by:
Daredevil
Napalingon
naman ako sa aking likuran para malaman kung sino ang kumakalabit sa akin. Isa
pala itong lalaki nasa tingin ko ay empleyado rin dito base sa kanyang suot na
ID. May kagwapuhan siya at mas matangkad
sa akin ng kaunti. Tulad ko ay may maganda rin siyang pangangatawan.
Nagkangitian kaming dalawa.
"Hi,
bago ka lang dito di ba?" sabi ng lalaki.
"Oo,
kakasimula ko nga lang ngayon e" ang nakangiti kong tugon sa kanya.
"Ah,
ikaw pala ang bagong pinasok ni Sir Carlo, usap-usapan ka kasi dito e. Alam mo
maswerte ka nga dahil hindi na talaga nagtatanggap pa ng empleyado dito. By the
way Im Jerome pala head ako ng accounting department dito sa company."
sabi niya.
"Im
Carlo." sagot ko at nagkamayan kaming dalawa.
"Matagal
na kitang kilala. Parang mag-isa ka lang yata na kakain ng lunch, tara sabay na
lang tayo" ang alok ni Jerome. Agad naman akong pumayag. Sino ba naman ang
hindi makakatanggi sa alok ng isang gwapong nilalang tulad nito. Baka siya rin ang daan upang magkaroon naman ako ng mga
kaibigan dito.
Sabay na
kaming naglakad palabas ng building at dumeretso sa KFC dahil iyon lang ang
fastfood chain malapit doon.
"Hanap
ka na ng mauupuan natin sa taas, ako na ang oorder ng kakainin natin, ano ba
ang gusto mo" si Jerome.
"Pwede
na sa akin yung chicken with rice." ang sagot ko. Iyon lang kasi ang aabot
sa dala kong pera. Sa totoo lang balak ko talagang sa isang karindeya lang ako
kakain dahil mas mura. Dumukot ako ng pera sa bulsa at inabot sa kanya pero
hindi niya ito tinanggap.
"Huwag
na, ililibre na lang kita tutal ako naman ang nagdala sa iyo dito."
"Ano ka
ba nakakahiya naman sige na idagdag mo na lang ito baka lumaki ang gastos
mo" ang nahihiya kong sagot sa kanya sabay abot ng pera.
"Dont
worry sige na simulan mo na lang ang paghahanap ng pwesto natin sa taas
ok" ang nakangiting si Jerome. Napilitan na rin ako pumayag sa gusto niya.
Ika nga sabi nila na ang grasya hindi tinatanggihan hehehe.
Nakahanap
naman agad ako ng puwesto malapit sa may bintana. Umupo ako at hinintay na bumalik
si Jerome. Makalipas ang halos 10 minuto, nakita ko na siyang papalapit sa
akin. Nagulat ako dahil sa dami ng pagkaing inorder niya.
"Ang
dami naman yan baka naubos na ang pera mo niyan" sabi ko pagkapalag niya
ng mga pagkain sa mesa.
"Ok
lang sa akin, sige na kumain ka na lang. O ito na yung chicken mo, tag-isa rin
tayo ng krushers ha pati itong fries." si Jerome sabay abot sa akin ng mga
pagkain. Napapangiti na lang ako sa hiya.
Habang
kumakain kami naalala ko naman yung binanggit niya sa akin na matagal na niya
akong kilala kaya tinanong ko siya. "Jerome paano mo ako nakilala, wala
naman akong natatandaan na nagmeet tayo."
"Nakita
na kita mga dalawang beses na nga e, hindi mo lang ako napapansin noon.
Natatandaan mo ba nung araw na nagpustahan ng basketball, nandoon ako nun sa
team ni Jason. Saka nung isang araw na pinagtripan ka niya, kasama ako
dun" sagot niya habang umiinom ng krushers. Nagulat naman ako sa sinabi
niya. Matagal na pala niya akong kilala.
"E
paano mo naman nakilala si Jason?" ang sunod kong tanong.
"Kaklase
ko siya at kababata. Alam mo madalas ka niyang ikwento sa akin.Masaya nga siya
kapag pinag-uusapan ka, kung alam mo lang na bata ka pa lang e may gusto na
siya sa iyo. Dinadaan ka lang niya sa pangtitrip para mapansin mo siya." si Jerome.
"Oo,
mabait nga siya sa akin, sayang lang at nasa ibang bansa na siya, hanggang
ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga naitulong niya sa akin" sabi ko
sa kanya.
"Tama
ka, alam mo nung nakita ulit kita sa
company, halos hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago mo. Hindi mo lang
alam kung gaano nagkakandarapa ang mga babaeng kasama ko sa department sa
iyo." Napapangiti na lang ako sa sinasabi niya.
"Ako
naman ang magtatanong sa iyo Rico, Paano ka naman napasok dito? nabalitaan ko
kasi na matagal na kayong magkakilalang dalawa." tanong ni Jerome.
"Yung
mama niya ang nagpasok sa akin. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na siya
ang may-ari ng kompanya e kasi education naman ang kinuha niyang kurso sa
college at magkaklase sila ng kuya ko. Magkapit bahay lang kaming dalawa
noon." sagot ko sa kanya.
"Ganun
pala, alam mo yung Daddy niya talaga ang nagmamay-ari nito. Pinamana lang ito
sa kanya nang mamatay siya mga 5 years ago." Nagulat naman ako sa mga
nalaman ko sa kanya. Ibig sabihin mayaman pala talaga ang pamilya nila. Hindi
kasi halata sa kanila e. Kung sabagay wala naman akong naririnig kay Tita Mely
tungkol sa tatay niya. Kaya pala siguro ay hindi niya itinuloy ang pagiging
teacher.
Marami pa
kaming napag-usapan ng mga oras na iyon. Kinuwento niya sa akin kung paano siya
nakapasok doon pati na rin ang memorable moments nila ni Jason. Narealize ko na
masaya pala itong si Jerome kausap. Dahil sa aliw ko sa kanya ay hindi ko
namalayan ang oras.
"Naku
Jerome kailangan na nating bumalik. Baka nandun na si Sir Carlo at abutan akong
wala doon baka pagalitan ako nun. First day ko pa naman" ang sabi ko sa
kanya.
"Oo
nga, napasarap tayo ng kwentuhan sige bilisan na natin" ang sagot niya.
Binilisan na
namin ang paglalakad pabalik ng kompanya. Pagkadating, nagpasalamat muna ako sa
kanya bago kami maghiwalay.Nagbigayan din kami ng mga cellphone numbers. Masaya
ako dahil nagkaroon agad ako ng friend
sa unang araw ko.
Nagmadali na
akong sumakay ng elevator paakyat sa taas. Medyo kinakabahan na ako dahil
lumampas na ako ng 10 minutes. Nang makarating, sinalubong ako ni Suzie.
"Naku
Sir Rico, bakit ngayon lang kayo dumating, kanina pa kayo hinahanap ni Sir
Carlo. Pumasok na po agad kayo sa office niya."
Bigla naman
akong kinabahan ng mga oras na iyon, baka kasi nagalit siya dahil sa pagkalate
ko. Pero tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari. Huminga muna ako ng
malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Pinaghandaan ko na ang magiging
tensyon pagharap ko sa kanya.
Pagkapasok
ko, nakita ko siyang nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa at ang
masamang tingin niya sa akin.
"Anong
oras na!!!!" ang pabulyaw na tanong niya sa akin.
Itutuloy. .
. . . . . . .
allaboutboyslove.blogspot.com
No comments:
Post a Comment