by: Daredevil
Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng
alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school
year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at
excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa aking higaan, naghilamos,
at inayos ang kama.
Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako.Ako rin ay isa sa tinatawag nilang paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero sa loob ay may pagnanasa sa kapwa.

"Dave anak, nandito na ang kaklase mo" sabi ng aking ama.
"Sige, tay pakisabi na patapos na ko magbihis". tugon ko.
Si Mariano Rodriguez, ang aking ama. Simula ng mamatay ang aking ina, siya na ang nag-alaga sakin. Magaling siya sa larangan ng pagluluto. Ang kita mula sa aming negosyo na carinderia ay ginagamit sa pangtustos sa aking pag-aaral. Sobrang bait ng aking ama, dahil mapagmahal, maalalahanin at tanggap ang aking pagkatao.
"Bestfriend, tara na bilis sa school na lang tayo kumain", sabi ng bestfriend ko na si Pat.
"Oo na masyado naman ito excited." sagot ko sa kanya.
Si Patrick de los Santos o Pat ang pinakamatalik kong kaibigan at kaklase.Nagkakilala kami nung nasa first year pa lang ako. Mas mataas ang height niya sakin, mga 5'9 sya, medo maputi, maganda ang tindig, at may itsura. Masasabi ko na pwede siya ihanay sa mga guwapo. Hindi siya kasing hina tulad ko dahil ok naman ang performance niya sa school at magaling sa sports lalo na sa basketball.Hindi siya gaano katalinuhan.Alam ni Pat ang aking totoong pagkatao.Tulad ng ama ko tanggap din niya ito.
Naalaala ko pa kung paano kami nagkakilala at naging magbestfriends. Unang araw ko bilang first year student, habang nag orientation ang aming teacher sa English bigla siyang sumulpot sa pintuan ng classroom. Siyempre agaw-pansin siya lalo na sa mga kaklase kong babae dahil sa angking kagwapuhan. Nalate siya dahil hinanap pa pala niya ang classroom namin.Sa unang tingin ko sa kanya, nayayabangan ako at naisip ko na kapag nalaman niya ang totoong kong pagkatao ay aasarin niya lang ako kaya naisip ko na iwasan siya.
Sa paglipas ng mga araw, nagpapakitang gilas si Pat sa mga teacher namin. Halos lahat ng mga kaklase namin ay naging malapit sa kanya dahil sa pagiging friendly nito.Hindi ko talaga siya pinapansin at dumidistansya ako sa kanya pag nakikita ko siya. Ganito lagi ako sa kanya ngunit bigla na lang ito nabago isang araw. Habang papauwi na ako may biglang nag text sakin.
"Dave, balik ka sa room saglit meron ka nakalimutan" galing sa isang unknown number. Nagtaka naman ako kung sino at ano ang sinasabi niya na kinalimutan ko sa room. Tutal wala naman mawawala sakin kaya sinubukan kong bumalik. Pagdating ko sa room, nakita ko siya na nakauposa isang teachers table at parang may hinihintay. Nang makita niya ako, biglang lapit niya sakin, hinawakan ako sa kamay at hinila papunta sa upuan kaharap ng table kung saan siya nakaupo.
"Dave, ahm may galit ka ba sa akin kasi napapansin ko yung mga pag-iwas mo eh. Sa ibang mga kaklase natin di ka naman ganoon. May problema ba?" deretsahang tanong niya.
Tila nawala namn ako sa sarili ko sa pagtingin ko sa mukha niya. Makikita mo talaga ang kagwapuhyan niya sa malapitan at ang pagtitig sa kanya na tila nanghihipnotismo. Pero agad naman bumalik ang ulirat ko at sinagot ang tanong niya.
"Ah eh di naman kita iniiwasan." pagtanggi ko sa kanya kahit na alam kong totoo.
"Nang-iiwas ka dinideny mo pa, alam mo di naman ako kumakain ng tao eh saka mabait naman ako nakikita mo naman di ba?" tanong ulit niya.
Ewan ko ba kung sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan o aalis na lang ako para maiwasan pa ang issue. Kaya ang naisip ko na lang ay umalis ng room. Ngunit bago pa ko makalabas ng pintuan bigla niya ako hinila pabalik, dinikit sa pader at tinukod ang dalawang kamay doon.
"Ano ba problema mo? gusto ko lang namn makipagkaibigan sayo ah, sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Papatunayan ko sa iyo na mabuti akong tao". may galit niyang sabi.
Doon ko narealize ang pagiging seryoso niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Kaya pinagbigyan ko siya. Simula noon naging magkaibigan na kami.
Ngunit napansin ko sa kanya na mas sumaya na siya kaysa noon. Palagi na siyang bumubuntot sa akin at pinagtatanggol. Nililibre at binibigyan ako ng pagkain pag recess. Hinahatid sa amin at tinuturuan ako ng mga alam niya sa pag-aaral. Hanggang sa isang araw, naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo kong pagkatao para malaman ko na rin niya at mabawasan ang pag-aalinlangan ko.
"Ah Pat, may sasabihin sana ako sa iyo eh, matagal ko nang tinatago ito kung di mo ko matatanggap pag sinabi ko sayo OK lang sa akin ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagkakaibigan natin. Isa akong bading. Tinatago ko lang ito para di pagtawanan at laitin ng iba." pag -amin ko sa kanya.
"E ano ngayon kung ganun ka wala namang problema di ba saka mas maganda yan dahil may pag-asa palang magkagusto ka na rin sakin. Alam mo kasi aaminin ko, matagal na kong may gusto sayo eh kaya nga naalala mo gumawa ako ng paraan talaga para maging friends tayo kahit dun man lang mapalapit ako sayo lahat inalam ko tungkol sa iyo sa pamamagitan ng mga kaklase natin, cellphone number at tirahan mo.Wala ako pakialam kung mahina ka , basta cute ka at mabait OK na un sakin hehehehe." rebelasyon niya na lubusan kong kinabigla.
Laking tuwa ko naman dahil sa pagtanggap niya sakin at sa kabilang banda naman ay pagtataka sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. First time kasing may nagkagusto sa akin at nagsabi na cute daw ako. Sinabi ko naman sa kanya na kahit ganito ako hanggang matalik na kaibigan lang kang kaya kong maibigay sa kanya. Yun kasi ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon. Makalipas ang tatlong taon ito magkaibigan pa rin kami. Patuloy siyang umaasa na mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin.
Sabay kami pumasok ni Pat. Habang nasa jeep kami, panay pa sweet niya sa akin. Nandyan ung pahawak-hawak ng kamay na siyempre inaalis ko agad. At binulong niya ang palagi niyang sinasabi sa akin na "Balang araw, mamahalin mo rin ako, di ako susuko" na may kasama pang killer smile.
Nakarating kami sa school 5 min bago oras ng first subject. Habang naghihintay kami kasama ang mga kaklase namin, biglang nagkagulo naman sa may corridor na nakaagaw ng pansin sa amin kaya sinilip namin para alamin ang dahilan.
"Si Jake! Si Jake!, Ay mas gwapo na siya ngayon!", sigaw ng isang estudyanteng babae.
Dumating na pala ang tinaguriang Campus heartrob ng school na si Jake Montecarlo. Crush ko na talaga siya simula nang mag transfer siya rito nung third year.Parehas lang kami ng year level pero nasa highest section siya.Bukod sa gwapo kasi matalino pa. Ang taas ng IQ level niya ayon sa mga naririnig ko at di lang yan mayaman ang pamilya nila.Pero kung gaano kaganda ang physical apprearance at mental abilities niya kabaliktaran naman sa pag-uugali. Likas na masungit ang taong ito at galit sa mga taong di niya kauri.
"Hoy sobra ka na makatitig sa kanya ah, bakit di ka ganyan sa akin ha?", pagbulyaw sakin ni Pat nag nagpabalik ng ulirat ko sa kakatingin sa dumaan.
"ah eh ano ka ba humahanga lang naman ako sa tao at alam ko naman na malayo ang agwat namin at malabong mapansin niya ako saka bakit parang nagseselos ka ha?", balik tanong ko sa kanya.
"Siyempre naman, bestfriend mo ko baka ipagpalit mo na ako sa kanya eh saka alam ko siya ang gusto mo eh. Sana sa akin mo na lang ilaan ang damdamin mo sa kanya, masusuklian ko pa yan ng tapat na pagmamahal " sagot ni Pat.
"Ang drama mo naman tara na nga upo na tayo baka dumating na yung teacher natin." sabi ko.
Naging maayos naman ang buhay-estudyante ko sa paglipas ng mga araw. Ganun pa rin kami ni Pat at nakikita ko pa rin sa campus ang crush ko pero di pa rin niya ako pinapansin. Pero nag-iba ito dahil sa isang pangyayari sa canteen ng aming school.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
by: Daredevil
Habang kumakain ako sa canteen kasama
ang isa pa kong kaklase na si Erika, biglang naghiyawan ang mga
estudyanteng naroon. Ano pa nga ba ang dahilan, syempre ang pagpasok ng crush
ko na si Jake. Kasama niya ang kanyang mga barkada na pawang may itsura rin at
astigin. Bumili rin sila ng kanilang kakainin umupo sa kabilang mesa na katabi
lang sa amin. Kami naman ay tuloy pa rin sa pagkain at kuwentuhan.
"Friend, look oh si Jake nasa kabilajng table, grabe ang gwapo talaga. Uyyyy kinikilig na naman siya sa crush niya " si Erika.
"Shhhhh, huwag kang maingay baka marinig tayo nakakahiya", mahinang sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba lapitan mo oh pakilala ka, pagkakataon mo nang makausap ang campus crush oh!" si Erika.
"Hindi pwede ano papahiyain lang ako niyan lalo na kasama pa niya ang mga barkada niya". pagtanggi ko sa kanya.
Marahil ay narinig ng grupo nila Jake ang pag-uusap namin kaya nagsalita ang isa sa kanila. "Narinig mo ba yun Jake, isang stupid and idiot kakausapin ka. In his dreams. Saka may crush sayo , e may pagkaberde pala ang dugo nito."
"Asa naman yan, alam niyo naman na hindi ako nakikisama sa mga di ko ka level lalo na sa isang bakla!", pang-iinsultong sabi ni Jake. Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakarinig.
Nabigla naman ako sa aking mga narinig, at naluha na lang ako na agad kong napigilan para di makita ng iba. Napuna naman iyon ni Erika kaya niyaya na niya akong lumabas at bumalik sa room.
"Dave, pasensya ka na sa ha kasalanan ko. Grabe naman sila ang sasama ng ugali lalo na yang Jake na yan, ang yabang." sabi ni Erika sakin habang naglalakad pabalik sa room.
"Huwag na natin pag-usapan yan, kaya sa una pa lang iniiwasan ko na sya eh" sabi ko sa kanya.
Nang makabalik na kami sa loob, nakita ko si Pat nakaupo at tila hinihintay ako. Alam na pala niya ang nangyaring eksena sa canteen kaya nagalit siya kay Jake. "Sa susunod Dave, dapat lagi mo na kong kasama at kapag naulit pa ang panglalait niya sa iyo ako na ang makakalaban niya", sabi niyang may pagbabanta. Kahit papaano, nabawasan ang sama ng loob ko dahil merong tao na siyang sumusuporta sa akin.
Natapos ang klase namin sa araw na iyon. Sumasabay sakin si Pat tulad ng parati niyang ginagawa. Habang naglalakad kami may napuna akong malaking usok. Bigla akong kinabahan kaya binilisan namin ang paglalakad.AT sumambulat samin ang malaking apoy na nangagaling sa aming carinderia. Nasunog na pala ito kasama ang aming bahay. Nakita ko namn si Itay na naiiyak na sa nangyari. Sumabog pala ang LPG tank at mabilis ang paglaki ng apoy. Nagpapasalamat pa rin ako at nakaligtas ang aking Itay sa nangyari.
"Anak, paano yan wala na tayong bahay at kabuhayan, ano na ang gagawin natin?" naiiyak na sabi ni Itay.
"Hayaan niyo po, kakayanin nating bumangon muli, pagsubok lang po ito." pampalakas-loob kong tugon sa kanya.
Inalok kami ni Pat na sa kanila muna tumuloy habang wala pa kaming matitirhan. Pumayag naman kami pansamantala. Hanggang sa isang araw may balitang sinabi si Itay sa akin.
"Dave anak, naalaala mo ba yung bestfriend ko nung nag-aaral pa ko. Inalok niya tayo na sa kanila muna manirahan. Ok lang ba sa iyo yun anak, nakakahiya na kasi kay Pat dahil masyadong maliit na tirahan nila para sa atin", si Itay.
"Ah ok lang po sakin yun, walang problema.", pagsang-ayon ko sa kanya. Naisip ko kasi na di kami gaano mahihirapan dahil ayon kay Itay, mayaman ang bestfriend niya. Sinabi ko na rin kay Pat ang plano namin.
"Best, ingat ha lalo ka na, pag may problema sabihan mo agad ako, tandaan mo nandito lang ako para sa iyo." si Pat.
"Salamat ha sa pagpapatuloy samin dito sa inyo, nahihiya na nga ako sa iyo eh ang dami mo nang naitulong sa akin di ko na alam kung paano ko pa masusuklian ang kabaitan mo."
"Isa lang naman ang gusto ko eh ang makuha ang pagmamahal mo", sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Mahal naman talaga kita eh pero bilang isang kaibigan, sensya ka na kung di ko matapatan ang damdamin mo para sa akin." sabi ko na parang nakokonsensya sa kanya. Alam ko matatanggap din niya ito. Kaya kahit naluluha ngumiti pa rin siya sa akin.
Kinabukasan, di muna ako pumasok sa school para asikasuhin ang paglipat namin. Magtatanghali na ng makarating kami sa titirhan namin. Namangha talaga ako sa bahay dahil talagang malaki ito at pangmayaman. Sinalubong kami ng mag-asawang nakatira dito.
" Welcome to your new home Mariano hehehehehe, iyan pala ang anak mo aba ang gwapo palang bata ito" sabi ng lalaki.
"Oo nga ano parehas pa sila ng school at year level ng anak natin" sabi naman ng babae.
"Siyempre naman kanino pa yan magmamana e di sa akin" pagmamalaki ng Itay ko sa mag-asawa.
Pinakilala ako ni Itay sa mag-asawa. Sila ay sina Tito Eddie at Tita Edna. Mabait sila di tulad ng ibang mayaman. Nilibot din nila kami sa buong bahay at sinamahan sa magiging kwarto namin.
Todo naman ang kuwentuhan ng magkumpare kaya si Tita Edna ang nagsama sakin sa aking magiging kwarto.
"Ok na ba sayo itong silid Dave" tanong ni Tita ng makapasok na kami sa loob.
"Ah eh sobra po yata malaki to para sakin pede naman kahit sa guestroom lang pede na eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag ka nang mahiya, ituring mo na itong sariling bahay, alam mo dito sana magiging kwarto ng isa ko pang anak na lalaki kung di siya namatay, kaya napagdesisyunan ko na ito ang magiging kwarto mo para na rin magkaroon pa ko ng isa pang anak" si Tita.
"Salamat po talaga Tita Edna" sabi ko ng nahihiya.
"Youre welcome, ah siya nga pala ung kwarto sa kabila ay ang kuwarto ng nag-iisa kong anak. Mamaya nandito na yun hintayin mo lang, tiyak ko magkakasundo kayo.Sige ayusin mo na ang mgha gamit mo bababa lang ako at maghahanda ng meryenda." sabi ni Tita.
"Sige po salamat ulit"
Kinagabihan, sabay-sabay kami naghapunan. Kuwentuhan to the max pa rin sina Itay at Tito Eddie. Nalaman ko sa kanila na si Itay pala ang naging daan para magkakilala sina Tito Eddie at Tita Edna.Habang busy sa pagkain at pakikinig sa usapan nila, may biglang nag doorbell.
"Oh ayan na ang anak natin honey, buksan mo na bilis para makasabay na sa hapunan." utos ni Tito Eddie kay Tita Edna.
"Ako na po ang magbubukas Tita, para sa ganoon makita ko na rin ang anak ninyo." pagboboluntaryo ko.
"Ah sige Dave, mabuti na rin iyon para magkakilala na rin kayo, mabait iyon at madali mo syang makakasundo hehehe." si Tita.
Pumunta na ko sa may pinto. Nang binuksan ko ito, biglang nanlaki ang mata ko sa pagkagulat at nakaramdam ng kaba sa nakita.
Itutuloy..........

Tulad ko, ganun din
ang naging reaksyon ng taong nasa pintuan pagkakita sa akin. Ewan ko parang
naiisip ko na ang mga di kanais-nais na mangyayari sa aming dalawa lalo na't
nakatira kami sa iisang bahay. Agad naman siyang pumasok, nilapag ang bag sa
sofa at umupo na mistulang pagod. Naisip ko naman na lumapit sa kanya at
ipakilala ang sarili.
"Ah Jake, ako pala si David, pakilala ko sa kanya sabay ngiti.
"Sinabi ko bang magpakilala ka? alam ko na ang lahat tungkol sa iyo kaya manahimik ka na lang.
Bigla naman ako napaisip sa sinagot niya. Kilala daw niya ako at alam niya lahat, nakaramdam naman ako ng kilig, pakiramdam ko stalker ko siya hehehehe. Para makasigurado tinanong ko pa siya.
"P..paano mo naman nalaman ang tungkol sa akin?"
"Masyado ka na yata madaldal, tanong ka ng tanong close ba tayo ha", sabi niya habang nagtatanggal ng sapatos at medyas.
"Alam mo naman na hindi ako sumasama o nakikipag-usap sa mga di ko ka level. Siyempre kinikilala ko ang bawat isa para malaman kung kakaibiganin ko sila o hindi at kasama ka na dun. Kaya dapat din kitang iwasan." dugtong niya na seryoso pa rin ang mukha.
Nakaramdam naman ako ng inis sa pang-iinsulto niya sa akin ngunit naisip ko rin na pagpasensyahan na lng siya bilang pakikisama. Niyaya ko na lang siya na kumain na at sumunod naman siya. Habang nasa kainan, may sinabi si Tita Edna na kinabigla namin ni Jake.
"Jake anak dito na titira si Tito Mariano mo kasama ang anak niyang si Dave ah, kaya pakisamahan mo sila ng maayos. Ah siyanga pala naisip ko na ibigay yung kwarto kay Dave katabi nung sayo. Tutal naman matalino ka anak kaya tulungan mo siya sa pag-aaaral ha. At maging mapagbigay kayo sa isat-isa at sabay na papasok at uuwi ng school ha."
"Ma naman, pero......" pagprotesta sana ni Jake na pinutol agad ni Tito Eddie at nagsalita.
"Wala nang pero pero. Share mo naman ang mga blessings mo sa iba anak, at walang masama sa sinasabi ng mama mo, nakakahiya naman sa tatay niya oh."
"Wag mo na kami isipin pare, ayos na samin ung pinatira niyo kami dito." si Itay.
Hindi na nakaimik ni Jake sa sinabi ng mga magulang niya at tinuloy na lng ang pagkain. Halata sa mukha niya ang pagka asar. Nahihiya naman ako sa narinig ko pero sa kabilang banda kinilig naman dahil araw-araw ko na makikita at makakasama ang crush ko.
Pagkatapos ng hapunan, pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakaramdam ako ng panglalagkit ng katawan dahil sa mga ginawa namin sa maghapon kaya naisip ko na magshower. Pagpunta ko sa banyo, napansin kong may tao sa loob. Alam ko na si Jake iyon dahil alam ko na may sariling banyo sa kuwarto ang mag-asawa pati ng Itay ko.Biglang nag-init ang katawan ko sa nakita kong imahe ng tao sa loob ng glass door.Sinadya kong hintayin ang paglabas niya para makita ko ang kanyang itsura kapag bagong paligo.Maya-maya bumukas na ang pinto ng banyo at lumitaw sa aking harapan ang isang adonis na nakatuwalya. Nakita ko for the first time ang kanyang maskuladong katawan, mala-anghel na mukha at ang bukol sa kanyang tuwalya na siguradong malaki. Tila napako ako sa aking kinatatayuan at napatunganga sa kanya. Bigla siyang nagsalita na nagpabalik sa aking sarili.
"Padadaanin mo ba ako o hindi" si Jake.
"Ah eh oo naman," sabay gilid ko para makadaan siya.
Habang naglalakad pabalik ng kwarto niya, nagparinig siya na ikinabigla ko.
"Alam ko yang pagtitig mo. May pagnanasa ka sa akin. Pero sorry ka na lang, di ako pumapatol sa mga bading. Kaya itigil mo na yang ilusyon mo."sabay pasok ng kuwarto niya.
Muli napahiya na naman ako sa kanya at dali-daling pumasok ng banyo. "Pasensya lang, nakikitira lang ako dito. Itigil mo na kasi ang ilusyon mo sa kanya malabong mamahalin ka niya" sabi ng utak ko.
Kinabukasan, maaga akong gumising para kumopya ng mga notes sa mga kaklase ko dahil sa pagliban ko kahapon. Tulad ng hapunan sabay-sabay kami nag-agahan.
"Jake sabay na kayo ni Dave sa pagpasok ha, di ko na muna papagamit ang sasakyan sa iyo para masanay ka na kasama mo siya." utos ni Tito Eddie.
"Pa naman ayo........pagtanggi sana ni Jake na pinutol ni Tita Edna.
"Oooops bawal tumanggi, papasok kayo at uuwi ng magco commute lang OK."
Wala nang nagawa si Jake kaya nagsabay na kami sa pagpasok. Nasiyahan naman ako sa nangyari ngunit nababahala naman sa magiging reaksyon ng mga estudyante na makita nila kaming magkasama lalo na si Pat.
" Kapag nasa school na, dapat maghiwalay agad para walang makaalam na magkasama tayo ha, naiintindihan mo?" sabi ni Jake habang naglalakad kami.
"At wala kang pagsasabihan tungkol dito kundi lagot ka talaga sakin" dagdag pa niya.
" Sure, walang problema, sabi ko sabay ngiti.
" O parang masyado ka na malapi sa akin, dumistansya ka nga, mga 2 metro" utos niya.
" Ayan na po, OK na ba? tanong ko sabay paglayo sa kanya.
" Yan, good boy, ay di ka pala boy" sabay kuha ng cellphone niya at may tinext.
"Aba, nakakatatlo na to ah ay teka hindi apat na palang insulto ang pinukol niya sakin, konting pasensya pa", sabi ng isip ko. Tama nga naman siya, dapat hindi malaman ng iba ang estado naming dalawa para ligtas sa mga tinatawag na green minded baka pagkaguluhan pa kami niyan. After 25 minutes narating na namin ng school. Pagpasok pa lang ng gate dali-daling humiwalay agad siya sakin at pumunta na sa room niya. Tulad ng inaasahan laging nagtitilian ang mga malalanding babae at baklang estudyante kapag napapadaan ang campus crush sa corridor ng room nila. Doon ko narealize na mapalad pala ako dahil sila sa school lang nila makikita si Jake samantalang ako araw-araw at nakatira pa ko sa malapalasyo nilang bahay.
Nakarating na ako sa room namin, nakita ko nandun na rin si Erika at ang bestrfriend kong si Pat na seryosong nag-uusap. Bigla naman ako kinabahan lalo na ng makita kong parang galit ang titig niya sakin, Pero nginitian ko lang sila. Nang makaupo na ako sabay labas ng notebook, biglang tayo ni Pat at lumapit sakin.
"Dave may itatanong ako sayo?" tanong niya na nagpakaba sa akin.
Itutuloy.....................

"A..a...ano iyon Pat?",
tanong ko na kinakabahan. Parang natutunugan na niya ang nangyari sa akin.
"Bakit di ka man lang nagparamdam kahapon, di mo ko tinext kung OK ka lang ba, kung ayos lang ang paglipat niyo?" si Pat.
"Sus nagtampo naman ang bestfriend ko, ang babaw mo naman, sige na sorry na po." akala ko kung ano na yung sasabihin niya buti na lang.
"Ok, di naman kita matitiis eh, teka saan ba yung nilipatan niyo? malapit ba dito sa school? mababait ba yung mga tao dun?malaki ba yung bahay? sunod-sunod niyang tanong.
" Oo sobrang bait ng mga tao dun tapos ang laki ng bahay pang mayaman talaga saka ayos lang ako dun wag kang mag-alala sa akin". sabi ko kay Pat.
"Ah buti naman so mamaya sama kami ni Erika sa bahay niyo ah, di ba Erika? si Pat
"Oo nga naman friend, mag party party tayo dun" si Erika.
Nabigla naman ako sa mga sinabi nila. Naalala ko yung sinabi ni Jake sakin kaya nag-isip ako ng alibi ko sa kanila.
"Ah eh medyo magulo pa dun eh kasi kakalipat lang namin saka nakakahiya naman magdadala agad ako ng bisita dun basta promise ko sa inyo sasama ko kayo dun"
"Sige promise mo yan ah, ito pala ung mga notes namin kahapon oh kopyahin mo na bilis. Buti naman di nag quiz si mam kahapon." si Pat.
Natapos ang klase namim nang araw na iyon ng maayos. Sinabihan ko sina Pat at Erika na mauuna na ko dahil mayroon pa kong aasikasuhin. Pumayag naman sila pero ang totoo niyan nandun lang ako sa may puno sa labas ng gate, nagtatago at inaabangan ang paglabas ni Jake para sumabay sa pag-uwi. Nakaramdam ako ng inip dahil mag iisang oras na ko naghihintay di pa rin siya lumalabas ng gate. Maya-maya mga halos dalawang oras na nakita ko na siyang lumabas. Agad-agad akong lumapit sa kanya.
"Hoy ano ka ba lumayo ka bilis makikita tayo ng barkada ko, hindi ka talaga nag-iisip." si Jake.
"Di ba sabay tayo uuwi sabi ng mga magulang mo? tanong ko.
"Umuwi ka muna mag-isa mayroon kaming lakad ng tropa, mauna ka na." si Jake.
Labag man sa loob ko umuwi na ako mag-isa. Pagdating ko ng bahay agad akong sinalubong ni
Tita Edna ng may pagtataka kung bakit di ko kasabay si Jake. Sinabi ko na lang sa kanya na mayroon pa siyang ibang lakad na mahalaga.
Dalawang buwan na nakakalipas, na wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa amin ni Jake, di pa rin niya ako sinasabay sa pag-uwi pero sabay naman sa pagpasok dahil nakabantay ang mga magulang niya. Simula na rin iyon ng aming First Periodical Exam. Tulad ng nakagawian nangunguna talagag sa ranking itong si Jake.Halos ma perfect na niya lahat. Si Pat , ayun nakapasa naman at ako mababa na naman ang score ko.Kinabukasan pagkatapos ng dalawang araw na exam pinaskil na sa bulletin board ang top20 students na nakakuha ng pinakamataas na score.Number 1 pa rin si Jake at halos lahat ng mga katropa niya nandun din sa rank.
"Friend ang galing talaga ng crush mo oh" si Erika habang nakatingin kami sa bulletin board.
"Hindi na kataka-taka yan ang talino niya eh" sabi kong may pagkabilib sa kanya.
"Kaya wala tayong karapatan na maging kaibigan niya eh dahil wala pa sa kalahati ang IQ natin sa kanya," si Erika.
"Tama, buti naman alam niyo", biglang sabat ni Jake na ngayon ay nasa likuran pala namin.
Bigla namang hiyawan ng mga estudyanteng nasa paligid ang pagsulpot niya. Hindi na lang niya ito pinansin.Agad naman kami umalis ni Erika para makaiwas na naman sa mga pang-iinsulto ni Jake. Nalaman agad sa bahay ang mga score namin sa exam. Kaya habang kumakain, pinagsabihan ni Tita si Jake.
"Ano ba sabi ko sayo anak, di ba tuturuan mo si Dave sa kanyang pag-aaral? Tingnan mo ang nangyari mababa tuloy ang mga score niya." si Tita Edna.
" Natural lang yan sa mga tangang tulad niya ang makakuha ng mababang score, kahit turuan pa sya, di naman mag iimprove." pangangatwiran ni Jake.
"Mali ang katwiran mo anak, matalino ka pa naman. Lahat ng tao may kakayahang iimprove ang sarili." si Tita.
Hindi na umimik pa ni Jake sa mga sinabi ni Tita. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sakin nag-aaway ang pamilya nila. Kinagabihan sa aking silid, kinausap ako ng Itay ko.
"Anak, alam kong nahihiya ka na sa mga nangyayari pero kaunting tiis lang ha, Naghahanap ako ng bahay na lilipatan natin. Pero mukhang matatagalan pa kasi wala pa tayong budget. Pasensya na anak ha" si Itay.
"Ano ka ba tay, ayos lang ako wag mo muna ako isipin makakaraos din tayo" sabi ko.
Isang linggo mula ng first periodical exam binigay na ang aming report card. Bago ibalik ang card dapat may pirma ng magulang na nagpapatunay na nakita nila ito. Hindi na ko nabigla sa mga grado ko. Filipino-7, English-75, Math-76, Science-77, ung iba 78 na. Si Pat naman English at Math lang ang 79 niya ung iba puro 80 na.
"Parang ayaw ko umuwi sa amin, kasi sa mga grades ko buti pa si Pat medyo ok pa sa kanya." sabi ko kay Erika.
"Friend ok lang yan first grading pa lang naman bawi ka na lang sa susunod." si Erika.
"Oo nga naman best kaya mo yan , hayaan mo tutulungan kita sa abot ng aking makakaya" biglang pagsabat ni Jake na animoy kuntento na sa mga grado niya.
Naisip ko na sana ganito rin kabait si Jake tulad ni Pat. Buti pa ang bestfriend ko nagboboluntaryo tumulong sa akin kahit na di sya ganun katalino kaysa naman sa isa na ubod ng talino pero saksakan ng kasamaan sa pag-uugali. Magkaganun pa man mahal ko pa rin siya kahit ganun ang ugali niya.
Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako ng nauna na palang naka-uwi si Jake. Pag-akyat ko papunta sa kwarto, narinig ko na pinagagalitan ni Tita Edna si Jake.Ang narinig ko na lang sa kanilang pagtatalo ang huling sinabi ni Tita.
"Simula bukas dapat 5pm pa lang nandito na kayo ng sabay, bawal ang lakwatsa at mag-aaral kayo ni Dave, kung ayaw mong sumunod di kita bibigyan ng baon, di ko ibabalik ang sasakyan mo at grounded ka pa naiintindihan mo ha Jake?"
Lumabas na si Tita ng kwarto ni Jake at nakita ako. Agad niya akong kinausap. Tiniyak niya na simula bukas tutulungan na ko ni Jake sa pag-aaral ko. Nahahabag kasi siya sa mga nakuhang kong grado sa card. Wala na kong nagawa kundi pumayag kahit nahihiya ako sa nangyari.
Pagkatapos ng usapan namin ni Tita, pumasok na ko ng kwarto para magpalit ng dami at magpahinga. Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at laking gulat ko na si Jake pala iyon at di maipinta ang mukha.Niyaya ko siyang pumasok saka nagsalita.
"Dave may sasabihin ako sayo"
Itutuloy....................

"Simula bukas mga 7pm mag-aaral
ka na, at ako ang magiging tutor mo." sabi ni Jake na halatang napilitan.
"Alam mo naman na hindi ko to gusto, kaya dapat matuto kang makisama ha, di ko alam kung anong gayuma ang pinakain mo sa mga magulang ko para bigyan ka nila ng special na atensyon." dagdag niya.
"S....sure, promise di ako papalpak, yan may tutor na ko weeeeeee" sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon, magkakasundo tayo, sige tulog na ako" si Jake sabay labas ng kwarto ko.
Tila nakakadama ako ng kaligayahan sa nangyari at sa mga mangyayari. "Biruin mo isang adonis na nagmula sa langit bumaba dito sa lupa para tumulong sa iyo." sabi ng utak ko.
Kinabukasan, bago kami umalis para pumasok, inulit muli ni Tita kay Jake ang mga sinabi niya kagabi. Wala namang nagawa ang isa kundi sumunod. Sabay pa rin kami sa pagpasok. Pero may napansin ako sa kanya habang naglalakad kami.Dati kapag lumapit ako sa kanya, pinapalayo niya ako pinapadistansya nagagalit, ngayon wala na siyang imik kapag lumalapit ako sa kanya. Halos magdikit na ang katawan namin parang balewala na sa kanya. Medyo nasiyahan ulit ako dahil pakiramdam ko, nababawasan na ang galit niya sa akin. Iyon nga ba talaga ang dahilan????
Habang papasok na ako sa room di ko maiwasan ang mapangiti dahil sa excitement sa mangyayari mamaya. Napuna ito ng bestfriend kong si Pat.
"Aba, mukhang masaya ngayon itong maha... este bestfriend ko ah ano ba yan ha? Si Pat sabay upo sa tabi ko.
"Wala tungkol lang ito kay Tatay. Nakahanap na kasi siya ng magpapautang sa kanya para sa puhunan sa itatayong negosyo namin." pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ayos yan, oo nga pala best, ilang buwan na rin ah ang bilis mong mawala pag-uwian parang lagi kang nagmamadali tapos hanggang ngayon di mo pa rin kami sinasama ni Erika sa bahay tinitirhan mo, parang nakakatampo naman yan eh, parang binabalewala mo na ang pagkakaibigan natin pati na ako." si Pat.
"Hindi naman ano ka ba, umiiral na naman yang kadramahan at kakornihan mo eh, basta naghihintay lang kasi ako ng tiyempo, intay lang best" paninigurado ko sa kanya.
"Ok sige sabi mo eh maghihinjtay na lang kami" sagot niya.
Wala ako sa concentration sa mga tinuturo ng mga guro namin habang nagkaklase. Naiimagine ko ang mga bagay na posibleng mangyari simula mamaya. Kaming dalawa lang sa kwarto, tuturuan niya ako, matagal ko pang masisilayan ang kanyang mala anghel na mukha, ang magandang katawan, at ang boses niya na tila musika sa aking pandinig. Tapos pag ginabi kami, makakatulog siya sa kwarto at presto matsatsansingan ko na siya."Ay teka ano ba yung huling naisip ko, ano ba tong utak ko mahina na nga madumi pa puro libog ang laman. Basta mamaya aayusin ko ang sarili ko para maging kaaya-aya sa paningin niya." sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng klase, tulad ng nakasanayan para di mabisto binilisan ko ang paglakad palabas ng gate para hintayin si Jake. Alam ko na isasabay na niya ako sa pag-uwi dahil sa utos ni Tita. Nang makalabas na ako at pumunta sa lugar kung saan ko siya inaabangan dati, nagulat ako dahil nandun na siya.
"Ang tagal mo naman, ikaw talaga puro ka problema at abala sa akin, tara bilisan na nga natin baka kung sino pa ang makakita sa atin dito." si Jake.
Agad kaming naglakad papuntang sakayan at nakauwi kami ng bahay ng sabay.
"Ayan sa wakas, sabay na rin kayo, ang saya-saya ko" si Tita na sinalubong kami.
Parang walang narinig si Jake at dire-diresto lang sa kwarto. Kinagabihan, matapos ang hapunan, nagsimula na akong maghanda para sa aming first sex este tutorial pala. Naglinis ako ng aking sarili para maging kaya-aya ako sa kanya. Maya-maya kumatok na ang anghel.
"Dave doon tayo mag-aaral sa kwarto ko, hindi dito" utos niya na nakapagpaexcite sa akin.

Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment