Friday, January 4, 2013

Parrafle na Pag-ibig (06-10)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

Author’s Note:

"Libre po ang magbasa. Libre din po ang magrepost. Huwag lamang pong angkinin ang kuwento na pinaghirapan ng tunay na may akda."

-Mikejuha-
----------------------------------------------

[06]
Nabigla ako sa narinig. Ang anyo ko ay nakayuko lang dahil sa hiya habang kinukuskos ang buhok sa pagbagsak ng tubig sa aking ulo. Tiningnan ko ang kanyang mukha, maingat na hindi magkamaling idaan ang tingin sa kanyang harapan at baka maisip niyang may pagnanasa ako. “B-bakit?”


“Wala lang... master kita dib a? B-baka lang gusto mong hilurin ko ang likod mo...” ang paliwanag niya.

“Huwag na... nakakahiya” ang sagot ko sabay balik uli sa pagyuko, kinuskos ang buhok ko, ang mukha, ang leeg, dibdib, tyan, harapan...

Nasa ganoon akong pagkukuskos ng katawan noong biglang naramdaman kong dumampi ang kamay niya sa aking likuran at marahang hinagod iyon.

Biglang napahinto ako sa ginagawa. Hinayaan siya at pinakiramdaman ang sunod niyang gawin.

Patuloy pa rin niyang hinagod ang aking likod. Ninamnam ang marahang paghagod at pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat.

Maya-maya, itinuloy ko na naman ang aking pagkukuskos sa aking harapang parte ng katawan, nagkunyaring hindi ako apektado sa kanyang ginagawa. Dedma.

Hanggang sa naramdaman ko na may sabon na pala ang kanyang kamay at sinimulang haplusin niya ang aking leeg.

Kinapa ko ang valve ng shower upang humina ang pagbagsak ng tubig at hindi mataggal agad ang sabon. Bahagya kong inangat ang aking mukha upang bigyang daan ang kanyang kamay sa pagpapahid ng sabon sa aking leeg.

Habang ginagawa niya ang pagsabon sa aking leeg, naramdaman ko naman ang kanyang pagkalalaking dumadampi-dampi sa aking likuran.

Bumaba ang kanyang kamay sa aking dibdib at marahang hinahagod-hagod pa rin doon ang kamay niyang may sabon, paikot sa magkabilang umbok, paminsan-minsang nasasagi ng kanyang daliri ang aking utong.

Ang sarap ng pakiramdam. Nag-iinit ang aking katawan. Para akong isang batang naligo sa batis na unti-unting natatangay sa agos ng kamunduhan...

Noong bumaba uli ang kanyang kamay sa aking tiyan.... tigas na tigas na ang aking pagkalalaki. Tinakpan ko ito ng aking kamay sabay salat uli sa valve ng shower upang palakasin na ang bagsak ng tubig.

At dahil sa magkahalong hiya at takot na makita niya ang tirik na tirik kong pagkalalaki, nagmadali akong lumabas ng shower. “Tapos na ako... late na tayo!” ang sambit ko pagkalabas mismo ng shower.

Alam ko nagtaka siya sa biglaan kong pag-alis. Ngunit wala akong pakialam. Grabe ang pagkalito ko. Nagtatanong ang isip kung ang ginawa ba niyang iyon ay upang paglaruan ako, akitin at may gustong mapatunayan sa akin, o kina-career lang talaga niya ang role niya bilang “slave” ko. “Arrgggghhhh!” sigaw ng isip kong natuliro habang pinapahid ko ng tuwalya ang katawan atsaka tinumbok ang wash basin upang makapag-toothbrush na.

“Hindi ka pa nag shampoo ah!” ang sambit niya. Nakalabas na rin pala siya sa shower at kitang-kita ko siya sa salamin sa harap ko na nakatapis ng tuwalya. Napa-“Syeeetttt!” na naman ang utak ko. Ang baba kasi ng pagkatapis niya na parang malaglag na ito at halos uusli ang mga bulbol sa kanyang harapan.

“Mamaya na ako magsashampoo. Maligo na lang uli ako mamaya...” Ang sagot ko, ipinagpatuloy ang pag toothbrush.

Habang nasa ganoon akong pagmamadali, nagpaparinig naman siya. “Wala akong toothbrush...”

Napahinto tuloy ako at napaisip. “Bili na lang tayo sa labas mamaya pagdaan natin sa tindahan. Bili din tayo ng isang sachet na toothpaste.” Ang naisagot ko. Ngunit ewan, dinagdagan ko pa kasi ng biro, “Ngunit kung gusto mo, itong sa akin na lang ang gamitin mo, pagkatapos ko.”

Ngumiti siya sabay sabing, “Huwag kang magbiro ng ganyan boss, papatulan ko iyang sinabi mo.”

“O, e... di patulan mo” ang biro ko pa rin. Alam ko naman kasing hindi niya gagawin iyon eh. Sino bang loko-lokong gagawa ng ganoon.

Kaya noong matapos ako, kampanteng inilagay ko ang toothbrush ko sa lalagyan at dali-daling tumalikod upang magbihis at maghanap na rin sana ng t-shirt at pantalon na susuutin niya.

Ngunit laking gulat ko na lang noong nilingon ko siya. Nilagyan niya ng toothpaste ang toothbrush ko atsaka ginamit!

“Hoyyyy! Bakit mo ginamit iyan? Ginamit ko na iyan!” sigaw ko na halos sasabog na rin sa tawa.

“Di ba iyan ang sabi mo?”

“Biro lang iyon ah! Atsaka gumagamit ka ng ginamit ko na…?”

“Why not? Hindi naman marumi ito, di ba?” sagot niya

“Eh.. hindi naman sa ganoon...”

“Hindi naman pala eh. So anong problema? Ang toothbrush ay naging marumi lang kung ikinuskos mo ito sa lupa, o sa inodoro, sa putik... o sa puwet mo, di ba?”

Hindi naman ako nakaimik sa logic niya. Tama naman din kasi. Hindi ko naman ikinuskos iyon sa kung anu-anong bagay.

“Ayaw mo yata eh...” follow up niya.

“Bahala ka ah! Anlaki-laki mo na kaya.” Ang sagot ko na lang. “Ewwwwww!” ang sigaw din ng utak ko. “Gumagamit ka ba talaga ng kahit kani-kaninong toothbrush?”

“Ano sa palagay mo?” sagot niya habang ipinagpatuloy ang pagto-toothbrush.

Matalinghaga ang kanyang sagot kaya hindi ko na iginiit pa uli ang tanong ko.

“Ikaw, handa ka bang gamitin ang toothbrush kong ginamit na?” tanong naman niya.

“Ewwwwww! Ang sagot ko.”

“So nandidiri ka?”

Hindi ako nakasagot agad. Bagkus tumawa lang ako.

“So, nandidiri ka...” ang sabi niya at tinapos na ang pagto-toothbrush, nagmumog at humarap sa akin.

“Syempre ah. Ginamit mo na kaya. May laway mo na kaya iyan” sagot ko.

Ngunit sa sagot kong iyon, di ko inaasahan ang sunod niyang gagawin. Bigla niyang hinawakan ang aking ulo at idiniin ang kanyang labi sa labi ko.

“Uhummmmmmmpphhhh!!!!” ang lumabas sa bibig ko gawa ng pagdiin ng bibig niya dito.

Ambilis ng pangyayari na halos hindi na ako nakapalag pa. Sinipsip niya ang aking labi atsaka tinangkang ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.

“Uhuuummpppphhh!” ang pagtutol at pag-aalpas ko.

Binitiwan niya ako. Sa totoo lang, nawindang talaga ako sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay ang dalawang itim sa aking mga mata ay nagtagpo at nakakita ako ng maraming bituin.

“P-para saan iyon?” ang tanong ko, habol-habol pa ang paghinga.

“Ang alin?” ang pa-inosente niyang tanong.

“Ang halik mo?”

Ngunit imbes na sagutin ako, tanong din ang isinagot niya. “Bakit, nagustuhan mo?”

Kaya sa inis ko, ang naisagot ko tuloy ay, “Bakla ka ba?”

Na sinagot naman niya ng, “Hindi ako bakla. At hindi ko maituturig na halik ang ginawa ko. Wala akong naramdaman sarap, ok? Gusto ko lang patunayan sa iyo na wala kang dapat pandirihan sa bibig ko! Na kung kaya mong tikman ang laway ng isang tao, bakit mandidiri ka sa isang toothbrush na ginamitan naman ng toothpaste?” ang matigas niyang boses. “Tara na! Late na tayo!” dugtong niya, pansin sa boses ang pagkairita.

Para namang binagsakan ng malaking bato ang aking ulo sa narinig. Napahiy ba o ano. Hindi na ako kumibo. Napansin ko kasi ang boses niyang mataas at biglang pagsimangot ng kanyang mukha. Tinumbok ko na lang ang aking locker. Naghalungkat ako ng masusuot niya at masusuot ko.

Halos magkpareha lang ang aming katawan at tangkad ni Aljun. Dahil dito, hindi ako nahirapang maghanap ng pantalon at t-shirt para sa kanya. At... pati na rin brief!

Nakita ko ang isang lumang black stonewashed at straight-cut na pantalon at isang semi-fit bench white shirt na may stripes na blue sa dibdib at balikat na hindi ko masyadong naisusuot. Kinuha ko na rin ang isang puting brief na bago pa lang.

Ibibigy ko na sana sa kanya ang napili kong mga susuutin niya noong hindi ko naman siya mahagilap. Nasa sulok pala siya ng kuwarto kung saan nakalagay ang aking mga labahin at tangka na sana niyang isuot ang kanyang pantalon na nasukahan niya noong nakaraang gabi.

“Huwag yan! Marumi yan!” sigaw ko. “Ito ang isuot mo!” dagdag ko pa sabay hagis sa pantalon, t-shirt at brief sa kanya. Tumalikod kaagad ako at tinumbok ang locker kung saan dali-dali din akong nagbihis.

Noong matapos na ako, tapos na rin pala siya at nakaupo na sa sofa, hinihintay na lang pala ako. Ambilis niyang makabihis!

“Tara na!” sabi ko. sabay tumbok sa pintuan. Sumunod siya. Dahil walking distance lang naman ang school galing sa flat ko, naglakad kami.

Napansin kong hindi siya umiimik. Parang galit o ano. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinakagalit niya kung mayroon man at kung kanino. Pero naisip ko rin ang eksena kung saan tinawag ko siyang bakla. Baka iyon ang ikinagalit niya sa akin.

Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili. Naglalaro pa kasi sa isip ko ang nangyari sa gabing iyon kung saan muntik ko nang hindi mapigilan ang aking sarili, at kung saan nagtatanong ang aking utak kung may alam ba siya sa tangka ko sanang gawin sa kanya. At nagpadagdag din sa kalituhan ko ang mga nangyari sa amin sa shower, ang paggamit niya sa aking toothbrush, at ang paghalik niya sa aking bibig. Lahat ng ito ay bumabagabag sa aking isip.

So... wala kaming imikan bagamat tuwang-tuwa din ako sa nakitang isinuot niyang damit ko. Iyon bang pakiramdam na, “Wow! Ganyan na kami ka-close?” At sa tingin ko sa kanya ay lalo pang tumingkad ang kanyang angking kakisigan at ganda ng hugis ng kanyang biluging katawan. Astig. Hayup sa porma. Ang demonyo sa appeal!

Kaya, lakad lang kami ng lakad at bagamat magkasabay, parang hindi kami magkakilala. Hindi kami nagpapansinan, hindi nag-uusap. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi mag-isip na baka nahiya din siyang malaman ng mga taong nakakilala sa kanya na ako pala ang nakapanalo sa kaniya; isang lalaki at natakot siyang lokohin, biruin... Med’yo may may kaunting kirot din ito ngunit, wala akong magagawa. Naintindihan ko.

Hanggang sa nakarating kami sa gate, may mga barkada siyang nagkantyawan, mga ka batch niya din yata sa tingin ko. “Pare, saan ka ba kagabi natulog at wala ka daw sa dorm mo? May nabiktima ka na namang chikas ano?”

Tawanan.

“Kawawang mga babae. Isa-isa nang kinakatay ng kanilang idolo!” dugtong pa ng isa.

Tawanan uli.

Ngingiti lang si Aljun, palihim na lumingon sa akin.

“Mauna na lang ako, Boss....” ang mungkahi ko noong makitang lumapit si Aljun sa kanila. Baka kasi gusto pa niyang makikipag kwentuhan.

“Sabay na tayo!” ang sagot din niya.

“Sino iyon?” ang narinig ko namang tanogn ng isa niyang barkada.

“E.... p-pinsan ko pare. S-si Jun” ang narinig kong sagot ni Aljun.

Nginitian ko sila at kinawayan na rin sabay talikod na. Nahiya kasi ako at syempre, out-of-place naman ako doon.

Humabol din pala si Aljun sa akin. At sabay uli kaming naglakad. May kumaway sa kanya, may nag-hi at nangumusta. Marami talaga siyang kaibigan. Palibhasa, palakaibigan talaga siya hindi pa kasali ang tindi ng kanyang appeal.

Nakarating na kami sa main building ng school noong isang magandang babae naman ang biglang lumapit. “Aljun! Saan ka ba nagpunta kagabi? Hinahanap kita ah! Text nang text ako sa iyo, hindi ka nagrereply. Tinawagan kita, hindi ka rin sumagot...”

Huminto naman si Aljun at hinila siya palayo sa akin. Parang sobrang close na nila noong babae. Ewan ko ba ngunit parang may sibat itong tumama sa aking puso sa pagkakita sa kanilang nag-uusap.

Kaya ang ginawa ko ay bigla na lang akong dumeretso sa klase ko nang walang paalam sa kanya. At iyon... may dagdag na panibagong tanong na naman ang aking isip. “Sino ang babaeng iyon? Bakit sobra ang pagka-close nila? At anong pakialam ko? Bakit para akong nagseselos?”

“Friend!!!! Grabe ka? Hindi mo na ako pinapansin ngayon ah!” ang sigaw ng kaibigan kong si Fred noong pagkapasok ko sa silid-aralan ng subject kung saan classmate ko rin siya.

“Ah! Kaw pala Fred. Hindi kita napansin agad ah.” ang sagot ko.

“Ok lang yan friend! Ganyan talaga kapag in love!” ang sambit ni Fred.

“Tado! Kanino ako ma-in love? Labo mo naman o!”

“Friend... sa sa tindig palang iyong mga pilik-mata, alam ko na kung umiibig ang isang tao o hindi. Kaya huwag ka nang mag maang-maangan pa! O no, tinablan ka na sa kanya ano?”

“Anong pinagsasabi mo d’yan? Anong tinablan? Ikaw... puro ka kalokohan eh...” ang sabi kong medyo nairita sa pagbibiro ng kaibigan.

“Ok lang iyan friend. Nasa stage of denial ka lang. Normal lang iyan sa taong katatalab pa lang ng love virus!” ang patuloy pa ring pagbibiro ni Fred.

“Gusto mo suntukin na kita sa mukha?” ang pananakot ko.

“Hahaha! Ito naman o, hindi na mabiro... O sige, kung ayaw mong pag-usapan di huwag.”

Tahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang tunay kong naramdaman. Parang ambilis ng mga pangyayri. Parang gusto kong isiwalat sa kaibigan ang tunay na bumagabag sa isip bagamat ang ego ko ay nagsasabing hindi ako affected dahil lalaki ako; dahil ayoko sa ganoong klaseng pagkatao.

At dahil pumasok na ang aming professor, saka na tuluyang natapos ang pangungulit ni Fred tungkol sa nangyari sa amin ni Aljun.

“Alam mo, Fwend, may napansin akong kakaiba sa iyo ngayon...” ang sabi ni Fred noong palabas na kami ng room at papuntang student center upang mag-snack.

“U...! U...!” ang pagsupalpal ko. “May napapansin ka na naman sa akin, tigilan mo nga ako!”

“Hindi nga fwend. Obvious ang pagkatulala mo sa klase kanina. Pati prof natin napansin ka. At pinagtawanan ka tuloy noong tinanong ka niya ng ‘What’s wrong Mr. Flandez’ na hindi mo napansin at noong tinapik kita, binulungang tinanong ka ng professor, pansin ng lahat ang biglang paglaki ng mga mata mo sa gulat sabay sagot, ‘I beg your pardon, professor ?’ Hindi ka naman ganyan ah. Lagi kang active sa discussions at nagbibigay pa nga ng mga explanations…”

“E... may iniisip lang e!” ang pagmamaktol ko.

“At sino naman ang iniisip mo? Si Aljun?”

“Hoy! Sobra ka na ah!” ang bulyaw ko na sa kanya sabay muestra sa kamao ko sa kanyang mukha. Nabigla kasi ako sa pagbigkas talaga niya sa pangalan noong tao.

“Wuwuwuwuwwww! Easy lang po...” sambit naman niya sabay harang nga kamay sa kanyng mukha.

“Di nga fwend. Iyan lang naman ay ang napansin ko. At huwag mong i-deny. Kasi, nakita ko ang reaksyon ng mukha mo kanina noong may lumapit na babae kay Aljun at kinausap niya ito.”

“Nandoon ka?”

“Nasa di kalayuan lang naman po ako. At heto pa... bakit suot niya ang iyong t-shirt at pantalon?”

Nabigla naman ako sa narinig. Napansin pala niya iyon. “Hindi akin iyon ah!”

“Fwend... maglokohan pa ba tayo ngayon? Alam ko kaya ang t-shirt at pantalon na iyon dahil iyon ang isinuot mo noong nag-enroll ka pa lang dito sa school na ito at napansin kita. Alam mo kung bakit di ko malimutan iyan? Dahil nakyutan ako sa iyo sa suot mong iyon... at kaya kita nilapitan at kinaibigan. O ano... magdedeny ka pa ba?”

Syempre, hindi na ako nakatanggi. Totoo naman kasing una kaming nagkakilala ni Fred sa pagpa-enroll ko sa school na iyon. “Eh... nalasing kasi iyan kagabi. Akalain ko bang hindi naman pala sanay uminom. At doon nakatulog sa flat ko dahil napuno ng suka ang kanyang pantalon at t-shirt at hindi na makatayo.” Ang kwento ko na lang. Pero syempre, hindi ko na sinabi pa ang ibang mga detalye.

“Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!” sigaw ni Fred. “Nagtabi kayo sa higaan?”

“Oo.” Ang med’yo nahihiya kong sagot.

“Waaahhhhhhhhh! Humaygadddd! Humaygaeeeeeeedddd! Nakatabi mo sa pagtulog ang pambansang pantasya! Nakaniig mo ang crush ng sanlibutan!” ang kinikilig na pigil na pagsisigaw ni Fred. “Nayakap mo sya? Nahalikan mo siya? Natsansingan mo siya?”

“Um!” Ang pagbatok ko sa kanya. “Huwag ka ngang bulgar d’yan! At bakit… ano ba ang tingin mo sa akin? Bakla ba ako? Babae ba ako? Hindi naman ah!”

“Hmmmm. Ok fine. Hindi ka bakla kung hindi. Tingnan na lang natin kung hindi ka maiinlove sa kanya.”

“Sigurado ako matatalo ka!” ang sagot ko.

“Kung gusto mo pustahan tayo, sa ma-inlove ka rin kay Aljun, kagaya ng iba d’yan. Ano deal?”

“Siguro ang pustahan ay dapat kung si Aljun ang maiinlove sa akin.”

“Hahahaha! Anlakas naman ng hangin!” sabi niya. “Sabagay, kung sa kapogian, kabaitan, at katalinuhan ang pag-uusapan, hindi ka rin naman patatalo. At... mas lamang ka pa dahil anak-mayaman! Wow!” dugtong ni Fred. “Ah! Ganito na lang kaya ang pustahan: kung ikaw ba ang mainlove kay Aljun o si Aljun ba ang mainlove sa iyo. At ang bet ko ay ikaw ang ma-inlove sa kanya. Deal?”

“Good! Proposition! Deal!” Sagot ko. “Alam ko, siya ang maiinlove sa akin...”

“Waaaahhh! Sana tayong dalawa ang manalo sa pustahan fwend. Ibig sabihin, mainlove ka sa kanya at siya naman ay ma-inlove sa iyo!”

“Hindi mangyayari iyan!” Ang matigas kong pagtutol

“Well… fine. Tingnan na lang natin. At walang lokohan fwend, dahil malalaman ko rin iyan pag pineke mo ang iyong naramdaman!” sabay tawa.

“Don’t worry.” Sagot ko.

At iyon ang pustahan namin ng kaibigan kong si Fred.

(Itutuloy)


[07]
Maya-maya, umalis si Fred upang mag-order ng snack namin sa counter ng canteen.

Eksakto namang biglang may nagtanong. “Hi! May nakaupo ba dito?”.

Noong inangat ko ang aking ulo upang tingnan kung sino ang nagsalita, lumantd sa paningin ko si Gina, nakatayong itinuro ang upuang katabi ko sa harap ng kungkretong mesa, ang mga mata ay nakatutok sa mukha ko at naghintay sa aking isasagot. “A, e.... Wala! Wala!” ang nabigla kong pagsagot.

“Puwedeng maupo?” tanong niya uli.

“Eh... sure! Sure! Please...” ang sagot ko.

Si Gina ay katulad ko ring transferee sa school na iyon. Pareho kami ng course at mag-classmates sa halos lahat ng subjects. Maganda, mestisa, sexy, matangkad at matalino. Sa totoo lang, marami ang nagkaroon ng crush sa kanya. Isa na ako doon.

Naupo siya at inilatag ang bag sa kungkretong mesa. At habang inayos niya ito, tinanong ako. “Ikaw si Jun Flandez, di ba?” ang tanong niya.

“O-o. Ako nga. At ikaw naman si Gina, ang muse ng Liberal Arts, di ba?” ang tanong ko din sa kanya. “Paano mo nalamang Jun Flandez ang pangalan ko?”

Napangiti siya. “Classmate kaya tayo sa halos lahat ng subjects. Atsaka kahit hindi pa kita classmate, makikilala pa rin kita. Kilala ka na yata sa buong campus...”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Natawa. “Paanong kilala? Hindi naman ako celebrity.”

“Hindi mo lang alam, may mga tagahanga ka na dito. Matalino ka raw. At higit sa lahat, guwapo. Simula noong inilagay sa student site ng school ang mga litrato ng mga transferee, ikaw ang may pinakamaraming comments at pagwelcome doon. Nabasa mo na ba?”

“Huh! Hindi ko alam iyan a! Talaga? Baka naman mga classmates lang ang nagcomment.”

“Mayroon din. Pero may mga taga-ibang departments din.”

“Talaga? Wow! Akala ko walang nakakapansin na may mga transferees pala dito hehehe”

“Ako ng arin eh. Pero this year lang daw ito nila ginawa... Initiative daw iyan ni Aljun Lachica, iyong student council president natin. Ipinalalagay niya sa site ng council ang mga pangalan ng mga transferees upang i-welcome.”

“Ay talaga? Siya ang nag-imbento niyan?

“Oo. Galing no? At may message siya sa lahat ng mga transferee. Basahin mo ang message niya sa iyo doon.”

“Ganoon? Sige, sige.” Ang sagot ko na lang, hindi ipinahalata ang excitement na nadarama ko kung ano ang mensahe niya doon.

“At may message din ako sa iyo doon. Hindi mo sinagot e, hehe.”

“Ha? Ano naman ang message mo? Sabihin mo na lang at dito kita sasagutin” sabay tawa.

Tumawa din siya. “Sabi ko lang naman ‘Welcome sa atin, classmate!’”

“Ay... welcome din sa atin, classmate! Ayan, sinagot na kita ha?” Ang sagot kong natawa uli.

At iyon ang pag-uusap namin ni Gina. Pakiramdam ko ay sobrang close na rin namin at parang matagal na kaming magkakilala. Doon nalaman ko na nasa abroad pala ang kanyang mga magulang at kaya pinagdesisyonan nila na sa lolo’t lola na niya siya titira, dahilan upang mapilitan siyang mag transfer.

Nai-kwento ko rin sa kanya ang dahilan ng aking pag transfer. Sinabi ko sa kanya na gusto ko lang maexperience ang buhay na independent, malayo sa mga magulang upang matuto sa buhay. At dahil mataas din naman ang standard ng school kaya ko napagpasyahang sa school na iyon ako lilipat. Malayo kasi ito sa magulong syudad.

At ambilis din naming nagkahulihan ng loob. Ang sarap din kasi niyang kausap. Hanggang sa ang topic ay napunta sa assignment namin sa isang subject kung saan binasa niya ang aking notebook. Dikit na dikit ang aming katawan sa aming pagkaupo at halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang pareho naming binasa ang aking notebook.

Siya namang pagkakita ko kay Aljun na palapit sa aming kinaroroonan, dala-dala ang isang gitara. Noong makita ko siya, agad akong yumuko. Syempre, bagamat nagsisigaw ang isip ko sa tuwa na palapit siya, inexpect ko na talagang sa kinauupuan namin siya pupunta.

Subalit noong tiningnan ko na siya muli, lumihis ito at tinumbok ang isang kanto di kalayuan sa amin kung saan may mga nakatambay na mga lalaki. Mga myembro pala iyon ng grupong CG, Inc. Ang grupong nag-sponsor sa paraffle.

Hindi na siya lumingon sa direksyon namin. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang lumihis samantalang nakita kong sa puwesto namin ang unang tinumbok niya. Hindi ko alam kung pilit niya lang akong ini-ignore o talagang sa grupo na iyon ang pakay niya. Ewan hindi ko nababasa ang laman ng kanyang isip. Medyo nasaktan din ako. Di ko rin alam kung bakit ako nasaktan.

“Saan ka ba nanggaling tol at gitara iyang dala-dala mo? Haharanahan mo na ba ang master mo?” biro ng isang myembro, sabay tawa. Biglang nag-ingay tuloy ang grupo noong dumating siya.

“Puwede...” ang casual niyang sagot sabay tawa dini. Ang alam nila kasi ay si Fred, ang master ni Aljun. Hindi ko lang alam kung alam ba nilang bakla si Fred. Kasi, hindi naman halata sa kilos at galaw.

“Baka ma-in love sa iyo iyong master mo, pare kung haharanahan mo pa.” Dagdag pa ng isang myembro.

“Huwag naman pare... Nakakatakot iyan.” sagot niya.

“O baka mamaya pare malalaman na lang namin na ikaw pala itong na-in love sa master mo!?” biro uli ng isa pang isa pa sa grupo sabay tawa ng malakas.

Na mabilis din niyang sinagot ng, “Ah, iyan ang mas nakakatakot, pare!”

Tawanan ang barkada.

Napa-“amfffff!” naman ako sa sagot niya. “Mas nakakatakot pala...” Bulong ko sa sarili.

“May sinabi ka Jun?” Ang sambit ni Gina noong marahil ay napansin niya ang ibinulng ko habang nakayuko.

“Ah... wala, wala!” ang sagot ko.

Maya-maya, dumating din si Fred. At may dalang 3 hamburgers at tatlong soft drinks.

“Antagal mo ah!” sabi ko.

“Nakita ko kasi si Gina kaya bumalik uli ako at nag-order pa ng isa. Andami kayang nakapila doon!” sagot naman ni Fred.

“Wow! Salamat Fred!” ang sabi naman ni Gina.

“Magkakilala na kayo?”

“Oo. Sa isang subject na hindi kita classmate, si Gina naman ang classmate ko. At magkatabi kami. Lagi kaming nagku-kwentuhan” sabi ni Fred. Napansin ko naman na parang pabirong nagbabanta ang mga mata ni Gina kay Fred habang nagsasalita. Hindi ko na binigyang pansin pa ito.

“Bakit ka nga pala nagdadala ng gitara pare?” ang narinig kong itinanong kay Aljun sa umpukan nila.

“First Friday mass kaya bukas. Pinakiusapan ako ni Sister na umeksena sa gitara dahil may sakit daw ang gitarista nila. Alam mo naman tayo, masunuring guwapo kaya hindi ko mahindian si Sister.”

“Wow! Pare! Pati ba naman si Sister ay kinakatalo mo na rin? Huwag mong tuksuin si Sister tol! Matakot ka sa Dyos! Layuan mo ang walang kamuwang-muwang at inosenteng madre ng choir! Ibalato mo na lang siya sa amin plisss!” biro ng isang myembor nila. “ang ganda pa naman ng madre na iyan! Sayang!”

Na sinagot naman niya ng, “Tol... single si Sister at single din naman ako... Kaya walang maaagrabyado.”

“Sabagay... at ambata-bata pa ni Sister para tuluyang pumasok sa pagkamadre. Baka nabatukan lang iyan ng nanay niya kaya napilitang pumasok sa kumbento.” Sagot naman ng isa sabay tawanan ng malakas ng grupo.

Maya-maya. “Sampol! Sampol! Sampol!” ang sunod kong narinig sa kanila, biniro si Aljun na kumanta.

“Sampol pala ang gusto ninyo e di sige...” ang palaban namang sagot ni Aljun at nagsimulang kumanta ng kantang simbahan, “Our father who art in heaven, hallowed be thy name... thy kingdom come thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread and forgive us our tresspasses...”

Tawa naman ako ng tawa sa sarili ko lang at pati na rin si Fred ay natawa na rin. At marahil ay nakuha ni Gina kung bakit ako tumawa ay nakitawa na rin. Anlakas kasi ng bangkaan ng grupo, dinig na dinig namin ang kanilang mga kwentuhan at ang pagkanta ni Aljun ng makabag-bag damdamin na kanta ng simbahan. Bigla din kasing natahimik ang mga myembro ng CG, Inc. noong kumanta na si Aljun.

In fairness, ang ganda palang kumanta ng kumag! Grabe ang boses, dagdagan pa sa galing din niyang maggitara. Kaya siguro hindi makasingit ng biro ang mga CG, Inc habang kumakanta ay dahil hindi nila inaasahang kahit kantang simbahan iyon, napakaswabe pala ng boses nito at ang sarap pakinggan. Para siyang isang professional na singer!

Habang patuloy ang kanyang pagkanta, kunyari naka-concentrate lang ako sa pagkain at nanatiling nakayuko. Hindi ko talaga maiwsang hindi mabighani sa kanyang boses. Ewan ko rin ba. Pakiwari ko ay lalo akong nagkaroon ng interes. Ang boses niya ay mistulang aantig sa iyong kaluluwa. Grabe. Kahit kantang-simbahan iyon, hindi ko mapigilan ang hindi mapahanga. At lalo ding parang nalusaw ang aking puso sa nakitang suot niyang damit ko. Ang sarap kaya ng pakiramdam.

Pero, sinasarili ko na lang ang naramdaman kong iyon.

Habang patuloy siyang kumakanta, hindi ko rin mapigilang hindi mapasulyap sa kanya. At doon ko nalamang alam pala niyang nandoon lang ako sa di kalayuan nila dahil nagkasalubong ang aming mga tingin at tinitigan niya ako. Ngunit yumuko ako. Ayokong mahuli ng mga ka grupo niya, o ni Fred at Gina na nakatingin ako sa kanya.

“Pare naman... Alam mo namang nanginginig kami sa takot kapag narinig ang mga kantang ganyan e! Hayop ka!” ang sambit naman ng isang nasa grupo noong matapos na ang kanta.

“Natutunaw kami pare! Hind kami makagalaw! Hindi makapagsalita” dugtong pa ng isa.

“Dagdagan pa ng nakakabaliw mong boses! Ang galing mo talagang kumanta tol! Tangina! Ba’t hindi pa ako naging babae. Love na love na kita! Syeeettt!” biro naman ng isa.

Tawanan lang sila.

“O, gusto niyo pa ng sampol?”

“Huwag na please maawa ka sa amin!” sabay halakhak ng grupo.

Maya-maya naman, nag-alisan na ang grupo nila ni Aljun, kasama na siya. Hindi ko alam kung saan ang punta nila ngunit ang ikinaiinis ko ng kaunti ay ang hindi man lang niya paglingon sa kinaroroonan ko noong dumaan sila. Parang hindi lang ako nag exist.

Napatingin tuloy sa akin si Fred. At alam ko, malsiyoso na naman ang laman ng utak niya. Hindi lang siya makabanat ng kuwento dahil nandoon si Gina.

Hinayaan ko lang na humupa ang kaunting sundot sa puso na naramdaman. Normal lang ang lahat, kuwentuhan kaming tatlo.

Alas 6 ng gabi, off na naming ni Fred at hinintay na naming si Aljun sa student center. Iyon kasi ang usapan naming na ihahatid niya ako sa flat sa ganoong oras every school day.

Subalit 6:15 na lang ay wala pa siya. Naisip ko tuloy ang pang-iisnab niya sa akin. Kaya bigla kong nayaya ang kaibigan kong si Fred na deretso na maglakwatsa kami sa isang seafoods resto-bar.

“Woi! Antayin muna natin iyong sundo mo. Baka naman mamaya mag-alala pa iyon sa iyo!”

“Hayaan mo na Tol… ako naman ang master eh. Hayaan mo siyang mag-alala. Wala akong paki sa kanya.”

“Huh! Parang iba na iyang hangin na pumasok sa kukute mo fwend! In love ka na nga siguro sa kanya!”

“Tado! Paano ako ma-iinlove? E di sana, excited akong ihahatid niya.”

Natawa si Fred. “If I know… nagtampo ka na naman kanina dahil hindi ka pinansin noong kasama niya ang mga taga CG, Inc. Di ba?”

“Malisyoso ka talaga. Bakit ako magtatampo? Hindi naman kami ganyan ka close noong tao?”

“Hmmmm. Hindi ganyan ka close pero ang pantalon, t-shirt at, malay ko baka pati brief mo rin, ay suot niya! Hindi pa ba kayo close niyan?”

“Sus… bakit ang mga biktima ng baha, sunog, sinusuot din naman nila ang mga damit ng ibang tao, di naman nila kaanu-ano!”

“Ay… mga nabahaan iyon fwend. Ikaw, babahaan ka pa lang!” sabay tawa.

“Tara na nga! Puro ka kalokohan!” ang sambit ko.

At doon nga kami kumain sa labas ni Fred. Nagmusic trip kami, uminom ng konti…

May alas 9 na ng gabi noong maratng ko na ang flat ko. Isiningit ko na ang susi sa butas ng door knob upang mabuksan ang pinto noong nagulat na lang ako Bigla itong bumukas! At si Aljun ay nasa loob pala!

“A-anong ginawa mo dito? Ginulat mo naman ako.”

“Anong ginawa ko dito? Di ba usapan na ihahatid kita?”

“Hindi ka kaya sumipot!”

“Grabe ka naman. Na late lang ako ng 15 minutos, hindi mo na ako nahintay? May mga ikinukunsulta pang issues ang mga officers ng council sa akin eh.”

“Eh… pasensya na. Hindi ko alam dahil din ka naman nagparamdam!” ang may pagmamaktol kong sabi. At ako pa talaga ang may lakas ng loob na magalit.

“Pasensya ka na… nawala ang cp ko kaya di man lang kita maitext.”

“A e… nagluto naman ako ng hapunan natin habang hinintay ka. Dyaran!!!!”

At nakita ko nga sa mesa ang mga pagkaing inihanda niya. Syempre touched ako pero hindi ko ipinahalata. “Kumain na kami ni Fred kaya ikaw na lang ang kumain.

Ngunit noong may napansin ako. “Saan mo nakuha iyang daing na pusit?” tanong ko. Wala naman kasi akong ganoon sa stock ko.

“Binili ko!” sagot niya. “Paborito ko iyan kasi. At baka lang magustuhan mo rin. Alam ko hindi ka masyadong nagkakain ng pagkaing mahirap ngunit baka lang.”

“Ay kumakain ako niyan!” sabi ko. “sige kakain na lang din uli ako.”

“Ayannnn.” Tuwang-tuwa siya noong umupo ako s ahapag-kainan. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at halos susubuan na lang niya ako sa pagkain.

Noong matapos na kami, “Upo ka lang d’yan boss. Ako na ang bahalang magligpit…”

Kaya naupo na lang ako sa sofa sa sala.

At maya-maya, nagulat na lang ako noong tumugtog ang gitara at may kumanta. Si Aljun. Kinantahan niya ako at kuhang-kuha ang boses ng original na singer nito (please click start/arrow)-



I’m Yours – Jason Mraz Song Lyrics


Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
Nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
A lá peaceful melody
It’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i’ma saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
No need to complicate
Our time is short
It can not wait, I’m yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family (2nd time: A lá happy family; 3rd time: A lá peaceful melody)
It’s your God-forsaken right to be loved love love love
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is your’s!

(Itutuloy)


[08]
Ang galing talaga niyang kumanta at napaka-jolly pa. Pati ang expression sa mukha na nakangiti, nakakahawa ang kanyang ngiti, dagdagan pang paminsan-minsan niyang tinititigan ang mukha ko. Napakagandang tingnan ng kanyang mga labi at pantay na mga mapuuing mga ngipin habang kumakanta. At ang lalong nagpatingkad sa ganda ng kanyang ngiti ay ang kanyang magkabilang dimples.

Wala akong nagawa kundi ang humanga at gumanti sa kanyang ngiti habang patuloy siya sa pagkaskas sa gitara at pagkanta.

Noong matapos na siyang kumanta, “Sabay tayo..” mungkahe niya sa akin. At dahil paborito ko rin naman ang kanta at kinakanta-kanta ko rin siya kapag nagvivideoke, nakakasabay din ako. At heto naman ang version ng aming duet –

(Please click play/arrow)



I’m Yours – Jason Mraz Song Lyrics


Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
Now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
And nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment babay sing with me
We’re just one big family
And It’s our God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
Scooch on over closer dear
And i will nibble your ear
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what I’m be saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
But I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find that the sky is yours
Please don’t, please don’t, please don’t
There’s no need to complicate
Cause our time is short
This oh this this is out fate, I’m yours!

Ang saya-saya naming dalawa. Nawala tuloy lungkot ko, at ang inis ko sa kanya sa pagka late niyang dumating at sa hindi niya pagpansin sa akin sa student center. Siguro iyong ang paraan niya upang makabawi.

May ibang kanta pa kaming kinanta at sobrang saya ko sa tagpo naming iyon.

“Marami ka palang paboritong kanta. Bakit ‘I’m yours pa talaga ang kinanta mo para sa akin?” ang tanong ko noong matapos na kaming kumanta at nag-kuwentuhan na lang.

Natawa siya. “Hmmm. Mahirap ang tanong mo na iyan kaya dapat ay mahirap din ang sagot ko...” ang sagot niya.

Natawa din ako. “Mahirap ba? Sige tumatanggap naman ako ng mahirap na sagot eh.”

“Ganito kasi iyon. Noong unang panahon, noong hindi pa narating ni Magellan ang Limasawa island-- ”

“Paano napunta si Magellan sa tanong ko sa iyo? Hoy! Mr. Aljun Lachica, deretsong sagot ang gusto ko. Huwag patumpik-tumpik!” ang pagputol ko sa pabiro niyang sagot.

Natawa siya, “Opo, Master! Sagutin ko na po. Walang patumpik-tumpik.” Birit niya. “Kasi po... mas matanda ako kaysa sa iyo. Magtu-20 na kaya ako next week samantalang ikaw ay 16 pa lang, di ba? Kaya, bilang kuya mo, ako dapat ang mag-aalaga sa iyo, tama ba?”

“Waaahhhh! Birthday mo next week? Di nga?”

“Birthday ko nga, walang biro. At 20 na ako. Kaya, ako ang mas nakatatanda, ako ang dapat na mag-alaga sa iyo.”

“Talaga...” ang sagot ko na lang. Syempre, natuwa din ako, iniisip kung ano ang ireregalo sa kanya. “Iyon lang ba talaga ang reason?” dugtong ko.

“Meron pa. Kasi po... slave mo din ako. At ako ay iyong-iyo. Habang hindi ko natapos ang 365 hours na na serbisyo ko sa iyo, bilang slave mo, iyong-iyo lamang po ang undevided attention ko. Iyan naman ang nakasaad sa kontrata, di ba? Gagawin ko ang lahat na kaya kong gawin, at susundin ko ang lahat na iuutos mo hanggang kaya ko. Kaya... ‘I’m yours’. Tama ba?”

Para namang nalusaw ang aking puso sa paghanga sa kanya sa narinig na sagot. “Alam mo namang katuwaan lang ang lahat diba?” ang depensa ko upang maisip niyang hindi ako nag-expect na gagawa pa siya ng sobra-sobra na.

“Katuwaan, oo. Pero hindi katuwaan ang serbisyo ko dahil ang puno’t-dulo ng lahat ay ang fund-raising ng CG, Inc para sa isang noble cause na makalikum ng pera para sa mga scholars ng grupo na mga underprivileged. Nakasalalay sa aking mga kamay ang pangalan nila. Gusto kong ipakita sa mga tao na hindi nagkamali ang CG, Inc sa pagpili sa akin bilag jackpot prize dahil kahit hindi ako mayaman... pulido ang serbisyo ko, lahat ibinibigay ko para sa master ko, at galing sa puso ko ang aking serbisyo.”

“Woi... bakit mo naman nasabing kahit hindi ka mayaman? Mayaman lang ba dapat ang maging jackpot prize ng paraffle?”

“Hindi naman. Ngunit ang mga previous na jackpot prize boys kasi ay mga anak mayaman. Gaya ng last  year, may-ari ng resort iyon, dinala doon ang master niya, kasama ang family for 1 week, libre. May dati pa, anak mayaman din, dinala ang master niya sa Hong Kong... Kasama kasi iyon sa prize, ang kung ano man ang mai-offer ng prize boy. Nagtaka nga ako kung bakit ako ang napili. Ngunit ako daw kasi ang may pinakamaraming boto sa secret poll nila... Kaya ok, go! Ang sabi ko na lang sa sarili.”

Para ring naawa ako sa kanya. May kung anong lungkot ang kanyang mga mata. Mukhang may kaunting insecurity siya na baka hindi ako ma satisfied o hindi ko ma-appreciate ang pagiging jackpot prize niya sa akin. “Mr. Lachika ha... nagdrama ka na. Kuha ka nga ng beer at magkuwentuhan na lang tayo buong magdamag.” ang sambit ko. Pakiramdam ko kasi ay gusto ko pang makausap siya at makilala ng lubos.

Tumayo naman siya at kumuha ng beer sa aking refrigerator. Habang tinungo niya ang kusina, napansin kong may mga nakasabit na sa labas ng bintana ko. Mga damit ko!

“Nilabhan mo ang mga damit ko?” tanong ko sa kanya noong nakabalik na dala-dala ang apat na beer na ang dalawa ay nakabukas na.

“Oo! Habang hinintay kita kanina, nilabhan ko ang aking pantalon, t-shirt at brief para isuot ko bukas. Nilabhan ko na rin ang mga labahin mo.”

Parang gusto kong umiyak sa sobrang pagka touched sa kanyang ginawa. Napatitig na lang ako sa kanyang mukha na parang gusto ko na siyang yakapin at halikan... Noon ko lang kasi naramdamn ang isang taong napaka-caring, sobrang thoughtful, sobrang kabaitan ang ipinakita sa akin. May ganyan ba talagang klaseng tao? Bugbog na nga ang katawan sa pag-aaral, may mga extra-curricular na activities pa, regional champion sa lawn tennis, atsaka heto, nagsisilbe pa sa akin...

“Bat mo ako tinitigan ng ganyan?” tanong niya, ang mga mata ay may bahid pagtataka. “Baka mamaya matunaw ako sa titig mong iyan huh!”

“Bakit mo ito ginawa sa akin?”

“Ang alin?”

“Ang lahat ng ito? Ganyan ka ba talaga kabait? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kabait na tao. Ikaw na nga ang nagluto, naghahanda ng pagkain, naghugas... kinantahan mo pa ako, tapos, ipinaglaba mo pa?”

Natawa siya. “Hindi naman… mas mabait pa talaga ako kaysa d’yan” biro niya. “Di… syempre naman! Kasama iyan sa dapat kong gawin para sa iyo. Nilinis ko pa nga ang kubeta mo eh. Mabango na iyan. Spick-and-span!” sabay tawa.

“Kahanga-hanga ka talaga!” ang nasambit ko na lang. “Ang sipag mo kasi. Matalino, regional champion sa lawn tennis, talented kahit sa pagkanta... guwapo, may pamatay na porma... lahat na yata ang magagandang katangian ay nasa iyo na. Ano pa kaya ang pwedeng hilingin ng isang Aljun Lachica?” Ngunit, siguro sa sobrang pagka-overwhelm ko, nadagdagan ko ang sinabi ko ng, “Kung babae lang ako, siguro na-inlove na ako sa iyo.”

Na dahilan upang bitiwan niya ang isang pilit na ngiti. Tinitigan niya ako. At ewan ko rin kung tama ang narinig ko... napa-buntong hininga sya. At parang bigla siyang nalungkot.

“Anong nangyari?” Tanong ko.

“Wala…”

“Woi... i-kuwento mo na lang kaya ang mensahe ng kanta mo sa akin.” ang paglihis ko sa topic upang maiwasan ang pagiging seryoso niya.

“A sige... at kung bakit ko nagustuhan ang kantang iyan.” Sagot niya.

“Sige, sige...”

“Ang kantang iyan kasi ay tungkol sa isang torpeng lalaki. Transferee sa school nila ang crush niya. Ang problema, hindi niya masabi-sabi ito. Kasi, bagamat may hitsura naman daw ang lalaki, maraming nagkandarapang babae, ang transferee na crush niya ay anak-mayaman, matalino, may hitsura... at marami ding nagka-crush. At, mukhang may mahal na ring iba. Para bang siguro takot o pride na lang na baka sa unang pagkakataon ay maranasan niyang ma-busted o masawi kaya tiniis na lang niya ang lahat. Ngunit habang tumatakbo ang araw, lalo lamang siyang nahirapan sa naramdaman. Ngunit sadyang mahina ang loob niya at wala siyang kakayahang isiwalat sa kanyang crush ang lahat. Sinasarili niya ito kahit halos mababaliw na siya sa tindi ng naramdaman. Isang araw nagkaroon ng pagkakataong maging magpartner sila sa isang school activity. At isa sa mga kailangang gawin nilang dalawa sa activity na iyon ay ang mag-unload ng mga hinanakit at saloobin. At bilang magpartner, sasabihin nila ito sa isa’t-isa. Binigyan sila ng sapat na panahon upang makapag-unload, makilala ang isa’t-isa, at makapagbahagi ng mga saloobin. Doon na nagkaroon siya ng pagkakataong magparamdam. At ito ang kanilang pag-uusap:”

‘Sana malaman niyang mahal na mahal ko siya... at masabi sa kanyang, ‘I’m yours’’

‘Bakit hindi mo sabihin sa kanya?’

‘Kung maaari nga lang sana e... Torpe kasi ako, takot na masawi o ma-busted.’

‘Bakit? Sa hitsura mong iyan? Sa talino?’

‘P-parang may iba na kasi siyang mahal…’

‘Bakit hindi mo i-try?’

‘Sana nga ganyan lang ka simple’

‘Ah, complicated ang sitwasyon…’

‘Medyo…’

‘Baka ikaw lang ang nagpa-complicate niyo?’

‘Ewan… natatakot ako, nalilito’

‘Normal naman iyan kapag in-love ka talaga’

‘Sana, ganyan lang ka-simple…’

‘Saan na ba siya ngayon?’

‘Nandito lang...’

‘Nadito lang? Sa school natin?”

‘Nandito… kasama natin’

‘Saan???’

‘S-sa…’

‘Sa…???’

‘S-sa… harap ko.’ Sabay yuko sa matinding hiya, at hindi na hinintay pa ang magiging reaksyon ng kanyang crush.

Seryosong nakatutok ang aking mga mata sa kanyang mukha noong mapansin kong nakayuko na lang din siya at hindi na nagsalita. At maya-maya, tumungga ng beer, dedma lang sa aking paghihintay sa karugtong ng kanyang kuwento.

Tahimik, halos nakanganga ang aking bibig sa sobrang pagkabitin at paghintay sa sunod na mangyari. At noong batid kong hindi na niya dudugtungan pa ang kuwento, doon na ako nagreact, “Waaahhh! Ano ang sagot ng crush niya???” ang sigaw ko, excited na malaman ang kasunod.

“Wala, hindi ko pa alam ang kasunod. Kaya hanggang doon na lang muna. ‘Itutuloy’ kumbaga...” at tumunga uli ng beer.

“Andaya-daya! Nandoon na eh. Bakit hindi pa itinuloy! Bitiner ka pala! Kakainis!” sigaw ko may kaunting pagmamaktol.

Hindi ko alam kung ang kuwento niyang iyon ay kathang-isip niya lang ba, o may ibig ipahiwatig. Ngunit kinonsider ko na lang iyon na isang bahagi ng mga binitawang biro niya sa akin.

Tahimik.

“Bakit hindi mo ako pinansin kanina sa student center?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“May kausap ka kayang isang magandang chick. At ang sweet-sweet ninyo kaya. Baka mamaya makaistorbo pa ako... Girlfriend mo iyon? Alam ko transferee iyon e, si Gina.”

“Kilala mo siya?”

“Sino ba ang hindi nakakakilala sa muse ng Liberal Arts? Kung sa mga transferees, ikaw ang pinaka pogi, sya naman ang pinakamaganda. Cool partners nga kayo eh. Bagay kayo.”

“Crush mo siya?”

“Lahat ng magaganda, crush ko…”

Tahimik. Medyo may sibat na tumusok sa aking puso sa kanyang sinabi. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na umimik.

“Ba’t natahimik ka? Crush mo rin siya ano?” tanong niya.

Na sinagot ko rin ng, “Lahat ng magaganda, crush ko rin!”

“Waaaaaaa!!!! Gaya-gaya ka boss!”

“Ba’t ikaw lang ba ang marunong magkaroon ng crush sa mga magaganda?”

“Sabagay… Pero alam mo, hindi naman talaga ako naniniwalang hindi kayo magsyota e.”

“Paano mo nasabi iyan?”

“Ang close close ninyo kasi, kanina. Nakakainggit. Pero bagay kayo…”

Tahimik. Pareho kaming tumungga ng beer. Hinayaan ko na lang na mag-isip siyang may relasyon nga na kami ni Gina. Ewan parang gusto ko siyang pagselosin.

Iniba ko ang topic bagamat nag-alangang buksan ko rin ito sa kanya. “I-ikaw ba boss… hindi nahihiya kung sakaling malaman ng mga tao na ako pala ang master mo?”

“Bakit naman ako mahihiya? Ano naman ang masama? Pareho naman tayong lalaki. At kahit pa siguro babae o bakla, wala namang mawawala di ba? Maaaring mag-isip sila ng malaswa pero wala na akong pakialam doon. Kasi kapag ang binigyang pansin mo ang iisipin ng mga tao sa bawat galaw mo, walang mangyayari sa buhay mo. Tama? At kung open-minded ang isang tao, matatanggap niya ang kasabihang ‘There are no two exactly similar people’. May individual differences tayo. Kaya kung ano ang gusto ko, dapat respetuhin nila. Kung ayaw nilang respetuhin ang gusto ko, problema na nila iyon. Bakit ko poproblemahin an gisang bagay na nakakapagbigay sa akin ng kaligayahan? Kaya ba nilang ibigay ang kaligayahan ko? Hmmmm.”

Napaisip ako sa sinabi niya. May punto siya.

“B-bakit ikaw? Ikinahihiya mo ba ako?”

“Waaaaahhh! Wala akong sinabing ganyan ah!”

“So… wala palang problema. Puwede tayong magsama kahit sa campus…”

Binitiwan ko ang isang ngiti at tinanguan siya.

“Good boy!” sabi niya.

At sa gabing iyon, marami akong natutunan tungkol kay Aljun. At syempre, sobrang saya ko at parang lumulutang ako sa hangin sa naramdamang kaligayahan.

Mag-aalauna na noong maisipan naming matulog. Hindi na siya umuwi ng dorm niya kasi ang isusuot niya ay basa pa at medaling araw na rin, sarado na ang building nila.

Nag half bath muna ako samantalang inayos niya ang higaan namin. Nakapaligo na raw kasi siya noong naglaba siya kaya ako na lang ang pumasok sa shower.

Wala pang 10 minutos simula noong makahiga kami sa kama ay himbing na siya. Ako naman ay hindi makatulog. Alas 2 na lang ng umaga, hindi pa ako dalawin ng antok.

Tumagilid ako paharap sa kanya. Dahil bukas ang lamp shade sa gilid niya, naaaninag ko pa ang kanyang mukha.

Inangat ko ng bahagya ang aking ulo at pinagmasdan ko ito ng maigi, inikot nag aking mga mata ang kaliit-liitang detalye ng kanyang mukha na para bang inukit din ito sa aking isip.

Napabuntong-hininga ako ng malalim, Hindi maintindihan ang tunay na naramdaman. Labis ang paghanga sa kanyang angking kakisigan, bagamat may lungkot din akong nadarama dahil nasa tabi ko na siya, ang taong kinababaliwang ng mga babae at bakla sa campus, abot kamay ko na, ngunit tila napakalayo din… hindi ko pa rin kayang angkinin, hindi ko puwedeng mahalin. Mistulang isa akong bilanggong kaluluwa; ang lahat ay nagagawa ko lamang sa mundo ng aking pag-iisip…

Hindi ko namalayang pumatak na pala ang aking luha, at bumagsak ito sa mukha ni Aljun.

Hindi na ako nakakilos pa upang pahiran ang aking pisngi sa luhang dumaloy dito noong biglang bumukas ang kanyang mga mata at sa pagkakita sa akin sa ganoong posisyon ay, “U-umiiyak ka???”

“W-wala ito. Wala ito…” ang sagot ko na lang.

Tatalikod n asana ako noong bigla niyang iniunat ang kanyang bisig sabay sabing, “Halika… hug ka na lang sa akin…”

(Itutuloy)


[09]
Pakiramdam ko ay na-magnet ako sa offer niyang i-hug ko siya. At naalimpungatan ko na lang ang sariling niyakap sya at siya naman ay niyakap ako.

“Bakit ka umiiyak?” ang tanong niya uli.

“Wala nga!” ang giit ko, ang boses ay may bahid pagkainis.

“Nakita kong tinitigan mo ang mukha ko e! Tapos wala lang pala iyon? Umiiyak ka bang walang dahilan?”

“E... wala nga! Kulit mo!” pagmamaktol ko.

“Bakit mo tinitigan ang mukha ko?”

“Hindi naman kita tinitiagan. OA ka naman.”

“Nakita ko e... Crush mo ako no?” biro na niya.

“Crush mong mukha mo! May muta ka kaya kaya ko tiningnan ang mukha mo” ang pag-aalibi ko na lang.

Dali-dali naman niyang kiniskos ang daliri sa kanyang mga mata sabay, “Ah, iyan pala ang dahilan, e di sige, sa iyo na yan!” sabay pahid niyon sa aking pisngi.

“Uhummmmp! Salbahe ka! Ah!” sigaw ko. At kinuskos ko din ang mga mata ko at tinangkang ipahid iyon sa kanyang pisngi.

Nagpambuno kami. Pagulong-gulong sa kama...

“Argghhhh!” sigaw ko noong hindi ko magawang makaganti.

Tawanan... dinig na dinig pa namin ang habol-habol naming paghinga.

Tahimik uli.

Inunat niya muli ang kanyang mga bisig. “Lika, hug na lang kita uli. Tulog na tayo...”

Mistulang nalulusaw na naman ako sa ipinakita niyang pagka-sweet. Tumalima uli ako. Iniusog ko ang aking katawan palapit sa katawan niya atsaka niyakap siya.

“Sino pala iyong mgagandang babae kanina na nagtatanong kung bakit hindi mo sinagot ang tawag niya?” ang tanong ko noong maalala ko an gbabaeng nangulit sa kanya sa umaga ng araw na iyon.

“Si Lenny iyon. Pinsan ko...”

“Pinsan mo? O girlfriend?”

Napangiti sya. “Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?”

Mistula naman akong sinampal sa narinig. Biglang nawalan ng ganang makipag-usap. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nasasaktan. Tumagilid na lang ako patalikod sa kanya sabay sabing, “Tulog na tayo...”

Ngunit hinila niya ang balikat ko upang humarap sa kanya. “Humarap ka nga rito?”

At tumagilid uli akong paharap sa kanya.

Tinitigan niya ang mukha ko. Ewan kung napansin niya ang lungkot sa aking mga mata gawa ng sinabi niya. “B-biro ko lang iyon... wala akong girlfriend. At wala din akong nililigawan.”

Ewan ngunit may tuwa akong naramdaman bagamat ayaw kong aminin ito sa sarili. “Wala naman akong pakialam kung may girlfriend ka o may nililigawan eh...” ang sagot ko na lang.

Napahinto siya ng sandali. “Sabagay...” sagot niya. “Ikaw, may girlfriend ka ba ngayon? May nililigawan?” tanong din niya.

“Sixteen pa lang kaya ako...” sagot ko naman.

“Bakit kung sixteen? Ako nga, 12 lang noong unang nagka girlfriend eh...”

“Ikaw iyon... Malibog ka eh!” sabay tawa.

Tumawa na rin siya.

Tahimik. Nagtitigan kami. Para akong malusaw naman sa kanyang titig. Pakiramdam ko ay tumagos ito sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Mistulang nag-uusap ang aming mga mata samantalang ramdam kong lumakas ang kabog ng aking dibdib.

“Bakit ka umiyak kanina?” giit niya uli sa tanong na iyon. Ayaw niya talaga akong lubayan.

“Wala nga iyon... kulit, kulit, kulit, kulit, kulit.” Sabi ko, sabay hablot ng balat sa gilid ng beywang niya, sa sobrang pangigil ko.

“Arekopppppp!” ang sambit, ang mukha ay napangiwi ngunit tiniis ang sakit at hinayaan lang ang kamay kong nanatiling nakakurot.

“Masakit?” ang tanong ko noong binitiwan ko na.

“Ok lang... Master kita eh. Slave mo ako.” ang sagot niya, nangiti. “Bakit mo ginawa iyon? Sadista ka siguro ano?”

“Nangigigil lang. Makulit ka e.”

“Bakit ka nga umiyak?” ang paggiit niya uli sa tanong.

“Waahhh! Wala nga iyon e!” ang sagot ko uli, nairita na naman.

“Ok... biro lang po!” sabay haplos sa ulo ko na parang isa akong batang pinapatulog. “Tulog na tayo...” dugtong niya ang boses ay naglalambing.

Tumango na lang ako at hindi na gumalaw sa kanyang pagkakayakap.

Habang nasa ganoong sitwasyon kami, hinid pa rin ako mapanatag o ni dalawin ng antok. Ramdam ko sa aking balat ang init na nanggaling sa aming mga hubad na pang-itaas na katawan. Ramdam ng aking kalamnan ang pagpintig ng kanyang puso at dinig na dinig ko pa ang ingay na gawa ng kanyang paghinga. Pati ang hanging na lumalabas-masok sa kanyang bibig ay naaamoy ko rin...

Napakasarap ng aking pakiramdam. Pakiwari ko ay pag-aari ko ang mundo at wala akong kinatatakutan dahil yakap-yakap ako ang aking tagapagligtas.

Subalit sa kabila ng aking utak ay may isang bahagi ding sumalungat sa aking naramdaman, sumisigaw na hindi ako dapat magpaalipin dahil ito ay isang malaking kahibangan; na ito ay bawal at hindi ako nararapat na umibig din sa isang kapwa lalaki. At sa palagay ko ay tama ang udyok na ito ng aking utak. Hindi puwedeng mahulog ang aking loob sa kanya, at hindi ko papayagang tuluyang maalipin ang aking puso ng pagmamahal sa isang lalaki.

Kaya lalo lamang akong naguluhan.

Pinagmasdan ko muli ang mukha niya habang natutulog. Tinatanong ang sarili kung ano ba talaga ang naramdaman ko para sa taong iyon; kung bakit ako nalilito; kung bakit kakaiba ang naramdaman ko; kung pagmamahal ba ito, awa, o matinding paghanga lamang...

At muli, nagising siya. “Bakit ka nakatitig na naman sa mukha koooooooooooooo?” ang pagdadabog niya, ang boses ay tila sa isang batang nainis ngunit hindi magawang magalit at halatang antok na antok pa. “Matulog na kasi tayo eeeeee....” Hindi siya tumalikod; nanatili pa ring nakayakap siya sa akin. “Ano ba.... matulog na kasi tayo sabi...”

Ngunit hindi ako natinag. nakatingin pa rin ako sa kanya.

Tuluyan ng ibinuka niya ng kanyang mga mata. “May problema ka ba? Ako ba ang problema mo?”

“Hindi ah!”

“Kung ganoon bakit ka na naman nakatitig sa mukha ko?”

“A, e... wala! Wala.”

“Arggghhhh!!!!” pagmamaktol niya. “Tulog na kasi tayo boss...” ang may dalang lambing niyang boses. “Takpan ko na nga lang ang mukha ko!” sabay abot sa isang unan sa gilid niya at itinakip nga ito sa kanyang mukha. Ewan. Wala na akong pakialm kung alam niyang nakyutan ako sa mukha niya...

Iyon na ang huli kong natandaan. Itinakip niya ang unan sa kanyang mukha, sa pagitan namin.

Alas otso kinabukasan noong magising ako. Nagulat na lang ako noong wala na sa tabi ko si Aljun. Inunat ko ang aking katawan, kinuskos ang aking mga mata at paika-ikang naglakad palabas ng kuwarto.

“Morning boss. Kain ka na...” ang sambit niya habang nakatayo sa gilid ng mesa hinitay na pala ang paggising ko. Nakahanda na ang hapag kainan.

“Morning...! Hwaaa! Nakapagluto ka na?” tanong ko, sabay lapit sa mesa. Hinila naman niya ang isang upuan upang siyan uupuan ko. Gentleman!

Naupo ako.

“At nakapaligo na rin ako boss...” dugtong niya habang umupo na rin sa isang silya sa harap ko. “Sabay ba tayo sa school? May gagawin ako sa office ng student council ngayong umaga.” dugtong niya.

“Sige may pasok din ako at 9am. Sabay na tayo!”

At iyon... kumain kami at noong matapos, dali-dali akong naligo atsaka sabay na umalis patungong eskuwelahan.

“Fwend!!!! Grabe kayo, ang sweet-sweet na ninyo!” ang sambit ni Fred noong makaupo na ako sa loob ng silid-aralan kung saan ang klase ko sa umagang iyon. “Hinatid ka pa talaga hanggang sa bukana ng room natin! Hindi tuloy matigil sa pagtitili ang mga babae.”

“U…! U...! Bibig mo. Mapansin tayo ng mga tao.” Ang sagot ko

Bahagyang natigilan si Fred, hininaan ang boses. “O ano... in-love ka na ba sa kanya?”

Ngunit ngiting pilit lang ang isinagot ko sa kanya.

“Woi... kilala ko ang ngiting iyan. May malalim na kahulugan. In love na nga ang kaibigan ko”

“Magtigil ka nga! Hindi no at ayaw ko. Parang kuya ko na lang siya.”

“Ay... maraming pag-ibig ang nagsimula sa pagkukuya-kuyahan!” sabay halakhak. “Pero fwend, ibang-iba talaga ang ningning ng iyong mga mata. Napaka-ganda ng iyong aura! Pramis!” dagdag pa niya.

“Bahala ka kung ano ang iisipin mo ah! Basta ako, hindi affected. Kaibigan lang iyan, parte lang ng task niya sa akin. Iyon lang”

“Sige... pasasaan ba’t aamin ka rin. Bruha ka…”

Tahimik. Palihim kong binitiwan ang malalim na buntong-hininga.

“Doon na naman siya natulog sa flat mo ano?” ang pagbasag ni Fred sa katahimikan.

“Ah... hindi. Dumaan lang siya...” Ang pag-aalibi ko na lang sabay bukas ng libro at kunyaring nagbasa. Syempre, ayokong sabihin sa kaibigan ko ag lahat. Lalo lamang akong kukulitin nito.

Iyon ang drama ko kay Fred. Halos sasabog man ang utak ko sa tindi ng pagkalito sa naramdaman, ayaw ko pa rin itong aminin sa kanya. Ang hirap pala talaga kapag isang naiibang pag-ibig ang naramdaman mo. Hindi mo ito basta-basta mabuksan kahit kaninong tao. Kung sana ay sa babae ko naramdaman ito, hindi na ako magdadalawang isip na isiwalat ito sa kaibigan. Kasi… tanggap ng lahat ito.

Kaya lalo pa itong nagpatibay sa aking desisyon na labanan ang aking naramdaman; upang huwag tuluyang mahulog ang loob sa kanya; upang huwag masaktan.

Nagresearch din ako tungkol sa homosexuality; tungkol sa ganoong klaseng naranasan ko. At kahit papaano, naibsan din ang aking pangamba noong may isang article akong nabasa na nagsabing normal lang daw sa edad kong iyon ang ma-confuse… ang makaranas ng ganoon.

Lumipas ang ilang araw, ganoon halos palagi ang setup namin, maliban sa pagtulog niya sa flat ko. Hindi na ako pumayag na mag-inum pa kami at pinapauwi ko na sya sa kanyang dorm pagkatapos ng “service” time niya sa akin. Sa ganoong paraan, maibsan ang tukso, at maiwasan ko ang tuluyang ma-inlove sa kanya.

Araw ng birthday niya, parang normal na araw lang ito. Wala naman akong napansing may mga nagreet sa kanya. At kampante lang din kaming walang nakakaalam.

Ang plano ko naman para sa amin ay pagkatapos ng aming klase, pupunta kami sa isang beach resort at doon magcelebrate. Night swimming baga at syempre, may inuman kaunti atsaka ko ibibigay ang regalo ko para sa kanya na isang cp. Sira kasi ang cp niya at kaya wala kaming communication kahit texts. Iyan ang plano ko, at sinabi ko na rin ito sa kanya. Sumang-ayon naman siya. Excited pa nga.

Alas 6 ng gabi noong matapos na ang klase ko. As usual, inihatid niya ako. Nasa gate na kami palabas ng school noong lumapit ang gwardiya. “Sir Aljun, may text po ang vice president ng student council sa akin, sa iyo ko daw ipabasa kapag nadaan kayo dito.” Ang sabi ng guwardiya.

Napahinto kami at binasa ni Aljun ang message sa cp ng guwardiya. Nakibasa na rin ako. “Aljun... may emergency session ang student council, please come to the school’s auditorium ASAP. We are waiting”

Napaisip si Aljun. “Anong issue na naman kaya ito?” ang sabi niya, ang mukha ay hindi maipinta. Naka-set na kasi sa isip namin ang aming munting celebration sa beach.

Tiningnan niya ako. “Ano... babalik ba tayo boss? O ang vice president na lang muna ang magpreside sa emergency meeting?”

“Balik na lang tayo. Dapat ikaw ang nandoon para alam mo ang mga kaganapan kung anong problema man mayroon.”

“Paano ang date natin?” bulong niya. Nandoon pa kasi ang guwardiya sa gilid niya.

Na sinagot ko lang ng pagtapak ng kanan kong paa sa kanyang kaliwang paa.

Napangiti lang siya.

At dali-dali nga kaming bumalik sa loob ng eskwelahan. Noong buksan na namin ang pintuan ng auditorium, madilim ito at wala kaming naaninag na kung ano sa loob. Tatalikod na sana kami noong biglang may narinig kaming nag-announce ng, ”Ladies and gentlemen! It’s my pleasure to welcome the birthday boy, our beloved student council presidet, Mr. Aljun Lachica!!!”

Bigla ding nagliwanag ang buong auditorium at nandoon lang pala sa loob ang lahat ng mga officers ng student council, invited na mga estudyante at officers ng iba’t-ibang organizations, faculty members at administrators. At sa stage ay may malaki at eye-catching na banner, “Happy Birthday Mr. Aljun Lachica!”

At ang sunod naming narinig ay ang pagkanta nilang lahat na sinabayan pa ng organ. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday...”

Palakpakan, tawanan.

Hindi naman magkamayaw sa pagtatawa si Aljun. Unexpected talaga. At ako man ay nabigla din.

Sinundo kami ng isang usher at inalalayang kaming pumasok sa auditorium. Sinalubong namn kami ng vice president niya, nakipag-handake sa kanya at pumila na rin silang lahat upang mag greet sa kanya. Tawa ng tawa ang vice president noong magshakehands na sila. Biniro pa niya si Aljun ng, “Kala mo makalusot ka dre...” na tinugon lang ni Aljun ng tawa at pagbabanta, “Di bale, may araw ka rin. Sinira mo ang plano ko, tado ka, hehehe.”

Pagkatapos ng greeting at handshakes, pinaupo na kami sa pinakaharap na upuan ng auditorium. Maya-maya nagsalita na ang emcee kung tungkol saan ang program na iyon at pagkatapos, tinawag ang vice president ng council upang magbigay ng paunang salita. Sinundan ito ng mga speeches ang iba’t-ibang mga presidents ng clubs and school organizations. Puro papuri kay Aljun ang maririnig galing sa kanila.

Ngunit doon ako naantig noong ipinalabas na ang video sa kanyang ina at ito ay nagsalita. Noon ko lang nakita ang kanyang ina. Malayong-malayo sa hitsura ni Aljun na guwapo, samantalang ang ina niya ay hindi naman kagandahan. “Anak, happy birthday! Pumunta dito ang mga kasama mo sa student council at heto, pinilit nila akong magsalita. Tumalima na lang ako anak, baka kung ano pa ang gagawin nila sa iyo kapag hindi ko sila pinagbigyan.,,”

Tawanan ang lahat. “May pagka kumdedyante pala ang nanay mo” sabi ko kay Aljun.

“Oo. Pero malalim din iyan...” sagot niya.

“Anak... maraming salamat na dumating ka sa buhay ko. Napaka swerte ko na ikaw ang nagiging anak ko. Hindi ko na iisa-isang sabihin ang dahilan kung bakit. Ngunit alam mo na iyon. Alam mong ikaw na lang ang nalalabi kong katuwang sa buhay. Alam mong sa iyo ako humuhugot ng lakas. Alam mong ikaw ang inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang buhay, sa kabila ng paghihirap natin... Dahil sa iyo, may saysay ang aking buhay. Dahil sa iyo, naramdaman ko ang sarap na maging mabuhay, na mayroong isang anak na katulad mo. Alam kong nahirapan ka na rin sa ating kalagayan ngunit bilib ako sa tatag mo, anak, sa kabaitan mo, sa talino mo. Alam ko na balang araw, makamit mo rin ang iyong mga pangarap. Kaya, huwag kang magbago anak. Huwag makalimot sa Diyos. Happy birthday uli...”

At nakita ko na lang si Aljun na nagpahid ng luha. Ako man ay napaluha din. Kitang-kita kasi sa pananamit ng kanyang inay na mahirap lang talaga sila. At sa background pa ng video ay makikita ang bahay nila sa bukid na lumang-luma at halos tagpi-tagpi ang bubong at ang dingding.

“Huh! Ang drama naman ng inay!” ang sambit ni Aljun.

Nagsalita uli ang emcee. “We surely know that all of you would want to know something about our birthday boy, do you???” tanong ng emcee.

“Yesssssss!!!! Yesssssss!!!! Yesssssssss!!!” ang hiyaw ng audience.

“Ok... your wish is my command.” ang tugon ng emcee habang may isang stage assistant na naglagay ng dalawang upuan sa harap mismo ng stage. “We would like to request the birthday boy to come up and occupy the vacant seat...”

Walang magawa ni Aljun kundi ang tumalima. Palakpakan ang mga tao. At noong maupo na ni Aljun sa upuan para sa kanya sa gitna ng stage, umupo na rin sa harap niya ang isang editor ng student pubication ng university.

“My first question would be... ano ba bilang isang anak, bilang isang kaibigan, o bilang isang tao ang isang Aljun” ang banat kaagad ng editor

“Ang hirap naman ng tanong hehe.” Ang sagot ni Aljun. “Ok... bilang isang anak, masunurin at mapagmahal, bilang isang kaibigan, loyal at faithful, at bilang isang tao, heto...” ang pagbuka ng hintuturo at hinlalaking daliri niya at idinikit iyon sa ibaba ng kanyang bibig at ngumiti, pagpapakita ng poging papose.

Tawanan ang mga audience. Palakapakan.

“Ano pa ba ang puwedeng hilingin ng isang Aljun Lachica sa buhay?”

“Ah... e... In my twenty years of existence into this world. I have never encountered any major, major... I mean problem???” ang patawang sagot ni Aljun gamit ang pamosong linya ng isang Philippine beauty conterstant sa nakaraang Miss Universe pageant.

Tawanan na naman ang lahat. Napahanga naman ako sa kanyang pagka-witty.

“Hindi... syempre marami din akong pwede pang hilinign. Pero alam mo, hindi nadadala iyan sa hiling eh. I know that nothing is really free in life. Pangarap na lang siguro ang libre. But if you want to traslate your dream into reality, dapat paghirapan mo ang isang bagay. Mahirap lang ang pamilya ko, dalawa nga lang kami ng nanay ko, wala akong tatay dahil single mother ang aking ina. Base sa dalawang bagay na iyan, maiisip mo kung ano ang aking mga ninanais magkaroon sa buhay. Ngunit, pinalaki ako ng aking ina na maging kuntento sa kung ano man ang mayroon ako. At naniniwala din ako na ang kaligayahan ay walang kinalaman sa yaman o ganda ng hitsura ng tao; ito ay nakakamit sa pagiging kontento niya sa kahit maliliit na bagay. Napakaraming taong mayayaman sa mundo. Happy ba sila? Mas lalo pa nga sigurong naging sakim ang marami sa kanila, at handa pang pumatay upang mas lalo pang dadami ang pera nila. Maraming mga taong biniyayaan ng magagandang hitsura, happy ba sila? Ang iba sa kanila ay lulong sa droga, ang iba ay nasa bilangguan, ang iba ay nagsu-suicide... Bakit? Dahil hindi sila kontento sa ano man ang mayroon sila. Ako? kung hindi ko natanggap na wala akong tatay, baka nagwala na rin ako. Baka sinisi ko ang nanay ko at ang lahat ng tao sa mundo. Ngunit tinuruan ko ang sariling tanggapin ang lahat kasi, nad’yan na iyan eh. If I keep on blaming my mother or other people for my misfortune, it doesn’t change the fact that my father is nowhere. In fact, my life gets more mesirable if I would do that. I’d rather be part of the solution to the problem rather than be a part of the problem. I love my mother. And she has already suffered so much. I can’t afford to see her suffer some more...” Ang seryosong sagot ni Aljun.

Palakpakan uli ang mga tao. At ako naman ay mas lalong napahanga sa panindigan niya.

“Paano ba magalit ang isang Aljun Lachica?”

“Galit? Ano iyon, hehe. Ah... mataas ang pasensya ko. Kung maaari ay ayaw kong magbitiw ng mga nakakasakit na salita. Kasi, kapag nabitiwan mo na ito, hindi na ito mabubura pa sa isip ng tao. Ayokong kapag nakita ako ng isang tao, ang maiisip niya kaagad sa akin ay ang sama ng loob na naidulot ko dahil sa nabitiwan kong salita. Kaya kapag nagalit ako, idinadaan ko na lang ito sa biro. O kaya, hindi na lang ako iimik...”

“Lovelife... sa dami ng nagkaka-crush sa iyo, may girlfriend ka na ba?”

Hiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae.

“I’m single right now...”

At lalo pang luimakas ang hiyawan.

“Pero syempre, may crush ka...?”

“Marami...”

“Any particular person?”

“Sabihin na lang nating isa siyang transferee...”

Nagbulungan ang mga tao.

“Pwede bang malaman ang initial ng kanyang first name?”

“Letter ‘G’?”

Na lalo namang ikina-wild ng mga bulungan. Syempre, walang duda sa isip kong si Gina iyon.

“Nandito ba siya ngayon?” tanong uli ng editor.

Tumayo si Aljun, hinarap ang audience, itinakip ang isang palad sa glare ng ilaw at kunyari ay may inaaninang, hinahanap. Tumingin sa harap, sa gitna, sa gilid, sa dulo ng auditorium, at noong may nakitang barkada, tinuro, “Tol... kaw ba yan?”

“Ako nga ito tol... nandito lang ako. Crush din kita tol!”

Tawanan ang mga tao. Bumalik sa upuan si Aljun at ang sabi, “Nandito sya...”

Hiyawan ang mga tao. Natawa na rin ang editor.

“Last question... sino ba talaga ang ‘master’ mo ngayon?” ang pahiwatig niya sa taong nakapanalo sa akin bilang papremyo ko sa nanalong paraffle contest ng Cool Guys, Inc.

Na wala namang kiyeme-kyemeng itinuro ang aking kinaroroonan, “Hayun sya o...”

Nagsilingunan ang mga tao sa kinaroroonan ko.

“Pwede ba natin siyang matawag?” sabay muestra sa stage assistant na lagyan ng isa pang upuan ang stage.

May tinawag ang emcee, marahil ay tinanong ang pangalan ko. At nagsalita na sa mikropono. “Ladies and gentleman, please welcome our birhtday boy’s master, Mr. Gener S. Flandez, Jr.!!!”

(Itutuloy)


[10]
Pakiramdam ko ay sasabog ang tenga ako sa pagkarining ko sa aking pangalan at sa lakas na rin ng palakpakan at hiyawan ng mga tao. Parang ambilis ng mga pangyayari na hindi ko man lang nakitang darating ang puntong pati pala ako ay aakyat sa entablado.

Sa totoo lang, parang gusto kong mag walk out at magtatakbo palabas sa lugar na iyon. Tiningnan ko si Aljun na panay rin ang panghikayat sa akin na umakyat na.

At wala akong nagawa kundi ang humakbang patungo sa hagdanang nasa gilid ng stage. At noong nasa itaas na, nakita kong nakatutok na sa akin ang spotlight habang naglakad ako patungo sa direksyon kung saan naroon ang upuan ko, katabi ng kay Aljun. Nakatingin naman sa akin si Aljun, abot-tenga ang ngiti at pumapalakpak din kasabay ng audience.

Kumaway ako bagamat nilabanan ko ang matinding pakiramdam na parang malulusaw sa hiya.

Palakpakan ang mga tao, hiyawan sipulan. At may mga sumisigaw pa ng, “Ang guwapo din pala ni master!! Bagay na bagay kayo!! Parang mga artista!!”

At may mga sumigaw pa ng “Ok lang kung kayo ang magkatuluyan! Al-Gen! Al-Gen! Al-Gen!”

At may mga sumigaw din ng “Kiss! Kiss! Kiss!”

Napangiti na lang ang interviewer. Ako naman ay hindi magkamayaw sa gagawin, mabilis ang pagkabog ng dibdib, nanginginig ang kalamnan, nanlalamig ang katawan. Hindi kasi ako sanay sa ganoong exposure. Sobrang natakot ako.

Tiningnan ko ang mukha ni Aljun, kitang-kita ko ang pamumula nito. Nag-blush siya! At noong nakita niyang tiningnan ko siya, binitawan niya ang isang pilit na ngiti.

“Tinuro mo pa kasi ako eh!” ang mahina kong boses, aninisi sa kanya.

“Hayaan mo na. Ok lang iyan...” sagot niya.

“Mukhang marami ang gustong magtandem kayo. Ako man ay napahanga sa kakisigan at lakas ng appeal ninyong dalawa. Perfect match ba? Parehong matatangkad, parehong hunk materials. Parehong crush ng bayan. Parang younger versions nina Aljun Abrenica at Piolo Pascual!” Sabi ng interviewer.

Hiyawan uli ang mga tao. At ang iba ay nagsisigawan uli ng “Kiss! Kiss! Kiss!”

Hindi na kumibo ang interviewer. Hinintay ang reaksyon namin sa pagsisigaw ng audience ng “Kiss!”

At noon ko lang din napagmasdan si Aljun na mistulang hiyang-hiya sa nangyari. Alam kong game sya sa kahit ano mang panunukso. Ngunit parang affected siya sa biro sa amin at biglang natameme, ngiting hilaw lang ang binitiwan at nagyuyuko lang.

“Can I ask Gener something?” ang sunod kong narinig na tanong ng interviewer.

“Call me Jun po...” ang pag butt-in ko sa interviewer. Hindi kasi ako comportable sa Gener na tawag.

“Ok Jun... Sa ilang oras na naging ‘slave’ mo si Aljun, ano ang impression mo sa kanya?”

Tiningnan ko si Aljun na nakatingin din sa akin, nakangiti, naghihintay sa isasagot ko. “Mabait... sobra.”

“Paanong mabait?” follow-up ng interviewer.

“Mabait. Nagluluto, naghahanda ng pagkain, naglalaba, naglilinis ng bahay...”

Napa-“Wow!” ang interviewer “Ang sweet pala niya. Pero sa ibang banda, anong kabulastugan naman if any ang nagawa na niya sa iyo?”

“Iyong na late sa usapan namin, iyong nalasing siya sa flat ko at sinukahan ang buong kuwarto ko... at hindi na makatayo, ako pa ang nagbuhat patungo sa kama.” sabay tawa. Napatawa na rin si Aljun at ang audience. Marahil ay hindi niya inaasahang ibubunyag ko ang pagkalasing niya. Tawa siya nang tawa na na mistulang nahihiya na ikinatuwa naman ng mga audience.

“Totoo ba Aljun?”

“Opo. I don’t really do hard drinks. But, there was no choice. It was not a good way to refuse a master on my first slave hours. So…” ang paliwanag ni Aljun.

“From you Aljun, ano ang naramdaman mo noong time na nakita mong si Jun pala ang master mo, isang guwapong hunk. Did you expect otherwise?”

“Nagulat ako. In fact ang pasalubong ko nga sa kanya sa una ko pa lang pagpunta sa flat niya, dahil ang buong akala ko ay isang babae siya o kaya bakla, ay isang kumpol ng mga rosas.”

Tawanan ang mga tao.

“Na tinanggap naman niya.”

“He had no choice. But I promised na babawi ako…”

“At bumawi ka naman?”

“Opo. Ako ang nagsaing, naglaba, naglinis ng bahay…”

Tawanan ang mga tao.

“Pero sa isang ‘Jun’ na siyang master mo. Happy ka ba?”

Tumingin muna si Aljun sa akin bago nagsalita. “Absolutely. Masaya ako dahil parang kapatid ko na siya. Wala akong kapatid e. I have always wanted to have a baby brother. At parang nafulfill ito kay Boss Jun.”

“In an ironic situation nga lang I suppose dahil baby brother mo ngang maituturing ngunit master mo naman, at inuutusan ka...” dugtong ng editor.

“Oo. But I refuse to say that there is any contradiction. Kasi, as a big brother, I could pamper my baby brother too... He can ask me anything, even protect him. I guess I’m a loving kuya.”

“Ohhhhhhhh!” Nagreact ang audience. Na-sweetan ba?

“Ikaw Jun. How do you feel na may ‘Kuya’ Aljun ka for 365 days?”

“Masaya. I never really expected things to come out this way. Wala din akong kapatid e. And I’m kind of spoiled din, the reason kung bakit nagtransfer ako dito - upang baguhin ang sarili at maging independent. Feeling ko, there was a void in my life na na-fill din ni Boss... Aljun”

“E.... paano yan. He’s good only for 365 hours...” follow up ng interviewer.

Binitiwan ko ang isang ngiting hilaw. Parang bigla akong nalungkot. Napatingin ako kay Aljun na ang mukha ay parang na-excite sa kung ano ang aking isasagot.

Tiningnan ko uli ang interviewer at sumagot. “Some good things never last, sabi nga ng kanta. It’s sad... Pero better to have a big brother for 356 hours than not to have experienced it at all.”

Ewan kung naramdaman din ni Aljun ang lungkot sa aking puso sa pagkasabi kong iyon. Bigla kong naramdaman na lang ang kanang kamay niya na humawak sa aking kaliwang kamay, na para bang ang bulong niyon sa aking isip ay, “huwag kang mag-alala, nandito pa rin ako pagkatapos ng 365 hours...”

Ngunit dahil sa hiya ko na baka mapansin ito ng interviewer, tinanggal ko ang kamay ko sa pagkahawak niya at nagkunyaring kinamot ko ang aking kilay. Ewan kung napansin nga ito ng interviewer.

“Last question para kay Jun; kilala mo ba ang letrang ‘G’ na crush ni Aljun?”

Napatingin muli ako kay Aljun. Nagtatanoong ang aking mga mata kung sasabihin ko. Ngunit ang tingin niya sa akin ay naghintay lang kung ano ang aking sasabihin, na parang may pag-alinlangan. “Palagay ko ay kilala ko ngunit hindi ako sigurado…” ang nasabi ko na lang.

“Maaari bang sabihin mo sa amin?”

“Ah... itanong niyo na lang po sa kanya....” sabay turo ko kay Aljun.

Napangiti ang interviewer. “Ok... I’ll keave you with that question. Thank you guys for being so sport...” ang sabi ng editor sabay tayo at isa-isa kaming kinamayan.

Palakpakan ang mga tao. Ako naman ay nakahinga ng maluwag.

Tangka na sana kaming bumaba ng stage noong nag-announce na naman ag emcee. “We would like to request Mr. Aljun Lachica and his master to render a song for us?”

Nanlaki tuloy ang aking mga mata. Isinali ba naman ako... Hindi naman ako celebrant.

Ngunit wala na rin akong magawa noong iniabot ng stage assistant sa kanya ang gitara at sinabihan ako ni Aljun na iyong kanta na lang manin na “I’m Yours” ang kakantahin. Kaya tumango na lang ako. Second voice lang naman kasi ang role ko doon.

At nakaset na ang isip kong maki-sayaw na lang sa tugtog para hindi magiging KJ.

Ayaw ko sanang tumayo kasi, hindi naman ako sanay nga sa mga ganoon. Iyon bang all-out sa showmanship. Kapag kumakanta ako sa videoke, nakaupo lang talaga. Subalit nagulat na lang ako noong tumayo talaga si Aljun hawak-hawak ang gitara. Kaya noong nasa harap na siya ng audience na nakatayo at hinikayat akong tumayo na rin, wala na akong nagawa.

At kumanta nga kami (please cleck arrow/play) -



I’m Yours – Jason Mraz Song Lyrics


Pakiramdam ko, na-mesmerize namin ang mga audience sa aming pagkanta. Tahimik na tahimik sila bagamat may iilan na kumuha ng pictures, may nagbi-video. Feeling ko mga tunay kaming celebrity talaga. At si Aljun pa na feel na feel ang pagkanta, may pa ngiti-ngiti pa at patingin-tingin sa akin habang kumakanta kami na para bang mga tunay kaming singers at tunay na magkasintahan. Nakakaloka!

At noong matapos na ang kanta, nakakabingi ang palakpakan nila at may mga sumisigaw pa ng “Encore! Ecore!”

Lumingon sa akin si Aljun. “Kanta pa tayo?”

Na gusto ko sanang sagutin ng isang simangot ngunit dahil nasa harap kami ng mga tao, nagtanong na lang ako, ang boses ay may pagtutol. “Ano pa ba ang kakantahin natin? Iyon lang ang kinakanta natin e...”

“Ako ang bahala. Heto, madali lang ito” at tinugtog niya muli ang gitara...

At wala na naman akong nagawa kundi ang sumabay sa kanya. Nakanta na rin namin kasi ito at alam niyang gustong-gusto ko rin ang tugtog na ito. Ako ang nagsecond voice sa kanya.

(please cleck arrow/play) -



The Sound of Silence – Simon and Garfunkel Song Lyrics


Sigawan uli ang mga tao, palakpakan. Pakiramdam ko ay mas nagustuhan nila ang pangalawa naming kanta.

At may sumigaw pa na, “Bagay na bagay kayo tol! Ok lang sa amin kung kayo ang magkatuluyan... Sarap palang ma-inlove ng kapwa lalaki, tangina!!! Masubukan nga!”

Tawanan ang lahat.

Pagkatapos ng program ay may kainan. Talagang pinaghandaan nila ang okasyon na iyon. Ang kulang na lang ay sayawan. Happy naman ang lahat sa kinalalabasan ng surprise birthday greeting nila kay Aljun. Nalaman ko ring nandoon pala talaga si Gina kasama ang kanyang mga barkada.

At ang isa pang nakakawindang na bagay ay napag alaman kong na may isa pa palang transferree na ang pangalan ay nagsimula din sa “G” na nandoon din sa surprise treat na iyon; si Giselle. At hindi rin ito patatalo sa ganda at tangkad. At ang tsika pa ay nanalo na daw itong Miss University sa dating pinag-aralang eskuwelahan. Bongga! Sosyal! Pero, mukhang mataray at mayabang. Kaya para sa akin, si Gina pa rin ang bet ko para kay Aljun (Araykopo!!!). Mas nagandahan kasi ako sa kanya. Simple lang ito sa pagdadala sa sarili, walang kaarte-arte sa mukha at katawan bagamat litaw na litaw pa rin ang natural niyang ganda. At mabait pa. Kumbga, simple lang ang ganda pero rock! At isa pa, crush ko rin kaya siya...

Alas 10 ng gabi noong makauwi kami sa aking flat. “Boss... tuloy pa ba tayo sa night swimming?” ang tanong k okay Aljun.

“Tuloy natin. Hindi ko na kaya birthday bukas.” ang sagot naman niya.

Kaya tumuloy pa rin kami.

Ang beach na iyon ay may floating cottage. Bale may lubid na nakatali galing sa poste na nasa aplaya patungo naman poste na nasa malalim na parte ng dagat. At kapag ready na ang lahat, hihilahin na lang ang lubid upang papalaot na ang cottage. Parang isang sampan lang ito na gawa sa kawayan bagamat may higaan sa loob, may digding, at may atip. Cottage talaga sya. Pwede ring mag-ihaw-ihaw, magluto, depende sa trip. Pwede ring mamingwit ng isda.

Dala-dala namin ang isang case ng beer at pagkain, hinahatak na namin ni Aljun ang cottage patungo sa malalim na lugar. Actually, wala akong planong maligo. At sabi ni Aljun ay ayaw din daw niyang maligo. Kaya ang ginawa namin habang nasa malalim na parte ang cottage ay inuman lang, kuwentuhan, sound trip.

Masaya naman ako. Happy. Parang sarili namin ang mundo, at pakiwari ko ay parang wala na akong mahihiling pa sa buhay sa ganoong kalagayan. Ewan ko. Basta sobrang happy ako bagamat hindi ko maipaliwanag ang malalim na dahilan kung bakit.

Pareho kaming nakaupo sa papag, ang aming mga paa ay nakalawit sa tubig-dagat at pareho kaming nakaharap sa kawalan, ang malamig na hangin ay pagbugsu-bugsong humahampas sa dingding ng cottage at sa aming mga katawan. At sa aming mga kamay ay ang tig-iisang bote ng beer.

“Ang sarap dito… ang lamig ng hangin, preskong-presko…” sabi ko.

“Oo nga. Walang problema, parang nasa kamay ko lang ang lahat ng gusto ko. Parang wala na akong pwede pang hilingin sa buhay.”

“Happy ka ba boss?” ang tanong ko sa kanya.

“Sobra...”

Tahimik. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit siya masaya ngunit parang may hiya din akong naramdaman. Tumungga na lang ako ng beer, ninamnam ang sarap na nasarili ko ang isang taong hindi ko alam kung bakit nakapagdulot sa akin ng ibayong saya.

“I-ikaw... happy ka Boss? Ang balik din niya sa tanong ko.

Tiningnan ko siya atsaka binitiwan ko ang isang tango.

“Isa ito sa hindi ko malilimutang birthday sa buhay ko. Walang ingay, walang gulo, at kasama ko pa ang aking...” ang pagparinig niya.

Napalingon muli ako sa kanya sa hindi niya pagkumpleto sa kanyang sinabi. “Ano?”

“Master… ano pa ba?” ang maloko niyang sagot.

Natawa na rin ako. “Woi may regalo pala ako para sa iyo…” sabay tayo ko at kuha sa aking bag. “Heto boss..” at iniabot ko sa kanya ang isang Nokia cp.

“Wowwww! Yeheeyyyyyy! May cp na ulit ako! Salamat boss!” Tiningnan niya itong maigi. “Ang mahal kaya nito! Latest model ba ito? Touch screen pa!”

Tumango ako.

Itinabi niya ang cp at saka inakbayan ako. “Alam mo, kahit wala kang regalo sa akin, masayang-masaya pa rin ako…”

“Bakit?”

“Dahil kasama kita.”

Ewan. Parang may kung anong kasayahang biglang umalipin sa akin sa pagkarinig niyon. Parang gusto kong umiyak at ibulong sa kanya na ako rin ay masayang-masaya na kapiling siya, na sa araw ng kanyang birthday, nasarili ko ang oras niya, ang atensyon niya, ang kanyang pag-iisip.

Inilingkis ko ang aking kanang kamay sa kanyang beywang.

Inilingkis din niya ang kanyang kaliwang braso sa aking balikat at bahagya siyang tumagilid paharap sa akin upang tuluyang ilingkis na niya ang dalawa niyang kamay sa aking katawan.

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at sinimulang haplos-haplusin ng isang kamay niya ang aking buhok.

Napabuntong-hininga ako. Sa isip ko ay naglalaro ang magkahalong saya at pag-aagam-agam. Masaya dahil sa sandaling iyon ay parang naangkin ko na rin siya; at pag-aagam agam dahil hindi ko alam ang kahinatnan ng lahat. Parang gusto kong umiyak, gustong tumutol ng damdamin na kung bawal man at may malaking balakid kung sakali mang magmahal ako sa kapwa lalaki, ay huwag na sanang mangyari pang mahulog ang loob ko sa kanya. May takot akong naramdaman.

Ngnit kagaya ng isang tubig, wala akong magawa kundi ang magpaubaya sa kung saan man ang papunta ang bugso ng agos nito…

Ewan kung ang laman ng kanyang isip ay pareho din ba ng sa akin ngunit wala na akong pakialam. Wala kaming imikan sa ganoong posisyon. Nakalingkis ang aming mga braso sa kanya-kanyang katawan, ang ulo ko ay nakasandal sa kanyang balikat kung saan ang buhok ko naman ay hinihimas-himas ng kanyang kamay habang sinamsam ng aming mga katawan ang malamig na bugso ng hanging dagat.

Para akong isang batang nakahanap ng isang secure na lugar sa mga bisig ng kanyang ama, o kuya…

Nasa ganoong kaming sitwasyong pagyayakapan noong bigla niyang hinawi ang aking mukha at halos ididikit na nito ang labi niya sa mga labi ko, “Naalala mo noong bigla kitang hinalikan sa bibig?”

“Hindi naman halik iyon eh. Di ba sabi mo hindi halik iyon?” ang pagtutol ko noong maalala ang insedente.

“Halik iyon. Nagsinungaling lang ako sa iyo.”

Syempre, may tuwa akong nadarama. “Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong ko.

“Nainis kasi ako sa dami mong satsat tungkol sa toothbrush mo na ginamit ko. At noong tinitigan ko ang bibig mo habang nagsasalita ka, iyon… hinid ko napigilan ang sariling hindi ko siilin ng halik ang mga labi mo.”

“B-bakit?”

“Ewan ko. Parang nagdilim ang paningin ko. Nanggigil ako…”

“Ibig sabihin nasarapan ka sa paghalik mo sa akin. At nagsinungaling ka noong sabihin mong hindi.”

“Ganoon na nga siguro…” ang pag-amin niya.

“Bakit ka nanggigil?” tanong ko.

Hinawakan niya ang aking panga at tiningnan ang aking mga labi.

Binitwawan ko ang isang ngiti.

“Nakakapanggigil talaga!” biro uli niya.

Tahimik.

“F-first time mo bang mahalikan?” tanong niya.

Tumango ako.

“Sabi ko na nga ba eh.”

“Paano mo nasabi?”

“Natulala ka pagkatapos ng halik ko na iyon…”

Napayuko naman ako. Nahiya, hindi makatingin sa kanya. Totoo naman kasing natulala ako. At nasarapan pa.

Tahimik. Muli isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Ngunit hinawi niya muli ang aking mukha at pinaharap ito sa mukha niya. “P-ayag ako… kung gusto mong m-may mangyari sa atin sa gabing ito…” ang malambing at mahina niyang boses na halos hindi ko na marinig ang kanyang sinasabi.

“P-paanong p-payag?” ang bulong ko din, hindi lubos maintindihan ang ibig niyang sabihin.

“N-naranasan mo na ba ang pakikipag-sex?”

Pakiwari ko ay may humataw sa aking ulo sa narinig. At bigla na lang lumakas ang kalampag ng aking dibdib. “H-hindi pa…” ang sagot ko.

“G-gusto mong maranasan?”

“I-ikaw ba ay may karanasan na…?”

“S-sa… babae, meron. Ngunit sa lalaki, w-wala pa... Ngunit para sa iyo, gusto kong maranasan ito.”

“H-hindi ko alam boss… parang ayoko…”

“Bakit???”

“B-baka darating sa puntong m-masaktan ako… N-natatakot ako b-boss… Ayokong masaktan…”

“Hindi ka masasaktan. Ako ang bahala…” ang bulong niya sa aking tenga.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment