by: White_Pal
Part 6: "A Day With Jared.."
“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh.
Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa
reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas?
Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na
iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi
niya ulit.
“Hhhmmm.. Ok! Call.”
Kita ko naman na napangiti ang mokong
sa sagot ko.
“So.. Sure na ito ha? Hindi ka busy?”
ang tanong niya.
“No I’m not. Palagay mo ba papayag ako
sa proposal mo kung busy ako?”
Isang matamis na ngiti nanaman ang
ginawa niya. Sh*t! kita ko nanaman ang dimples niya.
“Give me 15 minutes, aayusin ko lang
itong gamit ko. Then we’re ready to go.” Ang sabi ko.
Makalipas ang 15 minutes ay lumabas na
ako at sabay kaming bumaba.
Kung iniisip ninyo na pumayag ako sa
alok niya dahil sa nararamdaman ko, well nagkakamali kayo. Sabi ko nga, it’s
part of my plan na pa-ibigin siya ng todo-todo at pagkatapos ay iiwan ko. Ang
bad right? I Know Right! Bwahahaha!!
Sa labas ng company, akmang dudukutin
ko na ang cellphone ko para tawagin ang limusin ay..
“Oooppss!!” ang sabi ni Jared.
“Why?”
“We won’t use your Limo.”
“Edi ano? Yung kotse mo?”
“No.”
“Ano nga?”
“Mamamasahe tayo.”ang sabi niya sabay
killer smile.
“Ha!?!?!” ang gulat na gulat kong
reaksyon.
Kita ko naman na natawa siya sa
reaksyon ko.
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?”
“Nope! Gusto ko lang gawin natin ulit
yung mga ginagawa natin dati, yung namamasahe tayo kapag gumagala.” sabay
ngiti.
“Ok.. Sige..” ang nasabi ko na lang.
“Dun tayo sa Mall na lagi nating
pinupuntahan dati ha?”
“Bakit dun? Ang layo kaya! Diyan na
lang tayo sa ****** para malapit lang dito sa opisina.” Ang giit ko.
“Ayoko nga!” ang sabi niya.
“Bakit ayaw mo? Dyan na lang para
tipid sa pamasahe.” Ang sabi ko.
“Wag mo na isipin ang pamasahe, treat
ko. At tsaka gusto ko malayo eh..”
“Bakit?” ang medyo mataray kong tanong.
“Para makasama kita ng matagal.” Sabay
killer smile.
“Sh*t! Ang lakas ng topak nitong
mokong na ito!“ ang sigaw ko sa isip ko.
“Hoy Mr. Cruz, tigil-tigilan mo ako
ha!”
“Hahaha! O siya, tara na.”
Gaya ng gusto niya, sumakay kami ng
jeep papunta dun sa Mall na dati naming pinupuntahan. Kung maingay ang makina
at arangkada ng jeep ay kabaliktaran naman kami ni Jared. Sobra kaming tahimik,
pero kahit ganoon ay kita ko pa rin ang saya sa kanyang mata.
“Masaya ka ngayon, pero iiyak ka din!”
ang sabi ko sa sarili ko.
Aaminin ko na mahal ko siya, pero
hindi ko din alam kung bakit masmatimbang ang galit na nararamdaman ko para sa
kanya. Aminin ko din na kinikilig-kilig ako minsan, at bumabalik
paminsan-minsan ang dati kong pagkatao kapag kaharap ko siya, pero.. Ewan!
“Hay bahala na nga Gab! Just Stick to
the plan!” ang sabi ko sa sarili ko.
Sa Mall..
“Gutom ka na?” ang tanong niya.
“Hindi pa, kaka-almusal ko lang.”
“Ok, gusto mo sa Arcade tayo?”
“Ayoko! Hindi ako marunong ng mga laro
dun!” ang sabi ko.
“Halika na, tuturuan kita.” Ang sabi
niya sabay hawak at hatak sa kamay ko.
Para akong nakuryente sa paghawak ng
kamay niya sa kamay ko. Naalala ko nanaman ang nakaraan sa aming dalawa.
Anyway, ayun na nga, naglaro kami dun
sa arcade at tinotoo nga niya ang sabi niya, tinuruan nga niya ako.
“Ayan Ganyan yan. Oh, eto pindutin
mo.” Ang sabi niya habang nasa likuran ko siya at ang kamay niya ay nasa may
screen. Ang posisyon namin ay para siyang nakayakap sa akin habang gina-guide
niya ako sa paglalaro.
Imbis na mag-focus sa paglalaro ay
napatingin naman ako sa kanyang mukha.
“Ang gwapo niya talaga Sh*t! Wait..
kalma Gab.. Kalma..” ang sabi ko sa sarili ko.
“Baka naman malusaw na ako niyan.” Ang
biglang sabi niya.
Takte! Kahit ang mata niya ay
nakatutok sa screen ay napansin pala niyang nakatitig ako sa kanya. Syempre,
binawi ko ang tingin ko at nagfocus sa linalaro ko. Ramdam ko din ang pamumula
ng mukha ko.
Kita ko naman na ngiting-ngiti ang
loko. Pansin ko din ang pagtingin sa amin ng mga tao sa paligid, hindi ko na
lang pinansin pa iyon.
Sa totoo lang nag-enjoy ako sa mga
linaro namin, meron nga dun isang game eh, nag-duel kami at ang nangyari, since
alam naman niyang hindi ako ganun karunong ay nagpatalo ang loko.
“Nako!! Ang daya mo naman eh
nagpapatalo ka.” Ang sabi ko.
“Hindi ah! Ang galing mo kaya.” Ang
pambobola niya.
“Uttuutt!” sabay batok ko sa kanya.
Tawa lang naman siya.
“Madaya!”
“Hindi rin!”
“Hindi! Madaya ka talaga!”
Ganyan ang naging takbo ng paglalaro
namin, kulitan, harutan, asaran. Nasa gitna kami ng paghaharutan ng..
“Mag-CR lang ako ha? Hintayin mo ako
dito.” ang paalam niya.
“Sige.”
“Sama ka?” sabay ngiting nakakaloko.
“Baliw! Sige na! mamaya na ako.”
At umalis na nga si Loko. Habang
naghihintay ako ay merong lalaking umakyat sa Stage. Yung Stage na merong
karaoke, yun bang public karaoke ata tawag dun. Basta yung open area karaoke.
LOL!
Pag-akyat ng lalaki ay tumugtog ang
isang kanta at sinabayan niya ito.
“Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba
Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang..”
Infairness, maganda ang boses niya at
mukhang damang-dama ang kanta. Nakaka-relate kuya? Hehehe.
“Sana’y Ako Na Lang.” ang sabi isang
lalaki na umakbay sa akin.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong si
Jared ito.
“Ha? Ano sabi mo?” ang maang-maangan
ko.
“Wala.. Sabi ko ang ganda nung Song.”
Hindi na lang ako kumibo sa sinabi
niyang iyon. Sa totoo lang ay naisip ko ang situasyon naming tatlo nila Ace.
Ilang sandali pa ay..
“Insan!!” ang sigaw ng isang lalaki
sabay yakap kay Jared.
“Woi! Kamusta ka na?” ang sabi ni
Jared.
“Eto ok naman.” Ang sabi nung “pinsan”
ni Jared sabay kalas dito.
“Ahh.. Si Gab ngapala..” ang pakilala
ni Jared sa akin.
“Jaybie tol!” ang sabi nung pinsan ni
Jared sabay abot ng kamay sa akin.
At kinamayan ko naman siya. Pansin ko
ang pagkakaparehas ng face shape nilang dalawa ni Jared, yun nga lang, cute
itong si Jaybie, samantalang si Jared ay Gwapo. Naks! Isa pa ding factor ay
maputi si Jared samantalang si Jaybie ay sakto lang ang puti at sakto lang din
ang pagka-moreno.
“Ah Insan, si Ryzo ngapala..” ang
pakilala ni Jaybie sa kasama niya.
“Teka!! Siya yung kumanta kanina ahh.”
Ang sigaw ko sa isip ko.
“Jared tol..” sabay abot ng kamay.
At nakipag-kamay si Ryzo dito.
“Ryzo po!” sabay ngiti na parang
inosente.
“Hhhmm.. Siguro mag-syota kayo ng
insan ko nuh? Bwahahahaha!!” ang banat ni Jared sabay halakhak.
Kita ko naman na napatulala si Jaybie
kay Jared, samantalang si Ryzo naman ay namula ang mukha. Hhhhmmm.. I smell
something! Hehehe.
“Adik ka talaga insan! Eh kayo nitong
si Gab? Mag-jowa kayo nuh? Hahahaha!” ang balik na pang-aasar ni Jaybie.
“Hindi!!” ang sigaw ko.
“Naman!” ang sigaw naman ni Jared.
At napalingon ako sa kanya, bakas sa
mukha ang pagkainis.
“Hoy Mr. Cruz!” ang sita ko dito.
“Oo Joke lang, ito namang Gabby ko
oh!” ang sabi niya sabay akbay sa akin.
“Aba!! Tawagin ba naman akong Gabby
nito sa harap ng ibang tao!!” ang sabi ko sa isip ko habang tinatanggal ang
braso niya sa balikat ko.
“Aaayyyiieeehhh!! Gabby daw ohh!!” ang
biglang banat ni Ryzo.
Kita ko naman na natawa ang magpinsang
Jared at Jaybie sa reaksyon ni Ryzo.
“Tara na nga ‘Kulit’ (tukoy kay
Jaybie), iwan na natin sila, mukhang nasisira natin ang momentum ehh.” Ang sabi
ni Ryzo na parang kinikilig-kilig pa.
“Hahahaha!! O siya insan, text-text na
lang ha?” ang sabi Jaybie.
“Sige, yun pa rin ba number mo?”
“Yeah.”
“Sige Bye! Goodluck sa date ninyo ni
Ryzo ha!” ang sigaw ni Jared.
“Blehh!! Goodluck sa inyo ni GABBY!!
Ahahahaha!!” ang sigaw naman ni Jaybie.
“Oh!! It sucks!! Nakakahiya ang daming
tao sa paligid.” Ang sigaw ko sa isip ko.
“Gab tingnan mo, ang sweet nila oh..
Parang tayo lang dati..” ang sabi ni Jared sa akin habang tinitingnan palayo
ang dalawa.
“Sweet!?!? Hindi kaya..” ang kontra ko
dito.
“I mean, parang ganyang tayo noon oh
nung mag-best friend pa lang tayo. Pustahan tayo magkaka-developan yang
dalawang yan.” Ang sabi niya.
“Ewan ko sa iyo!” ang naiirita kong
sabi sabay lakad palayo.
Hindi pa man ako nakakalayo ng
mahawakan ni Jared nag braso ko.
“Tek Gab! Ano bang problema??”
“Itanong mo sa sarili mo kung anong
problema!! Ang lakas ng loob mong tawaging akong Gabby sa harap ng ibang tao!!
Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan bwisit ka!” ang dire-diretso kong sigaw
dito.
“Sorry..”
“You should be..”
Tahimik.. Siguro ay napansin niya ang
pagtataray ko. Well it’s part of my plan di ba? Pero totoo lang kinilig ako dun
sa pagtawag niya ng “Gabby ko!” Hihihihi!!
“Anyway, kumain na lang tayo!
Nagugutom na ako! Hehehe.” Ang pagdivert ko ng mood.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
Napagdesisyonan naming kumain sa food court. Pagkatapos naming kumain ay nanood
kami ng sine then we went sa “Blue Magic” dahil may bibilhin daw siya.
“Gab, para sa iyo oh..” ang sabi niya
sabay abot ng Teddy Bear na merong hawak-hawak na heart at nakalagay na “I Love
You”.
“Sus..” ang nasabi ko na lang.
“Putcha!! Kinikilig naman ako!!!
Gaaawwwddd!! Wait nga kalma, KUMALMA KA GABRIEL!! Ikaw si Erick ok?? Wag kang
kilig potek!” ang sigaw ko sa sarili ko.
“Bakit mo naman ako binigyan nito ha?”
“Wala lang.. gusto ko.. wala namang
masama di ba?”
“Eh saan ko naman ilalagay ito? At
tsaka hindi mo man lang ba naisip ang magiging reaksyon ni Ace kapag nakita
niya ito? Ikaw talaga gusto mo pa kaming mag-aaway eh.”
Kita ko naman ang pagbabago ng
expression ng kanyang mukha. Mula sa masaya ay nagign malungkot ito.
“Joke lang!” ang bawi ko.
“Gusto lang naman kita regaluhan eh.”
Ang sabi niya.
“Bakit naman?”
“Wala.. Gusto ko lang..”
Napagdesisyonan ni Jared na umuwi kami
through Bus para daw maiba naman hehehe. Syempre sinakyan ko na lang.
Habang nasa Bus..
“Thanks Gab ha.”
“Bakit?”
“Kasi pinagbigyan mo ako.” Sabay
ngiti.
Hindi na lang ako kumibo, ang akala
niya siguro ay unti-unti na niya ako nakukuha ulit. Well, nagkakamali siya.
Bwahahahaha!!
Sinuot niya ang earphone niya at
nag-play ng kanta. Ako naman ay tahimik na naka-upo at dumudungaw-dungaw sa
bintana ng bus.
“Gab.” Ang tawag niya.
“Yes?” Ang sagot ko.
Inabot niya ang earphone senyales na
meron siyang gustong ipadinig sa akin. Pag suot ko nun ay bumungad sa akin ang
isang kanta. Ang kanta naming dalawa..
(Like I Am..)
Nang matapos ang kanta ay tatanggalin
ko na sana ang earphone kaso hinawakan niya ang kamay ko senyales na wag kong
tanggalin ito. Naka-automatic repeat yung kanta so paulit-ulit na nadidinig ko
yun sa aking tenga.
Muli, naalala ko ang mga masasayang
oras naming dalawa. Sa pagkakataong ito, nagtatalo or should I say, naglalaban
ang dalawang emosyon sa akin. Galit at Pagmamahal. Sa totoo lang gusto ko ng
bumigay, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan dahil mahal na mahal
ko pa rin siya. Pero hindi pupwede, dahil sa tuwing naiisip ko ito ay naaalala
ko ang ginawa niya noon kay Ely na dumurog sa puso ko. Naisip ko din si Ace,
papaano na si Ace?
“Anong tinitingin-tingin mo dyan??”
ang bigla kong tanong sa kanya ng mapansin kong tumitingin-tingin siya.
“Wala.. Masaya lang ako.. kasi..”
napatigil siya.
“Kasi ano?”
“Kasi alam ko, malapit ng bumalik sa
akin ang Mahal ko.” Sabay ngiti.
Hindi ko na lang pinansin iyon imbes
ay tinuon ko ang mga mata ko sa bintana. Hindi ko namanlayan nakatulog na pala
ako.
…..
…..
…..
Pagmulat ng aking mga mata ay pansin
ko na naka-hilig ang ulo ko sa kanyang balikat at ang kamay naman niya ay
naka-akbay sa akin. Tiningnan ko siya, himbing na himbing ang tulog ng mokong.
Hindi ko naiwasang titigan ang maamo’t gwapo niyang mukha. Napansin ko na mas
gwapo siya ngayon kumpara noon.
“Shit!! Tumigil ka nga Gab! Ano ba?”
ang sabi ko sa isip ko.
Akmang kakalas ako sa posisyon namin
ay bigla siyang nagsalita (kahit tulog).
“I Love You Gab..” ang mahinang sabi
niya.
Para akong natunaw sa salitang iyon.
Simple, pero napaka-makapangyarihan.
Hindi ko napigilang hawakan ang
kanyang kamay sabihing..
“I Love You Too Jared.. I Love You So
Much...” sabay tulo ng luha ko.
Humilig ako sa kanyang balikat at muli
ay naka-tulog ako habang nag-pplay pa rin ang kanta namin.
….
….
….
“Gab, wake up.. Bababa na tayo..” ang
sabi niya habang yinuyugyog niya ako.
Tahimik kaming bumaba ng bus at
pagkatapos ay pumara ng taxi.
“Manong sa ****** po.”
“Teka! Yun yung compound namin ahh.”
Ang sabi ko.
“Oo nga..” ang sabi niya.
“Paano ka uuwi?”
“Uuuyyy nag-aalala siya.” Ang
panunukso nito.
“Adik!! Tinatanong ko lang.”
“Hehehe. Don’t worry about me.”
“Eh papaano mo ngapala nalaman kung
saan ako nakatira?”
“Ako pa!”
Pagdating sa May Gate ng compound
namin ay tinext ko ang driver na nasa labas ako ng gate para sunduin niya ako.
“Sige na Jared..” ang paalam ko dito.
“Gab, alam mo ba kung ano meron
ngayon?”
“Bakit? Ano ba meron ngayon?”
“Ngayon yung araw na pinagtanggol mo
ako mula sa mga batang nagtangkang kumuha nung singsing ko. Eto yung araw na
nagkakilala tayo.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi
ko akalain na natatandaan niya rin pala ang eksaktong araw ng una naming
pagkikita.
“So kaya mo ba ako binigyan ng
regalo?” ang sabi ko dito.
“Oo..”
“Ahh.. Uumm.. Sige Jared, una na ako.”
“Sige ingat!”
At umalis na nga ang taxing sinasakyan
niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang
driver ko upang ihatid ako sa bahay. Habang nasa sasakyan ay nakatanggap ako ng
text mula kay Jared.
“Alagaan mo yang binigay ko ha? Good
Night! Sweet Dreams! Love You!”
“Si Sir Erick oh ngiting-ngiti.” Ang
sabi ng driver.
“He!!! Tigil-tigilan mo nga ako
manong! Bilisan mo na lang dyan at inaantok na ako.” Ang sabi ko.
Sa totoo lang ay kilig na kilig ako sa
text nyang iyon, grabe ibang level na ito!! Aaaagghhh!!!
Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan
kong natutulog na si Ace. Dahan-dahan akogn tumabi sa kanya ngunit..
“San ka nanggaling?” ang tanong ni
Ace.
“Shit!! Gising pa pala siya.” Ang
sigaw ko sa utak ko.
“Ahh.. Ehh.. May appointment ako tapos
medyo na-traffic pauwi.” Ang alibi ko.
“Appointment? Eh bakit hindi mo kasama
yung driver?” ang sabi niya sabay tayo.
“Sasakyan nung kausap ko ang gamit
ko.” Ang sabi ko sabay tayo na rin.
“Aaahh!! So Hinatid ka niya? How
sweet!” ang sarcastic na sabi ni Ace.
“Pwede ba! Tigil-tigilan mo nga ako!”
ang matigas kong sabi dito.
“Kailan pa nakisakay ng ibang sasakyan
ang isang Erick Uriel Alvarez na may ari ng sandamukal na kumpanya sa loob at
labas ng bansa?”
“Kailan pa Gab sige nga!” ang medyo
malakas niyang sabi.
“Pwede ba Ace, pagod ako ok? Ayoko
makipag-talo sa iyo.”
“Wow!! Pagod!! Bakit ano ba Ginawa mo
at napagod ka!?!?”
“Bwisit na ito ahh!” ang sigaw ko sa
isip ko.
“Gusto mo malaman kung bakit ako
napagod?” ang tanong ko.
“Oo!”
“Nakipag-sex ako! Oh?? Ok ka na??
Masaya ka na??” ang pagsisinungaling ko sa kanya.
Para siyang naging bato pagkatapos
kong sabihin ang mga salitang iyon.
“Oh! Edi natahimik ka din!”
“Sinong YUNG KA-SEX MO?? SINO!!” ang
sigaw niya sabay madiin na hawak sa braso ko.
“Ano ba Ace! Bitiwan mo ako nasasaktan
ako!!” ang sigaw ko dito.
“Sino Gab!?!?”
“ANO BA!!” ang sigaw ko sabay tulak sa
kanya.
“Eto ang patunay na wala kang tiwala
sa akin!!” ang sigaw ko sa kanya.
“Lagi mo na lang akong pinaghihinalaan
Ace! Lagi na lang!!”
“Eh kasi naman ehh, saan ka ba
nagpunta talaga??”
“Dapat ba lahat ng pinupuntahan ko
alam mo??”
“OO!! DAHIL BOYFRIEND MO AKO!!” ang
sigaw niya.
Para akong nabuhusan ng malamig na
tubig sa kanyang sinabi. Oo nga naman, nakalimutan ko na boyfriend ko siya at
dapat ay nagpapaalam ako.
“Sana Gab naisip mo na merong
Boyfriend na hindi makatulog sa pag-iisip sa iyo! Yung cellphone mo nakapatay,
hindi namin ma-contact. Pinatawagan ko lahat ng possibleng puntahan mo pero
wala!! Ano ba yan!!”
“Sorry.. N..n..na-lowbat ako Ace..
Sorry..” ang pagsisinungaling ko sabay yakap ko dito.
“Promise Ace di ko na uulitin.. I’m
Sorry..” ang sabi ko.
“Sorry din mahal.. Sorry kung masyado
ako naging Harsh.” Ang sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.
Natapos ang araw na iyon na nagkabati
kami ni Ace. Ok naman ang lahat eh, pero eto si Jared, ginugulo ang
nararamdaman ko. Oo, plano ko ang maging malapit sa kanya at sa huli ay saktan
siya pero eto ako, unti-unting nahuhulog nanaman sa kanya. Ang hirap! Ang
hirap-hirap palang pigilin ang totoong nraramdaman. Ang hirap palang
magsinungaling, ang hirap magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao, pero ang
katotohanan ay mahal na mahal mo ito.
Kinabukasan sa Opisina, nagpunta ako
sa desk ni Jared para bigyan siya ng ilang assignments. Sa gitna ng aming
pag-uusap..
“Sir Jared?” ang sabi ng isang babae.
“Yes?” ang sabi Jared.
“May nag-hahanap po sa inyo. Nasa
Waiting Room po.”
“Sino daw?”
“Ayaw po magpakilala eh. Pero kilala
mo daw siya.” Ang sabi ng babae.
“Ok sige bababa na ako.”
“Umm Gab, I mean Sir Erick, sandali
lang po ha?” ang paalam nito.
“Sure..” ang sabi ko.
Pagka-alis ni Jared ng Room at nakita
kong naiwan ang Cellphone niya. Kinuha ko ito dahil baka mawala at sinundan
siya sa Waiting Room.
Pagkarating ko sa Waiting Room..
“Jared, Naiwan mo yung Phone mo.” Ang
sabi ko.
Paglingon ni Jared ay nakita ko ang
kausap niya, si Ely at may hawak-hawak na maliit na bata.
“Gab!?!?” ang gulat na gulat niyang
sabi.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
No comments:
Post a Comment