By: Mikejuha
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
WARNING:
This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
Author’s
Note:
"Libre
po ang magbasa. Libre din po ang magrepost. Huwag lamang pong angkinin ang
kuwento na pinaghirapan ng tunay na may akda."
-Mikejuha-
----------------------------------------------
[01]
“Jun! Jun!”
ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin,
bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro.
Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng
library ay napalingon.
Si Fred ay
ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako
at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting
straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay.
“Hinaan mo
nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na
boses kong sagot sa kanya.
“Nakabili
ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang
pagsigaw.
“E, ano
ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi
makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.
“Doon na nga
tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.
“Sige nga,
sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang
inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami
sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.
“May narinig
ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa
campus?” tanong niya sa akin.
“Hindi.
Bakit? Ano ba ang nakakabaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may
kaalituhan sa ibinigay niyang trivia.
“Hindi mo
alam talaga? As in virginly innocent ka kung ano ito? As in wala talagang
nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng paraffle mayroon ang campus na
ito taon-taon?”
“Wala nga at
hindi ko alam, ano ka ba? First year college pa lang ako, ngayon pa lang
nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko dito at wala
namang tsismoso na lumapit sa akin, ikaw p lang! Ano yan?”
“Ay oo nga
pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at
huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!”
napahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.
Syempre,
lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip
na niloko lang ako ng kaibigan.
“O ano?
Nagulat ka…” sabi niya sabay tawa. “
“Ibig mong
sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.
Tumango
siya, bakat sa mukha ang pigil na pagtawa, ang mga mata ay nakatutok sa akin.
Syempre
naman, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa
biro lang naman nangyari ang ganyan kasi, gaya ng “umulan ng mga lalaki”,
“bumaha ng mga tite”, at ngayon pala, “parafle ng mga lalaki!” Parang weird.
“Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” tanong ko uli.
“Sabi ko na
nga bang magka-interes ka eh.” Ang biro ni Fred.
“Hindi ako
interesado ah! Nawiweirdohan lang ako!” ang bigla ko ding pagtutol.
“That is
exactly the point! Iyan ang purpose ng grupo ng mga estudyante na ito – isang
activity na bago, non-traditionl, attention-grabber, weird; something that
astounds the mind. At ito ang mensheng gustong iparating nila sa mga kapwa
kabataan: huwag matakot mag-innovate, huwag matakot mag-experimento, huwag
matakot gumawa ng hakbang na bago at naiiba… Sa taon na ito, nag tema nila ay
‘Magpapansin sa pagtulong’. O di ba bongga? At ang grupo ng mga guwapong mga
estudyante na iyan ay ang makalikom ng sapat na pera para sa mga sinusuportahan
nilang scholars na anak ng mga mahihirap na pamilya. Iyan ang taonan at
kinababaliwang fund-raising na inaabang-abangan ng lahat! Isang henyo ang
nakaimbento niyan!”
At
napa-“Wow!” naman ako. Naiiba kasi talaga ang approach nila at napakaganda rin
ng hangarin. “At ano naman ang gagawin ng mga nanalo sa kanila?”
“Hmmmm!
Malisyoso ang tanong mo ano?” Ang biro naman ni Fred na pabirong inismid ang
mukha.
“Syempre
naman may malisya talagang naglalaro sa utak ko. Kahit sino naman siguro ang
makakarinig niyan, ang iisipin ay may bahid malisya. Ikaw ba naman ang manalo
ng lalaki, ano ba ang gagawin mo sa lalaki?” Ang pabalang ko ring sagot sabay
tawa g malakas.
“Ganito
iyan, hija, este hijo pala… halimbawa, may ipapagawa kang assignment sa school,
gusto mo ng bodyguard, gusto mo ng kasama at makausap, gusto mong magpaturo ng
kung anu-ano sa kanya, gusto mong may magbasa ng novel sa iyo, may magmasahe sa
iyong katawan, maghihilod sa iyonog likod sa paliligo mo, houseboy, maglinis ng
iyong kwarto, kubeta, bahay, magtanim ng saging sa iyong bakuran, mag-ani ng
mais o palay, magbungkal ng lupa, magpakain sa iyong mga alagang baboy, driver,
o escort, kahit mag strip tease pa at pasayaw-sayawin mo sa iyong harap… bahala
ka. Kahit ano basta hindi masama o nakakasakit. Slave mo siya kumbaga. Ngunit
may kontrata iyan, may mga limitations din upang klaro ang arrangement. Kagaya
ng dapat ay walang illegal na ipagagawa o labag sa batas ng bansa at
eskwelahan, walang ipagagawang malalagay sa peligro ang buhay. At heto ang
nakakaloka, ‘…tasks which are intimate, personal, or adult in nature must be
consensual. And any emotional or romantic attachments arising out of the stint
shall be borne by the parties involved without prejudice to the school or the
organization.’ Ibig sabihin, kung may kahalayan ang ipapagawa, depende na kung
payag ang prize-boy mo. Otherwise, illegal na iyan.”
“Waahh! So
talagang ina-anticipate nila na may mangyaring something!”
“Siguro! At…
malay natin.” sabay bitiw naman ni Fred ng nakakalokong tawa.
Parang may
excitement din akong naramdaman. Iyong bang ang isip na naglalaro at
nagtatanong kung ano ang mangyayri kung sakali… lalo na sa side ko na confused
pa sa aking sexuality at hindi pa naka-experience ng sex sa kahit kanino.
“M-marami bang bumibili ng tickets? O mga estudyante lang?”
“Maraming-marami,
grabe, palaging nagkaka-ubusan ng tickets. Kaya nga tuwang-tuwa ako na
naka-kuha eh kasi naubusan na nga. Kasi, kahit sino, pwedeng bumili. Open ito
sa lahat basta may perang pambili lang, kahit out-of-school pa, senior citizen,
lalaki, babae… Iyong iba nga may mga asawa na, tulong na lang at suporta sa
fund raising. Kapag nanalo sila, ang lalaki nila ay gawin nilang house boy or
utusan… or katuwaan na lang.”
“Ganoon ba?
E… gaano naman katagal ang serbisyo ng prize-boy?”
“365 hours
lang naman! Di ba may 365 days ang isang taon, pedeng one hour per day or
pwedeng mas mahigit pa hanggang makumpleto ang 365 hours. Kung straight 24 hrs
per day ang serbisyo, tatakbo ng two weeks and 2 hours lang iyan. Pero lugi ka
kung sa gabi ay tulogan ka lang niya, hehe. Basta depende na iyan sa usapan
ninyo.”
“Waaahhh!”
Lalo tuloy akong na-excite at nag-iinit. “S-sinu-sino naman ang mga pa-premyo
nilang lalaki?”
“Hay naku,
sampu ang kanilang napili ngayon at puro guwapo at yummy! Puro kasi nag-gigym,
kasi required sa grupo nila. At bago sila nagpalabas ng desisyon kung sino sa
kanila ang ipa-premyo, gumawa muna ng campus survey ang grupo. At ang pa-premyo
nila ngayon ay ang top ten na lumabas sa ginawa nilang survey. Pero ang jackpot
prize nila ay laging top secret na hindi kasama sa grupo. Last year ay ang anak
ng mayor ang jackpot prize. At isang buwan na tinapos niya ang ‘task’.”
“Talaga?
Mabuti at game din sila ano?”
“Oo. Malakas
at sikat na kasi ang grupong iyan dahil may mga political connections. At dahil
na rin sa kanilang magandang advocacy at tapang na gumawa ng kakaiba at
kakwela-kwela, kaya pumatok talaga at tinangkilik ng masa.”
“Ayos din
iyong naisip nilang concept ano?”
“Oo. Kaya
pili ka na! Malayo ang maaabot ng perang ibinili natin sa mga tickets na iyan.
At malay mo, makakatikim ka na rin ng lalaki sa wakas!” Sabay bitiw uli ng
nakakalokang tawa.
Alam kasi ni
Fred na naguguluhan pa ako sa sexuality ko. At palagi niyang sinasabi sa akin
ang kanyang “EEE” advice - Explore, Experiment, Enjoy. Kasi, wala naman daw
mawawala sa akin kapag nag-eexplore ako, o nag-iexperiment. Kasi nga hindi
naman ako mabubuntis, at bagkus, ay madagdagan ko pa ang experience. Tama nga
naman. Kaya kapag may nakita siyang lalaking guwapo, sikretong ituturo kaagad
niyan sa akin at sasabihin, “Ayan, na-aatract ka ba d’yan?” o “Naga-gwapuhan ka
ba sa taong iyon?”
Iniabot ni
Fred ang dalawang ticket sa akin. Binunot ko ang isa at binasa ang number nito:
DOC-098238171.
--------------------------------------------------
ALJUN
--------------------------------------------------
Ako si Aljun
Lachica, sabi nila ay ako daw ang campus crush dahil sa aking kong kagwpuhan,
pero kung ako ang tatanuning ninyo ay masgugustuhin kong iturin akong isa sa
mga regular na studyante dito sa aming paaralan.Hindi ako mayaman pero ramdam
ko ang pag mamahal ng mga kapwa ko studyante dahil sa ako ang kanilang ibinoto
upang maging elected student council president, masaya akong pag silbihan ang
aking mga kapwa studyante. Sa edad na 19 ay nasa 6’2” ang height ko, mahilig
din naman ako sa Sports tulad ng Basketball at Lawn Tennis pero mas focused ako
sa Lawn Tennnis. Di naman sa pag mamayabang ay ako ang tinanghal na Regional
Lawn Tennis champion noong nakaraang palaro. Dahil na rin sa hitsura ay
naka-ilang beses na akong subukang kumbinsihin ng isa sa pinaka sikat na grupo
sa aming paaralan ang CGI or Cool Guys Inc. Alam ko ang kanilang patakaran sa
grupo at alam ko din naman ang intensyon ng kanilang grupo subalit
tinatanggihan ko ang kanilang alok sa kadahilanang busy ako sa mga duties ko
bilang Student Council Presedent, sa Lawn Tennis at sa Pag-aaral ko.
Dahil sa
grupong ito ay nagkakaroon ng isang masayang palaro sa aming paaralan taon-taon
at iyon ay ang pag paparaffle ng bawat isa sa kanila para gawing slave sa loob
ng 365 hours, at ang perang nakukuha sa event na ito ay ginagamit para
supportahan ang scholarship foundation ng grupo.
Sa loob ng
ilang taon ko sa aming paaralan ay halos parepareho na lang ang nagigigng
reaksyon ng mga tao sa tuwing makikita ako, medyo nagugulat ako noong una pero
kinalaunan ay nasanay na lang ako sa kanilang mga tilian, dahil sa kanilang
pinapakitang pag hanga ay mas lalo ko pang inalagaan ang aking sarili at
ipinakita sa kanila na kahit na hindi ako anak ng mayaman ay ipapakita ko parin
na hindi mo kailang maging mayaman para ikaw ay tingalain at hangaan. Alam ko
na sa aking panunungkulan sa Student council ay marami pa rin ang kumukwestion
sa aking kakayahan pero sa halip na magalit ako sa kanila ay ipinapakita ko na
lang sa kanila na alam kong tama at wala akong maling ginawa.
Sa taong ito
ay sinubukan ulit akong kumbinsihin ng CGI pero hindi para maging miyambero ng
kanilang grupo kungdi para maging grand prize sa kanilang ginagawang annual
raffle. Maging ako ay nabigla kasi alam ko naman mas marami pa ang mas
deserving na maging grand prize kaysa sa akin hanggang sa pakinggan ko ang
eksplenasyon ng lider ng grupo ng CGI na si Troy De Mesa.
“look Aljun,
alam kong ilang beses mo na kaming tinangihan sa pagsali sa aming grupo dahil
nga sa iyong mga prioridad dito sa paraalan at sa iyong pag aaral. Pero please
kahit ngayong taon lang eh sana naman eh pag bigyan mo kami.” Ang pagmamaka-awa
ni Troy sa akin.
“troy alam
kong mabuti ang inyong adhikain sa event na ito pero sa ngayon eh ganun parin
ang aking isasagot sa inyo.. alam nanaman pa aninyo ang mga priopridad ko sa
paraaralan diba kaya sana naman ay intindihin ninyo naman ako” ang sagot ko kay
Troy. Pero sa halip na umalis na sila ay muling nag salita si troy.
“ this might
be too much too ask but we promised that this year ay gagawin namign proze boy
ang pinaka-sikat na studyante dito sa ating paaalan, and if you ask around the
school kung sino yun they will all answer unanimously and that is you aljun,
look this is just for fun kaya sana ay i reconsider mo ang aming offer sayo”
Dahil sa mga
sinabi ni tryo sa akin ay natahimik ako ng halos na 10 minuto bago ako muling
nag salita.
“ok troy
pero just this once ha.. count me in. Pero one favor just like in the past
years huwag ninyo munang irereveal na ako ang inyong proze boy ok?”
“ok sure no
problem basata ikaw”
Pumayag ako
sa kanilang nagin alok sa akin tutal eh alam kong katuwaan lang naman ang ito
na may magandang dulot dahil lalo na nang mabasa ko ang kanilang “magpapasin sa
pagtulong” nakakatawa mang sa unang tingin pero kung iinitindihin mo ng mabuti
ay tagalang gumagawa sila ng mga kakaibang paraan para lang mapansin ng lahat
ang kanilang adhikaing makatulong sa kapwa. dalawang bwan matapos ang aming
naging pag uusap ni troy ay ginanap na ang pinaka-hihintay ng lahat ang pag
paparaffle sa amin.
Mula sa
likod ng stage ay doon ko nakita at nakilala ang iba pang mga prize boys na
miyembro ng grupo andito si alvin, si sammy, si adrian at iba pa na pawang mga
studyante ng din sa paraalang ito. Habang nagkakasiyahan ang lahat sa labas ng
ay sinubukan kong sumilip para makita kung gaano karami ang taong dumalo at
laking gulat ko ng makita ko na halos lahat ng studyante,faculty at may mga
taga ibang skuwelhan pa at lugar na nakita kong dumayo para lang dito. Dahil sa
aking nkita ay parang inabutan ako ng kaba pero hindi ko ito kailangang ipakita
sa aking mga kasama ngayon lalo na sa mga taong nasa labas at naghihintay at
umaasa. Ialng minuto pa ay nag simula na ang program at isa-isang lumabas lahat
ng mga papremyong miyembro ng CGI maliban sa akin. Sa kanilang pag labas ay
narinig ko ang mga hiyawang napakalas. Mula sa likod ng stage ay pinagmasdan ko
ang ginawa ng aking mga kasama sa entablado. Rumampa sila sa cat walk at agad
din naman bumalik sa likod ng stage.
Ilang minuto
lang ang lumipas ay lumabas si Alvin ang isa sa mga prize boys, sa tantiya ko
ay mga 5’9” ang tangkad niya at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan,
maputi, makinis ang balat, naka clean cut ang buhok at may hitsura din. Lumabas
siya sa entablado at agad na tumayo sa harap ng entablado at nag salita.
“Ako po ay
si Alvin, 19 years old, at nasa third year ng kursong Information Technology.
Ang expertise ko po ay ang tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa
akin, maari po niya akong paggitrarahin, haranahan siya, o kung sino mang
iuutos niyang puwedeng haranahin ko.”
Hiyawan ang
naging sigaw ng mga tao sa labas habang nag hihintay na ianaunsiyo kung sino
ang nanalo sa kanya ay kinalabit ako ni Troy at kinausap niya ako. sabi niya ay
may konting pagbabago sa napagkasunduan dahil ito sa naging last minute meeting
nila ng kanilang grupo.
“Aljun! May
sasabihin ako sa iyo.”
“anu yun?”
“nag
usap-usap kami ngayon lang at napag kasunduan naming bigyan ng twist ngayon ang
grand prize”
“ha? Bakit
naman biglaan?”
“alam daw
kasi nilang baka di ka pumayag noon kaya ngayon lang nila sinabi sa maging sa
akin ang detalye”
“may
magagawa pa ba ako? tutal nandidito na ito sige anu ba yang sinasabi mong
twist?”
“
i-o-auction ka muna namin at mag sisilbi ka sa taong makakabili sa iyo ng 24 na
oras lang naman at 4 na araw simula ngayon saka palang magisismula ang iyong
pag sisilbi sa makakakuha sa yo sa raffle.”
Wala na
akong mawaga sa at pumayag na lang din ako sa gianawa nilang pag babago sa
aming nagpakasunduan. Kung iisipin minsan nga lang naman ito manyayari. Nang
malaman na kung sino na nakapanalo kay alvin ay sumunod naman si sammy. Higit
na mas mataas si sammy kay alvin sa height na 5’10” tulad ni alvin ay wala ding
pangtaas na damit itong si sammy na rumampa sa taas ng entablado. Kastulad ng
kanina ay hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa kanya habang siya nag
naglalakad papunta sa harap ng stage, natigil lang nag mga ito ng magsimula
siyang mag salita.
“Ako po si
Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong mechanical engineering. Ang
expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang
totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakuha sa
akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo kakantahan habang
marahang hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang likod...”
Hiayawan
ulit at sipulan ang isinagot ng mga tao sa ginawa ni sammy at tulad ni alvin ay
tumaayo din siya ng naka tikas habang naghihintay na i-announce ang taong naka
bunot sa kanya. Sa pagkakataong ito ay isang grupo ng mga kababaihan ang
narinig kong nag hiyawan.
Kaming
dalawa na lang ni Adrian ang naiwan, mayamaya pa ay lumabas na in si adrian at
ginawa rin niya ang tulad ng ginawa ng dalawang nauna na sila sammya t alvin.
Dahil doon ay nag isip ako kung appaano ko sila sosopresahin sa aking pag labas.
Nagrinig ko rin nag salita si adrian sa harap ng entablado.
“My name is
Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong kumersyo. May
paalala lang po ako sa sinu mang makakuha sa akin, please handle me with care.
Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na
tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched,
never been kissed and never been damaged. Noong sumali po ako sa cool guys,
inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya
pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit
wala pong problema dahil kapag hindi po siya masarapan sa niluto ko, pwede pong
ako na lang ang kanyang papakin. D’yan po... nakakasiguro po ako, na masarap po
ang templada ko...”
Grabe iba
parang wala lang talga sa kanila ang ganitong katuwaan parand di sila
kiankabahan, alam kong ilang segundo na lang ay ako na ang lalabas kay isang
malakas na buntong hininhga na lang ang aking inilabas para kahit papa-ano ay
mabawasan ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Maya-maya pa
ay narining ko nang tinawag ang aking pangalan kasunod ng isang malakas na
hiyawan. Nakakabingi ang kanilang mga hiyawan at talagang nakakabingi, ngunit
dahil doon na naramdaman ko ulit ang kanilang pamamahal at suporta sa akin kaya
sa halip na mahiya ako ay lumakas tuloy ang aking pakiramdam na gawin ito,
dahil din sa mga hiyawan ay napag desisyonan kong isang mapangakit at bagong
aljun ang iapapkita ko ngayon sa kanila.
(Itutuloy)
[02]
Sa ilang
linggo ko pa simula noong tumungtong ako sa eskwelahan na iyon, nalaman ko ang
mga sikat na estudyante at guro sa campus. Maliban sa exclusive na grupo ng mga
estudyanteng “Cool Guys, Inc.” na sinabi ni Fred, nalaman ko rin ang iba pang
sikat sa campus gaya ng mga magagaling na varsity players ng basketball, mga
pamatay sa honor’s list, mga matitinik na dancers, mga matitinding student
leaders, etc.
At isa sa
mga sikat na ito ay si Si Aljun Lachica. Campus crush at hinahangaan ng lahat.
Paano ba naman, gwapo, matangkad, matalino, president ng student council, at
sports-minded pati, magaling sa basketball, malakas ang dating, maganda ang PR,
at regional champion pa sa lawn tennis. Para bang noong magsaboy ang Diyos sa
mundo ng mga mgagandang katangian, siya ang nakasalo sa lahat ng mga ito.
Bukambibig
na ang pangalan na Aljun lalo na sa mga babaeng estudyante. Siya ang laman ng
kanilang mga kwentuhan at bangkaan. Kaso, hindi siya kasali sa exclusive na
grupong nagsponsor ng paraffle. Ang sabi ni Fred base sa narinig niyang
tsismis, matagal na nirirecruit si Aljun ng grupo ngunit umaayaw lang ito gawa
ng priority daw kasi niya ang pag-aaral at ang student council.
Pero, talbog
ang karamihang myembro ng exclusive na grupo sa tindi talaga ng appeal ni
Aljun. At napatunayan ko ito isang beses na nagmeeting kaming mga Liberal Arts
students. Bago kami dinismiss ng aming dean, pinapaghintay pa kami at may
sasabihin pa raw ang presidente ng student council na si Aljun nga. Hindi ko pa
nakita ng personal si Aljun noon ngunit doon ko narealize kung gaano katindi
ang kamandag niya sa mga babae noong ang isa sa kanila na kasama namin sa
Liberal Arts ay nagtatakbong pumasok ng room galing CR, at nagsisigaw.
“Nand’yan na siya! Nad’yan na siya!” At nagsimulang magtitili na ang mga babae
na mistulang pinagssaniban ng masasamang espiritu. At noong makarating naman sa
bungad ng pintuan si Aljun, bigla rin silang natahimik; iyon bang sa sobrang
tahimik ay tila marinig mo pa ang ingay ng isang karayom na nalaglag sa sahig.
Nangingiti-ngiti na lang kaming mga lalaki.
Pero, sa
sarili ko lang, talagang makalaglag-panty at brief ang kapogian ni Aljun. Pati
mga lalaki kong ka-klase ay napahanga din sa kanya, di lang dahil sa matinding
appeal niya kundi pati na rin sa kanyang talino at kabaitan at pagdala sa
sarili. Chest out, confident na confident, cool kahit pinuputakte ng mga tanong
na minsan ay nakakainis ngunit nakangiti pa rin... Ang ganda pa ng hubog ng
katawan! Syempre, pati ako ay nabighani.
Kahit nga sa
meeting na iyon bago siya nagsalita, may mga narinig akong mga estudyanteng
antagonista na putak ng putak, reklamo ng reklamo. Noong magsalita na si Aljun
at pinagtutulungan nila ng mga tanong, cool pa rin ang dating at ang ganda ng
explanations na diplomatic ang dating, walang mkikitang bahid na pagkagalit. At
imbes na aawayin pa nila siya, wala silang magawa kasi, hindi naman nagalit
iyong tao sa kanila at sila ang nagmukhang kontrabida. Para tuloy silang
nabusalan. At simula noon, iyong mga reklamador na na iyon ay naging masugid na
niyang taga-suporta.
Ganyan
kalakas ang karisma at kamandag ni Aljun. Ang mga babae at bakla ay nababaliw
at ang mga kalaban sa politika naging kakampi.
Alam ko,
marami ang naloloko sa kanya – babae, bakla, at may ibang mga lalaki na rin
sigurong nalilito na sa kanilang sekswalidad dahil kay Aljun. At ewan ko rin
ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit nakisawsaw pa ako sa mga
naaattract sa kanya. I’m sure naman kasi na hindi lalaki ang gusto niya kundi
babae… at sigurado din ako, marami ang nakapila sa kanya.
May isang
beses, nagkasabay kami sa CR. Nauna akong umihi at noong nilingon ko ang tumabi
sa akin, hala... siya pala. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit bigla akong
kinabahan. Ngunit nagkunyari pa rin akong dedma lang sa kanya, nakatutok ang
utak sa pag-iihi. At pinauna ko talaga siyang matapos. Noong naghugas na ng
kamay, sinundan ko siya, naghugas din ako ngunit dedma pa rin ako kunyari.
Pareho kaming nakaharap sa salamin tinitingnan ko kung may dumi ang mukha ko
bagamat sa kanya nakafocus ang aking atensyon.
Noong
nilingon ko siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. At aba... tumango siya sa
akin at pinakawalan ang isang ngiti, sabay labas ng cr at dere-deretso na.
“Waaaahhh!
Ano iyon?” Tanong ko sa sarili habang hindi ko lubos maintindihan ang sobrang
pagkabog ng aking dibdib.
Sinundan ko
siya. Ngunit mabilis siyang nakalayo.
Isang buwan
ang nakalipas at ginanap na ang pinakahihintay na paraffle, sa gymnasium ng
eskwelahan kung saan ito ang ginawang highlight sa disco na iniisponsoran din
ng nasabing grupo.
Masaya ang
sayawan at punong-puno ng mga balloons at iba pang mga palamuti ang lugar. Ang
stage naman ay may dekorasyon at sa gitna ay may nakasulat na – Cool Guys, Inc.
at ang tema nilang, “Magpapansin sa pagtulong!”
Maraming
professors at administrators di ang ang nag-attend. May mga raffle tickets din
pala ang mga ito. Game na game din sila kumbaga. At ang nakakaaliw ay ang isang
dalagang professor namin na malapit din sa mga estudyante bagamat mahigit 50 na
ang edad. Noong biniro namin na kung ano ang gagawin niya sa lalaki kapag
nanalo siya, ang sagot niya ay, “Siya na lang ang tanungin ninyo kung ano ang
gagawin niya sa sariwa at wala pang kamuwang-muwang kong kagandahan! I’m ready!
Overripe na nga lang pero, uhmmmm, may asim pa rin!!” Tawanan kaming lahat.
Alam naman
namin na nandoon lang ang mga faculty at administrators na iyon upang magbigay
suporta sa fund raising ng grupo. Yearly na kasing ginagawa nila ang activity
na iyon kaya hindi na naiilang o naninibago pa ang mga tao. Noong nakaraang
taon nga daw, may nanalo ding professor na babae at ang ginawa niya ay
pinaraffle din niya sa kanyang mga estudyante ang lalaking napanalunan upang
ibigay ito. Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante.
At sikat na
din sa buong syudad ang tradisyon na ito ng grupo. Maliban kasi sa pagtulong,
ang isang side advocacy nila ay ang healthy lifestyle. Habang ipinapakita nila
ang kanilang mga magagamdang katawan, ipinaalala nila sa mga tao, lalo na sa
kabataan ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalusugan at pag-iingat sa
katawan. At ipinakita nila sa kanilang mg sarili ang resulta ng desiplina,
exercise, at maingat na nutrisyon. Kaya maraming humahanga sa kanila. Tambak
din ang gustong sumali. Iyon nga lang, marami din ang hindi pumasa dahil kulang
sa desiplina. Six months kasi ang pre-qualification/initiation na dapat
naggigym ang applicant, nagpapaganda ng katawan at within 6 months ay dapat na
may maipakitang improvement. Kapag pasado na, makapasok na sa grupo at patuloy
pa rin ang regimen ng desiplilna, healthy lifestyle, at pagmaintain sa isang
well-built at physically-fit na katawan dahil kung hindi niya ma maintain ito,
tatanggalin siya sa grupo.
Anyway, may
sampung give-away prizes ang pasiunang niraffle. Natatawa ako dahil mga alagang
hayop pala ang mga give-aways. Ang una ay isang daga, pagkatapos ay love birds,
parrot, aquarium fish, pusa, aso, may isang sawa, hanggang sa nag inannounce na
ang mga major prizes. Syempre, ang mga lalaki na iyon.
Isa-isang
nagsilabasan ang mga nasabing papremyong mga lalaki na nag catwalk muna sa
ginawa nilang rampa na parang mga modelo.
Nagsimula
nang magtilian at maghiyawan ang mga tao.
Pagkatapos
ng kanilang rampa, isa-isa rin silang nagsibalikan sa likod ng stage.
Natahimik
ang mga tao. Tinawag na ang pinakaunang papremyo.
Lumabas ang
nakahubad pang-itaas na papremyo boy, ang jeans na puti ay kumpletong
nakabutones pa with matching itim na belt na tamang-tamang lapat na lapat
lamang sa walang kataba-tabang waistline. Nakapaa.
Nanluluwa
naman ang mata ng mga kababaihan at kabaklaan sa ganda ng walang saplot na
pang-itaaas na katawan at ang bato-batong muscles at mga hugis pandesal na abs.
In fairness, maganda talaga. May taas na 5’9, maputi, clean-cut. May hitsura.
Nakakabingi
ang palakpakan, hiyawan at sipulan ng mga tao.
Tumungo siya
sa harap ng stage at nagsalita, “Ako po ay si Alvin, 19 years old, at nasa
third year ng kursong Information Technology. Ang expertise ko po ay ang
tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa akin, maari po niya akong
paggitrarahin, haranahan siya, o kung sino mang iuutos niyang puwedeng
haranahin ko.
Palakpakan
uli ang mga tao. Hiyawan, sipulan.
Pagkatapos
ay tumayo siyang naka military “tikas hinga”.
Tinawag ang
isang administrator ng college upang hugutin ang winning number. Inannounce ito
at noong makumpleto ang pagbigkas sa lahat ng digits, isang bakla na naglupasay
sa tuwa.
Palakpakan
at hiyawan ang lahat. Wala namang sinayang na oras ang maswerteng estudyante at
nagtatakbo itong papunta sa stage at noong makaakyat na, agad-agad ding
pinapirma sa kontrata, at pagkatapos ay ipinosas ang tig-iisang kamay nila ng
papremyo boy atsaka ibinigay sa kanya ang susi, pahiwatig na nakatali na at
pag-aari na niya sa loob ng 365 hours ang binatang napanalunan.
Agad silang
bumaba ng stage, magkadikit ang mga katawan gawa ng pagkaposas sa kanila.
Tinawag ang
sunod na papremyo. Naka-hubad ding pang-itaas at kagaya ng naunang papremyo
boy, hindi din papadaig ito sa kaseksihan ng katawan. Makisig, may magandang
ngiti, may 5’10 ang taas.
Hiyawan uli
ang audience. Sipulan, plakpakan.
“Ako po si
Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong mechanical engineering. Ang
expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang
totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakuha sa
akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo kakantahan habang marahang
hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang likod...”
Hiyawan uli
ang mga tao. Sipulan palakpakan.
Humugot muli
ng number ang isang administrator at binasa ito. Isang grupo naman ng
kababaehan ang matinding naghihiyawan habang ang isang barkada nila na siyang
nanalo nahihiya at mistulang nagtatago. Pinilit nilang hilahin siya patungong
stage. At noong nasa stage na, hindi naman magkamayaw ito sa pagyuyuko at
pagtatakip ng mukha dahil sa matinding hiya.
Muli
pinapirma siya ng kontrata at pagkatapos ay pinosasan.
Sunod na
papremyong tinawag ay ganoon din ang pormang nakahubad pang-itaas. At kagaya
noong dalawang mga naungang papremyo, hindi rin ito patatalbog sa ganda ng
katawan, tangkad at kapogian.
“My name is
Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong kumersyo. May
paalala lang po ako sa sinu mang makakuha sa akin, please handle me with care.
Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na
tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched,
never been kissed and never been damaged. Noong sumali po ako sa cool guys,
inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya
pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit
wala pong problema dahil kapag hindi po siya masarapan sa niluto ko, pwede pong
ako na lang ang kanyang papakin. D’yan po... nakakasiguro po ako, na masarap po
ang templada ko...”
Grabe, halos
hindi matapos-tapos ang hiyawan at palakpakan ng mag tao. Lalo na sa dating ng
pangatlong papremyo na mukhang inosente talaga, babay-face, at kung titingnan
mo ay parang hindi makabasag-pinggan. Lalo tuloy nag-iinit ang mga audience at
mistulang nagwawala na ang mga ito.
“Huh!
Grabe!’ sambit ko sa aking kaibigan. Nakakaaliw pala ang mga activity ng
grupong ito. Ang saya-saya pa! At nakakapag-init ng katawan”
“Sabi ko na
sa iyo eh!” sagot ng best friend ko.
So iyon ang
mga banat ng mga papremyo boys. Mga witty, nakakaaliw, nakakapag-init bagamat
puro lang naman biro ang lahat.
Euphoric
talaga ang audience sa bawat paglabas ng mg papremyo boys. Nagwawala, parang
sinasaniban ang lahat sa magkahalong kaseksihan nila at pagka-witty at may
bahid panunuksong mga salita.
Subalit doon
na sobrang nagwala ang audience noong ipinakilala na ang jackpot prize. “Ladies
and gentlemen! It is cool guys, inc’s privilege that this year we were able to
convince one the most sought-after bachelor of this planet to be our top prize
boy. It a great honor to introduce to you, Mr. Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaa!!
Wooooohhhhhhh!!
Halos
babagsak ang bubong ng gymansium kung saan ginanap ang activity sa lakas ng
hiyawan ang palakpakan ng audience. At lalo na noong lumabas na si Aljun.
Noong nasa
gitna na ito ng stage, dahan-dahang tinanggal niya ang kanyang t-shirt noong
tumambad ang kanyang pang-itaas na katawan, nakakabingi ang ingay ng audience.
Itinapon ni aljun ang kanyang t-shirt sa mga tao at lalong nagkakagulo at
naghihiyawan.
Pagkatapos
niyang maitapon ang t-shirt, dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kanyang
belt.
Hiyawan uli
ang mga tao.
Noong
tuluyang matangagl na ito, inihagis din niya ito sa mga tao.
At doon na
nagsisigaw na parang nagdedeliryo ang mga tao noong game na game nitong ibinaba
ang zipper ng kanyang maong pants, sapat upang tumambad ang kanyang puting
brief at ang kanyang bukol.
Grabe ang
ingay. Parang sumabog ang buong gymnasium sa lakas ng tili at palakpakan ngmga
tao.
Rumampa si
Aljun na patuloy pa ring nanunukso. Habang binaybay niya ang rampa, nandyang
isiksik niya ang kamay niya sa ilalim ng brief na para bang inayos ang kanyang
pagkalalaki. Nandyan iyong hihimasin niya ang kanyang dibdib pababa sa kanyang
abs at harapan, at ang nakakabaliw niyang ginawa bago bumalik sa likod ng stage
ay isinukbit niya ang isang kamay sa ilalim ng kanyang brief, habang ang isang
kamay ay itinaas sa kanyang bibig at nilawayan ito. At noong malawayan na, ang
mga daliring nilawayan ay inihimas-himas niya sa kanyang utong, sabay bitiw ng
isang nakakalokong ngiti at nanunuksong tingin.
Grabe talaga
ang hiyawan. “Aljun1 aljun! Aljun! Aljun!”
Hanggang sa
nakalabas na ng stage si Aljun at dumeretso sa likod nito kung nasaan ang
dressing room.
“Thank you
Aljun! You will have more of Aljun when we come back. Maestro... music
pleaseeeee!!!” ang sigaw ng emcee pahiwatig na ituloy muna ang disco bago ang
final raffle para sa jackpot prize.
-------------------------------------------------
ALJUN
-------------------------------------------------
Isang bago-
at mapangahas na Aljun ang maikita nila ngayon sa taas ng entablado. Ito ang
aking paraan para maipakita sa kanila ang aking pasasalamat. Rumampa ako
papunta sa gitna ng entablado at sa gitna nito ay dahan dahan kong tinanggal
ang aking suot na damit pang itaas at inihagis sa mga tao, dahil sa aking
ginawa ay nagkagulo sila at di magkandamayaw. Dahan dahan ko ring tinggal ang
aking belt at inihagis ko rin ito, pinagpatuloy ko ang ginawa kong pang aakit
sa kanila sa pamamagitan ng pag baba ko ng zipper ng aking suot na pantalon at
akitin sila sa pamamagitan ng pag-papakita ko ng suot kong puting brief, nabgla
naman ako nang mapansin kong bukol na bukol ang aking alaga sa loob bigla man
akong inabutan ng pagkahiya sa loob ko ay pinabayaan ko na lang at pinag
patuloy ko parin ang pang-aakit ko sa kanila. Grabe talaga ang ingay nilang
lahat na halos gumuho ang buong gymnasium dahil sa lakas ng tili ng mga babae,
bakla, matrona at iba pang mga studyante.
Pinagpatuloy
ko parin ang panunukso ko sa kanila, habang naglalakad ako ay isinisiksik ko
ang aking kamay sa loob ng aking brief para ayusin ang aking pagka-lalaki, pero
di pa doon nag tapos ang aking panunukso sa kanila dahil humarap din ako sa
kanila ay hinimas ko ang aking sariling dibdib pababa sa aking abs habang
nakapikit at dahang-dahan kong ibinuka ang aking mga mata na mistulang nang
aakit. Pabalik na ako sa likod ng entablado pero may naisip pa akong isa pang
pasabog sa kanila, isinukbit ko ulit ang isa kong kamay sa loob ng aking brief
at ang isa naman ay nilawayan ko saka hinimas ko ang aking utong gamit ang
kamay kong may laway at ipinakita sa kanila ang ekspresyon ng mukha kong parang
nasasarapan din sa ginagawa ko, tapos binitiwan ko ang isang nanlolokong ngiti
kasabay ng isang nang-aakit na tingin, sabay talikod at balik sa likod ng
entablado.
Sa likod ng
entablado ay doon ako dinatnan ng sobrang hiya sa aking ginawa, ni di ko alam
kung bakit ko iyon nagawa, pero sa kabilang banda nag enjoy ako. ang sarap pala
sa pakiramdam ng pinag titiliian at pinagkakaguluhan. Habang nag hihintay ako
sa loob ng dressing room ay kinausap ulit ako ni troy.
“nice
work...” ang bungad agad ni troyt pag pasok na pagasok niya sa loob ng dressing
room. Isang alakas na palakpak ang kanyang ibinahagi sa akin at saka lumapit.
“salamat ha,
mgaing ako nga ay di ko lubos maisip na magagawa ko iyon.” Ang tanging naisagot
ko sabay yuko, ipinakita ko sa kanya na talgang inabutan ako ng hiya..
“hey.. dont
worry aljun you did a great job, mgaing kami nga ay di namin akalain na gagawin
mo iyon eh. bilib na talaga ako sa iyo. Ngayon sasabihin ko sayo, ngayon palang
ngang hindi ka member ng group eh nagagawa mo na iyan anu pa kaya kung naging
member ka namin sigurado ako mas mapangahas pa doon ang ginawa mo. whooo...
that was hot..”
Nagulat ako
sa kanyang sinabi, di ko kalaing masasabi niya yun. Di ko tuloy alam kung
tatanggapin ko ang huli niyang sinabi as compliment or ignore ko lang.
“wala pa yun
troy mag hintay ka, mas paiinitin ko pa ang entablado...” sabay tayo at labas
ng dressing room. Habang naglalakad ako papunta sa may entrance ng stage area
ay nagiisip ako kung bakit ko nasabi ang mga katangang iyon. Pero sa kabila
nang isip ko talagang binabalak kong mas lalong patakamin ang mga tao para wala
naman silang masabi sa akin at sa CGI baka sabohin nilang nagkamali ang grupo
sa pag pili sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ulit ang
aking pangalan, iyon ang hudyat sa aking muling pag labas sa entablado. Sa
aking pag balik sa entabalado ay doon ko lang ulit napagtanto na wala pala ako ng
damit pang itaas. Pinag patuloy ko parin ang aking pag rampa saka nag pose ako
sa gitna ng stage, hinaplos ang sariling dibdib habang kagat-kagat ko ang labi
ipinapakita ko sa kanila an nasasarapan ako sa ginagawa ko sa sarili.
Pinagpatuloy ko ang paghimas sa aking sarili pababa hanggang sa may butones ng
aking pantalon at saka ko muling binuksan ang zipper ng aking pantalon.
Muli kong
itinuloy ang pag rampa ko sa entablado, sa pagkakataong ito ay tinungo ko na
ang cat walk patungo sa mga audience, hiyawan at sipulan ang naririnig ko mula
sa mga tao, di ko talaga alam kung anung klaseng lakas ng loob ang sumapi sa
akin at nagawa ko ito ngayon sa harap pa ng buong skwelahan. Kung sa bagay ay
wala nanaman akong magagawa para burahin sa isip nila ang mga pangyayari ngayon
kaya ipinag patuloy ko na lang ang aking ginagawa. Ilang segunod na lang at
gagawin ko na ang aking binabalak, mas patatakamin ko sila, nang makatiyempo na
ako at alam kong di nila aasahan ang gagawin ko ay agad kong hinubad ang
patalon ko at taning ang aking boxers lang ang itira. Pagkahubad ko ay agad ko
itong inihagis sa mga tao na naging dahilan ng kanilang pagiging wild at
kanilang pag wawala. Ang siste ay angdating ko ngayon ay nagmistula akong isang
modelo ng underwear na rumarampa sa harap ng mga tao. Ipikita ko parin sa
kanila ang isang malaking ngiti pero ang di nila alam ay ang sobrang hiya na
nararamdaman ko, sa talang buhay ko kasi ay ngayon ko lang ito ginawa.
Grabe talaga
ang kanilang naging hiyawan at tilian mapa babae man, balka, o matrona.. pati
nga ang mga dalagang faculty at mga may asawa na ay di mapigilang tumili dahil
sa kaninlang nakita. Patuloy parin ako sa pagrampa ng naka boxers nang isa isa
kong narinig ang mga sigaw ng akin mga barkada
“Bro... I
Loove you na!”sabi ng isa
“Bro..pa-kiss
nga dyan!” sigaw din ng isa
“Tol...mamamya,
Date tayo ha?” hirit ng isa
“Brod..pahipo
naman!” isa pang hirit.
Di ko man
alam kung san galing ang mga iyon galing at kung sinu ang sumigaw nun pero alam
kong ang mga barkada ko lang iyon, sigurado ako uulanin ako ng biro ng mga iyon
pag katapos ng kabulastugan kong ito. Hurap na lang ako at minuestra ko sa
kanila ang “I Love You” sign at sabay kong iginiling ang aking katawan nung may
makita akong isa sa mga barakda kong nabiro sa akin kanina ay patago kong
inilabas ang dirty finger. Pag katapos kong aliwin sila ay muli ko nanaman
silang tinakam sa pamamagitan ng paghimas ko ng aking dibdib pababa sa aking
alaga at iginuri-guri ko naman ang isa kong daliri sa aking bibig kasabay bigay
ng isang mapanuksong titig ng mga mata sa kanilang lahat.
Halos sa
buong oras na inilagi ko sa entablado ay walang tigil na hiyawan, sigawan, at
sipulan ang aking naririnig. Bumalik ako sa likod ng stage at doon nakita ko si
Troy saka binigyan ako ng senyales na i-aanunsyo na niya ang biglaang pagbabago
sa plano. Kinakabahna man ako ay wala na akong magagwa dahil sa pumayag din
naman ako sa kanilang alok. Di na ako bulaik sa dressing room bagkus ay
naghitay na lang ako sa may entrance ng stage at doon narinig ko nang nag
salita ang emcee at ipinakilala na ang president ng CGI. Isang masigabong
palakpakan ang isinalubog nila kay troy, maaninag sa mukha ng ibang audience
ang pag tataka kung anu ang sasabihin ni troy sa kanila base sa nakikita ko
mula sa may gilid ay talgang nagtataka sila. Kung tutal ay ito nga naman ang
unang beses na gagawin nila ang pag auction sa grand prize boy at nag kataon
pang ako iyon.
Nagsalita
siya, “This may be a good news for everyone who wants to take a share of our
top prize boy. Just a few minutes ago, the board of directors of the CGI had a
brief and unscheduled meeting and decided, with the consent of course of our
top prize boy, that whoever wins the raffle, Aljun starts his “slavery” four
days form now, or four days after the proclamation of the winner. This is
because tonight someone will go home and enjoy a 24-hour service from our top
prize. We will have an auction for Aljun!”
Isang
malakas na hiayawan ang isinagot nila kay troy ang iba ay natutuwa ang iba
naman ay nagulat sa biglang pagbabago. Saglit muna akong nag suot ng bagong
pantalon at saka lumabas agad sa entablado, may mga naghiyawan ulit dahil
nakita siguro nilang nakabukas ang aking zipper, natatawa man ako sa aking
itsura ay hinayaan ko na lang iyon dahil alam ko naman talagang ganun iyon para
takamin talaga sila.
Sinimulan ng
emcee ang announcement ng auction at sinimulan ito sa 100
“let’s start
with 100. Any takers?”
“1000!”
sigaw ng isa.
Nabigla ako
talagan seryoso sila sa pag gatos at biglang talon sa 1000 galing sa opening na
100, hindi pa nga umiinit ang 1000 offer ay may sumagot agad.
“5000”
Nag taasan
na ang mga offers hanggang sa umabot na sa 20,000 talagang labanan na ito ng
mga makakpal ang bulsa at seryoso silang gagawin ang lahat para lang mai-uwi
ako kahit 24 na oras. Akala ko hanggang soon na lang pero laking gulat ng lahat
ng humabol pa ang isa at sumigaw pa
“25,000”
Grabe talaga
ang akala kong simpleng katuwaan lang ay nauwi talaga sa seryosohan labasan ng
pera, nung wala nang humigit pa sa offer na 25,000 ay idiklara na ng emcee na
auctioned off na daw ako to the person who shouted 25,000. Nung tinawag na kung
sino ay di na ako nag taka ang baklang fashion designer pala na nag mamayari ng
isang malaking botique at kumukuha lang ng Business Management sa aming
paaralan ang nanalo sa auction, medyo kinakabahan ako kung anu ang gugustuhin
niyang gawin ko kapalit ng kanyang 25,000.
Pinosasan na
ako sa baklang nakabili sa akin ng 25,000, nakita kong pilit niyang ininggit
ang iba at talagang hinupuan niya pa ang dibdib ko, grabe na ang kaba ko kung
anu anu na ang pumapasok sa isip ko baka kung anu ang kanyang ipapagawa sa akin
pero di na ako umimik pa at ipinakita ko na lang sa kanila na ok lang sa akin
ang kanyang ginawa. Ilang sadali pa at nakita ko na ang pag akyat ng vice mayor
ng aming lugar na umakyat sa stage para bunutin ang maswerteng tao, halos wala
ni anung ingay ang maririnig sa pagkakataong iyon karamihan sa kanila ngayon ay
pinipigil ang kanilang pag hinga at naghihintay ng announcement ng lucky number.
Pakatapos
bunutin ay agad na ibinigay ni vice mayor sa emcee ang ticket stub para sabihin
ang winning number
“this is it
everyone.. the lucky number is........ DOC-098238251.”
Naghintay
kaming may mag react, sumigaw, tumakbo pataas ng stage or mag delerio dahil
siya ang nanalo pero wala. Dahil walang sumulpot ay nagsalita na lang ulit ang
emce.
“Ok... if no
one shows up until tomorrow noon we are going to pick another lucky number.
Bukas po 12 noon sa student center”
Itutuloy...
[03]
May isang
oras din na tumugtog. Sayawan. Disco. Syempre, nakisayaw na rin ako bagamat
puro kaliwa ang aking mga paa sa pagsasayaw...
Maya-maya...
“Ladies and Gentlemen! It’s my pleasure to bring back to you this year’s
jackpot prize in the person of---yes you know what I mean.......... Mr. Aljun
Lachicaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!”
Hiyawan,
palakpakan. Nagkagulo na naman ang buong gymnasiium.
At lumabas
si Aljun sa huli niyang suot lang na jeans. Rumapa sa gitna ng satage, nagpose
sandali, hinaplos ang hubad at matipunong dibdib pababa habang ang mga mata ay
nang-aakit, kagat-kgat pa ang kanyang labi na mistulang sa isang taong
nasaarapan o nag-iinit.
Noong ang
kamay na humaplos sa kanyang dibdib ay nakababa na sa kanyang pusod, sinalap
nito ang butones ng kanyang pantalo at muling binuksan ang zipper ng kanyang
pantalon.
Naghiyawang
muli ang mga tao.
Rumampa muli
si Aljun sa pahabang rampa, galing sa stage patungo sa mga audience. Hindi pa
rin matigil-tigil ang hiyawan ng mga tao. Kitang-kita ang kanyang bukol sa ilalim
ng kanyang puting underwear. At ang lalo pang nakadagdag-kilig at aliw sa mga
tao ay ang nakitang kahit alam niyang hindi siya sanay sa ganoong pagrarampa,
panunukso at pagdisplay sa kanyang katawan, sige pa rin siya, at kitang-kita
din ang kanyang pagtatawa sa sariling kabulastugang pinaggagawa sa harap ng mga
tao. Kaya lahat ng mga tao aliw na aliw sa ipinakita niyang pagka-sport.
“Grabe! Ang
cute naman niyang tingnan!” Sigaw ko na lang sa sarili, hindi maikubli ang
excitement at paghanga at naki-hiyaw at nakipalakpak na rin.
Pero sobrang
wild ang hiyawan ng mga tao noong di namin inaasahang hubarin niya ang kanyang
pantalon at noong mahubad na ito, inihagis niya ang pantalon sa gitna ng mga
kababaihan. Nagkagulo ang parte kung saan hinagis ni Aljun ang kanyang pantalon
at mistulang naghihilahan pa sila.
At ang sunod
na tumambad sa aming mga mata ay ang halos hubad na na katawan ni Aljun. Grabe,
Parang isa siyang model ng underwear kung saan ang litrato ay nakadisplay sa
cover ng brand. Proportioned ang katawan, ang ganda ng abs na pansin ang mga
linya ng packs, ang chest ay mistulang sculpted at kung titingnan mo ang mukha
napakaguwapo. Isang Adonis na lahat ng babae at bakla ay magpapantasya!
Dagdagan
pang naka-paa lang sya… parang iba ang dating, parang wild… handang
makikipagbakbakan!.
Ngunit ang
mas nagpapainit sa aking katawan ay ang bukol na nasa ilaim ng kanyang boxers
short. Bakat na bakat. Bagamat pansin sa kanyang namumulang mukha ang
pagkahiya, game na game pa rin siyang nanunukso, kahit napuputol-puto ito sa
paminsan-minsan niyang pagtatawa sa sariling kagaguhan..
Sipulan ang
mga lalaki, tilian at hiyawan ang mga babae, tawanan naman ang mga guro at
administrator na nadoon.
“Bro... I
love you na!” Hiyaw ng isa sa mga barkada niya.
“Bro...
pa-kiss nga dyan!” Biro din ng isa pa.
“Pare...
Syeeettttt! Ansarap mo pala!” dagdag pa ng isa.
“Tol...
mamaya, date tayo ha?” hirit din ng isa pa.
“Brod...
pahipo naman!” hirit pa ng isa....
At lahat ng
ito ay tinawanan lang ni Aljun, sabay muestra sa kanila sa kanyang mga daliri
ng “I Love You” sign at iginiling-giling pa ang katawan sa harap mismo nila.
Minsan naman, pabiro at patago niyang ilalabas ang dirty-finger niya sa mga
barkadang nangangantyaw. Pagkatapos, iginapang ang isang kamay niya sa kanyang
dibdib pababa sa kanyang umbok habang ang isang daliri sa kabilang kamay naman
ay iginuri-guri sa kanyang labi at ang mga mata ay nanunukso.
“Wooohhhhhhh!!!”
sigaw ng mga barkada niya na nasa gilid ng rampa. Moral support kumbaga.
Noong
matapos na si Aljun sa pagrampa, bumalik na uli ito sa likod ng stage.
Nagsalita
muli ang emcee. “Ladies and gentleman... Cool Guys, Inc president will have a
very special announcement o make before we proceed with the raffel on the
Jacpot prize boy. Please welcome, Troy De Mesa!!!!”
Palakpakan
ang mga tao at syempre, nagtatanong ang mga isip kung ano kaya ang announcement
na iyon.
Nagsalita
siya, “This may be a good news for everyone who wants to take a share of our
top prize boy. Just a few minutes ago, the board of directors of the CGI had a
brief and unscheduled meeting and decided, with the consent of course of our
top prize boy, that whoever wins the raffle, Aljun starts his “slavery” four
days form now, or four days after the proclamation of the winner. This is
because tonight someone will go home and enjoy a 24-hour service from our top
prize. We will have an auction for Aljun!”
Hiyawan uli
ang mga tao.
“Waaahhhh!
Ibang kunsepto!” sigaw ko sa sarili. “May ganoon talaga?” ang sambit ko sa kaibigan
ko.
“Sabi ko sa
iyo, kakaiba ang grupo na ito e... masaya liberal ang approach ngunit malalim.
Imagine, mas madagdagan pa nila ang kanilang malilikom na pera para sa kanilang
mga charity projects.”
At lumabas
uli si Aljun, nakangiti, pumuwesto sa gitna ng stage at nagsasayaw-sayaw,
hinayaang nakabukas ang kanyang zipper bagamat minsan napapatawa rin sa kanyang
pinaggagawa. “Hayyyy. Ka-cute naman!” sigaw ng isip ko.
Nagtake over
ang announcer. “Let’s start with 100. Any takers?”
May sumigw
kaagad ng, “One thousand pesos!!!”
Na singaot
ng, “Five thousand pesos!”
Hanggang sa
umabot ang presyo ng twenty thousand pesos.
“Someone
says twenty-thousand pesos!” any more takers?
At may
sumigaw ng, “Twenty-five thousand!”
“Waahhhh!
Grabe naman.” Sabi ko. Laha tay naglilingunan sa dirksyon ng nagbigay ng price.
Hindi ko rin makita kung sino dahil sa dami ng tao kaya hindi ko na inalam.
“So wala
nang takers of more than 25 thousand?” sabi ng emcee. Noong wala nang sumagot,
“Ok! I now declare Aljun Lachica auctioned off!”
Hiyawan ang
mga tao at pinaakyat kaagad sa stage ang nanalo sa auction. Noong makita naming
lahat, ang isang mayamang fashin designer pala ito na nagmamay-ari ng isang
malaking boutique na kumuha lang ng ilang subjects sa Business Management.
“Ano kaya
ang gagawin niya kay Aljun?” tanong ko sa kaibigan.
“Fashion
designer iyan. Baka gagawing modelo sa mga gawa niya. Andami kayang pwedeng
ipagawa niya kay Aljun. Pictorials, endoresements, modelling... Hindi siya lugi
sa 25 thousand niya!” sagot ng kaibigan ko.
At pinosasan
na si Aljun at ang baklang fashion designer na iniinggit pa ang audience noong
hipu-hipuin niya ang dibdib ni aljun at iginapang ang mga daliri sa papuntang
puson ng binata. Tawa lang ng tawa si Aljun. Lalo tuloy akong nkukyutan sa
kanya at parang nalilibugan din sa sobrang pagka game niya. Pakiramdam ko tuloy
ay may umusbong na pagnanasa sa aking katauhan. Naiimagin na ako ang nanalo at
ako iyong humaplos sa kanyang dibdib at iginapang ko ang aking kamay hanggang sa
umbok mismo ng kanyang pagkalalaki.
“Haizzt!” sa
isip ko lang sabay bitiw ng buntong-hininga.
“And now...
let us proceed with the lottery!” ang sunod na sabi ng emcee.
Natahimik na
ang lahat ng tao noong mismong ang vice mayor ng syudad ang umakyat sa stage
upang humugot ng ticket. Syempre, pigil-hininga ang karamihan, hawak-hawak pa
ang kanilang tickets, kasama na ako doon.
Noong
makahugot na, ibinigay ito sa emcee at inannounce ang winning number.
DOC-098238251.
At syempre,
dahil isa lang naman ang manalo, halso lahat din ang disappointed. At
napa-“Whoaaaaa!” na lang ako. Malapit kasi ang number ko sa nabasa..
Hinintay
namin na may aakyat at ipresenta ang kanyang ticket. Ngunit walang sumulpot.
Naglingonan ang mga tao sa paligid ngunit wala pa rin.
“Ok...” ang
pag annunce ng emcee. “If no one shows up until tomorrow at noon time, we will
have to pick another number bukas na rin at 12 noon sa student center.”
Iyon na ang
huling pag-announce ng emcee at ipinagpatuloy na muli ang sayawan. “Napaka-malas
naman ng may hawak ng ticket na iyon...” sabi ni Fred. “Nasa kanya na sana ang
jackpot.”
Umuwi kaming
bagamat hindi nanalo, enjoy naman sa sayawan at syempre sa mga hiyawan at higit
sa lahat, sa mga palaban na mga lalaki ng CG-Inc.
“O, sa iyo
na yang ticket ko!” ang sabi ko sa kaibigan ko sabay abot sa kanya ng ticket.
“Tange! May
di pa tapos ang laban! May raffle pa bukas! Malay mo hindi sisipot iyong nanalo
kagabi.”
“Kung hindi
sisipot. Pero kung sisipot man din siya, hindi rin naman ako mananalo d’yan.
Hindi ako maswerte sa mga paraffle.”
“O sige na
nga! Ako na lang ang magtago nito.” Sagot naman ng kaibigan ko.
Hapon na
kinabukasan, nasa library ako noong nagtatakbo papunta sa inuupuan ko ang
kaibigan ko na parang hinahabol, hingal-kabayo. “Jun! Jun!” sigaw niya.
“O. ano na
naman! HInaan mo an gboses mo nakakahiya sa mga nag-aaral eh.” Ang sagot ko
noong mapansing nagsitinginan na naman ang mga tao sa amin.
“Wala akong
paki sa kanila. Ticket mo ang nabunot sa jackpot friend!!!!!!” sigaw uli niya.
(Itutuloy)
[04]
“Ha?!!!” ang
sagot kong napasigaw na rin at biglang nawala sa isip na naroon kami sa loob ng
library.
“Oo!!! Ikaw
ang nanalo!!!!” ang sigaw pa rin ng kaibigan ko.
Pinindot ng
librarian ang maliit na bell sa counter pagpahiwatig na may nag-iingay sa loob
ng library, at kami iyon.
Agad kong
dinampot ang aking mga notebooks at gamit sa ibabaw ng mesa at lumabas ng
library buntot-buntot ang kaibigan.
“Anong sabi
mo? Nanalo ang ticket ko?” sambit ko kaagad noong makalabas na kami ng library
at naglalakad papunta sa botanical ng school.
“Oo!”
“Paano
nangyari iyon? Imposible naman!”
“Ay malay ko
ba kung paano. At wala akong pakialam. Pero anong imposible ba doon? May ticket
ka, niraffle nila, syempre naman may mananalo no? Kung ako ba ang nanalo ay
magiging posible? Ganoon?” ang tanong ni Fred.
Di na ako
nakakibo. Di ko kasi din maintindihan ang sarili. Parang may excitement na
parang nahihiyang di maintindihan. Syempre, magtatanong ang mga tao kung sino
ang nanalo at siguradong mabunyag sa lahat na ako iyon. At dahil hindi naman
ako bakla, magtatanong talaga sila kung ano ang gagawin ko o ipapagawa kay
Aljun. Intriga na to!!!
“Eeeeeeeeeeeeee!
Magkakaroon na ng lalaki ang buhay ng aking kaibigan! Grabe, hearthrob pa!
Campus celebrity at pantasya ng bayan! Maraming maiinggit sa iyo friend!”
“A-ano ba
ang gagawin ko sa kanya?” tanong ko kay Fred noong makaupo na kami sa isang
upuan sa park sa lilim ng malaking puno ng mahogany.
“Kung ako?
Una, papasukin ko sya sa aking kuwarto at habang naliligo ako sa shower,
tatawagin ko siya, uutusan kong maghubad na rin dahil siyampre, mababasa siya
sa aking ipapagawa sa kanya. Pagkatapos, uutusan ko siyang hilurin ang aking
likod at sabunin ang buo kong katawan... and what happens next is up to him –
ahihihihihihihihihihih!” ang malakas niyang tawa, na kinilig.
“Grabe naman
to. Hindi ko kaya yan. At bawal iyang mga ganyan.”
“Anong bawal
doon? May physical or sexual abuse ba? Nalalagay ba sa siya sa isang unsafe na
sitwasyon? Ikaw pa nga ang dapat na matakot kasi nalalagay sa unsafe na
sitwasyon ang iyong puri! Baka bigla niyang sakmalin!” at tawa na naman.
“Ikaw
talaga... puro ka kalokohan.” Sagot ko na lang. “Sandali... naibigay mo na ang
ticket ko?”
“T-ticket
mo? Di ba nasa iyo?”
“Huh! Ibinigay
ko sa iyo ah!” ang gulat kog sabi, tumaas ang boses.
“Kailan?
Saan?” sagot naman ni Fred.
“Noong gabi,
pagkatapos ng raffle!”
“OMG! Nawala
ko friend!”
“Huwag kang
magbiro ng ganyan, susuntukin na kita.” Banta ko.
“Woi... joke
jok jok!!! Excited na talaga siya. Ibinigay ko kaagad fwend. At ang ipinakilala
kong may-ari ng ticket ay ako. Syempre, upang maprotektahan naman kita. Alam
ko, hindi ka pa sure sa iyong seksuwalidad. Baka kasi kapag nalaman ng mga
estudyante, lalo na mga ka-klase natin na ikaw ang nanalo, iisipin nilang bakla
ka. Unfair naman iyon sa iyo, di ba? At least ako, alam na ng iba na ganyan
ako. Ok lang ba sa iyo?”
“Ok ang
ginawa mo, Fred. Naapreciate ko. Salamat.”
“Anong
salamat ka d’yan? Hati tayo kay Aljun no...” biro niya. “Hindi ah, nakasaad sa
rules na hindi puwedeng i-share. Pweding ilipat pero bawal dalawa ang master.
Kawawa naman ang prize boy kapag nangyaring marami ang uutos sa kanya, hehehe.”
Ang bawi din niya.
“O di ilipat
natin sa iyo kung gusto mo?”
“Ayoko nga! Gustuhin
ko man pero alam kong mas kailangan mo siya; upang malaman mo na ang
katotohanan friend, at mamulat ang iyong mga mata sa mundo kung saan ka
nararapat!” sabay tawa.
“Tado!”
At
pinanindigan naman ni Fred ang sinabing aangkinin niya sa mga tao na siya nga
ang nanalo sa jackpot. Kapag may lumapit sa kanya at magtanong, i-confirm
kaagad niya na siya nga. At kapag may nagko-congratualte, tinatawanan na lang
namin. At nang-iinggti pa kamo siya.
Ngunit
syempre, habang palapit ng palapit ang takdang araw na magsimula na ang
serbisyo ni Aljun sa akin, parang patindi nang patindi din ang excitement na
aking nadarama bagamat hindi ko ipinahalata ito sa aking kaibigan.
“Friend...
bukas na daw magsimula ang serbisyo ni Aljun!” sabi sa akin ni Fred.
“O, e di
ok... walang problema.” Ang casual kong sagot.
“Ano ba
talaga ang plano mo sa first day ninyo?”
“Ano ba? E
di mag-usap. Makipagkaibigan. Tanungin ko kung ano ang mga plano niya sa
student council, mga projects, mga laro niya sa basketball at tennis.”
“Iyon lang?
Sasayangin mo ang oras sa mga walang kabuluhang tanong na iyan, na pwede naman
itanong kahit ng mga musmos?”
“Oo naman.
Bakit? Ano ba mas maganda?”
“Landiin mo
sya eh. Utusan mong magmasahe, o kaya ay kumanta at magsasayaw-sayaw sa harap
mo na naka-brief lang!”
“Hahahaha!”
Tawa lang ang isinagot ko.
“Bakit ka
tumawa?! Amfffff naman nito ah! Huwag mong sayangin ang pagkakataon!”
“Hindi naman
ako ganyan eh. Di ako bakla friend!” ang deretsahan kong sagot.
“Asusssss!
Nasa denial stage ka friend. Kailangan mo talaga si Aljun upang magising ka sa
katotohanan. Hmpt!” sagot ng kaibigan ko.
Lampas alas
7 ng gabi, nasa flat na ako. Hanggang 6:30 ng gabi lang kasi ang pasok ko from
Monday to Friday. Nag-iisa lang ako sa inuupahang flat. Medyo maselan kasi ako
pagdating sa mga makakasama. Kaya imbes na sa dorm, nirequest ko sa mga
magulang ko na isang buong kuwarto talaga ang tirhan ko. May sariling banyo at
kusina, may maliit na sitting room may isang kama. Bagamat maliit ang flat, ako
lang naman mag-isa at may privacy pa. Tamag-tama lang iyong para sa akin. At
ang maganda sa aking napiling flat ay walking distance lang ito papuntang
eskuwelahan.
Alam kong sa
araw na iyon magsimula si Aljun sa kanyang serbisyo sa akin. Ngunit ang buong
akala ko ay sa umaga kami magkita o sa school ba... Kaya naisip kong baka hindi
siya magsimula sa araw na iyon dahil gabi na ay hindi pa siya nagpakita.
Syempre, hindi naman ako ganyan ka atat para magtatanong sa kaibigan na siyang
kumausap kung saan ako nakatira. At lalo ding ayokong isipin ni Fred na bumigay
na ako. Ang totoo, ayokong maging bakla. Kasi, alam ko ang hirap nito, lalo na
sa pag-ibig. Una, hindi kayo puweding magpakasal. Pangalawa, hindi pa tuluyang
tanggap ng society ang kabaklaan. Pangatlo, hindi ka magkakaroon ng isang
normal na pamilya, at anak. At pang-apat, ang mga naririnig kong kuwento na
kadalasan, ang mga relasyong lalaki sa lalaki ay walang tumatagal. Karamihan
kasi ng mga bakla, lumalandi pa rin kahit may karelasyon na. At dahil dito,
hindi rin sila siniseryo sa relasyon… Kaya, ayoko.
Subalit,
gusto ko ring mas maintindihan ang sarili. Kaya nakikiride on lang ako kay
Fred.
Bagamat
nilinis ko ang buong flat ko sa paghahanda na baka darating si Aljun,
ikinondisyon ko na ang utak ko na hindi na sya darating. Ayokong mag-expect
din.
Ngunit may
nagdoorbell. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Binuksan ko ang pinto
at tumambad sa aking mga mata si Aljun. Nakaputing polo shirt, itim na
pantalon. At ang hindi ko inaasahan ay ang mga malalaking bulaklak na dala!
“Ay... sorry
pare!” ang bigla niyang sambit noong makita akong nagbukas ng pinto. Kahit
papaano kasi, dahil sa nagji-gym din ako kaya may maipagmamalaki ding porma ng
katawan. “Nagkamali yata ako ng pindot ng doorbell. Mali lang siguro ang
naibigay sa aking address!” dugtong niya ang mukha ay naguluhan.
“Bakit bro?
Saan ka ba sana pupunta? Di ba ikaw ang prize boy ng paraffle ng CG Inc?” sagot
ko.
“Ako nga
pare. At magsimula na ngayon ang aking serbisyo...”
“Ahhh! Sabi
ko. Pwes sa akin ka magserbisyo pare!”
“Hahahaha!
Hindi tayo talo pare. Teka lang ha? Hahanapin ko pa ang aking magiging master
seserbisyuhan.” sabi niyang tatalikod na sana.
“Pare.
Walang biro, ako ang master na hinahanap mo!”
“Huh! Sure
ka?” ang sagot niya ang mukha ay namula.
“Sure na
sure pare.”
At nakita
kong napakamot na lang siya sa kanyang ulo. “Dyahe. Mga bulaklak ang dala ko
pare. Akala ko kasi, si... Fred ba iyong pangalang nanalo na sabi ng CG Inc ay
bakla daw? Kung alam ko lang sana e... beer pala dapat ang pasalubong ko.”
sabay tawa.
Na sinagot
ko naman ng, “Pwede ring siopao o doughnut.” Lalo namang lumakas ang kanyang
pagtawa.
“Oo nga
pala. Sino iyong nagpresent ng ticket at nagclaim na siya ang nanalo?”
“Ah...
kaibigan ko iyon. Siya lang ang nag-front sa akin.” Ang paliwanag ko. “Halika,
pasok sa loob!” pag-anyaya ko.
“Buti na
lang ikaw ang nakapanalo sa akin, hehehe” ang sabi niya noong makaupo na sa
sofa.
“Bakit
naman?”
“Kung bakla
kasi o babae, baka may mangyari” ang biro niya sabay bitiw ng tawa.
“Hahahaha!”
ang tawa ko rin. “bakit pare, pumapatol ka ba sa bakla?”
“Hindi
naman. Kaso kung darating ang pagkakataon na magkagipitan at umaandar ang
libog, hindi na natin masabi, hehehe” Sagot niya. “First time ko kasi ang
sumali sa ganito kaya di ko talaga alam ang gagawin.”
“Ako rin
first time na nanalo sa ganito kaya di ko alam kung ano ang gaawin sa iyo eh.”
Sagot ko rin.
Tawanan.
“Sandali...
gusto mo ng mainum? Ikukuha kita para mas ok siguro, mawawala ang hiya ko sa
iyo.” Ang mungkahi ko.
“Nahihiya ka
pa niyan? Ang ganda nga nitong flat mo, nasa poder mo ako. Dapat ako ang
mahiya, hehehe”
“Ibig mo
bang sabihin, gatas na lang ang ihanda ko para sa iyo?” ang biro ko.
“Hindi ah?
Ano ako, baby?” Ang pagbawi din niya. “Ok… inum tayo. Ako na ang kukuha...” At
tumayo siya sa kinauupuan na parang alam na alam kung saan nakatago ang
maiinum.
Hindi na ako
nakakilos ni makapagtutol sa bilis niyang pagtumbok sa refrigerator.
Noong
mabuksan na ang ref, “Waaahhhh! Johnny Walker Black Label?”
“Sensya
na... hindi ako nagprepare ng beer. Nawala sa isip ko eh.” Sabi ko.
“Ayos lang.”
sagot naman niya. “Hindi ako umiinom ng ganito pero para sa master ko, gusto
kong subukan...” ang sabi niya sabay kuha niyon sa ref. Kumuha na rin siya ng
dalawang baso, ice bucket atsaka dinala ang mga ito sa kinaroroonan ko.
“Waaahh!
Sweet ng mokong!” Sa isip ko lang.
Tumayo din
ako at kumuha ng de lata sa ref at binuksan iyon, ginawang pulutan at bumalik
sa pagkaupo sa sofa.
Nagtagay
siya sa dalawang baso. Nilagyan iyon ng ice atsaka umupo na sa tabi ko. “I-set
pala natin ang gagawin ko pare para sa duty ko. Atsaka ‘boss’ ang gusto kong
itawag sa iyo.”
“Bakit boss?
Dapat tol o pare na lang.” ang pagtutol ko.
“Protocol
daw sa ganito na Maam o Sir ang itatawag sa aming magiging master. Pero gusto
ko boss na lang...”
Nag-isip
ako. “O sige, pero ‘boss’ din ang tawag ko sa iyo...”
Nag-isip din
siya. “Ah... Ok...”
“At simula
na ngayon... boss?”
Napangiti
siya. Tumango lang ako.
Tahimik.
Kinuha ko
ang isang baso na may lamanng Johnny Walker at ininum iyon. Uminum din siya.
“So, ang
routine ko ay ihahatid-sundo kita sa school? At ilang oras per day ako sa iyo
at kung anong mga araw ako na dapat magpunta sa iyo...” Tumingin siya sa akin.
“...Boss?” sabay ngiti.
Napangiti na
rin ako. Syempre, parang awkward kasi. Noon lang kami nagkasama, nagkakita,
tapos may tawagan na kami.
Anyway,
nagset kami ng schedule. Bale three hours a day ang duty niya sa akin from
Monday to Friday sa oras na 7 – 10 pm at kapag Sabado at Linggo, either 12
hours or 6 hours depende sa kanyang availability at may one day prior notice
siya na i-inform ako kung ilang oras ang i render niyang duty sa Sabado at
Linggo. Napagkasunduan din naming huwag na akong ihatid sa school bagamat kapag
galing sa school at 6:30pm ay sabay na kaming uuwi sa flat ko para magsimula
siya sa tatlong oras na daily service. Naawa kasi ako sa kanya na pupunta pa sa
flat ko sa umaga upang ihatid lang ako sa school.
“At kung
maari, kasama natin ang kaibigan kong si Fred kapag magkasama tayo sa labas,
say sa school. Ok lang ba? ...Boss” sabi ko.
“Walang
problema. Pero bakit kailangan pa siya?” tanong din niya.
“Baka
mamaya, pagdudahan pa akong bakla eh” sabay tawa.
“Hahaha! Mas
macho ka pa ngang tingnan kaysa sa akin eh” sagot niya sabay din tawa. “Pero no
problem Boss. You’re my master. Whatever you say!”
Pagkatapos
naming ma-settle ang routine niya sa akin, tuloy kami sa inuman. At dahil 7:30
na siya ng gabi dumating, 10:30 na dapat ang off niya.
Habang
nag-iinuman, kuwentuhan kami sa nangyari sa nakapanlo sa kanya sa auction,
iyong baklang fashion designer na nauna niyang sinerbisyuhan.
“Ahhh!
Talagang banat din ako ng buto dun. May fashion show pala iyon at ako ang
ginawang main model niya. Tapos, pictorials at, would you believe, ginawa din
akong manniquin sa kanyang showroom?” ang sabi niya sabay tawa.
“Mannequin?
Paano?”
“Nasa loob
ako ng glass na display tube at nakatayo, o nakaupo, depende sa posisyon na
gusto niya, nakasuot ng kanyang mga gawa at hindi gumagalaw ng isang oras.
Tapos, 15 minutes break,ibang posisyin at suot naman… Ang nakakatawa ay noong
last one hour ay hubot-hubad na akong pinaupo-upo sa isang bench at ang
nakatakip lang sa aking alaga ay isang kamay…
“Hahahahahaha!”
tawa ako ng tawa. “E di andaming nanunod sa iyo?”
“Oo, dinayo
ang showroom niya. Nagkataong nag-advertise pa pala siya sa mga radio…Pero ok
naman siya. Mabait din at pagkatapos ng aking serbisyo sa kanya, may party kami
kasama ang lahat ng mga straff niya at iba pang mga kaibigan niya at kasosyo sa
negosyo nya t inalok din akong mag parttime model.
“Ayos naman
pala... at pumayag ka namang mag model sa kanya?”
“Oo. Pero
hindi pa ngayon. Loaded masyado ang schedule ko, hehe”
Gusto ko pa
sanang itanong kung walang ibang indecent proposal sa kanya ang bakla o kaya ay
may nangyari… kagaya ng sinabi niyang kapag naagay siya sa alanganin ay hindi
na siya sigurado kunghindi papatol. Ngunit hindi ko na tinanong pa iyon. Nahiya
ako.
Alas 9:30 ng
gabi noong naramdaman kong nalasing na si Aljun at halos maubos na rin namin
ang isang bote ng Johny Walker. At pati ako ay umiikot na rin ang paningin.
“Boss… mukhang
grabe pala ang tama nitong alak na ito. Umiikot na ang paligid. Shiitttt! Di na
ako makalakad ng maayos.” Ang sabi ni Aljun ang pagsasalita ay halatang lasing
na lasing na.
Tumayo siya,
sinubukang maglakad. Ngunit natumba ito at pagkatapos ay nagsusuka na.
“Boss… kaya
mo pa ba?”
“K-kaya pa
siguro boss…”
Subalit
hindi pa rin niya magawang maglakad ng hindi natutumba. Kaya ang ginawa ko ay
sa kama ko na siya idineretso.
At dahil sa
nasukahan niya ang kanyang polo shirt at pantalon, tinangk kong hubarin ito ang
mga butanes nito. “Boss… tanggalin ko ha? Bibihisan kita.”
“Boss… huwag
na. Nakakahiya. Uuwi na lang ako.” Sabay hawak sa aking mga kamay upang huwag
kongituloy ang pagtanggal ang butones.
Tinangka
niyang tumayo uli. Subalit natumba na naman siya at nagsusuka uli.
Inalalayan
ko na namn pabalik sa kama at pinahiga. “Boss… hindi mo na kaya. Kaya huwag ka
ng tumutol, ok?” At hinubad ko na ang damit niya. Hindi na niya magawang
pumalag pa. Inihagis ko ang polo niya sa lagayan ko ng mga labahan.
Tumambad sa
aking mga mata ang napakagandang hubog ng kanyang pang-itaas na katawan. Nalala
ko tuloy ang kanyang pagsasayaw sa ganing iyon at ang paghahaplos niya sa
kanyang dibdib, pababa sa kanyang umbok. Naalala ko rin ang paglaway niya sa
kanyang daliri at inihimas-himas iyon sa kanyang utong.
Napalunok
ako ng laway. “Tanginaaaaaaaaa!” Sigaw ko sa sarili. “Nalilibugan ako!!!”
Ngunit
syempre, todo kuntrol ako sa sarili. “Ayoko!” sigaw naman ng isang parte ng
aking utak.
At dahil
nasukahan din ang kanyang pantalon, syempre, dapat ko ring hubarin iyon upang
linisin ko ang katawan niya gamit ang isang towel at mainit natubig.
Dahan-dahan
kong tinanggal ang butones niya. Noong nasa aktong hinawakan ko na ang zipper
ng pantalon niya upang buksan ito, ramdam ko ang panginginig ng aking buong
kalamnan, lalo na noong tumambad sa aking mga mata ang puting brief niya na at
ang bukol sa ilalim nito…
(Itutuloy)
[05]
Nilabanan ko
ang aking sarili at itinuloy ang paghila sa kanyang pantalon upang tuluyang
matanggal na ito. At noong tanging ang puting brief na lang niya ang natirang
saplot sa kanyang katawan, hayun na naman; mistulang may koryenteng dumaloy sa
aking kalamanan sa nakitang kaakit-akit na tanawin. Hindi ko maiwasang hindi
maapektuhan, mamangha, matulala.
Napabuntung
hininga ako. Noon ko lang napagmasdan ng maigi at malapitan ang kanyang hubad
na katawan bagamat nakita ko na ito sa pagrampa niya sa stage noong gabi ng
paraffle. At sobrang napahanga ako sa angkin niyang kakisigan at flawless na
katawan. Pakiramdam ko ay natuyuan ng laway ang aking lalamunan at nawala ang
aking kalasingan.
Na
mesmerize? Awestruck ba? Napako ako sa aking kinatatayuan at ang mga mata ay
nakatutok na lang sa nakalatag niyang katawan. Nakatihaya siya, ang isang braso
niya ay ipinatong sa ibabaw ng kanyang noo. Inikot ng aking mga mata ang
kabuuan ng kanyang katawan. Makinis ang kanyang balat, walang kataba-taba ang
tiyan, may matipunong dibdib, pronounced na parang inukit at sa gitna ng
dalawang umbok ay ang tig-iisang dark brown na mga utong na kasing-liit ng
butil ng mais. Sa ibaba ng kanyang dibdib ay makikita ang mga linya sa kanyang
six-pack abs na tumataas-baba sa bawat pagpasok at paglabas ng hangin sa
kanyang baga. At sa gilid ng may bandang garter ng kanyang brief ay bakat ang
kanyang oblique muscles na mistulang mga diagonal na mga litid patungo sa kanyang
harapan.
“Arrggghhh!”
sigaw ko sa sarili sa hindi maipaliwanag na matinding magkahalong paghanga at
pag-iinit ng aking katawan sa nasaksihan.
Hanggang sa
narinig ko na lang ang marahan niyang pag-ungol. “Uhhmmmm!” na sa tingin ko ay
ininda ang tindi ng pagkahilo.
Mistula
akong nabuhusan ng malamig na tubig. May takot akong naadarama. Bigla akong
tumalikod at tinumbok ang kusina. Doon, kumuha ako ng maliit na palanggana,
nilagyan ito ng maligamgam na tubig. Kumuha na rin ako ng maliit na tuwalya
atsaka bumalik sa kuwarto kung saan nakahiga si Aljun.
Tinanggal ko
ang pagkapatong sa kanyang noo ang isa niyang braso. Marahang inilipat iyon sa
kanyang gilid. Binasa ko sa maligamgam na tubig ang tuwalya atsaka idinampi sa
kanyang noo. “Uhhhhhh!” ang ungol niya muli noong lumapat ang mainit-init na
tuwalya sa kanyang noo at mukha.
Napahinto
ako, inexpect na tutulan niya ang aking ginawa.
Ngunit hindi
na siya muling gumalaw.
Ipanagpatuloy
ko ang pagpunas sa kanyang mukha. Dinig na dinig ko ang kanyang malalalim na
paghinga habang patuloy kong pinunasan ang kanyang mukha. Alam ko, hilong-hilo
pa siya at hindi pa tulog.
Hindi pa rin
humupa ang naiibang kiliting naramdamn ko sa aking katawan sa bawat pagdampi ko
sa maligamgam na tuwalya sa kanyang balat. Hindi ko maiwasang hindi mapansin
ang kanyang matangos na ilong, ang makinis na mukha, ang magandang bibig.
Parang ang sarap niyang halikan...
Hininto ko
ang pagpunas. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang nang-aakit na mga labi. Nalala
ko kasi noong rumampa siya sa gabi ng paraffle na habang nang-aakit at
hinihimas-himas niya ang kanyang utong, kinakagat-kagat niya ang kanyang labi.
Iyona ang isang bagay na nagustuhan ko, nakukyutan ako sa kanya.
Habang nasa
ganoon akong pagpapantasya, naramdaman ko na lang ang biglang paglakas ng kabog
sa akign dibdib. Nabuo sa aking isip na halikan siya, iyong panakaw lang.
Grabe. Para
akong isang taong mag-aatempt pa lang na magnakaw at hindi mapakali sa takot na
baka mahuli. Inilapit ko na ang aking bibig sa kanyang mga labi upang kahit
maidampi ko man lang ito noong bahagya naman siyang gumalaw. At ito ang dahilan
upang lalo akong matakot at nanaig muli ang matino kong pag-iisip.
At
ipinagpatuloy ko na lang uli ang pagpunas. Sa leeg... sa dibdib... sa abs... sa
pusod... at sa ibaba pa nito hanggang sa may garter ng kanyang brief...
At doon na
ako pinawisan ng todo noong napansin ko ang ulo ng kanyang pagkalalaki na
umusli sa garter ng kanyang brief at tigas na tigas ito, pumupintig pa!
Bigla na
naman akong napahinto, kinutuban, kinikilabutan...
Itinuloy ko
pa rin ang pagpunas, pinilit na huwag pansinin ang pagwawala ng kanyang alaga,
isiniksik sa isip na hindi puwedeng may mangyari dahil malaking bawal iyon...
Punas uli
ako... sa kanyang kaliwang hita, pababa sa kanyang binti at paa. Pagkatapos ay
sa kabila naman. Nanginginig ang aking kalamnan...
Ngunit lalo
lamang akong nalibugan noong patuloy ko pa ring napapansin ang pagwawala ng
kanyang pagkalalaki na tila nanunukso, nang-imbita. Hindi ito maalis-alis sa
aking isip.
Kaya’t noong
matapos ko nang punasan ang kanyang dalawang paa, ibinaling ko na naman ang
paningin ko sa kanyang harapan. Mistulang may malakas na kapangyarihang
nag-udyok sa akin na hawiin ang brief niya at punasan na rin ang kanyang puson
at ang parteng paanan ng kanyang pagkalalaki.
Hinawi ko
ang brief at tuluyang kumawala ang kanyang alaga. Nanggalaiti ito sa galit.
Dali-dali kong hinawakan iyon habang ang kabilang kamay ko ay patuloy pa rin sa
pagpupunas sa mabalahibong parteng paanan nito. Parang gusto ring magwala ng
aking isip habang hawak-hawak ko ang matigas at pumupintig-pintig niyang
sandata. Mataba ito, at may habang nasa halos 7 pulgada.
Ramdam ko
ang udyok ng aking isip na itaas-baba ang aking nakahawak na kamay sa kanyang
ari.
At iyon ang
aking ginawa. Ang sarap ng aking pakiramdam habang ginagawa ko iyon. Napahinto
ang aking isang kamay sa pagpunas at doon na nakasentro ang aking isip sa
pagtaas-baba ng isa kong kamay sa kanyang ari. At lalo pa akong nag-iinit noong
mapansing marahan niyang sinabayan ng pagindayog ang pagtaas-baba ng aking
kamay sa kanyang harapan.
Ngunit wala
pang 30 segundos, bigla din siyang umungol atsaka dumapa...
“Wow! Bad
trip!” sigaw ng isip ko. At napatigil ako. Syempre, hindi ko na maabot pa ang
kanyang pagkalalaki na naipit. At hindi ko rin alam kung gising ba ang diwa
niya at hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, o baka rin na ang pagtagilid niya
ay dala lang ng kanyang hilo kaya siya dumapa.
Nalito ang
isip ko. Gusto kong manuntok. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikiliti ako
sa ginawa ko, dagdagan pa ng hiya sa sarili dahil hindi ko matanggap na may
ganoon akong naramdaman.
Para rin
akong binatukan sa bigla niyang pagdapa, natauhan, at bumalik sa tamang
pag-iisip. Pilit kong itinaas uli ang brief niya, inayos, pinilit na iwinaglit
sa isip ang naramdamang init. Tinapos ko ang pagpunas sa katawan niya atsaka
binalutan na siya ng kumot. Hindi pa rin siya gumalaw.
Ibinalik ko
ang maliit na palanggana at tuwalya sa kusina at dumeretso sa shower. Naligo...
at doon ipinalabas ko ang tinitimping init sa sariling katawan...
Noong
matapos na akong maligo, bumalik na ako sa higaan at tumabi kay Aljun. Naka
brief lang din ko, walang damit pang-itaas. Hindi kasi ako sanay matulog na may
damit pang-itaas. At dahil queen size ang kama ko kaya maluwag pa rin ito kahit
dalawa kaming nagtabi.
Hindi ako
mapakali. Hindi dalawin ng antok. Pabaling-baling... Tatagild sa kaliwa,
tatagilid paharap sa kanya, titihaya... babalik na naman sa pagtatagilid,
iuunat ang mga paa, ang mga kamay... nag-iisip kung idadantay sa kanyang
katawan ang aking paa, o tatagilid ba sa kanya at yayakapin siya...
Wala...
Inatake ng matinding insomnia at pagkatuliro ang aking utak. At ang kalampag ng
aking dibdib, nakakabingi.
Maya-maya,
nagulat na lang ako noong siya mismo ang tumagilid paharap sa akin. Idinantay
niya ang isa niyang kamay sa aking dibdib habang ang isa niyang paa ay
idinantay din sa ibabaw ng mismong umbok ng aking pagkalalaki!
“Waaaaahhhhh!!!!!!”
sigaw ng utak ko. Hindi ako nagpahalata. Hindi gumalaw...
Dahil sa
pagtagilid niya, ang kanyang mukha ay halos madampi na rin sa aking leeg. Dinig
na dinig ko pa ang kanyang paghinga at naaamoy ko ang alak na galing sa kanyang
bibig.
Pinagmasdan
ko siyang maigi kung gising ba siya. Ngunit nakapikit ang kanyang mga mata na
tila himbing na himbing, inosenteng tingnan ang mukha.
Iginalaw ko
ang aking kaliwang braso upang isingit iyon sa ilalim ng kanyang ulo. Noong
isiniksik ko na ito, bahagya naman niyang inangat ang kanyang ulo upang bigyang
daan ang aking braso. Gising ba siya o unconscious lang ang pagpaubaya niyang
isingit ang aking kamay sa ilalim ng ulo niya? Ang katanungang iyon ang
nagpadagdag lang sa aking pagkatuliro.
Ngunit ano
pa man, may dalang tuwa pa rin ito sa akin...
“Syeeeetttt!”
Para kaming mag-asawa sa aming posiyon sa higaan. Inilingkis ang isa niyang
kamay sa ibabaw ng aking dibdib, ang paa niya ay nakapatong sa umbok ng aking
pagkalalaki samantalang ang aking braso ay ginawa niyang unan. Ansarap ng
pakiramdam!
Hindi ko
mapigilan ang sariling hindi tigasan. Gustong kumawala ang aking pagkalalaki na
dinaganan ng kanyang paa.
Subalit...
dedma lang siya. Himbing na himbing sa sobrang kalasingan.
Iyon na ang
huli kong natandaan.
Alas 7 na
noong magising ako. Nasa ganoon pa rin kaming posisyin ni Aljun. Himbing na
himbing pa rin siya. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Na-mesmerize na naman ako.
Napaka-guwao talaga niya. Ang ganda ng mga kilay na mistulang ang bawat hibla
ng buhok ditto ay isa-isang ina-arrange upang maporma ang isang linyang
nagpapatingkad sa ganda ng kanyang mga mata.
Muli na
namang nag-init ang aking katawan. Subalit bago pa man ako alipinin muli ng
matinding libog, ako na ang gumawa ng paraan. Dahan-dahan akong bumalikwas sa
higaan, nagsuot ng short, at dumeretso sa kusina.
Kumuha ako
ng hotdog sa ref, at ipinirito ang mga iyon. Nagprito na rin ako ng itlog.
Isusunod ko na sana ang pagprito ng kanin noong sa likod ko ay, “Ako na ang
magpatuloy niyan, Boss...”
Napalingon
akong bigla. Nasa likod ko na pala siya. “Syetttt!” Sigaw na naman ng isip ko.
Nakabrief lang siya at bakat na bakat ang malaking bulol sa kanyang harapan.
Marahil ay tinigasan din siya habang nagising at hindi pa ito humupa.
Napakaganda ng kanyang tindig, hunk na hunk at perfect ang proportion ng
kanyang katawan. Nakakalibog!
“Huwag mo
akong titigan boss! Matutunaw ako niyan!” ang dugtong niya noong mapansing
natulala na ako.
“G-ginulat
mo ako ah!” ang sambit ko na lang. “Kanina ka pa ba d’yan?”
“Ngayon
lang, kagigising ko lang po. Naamoy ko ang niluto mo at nahiya naman ako.
Sorry, hehehe. Nagulat kita.”
“Ok lang…
Kala ko may multo” Biro ko din. “Musta ang kalasingnan mo? Walang hang-over?”
“Masakit ang
ulo at katawan ngunit ok lang. Kaya ko pa naman.” Ang sagot niya. “Ako na
d’yan. Maligo ka na.” dugtong niya sabay tumbok sa kaldero at sinandok ang
laman niyon, inilagay sa malaking bandihadong inihanda ko na.
“Ako na...”
ang pagtutol ko. “Maligo ka na at hintaying matapos ako sa paghanda ng almusal
atska sabay na tayong kumain. Malapit na ito.”
“Hindi. Ako
ang dapat gumawa nito para sa iyo e. Bahagi ito ng assignment ko.”
“No-no-no-no-no!
Hindi ito kasali sa schedule. Bisita kita ngayon. Remember? Sa gabi ang duty mo
sa akin. At huwag mong kaltasan ang oras mo sa akin! Malilintekan ka!” ang biro
ko sabay hablot sa bandehadong hinawakan na niya...
Natawa na
lang siya ngunit hindi pa rin binitiwan ang bandihado. “ako na nga ang magprito
eh…”
Kaya hinila
ko ito. “Ako sabi. Akin na to!”
Ngunit
hinila rin niya. “Hindi nga. Ako na ang gagawa nito…”
Nag-hilahan
kami hanggang sa biglang, “Oppsssss!!!”
Nadulas ako
at sa pagnanais niyang saluhin ako, niyakap niya ako at pareho kaming bumagsak
sa sahig, nakatihaya siya at ako ay nakapatong sa katawan niya. Lapat na lapat
ang aming mga balat, ramdam ko ang ang init ng kanyang katawan, at halos
naririnig ko na rin ang kabog ng kanyang puso.
Gusto kong
matawa ngunit pinigilan ko ang sarili sa nakitang ang mga kanin ay nagkalat sa
sahig at sa mga katawan namin pati na sa mukha at buhok niya.. Ngunit siya pa
itong sinisi ko. “Ikaw kasi eh.. ang kulit mo!”
“Ako pa
ngayon ang makulit. Ikaw nga itong ayaw paawat e... Kung hinayaan mo na lang
sana ako, e hindi sana nasayang ang pagkain.” sagot naman niya.
“E... paano
na yan, wala na tayong pagkain?” tanong ko.
“E, di
pulutin na lang natin. Tayong dalawa lang naman ang kakain e.”
Tawanan.
Tahimik.
Nagtitigan kami. Isang minuto, dalawang minoto, tatlong minuto, apat, lima...
“Shiitttttt!”
sigaw ko na naman sa sarili. Para akong matutunaw sa kanyang mga titig. “Huwag
mo akong akitin, tangina ka!!!” sigaw ng isip ko. Iba kasi ang titig niya.
Parang may malalim na katanungan, parang may ibig ipahiwatig.. “Bakit ganyan ka
kung makatitig?” ang naitanong ko na lang.
“W-wala....”
sagot niyang nakangiti.
“Anong wala?
Mayroon e.”
“M-meron
nga...” ang pag-amin din niya.
“Huh!” ang
gulat ng isip ko. Baka kasi tinablan na siya sa akin at magpahayag na sa
kanyang naramdaman! “A-ano iyon?” ang sagot ko. Excited!
“W-wala ka
bang balak na umalis d’yan sa pagkakadagan mo sa akin?”
“Toinks!!!”
Parang iyan ang narinig ko bigla sa aking isip. Feeling ko pulang-pula ang
aking pisngi. Parang hinataw ang aking ulo. Oo nga naman. Akala ko nakyutan
siya sa pakikipag eyes-to-eyes sa akin habang ako ay nakapatong sa kanya. At
ang nasagot ko na lang ay, “Ay... sorry!” At agad din akong tumayo.
Wala...
Biglang bumaba ang excitement meter ng aking puso. Pinulot na lang namin ang
kanin na nagkalat sa sahig, pati sa mukha niya at ibinalik ang mga iyon sa
bandihado. Hinayaan ko na ring siya ang magprito nito habang ako ay naghanda sa
lamesa.
Parang hindi
ako makapaniwala sa mga pangyayari. Naninibago ako sa routine... at sa
nangyaring iyon. Kung dati ay nag-iisa lang ako at pabalikbalik ang routine
ngunit kontento na ako, sa araw na iyon, parang hindi lang ako kontento kundi
may dulot pa itong extra saya at excitement.
“Ang sarap
pala ng mga pulot na kanin at ipinirito no?” biro niya noong makakin na kami.
Hindi pa rin kami nakadamit, siya ay naka-brief pa rin. Cowboy ba ang dating.
Parang mga barakong gutom na gutom at walang paki sa mga courtesy sa
hapag-kainan. Pati mga paa naming ay nakaangkas sa upuan. Kamayan pa sa
pagkain.
Nagmamadali
din kasi kami gawa nang may klasae ako sa umaga at siya ay may meeting sa mga
school administrators daw sa alas 8:30.
Bagamat
Masaya ang setup naming pero sa loob-loob ko, kinabahan ako na baka natandaan
niya kung ano ang aking ginawa sa kanyang pagkalalaki at biglang buksan niya
iyon sa usapan.
Hanggang ang
usapan ay napunta nga sa nangyari sa nakaraang gabi. “Boss... sorry talaga
kagabi ha? Ang totoo, hindi ako umiinum ng hard drink e. Iyon pa lang ang
pinakauna kong pag-inum, at dahil sa iyo. Akala ko kasi kaya ko, ang tindi pala
ng epekto ng Johnny Walker black label! Pasensya ka na talaga...”
“Ah...
talaga? First time? Ibig sabihin niyan hindi mo na ako malilimuitan...”
“Natawa
siya. Paano ba kita malilimutan. Heto ang pinakauna kong maging ‘slave’ at
marami pang oras na bubunuin ko sa iyo...”
“Ako din
naman. First time kong maging master. Ansarap pala. Pero huwag kang mag-alala,
mabait akong master.”
Tiningnan
niya ang mukha ko at binitiwan ang isang pamatay na ngiti. Napa-“Shitttt!” na
naman ako sa isip lang. Ang ganda kasi ng ngiti na iyon. Parang may dalang
mensahe.
Tahimik.
Yumuko na
siya at ipinagpatuloy an gpagkain. “Nakakahiya iyong nangyari sa akin kagabi...
tapos ikaw pa ang nagpunas sa akin... Dapat ako ang mas matatag, ang nag-aalaga
sa iyo...”
“S-sandali…”
ang pag react ko kaagad. Kinabahan kasi ako. “A-alam mong pinunasan kita?”
“Oo naman.
Hilong-hilo lang ako noon ngunit nahirapan akong makatulog. Umiikot ang aking
paligid at latang-lata ang aking katawan”
Tahimik uli.
Sumingit kasi sa aking isip ang aking ginawa sa kanya sa gabing iyon, lalo na
iyong paghawak at ang tangkang paglaro ko sa kanyang pagkalalaki. Hiyang-hiya
ako sa sarili, Nakonsyensya sa aking ginawa.
“Ba’t bigla
kang natahimik?” tanong niya.
“Wala... may
naalala lang ako” sagot ko.
“Ah... Ok.”
Noong
matapos na kaming kumain, nauna na siyang naligo. “Boss... wala kang maisusuot
ngayon dahil puro suka ang t-shirt at pantaloon mo. Isuot mo na lang itong
t-shit ko at pantalon. May brief din ako, slightly used kung ok lang gamitin
mo.” Biro ko
“Second hand
brief?” Natawa siya. “Ok lang iyan basta galing sa master ko” bawi din niya.
“Hmmmm!
Bolero ka! At dalian mo d’yan dahil ako ang susunod. Ma-late na tayo.” Sambit
ko. Ngunit may pahabol pa ako. “Nagjakol ka d’yan ano?”
“Paano mo
nalamang nagjakol ako? Ang alam ko may nagjakol dito kagabi eh... Joke!!!” Bawi
niya.
“Amffff!!!”
Sa isip ko lang. “Hindi na magandang biro iyon huh!” Narehistro na tuloy sa
utak ko na 100% alam nga niya ang aking ginawa sa kanya sa nakaraang gabi at
ang pagpaparaos ko sa bathroom.
Hindi na ako
umimik. Iyon bang parang napikon.
“O... ba’t
di ka na sumagot?”
“Dalian mo,
late na tayo! Maliligo pa ako” sambit ko na lang.
“E di halika
na! Sabay na tayo para makatipid sa oras!” sigaw niya.
“E... dalian
mo lang hihintayin kitang matapos!!”
“Awts
matagal akong maligo! Lika na!!! Ma-late na tayo! Huwag kang mahiya.”
“Ayoko nga!”
“Bat ka
mahihiya? Pareho naman tayong lalaki?”
“Amffff
talaga ng taong ito!” sa isip ko lang. Ngunit nagdadalawang isip man, sumunod
na rin ako sa bathroom. Ewan, hindi ko rin kayang labanan ang makapangyarihang
udyok ng aking isip.
At wala na
akong nagawa kundi ang hubarin ang lahat ng saplot sa aking katawan at pumasok
na ng shower.
Noong makita
niya ang pagpasok ko, nagbigay daan siya para ako ang mabuhusan ng tubig.
Pumuwesto siya sa gilid, kinuha ang sabon at ikiniskis iyon sa kanyang katawan.
Walang imikan.
Para kaming dalawang Adan sa aming postura... tanging ang ingay ng pagbagsak ng
tubig lamang ang aking narinig. Parang hindi magkakilala. Nagkahiyaan.
Maya-maya,
nagsalita siya. “G-gusto mo hilurin ko ang likod mo? Boss...?”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment