by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 17
Nagbabasa ako ng libro nang may kumatok sa aking pinto.
'Pasok.', ang sabi ko.
Si Pol ang pumasok at may dala-dalang pagkain galing sa isang fastfood chain.
'O, sabi ko diba wag ka na mag-abala pang pumunta dito at kelangan mo
nang magpahinga.', ang sinabi ko sa kanya habang tinabi ko ang libro at
inayos ang kama.
'Ano nangyari sa mukha mo?!', laking gulat ko nang mapatingin na ako sa kanya.
Ibinaba niya ang dala niya at umupo sa may gilid ng kama. Walang imik.
Tumayo ako sa harapan niya at tiningnan ang malaking pasa sa may kanang
mata.
'Nagkita kami ni Syd kanina sa school.', ang mahinahon niyang sabi.
'Ano bang iniisip mo? Bakit mo pinatulan yun? Hay. Kahit kelan talaga
yung lalaking yun napakamainitin ng ulo.', ang sabi ko habang sinisipat
ang pasa niya.
'Ow. Wag ka na magalit. Ang yabang kasi niya e. Nasampolan ko din naman siya e.', ang sagot ni Pol.
'Wag mo nang ulitin 'to ah.', ang sabi ko sa kanya.
'Oo. Wag lang ulit siyang magyayabang sa akin.', tugon ni Pol.
'Pol.', ang tangi kong sinabi na na-gets naman niya kung anong ibig kong sabihin.
'Sige na. Hindi na 'to mauulit.', ang pagpapakumbaba niya.
***
Nakabalik na ule ako sa school pagkatapos ng tatlo pang araw na bed rest
sa bahay. All cleared na ako ayon sa doctor ko dahil wala naman naging
complications sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan
ko pagpasok ko. Pero naging masyadong maasikaso sa akin ang mga kaklase
ko pati na din ang ibang mga professors. At syempre, si Syd hindi
nawala sa tabi ko habang nagkaklase kami. Maya't maya ang pagche-check
niya sakin. Nakakapanibago pero na-miss ko din yung ganito.
'Wul, pwede ba tayo mag-usap after class?', ang mahinang tanong sa akin ni Syd habang naghihintay ng susunod na klase.
'Okay, sige.', ang pagpayag ko.
Ayun nga. Nagpunta kami sa park kung saan nagsimula at natapos ang lahat
sa amin noon. Tinext ko si Pol at sinabi ko ang totoo na mag-uusap
kami ni Syd. Okay naman sa kanya. Gusto niya akong hintayin pero sabi
ko sa kanya ay wag na.
'Seriously, Syd? Dito talaga?', ang medyo inis kong tanong sa kanya.
'Call me cheesy or what. Pero this is our place. Dito nagsimula at
natapos ang lahat sa atin. At ngayon, gusto ko ulit na magsimula tayo.',
ang pagpapaliwanag niya.
Cheesy talaga. Hindi ito ang Syd na kilala ko. Parang natatawa ako na ewan.
'Syd, naririnig mo ba ang sarili mo?', ang medyo natatawa kong tanong sa kanya.
'Oo. Wul, alam ko ang ginagawa ko.', ang seryoso niyang sabi.
Umupo kami sa mga damuhan at nagsimula na kaming mag-usap ng masinsinan.
'I felt betrayed nung inamin mo yung feelings mo sa'kin kaya naging
violent ang reaction ko. Alam mo yun. Parang feeling ko I was taken
advantage at. Parang ang hirap lang malaman na 'yung tinuuring mong
bestfriend e mas higit pa pala ang tingin sa'yo. Nakakailang. Parang
feeling ko at any moment, kaya mo akong halikan or what. Natakot ako.
Ako ang humina. Hindi ako nagtiwala sa'yo.', ang paliwanag ni Syd nang
tinanong ko siya kung bakit niya nagawang tapusin ang friendship namin.
Wala akong imik. Hinayaan ko lang siya na magsalita ng magsalita.
'Napansin ni Lei yun na tumatamlay ako. Nawawalan ako ng gana sa lahat
ng bagay. Pati sa kanya. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko.
Nagalit ako sa sarili ko. Nagawa kong saktan ka sa kabila ng lahat ng
magandang pinagsamahan natin. Hindi ko masabi kay Lei yun dahil baka
kung ano ang isipin niya. Kapag kasama ko siya at pupunta kami dito,
ikaw ang naaalala ko. Kaya para hindi ko na madagdagan ang mga taong
nasasaktan ko, tinapos ko na ang lahat sa amin. Ewan ko. Ang gulo.', ang
patuloy niyang pagkekwento.
'Pero hindi ko pa din magawang kausapin ka kasi masasaktan ko ang ego
ko. Kilala mo ako, Wul. Sobrang taas ng pride ko. Pero naging wake up
call sa akin nung nalaman kong naaksidente ka. Naisip ko baka mahuli na
ang lahat nang hindi man lang ako nakakapag-sorry sa'yo. Kaya dali-dali
akong pumunta nang hospital.', halatang nagpipigil ng iyak si Syd
habang sinasabi niya ito.
'Syd, hindi ko alam na ang bigat din pala ng dinadala mo. Na-stuck kasi
sa utak ko na galit ka sa akin at natakot akong kausapin ka dahil baka
ipahiya mo lang ako. Kilala kita at alam kong kaya mong gawin yun.
Hindi ko nakuha ang idea na nasasaktan ka din at gusto mo akong
kausapin kasi tuwing magkakasalubong tayo, parang hindi ako nag-eexist
sa'yo. Kaya inisip ko na kung ayaw mo, e di huwag. Pero sa loob-loob
ko, nasasaktan ako kasi nami-miss kita.', ang paglalahad ko.
'Wul, bakit ka tumatakbo nung gabing iyon?', ang tanong niya.
'Hinahabol ko si Pol. Nung gabing yun, nagdi-dinner kami sa Greenbelt,
nag-confess siya ng nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi ko
tinanggap. Nasaktan siya at umalis. Nung nakita kong papalayo na ang
kotse niya, biglang pumasok sa isip ko yung naging eksena natin dito sa
park. Nung tinapos mo ang friendship natin at nakita kitang naglalakad
palayo sa akin. In a way, parang naulit siya nung gabing iyon, ang
pagkakaiba lang, naka-kotse si Pol at ako ang nakasakit. Naisip ko na
hindi ko na kaya ang mawalan na naman ng isang kaibigan dahil sa
katangahan ko. Hinabol ko siya dahil napagdesisyunan kong bigyan siya ng
chance. At kalimutan ka in the process.', ang paliwanag ko.
Pinakawalan na ni Syd ang mga luhang kanina pang nakadungaw sa mga mata niya. Hinawakan ko siya sa kamay.
'Syd, mahal pa din kita. Pero bago ka pa bumalik, handa na akong kalimutan ka at magsimula kasama si Pol.', ang sabi ko.
'Wul, magbabago ba ang desisyon mo kung sabihin ko sa'yo ngayong handa
akong bigyan tayong dalawa ng chance ngayon? I'm never romantic with
another guy pero alam kong itong nararamdaman ko sa'yo ngayon ay
kakaiba. Hindi ko man masabing mahal kita ngayon pero I think papunta na
ako dun kung bibigyan mo ako ng chance.', ang pakiusap ni Syd.
'Syd, masasaktan ko si Pol. Mahalaga siya sa akin. Siya ang sumalo sa
akin nung mga panahong wala ka. Siya ang naging sandalan ko.', ang
depensa ko.
'Wul, miss na miss na kita. Sana pagbigyan mo ako.', ang sabi ni Syd.
Naiyak ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang miss na miss ko na din si Syd.
Halos buong second sem kaming hindi nag-usap. Niyakap niya ako at
hindi naman ako pumalag.
***
Nagising ako sa ring ng phone ko. Si Pol ang tumatawag.
'Good morning. Bangon na.', ang bungad ni Pol sa akin.
'Nanggising ka na naman. Hay.', ang sagot ko.
'Papunta ako ng airport. Sunduin ko sina Daddy. Dinner later, yes?',ang masaya niyang sabi.
'Ngayon na ba yun? Alright. Be there. Pero, matutulog muna ako.', ang sagot ko.
'I'll pick you up at 7pm. Okay? Sige na, sleepyhead. Go back to DreamLand. Later, bye!', ang paalam niya.
Agad din naman ako nakatulog ulit. Wala sa hinagap ni Pol ang surprise
na nag-aantay sa kanya sa airport. Masyado siyang masaya habang
nagda-drive pero naging kabaligtaran ang feeling niya nang makita na
niya ang parents niya.
'Mommy! Daddy! Oh, I missed you both so much!!', at sinabayan niya ito ng mahigpit na yakap sa kanyang mga magulang.
'Let's go?', ang yaya niya.
'Wait, son.', ang pagpigil ng Mommy niya.
'Why, Mom? May nalimutan ba tayo?', ang sabi ni Pol.
May lalaking papalapit sa kanila. Hindi ito napansin ni Pol dahil nakatalikod siya dito.
'Ooh, I thought I lost my baggage.', ang sabi ng lalaking ito sa mga magulang ni Pol.
Magiliw ang parents niya sa bagong saltang ito. Napaharap si Pol sa lalaking may familiar na boses.
'Hi, Pol. Missed me?', ang nakangising baling nito sa kanya.
Hindi makaimik si Pol at natulala.
Part 18
Si Pol ang nag-drive pauwi sa bahay nila. Ang parents naman niya ay sa
back seat nakaupo. So, ang bagong salta ang nasa passenger's seat.
Hindi maikakailang naiilang si Pol. Buti na lang at walang traffic
kaya't mabilis silang nakarating sa bahay.
'Hijo, magpapahinga muna kami ng daddy mo ha.', ang paalam ng mommy ni Pol sa kanya.
'Sige po. around 7pm, kakatukin ko kayo para makapag-dinner tayo.', ang sabi niya.
'Alright, son. See you later.'
Umakyat na ang parents niya sa kwarto. Pumunta siya ng kusina para
i-check ang maids kung kamusta na ang niluluto nila at para sabihin na
dagdagan dahil lima na silang kakain. Siya namang pasok ng misteryosong
lalaki sa bahay dala ang lahat ng bagahe nila ng parents ni Pol.
'Where do I put this stuff? And what room am I gonna use? I'm sweatin'.
I wanna take a shower.', ang sunod-sunod na tanong ng bagong salta.
'Just put it there. Bahala na sina Yaya mag-asikaso nyan. There's a
spare room upstairs. Let's go, I'll show you.', ang cold na sagot ni
Pol.
Umakyat na din sila at tinahak ang extra room.
'Seriously, Pol? You'll let me sleep here? There's no aircon!', ang reklamo niya.
'Don't be a bitch, Tom! You're not supposed to be here in the first place!', at tuluyan nang napuno si Pol.
Si Tom nga pala ang boyfriend ni Pol nung nasa States pa sila. Siya din
ang nahuli ng kapatid niyang kasama niya sa kwarto. Kaya ganon na lang
ang pagtataka niya na kasama siya ng parents niya pabalik ng
Pilipinas. Filipino din si Tom pero sa States na siya lumaki. Marunong
naman siya mag-Tagalog. 19 years old din siya tulad ni Pol, moreno, may
taas na 5'9 at may katamtaman ding pangangatawan.
'Why are you here?! And how did you let Mom and Dad bring you here?', ang pagalit na tanong ni Pol.
'Hey, dude. Chill. Masyado ka hot-headed. Didn't you miss me, boo? Coz I
almost killed myself when they told me you went back here.', ang
paglalambing ni Tom.
'Cut the crap, Tom! We're done already! Diba after Ate saw us, I
stopped dating you.', ang patuloy na pagpapakita ng disgust ni Pol kay
Tom.
'Don't be so hard on me, Pol. You're gonna thank me later.', at lumabas ito ng kwarto.
***
Sinundo ako ni Pol around 6.30 ng gabi. Medyo traffic at napansin kong anxious siya.
'Pol, okay ka lang ba?', ang pag-aalala ko.
'Yeah. I just have a rough day.', ang sabi niya pero halatang hindi siya okay.
'Kinakabahan ako pag na-meet ko ang parents mo.', ang sabi ko sa kanya.
'Ano ka ba. Mabait naman sila e. Wag ka mag-aalala. Tsaka nandun naman ako.', ang sagot niya.
Dumating kami sa kanila around 7.15 na yata. Pero bago bumaba ng kotse ay kinausap ako ni Pol.
'Wul, I had a surprise visitor. Kasama nina Daddy si Tom. Ex ko.', ang
malungkot na sabi ni Pol sa akin pagkatapos niyang mag-park sa gilid ng
bahay nila.
'Oh. Hmm. Okay.', medyo naging uneasy ako bigla.
'Wag mo na lang siya pansinin. May pagka-brat kasi yun.', ang sabi niya.
Medyo confused ako. Parang ang gulo ng sitwasyong papasukan ko sa bahay
nina Pol. Bahala na. Magpapaalam na lang ako na uuwi na kapag hindi
maganda ang vibe ko sa loob.
'Tara na.', ang aya sa akin ni Pol papasok sa bahay nila.
Pumasok na kami at pinakilala ako ni Pol sa parents niya at kay Tom.
Medyo iba ang tingin ni Tom sa akin. Mukhang sinisipat niya kung ano
ang namamagitan sa amin ni Pol. Dumiretso na din kami sa dining table
at nagsimula nang kumain.
'Nako, hijo. Salamat sa pag-aalaga dito sa anak ko nung umuwi siya dito ha.', ang sabi ng Mommy ni Pol sa akin.
'Wala po iyon. Magkaklase naman po kami nung high school kaya okay lang
po. It was good catching up with an old friend.', ang magiliw kong
sagot.
'Right. Kaya nga itong si Tom ay nagpumilit na sumama sa amin dito
dahil gusto na daw niya makita si Pol.', ang sagot naman ng Mommy niya.
Tawa na lang ang naisagot ko. Nag-raise ng baso si Tom sa akin at ngumiti.
'I'm just so happy na nagkakilala na din kayo finally.', ang sabi ni Pol sa aming lahat.
'Pol, you should thank your friend, Tom, here. Naglakas ng loob 'yan na
pumunta sa bahay after, uhm, what happened. He's the reason why we're
here.', ang sabi ng Daddy ni Pol.
'Oh. Hmm. Thanks, Tom!', ang pilit na pagpapasalamat ni Pol.
Awkward. Sobrang awkward talaga ng dinner na 'yun. Buti na lang at
natapos din agad. Nagpunta kami sa garden at uminom ng wine. Nakakahiya
naman kung eat and run ako. Hindi naman umalis si Pol sa tabi ko.
'So, are you two sleeping together?', ang biglang tanong ni Tom sa amin
ni Pol nang magpaalam na ang parents niya na mauuna nang matulog.
'No!', ang napalakas kong sagot.
'I mean, no. We're not sleeping together. We're just friends.', sabay lagok ng wine.
'Really? Why do I get the vibe that he's protecting you?', ang patuloy na pag-interrogate ni Tom.
'Well. I think it's not your damn business and Wul should get going.', ang pagsabat ni Pol at biglang hatak sa kamay ko.
'You're so rude, Pol!', ang medyo inis na sabi ni Tom.
'Later, Tom!', paalam ni Pol.
Hinatid na ako ni Pol pauwi sa amin. Hindi naman din siya nagtagal at umuwi na din dahil sobrang pagod na siya.
***
Pagdating ni Pol sa bahay, nakita niya ang daddy niya na nasa bar.
'Hey, Dad.', ang bati niya dito.
'Pol. You want a drink?', ang aya ng Daddy niya.
'No. Thanks.'
Umupo si Pol sa tabi ng Daddy niya.
'Dad, I never had the courage to say sorry for whatever trouble I have
caused you back in the States. Alam ko nasaktan ko kayo nina Mommy.
Pero I cannot say sorry for what have you discovered about me.', ang
seryosong sabi ni Pol.
'I know, son. Naging mahirap lang tanggapin dahil syempre you're the
only guy in this family. Pero anak pa din kita. Kahit ano ka pa, your
Mom and I will always love you. Basta kelangan ko pa din magkaapo ha.
Malinaw?'
'Err. Sige. We'll see about that. I missed you, Dad.', ang medyo natatawang sagot ni Pol.
'Ako din, anak.'
'Pero, Dad. Why bring Tom here?', ang pagbago ni Pol ng topic.
'Naging instrumental si Tom sa pagtanggap namin sa'yo, sa inyo. Ilang
beses siyang pumunta ng LA para kausapin kami. Nung una, nanginginig
talaga ako sa galit pero ang Mommy mo, pinapasok siya at pinakinggan.',
ang pagpapaliwanag ng Daddy niya.
'Really? Ano ba sinabi niya?', ang tanong ni Pol.
'Just like what I said to you, we should accept you the way you are.
Alam na naman namin iyon ng Mommy mo pero we've been clouded with
anger, especially I. Kinailangan lang namin ng someone na
magpapa-realize nun samin and that had been Tom.', patuloy na paliwanag
ng Daddy niya.
'Wow. O siya, Dad. Akyat na ako. Good night!', ang paalam ni Pol.
'Okay. Aakyat na din ako maya-maya.', ang sagot ng Daddy niya.
Umakyat na si Pol sa kwarto niya. Nakapatay ang ilaw at kinapa niya ang switch para buksan ito.
'Holy mother of Christ!!'
Sobrang gulat ni Pol nang makita si Tom na nakahiga sa kama niya.
'Why are you here?!!', ang pagalit na gising ni Pol kay Tom.
'Hey, give me a decent sleep!', ang tanging sabi ni Tom at nagtakip ng ulo sa mukha.
Hinayaan na lang ni Pol si Tom. Nagshower siya at natulog na din.
***
Kinabukasan, unang nagising si Tom at ipinaghanda niya ng almusal si Pol.
'Wake up! Wake up!', ang pagsigaw niya sa kwarto ni Pol habang hawak
ang isang tray ng ham and egg sandwich, fruits at juice. Napabalikwas
naman si Pol at nakita si Tom na nakatayo sa harapan niya.
'What's this, Tom?', ang medyo antok pang tanong ni Pol.
'Good morning! Breakfast in bed.'at ipinatong na ni Tom ang tray sa side table ng kwarto.
'Morning. Ow. Ang sakit ng batok ko.', habang hinihimas ang batok niya.
'Let me.', sabi ni Tom.
Umupo si Tom sa likod ni Pol at minasahe siya.
'I missed you, Pol.', ang sabi niya sa kaliwang tenga ni Pol.
Natawa lang si Pol sa sinabi ni Tom at tumayo.
'Seriously?', ang medyo nainis na sabi ni Tom.
'I gotta get dressed. I'm late for school.', ang sabi ni Pol at pumasok na sa CR.
***
Naging ordinaryo lang ang araw namin sa school. Ang bagal ng takbo ng
oras. Ang aga mag-dismiss ng mga prof ko. Hindi ko alam kung bakit pero
parang tinatamad ang lahat.
'Wul.', ang pagtawag ni Syd sa akin.
'Yeah?', ang sagot ko naman.
'Gusto mo mag-lunch?', aya niya.
'Hmm. Inaantay ko na si Pol e.', tugon ko.
Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Nasa labas na ng building namin
si Pol noon para puntahan ako at makakain na sa labas nang nag-ring ang
phone niya.
'Tom, what now?', ang cold na pagsagot niya.
'I'm a little lost. I'm here at your school. Can you fetch me? I wanna grab lunch with you.', ang sabi ni Tom sa kabilang linya.
'What? Hold on.', ang sabi naman ni Pol.
Nakareceive ako ng text galing kay Pol saktong pagtalikod ni Syd.
'Wul, sorry. I gotta run. Bawi ako next time.'
Hindi na ako nagreply. Pero nakakapagtaka.
'Syd, saan ba?', ang nakangiti kong tanong sa kanya.
No comments:
Post a Comment