by: seniorito aguas
Part 06
RJ BULLABOS
Nang makauwe ako ng bahay ng gabeng yon
Di ko maintindihan ang sarili ko, alam nyo yung feeling ng.. I cant stop smiling,
imagine, nung una, inis na inis ako sa taong yon, I didn’t even imagine myself having fun with him
Pero nang malapit nang matapos ang araw , ayon napangiti at na patawa pa niya ko
Awkward isnt?
Inisip ko nalang na , siguro nga, ive been bias sa paghusga sa kanya
Nang gabeng yon nasa bintana ako, nakatulala at ngumingiti ngiti
“nakanaks kapatid, laki ng ngiti naten ah” sambit ni jenz
Si
jenz ay isa sa mga matatalik kong kaibigan, simula nung nailipat ako sa
suspisyo , siya na ang nakalaro, nakasama, at nakaramay ko
Hinarap ko siya ng nakangiti paren
“aba aba?, inlove ka ?” sabay tawa ng loka
Binatukan ko siya at sinabing
“loka
ka talaga, hindi , naisip ko lang noh, hindi talaga sapat ang first
impression para lang makilala ang isang tao” sabay tingin ko sa langit
“ay … binatukan mo na ko nag emote kapa” sambit ni jenz
Natawa nalng ako sa kanya
“pero , ano ba talagang meron!”pangungulit ni jenz
“kase
ganto, may nakilala akong isang tao, nung una, para kameng asot pusa,
iba kase ang first impression ko sa kanya eh, kaya yon, pero sa hule, he
was the first person to help me”
“ahh so sa una, talagang
negative kayo? Tapos sa hule ok na?... alam mo rj saludo ako sayo jan
eh. Mas matimbang sayo yung mga magagandang pang yayare kesa don sa
negative things”
Ngumiti ako , totoo naman kase ang sinabe ni
jenz, kung titingnan ko lang kase ang mga panget na bagay? … walang
magandang mangyayare saken
“at dagdag ko pa rj, sa diname dame na
ng problema na dumaan, di man lang kita nakitang umiiyak, o maski man
humagulgol”sambit ni jenz, sa seryosong mukha
“yan kaparin oh, nakangiti,”dagdag pa ni jenz
“oh nagseryoso ka naman bigla?”
“di nga, tanong ko nga rj, umiiyak kapaba?”tanong niya
“oo
naman, alam mo kase jenz, hindi ko pinapakita, pero umiiyak pa ko,
kahit sino naman siguro, kapag nasaktan , o nahihirapan umiiyak rin,
mahirap nang kimkimin lahat ng saket, kase kapag napuno,
sumasabog”sambit ko
“at alam mo, kapag nailabas na naten yung mga
sakit at pagod , we will be more wiser , and stronger , magkakaron na
tayo ng lakas para lumaban, para abutin di lang ang mataas, kundi ang
pinaka mataas”dagdag ko pa
yinakap ako ni jenz
“kayang kaya mo talaga lahat, alam mo rj, isa ka talaga sa nagbibigay strength saken, idol kita friend!!”
Sambit niya habang nakangiti
Habang kayakap niya ko
Sinambit niya ang mga salitang ito
“sana friend mahanap mo na talaga ang mga kulang sayo”
“sana nga”
Itutuloy. . . . . . . . . .
Part 07
CHRISTIAN BALLATORES
“where have you been ?”tanong ng mama pagdating ko sa bahay
Nang mga oras na to parang nasa ecstacy ako, ewan ko ba sa sarili ko , tuwang tuwa ako na nakasama ko siya,
Dirediretso lang ako non, parang walang narinig mula kay mama
“chris, kinakausap kita”
“huh?”
“ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo,”
“ayos lang ma,”pagsagot ko
“ok?... sabe ng secretary mo, umalis kana raw at hindi kana bumalik sa office? Ano bang nangyare?”pagtatanung ni mama
“I just had some headache ma , kaya I dicided na umuwe”pagpapaliwanag ko
“ahh cge cge, aalis kame ng papa mo, enjoy your night ha”sambit ni mama sabay ng pagtalikod patungo sa pinto
Tumalikod narin ako patungo sa kitchen,
“oh, gusto mo bang kumaen?”pagtatanong ni manang
“hindi na po manang, iinom lang ako ng tubig”
“ parang may kakaiba sayo ah?”sambit ni manang ng nakangiti
“huh?... wala ah”pagkakaila ko
Ang
hirap kaseng itago yung mga kakaibang ngiti na meron ako eh, eh itong
si manang simula bata ako kasama ko to, kaya alam na alam nito ang mga
bagay bagay na tungkol saken
“talaga?, sigurado kaba?”
“manang naman, mangungulit paba?”
“naninigurado lang, malay ko ba kung may napupusuan ka nanaman”sabay tingin niya saken at ngiti
“napupusuan manang?,, wala ah,”
Ng
mga oras na to, gulo pa ko eh, hindi ko pa maintindihan ang mga
nararamdaman ko, oo nga nagkaron na ko ng mga seryosong karelasyon non,
pero itong nangyayare ngayon kakaiba eh, basta, hindi pa ko sigurado ng
mga oras na to
At dahil hindi pa ko sigurado, hindi ako papasok sa mga kung ano anong pagpapasya
Unang
una, ayokong magmadale, ayokong pasukin ang isang bagay ng hindi ako
sigurado, lalo na sa pagibig, ayokong makasakit, at ayoko ring masaktan
Sisiguraduhin ko muna bago ko pasukin
“osige sabe mo eh, balita mo nalang saken iho kapag nabingwit mo na ah?”sambit ni manang na parang nangaasar pa
Natawa nalang ako sa sinabe niyang yon,
‘ nako!, kung malaman nyo lang to magwawala ang buong pamilya hahaha! ‘
Yan ang nasa isip ko nong mga panahon nayon, kase, unang una, hindi pa nila alam na ganto ako, na isa akong,,,,, bakla
Ingat na ingat rin kasi akong hindi nila mahalata hehe
Pagkainom ko non ng tubig umakyat na agad ako at pumasok sa kwarto ko
Nagbihis at humiga,
Halos papikit na mata ko non ng mag ring ang phone ko
Ang secretary ko tumatawag,
I answered the phone
“sir
good evening po, sorry sa istorbo, tatanong ko lang po yung papers ng
mga new applicants naten, should I prepare it all for you for tomorrow?”
she asked
“yes, prepare it all, and umm,, ifax mo saken yung
information paper for the applicant named , RJ BULABOS, “ sagot at
pagutos ko na ren
“yes sir, right away”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
Part 08
RJ BULLABOS
Kinaumagahan
Bumaba ako sa salas ng inuupahan naming bahay ni jenz
“gandang umaga”bati ko sa kanya
“kapatid, mas maganda kapa sa umaga!” sabay bonggang ngiti niya
“loka loka ka talaga” sambit ko ng nakangiti
“oh bilis na kapatid, habang mainit pa ang coffee!”
Ganto
ang halos araw araw na routine ng buhay namen, salitan kame sa
pagluluto ng food for the day… nasira lang ang routine namen ng
nagpakaseryoso ako ng todo sa hule kong nobya.. pero ngayon back to
normal na ang routine
Habang iniinom ng kape
“nga pala kapatid, may tumawag dito kanina eh…..”
“oh? Sino raw?”
“christian ballatores raw? …”sambit niya
Napangiti naman ako ng narinig ko ang pangalan niya…
Tumingin saken ni jenz at sinabing
“wwwuuussshhhu! … syota mo kapatid?, imperness ang hot ng boses” sabay halakhak niya
“sira ! hindi noh! .. boss yon sa companya na pinasukan ko”
“cge ikaila mo pa!” pagpilit ni jenz at sabay ng isang malakas na halakhak
“sira ka talaga!... oh ano nga ba raw ang kailangan?”
“ayon pinapabalik ka raw sa opisina.. miss kana ng iyong prince charming” sambit niya at isa pang malakas na halakhak
“anong oras naman raw?”
“after lunch kapatid”
Nagisip isip ako ‘matatanggap kaya ako?’
“kapatid!,
sa galing mo sa pagtatrabaho at sipag, for sure matatanggap ka”,,
ganyan si jenz, basang basa niyan ang bawat galaw at iniisip ko…
“good luck kapatid!”
Ng dumating ang tanghale nagayos na agad ako at preskong presko at pumunta ng opisina
Pag dating ko don, ang dame pang ibang applicant
May isang babae na lumapit saken, sekretarya niya yata
“excuse me sir?, are you mr, rj bullabos?” paninigurado niya
“yes I am” pagsagot ko
“hinihintay kapo ni sir sa kabilang opisina, ang iba rin pong applicants na qualified for
the job eh nandon na rin po” pagbigay niya ng impormasyon saken
“ahh ganon ba”
“sumunod po kayo saken” sambit ng babae
Sinundan ko siya hanggang sa marating namen ang parang isang meeting hall
Nangmakapasok kame.. all eyes on me ,SHET!
“mr bullabos, take a seat” narinig kong sambit ni chris
Sobrang
gwapo at propesional ng dating niya sa suot niyang white cream colored
slacks at dark blue long sleeved polo and a tie of black, and a well
comb dark hair
Ngumiti ako sa lahat ,at diniretso ang upuan na maaari kong upuann
Tahimik
Ilan pang minuto
“magandang
hapon sa lahat, hindi na naman siguro lingid sa kaalaman nyo na ang
pwesto sa companya na to na nais nyong mapasainyo ay nakuha nyo na”
sambit ni chris ng may ngiti sa labi
Pagsambit niya non.. binigay ng seckretarya niya ang mga papel na nagsasabi ng skeds at mga dagdag na obligation namen
“uulitin ko… congratulations ho sa lahat at magandang araw” sambit ni chris
Nag
tayuan na ang lahat upang lumabas, natagalan lang ako ng konte para
ayusin sa bag ko ang mga papers na pinamigay ,nang matapos ko yon tumayo
na ako at lumabas, nasa pintuan na ko ng biglang
“mr bulabos,”
Nilingon ko ang boses na yon,
“yes?”
“pinapatawag po ni sir sa opisina niya”sambit ng babae na kanina lang ay nagturo rin saken papunta sa hall na to
Muli sinundan ko ang babaeng yon patungo sa opisina ni chris, pagdating ko don,
“may
I invite you? May bago raw kaseng bukas na restau jan sa baba eh, gusto
ko sanang subukan kaya lang.Magisa ako.Baka pwde mo kong samahan?”
diretchahan niyang pagimbita sabay ng isang malambing na ngiti
“Hmmmm”
“please?, treat ko” dagdag pa niya mapa oo lang ako
Natawa
nalang ako, kabisado ko na ang mga gantong uri ng tao eh… yung tipong..
gagawa at gagawa ng paraan makuha lang ang gusto nila
“may magagawa paba ko?” sambit ko.. hudyat na rin ng pagsama ko sa kanya
“ayos!" sambit niya at bigla narin siyang tumayo at nagayos ng mga gamit niya
Maya
maya pa nilalakad na namen ng sabay ang daan patungo sa sinasabi niyang
bagong bukas na restaurant, nang makarating kame ron… umorder na agad
kame ng makakaen
Habang naghihintay sa order
Casual na paguusap lang kame, yung tipong biruan… tipong tamang tawanan lang, hanggang sa mapunta na sa kung ano ano ang usapan
“alam mo rj, you look hot,” he said, out of the blue, he just said that
Natawa
nalang ako, ewan ko ba kung anong kailangan ng taong to saken,, pero
his doing a lot of favor to me, at alam ko naman na sa mundong to,
nothings for free
Nang dumating ang order namen, same paren sa kanina tawanan, kung ano anong pinaguusapan
Nang matapos na kame , he called the waiter at nagsabi na bill out na kame nang dumating yung bill
Ako ang kumuha,
“oh? Treat ko to diba?”sabi niya
“dala ko kase wallet ko ngayon eh” sabi ko sa kanya
At kasabay non ang isang na halakhak
At that time its almost 2pm in the afternoon…
“so I think I better go now, at ikaw, kailangan mo nang bumalik sa opisina” sambit ko sa kanya
“oh no no no , jan ka nagkakamali” sambit niya sabay ng isang nakakalokong ngiti
“huh?”
“I want the both of us to watch a movie” sabe niya out of nowhere
This time talagang tumaas na ang kilay ko,
“alright mr ballatores , cards on the table right now!” I said ng mahinahon naman syempre
“i
know na spoiled brat ka, ok?... and look, hindi ako tanga para hindi
mahalata ang mga bagay bagay, ngayon palang mr ballatores sasabihin ko
na sayo.. wala tayong chansa, I WONT GO WITH SOMEONE WHO JUST EVENTUALLY
WANTS ME,,, “ inayos ko ang sarili ko at akmang patayo na ko ng
“I
just need some time to understand myself, naguguluhan ako sa
nararamdaman ko sayo rj, a-ano, kase,ganto yon… kakakilala ko palang
sayo, hindi ko alam,!!!.... Im just asking na sana bigyan mo ko ng
chance na alamin tong nararamdaman ko ng kasama ka” yan ang mga salitang
sinabe niya , seryoso ang mukha niya non… kakaiba sa taong una kong
nakilala
“maybe some other time , marame kang dapat tapusin sa opisina”
“I could leave it all” walang patumpik tumpik na sinabe niya
“no,
chris, hindi ka dapat nag aaksaya ng oras, you have to do every
progressive things na magagawa mo sa buhay mo, hindi pwdeng puro nalang
saya, you have to be serious and get your life straight”
“I don’t need to work hard, nakikita mo naman diba? … I have everything that life can offer me”
Ang hangin din niya noh? Gosh!! Maloloka ako sa lalakeng to!!
I seated myself comfortably sa upuan and talked to him seriously
“chris,
hindi sa lahat ng oras nasa taas ka,,, kapag dumating ang panahon na
nasa baba kana… pano ka makakaahon kung ang alam mo lang ay puro sarap?”
Wala na siyang sinabe pa non, naka tungo na lang siya
Napaka childish , ilang taon na ba tong nasa harap ko? Gosh para siyang highschool student!
“ill be going, see you tomorrow,, ok?” ang sambit ko sa kanya
Nang tumayo na ko
“pwde bang ihatid nalang kita sa inyo?”
“hindi na… pero, you could walk me sa sakayan”
He looked at me, his eyes grew big and I could see his smile…. I smiled at him and we started walking papunta ng sakayan…
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
Part 09
CHRISTIAN BALLATORES
Nang araw na yon.. pagkatapos kong
maihatid si rj sa sakayan agad narin akong bumalik sa opisina.. pagsunod
naren sa kasunduan namen na tatapusin ko lahat ng kailangan kong
tapusin sa araw na to
Pagbalik ko ron
“sintia” pagtawag ko sa secretarya ko
“yes sir?” pagbigay pansin naman nito sken
“could you give me some more contact info`s for the applicant named rj bullabos” pagbigay ko ng pabor sa kanya
She
gave me a grin , nagtataka na, this is the second time I asked na
ibigay niya saken ang contact info ni rj, I didn’t care kung anong
iniisip niya
Nginitian ko lang siya
Tumango tango siya at sinabing
“yes sir, right away” pagtalima naman niya sa hiningi kong pabor
Tinungo ko na ang opisina ko,,
Pagkapasok
na pagkapasok ko dito, sinumulan ko nang basahin ang lahat ng mga
documento at projects na gagawin para sa mismong companya
Ilan pang minuto dumating si sintia
“sir, eto na po yung hinihingi nyong papers”
Lumapit siya sa table ko at inilapag ang ilang papers na naglalaman ng mga information tungkol kay rj
“salamat sintia” sambit ko
“any time sir”
Sabay narin ng pagtalikod niya
Paglabas na paglabas ni sintia , binuksan ko agad ang ang papers, kinuha ang mismong cell no. ni rj at tinawagan ito
“hello?” isang boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya,
naaalala ko ang boses na to… itong boses rin nato ang sumagot ng telephono nila
“ahmm si Christian to, tumawag narin ako kanina sa telephono nyo, pwde ba kay rj?”
“wait lang”
At ang sunod ko nang narinig ay mga yapak ng paa
Maya maya, may narinig pa kong boses
“bilisan mo na kaya?! Prince charming mo naghihintay!!” sambit pa ng boses ng babae na kanina rin ay sumagot ng telephono
Natawa nalang ako sa narinig ko,
Maya maya pa
“hello?”
“hello?,musta!”
“hanep ah? … parang hindi mo ko kasama kanina ah?” sambit niya sabay ng isang mahinang tawa
“eh, na… ano eh… namiss kita agad eh,”
“hmm, tapos mo naba kailangan mong tapusin? …like paper jobs?” pagiba niya ng usapan
“hindi pa” diretso kong pagsagot
“mr
ballatores, tapusin mo na muna yan… don’t call again, at hindi ko na
sasagutin.. and don’t even try to tell me a lie na tapos mo na ang mga
obligation mo, i`ve been studying psychology for how many years,” pag
utos nanaman niya saken
“ok ok, ito na.. gagawa na”
“good… cge.. talk to you later,…. Bye”sambit niya at pagbaba ng telephono
Nang naibaba na ang telephono agad ko nang sinumulan ang trabaho,
Habang nag tatrabaho ako, naiisip ko na…
swerte narin ako kung sakasakali mapasaken siya
nung una pala ,, alam ko na.. kakaiba siya.. isang tao na talagang magdodomina sa isang tulad ko,
dame niyang karakteristics na dapat ang buong lipunan naten sa ngayon ay may taglay
pursigido
alam ang mga dapat isauna
at higit sa lahat, ang dame niyang mga aral sa buhay na pwde niyang ipamahagi sa ibat ibang mga tao sa paligid niya
ito ang mga taong dapat pagpursigihan, mga taong may magandang maidudulot sa buhay ng sinoman,, sabe nga ng mama nuon..
“siguraduhin mong sa lahat ng oras, ang kabutihan ang siyang iyong lageng lalapitan”
Habang nasa seryoso akong paggawa ng trabaho.. napangingiti ngiti ako.. konti nalang… masisigurado ko nang mahal ko nga siya…
sana lang mahal rin niya ko… sana lang.. mabigyan niya ko ng pagasang maging kame…
kung magkataon.. ngayon nalang ule ako magmamahal ng ganto,… magmamahal ng tama…
handa na ko… handang handa na…
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
Part 10
RJ BULABOS
Kinabukasan
Nasa gitna ako ng paliligo nang marinig ko ang boses non ni jenz
“kapatid anong oras pasok mo?” tanong nito saken
“12 to 8 ako kapatid.. bakit?”pag sagot at pagbalik narin ng tanong ko sa kanya
“aalis ako kapatid mamaya ng 9:30,, may racket ang banda malake lake ren ang kita don” pag sagot naman ni jenz
“cge kapatid, ako nang bahala dito sa bahay”
Nang matapos na ko sa paliligo inayos ko na ang sarili ko 11 na . magbabyahe pa ko.. baka malate na ko nito
Pagdating ko .. parang natural lang ang lahat,, walang kakaiba… ibat ibang natural na tao… mga taong subsob sa trabaho…
pinuntahan ko na agad ang table ko non, iniayos ang mga gamit ko at nagsimula naren sa ibat ibang calls na dumadating
ilan pang mga oras ang lumipas nang may narinig na akong mga boses sa pintuan palang ng hall
“good afternoon po sir”
Mga boses na bumabati….
Sigurado na ko.. si chris
Maya maya pa nakita ko na ang isang lalaking pormal na pormal sa kanyang suot ,
Malaki ang ngiti nito at bumabati rin sa ibat ibang tao na bumabati sa kanya
Tumingin sa kinaroroonan ko ang lalakeng yon… isang matamis na ngiti ang binigay niya saken at kumindat ito..
Natawa na lamang ako sa tinuran nito …
Nang makapasok na siya sa sarili niyang opisina balik narin sa trabaho ang lahat
Natapos ang office hours ko non ng puro calls at pagkilala sa ibat iba pang tao na nandon din sa floor
Nang
time ko na non para umuwe, inayos ko na ang mga gamit ko , bago man ako
tuluyang lumabas.. tumingin muna ako sa pinto non ni chris
Ngumiti at lumabas patungo sa sakayan
Nasa taxi na ko non nang magring ang phone ko , nang tiningnan ko ang screen naka register na number ay si chris
“hello?”pagsagot ko
“uuwe kana?.. di mo man lang ako hinintay? … may sasabihin pa naman ako sayo” sabi ng lalake sa kabilang linya
“marame ka pang dapat tapusin jan sir…nakita ko po lahat ng papers na nakapile up jan sa table mo” pagsagot ko
“half papers na lang.. natapos ko na kanina pa lahat”pag sagot niya
“oh,, edi tapusin mo na yan”
“ito na nga eh… cge tatawag ule ako mamaya”
“ok.. I’ll wait for your call”
At binaba na nya ang phone
Nang makauwe ako ng bahay,.. andon pa si jenz handang handa narin sa kanyang lakad..
“kapatid.. ayos ba?” tanong ni jenz . tinatanong kung ayos ba ang kanyang suot na damit
“ayos na ayos kapatid… rakistang rakista” sambit ko sabay ng isang mahinang tawa
Tumawa rin si jenz
Dumiretso narin ako non sa kwarto ko para magpalit
Ilang minuto lang.. narinig ko ang pagkatok sa pinto.. inisip ko non na baka kasamahan ni jenz sa raket niya
Pero hindi pala
“kapatidddddd!!!!... prince charming alert!” sigaw niya
Nabigla naman ako…
‘ano raw!’
Agad
agad na kong nagbihis ng damit sa sobrang pagmamadali ko para malaman
kung sino ang nasa labas .. kung tama ba ang hinala ko… boxers at fit na
tshirt lang ang naisuot ko
Paglabas ko ng kwarto.. tinunton ko
ang pintuan sa labas… laking gulat ko naman ng sa salas palang andon na
ang bisita.. si chris nga!
“wow kapatid… ADONIS? IKAW BAYAN?” sambit ni jenz sabay ng isang malakas na halakhak
Tiningnan ko nang matalim non si jenz.. at lalo pang lumakas ang tawa niya
“anyway!!!... paalis narin naman ako ngayon.. may raket eh…” sambit ni jenz at binitbit na nito ang kanyang mga gamet
Nang nasa pinto na si jenz
“nga pala sir.. hindi po nakain si chris ng chocolates” sambit ni jenz sabay ng isang nakakalokong ngiti
“cge
kapatid! Babusshhh… paki video nalang mangyayare ah… panuorin ko
bukas!” sambit niya sabay ng isang malakas na halakhak ule at tuluyan
nang lumabas ng bahay
Nang makaalis na si jenz
Nakatingin lang saken ni chris pinipigil ang sarili na tumawa
“so ?”sambit ko sa kanya ng may mataray na boses
maya maya huminahon na siya at nagging seryoso na
“hindi ka nakain ng chocolates?” tanong niya saken
“hindi eh.. lalo na yung may mane..or almonds”
“eh cake naman siguro nakain ka?” tanong pa niya ule
“oo naman…” sagot ko
“yon naman pala eh” sambit niya sabay ng isang ngiti
Tumalikod na ko para kumuha ng maliliit na plates at mga fork at knife
Pagbalik ko…
“oh ikaw na magslice niyan ah” sambit niya
“hindi ka marunong magslice noh?” sambit ko
“marunong naman kaya lang tabingi “ sambit niya na medyo nahihiya
Natawa naman ako
So yon nga ako na ang nagslice
Habang nagsslice naman ako… kinalikot niya ang mga cd`s and dvd`s na nasa ilalim ng lamesang yon
Pag balik niya sa maayos na pagupo.. hawak na niya sa kamay niya ang isang bala
THE LOVE OF SIAM
“wow ah” sambit niya sabay ng tingin saken
“eh sa mahilig akong manuod ng mga pampakilig eh” sambit ko
“pwde panuorin naten?” tanong niya saken
“seryoso ka?” pabalik kong tanong sa kanya
Isang matamis na ngiti lang ang binigay niya saken
“ocge” pagsang ayon ko nalang
Sinalang namen ang bala
Habang nag peplay ito siya namang kain namen ng cake
Nang maubos na ang nasa plate namen.. inilapag nalang namen ito sa lamesa
Magkadikit kame na nakaupo sa sofang iyon ni chris
Unti unti napapasandal ang ulo ko sa makisig niyang balikat
Nang tuluyan na kong sumadal… hinawakan niya ang kamay ko… ang nasa
scene non ng movie eh yung magkasama na ule ang dalawang pangunahing
tauhan
Maya maya narinig kong sinabe niya
“mahal na kita rj”
Napatingala ako at nagkatinginan kame
Muli inulit niya ang mga katagang yon
“maha na kita rj..”
Ngumiti ako…
“mahal na rin kita chris”
Unti unti.. naglapat ang aming mga labi…
Sa gabing yon… nagging opisyal na… kame na ni chris..
Ooppss! Wala pa pong nangyayareng something something!
Simple love kiss… at holding hands palang.. dahil unang una… nirereserve namen yon para sa isat isa… ;)
Sabe nga niya
“hindi
naman naten kailangang magmadale.. tayo naman ang may hawak ng oras
nateng dalawa… basta ang mahalaga ngayon.. mahal kita at mahal mo ko”
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
senioritoaguas.blogspot.com
No comments:
Post a Comment