by: Daredevil
Paakyat na ako ng hagdan papunta sa
aming room sa 3rd floor nang bigla kong makita si Jason na bumababa ng hagdan
kasama ang mga tropa niya. Para di niya komapansin, yumuko lang ako at
binilisan ang paglalakad. Nakalampas na sana ako sa kanya nang bigla siyang
bumalik at hinawakan ang braso ko. Pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang
paa.
"Rico, ikaw ba yan?" ang
bigla niyang tanong. Hindi ako sumagot sa halip bumitaw ako sa pagkakahawak
niya ngunit mas lalo pa niya hinigpitan.Bigla niyang tinanggal ang shades ko.
"Aba tol, si piggy boy pala oh,
first time lang namin makakita ng baboy na nagsusuot ng shades." ang sabi
ng isa niyang kasama at nagtawanan sila maliban kay Jason na nakatingin pa rin
sa akin marahil napuna na niya ang maga kong mata.
"Bakit ganyan ang mata mo, may
problema ka ba?" si Jason at hinaplos ako sa likuran. Nanibago naman ako
sa inasta niya sa akin ngayon, nasanay na kasi akong inaasar ng ungas na ito
kapag nagkikita kami.
"Concern ka ba? parang hindi bagay
sa iyo iyan, unbelievable!" sabi ko.
"Ganyan ka ba talaga, ang hirap
kasi sa iyo sa iisang tao ka lang nakatingin kaya di mo na napapansin ang ibang
tao sa paligid mo na nag-aalala rin sa iyo."si Jayson. Nabigla naman
ako sa mga sinabi niya, for the first
time in the history kasi, ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng mga
seryosong bagay tulad nito. Parang patama pa sa akin ang mga binitiwan niyang
salita.
"Kung ganoon inaalala mo pala
talaga ako, pasensya na ha, kasi naninibago lang ako sa iyo, sanay na kasi
akong inaasar mo palagi e" sabi ko sa kanya.
"Buti alam mo na kaya ipaliwanag
mo sa akin ang dahilan ng pamamaga ng mata mo." si Jason.
"Ah wala to sore eyes lang."
palusot ko sa kanya. Kita ko sa reaksyon ng mukha niya na hindi siya naniniwala.
"Sige pumunta ka na sa klase mo
baka ma late ka na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap.Tara na guys" Umalis
na si Jason kasama ang mga katropa niya. Nabatid ko na kahit gaano kasama ang
isang tao ay meron rin pala siyang kabaitang tinatago. Isinuot ko na ulit ang
shades at tumuloy na sa room.
Hindi ako maabsorb ang mga lectures ng
aming teachers dahil sa kakaisip ng mga nangyari noong isang gabi. Hanggang
ngayon kasi ramdam ko pa rin ang sakit. Natapos ang klase sa araw na iyon na wala ako gaano natutunan.
Lumabas ako ng school na nakayuko,
matamlay at wala sa sarili. Medyo natauhan lang ako nang marinig ko ang
pagtawag sa akin ni Jason. Tumingin ako sa kanya, nakasandal sa gate ng school.
Lumapit siya sa akin.
"Ayos ka lang ba, ang tamlay mo
kasi e, akin na ang bag mo ako na ang bubuhat, ihahatid kita sa inyo." si
Jason.
"Salamat" at ibinigay ko sa
kanya ang bag. Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep, tinanong ulit
niya ako. Hindi talaga ako titigilan ng ungas na ito kaya sinabi ko na sa kanya
ang totoo, tutal alam naman niya ang pagkagusto ko kay Kuya Carlo.
"Ikaw kasi, iniisip mo na parang
sa kanya lang iikot ang mundo mo kaya nasasaktan ka ng ganyan. Pwede ba huwag
mo na siyang isipin, sisirain mo ba ang buhay mo dahil sa isang taong tulad
niya" si Jason. Sa pagkakataong ito, nagustuhan ko na ang mgta sinasabi
niya. Tama nga naman kasi, bakit ba ako magpapakatanga sa isang taong hindi na
ako pinahahalagahan.
"Salamat sa payo" sabi ko sa
kanya.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo
puro salamat lang" si Jason. Napatingin ulit ako sa kanya.
"Ano ba ang gusto mong sabihin
ko?"
"Na naapreciate mo ang mga
ginagawa ko, na natutuwa ka sa akin" si Jason ulit.
"Ah, sige sasabihin ko, Jason
salamat sa pag-aalala, sobra kong naapreciate at natutuwa sa mga ginagawa mo...
pero kaunti lang" sagot ko sa kanya. Abot-tenga naman ang ngiti niya pero
nang dugtungan ko ang mga sinabi ko biglang sumeryoso ulit siya.
"Bakit kaunti lang?"
nagtatakang tanong niya.
"Alam ko kasi na ngayon lang iyan
at bukas babalik ka na naman sa dati"
"Ganun pala ha, sige simula
ngayon hindi na kita aasarin pa" si Jason.
"Sus, ikaw pa, kilala na kita,
hindi mo ako kayang tiisin na di pagtripan ng isang araw"
"Hindi ko naman hinihingi ang pagpayag
at paniniwala mo, papatunayan ko na lang ito sa gawa" si Jason na
nakangiti na sa akin.
"Talaga lang ha"
"Oo promise." sabay taas ng
isang kamay niya.
Sumakay kami ng jeep at siya na ang
nagbayad ng aking pamasahe. Siyempre hindi na ko tumanggi, nakatipid kaya ako
kahit papaano. Pagkababa, naglakad na kami papunta sa bahay namin.
Habang naglalakad, naaaliw ako sa mga
ginagawa ni Jason sa akin. Doon ko nalaman ang ibang side ng kanyang pagkatao.
May sense of humor siya, napapatawa ako kahit medyo korny ang jokes niya. Sa
loob-loob ko nagpapasalamat ako dahil napapagaan niya ang kalungkutang
nararamdaman ko.
Papalapit na kami sa bahay nang makita ko ang
isang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate namin. Nang makarating na mismo sa
tapat ng gate, bumalik bigla sa akin ang lungkot at sakit nang makita ko ang taong naging sanhi nito.
"Baby boy, buti dumating ka na,
pwede ba tayong mag-usap?" si Kuya Carlo.
"Sa tingin ko wala na dapat
kayong pag-usapan" ang biglang sabat ni Jason.
"Hindi kita kausap tol kaya huwag
kang sumingit" si Kuya Carlo.
"Bakit tama naman ang mga
sinasabi ko ah, tignan mo nga maigi ang mga mata niya, mahigit isang araw siya
nag0iiiyak dahil sa mga ginagawa mo! si Jason.
"Tama na Jason, pasok na
tayo" yaya ko kay Jason bago kami tumuloy sa loob hinarap ko muna si Kuya
Carlo."Kuya, pwede bang huwag muna tayong mag-usap, hindi pa ako handa e,
masyadong masakit sa akin ang mga nangyari, at saka itigil mo muna ang pagtawag
sa akin ng baby boy" ang matigas kong sabi sa kanya pero sa loob-loob ko
ay naiiyak na ulit ako.
"Please, pakinggan mo muna ang
mga paliwanag ko, yan ang hirap sa iyo e, sinasarado mo na ang isip mo" si
Kuya Carlo. Hindi ko na ito sinagot pa at dumeretso na kami papasok.
Nasa loob na kami ng bahay nang
marinig ko ang pagtawag sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko naman mapigilang
silipin siya sa bintana. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero nanaig pa
rin sa akin ang paglayo sa kanya.
"Hayaan mo siya, kulang pa iyan
sa ginawa niyang pagpapahiya sa iyo" si Jason.
"Oo, tama ka. siya ngapala dito
ka na rin maghapunan, pauwi na kasi si Inay." ang pag-iiba ko ng usapan.
Magsasalita sana ulit si Jason nang biglang lumabas ang kuya ko sa kwarto niya.
Biglang nag-iba ang mood ng mukha niya nang makitang kasama ko si Jason.
"Bakit nandito siya?" si
Kuya.
"Hinatid lang niya ako
pauwi." casual kong sagot sa kanya.
"Ah, may bago ka na namang
nilalandi ha" si kuya. Bigla namang nagpanting ang tenga ko sa mga sinbabi
niya kaya sinagot ko siya.
"Wala akong ginagawa sa
kanya." sagot ko.
"Tol, masyado ka namang masakit
magsalita parang di mo kapatid ang sinasabihan mo" sabi ni Jason kay kuya.
Pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya na pagsasalita sa akin.
"Rico, bago ka gumawa ng isang
bagay, isipin mo muna kung may masasaktan kang tao sa paligid mo. At isa pa,
sana man lang maging open ka sa lahat ng bagay." si kuya at lumabas ng
bahay. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.
Nang dumating na ang inay, nagsimula
na kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos, hinatid ko na si Jason sa kanto.
"Salamat Rico sa hapunan pati sa
pagpayag mong ihatid kita" si Jason.
"Dapat ako nga ang magpasalamat
sa iyo dahil naging mabait ka na sa akin, sana lang magtuloy-tuloy ka na"
sagot ko.
"Oo ba simula bukas, basta
ipangako mo rin sa akin na hindi mo ko tatarayan at tuluyan mo nang iiwasan ang
kuya Carlo mo" si Jason.
"Ok, sige umalis ka na masyado
nang gabi."
"See you tomorrow" paalam
niya sabay kaway.
Nang makasakay na siya, bumalik na ako
ng bahay. Habang naglalakad ako pauwi, nahagip ng aking mata ang isang lalaki
at babae na bumibili ng siopao. Nakilala ko lang sila nang magsideview ang mga
mukha nito. Si Kuya Carlo pala kasama ang kanyang girlfriend. Masaya silang
nag-uusap. Muli nakaramdam ako ng lungkot. Tuluyan na niya akong ipinagpalit sa
babaeng iyon. Sa bagay, natural naman talagang magmahal ang lalaki sa isang
babae. Naalala ko tuloy yung mga panahon na lagi niya akong inuuwian ng
pasalubong na siopao. Nagsimula ulit tumulo ang aking mga luha.
Nagpasiya muna akong hindi umuwi sa
amin. Naglakad-lakad ako kung saan-saan para makapagmuni-muni na rin. Hindi pa
rin kasi ako maka recover sa mga nangyayari, nasasaktan pa rin ako. Naupo ako
sa isang batong upuan. Iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Naalala ko ang
mga sinabi ni Jason kanina. Tama, dapat baguhin ko na ang sarili ko. Hindi na
dapat ako magpakatanga sa isang tulad niya. Tuluyan na akong lalayo sa kanya
dahil wala na talagang pag-asa na mabalik kami sa dati. Ifofocus ko na lang din
ang sarili ko sa pag-aaral.
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras
ng pag-iisip, nagpasiya na akong umuwi. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si
kuya na nakaupo sa sofa.
"Tol saan ka ba nanggaling, o ito
siopao, dala ng Kuya Carlo mo, nandito siya kanina ka pa niya hinhintay."
si Kuya sabay abot sa akin ng siopao. Napaisip ako kung bakit pa niya ako
binilhan, ibig sabihin naaalala pa rin pala niya ako, pero hindi ko ito
tinanggap.
"Ikaw na lang kumain niyan ,sige
magpapahinga na ako." sabi ko sabay deretso sa kwarto. Habang naglalakad,
narinig kong nagsalita pa si kuya.
"Ganyan ka na ba talaga kamanhid,
wala na bang pag-asang mabuksan ang isip mo para maliwanagan ka. Sana hindi mo
ito pagsisihan sa hinaharap" si Kuya. Hindi ko na ito gaano inintindi pa
at tuluyan na akong natulog.
Kinabukasan, sinimulanko na ang
pangako ko sa sariling pagbabago. Hindi ko na iniisip pa ang nakaraan. Kahit naririnig ko pa kay Inay na magkasama
na matulog si Kuya Carlo at ang babae niya sa iisang kwarto, hindi ko na lang
ito dinamdam.
Lumipas ang ilang araw hanggang maging
4th year high school ako na tuluyan ko nang hindi kinakausap si Kuya Carlo.
Hindi ko na siya inaabangan kapag umaga at hindi na sumasama kay Inay sa bahay
nila kapag nagsisideline ito. Minsan nag-aatempt pa rin siya na kausapin ako
kapag nagkukrus ang landas namin pero iniiwasan ko lang siya. Iniiba ko ang
usapan kapag binabanggit siya ni kuya at inay sa akin. Sinara ko na nang
tuluyan ang isip ko sa anumang paliwanag, para ano pa, masasaktan din naman
ako.
Tungkol naman kay Jason, hindi na niya
ako inaasar, naging mag bestfriends na kami. Natutuwa ako dahil lumabas na rin
talaga ang totoong siya. Napakabait niya sa akin. Nakakasama na rin ako sa mga
lakad ng kanilang tropa.
Dumating na ang araw ng aking
graduation. Dahil na rin sa pangako ko sa sarili na magfofocus sa pag-aaral,
naging valedictorian ako. Si kuya naman, nagtuturo na siya ngayon sa isang
private school sa aming lugar matapos makagraduate dalawang taon na ang
nakalilipas. Nalaman ko naman kay Jason na umalis na pala si Kuya Carlo sa
bahay nila at nangibang bansa na. Ayon pa sa kanya, kasama niya ang kaniyang
girlfriend. Naisip ko na siguro doon na sila magpapakasal at bubuo ng pamilya.
Hindi na rin ako gaano naapektuhan doon, kahit papaano nakakapagmove-on na ako.
Pumasok na ako ng kolehiyo, tulad ng
sabi ng inay, kinuha ko rin ang kursong Education tulad ni kuya samantalang si
Jason ay third year college na sa kursong ECE. Ganoon pa rin kami ni Jason,
parati kaming magkasamang dalawa palibhasa parehas kami ng university na
pinapasukan. Kapag walang pasok, sumasama
na ako sa kanya pag-eehersisyo sa gym. Napagdesisyuan ko na rin kasing
baguhin ang aking image. Ayoko na ng katawang mataba dahil magbabalik lang sa
akin ang pait ng nakaraan.
Itutuloy. . . . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment