Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (07)

by: Daredevil

Dumating na ang panahon ng long vacation, sa awa ng Diyos ay natapos ko ang ikatlong taon sa kolehiyo.  Halos limang buwan  na rin ang lumipas mula nang mangibang-bansa si Jason. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot and at the same time ay naninibago dahil mag-isa na lang ako. Iniisip ko nga kung ano na ang ginagawa niya, kung maayos ang kalagayan niya at kung mayroon na siyang mga bagong kaibigan sa Canada. Pero kahit papaano ay sinasanay ko na ang sarili ko ngayon. Patuloy pa rin ako sa aking mga daily routines.

Ito rin ang panahon ng pag-alis ni kuya papuntang Maynila para ituloy ang pagtuturo. Kahit papaano kasi ay mas malaki ang sasahurin niya doon. Ngayon, ay kaming dalawa na lang ng nanay ang magkasama. Si nanay, ganun pa rin siya todo kayod para lang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Sa totoo lang naaawa na ako. Nakikita ko kasi na medyo nahihirapan na siya dahil sa pagtanda. Kaya pinangako ko sa aking sarili na lalo akong magsusumikap sa aking pag-aaral.

Isang umaga, habang nagjojogging ako, bigla akong tinawag ni Tita Mely. Lumapit siya sa akin.

"Rico, pwede ka bang makausap saglit?" si Tita Mely.
"Ano po iyon"? sagt kojng patanong din.
"Ipapaalam ko lang sa iyo ang tungkol sa nanay mo, nung sabado kasi na nagtrabaho siya sa akin ay napapansin ko ang madalas niyang pag-ubo e. Parang nahihirapan kasi siya. Sinabihan ko nga siya na magpatingin na sa doktor pero mukhang ayaw niya, sana kuminsihin mo siya" sabi ni Tita Mely na nag-aalala.
"Sige po, ako na ang bahala Tita" ang nasabi ko na lang. Hindi na lingid sa akin sinabi sa akin ni Tita Mely. Iniisip ko na ordinaryong ubo lang ang sakit niya, kapag tinatanong ko kasi siya sasabihin niyang ok lang siya at huwag akong mag-alala.

Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si nanay na naghahanda na ng paninda niya sa palengke.

"Anak, mag-almusal ka na muna, nagluto na ako ng sinangag at daing. Pagkatapos, maglaba ka, tambak na ang mga damit sa labahan e." si nanay.
"Sige po, ah nay ano po kasi, nakausap ko si Tita Mely kanina lang, napapansin na rin niya ang madalas ninyong pag-ubo. Sana po magpatingin na kayo sa doktor, sasamahan ko kayo" nag-aalala ko nang sabi sa kanya.
"Ano ka ba anak, huwag kang mag-alala, ok lang ako, tignan mo ang lakas ko oh" si nanay.
"Sigurado po kayo ha?" sunod na tanong ko sa kanya.
"Oo naman, o sige alis na ako anak, yung mga binilin ko sa iyo ha?" si nanay sabay buhat ng paninda at tumungo sa pinto palabas.
"Opo nay, sige ingat kayo."

Agad kong kinain ang mga nakahaing almusal dahil na rin sa gutom ko sa ilang minutong jogging. Pagkatapos, nilinis ko ang buong bahay. Nang matapos na ay kinuha ko ang mga maruruming damit sa mga kwarto at dinala sa bakuran para labhan.

Medyo mainit na nang mga oras na iyon kaya nagpasiya akong hubarin na ang suot kong T-shirt. Sinimulan ko na ang pag-iigib ng tubig na gagamitin ko sa poso na malapit sa barangay hall. Habang nagbubuhat ng mga baldeng may tubig pabalik sa bakuran, napansin ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. Alam ko na namamangha lang sila sakaya nginingitian ko lang sila. Agaw-eksena naman ang babaeng hinimatay dahil sa ginawa ko. Agad siyang inuwi ng mga kakilala sa kanila. Naririnig ko pa ang kanilang bulung-bulungan.

"Grabe ang babaeng ito, nahimatay, overacting" sabi ng isang babae sa katabi niya.
"E sino ba naman ang hindi, pamatay kasi talaga ang ngiti niya e. Saka tignan mo naman mula ulo hanggang paa, perfect." sagot ng kausap niya. Kakatuwa lang dahil puro papuri na ang mga lumalabas sa bibig ng mga taong nanglalait sa akin dati. Hinayaan ko na lang sila at tinuloy ko na ang aking ginagawa.

Nang makaipon na nang sapat na tubig, pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga puti sa de-kolor. Sa di inaasahan may napansin akong bahid ng dugo sa mga panyo. Ang tuwa ko sa mga nangyari kanina lang ay napalitan ng kaba at pag-aalala. Alam ko kasi na si Nanay ang may-ari ng mga panyong ito. Kaya napag-desisyuan kong bilisan ang gawain.

Makaraan ng limang oras natapos na rin ako sa paglalaba. Sinampay ko na ang mga nilabhan, pagkatapos ay naligo at umalis para puntahan na si nanay sa palengke at kumpirmahin ang mga nakita ko. Habang papalapit ako nang naaaninag ko ang mga kumpol na tao na waring may tinitignan. Nang makalapit pa nang husto, kinabahan na ako dahil  naroon ang mga tao sa pwesto kung saan nagtitinda si nanay. Agad na akong tumakbo. Nang makita ko kung sino ang tinitignan nila, halos manigas ang katawan ko, si nanay nakahandusay sa lupa at walang malay.Naiiyak akong yumakap sa kanya. Doon ko napansin na medyo mainit siya at namumutla. Ayon sa mga kasama niyang tindera na lumapit sa akin ay bigla na lang daw itong hinimatay habang nag-uuubo. Dinala ko na siya sa ospital.

To the rescue ang mga doktor nang dumating ako doon at ipinasok siya sa emergency room. Halos hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya. Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ang doktor at lumapit sa akin.

"Sir kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor sa akin.
"O..o..opo dok, anak niya ako. Ano na po ang lagay ng nanay ko?" ang naiiyak kong tanong sa doktor.
"Ok na ang nanay mo, yung pagkahimatay niya kanina ay dahil sobrang pagod. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga." sabi ng doktor.
"Salamat po, isa pa dok, yung tungkol naman po sa madalas niyang pag-ubo. Nag-aalala na ako dahil may lumalabas na dugo sa kanya e." ang sunod kong tanong.
"Huwang kang mabibigla iho, may tuberculosis ang nanay mo. Medyo malala na ito dahil hindi agad napatignan, pero may pag-asa pa naman siyang gumaling, mahaba nga lang ang gamutan, sige iho ppuntahan ko muna ang iba kong pasyente" sabi ng doktor.

Sa kapilya ng simbahan, doon ko nilabas ang lahat ng emosyon ko sa nangyari. Pinagdasal ko na sana bumilis ang pag galing ng nanay. Agad ko ring tinawagan si kuya sa Maynila.

"Kuya, ang inay nasa ospital siya ngayon" ang naluluha kong balita sa kanya.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" ang napalakas na tono ng pagtatanong ng kuya ko.
"Hinimatay siya kanina, saka kuya, may TB siya, pero may pag-asa siyang gumaling. Inaalala ko lang kung saan kukunin ang pera para sa gamot niya pati ang mabayad sa ospital." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba, sige gagawa agad ako ng paraan, basta diyan ka lang at bantayan mo si nanay ha" si kuya.

Halos apat na oras aqng lumipas nang magkamalay ang nanay.Agad akong yumakap sa kanya.

"Buti naman nay at nagkamalay na kayo, bakit niyo pa pinatagal ang sakit ninyo sana hindi na lumala pa yan?" sabi ko sa kanya.
"Anak, iniisip ko kasi ang mga gagastusin e, inilalaan ko kasi ang mga kinikita ko sa bahay pati sa pag-aaral mo." sagot niya.
"Nay naman, mas inaalala mo pa ako kaysa sa kalusugan mo, sige nay kailangan niyo nang magpahinga sabi ng doktor. Aalis muna ako" paalam ko sa kanya.

Pumunta ako sa baba ng ospital para alamin kung magkano ang magiging bill namin pati ang mga halaga ng gamot na nireseta ng doktor.Halos malula ako sa presyo.Halos twenty thousand ito kasama na ang mga gamot ni nanay. Tama naman kasi mahaba-haba ang magiging gamutan niya.  

Naglalakad ako palabas ng ospital nang nag-iisip, kung saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga. Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasiya akong kumain sa isang karinderya malapit doon. Lugaw ang inorder ko. Habang kumakain, biglang nagring ang cellphone ko. Si kuya ang tumawag. Binalita ko sa kanya na nagkamay na ang nanay. Sinabi ko na rin ang halaga ng mga gagastusin sa ospital.

"Ah ok, salamat at ayos na siya. Huwag mo nang alalahanin ang mga gastos, may makukuhanan na ako ng pera." sabi ni kuya sa akin. Natuwa ako sa sinabi niya pero nacurious ako kung saan niya kinuha ang pera kaya tinanong ko siya.

"Kuya saan at kanino ka naman kumuha ng pera?" tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kasi hindi pa naman nagtatagal si kuya sa Maynila kaya wala pa siyang pera.
"Basta, bukas malalaman mo rin. Dadalaw naman siya sa inyo dyan, o sige tawag na lang ulit ako bukas." si kuya.
"Teka kuya sino...." pahabol ko sanang tanong sa kanya nang mag end call siya.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment