By: Mikejuha
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
WARNING:
This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
Author’s
Note:
"Libre
po ang magbasa. Libre din po ang magrepost. Huwag lamang pong angkinin ang
kuwento na pinaghirapan ng tunay na may akda."
-Mikejuha-
----------------------------------------------
[21]
Habang
papalapit na ang graduation ni Aljun, pinaghahandan na rin ang kasal na
gaganapin kinabukasan at sa lungsod nila.
Simple lang
ang pinagkasunduan nilang plano sa kasal: sa simbahan gaganapin, walang
masyadong preparasyon at piling-pili lamang ang mga bisita. Ito kasi ang hangad
ni Aljun dahil kinabukasan pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay tutungo ang
pamilya sa Canada. Kumbaga, tatlong araw na sunod-sunod ang mga kaganapan sa
buhay ni Aljun: graduation, kasal, at ang pag-alis nila ni Kristoff patungong
Canada.
At malaking
“Ouch!” iyon para sa akin. Ngunit naisip ko rin na makabubuti din ang pg-alis
ng mag-ama. Kasi, bagamat napakasakit nito, mabilisan lang. Kung pagpipiliin
ako kung sa pagsasaksakin ako at mamatay agad sa isang oras, mas pipiliin ko
iyon kaysa matagal nga akong mabubuhay ngunit unti-unti naman akong pinapatay.
Doon na ako sa isang beses na mabilisan lang ang sakit.
Anyway,
kinuha si daddy na isa sa mga sponsors. Hindi lang dahil hiniling ko ito kundi
napamahal na rin kasi si Aljun kay daddy na palaging kalaro niya sa lawn tennis
at dahil na rin kay Kristoff. Sa pamamagitan nito, magkakaroon pa rin ng
connection ang daddy sa bata; may ceremonial bond pa rin siya sa pamilya. Ibig
sabihin, kahit papaano, lolo pa rin ni Kristoff si daddy.
At ako ang
best man ni Aljun. Obvious naman siguro. Sa totoo lang, hindi ko nai-imagine
ang sarili na magiging best man sa isang taong aking minahal. Kahit naman
siguro sino, napakasakit. Ewan ko lang din kung kakayanin ng iba. Ngunit dahil
na-kundisyon ko na ang utak kong pag-aralan at pilitin ang sariling tanggapin
ang lahat ng maluwag sa kalooban, kaya kakayanin ko talaga ito at panindigan.
Atsaka, kapag best man ka ng groom, ang role mo sa kanya ay isang sandalan
kapag kailangan niya ng karamay sa mga problema sa buhay. Best buddy, best
friend a shoulder to lean on... Bagamat sa panalangin ko na lang madadaan ang
kung ano mang suporta ko sa kanya dahil kapag natuloy ako sa pagka-monghe, wala
nang pagkakataong makakapag-usap pa kami...
Habang
hinihintay namin ang nabanggit na dalawang malalaking kaganapan sa buhay ni
Aljun, wala namang nagbago sa set up namin. Kami pa rin nina Aljun at Kristoff
ang nagsasama sa sa flat habang si Emma ay sa isang hotel tumira. Naintindihan
naman daw ni Emma ang kalagayan namin, lalo na ang kalagayan ko. Habang hindi
pa raw sila kasal, hayaan lang daw niyang kahit papaano, magkakaroon pa rin
kami ni Aljun ng private moments sa mga nalalabing araw na “single” pa si
Aljun. Ok lang daw sa kanya. Hindi daw siya ganyan ka possessive. At ayaw din
niyang sirain ang nakasanayan namin lalo nang sa mga araw na iyon kung saan
busy na si Aljun sa mga final examinations at requirements para sa graduation.
Isa iyon sa mga bagay na ikinatutuwa ko rin ay Emma. Sobrang understanding.
Habang
papalapit na ang takdang araw, pakiramdam ko ay isa akong taong may taning na
ang buhay. Binibilang ang bawat oras, ang bawat paglubog ng araw. At sa bawat
paglubog nito, pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti-unting nauupos,
natutunaw. Ang sakit, ang lungkot...
Pati si
Kristoff ay marami na ring tinatanong; tungkol sa kasal ng papa niya, kung
kasama ba ako sa pagpunta nila sa Canada, kung ganoon pa rin ba kami ng papa
niya na natutulog sa iisang kuwarto, kung makikita ba uli niya ang lolo niya…
Mahirap
ipaliwanag ngunit pinilit kong sabihing mag-iiba na ang buhay namin; na hindi
ako kasama sa pagpunta nila sa Canada dahil mag-aaral pa ako, at ang lolo niya
ay bagamat maaring pupunta sa Canada ngunit baka hindi ganoon kadalas.
“Malayo po
ba ang Canada papa Jun?”
“Ah... oo
malayong-malayo iyon.”
“Hindi na po
ako ipapasundo ni lolo kapag malayo iyon...?”
“Si lolo mo
ang pupunta doon. Kasi nagpupunta naman talaga ang lolo mo doon paminsan minsan
e.”
“E kayo
po... hindi na po kita makikita?”
Mistula na
namang piniga ang aking puso sa tanong na iyon ni Kristoff. “Ah... p-punta din
si siguro ako doon pagkatapos ng pag-aaral.” ang naisagot ko na lang.
“Ay, ayoko
po. Malayo pa iyon. Ayoko pong sumama kay papa. Dito na lang po tayo papa Jun.
Gusto ko dito na lang mag-aral kasi po, alam ko na dito, marami po akong
kaibigan dito at gustong-gusto po ako ng mga teachers ko dito. Ayoko po sa
Canada.”
“Maganda
kapag nandoon ka sa Canada upang maging mas maganda ang buhay mo.
English-speaking ka kapag nandoon at may snow pa doon.”
“Ah, ayoko
ng snow. Marunong naman ako mag English e. Basta, papa Jun, ayoko doon. Dito na
lang po ako sa inyo at kay lolo, atsaka kay lola ko po sa bukid.”
“Ang kulit
kulit talaga ng baby Kristoff ko.” ang nasambit ko na lang sabay talikod sa
kanya at tumbok sa kuwarto, iniwasang makita niya ang pagpatak ng aking luha.
Napaka-inosente kasi ng bata. Walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa
kanyang paligid. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag na ang lahat ay para sa
kinabukasan niya, para kabutihan niya, para mabuo ang pamilya niya, para
magiging normal ang takbo ng buhay niya... “Manood ka lang muna na TV d’yan
ha?”
At doon sa
kwarto ko hinayaang pumatak ang aking mga luha.
Ang mommy ko
naman ay text nang text sa akin at ipinaalam na nalulungkot nga daw ang daddy.
Syempre, naawa ako. Sa pagsulpot ni Kristoff sa buhay niya lang kasi nakita ko
ang daddy na sumigla ang buhay. Ngunit wala akong magagawa. Hindi namin
kontrolado ang lahat.
Ganyan
talaga siguro ang buhay... masalimuot. May pera nga ang daddy ngunit may mga
bagay na hindi niya kayang bilhin. Ako... may hitsura, hinahangaan, maraming
nagka-crush ngunit hindi rin masaya sa pag-ibig. Maraming tao ang nagmamahal sa
akin ngunit ang nag-iisang taong mahal ko ay iba ang nagmamay-ari. Halos
nakukuha ko ang lahat ng gusto ko ngunit ang kaisa-isang bagay na ninanais ko
sa buhay ay hindi ko kayang abutin... Ang gulo!
Biyernes
iyon ng gabi bago ang araw ng graduation ni Aljun. Naisipan naming kumain sa
labas, sa paborito naming kainan, ang restaurant na nakalutang sa dagat. Dahil
si Kristoff ay ipinasundo ng lolo niya, gusto ring maka-bonding ang apo bago
sila tuluyan maghiwalay, kaya may private time kaming dalawa ni Aljun.
Malungkot
ang tagpo naming iyon. Iyon na marahil ang pinakamalungkot naming bonding.
Imagine, dalawang araw na lang at hindi na kami magkikita pang muli.
Tama nga ang
sinabi sa akin ng isang kaibigan. Ang buhay daw ng isang tao ay mahalintulad sa
isang paglalakbay. Sa bawat destinasyon na ating marating, may mga tao tayong
makikilala. Ang iba sa kanila ay mabilis na maglaho ngunit ang iba naman ay
mananatiling bahagi ng ating buhay. Ang iba ay makapagbigay sa atin ng aral o
dagdag-kaalaman, at ang iba ay mag-iwan ng sakit sa ating puso. Ngunit may iba
rin na bagamat makakasama lang ng panandalian subalit ang hatid na dulot nila
sa ating buhay ay mag-iwan ng bakas na gusto nating balik-balikan...
Siguro ay
advanced lang akong mag-isip. Para kasing sa mga oras na iyon ay wala na sya sa
aking piling at ang kasama ko sa malungkot na bonding na iyon ay ang kanyang ala-ala
na lamang.
Habang
nag-order kami ng makakain, ramdam ko ang tension na namuo sa pagitan naming dalawa. Tahimik,
malungkot ang kanyang mukha at kitang kita sa aming mga kilos at galaw ang tila
kawalan ng gana.
Gusto kong
sabihin sa kanya na 70 short hours na lang ang nalalabi bago tuluyan na siyang
mapalayo sa akin at maghiwalay ang aming landas. Gusto kong ipadama sa kanya na
baka iyon na rin ang huling pagkakataon namin sa lugar na iyon, na paborito pa
naman naming kainan.
"Graduation
mo na bukas... At summa cum laude ka pa.” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Ngunit hindi
niya pinansin ang sinabi ko. Ibang topic ang binuksan niya. “Sigurado ka na ba
talagang papasok sa monasteryo?”
Tumango ako.
Binitiwan
niya ang malalim na buntong-hininga, ibinaling ang paningin sa kalawakan ng
dagat.
Tahimik.
“H-hindi ba
pwedeng huwag na lang? Nandito naman ako. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating
relasyon kahit kasal na ako kay Emma...”
Ewan. Para
akong nabigla sa kanyang proposal. Hindi ko alam kung matuwa o intindihin na
lang ang pagkalito ng kanyang isip. “Ayoko sa ganoong setup boss. Magulo iyan.
At kawawa naman ang magiging pamilya mo...” ang sagot ko na lang.
Hindi siya
nakaimik.
Naalala ko
ang binili kong isang gold na crucifix pendant na ang tali ay itim na
bibiluging tila isang sintas ng sapatos. Dinukot ko ito sa aking bulsa.
“Ingatan mo ito boss... Ito ang magsilbing alaala mo sa akin habang nasa loob
ako ng monasteryo.” At inabot ko ito upang maisukbit sa kanyang leeg.
Bahagya
naman niyang inilapit ang kanyang katawan atsaka yumuko upang tuluyang
maisukbit ko ito sa kanyang leeg. “Palagi mong tandaan boss... mahal na mahal
kita. Ikaw ang kauna-unahang taong minahal ko at ikaw na rin ang huli kong
mamahalin. Isasara ko na ang puso ko; upang habang may buhay pa ako, tanging
pangalan mo lamang ang isisigaw sa bawat pagpintig nito.”
Tinitigan
lang niya ako, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang namumuong mga luha. Noong
hinaplos ko ang kanyang mukha tuluyang pumatak ang mga ito sa aking kamay.
“S-sana...
dalawa ang katauhan ko…” ang nasambit lang niya.
“Sana nga…
Ngunit iisa lang boss. At iyan ang masakit na katotohanan. Kaya, huwag mo na
akong isipin pa. Kaya ko naman e. At least sa akin, wala akong habol sa iyo.
Walang nawala sa akin. Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ko na nabigyan mo
ako ng kasiyahan, ng opportunity na makilala ka, na maging bahagi ng aking
buhay, na maging kaibigan ang isang Aljun Lachica at maranasan ang pagmamahal
mo… kahit sa sandaling panahon lamang. Masaya na ako doon boss. At dapat akong
magpasalamat sa mga unang karanasan ko sa iyo; sa mga napakamasalimuot na ilang
buwan nating pagsasama.”
Hindi pa rin
siya kumibo. Kitang-kita ko pa rin ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi
habang ibinaling niya ang kanyang mukha sa lawak ng dagat.
Alam ko
naman. Nahirapan siya sa kanyang kalagayan. Naawa siya sa akin ngunit may
pananagutan siya kay Emma na alam kong may puwang pa rin sa kanyang puso. At...
may responsibility din siya kay Kristoff at sa magiging pangalawa nilang anak.
“Huwag mo na akong intindihin boss. Ok lang ako promise.” ang sambit ko bagamat
hindi ko rin napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.
“Di ba sabi
ng paring monghe na kung may kahit kaunting pag-aalangan sa sisip mo ay huwag
ka nang tumuloy sa monasteryo?”
Tiningnan ko
lang siya. Nakuha ko kasi kung ano ang ibig niyang tumbukin.
“Wala bang
kahit na kaunting pag-aalangan d’yan sa isip mo ngayon?”
“Mayroon...”
ang deretsahan kong sagot.
“Pwes bakit
ka pa tutuloy?”
“Dahil sa
ngayon lang ito. Ngunit kapag nakasal ka na; kapag wala ka na... mawawala na
rin ito.” Ang sagot ko.
Natigilan
siya. “P-paano kung babalik ako sa iyo?”
“Kapag
bumalik ka at nasa loob na ako ng monasteryo, huli na ang lahat. Hindi na ako
puwede pang lumabas.”
“P-paano
kung hindi ako tutuloy sa pagpapakasal?”
“Ano ang
sasabihin ng mga tao tungkol sa akin kung ako ang magiging dahilan ng iyong
pag-back out?”
“Di ba...
napagkasunduan nating hindi dapat maging basehan ang kung ano man ang sasabihin
ng mga tao sa gagawin nating desisyon?”
“Ayokong ako
ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay ng dalawang walang kamuwang-muwang
na mga bata boss...”
Hindi na
siya nakakibo pa. Ibinaling niya uli ang paningin sa dagat.
Maya-maya,
kumuha ako ng song book at pinatugtug ang videoke. Kinantahan ko siya. Pinilit
ang sariling buuin ang pagbigkas ng mga lyrics at hindi mabasag ang aking boses
bagamat walang patid pa rin ang pagdaloy ng aking luha.
I try over
and over again
Keepin' on
to a day when it ends
But there
does'nt seem to be any answer left for me
I go over
and over it all
Every detail
I dont need recall
But there
does'nt seem to be any answer left for me
Just the day
and the night and the thought of what we used to be
Never knew a
day could be so long
Never knew a
love could be so wrong
Never
guessed that from such joy
Would come
this hurt
So I take to
a road paved in green
I'll return
when i wake from this dream
But the pain
does'nt leave
The distance
makes it grow
All I have
are the ashes
And once
more spark from your glow
Please dont
stop remembering
Even though
im not there
My mind
knows you've gone
But my heart
does'nt care
Oh please
dont stop remembering
Though time
fades away
The love
still lives on
And memories
stay
Now I live
in a place by the sea
It took time
but I set myself free
And I’m
starting to feel that I’m not such a fool
Cause I know
that i tested the ledge
I almost
over the edge
But life is
worth so much
So I go on
With the day
and the night and a dream
And I Still
got my song
Please don’t
stop remembering
Even though
I’m not there
My mind
knows you've gone
But my heart
doesn’t care
Oh please
don’t stop remembering
Though time
fades away
The loves
still lives on
And the
memories stay
Oh Please
don’t stop remembering
Even though
im not there
My mind
knows you've gone
But my heart
does'nt care
And if by
chance you see me
Well I'll
smile and say hi
You think I
look fine
But I’m
weepin inside
Please don’t
stop remembering
Even though
im not there
My mind
knows you've gone
But my heart
does'nt care
Oh please
dont stop remembering
Though news
may go by
The love
still lives on
And memories
fly
Pagkatapos
kong kumanta, siya naman ang pumili ng kanta at kinanta...
Ipagpatawad
mo, aking kapangahasan
Hinihiling
ko, sana’y maintindihan
Alam kong
kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit
parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad
mo, ako ma’y naguguluhan
‘Di ka
masisi na ako ay pagtakhan
‘Di na dapat
ako pagtiwalaan
Alam kong
kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit
parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad
mo, minahal kita agad
Aah, minahal
kita agad
Aah, minahal
kita agad
Ipagpatawad
mo, oh hoh
Oh…hoh, woh…
(Minahal
kita, aah)
(Kay
tagal-tagal aah)
Sana nama’y
ipagpatawad mo
Ang malabis
na kabilisan ko
Ngunit ang
lahat ng ito’y totoo
(Ipagpatawad
mo)
Aah minahal kita
agad...
Sa araw ng
graduation, ako, si Kristoff at ang inay ni Aljun ang pamily niya. Hindi dumalo
si Emma kasi may pamahiin daw na sa araw bago ang kasal, hindi dapat magkita o
magsama ang ikakasal. At naniwala naman daw si Emma dito. At imbes na sa
graduation siya pupunta, sa pagawaan na lang ng kanyang suot pagkasal.
Napag-usapan na daw nila na ako ang dadalo sa parte ni Emma at bilang bahagi ng
pamilya ni Aljun.
Syempre, na
appreciate ko naman din iyon, na walang tutol si Emma na ako ang magrepresenta
sa kanya na dumalo bagamat may tanong din ang isip ko na parang hindi yata tama
na wala siya doon. Noon ko lang naman kasi narinig ang ganyang pamahiin.
Sa loob ng
graduation hall, bakas sa mukha ng mga tao ang ibayong saya et excitement.
Pakiwari ko ay ang lahat ng mga tao ay sobrang saya ang naramdaman maliban lang
sa akin. Ang stage ay puno ng mga palamuti na parang perpekto ito sa ganda at
preparasyon. Ang mga magulang at kaanak ng mga garaduates ay may kanya-kanyang
dalang mga naggagandahan at nagbabanguhang corsage at garlands kung saan ang
magkahalong bango ng kalatchichi, rosal, at sampaguita ang nanaig. Hindi ko
malilimutan ang bangong iyon....
Sobrang
proud ako noong makita ko si Aljun, suot ang kanyang toga na nagmamartsa kasama
ang mga kapwa niya graduates habang nagpalakpakan ang mga tao. Nasabi ko tuloy
sa sarili ko na ang suwerte-swerte talaga ni Emma. Kasi, hindi lang guwapo si
Aljun, matalino pa, mabait, at may anak silang kasing bait at talino din.
At habang
pinagmasdan ko siya, hindi ko maiwasan ang pamumuo ng aking luha, Iyon bang
feeling na nadoon na sana, akin na sana siya ngunit may malaking hadlang kaya
hindi ako puwede. At naisip ko rin ang na kasal niya kay Emma kinabukasan, at
ang pag-alis nilang mag-ama patungong Canada.
Hindi ko na
napigilan pa ang mga luhang tila ay may sariling buhay na kusa na lang
nagbabagsakan galing sa aking mga mata...
“Papa Jun,
umiiyak ka po ba?” Ang sambit ni Kristoff na nakakandong lang sa akin. Nakita
kasi niyang basang-basa ang aking mga mata at nagpahid pa ako ng luha.
“H-huwag
kang maingay. N-natutuwa lang ako dahil graduate na ang papa mo eh...”
“B-bakit ka
umiiyak kung natutuwa ka?” ang inosenteng tanong ni Kristoff.
“Pag
sobra-sobrang tuwa mo, umiiyak ka rin ah.” Ang pag-aalibi ko pa.
“Alam ko
naman kung bakit ka umiyak eh.”
“H-ha?
Bakit?”
“Kasi bukas
ikakasal na si papa atsaka sa sunod na araw, aalis na rin kami papuntang
Canada...”
At sa
narinig ko, tuluyan ko na lang na hinyaan ang pumatak nang pumatak ang aking
mga luha. Niyakap ko ang bata ng mahigpit. Tinalo ang hiyang naramdaman ko na
makitang sa ganoong pag-iiyak sa matingding lungkot sa pagparamdam sa akin ng
bata na alam ang aking saloobin. Hinahalik-halikan ko na lang ang ulo ni
Kristoff.
“Tama ka
Kristoff.. tama ka.” Ang bulong ko sa kanya. “Ma-miss ko ang papa mo at ma-miss
din kita.”
“Huwag na po
kayong umiyak papa Jun. Hindi naman ako sasama sa kanila eh... Dito lang ako sa
iyo. Atsaka kay lolo.”
“Ma-miss mo
rin ba ang lolo mo?”
“Opo.”
“Ngunit sila
ang mga magulang mo, Kristoff. Sila ang mas may karapatan sa iyo...”
“Ah...
basta. Ayoko pong sumama sa kanila. At kapag pinilit nila ako, sasabihin ko kay
papa na umuwi na kami sa iyo. Ayaw ko po doon sa Canada papa Jun. Gusto ko po
dito. Ma-miss po kita at si lolo.”
“O sya....
sabihin mo na lang kay papa Aljun mo iyan kapag nasa Canada na kayo...” ang
sagot ko na lang upang matapos na ang kanyang pangungulit.
Noong
isa-isa nang tinawag na ang mga graduates, halos babagsak naman ang buong
gymnasium sa ingay ng palakpakan at hiyawan noong pangalan na ni Aljun ang
tinawag. “Mr. Aljun Lachica, summa cum laude!!!”
“Ang daming
pumalakpak kay papa!” sambit ni Kristoff.
“Oo naman.
Pinakamatalino ang papa mo sa lahat e. Kagaya mo.” Sagot ko.
“Matalino pa
si papa kaysa sa akin?” ang nakakatuwang tanong ng bata.
“Hmmmm. Oo.
Kasi mas matanda siya kaysa sa iyo.”
“Sana ganyan
din ako kay papa. Para pag tinawag na ang name ko, madami ding pumapalakpak.”
“Di ba last
week noong closing ng nursery school, madami ding pumalakpak sa iyo dahil ikaw
ang may first honors? At accelerated ka kaagad sa Grade 1!”
“Mga bata po
naman iyon e... atsaka kaunti lang ang mga tao. Kay papa madami...”
Natawa naman
ako. “Di bale... pag laki mo, ganyan ka rin kay papa mo. O sya, tahimik na tayo
at mag-speech na ang papa mo.”
At nagsimula
nang magsalita si Aljun. Una, kino-congratulate niya ang mga kapwa estudyante.
At habang isinigaw ni Aljun ang salitang “CONGRATULATIONS TO ALL OF US,
GRADUATES OF BATCH 2011!!!!” hiyawan ang lahat at nagpalakpakan.
Sinundan
niya iyon ng seroyosong pagpapasalamat sa maykapal. Pagkatapos ay ang
pasasalamat niya sa kanyang ina na pinuri din niya ang kabaitan,
pagkamaalalahanin, supportiveness, katapangan na sa pagtaguyod sa pamilya nila
bagamat single mother lang ito. Nagpasalamt din siya sa kanyang mga professors,
administrators at lahat ng teachers at perrsonnel ng university, sa mga
kaibigan at tagasuporta niya (na nagpalakpakan muli at nag hihiyawan noong
nabanggit sila). At ang pinakahuli niyang binanggit ay si Kristoff na
pinangalanan niyang kanyang little angel at dahilan upang magpursige siya sa
kanyang mga adhikain at pangarap. “Kristoff gave me the reason to pursue my
dreams; he is the source of my happiness.” Ang sabi niya. At ang pinakahuli niyang pinasalamatan ay ang
ina ng kanyang anak, si Emma.
May kirot
akong nadarama sa aking puso sa hindi niya pagbanggit ng pangalan ko, lalo na
pinasasalamatan pa niya talaga ang ina ni Kristoff. Ngunit, inintindi ko na
lang kasi, napag-isip-isip ko na nakakahiya naman din sigurong banggitin pa
niya ako. Alam ng mga tao ang relasyon namin, alam nila ang kuwento ng pag-ibig
namin, at naisip din siguro niya na hindi akma na isingit at banggitin pa ang
panglan ko, lalo na may mga estudyante na ring nakaalam na ikakasal na siya kay
Emma sa susunod na araw.
Nagpatuloy
siya, “It is a sad thing that after sometime being here, we will be bidding our
final adieus to our alma mater. This is a mixed feeling on our part because on
one hand, there is the happiness of having succeeded in our scholastic
endeavors. But on the other hand, there is also the pain of leaving behind the
treasured friendship and the shared moments. It’s like being “Torn Between Two
Lovers”, as a song goes; one love is for the future, and the other, for the memories
we all wil be leaving behind. But as there is no other way but move forward,
‘Smile Though Your Heart Is Aching’, as another song goes.
There are
many ‘goodbyes’ in life. Some of them happen because people want them; some,
because circumstance compels them to happen. But whether they are for good or
for temporary, all “going-aways” are bittersweet.
Life is a
‘Constant Change’, so another song goes. In life, nothing is permanent. There
is a time to say ‘Hello’ and a time to say ‘Goodbye’. We bid goodbyes to
places, to people, to fond moments, to friends and loved ones... One time or
another in a man’s life, he moves from place to place, meets people, and
establishes relationships. And after a while, when he moves again to a new
place, he bids goodbye to the people in whose friendship and camaraderie he had
learned to treasure. Then again, he meets new faces, new friends, new
relationships. This cycle goes on and on for as long as man aims for a higher
goal, or strives for a greater happiness or value, or simply adjusts to the
changing needs of time. Goodbyes therefore, are an inevitable part of life. And
as man overcomes hurdles in this cycle of hellos-and-goodbyes, he becomes
wiser, better, and stronger person. Nothing is indispensable to change; not even
the greenness of the mountains; the depth of the oceans, nor the immensity of
the universe. Even butterflies undergo metamorphosis before they soar freely
through the air.
For many of
us graduates, this change maybe abrupt, if not difficult to tackle. There is
the fear of the unknown, the fear of heights, the fear to fail, the fear to be
rejected, and the fear to fall short from the expectations of loved ones. But
the good thing about change is that there is always something new to begin
with. There are unchartered frontiers to find, feats to reach, and things to
discover. Whichever road we take from here, there are hard works to do, huge
amount of courage to bear, and strong determination to rise above the
challenges. But if one has prepared himself for the proverbial ‘rainy days’
there is nothing much to worry. In this university, our professors prepared us
to face storms, sail through tough seas, and deal with life’s struggles. We
learned that in order to get to the top of our ambitions, we need to do our
best; to work hard, and get armed with the right values. If we have all what it
takes to persevere, then nothing can prevent us from succeeding no matter what
the costs, no matter how many times we have fallen. We will get there...
So to all of
us, graduates, the best of luck. Today, we’ve completed one milestone in our
lives. We have bid one painful goodbyes to places, people and fond moments, but
another threshold is waiting to be unraveled and a new door is opened. Let us
embrace them. Let us give them our best shots, rise above the challenges, and
be the best persons that we can be. Then maybe a time will come when we would
all look back and discover that over time, we’ve learned so many lessons,
overcame obstacles, touched lives, made friends, loved someone, built or
achieved something, conquered dreams, and, finally became the person that we
always wanted. It’s not far off. The future is ours for the taking…
Again,
congratulations to all of us! Thank you and... GOOD BYE!”
Naantig ako
sa kanyang speech. Nakarelate kasi ako. Bagamat hindi pa ako graduate sa
unibersidad na iyon ngunit dahil kagaya niya ay iiwanan ko na rin ang paaralan,
at ang mga matatamis na mga ala-ala sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Kaya isa din ako sa mag maggo-goodbye at haharap sa threshold na sinasabi niya,
isang panibagong yugto at pagsubok sa aking buhay.
Nagpalakpakan
na ang mga tao. Ang buong akala namin ay tapos na ang speech ni Aljun. Ngunit
nagsalita pa itong muli. “This is a little unconventional but allow me express
my deepest and greatest appreciation and gratitude to the one person, an angel
in disguise sent from above; the person who has brought out the best in me, who
stood by me thruogh thick and thin, and helped me discover the beauty of life.”
At dali-daling tumakbo ito sa gilid ng stage at noong bumalik ay dala-dala ang
gitara.
Pumuwesto
uli siya sa harap ng mikropono. Noong tinipa na niya ang kanyang gitara,
nagsalita siya. “To my boss, Mr. Gener Flandez, Jr... thank you for the short
but best moments that you shared with me. Thank you for coming into my life.”
atsaka kumanta.
And as I
look into your eyes,
I see an
angel in disguise
Sent from
God above for me to love,
To hold and
idolize
And as I
hold your body near,
I'll see
this month through to a year
And then
forever on till life is gone,
I'll keep
your loving near
And now I've
finally found my way,
To lead me
down this lonely road
All I have
to do is follow you,
To lighten
off my load
You treat me
like a rose,
You give me
room to grow
You shone
the light of love on me,
And gave me
air so I can breathe
You open
doors that close,
In a world
where anything goes
You give me
strength so I stand tall,
Within this
bed of earth
Just like a
rose
And when I
feel like hope is gone,
You give me
strength to carry on
Each time I
look at you there's something new,
To keep our
loving strong
I hear you
whisper in my ear,
All of the
words I long to hear
Of how
you'll always be here next to me,
To wipe away
my tears
And now I've
finally found my way,
To lead me
down this lonely road
All I have
to do is follow you,
To lighten
off my load
You treat me
like a rose,
You give me
room to grow
You shone
the light of love on me,
And gave me
air so I can breathe
You open
doors that close,
In a world
where anything goes
You give me
strength so I stand tall,
Within this
bed of earth
Just like a
rose
And though
the seasons change,
Our love
remains the same
You face the
thunder,
When the
sunshine turns to rain
Just like a
rose,
You treat me
like a rose,
You give me
room to grow
You shone
the light of love on me,
And gave me
air so I can breathe
You open
doors that close,
In a world
where anything goes
You give me
strength so I stand tall,
Within this
bed of earth
Just like a
rose
You give me
strength so I stand tall,
Within this
bed of earth
Just like a
rose
Napaiyak na
naman ako sa ginawa niyang iyon. Akala ko, sadyang kinalimutan niya akong
banggitin sa kanyang pasasalamat. At bagamat maraming mga pormal na tao, mga
madre at may mga pari pa, hindi niya ako ikinahiya. Kahit papaano, napasaya din
niya ako kahit sa huling pagkakataon sa unibersidad a iyon.
Nagpalakpakan
ang mga tao. Syempre, maganda ang boses ni Aljun at napakaganda ng kanyang
kinanta. Ngunit hindi rin mapigilan ang ibang lumingon sa kinaroroonan ko, ang
iba ay nagbubulungan at may sumisigaw ng “Al-Gen! Al-Gen! Al-Gen!” mga
tagahanga niya na sumusuporta sa aming love team.
Huling gabi
bago ang kasal. Magkasama pa rin kami sa pagtulog ni Aljun. Nasa lolo niya si
Kristoff kung kaya libre kaming dalawa lang sa aking flat.
“H-hindi na
talaga mapipigilan ang kasal mo boss... ilang oras na langg.” ang bulong ko sa
kanya habang nakahiga kami.
“Oo... at
nasaktan ako dahil iiwan kitang mag-isa. At hindi ko alam kung tama ba itong
mga desisyon natin. Dapat sana, ay kasama mo ako upang harapin ang buhay.
Magsama sa saya, sa hirap...”
“Tama ang
lahat boss. At huwag kang mag-alala sa akin. Walang mas tatama pa sa isang
desisyon na ang pinagbasehan ay ang kapakanan at kaligayahan ng nakararami.
Isang tamang desisyon kung saan may mabago tayong mga buhay, may magandang
kinabukasan na mabubuo, may mga taong sa bandang huli ay lilingon at magbigay
ng kanilang pasasalamat dahil bagamat masakit ang dulot nito sa atin, ay ginawa
pa rin natin ang lahat para sa kapakanan nila...”
“N-napakabait
mo boss...”
“Napakabait
mo rin sa akin... Salamat sa lahat. Hindi ko malimutan ang mga bagay-bagay na
ginawa mo para sa akin, ang mga ala-ala natin. Ang lahat ng iyon.”
“Ako rin
boss. Palagi kang nandito sa aking puso... Sana ay mapatawad mo ako..”
“Wala kang
kasalanan boss. Hindi mo kasalanan ang lahat. Ako nga ang may kasalanan ng
lahat eh. Hindi ko napigil ang sariling mahalin ka”
“Nagsisisi
ka ba?”
“Hindi
naman. Hindi ako nagsisisi. At wala akong dapat pagsisihan dahil sa maiksi
nating pagsasama doon ako natuto ng mga bagay-bagay sa buhay at pag-ibig, Doon
ko naranasan kung paano ipaglaban ang isang pagmamahal, kung paano panindigan
ang isang desisyon. Doon ko naranasan ang sarap ng pakiramdam na may nagmahal.
Ibinigay mo sa akin ang isang napakasaya at napakagandang ala-ala boss. Paano
ko pagsisisihan iyan?”
Siniil niya
ng halik ang aking mga labi. At pagkatapos, “I love you very much boss...”
“I love you
too boss... so much...”
At sa buong
magdamag, hinayaan naming pakawalan ang matinding init ng aming pagnanasa sa
isa’t-isa. Nagtalik kami na nakatatak sa isip na iyon na ang huli namin. At ang
hiniling ko sa kanya sa huling pagtatalik naming iyon ay na lagyan niya ng
kissmark ang aking kanan kong dibdib. Kahit na kagatin pa niya ito, titiisin ko
ang sakit, para lamang may bakat pa akong makikita sa aming huling pagniniig.
Ginawa naman
niya. Sinipsip niya ng matindi ana aking dibdib at noong pulag-pula na ito,
kinagat pa niya ng malakas. Napaluha ako sa sakit at halos matanggal ang balat
ko sa kanyang pagkagat.
At dahil
hiniling din niya na magkaroon din siya nito, gainawa ko rin sa kanya ang
ginawa niya sa akin.
Para kaming
mga hayup na gutom sa laman sa huli naming pagtatalik na iyon. Paulit ulit.
Tila wala kaming kapaguran. Hanggang sa sumapit ang bukang-liwayway...
Una akong
nagising sa umagang iyon, araw ng kanyang kasal. Habang nakahiga siya sa kama,
pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha, inuukit sa aking isip ang kaliit-liitang
detalye na nakikita ko. Ilang minuto ko itong tinitigan. Inikot ko ang aking
paningin sa kanyang kabuuan ng kanyang mukha – sa noo, sa makakapal niyang
kilay na tila inisa-isang itinanim ang mga ito at pinorma ang isang perpektong
desenyo, ang matangos na ilong, naggagandahang mga mata, ang mamula-mula at
makinis na mga pisngi, ang nakakabighaning bibig kung saan ilang ulit ko ring
natikman at nasamsam ang bango ng kanyang hininga. Kahit ang hibla ng kanyang
makapal at maiitim na buhok ay hindi nakalagpas sa aking paningin. At muli,
hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha.
Nagsabay pa
rin kami sa aming paliligo. At sa banyo, muli naming sinamsam ang bawat isa.
Halos wala kaming sinayang na oras. Bawat segundo ay mahalaga.
Ako na rin
ang nagbihis sa kanya, damit, sapatos... Pati ang brief na isinuot niya, ako
ang pumili at ako na rin ang nagpasuot sa kanya.
Pinagmasdan
ko si Aljun noong matapos na siyang magbihis. Napaka-guwapo niya sa suot na
coat na may puting longs leeves na pang-ilalim at may ternong pantalon at
sapatos. Iyon ang unang pagkakakita ko sa kanyang nakasuot ng ganoong attire.
Para siyang isang modelo. Sabagay, kahit ano naman ang kanyagn isusuot,
bumabagay ang mga ito sa kanya. Kahit pa isang lumang t-shirt at maong o kahit
anong klaseng pantalon, bumabagay ang mga ito sa kanya. Kasi, hindi lang siya
matangkad at guwapo, proportionate pa ang lahat ng anggulo ng kanyang katawan.
Habang nasa
ganoon akong paghanga sa kanya, bigla niya akong niyakap at hinila paupo sa gild
ng aking kama. Para kaming mga baliw na nakaupo sa gilid nnoon. Nag-iiyakan
habang yakap-yakap ang isa’t-isa. Sobrang higpit na pakiwari ko ay hindi kami
maaring paghiwalayin. Halos hindi a kami makapagsalita pa. Ang naalala ko lang
na pabalik-balik naming sinasabi ay ang mga katagang “Mahal kita” “Huwag mong
pabayan ang sarili mo” “Huwag kang umiyak” bagamat ang bawat isa sa amin ay
walang patid ang pagdaloy ng mga luha sa aming mga mata.
Natigil lang
kami noong dumatin na sina daddy at Kristoff. Sinundo nila kami at sabay na
kaming umalis patungong simbahan.
Napaka-guwapo
ng mag-ama. Si Kristoff at naka tuxedo at may ternong pantalon at sapatos.
Pakiramdam ko ay naramdaman din ni Kristoff ang aking paghihinagpis. Tumabi
siya sa akin at hinahawak-hawakan ng kanyang malilit na daliri ang aking kamay
habang ang isa niyang bisig ay pilit na inilingkis sa aking beywang.
Hanggang sa
nakarating kami sa simbahan. Halos hindi kami nag-uusap sa umagang iyon. Pansin
kong tuliro si Aljun, wala sa sarili, at balisa. Hindi na rin kami halos
nagkikibuan. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ako, ang
ninais ko sa sandaling iyon ay ang sana matapos na ang kasalang iyon at
maka-uwi na ako, magmukmok sa aking kuwarto na mag-isa at doon hayaang mapagod
ang aking mga mata sa pag-iiyak.
Noong nasa
harap na kami ng altar at nagmartsa na si Emma patungo kay Aljun, parang hindi
na kaya ng aking saloobin ang aking nakikita. Napakaganda ni Emma sa kanyang
suot na damit pangkasal. At bagamat halata na ang paglaki ng kanyang tiyan,
lutang na lutang pa rin ang kanyang angking kagandahan. Nakangiti siya, bakat
sa mukha ang saya at kasabikan na kanyang naramdaman sa pagkakataong iyon.
Hanggang sa
sinalubong na siya ni Aljun at sabay silang tumungo sa altar, sa harap ng pari.
Parang hindi
ko kayang tingnan silang dalawa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sarilnng ngumiti,
at ipakitang ok lang sa akin ang lahat. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ng
ibang nandoon ang aming relasyon ni Aljun. Nakikinita kong may mga nagbubulungan,
may mga nagtatanong sa kani-kanilang mga isip, may mga nagmamasid sa aking mga
kilos at galaw, kung paano ko harapin ang lahat.
Ngunit wala
akong pakialam. Gusto kong ipakita sa lahat na ang tali na nagbuklod sa aming
dalawa ni Aljun ay mas matatag at mas malalim pa kaysa aming relasyon bilang
magkasintahan. Na kahit mawala man ang aming pagmamahalan, nandoon pa rin ang
aming pagkakaibigan, ang pagsuporta namin sa isa’t-isa. At gagawin ko ang lahat
upang lumigaya lamang siya... kahit ilang beses mang magsdurugo ang aking puso;
kahit buhay ko pa ang kapalit.
“I, Aljun,
take you, Emma, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in
bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of
my life. I, Aljun take you, Emma, for my lawful wife, to have and to hold, from
this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in
sickness and in health, until death do us part..” At tila mawalan na ako ng
ulirat sa sobrang sakit noong narinig ko na ang mga salitang “I do” na
nanggaling sa kanilang mga labi.
Hindi ko na
nakayanang pigilin ang aking mga luhang pumatak sa sementong sahig ng altar.
Parang tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Yumuko na lang ako at pilit na
pinigilan ang sariling huwag humagulgol.
Hinipo ko
ang parte ng aking dibdib kung saan ramdam ko pa ang hapdi at kirot ng kanyang
pagkagat sa gabing nagdaan ng aming pagtatalik.
Nanginginig
ang aking kalamnan, nanlulumo ang aking isip. Pinilit ko pa ring magpakatatag.
May isang parte ng isip ko ang nag-udyok na umalis na ako sa lugar na iyon.
Ngunit ang parte ng utak kong nagsabing lalo ko pang pag-ibayuhin ang
pagpakatatag, magpaubaya, at ipakitang tanggap ko ang lahat ang nanaig.
Palihim ko
na lang na pinahid ang aking mga luha...
Nasa ganoon
akong sitwasyon noong sa hindi inaashang pagkakataon, napalingon ako upang
hanapin ang kinaroroonan ni Fred, hinangad na kahit makakita man lang ako ng
isang taong alam kong nakakaintindi sa akin ay mapawi ng kaunti ang aking
iniindang sakit.
Nungit imbes
na si Fred ang mahahanap ng aking mga mata, natuon ang aking paningin sa isang
babaeng nasa bungad ng simbahan, naka-jeans, puting t-shirt, at rubber shoes at
direderetso itong pumasok sa loob, ang mga mata ay mistulang nagbabaga sa
galit, bitbit-bitbit sa kanyang kamay ay isang baril.
Si Giselle.
Noong nasa
gitna na siya ng pasilyo, huminto ito ng saglit at inaninag sina Aljun at Emma
na nakaharap sa pari.
Parang
naging slow motion sa paningnin ko ang pag-angat niya sa baril at hawak-hawak
na ng dalawang kamay, ipinuntirya niya ito kay Emma.
Noong
mapagtanto kong kakalabitin na talaga niya ang gatilyo, pakiwari ko ay bigla
ding bumilis ang takbo ng pangyayari na hindi ko na nagawang mag-isip pa. Para
akong si superman sa bilis ng pagtakbo ko patungo sa pwesto ni Emma at
iniharang ang aking katawan.
“BANG!!!
BANG!!!”
Tila umikot
ang aking paningin at bumagsak ako sa sementong sahig ng simbahan.
Narinig ko
pa ang sigawan ng mga tao, ang iba ay nag-uunahan sa pagtakbo palabas.
Naghihingalo
man na nakalatag ang katawan sa sahig, naaninag ko pa si Giselle na pagkatapos
niyang iputok ang baril, ay lumapit pa ng bahagya sa altar at inangat muli ang
kanyang hawak na baril at pinuntirya ang aking ulo. Ipinikit ko na lang ang
aking mga mata, ang tanging nasa isip ko ay kamatayan.
At maya-maya
lang ay narinig ko uli ang malakas na, “BANG!!!”
Iyon na ang
huli kong natandaan.
(Itutuloy)
[22]
“Gising na
si papa Jun!!!” ang masiglang sigaw ni Kristoff noong nanumbalik na ang aking
malay at ibinuka ko na ang aking mga mata.
Pakiramdam
ko ay pagod na pagod ako. Parang nauubos ang aking lakas, masakit ang parte ng
aking dibdib, at med’yo disoriented. Dahan-dahan kong inikot ang aking mga
mata. At napagtanto ko na nasa ospital ako noong makita ko ang dextrose na
nakabitin sa lagayan nito sa gilid ng aking kama at may oxygen tube din na
nakakabit sa aking ilong.
At
nanumbalik sa isip ko ang huling kaganapan bago ako nawalan ng malay... sa
kasal ni Aljun.
Noong
nilingon ko ang gilid ng kuwarto, nakita ko ang mag-ama. Nakaupo si Aljun,
Kristoff ay nakakandong sa kanya. Halatang nahimbing si Aljun at nagising lang
sa pagsisigaw ni Kristoff.
Binitiwan ko
ang isang pilit na ngiti.
Agad tumalon
si Kristoff at nagtatakbo palapit sa gilid ng aking kama. Natuwa naman ako sa
nakitang matinding excitement at pananabik sa mukha niya.
“Ingat!
Ingat! Baka masaktan si papa Jun mo!” ang sigaw ni Aljun habang dinampot niya
ang isang upuan at inilapit ito sa gilid ng aking kama atsaka naupo dito.
“Kumusta ang
baby Kristoff ko?” ang mahinang tanong ko.
“Ok naman
po. Kayo po papa Jun?”
“Ok naman...
ako.”
“Alam mo
papa Jun... nag pray ako sa iyo. Kasi po, noong binaril po kayo, madami pong
dugo ang nakita ko.” Ang sambit ni Kristoff na nakatayo sa gilid ng aking kama.
Touched
naman ako sa narinig sa bata. Syempre, bagamat sumagi sa isip ko na sanay hindi
na lang ako nagising kasi wala na rin namang silbi ang buhay ngunit sa ganoong
nakita ko sa mukha ng inosenteng bata ang tuwa at sabik na sabik, may dulot din
itong saya sa puso ko.
“Masakit po
ba papa Jun?” ang makulit na tanong uli ng bata pahiwatig mga sugat na aking
natamo sa pagbaril ni Giselle.
“M-med’yo...”
ang sagot ko.
“Si papa din
may sugat po eh.” Sambit ng bata.
“Kristoff...
huwag makulit kay papa Aljun mo! Masakit pa iyang sugat niya...”
Tiningnan ko
si Aljun. Nginitian. “M-musta...” ang mahina kong wika. “A-anong nangyari dyan
sa braso mo?” ang tanong ko noong mapansin ang ang bandage sa kanyang kaliwang
braso?”
“Ah... wala
ito. Ok lang ito.” Ang sagot ni Aljun.
“Kasi po
papa Jun binaril po siya noong babae...” ang pagsingit naman ni Kristoff.
“Kristoff...
kapag nag-uusap ang mga matatanda, hindi dapat sumisingit ang bata kapag hindi
tinatanong ha?” pag-pigil ni Aljun sa bata upang matigil ang pagsasalita.
Hinaplos ko
na lang ang mukha ni Kristoff. At baling kay Aljun, “Binaril ka rin ni
Giselle?”
“Oo... pero
daplis lang. Wala ito.” Ang sagot niya. “I-ikaw ang dapat na alalahanin. Isang
buong gabi kang walang malay. At salamat dahil ligtas ka na… Kumusta na ang
pakiramdam mo?”
“Heto...
pakiramdam ko ay lalagnatin sa kirot ng sugat.”
“At least
ngayon, ligtas ka na. Nakuha na ang dalawang bala sa katawan mo.”
Binitiwan ko
ang isang pilit na ngiti. “S-si Emma... nasaan?” tanong ko.
“Nasa
kabilang kuwarto”
“Ha???
Bakit?” ang gulat kong tanong.
“Muntik ka
nang maubusan ng dugo. Mabuti na lang at magkapareho pala ang tipo ng dugo
ninyo, kaya nagvolunteer siya na sa kanya na kunin ang dugong iabuno sa iyo...”
sagot niya. “Salamat sa pagsalba mo sa buhay niya. Hindi ko akalaing magagawa
mong ibuhis ang sariling buhay para sa babaeng naging hadlang ng pagmamahal mo
sa akin. Napakadakila ng iyong pagmamahal.” Dugtong ni Aljun.
Ramdam ko
ang pamumuo ng luha sa aking mga mata sa narinig. “Hangad kong lumigaya ka...
kayo ni Emma at Kristoff... bilang isang buong pamilya.” ang nasabi ko, at
tuluyang pumatak na ang aking mga luha.
“Huwag po
kayong umiyak papa Jun. Malulungkot po ako...”
“O siya...
hindi na ako iiyak” ang sabi ko, sabay bitiw ng pilit na ngiti.
“Mahal ka
kasi namin ni papa Aljun, papa Jun.”
“Mahal din
kita baby Kristoff… kayo ng papa Aljun mo.”
“Alam mo
papa Jun... tunay kong lolo si lolo Gener.”
Napangiti
ako sa narinig. “Lolo mo naman talagang tunay ang daddy ko e.”
“Hindi papa
Jun, lolo ko talaga siya!” giit niya ang boses ay seryosong-seryoso at
namimilit.
“Kaya nga
lolo mo talaga siyang tunay. Baby Kristoff naman o... niloloko mo naman ako
eh.” ang sagot ko pa.
“O sya,
sya... doon ka muna sa tabi Kristoff ha? Kami muna ang mag-usap sa papa Jun
mo...” ang pagsingit ni Aljun.
Tumalima
naman si Kristoff bagamat padabog. Marahil ay may gusto siyang sabihin pa.
Bumalik siya sa upuan sa gilid ng kuwarto sa may pintuan malayo sa amin, bakas
sa mukh ang pag-aalburuto.
“Alam mo ba
kung saan ka natamaan?” tanong ni Aljun sa akin.
“S-sa
dibdib?”
“Ang isa ay
sa balikat, hindi seryoso. Ngunit ang isa ay tatagos sana sa puso mo...”
“N-natamaan
ang puso ko?”
“H-indi...
hindi nakaabot ang bala doon. Naharang ito.”
“P-paanong
naharang?” tanong kong naguluhan.
May hinugot
siya sa kanyang bulsa at ipinakita iyon sa akin.
“A-ang
kwintas ng ibong wagas? Ang ibinigay mo sa akin?”
“Oo... ito
ang nagsalba sa buhay mo. Dito tumama ang bala na siyang tatagos sana sa puso
mo. Nasalo nito ang lakas ng impact ng bala at hindi na nakaabot pa doon.
Tingnan mo, may butas...” Ang sabi niya habang inilapit ang kwintas sa aking
mga mata.
Hinawakan ko
iyon at binusisi at pagkatapos, tinitigan ko si Aljun. “N-atanggal na ang...
sumpa ng ibong wagas?”
Binitiwan niya
ang pilit na ngiti. At tumango. “Ligtas ka na... Wala nang nakakabit na sumpa
sa pagmamahal mo sa akin.” Kinuha niya ang kwintas at ibinalik ito sa kanyang
bulsa.
Nakahinga
naman ako ng maluwag. “S-salamat...” ang nasambit ko na lang. May dulot man itong
tuwa sa akin, may lungkot naman akong naramdaman kasi, wala na ring bisa ang
pamahiin ng wagas na pag-ibig dahil kasal na siya kay Emma.
“May isa pa
akong sorpresang ibubunyag sa iyo...” wika niya.
“A-ano?”
“M-magkapatid
kayo ni Emma...”
“A-ano???!!!”
ang malakas kong boses. Napaigtad tuloy ako dahil nagalaw ang aking sugat.
“O... o...
huwag ka kasing gumalaw”
“P-paano
nangyaring magkapatid kami?”
“Heto ang
kuwento ng daddy mo... N-noong natamaan ka na, dinala ka namin dito sa ospital.
Dito na tuluyang namukhaan ng daddy mo ang ina ni Emma. Noong una, ayaw umamin
ng ina ni Emma na siya ang babaeng naging katulong ng pamilya ng daddy mo noong
binata pa siya. Mapusok ang daddy mo noong kabataan niya. May mga pagkakataong
siya at ang ina lang ni Emma ang naiiwan sa bahay at pinupuwersa niyang
makipagtalik ito sa kanya. Nagbunga ang ginawa ng daddy mo sa kanya. Subalit
ayaw panindigan ng daddy mo ang nangyari. Bata pa raw siya upang magpakasal at
takot siya sa mga magulang niya. Binigyan na lang niya ng pera ang ina ni Emma
upang ipalaglag ang bata. Sa sama ng loob at tindi ng galit, lumayas ang ina ni
Emma at hindi na nagpakita pa... Akala ng daddy mo ay tuluyan nang ipinalaglag
ng ina ni Emma ang bata. Ngunit noong muli silang nagkita dito nga sa ospital
na ito at kahapon lang, nanghingi ng tawad ang daddy mo sa kanya. Hindi natiis
ng ina ni Emma ang pagmamakaawa ng daddy mo sa kanya at ibunyag na ang lahat.
At iyon na...”
Hindi ko
lubusang maintindihan ang tunay kong naramdaman sa narinig. “Kaya pala ang
gaan-gaan ng loob ko sa kanya! Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko kay Kristoff!
At kaya pala ganoon na lang ang pagkalapit ng daddy ko kay Kristoff! Tunay pala
niya itong apo!” sa isip ko lang. At napahagulgol na lang ako. Hindi ko alam kung
bakit. Parang singbilis ng kidlat ang lahat ng mga pangyayari. Ang inaakala
kong batang anak lang ni Aljun ay tunay ko palang kadugo sampu ng kanyang ina.
May dulot na saya ito sa akin, bagamat may dalang lungkot din dahil kapatid ko
nga siya ngunit siya pa pala itong karibal ko sa pag-ibig ni Aljun.
Masakit pero
binalik-balikan ko na lang sa isip ang mga natutunan ko sa loob ng monasteryo,
ang pagpakumbaba, ang pagpaubaya. Lalo na ngayon, kapatid ko pala ang asawa ni
Aljun. Atsaka mas kailangan niya ang katuwang sa pagtataguyod ng mga pamangkin
ko... “Ganyan talaga. Minsan sa buhay, kailangan nating magpaubaya,
magpakumbaba, lalo na kung kapayapaan at kaligayahan ng nakararami ang
nakataya...” bulong ko sa sarili. “Kahit papaano, may silbi pa rin ang paghihirap
ko, ang pagpaubaya ko.”
At ang mga
nalalaman kong iyon ay lalo pang nagpatindi sa pagnanais kong tumuloy sa
pagpasok sa monasteryo.
Hindi na ako
umimik. Sumagi sa isip ko ang ginawa kong pagsagip kay Emma. Sumagi din sa isip
kong magiging masaya na sila ni Aljun. “At least... hindi sa ibang tao napunta
ang mahal ko. Ok na siguro iyon.” sa sarili ko lang.
“Tuwang-tuwa
naman ang daddy mo noong malaman ang lahat. At agad niyang kinarga si Kristoff
at inikot-ikot sa ere at halos hindi na ito pakawalan. Nagharutan ang dalawa,
‘Ikaw ha hindi mo sinabing apo pala kitang tunay! Sinadya mo ito ano?’ ang biro
ng daddy mo kay Kristoff habang karga-karga ito sa kanyang bisig. Tawa lang ng
tawa ang bata. Para bang isang tropeo ito sa championship na palaro na noong
makamit na niya ay hindi na mabitiw-bitiwan pa.”
“Sabi ko nga
sa iyo papa Jun, lolo ko po talaga si lolo Gener e!” ang sigaw naman ni
Kristoff sabay takbo na naman palapit sa gilid ng aking kama.
“Ah... kaya
pala sinabi mong tunay mong lolo ang daddy. Di ako nakinig e.” ang naisagot ko.
“Opo. Atsaka
po papa uncle na rin kita.”
“Oo nga ano?
Papa na uncle.” Sagot ko, sabay tawa. Tawanan na lang kami ni Aljun. Pakiramdam
ko ay nalimutan ko ng panadalian ang hirap na aking dinaranas.
Tahimik.
“K-kailan
kayo aalis patungong Canada?” ang pagbasag ko sa katahimikan
“M-may
aasikasuhin daw si Emmang napaka-importanteng bagay sa Canada. At ayaw din
niyang mapaso ang mga papeles namin lalo’t first time namin ang pagpunta
doon...” paliwanag niya, halatang nag-aalangang sabihin sa akin kung kailan ang
alis nila.
Kaya iginiit
ko ang tanong. “Kailan nga???”
“B-bukas
na...” ang sagot din niya, pinagmasdan ang aking reaksyon.
“M-malapit
na pala. Ilang oras na lang...” ang nasambit ko, binitiwan ang malalim
nabuntong-hininga.
Na sya
namang pag react ni Kristoff. “Hindi naman po ako sasama papa Jun.”
“Sasama ka
Kristoff. Nag-usap na tayo...” Ang sagot ni Aljun sa anak.
“Sabagay,
na-delay lang kayo dahil sa akin, diba?” Ang sagot ko, hindi na pinansin ang
pagmamaktol ni Kristoff.
Tumango lang
si Aljun.
“Palagi mong
alagaan ang sarili mo doon. Mag-ingat ka palagi... Wish kong masaya ka, masaya
at matatag ang iyong pamilya, normal ang takbo ng buhay...” ang sabi ko,
pinigilang huwag pumatak ang aking mga luha. At baling ko kay Kristoff, “Sasama
ka sa papa mo ha?”
“Gusto ko
dito na lang sa iyo papa Jun e...”
“Ang bata ay
sa kanyang papa at sa kanyang mama sumasama, di ba?”
“Kasi...
Kasi... kasi...” ang pagmamaktol uli ni Kristoff.
“O sige
ganito na lang, sasama ka sa papa mo. Susunod ang lolo mo doon at pagkatapos,
ako naman ang pupunta doon pag semestral break ko. At kapag wala ka namang
pasok, ikaw ang magbakasyon dito sa amin... Ok lang ba?”
“Kasi naman
e.... Kasi naman.... Kasi naman...!” ang pagmamaktol uli ni Kristoff ang mga
paa ay itinadyak-tadyak sa sahig.
“Halika nga
hug kay papa Jun” ang sambit ko.
Lumapit
naman ang bata at pilit na inabot ang aking katawan bagamat hindi niya kayang
abutin ito.
“Kiss na
lang kay papa Jun”
At tumalima
uli siya, iyong halik niyang lips-to-lips ng may tunog.
“O sya...
payag ka nang sumama sa papa mo ha?”
Hindi na
kumibo ang bata bagamat nakasimangot ito at nakayuko, halatang may pagtutol pa
rin ang kanyang isip.
“Bibisitahin
naman kita doon e...” sabi ko.
“Promise mo
iyan papa Jun ha?”
“Oo,
promise.” Ang naisagot ko na lang.
Hindi na ako
kumibo. Alam ko naman kasi na hindi na matutupad iyon. Nakatatak na sa isip ko
na iyon na ang huling mga sandali ng pagsasama namin. Sinabi ko na lang na
puwede ngang pumunta ako sa Canada at pwede rin kaming magkita sa Pilipinas
upang mapilitan siyang sumama sa kanyang mga magulang.
“Papa Jun.
Dadalhin ko ang lahat na mga laruan na binigay mo sa akin. Kasi kapag na-miss
kita, iyon na lang ang lalaruin ko.”
At sa sinabing
iyon ni Kristoff hindi ko na napigilan ang pagpatak muli ng aking mga luha.
Pinilit kong huwag ipakita ito sa kanya. Ibinaling ko ang aking mukha sa
kabilang gilid ng kama atsaka palihim kong pinahid ang aking mga luha sabay
sagot, pilit na hindi ipinahalata ang pag-iyak. “Oo naman! E... ikaw, anong
ibibigay mo sa papa Jun mong remembrance?”
“E...”
nag-isip siya. “Igagawa na lang kita ng card!”
“Ay maganda
iyan! Ibigay mo sa akin ha?” ang sambit ko, nilingon ko na uli siya.
“Opo papa
Jun! Mamayang gabi, gagawa po ako. Magaling po akong gumawa ng card e.
Gustong-gusto po ng teacher ko ang gawa kong card.”
“Talaga? Ang
galing naman.” Sagot ko.
Tahimik.
“K-kumusta
na pala si Fred?” baling ko kay Aljun.
“Ah... Oo
nga pala, malaki ang utang na loob natin kay Fred. Noong nabaril ka at
bumagsak, babarilin ka pa sana uli ni Giselle. Kakalabitin na lang ni Giselle
ang gatilyo noong maagap na inagaw ni Fred ang baril. Nag-aagawan sila. Pumutok
ang baril at natamaan si Fred sa hita. Ngunit hindi talaga binitiwan ni Fred
ang baril. Kaya noong pang-limang putok na, sa dibdib na Giselle tumama ang
bala. Hindi na siya nakaabot pa ng ospital. Dead on arrival.”
“L-limang
bala pala ang pinaputok ni Giselle? Iyon pala ang nangyari. Naalala ko pa noong
bumagsak ako, itinutok uli ni Giselle ang baril sa akin at hindi ko na alam ang
nangyari pa.”
“Iyon na
iyon...” sagot ni Aljun.
“Isang tunay
na kaibigan talaga si Fred...”
“Kung hindi
sa kanya, malamang na patay ka na, baka patay na rin tayo...”
Hapon noong
makabalik na ang mommy ko na galing sa bahay naming, nagpahinga ng saglit. Si
Aljun at Kristoff naman ay umuwi din sandali sa hotel na tinutuluyan ni Emma,
naghahanda sa kanilang pag-alis kinabukasan.
“Anak,
mabuti’t nagising ka na... Kumusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni mommy
habang dinampot ang upuan niya at ipinuwesto ito sa gilid ng kama ko atsaka
naupo dito.
“O-ok naman
po... M-asakit lang ang sugat ko.”
“Mabuti at
ligtas ka na anak... maraming dugo ang nawala sa iyo.”
“Kaya nga po
e...”
“At masaya
kaming lahat na ligtas ka na.”
Tahimik.
“N-napakadakila
ng iyong ginawang pag-alay ng iyong buhay para kay Emma, anak...” ang sambit ni
mommy. “Dalawang buhay ang iniligtas mo, ang kay Emma at sa kanyang anak.”
“Na
pamangkin ko rin...” ang dugtong ko.
“Alam mo na
pala.”
“Opo mommy.
At masaya ako. H-hangad kong mabuo ang pamilya nila, mommy. Hangad kong
magiging masaya sila. Lalo na’t kapatid ko pala siya.”
Hinaplos ni
mommy ang aking pisngi. Alam kong ramdam din ng mommy ko ang sakit na naramdaman
ko. “Hanga ako sa tatag at tibay ng loob, at lawak ng iyong pang-unawa anak.
Hayaan mo... darating din ang taong nakatadhana para sa iyo.”
Binitiwan ko
lang ang ngiting pilit. Alam ko naman na hindi na mangyayari iyon. Isasara ko
na ang pinto ko sa pag-ibig... sa loob ng monasteryo. “K-kayo lang po mommy?
S-si daddy?” ang paglihis ko sa topic.
“Galing dito
ang daddy mo. Halos walang tulog din simula noong dinala ka niya sa ospital.
Sasakyan natin ang nagdala sa inyo ni Fred dito”
“G-ganoon po
ba mommy?”
“Oo. Kaya
pagod na pagod ang daddy mo. Pero alam na niya na gising ka na... Baka mamayang
gabi lang ay nandito na iyon.”
“N-nasaan
pala si Fred mommy?”
“Ah...
Nandito rin sa ospital na ito, anak. May tama lang ang kanyang hita pero ligtas
na rin siya.”
At maya-maya
nga lang may kumatok na sa ospital. Si Fred, naka-wheel chair na tulak-tulak pa
ng isa sa mga kaibigan niya.
“Fwend!!!
Salamat at ligtas ka na!” ang sigaw kaagad ni Fred sa akin.
“O, sya...
iiwan ko muna kayo anak, Fred. Doon muna ako sa labas. May sasaglitin lang ako
sa grocery ha? Kayo na munang bahala dito.”
“Opo mommy!”
sagot ko.
“Yes, Mrs.
Flandez... At salamat po ma’am sa lahat.” ang sagot ni Fred. Napag-alaman ko
kasing sina daddy ang sumagot sa mga gastusin din ni Fred sa ospital.
Napangiti si
mommy kay Fred. “Kami ang dapat magpasalamat sa iyo. Buhay ni Jun at buhay ng
lahat ang isinalba mo. Isa kang tunay na kaibigan ng anak ko, at ng pamilya
Flandez. Napakalaki ng pasasalamat namin sa iyo.” Ang sambit ni mommy kay Fred.
“Wala pong
ano man ma’am. All the time po. Mahal ko lang po talaga itong friend kong ito.”
Binitiwan ni
mommy and isang ngiti atsaka umalis na.
“Salamat
Fred at ligatas ka rin! At maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ko. Ikaw
pala ang savior ko.”
“Actually,
hindi ako...” ang casual na pagsalita ni Fred.
“Ha???
S-sino?” ang sagot kong naguluhan.
“Si Aljun.
Noong bumagsak ka na, mabilis ding hinarang ng katawan ni Aljun ang balang
tatama sana sa iyo. At swerte lang na sa braso niya tumama ang bala at dumaplis
ito. Nahawakan ko na kasi ang kamay ni Giselle bago niya naiputok ang pangtlong
bala kaya lumihis ito. Ngunit siguradong tatama pa rin ito sa katawan mo fwend
kung hindi nasalo ng katawan ni Aljun ang bala. Baka tiyan mo naman ang
mapupuruhan. Medyo tagilid kasi ang pagkapwesto niya kaya sa braso siya
natamaan.”
“T-talaga?”
Ang naisagot ko. Syempre, sobrang touched ako. “K-kaya pala may bendahe ang
braso niya. At kaya pala ang sabi niya ay limang bala ang naipapaputok ni
Giselle.”
“Oo. Dalawa
ang tumama sa iyo, isa ang nasalo ni Aljun, isa ang sa akin, at ang panglima ay
kay Giselle...”
“Ngunit hero
ka pa rin Fred. Kung hindi mo pala nahawakan ang kamay ni Giselle, e di
siguradong napuruhan si Aljun?”
“Malamang.
At ulo niya ang matamaan dahil habang ikaw ay nakatihaya sa sahig, dinapaan ka
naman niya.”
“Bilib na
talaga ako sa tapang mo, Fred. Hindi ka lang savior ko. Savior ka rin ni
Aljun.”
“Ako pa
fwend! Kapag si Giselle ang pag-uusapang kaaway, lahat ng tapang ko ay
lumalabas.” Sabay tawa.
“Kaya simula
ngayon, ikaw na ang friend for life ko…”
“F4L?
Pwedeng BF4L?”
“Best friend
for life?”
“Hindi.
Baklang Friend For Life”
Tawanan.
“Paano ka
nakarating agad sa kanya?”
“Nasa gitna
ng simbahan ako nakaupo Fwend. At nasa gilid ko lang sya noong barilin ka niya.
Kaso hindi ko lang talaga namalayan ang pagpasok ng demonyang iyon. May mga
wafu kasing nasa gilid ng simbahan nagdidisplay! Na nakadistract tuloy ang
byuti ko. Estorbo talaga ang mga wafung yan at isang malaking tukso! Hmpt” sabay
tawa. “Tapos… nagulat na lang ako noong may pumutok na at bumagsak ka na nga.
Noong lingunin ko ang pinagmulan ng bala, hayn nakita ko ang demonya, at
ipinuntirya na naman sa iyo ang baril! Kaya dali-dali kong hinugot ang
kahuli-hulihang hibla ng pagkalalaking natira sa aking katauhan at hinablot ko
na ang baril. Nakaputok uli iyon. Akala ko nga ay ikaw na ang natamaan.
Dinapaan ka na pala ni Aljun bagamat dibdib hanggang ulo lang ng katawan mo ang
nadapaan niya kasi sa pagmamadali. At ang kamay niya ang nasa may tiyan mo kaya
braso niya ang natamaan. Hindi pa rin binitawan ng bruha ang baril at ipaputok
na naman sana niya iyon sa inyo kaya pilit kong inagaw iyon. Ngunit sadyang
malakas talaga ang mga nababaliw na Fwend, hindi ko siya na-overpower agad! Kaya
hayun, natamaan ako sa hita. Buti na lang hindi matris ko ang natamaan!” Sabay
tawa uli.
“Puro ka
naman biro eh!”
“Di nga… di
iyon, noong natamaan na ako, lalong nag-init ang ulo ko! Para bang hindi ko
matanggap-tanggap na talo ako! Kaya initinodo ko na ang pagsi-sex change at
noong feeling ko ay lalaking-lalaki na ako, binali ko na ang kamay niya. Hayun,
siya ang naputukan. Desidido talagang pumatay ng tao ang hayup na iyon fwend!”
“Grabe
talaga ang sama ni Giselle no?”
“Sinabi mo
pa...”
“Dead on
arrival daw...”
“Ay... oo
nga eh.” Napahinto ng bahagya si Fred. “Nalungkot din naman ako. Kasi, hindi ko
naman sinadya iyon. Sa oras na iyon kasi, ang nasa isip ko ay ang matanggal sa
mga kamay niya ang baril. Kaso kung binitiwan ko siya fwend, siguradong patay
ako, at malamang, patay ka rin at si Aljun, at si Emma...”
“Wala kang
kasalanan, Fred. Self-defense ang nangyari. At ikaw ang hero...”
“At ikaw ang
martir. Ginawa bang bullet-proof vest ang sarili!” ang paninisi ni Fred sa
akin.
“Ok lang
iyon. Alam mo bang kapatid ko pala si Emma?” ang pag-divert ko sa topic.
“Oo, sinabi
nila ni Aljun noong binisita nila ako sa kuwarto ko. What a small world talaga.
Tayo kaya fwend? Hindi kaya tayo mag-sisters?” sabay tawa.
“Pwede kung
sasama ka sa akin sa loob ng monasteryo.”
“Huwag kang
magbiro ng ganyan fwend...”
“Oo nga. I
have decided to dedicate my life na sa serbisyo ng pagka monghe.”
“Dala lang
iyan ng pagkadesperado mo fwend. Hayaan mo munang maghilom ang sugat mo sa puso
atsaka ka magdesisyon.”
“I’ve made
up my mind, Fred...”
“Hay naku.
Kalokohan!”
“Hindi
kalokohan iyan, Fred. I read the signs”
“Pwes mali
ang interpretation mo sa sign”
“It’s final
na Fred”
“Bahala ka
nga! Pero ako, hindi puwede d’yan. Kasi, kapag ako ang nakapasok d’yan, magsisilabasn
ang lahat ng mga monghe.” Sabya tawa.
“Ha? Bakit?”
“Syempre,
pagnanasaan ko silang lahat. Iyong iba, lalabas kapag nakatikim sa aking
alindog dahil hahanap-hanapin nila ang iba pang masarap sa labas. Iyong iba
naman, mabubuwesit sa akin kaya lalabas na.” at tuluyan nang humalakhak.
“Ikaw puro
ka talaga biro...”
“Pero
seriously fwend, ayoko talagang pumasok ka sa monasteryo. Bakit hindi mo muna
tapusin ang college? Or... i-experience mo ang muling ma-in love?”
“Ayoko na
Fred. Masasaktan lang ako. Alam mo naman na kapag nasa ganitong sitwasyon tayo,
walang lalaking papatol dahil lahat sila, mangangarap na magkaroon ng pamilya,
ng asawa’t anak. Talo tayo Fred. Hindi natin maibigay iyan sa kanila, at kahit
anong klaseng sumpaan pa na hindi ninyo pabayaan ang isa’t-isa o na hindi kayo
maghihiwalay, doon pa rin hahantung ang lahat... sa hiwalayan; sa paghahanap
nila ng pamilya’t anak.”
“Ikaw
naman... hindi naman kailangan na magkaroon ng anak upang magiging buo ang
pagmamahalan, e. Tingnan mo ang ibang heterosexual na mag-asawa na walang anak?
Buo pa rin naman sila ah. Dahil... tunay na pag-ibig ang kanilang naramdaman.
Pwede naman iyan sa atin ah?”
“Oo... buo
sila. At kasal naman, may legal at moral na status.”
“Fwend, ano
ang silbe ng kasal kung ang dalawang tao ay hindi tapat sa isa’t-isa? Morally
right ba iyan? Kasal sila pero may kabit or tumitikim sa iba ang magkabilang
parte? Para sa akin fwend, this is not an issue of whether kasal o hindi ang
dalawang nagmamahalan o kung may legal or moral status ang kanilang pagsasama.
Ang dalawang taong nagmamahalan ay pwedeng magsama fwend kahit walang kasal,
walang anak at walang legal standing. Hayaan na natin ang moral standing kasi,
kanya-kanyang tao ay may kanya-kanyang pananaw sa kung ano ang moral o immoral.
Pag-ibig ang pinag-usapan dito fwend. Lahat ng tao ay may karapatang umibig,
walang discrimination iyan dapat, dahil hindi tayo ang pumili kung sino ang
iibigin natin kundi ang puso. Kung tayo pa sana ang pipili n gating mamahalin,
e di sana ay nabawas-bawasan na ang problema ng pag-ibig sa mundo, di ba? Dahil
may taong iniibig natin, iba naman ang iniibig niya. May taong nagkakagusto sa
atin, ngunit iba din ang tinitibok ng ating puso. Mahirap e... Anyway, hindi
issue ang kasal o anak dito fwend. Puso…”
“O siya...
huwag na tayong mag-argumento. Tama ka na. Ngunit decided na ako Fred...” Ang
naisagot ko na lang. May punto din naman kasi siya.
“Hay naku
fwend. Bahala ka na nga!”
Tahimik.
“Wala na ba
ang sumpa fwend?” tanong ni Fred.
“Hindi ako
sigurado Fred. Pero sabi ni Aljun at ng duktor, nailigtas daw ang buhay ko
dahil sa kwintas ng ibong wagas. Ito ang sumangga sa bala na sa puso ko sana
tatama. At ito daw ang palatandaan na natanggal na ang sumpa.”
“Naipakita
mo kasing kahit buhay mo fwend ay wala kang pagdadalawang isip na ibuhis upang
lumigaya lamang si Aljun. At hindi makasarili ang iyong pagmamahal. Kasi kung
iba pa iyon, matutuwa na silang ang karibal nila ang mabaril upang mapasakanila
ang taong minahal. Ngunit iba ka… Imbes na hayaan mong mabaril si Emma, ikaw pa
itong sumangga sa balang para sana sa kanya…”
“Ganyan
siguro talaga Fred kapag tunay kang nagmahal…” ang sagot ko na lang.
Bisitahin
uli natin ang albularyo Fwend. I-klaro natin kung talagang nawala na ang
sumpa...”
“S-sige...”
ang naisagot ko na lang.
“Sandali… di
ba bukas na ang alis nila Aljun?”
“B-bukas na
nga, Fred.”
At bigla na
lang lumungkot ang mukha ni Fred. “Sorry fwend ah… Hindi ko na alam kung ano pa
ang maitutulong ko sa iyo. Kung puwede ko lang sanang sirain ang lahat ng mga
paliparan upang hindi sila makaalis, gagawin ko iyon. Ang hirap ng kalagayan
mo…”
“Baligtad
naman iyang nasa isip mo eh. Kaya nga ako nandito ngayon sa ospital ay dahil
nais kong lumigaya sila, di ba? At ngayon naman, gusto mong harangin. Hayaan na
natin sila. Tanggap ko ang lahat…”
“Tanggap mo,
pero alam ko, mabigat sa iyong kalooban at nagdurugo ang iyong puso.” sagot
naman ni Fred.
“Walang
choice eh. Alangan namang magpakamatay ako. Gusto ko na nga sanang matepok e,
sinagip mo naman ako. E… di sayang lang ang effort mo.”
Natawa si
Fred. “Ok lang iyong effort ko fwend. I-ignore mo na lang iyon. Gawin mo ang
nararapat… Sige magpakamatay ka uli. Di na kita pipigilan.” sagot ni Fred sabay
bawi din “Joke!!!”
Tawanan.
“Tanggap ko naman
talaga Fred… Kasi, kapatid ko naman si Emma di ba. Dapat na kapakanan nila ang
iisipin ko. Lalo na si Kristoff, at sa darating pa nilang anak. Magparaya ako.
Iyan ang natutunan ko sa aking pag retreat sa monasteryo.”
“Napakabait
mo talaga fwend. Ngayon ko lang narealize ang sobra mong kabaitan. Hindi ako
nag-regret na naging kaibigan kita, at na ipinagtanggol kita sa lahat ng mga
umaaway sa iyo.”
“S-alamat
Fred… Ako man ay masaya at proud na nagkaroon ng isang kaibigang tulad mo.
Napakaswerte ko na nagkaroon ng kaibigang katulad mo...”
“Waaaw! Tats
naman ako nyan fwend...” at sabay hug sa akin.
“F4L?”
“No, BF4L!”
Tawanan.
Kinagabihan,
kumpeto ang family ko sa ospital. Nandoon ang daddy ko, ang mommy, si Fred, at
syempre, si Aljun at Kristoff. Nandoon na rin si Emma na pinasalamatan ako sa
ginawa kong pagsagip sa kanya.
“Salamat
bro... utang ko sa iyo ang buhay ko. Hindi ko akalaing kapatid pala kita. Kaya
pala, noong una kitang makita ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa iyo. Hayaan
mo, bro babawi din ako sa iyo...” ang nasabi ni Emma sa akin. Iyon ang
kauna-unahang pag-meet namin simula noong malaman naming magkapatid kami.
“S-salamat
din sa pagdonate mo ng dugo sa akin…”
“Wala iyon
sa ginawa mo sa akin bro… Maraming-maraming salamat talaga.”
“O-ok lang
iyon...”
“Ate... ate
ang itawag mo sa akin”
“Ate... nais
ko lang ay ang lumigaya kayo ni Aljun, mabuo ang pamilya ninyo.”
“Hayaan mo.
Gagawin ko ang lahat upang matupad ang mga ninanais mo. Gusto ko ring sumaya
ka... Kapag na-resolba na ang mga kinakaharap kong problema sa Canada, babalik
ako, babalik kami ni Aljun at Kristoff. Magkita pa rin tayo... Excited akong
maka-bnding ka at mas makilala pa.”
Binitawan ko
na lang ang isang pilit na ngiti. Alam ko kasing hindi na mangyayari iyon.
Alas otso ng
umaga kinabukasan ay gising na ako. Nasa kuwarto ko si mommy at si daddy. Dahil
sabi ng duktor ay puwede na raw akong tumayo at maglakad-lakad, at importante
daw iyon para sa akin, kaya pinilit ko nang tumayo bagamat may tubo din palang
nakakabit sa gilid ko at ang dulo ay isang plastic bag na may lamang dugo...
Drain pala iyon ng dugo na galing sa sugat sa loob ng katawan ko.
Dahan-dahan
ngunit kahit papaano, nakakalakad at nakakaupo na, hila-hila ang dextrose at
ang tube na labasan ng dugo.
Nakaupo na
ako sa gilid ng isang silya noong maya-maya lang, dumating na sina Aljun,
Kristoff, at si Emma. Dumaan lang sila upang magpaalam bago tuluyang tumungo sa
airpot.
Napakalungkot
ng eksena na iyon. Iyon na ang pinakamalungkot na eksena sa buhay ko; ang
huling pagkakataon na makita ang aking mahal... na paalis, kasama ang kanyang
pamilya.
Pinilit ko
ang sariling huwag magpaapekto; na ipakita ang buong tapang kong harapin ang
lahat na parang isang karaniwan lang itong pagpapaalam kagaya ng pupunta lang
sila sa eskuwelahan, o mamasyal sa plaza... Tila sasabog man ang dibdib ko sa
sakit, pinilit ko pa ring magkunyari.
Unang
lumapit si Emma. Muli, nagpasalamat siya sa ginawa ko. Sinabi niyang huwag
akong mag-alala dahil gusto pa niyang magkabonding kami at makilala ako ng
lubusan. Nanghingi din siya ng dispensa kung bakit nagmamadali silang umalis.
Nagpaliwanag na pagkatapos ng mga importanteng bagay na aasikasuhin niya sa
Canada na malaking problema daw na kinakaharap niya, ay babalik sila ni Aljun.
Sinabi din niya sa akin na susunod daw pala si daddy sa Canada upang tingnan
ang kalagayan nila doon at tulungan na rin siya sa kanyang kinakaharap na
malaking problema. Hindi ko na lang tinanong kung anong problema iyon. Baka
kasi personal na masyado at wala din naman akong maitutulong. Kaya tumango na
lang ako. Hindi ko na rin ipinaalam sa kanya na papasok ako ng monasteryo dahil
inilihim ko iyon sa aking mga magulang. Hindi na rin ako nagtaka noong marinig
ko ang planong pagsunod ni daddy sa kanila. Alam ko, gusto rin niyang makasama
ang pinakamamahal na apo niya doon. At ikinatutuwa ko rin nman ito. Kasi iyon
din ang sinabi ko kay Kristoff na susunod ang lolo niya doon.
“Papa Jun,
heto o... dala-dala ko pa ang binili mo sa akin na robot... Yung baril-barilan
sana, kaso sabi ni papa, baka daw ikukulong ako ng pulis kapag nakita iyon.”
Noong si Kristoff na ang lumapit sa akin. Mukha namang tanggap na ng bata na
sasama na siya sa Canada.
Napangiti na
lang ako sa sinabi niya. “Oo tama lang na robot na lang. Baka makita ka ng
pulis, akalain ay isa kang rebelde.”
“Papa Jun
naman eh! Hindi naman ako rebelled eh.”
“Biro
lang... baka lang kapag dinala mo ang baril-barilan mo.” Paliwanag ko.
“At heto
papa Jun ang card na ginawa ko po para sa iyo...” sabay abot sa akin sa card na
ginawa niya.
Binuksan ko
ito. “Wowww!!! Ang ganda naman Kristoff!” sambit ko noong makita ang mga
drawing niya. Binasa ko ang nasa loob. “Dear Papa Uncle! Huwag po kayong
malungkot kasi po magkikita pa uli tayo. I love you Papa Jun!”
At noong
mapansin ko ang drawing niyan dalawang lalaki at isang bata. “Sino naman itong
mga ito?” ang tanong ko.
“Tayong
tatlo ni papa.”
“Ay ang
galing! Bakit mo naman naisipang i-drawing tayong tatlo?”
“Kasi po,
para po palagi mong maalala tayong tatlo ni papa na magkasama. Kahit nasa
Canada na kami, magkasama pa rin tayong tatlo...”
At hindi ko
na napigilan ang sariling hindi mapaluha. Napaka-inosente kasi ng bata, at dama
ko ang kanyang naramdamang lungkot at pagnanais na kahit sa drawing man lang ay
manatiling magkasama pa rin kaming tatlo ng papa niya. Sobrang touched ako sa
ginawa ni Kristoff. Napakatalingong bata talaga.
Gusto ko
sanang humagulgol ngunit ibayong pagpigil sa sarili ang ginawa ko. Pinahid ko
na lang ang mga luha ko at niyakap siya.
“Papa Jun
huwag na po kayong umiyak kasi, iiyak na rin po ako...” at nakita ko na lang
ang nagbabagsakang luha sa mga mata ng bata sabay pahid naman niya sa mga ito.
“O... o…
siya huwag ka nang umiyak. Hindi na iiyak si Papa Jun. “Tahan na, tahan na...”
Nagpapahid
pa rin siya ng luha at humikbi.
“O sige...
kiss na lang kay papa Jun dali...”
“At idinampi
niya sa aking labi ang trademark niyang kiss na may tunog.”
“Huwag nang
umiyak ha... sige, punta ka na sa mama mo”
Agad naman
siyang tumalima.
Noong si
Aljun na ang lumapit sa akin, nagpaalam na sina Emma at Kristoff na sa van na
maghintay. Sina daddy at mommy naman ay nagbigay-daan upang magkaroon kami ng
private moment.
“H-heto na
talaga boss...” ang sambit ko.
Malungkot
ang kanyang mukha. Binitiwan ang malalim na buntong-hininga.
“P-parang
kailan lang ano? Naalala ko pa, una kitang nakita ng personal noong nagmeeting
ang LA department at pumasok ka upang mag explain. Pinagmasdan na kita noon.
Humanga na ako sa iyo. At nasabi ko sa sariling ‘Wow! Talaga naman pala! Kaya
andaming nagkandarapang mga babae! Ang guwapo-guwapo naman pala.’ Tapos...
nakita kita sa CR noong magkasabay tayong umihi at tumabi ka talaga sa katabing
urinal na inihian ko. Hindi kita kunyari pinansin noon pero pinakiramdaman na kita.
Tapos, iyong sa raffle night kung saan tinutukso-tukso mo kaming mga audience
na pati ikaw ay parang naiilang sa ginawa mo bagamat game na game ka pa ring
gumiling-giling, naghubad, rumampa. Aliw na aliw ako sa iyo noon. At ang
pinakasimula ng lahat sa atin… iyong pagpunta mo sa flat ko upang mgasimula ka
na sa iyong serbisyo...”
At
dinugtungan niya. “Pagkatapos, nalasing ako, nagsuka, nakatulog sa flat mo...
pinunasan mo ang aking buong katawan, tsinantsingan mo ako, hinawakan ang aking
pagkalalaki habang nasa gitna ako ng kalasingan...” seryoso pa rin
Binitiwan ko
ang isang ngiting-pilit. “Na nagustuhan mo naman ngunit pakyeme-kyeme ka pa,
kala mo hindi ko alam...”
Napangiti
siya. “Ang brief, pantalon, damit mo na sinuot ko... ang toothbrush mong ginamit
ko.”
“Ang
nangyari sa siopao...”
“A-ang
pagpunta mo sa bukid... kung saan nangyari ang una nating pagniniig at ang
pag-propose ko ng pag-ibig sa iyo”
“A-ang dami
na pala nating pinagsamahan sa may walong buwan lang na naging tayo. May saya,
may lungkot, may excitement, may nakakatakot, may trahedya...”
“Iyon ang
pinakamasayang bahagi ng buhay ko. At ikaw ang nagbigay sa akin noon.”
“Ikaw rin...
sa iyo ko naranasan at natutunan ang mga bagay-bagay na dapat kong maranasan at
matutunan. Sa iyo ko nahanap ang tunay na kahulugan ng buhay at kung paano
umibig at kung paano manindigan.”
Tahimik.
“P-parang
kilalang-kilala na kita. Parang alam ko at kabisadong-kabisado ko na ang lahat
ng bagay-bagay sa iyo, ang buhay mo, ang pagkatao mo...” pagpatuloy ko.
“A-ako rin
boss. Parang isa kang aklat na ang lahat ng pahina ay nabasa ko na, at kung
saan ay nagbigay sa akin ng aral at inspirasyon ang mga kuwento na nakasulat
dito.”
“Kaso...
tapos na ang kuwento ko. At kailangan mo nang isara ang aklat.”
“P-puwede ka
pa namang gumawa ng karugtong na kuwento, di ba? S-sa kuwento natin...”
“Hindi na
boss. Ibang kuwento na ito...”
Tahimik.
Hindi siya nakaimik.
“Ang dali
lang pala ng 8 buwan. Maraming nangyari sa buhay ko ngunit may hangganan ang sa
atin. Parang katuwaan lang ito. Parang kagaya ng sa nangyaring paraffle na may
365 oras lang ang taning... Ngunit salamat pa rin sa pagdating mo sa buhay ko.
Salamat sa mga masasayang ala-ala at mga bagay-bagay na natutunan ko sa iyo.”
Ang pagbasag ko sa katahimikan.
Tahimik uli.
“Huwag ka
nang tumuloy sa monasteryo boss... babalikan kita dito. Ipangako ko sa iyo.”
“Huwag na,
boss... masasaktan ka lang. Pilitin mong buuin ang buhay at pamilya mo. Pilitin
mong magbigay saya, kahulugan, at direksyon sa buhay ng iyong asawa at mga
magiging supling.”
Tinitigan
niya ako, at nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. “So, this
is goodbye?”
“Yeah...”
“Paalam...
at salamat sa pagbahagi mo ng buhay mo sa walong buwan nating pagsasama.
Babaunin ko ang lahat ng ating masasayang ala-ala.” At niyakap niya ako at
pagkatapos ay tumayo at tumalikod na.
“Boss...”
ang sambit ko.
Lumingon
siya. “B-bakit?” sabay lingon sa akin.
“P-puwede
bang mahagkan ka; sa huling pagkakataon...”
At lumapit
siya at niyakap niya muli ako sabay dampi ng kanyang mga labi sa mga labi ko.
Matagal,
mapusok... ngunit puno ito ng pighati at kalungkutan.
Iyon na ang
huling halik na natikman ko sa mga labi ni Aljun.
[Itutuloy]
[Finale]
Nakalabas
ako ng ospital pagkatapos ng isang linggo. Bagamat masakit pa ang sugat ko
ngunit ang sabi ng duktor ay maari nang sa bahay na lang ako magpagaling. Gusto
ko rin naman iyon kasi nakakabagot sa loob ng ospital. Palagi kong naalala ang
huling tagpo namin ni Aljun doon.
Habang nasa
Canada na siya, tumatawag naman at nagtitext sa akin si Aljun. Ngunit hindi ko
sinasagot ang mga tawag at texts niya. Syempre, gusto ko nang tuluyang
kalimutan siya. Masakit man ngunit dahil ito ang nararapat kaya tiniis ko ang
lahat. At upang tuluyang hindi na niya ako matawagan pa, pinalitan ko ang
number ko.
Dahil pala
sa kabutihang ginawa ni Fred sa akin at sa laki ng pasasalamat ng mga magulang
ko, ginawang scholar si Fred nga aking mga magulang. At pati ang pagpagamot sa
kanyang inang may sakit ay sinagot na rin ng aking pamilya. Kaya laking
pasasalamat ni Fred.
“O di ba...
adopted daughter ka na nina mommy at daddy. Sister na rin kita.” biro ko sa
kanya.
“Oo nga
eh... Sabagay, kitang-kita naman na hindi magkalayo ang mga hitsura natin.”
sabay tawa.
Sa pangalawang
linggo, hinikayat ako ni Fred na bisitahing muli ang manghuhulang albularyo.
Sumang-ayon ako dahil gusto kong makasiguradong natanggal na talaga ang sumpa.
“Wala na ang
sumpa, anak... pumasa ka sa pagsubok. Naipamalas mo ang isang bagay na babasag
nito.”
“T-talaga
po?” ang sagot ko. May dala itong saya, kahit papaano sa aking puso.
“Oo. Ngunit
mas maiging puntahan mo uli ang lugar kung saan mo nakuha ang sumpang ito. May
makikita kang senyales.”
“G-ganoon po
ba?” ang sagot ko na lang. Sabagay, iniisip ko ring bisitahin ang inay ni Aljun
na inay na rin ang tawag ko. “S-ige po, kapag may panahon ako, dadalawin ko ang
lugar. A-ano po ba ang senyales na iyon, Manong?”
“May
kinalaman ito sa sumpa. Malalaman mo kung ano ang senyales na ito kapag nakita
mo na”
“Ganoon po
ba?”
“May
nakikita pa ako sa baraha mo, anak. Numero: 18... at dalawang 8.”
“H-ha???!”
ang gulat kong sagot.
“Manong
ha... huwag mong sabihing may sumpa na naman ang numerong iyan. Isusumpa na
kita talaga. Tama nang natamaan ako sa hita at ang friend ko ay natamaan sa
dibdib. Ayaw na namin ng kung anu-ano pa. Hindi na nakakatuwa iyan.”
“May
kinalaman ito sa katuparan ng iyong pinapangarap...”
“H-ho???”
“M-may isang
desisyon kang gagawin sa buhay mo; isang malaking desisyon na maaring magpabago
sa takbo ng iyong buhay. Di ba?”
“M-meron
po.” Ang sambit ko na lang.
“May
kinalaman ito dito. Pupunta ka sa isang lugar... at dito ay may isang desisyon
kang gagawin.”
“M-matutupad
po ba ang p-pinapangarap ko?” ang nasambit ko. Sumagi sa isip ko ang tinutukoy
niyang lugar ay ang monasteryo.
Binitiwan ng
albularyo ang isang matipid na ngiti. “Ayon sa iyong baraha? Oo... Ngunit
kailangang ibulong mo ito sa kapag nakita mo na ang senyales.”
“Puwede bang
gawan niyo po ng paraan upang huwag nang matupad ito? O baka nagkamali lang po
ang kaibigan ko ng pagbigay ng baraha sa inyo? Baka para sa akin iyang mga
baraha na nabasa ninyo. May pupuntahn din akong lugar mamaya; sa Jowa ko.” ang
pagsingit ni Fred.
Napangiti
ang manghuhula habang tiningnan niya si Fred. “Tama ang nahugot kong mga baraha
ng kaibigan mo. At para sa kanya ito. Ito ay ikaliligaya niya.”
At iyon
sinabi ng manghuhula na tumatak sa aking isip: matupad ang aking pangarap at
ikaliligaya ko ang desisyong gagawin ko.
“Ikaliligaya
mo raw ang pagpasok sa monasteryo?” ang tanong ni Fred sa akin noong pauwi na
kami.
“O-oo naman.
Bakit hindi. Inner happiness at peace of mind iyan. Something spiritual.”
“Oo nga,
spiritual. Pero ang puso mo ay hindi pa kaluluwa fwend. Hindi siya spirit.
Katawang lupa ka. At katawang lupa din ang makakapagbigay-ligaya dito. Huwag ka
nang tumuloy fwend.” Ang panghikayat sa akin ni Fred. “Hayaan mo, isang araw
kapag tuluyan ka nang gumaling, dadayo tayo sa isang gay bar.” Dugtong pa niya.
Natawa naman
ako. “Huwag na Fred. Nakatadhana na ang lahat.”
“Huwag kang
maniwala sa tadhana-tadhana. Nasa atin pa rin ang huling desisyon no! O baka
naman nagkamali lang ng pag interpret ng baraha ang manghuhula fwend. Malay
mo...”
“Tama na
Fred. Final na ang desisyon ko.”
“Hay
naku.... Grabe...”
Tahimik.
“M-ma-miss
na kita nito, fwend, kung ganoon. Ako naman ang masasaktan. Sila ay nagpaalam
sa iyo ngunit ikaw magpaalam sa akin. Ano ba iyannn???” ang malungkot na sabi
ni Fred.
“O, e di
upang hindi mo ako ma-miss, sama na tayong pumasok sa monasteryo.”
“Hay naku...
kung maaari nga lang sana. Kasi, alam ko na kahit sa loob ng monasteryo, may
kontrabida pa rin. Ako ang dedepensa sa iyo doon. Awayin ko ang lahat ng mga
monghe na mang-aapi sa iyo, wala akong paki kung siya pa ang general superior.
Kaso... may inay akong may sakit fwend eh... at higit sa lahat, hindi ko
maiwan-iwan ang Jowa kong si Jake. Ano na lang ang magyayari sa kanya? Paano na
lang ang buhay niya kapag wala ako? Sino ang magbibigay sa kanya ng load?”
Natawa naman
ako.
“Charingggg!”
pagbawi din niya. “Mahal ko ang mokong na iyon no. At feeling ko ay mahal din
niya ako fwend. Pramis. Lagi niya akong pinapayuhan, binibisita niya ako sa
bahay namin, at kapag may time siya, tinutulungan niya akong alagaan ang nanay
ko. Sweet niya fwend. Pramis... Botong-boto ang inay ko sa kanya.”
“Buti ka
pa...” ang nasambit ko na lang.
Enrollment
time. Sa dating flat ko pa rin ako tumira. Dahil ayaw kong ipaalam sa mga
magulang ko na papasok ako ng monasteryo, ang paalam ko na lang sa kanila ay na
mag-enroll pa rin ako at ipagpatuloy ang second year ng kurso ko. Hinintay ko
lang ang buwan ng Agosto. Kasi, iyon ang tanggapan ng mga aspirants sa
pagkamonghe.
Malungkot
ang buhay na nag-iisa sa lugar pa kung saan nagsimula ang lahat. Sa bawat
pagtulog ko sa gabi, sa mismong kama kung saan kami palaging natutulog, ang
tanging unan na gamit namin ni Aljun ang siya kong tanging yakap-yakap.
Naalala ko
rin si Kristoff; ang kakulitan niya, at ang harutan naming tatlo ni Aljun sa
iababw ng kamang iyon bago kami natutulog. Ang sarap sariwain ng mga ala-ala.
Ngunit ang bawat pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan ay madalas ding nagdudulot ng
sakit sa aking damdamin. Bagamat tanggap ko na ang lahat, sadyang mahirap
maghilom ang sugat ng puso.
Wala na rin
kaming communication ni Aljun. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila. Tanging
ang mommy ko lang ang nakakaalam sa bagong number ko. At ayaw ko nang malaman
kung ano na rin ang nangyari sa kanila. Masakit pa para sa akin ang lahat. At
kailangan kong bigyan ng panahon ang sarili upang maghilom. Ang panalangin ko
na lang ay sana masaya na siya, sila ni Kristoff sa pilng ng kapatid ko.
Si Fred pa
rin ang palagi kong kasama. Nad’yan sya palagi sa aking tabi at pilit na
pinapasaya ako.
Hanggang sa
gumaling na ang aking mga sugat.
Araw ng
aking pagpasok sa monasteryo, maaga akong nagising. Lahat ng mga gamit ko ay
inihanda ko na, ang iba ay ipinamigay ko kay Fred. Hindi naman kasi kailangan
doon ang laptop, ang cellphone, i-phone, etc. Kaya ang lahat ng ito ay ibinigay
ko kay Fred. May ilang t-shirt lang akong dala, dalawang sweaters, apat na
pantalon, isang dosenang briefs, apat na shorts at mga personal na gamit kagaya
ng toothbrush, shavers, at deodorant.
Tinawagan ko
na rin ang mommy ko. Nag-iiyak siya sa kabilang linya. Inaasahan kasi niyang
hindi ko na ituloy pa ang pagpasok doon. Ngunit hindi ako nagpapigil. Sa
monasteryong iyon, hindi kailangan ng pera upang makapasok ang isang aspirant.
Mga monghe na ang gumagawa ng paraan. Kaya hindi ako dependent sa mga mgulang
ko.
As usual, si
Fred ang kaibigan kong nandoon sa huling araw ko sa labas. Hindi rin naman kasi
alam ng iba pang mga kakilala namin na talagang tutuloy ako sa pagpasok sa
monasteryo.
Iyakan na
lang kami ni Fred. Ang pagpasok ko kasi sa monasteryo ay mas matindi pa kaysa
pag alis ng kaibigan patungo sa ibang bansa. Kasi, kapag nasa abroad ang
kaibigan mo, magkakausap pa kayo sa telepono, chat sa internet, facebook.
Ngunit ang mga contemplative monks, tuluyan nilang isasara ang pintuan nila sa
mundo at sa pakikisalamuha sa tao.
Syempre,
umaasa pa rin si Fred na magbago ang isip ko. Ngunit buo na ang pasya ko. Sa
pag-alis ni Aljun sa buhay ko, para na rin akong namatay. Kaya nararapat lamang
na sa isang monasteryo ko na igugugol ang natitira kong buhay.
Hinatid ako
ni Fred hanggang sa terminal. Hindi ako pumayag na ihatid pa niya ako sa
mismong monasteryo at doon pa kami mag-iiyak at magdrama.
Habang
naglakbay ang bus patungo sa lokasyon ng monasteryo, hindi ko naiwasang hindi
sumagi sa isip ko ang unang pagsakay ko ng bus patungo sa bukid na kasama si
Aljun. Ang ka-sweetan naming dalawa na habang umaandar ang bus ay nakatulog ako
sa kanyang balikat at ang kanyang bisig ay inlingkis pa sa aking beywang. Ang
pag-inum namin ng soft drink sa parehong straw. Ang pakikinig namin ng iisang
music sa aking ipod…
At habang
nasa ganoon akong pagmumuni-muni, bigla ko ring naalala ang sinabi ng
manghuhulang bisitahin ko ang lugar kung saan ako dinapuan ng sumpa. Dahil
madaanan ko rin naman ang lugar nina Aljun sa sunod na terminal ng bus,
napag-isip-isip kong mabuti na sigurong makita at ma-confirm ko ang sinasabing
senyales na nagpapatibay na natanggal na nga ang sumpa upang mabawas-bawasan
ang dinadalang bigat sa aking kalooban. At isa pa, gusto ko ring madaanan ang
inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko, upang kahit papaano ay magkita pa
din kami kahit sa huling pagkakataon.
Excited ang
inay ni Aljun noong makita ako. Nagkuwentuhan kami sa mga nangyari sa kasal,
nagpasalamt din siya sa lahat ng mga kabutihang nagawa ko sa kanya, kay Aljun
at Kristoff bagamat nalungkot din siya sa hiwalayan namin ng anak niya.
“Alam mo,
Jun, hangang-hanga ako sa paninindigan mong pagpaubaya. Napakalawak ng iyong
pang-unawa at napakabusilak ng iyong puso...”
“Iyon kasi
ang sa tingin ko ay pinakamagandang desisyon. Masakit man po ngunit mas may
karapatan ang kapatid kong si Emma, si Kristoff at ang kanyang magiging kapatid
kay Aljun.”
Niyakap na
lang ako ng inay ni Aljun. Alam kong nasaktan din siya. Sadyang napakahirap
lang talaga ng aking kalagayan.
“Dito ka na
muna, Jun. Kahit dito ka matulog kuwarto ni Aljun, walang tao, pwede kang d’yan
muna kung gusto mo.”
“Huwag na
po, inay. Sumaglit lang po ako, nangumusta sa inyo, at bumisita na di sa lugar.
Papunta po ako sa Norte, sa kabilang probinsya, may pupuntahan lang po.”
“A, ganoon
ba? O siya, basta kapag may panahon ka Jun, puntahan mo ako dito ha? Nasasabik
na ako sa anak ko. Kapag nakita kita, parang nakita ko na rin siya...”
“S-salamat
po, nay.” Ang nasambit ko. “E... sasaglitin ko lang po ang tabing ilog atsaka
dideretso na po ako nay...” dugtong ko, sabay yakap na sa kanya.
“O sige,
mag-ingat ka anak...”
Noong
marating ko ang pook, agad akong naupo sa dating inuupuan namin ni Aljun, sa
isang patag na malaking bato sa gilid ng pampang kung saan nakaharap ito sa
ilog.
Dama ko ang
preskong hangin na pabugso-bugsong humampas ng aking balat habang naririnig ko
pa ang ingay ng mga ibon at mga dahong nagkikiskisan sa pag-ihip ng hangin.
Itinuon ko ang aking paningin sa ilog, halos walang pagbabago dito. Patuloy pa
rin ang pag-agos ng tubig. Napakaganda talaga ng tanawin. Isang masterpiece na
likha ng kalikasan.
Binitiwan ko
ang isang malalim na buntong hininga. Sa piling ni Aljun nagkakaroon ng
kahulugan ang perpektong likha na iyon ng kalikasan.
Hindi ko
naman napigilan ang sariling hindi mapaluha.
Maya-maya
lang, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, biglang nagpakita ang ibong wagas! At
hindi lang isa kundi dalawa!
Panandaliang
nawala ang aking lungkot noong makita ang dalawang ibong tila naglalampungan
habang nakadapo ang mga ito sa sangang dating dinapuan nila. Nagtukaan na
parang nagkikilitian.
Naalala ko
na naman si Aljun at ang sinabi niyang pamahiin tungkol sa wagas na pag-ibig...
Parang gusto
kong mangarap muli na sana ay biglang sumipot si Aljun at na kami ang
magkatuluyan. Ngunit dahil sa imposible na itong mangyari, ang nasambit ko na
lang ay “Sana...”
At noong
sumagi sa sisip ko ang sinabi ng albularyo na ibulong ko ang aking hiling, ang
naibulong ko ay, “Sana ay sa loob ng monasteryo ko na matatagpuan ang tunay na
kaligayahan...”
At noong
mabanggit ko ang hiling kong iyon, narinig kong tila nagsiawitan ng dalawang
ibon. Pakiramdam ko ay nagsasaya sila. Naitanong ko tuloy kung para saan iyong
kasayahan at pag-aawitan nila; kung para sa akin ba iyon o ano... Parang weird
ang pakiramdam ko sa nasaksihan at narinig sa kanila.
Napapikit
tuloy ako at napabulong sa sarili, “Ok… kung si Aljun talaga ay para sa akin,
dapat ay sisipot na siya ngayon. Hinding-hindi na ako tutuloy pa sa monasteryo
kapag sumulpot siya dito, at ngayon na...” Parang hamon ko ba sa ibong wagas na
mistulang tinutukso ba ako o iniinggit.
Naghintay
ako. Isang minuto, dalawang minuto, tatlo, apat… “Sana… sana…” bulong ko.
At nagulat
na lang ako noong mula sa aking likuran ay may sumutsot. “Pssssttt!!!”
“Si Aljun!”
sigaw ng utak ko. Excited ko namang nilingon ang nasa likod ko.
Ngunit kung
gaano ako ka-excited sa pagkarinig ko sa kanyang sutsut, ay siya namang
kabaligtaran noong nakita ko no kung sino iyon.
Si Toto. Ang
pinsan ni Aljun sa ina. “Ay ikaw pala iyan kuya Jun? Anong ginawa mo dito,
kuya?” tanong ni Toto.
“Ah eh…
wala. Dumalaw lang ako dito. Dumaan ako sa bahay nina Aljun at naisipan kung puntahan
ang ilog.” Angmatamlay kong sagot.
“Ah… ganoon
ba kuya? Sige… alis na po ako. Ingat po kayo kuya. Kapag may ipapagawa po kayo,
tawagin niyo lang po ako.”
“S-salamat
Toto. Sige, at maya-maya lang ay aalis na rin ako.” Ang sagot ko.
Noong makaalis
na si Toto, tiningnan ko muli ang sanga kung saan dumapo ang mga ibon. Ngunit
wala na ang mga ito.
Napabuntong-hininga
na lang ako.
Hapon na
noong marating ko ang monasteryo. Napag-alaman kong may kabuuang pitong mga
aspirants pala sa batch namin at apat kaming dumating sa araw na iyon.
Binigyan
kami ng maiiksing individual confirmation interview ng general superior at
noong matapos na, binigyan kami ng instruction at overview sa magiging
activities namin.
“First of
all, monks live in extreme discipline. We have three vows that serve as guiding
principles in living our lives a monks. These are the vows of chastity,
poverty, and obedience. Chastity becasue we remain to be pure and chaste in
deed, in words, and in thoughts; poverty becasue as individual persons, we own
no material possessions. All our personal needs will be taken care of by the
community. When I say needs, I mean the basic things to survce as foods,
clothing, which in our case our caramel-brown habit, and shelter which is the
monastery. We have no need for money, we have no need for gadgetries. We only
live inside the walls of this monastery in prayer, reflection, and
self-sustenance. Bilang aspirants, you will undergo training and orientation
that will help you understand and internalize these vows. You will have
classes, studies about lives of monks, about the life of St. Francis of
Assissi, about theology and religion, and others. Ang mga detalye sa routine
ninyo, sa mga tasks at assignments ninyo dito sa loob ay ipapaskil natin sa
ating bulletin board. Do you have any question?”
Walang
nagtanong.
“And I would
like to remind na in case anytime from today and during your training and
orientation ay ma-realize mong hindi ka naaangkop para dito sa loob, the door
is wide open for you to leave. No questions asked, walang pipigil sa iyo. The
monastery is not a jail. You are free to go whenever you need to go... lalo na
on this stage of your training.”
Tahimik.
“Ok... kung
walang tanong, bubunot muna kayo ng numero to determine your room assignment.
You are expected to work in pairs sa initial stage ng training ninyo. At ang
tandem ay magiging magka-kuwarto din. Ngayon, dahil pito kayo, may isang
magso-solo sa kuwarto niya at walang ka-partner… ang magkapartenr ay ang 1-2,
3-4, at 5-6. Pag number 7 ang nabunot mo, ikaw ang walang kapartner.” ang
paliwanag ng superior.
“Kawawa
naman iyong walang partner...” ang nasabi ko na lang sa sarili.
Ngunit ako
pala iyon. Number 7 ang nabunot ko. “Ano ba to... talagang sinubok ang aking
determinasyon dito sa loob...” bulong ko. Ngunit tanggap ko naman ito. “Mabuti
na rin sigurong wala akong ka kuwarto. At least, walang istorbo” ang
pagsi-sweet-lemon ko na lang sa sarili.
Ipinakita sa
amin ang aming kuwarto at binigyan lang kami ng ilang sandali na ilagay ang
aming mga gamit atsaka ipinagpatuloy ang orientation. Inikot namin ang loob ng
monasteryo at pagkatapos sa kanilang garden naman.
Malaki ang
kanilang monasteryo. Malawak ito at sa mga hallways gawa sa mga malalaking
batong walang pintura o ni dekorasyon ay wala kang makikitang mga tao o mga
monghe na naglalakad. Sadyang napakatahimik. Animoy maririnig mo pa ang ingay
ng pagbagsak ng karayom sa makapal na sementong sahig. Isang perpektong lugar
kung saan pwede mong mahanap ang iyong tunay na sarili.
May
kapilyang malaki at malawak na ang estraktura mismo ay yari sa makakapal na
semento at bato. Mga antigo ang nasa loob nito at ang mga poon ay ay halatang
napakatagal nang gawa.
Sa likod ng
monasteryo ay may malaki silang farm. May mga kahoy, may iba’t-ibang uri ng
halaman at taniman. May taniman sila ng gulay, may taniman ng mga bulaklak, may
palayan, may mga puno ng prutas. At napag-alaman kong doon pala halos lahat
kinukuha ang kanilang mga pagkain. Kanya-kanyang assignment sila. May mongheng
ang trabaho ay magsasaka, may mongheng ang trabaho ay pagsusulat ng libro, may
mongheng kusinero, tagalinis ng monasteryo, may taga-alaga ng manukan at
babuyan nila... at may maliit din silang fish farm. Self-reliant sila,
self-sustaining sa kanilang mga pangangailangan.
Inikot namin
ang lahat ng iyon, ipinakita sa amin kung saan kami inclined na mag contribute
ng trabaho pagkatapos sa isang buwan naming training.
Pakalipas ng
limang araw, dumating naman ang tatlo pang mga bagong aspirants. Ang isa ay
galing Mindanao, ang isa ay galing ng Maynila at ang isa ay isang German na
nasa 23 lang yata ang edad. At dahil ako ang napiling lider ng grupo, ako rin
ang inatasang magbigay sa kanila ng familiarization orientation base sa nauna
na ring naibigay sa amin.
Hindi ko nga
rin alam kung bakit ako pa ang ginawang lider ng batch. Kasi, ako ang
pinakabata. Ngunit siguro iyon ay dahil ako daw, base sa sinabi sa akin ng
general superior, ang may pinakamataas na result sa ibinigay nilang
responsibility and leadership assessment.
Akala ko
kumpleto na kaming lahat ng aspirants sa batch ng iyon. Ngunit kinabukasan,
sinabihan na lang kami ng father superior na may isang aspirant pa raw na
humabol. Dahil hindi pa naman namin natapos ang required number of hours sa
aming familiarization tasks, kung kaya pinayagan na lang din nilang humabol
ito. At kagaya noong nahuling tatlo, ako pa rin ang inatasang magbibigay ng
overview at mga paunang familiarization overview sa kanya. Bukod dito, magiging
partner ko rin siya at kakuwarto.
Nasa loob na
ako ng waiting room, ilang minuto ding naghintay sa nasabing humahabol na
aspirant at handa na sa aking ibibigay na orientation. Medyo excited din ako
kasi, madagdagan pa pala kami sa batch namin. Nungit laking gulat ko noong
bumulaga na sa aking mga mata ang mukha ng nasabing aspirant.
Si Aljun!
Mistulang
mawalan akong malay sa pagkakita ko sa kanya. Sobrang lakas ng kalampag ng
aking dibdib na halos hindi ako makahinga.
“Good
morning...” ang med’yo may pag-aalangang pagbati niya sa akin. Parang naiilang,
o nahiya, hindi ko lubos maintindihan.
Ewan. May
excitement akong naramdaman ngunit may naramdaman din akong pagkainis gawa ng
hindi ko rin maintindihan ang kanyang motibo sa pagpasok sa monasteryo sa
kabila ng may asawa na siya at sa kabila ng usapan naming buuin ang kanyang
pamilya. Pakiramdam ko ay gusto niyang guluhin ang aking pananahimik. At pati
ang monasteryo ay nilapastangan na lang niya din ng ganoon-ganoon na lang?
Imbes na
gusto ko sanang malaman kung ano na ang mga nangyayri sa kanya at kina Kristoff
at Emma, tiniis ko na lang na huwag magtanong. Hindi ko sinagot ang kanyang
pag-good morning. “B-brother Jun ang itawag mo sa akin.” Ang naisagot ko na
lang, may katarayan ang aking boses.
Binitiwan
niya ang isang ngiting pilit. “B-brother Jun...” ang sambit niya.
“Please take
your seat.” Ang sambit ko, pinilit ang isip na huwag paapekto, na huwag
magpakitang natuturete ako sa pagkakita sa kanya, na dere-deretso pa rin ang
mga salitang lalabas sa aking bibig.
Tahimik
siyang umupo.
At sinimulan
ko na ang overview. “First of all, monks live in extreme discipline. They have
three vows that serve as guiding principles in living their lives: chastity,
poverty, and obedience. Chastity becasue monks must remain to be pure and chaste
– in deeds, in words, and in thoughts; poverty becasue as individual persons,
they own no material possessions. All their personal needs will be taken care
of by the community. Needs as foods, clothing, which for monks, their
caramel-brown habit like what I am wearing now, and shelter which is the
monastery itself. Monks have no need for money; they have no need for
gadgetries. They only live inside the walls of this monastery in prayer,
reflection, and self-sustenance. Bilang isang aspirant ng pagkamonghe, we will
undergo training and orientation that will help us understand and internalize
these three vows. We will have classes, studies about the lives of monks, about
the life of St. Francis of Assissi, about theology and religion, and others.
Ang mga detalye sa routine natin, sa mga tasks at assignments natin dito sa
loob ay ipapaskil sa bulletin board from time to time.” Natahimik ako sandali,
pinagmasdan siya na nakayuko lang, hindi ko alam kung nakikinig. “Do you have
any question?” dugtong ko.
“Mayroon.”
Ang kalmante niyang sabi kaagad.
“Go ahead.”
“Wala ka
bang natandaan sa araw na ito?”
Syempre,
para akong binatukan sa narinig. “Sorry brother Aljun. We don’t discuss persoal
issues here. I’m just asked to give you this orientation and that’s it. We
value silence and peace.”
“August
18... may kumatok sa flat mo, nagdala ng mga bulaklak at nagtanong kung iyon
ang tirahan ng taong nakapanalo sa kanya sa Paraffle.”
“I don’t
remember anything. I died and was re-born here sa loob ng monasteryo. When I
died, all the things in my past died too. There’s nothing left but the present
and the future”
“You died...
and you forgot everything.” Ang may halong sarcasm niyang sagot, tumango-tango
pa. “What a coincidence! I’m your god-sent angel to help you remember about the
one person you love.”
“Brother
Aljun. Don’t tempt me. You are like the snake who tempted Eve to eat the
forbidden fruit. If your purpose of coming here is to keep going back to your
past, then this is not the place for you. I’m moving forward with my life. Your
world is outside. It is waiting for you. We are worlds apart. We don’t belong
to the same world now.”
“Well if I
need to cross that other world just to reclaim the one person I love, then I am
going to do that. I don’t care if I am a snake that tempts someone... I just
want my love back. And I will do anything and everything in my power to take
him back with me. He is mine. He belongs to me.” ang matigas niyang sabi, ang
mga mata ay nakatutok sa akin.
“Puwes,
sasabihin ko sa iyo. I’m not buying it. Ito ang mundo ko. I will spend the rest
of my life here.”
“Hindi ako
aalis kung hindi ka sasama sa akin.”
“Ok... fine.
Di dumito ka. Welcome to us.”
Tahimik.
Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. Hindi ko ipagkailang naguluhan ako sa bigla
niyang pagsulpot at sa kanyang mga sinabi. Pinagmagmasdan ko rin siya na ang
mukha ay hindi rin ma-drawing at nanatiling nakayuko.
“Hindi ka
man lang ba magtanong kung ano na ang nangyari kay Kristoff, sa kapatid mong si
Emma, sa mga magulang mo, sa mga tao sa labas?”
“Shittt!
Bakit mo ba sila isisingit dito?! Kinokonsyensya mo ba ako? Pinili ko ang
mundong ito, iba ang mundo nila! Ayoko na doon!” ang sambit kong tumaas na ang
boses.
“You have
changed…”
“People
change. Things change. Everything changes...”
“But not
love… alam ko, wagas ang pagmamahal mo.”
“It doesn’t
matter. Love dies too. Mine died.”
“No. The
only feeling that doesn’t die is love. Hatred dies down, happiness fades, tears
run dry. But true love stays. It grows. It flourishes… It’s everlasting.”
“I’m not
buyng it. Sorry. I can’t relate. The only love I know is agape.”
“Exactly.
That’s what I mean.”
“No, you’re
love is eros and thelema; romantic and lustful.”
Hindi siya
nakaimik. Pakiwari ko ay gusto niyang umiyak o magmakaawa.
“I have to
tour you around” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Tumayo siya
at walang imik na sumunod sa akin.
Noong nasa
may taniman na kami ng monasteryo, nagsalita siya. “Naalala ko ang bukid. At
ang ilog…” ang sabi niya.
“Shut up!”
Ngunit
nagpatuloy pa rin siya, “Naalala ko rin ang ibong wagas na nakita kong dumapo
sa kahoy na katulad niyan. At nagpakita na naman siya sa akin bago ako pumunta
dito.” sabay turo sa isang kahoy na kagaya noong kahoy sa may ilog sa kanilang
bukid.
“I said shut
up!!!”
“Naalala ko
pa ang pagturo ko sa iyo kung paano umakyat ng buko, at nanginginig ka noong
nasa taas ka na na halos hindi na makababa?”
“Arrggghh!
Shut up! Shut up!!!” ang pigil ko pang pagsigaw sa kanya, pinigilan ang
sariling huwag umiyak.
“Bakit ka ba
galit? Ganyan ba ang isang monghe? Mabigat ang kalooban? Walang peace of mind?
Nagagalit? Sumisigaw?”
Para akong
nabuhusan ng malamig na tubig. Napatigil ako atsaka naupo sa isang bangko na
kahoy na nasa lugar. “Bakit ka ba pumasok dito? Ano ba ang kailangan mo sa
akin? Bakit mo ginugulo ang buhay ko?”
“Boss...
lumabas tayo dito boss. Hindi ito ang lugar para sa atin.”
“Nag-usap na
tayo... Buo na ang pasya ko. Please layuan mo na ako. Lumabas ka na dito.”
“Ano ba ang
gusto mong gawin ko upang sumama ka sa akin?”
“Kamatayan.
Kung mamatay ako, saka na ako lalabas dito.”
“Paano kung
ako ang mamatay? Lalabas ka rin ba?”
“Magdasal ka
ng taimtim, brother Aljun. Baka sakaling ma-enlighten pa ang pag-iisip mo.”
Sabay irap ko sa kanya at tumayo na muli ako at ipinagpatuloy ang pag tour sa
kanya sa lugar. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi na rin siya nagsalita.
Alas 10 ng
gabi, oras na ng pagtulog namin. Dahil ka kwarto ko sya, inexpect ko na doon
din siya matulog sa isang kamang katabi ng aking kama. Nakatulog na ako at
nagising ng alas 12 ng hatinggabi ngunit nanatiling malinis ang kanyang kama.
Syempre,
nabahala ako kung saan siya natulog. Pinuntahan ko ang mess hall, inikot ang
mga hallways, ang library, ang garden, ang waiting rooms. Ngunit wala siya. At
ang huli kong pinuntahan ay ang chapel. Doon ko siya nakita. Nakaupo sa upuang
pinakaharap ng altar at marahil ay nakatulog na dahil ang ulo ay nakasandal sa
sementong digding ng kapilya.
Umupo ako sa
tabi niya. Doon ko na confirm na nakatulog nga siya noong nakita ko ng
malapitan ang kanyang mukha. Ramdam ko ang awang gumapang sa aking katauhan sa
nakita sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa kanya na doon matulog
sa kapilya at kung ano ang ipinalangin niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Apat na buwan kaming hindi nagkita ngunit ang kasabikang narmdaman ko sa kanya
ay mistulang isang dekada nang nawala siya. Wala pa ring ipinagbago sa kanyang
taglay na kakisigan. Pakiwari ko ay lalo pa siyang gumuwapo. Parang gusto ko
siyang yakapin, haplusin ang kanyang mukha, siilin ng halik ang kanyang mga
labi.
“Uhmmmm!”
ang ungol na lumabas sa kanyang bibig sabay pagbuka kanyang mga mata. “Ay...
nand’yan ka pala. Ang sambit niya noong makita ako.
“D-doon ka
na matulog sa kuwarto natin...” sambit ko.
“D-dito na
lang ako. May hiniling ako sa kanya.” Sabay turo sa poon. “Nangako akong dito
ako lagi matutulog hanggang hindi pa natupad ang hiniling ko sa kanya.
“A-ano naman
ang hiniling mo?” Ang pag-aalangan kong tanong.
“Na
pakawalan ka na niya; na ipaubaya ka na niya sa akin...”
Napayuko na
lang ako. Hindi nakaimik, ramdam ang lalo pang pagkaawa sa kanya.
“Mahal na
mahal kita boss... Ayokong lumabas sa monasteryong ito nang hindi ka kasama...”
“May asawa
ka na. Kasal ka sa kapatid ko...”
“Oo kasal
kami. Ngunit nagkasundo na kami ni Emma...”
“Anong
pinagkasunduan ang sinasabi mo?” ang gulat kong tanong.
“Hindi ako
ang ama ng pangalawang anak ni Emma. At may boyfirend siyang isang Canadian.
Ginawa lang niya ang pagpakasal sa akin dahil gusto niyang makaganti. Ginamit
niya lang ako, boss... At ito ang sinabi niyang malaking problemang kinakaharap
niya, at sa ginawa niyang pagpapakasal sa akin noong malaman niyang magkapatid
kayo at lalo na noong sinagip mo ang buhay niya.”
“Sinungaling
ka!” ang pigil kong pagsigaw “Nag-imbento ka ng kuwento upang lumabas ako
dito.”
“Hindi boss.
Totoo ang sinabi ko sa iyo.”
“Bakit hindi
niya sinabi iyan bago kayo umalis? Bakit hinayaan niyang pumunta pa kayo ng
Canada?”
“Noong
sinagip mo ang buhay niya, nagbago ang plano niya. Sinabi niya ang lahat sa
daddy mo at dahil gusto niyang lumigaya ka, kaya naisipan na lang niyang dalhin
pa rin kami sa Canada upang tuluyang magiging Canadian citizens kami ni
Kristoff base sa bisa ng kasal, at upang doon, kukunin ka namin at doon na tayo
magsama.”
“At itong
lahat ay alam mo ngunit hindi mo ipinaalam sa akin?”
“Hindi
boss... Bago ko lang nalaman. Nitong nagkabalikan na sila ng boyfriend niya sa
tulong din ng iyong daddy. Kaya may kaunting sama ng loob din ako sa kapatid mo
dahil hindi niya kaagad sinabi. Ngunit hindi din naman kasi niya alam na
papasok ka sa monasteryo. Nalaman na lang nila noong araw ng pagpasok mo kung
saan nag-iiyak ang mommy mong tumawag sa daddy mo sa Canada. Kaya dali-dali na
kaming umuwi ni Kristoff. At ipinangako ko sa kanila at kay Kristoff... na
dadalhin kita sa pagbabalik ko.”
“Ayoko pa
ring maniwala sa iyo.”
“Ano ba ang
dapat kong gawin upang maniwala ka?”
“M-atulog na
ako...” ang sambit ko na lang sabay walk out at tumbok sa aming kuwarto.
Subalit
hindi ako dalawin ng antok sa buong magdamag. Lalo akong naguluhan.
Kinabukasan,
hindi ko nakitang kumain si Aljun. Bagamat nag-aattend naman siya sa mga
lectures ngunit kapag sa oras na ng kainan ay wala siya. Napag-alaman kong
nagpaalam daw ito sa aming trainor na magpahuling kumain at may iba pa siyang
gagawin. At sinang-ayunan naman daw ito.
Dahil
naguluhan na rin ang isip ko, halos ayaw ko na rin siyang makita. Bagamat
magpartner kami, hindi ko siya kinakausap. Pinilit akong umiwas. Hindi na rin ako
nakialam pa sa kung ano ang ginagawa niya at kung ano ang kalagayan niya.
Kinagabihan,
nandoon uli siya sa kapilya at kagaya ng naunang gabi, doon na naman siya
nakatulog. Naawa naman ako. Mistulang unti-unting nalusaw ang pagmamatigas ng
isip ko sa nakitang kanyang ginawa.
Sumasali
naman siya sa mga activities namin bagamat matamlay siya, tuliro, malalim ang
iniisip, at lumalalim ang mga mata na parang puyat at pumayat.
Ganoon
palagi ang routine niya hanggang sa pang-anim na araw, umaga iyon noong nagkagulo
ang mga monghe sa monasteryo. Si Aljun ay hindi na nagising. Nag-collapse daw
ito. Napag-alaman kong hindi daw pala ito kumakain o ni umiinum ng tubig o
kahit na anong liquid sa katawan sa may 6 na araw na ang lumipas.
Dinala agad
siya sa ospital, sa labas ng monasteryo. At hindi ko na alam kung ano ang
nangyari.
At doon na
naantig ang aking puso noong may isang sulat na inilagay si Aljun sa ibabaw ng
altar na nabasa nila, “Alam mong hindi ako relihiyosong tao. Alam mong marami
din akong pagkukulang... ngunit sana ay sapat ang gagawin kong sakripisyo upang
ibigay po ninyo ang kaisa-isa kong hiling: na sana ay makasama ko siya. Walang
silbi ang buhay ko kapag hindi ko siya makapiling. –Aljun– ”
Nakonsyensya.
Iyon ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang aking gagawin.
Nag-excuse upang hindi muna sasali sa session sa umagang iyon.
Maya-maya,
may kumatok sa kuwarto ko. Ang trainor namin at may iniabot sa akin. Isang
sulat galing kay Aljun.
“Dear
Boss... mahal na mahal kita. Ayaw ko nang mabuhay kung wala ka. Sana ay sagipin
mo ang pagmamahalan natin. Sagipin mo ako boss... sagipin mo si Kristoff.
–Aljun–”
At sa
maiksing sulat niyang iyon nagbago ng lahat...
***
Gabi noong
makarating ako sa ospital kung saan na-confine si Aljun. Ang inay niya ang
nagbantay. Nandoon pa raw si Kristoff sa bahay namin dahil hindi nila ipinaalam
ang nangyari sa kanyang ama. Iyon daw ang mahigpit na bilin ng daddy ko.
Sinabi ko sa
inay ni Aljun na ako muna ang magbantay sa kanya.
Hinila ko
ang upuan sa gilid ng kanyang kama. At habang pinagmasdan ko ang kanyang mukha,
hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha. Sumagi sa isip ko mga
pagsubok at balakid na dumaan sa aming buhay.
Hinaplos ko
ang kanyang pisngi, binulungan siya. “Boss, mahal na mahal din kita. Sorry
talaga… Pangako sa iyo, hindi na kita iiwanan pa.”
“Uhhhmmm!”
ang narinig kong ungol niya. Nagising pala siya. Noong nakita niya ako,
binitiwan niya ang isang ngiti. “N-nandito ka...?”
Tinugon ko
ang kanyang ngiti sabay yakap ng mahigpit na mahigpit sa kanya na tila hindi ko
na siya pwedeng pakawalan pa. Humagulgol ako. “Sorry boss… sobrang sorry
talaga. Ayokong mawala ka pa sa akin. I love you…”
Niyakap din
niya ako at hinaplos ang aking likod. “I love you too… Ok lang iyon. Malakas ka
naman sa akin e. Kahit ano, gagawin ko para sa iyo. Kahit saan ka pupunta,
susundan kita. Kahit sino pa ang aangkin sa iyo, aagawin kita sa kanya...”
Wala pang
dalawang linggo at tuluyan nang gumaling si Aljun. Agad-agad inasikaso namin
ang mga papeles patungong Canada upang doon na manirahan. Napagdesisyonan na
rin naming doon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Dahil
mayaman ang aking kapatid na si Emma, binigyan niya ng malaking katungkulan si
Aljun sa isa sa mga negosyo niya, isang deputy general manager. Habang wala pa
kaming sariling bahay, sa isang bahay ni Ate Emma kami muna tumira kasama si
Kristoff habang si Ate Emma ko naman at ang kanyang boyfriend at ang anak nila
ang nagsama.
Ang daddy ko
ay palagi na ring naglalagi sa Canada. Hindi niya kasi matiis na hindi makita
ang kanyang apo. Minsan, sumasama din sa kanya ang mommy.
Dalawang
taon ang lumipas at ipinawalang-bisa na ang kasal nina Aljun at Ate Emma. Umuwi
kaming lahat sa Pilipinas at doon, nagkaroon ng reunion ang pamilya. Syempre,
hindi nawawala si Fred at ang kanyang boyfriend na si Jake na talagang naging
faithful sa kanya. At dahil natuwa din ang kapatid ko sa ipinamalas na loyalty
ni Fred sa akin, pinangakuhan siya ni Ate Emma na bibigyan din ng trabaho sa
Canada, kasama ang boyfriend niya.
Pagkatapos
ng bakasyon na iyon, isinama na rin namin sa Canada ang inay ni Aljun na mas
lalo pang nagpasaya sa aming pamilya.
Sa darating
na taon ay magpapakasal na kami ni Aljun. Ito na iyong pinaka-culmination sa
yugto ng aming pag-iibigan. Bagamat ayokong mag-expect na magiging
smooth-sailing ang susunod pang yugto ng aming buhay ngunit sa tibay ng
pag-ibig na ipinamalas namin sa isa’t-isa, alam kong malalapasan din namin ang
lahat ng mga pagsubok.
Salamat sa
pagdating ng isang Aljun Lachica sa aking buhay. Salamat sa isang paraffle na
pag-ibig...
Wakas.
No comments:
Post a Comment