Jake, anong
problema, bakit nagkakaganyan ka, halika na ihahatid na kita sa inyo, simula
nang magtext ka nag-aalala na ako sa iyo" si Cathy sabay alalay kay Jake
na tumayo.
"Salamat Cathy,
please wag mo muna akong iuwi sa amin hanggat nandun pa ang taong sanhi ng
problema ko, doon mo muna ako sa inyo dalhin." pakiusap ni Jake.
Tuluyan nang umagos
ang luha ko. Kumpirmado, ako ang pinakadahilan niya sa kanyang paghihinagpis.
Naisakay na ni Cathy si Jake sa kotse. Tuluyan na silang umalis. Ako, dahil sa
sobrang hinanakit halos manlambot na ang tuhod ko at di makatayo. Napaupo na
ako sa sento sapo ang mukha ng dalawang kamay at humihikbi. Maya-maya isang tao
ang humaplos sa likod ko.Unti-unti kong inangat ang mukha ko. Si Itay pala
kasama ang mga magulang ni Jake.
"Tay, ang
sakit-sakit naman, bakit ganito ang nangyayari sa akin?" sinabi ko kay
Itay na humihikbi at napayakap sa kanya.
"Anak, tara na
muna sa bahay pag-usapan natin ang problema mo." si Itay.
"Dave, anak ano
nangyari, nasaan na si Jake." si Tita Edna na bakas din sa mukha ang
pag-aalala sa anak.
"Umalis na po
siya,ayaw na niya sa akin, pinagtatabuyan na niya ako" naiiyak ko pa ring
sabi.
"Mabuti pa pare,
iuwi na natin siya." si Tito Eddie.
Sumunod na lang ako
sa kanila. Hanggang sa loob ng kotse naiiyak pa rin ako. Si Itay namanm patuloy
na hinahaplos ang ulo ko at pinapatahan ako. Nang makarating sa bahay...
"Anak, kumain ka
muna" si Itay.
"Ano ba
nangyari, sabihin mo sa amin? si Tita Edna.
Naiiyak ko pa ring
kinuwento sa kanila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Jake. Kita ko sa mukha
ng mga magulang niya ang pagkabigla na animo'y may nalalaman sa problema ng
anak nila. Pero di ko na inusisa muna ito dahil sa emosyon ko ngayon.
"Tita, Tito, tay
pahinga muna ako sa kwarto" paalam ko sa kanila para makapagpahinga naman
ako.
"Sige anak,
pahinga ka na muna, pag-usapan na lang ulit natin ito bukas" si Itay.
"Salamat po
sige."
Hindi ko pa rin
magawang makatulog. Patuloy pa rin akong umiiyak. Naisip kong tuluyan na akong
kinasusuklaman ng taong minahal ko nang maraming taon. Binigyan ko pa ng
problema ang pamilya nila. Nahihiya na ako sa kanila. Habang nasa kasagsagan
ako ng pag-hihimutok, may kumatok sa pinto.Tumayo ako at binuksan. Si Tita pala
may dalang gatas.
"Dave inom ka
muna ng gatas" si Tita.
"Salamat po Tita
pasok po kayo."paanyaya ko siya sa loob. Umupo kami sa kama, kinuha ang
gatas at nilapag sa tabi.
"Ano na
pakiramdam mo?si Tita.
"Ganun pa rin
Tita e" sabi ko sabay tulo muli ng luha.
"Dave,
nagpapasalamat kami ng Tito mo sa iyo. Alam mo mula nang tumira kayo sa amin,
doon ko lang nakita sa unang pagkakataon ang pagiging masaya ni Jake.
Nakakatuwang isipin ano, na ikaw ang nagpabago sa kanya." si Tita.
"Tita, parang
kabaliktaran naman po yata yung sinasabi niyo eh" sabi ko pa rin habang
nagpapahid ng luha.
"Yun bang
nangyayari ngayon sa kanya ang tinutukoy mo, bilang magulang ni Jake, alam ko
ang nararamdaman niya" si Tita na humawak sa mga kamay ko.
"Alam mo ba ang
dahilan kung bakit ko siya pinilit na maging tutor mo?" sunod na tanong ni
Tita.
"Kasi po mahina
ang ulo ko at matalino si Jake."
sagot ko.
"Tama ka rin
pero hindi iyon ang tunay na dahilan namin ng Tito mo."
"Kung ganoon ano
po ang totoo?" tanong ko agad.
"Para maging malapit
kayo sa isa't-isa at mabago ang mga baluktot niyang pananaw. Teka para mas
lalong maliwanangan ka may ipapakita ako sa iyo kukunin ko lang sa kwarto
ko" si Tita ulit.
Bumalik si Tita, may
dala-dalang isang photo album.
"Dave, tingnan
mo ang mga pictures" sabi niya sabay bigay sa akin.
"Tita, sino po
itong batang babae, ang ganda naman niya, may anak po pala kayong babae"
tanong ko sabay turo sa mga pictures. Puro kasi batang babae ang mga nakikita
ko na naka blouse, gown, bathing suit na may make-up.
"Wala akong anak
na babae, si Jake yan" sagot niyang pabulong sa akin.
"Ha! si Jake
ito, bakit naka pangbabaeng damit" nagtatakang tanong ko. Natawa naman si
Tita.
"Wala lang,
dahil di kami nabiyayaan ng anak na babae naisip kong bihisan siya nang ganyan.
Akala ko rin babae yung susunod kong anak na namatay hindi rin pala. Tignan mo
oh ang ganda niya di ba. Masayahing bata pa siya at palakaibigan noong mga
panahong iyan?" si Tita na natatawa pa rin pero bigla na lang nag-iba ang
mood nito sa mga sunod niyang sinabi.
"Isa siguro ito
sa mga dahilan ng paghihimutok ni Jake ngayon. Dahil sa ginawa kong ito sa
kanya tinutukso siyang bakla at minamaliit ng mga kaklase at iba pang bata sa
kanya. Naging malungkutin na siya simula noon, nagbago na siya, nag-aral nang
mabuti at naging masungit. Kaya salamat sa iyo at binalik mo ang dating
Jake." si Tita.
Naisip ko bigla na
ito pala siguro kung bakit ang init ang dugo ni Jake sa mga bakla. Kaya pala
nilalayo niya ang sarili sa akin at ang talino ay ginagamit niya upang maiangat
ang sarili sa iba nang sa gayon hindi na siya maliitin ng mga ito.
"Dave ang
iniisip ko pa ngayon, na naguguluhan na siya sa totoo niyang sekswalidad.
Marahil ang totoong dahilan ng galit niya sa iyo ay selos." si Tita.
"Ano! si Jake,
nagseselos kanino naman?" napasigaw kong tanong dahil sa pagkabigla.
"E di sa iyo.
Noon pa namin nakukutuban ng Tito mo na may namumuong pagtingin si Jake sa iyo.
Pilit lang niya ito pinipigilan kaya napapansin mo na iba ang pakikitungo niya
sa iyo. Ikaw, alam din naming gusto mo siya. Huwang kang mag-alala tanggap
namin kayo." si Tita.
"Salamat po sa
pagtanggap sa akin. Pero teka, baka nagkakamali po kayo, di pwede magkagusto sa
akin si Jake. May girlfriend na po siya e." sabi ko.
"Girlfriend,
sino? si Tita.
"Yung isa pong
kaklase niya, si Cathy, siya rin yung nagsundo sa kanya kanina" sagot ko.
Kita ko sa mukha ni
Tita na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.
"Dave, ito ang
masasabi ko sa iyo na dapat pakatandaan mo. Una, huwag mong sisihin ang sarili
mo sa mga nangyayari kay Jake. Pangalawa, yung galit niya sa iyo, mawawala rin
yan. Pangatlo, mahal ka niya, hindi lang niya matanggap sa sarili niya na
nagkagusto siya sa kapwa. Hayaan mo isang araw babalik rin siya dito. Sige labas
na ko pahinga ka na"
"Goodnight po
Tita" sabi ko sabay patay ng lampshade.
Gumaan naman ang loob
ko kahit papaano sa mga nalaman kong rebelasyon kay Tita Edna. Ang set-up na
plano nila sa amin ang nagpabago kay Jake. Pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan
ko tungkol sa sinasabi niyang pagkagusto raw ng nanak nila sa akin, parang
impossible kasi. Ang pagkamalungkutin ko kanina ay nadagdagan tuloy ng
pagkalito. Hindi ko magawang makatulog ng gabing iyon.
Itutuloy.............
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment