Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (19 & 20)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 19
Busy akong nag-aaral sa kwarto ko para sa isang madugong recitation bukas. Naging maayos naman ang lunch namin ni Syd. Hindi siya nag-open up about sa mga recent developments sa amin. Parang old friends lang na nagkita ulit after a long time. Kaya medyo hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayong gabing ito. Sa katunayan, masaya ako na nabalik na kahit papaano si Syd sa akin at nandyan din naman si Pol. Hindi pa nga pala nagtetext yun simula kanina. Ano kayang nangyari kay Pol?
'Knock, knock.', ang sabi ng pamilyar na boses pagtapos niyang buksan ng marahan ang pinto.

'Pol! Come in.', ang aya ko sa kanya sa loob.

'I've something for you.', ang pag-abot niya sa akin ng isang box ng brownies.


'Aww. Thanks. Ano nangyari sa'yo kanina? May emergency ba?', ang pag-aalala ko.

'Wala naman. Si Tom kasi biglang pumunta sa school. Sorry?', ang sabi niya.

'Okay lang. Wala yun.', sagot ko.

'So, how's your day? Na-miss mo ba ako?', ang paglalambing niya.

'Shut up. I went out with Syd.', ang pagsasabi ng totoo.

'Ah.', ang pagsimangot niya.

'Bakit sad?', ang sabi ko habang lumalapit sa kanya.

'Nothing. Baka makalimutan mo na ako ha.', ang malungkot niyang sabi.

'Hindi no! Ano ka ba. Di mangyayari yun. Masaya lang ako na okay na kami ni Syd. Well, kahit papano. At nandyan ka din sa tabi ko.', ang medyo natatawa kong sagot.

'Wul, sino ba sa amin?', ang seryoso niyang tanong.

***
Hindi ako pinatulog ng tanong na iyan ni Pol. Kelangan ko ba talagang mamili? Paano kung si Pol ang piliin ko? E kung si Syd? Paano kung wala akong piliin sa kanila? Mahal ko si Syd. Mahal ako ni Pol. Either way, may isang masasaktan sa kanilang dalawa. Pag hinayaan kong ganito, parehas silang mahihirapan. Hay.

Kinabukasan sa school, lutang ang isip ko. Bukod sa hindi ako nakatulog, binabagabag ako ng kung ano ang dapat kong gawin.

'Wul, lunch later?', ang bati ni Syd.

'Ha?', mistulang di ko naintindihan ang sinabi niya.

'Okay ka lang ba? Later ha, lunch ulit tayo.', ang nakangiti niyang sabi.

'Okay...', ang di ko natapos na sagot.

'Yay. Thank you.', at tumalikod na siya at bumalik sa upuan niya.

Ang labo. Ang sasabihin ko dapat ay, 'Okay lang ako. Wag muna tayong mag-lunch together dahil kailangan kong mapag-isa para makapag-isip.'. Bahala na nga. Tinext ko agad si Pol na nagyaya ulit si Syd ng lunch at hindi muna kami magsasabay.

'K.'

Nainis ako sa reply niya. Alam naman niyang sa lahat ng ayaw ko e yung magrereply ng 'K'. Hindi na ako nagreply.

Ang daming pinagawa sa class ko ng umaga. Kaya naman hindi ko na namalayan ang oras.

'Let's go?', ang aya ni Syd.

'5 minutes. Tapusin ko lang 'tong paper ko. Wait for me in the lobby?', ang sagot ko.

'Alright.', at lumabas na siya ng room.

Naglunch kami sa isang fastfood chain sa labas ng school. Napansin niyang matamlay ako.

'Wul, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik dyan e.', ang pag-aalala niya.

'Yup. Don't worry.', ang nakangiti kong sagot sa kanya.

Sinubukan kong itago ang pagiging balisa ko. Naging okay naman. Ang dami na naman naming napag-usapan tulad kahapon.

'What? Naalala mo pa yun? Nakakahiya.', ang natatawa kong sabi sa kanya nang ipaalala niya sa akin nung nadulas ako sa mall dati.

'Oo. Sino ba naman ang makakalimot dun?', natatawa din niyang sabi.

'Sabagay. Good old times.', ang nakangiti kong sabi.

Uminom ako ng softdrinks na hindi ko maubos-ubos sa kakatawa. Medyo relieved ako kahit papano. Buti na lang at maganda ang mga memories naming dalawa ni Syd. Nag-ring ang phone ko. Si Pol ang tumatawag pero hindi ko sinagot.

'O bakit di mo sagutin? Sino ba yung tumatawag?', ang tanong niya sa akin.

'Wala. Si Pol yun.', ang sagot ko.

'Wul.', ang biglang seryosong tawag sa akin ni Syd.

'O? Bakit bigla kang sumeryoso dyan?', ang natatawa ko pa ding tanong sa kanya.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko na panandaliang nawala dahil sa pagre-reminisce namin ni Syd dahil sa kanyang sumunod na sinabi.

'Wul, sino ba sa amin?'

***
Pressure much? Hay. Ang hirap nga naman ng naka-hang ang isang relasyon mo sa dalaawang tao. Ang hirap mabuhay sa akala at baka sakali. Dapat may kasiguraduhan. Mahirap mag-assume dahil masakit yun kapag hindi nagtugma ang assumption mo sa reality. Kelangan ko munang mapag-isa. Iyan lang ang tingin kong makakatulong sa akin. Hindi ko magagawang magdesisyon kung nandyan silang dalawa at aali-aligid.

Umuwi ako sa bahay na ang layo ng iniisip. Around past 8pm na din yun. Bumalik pa kami ni Syd sa school after namin kumain dahil may klase pa kami. Sinabihan ko na siya na huwag muna kaming mag-usap ng mga ilang araw. In-explain ko sa kanya ang dahilan at mahinahon naman niya itong tinanggap. Pumasok na ako sa aking kwarto at binuksan ang ilaw.

'Ay, kapre!', halos mahulog ang puso sa gulat.

Nakaupo si Pol sa may bintana. Nakasimangot itong nakatingin sa akin.

'Can you not enter my room when I'm not around?! Gusto mo yata akong patayin sa gulat e.', at ibinagsak ko ang aking bag sa kama.

'So how's LUNCH?', ang sarcastic niyang pagtatanong habang nagbibihis ako.

'What's with the tone? Wag ka ngang ganyan. I had a rough day, okay?', ang inis kong baling sa kanya.

'Nagtatanong lang naman ako, masama ba?', ang patuloy niyang pagiging sarcastic.

'Hindi. i just don't like your tone. Parang sinasabi mong bawal akong kumain kasama ang iba maliban sa'yo.', ang dire-diretso kong sabi.

'Hindi naman. Kaso bakit kelangan kayong dalawa lang?', ang naiinis niyang tanong.

'Umuwi ka na nga.', ang pagtaboy ko sa kanya.

'Ayoko. Dito lang ako.', ang sabi niya at humiga siya sa kama.

'Hindi. Kelangan mo nang umuwi. Kelangan ko muna mapag-isa!', sabay hatak sa kanya patayo sa kama.

Tumayo naman siya ngunit laking gulat ko sa mga sumunod na nangyari.

'Bakit?! Pupunta siguro si Syd dito no? Kaya ayaw mong nandito ako! Simula nang kausapin ka ulit niyang lalaking iyan, nabawasan na ang oras mo sa akin. Sabihin mo na lang kasi na siya na talaga ang gusto mo para hindi na ako parang aso dito sa tabi mong umaasa!', ang sigaw ni Pol sa akin.

'Bakit ba ganyan ka mag-isip? Ako lang ba ang nabawasan ang oras?! E 'yang Tom mo. Kung makatingin sa'yo, akala mo pag-aari ka niya.', ang sigaw ko din sa kanya.

Hinawakan niya ako sa aking mga braso.

'Sino ba talaga sa amin? Sagutin mo!', ang galit na tanong ni Pol.

'Hindi ko alam!! Huwag mo akong i-pressure. Hirap na hirap na ako! Bakit ba kasi ako?! Ang dami namang iba diyan na mas guwapo, mas babagay sa'yo!', ang tuluyan kong pagbe-breakdown.

'Hindi lang ikaw ang nahihirapan! Ang hirap sa'yo feeling mo sa'yo lang umiikot ang mundo! Ginawa ko ang lahat, Wul, para mahalin mo din ako pero obvious naman kung sino pa din yang nasa puso mo e.', ang huling mga sinabi niya at umalis na.

Ang sakit ng mga sinabi niya pero hindi ko na siya hinabol. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw na ito para dagdagan ko pa. Tinext ko na lang siya.

'Give me a few days off. Kailangan ko muna ng time para sa sarili ko. Para makapag-isip isip.'

Wala akong nakuhang reply. Sinubukan kong tawagan pero out of coverage ang number niya.

***
Lumipas ang mahigit isang linggo nang wala akong kinikibo sa kanila. Nabigyan ko na ng time ang sarili ko para magmuni-muni. May kinahinatnan naman ito dahil ngayon handa na akong harapin at sabihin sa kanilang dalawa kung sino ang pinili ko. Nawi-weird-uhan ako. Hindi ko maisip na hahantong ang lahat sa ganito. Pero wala tayong magagawa. Puso ang pinairal e.

Hindi talaga maiiwasang may masaktan. Pero kailangan ko nang magdesisyon dahil mas madami ang masasaktan kung ipagpapatuloy ko ang ganito. Gusto ko na ding sumaya. Gusto ko na ding makasama ang taong sa tingin ko ay magpapaligaya sa akin.

Ngayong araw na ito, lalabas ako at pupuntahan ko ang taong pinili ko. 





Part 20
 Hindi madaling tinanggap ni Pol ang kagustuhan kong mapag-isa muna. He stormed out of my room after naming magsagutan. Dinibdib niya ang lahat. Feeling niya siya ang talunan. Naging laman si Pol ng isang bar nang mga gabing hindi kami nag-uusap. Palaging lasing kung umuwi.
'One more glass please.', ang sabi ni Pol sa bartender.

At nilagyan naman ng bartender ng alak ang baso niya.

Laging mag-isa. Matamlay sa klase at sa bahay. Wala siyang kinakausap. Sinarili niya ang problema niya dahil sa tingin niya ay wala namang makakatulong sa kanya.

Nagpasya na siyang umuwi around 7pm pa lang dahil kanina pa siyang 5pm sa bar and resto na ito sa may Makati. Nag-taxi na lang siya dahil sa sobrang hilo. Sa lahat ng mga gabing nasa labas siya, ngayon lang niya nadatnang gising si Tom dahil 7.30pm pa lang naman nang makarating siya sa kanila. Halos kakatapos lang ng dinner. Lagi kasi itong isinasama ng parents niya sa mga lakad nila sa umaga kaya walang night life dahil sa pagod na din. Inalalayan siya nito paakyat sa kwarto nang mapansing lasing ito.

'There you go.', ang sabi niya nang finally ay nasa kama na si Pol.


'Can you get me a glass of water?', ang pakiusap ni Pol.

'Alright.', at lumabas si Tom ng kwarto.

'Bakit ba kasi hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay Syd?', iyan ang tanong ni Pol sa sarili niya.

Matagal siyang nakatulala. Ang higa niya ay hindi masyadong maayos at nakatalikod sa pintuan. Pumasok na ulit si Tom dala ang isang baso ng tubig.

'Here.', ang maikling sabi ni Tom.

Bumalikwas siya at nahulog sa kama.

'OW!', ang pagdaing ni Pol.

Inilapag ni Tom ang tubig sa table at agad siyang nilapitan at tinulungang makaupo.

'May masakit ba?', ang tanong ni Tom nang nakaupo na sila sa sahig sa gilid ng kama.

Nakatingin lang si Pol sa kanya. Ang mga luha ay nangingilid.

'Meron. Ito o.', ang sabi niya sabay suntok sa sariling dibdib.

Niyakap naman siya agad ni Tom at siya naman ay sumandal dito.

'Oh, dear. It will be alright. I'm here. Shhh.', ang masuyong sabi ni Tom.

Ikinwento ni Pol ang mga nangyayari - kung paanong siya ay nasa isang laban ng pagmamahal. Hinawakan niya ang mukha ni Pol at itinapat ito sa kanya.

'You don't have to be sad and lonely, Pol. That's the least thing I want you to feel. That's why I'm here.', ang sabi ni Tom habang nakatitig sa mga lumuluhang mata ni Pol.

***
Hindi mapakali si Syd sa halos mahigit isang linggong hindi namin pag-uusap. Araw-araw kaming nagkikita pero hanggang ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya. Nang araw na nagpasya na akong magdedesisyon na ay anxious si Syd. Wala silang idea na ngayon ko gagawin ang pagpili pero parang nakaramdam si Syd. After class ay umuwi siya agad at nagkulong sa kwarto.

Maaga pa nang umuwi siya. Around 5pm pa lang. Nakaupo lang siya sa may bintana at nakatingin sa kawalan. Hindi na niya kaya ang paghihintay. may pakiramdam siyang hindi siya ang pipiliin ko. Pero ayaw niyang sumuko. Sinubukan niya akong tawagan pero nakapatay ang cellphone ko.

'Bahala na.', ang nasabi ni Syd sa sarili.

Nagdesisyon siyang puntahan ako sa bahay at ipaglaban na dapat siya ang piliin ko. Inabot din siya ng mahigit isang oras sa pagdedesisyon. Medyo malayo ang lugar nila sa amin kaya naman nagmadali itong mag-ayos ng sarili at umalis.

'Pa, pahiram ng kotse ha. May importante lang akong pupuntahan.', ang sabi ni Syd sa Papa niya pagbaba ng kwarto sabay kuha sa susi na nakapatong sa table.

Wala nang nagawa ang Papa niya kung hindi ang pumayag.

Habang on the way papunta sa amin, kinakalma ni Syd ang sarili dahil sa anxiety na unti-unting tumatalo dito.

'Ikaw ang mahal ni Wul, Syd. Ikaw ang pipiliin niya. Matututunan mo din siyang mahalin. Mahalaga siya sa'yo.', ang mga paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang nagda-drive.

Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nakarating si Syd sa bahay namin. Nagpark siya sa gilid ng street at tinahak ang gate. Nag-door bell at pinagbuksan naman siya ni Mommy.

'Oh, Syd. Kamusta?', ang gulat na sabi ni Mommy dahil past 7pm na din iyon.

'Okay lang po. Nandyan po ba si Wul?', ang tanong niya.

***
Akala ko ay hindi matutuloy ang balak kong pagpunta sa taong pinili ko dahil sa dami ng mga requirements kelangan kong tapusin. Ayokong hayaan na maapektuhan ng personal life ko ang pag-aaral ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang malapit nang mag-6pm. Kaninang 4pm pa ang uwian ko pero dahil nga sa daming ginagawa ay nasa library pa din ako. Patapos na ako sa ginagawa ko at pauwi na sa ilang minuto.

Mabilis naman akong nakauwi. Wala pang isang oras ang biyahe ko at dumating na din ako sa bahay. Naligo at nagbihis lang at lumabas uli.

'O, anak. Malapit na mag-dinner. Aalis ka pa?', ang sabi ni Mommy sa akin.

'Yes, Mom. Babalik din agad ako.', ang sagot ko sabay halik sa pisngi niya.

Palabas na ako ng gate nang narinig ko ang tanong ni Mommy.

'Saan ka ba pupunta? Ingat, anak.', sabi ni Mommy.

'Kina Pol po!', ang sigaw kong sagot sabay sara ng gate.

***
'Nako, hijo. Halos kakaalis lang ni Wul. Mga 15-20 minutes ago.', ang sagot ni Mommy kay Syd.

'Ah. Ganon po ba? Nasabi niya po kung saan siya pupunta?', ang magalang na niyang tanong.

'Nako, kahit di naman sabihin nun, alam ko na naman kung saan pupunta yun. Pero oo, sinabi niya na pupunta daw siya kina Pol.', ang magiliw na sagot ni Mommy.

'Ah. Sige po, thank you po, Tita.', ang sabi ni Syd habang pinipigil ang sariling umiyak.

'Pasok ka muna. Antayin mo na lang siya dito sa loob.', ang aya ni Mommy.

'Hindi na po. Itetext ko na lang po siya.', tugon ni Syd.

'O sige, hijo. Ingat.', ang sabi ni Mommy bago isara ang pinto.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Syd pagtalikod sa bahay namin. Pinuntahan niya ang kotse ng Papa niya. Ang sakit ng naramdaman ni Syd. Na-gets na niya kung sino ang pinili ko. Malinaw naman na wala muna akong kakausapin sa kanila pero ngayong nalaman niyang papunta ako kina Pol, alam na niyang si Pol ang pinili ko. Ang taong magmamahal sa akin. Ang taong alam kong magpapaligaya sa akin ay si Pol at hindi si Syd. Sinipa niya ang gulong ng sasakyan dahil sa sobrang frustration na nadarama niya ngayon. Pumasok siya sa loob ng kotse at doon umiyak. Inuntog ang ulo sa manibela at sinabing,

'Ang tanga tanga mo, Syd! Ang tanga-tanga mo!'

Ang hirap tanggapin para kay Syd na ang taong nagmahal sa kanya ay pumili na nang iba. Hindi niya ako masisi dahil may nagawa siyang mali. Kahit na alam niyang dehado siya sa simula pa lang ay hindi siya sumuko dahil sa pag-aakalang mananaig ang pagmamahal ko sa kanya. Pero naisip ni Syd na marahil ay tama si Pol na ang pagmamahal ay nauubos din lalo na kung di ito inalagaan. Sinisi niya ang sarili niya sa kabiguan niya. Walang tigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Na-realize na niya ngayon ang sakit na naramdaman ko nung ako ang nasa position niya.

***
After 20 minutes lang ay nasa subdivision na ako nina Pol. Kinakabahan ako. Alam kong tama naman itong desisyon ko. Safe kung maituturing dahil mas pinili ko ang taong nagmamahal sa akin kesa sa taong mahal ko.  Kahit papaano naman ay may puwang na si Pol sa puso ko na para sa kanya lang. Mahal ko na din naman siya e. Mas matindi nga lang yung kay Syd. Pero willing na akong i-let go si Syd kapalit ng pagmamahal ni Pol. Naisip ko kasing siguro panahon na para ako naman ang sumaya, para ako naman ang mahalin.

'Manong, dito na lang po.', ang sabi ko sa taxi driver at nagbigay na ng bayad.

Bumaba na ako at nag-doorbell. Pinagbuksan ako ng katulong nila Pol.

'Hi, Sir Wul.', ang bati sa akin ng maid.

'Hello. Si Pol?', ang bati ko.

'Nasa taas po. Akyat na lang po kayo.', ang sabi niya.

Marahan naman akong umakyat patungo sa room ni Pol. Hinawakan ko na ang door knob, nagpakawala ng isang buntong hininga at binuksan ang pinto.

***
'You don't have to be sad and lonely, Pol. That's the least thing I want you to feel. That's why I'm here.', ang sabi ni Tom habang nakatitig sa mga lumuluhang mata ni Pol.

'Thank you.', ang halos bulong na sagot ni Pol.

Unti-unting inilapit ni Tom ang mukha kay Pol at sinabing,

'Please be mine again.'

Tuluyang naglapat ang mga labi nila. Marahan at masuyo ang halik na ibinigay ni Tom kay Pol. Ngunit naging mapusok ito nang sinimulan ni Tom na i-unbotton ang suot na polo ni Pol. Nagpadala si Pol sa init na nadarama niya at hinatak si Tom sa kama. Naging mainit ang mga sumunod na tagpo. Parehas nang walang saplot ang dalawa at pinagsasaluhan ang mapanuksong tawag ng laman.

Ngunit natigilan sila at natauhan nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko ma-explain ang initial kong naramdaman sa eksenang nakita ko. Si Pol at si Tom ay parehas na nakahubad sa kama ni Pol. Para akong istatwang napako sa aking kinatatayuan. Wala na akong luhang maiiyak.

'Sorry. Get back to business.', ang wala kong emosyon na sagot.

Isinara ko ang pinto at marahang naglakad pababa. Hindi ko maintindihan ang nakita ko. Bumibilis ang mga lakad ko palabas sa bahay nina Pol.

***
Pagkasara ko ng pinto ay agad namang nagbihis si Pol at lumabas. Sinubukan siyang pigilan ni Tom.

'Pol! Sinaktan ka niya! Don't run after him.', ang sabi ni Tom habang hawak ang braso ni Pol.

'No! Mahal ko siya, Tom. Wag mo na akong pigilan.', ang sagot naman ni Tom.

'How about me?', ang tanong ni Tom.

'Matagal nang tapos ang lahat sa atin, Tom. You took advantage of me tonight. I will let it slip pero please, wag mo na akong pigilan!', ang sabi ni Tom at lumabas na siya ng kwarto.

Halos madapa na si Pol sa pagtakbo palabas ng bahay dahil medyo nahihilo pa din siya.

'Wul!', ang tawag niya sa akin ng nakita niya ako.

Hindi ako lumingon. Tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subdivision nila.

No comments:

Post a Comment