Friday, January 4, 2013

Parrafle na Pag-ibig (16-20)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

Author’s Note:

"Libre po ang magbasa. Libre din po ang magrepost. Huwag lamang pong angkinin ang kuwento na pinaghirapan ng tunay na may akda."

-Mikejuha-
----------------------------------------------

[16]
Dali-dali kaming pumunta sa computer laboratory upang mag online. At nakita nga namin doon ang litrato kung saan nagyakapan at pormang naghalikan kami ni Aljun.



May kalayuan ang kuha at hindi masyadong klaro ang mga mukha namin bagamat kung kabisadong-kabisado ng taong tumingin ang tindig, porma ng katawan, buhok at iba pang pagkakakilanlan naming dalawa, masasabi niyang 90% na kami nga iyon. Ngunit sa mata ng hindi kabisado sa amin, baka nasa 50-50 lang siguro.


Parang gumuho ang aking mundo sa aking nakita.


“Tsk! Tsk! Tsk!” ang narinig ko mula kay Aljun. “Kapag ganito kadumi ang kalakaran ng kanilang laban, e di sige, laruin natin. Pakawalan na natin ang mga ebidensya nakalap mo Fred. Ipost mo na sa fb mo at sa SALMO.


“Talaga idol? Yes!!! Dapat lang upang matauhan ang demonyang babaeng iyan!” ang sabi ni Fred na gigil na gigil na talagang ipalabas ang nakalap ng mga impormasyon tungkol sa background ni Giselle.


Subalit natuwa man si Fred sa sinabi ni Aljun, hindi naman ako mapakali. Grabe ang naramdaman kong magkahalong poot, takot, at hiya... At ang sunod kong naalimpungatan ay ang pagtatakbo ko palabas sa computer laboratory, hindi alam ang patutunguhan. Hanggang sa nakarating ako sa pinakaliod ng campus kung saan nandoon ang mga malalking puno ng kahoy at makakapal na talahib. Hindi pinupuntahan ng mga tao ang lugar a iyon. Kumbaga, parang isang lugar sa eskuwelahan na mistulang itinakwil.


Naupo ako sa isang nakausling malaking bato at doon, ipinalabas ang galit at sama ng loob. Nalilito ang aking isip. Nanggalaiti sa galit kay Giselle sa ginawang pagsali niya sa akin sa kanyang paghihiganti kay Aljun bagamat wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. At nainis din ako sa sarili ko kasi, sa bawat paghahalik sa akin ni Aljun hindi ko man lang magawang tumututol samantalang ayoko namang ma-in love sa kanya. At nainis din ako kay Aljun kasi ba naman, pakiramdam ko ay tinutukso niya ako palagi... Kaya tuloy, nakunan pa kami ng litrato. Parang hindi ko kayang harapin ang lahat...


At namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha ko. “Syeeeettttt!” sigaw ko sa sarili ko. “Tanginaaaa!!!”


“Boss...” ang narinig kong boses sa aking likuran.


Bigla akong napalingon. Nakatayo lang pala si Aljun sa aking likuran. “Bakit mo ako sinundan? Paano iyan kapag may nakakita na naman sa atin? Kukuhanan na naman tayo ng litrato niyan! Iyan ba ang gusto mo?” ang paninisi ko.


“Huwag ka namag magalit please...”


“Paanong hindi ako magagalit? Hindi mo man lang naisip na walang katao-tao dito? At kapag may nakakakita sa atin, ano na naman ang sasabihin ng mga tao sa atin? Di ba lalong mag-isip sila ng masama sa atin?”


“Tsk! Nagagalit ka na naman eh...”


“Ikaw naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng ito, eh! Ikaw naman ang nag-iinitiate ng halikan, di ba? Tingnan mo! Tingnan mo! Nakunan tayo!!!” bulyaw ko.


“Cool ka lang Boss... please?“


“Cool... Kung ikaw kaya mong maging cool, ako hindi! Hindi ko alam ang gaawin ko! Leche!”


Tahimik. Nakayuko lang si Aljun hindi na nagsalita.


Maya-maya. “M-may naobserbahan ako sa litrato. Una, blurred ito. Pangalawa, malayo ang kuha. Pangatlo, kung titingnang maigi, hindi tayo naghahalikan. At pang-apat, ang natandaan ko ay sa loob ng floating cottage tayo naghalikan, hindi sa aplaya. Ang anggulo ng pagkuha ng litrato ay nagmukha tayong naghalikan. Ipinalabas nilang talagang naghalikan tayo.


Medyo nabuhayan ako ng loob sa narinig bagamat may takot pa rin akong naramdaman sa mensaheng gustong ipalabas sa kampo ni Giselle…


“Kaya huwag ka nang malungkot. Huwag kang magalit sa akin. Kaya nating lusutan ang ipinalabas nilang litrato.”


“Oo... kaya nating lusutan. Ngunit kinukundisyon nila ang utak ng mga tao upang maghinala sila na tayo ay may relasyon!” ang paliwanag ko.


“At mayroon ba? Wala naman di ba? Bakit ka matatakot?” sagot niya.


Parang may sumundot na isang sibat sa aking puso sa narinig. Imagine, sa kabila ng mga naganap na halikan namin ay wala lang pala talaga iyon.... Parang ano ba? Naglalaro lang ba siya? O normal lang sa kanya ang pakikipaghalikan. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “Sabagay... Wala naman talaga. Naghahalikan tayo pero hindi tayo magkarelasyon. Laro-laro lang ang lahat.” ang sabi ko na lang.


Binitiwan niya ang isang ngiting pilit. Para siyang nabilaukan at hindi makapagsalita.


Kaya lalo tuloy naukit sa aking isip na ganoon lang talaga. Laro-laro lang ang aming paghahalikan.


Parang lalo pa akong nasaktan. Parang may doble-dobleng sibat pa ang tumama sa aking puso.


Uupo na sana siya sa tabi ko. Marahil ay nais niya akong suyuin, pawiin ang naramdamang sama ng loob. Ngunit tumutol ako at binulyawan pa siya, “Huwag kang tumabi sa akin! Mamaya may makakakita na naman sa atin, bagong issue na naman!”


Tumayo naman siya kaagad. “Bakit ba puro takot ang nasa isip mo?” ang naitanong niya.


“Bakit ikaw, hindi ka ba natatakot?”


“Boss... sa buhay, dapat kang manindigan. Hindi tayo pwedeng mamuhay na puro takot ang nasa isip. Hindi pwedeng may ginawa ka ngunit hindi mo paninindigan ito. Oo, minsan nakakatakot ang manindigan. Ngunit kung kailagan mong harapin ang katotohanan, harapin mo. Lakasan mo ang loob mo. Ilabas mo ang iyong tapang. Walang patutunguhan ang buhay kung palagi kang nagtatago at nababalot sa takot.”


Pakiramdam ko ay natameme ako sa sinabi niya. Ngunit nangangatwiran pa rin ako. “E... tinutukso mo ako e.”


“Tinutukso ka ngunit pumapatol ka... take it as part of your decision. Isang dahilan kung bakit naging kumplikado ang tao ay dahil kahit pwede at madali niyang panindigan ang isang bagay, naghahanap pa rin siya ng lusot at ipasa sa iba ang responsibility. You are the only person solely responsible for your life, boss, wala nang ibang tao pa. And the only thing other people can do kung nasa isang gusot ang buhay mo ay either they support you or blame you. Either they will stand by you, or leave you. But it’s ok kung ginawa mo ang isang bagay dahil sa iyong paninidigan. Lalayo man ang ibang tao sa buhay mo, nalalaman mo naman ang tapat at tunay mong mga kaibigan.”


“Paano kung mali ang isang bagay na nagawa mo?”


“Kung sa tingin mong mali, aminin mong nagkamali ka. Ask for sorry. Ngunit kung sa tingin mo ay hindi mali ang ginagawa mo, paninidigan mong ito ang tama. Hindi lahat ng tama para sa iyo, ay tama din para sa pananaw nila. Ngunit kung panindigan mo ito, maintindihan ka rin nila sa bandang huli. Kasi, ikaw ang may-ari ng buhay mo. You are the captain of your fate; you are and the master of your soul boss… hindi ibang tao.”


“Bakit? Masasabi ko bang ang paghahalikan natin ay tama para sa akin?”


“Bakit? Mali ba?”


“Sa mata ng tao at mata ng Diyos ito ay mali.”


“Sinong nagsabi?”


“Ako...”


“Bakit ka pumayag na makikipaghalikan sa akin?”


“E...” hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay nabilaukan ako.


“Dahil nasasarapan ka? Dahil gusto mo?” dugtong niya.


“Ikaw ba ay gusto mo rin?”


“Sympre naman. Hindi ko gagwin ang isang bagay kung hindi ko gusto. At kung gagawin ko man, sisiguraduhin kong kaya ko itong panindigan... Ngayon, pwede mo bang sabihin kapag nagkabukingan, na hindi mo kasalanan dahil tinukso lang kita? At ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyaring halikan natin? Ganoon ba iyon?”


Hindi na ako nakaimik. Tama din naman siya. Gusto ko rin naman. Kaso... “Hindi naman kasi ganyan kadali eh. Hindi naman ‘pwede’ o ‘hindi pwede’ lang ang issue eh. Ang tanong ay kung tama ba, kung hindi ba masisira ang ating pangalan, kung hindi ba tayo pagtawanan at ikahiya ng mga kaibigan...”


“Iyan pa ang isang problema sa iyo eh. Andami mong ‘ifs’ and ‘buts’. Ginawa mong kumplikado eh. Simple lang ang tanong: kaya mo bang paninidigan o hindi? Para sa akin, wala akong pakialam kung sa gagawin kong paninidigan ay may mga kaibigang itakwil ako o kukutyain ako. Kasi, kung gagawin nila iyan, ibig sabihin ay they don’t deserve to be my friends.”


“So... kung may litrato talaga tayong naghahalikan, paninidigan mong naghahalikan tayo?”


“Bakit hindi? Ginawa ko, totoong nangyari ang ganoon, bakit ko idideny? Bakit.... ako lang ba ang nag-iisang tao sa mundo na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki?”


Hindi pa rin ako nakaimik.


“Bakit ikaw, hindi mo kayang panindigan?” tanong niya.


“E...”


“Gusto mo kahit ngayon, aminin ko nang naghalikan nga tayo?”


Pakiramdam ko ay may kilig na bumalot sa aking katawan. Para bang “Wow... kaya niyang gawin iyon para sa akin? Ang ipinahiwatig na ba noon ay kaya na rin niyang panindigang may relasyon kami?”


“Kaya mong gawin iyan?” ang nasambit ko na lang.


“Oo... kaya ko.”


“Paano na lang ang mga taga-suporta mo, mga tagahanga mo?”


“Mamahalin pa rin nila ako kung tunay nga silang tagasuporta ko. In fact, para sa mga totoong tagahanga ko, mas lalo pa nila akong mahalin kapag inamin ko ang isang bagay na bagamat masakit ngunit may dalang katotohanan. Lalo pa nila akong hahangaan, idolohin. Mahirap makahanap ng taong kayang panindigan ang mga bagay na sa kabila ng kasiraan sa kanilang reputasyon o kapahamankan sa kanilang seguridad ay manindigan pa rin sa ngalan ng katotohanan...”


Tahimik.


“Handa ka bang aminin ang isang katotohanan?” tanong niya sa akin.


“H-hindi... Hindi ko alam. Wala naman tayong relasyon eh. Bakit ko aaminin?”


“Ang katotohanang naghalikan tayo ang ibig kong sabihin. Hindi ang tanong kung may relasyon tayo.” Ang sagot niya.


Hindi naman ako makatingin-tingin ng deretso sa kanya. Hindi na rin ako nakasagot.


Hinawakan niya ang aking baba at itinutok ang mukha ko sa kanyang mukha. “So, kung may relasyon tayo... aaminin mong naghalikan nga tayo?”


Pakiwari ko ay pulang-pula ang aking mukha sa sobrang hiya, nagsisi kung bakit lumabas pa ang mga katagang iyon sa aking bibig. “H-hindi pa rin ah! Paano tayo magkaroon ng relasyon eh.. ayaw ko naman! Ayoko kayang maging bakla.” Sagot ko na lang bagamat gusto ko ring sabihing “Hindi mo naman ako niligawan o hindi mo naman ina-assert na may relasyon tayo!” Ngunit sa isip ko na lang iyon. Ayoko kasign sabihin niyang feeling assuming ako.


At bigla din niyang binitawan ang pagkahawak niya sa aking baba. Parang may bahid na pagkainis akong napansin sa kanyang galaw. Parang nadisappoint sa aking sagot. “Ok... bahala ka.” Ang sagot na lang niya na tila nawalan na rin ng ganang makipag-usap. “Tara na... doon tayo sa student center.”


“Ayokong umalis dito na tayong dalawa magkasama. Kapag may nakakita sa atin lalao siang maniwlang naghahalikan nga tayo. Papuntahin natin sina Gina at Fred.” Ang sagot ko.


“Ok... tatawagan ko.” At tinawagan nga niya sa kanyang cp sina Fred at Gina. “Si Fred lang ang pupunta. May klase si Gina” and sabi ni Aljun pagkatapos niyang maibaba ang cp niya.


Maya-maya, dumating na si Fred.


“Mauna ka na Boss... maya na tayo magkita sa flat ko.” ang sabi ko kay Aljun na agad namang tumalikod nang walang imik, bakas pa rin ang pagkainis sa kanyang mukha.


“Bye idol!” Sambit ni Fred kay Aljun at baling sa akin, “Bruha ka! Natikman mo na pala ang mga labi ni Aljun, wala kang sinabi!” ang sambit ni Fred.


“Anong natikman? Hindi naman kami naghalikan sa litrato ah!”


“Sa litrato hindi. Pero ang ibig kong sabihin iyong hindi sa litrato!” ang biro ni Fred.


“Huh! Anong hindi sa litrato?”


“Woi, fwend, bistado na kita... Halata sa galaw mo. Sabihin mo ang totoo. Huwag magsinungaling. Hayan o... humaba na ang ilong mo sa kakasinungaling mo. May nangyari na ba sa inyo? Ha?”


“Wala ah... halikan lang...” ang pag-amin ko rin.


“Ayyiiiii!!!!!” ang sigaw ni Fred na kinilig ng husto. “So... kayo na?”


“Hindi ah! Walang ganyan Fred.”


“Hah? Naghahalikan kayo ngunit hindi kayo?”


“Hindi ko nga alam Fred eh. Magulo...”


“Hahahaha! Nakakataawa naman iyan. Pero sa tingin ko fwend, pareho lang kayong nasa stage na confused at hindi matanggap-tanggap sa sariling mahal niyo na ang isa’t-isa. Para bang iyong pakiramdam na, ‘hindi naman ako bakla, bakit magbibigay ako ng motibo?’ bagamat nasasabik kayo sa isa’t-isa... Kasi si Aljun hindi naman bakla, may mga karanasan sa mga babae pero tingnan mo, patay na patay siya sa byuti mo! Haba talaga ng pubic hair ng aking fwend!” At tawa uli. “At ikaw naman... confused ka rin sa sarili mo. Kaya ok lang iyan fwend. Hayaan mo, everything will come into place at the right time. I-enjoy mo na lng ang set-up nyo ngayon fwend, lalo na iyong kilig. Ayiiiiiii! Sarap naman!”


“Paanong i enjoy. Heto nga naguguluhan ako...”


“Hay naku... ganyan ang pag-ibig fwend. Sa simpleng bagay, naguguluhan na. Maliit na bagay, ginawang malaki. Umiibig ka nga fwend! At panalo na ako sa pustahan natin. Ahehehehehehe!”


“Hindi pa ah! Hintayin natin na ma-inlove siya sa akin para tabla...”


“Ah.... Ok. Basta panalo ang puso ng fwend ko... Happy na ako. Basta... i-enjoy mo lang. Huwag ma-mroblema. Antayin na ang panahon na mismo ang gagawa ng paraan at magising ka na lang na kayo na...”


Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti.


“Balik tayo sa bruhang Giselle fwend. Ipost ko na sa fb ko at sa group natin ang video scandal ni Giselle sa dating school niya, ang thread ng chat namin ni Anne, at iyong nahagilap ko lately fwend sa newsletter archive ng dating university nila na may news feature tungkol sa kanya.”


“Ha? Ano ang news feature na iyon?”


“Ang sabi doon... ‘Giselle Villanueva stripped of Miss University crown due to scandal’. May sub-title pang ‘school board considering expulsion’ At may picture ni Giselle doon fwend! Inilagay pa talaga ang mukha niya na para bang isinuka siya doon!”


“Good job Fred. Maaasahan ka talaga.”


“Syempre. In the name of KKK!” sabay tawa.


“Ano naman iyan?”


“Kataas-taasan, Kagalang-galang, Kapatiran.”


Natawa naman ako.


“Hayan... dapat ganyan lagi. Huwag magmukmok, huwag sirain imakuladang mukha. Hindi bagay sa kapogi-an ang nakasimangot...”


“Ikaw talaga...”


“Dapat lang naman na huwag kang sumimangot dahil marami na akong nakalkal na baho sa buhy ng Giselle. At marami pa akong kakalkalin. Nakita ko sa fb ang lalaking nabiktima niya sa dating unibersidad niya. Nakalagay kasi ang pangalan ng lalaking iyon sa newsletter nila at noong sinearch ko ito, nakita ko ang account niya. Single pa rin siya fwend at ang guwapo-guwapo din! Nag message ako kung pede niya tayong matulungan sa problema natin kay Giselle ngayon. Hinintay ko na lang ang reply niya. Kapag pumayag, lalong madidiin ang babaeng iyan. Ipalabas natin ang katotohanan fwend.”


“Salamat Fred...”


Sa student center kami nagpunta ni Fred. Nandoon pala si Gina. Naupo kami sa tabi niya. At kagaya ng dati, kuwentuhan. Nalaman na rin pala niya ang tungkol sa litrato na ipinakalat ng grupo ni Giselle.


“Ikaw ang tumabi sa akin Fred. Huwag si Jun dahil baka pagselosan pa ako ni Aljun.” Ang biro ni Gina.


“Woi... na hurt ka huh!” ang biro din ni Fred.


“Slight lang naman...” sabay tawa.


“Alalahanin mo, lalaki si Aljun at ikaw babae. Ibig sabihin, puwede naman ang three-some!” biro pa rin ni Fred.


“Ummmm!” ang pagbatok ko naman kay Fred. “Huwag kang maniwala sa kanya Gina. Walang malisya iyong sa amin ni Aljun.” Ang sabi ko kay Gina.


Inirapan naman ako ni Fred na nagawa pang magsalita. “Ganoon?”


Tiningnan ako ni Gina. “Kahit may relasyon pa kayo ni Aljun, crush pa rin kita.”


“Weetwiiiwwwww!” ang reaksyon naman ni Fred.


Natawa din ako. “Ako rin, crush din kita. Palagi naman yan eh...” sagot ko na lang. Totoo naman din kasi. Ewan. Di ko maintindihan ang sarili. May Aljun na akong naramdaman sa puso ko pero crush ko rin si Gina. “Anong feedback na narinig mo tungkol sa ipinakalat na litrato namin ni Aljun?” tanong ko na lang kay Gina.


“May mga nagsabing edited, doctored, may nagsabing siniraan lang daw ni Giselle si Aljun dahil hindi umipekto ang gimik niya. Ngunit ang nakakaloka ay ang mga narinig kong comments na ano naman daw kung naghahalikan ang dalawang lalaki, o ano kung magboyfriend nga sina Aljun at Jun... bagay naman sila.”


Na sya namang agarang pagsingit ni Fred ng, “Oo nga naman! Anong masama kung nagtitikiman ng laway ang dalawang lalaki, di ba?”


Nasa ganoon kaming pagdidiskusyon noong dumaan ang grupo nina Giselle na puro mga babae. At iyon bang paglalakad na head up, sobrang yabang na parang pag-aari niya ang buong unibersidad, feeling siya si Paris Hilton na isang bilyonaryang jetsetter. Pakiramdam ko ay nakita na niya kami doon bago sila dumaan sa harap namin. Habang naglalakad silang apat, lumingon si Giselle sa aming kinaroroonan, inismiran kami atsaka nagpatutsada ng, “Akalain mo? Ipinagpalit ang magandang babae sa isang bakla lang???” sabay halakhak.


Tawanan ang grupo nila.


“Baka mas mahaba ang hair niya kaysa sa iyo Sis!” biro ng isang barkada niya.


“Baka may lahing mangkukulam kamo. Matindi ang gayumang ipinainum... Pero babae yata ako! May matris, nagkakaanak, may tunay na boobs, maganda, mayaman, may legal na basehan sa pagpapakasal.... Hindi ako papayag na isang bakla lang ang aagaw ng lalaking mahal ko!” sagot naman ni Giselle na parang ipinamukha pa niya ang kanyang sinasabi sa aming grupo.


Para kaming nabilaukan simula pa lang sa pagpasok ng grupo sa eksena. Nagtinginan na lang kami sa isa’t-isa at lalo na sa akin, ang tingin nila ni Gina at Fred ay may bahid na pagkaawa na parang gusto nila akong suyuin na huwag mag react.


Masakit naman talaga. Parang gusto kong umiyak o magwala. At kung isang psycho war ang ginawang iyon ni Giselle para masaktan ako at ipaabot sa akin na huwag ko siyang kalabanin dahil masisira ag buhay ko o mapahamak ako, masasabi kong napakagaling niya sa kanyang ginawa. Kung nagkataong sibat ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig, tumbok na tumbok ng mga ito ang pinakasentro ng aking puso. Parang nanliliit ako sa aking sarili. Parang biglang nawalan ako ng lakas. Parang napakaliit kong tao, walang silbi at hindi karapat-dapat mabuhay. Tama naman talaga siya. Wala akong kalaban-laban sa pagmamahal ng isang lalaki kung ang karibal ko ay isang babae...


Alam ni Fred na nasaktan ako at batid kong gigil na gigil siyang makaresbak, kitang-kita sa kanyang mga mata ang panggagalaiti. Si Fred pa, hindi nakakatulog iyan kapag hindi nakakahanap ng paraan upang makaganti. Si Gina naman ay bagamat nasaktan din marahil sa personal niyang naramdamang maaring selos, at palihiim na hinahawakan at hinahaplos-haplos ang aking kamay at pinisil-pisil ito na parang ang mensaheng gusto niyang ipaabot “Huwag mo siyang pansinin...”


Yumuko na lang ako. Gusto ko mang mag-react, talo pa rin ako. Mahigpit kasing ipinagbilin ni Aljun na huwag magreact sa kanilang mga patutsada dahil baka gawin naman nila itong issue kung mapipikon ang kampo namin at ito naman ang kakalat, videohan at i-upload sa internet. Kaya, gustuhin ko mang mag-walk out, pinilit ko ang sariling magpakatatag at kunyari ay hindi naaapektuhan. Masakit. Mahirap. Pero tiis lang ako. Marami kayang mga estudyanteng nakatambay doon at nakarinig sa mga patutsada ni Giselle sa akin, bagamat may mga estudyante ding lumapit at sumali sa aming uimpukan, nagpahayag ng kanilang suporta.


“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan! Hindi nakita ang sampung kartolina na malapit lang sa lugar ng kanilang umpukan na punong-puno ng mga mensaheng suporta para kay Aljun at ang iba pa ay may patutsada at panlalait sa kanya?! Hindi na tinablan ng hiya ang hayup!!!”


Nasa ganoon silang pagtatawanan ng magbarkada noong parang bigla din nilang hininaan ang kanilang mga boses at seryosong nagkukwentuhan.


Na siya namang pagtayo ni Fred at palihim na tinungo ang likurang parte ng student center kung saan may sementadong dingding at decorative na butas-butas sa mismong pinag-uumpukan nina Giselle. Nasilip ko kasi sa butas ng dingding sa puwesto nina Giselle si Fred na nandoon sa likuran nila.


Nagkatinginan na lang kami ni Gina. Ang nasa isip namin ay nakinig lang si Fred sa usapan nila.


Habang palihim na nakinig si Fred sa usapan nila, nagsilapitan naman ang iba pang mga estudyanteng nandoon sa student center at nakiumpukan na rin sa grupo namin. Ang iba ay nagpahayag ng kanilang pagkainis sa paninirang-puri ni Giselle sa amin ni Aljun. Kahit daw ano ang ipost o ikalat ni Giselle na mga intriga, hindi sila maniniwala.


May 10 minuto at bumalik na si Fred sa kinauupuan namin. Nakangising-aso. Syempre, nagtaka kami kung bakit ganoon ang klase ng ngiti niya. Nakakaloko!


“May sorpresa akong pasabog.” sambit niya, sabay tayo at sigaw sa mga nakatambay na mga tao sa student center. “Hellow madlang students! May ipaparinig ako sa inyong surprise! Isang nakaririmarim at maitim na plano!!!” At pinindot niya ang play sa kanyang maliit na audio recorder.


Nagdadala kasi ng audio recorder si Fred lalo na kapag may meeting ang kanyang Drama Club kung saan siya ang secretary. Iyan ang pinakadahilan kugn bakit bumili talaga siya ng sensitive na audio recorder kung saan nakakapick-up ito ng kahit mahihinang ingay. At bilang secretary, imbes na mag note-taking siya habang tumatakbo ang discussions sa meeting, hinahayaan na lang niyang ang kanyang recorder ang gumagawa sa trabaho. At nakakasali pa siya sa discussion. I-play nalang niya uli ang audio kapag nasa bahay na siya at gagawin na niya ang minutes ng meeting ng club.


At noong makita nila ang hawak-hawak ni Fred na mini-audio recorder, nagsitayuan ang mga estudyante at ang nasa malalayo ay lumapit pa.


At... heto ang lumabas sa audio recorder niya. Naka-full volume pa ito:


Giselle: Nakita nyo ba ang reaksyon ng mga honghang noong pinapatutsadahan ko? Nanginginig, di ba? Hehehehe. (Pigil ang pagtawa)


Kaibigan ni Giselle 1: Dapat lang na matakot sila sis! Akalain mo… bakla pala iyang si Gener! Sayang, crush ko pa naman! Ewww! Nakakahiya talaga!


Giselle: At sigurado ako sis, ang Gener na iyan ang gumagawa ng paraan upang mahulog ang loob ni Aljun sa kanya. Nag take advantage siya doon sa tao dahil alam niyang susunod ang tao sa mga ipapagawa niya dahil nga sa kontrata ni Aljun bilang prize boy niya! Ang kapal talaga! Oportunistic! Manggagamit! Kung hindi lang prize boy si Aljun, I’m sure hindi siya papansinin.


Ewan. Hindi ko lubos na maisalarawan ang galit ko. Pakiramdam ko ay nasa boiling point ang aking dugo at kumukulo ito patungo sa aking ulo. Binitiwan ko ang napakatulis na titig sa grupo nila ni Giselle na marahil ay sa sobrang pagkapahiya, parang mga asong talunan na nakayukyok ang mga buntot at walang imik na nagsialisan. Parang puputok talaga ang ulo ko sa galit. Hindi ko akalain na ako pala talag ang direct target sa pagpapalabas nila ng litratong iyon. Ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili.


“Woi! Saan kayo pupunta! Hindi pa tapos!” ang sarcastic na sigaw ni Fred sa grupo nila ni Giselle na kung gaano kayabang at kaangas ang pagdating ay kabaligtaran naman ang pag-alis. Sa sobrang pagkapahiya pakiramdam ko ay parang gusto na lang nilang magdisappear bigla sa kinaroroonan nila na parang bula upang walang makapansin.


Tiningnan kami ni Fred sabay tawa, “Namumutla fwend! Pati mga lipstcik ng mga pota naging simputi ng papel!”


Ngunit isang hilaw lang na ngiti ang isinukli ko. Masakit kaya ang nalaman kong talagang sadyang ako pala ang target nila. Hindi ko naman kasi siya kinakalaban, wala akong balak na masama sa kanya, at hindi ko nature ang mang-away. Ayaw ko ngang may kaaway e... Nagkataon lang na ako ang nanalo sa paraffle na iyon na nagkataon ding si Aljun ang jackpot prize. Ang masaklap pa ay ako na pala ngayon ang oportunista. Ako ang nang-akit kay Aljun. Baligtad yata...


Kaibigan ni Giselle 2: Ano ang plano mo ngayon sis na kumalat na ang picture nilang kung titingnan ay mukhang naghahalikan talaga? Hehehe.


Giselle: Maghahanap ako ng paraan para mahuli talaga ang dalawang iyan... Malakas ang kutob kong may patagong ginagawa ang Gener na yan kay Aljun e. Sayang at hindi nakunan ng asset ko ang loob ng floating cottage kung saan sila pumasok. Malalim kasi ang dagat... Pero mag-iingat sila dahil hindi ako titigil hanggang hindi ko masisira ang Gener na iyan! At palano kong gagawa uli ng sex video sa kanya at kay Aljun.” (sabay tawa ng pigil)


Kaibigan ni Giselle 1: Ano na naman ang gagawin mo upang makapagpalabas ng sex video sa kanila?


Giselle: Kailangan pa bang i-memorize iyan sis? (pigil na tawa) Wala ka yatang bilib sa akin eh. Syempre, dating gawi. Marami akong kakilalang kaibigang magaling magfabricate... anong silbe ng hi-tech ngayon kung hindi natin gagamitin. Pera lang ang katapat niyan sis! At may mga tao d’yan na pwedeng magpose na Gener at Aljun sa video at hayun, magsi-sex kunyari. Kailangan lang natin ma-videohan ang mga mukha ng tunay na Gener at Aljun.


Kaibigan ni Giselle 3: Sandali... bakit sex video nila ni Aljun? E di pati si Aljun ay masisira niyan?


Giselle: Sis... ano ka ba. Una, hindi masisira si Aljun dahil palabasin nating inakit lamang siya ni Gener. At lalaki si Aljun, ok? Pangalawa, dapat lang ding malaman ni Aljun na huwag siyang matigas ang ulo dahil may kalalagyan siya sa akin talaga. Ayaw niya akong pansinin? Pwes, damay siya sa intriga. (parang nairita ang boses)


Kaibigan ni Giselle 4: Woi, sis... Hinay-hinay lang tayo. Tingnan mo ang paskil nilang mga kartolina, andaming mga pumirma. At sa fb balita ko, madami daw sumuporta sa kanila. Baka sa magalit naman sa atin ang mga estudyante.


Giselle: Asusss! Maniwla ka d’yan! Tingnan mo ang mga penmansihp, pare-pareho halos lahat! Pabalik, balik ang pumirma. At iyong sa fb? Pabalik-balik lang naman ang mga comments noon. Baka may sampung tao lang ang nadoon at nagsasagutan lang ng mga kumento. Magaling silang gumawa ng panloloko sa mga tao. Magaling sa black propaganda ang mga iyan! Ang silent majority ay walang kibo... Sila ang panig sa atin.


Kaibigan ni Giselle 4: Hmmmm. Sabagay...


Kaibigan ni Giselle 1: Iyong kaso mo pala kay Aljun. Ano na ang balita?


Giselle: Mananalo tayo niyan. Ako ang bahala. May kakampi yata ako sa mga myembro ng kumite. At patatagalin nila ang kaso hanggang sa malimutan na lang ito at hindi na makakabalik pa si Aljun bilang president ng student council dahil matatapos na ang termino niya. (pigil na tawa) Hintayin na lang nating lumapit sa akin si Aljun at makipag areglo. (kinikilig)


Kaibigan ni Giselle 2: Waaaaahhh! May partey partey na naman!


Giselle: Sure. (Tawa)


At pinatay na ni Fred ang audio recorder niya sabay sabi sa mga nanood. “O... nag-enjoy ba kayo? Palakpak naman d’yan!” sabay tawa.


At nagsitawanan at nagsiipalakpakan nga ang mga estudyante.


Kaway-kaway naman ang Fred.


“Iba talaga ang bangis mo Fred! Panalo ka na naman!” sigaw ng isang estudyanteng myembro ng Cool Guys, Inc na prize boy din at isa sa mga best friends ni Aljun. Nakatambay din kasi doon ang mga ka-tropa niya. “I love you na Fred! Ikaw na ang bagong idol ko ngayon!”


Na sinagot naman ni Fred ng, “Adrian ha? Ang tagal ko nang naghintay! I’m all yours!” sabay bato ng flying kiss sa kinaroroonan ni Adrian.


Iyon ang eksena sa campus sa araw na iyon kung saan lumabas ang controversial na litrato namin ni Aljun.


Sa oras ng pag-uwi ko, kami ni Fred at Gina ang nagsamang pauwi. Binigyan ko na kasi ng instruction si Aljun na sa flat na kami deretsong Makita at ayokong ihahatid pa niya ako.


“Marami na tayong ebidensya Fwen. At kapag hanggang next week ay wala pa ring gagawing aksyon ang kumite, may plano akong gagawin sa dalawang pinaghihinalaang myembro ng kumite na syang humaharang sa pagpapabilis sa pagresolba ng kaso na iyan. Makikita nila. Hindi ako takot na ma-expel huh!”


“Woi, huwag naman gumawa ng drastic na hakbang Fred. Hindi na tayo aabot sa ganyan pa.”


“Oo naman. Pero kung ganyang magpapagamit ang iba d’yan sa kademonyohan ni Giselle, e, matira ang matibay.


Iyon ang natandaan ko sa pag-uusap namin ni Fred at Gina.


Noong makarating ako sa flat, wala pa si Aljun. Agad akong nag on-line. Binuksan ko ang fb ko at muli na namang akong naalipin ng galit. May mga nagpost kasi sa wall ko ng, “Bakla!” “mang-aagaw!” “Haliparot!”. Inireport ko na lang ang mayari noon atsaka dinilete ang mga posts. Nag text ako kay Fred at ganoon din daw ang sa wall niya. May mga hate comments.


“Hayaan mo na sila Fwen. Di lang nila matanggap na talo sila sa diskarte natin. Hayaan mo. Maya-maya, i upload ko sa wall ng fb ko at sa SALMO ang lahat ng ebidensya natin.” Ang sagot na text ni Fred.


Tiningnan ko rin ang litratong pinost ni Giselle kung saan mukhang naghalikan kami ni Aljun. Maraming comments na nagpahayag na naniwala sila sa litrato. May iba ding nagmumura sa galit sa akin at mayroon ding mura para kay Aljun.


Tinext ko muli si Fred tungkol dito.


“Fwen, hayaan mo. Sila-sila lang iyan lahat. Tingnan mo, ang karamihan ay walang profile picture! At mga kampon ni Giselle ang iba dyan sa dating school o sa kapatiran nila ng mga pokpok. I’m sure na may mga supporters natin na nagreact din d’yan ngunit dinelete nila dahil page nila iyan eh. Nagcomment nga ako d’yan gamit ang bogus kong acct at iniexplain ko na kung pagmasdang maigi, hindi talaga kayo naghalikan d’yan. Hayun deleted.”


“Ah... ganoon ba?” sagot ko na lang.


Maya-maya, nakita ko na sa SALMO under document #4 ang video na nakuha ni Fred galing sa best friend ni Giselle. Pinamagatan niya ito ng, “The Giselle Scandal That Tells It All” at may caption sa baba na, “Ito po ang naunang scandal ni Giselle sa dating University niya kung saan siya na kick out.”


May document # 5 din; ang thread ng chat nina Fred at Anne, ang best friend ni Giselle sa dating university niya. Pinamagatan itong, “A Chat With The Best Friends In Crime”


Ang doument #6 ay ang link ng newsletter ng dating university ni Giselle kung saan may nakasulat tungkol sa pagka-dethrone niya at pagkick out sa kanya ng unibersidad. At may caption itong, “Hindi pa ba kayo naniniwalang demonya ang may pakana ng lahat ng gulo sa ating unibersidad?”


Ang document #7 ay ang audio na ginawan talaga ni Fred ng parang video. Palihim na kinunan pala niya ang pagdating nina Giselle sa student center na dumaan pa sa amin at ang yabang yabang pa nilang naglakad. Tapos may voice over na “the grand entrance”. Naupo sila sa mesa nila at nagtawanan. At noong maging seryoso na sila at naputol na ang video, may voice over na naman, “The evil plan...” at ayun, maririnig na ang lihim nilang pag-uusap kung saan na record ni Fred at pinatugtog din niya doon mismo.


At ang document #8 ay ang litrato na namin ni Aljun na naghalikan daw sa dalampasigan. At may caption itong, “Ngayon, maniniwala pa ba kayo nito?”


“Grabe talaga si Fred! Ang galing!” sa sarili ko lang. Sobrang pinaghirapan kasi niya ang mga ebidensya na iyon. Syempre, delikado din ang lagay niya kasi ipinabugbog na nga siya ng alam ko, si Giselle ang may pakana, ngunit hayun, matapang pa rin siya... para sa akin. Para sa amin ni Aljun. Nakaka-touched naman ang ginawa niya.


Maya-maya, nakita ko na lang na may nagcomment na. At sunod-sunod. Ambilis. Ang iba ay nanggagalaiti sa galit. Hindi na ako nagcomment pa, nakibasa na lang ako sa mga palitan ng kumento.


Alas 7:30 na ng gabi noong dumating si Aljun. Dahil may susi naman siya, deretso na lang niyang binuksan ang flat ko. Medyo nanibago lang ako sa inasal niya sa pagpasok pa lang. Kasi ba naman, hindi man lang niya ko binati samantalang nasa sala lang naman ako, nakaupo sa sofa, naglalaptop. Dire-deretso lang siya sa kusina na para bang wala siyang nakikitang ibang tao.


“Nabulag na ba sya?” sa isip ko lang.


Syempre, naintriga talaga ako sa hindi niya pagbati sa akin. Hindi tuloy maiwasang mag-isip ako kung bakit ganoon ang inasal niya. Dahil ba iyon sa galit ko sa kanya sa likod ng school building o dahil hindi ko sya pinayagang magsama kami pauwi...


Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang laman ng posts ni Fred sa fb ngunit dahil sa ipinakita niyang kakaiba kaya pinili ko na lang ang manahimik.


Hanggang sa naihanda na niya ang aming hapunan at kumain na kami... para akong nag-iisa lang sa bahay na iyon. Dahil nakasimangot siya, sinimangutan ko rin siya. At noong matapos na kaming kumain, tumalikod na ako at bumalik sa sofa na parang wala lang, binuksan ang tv at nanood ng palabas.


Noong matapos na siyang maglinis sa kusina, naupo naman sya sa isang silya nakaharap sa tv. Wala pa ring imik. Ako naman, kunyari ay nakatutok ang mga mata sa tv, ngunit hindi nakaregister sa aking utak ang kwento. Kaya ang ginawa ko ay pininidot nang pinindot ang remote. Nagpapansin ba, na sna ay magreact siya o magsalita o kahit sitahin man lang ako upang kahit papano ay mabasag ang katahimikan at maipalabas ko ang mga tanong sa aking isip.


Ngunit bigo ako dahil dedma sya sa aking paglilipat ng channel. Kaya ang ginawa ko na lang ay pinindot ang isang channel na walang palabas at full volume ang ginawa ko. Sobrang ingay ng tv bagamat blangko ang screen nito.


At nagtagumpay nga ako. Nagsalita din siya, “Aalis na ako...” sabay tayo.


At agad kong pinatay ang tv sabay sagot ng, “Ano ba ang problema mo?” na hindi lumingon sa kanya.


“Wala naman. Baka ikaw ang may problema” sagot niya.


“Anong ako? Dumating ka lang ng walang ni ha, ni ho. Parang nag-iisa ka lang sa flat na ito at ang kasama mo ay multo, hindi mo kinikibo, sinisimangutan pa.”


“Di ba iyan naman ang gusto mo? Ayaw mong lumapit ako sa iyo, ayaw mong samahan kita, ayaw mong ihatid kita?”


“Ah... iyan pala ang ipinagpuputok ng butse mo? Bakit gusto mo bang gawin tayong pulutan ng mga tsismis? Gawing katatawanan ang buhay natin? Ganoon?”


“Bakit? Ano bang katatawang bagay ang pinaggagawa natin boss? Hindi ba tayo pwedeng kumilos ng naaayon sa gusto natin? Kailangan bang bawat galaw natin ay naaayon sa kung ano ang gusto ng mga taong nakapaligid sa atin? Sino ba ang mga taong iyan at natatakot ka sa kanila? Ano ba ang ikinatatakot mo?”


“Ah basta! Ayokong pinagtatawanan. Ayokong gawing sentro ng tsismis”


“Ang hirap kasi sa iyo boss... hindi ka nakikinig sa paliwanag ko e. Natatakot ka sa isang bagay na pwede mo namang i-ignore.”


“Nasabi mo lang iyan dahil hindi mo naramdaman ang naranasan ko.”


“Bakit ano ba ang naranasan mo?”


“Kanina, napick up sa audio recorder ni Fred na nag-uusap sina Giselle at ako ang binanggti niyang dahilan kung bakit ayaw mo siyang pansinin. Na ako ang umakit sa iyo upang makuha ko ang atensyon mo! Na ako ay isang bakla!” at tuluyan na akong humagulgol. “Naramdaman mo ba ang sakit at matinding hiya na naramdaman ko?”


Hindi nakaimik si Aljun.


“Ok lang sa iyo kasi, ang nasa isip ng mga tao ay lalaki ka. Walang mawawala sa iyo. Walang dapat ikahiya sa side mo. Pero ako??? Ako ang umakit sa iyo! Bakla ako! Ang sakit!!!”


“Boss... huwag mong isipin iyan. Hindi mahalaga kung ano man ang sasabihin ng tao. Ang importante ay kung ano ang ginawa mong kabutihan sa buhay. Malnis ang konsyensya mo, wala kang taong natapakan o nasaktan, at higit sa lahat, maligaya ka sa gagawin mo. Ang tao ay sadyang mapanghusga. May mga taong ayaw nilang makitang masaya o umangat ang kapwa nila; na ang nais lang ay pabagsakin ka at kapag nagtagumpay sila, pagtatawanan ka at iiwanan.”


“Hindi mo ako naintindihan!” Bulyaw ko.


“Naintindihan kita Boss. Masyadong mataas lang ang pride mo. Ibaba mo ang iyong ego para dito sa kinaroroonan ko, makita mo ang punto ko.”


“Umalis ka na...” ang nasambit ko na lang.


Kaya wala nang nagawa pa si Aljun. Tahimik na tinumbok niya ang pintuan. At bago tuluyang lumabas, nilingon niya ako. “Bukas, Byernes ay pupunta akong bukid. Dalawin ko ang inay. Wala naman akong pasok sa Byernes at wala na rin ako sa student council kaya magpahinga muna ako. Lunes pa ang balik ko…” at tuluyan nang lumabas.


Wala na rin akong nagawa kundi ang hayaang pumatak ang aking mga luha.


Kinabukasan sa school, napag-alaman kong nag-init na raw ang mga kumento sa SALMO. Karamihan ay galit nag alit kay Giselle at sa grupo nila. Ngunit pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana. Ang tanging nasa isip ko na lang kasi ay si Aljun. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nagpaalam sa iyo ang taong mahal mo. Lalo na umalis siyang may sama ng loob pa sa akin.


Nahalata ni Fred ang aking naramdaman kaya sinabi ko na rin sa kanya na umalis si Aljun. At ang payo niya ay, “Bakit di mo puntahan ang bukid nila? Alam mo naman, di ba?”


“O-oo. Alam ko. Binigay niya kasi ang address niya at instructions kung paano pupunta sa kanila at ano ang mga sasakyang bus, kung saan bababa…”


“Iyon naman pala e. Siguradong matutuwa iyon kapag puntahan mo siya sa bukid nila”


Gabi ng Byernes. Lalong tumindi ang pangungulila k okay Aljun. Hindi ako makatulog, at ang tanging laman ng isip ko ay siya lang at ang huling pagtatalo namin. Parang narealize kong mali ako at na dapat nga, kung kaya niyang manindigan, bakit hindi ko kaya?”


Sabado ng umaga. Wala akong pasok. Tuliro pa rin ang utak ko at wala akong maisip na puwedeng gawin upang malimutan ko si Aljun. Hanggang sa mag-alas dose na ng tanghali, sumingit sa isip ko ang mga katagang binitiwan niya, “Naintindihan kita Boss... Masyadong mataas lang ang pride mo. Ibaba mo ang iyong ego para dito sa kinaroroonan ko, makita mo ang punto ko.”


At nabuo ang isang desisyon. Susundan ko si Aljun sa bukid nila… “Bahala na! Wala na akong pakialam pa kung ano man ang sasabihin ng mga tao. Basta malinis ang konsyensya ko, wala akong natatapakang tao, at higit sa lahat, maligaya ako... Iyan ang importante.”


Dali-dali akong nag-pack up ng mga personal na gamit. Dala-dala ang aking bag na naglalaman ng aking mga baong damit at personal na gamit, tinungo ko ang pinto ng aking flat upang pumunta na ng terminal.


Ngunit laking gulat ko noong sa pagbukas ko ng pinto ay sya rin sanang pagbukas ni Aljun nito. Pareho kaming nagulat at nabitiwan ko pa ang hawak-hawak kong bag.


“A-akala ko ba ay nasa bukid ka na?” ang nasambit ko.


“Galing na ako sa bukid. Bumalik lang ako gawa nang may nalimutan. Ikaw? Saan ang punta mo at mukhang malayo-layo ang lugar na iyan?” sabay tingin sa aking bag na nalaglag sa sahig.


“E… a… mag… b-beach kami ni Fred. Oo magbeach kami…” ang alibi ko.


“Paanong magbeach e, nakita ko si Fred sa terminal. Uuwi daw siya sa probinsya niya dahil may sakit ang nanay niya.”


“Ulk! Buking ako!” sigaw ng isip ko. Nagtext pala si Fred sa akin na luluwas muna siya ng probinsya gawa ng nagkasakit ang nanay niya. “Ah…”


At bigla na lang bumakas sa mukha niya ang napakagandang ngiti. “Woi… susundan mo ako sa bukid no?” ang sambit niya.


“Hindi ah! Luluwas din kaya ako ng syudad. Dalawin ko ang mga magulang ko.” Pag alibi ko uli.


“Bakit? Nagkasakit din sila?”


“Pilosopo!”


“Biro lang po. O di sige, kung ganoon tara na! Sabay na tayo!”


“S-saan?”


“Sa Terminal!”


“Sabi mo may nalimutan ka! Ano iyon?”


“Ikaw. Nalimutan kong dalhin ka sa bukid at ipakilala kita sa nanay ko…”


(Itutuloy)


[17]
“T-talaga? Ipakilala mo ako sa nanay mo?” ang malakas at nabigla kong pagbigkas, ang mga mata ko ay nanlaki dala ng sobrang excitement at magkahalong kilig at saya.

Natawa siya. Marahil ay hindi niya inaasahang matuwa ako. Inaway ko kaya iyong tao noong nakaraang araw at hindi kami nag-imikan hanggang sa pag-alis niya.

Noong mapansin ko ang reaksyon niyang parang nagulat, mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan. Kaya bigla din akong bumawi, “I mean... bakit mo ako ipakilala?” kunyari, nagbago din ang aking mood na parang may halong pagkainis at hindi interesado.

“Bakit ayaw mo?”

“E... ano… gusto. Pero bakit?”

“E, gusto naman pala e. Huwag ka nang madaming tanong. Baka mamaya, magbago pa ang ihip ng hangin.” Biro niya.

“O, e di sige... mapilit ka eh.” Ang nasabi ko na lang. “Oo nga naman. Baka mamaya bawiin pa niya, mahirap na” sa isip ko lang.

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Galit pa rin.” Sagot ko, bagamat hindi naman talaga.

Napatitig siya sa akin, mistulang hinuhukay ang kalaliman ng aking isip kung nagsabi ba ako ng totoo. “Gusto mo halikan na kita dito?” ang nasabi niya bigla. Marahil ay alam niyang hindi na talaga ako galit.

“Ummm... Ito, gusto mo?” sabay dikit sa mukha niya ang aking kamao.

“Pwede mo naman akong suntukin ngunit hahalikan kita pagkatapos. Ano, gusto mo?”

Hindi na ako nakasagot. Syempre, sa loob-loob ko, gusto ko ang halik ngunit ayaw ko naman siyang suntukin. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit kailangan ko pa siyang suntukin bago niya ako halikan samantalang pwede naman niya akong halikan agad. Ngunit sa isip ko na lang iyon. Parang gusto ko na rin tuloy hablutin ang harapang waistline ng pantalon niya at hilahin siya papasok sa flat at doon, yayapusin siya ng mahigpit atsaka ako na ang hahalik sa kanya. Miss na miss ko kasi siya kahit isang araw lang na nawala siya. Siguro dahil iyon sa galit ko sa kanya at pagkatapos ay bigla na lang ding sumulpot. Napatitig na lang ako sa kanya.

“Hindi ka na takot na baka may makakita sa atin na magkasama?”

“T-takot pa rin ah. Pero... nand’yan ka naman eh. Bahala na...”

“Hayan.... that’s my boss.” Sabay patama ng marahan ng kanyang kamao sa aking pisngi, na para bang nanggigigil. “Gusto mo halikan na kita dito sa harap ng flat mo?”

Na sinagot ko naman ng pag-irap sa kanya. Iyon bang feeling na gusto mo ngunit nakakainis dahil hindi pa gawin agad. Kakainis.

Natawa na lang siya, sabay dampot niya sa bag ko at isinukbit iyon sa kanya balikat. “Tara! Mamaya na iyang iniisip mo.”

Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. “Waaahhhh! Bakit? Ano ba ang iniisip ko?”

“Kung makatitig ka sa akin, akala mo ay lalamunin mo ako ng buo eh. Alam ko naman miss na miss mo ako!” ang deretsahan niyang sabi.

“Waaahhhh! Mr. Aljun Lachica! Masyado kang assuming! Ikaw kaya nag atat na atat na makita ako. Iyan ang may proof.” Sagot ko.

“Ano ang proof mo?”

“Hayan... bumalik ka pa talaga upang isama mo ako.”

“Bakit? Ako rin naman may proof na miss na miss mo ako eh.”

“Ano naman ang proof mo?”

“Hayan...” sabay turo sa bag ko. “Alam ko namang susundan mo ako sa bukid e.”

“Waaahh! Paano mo nalamang sa bukid ang punta ko?”

“Saan pa ba? Hindi naman sa beach. Hindi rin sa inyo. Wala ka namanag ibang barkada dito para puntahan mo... O ano... Mr. Gener Flandez, Jr? Anything more to say?”

Napatingin na lang ako sa kanya. Tama nga naman siya. Sa kanya talaga ang punta ko, at sobrang miss na miss ko na sya. Ewan kung mental telepathy iyon, nanghuhula lang o, inaassume na lang niya iyon dahil may naramdaman din siya. Sabagay, nasabi na rin niya sa akin na alam daw niya sa tingin pa lang ng isang tao kung may pagnanasa ito sa kanya; na nararamdaman nya kapag ang isang tao ay may tama sa kanya... Marami na kasi siyang karanasan. Marami nang taong natapilok sa ka-pogian niya, na kahit naglalakad lang siya sa isang lugar na walang nakakakilala, hindi puwedeng hindi sila lilingon o tititig sa kanya. Kaya alam ko, nababasa din niya ang aking kilos at mga titig sa kanya.

“O... magtitigan na lang ba tayo dito?” ang pag singit niya noong hindi ko namalayang nakatutok pala ang paningin ko sa kanya, ang isang palad niya ay ikinaway pa sa harap ng aking mga mata. Hindi ko kasi napigilan ang naramdaman. Iyon bang feeling na pagkatapos ng pang-aaway ko, at hindi namin pag-iimikan, hayun, matinding saya na ang naramdaman ko. Paano, sobrang sweet niya. Ni hindi man lang nagalit sa akin sa kabila ng aking inasal. Kung nagkataong nasa loob lang kami ng flat ko ay baka nayakap ko na sya at nahalikan pa.

Mistula naman akong binatukan sa pagkarinig sa sinabi niya. “Ah... sige, alis na tayo.” Ang naisagot ko.

Natawa na lang siya, sabay akbay sa akin. Noong lumapat ang kanyang braso sa aking balikat, malugod kong tinanggap ito, inihanda na ang sariling panindigan ang lahat. Wala na akong pakialam pa sa kung ano man ang sasabihin ng mga tao. Kahit sabihin pa nilang bakla ako, magkunyari na lang akong hindi ko narinig ang ano mang maaaring sabihin o patutsada nila. Hindi ko kontrolado ang takbo ng isip ng mga tao; sarili ko lang ang pwede kong i-control. Kaya ako na ang magpakumbaba. Ang mahalaga, masaya ako... Napag-isip isip ko rin na hindi basta-basta dumarating sa buhay ng isang tao ang pagmamahal at lalo na sa isang katulad ni Aljun na hindi lang guwapo at matalino kundi sobrang bait pa. At ang pagkakataong iyon ay maaaring hindi na darating pa kapag palampasin ko. Kaya dapat lang na i-enjoy ko ito, at hindi ko papayagan na isang takot na matsismis lang ang hahadlang sa karapatan kong lumigaya at i-enjoy ang buhay. Kaya, go...

Naglakad kami patungong kalsada, habang dala-dala niya ang bag ko at naka-akbay siya sa akin, iyon bang akbay na sobrang higpit na may halong pangigigil at lambing. At hinawakan ko pa ang nakausling kamay niya na nakaakbay sa balikat ko, pinisil-pisil at kinikiliti ng aking daliri ang palad niya.

Pumara kami ng jeep na ang rota ay patungo sa terminal ng bus. Noong maupo na kami, nasa unahan ako habang siya ay nasa may likuran ko, ang bisig ay ipinatong sa may bintana ng jeep at nakalingkis ito sa aking katawa. Mistula talaga kaming mag-syota sa aming porma. Dikit na dikit ang aming katawan habang nakaupo, at dikit na dikit an gaming mga katawan. May mga taong nakatingin pang-usyuso, palipat-lipat ang palihim na tiningnan ang mukha ko at ang mukha ni Aljun, ang mga isip ay tila nagtatanong kung bakit parang may something sa amin. May mga estudynte ding nakapansin... Ngunit dedma na lang ako. Kung may bagong litrato mang lalabas sa pagka-sweet naming iyon, ok lang... matatanggap ko na. Hindi ko ipagpalit ang publikong pagpapakita ng pagka-sweet na iyon sa akin ni Aljun sa mga walang kwentang paninira ng mga naiinggit.

May dalawang oras din ang takbo ng bus papunta sa lugar nila. Naupo kaming magkatabi malapit sa pinakadulong upuan; siya ang nasa may bintana. Habang nilalakbay ng bus ang sementadong daan patungo sa aming distinasyon, share naman kami sa iisang music galing sa aking ipod; ang isang earphone ay nasa kaliwa kong tainga at ang isa naman ay nasa kanyang kanan. At habang nakikinig sa music, nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

Para akong maiiyak. Iyon kasi ang pinakaunang pagkakataong maglalakbay ako na kasama siya. Iyon bang feeling pupunta ako sa isang lugar na hindi ko alam at wala akong ideya kung ano at saan ngunit dahil kasama ko ang isang taong alam kong pu-protektahan ako, panatag ang aking kalooban. Walang ni kahit kaunting takot kundi puro excitement at saya lamang ang akin naramdaman.

Maya-maya, tumugtog na ang intro ng kantang “I’m Yours” na paborito niyang kantahin para sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin at binitawan niya ang napakagandang ngiti kung saan kitang-kita ko pa ang mga dimples sa kanyang pisngi.

Ewan kung ano ang naramdaman niya ngunit inilingkis niya ang kamay niya sa aking beywang at ang mukha niya ay idinikit pa sa aking ulo na parang hinagod ng kanyang mga labi ang aking buhok.

At noong nagsimula na ang vocal ni Jason Mraz, sinabayan niya ito.



I’m Yours – Jason Mraz Song Lyrics



Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
Nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
A lá peaceful melody
It’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i’ma saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
No need to complicate
Our time is short
It can not wait, I’m yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family (2nd time: A lá happy family; 3rd time: A lá peaceful melody)
It’s your God-forsaken right to be loved love love love
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is your’s!

Mistula naman akong lumutang sa ikapitong alapaap sa kanyang ginawa. At pagkatapos ng kanta ay tawanan. Parang ayaw ko nang marating pa namin ang aming destinasyon. Parang gusto ko na lang na habambuhay ay nasa loob na lang kami ng tumatakbong bus na iyon. Parang solved na siguro ako sa buhay kung ganoon na lang kami...

Maya-maya, nakatulog akong nakasandal sa kanyang balikat habang nakayakap pa rin ang isa niyang kamay sa aking beywang. Nagising na lang ako noong pinisil niya ang aking pisngi.

“Uhmmmm! Nakatulog ako???” ang sambit ko.

At nakita ko ang softdrink na nakalagay sa plastic, may straw na nakausli dito at itinutok sa aking bibig ang dulo nito. “Inum ka boss...” ang sambit ni Aljun.

At sinipsip ko ang straw habang hawak niya ang plastic ng softdrink. Pagkatapos kong sipsipin iyon, siya naman ang sumipsip sa straw din kung saan ako sumipsip.

“Nilagyan ko kaya ng laway ang softdrink” biro ko.

“Ahhh. Kaya pala masarap. Gusto mo purong laway mo na lang ang sisipsipin ko mamaya galling d’yan sa bibig mo?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Hindi na ako nakaimik. Kinurot ko na lang ang kanyang bewang. Muli, naidlip na naman ako sa kanyang mga bisig.

Malayo ang lokasyon ng bahay nila. Pagkatapos naming sumakay ng bus, kumain muna kami ng tanghalian sa isang restaurant. Mag-aalas 12 ng tanghali na kasi iyon. Pagkatapos naming kumain, sumakay uli kami ng tricycle at noong makababa na, may halos isang oras pa kaming naglakad patungo sa mismong bahay. Maraming puno ng kahoy at bulubundukin ang daan. Gusto kong magreklamo kasi naman ang layo-layo na nga, ang init-init pa ng araw. Lampas alas dose na kasi iyon ng tanghali. Ngunit dahil enjoy naman akong kasama si Aljun kaya ok lang. Napapawi ang aking pagod sa bawat tingin niyang nakingiti sa akin.

“O pagod ka na?” ang tanong niya noong hindi ko mapigilan ang hindi maupo sa lilim ng isang malaking puno at naupo na rin siya sa tabi ko.

“Ang layo pala boss... E di noong umuwi ka noong Friday ay nadaanan mo na pala ito. Tapos nakabalik na rin?”

“Oo! Sanay na ako dito. Tinatakbo ko na lang iyan. Kasama ng workout ko, pagpalakas at pagpatibay ng aking mga binti at paa para sa paglalaro ko ng lawn tennis at basketball.

“Kaya pala ang ganda ng hita mo, ang gandang tingnan lalo na kapag naka-shorts ka lang.”

“Malalaki ba?” tanong niya.

“Oo.”

“Mas malaki itong nasa gitna.” Sabay turo sa harapan niya.

“Waahhhh! Sexual harassment!”

“O e di sige. Kung sexual harassment pala kapag malaki ang sa akin, e di sa iyo na ang malaki.”

Tawa naman ako ng tawa. “Pilosopo!”

Tahimik.

“Ang layo na ng narating mo. Nakasakay ka na ng bus, ng jeep, ng tricycle, naglakad ditto at lahat... tapos bumalik ka pa talaga?”

“Syempre, may naiwanan nga ako, di ba?”

At heaven na naman ang aking naramdaman. “At... ako iyong naiwanan mo talaga?” dugtong ko pa.

“Hindi ikaw... iyong celphone kong nasa loob ng bag mo!” biro niya. “Bitbit mo na pala eh kaya inaya na kita sa terminal!” sabay tayo at takbong tinumbok ang direksyon ng daan patungo sa lugar nila.

“Pag naabutan kita lagot ka sa akin!!!” bulyaw ko habang sinugod ko siya.

Tawanan.

Nakarating din kami sa mismong bahay nila, halos alas dos na ng hapon.

Maliit lang ang bahay nila. Bagamat gawa ito sa kahoy, lumang-luma na ito. Sa harap nito ay may maliit na hardin ng mga bulaklak na hindi masyadong naaalagaan bagamat pilit na namumulaklak pa rin ang mga tanim. May native na mga rosas, may orchids na native din lang sa kanilang lugar, iba’t-ibang klaseng gumamela, at ang mababagong rosal at sampaguita na habang hinihipan ng preskong hanging-bukid ay kumakalat naman ang halimuyak.

Hindi ko lubos maisalarawan ang kakaibang ganda ng ambiance. Tahimik maliban na lang sa ingay ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon habang natatamaan ito ng pabugso-bugsong hangin. Walang polusyon, malamig ang hangin, nakapaligid ditto ang mga malalaking puno ng kahoy. Ang sarap ng pakiramdam.

“Anak... mabuti’t dumating na kayo.” Ang nanay ni Aljun.

Nagmano si Aljun at nagmano din ako. “Si Jun inay, ang sinabi ko po sa iyong master ko. Siya po ang nakapanalo sa akin sa paraffle.”

“Ah... siya ba? Ang guwapo-guwapo naman pala talaga!” sambit ng nanay ni Aljun.

“H-hindi naman po...” ang sagot ko.

“Ito namang batang ito, oo. Totoo naman e. Pareho kayo ng anak ko, parehong guwapo.” Sabay tawa. “Masaya ako na nakapunta ka ditto, Jun. At masaya akong nakilala ko ang ipinagmamalaki sa akin ni Aljun na... espesyal daw niyang kaibigan. Palagi ka kasi niyang ikinikuwento sa akin. Ambait-bait mo raw… Kaya sinabi ko na sa kanya na dalhin ka dito.” Sabay lingon kay Aljun at bitiw ng isang ngiti.

Parang may ibig sabihin ang binitiwang ngiting iyon ng inay niya. Ngunit hindi ko na pinansin pa iyon. Ang alam ko kasi tuwang-tuwa din siya na makita ako.

“Huwag kang mahiya dito Jun ha? Ituring mong parte ka ng pamilya...”

“Papasok na po kami sa loob inay.” pagsingit na ni Aljun.

“A, e... sige, sige. Utusan ko lang si Toto na bumili ng mainum at makakain ninyo”

“Huwag na po. Kumin na po kami sa restaurant sa lungsod. Busog pa po kami.” Ang sagot ko.

“Huwag nang mag-alala sa amin Nay. Mamaya tuturuan ko itong umakyat ng niyog para may maiinum at makain kaming buko.” Biro naman ni Aljun.

Natawa na lang ang nanay ni Aljun. “O sya... may tuba d’yan, at may ipinakatay na rin akong manok kay Toto para pulutan ninyo. Punta muna ako kina Trining upang kunin si Kristoff. “D’yan muna kayo at babalik kaagad ako.

Napatingin naman ako kay Aljun. “S-sino si Trining? Sino si Kristoff?” noong makaalis na ang nanay niya.

“Si Trining ay kapitbahay namin may 200 metro ang layo ng bahay mula dito na may anak din at minsan kapag busy ang nanay sa mga gawain niya sa bukid, nitong maliit naming palayan, doon namin ipinapakisuyo sa kanya si Kristoff. At si Kristoff naman ay... anak ko.” Ang sabi niya, pinagmasdan ang aking rekasyon sa pagkasabi niya sa salitang “anak ko.”

“Huh!” ang gulat kong sagot. “M-may anak ka na???” ang tanong ko, bakas sa mukha ang kakulangan ng paniwala. At may kirot din sa puso akong naramdaman.

“Oo. Mag-aapat na taong gulang pa lang si Kristoff. Anak ko siya sa childhood sweetheart kong si Emma.. Parehong nasa 16 lang kami noong nabuntis ko ang kasintahan. Parehong mapusok. Kaya hayun...”

“Nasaan na si Emma ngayon? Anong nangyari sa kanya? Kasal ba kayo?” ang sunod-sunod kong tanong.

“Pasok muna tayo sa bahay. Doon ko na sa loob i-kwento sa iyo...” ang sabi iya.

Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay.

Naupo kami sa isang lumang sofa na purong kahoy at walang takip o foam. Masinop ang loob ng kanilang bahay. Luma nga ngunit napakalinis.

Nagsimula siyang magkwento.

“Una, hindi kami kasal. Nag-aaral pa kasi kami noong mabuntis siya. Iminungkahe ko na kung papayag ang kanyang mga magulang, ay hindi muna kami magpakasal gawa nang tatapusin ko muna ang aking pag-aaral. Sa side ni Emma, ok lang daw sa kanya. Ayaw din niyang makasal kami dahil hindi pa raw siya handa sa responsibilidad bilang isang ina at bilang asawa. Mataas kasi ang pangarap noon. At dahil pumayag din naman ang mga magulang niya, kaya ipinagpatuloy muna naming dalawa ang pag-aaral. Sayang kasi ang scholarship ko at ganoon din siya, may scholarship din. Noong halata na ang kanyang tiyan, saka na siya huminto sa pag-aaral at ako na lang ang nagpapatuloy. Hanggang sa nanganak siya. Subalit, nag-iba ang takbo ng kanyang isip pagkatapos niyang mailuwal ang anak namin. Nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila at doon magpatuloy ng pag-aaral. Sawang-sawa na raw siya sa bukid at kahirapan at gusto niyang umangat naman ang buhay niya. At mahahanap lang daw niya ito sa Maynila o sa abroad. Nag-apply siya ng scholarship sa isang prestihiyosong unibersidad. At dahil matalino, natanggap. Ngunit hindi rin niya natapos ang pag-aaral dahil may nag-alok daw sa kanya ng trabaho sa Canada. Simula noon, wala na siyang communication. Kahit sa mga magulang niya ay hindi na rin niya sinulatan. Hanggang ngayon ay hindi na namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Ang huli niyang sulat sa akin ay kalimutan ko na lang daw siya at ako na ang bahala sa baby namin dahil may iba na siyang kinakasama, isang Canadian at malapit na raw silang ikasal. Hindi daw alam ng Canadian na may anak na siya. At marahil… kasal na nga sila ngayon. Isang taon na kasi ang nakalipas simula noong sinabi niya ito sa sulat niya.”

Hindi ko lubos maintindihan ang sarili sa narinig niyang kwento. May halong selos at lungkot na may iba na pala siyang minahal at nagkaanak pa sila. Ngunit may halong awa din akong naramdaman para sa sarili. Mistulang gumuho ang inaasam-asam ng aking puso na sana ay maging kami na. Kasi, pakiramdam ko ay handa na sana akong harapin ang katotohanang mahal ko na rin siya at kaya ko nang panindigan kung sakali man ay aabot kami sa mas malalim pa na relasyon ngunit may babae na pala siyang minahal. Parang ang hirap. Bumabalik-balik sa isip ang pagkalito at takot noong una na baka maranasan ko ang ma-in love sa isang lalaki na ang hanap ay isang babae. “M-mahal mo ba siya?” ang naitanong ko na lang.

“Oo... sobrang mahal ko ang babaeng iyon. Childhood sweetheart ko kasi at malalim ang aming pinagsamahan. At lalo na nagkaanak pa kami...” ang sagot niyang bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

At sa sagot niyang iyon ay lalo pang bumigat ang aking naramdamang kalungkutan. Pakiramdam ko kasi ay may hinahanap-hanap pa niya si Emma.

“Ngunit kinalimutan ko na siya. Napag-isipisip kong kahit gustuhin ko man, hindi kami para sa isa’t-isa. Ang importante lang sa akin ngayon ay... masaya ako na nad’yan ang anak ko. At... syempre, tuloy pa rin ang buhay.”

Maya-maya lang ay dumating na ang kanyang inay, kasama ang anak niyang si Kristoff.

Namangha ako sa pagkakita ko sa bata. Napaka-cute niya. Maputi, matangos ang ilong, may magandang mga mata at ang pilikmata na parang sa isang manika. Na-figure out ko tuloy na ay maganda din ang ina niya kasi bagamat hawig na hawig kay Aljun ang mukha at ang tindig, maputi ito at makinis.

Sabik na tumakbo kaagad ang bata patungo sa papa niya noong makita ito. “Papa!” sigaw noong bata.

Kinarga agad ito ni Aljun, iniikot-ikot sa ere, at hinahalik-halikan ang mukha at ang labi. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi maingggit. Isang masayang larawan ng mag-amang sabik sa isa’t-isa at puno ng pagmamahalan.

“Sana sinabi mong may anak ka nap ala upang makabili man lang ako ng laruan para kay Kristoff” ang pagsingit ko sa harutan nila.

Napahinto sila sa kanilng kasayahan. Karga-karga sa isang bisig niya si Kristoff, hinarap ako ng mag-ama sabay turo sa akin ni Aljun, “O hayan, narinig mo, may laruan ka raw galing kay papa Jun mo!”

Mistula namang tumalon-talon ang aking puso sa narinig na pagpakilala niya sa akin bilang “Papa”. Natawa na rin ako.

“O... kay papa Jun ka muna!” sabay abot sa akin sa karga-karga niyang anak.

At bigla ko ring naramdaman ang excitement noong nasa bisig ko na si Kristoff. Noon lang kasi ako nakakarga ng bata, at ang cute pa niya!

“Kiss kay papa Jun! Daliiiiii!” ang utos ni Aljun sa bata na agad namang tumalima at puno ng kainosentehang idiniin ang kanyang nguso sa aking labi. At may sound pa talaga ang paghalik niya.

Natawa si Aljun sa nakitang lips-to-lips na halikan at syempre sa side ko, nagulat man, natawa na rin. “Mag-ama talaga kayo, huh!” ang nasambit k okay Aljun.

“Bakit mo naman nasabi iyan?” Tanong niya.

“Pareho kayong tsansingero!”

Na sinagot ni Aljun ng isang malakas na tawa. “Ibig sabihin niyan, love ka rin niya.”

Syempre, kinilig na naman ako. “Ang ibig bang sabihin noon ay noong tsinantsinagn niya ako ng halik sa unang pagtagpo pa lang namin ay “love” na niya rin ako?” sa isip ko lang. Ngunit sa kabilang banda, ibang feeling din ang naramdaman ko sa pagkarga ko kay Kristoff. Ewan. Marahil ay dahil hindi lang siya cute at bibo at unang pagkakataon ko pang makakarga ng bata, kundi anak yata siya ng aking mahal. Parang sa loob-loob ko ay gusto kong maging akin na rin siya...

“Gusto mo ba ng laruan?” tanong ko sa bata

“Opo...” sagot ni Kristoff.

“Anong laruan ba ang gusto ni Kristoff?” tanong ko uli.

“Kahit ano po. Basta may gulong po atsaka... baril-barilan.”

Hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi matawa ng malakas. Bibong bata kasi. “O siya. Sa sunod kong pagbalik dito, bibilhan kita ng maraming laruan na may gulong atsaka baril-barilan. Ok ba?”

Tumango lang ang bata.

“Gusto mo bang magiging papa ako?”

“Opo...”

“O sige nga... kiss muli sa papa Jun.” Panghikayat kong i-kiss muli ako.

At muli na namang idinampi ang nguso niya sa aking bibig. At kagaya noong una niyang kiss may ingay uli ito. Tuwang-tuwa talaga ako sa bata.

“Uy, uy, uy... child abuse na iyan!” Ang biro naman ni Aljun noong hinalikan uli ako ng anak niya.

Tawanan.

Kinuha na ni Aljun sa mga bisig ko si Kristoff. “O sya... sa lola mo na ikaw muna ha? May bisita pa si papa. Huwag makulit at huwag pasaway sa lola, ok?” ang sabi ni Aljun sa anak sabay baba nito sa sahig.

Tumango naman ang bata at tumakbo na patungo sa lola niya.

Sinundan ko ng tingin ang nagtatakbong si Kristoff. Sobrang napahanga talaga ako, lalo na noong makarating na sa lola niya at lumingon sa amin at puno ng kainosentehang kumaway at ngumiti, bumakat sa magkabilang pisngi ang dimples na kagayang-kagaya ng sa ama niya. “Ang cute ng baby mo! scanned copy talaga sa ama!” sambit ko.

Na sinagot naman ni Aljun ng, “Pinaghirapan ko yata iyan.”

Nangiti na lang ako.

“Kayo na muna ang bahala d’yan Aljun! Sa kwarto lang kami ni Kristoff. Patutulugin ko muna ito.” Ang sigaw ng nanay ni Aljun.

Umalis ang nanay ni Aljun kasama si Kristoff at siya namang pagdating ni Toto, ang pinsan ni Aljun sa ina na sa tingin ko ay nasa 15 – 16 ang edad. Naka-short lang ito at nakahubad pang-itaas. Kulay sunog ang balat, nasa average ang pangangatawan ngunit kitang-kita ang matipunong dibdib at muscles sa biceps.

“Kuya, lilitsunin ko lang ba ang manok?” tanong ni Toto habang inilatag ang maiinum naming isang pitsel na tuba sa mesa kasama ang isang baso.

“Sige To... salamat ha?” sagot ni Aljun kay Toto.

“At may nahuli din kami kanina ni Alvin na mga dalag at hito. Iihawin ko na rin kuya...”

“Sige To... ipatikim natin sa bisita natin kung gaano kasarap ang dalag at hito dito sa lugar natin.” Sabay tawa. At baling sa akin, “Nakatikim ka na ba ng hito at dalag?”

“Hindi pa.”

“Pwes makatikim ka na ngayon” sabay tawa. Kinuha niya ang pitsel ng tuba atsakla nagtagay sa baso. “Nakatikim ka na rin ba ng tuba?”

“Nakatikim na ako niyan. Mapait hehe. Pero ok lang” sagot ko.

“Mapait ito ngunit manamis-namis kasi hinaluan na ng Pepsi. Ito ang native wine namin dito, galing sa puno ng nyog.”

Iniabot niya sa akin ang tagay at may pag-aalangang ininum ko ito. Mapait nga na matamis. Napangiti lang si Aljun noong makita ang mukha kong nasira sa lasa ng ipinainum niya.

Nagtagay na rin siya para sa sarili at ininum din iyon. Halatang sanay na siya sa lasa nito.

“Gusto mo doon tayo sa gilid ng ilog? Malapit lang dito, may mga 300 metro lang ang layo.”

“Sige, sige!” ang sagot ko. Gusto ko rin kasi ang tanawin sa labas at lalao na mag aalas-kuwtro na ng hapon iyon, hindi na masyadong mainit.

At binitbit niya ang pitsel ng aming inumin, ako naman ang nagbitbit ng baso. Dumaan kami sa may kusina at nagpaalam kay Toto.

“Dalhin ko na lang doon kuya kapag naluto na ito...” ang sabi naman ni Toto pahiwatig sa kanyang inihaw na mga isda at ang nilitson na manok.

“Ok To... mas maganda. Outdoor picnic kumbaga.”

Naupo kami sa isang mababang pampang sa gilid lang ng ilog at inilatag namin ang pitsel. Habang naupo kami, sa harap naman namin ay nandoon ang mismong ilog na may lapad lang sigurong 15 metro. Medyo putikin ang ilog na iyon at may mga tumutubong puno ng nipa sa gilid at sa may pampang ay may mga malalaking puno ng talisay. May kulay berde ang malalim na parte at kitang-kita ang marahang pag-agos ng tubig nito. Napakaganda ng lugar. Mistulang isang obrang gawa ito ng kalikasan.

At… ang sarap ng aking pakiramdam. Walang pressure, walang ibang iniisip kundi ang pag-enjoy sa kapaligiran, magandang tanawin, at preskong hangin. At syempre, dahil kasama ko ang taong nagpapakilig sa akin, lalo pa itong mas sumaya. Parang gusto kong mangarap na sana ay ganoon na lang ang buhay. Walang hassle, walang problemang bumabagabag, walang pressure, walang mga rules na iniintindi, walang nagmamatyag, walang takot na baka may makahuli... at higit sa lahat, nag-uumapaw ang puso sa kaligayahan dahil nasa piling ko ang taong nagpapatibok nito.

Maya-maya, dumating na si Toto at dala-dala sa isang basket ang niluto niyang litson na manok at inihaw na dalag at hito.

Lalo naman itong nagpasarap sa ambiance. Pagkatapos na mailatag ni Toto sa damuhan ang mga iniluto niyang pagkain, inabutan siya ni Aljun ng tagay. Agad din namang tinanggap ito ni toto atsaka tinugga ang baso. Halatang sanay din siya.

Kuwentuhan kaming tatlo. Doon ko rin nalaman na magkasing edad lang pala kami ni Toto. Nag-aaral pa siya sa fourth year high school at ang bahay nila ay nasa hindi kalayuan lang. At talagang nagpupunta lang siya kina Aljun, tumutulong-tulong sa mga gawain ng nanay ni Aljun sa bukid kapag nag-iisa lang ito at wala si Aljun.

Panay naman ang tingin sa akin ni Aljun habang tinatanong ko si Toto sa bughay-buhay niya. Nagbabantay ba o nagseselos? Hindi ko lang alam.

Maya-maya, lumusong si Toto sa ilog at sa paanan ng isang puno ng nipa na natakpan pa ng tubig ay may hinugot.

“Waaaahhh! Ano iyan?” ang excited kong tanong noong makita ang hinuot na iyon ni Toto na mistulang isang hawla na gawa sa kawayan at may mga gumagapang pa sa loob nito.

“Fish trap iyan. Nilalagyan namin ng mga pagkain atsaka inilalatag lang d’yan, hinihintay ang high tide at pag nag lo-low tide na, saka namin kukuhanin. Ang mga nahuhuli dyan ay alimango, hipon, isda at sugpo.”

“Wow! At may alimango ba yang huli niya?”

“Alimango iyan...”

May kinuha pang 6 na trap si Toto at pawang may mga laman din.

“Ang dali palang makahuli!” sigaw ko.

“Tamang-tama, Toto. May ulam na naman tayo sa hapunan para sa ating bisita.” Ang pabirong sabi ni Aljun kay Toto.

Napangiti lang si Toto. Noong binilang namin ang lahat ng laman ng trap, may 4 malalaking kasing lapad halos ng plato na mga alimango, 6 na medium size, at may mahigit 10 na sugpo din at iilang kasing laki ng palad na mga isda.

Sa nakita kong preskong lamang-ilog na kuha ni Toto, naisip kong madali lang palang mabuhay sa bukid nila. Sagana sa ulam, at sa kanin naman ay may palayan sila, may niyogan, at may mga pananim ding saging, kamote, gabi, at iba pang root crops. “Hindi ka pala magugutom dito!” ang sabi ko kay Aljun.

“Oo. Kasi mas marami pa ang supply kaysa mga tao dito sa lugar namin. Kung masipag ka lang magtanim at maghanap ng makain, hindi ka maguguton dito. Hindi kagaya nang sa syudad kung saan tambak ang mga tao, mahal ang mga bilihin, hindi pa presko, at kapag wala kang pera ay mamamatay ka talaga sa gutom...”

“Ang sarap talagang mamuhay sa bukid...” ang nasambit ko. Gusto ko pa sanang idagdag ang “... lalo na kapag kasama mo ang iyong mahal” Ngunit tinablan na ako ng hiya.

“Uwi na muna ako kuya. Ihanda ko na po ang mga ito.” Ang pagsingit ni Toto.

“Ok Tol... Galingan mo ha? Ipakita mo sa kuya Jun mo kung gaano kasarap kang magluto” ang biro ni Aljun.

Ngiti lang ang isinukli ni Toto sabay talikod at alis na.

Noong kami na lang dalawa ni Aljun ang natira, tiningnan niya ako at nginitian. “Ating-atin ang mundo.” Sambit niya.

“E, ano ngayon?”

“Wala lang... sarap...”

Iyon lang ang sagot niya. At inuman uli, kain, kuwento… Maya-maya, napatingala ako sa itaas noong dumaan ang isang napakagandang ibon at dumapo ito sa tuktok ng pinakataas ng kahoy na nasa di kalayuan lang. Kulay dilaw ang kanyang tuka at ang buntot ay mahabang may magkahalong matitingkad na kulay pula at bughaw. “Ang ganda ng ibon na iyon!” sigaw k okay Aljun.

Tumingala siya at tiningnan ang ibong tinukoy ko. “Ah, iyan ba...?” ang sambit niya noong makita na ito. “Ang tawag namin d’yan ay Ibong-wagas. Alam mo, bihira lang ang nakakakita niyan dito. Masyadong mailap kasi ang ibong iyan. At dito lang iyan matatagpuan sa lugar namin. Ang karamihan niyan ay nasa liblib na lugar ng kagubatan na namumuhay. Kaya, maswerte ka kapag nakakakita ka ng ganyang ibon.”

“Talaga? E... maswerte pala ako na nakakita niyan.”

“Oo. Dahil kahit papaano, nakita mo pa ang uri niya bagamat ang sabi ng aming mga ninuno, talagang pili lang daw ang mga taong pinapakitaan niyan.”

“Talaga? At bakit naman daw pili?”

“Pamahiin. Ang sabi nila, nagpapakita lang daw iyan sa taong may wagas na pagmamahal. At hindi lang iyan, magkakatuluyan pa sila sa kung sino man ang taong minahal ng wagas noong nakakita sa ibong iyan. Kumbaga, kapag nagpapakita iyan sa isang taong nahanap na ang nakatadhana para sa kanya.”

Para namang nabilaukan ako sa narinig. “Tama ba ang pamahiin?” ang naitanong ko tuloy sa sarili. Bakit ako at si Aljun ang piniling makakita sa kanya? “T-totoo ba daw ang pamahiin?” ang naitangong ko na lang. Syempre, excited. Kasi, may tinitimpi akong naramdaman. At kung totoo nga ang pamahiin ay magkatuluyan pa pala kami... o sya nab a ang nakatadhana para sa akin? Exciting!

“Sabi nila... Pero hindi naman ako talaga naniniwala d’yan.”

“Ay bakit???” ang disappointed kong tanong.

“Naka-ilang beses na kaya akong nakakita niyan.... at hanggang ngayon ay wala pa naman akong nakatuluyan. Ibig sabihin, wala pa ang taong nakatadhana para sa akin. Dati, akala ko, si Emma na iyon. Ngunit hindi pala…” ang sabi niya, halatang may halong pagtatampo ang tono ng pananalita.

May kirot naman akong naramdaman sa sinabi niyang iyon. Naisip ko tuloy na talagang may pagmamahal pa siya kay Emma. At ang nasabi ko na lang ay, “Ang ibig lang sigurong sabihin niyan ay hindi ka pa talaga nagmahal ng wagas.”

“Ibig sabihin naniniwala ka sa pamahiin ng ibong-wagas?”

“Why not?” ang biro ko.

Natawa naman siya. “Hoy, Mr. Gener Flandez, the smartest student of the Liberal Arts Department, nagpapaniwala ka sa mga pamahiin? Ibig bang sabihin niyan ay nagmahal ka na ng wagas ngayon?”

Syempre, deny to death ako. Kahit parang naniniwala naman ako kasi nagkataong parang mababaliw na ako sa pag-ibig sa kanya, baka isipin niyang naniwala ako sa pamahiin dahil una, umibig nga ako ng wagas at magduda siyang siya ang inibig ko, na ayaw ko namang mangyari. At pangalawa, baka isipin din niyang umaasa talaga ako na maging kami. Kaya sinagot ko siya ng, “Hoy, Mr. Aljun Lachica! President of the student council – on indefinite leave pending resolution of the case filed by a certain whoever...” ini-emphasize ko pa talaga ang salitang ‘on indefinite leave...’ “Kung totoo nga iyan, e di nagmahal sana ako ng wagas. E, wala naman eh. Paano ako maniniwala?”

Tawa naman siya ng tawa sa pagkabigkas ko at lalo na sa “on indefinite leave” na isiningit ko pa.

“O ano... Baka noon, hindi ka pa talaga nagmahal ng wagas. Baka ngayon pa lang.” ang dugtong ko pang pang-aasar.

Bigla naman siyang napatingin sa akin sa sinabi kong “ngayon pa lang.”

Nabigla tuloy ako sa hindi inaasahang lalabas sa aking bibig. Kaya binawi ko agad ito ng, “I mean, baka sa future pa lang...”

Hindi siya sumagot. Parang may malalim siyang iniisip.

Tahimik.

“M-may mga kuwento ba na naging totoo daw ang pamahiin?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Mayroon din. Ngunit coincidence na lang siguro ang mga iyon. At dahil ang ibon na iyan nga ang simbolo ng wagas na pag-ibig, ang ginagawa daw ng mga ninuno kapag nanligaw sila ay binibigyan nila ang babaeng napupusuan ng kwintas na ang pendant ay tuka ng ibong-wagas. Base sa kanilang paniniwala, magkakatotoo ang pamahiin kapag ginawa nila ito.”

“T-talaga? May lalaki pa bang nagbibigay ng ganyang pendant ngayon sa mga nililigawan nila?”

“Ngayon? Wala na siguro... Wala na akong naririnig eh. Makabago na ang mga tao dito sa amin. Wala nang nainiwala sa ganyan. At isa pa, naubos na rin ang mga ibong-wagas.” Sabay tawa.

“G-ganoon ba?” ang naisagot ko na lang. Syempre, panghihinayang ang naramdaman ko. Akala ko pa naman ay talagang totoo at ginagawa pa ng mga taga-roon.

Lampas alas 6 na ng gabi noong makabalik kami sa bahay nina Aljun. Med’yo madilim na. Pagdating kaagad namin ay nakahanda na ang hapag-kainan. Kami na lang ang hinintay ng nanay ni Aljun, si Toto na siyang kusinero at pati si Kristoff ay nandoon na rin. At dahil madilim na sa loob ng bahay, may nakasindi nang mga lampara na ang gamit ay langis galling sa niyog. Wala pa kasing koryente ang lugar nila.

Tiningnan ko ang mesa at parang nagutom uli ako sa aking nakitang luto ni Toto na pulang-pulang mga alimango na nakalatag sa hapag-kainan at ang mga malalaking sugpo. May isdang tinola din at ang isdang bukid na dalag at hito ay hindi nawawala.

Med’yo nagkahiyaan. May pagka tahimik na tao pala ang inay ni Aljun na kabaligtaran naman sa anak at apo niyang si Kristoff. Tumatawa lang kapag nagbibiro si Aljun, at kapag tinatanong saka lang nagsasalita. Pero mabait. Sobra. At alagang-alaga naman niya ako.

Tuwang-tuwa naman akong pinagmasdan ang mag-ama. Nakakandong kay Aljun si Kristoff at sinusubuan ito. Nakakaaliw. At behave habang kumakain. Tingin nang tingin sa akin, siguro nag-oobserba kung ano ba talaga ako sa papa niya.

“Kristoff, gusto mo si papa Jun naman ang magsubo ng pagkain sa iyo?” tanong ni Aljun sa anak.

Tiningnan ako ng maigi ni Kristoff, mistulang inusisa sa aking mukha ang reaksyon ko sa mungkahi ng kanyang ama at noong Makita ang ngiti sa mukha ko atsaka sumagot na ng, “Opo!”

“Matalino ang batang ito!” ang sambit ko habang kinuha ko na sya at pinakandong sa aking kandungan. At ako na ang nagsubo sa kanya ng pagkain.

Touched naman ako. Ang bait-bait na bata, walang reklamo. At habang pinapakain ko si Kristoff, hindi naman magkamayaw sa kakatingin sa amin si Aljun na para bang ako ang asawa niya at anak naming dalawa si Kristoff. “Haissssttt!” Sa sarili ko lang. Nangarap ba.

Pagkatapos namin sa hapag kainan, sa labas naman kami ng bahay nag-umpukan. Outdoor camping at bonding kumbaga. May bonfire na ginawa si Toto at nakijamming din ang inay ni Aljun.

Kantahan. At kumakanta kaming lahat, kasama na ang inay ni Aljun. Magaling din pala siyang kumanta. At pati si Kristoff ay nakikanta na rin. At may kanta na ring na-memorize ang bata. Ang galing!

Hanggang sa nauna nang nagpaalam na matulog ang inay ni Aljun at si Kristoff. At pati si Toto ay pinapatulog na rin ni Aljun upang makapagpahinga dahil med’yo lasing na rin.

Naiwan kaming dalawa.

Pakiwari ko ay tunay talaga kaming mag-asawang nagha-honeymoon. Dikit na dikit ang aming mga katawang nakaupo sa damuhan, nakaharap sa bonfire, nakaakbay siya sa akin habang nakalingkis naman ang isa kong kamay sa kanyang tagiliran.

“Hindi ka ba talaga naniniwala sa pamahiin ng ibong-wagas boss?”

“Ayoko ngang maniwala dy’an! Hindi totoo iyan. Kasi nga, hindi nangyari sa akin.”

‘Paano kung totoo?” tanong ko.

“Paano kung hindi?”

“Bakit ba ayaw mong maniwala, e wala namang mawawala sa iyo kung maniwala ka?”

“Bakit ba gusto mong maniwala, e wala din namang mawawala sa iyo kung ayaw mong maniwala?”

“Ang talino mo talaga no? E, bakit nagpapakita sa atin ang ibon kanina?”

“Aba! At ako pa ang tinanong. Malay ko ba sa ibon na iyon. Hindi naman kami close para sabihin niya sa akin kung bakit nagpakita siya sa iyo. Malay ko ba kung may crush iyon sa iyo o baka naninilip lang sa atin iyon. O baka kaya magulo ang isip o sabog. O baka naman nag-expect na maghalikan tayo at may dalang camera pala iyon, kukunan na naman tayo ng litrato.”

Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Naalala ko tuloy si Giselle. “Pati ba ang ibon na iyon ay ka-kontsaba na rin ni Giselle? May tama na nga ang utak mo Mr. Lachica. Adik ka.”

“Adik talaga. At ikaw ang malaking shabu sa buhay ko...”

“Waaahhh! Bakit ako?”

“Dahil nanginginig ang buong kalamnan ko, natuturete ang utak ko kapag hindi ko nalalanghap ang usok ng mga halik mo...”

“Waaahhh! Adik ka talag---!”

Hindi ko na naituloy pa ag sasabihin gawa nang bigla niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Ewan. Ngunit parang naiiba ang halik niyang iyon. Parang mas ramdam ko pa ang init ng kanyang pagnanasa, ang pag-aalab ng kanyang damdamin...

Noong umakyat na kami sa kuwarto niya, kaming dalawa lang pala doon gawa nang si Kristoff ay kasama sa pagtulog ng inay niya sa kabilang kwarto. Nakasindi na ang dalawang lampara. Sadyang inayos na yata ito ni Toto bago siya natulog na rin. At bagamat hindi kasing lakas ang liwanag nito kumpara sa de-koryenteng ilaw, klarong-klaro ko pa rin naman ang kabuuan ng kuwarto.

May malaking kama na may lumang kutson na may naka-set na ring kulambo.

“Ito pala ang kuwarto mo.” Sambit ko.

“Oo. Kuwarto namin ni Kristoff…” sagot niya.

Hindi pa lubos na naikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kuwarto noong bigla na lang akong niyakap ni Aljun at siniil ng halik ang aking mga labi. Hindi na ako nakapalag pa. Pinakawalan ko na rin ang nag-uumalpas at tinitimpi kong pananabik sa kanya. Sa paghahalikan naming iyon, para kaming mga hayop na gutom na gutom. Parang iyon na ang huli naming sandali sa sobra naming kasabikan sa isa’t-isa.

Ngunit habang nasa tuktok ako ng kasabikan, bigla siyang kumalas at may kinuha sa drawer ng mesa. Hindi ko alam kung bakit siya kumalas at kung gaano ba ka importante iyong kinuha niya sa drawer na iyon na sa kalagitnaan pa ng aming kasabikan.

Ngunit noong tumambad ito sa aking paningin, mangiyak-ngiyak ako sa sobrang tuwa. Sa kanyang mga kamay ay isang kwintas na ang gamit na chain ay isang itim na bibiluging sintas ng sapatos ngunit ang pendant nito ay ang dilaw na tuka ng ibong-wagas!

Para akong na-shock.

Lumuhod siya sa harap ko at nagsalita. “Boss, ang tuka ng ibong-wagas na ito ay ibibigay ko sa iyo pagpapatunay na wagas ang aking pagmamahal… Tatanggapin mo ba ang pagmamahal ko?”

At hindi na ako nakapagsalita pa gawa ng mistulang may bumara sa aking lalamunan. Inabot ko ang kamay niya at hinila sya upang tumayo at noong makatayo na siya niyakap ko siya ng mahigpit. “Naniniwala ka sa pamahiin. Naniniwala ka sa pamahiin…” ang nasambit ko na lang.

“Bakit… wala namang mawawala sa akin kung maniwala ako, di ba?”

“Di ba hindi naman ito natupad sa inyo ni Emma?”

“B-baka may kulang… baka hindi ko naibigay sa kanya ang kwintas ng tuka, kaya hindi ito nagkatotoo.”

Bahagya siyang kumalas. Pinahid niya ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. “I love you boss…” Bulong niya.

“I love you too boss…” ang sagot ko.

At isinukbit na niya ang kwintas sa aking leeg.

Muling naglapat ang aming mga labi. At sa pagkakataong iyon, buo na ang isip kong ibigay ang lahat na kaya kong ibigay para kay Aljun sa gabing iyon.

At naalimpungatan ko na lang ang ang sariling hinila ang t-shirt ni Aljun… at pagkatapos noon, kinapa ko ang butones ng kanyang pantalon, yumuko ako upang ibibaba ang zipper at hilahin pababa ang kanyang maong na pantalon.Napaupo si Aljun sa gilid ng kama upang mapadali ang pagtanggal ko ng pantaloon niya.

Kinapa ko muli ang garter ng puting brief niya, angnatirang saplot sa kanyang katawan. Pansin ko ang nag-uumalpas niyang pagkalalaki na mistulang galit na galit noong maibaba ko nang tuluyan ito sa kanyang katawan.

Noong hubo’t-hubad na siya. Tumayo ako. Nakaharap sa kanya, tinanggal ko ang aking t-shirt. Isinunod kong tanggalin ang aking pantalon, at pagkatapos ay ang brief…

Tumayo siya at nilapitan ako. Muling naglapat ang aming mga labi.

At sa gabing iyon, sa gitna ng ingay ng mga kuliglig at panggabing mga hayup, ipinagkaloob ko kay Aljun ang aking katawan at ang aking puso…

(Itutuloy)


[18]
Napakasaya ko. Iyon ang pinakaunang pakikipagtalik ko sa tanang buhay ko at sa taong minahal ko pa.

Sa gabing iyon, ilang beses pang naulit ang aming pagpapaalpas ng aming mga pagnanasa.

Nakatulog kaming magkayakap, parehong walang saplot sa katawan bagamat suot-suot ko pa rin ang kuwintas ng ibong-wagas na ibinigay niya sa akin.

Balik-eskuwela.

Sa bungd pa lang ng pintuan ng aming klase ay may balita kaagad si Fred. “Woi, fwen! May nakakita daw sa inyo patungong terminal noong Friday at ang sweet-sweet daw ninyo!” ang pabulong niyang sambit.

“Huh! Sinabi nino?”

“Iyong estudyanteng nakakita sa inyo, nagpost siya ng comment sa SALMO group natin sa fb! At kinikilig daw siya! Parang mayroong something na raw sa inyo!”

“Sino kaya ang estudyanteng iyon? Ka-tsimoso naman. K-kakahiya tuloy...” ang sagot ko.

“Huwag ka nang mahiya fwend. Kasi, madami din namang boto sa love team ninyo!” Paliwanag ni Fred. “Halika sa computer lab... basahin natin ang mga reaksyon ng mga estudyante!”

At nagtungo nga kami ni Fred sa computer lab. Sari-saring reaksyon ng mga estudyante at followers ng grupo ang nabasa ko. “Wow! Sweet!!!” “Al-Gen for life na!!!” “Bagay na bagay!” “E.. ano kung pareho silang lalaki kung nagmahalan naman?” “Go! Go! Go!” “Kakaiba to!” “Kahit sino pa ang iibigin mo idol, all-out support pa rin kami!” “Haylavetttttttt!” “Anyone idol Aljun, basta wag lang iyong tanginang Giselle!” “Kinikilig akooooooooo!!!!!” “So totoo pala ang kumalat na pic???” “Ok lang iyan idol! Wafu din kaya ni Gener! Bagay na bagay kayo!” “Idol wala iyan sa kung sino kundi sa kung ano ang nilalamann ng iyong puso...” “Good luck Idol Aljun at Jun!” “Waaahhhh! Ngayon ko lang na-figure out na ang ‘G’ na crush ni Aljun ay si ‘Gener’??? Cuteeee!!!!”

“O ano...? Di ba tanggap naman ng mga estudyante?” tanong ni Fred.

“Syempre, mga supporters kaya iyan ni Aljun.” Sagot ko. “Kaya positive ang mga reaksyon nila”

“E... kaninong reaksyon naman ang gusto mong mabasa? Ang sa kampo nina Giselle?” ang may magkahalong biro at sarkastikong sagot ni Fred.

Pabulong na tinanong ni Fred si Aljun, “Idol... kayo na ba talaga ng friend ko?”

Binitiwan ni Aljun ang isang nakakalokong ngiti sabay lingon sa akin at noong makita sa mukha ko na wala akong pagtutol na aminin niya, tumango siya kay Fred.

“Ayiiieeeeeeee!!!” ang pigil at tila naglupasay sa tuwang reaksyon ni Fred. “Homaygadddd! Homaygaaddddd! Panalo ka kapatiddddddd!!!”

“Huwag ka ngang maingay d’yan!” ang bulyaw ko. “Napapansin ka ng mga tao o.” dugtong ko pa.

“Waahh! Hindi ko lang mapigilan ang sarili fwend. Grabe! I’m sooooo happy for both of you!” sabay kamay sa akin at kay Aljun tapos dugtong ng biro, “Pakain naman d’yan!”

Tawanan.

Tiningnan din namin ang pinost ni Giselle na pictures namin at iyon nga, may mga negative comments. Ngunit hindi naman ganooon kadami kaysa doon sa SALMO. Kaya, hindi na ako nagulat pa. Atsaka, napag-isipisip ko na noong nagdesisyon akong panindigan na lang ang lahat, inexpect ko na talaga ang mga ganito. At hinanda ko na ang sarili. Masarap kaya ang pakiramdam na pinanindigan mo ang isang mahirap na desisyon ngunit ramdam mo naman ang suporta ng taong siyang maha at ng mga kaibigan.

“Si Giselle na lang ang problema natin idol!” ang baling ni Fred kay Aljun. “Kapag wala pang ginawa ang kumite sa kaso ninyo within this week, may gagawin kami ng mga myembro ng federasyon laban sa dalawang professor na iyon, makikita nila ang bagsik ng gay power.” Dugtong ni Fred.

“Huwag naman iyong drastic Fred ha? Baka imbes na mapawalang-sala si Aljun, baka lalo pa siyang mapahamak.” Pagsingit ko.

“Hindi fwend. Sa kadaming mga estudyante ang nadismaya sa bagal ng aksyon nila, sigurado ako na kapag nag succeed ito, maraming matutuwa.”

“Basta, hands off muna ako d’yan Fred. Baka isipin naman nilang ako ang may pakana niyan kung ano man iyan” sagot ni Aljun.

“Huwag kang mag-alala idol. Kaya nga ayaw kong sabihin sa iyo kung ano ang plano naming upang walang masabi ang mga tao na may kinalaman ka dito...”

Dumating ang Byernes at wala pa ring desisyon ang kumite. Tambak na ang mga pirma sa mga cartolinang aming pinost sa student center at pati na ang sa fb ay maraming nadismaya at nag-aalburotong mga estudyante. Nagagalit na ang mga estudyante. Ngunit parang hindi lang pinansin ito.

Kaya denisisyonan na ni Fred na ituloy ang plano nila. Hindi ko na lang inalam kung ano man ito dahil ayaw ko ring isipin ng mga tao na kasali ako sa mga nagpasimuno.

Kaya kinagabihan ng Byernes habang nagplano ang grupo nina Fred at mga taga-suporta ni Aljun sa gagawing hakbang laban sa dalawang miyembro ng kumite, bumalik na naman kami ni Aljun sa bukid. Gustong-gusto ko na kasi doon. At namiss ko na din si Kristoff. Parang naimagine ko na ang paghihintay ng bata sa amin at lalo na sa ipinangako kong mga laruan sa kanya.

At hindi nga ako nagkamali. Noong makarating na kami sa bahay, naglulundag sa tuwa si Kristoff noong makita kami ni Aljun at lalo na noong mahawakan ang dala kong mga pasalubong.

“Yeeepiiiiiiii! Madaming pasalubong sa akin ni Papa Jun! Akin ba lahat ito Papa Jun?”

“Oo naman. Hindi naman nagalalaro ang lola mo niyan eh” ang sagot ko sabay baling ko din sa inay ni Aljun na natawa na rin. Syempre, may pasalubong din ako sa kanya, mga damit at binilhan ko rin siya ng sapatos.

Tuwang-tuwa naman ang inay ni Aljun sa aking ibinigy bagamat med’yo nahiya. “Nakakahiya naman ito sa iyo, Jun” ang nasabi lang niya. Ngunit alam kong masaya siya dahil nasabi din niya na may damit na raw siyang pansimba.

Si Kristoff naman ay hindi magkamayaw sa mga laruan niya. Excited na excited hindi alam kung ano ang unang laruin at paano laruin. “Papa Jun! madaming laruan. May robot, may trak, may baril-barilan din!”

“Nagustuhan mo ba?”

“Opo! Ang ganda po, papa Jun!”

“O wala man lang bang kiss sa papa Jun?”

At nagkiss naman kaagad ang bata. Iyong trade mark kiss niyang sa lips at may sound pa. “Sana po, dito ka na lang sa amin papa Jun. Kasi, wala kaming kasama eh. Atsaka si Papa, wala ding kasama atsaka si Lola kapag nasa palayan wala din akong kasama...” ang makulit na sabi ng bata.

Tawanan.

“Hmmmm! Binigyan ka lang ng laruan, gusto mo na makasama ang papa Jun mo...” ang biro ni Aljun sa anak.

Pormang nahiya naman si Kristoff, natigilan, iginuri-guro ang daliri sa laruang robot at hindi makaktingin ng deretso sa ama. Iyong bang pakiramdam na nabuking sa pagsisipsip sa akin, o naramdaman niyang may halong selos ang ama na sa akin siya naglambing imbes na sa papa niya.

Agad naman itong kinarga ni Aljun at hinalikan. “May kasama ka naman kapag wala ang lola mo eh. Doon ka kaya sa Nanay Trining mo naglalaro kapag wala siya.” Pang-aasar muli ni Aljun sa anak.

Na sinagot naman ng bata ng, “Hindi naman po nila ako sinasali sa laro nila eh. Nakatingin lang po ako sa kapag naglalaro sina Kuya Mark at Kuya Jojo, di ako pinapasali. Kasi po maliit pa daw ako. Hindi daw po ako marunong sa laro nila. Marunong naman po ako eh.”

“Ay... kawawa naman pala si Kristoff eh.” Ang sabi ko sabay abot nito sa bisig ni Aljun at ako na ang kumarga.

“Papa Jun! Dito ka na lang po sa amin ha?”

Napatingin ako kina Aljun at sa nanay niya. “E... p-puwede pero huwag muna ngayon ha? Kasi nag-aaral pa ang papa Jun mo. Gaya ng papa mo.”

“Pwede po ba akong mag-aral? Sabi ni Papa hindi pa raw eh. Pag seven na ako. Ganito po.” Sabay muestra at ipinakita ang 7 daliri.

Napatingin ako kay Aljun. “Ay talaga? Galing mo naman. Alam mo na ang seven. Puwede ka namang mag-aral kahit hindi ka pa seven eh.” Sagot ko sa bata.

“Hindi naman daw po eh...” sagot ng bata sabay yuko bakas sa tono ang lungkot.

“Ay... huwag nang malungkot si Kristoff. May laruan ka naman e. Atsaka, malay mo pwede ka na palang mag-aral.”

“Talaga po?”

Nginitian ko na lang ang bata. “Wala bang day care or nursery school dito boss?” tanong ko kay Aljun.

“Bukid ito boss. Hindi uso ang daycare-daycare dito. Deretso Grade 1, kapag kaya na ng batang maglakad ng 3 kilometro patungo sa sa pinakamalapit na elementary school sa pook na ito.” Sabay tawa.

“Gusto mo na ba talagang mag-aral?” ang tanong ko kay Kristoff.

“Gusto po. Kagaya po ng papa ko...”

“O sya... maglaro na lang muna tayo doon sa labas, tara!” ang nasambit ko na lang dala ang karga-karga ko pa sa mga bisig ko na si Kristoff. At itinakbo ko na siyang palabas. Dinala ko na rin ang mga laruan niya. Nilingon ko ang nanay ni Aljun na natawa naman at tumango, pahiwatig na ok lang na lumabas kami.

“Hoy! Saan kayo pupunta! Sigaw ni Aljun nong iniwanan namin siya”

Naupo kami sa ilalim ng malaking puno ng narra kung saan ay may malaking malinis at pantay na lupang pweding takbuhan ng kanyang laruang trak. Kinuha ko ang remote control at noong mailatag na ang laruan sa lupa, tinuruan ko siya kung paano gamitin ito; kung paano paandarin, kung paano palikuin, pahintuin. At noong natuto na, siya na ang nagdala sa pagpaandar. Mistulang walang mapagsidlan ang tuwang naramdaman ng bata. “Ambilis matuto! Matalinong bata talaga! Hindi malayong lumaki siya na kagaya din sa ama niyang hindi lang matalino, kilabot pa ng mga kababaihan at mga bakla...” sa isip ko lang.

“Masyado ka na yatang na-attach sa anak ko huh! Nagseselos na ako niyan...” biro ni Aljun na pinagmasdan pala kami ni Kristoff sa di kalayuan, nakaupo siya sa ibabaw ng bangkong kawayan sa lilim ng malaking puno ng narra.

Napalingon ako sa kinaroroonan niya. Lumapit ako dito atsaka umupo din sa tabi niya. “I’m so amazed! Napakatalinong bata!” ang sambit ko.

“Oo nga. Matalino iyan. Di ba, four years old lang iyan ngunit may mga na-memorize nang mga kanta. Marunong na rin iyang magbasa... At memoryado din niyan ang mga flags ng iba’t-ibang bansa pati na ang mga capital cities nito! Ako lang at ang lola niya ang nagturo niyan.”

“Wow!!!” ang gulat kong reaksyon. “E di dapat pala next time ay mga librong pambata naman ang ibibigay ko sa kanya!”

“Matutuwa iyan. Paborito din niyang magbasa kahit na anong papel na may nakasulat, binabasa niyan.” Sabay tawa.

Natawa rin ako bagamat may awa din akong naramdaman sa bata. “Bakit di natin siya papag-aralin boss?” ang biglang naimungkahi ko.

“Paano mag-aral iyan. Malayo ang paaralan dito, may trabaho ang nanay, at hindi pa yan tatanggapin sa Grade 1.”

“Isama natin iyan sa flat ko. Sa school natin may, nursery school sila, may kindergarten... Doon siya sa flat ko. Alam mo, sa tingin ko, ma-accelerate iyan kaagad. Ang level niya ay pang elementary na eh! Baka tatalunin pa nga niyang ang grade three or grade four na mga estudyante!”

Napatingin siya sa akin. Nag-isip.

“Sayang boss. Matalino ang bata... mas mamaximize natin ang pagdevelop ng potential niya kapag binigyan natin ng maagang exposure sa pag-aaral. Sa tingin ko nasa gifted or genius ang IQ niya boss...”

“Oo nga eh. Pero paano natin papag-aralin iyan doon. Walang mag-alaga sa kanya. Dito nga, iniiwanan lang namin iyan sa kapitbahay kapag may trabaho ang nanay sa lupain.”

“E di maghanap tayo ng yaya. Iyong part time lang para hindi masyadong mahal. Habang nasa school ako o tayo, ang yaya ang bahala. Kapag tapos na ang school, ako o tayo na ang bahala. Sa flat ko titira siya at... kung gusto mo, ikaw na rin, doon ka na rin tumira.”

Biglang nag-iba agad reaksyon ng mukha niya sa pagkarinig sa sinabi ko. Sabay pabirong patama ng kamao niya sa aking balikat, naglambing. “Hmmmm... gusto mo lang akong makatabi sa pagtulog eh.”

“Hoyyyyyy! Mr. Lachica! Masyado kang assuming. Ang kapakanan ng bata ang iniisip ko, hindi ikaw.”

“Hmmmm. Ginamit mo lang ang bata eh...” dugtong pa niyang biro.

“A, e di sige. Kami na lang ni Kristoff sa flat ko at doon ka pa rin sa dorm mo.”

“Ah! Hindi naman ako papayag niyan. Ako yata ang ama...” ang bigla ding bawi niya.

“O e di ikaw pala ang gumamit sa bata upang makatabi ako sa pagtulog ano?” Ang pagresbak ko.

Tawanan.

“Syempre... papayag ba akong mahiwalay sa iyo? Pagkakataon na yata iyan!” sabay nakaw naman ng halik sa pisngi ko.

“Woi! Makikita tayo ng bata at ng inay mo!” ang pigil kong sambit.

Tawanan uli.

“Di ba nagsimula na ang pasukan? Paano tatanggapin iyan? Kalagitnaan na ng taon.”

“Hindi naman problema iyan. Kung hindi na sila papayag na isali si Kristoff sa school year ngayon, kahit observer na lang muna siya, magbabayad pa rin tayo. Puwede naman ang ganoon eh.”

“Wala akong perang pambayad sa baby sitter.” Napahinto siya. “Sabagay, pwede kong tanggapin ang alok na part-time model kay Bambi, iyong baklang nakapanalo sa akin sa auction... kung papayag ka.”

“Huwag na boss. Ako ang bahala. Mamaya kung sinu-sino pa ang mababaliw na naman sa iyo doon, marami na sila ni Giselle. Ako naman ang maaagrabyado.”

“hehehehe. Nagseselos.”

Inirapan ko na lang siya.

“Eh... paano ko mababayaran ang pagaaral ni Kristoff?”

“Ako ngang bahala. Sabihin ko sa mommy ko na may isang batang gifted na nangangaiilangn ng sponsor. Atsaka iyong yaya, part time lang naman iyan kaya hindi malaki ang pasweldo d’yan. Kaya ko iyan. Magiging scholar iyan ng mommy ko. At magiging proud ang mommy ko sa scholar niya.”

“Hindi ba nakakahiya? Andami mo na kayang nagawa sa akin at ngayon, kay Kristoff naman.”

“Syempre nakakahiya talaga!” Biro ko. “Pero akong bahala sa iyo. Ako na mismo ang gagawa ng paraan upang hindi ka na mahiya sa akin. Anlakas mo yata sa akin!”

Natawa naman siya. “Ganoon? Gusto mo, halikan na kita? Ansarap talagang halikan ng mga labi mo eh.” Ang pabiro naman niyang sagot.

“Tado!” sambit ko.

Kinausap ni Aljun ang nanay niya tungkol sa plano namin kay Kristoff at wala din naman siyang tutol bagamat nahiya din siya sa akin. “Ako... gusto ko. Kasi nga gustong-gusto ng batang mag-aral at ang talino pa. Kung ako nga lang ang masusunod, pinag-aral ko na iyan. Kaso, wala namang magbantay, walang pera, at may trabaho din ako...”

“Kristoff! May sasabihing sorpresa sa iyo si papa Jun mo.” Wika ni Aljun sa anak noong napadesisyonan na namin ang pag-paaral sa kanya.

“Ano po iyon, papa Jun?”

“Sasama ka na sa amin ng papa mo at tayong tatlo na ang mag-aaral!”

“Talaga po papa Jun? Yepiiiiii! Mag-aral na rin ako???”

“Tama! At kada Sabado at Linggo na lang ang uwi natin dito. Syempre bisitahin natin palagi ang lola mo.”

“Opo! Opo!” Hindi magkamayaw sa sobrang saya si Kristoff sa narinig na balita.

Sa gabing iyon, kaming tatlo ang nagsama sa pagtulog sa kwarto ni Aljun. Pinagitnaan namin si Kristoff na wala namang kyemeng nakayakap pa sa akin sa pagtulog. Doon ko narealize, walang dudang mahal na ako ng bata.

Natawa naman ako kay Aljun. Gustong umiskor sa gabing iyon ngunit dahil nakayakap sa akin si Kristoff, wala siyang magawa. “Magtiis ka!” ang bulong ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at maingat na idiniin ito sa kanyang pagkalalaking nakalabas na pala sa kanyang shorts.

Hinaplos nang hinaplos ko na lang ito habang nasa gitna namin ang bata at nakatulog na. At dahil pantay naman sa pagkahiga ang mga ulo naming dalawa, palihim kaming naghahalikan habang nilalaro ko ang kanyang pagkalalaki. Hanggang sa hindi rin niya natiis at tumayo na, minuwestrahan akong sumunod sa kanya sa paliguan.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkayakap ng nakatulog na si Kristoff at sumunod na kay Aljun sa paliguan. At doon, binigyang laya namin ang aming nag-uumapaw na pagnanasa sa isa’t-isa.

Linggo ng hapon noong makabalik kami. Pagkagaling sa terminal, dumeretso pa kami sa shopping mall upang mamili ng mga gamit ni Kristoff sa school, damit, sapatos. Tuwang-tuwa ang bata sa mga bagong damit, sapatos, at mga school materials niya. Hindi niya akalaing talagang matupad ang pangarap niyang mag-aral.

Napakasaya ko sa araw na iyon. Noong makarating na kami sa flat ko, maraming tanong si Kristoff gaya ng kung bahay ko ba daw iyon, kung gaano kalayo ang skul niya sa flat ko, kung anong oras ang pasok, kung sino ang mga guro, kung saan siya matutulog, kung ilang mga bata ang classmates niya, kung babae o lalaki ba ang guro niya, at kung pwede bang manood ng TV...

Nakakatuwa. Hindi ko akalaing sa pagdesisyon kong panindigan na ang pagiging ganito at pagpaubaya ko kay Aljun, may madagdag pa palang matatawag kong isang bonus – si Kristoff. Parang perpekto na ang lahat. I mean, maliban na lang sa mga taong alam ko, mag-iba ang tingin sa amin ni Aljun at syempre... ang malaking balakid sa pag-iibigan namin – si Giselle.

Agad kong tinext si Fred upang makibalita kung ano ang nangyari sa kanilang plano laban sa dalawang propesor na kumampi kay Giselle. Inimbitahn ko siyang pumunta sa flat namin.

“Ow mey gadddd! Sino ang batang itow fwend! Ang cute naman!”

“Iyan ang anak ni Aljun!”

“Anak ninyo?” ang biglang naisigaw ni Fred, itinakip pa ang mga palad sa bibig niya, kitang kita sa mata ang pagkamangha, kinilig, na parang ang nasa isip ay, “Ang haba talaga ng hair mo fwend! Walang katulad!”

Nilingon ko si Aljun na napangiti na lang.

“O... o... bibig mo. Bata pa yan pero matalino iyan. Napi-pick up ang mga sinasabi mong kalandian.” sabi ko kay Fred. At baling kay Kristoff, “Kristoff, meet uncle Fred.”

“Hello po, uncle Fred!” ang sabi ng bata.

“Ibigay mo ang trade mark kiss mo kay uncle Fred! Daliiii!” ang utos ni Aljun.

Yumuko si Fred at agad, puno ng kainosentehang binigyan ito ni Kristoff ng matunog na halik sa bibig.

Nagulat naman si Fred. “Waaaahh! Hanu iyon! Kaka in love naman ang halik mo baby K!” ang tawag niya kay Kristoff. “Ambabagsik talaga ng mga kamandag ninyong mag-ama. Ambata pa, anlakas na ng tukso power!” sabay tawa ni Fred at, “Isa pa nga!”

At agad ding nagbigay uli ng kiss si Kristoff.

“Napaka-swerte talaga ng fwend ko! May Aljun na, may baby K pa!”

“O... o... bibig mo!” ang pag remind ko uli kay Fred.

“I-enroll namin iyan sa nursery or kindergarten Fred. Dito lang sa university. At naghahanap kami ng part-time yaya.” Ang pagsingit ni Aljun. “Atat na atat kasing mag-aral. At pinagbigyan naman ng papa Jun niya.”

Nakangiting-aso naman si Fred. Parang tuwang-tuwa na “papa” ang tawag ng bata sa akin at pakiramdam siguro niya ay sobrang close ko na sa bata. Alam ko, kilig na kilig siya, hindi lang maipalabas sa harap namin.

“O sya... tamang-tama dahil may kaibigan akong estudyante at naghahanap ng extra source of income dahil sa problema sa pamilya. Mapagkatiwalaan iyon. Kaibigan ko iyon at mabait. Night school naman iyon kaya may time sa araw. Bukas na ba ang simula? Sige tatawagan ko.”

At tinawagan naman kaagad ni Fred ang nasabing kaibigan na excited at tuwang-tuwa din sa offer namin.

Solved ang problema namin sa yaya. Inexplain namin kaagad sa bata na may yaya siya. Muli, maraming tanong kung ano daw ang yaya, bakit mayroon siya nito, at saan kami pupunta bat kailangan pa nito, etc etc.

Naintindihan naman niya ang mga paliwanag namin at wala siyang tutol.

Ang sunod na pinag-usapan namin ay ang activity na nina Fred laban sa dalawang propesor. Habang dinala ni Aljun ang anak sa sala upang manood ng tv, sa loob naman ng kuwarto ko nag-usap kami ni Fred, upang hindi marinig ng bata.

At tuwang-tuwang ibinalita sa akin ni Fred na successful daw ang mga ito. Dalawang grupo pala ang sabay ngunit magkahiwalay na nag entrap sa dalawang propesor.

Ang isa ay iyong may tinatagong sikreto na bagamat may conservative, relihiyoso at respetadong pamilya, lihim na lumalapa pala ng lalaki. Ito daw ang ginawang alas ni Giselle sa pambablackmail sa kanya. Si Adrian na isa din sa mga prize boy ng CGI na estudyante din ng nasabing propesor ang ginawang pain. Inimbitahan niya ang nasabing propesor ng inuman, siya ang taya dahil ang pag-alibi niya sinagot na daw ito ng niligawang babae at gusto niyanag magpakalasing sa saya at ang propesor ang gusto niyang maka-bonding dahil ito ang idol niya. At syempre, dahil guwapo si Adrian, sino bang bakla ang tatanggi sa ganyang klaseng alok. Kakontsaba nila si Jake, ang boyfriend ni Fred na lifeguard ng resort at isa pang estudyante na taga-kuha ng video na nasa kabilang kwarto ng cottage na inupahan nila nakatambay.

Anyway, binuksan ni Fred ang video na lihim nilang kinuha. At heto ang laman:

Nakaupo silang dalawa ni Adrian sa kawayang papag sa loob ng cottage, nakaharap sa tagong camera sa maliit na butas sa dingding. Inum ng beer. At pansing binilisan talaga ni Adrian ang pag-inum at pang-engganyo sa propesor na uminum din ng mabilis. Nagmamadali ba. Halos hindi na nag-uusap ang dalawa. Siguro nagkahiyaan at marahil ang nasa isip ng propesor ay kung paano gumawa ng hakbang upang malapa niya si Adrian, kung paano simulan ito o anong approach ang gamitin.

Maya-maya, heto pumasok si Jake, naka-shorts lang, nagdala ng setseryang pulutan, “Sir, heto po ang order ninyo” ang boses na bagamat mahinang-mahina ay klaro pa rin sa aking pandinig.

At noong nailatag na ni Jake ang mga setsertya sa sahig kung saan sila naupo, ipinahalata ni Jake ang malagkit niyang titig kay Adrian na sinuklian naman ng huli ng nakakaloko ding titig.

Kitang-kita sa video ang reaksyon ng propesor habang tinitingnan ang dalawang nagtitigan. Para bang nag-init, nalilibugan, hindi makapaniwalang pumapatol ng titigan si Adrian sa lalaki.

“Halika makiinum ka muna sa amin pare!” ang pag-invite ni Adrian kay Jake.

“N-naka duty pa ako pare!” ang sagot ni Jake.

“Kahit sandali lang, halika! Tabi tayo.” Ang panghikayat pa niya.

Nagkunyarin namang nag-aalangan si Jake na tumabi. At noong maupo na, saka naman hinubad ni Adrian ang kanyang t-shirt. Syempre, dahil CGI hunk, tumambad ang napakagandang chest at abs ni Adrian.

Kitang-kita sa camerang napalunok ng laway ang propesor sa nakitang ganda ng hugis ng katawan ni Adrian. Kunyari namang napanganga si Jake sa nakita.

Si Adrian naman ay mistualng nanunukso kay Jake samantalang nagkunyaring dedma lang ang propesor bagamat huling-huli itong palihim na tumitingin sa harapan nina Adrian at Jake.

Dahan-dahan namang iginapang ni Jake ang kanyang kamay sa harapan ni Adrian. Iyon bang parang takot na makitang nandoon ang kamay niya sa mismong umbok. Dedma lang kunyari si Adrian, inunat pa ang dalawang paa upang mabigyang-laya ang kamay ni Jake.

Himas, himas, himas.... nag-aalangan. Si Adrian ay nakatitig na sa professor na parang inakit din ito. Ngunit kunyari ay pa-kyeme effect din ang propesor.

Nasa ganoon silang set-up noong bigla ding, “Pare, baka tawagin ako ng amo ko...” sabay tayo at alis na kunyari ay takot na takot at hindi nagpapigil.

“Napako ang tingin ni Adrian sa pintuan kung saan dumaan si Jake sabay sabing, “Shitttt! Binitin pa ako ng loko! Tangina na iyon!”

Na siya namang sinagot ng propesor ng, “A-ako na ang tatapos... O-ok lang ba?”

Hindi na sumagot pa si Adrian. Inunat na lang niy ang kanyang mga paa, pahiwatig na wala siyang tutol na laruin ang kanyang pagkalalaki.

At doon na naganap ang eksena. Tumabi kaagad ang propessor sa kanya atsaka hinawi ang garterized short ni Adrian at ang brief nito at noong tumambad na sa kanyang mga mata ang matigas na pagkalalaki, parang gutom na gutom na suinunggaban ito ng kanyang bibig. Para siyang isang taong nangarap ng tagumapay at noong nasa tuktok na siya nito, saka kumanta ng “this is the moment!”

Grabe! Kung maka tsupa siya ay parang lulunukin na ng buo at ipasok sa kanyang sikmura ang ari ni Adrian. Sabagay, first and last niya iyon kay Adrian kaya todo-sunggab na sya. At dahil sa lasing na lasing na si Adrian, malakas na ungol na lang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Parang napa “Ewwww!” talaga ang utak ko. Hindi kasi bagay e. Ang magiting na propesor na sa loob ng eskwelahan ay naka-tie o long-sleeved polo, o minsan ay coat, palaging nagsisimba kasama ang buong pamilya, tinitingala ng mga estudayante dahil hindi mo maimagine na makagawa ng kabulastugan ngunit hayun, nakikita mo na lang sa video na parang sinasaniban ng masamang espiritu sa galing ng kanyang pagsusu ng ari ng estudyante...

Hanggang sa nilabasan si Adrian sa bibig ng propesor. At kitang-kita kung paano nilunok at nilamutak ng propesor ang dagta ni Adrian na parang gutom na gutom sa tamod.

Pagkatapos noon, pinatuwad pa ni Adrian ang propesor at tinira ito sa likod. Hindi pa pala nakuntento. Todo performance talaga si Adrian, sobrang malibog. Habang tinitira niya ang propesor, kitang-kita sa mukha ng propesor ang kasiyahang nalalasap sa pagulos ni Adrian sa kanyang likuran. Hanggang sa halos magkasabay na narating nila ang ruruk ng kaligayahan.

Halos ganoon din ang ginawa ng kabilang grupo sa isang propesor na may pagkamanyak sa babae. Isang sexy at magandang kaibigan ni Gina ang ginawang pain nila. Kunyari ay inanyayahan ng isa pang magandang babaeng estudyante ng propesor na birthday daw niya at gusto niyang magparty sa bahay nila. Sinabihan daw ng kaibigan ni Gina na, “Huwag kayong mag-alala sir dahil ako ang mag-bodyguard sa inyo doon...”

At noong makarating na sila ng bahay, nag-hire sila ng isang babaeng bayaran upang pumasok sa bitag nila ang nasabing propesor.

Nakita ko rin ang video nila na may actual penetration ding nangyari.

“Hindi ba ninyo takpan ang mga mukha nina Jake at Adrian? Pati na rin ang sa babaeng involved?” tanong ko.

“Syempre, tatakpan natin iyan. Ayokong mapahamak ang mga involved bagamat sabi ni Adrian na ok lang daw sa kanya, dagdag exposure daw ito.” Sagot ni Fred.

Natawa naman ako. “Ang angas talaga ng Adrian na yan.” biro ko.

“At cute pa, at malibog!” dagdag pa ni Fred.

Tawanan.

“So ano ang plano ninyo ngayon?”

“Bukas na bukas Fwen, ang lahat ng ito kasama ang mga ebidensya sa dating school ni Giselle na nakalap ko, pati na ang mga trhreads at... ang pangalan ng lalaking dating na-involved kay Giselle na willing tumistigo, isasubmit ko sa presidente ng University. Wala nang atrasan ito fwend!”

“Kinakabahan naman ako sa maaarnig mangyari, Fred.”

“Basta, hands-off kayo dito. Laban namin ng mga supporters ninyo ni Aljun ito.”

Iyon ang napag-usapn namin ni Fred bago siya umuwi sa dorm niya.

Noong kami na lang ang naiwan, balik pamilya eksena na naman kami ni Aljun at Kristoff. Kuwentuhan, tawanan. Sobrang saya namin. Parang totoong pamilya ko na talaga sila; asawa ko si Aljun at anak namin si Kristoff. At sa pagtulog, iyon ang unang gabi na magkatabi kaming tatlo sa kuwarot ng flat ko. Nasa gitna namin si Kristoff kasi ayaw daw niyang hindi kayakap ang papa Jun niya sa pagtulog. Kaya gitna namin ang bata.

Palihim na lang kaming nagtatawanan ni Aljun. Paano hindi kami makadiskarte. Kaya ang ginawa namin ay palihim din naming ginawa ang aming ritwal. Noong mahimbing na si Kristoff, sa loob ng shower namin pinapalabas ang init ng aming pagnanasa sa isa’t-isa.

Alas 5:30 ng umaga noong magising ako at si Aljun. Med’yo nanibago ako sa routine. Kasi ang agang nagising ni Kristoff. Excited kasi. Atsaka alas syete din ang pasok niya.

Habang si Aljun ay dumeretso sa kusina upang maghanda ng pagkain, pinaliguan ko naman si Kristoff. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagpaligo ako ng isang bata. Hindi ko maimagine ang sariling hahantong talaga sa ganoon ang lahat. At habang nililigo ko si Kristoff, panay naman ang pagtatanong niya sa akin, ang paglalambing, ang pangungulit, ang panghaharot... ang saya-saya ng umaga ko.

Pagkatapos ay binihisan ko na siya. Bakas sa mukha niya ang sobrang excitement na malapit na ang oras ng pagpasok niya ng paaralan. Hinanda ko na rin ang mga gamit niya sa school. Talagang kinareer ko ang role bilang isang ama, este... ina ba? Bagamat dagdag trabaho iyon sa akin ngunit sulit naman ang aking naramdamang saya sa nakitang kasiyahan ng bata. Pakiramdam ko ay isa na talaga akong tunay at certified na magulang; isang... ina. Isang asawa.

Pagkatapos naming kumain, nagbalot pa ako ng baon para kay Kristoff: sandwich at juice, at may kaunting pera din akong ibinigay sakaling may magustuhan siyang bilhin sa canteen. Noong dumating ang kanyang part-time yaya ipinakilala ko siya kaagad kay Kristoff.

Si Jean ang yaya niya, isang 18 yo na nag-aaral sa night school. Sa araw kasi gusto niyang magwork pandagdag income daw, lalo na may kinakaharap na problema sa pera ang pamilya niya sa kasalukuyan.

Anyway, noong marating na namin ang building ng nursery school, ipina enroll muna namin si Kristoff.

Noong una, nag-alangan ang principal na isali siya sa mga enrolled na kasi late na nga. Ngunit noong lumabas ang resulta ng mga tests ng bata, namangha sila sa taas ng IQ nito. Dagdagan pa noong sinabi kong alam ng bata ang lahat ng flags ng mga countries at pati na ang mga capitals nila at nagbigay ng 10 random na tanong ang principal dito, lalong namangha siya ipinakitang galing ng bata. At tuwang-tuwa pa siya dahil si Kristoff pa lang daw ang nag-enroll sa kanila na may ganoon kataas na IQ. Kaya inilagay nila agad ito sa kinder at may chance pa raw ma-accelerate ang bata sa Grade 1 kapag sa kanilang obserbasyon ay lalabas na handa na sya sa level na ito. Ibig sabihin, mag grade one ang bata kahit hindi pa tapos ang taon.

Syempre, masayang-masaya kami. Imagine, kung hindi namin na-enroll ang bata, hindi siya madiskubreng talagang gifted.

Tuwang-tuwa naman si Kristoff. Excited na makasama na sa pag-aaral, excited na makita ang mga kaklase, ang guro, ang room...

Alas 6 ng gabi noong nasa flat na kaming talo. Kinumusta namin si Kristoff sa klase niya. Masayang nagkuwento ang bata dahil madami daw siyang kaibigan at iyong klase ay madali lang daw. Tinatanong pa kami kung bakit mas matagal ang klase namin samantalang ang sa kanya ay tapos na sila hanggang alas kwatro pa lang ng hapon. Nagyayabang pang baka daw hindi namin naintindihan ang leksyon namin kaya matagal kaming natapos.

Tawa naman kami ng tawa ni Aljun. “Turuan mo na lang kaya iyan ng Advanced Algebra o kaya ay Physics! Yabang-yabang eh.” biro ni Aljun.

Maya-maya, dumating si Fred. “Fwend! Good news!” ang sambit niya pagkapasok na pagkapasok kaagad sa bahay.

“Anong good news!”

Hinalikan muna niya si Kristoff atsaka minuwestra ang kamay na huwag iparinig sa bata ang usapan namin. “Kristoff! Sa kwarto ka muna manood ng TV ha? May pag-uusapan lang kami ni Tito Fred mo. Usapang matanda.” Ang utos ko habang sinamahan ko siya sa loob ng kuwarto at sinet ang cable channel sa isang pambata na palabas.

Noong kami na lang tatlo ang naiwan sa sala. “Fwend.. pinatawag ako kanina ng presidente ng university tungkol sa mga isinumite kong reklamo laban sa dalawang propesor. Tinawag na daw pala ng board of directors isa-isa ang mga nasabing propesor at ipinakita ang mga videos na isinumite ko. Umamin naman daw ang dalawa at pinapili sila ng option; either to resign, or the school will terminate their service. At syempre, pinili nilang magresign na lang effective kinabukasan. Pinakiusapan din ako ng president na kung maaari ay huwag nang ikalat pa ang video upang hindi masira ang reputasyon ng school at ang mga inosenteng pamilya ng dalawa. Sumang-ayon naman ako. Wala naman talaga akong balak sirain ang mga buhay nila kasi, bad iyon, di ba? At lalo na iyong bading na propesor. Naawa naman talaga ako sa kanya e. Di ko lang nagustuhan ang pagkampi niya kay Giselle. Lahat naman kasi ng estudyante ay nanggagalaiti sa kanila.” Napahinto sandali si Fred, binitwan ang malalim na buntong hininga. “Sabagay, mahirap din talaga ang kalagayan niya. Damned if you do and damned if you don’t. Kasi na blackmail nga siya ng demonyang babaeng iyon di ba? Pero, hindi ko talaga ipapalabas iyong video nila ni Adrian. Ang mahalaga lang naman para sa akin… sa atin, ay na mailabas ang isang katotohanang sumira lang sa reputasyon ni idol Aljun. Dapat sana ay nanindigan sila. Hindi lang iyong sarili nila ang kanilang isinalba. Paano naman ang taong natapakan? Hay buhay talaga! Bakit kasi may mga demonyo pang mga katulad ni Giselle sa mundo!” Napahinto muli siya. “At ito ang pinakamagandang news fwend… i-expel si Giselle ng school!! At effective din ito kinabukasan!!!” sigaw ni Fred. “At wala na tayong problema!!!”

Tiningnan ko si Aljun na binitiwan lang ang isang pilit na ngiti. Marahil ay nasaktan siya sa mga nangyari kung bakit hahantong pa ang lahat sa pagpapalabas ng mga baho at pagresign ng mga professors. Kahit kasi papaano, magagaling din ang mga professors na iyon.

“Hindi ka ba masaya idol?” tanong ni Fred.

“Hindi naman sa ganoon. Naisip ko lang kasing marami ang nasirang buhay at tao dahil sa ginawa ni Giselle at kung bakit hahantong pa sa ganyan ang lahat.” Napahinto siya. “Sabagay, may mga pananagutan din ang mga professors na iyon. Akala nila, malusutan nila ang lahat ng ganoon ganoon na lang.”

“Tama ka d’yan idol… Sila rin ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa kanila. At nagkamali sila ng kinalaban.”

Kinabukasan, naconfirm naming nagresign na nga ang dalawang professors at pinatalsik na rin si Giselle sa university. At ang huli daw na banta ni Giselle ay humanda kaming dalawa ni Aljun dahil sa sunond na gagawin niyang paghiganti, siguraduhin daw niyang pagsisihan namin ang nangyari sa kanya.

Ngunit binalewala ko na lang iyon. At least, wala na siya sa school at wala na siyang magagawa pa. Inisip ko na lang na malimutan din niya ang lahat at kapang mahanap na niya ang lalaking mamahalin, at tuluyan na niyang malimutan si Aljun… At syempre, kapag nangyari iyon, malimutan na rin niya ang paghiganti.

Nagbunyi ang mga supporters ni Aljun sa nalamang news. At si Fred ang itinanghal na tagapagligtas. Tuwang-tuwa naman si Fred. Akala mo isa siyang celebrity na kaway dito kaway doon, at kinakamayan pa ang mga estudyante. “Ako na ngayon ang pangalawang campus celebrity pangalawa sa inyo ni idol fwend!!” sambit niya.

Tawanan lang kami.

Noong nakabalik na kami sa flat ko, nagcelebrate kami ni Aljun. Sa labas kami nga-dinner, kaming tatlo ni Kristoff. At noong makauwi na sa flat, nag-inuman pa kami ng beer ni Aljun sa sala habang nakatulog na si Kristoff. At habang sorpresa niyang ibinigay sa akin ang isang putting rosas, kinantahan pa niya ako ng –

And as I look into your eyes
I see an angel in disguise
Sent from God above
For me to love
To hold and idolise
And as I hold your body near
Ill see this month through to a year
And then forever on
Til life is gone
Ill keep your loving near
And now Ive finally found my way
To lead me down this lonely road
All I have to do
Is follow you
To lighten off my load
You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You open doors that close
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Just like a rose
And when I feel like hope is gone
You give me strength to carry on
Each time I look at you
Theres something new
To keep our loving strong
I hear you whisper in my ear
All of the words I long to hear
Of how youll always be
Here next to me
To wipe away my tears
And now Ive finally found my way
To lead me down this lonely road
All I have to do
Is follow you
To lighten off my load
You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You opened doors I closed
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose
And though the seasons change
Our love remains the same
You face the thunder
When the sunshine turns to rain
Just like a rose
You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You opened doors I closed
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose

Sobrang touched ako, at napaiyak na lang. Sobrang happy ko kasi sa mga pangyayari at syempre, sa ginawa niyang iyon…

At sa wakas, napanatag na rin ang kalooban ko. Imagine, malayang-malaya na kami ni Aljun; nagsama sa isang flat, nagkasundo sa lahat ng bagay, sobrang napakabait niya sa akin, may munting anghel pa na nagdugtong sa aming pagmamahalan na hindi lang sobrang cute, makulit, ngunit napakatalino pa. At silang dalawa ang aking inspirasyon. Ang dahilan kung bakit dapat akong maging masaya sa buhay, kung bakit ipagpatuloy ko pa ang pagsisikap ko.

At sigurado ako, napamahal na rin ako kay Kristoff ng husto. Nakikita ko ito sa bawat galaw niya kung saan ako kaagad ang bukang-bibig na hinahanap: Sa paggising niya sa umaga, kapag gustong magpasama sa CR sa gabi, kapag may assignment, kapag umaalis ng bahay, kapag nagugutom, kapag may hinihinging kung anu-ano… Pakiramdam ko ay buo na ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay silang dalawa ni Aljun ang pamilya ko, ang buhay ko, ang mga taong pinapangarap ko. Silang dalawa… at wala nang iba pa.

Doon ko narealize na totoo nga siguro ang pamahiin ng ibong-wagas. Nagkatotoo ito sa akin, sa amin ni Aljun.

Noong matapos ang linggo bumalik uli kami sa bukid upang bisitahin ang inay ni Aljun. Sabado iyon ng umaga. Nakarating kami sa bukid ng mga ala-una ng hapon.

Syempre, noong magkita ang mag-lola ipinagmalaki kaagad ni Kristoff ang pagpasok niya sa school at ang pagiging number one daw niya sa klase at ang pagpili ng mga ka-klase sa kanya bilang prince charming. Tuwang-tuwa naman ang lola niya. At malaki ang pasasalamat ng inay ni Aljun na nagkakilala kami ng anak niya.

At habang busy ang maglola sa kanilang kuwentuhan, sumaglit naman kami ni Aljun sa may pampang sa tabi ng ilog. Iyon din ang lugar kung saan namin unang nakita ang ibong-wagas.

Sinamsam namin ang sarap ng paglanghap at pagdampi ng malamig at preskong hangin sa aming balat, inenjoy ang privacy naming dalawa na walang iniintinding pressure, o stress, o takot… Syempre, dahil wala namang tao, malaya kaming nagyayakapan, nag-aakbayan, naglilingkisan ng kamay sa aming mga katawan, at palihim na naghahalikan...

Sa pagkakataong iyon, hindi ko inaasahang susulpot muli ang ibong wagas. Parang kinalampag ang aking dibdib sa pagkakita sa kanya muli. At kagaya ng dati, ako na naman ang unang nakakita sa kanya.

“Boss!!! Nand’yan na naman siya!” ang sigaw ko kay Aljun sa sobrang excitement sabay turo sa pareho pa ring lugar kung saan ito dumapo sa unang papakita nito sa amin.

Ibinaling ni Aljun ang mga mata sa tuktok ng pinakamatayog na kahoy kung saan naroon ang nasabing ibon. “Shhhh! Huwag kang maingay upang hindi lilipad!” ang sambit ni Alun.

Kaya hindi na ako nag-ingay pa. Pinagmasdan ko ang ibon na mistula ding nagmasid sa amin. At habang pinagmasdan ko siya, doon na ako humanga sa taglay niyang ganda. Matitingkad ang mga kulay at ang kanyang dilaw na tuka ay matingkad at makinang.

At marahil sa sobrang paghanga ko sa ibon at sa nalamang pamahiin na siyang nagbigay-saya sa akin, ang ginawa ko ay tinanggal ko sa aking leeg ang kwintas na tuka at itinaas iyon upang ipakita sa ibong-wagas na mayroon akong kuwintas sa kanya.

“HUWWWWWAAAAAGGGGGGGGGGG!!!!” ang bigla kong narinig na sigaw ni Aljun sa akin.

Ngunit huli na ito. Noong makita ito ng ibon, bigla na lang itong lumipad at nag-ingay sa kanyang paglayo, “Arrrrrkkkkkkkkkkkkkkk!!!!! Arrrrrkkkkkkkkkkkkkkk!!!!! Arrrrrkkkkkkkkkkkkkkk!!!!! Na mistulang nasaktan o nagalit.

“Bakit???” ang tanong kong may halong pagkalito.

“Hindi ko pala nasabi sa iyo na isang malaking bawal ang ipakita sa ibong wagas ang kuwintas na gawa sa tuka nila. Sensitive ang mga ibong iyan. Kapag nakakita ng tuka o kahit patay na ibong kauri nila, nag-iiyak sila. Matalino ang mga ibong iyan. Kaya nga ang sabi nila, sa gitna ng gubat sila naninirahan dahil ayaw nila sa tao.”

“Eh… bakit ka sumigaw? Dahil ba nagalit iyon sa akin?”

“Oo... dahil nagagalit iyon. Ang ingay na iyon ay ingay ng kanyang pag-iyak.”

Kinabahan naman ako sa narinig. Ewan, parang hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. “M-may epekto ba iyon sa pamahiin?” Ang naitanong ko na lang.

“Ah… wala. Wala…” ang naisagot niya, halatang mayroong bagay na nasa isip ngunit ayaw niyang sabihin.

Ngunit dahil hindi ako kuntento sa kanyang sagot kaya ko kinulit siya. “Sabihin mo na boss, please. Kinabahan ako eh...”

“Wala nga… huwag ka nang mag-isip. Wala. Iyon lang iyon. Nalungkot lang siya sa nakitang tuka ng kanyang kauri.”

“E… bakit ka parang hindi mapakali?”

“Wala nga … Wala iyon. Ibang topic na lang please...”

Dahil ayaw sabihin ni Aljun ang sa tingin ko ay alam niyang kahinatnan sa ginawa ko, hindi ko na lang siya pinilit. Ngunit noong nasa kuwarto na niya kami sa gabing iyon at tulog na rin si Kristoff, kinulit ko na naman siya. Halos maghahating-gabi na iyon.

“Boss… sabihin mo na kung ano ang kahinatnan sa ginawa ko base sa pamahiin. Mawawala ba ang bisa nito? Na bothered kasi ako eh. Sabihin mo na please… H-hindi ako makatulog e.” Ang pakiusap ko.

Kaya napilitan din siya. “Ok… promise na huwag mo siyang dibdibin o isipin, o paniwalaan ha. Pamahiin lang naman, di ba? Atsaka, coincidence lang din ang mga iyan.” Ang sagot niya.

Na lalo namang nagpabilis sa kalampag ng aking dibdib. “O sige… hindi ko ilagay sa isip, hindi ko siya paniwalaan.” Ang sagot ko.

“Kapag nagtampo o napaiyak mo ang ibong wagas, may hindi magandang mangyayari sa pag-iibigan o relasyon mo sa taong iyong mahal… na kadalasan daw ay hahantong sa isang... trahedya. Iyan ang curse ng ibong-wagas; ang kanyang sumpa…”

“Ano???” ang nasambit ko. Pakiramdam ko ay nanindig ang aking mga balahibo. “Sumpa???”

“Oo...”

Lalo ko tuoy naramdaman ang takot. “M-may nangyari na ba daw?” tanong ko uli.

“Sabi nila mayroon na daw. May nagbigti, may naaksidente... Ngunit coincidence lang ang mga iyon boss.”

“Goddddd! Huwag naman sana... Ayoko nang ganyan.”

“Huwag ka kasing magpaniwala d’yan.”

“Natatakot ako...”

“Coicidence nga lang e. Huwag mong ilagay sa isip… Wala namang hadlang sa atin, di ba? Malaya na tayo, wala na si Giselle… mahal ka ni Kristoff at higit sa lahat, mahal kita.”

“Mahal din kita boss…” ang naisagot ko bagamat malalim ang naramdaman kong takot at guilt sa nalamang nakasakit pala ako sa ibon na iyon at sumpa niya ang kapalit sa aking nagawa. “A-ano naman daw ang puwedeng gawin upang matanggal ang s-sumpa ng ibong wagas boss?” ang naitanong ko uli.

“Wagas na pag-ibig. Ito lang ang natatanging makakapagtanggal sa sumpa. Kaya huwag kang bumitiw boss. At huwag mo akong i-give up… kung naniniwala ka doon. Panatilihin mong matatag ang pag-ibig mo sa akin boss…”

Iyon lang. At sa buong magdamag, halos hindi na ako dinalaw pa ng antok. Nabagabag ang isip, hindi mapakali, kinakabahan, puno ng takot… At hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Palihim ko na lang itong pinahid at hindi ipinaalam kay Aljun.

Alas 5 ng hapon kinabukasan. Handa na kaming bumalik na sa lungsod upang maghanda na rin sa pagpasok naming tatlo sa sunod na araw ng Lunes. Late na ang alas 5 ng hapon na biyahe dahil ang last trip ng bus ay alas 7 ng gabi at maglalakad pa kami ng may halos isang oras papuntang sakayan ng tricycle na siyang maghatid sa amin papuntang bus terminal. Kaya nagmamadali kami. Nasa bungad na ng bahay kaming tatlo noong biglang sumulpot ang isang babae.

“Hi Aljun!” ang tila sabik na sabik na bati niya kay Aljun, bakas sa mga mata ang sobrang kasiyahan.

Namangha ako sa sobrang ganda niya. Maputi, makinis, halatang alagang-alaga ang katawan. At ang buhok, mahaba na may kulay-kulay. Parang isang napakagandang artista!

Noong tiningnan ko si Aljun, natulala ito na parang nakakita ng aparisyon. Sigurado ako, naakit din siya sa ganda ng babae dahil ako man ay ganoon din.

Ngunit doon na gumuho ang aking mundo noong tiningnan ng babae si Kristoff at ang sambit ay, “Siya ba ang anak natin Aljun?” sabay yuko at dinampot ang bata. “Ang guwapo-guwapo ng anak natin! Manang-mana sa ama!” at hinalikan ito sa pisngi.

Hindi lang pala siya naakit. Nanumbalik din marahil sa isip niya ang mga nakaraan nila. At baka mas malalim pa... Si Emma pala ang babaeng iyon. Ang babaeng una niyang minahal.

Mistula namang nalito ang bata, tiningnan ako na parang sumisigaw ang isip na kunin ko siya sa mga bisig ni Emma.

Ngunit napako na lang ako sa kinatatayuan ko. Parang bigla akong na disoriented, hindi alam kung saan ako naroon at bakit ako naroon sa lugar na iyon. Parang hindi ko alam kung saan ako lulugar sa setup. Bigla akong na out-of-place at hindi alam kung ano ang gagawin.

Ibinaba ng babae ang bata. “Aljun… puwede ba tayong mag-usap?”

“E…” ang naisagot lang ni Aljun na tumingin sa akin, ang mga mata ay nanghingi ng permiso.

Tumango ako. Syempre, sino ba akong hahadlang sa pag-uusap nila.

At umalis sila. Hindi ko alam kung saan sila nagtungo. Habang hawak-hawak ko sa aking kamay si Kristoff, naghintay ako ng 10, 20, 30 minuto. Wala pa rin si Aljun.

Naghintay muli ako ng 30 minuto pa. Ngunit wala pa rin. Hanggang sa napagdesisyonan kong mauna na lang. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang role ko doon. Hindi ko rin alam kung kailangan pa ba nila ako, o kung ano ang nasa isip ni Aljun sa sandaling iyon.

Nagpaalam ako sa nanay ni Aljun na mauna. Nag alibi na lang ako na may gagawin pang urgent bagamat ang totoong dahilan ay parang hindi na kaya ng aking kalooban ang tumagal pa doon.

“Jun… Hintayin mo muna si Aljun.” Ang pagpigil niya sa akin.

Ngunit buo na ang isip kong lumisan. Mistulang puputok na ang aking dibdib sa sobrang sakit.

“Kristoff… kayo na ang magsama ng papa mo pabalik sa lungsod ha? May gagawin pa kasi si papa Jun e. Kailangang matapos ko iyon ngayong gabi. Ha???” ang pagpaalam ko sa bata.

“Ayoko papa Jun. Sama na lang ako sa iyo...” ang sambit ng bata na ang mukha ay nagsimula nang umiyak.

“Hindi pwede… kasi, mas kailangan ka ng papa Aljun mo. Antayin ko na lang kayo sa bahay natin ha?”

“Bakit? Nasaan ba kasi si papa? Sino ba iyong babaeng kausap niya?”

Mistula naman akong nabilaukan sa tanong niyang iyon. “Eh… i-iyon ang tunay mong m-mommy. A-at... baka hahanapin ka rin niya. Dapat makita mo siya at makausap. Sigurado ako, sabik na sabik na siya sa iyo.” Ang naisagot ko rin.

“Ayoko sa kanya! Sama na ako sa iyo papa Jun! Sama na ako pleaseeee!!!” ang pag-iiyak na ni Kristoff.

Ngunit tuluyan na akong tumalikod.

“Papa Jun sama akoooooo! Papa Junnnn!!!!! Huwag mo akong iwanan papa Junnnnnnn!!! Ahhhhh! Papa Juuuuuuuuunnnnnnnnnnnnnnn!!!” ang paglupasay na ng bata.

Ngunit mistulang piniga man ang aking puso, ipinagpatuloy ko pa rin ang paglakad. Ayokong makita ng bata ang pagpatak ng aking mga luha. Ayokong masaksihan niya ang pagdurugo ng aking puso. Nagsusumigaw ang aking kalooban na isama siya upang hindi ko marinig ang kanyang pag-iyak. Ngunit nangibabaw sa aking isip ang katanungang sino ba ako sa kanyang buhay upang umangkin sa kanya. Hindi niya ako tunay na kadugo. Alam ng aking konsyensya na wala akong karapatan sa kanya.

Kaya hinayaan ko na lang siyang maglupasay, kahit na ang katumbas ng bawat sigaw niya sa pangalan ko ay sibat na isa-isang tumama sa aking puso… Iyon ang pinakamasakit na iyak ng isang batang narinig ko.

Binaybay kong mag-isa ang kahabaan ng bulubundiking daanan patungo sa sakayan ng tricycle na siyang maghahatid sa akin sa terminal ng bus. Parang nawala ako sa tamang katinuan. Parang walang direksyon ang aking nilalakbay. Parang hindi sumayad sa lupa ang aking mga paa. Parang ang dahilan lang ng aking paglalakad ay upang mapalayo sa lugar na iyon at upang hayaang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Puno ng kalituhan ang aking isip. Mabigat ang aking kalooban.

Hanggang sa maalimpungatan ko na lang na unti-unting naglaho sa aking pandinig ang iyak ni Kristoff...

Sumakay ako ng tricycle patungong terminal. Sa kasamaang palad pa, huli na pala ako sa pinaka last trip ng bus sa araw na iyon.

Wala na akong nagawa pa kundi ang magcheck in sa isang hotel, mag-isa, nag-iiyak…

At noong tumugtog pa ang kantang “Alway Be My baby” sa stereo ng hotel, tuluyan na akong napahagulgol. Parang napaka meaningful ng mga kataga noon. Parang ako ang nasa kalagayan ng taong ipinahiwatig sa kanta, lalo na ang linyang, “And I won’t beg you to stay. If you’re determined to leave, I will not stand in your way…”

Mistulang patnubay ng kantang iyon sa gagawin kong desisyon kung sakaling hilingin man ni Aljun na magsama silang muli ni Emma.: na ipapaubaya ko siya dahil nauna naman talaga si Emma sa buhay niya, mahal niya ito, may anak sila at higit sa lahat, normal ang magiging pagsasama nila na ikabubuti para sa anak nilang si Kristoff...

We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine
Now you want to be free
So I’m letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!
You’ll always be a part of me
I’m a part of you indefinitely
Ohh don’t you know you can’t escape me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
And we’ll linger on
Time can’t erase a feeling this strong
No way you’re never gonna shake me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
I ain’t gonna cry no
And I won’t beg you to stay
If you’re determined to leave ---
I will not stand in your way
But inevitably you’ll be back again
Cause ya know in your heart babe
Our love will never end no
You’ll always be a part of me
I’m part of you indefinitely
Ohh don’t you know you can’t escape me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
And we’ll linger on
Time can’t erase a feeling this strong
No way you’re never gonna shake me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
I know that you’ll be back ----
When your days and your nights get a little bit colder oooohhh
I know that, you’ll be right back, babe
Ooooh! baby believe me it’s only a matter of time
You’ll always be apart of me
I’m part of you indefinitely
Ohhh don’t you know you can’t escape me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
And we’ll linger on
Time can’t erase a feeling this strong
No way you’re never gonna shake me
Ooh darling cause you’ll always be my my baby….
You’ll always be apart of me (you will always be)
I’m part of you indefinitely
Ohh don’t you know you can’t escape me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
And we’ll linger on (we will linger on….)
Time can’t erase a feeling this strong
No way you’re never gonna shake me
Ooh darling cause you’ll always be my baby
Always be my baby

Walang humpay ang pag-agos ng aking mga luha...

(Itutuloy)


[19]
Marahil ay totoo nga ang sumpa na sinabi niya. “Ambagsik naman. Ambilis umepekto... Hindi man lang kami pinaabot sa flat ko, at heto... mukhang masira na ang aming magandang samahan.” Bulong ko sa sarili.

Tinawagan ko kaagad si Fred at isiniwalat sa kanya ang lahat.

“Ano ka ba Fwen! Huwag ka ngang magpaniwala sa sumpa-sumpa na iyan! Hindi totoo iyan! Nagkataon lang na may mangyaring ganyan talaga.”

“Hindi Fred. Iba ang naramdaman ko. Kinikilabutan ako, natatakot.”

“Asuss. Dahil iniisip mong totoo nga iyang sumpa na iyan. Relax ka lang. Maaayos din ang lahat. Hindi naman siguro balikan ni Aljun iyang babaeng iyan ano. Pagkatapos ng lahat, bigla na lang siyang susulpot! At huwag ka nang mag-alala. Huwag ka nang umiyak.”

“P-parang gusto ko nang i-give up na lang si Aljun...”

“Ano ka ba gurl! Huwag ganyan! Lalaban tayo!”

“P-pakiramdam ko kasi ay isa akong outcast. Isang sampid na nakisingit lang. Sila naman talaga ang nararapat sa isa’t-isa, di ba? Perfect couple sila Fred. Napakaganda ni Emma at... si Kristoff, nararapat siyang matikman ang pagmamahal ng isang tunay na ina. At hindi ako karapat-dapat Fred...”

“Hoy! Hoy! Hoy! Huwag ka ngang ganyan. Hintyin mo ang desisyon ni Aljun no! I’m sure, ikaw ang pipiliin noon. At isa pa... granting na maniwala tayo sa sumpa ng ibong... whatever na iyon, di lalo mong huwag bitiwan ang pag-ibig mo kay Aljun. Di ba, sabi niya, huwag kang bibitiw sa pag-ibig mo sa kanya? Di ba ayon din sa sabi mo, ang pangontra ng sumpa ay ang wagas na pag-ibig? Paano mo ipakita ang wagas na pag-ibig na iyan kung i-give up mo si Aljun? E, di bagsak ka na. At d’yan pa lang fwend, siguardong magkatotoo talaga ang hula na trahedya sa iyo kapag nagkataon kasi, pasasagasaan kita sa pison kapag ganyang ang tanga-tanga mo pala sa pag-ibig!”

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Fred. Pero may point siya. Napaisip tuloy ako, hindi agad nakasagot. Paano ko ipakita ang wagas kong naramdaman kung igi-give up ko nga siya?”

“Woi! Nanjan ka pa ba? Biro lang iyong pasasagasaan kita ha? Huwag mong dibdibin.”

“Hindi naman iyon Fred. Iyong sinabi mong hindi ko siya dapat i-give up ang inisip ko...”

“Naman! Kaya ipaglaban mo siya ng patayan fwend. Iyan ang pag-ibig na wagas. Gets mo?”

“Pero kasi...”

“No-no-no-no-no! Walang pero-pero. Hindi iyan ang attitude! Kahit saang tambol mayor pa aabot, ipaglaban natin sila doon. Kahit pa sa impyerno pa, susuungin natin lahat iyan fwend! Huwag kang matakot. Dalhin natin ang lahat ng mga baklang bombero dito sa lupa, at ang buong federasyon ng mga bakla sa mundo. Tutulungan ka namin.”

“Ikaw talaga, puro ka biro.”

“Ay hindi ako nagbibiro Fwen! Gagawin talaga natin iyan. Makikita mo... Nakita mo naman ang ginawa namin kay Giselle at sa dalawang propesor natin. Kaya nating labanan iyan sila... All for one, one for all!”

“Salamat Fred...” ang nasambit ko na lang.

“Atsaka iyang ibong na iyan ha... gusto na niya akong sapawan sa supporting role. Magpakita nga iyan sa akin at kakainin ko talaga iyan ng hilaw. Walang hiya siya. Kahit pa extinct specie pa iyan wala akong pakialam.”

“Woi! Wag kang magsalita ng ganyan. Alaga daw iyon ng mga engkanto!”

“Pwes, walang binatbat sa aking ang mga engkantong iyan dahil ako ang diyosa nila. Hindi kaya ng powers nila ang ganda ko!”

Napatawa tuloy ako sa mga biro ni Fred.

“Hayann... dapat laging kang tumatawa fwen. Bukas mag-usap tayo fwend... Relax ka lang at ipanatag ang kalooban. Ok. Huwag sirain ang byuti... Remember, a beauty a day keeps Dra. Belo away.”

Tawa.

Sa gabing iyon, hindi na naman ako nakatulog. Iniisip ang sumpa, kung paano ito mawala. Iniisip ko rin kung ano ang nangayari kay Kristoff, kung nakatulog ba siya nang maayos, kung hindi ba niya ako hinahanap... Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang huli niyang paglupasay upang sumama sa akin. Sobrang sakit pa ng aking kalooban sa pag-iwan ko sa kanyang nagsisigaw at nagsusumamo...

Iniisip ko rin syempre si Aljun. Kung nagtabi ba silang natulog ni Emma. Kung may nangyari ba sa kanila....

Binalikan ko rin sa isip ang mga pangyayari sa buhay ko. Kung bakit humantong ang lahat sa ganoonon. Naalala ko pa ang dating takot na tuluyang mahulog at maalipin sa ganitong klaseng relasyon. Ngunit hindi ko rin napigilan ang sarili. Ang takot na ma-in love kay Aljun bagamat hindi ko nakayanang labanan ang bagsik ng tukso, ang karisma niya, at ang sinisigaw ng aking puso.

At naalimpungatan ko na lang ang sariling binilang ang nalalabing oras ng serbisyo si Aljun sa akin.

Tiningnan ko ang kalendaryo sa loob ng kuwartong iyon. Kalagitnaan na ng Oktubre. “Matatapos na rin pala ang unang semester at mag-aapat na buwan na simula noong magserbisyo sa akin si Aljun.” Bulong ko sa sarili. Kalagitnaan ng Hulyo kasi nagsimula ang servitude niya sa akin. At sa isang linggo, may 30 oras siya. Iyon ang napagkasunduan namin. Kahit lampas daw ng 30 oras ang servitude niya sa akin sa isang linggo, ang bilang noon ay 30 oras lang. Package deal kumbaga. Pumayag naman ako. Syempre hindi naman ako lugi. 4 oras kaya araw-arwa siya sa akin, Lunes hanggang Byernes, minsan mahigit pa dahil sa flat ko siya natutulog. Tapos halos kada sa Sabado at Linggo, hindi na kami naghihiwalay. Kaya pumayag na rin ako sa arrangement na 30 oras kada isang Linggo ang bilang. Kasi baka gusto din niya naman siguro na sulit ang serbisyo niya...

Kaya noong kina-calculate ko ito: 30 Hrs x 4 (weeks) x 3 (months) ay 360 hours na... At ang nalalabing oras niya para sa akin ay 5 na lang.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na naman napigilan ang hindi maluha.

Parang sinadya ba ng tadhana ang lahat? Sadya bang pinaglaruan niya ang aking buhay? Imagine, ibinigay niya sa akin si Aljun, hindi ko naman ginusto ito at ni hindi ko pinangarap. Iniiwasan ko pa nga ang magkaroon ng ganitong relasyon. Ni hindi ako bumili ng ticket dahil wala naman akong interes na sumali sa paraffle. Sino bang mag-aakalang bibilhan ako ng ticket ng kaibigan ko at ako pa itong nanalo? Sa daming mga babae at bakla na nangarap, ako pa? Bakit? At bakit siya pa ang nakatapat na pa-premyo ko?

Heto tuloy... naalipin ako sa isang sa pag-ibig sa... isang lalaki pa, na taliwas sa gusto ko sanag mangyari. At ngayon... 5 oras na lang pala ang nalalabi sa serbisyo niya. At sumulpot pa ang ina ng kanyang anak. At ang masaklap, may sumpa pa, na isang napakalaking palaisipan kung paano matanggal. Kung kailan ko siya minahal ng lubos... kung kailan ako napamahal ng sobra sa anak niya.... kung kailan ko napagdesisyonang manindigan sa sarili para sa ganitong klaseng relasyon at pagmamahal sa kanya, kung kailan nawala na iyong balakid na si Giselle...

Ansaklap! Sobrang mapang-api ang tadhana. “Kakabuwesit namang buhay to, o...!” ang nasambit ko na lang sa sarili.

Alas 4 pa ng madaling araw ay bumiyahe na ang bus na sinasakyan ko. Alas 6 ng umaga naman ako tuluyang nakarating sa aking flat. At dahil sa sobrang pagod, dumeretso na akong sa aking kuwarto at ibingasak ang aking katawan sa kama.

Alas 7:30 ng umaga noong maramdaman kong may dumampi sa aking labi. Si Aljun. Subalit noong makita ko ang mukha niya, tumagilid ako patalikod sa kanya.

Naramdamn ko na lang ang pag-alog ng kama. Alam ko, ibinagsak niya ang katawan niya doon. Naramdaman kong tumagilid siya paharap sa akin. Niyakap niya ako, ang kanyang bibig ay dumampi sa aking batok.

Tahimik.

Hindi ako umimik. Ramdam ko pa rin ang matinding sakit. Ang matinding takot at pag-alala bagamat gusto kong itanong kung nasaan si Kristoff at anong nangyari sa kanila ni Emma.

“N-nagtampo sa iyo ang bata. Iniwanan mo daw siya...”

Mistula namang may sibat na tumama sa aking puso sa narinig. Naalala ko na naman kasi ang paglupasay ni Kristoff habang naglakad akong palayo sa lugar na hindi man lang siya nilingon. “N-nasaan siya?” ang sagot kong hindi natinag sa aking pagkahiga, bakas sa boses ang pagka-walang interes na makipag-usap.

“Nasa school na. Idineretso ko na siya doon pagkagaling sa terminal.”

“Punatahan ko sya.” Ang sabi ko sabay tayo at tumbok na sana ng shower upang maligo.

“Hindi ka man lang ba mag-sorry sa akin kung bakit mo kami iniwan?” ang kalmante niyang sabi.

Napalingon ako sa kanya. Nakatihaya siya sa kama, walang damit pang-itaas at sa kanyang harapang waistline ay nakausli pa ng bahagya ang garter ng kanyang puting brief. Naglalaro sa isip ko kung natikman na naman ba ng pagkalalaki niya ang pagkababae ni Emma.

Tiningnan ko ang kanyang mukha, may bakas ng lungkot ito at ang isang kamay niya ay ipinatong sa kanyang noo. Parang sa ilang oras lang na hindi kami nagkatabi sa higaan sa gabing nagdaan ay naalipin na ang akingisip sa sobrang kasabikan sa kanya. Nagsusumigaw ang aking isip na yakapin siya, hagkan at ipadama sa kanya ang aking sobrang kasabikan.

Ngunit nanaig pa rin sa akin ang sakit na naramdaman. Gusto kong tanungin siya kung ano ang pinag-uusapan nila ni Emma at kung may pagbabago bang mangyayari sa aming set-up. Hindi ko pa rin kayang labanan ang hiya. Kasi, dapat siya ang magsabi noon sa akin, kung hindi siya manhid; kung naramdaman niyang nasasaktan ako.

Hinayaan ko na lang na itago sa aking isip ang lahat. At tumalikod na lang ako noong naramdaman kong pumatak na ang aking mga luha.

“Limang oras na lang pala ang nalalabi... matatapos na ang serbisyo mo sa akin. Malaya ka na... b-boss” ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Pakiwari ko ay iyon na ang pinakamasaklap na mga salitang nabanggit ko sa tanang buhay ko.

Agad-agad kong tinumbok ang shower. Habang patuloy ang pagbagsak ng tubig sa aking katawan, patuloy din ang pagdaloy ng aking luha.

“B-boss... I’m sorry. Nasaktan kita...” Si Aljun. Nasa labas lang pala siya ng shower room.

Hindi ko siya sinagot. Binilisan ko ang pagpaligo at noong palabas na ako at nasa bungad ng pintuan, nakita ko siya doon, nakaupo sa sahig, isinandal ang likod sa dingding. Nakakaawa ang kanyang porma. Nagkasalubong ang aming mga titig at ang kanyang mga mata ay tila nagsusumamo.

At wala akong nagawa kundi ang bumigay. Tila napakamakapangyarihan ang kanyang mga titig. Ang kanyang mukha ay nagmamakaawa. Ang isang parte ng utak ko ay nag-udyok na intindihin ko siya, kaawaan dahil hindi din naman niya kagustuhan ang lahat ng nangyari sa buhay niya.

At tuluyan nang nalimutan ko ang aking iniindang sama ng loob. Umupo ako sa tabi niya, nakayuko, hindi umimik.

“S-sory boss... nasaktan kita. Hindi ko naman inaasahang darating si Emma.” Ang wika niya.

“O-ok lang… Siya naman talaga ang nauna sa buhay mo, di ba? Siya naman ang nararapat para sa iyo dahil...” di ko na naman napigilan ang sariling mapaiyak. “M-may anak kayo. At kailangan siya ni Kristoff. Siguro, hanggang ganito na lang ang role ko sa mundo. Hindi naman ako puwdeng pakasalan, hindi puweding magkaanak... sa mata ng mga tao, may kakaibang pagkatao na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Kaya nga, ayaw ko talagang pumatol sana sa ganitong relasyon eh. Dahil natatakot akong masaktan. Natatakot akong darating ang sitwasyong ito sa buhay ko. At nandito na nga. Kaso… m-mahal talaga kita eh... Hindi ko kayang pigilin ang sarili ko eh.” at napahagulgol na ako.

“Mahal din naman kita boss eh. At handa kong panindigan ang pagmamahal ko sa iyo.” Sabay gapang ng kamay niya sa kamay ko at noong makapa, pinisil ito.

Ginantihan ko rin ng pagpisil an gkamay niya.

Tahimik.

“A-ano ba ang pinag-usapan ninyo ni Emma?” ang pagbasag ko sa katamikan.

“Mahal pa raw niya ako. At gusto niyang magkabalikan kami... magsama, magpakasal.”

“Anong sagot mo?”

“Wala... sabi ko, masaya na ako sa kalagayan ko ngayon.”

“Anong sabi niya?”

“Ok lang daw. Nagbakasakali lang siya na baka magbago pa ang isip ko.”

“Siguro ang yaman-yaman na niya...”

“Med’yo. Mayaman ang napangasawa niya, at namatay na ito.”

“Anong plano niya kay Kristoff?”

“Sang-ayon naman siya na ituloy lang ang pag-aaral ng bata. Hindi siya makikialam...”

May naramdamn din naman akong tuwa sa narinig. Kahit papaano. Sobrang napamahal na rin kasi sa akin si Kristoff. “S-saan siya ngayon?” ang naitanong ko na lang.

“Nasa bukid. At after one week ay babalik na uli sa Canada. May aasikasuhin daw doon. Negosyante kasi ang pumanaw niyang asawa at siya na ang nagmanage ng parte ng negosyo na namana niya. Kaya hindi makatagal dito...”

“M-mahal mo pa ba siya?” ang may pag-aalangan kong tanong.

Hindi siya nakasagot.

At dahil dito, nabuo na talaga sa isip kong mahal pa rin niya si Emma. “M-may nangyari ba sa inyo?” ang sunod kong naitanong. Ewan, natakot ako sa tanong na iyon dahil baka hindi ko magustuhan ang sagot. Ngunit lumabas pa rin ito sa aking bibig.

Napatingin siya sa akin, ang mukha ay mistulang iiyak. Parang nagmamakaawa at may bahid na guilt ang kanyang tingin. “O-oo” ang sagot niya.

Pakiwari ko ay nagdilim ang aking paningin at tuluyang gumuho ang aking mundo. “Arrgggghhhhh!” ang sigaw ko, hablot-hablot ang sariling buhok. At napahagulgol na naman ako bagamat pinigilan ko ang sariling huwag magbitiw ng maanghang na salita sa kanya.

“B-boss. Makinig ka. Nagawa ko iyon dahil sa nagkasundo kaming hindi makikialam sa isa’t-isa, at na hindi rin niya pakikialaman si Kristoff. Nagtanong siya kung may mahal na ba daw akong iba. Sinabi ko ang totoo. Sinabi kong ikaw. Naintindihan niya. Ngunit hiniling niyang kahit sa huling pagkakataon ay may mangyari sa amin... Kaya pinagbigyan ko. Ginawa ko iyon dahil sa pagtanggap niya sa iyo. Mabait si Emma, boss at iyon na ang huli sa amin...”

Natigilan din ako. Ang sumagi sa isip na pakonsuwelo ay naging honest siya at hindi niya itinago ito sa akin. Hindi na lang ako kumibo, nahinto rin ang aking paghagulgol bagamat patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha.

Inakbayan niya ako at ang isang kamay niya ay inihaplos sa aking pisngi.

“H-handa naman akong magparaya... k-hakit magkatuluyan pa kayo. Kasi, sa sinabi ko na, kayo naman talaga ang nababagay. Mas kailangan ni Kristoff ang isang normal na buhay, na pamilya. Kung mahal ka pa niya at mahal mo pa rin siya, payag akong magkatuluyan kayo, magpakasal... Handa kong tiisin ang lahat.” Ang sabi ko.

“Boss... huwag mong sabihin iyan. Dapat matatag ka. Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin. Ipakita mong ang pagmamahal mo sa akin ay matatag at hindi nabubuwag... Kailangan ko iyan boss.”

“Nasabi mo ba iyan dahil sa sumpa?”

Hindi na naman siya nakaimik.

“Boss... wala na akong pakialam pa sa sumpa, kung totoo man iyan. Kung may trahedya mang darating sa buhay ko, o kahit mamatay man ako, then be it. Siguro, mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa magdusa ang buong buhay ko na ganito palagi ang kahinatnan sa pag-ibig. Ayoko nang ganito. Hindi ko ginusto ang buhay na ito...”

“Huwag ka namang magsalita ng ganyan please... Lahat naman tayo ay hindi pinili ang mga buhay na ibinigay sa atin di ba? Ngunit ano man ang dahilan kung bakit ikaw ay naging ganyan at ako ay naging ganito... sigurado, may dahilan ang lahat. Maaaring hindi natin naiintindihan ngunit ang sigurado, bahagi ito ng isang grand design ng nasa taas. Kagaya ko, akalain ko bang ma-inlove ako sa iyo? Hindi. Ginusto ko ba ito? Hindi rin. Pero, naramdaman ko, pinapanindigan ko... dahil alam ko na kapag pinapanindigan mo ang isang bagay, buo ang pagkatao mo. Kapag bumigay ako, o gumive-up sa buhay, may mga buhay ding madadamay, o masisira... ikaw, si Kristoff, ang inay ko. Matutuwa ba sila kapag sinabi ko sa kanilang pagod na ako sa buhay, o gusto ko nang gumive up? Hindi. Malulungkot sila, mabagabag, matatakot. Ikaw matutuwa ka ba? Hindi. Kaya, ayaw kong nakakarinig pa ng ganyan galing sa iyo. Dahil malulungkot ako, mababagabag, matatakot, mawalan din ng lakas ng loob...”

Hindi na ako umimik. May punto din naman siya bagamat sa loob-loob ko ay may pag-alinlangan pa rin. May takot na baka isang araw, mawala din siya sa akin, dahil sa sumpa…

At naramdamn ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Nagkayakapn kami. Mahigpit. Haggang sa tuluyan na naming naipalabas ang init at bugso ng aming damdamin.

Pinuntahan ko si Kristoff sa school. Sumaglit muna ako sa canteen at bumili ng pagkain at maiinum para sa bata. Pagkatapos, inabangan ko siya sa labas ng kanilang silid-aralan para sa recess.

“Papa Jun!!!” sigaw noong bata noong makita ako.

“Kumusta na ang baby Kristoff ko????” ang sagot ko sabay karga sa kanya at tungo sa canteen nila.

“Na-miss kita papa Jun ah!”

“Na-miss din naman kita e. Kaya nga heto, di ko matiis na hindi makita ang baby Kristoff ko.”

“Hindi kita nakasama kagabi sa pagtulog. Kami lang dalawa ni papa... Iniwan mo kasi ako eh.” ang sambit ng bata na may halong pagtatampo.

“A... sorry kahapon. Kasi naman, dumating na ang mommy mo, di ba? Syempre, namiss ka noon.” Ibinaba ko na siya noong makahanap kami ng mesa at doon kami naupo. Inilatag ko sa mesa ang mga pagkain, iniabot sa kanya ang isang sandwich.

“Ayoko sa kanya, papa Jun. Hindi naman ako mahal niya e. Gusto ko ikaw lang kasama ko. Atsaka si papa... atsaka si lola.”

“Ay... bad iyan. Kasi mommy mo iyon.”

“E, bakit niya kami iniwan ng papa ko?”

“E... malay mo, baka may imprtante siyang dahilan. Atsaka, dapat mahalin mo na rin siya dahil siya ang mama mo, di ba? Lahat ng mama ay dapat mahalin.”

“Ah... bast papa Jun. Huwag mo kaming iwan ni papa ah...”

Ramdam ko naman na parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan sa narinig. “E... oo. Oo.” Ang naisagot ko na lang.

“Promise mo iyan papa Jun ha?”

“Eh... Oo. Promise ko iyan.”

Iyon ang nabitiwan kong salita sa bata. Sa isip ko lang kasi, bata pa si Kristoff at sigurado naman akong sa kalaunan ay matanggap niya rin ang mommy niya at mapag-isip isip niya na tama nga na kailangan niya ang isang mommy. Atsaka, kararating lang ng mommy niya, noon lang sila nagkita, normal lamang na maiilang ito. Kung ang ibang mga bata ay nangangarap na magkaroon ng mommy, siya pa ba...

Sa gabi ng araw na iyon, napag-usapan rin namin ang arrangement namin bilang huling gabi ng kanyang servitude. Napag desisyonan namin na walang gawing pagbabago sa aming set-up bagamat tuluyan nang iniwan ni Aljun ang dorm niya at sa flat ko na siya tumuloy, dahil kay Kristoff, at sa akin na rin siguro.

Simula noon, balik-normal na naman ang aming pagsasama. Nakabalik na daw ng Canada si Emma na hindi na nagparamdam sa mag ama, ayon sa kanilang kasunduan.

Syempre, balik saya ang aming samahan.”

“Ok. May kwento ako tungkol sa lolo ng kaibigan ko” ang sabi ko isang gabi na nakahiga na kaming tatlo na magkatabi sa kama, bago kami natulog.

“Sige papa Jun. Kwento ka” sagot ni Kristoff.

“Ang lolo ng kaibigan ko ay nakulong. May isang beses daw kasi habang naglalakad siya sa isang lugar, may nakita siyang isang matanda na puno ng pasa ang katawan sa bugbog at namimilipit pa sa sakit. Tinanong niya ito kung bakit siya binugbog at sino ang may kagagawan. Ang sagot ng matanda ay hindi daw niya alam kung bakit siya binugbog. May limang tao daw kasing dumaan, nag-aargumento tungkol sa kurkey-kurkey. Sumingit siya sa usapan kasi maiinit na raw ang mga binitiwan nilang salita at halos magsapakan na. Tinanong niya kung ano ba yang kurkey-kurkey na ugat ng pinag-awayan nila. Ngunit imbes na sagutin siya, siya pa itong pinagkaisahang bugbugin. Syempre, natulala siya. Aawatin lang naman sana niya ang mga iyon sa kanilang mainit na argumento, siya pa pala itong mabugbog. Noong umuwi naman ang lolo ng kaibigan ko sa bahay nila, tinanong niya ngayon ang isang anak niya tungkol sa kurkey-kurkey. Aba, imbes na sagutin din siya, binugbog na naman siya! At hindi lang binugbog, pinalayas pa sa pamamahay ng anak niya! Talagang naguluhan siya kung bakit. Kaya noong habang naglalakad siya sa kalsada at may pulis na dumaan, ikinuwento niya ang nangyari. At dahil hindi rin niya maintindihan kung bakit siya binugbog, tinanong niya ang pulis tungkol sa kurkey-kurkey. Aba, binugbog din siya! At hindi lang iyan, ikinulong pa siya! Hanggang ngayon, nasa kulungan pa daw ang lolo ng kaibigan ko.”

“Iyon lang?” tanong ni Aljun.

“Oo. Iyan lang. Naawa lang ako sa lolo ng kaibigan ko.”

Tahimik. Ako ay kunyaring nalungkot.

Tiningnan ko si Kristoff at kinindatan. Napangiti siya, marahil ay nakuha na may patibong iyong kwento ko.

At noong nagtanong na si Aljun, ng “Bakit? Ano ba yang kurkey-kukey?” Doon na kami ni Kristoff bumanat.

“Sabi nang huwag itanong iyan at lahat ng taong nagtatanong niyan ay nabubugbog eh!!! Arrrrrgggggg!!!!! Nag-iinit ang ulo koooo!!! Galit na galit akooooooo!!!! Kristoff! Bugbugin na natin ang papa mo!!! Daliiiiiiiiiiiii!!!!!”

Tawa kami ng tawa, habang hinahabol namin si Aljun na kahit saan-saan na lang nagtungo.

“Hindi kami titigil hanggang hindi ka namin mabugbog!!! Arrrgggggghhhhh!!!”

Noong bumalik na uli kami sa higaan, si Kristoff naman ang nag kuwento. “Yung tatlong baliw po sa mental hospital. Binigyan ng duktor ng test kung tuluyan na silang gumaling. Pumunta sila ng zoo tapos pinakilala ang mga hayup. Pag nabanggit ang name noong hayup na tinuro ng duktor, magaling na at pauwiin na sa kanilang bahay. Noong tinawag ang unang baliw itinuro ng duktor ang tiger. Sabi ng baliw ‘Tiger!” Palakpakan ang mga kamang-anak at mga tao atsaka ang duktor. Tuwang-tuwa silang lahat. Ang pangalawang baliw naman, itinuro ng duktor ang monkey. Sabi ng baliw, “Monkey!” palakpakan uli ang mga kamag-anak at mga tao at mga duktor. Tuwang-tuwa rin dahil magaling na silang dalawa. At noong tinawag na ang pangatlo, tinuro yung... e...” natigilan si Kristoff, nag-isip. “Ano nga po yung pangalang nung hayup na mahaba ang leeg?” Tanong ni Kristoff sa papa niya.

“Giraffe?” sagot naman ni Aljun

“Yeheeyyyy! Palakpak tayo papa Jun, magaling na ang papa ko!!!”

Tawa ng tawa kami ni Aljun at Kristoff.

“Saan mo naman napulot ang joke na iyan?” tanong ni Aljun sa anak.

“Narinig ko lang po sa mga grade 5. Nagkatuwaan sila.”

“Dinale mo ako eh? Pinagkaisahan ninyo ako no?” sambit ni Aljun sa anak. “Ay... may kwento pala ako sa nangyari sa akin kanina. Totoo ito ha... walang biro. D’yan sa may gate? Di ba may gwardiya d’yan? Noong dumaan ako kanina lang, nakita ko ang isang libong pisong buo. Akala ko ako lang ang nakakita. Ngunit sa pagdampot ko, sabay pala kami noong guwardiyang dumampot. Naghatakan kami sa pera. Kaso, ayaw kong ibigay kasi ako naman ang unang nakakita. Ngunit ayaw din niyang patalo kasi siya nga din daw ang unang nakakita. Dahil natagalan kami sa pag-aargumento, napagdesisyonan na lang naming hatiin. Ang problema, wala naman kaming barya. Kaya ang napagkasunduan namin na sa kanya ang pera at bibigyan na lang niya ako sa share ko pag may barya na. At upang hindi naman ako agrabyado, ibinigay niya muna sa akin ang baril niya...”

Naghintay si Aljun na may magreact sa amin. Syempre, hindi naman ako naniwala bagamat convincing ang kanyang pagka-kwento na seryosong-seryoso pa ang tono.

Napatingin sa akin si Kristoff, parang nagtatanong ang mga mata kung may patibong ba iyong kuwento ng papa niya o totoo.

Pero kunyari nakatingin ako sa kabilang direksyon kaya wala akong facial expression ma makuhanan niya ng clue.

“Di ba gusto mo ng baril?” tanong ni Aljun sa anak.

“O-opo!” Ang sagot ni Kristoff. “N-nasaan na po ang baril pa?” ang seryoso niyang tanong.

At iniabot naman ni Aljun ang idinodrowing niyang baril sa kanyang palad, seryoso din ang mukhang ipinakita ito kay Kristoff na parang hindi nagbibiro. “Eto o...”

Pumutok naman ang malakas na tawa ni Kristoff. Natawa na drawing lang pala ang baril at hindi totoo, hinamapas-hampas ang balikat ng ama. “Andaya ni papa ahhh!”

Tawanan kaming tatlo.

“Kala mo ikaw lang ang marunong dumale sa akin ha...?” ang sambit ni Aljun sa anak.

“OK! One-one ang score ngayong gabi. One point sa anak, one point sa ama.” Sambit ko.

Sobrang saya ng aming pagsasama. Mas naramdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Aljun, at tumindi pa ang pagmamahal ko kay Kristoff. Lalong tumibay ang aming pagsasama at pakiramdam ko ay isang tunay at buong pamilya talaga kaming tatlo.

Noong semestral break, isang linggo ako sa bukid nila nakatira. Break din kasi nila ni Kristoff at kaya buo kaming parang isang pamilya. Doon, natuto ako sa mga gawaing bukid kagaya ng pag-akyat ng niyog, pagko-copra, manual na panghuli ng dalag at hito sa kanilang palayan at iyong paggawa ng fish trap para sa panghuli ng alimango at sugpo sa ilog. Tinuruan din ako ni Aljun ng pag-araro, pagsakay at pagdala ng kalabaw... Mahirap ngunit kung ganyang nasa tabi mo ang taong mahal, naging magaan at inspiring ang mag-trabaho.

Tumambay din kami sa tabing ilog kung saan namin unang nakita ang ibong-wagas, hinangad na sana ay magpakita siyan gmuli upang ma-confirm ko na nawala na talaga ang sumpa. Ngunit bigo ako. May lungkot din akong nadarama ngunit ipinag-walang bahala ko na lang ito gawa ng masaya naman ako. “Siguro ay hindi nga totoo ang sumpa na sinabi. Baka psychological lang talaga ang epekto nito sa akin.” Sa isip ko lang. Hindi na rin namin ito pinag-usapan ni Aljun. Marahil ay ayaw niyang tatatak na naman ito sa isip ko at mag-isip na naman. At ayoko ring mabahiran muli ng takot ang aming masayang pagsasama.

Araw iyon bago na kami babalik sa flat ko noong makausap ko ang ina ni Aljun. Kaming dalawa lang noon sa bahay gawa nang nag-igib si Aljun ng tubig at sumama si Kristoff, samantalang ako naman ay sinamahan ang inay niya sa pagluto sa kusina.

“Gener...” Iyon kasi ang tawag niya sa akin. “Salamat ha...”

“S-salamat po saan?” ang sagot kong may bahid na pagkalito.

“Sa pagtulong mo sa anak ko, at kay Kristoff.”

“Eh... Tita, ok lang po. Kasi po, napakabibong bata ni Kristoff, matalino at deserving po siyang makapag-aral...”

“Inay na ang itawag mo sa akin.”

“P-po??” ang sagot ko, hindi makapaniwalang i-offer niya sa akin ang pagtawag sa kanya ng ganoon.

“Alam ko na ang lahat tungkol sa inyo ni Aljun.” Ang casual niyang pagkasabi.

“P-po???” ang lalo pang pagkagulat ko.

“Oo. Noon pang unang pagpunta mo dito at ipinakilala ka sa akin ni Aljun, alam ko na. Sinabi niya sa akin ang lahat. Walang itinatago iyang si Aljun sa akin e.”

“Eh...” ang naisagot ko lang. Sobrang pagkahiya ko kasi, at kinabahan ako na baka may sasabihin siyang hindi maganda bagamat natuwa din akong talagang hindi ako ikinahiya ni Aljun na ipakilala pa sa kanyang ina.

“Huwag kang mag-alala. Tanggap ko ang lahat. Alam mo, ngayon ko lang nakita ang mag-amang iyan na sobrang masaya... dahil sa iyo. Dahil sa pagbigay mo sa kanila ng kalinga at tulong. Napakaswerte ng anak ko at ni Kristoff sa iyo.”

“Eh... nakakahiya naman po.”

“Huwag kang mahiya. Totoo ang sinabi ko. Ako pa nga ang dapat mahiya. Alam mo, mas gusto pa kitang maging kabiyak ng anak ko kasa kay Emma. Tingnan mo naman. Ka-babaeng tao, alam niyang may anak siya, iniwanan na lang basta. Kaya para sa akin, gusto kong kayo ang magkatuluyan. Ok lang sa akin kung dito kayo manirahan. Walang mga tao dito, walang mga tsismoso...” ang mungkahi niya.

At sa sinabing iyon ng inay ni Aljun, hindi ko napigilang pumatak ang aking mga luha. Iyon bang feeling na “Wow... tinanggap ako ng inay ng boyfriend ko sa kabila ng naiibang pagmamahalan namin ng anak niya!”

Noong makita niyang nagpahid ako ng aking mga mata, hininto niya ang kanyang ginawa, ipinahid ang mga kamay niya sa kanyang apron atsaka niyakap ako. “Huwag kang umiyak. Baka mamaya sabihin ni Aljun na inaway kita” sabay tawa.

“H-hindi po...”

“Inay...” ang dugtong niya. “Inay ang itawag mo sa akin”

“I-inay... masaya lang po ako. Hindi ko po akalaing matanggap ninyo ang aming relasyon ni Aljun.”

“Tanggap na tanggap ko. At mas gusto ko nga ang ganoon. Selosa ako. Kaya gusto kong ako lang ang babae sa buhay ni Aljun at ni Kristoff. Kaya ok lang na lalaki ang dadalhin ni Aljun sa pamilya namin.” Sabay tawa.

Natawa na rin ako.

Sobrang saya ko sa pagtanggap ng ina ni Aljun sa akin at sa aming relasyon. Kaya may nabuo ring plano sa aking isip. Dalhin ko sa bahay namin sina Aljun at Kristoff at ipakilala ko sila sa aking mga magulang.

Sa sumunod na Sabado, sa pamilya ko naman dinala sina Aljun at Kristoff. Excited na excited si Kristoff dahil makapunta na daw siya sa bahay namin at makilala ang mommy ko na siyang nagpapaaral sa kanya. Ngunit kung gaano man ka tindi ng excitemen ni Kristoff, ay siya namang ka-tindi ng kabang naramdamn ko. Alam ko, ganoon din si Aljun. Alam niya kasing nag-iisang anak lang ako at syempre, kapag nalamn ng aking ama na lalaki ang minahal ko imbes na babae, siguradong magalit talaga iyon dahil... ang ibig sabihin, matatapos na sa aking henerasyon ang lahi niya.

Dahil tinawagan ko ang mommy ko na may mga bisita kami, expected na nila na hindi ako lang ang darating. Nagpasundo din ako sa driver namin upang kunin kami sa flat ko.

Noong dumating na ang sundo, “Waaahh! Ang yaman pala ni papa Jun! Ngayon lang ako nakasakay ng ng ganito!” sambit ni Kristoff nong makita ang van na syang sundo namin. At noong nakarating na kami ng bahay, siya rin ang ang unang react, “Papa Jun! Ang laki po ng bahay ninyo! At ang ganda pa!”

“Behave ka Kristoff ha? Hindi natin lugar to...” ang paalala ni Aljun sa anak habang bumaba na kami sa van.

“O-opo....” ang sagot na lang ni Kristoff.

Nandoon sina mama at papa sa sala. Hinintay talaga kami. Kadalasan kasi kapag umuwi akong mag-isa, wala silang dalawa o ang isa sa kanila dahil busy sa negosyo o meeting.

Nagmano kaming tatlo sa kanila at pinaupo na kami sa sala. Biniro pa ako ng mommy ko, “Mabuti at kilala mo pa kami!”

Sa tagal ko kasing hindi umuuwi sa amin, kaya minsan may kaunting tampo din sila. Pero dahil busy din naman sila palagi sa kanilang negosyo kaya hinayaan na nila ako. Iyon lang ang gusto ko sa aking mga magulang. Bagamat mahal nila ako at minsan ay ayaw nula sa mga ginagawa kong diskarte, nagtiwala naman sila sa akin at sa huli, ako pa rin ang nasusunod. Minsan lang, ang daddy ko ay matigas talaga…

Ipinakilala ko si Aljun bilang matalik na kaibigan, presidente ng student council, prospective summa cum laude sa darating na graduation at ama ng scholar ni mommy. Syempre, ipinakilala ko din si Kristoff na siyang scholar nga.

Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko sa pagkakita nila kay Kristoff. Bibong bata kasi. Palangiti, witty, at napaka-cute.

“Ang guwapong bata naman pala ng scholar ko!” sambit ni mama kay Kristoff.

Na sinagot naman ni Kristoff ng, “Mana po ako sa papa ko.”

Tawanan ang lahat.

“Hali ka nga rito Kristoff! Nangigigil ako sa batang ito!” ang sambit ni mama. “Parang gusto ko na tuloy magkaapo!” dugtong pa niya.

Syempre, lalo pa akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Paano na lang kung malaman niyang lalaki pala ang mahal ko. Paano pa siya magkaapo?

Takbo naman kaagad si Kristoff sa kanya. Niyakap siya ni mama at hinalikan sa pisngi. Halatang nangigigil si mommy sa bata, sabik.

Maya-maya, si papa naman ang tumawag kay Kristoff at kinandong pa ito. “May lolo ka pa ba?” tanong ni papa sa bata.

Tiningnan ni Kristoff si Aljun sabay sagot ng, “Wala na po...”

“Ah kung ganoon... simula ngayon, ako na ang lolo mo. Payag ka ba?”

Napatingin uli si Kristoff sa papa niya at pagkatapos ay ibinaling sa akin ang pangingin, “Daddy po kayo ni papa Jun kaya lolo po kita.” Ang bibong sagot naman ni Kristoff na siyang ikinatuwa naman ni papa.

At ewan. Sadya talaga sigurong matindi ang karisma at hatak ni Kristoff. Nabigla na lang kami noong biglang tumayo ang papa ko at magkahawak-kamay na silang dalawa ni Kristoff na umalis at nagpunta sa harap ng bahay namin kung saan nandoon ang corner ng isang goal lang na basketball court.

Nagkatinginan na lang kami ni mommy. At noong nakalabas na sila ng bahay, “Aba... nilayasan tayo mommy!” ang sambit ko. 

“Oo nga! Aliw na aliw kay Kristoff!” sagot naman ni mommy.

Maya-maya, tumayo kaming tatlo, at sinilip sa may pintuan kung ano ang ginawa ng dalawa sa labas. At nakita naming tinuruan ni daddy na magdribble ng bola si Kristoff! “Bata pa iyan dad! Di pa marunong iyan!” sigaw ko.

“Marunong na iyan. Tinuturuan ko iyang mag-dribble.” Ang sagot ni Aljun sa akin.

“Basketball player kasi si Aljun mommy. Varsity player din sana iyan ngunit mas pinili niya ang lawn tennis na laro. Regional champion siya ng lawn tennis, mommy.”

“Kung gayon ay magkasundo pala sila ng papa mo. Mahilig sa basketball at adik sa lawn tennis. Naghahanap nga iyan ng kalaro sa lawn tennis. Bukas, Linggo, maghahanap na iyan ng kalaro. Laruin mo na lang Aljun.” Ang sagot ni mommy.

Sportsminded kasi ang daddy. Maliban sa single-goal basketball court, may lawn tennis court din kami sa likod ng bahay. Pinagawa talaga ni daddy dahil sa pagkahilig din niya ng lawn tennis. At kapag may bisita siya, doon niya dinadala.

Natawa si Aljun. “Sige po… bukas po, aayain kong mag one-on-one kami.”

“Sigurado, matutuwa iyon sa iyo. Nandito pala ang regional champion…” sabay tawa ng mommy.

“Lapitan mo sila boss… para makapaglaro kayong tatlo ng basketball.” Ang mungkahi ko.

Nilapitan naman ni Aljun ang dalawa.

“Ayan po si papa, lolo. Magaling po siyang magbasketball.” Sambit ni Krisotff noong malapit na sa kanila si Aljun.

“Magaling pala, e di laruin natin. Partner tayong dalawa Kristoff at nag-iisa lang ang papa mo! Tingnan natin kung matalo niya tayo.”

“Opo! Sige po lolo!” ang sagot ni Kristoff.

Bigla ding inihagis ng malakas ni daddy ang bola kay Aljun na maliksi ding sinalo ng huli sabay dribble at dunk ng bola sa ring a-la isang propesyonal na NBA player.

“Magaling nga ang papa mo, Kristoff! Pero tatalunin natin iyan!” sagot ni daddy noong Makita ang pag dunk ni Aljun sa bola.

At naglaro nga ang tatlo. Kunyari magkapartner ang daddy at si Kristoff at kalaban nila si Aljun.

Samantala, bumalik kami ni mommy sa sala. Noong makaupo na kaming pareho, magkatabi sa sofa, hindi naman ako magkamayaw kung paano simulan ang pagsabi sa kanya tungkol sa amin ni Aljun.

Subalit sadya talagang malakas ang pang-amoy ng isang ina. “Paano kayo nagkakilala ni Aljun anak?” ang unang tanong niya.

“S-siya po iyong sinabi ko sa iyo sa phone na napanalunan ko sa fund-raising na pa-raffle ng campus ma?” sagot ko.

“Mukhang sobrang close niyo na…”

“O-opo…”

“Mabait naman siya sa tingin ko.”

“Sobra ma. Kahit inaaway ko iyan, hindi iyan nagtatanim ng sama ng loob. At siya pa itong lumalapit, nagso-sorry sa akin.”

Tinitigan niya ako. Iyong titig na may gustong hukayin sa aking isip. “Anak… sabihin mo sa akin. Kaibigan lang ba talaga ang tingin ninyo sa isa’t-isa?” 

Para akong nabilaukan sa narinig na tanong ng mommy. Hindi ako makatingin sa kanya, nanginginig sa kaba. Ngunit noong maalala ang ginawa ni Aljun na sabihin sa kanyang ina ang tungkol sa amin, mistulang lumakas bigla ang loob ko. “Mom… sana po huwag kayong magalit. M-may… r-relasyon po kami ni Aljun.” Ang deretsahan ko ring nasabi. At halos kasabay sa aking pagbigkas ng mga katagang pag-amin ay ang pagpatak ng aking luha. Iyon bang pakiramdam na parang naghirap ang kalooban mo dahil sa tinitimping lihim at sa wakas ay nahanap mo rin ang lakas na magsalita tungkol sa isang masakit na bagay na dinadala mo sa iyong mahal na ina... Para bang isang bata akong nagsumbong dahil inaapi.

Noong makita ng mommy ang pagpahid ko ng luha, niyakap niya ako at hinaplos ang aking likod. Napabuntong-hininga ng malalim. “Ahhh… Tsk! Tsk! Tsk! Huwag kang umiyak anak.”

Tahimik. Patuloy lang ang pag-pahid ko ng luha.

“Are you gay ba talaga, son?” tanong niya.

“P-palagay ko po mom. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kay Aljun… Hindi ko akalaing ma-in love ako sa kanya.”

“At itong si Aljun ba ay mahal ka rin?”

“Opo… nagmahalan po kami oma. Alam na po ng inay niya. Alam ng maraming estudyante.”

“Ano ngayon ang gusto mo, anak? Ang plano mo” ang tanong ni mommy.

“G-gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po si Aljun. At na sana ay matangap ninyo ni daddy ang aming relasyon. Iyan lang po.”

Natahimik ng sandali si mommy. “Huwag kang mag-alala anak. Ako, naintindihan kita.”

“T-talaga po mom? Wala po kayong pagtutol?” ang masaya kong sabi.

“Bakit ako magagalit? Nagtiwala ako sa iyo, anak. Alam kong hindi mo magawang sabihin sa akin ang ganyang bagay kung hindi mo naramdaman ito. May tiwala ako sa sense of judgement mo. Matalino ka. Alam kong pinag-isipan mong maigi ang lahat bago mo narating ang desisyon na iyan. Nandito lang ako, anak. Kahit ano ang gagawin mong desisyon sa buhay, susuportahan kita. Basta sa ikaliligaya mo. Go…”

“S-si daddy kaya mommy???” ang tanong ko.

“Hindi ko alam anak… alam mo naman, kaisa-isang anak ka namin. Gusto niyang magkaapo sa iyo.”

“Iyan na nga po ang kinatakutan ko mom” ang malungkot kong sabi. “Sana po tulungan ninyo ako. Kayo na lang po ang kumausap kay daddy, mommy please...”

At pumayag naman si mommy. Siya na raw ang bahala. At ang mungkahi niya ay ihanda na lang ang mga sarili naming kung sakaling mahirapang tanggapin iyon ng daddy.

Kaya, iyon ang napag-usapan namin ng mommy ko. At least nabunutan ako ng isang tinik sa dibdib ko, sa maluwag na pagtanggap ng mommy sa relasyon namin ni Aljun.

Natapos silang magbasketball ni daddy at masayang nagkukuwento si Kristoff, ipinagyayabang na natalo daw nila ng lolo niya si papa Aljun niya. Napangiti na lang ako.

Maya-maya, naligo na sila sa shower. At nagulat na naman ako noong imbes sa sa kuwarto namin maligo si Kristoff, sa kuwarto pa nila mommy at daddy dinala ang bata. Doon na daw maligo si Kristoff.

Natawa na lang kami ni Aljun at mommy. “Sabik na sabik sa bata ang daddy mo. Hayaan mo na. Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang daddy mo.” Sambit ng mommy.

Sa hapunan, tahimik lang ako. Nagkukuwento ay si daddy at si Kristoff. Tahimik lang din si mommy. Marahil ay kinabahan sa maaaring reaksyon ng daddy kapag nagkausap na sila.

Sa pagtulog, sa kuwarto ko na natulog si Aljun imbes na sa guest’s room. Alam na kasi ni mommy ang aming status kaya pinag-isa na niya kami. Ngunit si Kristoff, doon talaga nila pinapatulog sa kuwarto nila. Tuwang-tuwa daw kasi si daddy sa kanya at si mommy din. Nakakaaliw kasing bata at ang bait bait pa.

Bago kami natulog, habang nakahigang magkatabi, sinabi ko kay Aljun ang mga pinag-usapan namin ni mommy. Natuwa naman siya na tanggap pala ng mommy ang aming relasyon. Tinanong ko rin siya kung ano ang mga pinag-uusapan nila ni Daddy habang naglalaro.

“Tanong nang tanong sa akin tungkol sa mga achievements ko sa school, sa aking mga magulang, kahit ang paborito kong sport ay tinanong din…”

“Anong sagot mo?”

“Sinabi ko ang lahat. Wala akong ama, kami na lang ng inay ko at ngayon si Kristoff ang natirang pamilya. Nagtanong din siya sa ina ni Kristoff… at sinabi ko rin ang lahat. At doon siya natuwa noong sinabi kong regional champion ako sa lawn tennis. Naging champion din daw pala siya ng inter-university tournament noong college days niya. Na-miss daw niya iyon. At hinamon niya akong maglaro bukas.”

“Ganoon ba?” Sagot ko. Tennis din kasi ang buhay ng daddy ko noong bata pa.

Tahimik.

“S-sinabi mo na ba sa daddy mo ang tungkol sa atin?” ang tanong niya.

“Si mommy na lang daw ang bahalang magsabi…” ang malungkot kong sagot. “Sana boss… hindi magagalit ang daddy. Sana, kagaya ni mommy ay matanggap din niya tayo.”

“Sana… para tuluyang malaya na tayo…”

“N-natatakot ako boss… Matindi kapag nagalit iyang si daddy. Unpredictable. Mabagsik.”

“Huwag kang matakot. Ano man ang desisyon ng papa mo, tatanggapin natin.”

“Paano kung papaghiwalayin tayo? Underage pa naman ako.”

“Ako… paninidigan ko ang naramdaman ko para sa iyo. Ikaw?”

“Syempre… panindigan ko rin.”

“Iyan naman pala eh… tulog na tayo. Atat na atat na ako. Wala pa naman si kulet, saying ang oras.” Sabay yakap sa akin ng mahigpit at lapat ng bibig niya sa bibig ko…

Hindi ako nakapalag. Unang pagtatalik namin iyon sa sarili kong kuwarto…

Alas syete ng umaga noong nasa hapag kainan kaming lahat. Grabe ang kalampag ng aking dibdib sa maaaring sabihin ni daddy tungkol sa amin; kung tanggap ba niya ang relasyon namin ni Aljun o hindi.

Ngunit walang lumabas sa kanyang bibig. Tahimik kaming kumakain, walang imikan. Ang ingay lang na naririnig ang ang tunog ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato habang kami ay kumakain.

Nababalot sa matinding tensyon ang agahan naming iyon. Nakayuko lang si mommy habang si daddy ay tila nag-iisa lang sa mesa, walang nakikitang ibang tao sa paligid. Pati si Kristoff ay tila nakiramdam din. Abala sa pagkain. At kaming dalawa ni Aljun, halos mawalan na ng ulirat sa sobrang kaba.

Doon ko naramdamang hindi tanggap ni daddy ang aming relasyon ni Aljun. Marahil ay respeto na lang niya sa kanyang mga bisita ang lahat.

Naghintay pa rin ako.

May halos 20 minutos ang nakalipas at wala pa ring imik si daddy. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili at nagsalita na. “P-pagkatapos naming kumain mommy… babalik na lang kami…” ang malungkot kong sabi, pigil na huwag pumatak ang aking luha sa harap nila.

Na sinagot naman ni Kristoff ng, “Papa Jun, ibibili pa daw ako ni lolo ng mga libro atsaka laruan mamaya e…”

Bigla akong napatingin kay daddy.

“Oo naman. At pagkatapos nating mag-agahan Aljun, mag one-on-one pa tayo ng lawn tennis. Paano ko malalaman kung magaling ka nga kung hindi mo ako tatalunin? Alas 4 na ng hapon kayo uuwi dahil busy kami kami ni Kristoff na magshopping ng mga libro at laruan niya after lunch.” ang seryosong sabi ni daddy, walang bakas na emosyon sa kanyang boses maliban sa tonong may bahid ng otoridad.

Tila sumigla naman si Aljun. At ang biglang naisagot na halata pa ring may bahid na kaba ay, “Yes Sir!”

Kung gaano katindi ang lungkot ko sa pagbasag sa katahimikan ay siya namang tindi ng naramdaman kong saya sa narinig kay papa at sa sagot ni Aljun. Napangiting napayuko na lang ako.

Lihim kong nilingon si Aljun na nakayuko din ngunit bakas sa mukha ang matinding kasayahan. At pati si mommy ay ramdam kong nakahinga rin ng maluwag.

At doon na nagsimulang magkulitan sina Kristoff at daddy. “Lolo di ko pa po natikman ang ulam na iyan atsaka iyan po, pati poi yon…” ang inosenteng pangungulit ni Kristoff kay daddy, na walang kamuwang-muwang sa matinding tension na namuo sa hapag-kainang iyon na napawi niya.

“O e di tikman mo. Kung gusto mo magpaluto pa tayo ng marami niyan. Kaya mo bang kainin lahat?”

“Dadalhan ko na lang po sa lola ko sa bukid. Alam ko di pa siya natikman ng mga ganyan e…”

“E di magdala ka ng marami... kahit buong mesa pa ng pagkain.”

Tawa naman ng tawa si mommy. At pati kami, nakitawa na rin.

“Ang sweet talaga ng batang ito!” wika ni mommy.

At pagkatapos ng agahan, nagpahinga sandal at naglaro na sina Aljun at daddy ng tennis. Hindi ko lang alam kung ano talaga ang nasa loob-loob ng isip ni daddy. Ngunit para sa akin, kahit hindi pa siya magsalita, sapat na iyon upang malaman kong tanggap niya sina Aljun at Krisotff sa pamamahay niya.

Halos buong umagang naglaro sina Aljun at daddy ng lawn tennis. Pagkatapos ng tanghalian, isinama ni daddy si Kristoff sa pagsa-shopping. Silang dalawa lang. Kaming tatlo naman ni mama at Aljun ay sa bahay lang, sa terrace. Kuwentuhan, hinihintay ang pagdating nina Kristoff at daddy.

Alas kuwatro na noong dumating sina daddy. Kung may makakita sa kanila, masasabi talagang tunay silang mag-lolo. Hatak-hatak ni Kristoff ang mga pinamiling laruan at libro habang di naman magkamayaw si daddy sa pag-guide sa kanya sa paglalakad, siya pa ang nagbitbit sa iba pang gamit ng bata.

Bago kami umalis, nagmano ako kina mommy at daddy. Sumunod naman si Aljun. Pinagmasdan ko kung tanggapin ni daddy ang kamay ni Aljun. At sobrang tuwa ang nadarama ko noong nakitang hinayaan ni daddy na kunin ni Aljun ang kanyang kamay upang magmano si Aljun sa kanya.

Noong si Kristoff na ang nagmano, sinabihan pa ito ni daddy ng, “Dapat bisitahin mo palagi ang lolo mo dito ha? Kasi pag hindi, hindi ko tutuparin ang hiniling mo sa akin…” sabay kindat sa kanya.

Na inosente namang sinagot ng bata. “Opo. Babalik po kami ni papa Aljun at papa Jun.” sabay halik niya sa labi ng daddy ko, yung trademark niyang halik na may tinig pa. Tawa nang tawa ang daddy sa pagkagulat.

Nagkatinginan na lang kami nina mommy at Aljun sa narinig na hiling ng bata. Syempre, hindi namin alam kung ano iyon.

Inihatid muli kami ng driver namin deretso na sa inuupahan kong flat na malapit sa university. Puno ang aming van sa maraming dalang pabaon, na karamihan ay bigay ng daddy at mommy para kay Kristoff.

“Ano pala ang hiniling mo sa lolo mo?” tanong ko kay Kristoff.

“Si papa… kasi malapit na siya mag-graduate. Sabi ko kay lolo na bigyan niya ng work.”

Natawa naman si Aljun at napayakap sa anak, pabirong kinagat-kagat ang dibdib. Alam ko, na touched siya sa ipinakitang pagka sweet ng anak.

Hinalikan ko naman si Kristoff. “Ambait at ang talino talaga ng baby Kristoff kooo. Nakakagigil!” sambit ko. “Mwah! Mwah!”

“At ano naman ang sagot ng lolo mo?”

“Manager ka na daw agad…”

Lalong napatawa naman kami. “Anlakas naman talaga ng backer ko! Manager agad! Paano mo nasabing pwede ako niyang tanggapin sa ganoong work?”

“Kilala ka na daw niya eh. Matagal na.”

Nagulat naman kami, med’yo tumaas pa ang aking kilay. “Saan? Paano?” tanong ko.

“Sa facebook daw po. Nababasa niya iyong sa school na pagebook, atsaka iyong kay papa Aljun atsaka iyong kay papa Jun.”

Nagkatinginan kami ni Aljun. Mixed emotion naman ako. Kasi nandoon ang lahat ng mga kaganapan sa issue nina Giselle at Aljun at lalo na sa mga litratong ipinakalat ni Giselle tungkol sa amin, dagdagan pa ng mga enstudyanteng nag-comment na suportado nila kung may relasyon kami ni Aljun.

Binitiwan ni Aljun ang isang hilaw ng ngiti sabay kindat sa akin. Napangiti na rin ako.

Ewan kung ano ang nasa isip ni Aljun. Ngunit ang sa akin… habang ina-analyze ko ang mga kaganapan habang nandoon kami sa bahay naming, huling-huli kong alam na alam ni daddy ang lahat-lahat, bago pa man kami bumisita sa bahay dahil namomonitor nito ang facebook ng university at ang amin ni Aljun. Alam niya ang lahat ng mga pangyayari, kasama na ang mga eskandalo, ang mga issues, ang mga litrato namin ni Aljun na pinost ni Giselle, pati na ang nasadlakang problema ni Aljun kay Giselle. Alam niya ang mga tsismis tungkol sa amin ni Aljun.

At kung kaya niya sinabi ito kay Kristoff ay upang kahit hindi man niya masabi-sabi sa amin ng deretsahan ang kanyang tunay na naramdaman, ay maipaabot pa rin niya sa amin na tanggap niya ang aming pagmamahalan ni Aljun.

At naramdaman ko na lang ang bisig ni Aljun na ipinatong sa aking balikat. Umakbay na rin ako sa kanya. At dahil napagitnaan si Kristoff, inilingkis naman niya ang kanyang mga kamay sa aming mga beywang noong makitang nag-aakbayan kami ng papa niya.

Hinugot ko na lang ang aking iphone at pinatugtog ang aking pinakapaboritong kanta –

Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
Nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
A lá peaceful melody
It’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i’ma saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
No need to complicate
Our time is short
It can not wait, I’m yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family (2nd time: A lá happy family; 3rd time: A lá peaceful melody)
It’s your God-forsaken right to be loved love love love
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is your’s!

“Ang sarap pala talaga ng magmahal…” ang naibulong ko na lang sa sarili.
(Itutuloy)


[20]
Parang perpekto na ang buhay ko. Pati ang mga estudyante sa unibersidad ay masaya na ring nakabalik na ang idolo nilang si Aljun sa posisyon bilang presidente ng student council. At hindi lang iyan, karamihan sa kanila ay aktibong sumuporta sa aming love team. Kahit mga lalaki, mga babae, karamihan ay aktibong sumuporta din. Marahil ay dahil iyon sa sobrang kabaitan ni Aljun kaya kahit nalaman nilang ako na isang lalaki din ang minahal niya, wala silang paki, at iniidolo pa rin nila siya. Totoo nga ang sinabi nilang kapag pinanindigan mo ang isang bagay lalo na kapag ito ay mahirap gawin, dito mo masusukat kung sino ang mga taong totoong nagmahal sa iyo.

May mga bumabatikos din, syempre. Hindi naman nawawala iyon, sa ganoong klaseng relasyon ba naman na hindi normal na nakikita ng mga tao, at sa katulad pa naming parehong hindi naman bakla kung pumorma. Ngunit ang mga grupong ito ay hindi lantarang nagsasalita. Marahil ay takot na uulanin ng batikos sa mga die-hard na taga suporta ni Aljun at lalo na sa grupo ni Fred.

Pero ayaw ko na ring pansinin sila kapag may narinig ako. Naisip ko kasi, hindi naman nila maibibigay ang kaligayahang hinahanap ko sa buhay.

Dahil dito, naisip kong baka hindi naman talaga totoo ang sumpa. Wala nang balakid sa aming pagmamahalan ni Aljun, naintindihan kami ng mga tao, wala na si Giselle, at si Emma ay nasa Canada na. At higit sa lahat, tanggap kami ng aming mga magulang. “Sana ganito na lang... Sana wala nang hahadlang pa sa aming pagmamahalan.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

At tinanggal na rin sa student center ng unibersidad ang mga kartolinang signature campaign ng mga estudyante laban sa dalawang propesor na siyang kumampi kay Giselle. At ang ipinalit dito ay ang malaking tila poster ng isang pelikulang, “Aljun-Gener... for life!” At may mga pirma na rin ito, karamihan ay nagpahayag ng good wishes sa amin.

Gusto ko sanang ipatanggal ito. Nahiya ako at natakot na baka masita pa kami ng Admin ng university at pagbawalan sa aming relasyon. Ngunit ang sabi naman ni Aljun ay hayaan na lang daw ito tutal hindi naman kami ang naglagay noon.

“Bakit ikinahihiya mo ba ako?” biro ni Aljun sa akin.

“Tado! Gusto mo bang ipatawag tayo ng director ng Student affairs o ng guidance councilor o Presidente ng university?”

“Why not? Kung mangyari iyan, imbitahan natin silang mag-sponsor sa ating kasal”

“Nyeee! Paano tayo makasal?”

“E, di kasal-kasalan... sa loob ng office ng director ng student affairs, o kaya office ng university president” sabay ngiti.

“Ilusyonado!”

Tahimik. Napaisip kasi ako sa salitang kasal. Syempre, sino ba ang hindi nangarap noon sa taong mahal nila sa buhay.

“Seriously... hindi ka nahihiya sa ating relasyon?” tanong ko din sa kanya.

“Bakit ako mahihiya? Andami ngang mga estudyante sa unibersidad na boto sa love team natin di ba? Ngayon lang nangyari ang ganyan. At pati ang mga madre, kung napapansin mo, dedma lang sila. Siguro kinikilig ang mga iyan... Baka ang iba ay sikretong nangangarap na sana ay may girl-girl” at tumawa uli.

“Tado!” sagot ko.

Tahimik.

“P-paano iyan? G-ganito na lang ba tayo? I mean, sa status na ganito...? Habang buhay na in a relationship ang nasa fb natin? Kasi hindi naman tayo pwedeng ikasal...”

Pansin kong biglang naging seryoso ang mukha niya. Maya-maya, nagsalita. “Ang target ko boss... ay makapunta tayo sa isang bansa na legal ang pagsasama ng mga katulad natin. At kapag nangyari iyan, magpakasal tayo. Doon natin buuin ang pamilya, kasama si Kristoff...”

Pakiramdam ko ay may bagay na bumara sa aking lalamunan. Gusto kong maiyak sa kanyang sinabi. Walang mapagsidlan ang aking tuwa. Syempre, ibig sabihn ay may plano talga siya para sa akin. “P-paano? Ang naitanong ko.

“Hindi ko alam pero sa tingin ko, madali lang iyan…”

At naisip ko ang daddy ko. May business partner kasi siya sa Canada at shareholder din siya ng isang metal factory doon. Kaya kapag may board meeting, nagpupunta ang daddy doon. “Promise?” ang naisagot ko na lang.

“Promise... cross my heart.” sagot din niya, sabay haplos sa aking mukha.

Iyon ang hindi ko malilimutang promise niya sa akin. Parang hindi ako makapaniwala. Parang too good to be true ang lahat.

Sa unibersidad naman, hindi matawaran na mga pangangatyaw ng mga estudyante sa love team namin. Minsan, hindi ko na alam kung matutuwa o maiinis. May isang beses, napadayo si Aljun sa silid-aralan namin at sumilip. Ewan kung bakit naman siya sumilip. Marahil ay na miss lang niya ako.

Dahil wala pa ang aming propesor, sigawan kaagad ang mga ka-klase ko, lalo na ang mga babae, nagtitilian. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang aking pisngi sa hiya.

“Pasok ka pare! Welcome na welcome ka dito sa aming klase!” sambit ng isang kaklase kong lalaki, sabay tingin sa akin, pahiwatig na wala silang tutol kung dalawin ako ni Aljun sa aming silid-aralan.

Pumasok naman si Aljun. At tumayo ang isang estudyanteng nakaupo sa tabi ko binigyang daan upang makaupo si Aljun sa tabi ko.

Noong maupo na si Aljun, nagkantyawan uli ang mga kakalse ko, kinilig baga at ang sigaw ay, “Kiss! Kiss! Kiss!”

Tiningnan ko si Aljun na nakangiting-aso. Ngunit sa sobrang hiya ko, napayuko na lang ako at hindi makatingin-tingin sa kanya sabay bulong ng, “Ayan tuloy... Kasi naman, dumayo pa dito...”

“Hayaan mo na. Na miss lang kita” bulong din niya.

Nungit patuloy pa rin ang pangangantyaw ng klase, “Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!”

At laking gulat ko noong biglang dumampi ang labi ni Aljun sa labi ko! Ninakawan niya talaga ako ng halik! At bigla ding tumayo at masiglang nagpaalam sa mga ka-klase ko ng, “Bye guys!” at nag thumbs up pa.

Palakpakan ang mga estudyante.

Hindi ko tuloy maintindihan ang naghalong emosyon. Iyon bang pakiramdam na kunyari gusto ko siyang batukan kasi bina-violate niya ang aking karapatang magpaka-demure bagamat may kilig din itong dala sa aking kalamnan. At itinaas ko na lang ang aking kamao, ang mukha ay pormang na-aagrabyado, kunyari ipinakita sa kanya at sa mga ka-klase na gusto ko siyang sapakin.

Ngunit ngiting-aso lang ang iginanti niya. Alam naman kasi niya na kinilig ako…

Ganyan halos ang mga eksena namin sa school. Si Gina naman na dating crush ko at may crush din sa akin, ay todo-suporta na rin sa love team naming ni Aljun. Malalim kasi ang friendship naming tatlo ni Fred. Kaya naintindihan niya. At syempre, mas lalo na si Fred na all-out support.

Si Kristoff naman ay sobrang close na rin sa kanyang kinikilalang lolo na daddy ko. Minsan nga, sinusundo siya ng driver ni daddy deretso sa school kapag Byernes at idadaan nalang sa amin upang ipaalam na pinapasundo siya ng daddy at doon sa bahay namin muna sa Sabado at Linggo. At dahil tuwang-tuwa ang bata kasi ipinapasyal ni daddy sa mga childrens park at binibilhan ng kung anu-ano, tuwang-tuwa naman si Kristoff, at pumapayag na lang din si Aljun.

May isang beses, Lunes iyon nang may alas 6 pa lang ng umaga, dumating na ang service ng daddy. Akala ko, ang driver lang ang naghatid kay Kristoff. Ngunit noong makalabas na ang bata sa van na mukhang kagigising lang, nakatulog marahil sa biyahe, nandoon din pala si daddy, naka-suot Amerikana pa at nakabuntot sa batang hindi na halos ma-drowing ang mukha sa pagsisimangot.

“Bakit nakasimangot si Baby Kristoff ko?” tanong ko.

“E kasi! Kasi! Kasi! Kasi...!” ang pagdadabog pa niya, ang mga paa ay malakas na tinatadyak-tadyak sa sahig at matulis na tinitigan ang lolo niya.

“Ano bang nangyari dad?” ang tanong ko.

“May project kasing pinapagawa ang teacher niya na pinaghirapan niyang gawin sa halos buong magdamag. E, kaninang umaga noong mag-agahan na kami, pinatingnan niya sa akin ang gawa niya. Ngunit noong tiningnan ko na ito, nasagi naman ang baso ng hot chocolate niya at natapon ang laman nito sa project na pinaghirapan niya. At nagmumukhang putik ang ginawa niyang project.” Ang paliwanag ng daddy tiningnan kami at bakas sa mukha ang pigil na pagtawa, halatang takot na magalit pa ang kinikilalang apo.. “Kaya ako na ang magpaliwanag sa teacher niya. Galit na galit kasi...”

“Heto po ang gawa ko, o…” at ipinakita ni Kristoff ang project niyang nagmukha ngang nilublob sa putikan.

Gusto ko rin sanang tumawa ngunit pinigilan ko na lang. “Ah… maintindihan iyan ng teacher mo kasi nga ipaliwanag ng lolo mo sa kanya, di ba?”

“Kasi naman! Kasi naman! Kasi naman! Kasi naman...!” ang pagdadabog niya uli, nagtatadyak pa sa sahig habang tinitigan ng matulis ang lolo niya.

Pero sa totoo lang, na-cute-tan talaga ako sa eksena ng maglolo. Parang ganoon na sila ka close, at hinid ko maimagine ang papa ko na kinatatakutan ng mga empleyado ng kumpanya, kinatatakutan namin ng mommy ko, ay kayang takutin ng isang paslit lamang na hindi naman niya kaano-ano. “Mukhang may meeting ka pa yata dad ah? Iyan lang ba ang pakay mo ngayon dito?” Ang tanong ko kay daddy.

“May morning meeting nga ako sa isa sa mga share holders sana. Pero ipa-move ko na lang mamayang hapon. Ako daw ang dapat magpaliwanag sa teacher niya na ako ang may kasalanan sa pagkasira ng project niya.”

Napatingin na lang ako kay Aljun. Hindi kasi ako makapaniwalang i-postpone talaga niya ang isang mahalagang meeting dahil lang sa pag-explain ng project ng isang kinder. Noong bata pa kasi ako, palaging si mommy ang nasa school ko dahil busy si daddy palagi sa business at ayaw makipagkita sa mga teacher ko iyan. Sayang lang daw ang oras niya.

“Kasi sabi po ng teacher ko, grade 1 na raw ako sa sunod na pasukan, kaya pinagawa ako ng project. Tapos sinira naman ni lolo! Kasi... Kasi... Kasi... Kasi... Kasi...” pagmamaktol uli ni Kristoff.

“Kristoff! Huwag pasaway sa lolo!” Singit ni Aljun.

Na sinaway naman ni daddy. “Huwag kang makialam dito Aljun. Business ito ng mag-lolo.”

Nagkatinginan uli kami ni Aljun, ang bibig ko ay tila bibigay sa tawa at parang gusto ko siyang lokohin ng, “Beeee... pahiya ka ano?”

Tumahimik na lang si Aljun. At maya-maya nga lang ay kinarga na ni daddy si Kristoff at kiniliti ang tyan, ang leeg, ang dibdib, ang kilikili at hayun, nagtawanan na. Pati weakness ng bata ay huling-huli na rin ni daddy. “Kaya nga nandito si lolo para magpaliwanag sa teacher e... Gusto ko kayang mag grade 1 na ang apo ko sa sunod na pasukan. Imagine 5 lang ang age, grade 1 na kaagad? Wow? Number one ang apo kong ito! Matalino ka ba?” tanong ni daddy.

“Opo.” Sagot naman ni Kristoff.

“Kaya hindi papayag ang lolo na hindi makapag-grade 1 si Kristoff sa sunod na pasukan.

“Opo.”

“Hindi ka na galit?”

“Hindi na po...”

“Love mo ba si lolo?”

“Opo”

“Love lang?”

“Love na love po.”

“O siya, kiss sa lolo.”

At iyon, nagkabati na naman ang maglolo at dumeretso na sa school. Nagkatinginan uli kami ni Aljun.

“Dad.. hindi kaya na spoiled na yang bata sa ginawa mo?” ang sigaw ko sa naglalakad nang maglolo.

“Hindi ako nakialam sa inyo! Kaya huwag ninyo kaming pakialamang maglolo!”

Nagkatinginan ulit kami ni Aljun. “Hala! Ang taray!” bulong ko kay Aljun sabay tawa ng malakas.

Natawa din si Aljun.

Ansarap talga ng pakiramdam na ang lahat ng bagay sa buhay ay naaayon sa gusto mo. Iyon bang lahat ay nand’yan na. Perfect kumbaga. Masaya kaming lahat, mahal ako ng mga taong mahal ko rin… Wala na akong mahihiling pa sa buhay.

Ngunit wala pala talagang perpektong buhay. Lahat ng bagay ay may kaakibat na hirap at presyo.

O baka din ay sadyang matindi talaga ang sumpa ng ibong-wagas. Kagaya ng isang malupit na mamamatay-tao, nagmamasid lang ito, naghintay ng tamang panahon upang umatake. Ipinadarama niya muna sa akin ang sarap ng buhay upang kapag natikman ko na, ay mas matindi ang pinsalang madarama ko kapag sinira na niya ang aking buhay.

Kalagitnaan ng Pebrero iyon, malapit nang magtapos ang semester at graduation niya noong napansin kong naging malungkutin si Aljun. Kinausap ko siya kung ano ang problema; kung bakit siya mistulang nababagabag.

Noong una, ayaw niyang magsalita. Ngunit noong pinilit ko, napag-alaman kong pagi na palang tumatawag si Emma sa kanya. Buntis daw ito siya ang ama, sa nangyari sa kanila noong huling magkita sila sa bukid. Ang masaklap, nagpumilit na raw itong pakasalan siya dahil kung hindi, magfile siya ng custody para kay Kristoff upang makuha niya ito at dadalhin na sa Canada. At gusto niyang magpakasal sila pagkatapos na pagkatapos kaagad sa graduation ni Aljun.

Pakiramdam ko ay may sumaksak sa aking puso sa narinig. Nanghina ang aking kalamnan at ramdam ko ang pagbalik muli ng aking takot at pag-agam-agam. Nanumbalik muli sa isip ko ang sumpa ng ibong wagas.

“A-ano ang plano mo ngayon?” ang tanong ko.

“Naguluhan ako boss... Parang ang hirap kapag mawala sa akin si Kristoff. Pati ang inay, siguradong malulungkot kapag nawala sa kanya ang apo niya.”

“K-kung lalabanan kaya natin siya sa korte upang huwag mapasakanya ang bata...”

“P-pwede. Ngunit sa batas kasi, kapag wala pa sa pitong taon ang bata, ang kustudiya nito ay dapat sa ina, lalo na kung ito ay isang illigitimate pa na bata...”

“P-paano mo nalaman iyan?”

“Nagresearch ako sa internet. Nakasaad ito sa family code article 213...”

“Boss... iniwan niya si Kristoff sa iyo. Iyan ang malaking argumento laban sa kanya.”

“Sana ay i-consider ang ganyang argumento. Klaro kasing nakasaad sa batas ang rule at age specification at lalo na sa kaso ni Kristoff na isang illigitimate...”

Lalo akong nalungkot sa narinig. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng lakas. Para kasing may parte sa kanyang utak na nagpupumilit na tanggapin na lang ang alok ni Emma. Kaya bagamat parang mapupunit ang aking puso, ang sunod kong naitanong ay, “I-ikaw... mahal mo pa ba siya?”

At muli, hindi niya ako sinagot. Bagkus, binitiwan lang niya ang isang malalim na buntong-hininga.

Doon ko na naramdaman ang tuluyang pagguho ng aking mundo. Hindi na ako nakaimik. Iyon bang parang gusto kong magsisigaw sa sobrang sakit ngunit hindi ko magawa dahil binusalan ang aking bibig. Parang bigla akong tinablan ng hiya at awa sa sarili. Nanatili na lang akong nakaupo, tinimpi ang sakit ng aking kalooban. Marami na namang naglaro sa isip ko. Gusto kong itanong sa kanya kung sino ang mas mahal niya sa aming dalawa ni Emma. O kung naging panakip-butas lang ba ako sa puso niya... Pakiramdam ko ay ako ang hadlang sa kanila; na ako ang sampid, at hindi ako ang bida kuwento ng pag-ibig niya; na isa lamang akong supporting character o kontrabida kung saan sa pagtatapos ng kuwneto ay dapat na magpaubaya, magbigay daan, kung hindi man ay dapat patayin upang maging happy ending ang kanilang kuwento ng pag-ibig.

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko na lang na itago sa sarili ang takot at hinanakit.

Pagdaan ng mga araw, bagamat naroon pa rin ang init ng aming pagsasama ni Aljun, pansin kong patindi nang patindi ang lungkot na nakita ko sa kanyang mukha. Hindi na siya katulad ng dati na nasayahin, palabiro… Pansin kong naguluhan siya; tulala at malalim ang iniisip.

At habang nakikita ko siyang ganoon, matindi din ang epekto nito sa akin. Lalo’t palapit nang palapit na ang graduation ni Aljun at ang araw ng pagdating ni Emma.

Hindi ko alam kung ano ang desisyon niya: magpakasal ba o harapin ang court battle sa custody ng anak nila.

Isiniwalat ko ang lahat kay Fred. “Huwag ka ngang gumive up fwend! Lalabanan natin siya!”

“P-paano natin lalabanan kung may naramdman pa si Aljun sa kanya?”

“Hay naku... naguguluhan lang si Aljun fwend, I’m sure. Ginamit ba naman ang bata ng Emmang iyon? Syempre, matuturete iyong tao. Normal lang na maguluhan siya, fwend.”

“Natakot ako Fred na ito na iyong sinasabi ng sumpa?”

“Ano ka ba? Tapos na ang sumpa. Si Giselle iyon at wala na siya.” Napahinto siya ng sandali, “Speaking of the devil, may pinost siya sa fb ni Aljun, sa iyo, at sa akin at ang sabi, ‘Hindi pa tayo tapos, magtutuos pa tayo’. Aba... umeksena pa! Ang babaeng pinagtaksilan ng mga lalaki.” Sabay tawa. “Hay naku, wala na siyang magagawa pa. Erase! Erase!”

Tahimik. Hindi ko na pinansin pa ang tungkol kay Giselle kasi, sigurado naman akong wala nang magagawa pa iyon.

“May naisip ako fwend upang mawala na ang pag-alala mo tungkol sa sumpa....”

“Ano?” tanong ko

“May kakilala akong albularyo at manghuhula. Puntahan natin at magpatulong tayong mawala na ang sumpa na iyan, kung iyan nga ang bumabagabag sa isip mo. Para mawala na iyang takot mo. Atsaka, kung si Emma nga ang dahilan upang matupad ang sumpa, haharangin ng albularyo ang mga balak niyang gawin sa inyo ni Aljun at Kristoff.”

Pinuntahan nga namin ang nasabing albularyo.

Pinapili ako ng ilang baraha ng albularyo at pagkatapos, pinag-aralan niya ang mga pinili ko. Tiningnan niya ako sa mata at confident na sinabing, “May sumpang nakakabit sa buhay mo ngayon, anak... at mag-ingat ka dahil nakikita kong may dugong aagos na siyang kakambal ng sumpang ito.”

Lalo naman akong kinabahan sa narinig. Tiningnan ko si Fred na ang mukha ay parang nagsisi sa pagdala niya sa akin doon. Wala naman kasi kaming sinabing sumpa sa kanya ngunit nahulaan niya ito, at may sinabi pang dugo. Nalala ko tuloy ang sinabi ni Aljun na may nangyari daw na nagbigti, may naaksidente...

“K-kaninong dugo po ba iyon Manong?” ang tanong ko.

“Sa iyo…” ang deretsahang sagot niya.

Na lalo namang nagpatindi sa naramdaman kongtakot. “H-hindi na po ba maaaring mapigilang ang sinasabi ninyong pag-agos ng dugo ko? Nakakatakot po naman...”

“Nakasulat na ito sa iyong kapalaran, anak. Hindi na ito mababago pa...” ang sagot ng albularyo.

“S-sandali! Sandali manong! Ito naman o... Nagpunta kami dito upang ipatanggal ang sumpang iyan kung mayroon man! Huwag mong takutin ang kaibigan ko...”

Tiningnan siya ng manghuhula si Fred at sinabing, “Gusto mo bang magpahula ka na rin?”

“Ay hindi na po kailangang hulaan pa ako, manong. Alam na po ng lahat na bakla ako. At alam ko na po na isinumpa ako ng babaeng may hindi pantay na boobs. Kaya itong kaibigan ko na lang po at please lang... huwag mo po siyang takutin.”

Ngunit hinulaan pa rin niya si Fred. “Mag-ingat ka rin. Hindi rin maganda ang nakita ko sa iyong aura. Kagaya ng kaibigan mo, may nakita akong dugong tatagos galling sa katawan mo.”

At tila isang bata si Fred na nagtatalon sa takot. “Arrgggghhhh! Bakit ako? Hindi ko naman nakita ang ibon na iyan! At hindi po ako umibig ng wagas! Si Jake, katawan lang noon ang habol ko! Si Adrian, crush ko lang iyon! Si Bryan… wala iyon gusto ko lang matikman ang halik niya! Waaahhhh! Manong please! Bawiin mo ang sinabi mo ah! Hindi ka naming babayaran, sige ka…”

Ngunit seryoso pa rin ang albularyo. “Basta mag-ingat ka lang… Nakikita kita sa baraha nitong kaibigan mo.”

“Ganoon? Dumikit talaga ang mukha ko d’yan?” bulong ni Fred.

Baling ng albularyo sa akin, “Sinabi ko lang kung ano ang nakita ko sa baraha mo anak, at upang bigyan ka na rin ng babala...”

“At hindi lang po babala ang gusto naming malaman, manong. Gusto po naming matanggal ang sumpa na iyan kung mayroon man talaga. Para hindi na mag-iisip itong kaibigan ko at pati ako na dinamay pa ng baraha ninyo! Lalo na sa dugong aagos na sinabi ninyo. Takot kaya ako sa dugo.”

“Pasensya na mga anak. Ngunit hindi kaya ng aking kapangyarihan ang tangglin ito. Ang ugat ng sumpa ay pag-ibig, at tanging pag-ibig din lamang ang susi upang matanggal ito; isang tunay at wagas na pag-ibig. Kapag naipakita mo ito, malusutan mo ang trahedya at ang sumpa. At ang mismong nagbigay sa iyo ng sumpang iyan ay siya din mismong magliligtas sa buhay mo.”

“Paano naman iyong sa akin? Paano ko malusutan ang sinabi mong dugong aagos sa katawan ko?” singit ni Fred.

“Huwag kang mag-alala. Damay ka lang dito. Kung malusutan ng kaibigan mo ang sumpa, hindi ka madadamay. Kumbaga, supporting actor ka lang. Kaya huwag ka masyadong umeksena.”

Natameme naman si Fred na ang nasambit na lang ng pabulong ay, “Ay ganoon? May ganoon pa talaga?”

Gusto ko mang matawa sa sinabi ng albularyo, nanaig pa rin sa isip ko ang takot. Tugma kasi ang sinabi niya sa sinabi din ni Aljun tungkol sa pamahiin. “P-paano ko po maipamalas ang wagas na pag-ibig?” ang tanong ko.

“Hindi ko tuwirang masasagot ang tanong mong iyan, anak. Ang tanging masasabi ko lang ay kadalasan, kapag umibig ang tao, may kaakibat itong kundisyon o kapalit. Hindi ito ang tunay na pag-ibig. Ang pag-ibig na wagas ay kayang ibigay ang lahat nang walang hinihinging kabayaran o kundisyon... lumigaya lamang ang taong iniibig.”

Nagkatinginan uli kami ni Fred. Palaisipan kasi ang sinabi niya. Parang isa itong bugtong o misteryo. “Hindi niyo po ba masasabi kung paano o sa anong paraan?”

“Basta biglang darating na lang ang pagkakataon na iyan kung saan masubok ang iyong pagmamahal...” Napahinto siya at parang may inaaninag sa barahang nahugot ko. “Sandali... may kuwintas akong nakita.” At tumingin sa akin, “Nasaan ang kuwintas na ito?”

“N-nasa drawer ko po, Itinago ko. Natakot po kasi ako sa sumpa.”

“Huwag mong ihiwalay ang kuwintas na iyan sa iyong katawan. Iyan ang magpo-protekta sa iyo...”

“O-opo. Opo...” ang naisagot ko.

Kaya iyon ang naging resulta ng aming pagpakonsulta sa albularyo. Imbes na ang pakay namin ay sana matanggal ang sumpa, lalo pa tuloy akong kinabahan dahil sa pag-confirm ng maghuhula na totoo ang sumpa at na may trahedya pang mangyari sa akin, at madadamay pa pala si Fred.

At isang napakalaking talinghaga pa para sa akin ang kung paano ko lalabanan ang sumpa. Parang isang bugtong na kung hindi ko mahanap ang kasagutan ay tuluyan akong madedo. “Ang saklap naman!” sa sarili ko lang.

Kaya noong umuwi na kami, dali-dali kong isinuot ang kwintas na tuka ng ibong-wagas.

Habang tumatakbo ang mga araw, napapansin kong parang hindi na mapakali si Aljun. Lalong naging tulala, halatang walang tulog, at bagamat ngumingiti minsan, kitang-kita ko pa rin ang matinding lungkot sa kanyang mga mata.

At marahil ay dahil din ito sa napag-alaman ko mula sa kanya na uuwi daw si Emma sa unang linggo ng Marso. Alam ko ang problema niya. Kung sino an gpipiliin sa amin ni Emma.

Kung ako ang pipiliin niya, hindi siya siguradong mapasakanya pa si Kristoff at tuluyang masira ang buhay niya, ang pangarap niya sa bata, pati ang kasiyahan ng ina na mahal na mahal din ang nag-iisang apong si Kristoff.

Subalit kung si naman Emma ang pipiliin niya, buo ang pamilya nila, buo ang buhay niya, maganda ang bukas ni Kristoff, normal pamumuhay, at sagana sa lahat. At sa isang napakagandang lugar pa mahuhubog ang talento ng kanyang mga anak dahil siguradong sa Canada na sila mamamalagi. At alam ko, maging masaya din si Aljun kay Emma dahil mahal pa rin iya ito at may anak sila, at may isa pang darating. Sigurado, magiging masaya ang pamumuhay nila, lalo na si Kristoff na magiging kuya na rin...

Ngunit kung hindi naman ako ang pipiliin niya, marahil ay ikamamatay ko rin ito, ayon sa sumpa…

Mahirap… Alam kong nahirapan siyang mamili at nahirapan din ang kalooban niya. Imbes na malapit na sana ang kanyang graduation, atsaka pa dumating itong napakahirap na sitwasyon sa buhay niya.

Syempre, litong-lito din ako. Hindi ko alam kung ipaubaya na lang si Aljun kay Emma. Kung gagawin ko iyan, sasaya silang lahat maliban sa akin na sa pagpaubaya ko sa aking pagmamahal, ay tuluyan nang haharap sa isang trahedya.

Sobrang lungkot ang aking nadarama. Tuliro at hindi makapag-concentrate ng maigi sa aking mga gawain at sa aking pag-aaral.

Hanggang sa ilang araw na lang bago ang expected na pagdating ni Emma, napagdesisyonan kong mag retreat upang mag self-dicern, mag self-examine, mag reflect upang makapag-isip-isip ng tama at manghingi na rin ng sign galing sa taas kung ano ang dapat kong gawing desisyon upang matulungan si Aljun.

Sabado iyon, alas tres lang ng madaling araw noong lihim na gumising ako at dali-daling naligo. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang aking maliit na bag na may nakalagay nang 3 t-shirt, isang pantalon at ilang personal na gamit. Noong handa na akong umalis, ginising ko si Aljun at nagpaalam. Tulog pa si Kristoff kaya inaya ko siya sa sala at doon kami nag-usap.

Sinabi ko muna sa kanya na ipapasundo ni daddy si Kristoff sa umagang iyon at pati na siya upang makalaro ng lawn tennis. Sinabi ko ring hindi ako makasama gawa ng aking lakad. Iminungkaheko sa kanya na ipaalam kay daddy na balak kunin ni Emma ang anak na si Kristoff. Ito ay upang hindi mag-expect ang daddy at ma-disappoint kung sakaling magtagumpay si Emma sa balak niya. At nagpaalam na rin ako.

“A-alis muna ako.” ang malungkot kong sabi.

“Bakit? Saan ka pupunta?”

“M-mag retreat ako boss... sa Franciscan monastery sa kabilang lungsod.”

“B-bakit?” ang tanong niya, bakas sa mukha ang labis na pagtataka.

“W-wala lang. Antagal ko na kayang hindi nakapag retreat. Makapag-isip-isip... makatikim ng preskong hangin at tahimik na ambiance. Iyan kasi ang paboritong retreat venue ng mga magulang ko kapag gusto nilang mag-isip, magmumuni-muni. Mag-eksamin sa sarili.”

Nakita ko naman sa mukha niya ang biglang paglungkot. “A-ako ba ang dahilan kung bakit ka naguluhan?”

“Hindi... ako ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay mo. Dapat simple lang sana ito kung hindi ako dumating sa buhay mo.” Ang sabi kong pinilit na huwag pumatak ang mga luha.

“Dapat labanan nating pareho ang mga pagsubok boss...”

“Nasa akin ang susi ng kaligayahan mo... Kaya kailangan kong maging matatag at makapag-isip-isip, tanungin ang sarili kung ano ang maganda at ikabubuti hindi lang para sa atin kundi para sa lahat...”

“Kailangan mo ba talagang magretreat pa?”

Tumango lang ako.

“M-ahal kita boss...” sambit niya.

Ngunit hindi ko ito tinugon. Tumayo ako sa pagkakaupo at tumalikod. At bitbit ang aking bag, tinumbok ko ang pintuan ng flat at tuloy-tuloy na lumisan, hindi alintana ang luhang pumatak sa aking mga mata.

Alas 8 ng umaga noong nakarating ako sa monasteryo. Ang mga mongheng Paring Franciscan ay namumuhay lamang sa loob ng monasteryong iyon. Contemplative ang tawag sa kanila, cloistered. Iba sila sa mga paring diocesan na aktibong nakikisalamuha sa mga tao, sumasali sa mga sibikong gawain. Samantalang sila ay itinatago ang mga sarili, hindi nakikipag-interact sa mga tao bagamat kapag may gustong mag retreat sa monasteryo nila, may isang bahay na inilalaan sila sa loob ng kanilang compund kung saan may volunteer assistant na nagga-guide kung ano ang gagawin ng mg anagreretreat at tumitingin sa kung ano ang mga pangangailangan ng mga nagre-retreat.

Base sa mungkahe ng nag-orient sa akin, kung maaari daw ay mag ayuno ako sa araw na iyon na siya ko namang ginawa. Hindi ako nag agahan, at sa tanghali, sabaw lang ang ininum ko.

Sa buong araw, wala akong ginawa kundi ang mag-reflect base sa mga naka-schedule na verses galing sa bible. Babasahin ko iyon atsaka ang mga totoong kuwento ng buhay at mga patotoong kuwento na nakakabit sa bawat verses. Nakakaiyak din ang mga kuwentong nababasa ko. At karamihan ay nakakaantig ng damdamin, lalo na ang mga karanasan ng paghihirap, panampalataya, at kung paano nilabanan at hinarap ng mga taong nagkukuwento ang mga pagsubok nila sa buhay at ma-overcome ang mga ito.

Ang isang kuwento na umantig sa aking damdamin ay ang kuwento ng isang European na lalaki na nahiwalay sa kanyang asawa pagkatapos nilang ikasal, dahil sa gyera. Dahil sundalo ang lalaki, isinabak kaagad siya sa frontline, at naiwan ang kanyang asawa. Sa kalagitnaan ng gyera, natalo ang sandatahan ng kanilang bansa at sinakop ito ng mga Russian. Sinira ng mga Russians ang kanilang syudad, ninakaw ang mga ari-arian ng mga tao, at ang mga babae ay ni-rape at pinapatay. Naka-eskapo siya sa karatig na bansa habang ang kanyang asawa ay hindi na niya nakita pang muli. 55 na taon matapos ang gyera, palagi pa rin niyang naiisip ang kanyang asawa. Nanalangin siya n asana ay mahanap niya ito kung buhay pa man. Isang araw habang nagtravel siya, nasiraan ang kanilang sinakyang bus at sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi maayos-ayos ang sira nito. Naisipan niyang pumasok sa simabhan ng Franciscan monastery na malapit lang sa lugar kung saan inayos ang kanilang sasakyan. Sa loob ng simbahan, may napansin siya sa altar: isang linen cloth na may ginantsilyong design na pamilyar sa kanyang paningin.

Pagkatapos ng misa, tinanong niya ang pari kung saan nila nakuha ang cloth na iyon. Alam niya na isang tao lang ang puwedeng makagawa ng ganon kagandang design. Sabi ng pari, ibinigay daw ito sa kanila ng isang matandang babaeng palaging nagsisimba doon ngunit hindi na nila nakikita sa huling mgsa linggong nagdaan. Nagpatulong ang lalaking hanapin ang nasabing babae. At noong mahanap ang tirahan niya, doon niya nalaman na siya nga ang kanyang nawalang asawa. Nakakaawa ang kalagayan ng babae. Nag-iisa, nakaratay sa higaan, walang nag-alaga at masakitin pa. Nagkaroon ng reunion ang mag-asawa bagamat mahigit isang buwan lang ang kanilang pagsasama dahil pumanaw din ang babae. Ang nakaantig ng aking damdamin ay sa ang liham ng babaeng iniwan niya ng sa ilalim ng reblto ng birhen, “Panginoon... hihilingin ko sa iyo na sana, bago ako pumanaw, ay makita ko ang aking asawa... Mahal na mahal ko po siya at kung buhay pa siya, sana ay mayakap at mahagkan ko man lang siyang muli…”

Napaiyak ako sa kwento ng pag-ibig nila. Bagamat matagal silang nagkahiwalay, hindi pa rin nila nalimutan ang isa’t-isa hanggang kamatayan. May inggit akong naramdaman sa wagas nilang pag-iibigan.

Ngunit syempre, lalaki at babae naman kasi sila... At iyan ang lalo pang nagpahagulgol sa akin. Lalaki ako, lalaki si Aljun. Hindi kami puwede...

Sa gabi, kaunti lang ang kinain ko at muli, nag meditate na naman hanggang alas 9 ng gabi. Ang payo ng isang assistant sa akin na kapag daw may hiling ako, o katanungan, o hihingiing sign, pwede daw akong gumising ng hatinggabi at magdasal ng taimtim atsaka buksan malaking bibiyang nasa gitna ng altar ng kapilya. Random lang daw ang pagbukas at isang beses ko lang gawin. At kung ano ang unang mababasa kong verse o verses, iyon na ang sagot sa aking katanungan.

At ginawa ko nga ito. Gumising ako ng hatanggabi, pumunta ng kapilya at nadasal ng taimtim sa harap ng altar. Ikinuwento ko ang hirap ng aking kalooban at na sana ay tulungan niya akong makapagdesisyon ng mabuti; kung ipaubaya ko ba si Aljun kay Emma na kapag ginawa ko, ay siya namang magpapahamak sa buhay ko dahil sa sumpa, o kung ipaglalaban ko siya na kagaya ng sa babaeng nahiwalay sa kanyang asawa na hanggang kamatayan ay ang asawa pa rin niya ang hinangad na makasama.

Nasa harap na ako ng malaking bibliya, at ang naibulong ko bago ko ito bnuksan ay, ““Bahala na po kayo sa akin, Lord. Kung ano man ang mababasa ko sa pagbukas ko sa bibliya, susundin ko ang kung ano man ang nakasaad dito. Kayo na po ang bahala sa akin. Ipaubaya ko sa inyo ang lahat.” At ewan ko rin ba kung bakit biglang sumingit sa aking isip ang mga salitang, “Kapag ang ang sagot ninyo po ay ipaubaya ko na si Aljun kay Emma, at hindi kami magkatuluyan, babalik po ako dito sa inyo. Magmo-monghe po ako…”

Binuksan ko ang Bible at ang lumantad sa aking mga mata ay ang Gospel ni St. Matthew 5:3-10

Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are they who mourn, for they shall be comforted.
Blessed are the meek, for they shall inherit the earth.
Blessed are they who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied.
Blessed are the merciful, for they shall obtain mercy.
Blessed are the pure of heart, for they shall see God.
Blessed are the peacemakers, for they shall be called children of God.
Blessed are they who are persecuted for the sake of righteousness, for theirs is the kingdom of heaven.

Noong mabasa ko ang mga ito, lalo lamang akong napahagulgol. Ang lahat kasi ay purong pagpakumbaba, pagpaparaya. Kaya sumiksik sa aking isipan na iyon na ang sign na hiniling ko; na magpaubaya din ako; na ipaubaya ko si Aljun kay Emma.

At dahil may nabanggit akong gagawin para sa sarili kapag nangyaring hindi kami magkatuluyan ni Aljn, babalik ako sa pook na iyon… upang magpari.

Habang nasa ganoon akong pag-meditate at pag-iyak, napansin naman ng aking mga mata ang nakadisplay na frame sa dingding, ang “Prayer of St. Francis of Assissi”:

Lord, make me an instrument of your peace.
Where there is hatred, let me sow love;
where there is injury, pardon;
where there is doubt, faith;
where there is despair, hope;
where there is darkness, light;
and where there is sadness, joy.

O Divine Master, grant that I may not so much seek
to be consoled as to console;
to be understood as to understand;
to be loved as to love.
For it is in giving that we receive;
it is in pardoning that we are pardoned;
and it is in dying that we are born to eternal life.
Amen

At ilang beses ko pa itong nirecite upang gang bawat kataga nito ay hindi mabubura sa aking isip.

At sumiksik sa isip ko ang kwento ng buhay ni St. Francis, kung saan, kagaya ko, ay isang mayamang pamilya ngunit sa kabila ng kanilang kaarangyaan, pinili niyang talikuran ang yaman at maglingkod sa mga mahihirap at ilayo ang sarili sa maingay, magulo, at materialistic na mundo.

Parang coincidence ba ang lahat at sa monasteryong iyon pa ako dumayo? Kaya, buo na talaga ang isip ko sa aking desisyon. Sapat na ang mga signs na natanggap ko sa reflection na ginawa ko sa aking buhay.

Bago ako umalis, kinausap ko ang puno ng mga monghe at ipinaabot ko ang balak kong pagpasok sa monasteryo.

“Son... I am not going to encourage you to be with us. The monks here are people who have been called to abstain from the worldly things and privileges of life. We are here not of our own volition but of a call which we could not resist. And this call is for us to withdraw from the world and dedicate our lives just for a single undertaking: serve Him through prayer. Kaya mo ba ito?”

“O-opo. Kaya ko po...”

“As I said, hindi kagustuhan natin ang nasusunod sa desisyong pagtahak sa buhay ng isang monghe. Ito ay kagustuhan ng nasa taas. Just continue praying. Dahil kung talagang tinawag ka niya upang pagsilbihan siya... ay makakarating ka dito, come what may. I won’t expect you. I won’t even think that you have talked to me about this. But one day when I see you in front of our doorstep, then I will know that God brought you up here to be with us. Otherwise... kung sa araw ng iyong pagpunta dito ay may kahit na katiting na doubt ka sa sarili mo, huwag ka nang tumuloy. God must have other plans for you.”

“D-decided na po ako father... I think I’ve seen the signs.”

“The signs are there. But our minds are just a speck compared to God’s. Tama ba ang interpreation mo sa signs na ibinigay niya? Hindi natin actually alam dahil may grand design siya para sa lahat. Kasi ang mga mahal natin ay may kanya-kanya ding panalangin. If you decide to be a monk, I’m sure malulungkot ang mga taong nagmamahal sa iyo. Kaya mo ba silang iwanan? Baka ang mga panalangin nila ay na sana magbago ang isip mo at makapiling ka pa rin nila? Paano kung pagbibigyan din ang kanilang kahilingan?”

Hindi ako nakaimik.

“Nagawa mo ba ang desisyon na iyan dahil nabigo ka sa pag-ibig?” and deretsahan niyang tanong.

Mistula din akong nabilaukan sa tanong niyang iyon. Hindi ko nasagot.

“Pwes, ang monasteryo ay hindi kupkupan ng mga taong sawi sa pag-ibig...”

“H-hindi naman po siguro sawi father... gusto ko lamang pong ipaubaya ang taong mahal sa isang taong nararapat para sa kanaya... sa isang babaeng nagkaroon siya ng anak, upang pakasalan niya; upang mabuo ang kanilang pamilya. And I see it as a sign; that this is the place where God wants me to be.”

“Well... we will never really know. But as I said, you pray. And pray hard; because it’s when we pray the hardest that He leads... and we follow.”

Noong makauwi na ako sa flat, isiniwalat ko kay Aljun ang aking desisyon. “Boss... nakapag-decide na ako... ipaubaya na kita kay Emma. At gusto kong magpakasal kayo pagdating niya.” Ang nasambit ko.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa pagkasabi ko sa mga katagang iyon. Iyon bang feeling na gustong-gusto mong huwag lumayo ang isang taong mahal ngunit dahil naintindihan mo ang sitwasyon na siya ay hindi nararapat sa iyo; na may ibang taong mas may karapatang magmamay-ari sa kanya, ay ipaubaya mo na siya sa kabila ng pagdurugo ng iyong puso.

“Ha???!” Bakit??? Bakit mo ako ipaubaya sa kanya? Wala naman akong sinabing pkasalan ko siya ah!” ang gulat na nasabi ni Aljun.

“Boss... alam ko naman na may pagmamahal ka pa sa kanya. At ok lang sa akin. Tanggap ko na ito. At upang maging normal din ang takbo ng lahat sa buhay mo, sa buhay ni Kristoff.”

Yumuko si Aljun. Napansin ko ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata at bumagsak sa sahig.

Niyakap ko siya, sinuyo.

Niyakap na rin niya ako. Mahigpit. “M-ahal kita boss... Mahal na mahal.” ang nasambit lang niya.

“Mahal na mahal din kita boss... Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. At kung bakit ko ginawa ito… dahil sobrang mahal kita boss, at si Kristoff. Ayaw kong magiging hadlang sa kaligayahan ninyo. Ayokong sa kabila ng aking kaligayahan ay may mga taong masisira ang buhay, madadamay. Kaya handa akong magpaubaya upang lumigaya ka, lumigaya kayong mag-ama, magiging normal ang inyong pamumuhay... Hindi ako ang taong nararapat para sa iyo Boss. Kagaya ng pagkapanalo ko sa iyo sa paraffle na may taning na oras, ngayon ko napagtanto na ganoon din lang ang pag-ibig ko sa iyo; panandalian, may taning... isang papremyo nga lang ito.”

Nanatili pa rin kaming nagyakap, hinahaplos-haplos niya ang aking likod. “P-aano ang sumpa? May mangyaring masama sa iyo...?”

“Kung sakaling mamatay man ako dahil sa sumpa, malugod kong tatanggapin ito, dahil sa pag-ibig ko sa iyo. Ngunit hindi ako na ako natatakot boss... dahil ang payo sa akin ng isang mongheng pari, na kapag malinis ang aking hangarin, kapag malinis ang aking puso, at ipinaubaya ko lang lahat sa maykapal, wala akong dapat na ikatakot dahil sasagipin ako ng aking pananampalataya. Iyan ang sandata ko laban sa sumpa, kung mayroon man nito.”

“Paano ka? Ano ang mangyayari sa iyo?”

“Huwag kang mag-alala, boss. Papasok ako sa pagkamonghe at ilaan ko ang buhay ko sa pagpupuri sa kanya, sa isang secluded na lugar, sa monasteryo. Naramdaman ko, ito ang nakatadhna para sa akin boss... B-baka ito rin ang panlaban sa sinasabing sumpa. O baka rin ito nga ang sinasabing trahedya; kamatayan ng pag-ibig ko sa iyo...”

Pagkatapos naming mag-usap, tinawagan ko ang mommy ko at isiniwalat ko ang lahat ng problemang aming kinaharap ni Aljun.

Batid kong matindi ang kalungkutan ng mommy ko sa nangyari sa akin. Syempre, sa isang ina, ramdam din niya ang sakit na nararamdaman ng anak. Lalo pa’t kaisa-isang anak ako. At lalo na noong ipinaalam ko na sa kanya ang aking desisyon: ang pagpasok ako sa monasteryo.

“Anak... sigurado ka ba sa desisyon mong iyan?”

“Opo mommy. Nakapagdesisyon na po ako.” Ang sagot ko, pinilit ang sariling huwag iparamdam ang pighati ng aking puso.

At narinig ko na lang na nag-iiyak na ang mommy ko. “H-hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko anak. Naramdaman ko ang sakit na naranasan mo ngayon ngunit sana... huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mong pumasok sa manasteryo. Paano na lang kami ng papa mo? Maaatim mo bang sa pagtanda namin ay...” Hindi na naituloy ng mommy ko ang sasabihin gawa ng pag-iyak niya.

Syempre, pakiramdam ko ay piniga ang aking puso sa narinig na pag-iiyak ng mommy. Hindi ko rin tuloy napigilan ang papatak ng aking mga luha.

“Anak... isipin mo munang maigi iyan please...”

“O-opo... opo mom.” Ang nasabi ko na lang upang mahinto na ang kanyang pag-iyak bagamat buo na talaga ang aking desisyon. At ang pumasok na lang sa isip ko ay ang ilihim sa kanya ito. “Huwag mo na lang munang sabihin kay daddy mommy ha?” Ang nasambit ko upang hindi na sila mabulabog pa. Pakiramdam ko kasi ay magwawala ang daddy kapag nalaman niyang papasok ako sa monasteryo at masakit ito sa kalooban ng mommy.

“S-sige anak. Hindi ko sasabihin. Basta huwag kang padalos-dalos. Pag-isipan mo ng maraming beses anak...”

“Opo mommy.” Ang sagot ko. “K-kumusta pala ang papunta nila d’yan ni Aljun at Kristoff?” Ang naitanong ko, paglishis sa topic.

“Hayun... masaya naman ang bata. Masayang-masaya na naman ang daddy mo na nagkita sina Kristoff...” Natahimik sandali si mommy. “P-paano na lang iyan kapag nasa mama na niya si Kristoff? E di malulungkot ang daddy mo kapag hindi na niya makikita ang bata? Sayang naman... At kapag papasok ka pa sa monasteryo...” at muli, napaiyak na naman si mommy.

“Huwag nap o kayong umiyak mommy please…”

“Hindi ko mapigilan anak. Kaya ipangako mong huwag kang padalos- dalos sa iyong desisyon…”

“O-opo mommy. A-alam na kaya ni daddy ang problema ni Aljun?” ang paglihis ko muli sa topic.

“Palagay ko... kasi pagkatapos nilang maglaro, matagal silang nag-usap at masinsinan ito. At pagkatapos nilang mag-usap, pansin ko ang matinding lungkot sa mukha ng daddy mo.”

“Wala namang nabanggit kung ano ang maitutulong niya kay Aljun?”

“Wala naman...”

“Kaya huwag nyio na lag pong banggitin ang tungkol sa naisip kong pagpasok ng monasteryo mommy ha?”

“O-oo anak...”

Dumating ang takdang araw ng pagdating ni Emma. Palapit na palapit na rin ang graduation ni Aljun. Ramdam ko ang pagiging tensyonado na ni Aljun.

Ako, dahil kinokondisyon ko na tanggapin ang lahat, pinilit kong ipakitang kaya ko, na matatag ako, na handa na ako, tanggap ko na. Marahil ay nakakatulong din sa akin ang pagretreat at ang sagot sa mga katanungan ko tungkol sa aming sitwasyon. Ang tanging kunswelo ko na lang ay ang makitang buo na ang kanilang pagsasama, isang pamilya kung saan may mama at papa si Kristoff na magsama sa isang bubong.

Gabi kinabukasan, binisita kami ni Emma sa flat ko. Mapapansin na ang bahagyang paglaki ng kanyang tiyan. May apat na buwan na kasi iyon.

“Aljun... pwedeng kaming dalawa lang ni Jun ang mag-usap?” ang pakiusap ni Emma kay Aljun. Alam naman kasi ni Emma ang tungkol sa amin ni Aljun. Ang relasyon namin ay hindi ito itinago ni Aljun sa kanya.

Agad namang dinala ni Aljun si Kristoff sa labas ng bahay. Narinig kong umandar ang motorsiklo. Ipinasyal marahil ni Aljun ang anak sa plaza.

Noong kaming dalawa na lang ni Emma ang naiwan, nagsalita siya. “G-gusto kong manghingi ng paumanhin sa iyo Gener... alam kong mahal mo si Aljun at mahal ka rin niya. Sinabi iyan ni Aljun sa akin. Nainggit ako sa iyo kasi... bagamat ganitong klaseng relasyon ang nabuo sa pagitan ninyo, ipinagtanggol ka pa rin niya, hindi niya ikinahiyang aminin sa akin at sa mga tao na ang mahal niya ay isang... lalaki. Ngunit mahal ko rin kasi siya... at may anak kami at madagdagan pa ito sa darating na Hulyo. Kaya kahit na naawa ako sa iyo, kailangang magkaroon ng ama ang aking mga anak… At maraming salamat at nagpaubaya ka. Sinabi sa akin ni Aljun na wala kang kinikimkim na galit sa akin, at tanggap mo ang lahat.” ang paliwanag ni Emma.

Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti. “Kayo naman talaga ang nararapat sa isa’t-isa eh. Nauna ka sa buhay niya, may mga anak kayo, at sino ba ako upang humadlang sa isang napakagandang hangaring buuin ang isang pamilya... isang pangarap na magbigay ng ligaya at pag-asa sa mga inosenteng bata. Kaya dahil dito, handa akong magpaubaya.”

“Napakabait mo Jun. Gusto kong sana… ay maging magkaibigan tayo. Hindi ako nagsisi o ni nagselos na ikaw ang minahal ni Aljun kasi naramdaman kong mahal na mahal mo siya pati na rin si Kristoff. Hanga ako sa ipinamalas mong kabaitan.”

Hindi na ako umimik. Nagustuhan ko ang mga sinasabi niya, bagamat may dulot pa rin itong sakit para sa akin.

“At dapat ikaw ang best man ni Aljun sa kasal namin ha?”

Na sinagot ko naman ng, “O-oo. Oo. Walang problema sa akin.

At iyon ang takbo ng usapan namin ni Emma. Noong nakabalik na sina Aljun at Kristoff, siya namang pagpapalan ni Emma na aalis na. Dahil may motorsiklo naman kami at nagtaxi lang si Emma, nagpaalam sa akin si Aljun na ihatid na si Emma.

Sumang-ayon naman ako. Hinikayat ko pa si Kristoff na sumama upang kahit papaano, maka-bonding din niya ang mama niya.

“Ayaw ko papa Jun. Sasamahan na kita dito.” Sagot ni Kristoff.

“Ay... may pupuntahan ako, kaya sama ka na sa papa mo.” Ang pag-aalibi ko.

“Sasama na lang ako sa iyo papa Jun. Sa iyo ako sasama.”

“Bawal ang mga bata sa pupuntahan ko. Hindi pwede.”

“Bakit? Saan ka ba pupunta?”

“Ah, basta... sumama ka sa papa mo.” Ang paggigiit ko pa.

“Kristoff! Huwag makulit kay papa Jun! Halika, sama ka na lang dito.”

Nilingon ako ni Kristoff, nagdadabog na tila galit sa akin sabay sabing, “Mamaya... iiwanan mo na naman ako...!” pahiwatig niya noong iniwan ko siya sa bukid at noong umalis din ako papuntang monasteryo.

“Hindi na! Hindi na! Promise...” sagot ko.

“Basta papa Jun ha? Huwag mo kaming iwanan. Promise mo iyan.”

“Oo na... Promise ko iyan. Sige, sama ka na sa papa mo.”

Napilitan man, wala nang nagawa pa ang bata kundi ang tumakbo patungo sa kanyang papa. Inabot ni Aljun ang bata, inangat at ipinuwesto sa harapan niya.

Noong makaupo na, nilingon ako ni Kristof sabay sigaw ng, “Papa Jun, dadalhan ka namin ng siopao ni papa! Antayin mo kami ha?” ang walang kamuwang-muwang na sigaw ng bata atsaka umarangkada na ang motorsiklo.

Binitiwan ko ang pilit na ngiti. Alam ni Kristoff na paborito kong kainin ang siopao. At lalo na si Aljun, naalala ko ang mga pinaggagawa namin kapag dinadalhan niya ako ng siopao.

Habang nakatayo ako sa may pintuan, sinundan ng tingin ko ang papalayong motorsiklo. Si Aljun ang nag-dala sa motor, si Kristoff ay naka-front ride habang si Emma naman ay nakaangkas sa likuran ni Aljun. Napag-isip-isip ko, perpektong larawan ng isang masayang pamilya. Isang ama, isang ina na may dinadala pa sa sinapupunan, at isang panganay na anak. Napakagandang simbolismo ng isang buo at matatag na pamilya.

Napako ang aking mga mata sa kanila habang unti-unting nawala sa aking paningin ang imaheng iyon. Hindi ko namalayan, umagos na pala ang luha sa aking mga mata.

Mahigit tatlong oras na ang nakalipas ngunit hindi pa sila dumating. Habang hinihintay ko angkanilang pagdating, hindi ko naman maiwasan ang hindi sumagi sa isip kung ano ang ginawa nila, kung saan sila nagpunta, at kung gaano marahil sila kasaya na sa unang pagkakataon, buo silang parang isang tunay na pamilya na talaga.

Masakit ngunit ganyan talaga ang buhay. May mga bagay-bagay sa buhay na hanggang tikim ka na lang. Mayroong mga bagay-bagay na hanggang tingin ka nalang. May pag-ibig na pangmatagalan. May pag-ibig na panghabambuhay. May pag-ibig na panandalian. At may pag-ibig din na hindi naipadama. Pero kahit papaano, dapat pa rin akong magpasalamat dahil bagamat hanggang tikim lang ako at panandalian lamang ito, naipadama ko ito… at kahit papaano, ay naranasan ko kung paano ang magmahal. Sabi nga nila, “It’s better to have loved and lost, than not to have loved at all...”

Masakit. At marahil iyon na nga ang trahedya ng sumpa sa buhay ko; ang mamatay ang aking pag-ibig ngunit sa pagkamatay nito, ay sisibol ang kapayapaan ng aking puso, at panloob na kasiyahan sa buhay… sa loob ng monasteryo.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment