Tuesday, January 15, 2013

Halik ng Pag-ibig 16-20

By: Daredevil



[16]
by: Daredevil

Kinabukasan, nagising pa rin akong mabigat ang pakiramdam. Parang ayaw kong kumilos o pumasok sa school, gusto ko lang na nakahiga. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil malapit na rin ang midterm exams. Pagbaba ko, nakita kong kumakain silang lahat ng agahan. Niyaya nila ako. Lalong bumigat ang kalungkutan ko nang malamang hindi na talag umuwi si Jake. Halos hindi ako nakakain nang maayos.


Dahil wala si Jake, mag-isa akong pumasok ng araw na iyon. Naalaala ko tuloy ang mga moments namin dalawa sa loob ng mahigit isang taon, ang mga ngiti niyang nakakapagpasaya sa akin, ang mga kulitan namin at mga panglalait niya sa akin.  Isang araw, mula nang pumasa ako ang kauna-unahang exams namin. Naalala ko ang kanyang first smile. Hanggang sa pag-uwi namin nandun pa rin iyon. Pero ngayon, nag-iba na ang takbo ng mundo, mas malala pa sa pang-iinsulto niya ang nangyari, tuluyan na niya akong kinasusuklaman. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa problemangdinadanas ng kanyang pamilya.

Nakarating na ako ng school. Saglit kong pinagpaliban ang kalungkutan para na rin makapagconcentrate ako.
Pagkapasok ng room, agad akong sinalubong ni Mark.

"Dave, anong nangyari sa iyo kagabi?" agad na salubong na tanong niya sa akin. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.
"Dave, alam mo tanggapin mo na lang ang lahat. Makakapag move-on ka rin. Marami pa namang iba diyan na nagmamahal sa iyo ng totoo pero di mo lang nakikita. Idilat mo lang ang mata mo at buksan ang isipan para maliwanagan ka." pangaral ulit niya sa akin.
"Alam ko Mark, salamat ha at nandito ka" sabi ko sabay tingin sa kaniya nang nakangiti.ang Napansin ko naman sa  niya ang maraming papel at mga sim cards.
"Oh, ang dami mo yatang papel diyan at mga simcards, ano ba mga ito patingin nga?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang  papel nang agad niya akong pinigilan.
"Wala ito, mga gagamitin natin sa tutorial mo, hindi mo pa pwedeng makita ano, itng mga simcards, matagal na itong di nagagamit, mga blocked na ito" ang nauutal niyang sabi sabay tago ng mga ito sa bag.

Kahit nagtataka ako sa kanya, hindi ko na lang ito binigyang-pansin. Mas nangingibabaw sa akin ang nararamdaman kong kalungkutan. Tuloy pa rin ang tutorial namin ni Mark.

Natapos na ang midterm exams na umabot nang mahigit isang buwan na hindi pa rin umuuwi si Jake sa bahay, pero pumapasok pa rin siya sa school ayon kay Erika. Nalaman ko rin na madalas na silang magkasama ni Cathy. Sa bahay naman, patuloy pa rig naghihinagpis ang mga magulang niya. Pakiramdam ko lalo akong naguiguilty habang tumatagal sa kanila. Napupuna na rin siguro ni Itay ang nararamdaman ko kaya isang desisyon ang sinabi niya sa akin nang mag-usap kami sa kwarto isang gabi.

"Anak, naaawa na ako sa iyo, bilang ama mo, nararamdaman ko ang mga hinanakit mo. Kaya anak, naisip ko tutal maganda na ang takbo ng ating negosyo, pwede na tayong umalis dito at maghanap ng mauupahan. Nakausap ko na ang mga magulang ni Jake, napilitan na silang pumayag kahit ayaw nila." si Itay habang hinahagod  ang likod ko.
"Tama ka tay, pakiramdam ko kasi na pabigat ako dito, mabuti na rin siguro ang pag-alis natin para maayos na ang pamilya nila. Kailan naman tayo aalis?" sabi ko.
"Sa sembreak mo na anak. Nagtatanong-tanong na ako sa mga suki ko sa canteen ng mga pwedeng matirhan." si Itay. Agad ko namang tinawagan si Erika para sabihin ito.

Kinabukasan, binanggit ko na rin ito kay Mark habang naglalakad kami papunta sa kanila para sa tutorial.

"Talaga Dave, aalis na kayo mabuti naman" si Mark na halata sa mukha na nasiyahan.
"Oo, at teka bakit mas masaya ka pa sa akin?" ang bigla kong tanong.
"Wa...wa...la, ano ka ba, siyempre makakatulong iyon sa bestfriend ko na makapagmove on." si Mark sabay akbay sa akin.

Nakakapagtaka ang sobrang saya ni Mark sa mga sinabi ko, hanggang sa dumating kami sa kanila, hindi pa rin maalis ang ngiti niya.

"Mukhang masaya ang anak ko ha, may new love ka na yata" si Tita Evelyn na sinalubong ang pagdating namin.
"Hmmm, hindi ko pa siya nakukuha mom, pero malapit na" si Mark. Nahiwagaan naman ako sa sinagot niya.

Sa kwarto niya, habang sinasagutan ko ang mga exercises niya, bigla niya akong niyakap sa likod.

"Please, huwag kang papalag, hayaan mo muna ako gawin ito" si Mark.
"A...a...no ang ibig sabihin nito Mark?" ang nagtataka ko nang tanong sa kanya.
"Alam ko Dave, hindi mo pa rin nagagawang kalimutan si Jake. Tanggapin mo na lang na wala na siya sa buhay mo, nandito naman ako." si Mark.
"Ha! hindi, kita maintindihan" napasigaw ko nang sabi sa kanya.
"Dave, mahal kita nang higit pa sa isang  bestfriend." pag-amin niya.

Napatayo naman ako sa narinig ko sa kanya. Inalis ang kamay niya mula sa pagyakap sa akin.

"Mark, hin...hin...hindi pa ako ready na magmahal ulit sana maintindihan mo" ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Alam ko, alam ko, at hihintayin ko ang panahonh iyon. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo." si Mark sabay hawak sa mga kamay ko.
"Sige Mark, sa susunod na lang natin ituloy ang tutorial, uuwi na muna ako, sumakit bigla ang pakiramdam ko."

Kita ko sa mga mata ni Mark ang sobrang kalungkutan. Muli naalala ko na ganito rin ang naramdaman ni Jake. Pagkauwi ng bahay, nakita ko silang lahat na nag-uusap sa sala, kasama ang taong biglang nagbalik. Si Jake. Medyo nagbago ang itsura niya, mayroon na siyang bigote, medyo humaba ang buhok pero nandun pa rin ang kakisigan at kagwapuhan.Tumingin siya sa akin, isang titig na hindi ko mawari kung galit ba ito o kasiyahan.

"Ah Tita, Tito, pasok po muna ako ng kwarto, medyo di po maganda ang pakiramdam ko." nasabi ko na rin para makaiwas na kay Jake.
"Ganun ba, sige." si Tito.

Nang sipatin ko si Jake bago ako pumasok ng silid, nakita ko, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na animoy naiiyak. Hindi ko na muna ito binigyang pansin. Sa kwarto, nakahiga pa rin akong nag-iisip. Hindi pa nga ako ok sa pag-iwan sa akin ni Jake tapos bigla namang umamin si Mark sa akin ng nararamdaman niya , at ngayon lang pagbabalik  ni Jake. "Arrrhhhhh! mababaliw na ako" sabi ng utak kong tuliro.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip habang nakatalukbong ng kumot nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
Naramdaman kong umupo rin siya sa kama at tumabi sa akin. Nagulat ako nang mabosesan ko ito.

"Dave" 

Itutuloy..........................


allaboutboyslove.blogspot.com


[17]
by: Daredevil

Kahit nakakaramdam ako ng pananabik, hindi ko pa rin inaalis ang kumot na bumabalot sa buo kong katawan at nagkunwaring tulog baka kung anu-ano na naman ang sasabihin niya na magpapasakit ulit sa kalooban ko.

"Alam ko Dave, gising ka pa at naririnig mo ako. Pwede bang mag-usap tayo" si Jake na malumanay ang boses.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa luha kong di na yata tumigil sa pagtulo.
"Kung ayaw mo akong harapin ok lang sa akin naiitindihan kita dahil siguro hindi ka pa handa. Alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari. Kung sakaling magbabago ang isip mo na kausapin ako nandito lang ako. Sige pahinga ka na" si Jake ulit na may tono nang kalungkutan at pagkadismaya.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan, inangat ko na ang kumot ko saka umupo sa kama pahid ang luha. Sa totoo lang gustung-gusto ko na siyang yakapin at halikan nang mga sandaling iyon pero nanaig sa akin ang takot na baka lalo niya akong kamuhian at pangamba, dahil may girlfriend siya. Kinabukasan, nagising ako sa isang tawag sa cellphone ko.

"Dave, may maganda akong balita sa iyo, pwede na kayong umupa sa dati naming bahay sa New Manila, umalis na ang dating nakatira doon." masayang sabi ni Erika.
"Talaga friend, salamat. Makakapag move-on na siguro ako nito. Kailan pwede lumipat?" sabi ko.
"Mamayang uwian, pupunta ako diyan sa inyo, sabihan mo na rin ang itay mo ha" si Erika.
"Ok"
"Sige bye muna malalate na ako." si Erika.

Nang bumaba ako para maligo, nakita ko silang lahat maliban sa aking itay na nauna na palang umalis papuntang canteen namin, kumakain ng agahan.

"Dave anak, halika sabay ka na sa aming kumain" yaya ni Tita nang makita akong nakatayo.
"Salamat po Tita, pero busog pa ako saka nagmamadali ako ngayon. pagtanggi ko. Nang paalis na sana ako papuntang banyo para maligo, biglang tayo ni Jake sa upuan niya saka inakbayan akong pabalik sa mesa.
"Dave, alam kong gutom ka, kain ka muna kahit kaunti, ako ang nagluto niyan." si Jake na pinaghahainan ako ng sinangag at itlog.

Kita ko sa mga mata nina Tito at Tita ang pagkabigla. Nang tignan ko si Jake, nakangiti ito pero nakikita ko pa rin sa mata niya ang kalungkutan. Hindi na ako nakatanggi. Habang kumakain, halos mamayani ang katahimikan sa aming apat. Ni isa ayaw magsalita. Nararamdaman kong patingin-tingin sa akin si Jake pero iniiwasan ko talaga siyang tignan.

Nakatapos na ako lahat-lahat at handa na sa pagpasok. Lumabas na ako ng bahay nang biglang may humatak sa braso ko papasok ng kotse. Si Jake pala ito. Ewan ko ba, naging sunud-sunuran na ako sa lalaking ito. Habang nagmamaneho, katulad kaninang agahan, tahimik pa rin kami. Siya na rin ang nagbasag nito nang mapansin akong sa bintana lang ako nakatingin.

"Dave, hindi ka ba masaya at bumalik na ako?" ang bigla niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Sasabihin ko na sanang "Oo, miss na miss na kita" pero nanaig parin sa akin ang takot at pangamba kaya ang nasagot ko ay...
"Buti naman bumalik ka na, nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo" casual kong sagot na medyo kinakabahan. Kita ko sa mukha niya ang disappointment sa sagot ko.

Nang huminto na kami sa gate ng school, mabilis akong bumaba. Agad siyang sumunod sa akin at umakbay ito. Dahil mahuhuli na ako, hinayaan ko na lang siya hanggang maghiwalay kami sa lobby. Nakangiti siyang kumaway sa akin na parang nagsasabing "see you later" at naglakad na siya papunta sa room nila. Habang umaakyat ng main stairs di ko madeny sa sariling kinikilig, pero agad itong napalitan ng pangamba nang may mapuna akong tao sa emergency stairs sa gilid ng building na naging sanhi ng pananakit ng kalooban ko, si Cathy at may kausap na lalaki. Pero kapansin-pansin na parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Dahil na rin sa aking talento ang pagiging tsismoso, lumapit ako nang kaunti para marinig ang pinag-uusapan nang biglang magwalk-out itong si Cathy. Napahinto siya nang makita makasalubong niya akong papalapit sana, at nagulat ako nang tinignan ko ang lalaking kausap niya na sumusunod sa kaniya.

Itutuloy.....................


allaboutboyslove.blogspot.com


[18]
by: Daredevil

"Ahm Dave, nandito ka pala, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Mark nang makita ako.
"Ako dapat magtanong sa inyo. Bakit dito kayo nag-uusap?" ang nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Wala, napag-usapan namin si Jake, di ba Mark?" si Cathy.
"O..oo nga hehehehe. Sinabi kasi ni Cathy na bumalik na siya sa bahay nila. Sige Cathy balik na kami sa room" si Mark.

Sabay na kaming bumalik ni Mark sa room. Habang naglalakad, naiisip ko ang ilang mga bagay na pumapasok sa isip ko tungkol kay Mark. Parang may kakaiba sa kanya. Una ang mga nakita kong mga simcards at papel sa armchair niya. Pangalawa ang seryosong usapan nila ni Cathy. Nang makarating na kami sa room,

"Dave, ayos na ba kayo ni Jake" agad na tanong ni Mark, pagkaupo pa lang namin.
"Hindi ko alam Mark, pero kahit nagbalik na siya buo pa rin ang desisyon naming umalis para dumistansya na sa kanya." seryoso kong sabi sa kanya habang nilalabas ang mga lecture notes ko sa bag.
"Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo, nandito naman ako na handang magmahal sa iyo." biglang sabi ni Mark.

Naalaala ko naman ang pagyakap niya sa akin sa bahay nila habang nagtututorial kami at ang pag-amin ng nararamdaman niya sa akin. Inulit ko lang sa kanya ang sinabi ko noon na hindi pa ulit ako handa sa pakikipagrelasyon. Nanahimik na lang siya pero kita pa rin sa kanya ang pagkadismaya.

"Patawarin mo ako Dave sa ginawa ko sa iyo nung isang gabi" si Mark.
"Ayos lang sa akin iyon, nabigla lang naman ako sa iyo" sabi ko.
"Ibig sabihin hindi pa rin magbabago ang set-up natin" ang napalakas niyang tanong.
"Oo naman basta wala tayong pag-uusapang iba maliban sa pag-aaral" sabi ko.
"Salamat Dave, ang bait mo talaga" si Mark na akmang hahawak sa kamay ko pero agad ko itonjg iniwas. Naintindihan naman niya ito.

Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Tulad ng napag-usapan ganun pa rin ang set-up namin. Sabay kaming naglalakad pauwi, magmeryenda sa Jollibee at ang tutorial. Sa bahay nila habang nagpapaliwanag sakin si Mark ng isang topic sa science. Biglang nagring ang phone ko. Si Itay pala. Sinenyasan ko si Mark na tumigil muna.

"O tay, bakit ka napatawag" tanong ko sa kanya.
"Dave anak,  anong oras ka ba uuwi, kanina ka pa hinihintay ni Erika dito" sagot niya. Bigla kong naalala na puputa nga pala si Erika sa bahay at pag-uusapan ang bahay na uupahan namin.
"Pasensiya na tay, malapit na kami matapos, uuwi na agad ako diyan sige bye." sagot ko.
"Mark bilisan na natin kasi kailangan na ako sa bahay e"
"Ganun ba sige, bukas na lang natin ituloy yung ibang subjects. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo, Ibabalik ko lang itong mga encyclopedia at dictionaries sa kabilang  kwarto. Pwede ka nang mauna bumaba pagkatapos mo" si Mark.
"Ok. 

Pumunta na si Mark sa kabilang kwarto para ibalik ang mga ginamit namin sa pag-aaral. Ako naman inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag. Habang nag-iimpake, isang tunog galing sa cellphone ang narinig ko. Agad kong hinanap ang kinaroroonan ng cellphone at nakita ko ito sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Umiral na naman ang pagkatsismoso ko kaya hinawakan ko ito. Nang tignan ko ang screen, nabigla ako sa caller. Si Cathy. Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pinto. Alam kong si Mark ito kaya agad kong binitawan ang cellphone.

"Mark may tawag ka sa cellphone mo oh" sabi ko sa kanya sabay turo ko. Agad siyang lumapit para kunin iyon. Nang mabasa ang caller, bigla siyang napatingin sa akin na animoy kinakabahan at may tinatago. Hindi niya ito sinagot.
"Wag mo tong intindihin ito hehehe. Tara na ihahatid na kita sa labas." si Mark.
"O....o.....ok" ang nasabi ko na lang.

Lalong nadagdagan ang mga pag-aalinlangan ko. Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari ngayon. Ewan ko ba parang may hindi tama. Mayroon tinatago sa akin sina Mark at Cathy. Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay iyon pa rin ang iniisip ko. Pagkapasok ko, nakita kong nakaupo lahat silang lahat sa sofa maliban kay Jake. Hindi ko naman magawang itanong kung nasaan siya.

"Anak, sa isang araw na tayo aalis, buti na lang at may mabait kang kaibigang tumulong sa atin hehehe" si Itay. Napapangiti na lang ako.
"Ok na rin yan para maibalik na ang pagiging masayahin ng friend ko" si Erika.
"Hay kakalungkot naman, hindi na ba kayo talaga mapipigilan pare" si Tito Eddie.
"Pare naman paulit-ulit mo na lang tinatanong sa akin yan, nag-usap na tayo di ba." si Itay.
"Oo nga, wala na kaming magagawa." si Tita Edna.

"Sige uuwi na ako Dave gabi na kaya" si Erika.
"Hatid na kita sa labas." alok ko.

Hinatid ko na siya sa sakayan sa kanto. Nang makasakay na siya, naglakad na ko pabalik ng bahay. Nang papalapit na ako sa may gate. Napahinto ako dahil nakita ko si Jake nakatayo at parang may hinihintay. Iiwas sana ako pero huli na dahil nakita na niya ako at dali-daling lumapit sa akin. Ako naman napapaatras hanggang mapasandal ako sa isang pader. Tinukod niya ang dalawang kamay dito malapit sa aking mga tainga.

"Dave, iiwas ka na naman, totoo bang aalis na kayo?" ang seryosong tanong niya sa akin.
"Oo para.." ang sagot ko nang bigla siyang nagsalita na medyo galit na.
"Ganun na lang ba iyon, iiwan mo na ako ha? Alam mo ba na dahil sa iyo, bumalik ako dito?" ang napalakas na niyang tanong. Nakaramdam na ako ng kaba. Pero nakuha ko pa ring sagutin siya dahil na rin siguro sa nararamdaman kong poot sa ginawa niya sa akin.
"Oo tama ka, gusto na kasi kitang makalimutan dahil hindi ko na kaya ang paninisi mo sa akin tungkol sa pagkatao mo at mga pang-iinsulto mo. At nasasaktan ako dahil ang taong gusto ko ay....." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya nang biglang naputol dahil naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Jake sa akin.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com


[19]
by: Daredevil

Ang sarap sa pakiramdam nang natupad na ang matagal mo nang minimithi, ang mahalikan ng taong matagal mo nang minamahal. Hindi ito isang panaginip lang. Habang hinahalikan niya ako, hindi ko maiwasang maluha ulit dahil sa sobrang kasiyahan. Masarap siyang humalik na parang sabik na sabik. Maya-maya kumalas na siya sa akin.

"Ngayon, kakalimutan mo pa ba ako, makakaya mo pa bang lumayo sa akin? Ito ang aking halik ng pag-ibig." si Jake. Hindi ako makapagsalita, natutulala pa rin ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila. Ako naman naging sunud-sunuran na lang sa kanya. Pagkapasok sa bahay, kita ko silang lahat na nakaupo at nag-uusap. Kita ko ang pagkabigla sa mukha nila nang makita kaming magkaholding hands.

"Tito Mariano, patawarin po ninyo ako kung sinaktan ko po ang damdamin ng anak niyo, pero narealize ko nung ayaw kong umuwi dito na hindi ko kayang mawala si Dave sa buhay ko. Kaya please po sana huwag na  kayong umalis." si Jake. Kitang kita ko sa mata niya na totoo ang sinasabi niya.
 "Ma, Pa, sasabihin ko po sa inyo na mahal na mahal ko si Dave sana po matanggap po ninyo ang aming relasyon gaya ng pagtanggap ko sa aking pagkatao. Alam ko na ngayon kung saan ako magiging masaya." dagdag niya.
"Anak, natutuwa kami at huwag kang mag-alala susuportahan ka namin kung saan ka magiging masaya." si Tita na naluhasa kasiyahan.
"Jake, alam mo naman siguro na mahina ang utak ng anak ko sa pag-aaral kaysa sa iyo at pumapalpak sa maraming bagay." si Itay na agad sinagot ni Jake.
"Alam ko po Tito, makakaasa po kayong tutulungan ko siya at aalagaan." si Jake.
"Ang saya, bukas magkakaroon tayo ng salo-salo hehehehehe" si Tita.

Naluha ako sa sobrang kasiyahan sa mga nangyari. Natupa na ang pangarap ko na mahalin ni Jake. Wala na akong mahihiling pa. Pagkatapos ng aming usapan, pumasok na kami sa kani-kaniyang kwarto para makapagpahinga.

Sas kwarto, nakahiga akong nakangiti na. Pero may bumabagabag pa rin sa akin na baka bukas e bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin, at siyempre naalala ko si Cathy. Minabuti kong puntahan siya at kausapin. Kumatok ako sa pinto at agad naman niya itong binuksan.

"Dave tara, pasok ka" si Jake na  nakangiti. Pumasok na ako at naupo sa kama niya.
"Oh bakit parang di ka masaya, sabihin mo may problema ka ba? nag-alalang tanong niya sabay tabi sa akin.
"Iniisip ko lang na baka bukas e magbago ka ulit saka paano na si Ca" ang sinabi ko nang takpan niya ang bibig ko ng hintuturo niya.
"Shhhhh! iyan ba ang inaalala mo? Huwag kang mag-alala, hindi ako magbabago at tungkol naman kay Cathy, wala kaming relasyon, kaibigan ko lang siya. Binabalak ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Teka, dapat nga ako ang magtanong sa iyo niyan e." 
Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "Bakit mo nasabi yan?" ang tanong ko.
" Dahil marami akong karibal sa iyo. Nung mga nakaraang buwan marami akong natatanggap na text galing sa ibat-ibang number at mga sulat na nagsasabing aagawin ka nila sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sarili ko. at nang makita ko si Mark, doon ko nakumpirma sa sarili ko na nagseselos ako. Gulung-gulo ako ng mga panahon na iyon. Lalong nasaktan pa ako ng makita ko kayong sabay umuuwi, sabay nagmemeryenda sa Jollibee at siyempre sa kanya ka na sumasama sa tutorial. Mababaw lang iyon sa iyo pero di ko maiwasan e. Nung gabi na uminom ako, dahil iyon sa nakita kong paghawak niya sa kamay mo at pagkiss sa pisngi mo habang naglalakad kayo. Masakit kasi hindi ko nagawang gawin sa iyo yun dahil sa confusion ko sa sarili. Ang pagtanggap ko sa sarili ang nagbibigay sa aking ng sobrang kaligayahan. Salamat sa iyo Dave." si Jake habang hinahaplos ako sa ulo.

Nagulat naman ako sa mga revelations niya. Unti-unting naliwanagan ang isip ko. Matagal na pala siyang may nararamdaman sa akin, pero naging manhid ako. Nagseselos na pala siya kay Mark. Teka, pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Jake na marami ang nagtetext sa kanya at nagpapadala ng mga sulat. Naalala ko yung araw na nakita kong maraming sulat at sim cards si Mark.

"Jake, may sinabi kang maraming kang natatanggap na text at sulat di ba?" ang natanong ko.
"Oo, huwag mong sabihing isa na sa kanila ang mahal mo?" si Jake na may selos ang tono ng boses.
"Hindi ano ka ba, naalala ko kasi na yung mga nakita kong papel at sim cards kay Mark e. Jake, naitabi mo ba ang mga sulat at na save ang mga text" sabi ko.
"Wala na, siyempre hindi ako magtatago ng mga bagay na nagbibigay ng pasakit sa akin." ang sagot niya. 
"Ahh, may kailangan lang akong kumpirmahin bukas"
"Ano iyon, sabihin mo sa akin" si Jake.
"Malalaman mo rin  iyon bukas. Sige, balik na ako sa kwarto ko." tatayo na sana ako nang bigla akong hinawakan ulit ni Jake sa kamay.
"Dave, hindi ka muna pwedeng lumabas." si Jake, sabay hinila ang kamay ko na dahilan upang mapahiga ako sa kama at umibabaw siya sa akin.

Ang kaninang nararamdaman kong pag-aalinlangan kay Mark ay napalitan nang kung anumang init ng katawan. Nakatitig siya sa akin na parang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha ko. Muli, hinalikan niya ako, mas mapusok na ito kaysa sa kanina. Halatang gigil na gigil siya sa akin. Naramdaman kong tumigas na ang pagkalalaki ni Jake sa pagdikit-dikit niya nito sa aking ari. Tinigasan na rin ako. Maya-maya huminto siya sa paghalik at sinimulan na niya akong romansahin. Dinilaan at inamoy-amoy niya ang buo kong katawan pababa. Hinubad niya bigla ang aking suot na shorts at brief. Walang kagatul-gatol siyang isinubo ang tigas na tigas ko nang ari. Napaungol at napapikit na lang ako sa sobrang sarap na aking nararamdaman.

Itutuloy................


allaboutboyslove.blogspot.com


[20]
by: Daredevil

Nararamdaman kong nasa langit na ako dahil sa pagroromansa sa akin ni Jake. Maya-maya narating ko na ang sukdulan, nilabasan na ako sa bibig ni Jake. Muli, naghalikan kaming dalawa na para bang wala nang bukas.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, siya naman ang humiga at sinimulan ko na ang pagromansa sa kanya. Ginaya ko rin ang mga ginawa niya sa akin. Kitang-kita ko ang kasarapan sa itsura ng kanyang mukha. Masaya ako dahil ang pinapantasiya kong katawan ng mahal ko ngayon naangkin ko na. Maya-maya nilabasan na rin siya. Nang mahimasmasan, humiga kaming dalawa na magkatabi sa kanyang kama.

"Dave, maraming salamat, ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganitong kasiyahan." si Jake habang hinahaplos ang buhok ko.
"Ako rin, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa atin" sabi ko na nakahawak sa isa niyang kamay.
"Dave, simula bukas, ayaw ko nang kasama mo si Mark" ang biglang pag-uutos niya sa akin.
"Pwede ba iyon e magkaklase kami. Uyyyyyyy!!! nagseselos siya" biro ko sabay kurot sa tagliliran niya.
"Oo, selos na selos ako, saka ang ibig kong sabihin yung mga ginagawa ninyo pagkatapos ng klase. Simula bukas, pupuntahan na kita sa room niyo" si Jake.
"Ok, sige Jake, balik na ako sa kwarto inaantok na ako e"
"Dito ka na matulog ngayong gabi please" si Jake.
"Parang nahipnotismo ako sa mga titig niya sa akin kaya napapayag niya ako sa gusto niya.

Kinabukasan, pumasok kami ng maaga ni Jake para ituloy ko ang pagkumpronta kay Mark. Pagkapasok ko ng room, nakita ko siyang nagbabasa ng aklat. Agad ko siyang nilapitan at niyayang lumabas para makapag-usap kami ng masinsinan. Kahit may pagtataka sumunod naman siya sa akin. Dinala ko siya sa likod ng school building kung saan di gaanong pinupuntahan ng tao.

"Mark, hindi na ako mag-paligu-ligoy pa. Ikaw ba ang mga nagpapadala ng mga text at nagbibigay ng mga sulat kay Jake?" ang pambungad na tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang reaksyon. Maya-maya bigla na lang siyang naiyak na sumagot.
"Patawarin mo ako Dave, nagawa ko lang naman iyon dahil mahal kita." si Mark na napahagulgol na.
"Ibig sabihin, ginawa mo iyon para magkagalit kaming dalawa" ang napasigaw kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot.
"Sabihin mo sa akin, ano pa ba ang mga pinaplano mo sa amin" tanong ko. Kita ko sa mukha niya na nag-iisip siya ng maisasagot sa akin.
"Wala na  Dave, maniwala ka." ang nasabi niya.
"Sana lang Mark. Alam mo ang masakit ang ginawa mo, kung talagang bestfriend mo ako, dapat tinutulungan mo ako para maging masaya di ba?"
"Tama ka Dave, matagal ko na ring itinigil ito nang makita kong hindi ito uubra e" ang sabi niya.
"Dave, matatanggap mo pa ba ako bilang bestfriend?" dagdag tanong niya.
"Sa ngayon hindi ko alam, give me time to think" ang nasabi ko sa kanya.
"Sige Dave maghihintay ako" si Mark.

Natapos na ang klase namin nang araw na iyon. Nauna na si Mark na lumabas ng room. Sinadya ko talagang magpahuli para maiwasan siya. Habang nagpapasok ng mga gamit sa bag, may biglang sumitsit sa akin. Si Jake pala iyon na nakangiti. Tinupad nga niya ang sinabi kagabi. Sabay kaming naglakad papuntang sasakyan niya na nasa labas.

"Alam mo bang nagmadali talaga ako para puntahan ka, baka mamaya kung ano na naman gawin ninyo ni Mark" sabi ni Jake habang nagmamaneho.
"Wala ka nang dapat ipag-alala" sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Dave, huwag muna tayong umuwi, mamasyal muna tayo" si Jake.
"Sige ba, let's go." ang agad kong pagpayag. Na-excite ako at tuwang-tuwa at the same time dahil first time kaming magde "DATE" ni Jake. Hindi ko na talaga maitago ang kiilig ko.

Nagpunta kami ni Jake sa SM. Kumain kami sa Jollibee at naglaro sa Timezone. 7pm na nang maisipan namin umuwi. Nang makarating na kami sa bahay, isang pamilyar na kotse ang napansin kong nakahinto sa tapat ng gate. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita. Nagsimula na akong makaramdam nang di  maganda. Nahalata ko naman ang pagkabalisa ni Jake sa nakitang kotse. Nang makapasok na kami sa loob, ang masaya kong mukha ay napalitan ng pangamba sa nakita kong bisita namin.

Itutuloy....................


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment