by: Zildjian
Hanggang sa ma-i-lock ko na ang pinto
nang apartment naming ay hindi pa rin nawawala sa akin ang imahe ni Martin
kanina. Hindi ko inaasahan na ganun kaganda ang hubog nang katawan nito, at isa
lang ang masasabi ko, ang hot niya.
Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa
banyo kung saan ito naliligo at hindi ko maiwasang isipin ang hitsura nito
ngayon habang basa nang tubig. Nakakapanginig ng laman, nakakabaliw at higit sa
lahat nakaka-turn on.
Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko?
Pinagnanasaan ko ang bestfriend ko? Hindi pwede ang ganito! Di ko maiwasang
ma-isambit sa aking isip.
“Kenotz, paki kuha naman ng tuwalya ko
sa kwarto. Nakalimutan ko mag-dala.” Ang may kalakasan nitong sabi.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses
niya na may di makapaniwalang tingin.
What the hell? Ang gusto ko sanang
ma-isambit sa kanya ngunit hindi lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig
nang makita ko ang kalahating katawan nito na nakalabas sa nakauwang na pintuan
ng banyo. Ang mga butil nang tubig na dumadaloy sa matitipunong dibdib nito’t
mukha ay nagbigay sa akin nang isang nakakapanlamig na pakiramdam.
“Kenotz! Natulala ka na naman diyan.
Sabi ko pakikuha naman ng tuwalya ko sa kwarto.” Untag nito sa akin.
Hindi agad ako nakakilos sa
pagkabigla. Oo, nabigla ako dahil hindi ko akalain na makikita ko nang personal
ang imaheng kanina pa tumatakbo sa akin isip – ang imahe ni Martin na basa nang
tubig na ngayon ay dahilan nang panunuyo nang aking lalamunan.
“Hoy! Ano nangyari sayo?” May
pagtataka nitong sabi nang hindi pa rin ako gumalaw.
Agad kong binawi ang aking sarili sa
pagkabigla.
“A-Ah.. W-Wala.. May bigla lang akong
naalalang problema sa opisina. Y-Yung tuwalya ba kamo? Teka lang at kukunin
ko.” Ang tila kinakapos sa hangin kong wika sabay talikod at mabilisang tinungo
ang kwarto nito.
Pagkasara na pagkasara ko nang pintuan
ng kwarto nito ay napasandal ako at sunud-sunod na nagpakawala nang malalalim
na buntong hininga. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam
na para bang kinakabahan ako na ewan. Kakaibang kaba na may halong excitement
na hindi ko mabigyan ng pangalan.
“Kenotz, ang tagal mo naman! Nasa
likod ng pintuan ang tuwalya ko.” Ang narinig kong wika ulit nito.
Dali-dali ko ngang kinuha ang tuwalya
nito. Bago lumabas ng kwarto ay nagpakawala ulit ako nang isang buntong hininga
para marelax kapag nasa harapan na ako nito. Ayaw ko namang mapansin niya ang
pagiging uneasy ko sa harap niya at baka kung anu pa ang kanyang isipin.
“Sa susunod na maliligo ka siguraduhin
mong may dala kang tuwalya.” May bahid nang pagsusungit kong wika para maitago
ko ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi naman ako nabigo
dahil nagawa kong tumingin sa kanya nang deretso nang i-abot ko sa kanya ang
tuwalyang kanyang hinihingi.
“Salamat.” Sarkastiko nitong tugon.
“Sungit mo!” Dagdag pa nitong wika at muli nang isinara ang pintuan ng banyo
marahil para makapagpunas na ito nang katawan.
“Alam mo Kenotz, di na kita minsan
maintindihan ngayon.” Bigla nitong sabi.
Kasalukuyan kaming nag-iinumang
dalawa. Matapos nitong makapagbihis ay nagsimula agad kaming mag-inuman at sa
sala ang napili naming pwesto habang nanunuod ng myx. College pa lang kami ni
Martin ay ganitong trip na ang ginagawa namin tuwing ma-iisipan naming mag-emo.
Emo ang tawag naming dalawa kapag nag-iinuman kami na kaming dalawa lang. Ito
kasi ang time na nakakapagusap kami nang seryoso.
Mula sa TV ay nabaling ang tingin ko
sa kanya.
“Bakit naman?”
“Ewan ko lang. Minsan kasi bigla-bigla
nalang nagpapalit ang mood mo. Gaya kanina bigla mo akong sinungitan nang
makiusap ako sayo'ng kunin ang tuwalya ko. Hindi ka naman kasi ganyan dati.”
Mahaba nitong sabi.
“Hindi kita sinungitan.” Depensa ko
naman sa sarili ko.
“May problema ka ba? May problema ba
tayo?” Ang sunod nitong sinabi.
I was caught off guard sa tanong na
iyon. Hindi ko kasi alam ang isasagot para maipaliwanag sa kanya kung bakit
ganun na lang ang inasal ko kanina syempre wala akong lakas ng loob na sabihin
na kaya ko siya sinungitan ay dahil gusto kong maitago sa kanya na pinagnasaan
ko ang katawan niya.
“Lasing kana?” Ang tanong ko sa kanya
sa halip na sagutin ang tanong niyang iyon.
Nangunot ang noo nito at binigyan ako
nang nagtatakang tingin.
“Nagsisimula ka na kasing mag-drama.”
Wika ko sabay bigay nang nakakalokong ngiti. Ito ang paraan na lagi kong
ginagamit para maiwasan ang ganung uri nang usapan.
Mabuti naman at bumenta iyon sa kanya
dahil ang sumunod na nangyari ay dumapo sa bunbunan ko ang kamao nito.
“Puro ka kagaguhan. Ewan ko sayo.”
Tila asar na naman nitong wika na tinugon ko lang nang isang nang-aasar na
ngisi.
Wala akong balak na sabihin sa kanya
ang tunay na rason kung bakit naninibago ito sa akin ngayon. Matagal ko nang
alam na hindi matutugunan ni Martin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang
kaibigan lang ang kayang maibigay nito sa akin at dapat makontento na ako doon.
Ayaw kong masira ang pinagsamahan namin kaya't hanggang kaya kong pigilan ang
nararamdaman ko ay gagawin ko.
Ang sumunod na nangyari ay kwentuhang
lasing. Kung anu-ano ang napag-usapan namin ni Martin na mga kalokohan noong
mga panahon na nasa college pa kami. Sa bawat pagtawa nito ay lalo lang nagbibigay
sa akin nang rason na itago sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang
isugal ang pagkakaibigan namin dahil hindi ko kayang mawala sa akin ang
kaisa-isang taong nagpapaligaya sa akin.
Tulad nang laging nangyayari tuwing
nag-iinuman kami ay ako ang unang bumagsak.
Pupungas-pungas akong bumangon sa kama
na hinihilot-hilot ang aking sintido dahil sa hangover. Laking gulat ko nang
matagpuan ko ang sarili ko na nasa loob na ako nang aking kwarto.
Paano ako napapunta rito? Di ba sofa
ako nakatulog kagabi? Mga katanungang agad na nabuo sa aking isip.
Pilit kong binalikan ang mga nangyari
sa nakaraang gabi ngunit wala talaga akong maalala na nagawa ko pang pumasok sa
kwarto ko.
“Gising kana pala.” Halos mapatalon
ako sa pagkagulat ng biglang sumulpot si Martin.
“Paano ako napunta dito sa kwarto ko?
Di ba sa sofa ako nakatulog kagabi?” Ang agad na tanong ko sa kanya nang
makabawi ako sa pagkabigla.
“Ginigising kita kanina dahil
pinapapak ka na nang lamok kaso ayaw mong patinag kaya binuhat na lang kita
papunta sa kwarto mo.” Simpleng tugon nito sa akin. “Nakapaghanda na ako nang
tanghalian Kenotz, kain na tayo.” Dagdag pa nitong wika at nagpatiuna nang
lumabas ng aking kwarto.
Naiwan akong natulala sa narinig mula
sa kanya.
Binuhat niya ako? Bakit? Di ko
maiwasang maitanong sa aking sarili.
“Tama ba ang lasa nang sabaw?”
“May improvement. Nakukuha mo na ang
lasa nang nilaga ni mama.” Ang nakangiti kong tugon sa kanya.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip ang
ginawa nitong pagkarga sa akin kagabi. Sa totoo lang, may hatid itong kiliti sa
akin habang ini-imagine ko kung paano ako nito dinala sa kwarto ko. Matagal ko nang alam na maalalahanin si
Martin and that’s the reason why I fall for him, pero ang ginawa niya kagabi ay
bago sa akin. Sabagay, no’ng nasa bahay kami ay sa kwarto ko ang tambayan namin
at doon din kami nag-iinuman kaya kahit makatulog ako, hindi na ako nito
kailangan pang buhatin.
“Phew!” Wika nito at nagmuwestra pa
nang pagpahid ng pawis sa kanyang noo. “Mabuti naman at pasok sa choosy mong
panlasa.” Dagdag pa nitong may himig ng pagkabilib sa kanyang sarili.
Well, hindi ko naman ito masisisi
dahil halos sa apat na buwan naming pagsasama ito ang kauna-unahang luto niya
na talagang kayang kainin ng isang tao. Yung iba kasi ay kung hindi sunog ay
sobra namang alat.
“Akalain mo yon? Sa halos apat na
buwan kong pagtitiis na turuan ka nagawa mo naring makapag-luto nang tama.”
Ngingisi-ngisi kong sabi.
“Gago! Ang sama mo talaga.” At sabay
kaming napatawa.
“Mabuti at kinaya mo akong buhatin.”
Ang biglang pagpasok ko sa ginawa nito na dinaan ko lang sa biro. Hanggang
ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya iyon sa akin.
“Syempre! Anong silbi nitong muscles
ko kung ang tulad mo lang ay di ko kayang buhatin?” May kayabangan nitong tugon
na sinamahan pa niya nang pagflex nang braso niya. Pinakita talaga nito ang
pinagyayabang niyang muscles.
“Ang yabang mo!” Basag ko sa kanya na
tinugon lang nito nang pagtawa.
Parang wala lang naman sa kanya ang
ginawa niyang pagbuhat sa akin kagabi kaya walang rason para tanungin ko pa
siya kung bakit niya ginawa iyon. Siguro, ganun lang talaga si Martin bilang
isang kaibigan lalo na ngayong kaming dalawa ang magkasanga sa buhay.
Iniisip ko nalang, o mas tamang
sabihin na pilit kong isinasaksak sa kokote ko na walang malisya o walang ibig
sabihin ang ginawang iyon ni Martin kung hindi isang gesture lang nang isang
nag-aalalang kaibigan. Ayaw ko na ring lalo pang bigyan ng pansin ang bagay na
iyon dahil ayaw kong paasahin ang sarili ko sa wala.
Matapos naming mananghalian ay nagyaya
si Martin na manuod nang TV na sinang-ayunan ko naman. Gusto ko ring sulitin
ang rest day ko dahil bukas simula na naman ng mga trabaho namin.
Inubos namin ang oras namin sa
panunuod ng iba’t ibang klase nang pelikula mula sa gyera na mga tipo ni Martin
panuurin hanggang sa horror. Nang parehong mapagod ang mga mata namin ay kapwa
kami nakatulog sa sofa. Siya sa kaliwang dulo at ako naman sa kanan.
Nagising ako bandang alas-sais na nang
gabi. Unang hinanap nang mata ko ay si Martin at nakita ko itong natutulog parin at pilit sinisiksik ang
sarili sa dulo nang sofa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa hitsura nito. Ang
sarap nitong tingnan habang natutulog na animo'y walang problemang pinagdaanan
sa buhay. Alam ko naman kahit hindi ito nagsasabi ay hanggang ngayon dala-dala
pa rin nito ang sakit sa ginawang pagtakwil sa kanya nang kanyang mga magulang.
Bilib lang ako sa kanya dahil ni minsan ay hindi ito nagreklamo sa buhay namin
ngayon kahit pa man hindi ito ang kinasanayan niyang buhay.
Nakikita ko kay Martin kung gaano siya
nagsisikap na maprove sa pamilya niya na kaya niyang mabuhay na walang tulong
galling sa mga ito. Kahit na nahihirapan siyang mag-adjust ay hindi ko ito
narinig na nagreklamo o mag-aburido manlang. Hindi biro ang mabuhay nang walang
suporta sa mga magulang. Ngayon, natuto kaming magtipid, bigyang halaga ang
bawat perang gagastusin namin at i-budget ang mga ito para umabot sa susunod
naming sahod at masaya ako na kahit mahirap, na kahit minsan isa sa amin ang
pumapalpak ay nagagawan naman agad namin iyon nang paraan.
“Bakit?” Ang biglang wika nito na
nagpabalik sa akin mula sa malalim na pagiisip.
“Huh? Anong bakit?” Ang naguguluhan ko
namang tanong sa kanya.
“Bakit ka nakangiti habang nakatingin
sa akin? Siguro may ginawa kang kalokohan noh?” Wika nito sabay parang tangang
ininspeksyon ang kanyang mukha.
“Wala akong ginagawang kalokohan noh.”
Tatawa-tawa kong sabi. “Natatawa lang ako sa hitsura mo habang pilit mong
pinagkakasya ang sarili mo diyan sa sulok eh pwedi ka namang umurong dito.”
“Baka kasi magising ka.” Tugon nito.
Muli, napangiti ako sa pag-aalala na
naman nito sa akin.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”
“Kinilig kasi ako sa sinabi mo.” Sabay
bigay ko nangaasar na tawa. Kahit pa man ang totoo ay kinilig talaga ako sa
pagiging maalalahanin nito sa akin.
“Gago!” At sabay kaming nagtawanan.
“Thank you for calling XM, have a
great day ahead.”
“Sabay kanang mag-lunch sa amin Ken.”
Paanyaya sa akin nang isa sa mga ka-team ko sa pinag-tratrabahuan kong call
center company.
Napatingin ako sa relo ko, alas-tres
na pala nang madaling araw at ilang oras nalang matatapos na naman ang walong
oras na pakikibaka ko sa mga costumer namin na wala na atang ibang alam kung
hindi ang sumigaw at bigyan kami ng sakit nang ulo.
“Sige, saglit lang at maglog- out lang
ako sa Avaya ko, baka mapagalitan na naman ako mamaya ni TL kapag maling input
na naman ang gawin ko.”
“Alright. Una na kami sa pantry, yosi
lang muna kami habang wala ka pa.”
Nang matapos makapag logout sa Avaya
ay dumeretso muna ako sa locker para kunin ang cellphone ko. Tanging ang TL’s o
Team Leader at Operations Manager lamang ang allowed na magdala nang cellphone
sa floor.
May tatlong message akong natanggap at
lahat ng iyon ay mula kay Martin. Napangiti ako nang mabuksan ko ang unang
message nito.
“Diyan ka na ba sa office niyo? Text
mo ko kapag nakarating ka na.”
Hindi talaga ito nagmintis na laging
magpadala nang mensahe sa akin para tanungin kong safe akong nakarating sa
opisina. Iyon ang isa sa mga dahilan kong bakit muling bumabalik ang ibinaon ko
na sa limot na pagmamahal sa kanya.
Ngayon lang ako hindi nakapagreply sa
kanya agad dahil sa lintik na jeep na nasakyan ko kanina. Na flat tire ito kaya
muntik na akong ma-late sa pagpasok dahilan para hindi ko na magawang replayan
ang mensahe ni Martin sa akin.
Nagreply ako sa kanya kahit pa man
late na habang binabagtas ko ang pantry kung saan naroon ang iba kong ka-team
na naghihintay sa akin.
“Nothing’s changed, Slowpoke ka pa
rin.” Bungad sa akin nang isa sa mga ka-team ko at naging kaibigan ko na rin na
si Chelsa.
“Hindi nila trip ang pagkain dito kaya
napagdesisyunan nang karamihan na sa labas tayo kumain, dating gawi.” Ani naman
ni Rex ang pinakamatagal na sa team namin. Pinaghalo kasi ang mga bago sa mga
may experience na para makatulong sa tulad naming mga bago.
“Kayo ang bahala.” Pagsang-ayon ko na
rin sa plano nila. Hindi ko rin naman kasi gusto ang mga pagkain sa loob ng
pantry na yon dahil bukod sa walang justice ang lasa, ang mamahal pa.
“Let’s go then, sayang ang oras.” Sabi
naman ni Jay.
Pumunta nga kami sa paborito naming
food chain, ang Mcdonalds. Bukod kasi sa mura na ay nabubusog pa kami. Walking
distance lang ito mula sa kinatatayuan ng opisina namin at marami ring tulad
naming agents ang kumakain doon. Swerte lang at hindi pa mahaba ang pila sa mga
oras na iyon na siyang nakakaubos nang oras namin.
“Sa Saturday absent ako.” Ani ni Jay
habang nilalantakan naming ang mga orders namin.
“Ano bang bago.” Basag naman ni Chelsa
dito. “Every week lagi ka namang uma-absent kaya di na kabigla-bigla iyang
balak mo. Ano na namang sakit ang gagamitin mong palusot ngayon kay TL?”
“Kahit naman walang palusot
pinapayagan siya ni TL. Siguro may lihim silang relasyon ni TL.” Ani naman ni
Kiko.
“She’s not my type noh.” Wika nito na
ikinatawa naming apat.
“Proven and tested na talaga, walang
duda.” Ani naman ni Rachalet.
“Anong proven ang pinagsasasabi mo Mam
Rachalet?”
“That you’re one of those guys who
also likes ‘Guys’.” Ang walang preno nitong sabi na sinamahan pa nito nang
pag-quote nang salitang guy.
“What made you say that?” Nanunubok at
tila hindi apektadong wika ni Jay.
“Gees! Stop with the lousy act. Wala
pang sino mang straight na lalaki sa mundo ang hindi nagandahan sa alindog
namin ni Chelsa.”
Napatawa kaming lahat sa sobrang bilib
nito sa kanyang sinasabing kagandahan. Sabagay, kung sa hubog nang katawan at
hitsura ay walang dudang pasok sina Chelsa at Rachalet. At matagal ko na ring
napapansin kay Jay na tulad ko rin ito.
“Praning!” Ang tatawa-tawang wika ni
Jay. Wala itong ibinigay na kumpirmasyon patungkol sa sinabi ni Rachalet pero
hindi rin ito nagdeny.
“So bakit ka mag-a-absent?” Pagbabalik
ni Rex sa unang usapan.
“Birthday ko.” Nakangisi nitong wika.
“Ows?” Ang sabay-sabay naman naming
reaksyon sa sinabi nito.
“Mga praning talaga kayo. Oo nga,
birthday ko.”
“Kung birthday mo bakit hindi kami
invited aber?” Si Chelsa.
“Eh may mga trabaho kayo di ba?
Maliban kay Ken at Kiko na pinalad na matugma sa araw na iyon ang rest day
nila.”
“Problema ba yon, eh di absent rin
kami, di ba mga kakosa? Hindi namin palalampasin ang pagkakataong makakain at
makainum ng libre.”
“Tama!” Sabay-sabay na wika nang mga
ito maliban sa akin na ngingiti-ngiti lang sa mga kalokohan nila.
Nasa ganun silang usapan nang
mag-vibrate ang cellphone ko. May pagtataka ko itong kinuha sa aking bulsa
dahil sa masyado nang late para may mag-text pa sa akin.
Agad namang gumuhit ang ngiti sa aking
labi nang makita ko ang pangalan ni Martin.
‘Okies, buti naman at safe kang
nakarating sa opisan niyo. See you later pag-uwi ko sa work.’
Gising na ang taong iyon?
Mag-aalas-kwarto palang nang umaga ah.
“Ano ba yan? Umagang umaga may ka-text
ka? Hindi ba natutulog yang taong yan?” Sita sa akin ni Rachalet.
Ngisi lang ang ibinigay kong pagtugon
sa kanya at muling ibinalik sa aking bulsa ang aking cellphone.
“So, Saturday sa bahay tayo nina Jay.”
Ani ni Chelsa.
“Hind ako pwedi.” Ang nakangiti ko pa
ring tugon dahil sa pagiging maalalahanin ni Martin. Kontento na talaga ako sa
mga pag-alala nito sa akin.
“Ay! Hindi pwedi yan. Alalahanin mong
aabsent kami kaya dapat lang na sumama ka.” Si Chelsa.
“Oo nga naman Ken. Minsan na nga lang
tayong magbonding di ka pa nakiki-ayon.” Segunda naman ni Rex.
“Sasama yan.” May pagkasiguradong wika
ni Rachalet. “Subukan mo lang na hindi sumama at susunugin ko ang apartment na
tinutuluyan mo.”
Napangiwi nalang ako. Alam kung
hinding hindi ako makakatakas sa mga ito lalo pa’t kasama ang dalawang babaeng
makukulit at hindi marunong tumanggap nang sagot na hindi.
Patay ako nito. Ang naibulalas ko na
lang sa aking isip.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment