Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (11)

by: Daredevil

"Pasensiya na po sir" ang nakayukong paghingi ko ng tawad sa kanya. Kita ko ang pag iling-iling niya sa sinabi ko. Ang galit sa mukha niya ay parang napalitan ng kung anong lungkot.Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at nagsalita.
"Ayoko nang mauulit pa ito ha, at sa susunod ipapaalam mo sa akin ang mga lakad mo" ang mahinahon na niyang sabi sa akin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Nginitian ko siya at nagpasalamat. "Salamat po sir, promise ko po na hindi ko na uulitin.
"Sige maaari ka nang lumabas" sabi niya habang tinatakpan ang mukha ng dalawang kamay.

Pagkabalik sa mesa, itinuloy ko na ang pagrereview sa mga files ng kompanya sa computer maging sa mga documents na nasa ibabaw ng aking mesa. Ilang minuto ang lumipas nang biglang lumapit sa akin si Suzie.

"Sir Rico, ano na po ang nangyari?" ang tanong niya.
"Ok na Suzie, sinigawan lang naman niya ako pero ayos na ang lahat basta hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa susunod." sagot ko sa kanya.

Pantasya (10)

by: Daredevil

Napalingon naman ako sa aking likuran para malaman kung sino ang kumakalabit sa akin. Isa pala itong lalaki nasa tingin ko ay empleyado rin dito base sa kanyang suot na ID.  May kagwapuhan siya at mas matangkad sa akin ng kaunti. Tulad ko ay may maganda rin siyang pangangatawan. Nagkangitian kaming dalawa.

"Hi, bago ka lang dito di ba?" sabi ng lalaki.
"Oo, kakasimula ko nga lang ngayon e" ang nakangiti kong tugon sa kanya.
"Ah, ikaw pala ang bagong pinasok ni Sir Carlo, usap-usapan ka kasi dito e. Alam mo maswerte ka nga dahil hindi na talaga nagtatanggap pa ng empleyado dito. By the way Im Jerome pala head ako ng accounting department dito sa company." sabi niya.
"Im Carlo." sagot ko at nagkamayan kaming dalawa.
"Matagal na kitang kilala. Parang mag-isa ka lang yata na kakain ng lunch, tara sabay na lang tayo" ang alok ni Jerome. Agad naman akong pumayag. Sino ba naman ang hindi makakatanggi sa alok ng isang gwapong nilalang tulad nito. Baka siya  rin ang daan upang magkaroon naman ako ng mga kaibigan dito.

Sabay na kaming naglakad palabas ng building at dumeretso sa KFC dahil iyon lang ang fastfood chain malapit doon.

"Hanap ka na ng mauupuan natin sa taas, ako na ang oorder ng kakainin natin, ano ba ang gusto mo" si Jerome.
"Pwede na sa akin yung chicken with rice." ang sagot ko. Iyon lang kasi ang aabot sa dala kong pera. Sa totoo lang balak ko talagang sa isang karindeya lang ako kakain dahil mas mura. Dumukot ako ng pera sa bulsa at inabot sa kanya pero hindi niya ito tinanggap.
"Huwag na, ililibre na lang kita tutal ako naman ang nagdala sa iyo dito."
"Ano ka ba nakakahiya naman sige na idagdag mo na lang ito baka lumaki ang gastos mo" ang nahihiya kong sagot sa kanya sabay abot ng pera.
"Dont worry sige na simulan mo na lang ang paghahanap ng pwesto natin sa taas ok" ang nakangiting si Jerome. Napilitan na rin ako pumayag sa gusto niya. Ika nga sabi nila na ang grasya hindi tinatanggihan hehehe.

Nakahanap naman agad ako ng puwesto malapit sa may bintana. Umupo ako at hinintay na bumalik si Jerome. Makalipas ang halos 10 minuto, nakita ko na siyang papalapit sa akin. Nagulat ako dahil sa dami ng pagkaing inorder niya.

"Ang dami naman yan baka naubos na ang pera mo niyan" sabi ko pagkapalag niya ng mga pagkain sa mesa.
"Ok lang sa akin, sige na kumain ka na lang. O ito na yung chicken mo, tag-isa rin tayo ng krushers ha pati itong fries." si Jerome sabay abot sa akin ng mga pagkain. Napapangiti na lang ako sa hiya.

Habang kumakain kami naalala ko naman yung binanggit niya sa akin na matagal na niya akong kilala kaya tinanong ko siya. "Jerome paano mo ako nakilala, wala naman akong natatandaan na nagmeet tayo."
"Nakita na kita mga dalawang beses na nga e, hindi mo lang ako napapansin noon. Natatandaan mo ba nung araw na nagpustahan ng basketball, nandoon ako nun sa team ni Jason. Saka nung isang araw na pinagtripan ka niya, kasama ako dun" sagot niya habang umiinom ng krushers. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Matagal na pala niya akong kilala.

"E paano mo naman nakilala si Jason?" ang sunod kong tanong.
"Kaklase ko siya at kababata. Alam mo madalas ka niyang ikwento sa akin.Masaya nga siya kapag pinag-uusapan ka, kung alam mo lang na bata ka pa lang e may gusto na siya sa iyo. Dinadaan ka lang niya sa pangtitrip para mapansin mo  siya." si Jerome.
"Oo, mabait nga siya sa akin, sayang lang at nasa ibang bansa na siya, hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga naitulong niya sa akin" sabi ko sa kanya.
"Tama ka,  alam mo nung nakita ulit kita sa company, halos hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago mo. Hindi mo lang alam kung gaano nagkakandarapa ang mga babaeng kasama ko sa department sa iyo." Napapangiti na lang ako sa sinasabi niya.
"Ako naman ang magtatanong sa iyo Rico, Paano ka naman napasok dito? nabalitaan ko kasi na matagal na kayong magkakilalang dalawa." tanong ni Jerome.
"Yung mama niya ang nagpasok sa akin. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na siya ang may-ari ng kompanya e kasi education naman ang kinuha niyang kurso sa college at magkaklase sila ng kuya ko. Magkapit bahay lang kaming dalawa noon." sagot ko sa kanya.
"Ganun pala, alam mo yung Daddy niya talaga ang nagmamay-ari nito. Pinamana lang ito sa kanya nang mamatay siya mga 5 years ago." Nagulat naman ako sa mga nalaman ko sa kanya. Ibig sabihin mayaman pala talaga ang pamilya nila. Hindi kasi halata sa kanila e. Kung sabagay wala naman akong naririnig kay Tita Mely tungkol sa tatay niya. Kaya pala siguro ay hindi niya itinuloy ang pagiging teacher.


Marami pa kaming napag-usapan ng mga oras na iyon. Kinuwento niya sa akin kung paano siya nakapasok doon pati na rin ang memorable moments nila ni Jason. Narealize ko na masaya pala itong si Jerome kausap. Dahil sa aliw ko sa kanya ay hindi ko namalayan ang oras.

"Naku Jerome kailangan na nating bumalik. Baka nandun na si Sir Carlo at abutan akong wala doon baka pagalitan ako nun. First day ko pa naman" ang sabi ko sa kanya.
"Oo nga, napasarap tayo ng kwentuhan sige bilisan na natin" ang sagot niya.

Binilisan na namin ang paglalakad pabalik ng kompanya. Pagkadating, nagpasalamat muna ako sa kanya bago kami maghiwalay.Nagbigayan din kami ng mga cellphone numbers. Masaya ako dahil nagkaroon  agad ako ng friend sa unang araw ko.

Nagmadali na akong sumakay ng elevator paakyat sa taas. Medyo kinakabahan na ako dahil lumampas na ako ng 10 minutes. Nang makarating, sinalubong ako ni Suzie.

"Naku Sir Rico, bakit ngayon lang kayo dumating, kanina pa kayo hinahanap ni Sir Carlo. Pumasok na po agad kayo sa office niya."
Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon, baka kasi nagalit siya dahil sa pagkalate ko. Pero tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Pinaghandaan ko na ang magiging tensyon pagharap ko sa kanya.

Pagkapasok ko, nakita ko siyang nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa at ang masamang tingin niya sa akin.

"Anong oras na!!!!" ang pabulyaw na tanong niya sa akin.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

Pantasya (09)

by: Daredevil

May narinig akong boses ng isang tao na nagsasalita sa loob, sa palagay ko may kausap siya sa telepono. Medyo kinabahan ako dahil parang kilala ko ang pinanggagalingan ng boses na ito. Nagpasiya akong lumapit pa nang kaunti para pakinggan ito, at doon ko napagtanto kung kanino ito nanggaling. Hindi ako pwedeng magkamali.

Bigla akong nakaramdam ng pagkamiss sa kanya. Parang gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng mga oras na iyon. Siguro dahil sa matagal niyang pagkawala ng halos 5 taon. Iniisip ko kung ano na ang itsura niya ngayon at nagtataka rin kung bakit siya naging businessman sa halip na maging teacher na kinuha nilang kurso ng kuya ko pati na rin ang dahilan ng kanyang pagbabalik.

Kahit naeexcite ako sa muli naming pagkikita, mas nanaig pa rin sa akin ang galit dahil sa hindi ko nakalimutang ginawa niya sa akin. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit sa saktan niya ulit ang damdamin ko. Ipapakita ko sa kanya na iba na ako ngayon, hindi lang sa pisikal na itsura pati na rin sa pag-uugali. Hindi na rin ako magpapadala sa bugso ng damdamin. Nandito ako para magtrabaho.

Inayos ko muna ang aking sarili bago siya harapin. Ngayon pa lang naiisip ko ang magiging reaksyon niya kapag nakita ang bagong Rico sa harap niya. Nang matapos siya sa pakikipag-usap sa telepono ay saka akong lumapit sa kanya. Tumayo ako sa harap ng mesa niya.

"Good Morning po sir" ang nakangiti kong pagbati sa kanya. Halos magulat din ako sa kanyang itsura ngayon. Mas lalo siyang gumwapo. Kahit naka long sleeve din at kurbata, halata pa rin ang ganda ng katawan niya sa pagkakabakat pa lang ng suot niya. Makinis pa rin ang kanyang mukha kahit medyo nagmature na siya.

"Good mor..." ang itutugon niya pero naputol nang makita niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla rin sa aking bagong itsura. Ilang segundo rin niya akong tinignan mula ulo hanggang paa saka nagsalita muli.

"Ah eh Good morning, please take your sit" pagpapatuloy niya sabay turo sa akin ng isang upuan sa may mesa paharap sa kanya.

Pagkaupo, inilabas ko na ang aking dalang resume at inabot sa kanya. Pilit kong maging pormal at isinantabi ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtaka ako dahil hindi man lang niya ito binasa. Ipinasok lang niya ito sa kanyang drawer.

"Hindi mo muna kailangang magtrabaho at huwag mo nang problemahin pang bayaran ang  utang sa ginastos sa ospital. Iyong pera na pinahiram sa inyo ni mama, sa akin nanggaling iyon. Nag- alala rin ako sa nanay mo kaya nung humingi ng tulong sa akin ang kuya mo, hindi na ko nagdalawang-isip pa." si Kuya Carlo na nakatingin sa akin.

Medyo nabigla naman ako sa mga sinabi niya. Ibig sabihin siya ang nagpapunta sa akin dito sa pamamagitan ni Tita Mely. Matagal na pala siyang nakabalik. Hindi

"Personal decision ko po iyon Sir. Hindi lang naman po kayo ang pinagkakautangan namin. Saka kailangan ko rin po ang pera pambili ng mga gamot ni nanay lalo nat hindi na siya pwedeng magtrabaho. Si kuya naman. hindi pa siya kaagad makakapagbigay ng pera dahil mag-uumpisa pa lang siya sa pagtuturo sa Maynila. Kung magpapadala man, sakto lang iyon para sa gastusin sa bahay." ang mahaba kong paliwanag sa kanya.

Hinwakan niya ang kamay ko. "Rico, alam mo bilib ako sa pinapakita mo ngayon, matured ka na talaga mag-isip.  Tama nga si mama pati ang kuya mo. Naiintindihan ko ang mga saloobin mo.Nanghihinayang lang naman ako dahil hihinto ka sa pag-aaral. Sayang naman, isang taon na lang at gagraduate ka na. Hayaan mo sanang tulungan ko kayo. Ako na ang magpoprovide ng mga medical needs ng nanay mo pati na ang mga gastusin sa pag-aaral mo sa pasukan."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at sumagot. "Huwag na kayong mag-abala pa sa amin. Ayaw ko rin po na tumanaw ng utang na loob sa iyo."

"Iniisip mo pa rin ba ang pride mo, tumatanggi ka sa mga tulong ko. Bakit ganyan ka sa akin ha?" ang napataas na tonong pagtatanong niya sa akin.
"Gusto mong malaman ang totoo, sige sasabihin ko po sa inyo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa akin sa party noon. Sobrang nasaktan ako doon alam mo ba. Bigla ka na lang nagbago sa akin" ang deretsahan kong sabi sa kanya, pilit pinipigilang lumuha.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumapit sa akin at humawak ulit sa mga kamay ko. "Naiintindihan kita Rico, inaamin ko na kasalanan ko ang lahat, Ito ako ngayon hindi pa rin nagbabago. Pero sana pakinggan mo naman ang mga paliwanag ko."

"Tama na po, tigilan na natin ito at kalimutan na ang nakaraan. Nandito po ako ngayon para mag-apply ng trabaho. Gusto ko po ang perang pinaghihirapan kaysa sa bigay lang ng iba." ang nakayuko kong tugon sa kanya.

Tumayo na siya at bumalik sa kanyang upuan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kung iyan ang gusto mo sige, I will hire you as my personal assistant. Pwede ka nang magsimula bukas."

"Maraming salamat po sir sa pagtanggap. Hayaan niyo po na paghuhusayan ko po"
Pilit siyang ngumiti siya sa akin. "Ok you may go now, see you at 9am tomorrow."

Agad akong umuwi ng bahay para ibalita kay nanay na nagkaroon na ako ng trabaho.

Nang makarating, lumapit ako sa kanya na nakahiga sa kama. Nagmano ako sa kanya. "Nanay may trabaho na po ako magsisimula na ako bukas"
"Sa kompanya ni Carlo ba yan iho" ang sagot ni nanay.
"Napatingin naman ako kay nanay. "Paano po ninyo nalaman?"
"Nagpunta dito kanina ang Tita Mely mo, pinagtapat na niya sa akin ang lahat. Alam mo napakabait talaga ni Carlo kahit nung bata pa siya."
"Tama na nga yan nay, uminom na ba kayo ng gamot. Sabi ng doktor na kailangan nasa oras ang pag-inom." ang pag-iiba ko ng usapan.
"Oo anak, hindi ko naman yon makakalimutan." ang sagot ni nanay.
"Sige nay, sisimulan ko na ang mga gawaing-bahay. Bibili na rin ako ng pagkain natin." sabi ko sa kanya. Buong araw lang akong nasa bahay para bantayan si nanay.

Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Inaamin ko sa sarili na mahal ko pa rin si Kuya Carlo. Pero kailangan kong tanggapin na hanggang pantasya na mahalin niya rin ako. May sarili na siyang buhay ngayon. May asawa na siguro siya ngayon marahil yung babae na nakita ko sa party noon.

Kinabukasan, maaga akong gumising. Agad kong sinimulan ang aking mga daily routines at inasikaso si nanay. Nang matapos, agad na akong naghanda sa pagpasok sa trabaho. Nagsuot ako ng isang short sleeve white polo, itim na pantalon at bagong shine na leather shoes na fit sa akin. Siyempre gusto kong maging kaaya-aya akong tignan sa mata ng ibang tao. Nagmadali akong umalis ng bahay. Ayaw ko namang malate ako sa unang araw. Saktong 9am ako nakarating. Buti na lang wala pa si Kuya Carlo. Sinamahan ako ng babaeng nakausap ko sa telepono sa magiging mesa ko. Malapit lang pala ito sa pinto ng kanyang opisina. Nalaman ko rin sa kanya na ang kompanyang ito ay gumagawa ng mga damit at sapatos.

"Sir ito po ang magiging mesa niyo"
"Ok salamat.....???" ang pagpapasalamat ko nang bigla siyang nagsalita.
"Suzie po" ang nakangiti niyang sabi.
Ah ok, salamat Suzie"
"Sige po bababa na ako. Good luck po sa first day of work" ang pagpapaalam niya.

Umupo na ako sa aking pwesto at naghintay sa pagdating ni Kuya Carlo. Saktong 10am na nang makita ko siyang parating. Grabe talaga, lahat yata ng features ng isang magandang lalaki ay pinagkaloob na sa kanya. Pero isinantabi ko ang paghanga at nagpakaformal na humarap sa kanya. Tumayo ako at nginitiang bumati sa kanya. "Good Morning po Sir"

"Good Morning din, sumunod ka sa akin sa loob" ang tugon niya. Pagkapasok umupo kaagad siya at humarap sa akin.

"Ipapaalam ko lang ang magiging trabaho mo ikaw ang magiging personal assistant ko. Kaya ang lahat ng mga iuutos ko sa iyo ay gagawin mo. Kapag may mga bisitang darating, ikaw muna ang kakausap sa kanila bago dumeretso sa akin kasama na ang mga tawag sa telepono. Ika rin ang magsasabi  sa akin ng mga schedules sa akin sa araw-araw. Sasama ka sa lahat ng mga lakad ko. Ikaw lang ang mag-aabot sa akin ng lahat ng mga dokumentong dapat kong basahin o pirmahan. Kapag wala ako, ikaw ang tatao sa akin dito sa opisina. Naiintindihan mo ba?"

"Yes sir, naiintindihan ko po" ang sagot ko.
"Ok you may go"

Bumalik na ako sa aking mesa. Sinimulan ko nang pag-aralan ang mga files ng kompanya na nasa computer. Makalipas ang ilang minuto nakita ko siyang lumabas ng office na parang nagmamadali. Lumapit siya sa akin.
"Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo nagpunta lang ako sa isang meeting ok" utos niya.
"Yes sir" ang nakangiti kong tugon.

Habang busy sa pagbabasa ng mga files, bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Nang tignan ko ang oras, lunchbreak na nang hindi ko namamalayan. Ang bilis pala ng oras kapag abala. Hininto ko muna ang ginagawa.. Dahil sa wala pa naman akong gaanong kilala doon, nagpasiya akong kumain na lang sa labas nang mag-isa. Habang naglalakad ako sa lobby palabas ng building, biglang may kumalabit sa likod ko.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

Pantasya (08)

by: Daredevil

Nang matapos akong kumain, nagpasiya akong sumaglit sa bahay para makapagpalit ng damit. Naglalakad akong nag-iisip, kung paano nakakuha si kuya ng ganoong kalaking halaga. Kung sino man ang hiningian niya ng tulong, sigurado akong napakabait niya. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kanya.

Nasa tapat na ako ng aming bahay nang may mapansin akong isang napakagandang kotse na nakaparada sa may gate ni Tita Mely. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganoon, marahil galing ito sa ibang bansa. Hindi ko na iyon inusisa pa at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Agad akong dumeretso ng banyo para makapagshower, pagkatapos ay nagpalit na ng damit. Isang semi-fit na white shirt, checkered shorts at sapatos lang ang sinuot ko. Nang lumabas na ulit ako, nakita ko na nandun pa rin ang kotse. Naisip ko na lang na baka may mayamang bisita sina Tita Mely.

Pagkabalik ko ng ospital, agad kong tinungo ang ward kung nasaan naka confine si nanay. Pagkapasok ko, nakita ko siyang natutulog, kaya naisipan ko na lang na umiglip sa isang sofa sa gilid.

Kinabukasan, nagising na lang ako na may tumatawag sa pangalan ko. Alam ko si nanay iyon sa boses pa lang. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Nay, ano na pakiramdam niyo?" agad kong tanong sa kanya. Nang kumalas ako, hinawakan niya ang aking kamay.
"Ayos na ako anak,wag ka nang mag-alala." ang nakangiting tugon ni nanay.
"Salamat sa Diyos at ok na kayo, oo nga pala nay, wala na tayong poproblemahin sa gagastusin niyo dito, nakagawa si kuya ng paraan" sabi ko kay nanay.
"Kanino naman siya nanghingi ng tulong e kakapunta lang niya ng Maynila ah?" ang nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Hindi ko nga alam e, pero nasabi ni kuya na dadalawin ka ngayon ng taong ito, mabuti pang hintayin na lang natin siya para makapagpasalamat tayo" sagot ko sa kanya.

Pasadong alas onse na ng umaga nang pumasok ang isang nurse.

"Magandang umaga po, may dalaw po kayo" sabi ng nurse. Naisip ko naman na siya na siguro ang taong tinutukoy ni kuya kaya sinabi kong papasukin na siya.

Pagkabukas ng pinto, isang babae ang agad na lumapit sa kama kung saan nakahiga si nanay.
"Mare, kamusta ka na?" ang agad na tanong ni Tita Mely kay nanay.
"Ok na ako mare, ikaw pala ang hiningian ng tulong ng panganay ko, maraming salamat sa iyo, hayaan mo babayaran kita ng paunti-unti paglabas ko dito." si nanay.
Hindi kaagad nakasagot si Tita Mely sa sinabi ni nanay at parang nag-iisip ng itutugon niya. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na siya.
"Ano ka ba mare hehehehe, wag mo munang isipin yan, ang importante magpagaling ka muna. Tignan mo naospital ka pa, di ba sinabihan na kita noon, ang tigas kasi ng ulo mo e" si Tita Mely na medyo natatawa. Ngumiti lang si nanay. Nagpasiya naman akong iwanan muna silang dalawa para makapag-usap.

Umupo ako sa isang sementong upuan sa labas ng ospital na nag-iisip. May nararamdaman akong parang may hindi tama o kaya naman may isang sikreto. Pero isinantabi ko na lang ang mga ganoong bagay.

Sa kabilang banda, medyo nahihiya ako sa pagtulong ni Tita Mely. Hindi kasi biro ang malaking halagang pinahiram niya sa amin. Alam kong matatagalan pa bago gumaling ng tuluyan ang nanay. Kung makapagtrabaho man siya ulit, hindi kaagad niya ito mababayaran ng mabilisan, siyempre may mga gastusin rin kami sa bahay pati na rin sa pag-aaral ko. Kaya nagdecide akong kausapin si Tita Mely.

Makalipas ang halos isang oras, nakita ko ang paglabas ni Tita Mely. Agad ko siyang sinalubong.

"O iho, aalis na muna ako, balikan mo na ang nanay mo sa loob" si Tita Mely.
"Ah Tita, pwede po ba kayong makausap saglit". Kahit nagtataka pumayag naman siya. Doon kami nag-usap sa sementong inupuan ko.
"Tita, nagpapasalamat po ako pagtulong niyo sa amin, alam ko pong hindi kaagad maibabalik  ni nanay ang pinahiram niyo kaya naisip kong ako na lang ang gagawa ng paraan" ang pagsisimula ko ng aming usapan.
"Walang anuman iho, ano ka ba, wag mo munang isipin yan, intindihin mo ang pag-aaral mo" si Tita Mely sabay haplos sa ulo ko.
"Hindi rin po ako makakapag-aral ngayong pasukan, dahil walang magbabantay kay nanay, isa pa wala naman akong ipambabayad sa matrikula, dahil hindi agad siya makakapagtrabaho, yung sahod naman ni kuya ang pambayad din sa mga utang namin sa iba."
"Ah ganun ba, so ikaw muna ang maghahanap-buhay. Hay napakabait mo talagang bata. Kung yan ang gusto mo sige, pag-iisipan ko ang mga bagay na  iyan, sasabihan na lang kita." si Tita Mely. Natutuwa akong nagpasalamat sa kanya.

Agad naman akong bumalik sa ward upang sabihin kay nanay ang mga balak ko. Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag kahit halata sa kanya ang pagtutol.

Limang araw  na ang lumipas nang ma discharge si nanay sa ospital.  Ako na ang nag-aalaga at nagbabantay sa kanya sa bahay.

Isang gabi, palabas ako ng bahay para bumili ng aming hapunan nang bigla akong tawagin ni Tita Mely. Naaalala ko ang mga pinag-usapan namin sa ospital kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Rico, desidido ka na ba sa balak mo?" tanong niya nang makapalit ako.
"Opo Tita para na rin sa nanay ko" sagot ko sa kanya. Napansin kong may dinukot siyang papel  sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Nang tignan ko, isa pala itong cellphone number.
"Tawagan mo ang number na yan, diyan mo malalaman kung saan ka magtatrabaho." si Tita Mely.
 "Ganun po ba, sige po maraming salamat"
"Walang anuman iho, sige balik na ako sa loob, ang dami ko pang gagawin" si Tita Mely.

Binulsa ko muna ang binmigay niyang papel at naglakad na papuntang karinderya para bumili ng hapunan. Pagkabalik ng bahay, pinaalam ko ito kaagad kay nanay.

"Mabuti pang tawagan mo na agad ang numerong iyan" si nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Sige po pero bukas na siguro, nakakahiya namang tumawag pa ako sa ganitong oras" sagot ko.

Kinabukasan, nang matapos ako sa aking pag-eehersisyo, pati na rin sa mga gawaing- bahay at pagpapainom ng gamot kay nanay, agad akong pumunta sa tindahan para magpaload. Nang pumasok na ang load sa aking cellphone, inumpisahan ko nang tawagan ang numero na nasa papel. Maya-maya isang babae ang sumagot.

"Hello, who's this?" tanong ng babae.
"Im Rico Garcia, pinatawag po ako sa number na ito ni Amelia Monteverde. Confirm ko lang po ung job na nirecommend niya sa akin." sagot ko sa babae.
"Ah so punta ka na lang po sa main office namin on Monday.. Magdala ka po ng iyong resume." sabi ng babae.
"Ok, saan po ba ang office niyo?" isinulat ko naman sa likod ng papel ang exact address na binigay ng babae. Agad na rin akong gumawa ng aking resumeayon na rin sa sinabi niya.

Nang sumapit ang araw ng Lunes, pinuntahan ko na ang binigay na address sa akin. Nagsuot ako ng isang long sleeve polo, black pants at leather shoes. Nang marating ko ang lugar, namangha ako dahil isa pala itong napakataas na building. Papasok na ako sa loob nang may mapansin akong babaeng naka uniporme. Nang makita, nilapitan niya ako.

"Kayo po ba si Mr. Rico Garcia?" tanong ng babae.
"Ako nga po miss" ang casual kong sagot sa kanya.
"Sir ako po yung kausap ninyo sa telepono kahapon, tara na po hinihintay na kayo ni manager sa taas" sabi ng babae. Sinamahan niya akong umakyat sa office nito. Sa 15th floor pala ito.

"Nandito na po tayo Sir Rico" sabi ng babae ng marating na namin ang pintuan ng office ng manager.

"Teka lang po Sir papaalam ko lang ang pagdating ninyo" paalam ng babae sa akin at  pumasok sa loob.

Makalipas ang ilang segundo, lumabas na ulit ang babae. "Sir pasok na daw po kayo. " Tumango lang ako.

Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon. Hindi  ko mawari kung bakit. Pero dahil sa pagkadesperado na ring magkatrabaho, lakas-loob na akong tumuloy sa kanyang office.

Nang makapasok, bigla akong napahinto.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

Pantasya (07)

by: Daredevil

Dumating na ang panahon ng long vacation, sa awa ng Diyos ay natapos ko ang ikatlong taon sa kolehiyo.  Halos limang buwan  na rin ang lumipas mula nang mangibang-bansa si Jason. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot and at the same time ay naninibago dahil mag-isa na lang ako. Iniisip ko nga kung ano na ang ginagawa niya, kung maayos ang kalagayan niya at kung mayroon na siyang mga bagong kaibigan sa Canada. Pero kahit papaano ay sinasanay ko na ang sarili ko ngayon. Patuloy pa rin ako sa aking mga daily routines.

Ito rin ang panahon ng pag-alis ni kuya papuntang Maynila para ituloy ang pagtuturo. Kahit papaano kasi ay mas malaki ang sasahurin niya doon. Ngayon, ay kaming dalawa na lang ng nanay ang magkasama. Si nanay, ganun pa rin siya todo kayod para lang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Sa totoo lang naaawa na ako. Nakikita ko kasi na medyo nahihirapan na siya dahil sa pagtanda. Kaya pinangako ko sa aking sarili na lalo akong magsusumikap sa aking pag-aaral.

Isang umaga, habang nagjojogging ako, bigla akong tinawag ni Tita Mely. Lumapit siya sa akin.

"Rico, pwede ka bang makausap saglit?" si Tita Mely.
"Ano po iyon"? sagt kojng patanong din.
"Ipapaalam ko lang sa iyo ang tungkol sa nanay mo, nung sabado kasi na nagtrabaho siya sa akin ay napapansin ko ang madalas niyang pag-ubo e. Parang nahihirapan kasi siya. Sinabihan ko nga siya na magpatingin na sa doktor pero mukhang ayaw niya, sana kuminsihin mo siya" sabi ni Tita Mely na nag-aalala.
"Sige po, ako na ang bahala Tita" ang nasabi ko na lang. Hindi na lingid sa akin sinabi sa akin ni Tita Mely. Iniisip ko na ordinaryong ubo lang ang sakit niya, kapag tinatanong ko kasi siya sasabihin niyang ok lang siya at huwag akong mag-alala.

Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si nanay na naghahanda na ng paninda niya sa palengke.

"Anak, mag-almusal ka na muna, nagluto na ako ng sinangag at daing. Pagkatapos, maglaba ka, tambak na ang mga damit sa labahan e." si nanay.
"Sige po, ah nay ano po kasi, nakausap ko si Tita Mely kanina lang, napapansin na rin niya ang madalas ninyong pag-ubo. Sana po magpatingin na kayo sa doktor, sasamahan ko kayo" nag-aalala ko nang sabi sa kanya.
"Ano ka ba anak, huwag kang mag-alala, ok lang ako, tignan mo ang lakas ko oh" si nanay.
"Sigurado po kayo ha?" sunod na tanong ko sa kanya.
"Oo naman, o sige alis na ako anak, yung mga binilin ko sa iyo ha?" si nanay sabay buhat ng paninda at tumungo sa pinto palabas.
"Opo nay, sige ingat kayo."

Agad kong kinain ang mga nakahaing almusal dahil na rin sa gutom ko sa ilang minutong jogging. Pagkatapos, nilinis ko ang buong bahay. Nang matapos na ay kinuha ko ang mga maruruming damit sa mga kwarto at dinala sa bakuran para labhan.

Medyo mainit na nang mga oras na iyon kaya nagpasiya akong hubarin na ang suot kong T-shirt. Sinimulan ko na ang pag-iigib ng tubig na gagamitin ko sa poso na malapit sa barangay hall. Habang nagbubuhat ng mga baldeng may tubig pabalik sa bakuran, napansin ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. Alam ko na namamangha lang sila sakaya nginingitian ko lang sila. Agaw-eksena naman ang babaeng hinimatay dahil sa ginawa ko. Agad siyang inuwi ng mga kakilala sa kanila. Naririnig ko pa ang kanilang bulung-bulungan.

"Grabe ang babaeng ito, nahimatay, overacting" sabi ng isang babae sa katabi niya.
"E sino ba naman ang hindi, pamatay kasi talaga ang ngiti niya e. Saka tignan mo naman mula ulo hanggang paa, perfect." sagot ng kausap niya. Kakatuwa lang dahil puro papuri na ang mga lumalabas sa bibig ng mga taong nanglalait sa akin dati. Hinayaan ko na lang sila at tinuloy ko na ang aking ginagawa.

Nang makaipon na nang sapat na tubig, pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga puti sa de-kolor. Sa di inaasahan may napansin akong bahid ng dugo sa mga panyo. Ang tuwa ko sa mga nangyari kanina lang ay napalitan ng kaba at pag-aalala. Alam ko kasi na si Nanay ang may-ari ng mga panyong ito. Kaya napag-desisyuan kong bilisan ang gawain.

Makaraan ng limang oras natapos na rin ako sa paglalaba. Sinampay ko na ang mga nilabhan, pagkatapos ay naligo at umalis para puntahan na si nanay sa palengke at kumpirmahin ang mga nakita ko. Habang papalapit ako nang naaaninag ko ang mga kumpol na tao na waring may tinitignan. Nang makalapit pa nang husto, kinabahan na ako dahil  naroon ang mga tao sa pwesto kung saan nagtitinda si nanay. Agad na akong tumakbo. Nang makita ko kung sino ang tinitignan nila, halos manigas ang katawan ko, si nanay nakahandusay sa lupa at walang malay.Naiiyak akong yumakap sa kanya. Doon ko napansin na medyo mainit siya at namumutla. Ayon sa mga kasama niyang tindera na lumapit sa akin ay bigla na lang daw itong hinimatay habang nag-uuubo. Dinala ko na siya sa ospital.

To the rescue ang mga doktor nang dumating ako doon at ipinasok siya sa emergency room. Halos hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya. Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ang doktor at lumapit sa akin.

"Sir kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor sa akin.
"O..o..opo dok, anak niya ako. Ano na po ang lagay ng nanay ko?" ang naiiyak kong tanong sa doktor.
"Ok na ang nanay mo, yung pagkahimatay niya kanina ay dahil sobrang pagod. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga." sabi ng doktor.
"Salamat po, isa pa dok, yung tungkol naman po sa madalas niyang pag-ubo. Nag-aalala na ako dahil may lumalabas na dugo sa kanya e." ang sunod kong tanong.
"Huwang kang mabibigla iho, may tuberculosis ang nanay mo. Medyo malala na ito dahil hindi agad napatignan, pero may pag-asa pa naman siyang gumaling, mahaba nga lang ang gamutan, sige iho ppuntahan ko muna ang iba kong pasyente" sabi ng doktor.

Sa kapilya ng simbahan, doon ko nilabas ang lahat ng emosyon ko sa nangyari. Pinagdasal ko na sana bumilis ang pag galing ng nanay. Agad ko ring tinawagan si kuya sa Maynila.

"Kuya, ang inay nasa ospital siya ngayon" ang naluluha kong balita sa kanya.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" ang napalakas na tono ng pagtatanong ng kuya ko.
"Hinimatay siya kanina, saka kuya, may TB siya, pero may pag-asa siyang gumaling. Inaalala ko lang kung saan kukunin ang pera para sa gamot niya pati ang mabayad sa ospital." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba, sige gagawa agad ako ng paraan, basta diyan ka lang at bantayan mo si nanay ha" si kuya.

Halos apat na oras aqng lumipas nang magkamalay ang nanay.Agad akong yumakap sa kanya.

"Buti naman nay at nagkamalay na kayo, bakit niyo pa pinatagal ang sakit ninyo sana hindi na lumala pa yan?" sabi ko sa kanya.
"Anak, iniisip ko kasi ang mga gagastusin e, inilalaan ko kasi ang mga kinikita ko sa bahay pati sa pag-aaral mo." sagot niya.
"Nay naman, mas inaalala mo pa ako kaysa sa kalusugan mo, sige nay kailangan niyo nang magpahinga sabi ng doktor. Aalis muna ako" paalam ko sa kanya.

Pumunta ako sa baba ng ospital para alamin kung magkano ang magiging bill namin pati ang mga halaga ng gamot na nireseta ng doktor.Halos malula ako sa presyo.Halos twenty thousand ito kasama na ang mga gamot ni nanay. Tama naman kasi mahaba-haba ang magiging gamutan niya.  

Naglalakad ako palabas ng ospital nang nag-iisip, kung saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga. Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasiya akong kumain sa isang karinderya malapit doon. Lugaw ang inorder ko. Habang kumakain, biglang nagring ang cellphone ko. Si kuya ang tumawag. Binalita ko sa kanya na nagkamay na ang nanay. Sinabi ko na rin ang halaga ng mga gagastusin sa ospital.

"Ah ok, salamat at ayos na siya. Huwag mo nang alalahanin ang mga gastos, may makukuhanan na ako ng pera." sabi ni kuya sa akin. Natuwa ako sa sinabi niya pero nacurious ako kung saan niya kinuha ang pera kaya tinanong ko siya.

"Kuya saan at kanino ka naman kumuha ng pera?" tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kasi hindi pa naman nagtatagal si kuya sa Maynila kaya wala pa siyang pera.
"Basta, bukas malalaman mo rin. Dadalaw naman siya sa inyo dyan, o sige tawag na lang ulit ako bukas." si kuya.
"Teka kuya sino...." pahabol ko sanang tanong sa kanya nang mag end call siya.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

Pantasya (06)

by: Daredevil

Binago ko na ang  aking routine sa araw-araw. Paggising ko pa lang sa umaga, nagjojogging na ako.Iniikot ko ang buong barangay namin. Binabalewala ko lang ang mga taong nakatingin sa akin lalo na ang mga mapanghusgang mga tao na nang-aasar sa akin na baboy. Tuwing wala namang pasok, nagwowork-out ako sa gym sa isang mall malapit sa amin, minsan naman sinasamahan ako ni Jason. Sa simula medyo mahirap, pero kung pagsisikapan, talagang kakayanin.

Sinimulan ko na rin ang pagpapaganda ng aking balat base sa mungkahi ni Jason. Regular akong nagpupunta sa isang espesyalista. Hindi ko naman gaano pinoproblema ang gastos dahil tinutulungan naman ako ni Jason. Kahit busy ako sa mga ganitong bagay, hindi ko pa rin pinababayaan ang aking pag-aaral.

Nagbunga naman ang aking paghihirap, second year college na ako, isang taon buhat nang magsimula ako, nawala na ang aking pagkachubby. Isang Rico na ako ngayon na may magandang pangangatawan, may maputi  at makinis na balat. Napansin ko na rin ang aking pagtangkad.

Pantasya (05)

by: Daredevil

Paakyat na ako ng hagdan papunta sa aming room sa 3rd floor nang bigla kong makita si Jason na bumababa ng hagdan kasama ang mga tropa niya. Para di niya komapansin, yumuko lang ako at binilisan ang paglalakad. Nakalampas na sana ako sa kanya nang bigla siyang bumalik at hinawakan ang braso ko. Pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Rico, ikaw ba yan?" ang bigla niyang tanong. Hindi ako sumagot sa halip bumitaw ako sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo pa niya hinigpitan.Bigla niyang tinanggal ang shades ko.
"Aba tol, si piggy boy pala oh, first time lang namin makakita ng baboy na nagsusuot ng shades." ang sabi ng isa niyang kasama at nagtawanan sila maliban kay Jason na nakatingin pa rin sa akin marahil napuna na niya ang maga kong mata.

"Bakit ganyan ang mata mo, may problema ka ba?" si Jason at hinaplos ako sa likuran. Nanibago naman ako sa inasta niya sa akin ngayon, nasanay na kasi akong inaasar ng ungas na ito kapag nagkikita kami.
"Concern ka ba? parang hindi bagay sa iyo iyan, unbelievable!" sabi ko.