Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (15 & 16)

by: Lui 
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 15
Hinahabol ko ang taong nagmamahal sa akin pero nabigo ko. Takbo lang ako ng takbo. Ang mga luha ko ay parang mga presong sabik na sabik sa paglaya. Hindi ko maramdaman ang sakit ng mga paa ko dahil sa bigat ng dinaramdam ko. Sa pagkakataong ito, ako ang naduwag. Ako ang nakasakit.
Napalingon at napatigil ako sa aking kanan dahil sa isang malakas na busina at nakakabulag na ilaw...

***
'Mommy, gising na po si Wul!', ang masayang tawag ng ate ko sa aking ina.

Napansin kong wala ako sa aking kwarto. Iba ang ambience sa lugar na ito. Tahimik. Sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ng aking ulong biglang kumirot.

'Ow.', sabay hawak sa ulo ko.


Nakabenda ito at may sugat ako sa may bandang kaliwang parte. Ang dami kong galos at ang mga hita ko ay puro sugat. Naramdaman ko ang pagsakit ng buo kong katawan.

'Mia, tawagin mo ang doctor.', ang utos ni Mommy sa kapatid ko.

Dali-dali namang lumabas ang kapatid ko sa kwarto.

'Mommy, sorry.', ang paghingi ko ng dispensa sa aking ina.

'Aksidente ang nangyari, anak. Wala kang dapat ipaghingi ng tawad.', ang mahinahong sagot ng mommy ko.

Maingat akong niyakap ni Mommy at dinampian ng halik sa pisngi. Dumating na ang doctor kasunod ang kapatid ko. May mga ni-run siyang test at sinabing wala naman daw sign na nagiging worse ang kalagayan ko. Pero in-explain niya sa akin na kailangan ko muna mag-stay sa hospital ng mga ilang araw pa upang maobserbahan nila ang ulo ko.

'You hit your head so hard in the ground. To be safe, you are under observation for some days to make sure na walang internal bleeding. Alright, Wul?', ang explanation ng doctor.

'Sure, Doc. Thank you.', ang magalang kong sagot.

Nag-iwan ng ilang reminders ang doctor kay Mommy bago tuluyang lumabas.

'Mommy, punta lang ako sa cafeteria. May papabili ka?', ang pagpapaalam ng ate ko.

'Wala. Sige na.', ang tanging sagot ni mommy.

Nang nakalabas na si Ate Mia, kinuha ni Mommy ang isang stool at umupo sa gilid ng kama ko.

'Anak, may problema ka ba? You can always talk to Mommy.', ang pag-aalala niya.

Nanumbalik lahat ng mga nangyari ng gabing iyon bago ang aksidente.

***
Dinala ako ni Pol sa Greenbelt. Hindi ko alam kung anong okasyon at parang ang saya-saya niya. Oo nga pala, halos isang buwan na simula nung nag-usap kami ni Pol regarding sa status naming dalawa. Hindi na ulit namin iyon napag-usapan pero after ng gabing iyon ay mas naging maalaga at sweet si Pol sa akin. Pinakilala niya ako sa mga new-found college friends niya. Mukhang masaya naman na siya. Madalas tuwing Friday ay lumalabas kami kasama ang barkada niya. Pero ngayong gabing ito ay kaming dalawa lang.

'Pol, diba masyadong mahal dito sa kakainan natin? Baka maubos ang allowance mo.', ang medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

'Hindi. Okay lang. Ako'ng bahala.', ang nakangiti niyang sagot.

Pumasok kami sa isang eleganteng restaurant. Buti na lang pala at medyo nagpormal ako ng suot. Napaka-sophisticated ng mga taong nasa loob at ang mga waiter ay talagang maasikaso. Habang nagdi-dinner kami ay ikinwento niya sa akin na tumawag ang daddy niya. Nakapag-usap na sila. Nagkaiyakan at nagkapatawaran. Uuwi silang mag-asawa dito para magbakasyon. All is well. Masaya ako para sa kanya.

'I am so happy for you.', ang masaya kong sabi sa kanya.

'Thanks. You've been beside me all the time. Ipapakilala kita sa kanila pagdating nila dito. Okay lang ba?', ang pagpapaalam ni Pol.

'Sure. I would love to.', ang nakangiti kong sagot sa kanya.

May kinuha siya sa pocket niya. Isang box. Inilapag at inilapit niya ito sa akin. Nangungusap ang mga mata ni Pol. Binuksan ko ang box.

'Ipapakilala kita sa kanila bilang pinakaimportante at pinakamahal kong tao sa mundo. I love you.', ang masuyo niyang sabi.

Isang manipis na silver necklace ang laman ng box. May singsing na nakalagay dito kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa. Such a cliche. Pero iba pala kapag ikaw ang nasa sitwasyong ganon. Pero hindi ako nagpadala sa moment na 'yun. Alam kong masasaktan ko lang siya kapag tinanggap ko ito.

'Pol.', ang tangi kong nasabi.

Ang mga luha ko ay nangingilid na. Inilapag ko ang box sa table at inilapit sa kanya. Pinahid ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

'What?', ang nagtatakang nasabi ni Pol habang ang mga luha niya ay nagbabadya nang pumatak.

'I'm sorry. Pol, I'm so sorry.', ang tanging nasabi ko.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan pero pinigilan ako ni Pol.

'Let's talk. Please. Don't leave me like this.', ang pagmamakaawa ni Pol.

'No. I'm terrified with what I've done to you. We'll talk some other time. Kelangan ko munang mag-isip isip.', ang tangka kong pagtakas.

Hindi ko alam kung paano haharapin 'to. Naging takot na ako sa confrontation simula nung sa nangyari sa amin ni Syd. Ayokong makitang lalo siyang masaktan dahil hindi ko talaga kayang ibigay sa kanya ang gusto niya.

'That's bullshit, Wul. Ano bang mali sa akin? Sa atin? Masaya naman tayo diba? I love you.',ang sabi ni Pol.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi umupo uli dahil mukhang handa si Pol na makuha ang attention ng lahat kapag nagpumilit akong umalis. Ayoko namang mangyari yun.

'Walang mali sa'yo, Pol. Oo, masaya tayo. Pero I can't be your boyfriend.', ang mahinahon kong pagpapaliwanag.

'Why not? This is crap, Wul!', medyo nagtaas na ng boses si Pol.

'Because I'm still broken! My heart is still crushed. Gustuhin ko mang mahalin ka sa parehong paraan ng pagmamahal mo sa'kin, hindi ko talaga magawa. I'm still madly in love with someone else. And God knows how hard I'm trying to get over him.', ang pag-amin ko habang ang mga luha ko ay malayang umaagos sa magkabilang pisngi.

Buti na lang at medyo dim ang lights sa restaurant at hindi karamihan ang tao kaya wala masyadong nakakapansin sa pag-uusap namin ni Wul. Napayuko na lang si Pol sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

'Pol, I'm so sorry. Ayokong pumasok sa isang relasyon nang hindi pa ako handa. Hindi ko naman sinasabing hindi pwedeng maging tayo e. Just give me some time. And please don't be like this. It's killing me.', ang mahinahon kong tugon.

'I don't know what to say. I thought we are on the same page. Akala ko mahal mo din ako!'

Tumayo na siya. Nag-iwan ng cash sa table at lumabas na ng restaurant. Sinundan ko siya at sinubukang kausapin ng maayos.

'Pol, please don't be so hard on me! All I'm asking for is a little more time.', ang pakiusap ko sa kanya.

'A little more time? My God, Wul. Gaano na ba tayo katagal na ganito? Aren't you tired of hanging around, not knowing kung saan patungo 'tong relasyon natin?', ang galit niyang baling sa akin.

Sumakay na siya sa kotse at iniwan akong nakatayo sa pavement. That hit me. Nakita ko ang kotse niyang palayo na sa akin. Pumasok sa isip ko ang eksena namin ni Syd noon na naglakad siyang palayo sa akin sa park. Ang pagkakaiba lang ngayon, ako ang nang-iwan. Ako ang nakasakit.

'POOOOLLL!!!'

Kumaripas ako ng takbo. Hindi ko hahayaang mawala si Pol sa akin tulad ng nangyari sa amin ni Syd. Matututunan ko din siyang mahalin. Makakalimutan ko din si Syd. Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hinahabol ko ang taong nagmamahal sa akin pero nabigo ko. Takbo lang ako ng takbo. Ang mga luha ko ay parang mga presong sabik na sabik sa paglaya. Hindi ko maramdaman ang sakit ng mga paa ko dahil sa bigat ng dinaramdam ko. Sa pagkakataong ito, ako ang naduwag. Ako ang nakasakit.

Napalingon at napatigil ako sa aking kanan dahil sa isang malakas na busina at nakakasilaw na ilaw.

***
Iyak lang ang naisagot ko kay Mommy sa tanong niya. Hindi na naman siya nangulit para sa isang sagot at tuloy lang ang pag-alo sa akin.

'Tahan na, anak. Kung ano man yang dinadala mo, malalampasan mo din 'yan. Tandaan mo, nandito lang si Mommy.', ang masuyong sabi ni mommy sa akin.

Ikinukuha niya ako ng tubig ng may kumatok sa pinto. Ibinigay niya ang baso sa akin at saka binuksan ang pinto.

'Gising na daw po si Wul?'

'Oo, hijo. Pasok ka.'

Si Pol ang kausap ni Mommy. Halatang puyat siya at kagagaling lang sa iyak.

'O, maiwan ko muna kayong dalawa ha.', ang paalam ni Mommy.

Umupo siya sa gilid ng kama ko ng tuluyang maisara ni Mommy ang pintuan. Naiyak agad siya.

'Sorry. Hindi ko naman alam na hinabol mo ako.', ang mga nasabi ni Pol sa pagitan ng pag-iyak.

'Na-realize ko lang na...', biglang may kumatok na naman sa pinto.

Tumayo si Pol, pinunasan ang mga luha at binuksan ito.

'Is this Wul Reyes's room? Classmate niya ako.'

'Yes. Come on in.', ang magalang na pag-imbita ni Pol.

Mula sa kinahihigaan ko, hindi ko kita kung sino ang nasa pinto. Kaya laking gulat ko nung makita ko kung sino ang naglalakad palapit sa aking kama na nasa likuran ni Pol.

'Syd?' 





Part 16
'Syd, anong ginagawa mo dito?', ang pagtataka ko.
'May nagtext sa akin at sinabing naaksidente ka daw at dinala ka dito kaya pumunta ako. Ano bang iniisip mo't tumatakbo ka sa gitna ng kalsada ng dis-oras ng gabi? Ha?', ang inis niyang sabi niya sa akin.

Para akong batang napagalitan. Hindi ako makakibo. Gulong-gulo ang utak ko. 'Ano naman kay Syd kung naaksidente ako? Akala ko ba tapos na ang friendship namin? Bakit siya nandito?', yan ang mga tanong na gumugulo sa akin. Pero kahit na ganon ang tono niya, kita ko sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.

'Ehem', ang pagpapapansin ni Pol.


Nalimutan kong nandito nga din pala siya sa room. Hay. Sobrang lakas nga yata ng pagkakabagok ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

'Oo nga pala. Pol, si Syd. Kai---, uhm, classmate ko.', ang sabi ko kay Pol.

'Syd, si Pol. Friend ko.', ang sabi ko naman kay Syd.

Nagkamayan ang dalawa sa harapan ko pero hindi nag-imikan. Ni walang smile. Hay. Hindi ko maexplain ang  feeling sa loob ng room ngayon. Parang mabigat na ewan. Ang gulo.

'Pol, is it alright kung iwan mo muna kami ni Syd?', ang masuyo kong pakiusap kay Pol.

'Sure, no prob. Sundan ko  na lang muna sina Tita at Ate Mia sa cafeteria.', ang nakangiti niyang sabi sa akin sabay haplos sa mukha ko.

Narinig kong nagsara na ang pinto. Matinding katahimikan ang namayani. Ang dami kong gusto sabihin at itanong. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko din alam pero kusa nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na kaya.

'Bakit ka nandito?', ang pasimula ko.

'Sinabi ko na sa'yo diba? Nabalitaan kong naaksidente ka. Pagka-receive ko ng text na yun, tumakbo agad ako papunta dito.', ang muling pag-eexplain ni Syd, medyo mahinahon na ngayon.

'Bakit nga?! Bakit ka pumunta?! Ano naman sa'yo kung naaksidente ako?? Diba tinapos mo na ang pagkakaibigan natin?', nataasan ko na siya ng boses.

'Wul, wag kang sumigaw. Baka dumugo 'yang sugat mo sa ulo.', akmang aalalayan ako ni Syd.

'Wag mo akong hawakan! Syd, kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko nung pinagtabuyan mo ako. Walang wala 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sugat na 'to.', ang patuloy kong sigaw sa kanya.

Kahit ako, hindi ko in-expect na galit ang mamamayani sa akin kapag nagkaroon kami ng pagkakataon ni Syd na makapag-usap. Akala ko noon, nung mga panahong hindi ako nag-eexist sa kanya, na ako ang magmamakaawa para ibalik ang pagkakaibigan namin.

'Wul, I am so sorry. Sa lahat! Alam ko kung gaano kita nasaktan. Hindi rin naging madali sa akin. Nagkamali ako na hindi kita tinanggap sa kung ano ka. Sa kung ano ang nararamdaman mo. Pero, ikaw lang ang lagi kong naiisip simula nung tinapos ko ang lahat sa atin. Hindi ko alam pero parang hindi na ako kumpleto. Wul, I am so sorry.', ang paghingi ng paumanhin ni Syd habang tuluyan na ding kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata.

'Whatever, Syd. Mukhang hindi ka nga naapektuhan e. Ang saya saya mo kasama ang barkada mo. Tsaka bakit ngayon lang? Kelangan ko pang maaksidente para makuha mong kausapin ako? Para ma-realize mong mahalaga pala ako sa'yo?', ang galit kong sabi sa kanya.

'Pinapasaya lang nila ako dahil nagbreak na kami ni Lei. Sumasakay na lang ako para hindi na sila mangulit pa. Wul, ang hirap. Hindi mo lang nakikita pero sobrang nahihirapan na din ako! Halos araw-araw kitang nakakasama pero hindi ko magawang kausapin ka. Pinipigilan ako ng pride at takot. Pero nung nabuo ko na ang isip kong itatama ko na ang lahat, nakita naman kitang kasama si Pol sa labas ng room at ang saya-saya niyo. Naisip ko na siguro naka-move on ka na. Na masaya ka na kay Pol.', ang mahinahon niyang pagpapaliwanag pero halatang may galit ng binanggit niya ang pangalan ni Pol.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya pala nung time na hinintay ako ni Pol sa labas ng room namin at nasaktong dumaan siya ay ang sama ng tingin niya kay Pol. Pero...

'Pero paano mo itatama ang lahat? Alam mo namang may nararamdaman ako para sa'yo at hindi mo yun tanggap!', ang pagpapaalala ko sa katotohanang pinagdiinan niya sa akin noon.

'Wul, tanggap ko na. Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko kailangan kita. Hindi ko pala kaya na wala ka.', ang pagsasabi ng totoo ni Syd.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

'What the hell, Syd?! Ginugulo mo ang sitwasyon! I'm just a step away from getting over you pero nandito ka at sinira mo ang plano ko!', ang sabi ko pagtapos siyang itulak mula sa pagkakayakap sa akin.

'Wul, please. Let's start over. Please?', ang pagmamakaawa niya.

'Iwan mo muna ako, Syd. Parang awa mo na. Umalis ka na!', ang pagtataboy ko sa kanya.

'Si Pol na ba? Siya na ba ang mahal mo ngayon? Wala na ba talaga ako sa'yo?', ang sunod-sunod na tanong niya habang walang tigil pa din siya sa pag-iyak.

'Hindi ako ang unang nambale-wala. Syd, please, umalis ka muna.', ang matigas kong sagot sa kanya.

Humiga na ako nang nakatalikod sa kanya. Nang narinig kong nagsara ang pinto ay tuluyan na akong umiyak. Nagagalit ako kay Syd kasi bumalik pa siya. Alam kong snap decision ang ginawa ko kagabi nang sinabi kong bibigyan ko ng chance ang relasyon namin ni Pol at kakalimutan ko si Syd in the process pero totoo yun at gagawin ko talaga yun. Pero ngayong bumalik na si Syd, paano na? Ayokong saktan lalo si Pol. Ayokong saktan lalo ang sarili ko. Tuliro na ang isip ko. Bakit pa kasi magkaibang tao ang mahal ko at ang nagmamahal sa akin e. Hindi ko alam kung saan ako.

***
Narinig palang lahat ni Pol ang pag-uusap namin ni Syd. Paano? Ang nagsarang pinto pala na narinig ko ay hindi galing sa pintuan palabas. Instead na lumabas, pumasok si Pol sa CR na nasa gilid ng pinto palabas at sinadyang isara ito para makuha namin ni Syd ang ideya na nakalabas na siya. Marahan niyang binuksan ang pinto ng CR pagkaraan ng ilang segundo at nakinig na sa usapan namin. Hindi na siya lumayo sa pinto para hindi mapansin ni Syd at para madaling makalabas.

'Iwan mo muna ako, Syd. Parang awa mo na. Umalis ka na!', ang pagtataboy ko sa kanya.

Maingat na binuksan ni Pol ang pinto ngunit napatigil siya sa mga sumunod na kataga ni Syd.

'Si Pol na ba? Siya na ba ang mahal mo ngayon? Wala na ba talaga ako sa'yo?', ang sunod-sunod na tanong niya habang walang tigil pa din siya sa pag-iyak.

'Hindi ako ang unang nambale-wala. Syd, please, umalis ka muna.', ang matigas kong sagot sa kanya.

Mabilis na lumabas si Pol ng kwarto at isinara ang pinto. Just in time bago tunguhin ni Syd ang pintuan palabas. Sobrang galit ang nararamdaman niya dahil ngayon alam na niya kung sino ang tinutukoy ko nung sinabi ko sa kanyang may iba pa akong gusto at dahil alam na din niya kung gaano ako nasaktan sa ginawang pagtapos ni Syd sa friendship namin.

Umupo si Pol sa isa sa mga upuan sa gilid ng room ko upang hindi mahalata na kagagaling lang niya sa loob. Nang makalabas na si Syd ay nilapitan niya ito.

'Syd, pare. Ang lakas din ng loob mong pumunta dito at guluhin kami ni Wul.', ang galit niyang sabi kay Syd.

'Gusto ko lang itama ang mga maling nagawa ko kay Wul. Besides, wala namang "kayo", diba?', ang sagot niya kay Pol.

Tumalikod na si Syd at tinahak ang elevator pababa ng lobby.

'Syd!', ang sigaw ni Pol.

Humarap si Syd pero hindi na lumapit.

'Watch your back!', ang pananakot ni Pol.

Ngumiti lang si Syd at tuluyan nang umalis.

***
Pumasok si Pol sa loob ng kwarto ko. Pinunasan ko agad ang mga luha ko at nagtulug-tulugan. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Dumilat ako at tiningnan ko ang maamo niyang mukha.

'Narinig ko ang lahat. Wag ka mag-aalala, hindi kita iiwan.', ang masuyo niyang sabi sa akin.

'Salamat, Pol.', ang tanging nasabi ko at hinawakan ko siya sa kamay.

'Mahal mo pa din talaga siya no?', halatang nasasaktan siya sa pagtatanong niyang iyon.

Namuo na naman ang luha sa mga mata ko.

'Ayoko nang saktan ka.', ang tangi kong nasabi sa pagitan ng mga hikbi.

Pilit akong pinapatahan ni Pol. Alam kong alam niya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Si Syd ang tinitibok ng puso ko pero gusto ko na siyang kalimutan at pag-aralang mahalin si Pol ng higit pa sa kaibigan. Pero, hindi ko masabi yun kay Pol dahil baka umasa siyang kaya kong gawin yun dahil honestly, hindi ko na alam kung kaya ko ngayong bumalik si Syd.

'Kahit anong mangyari, magkaibigan pa din tayo. Ok? Ayaw din naman kitang i-pressure dahil sa kalagayan mo ngayon na ako ang dahilan.', may guilt sa kanyang pagsasalita.

'Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa akin. Desisyon kong tumakbo at habulin ka.', ang sabi ko habang pinapahid ang mga luha niya.

'Paanong hindi? E ako ang umalis agad. Sorry. Feeling ko epic fail yung ginawa ko kagabi.', ang patuloy niyang pag-iyak.

'Hindi ikaw ang may kasalanan, okay? Stop crying. Sige ka, pag umakyat sina Mommy dito, akalain patay na ako at iniiyakan mo ako.', ang pagjo-joke ko.

'Wag ka nga magsalita ng ganyan. Tsaka nakaupo ka kaya, makikita agad nila na buhay ka!', ang nakangiti niyang sagot sa akin habang pinupunasan ang mga natirang luha sa mukha niya.

'Pinapangiti lang kita.', ang maikli kong sagot.

***
Matapos ang tatlong araw ay na-discharge na din ako sa hospital. Hindi na muling dumalaw si Syd pero panay ang text at tawag niya. Si Pol naman ay halos hindi na umuwi para bantayan ako. Hindi ko na pinaalam sa kanya na kinukulit ako ni Syd. Sobra-sobra na ang ginagawa sa akin ni Pol para pati ang problema ko kay Syd ay tulungan niya pa ako. Inihatid niya kami nina Mommy hanggang bahay. Inalalayan niya ako hanggang sa kwarto ko.

'Pol, thank you so much. Napakalaki mong tulong sa'min.', ang pagpapasalamat ko sa kanya.

'Basta para sa'yo at kina Tita.', ang sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

'O, una na din ako at may klase pa ako. Babalik ako agad mamaya. May gusto ka bang pasalubong?', ang pagpapaalam niya.

'Don't bother. Magpahinga ka naman. Okay na ako. Di mo na ako kelangan bantayan.', ang sabi ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin at lumabas na siya ng kwarto. Matutulog na lang muna ako dahil wala naman akong ibang gagawin. Ayoko na din muna mag-isip ng kung ano-ano. Gusto ko nang gumaling at ayusin ang lahat ng gusot sa buhay ko.

Sa school...

'Kamusta na si Wul?',  ang tanong ni Syd kay Pol.

Nagkasalubong ang dalawa sa may park. Papunta si Pol sa building niya at sa kabilang direksyon naman si Syd.

'Bakit?', ang cold na sagot ni Pol.

'Pol, huwag kang umastang kayo ni Wul. Alam kong alam mo na ako ang gusto niya.', ang pagyayabang ni Syd.

'Alam ko. Pero alam din niyang ako ang mas higit na nagmamahal sa kanya. At wag ka ding umastang akala mo ikaw lang ang lalaking pwedeng mahalin ni Wul. Nasaktan mo ng sobra yung tao tapos ngayon babalik ka na lang basta-basta.', ang pambara ni Pol.

'I don't need to explain myself to you.', ang ma-pride na sagot ni Syd.

'Yeah, you don't. Alam ko na naman kung gaano kasama 'yang ugali mo e.', ang banat ni Pol.

Hindi na nakapagpigil si Syd at tinulak si Pol ng malakas. Pero, mas malaki pa din si Pol kaya naman hindi ito natumba. Itinulak din niya si Syd at muntik na siyang matumba.

'Hindi ikaw ang mahal ni Wul! Ako! Tandaan mo 'yan!', ang sabi ni Syd at akmang susuntukin na si Pol.

Tinamaan si Pol sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Agad naman siyang gumanti at binigyan din ng sakit sa mukha si Syd. Nagkagulo na ang dalawa. Buti na lang at dumating ang mga kaklase ni Pol at naawat sila. Dumudugo parehas ang mga mukha nila. Nang medyo mahinahon na ang lahat, lumapit si Pol kay Syd.

'Nauubos din ang pagmamahal, Syd. Lalo na kung di mo inaalagaan.', ang sabi ni Pol at tuluyan nang umalis.

No comments:

Post a Comment