Saturday, December 29, 2012

Demon Loves Angel (11-15)

by: seniorito aguas

Part 11

tahimik

nakaupong magkaharap ang dalawa sa isat isa

"ano ba talagang gusto mo?!"nasambit na tanong ni jerson

hindi sumasagot si wanson, sa halip na ituon ang pansin sa taong nasa harapan niya, binuklat nito ang bibliya at tila may hinahanap na mga kataga


"ano ba! hindi mo ba ako naririnig!!!"pasigaw na sabi ni jerson

"naririnig kita jerson"sambit ni wanson at sabay ng isang matamis na ngiti

na siya namang kina hinang muli ni jerson

'alam na niya ang kahinaan ko'sambit ni jerson sa kanyang isipan

"nagbabasa kaba ng bibliya?"tanong ni wanson kay jerson

"anong klaseng katanungan ba yan!, syempre hindi!" pagsagot ni jerson

"talaga?" pagusisa lalo ni wanson

"date, nung bata ako, nasa kalye ako, may nadampot akong bibliya noon may mga nabasa ako"pagamin ni jerson, nakayuko na ito ngayon... para kay jerson isang kahihiyan ang pagamin na nakahawak na siya ng bibliya

ngumiting muli si wanson

"anong mga verse ang alam mo?"pagtatanung muli ni wanson

"wala na akong matandaan eh"buong pagamin ni jerson

"eh ito?"

tumayo mula sa kinauupuan nito si wanson at aktong palapit kay jerson upang ipakita ang verse na kanyang nakita

"teka lang, pwde bang iabot mo nalang saken ang libro" pagpigil ni jerson dito

natawa naman si wanson

"kung yan ang nais mo"ang sagot ni wanson dito, muli ay bumalik ito sa pagkakaupo at iniabot kay jerson ang libro

"alin dito?" tanung ni jerson

"john 3:16"pagsagot naman ni wanson

"hindi ko makita"sambit ni jerson

halata ritong hindi ito marunong gumamit ng bibliya,
wala nang nagawa pa si wanson kundi tumayo at lapitan si jerson

"teka wag ka sabing lalapet"pagulit na utos ni jerson

"kung hindi ako lalapit sayo, hindi mo makikita ang verse na sinasabe ko"pangangatwiran ni wanson

wala nang nagawa pa si jerson, lumapit nang tuluyan sa kanya si wanson

nasa likod ni jerson si wanson at itinuturo nito kung saang verse ang sinabi nito

sa akto nilang dalawa ay parang nakayakap si wanson kay jerson

tinuruan rin kase ni wanson si jerson kung paano ang tamang paghawak ng bibliya

hindi alam ni jerson kung anong gagawen, parang bulkang sasabog ang kanyang dibdib tuwing naaamoy ang mabangong amoy ni wanson, tuwing dumidikit ang balat nito sa kanyang balat

"cge na basahin mo na" utos ni wanson

di naman nagtagal binasa na ito ni jerson

"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. "buong pagbabasa ni jerson

"tapos na"ang sambit ni jerson

"tapos na? paliwanag mo..."utos muli ni wanson

"ha?! teka teka!, sabe mo isasagip mo ko, eh parang pinagtitripan mo lang yata ako eh!"pagmamaktol ni jerson

"jerson nangako ako sayo... sasagipin kita"sambit ni wanson

nainis nang tuluyan si jerson, inihagis nito ang libro at tumayo

"san ka pupunta?"buong pagaalala na tanong ni wanson

hindi sumsagot si jerson

aktong paalis na si jerson ng

"ganyan ba talaga ang mga satanista? mga asal bata!"pasigaw na sambit ni wanson

"cge umalis ka, pero ipangako mo na babalik ka, kasama ang pagkakaintindi mo sa iyong binasa"ang dugtong pang sambit ni wanson

at tuluyang na ngang umalis si jerson


Itutuloy. . . .  . . . . . . .


Part 12

nang sumunod na araw,

nasa dalampasigan muli si jerson

'tang ina ka!, bat ba kita kailangang sundin, sino kaba!,'sigaw ni jerson sa kanyang isip, dala ng inis nito sa mga nangyare

ayaw na ayaw ni jerson ang mga taong nagbibigay ng kautusan sa kanya, yung tipong papagalawin siya ng tao sa pamamagitan ng pagsasalita o utos

pero sa mga panahon na ito, wala siyang magawa, sinasabi ng kanyang utak na wag nang sundin si wanson, at wag narin itong balikan pa sa kombento , ngunit iba ang sinasabe ng kanyang puso

tumayo si jerson at binato sa dalampasigan ang isang piraso ng bato

"kapag lumubog oo, kapag lumutang hindi" tangang sambit ni jerson

alam niyang hindi lulutang ang bato, ginawa niya lang itong pamantayan ng pagpapasya

katulad nga ng sabi, lumubog ito

nang lumubog na ito, binalikan ni jerson sa kanyang ala ala ang mga katagang binasa sa bibliya

'For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life'

ilang oras ring pinagisipang mabuti ni jerson ang mga kataga
hindi normal para sa isang satanista ang kwento ng bibliya
kaya talagang nahirapan si jerson dito

nagsaliksik, nagisip, nagtanung sa ibang kakilala na walang koneksyon sa satanista

pinaghirapan ni jerson ang bawat kataga

hanggang sa..

"ALAM KO NA!" bulalas nito sa tuwa
---------

lumubog na ang araw

nasa kwarto niya si wanson kasama si abraham na natutulog na, mahilikhilik pa ito sa pagtulog

napailing nalang si wanson tuwing maririnig ang hilik ng kaibigan, sanay naman na siya sa paghilik nito, nuon paman na magkabarkada sila ay talagang ganyan na ito kung matulog

nagbabasa na lamang ng libro si wanson at naghihintay ng dalawan siya ng antok

'wanson'sigaw ng tinig sa kanyang isipan

una niyang binalingan ng tingin si abraham
pero tulog na tulog na ito

'wanson'muling tawag nito sa kanyang pangalan

napatayo na si wanson at dumungaw sa bintana

si jerson!

sigaw ng kanyang utak, tila naman napapalundag sa tuwa ang kanyang puso

'sabi ko na nga ba hindi siya susuko ng ganun ganun lang'sambit niya sa kanyang isipan

agad na bumaba si wanson upang kausapin si jerson

nang makalapit siya rito

"pasensya-"naputol na sabi ni wanson

"alam ko na ang ibig sabihin ng mga kataga"ang mabilis na sambit ni jerson at bakas sa mukha ang matinding kasabikan na sabihin ito

wala namang nasabi pa si wanson

tahimik

"mahal ng ama ang lahat ng kanyang nilikha, kaya ibinigay niya ang kaisa isa niyang bugtong na anak upang umako ng kasalanan ng sanlibutan mula sa kamatayan at nagaalab na apoy ng impyerno, si jesus ang nagsagip sa sanlibutan at nagpapako sa crus ng kalbaryo para sa sanlibutan"

ang pagpapaliwanag nito

"pasensya kana wanson, natagalan ako sa pag alam ng ibig sabihin, hindi kase ako sanay sa gantong bagay, basta ang alam ko lang.. utos mo to kaya kailangan kong sundin"sambit ni jerson na bakas sa mukha ang pagkaamo nito

sumasabog sa kaligayahan ang puso ni wanson

"magaling jerson,"ang tanging nasambit nito

"magaling? yon lang? pinagpaguran ko kaya to"pagmamaktol na may kasamang pagiinarte naman ni jerson

natawa na lamang si wanson sa sinabi ni jerson, talagang kinaliligaya niya ang mga inaarte ngayon ni jerson

habang nasa kalagitnaan naman ng katuwaan ang dalawa

2 pares na mata ang sakanila ay nakatingin

sinasabe ng unang pares na

"hindi siya mapapasayo, akin siya mangaagaw ka !"

at ang pangalawa ay may bahid ng ligaya


Itutuloy. . . . .  . . . . . . . 


Part 13

nang matapos ang paguusap ng dalawa

bumalik na si jerson sa kanilang lugar

hinatid pa ito ni wanson

"magiingat ka"bilin pa ni wanson inihatid niya ito sa sakayan ng tricyle

"sabi mo eh"sagot ni jerson nang makasakay na ito sa loob ng tricycle

sinundan pa ng tingin ni wanson ang pagalis ng tricycle

"salamat po ama, maitutuwid ko narin sa wakas ang landas niya"sambit ni wanson

nang makabalik na si wanson sa kumbento agad na niyang tinungo ang kanilang kwarto
pero bago siya makapanik rito may isang matandang madre ang nakasalubong niya

"oh iho? gabe na ah? bat nasa labas kapa ng iyong kwarto?"tanong nito

"may inayos lang po ako"ang sagot ni wanson

"iho"sambit ng madre habang papalapit sa kanya

"lage mong tatandaan, ang kapangyarihan ng pagibig ay ang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat, tingnan mo, dahil sa pagibig ng ama, lahat tayo ay nasagip"sambit ng matanda

hindi maintindihan sa ngayon ni wanson ang ibig na ipahiwatig ng matanda

"opo, lage ko pong tatandaan,cge po aakyat na ako"pasasalamat ni wanson at mabilis na itong umakyat

------------

nang makauwe ni jerson

nasa harap na siya ng kanyang bahay aktong bubuksan ang pinto ng

"san ka galing?"tanong ng boses sa kanyang likuran nang tingnan niya ito

si lesita

"wala ka nang pakeelam kung san ako galing si lesita, hindi mo ko pagaari para alamin ang lahat ng kilos ko"mabigat ng sambit ni jerson kay lesita

"tandaan mo jerson, akin ka lang, ikakasal tayo, at hindi ka mapupunta kahit kaninu kung hindi lang rin saken!"matigas na sambit nito sabay ng pagalis

'tingnan lang naten kung masunod ang kagustuhan mo'sambit ni jerson

nang makapasok na siya ng kanyang bahay, dun na siya nagisip

ang kasal,ang nalalapit na kasal nila ni lesita sa mata ng panginoong satanas

"mapipigil ko pa to, hindi ko hahayaang matali ako sa babaeng yon, ngayon pang sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay wanson? hindi ako papayag!"sigaw ni jerson

sigurado na nga si jerson, mahal na niya si wanson. wala siyang alam na mali ito sa mata ng panginoon ni wanson pero ang alam niya lang ngayon ay mahal na niya kaagad si wanson

-------------

sa gabing iyon, hindi makatulog si wanson ng maayos

iniisip ang lahat ng nangyare., iniisip ni jerson

"grr!! anu ba! magpatulog kanaman jerson!!"mahinang nasambit ni wanson

'bakit ko nga ba siya iniisip?'ang katanungang nasambit ni wanson

sa mga panahon na ito, alam na rin ni wanson ang katanungan, tila tinatantya niya lamang kung hanggang saan pa kakayaning itago ng kanyang pusot isipan ang mga nararamdaman

'siguro ito yung sinabe nung madre? alam kong mali ito, pero...'hindi na naipagpatuloy pa ni wanson ang mga iniisip ng biglang nag ring ang alarm clock

"ahhh!!!!"sigaw niya

----------------
katulad ni wanson

tila hindi rin nakatulog si jerson
iniisip ang mga susunod na hakbang

habang nagiisip ito bigla namang napadungaw ito sa bintana

iritadong sinabi

'umaga na... pak shet'


Itutuloy. . . . .  . . . . .


Part 14

nang umagang iyon

"tol, parang bangag na bangag ka ah?, hindi kaba nakatulog?"tanung ni abraham kay wanson habang nagliligpit ito nng higaan

si wanson naman ay nakaupo sa kanyang kama

"hindi talaga"sagot naman ni wanson sa katanungan ni abaraham

"edi matulog ka muna"mungkahi ni abraham

pero hindi na maaaring matulog pa si wanson, siya ang nakatoka ng mag bigay ng bagong aral sa mga bata

"wag na tol, maya maya ako narin naman ang magtutro sa mga bata eh,"nasambit ni wanson

"kaw bahala"sambit ni abraham at sabay ng paglabas nito sa kwarto

"kasalanan mo to jerson ahhh!!"mahinang nasambit ni wanson
----

"aray"sambit ni jerson

"oh tol? anu nangyare sayo?"pagbigay pansin ni kerwin sa pagsambit ng aray ni jerson

"wala tol nakagat ko lang dila ko"paliwanag ni jerson

"tol sabi nila , kapag nakakagat mo raw dila mo, may taong nagiisip sayo"sambit ni kerwin sabay ng isang nakakalokong ngiti at muling balik nito sa ginagawang pagsasalansan ng kagamitan

nangmarinig ito ni jerson, umikot ang kanyang imahinasyon

"iniisip niya ko?"sambit ni jerson sabay ng isang matamis na ngiti

nang matapos sa pagtulong si jerson kay kerwin agad na naghanda na ito dahil gusto niyang muling puntahan si wanson sa kumbento
-------

hindi na nagtagal

nagayos na si wanson ng mga kagamitan niya at ng sarili upang maghanda sa pagtuturo sa mga bata, nang matapos sa pagaayos , bumaba na siya


kay sarap tingnan ng mga batang pursigidong makilala si jesus


"magandang umaga mga bata" magiliw na bati ni wanson sa mga bata nang tuluyan na siyang makalapit rito

"magandang umaga rin po"pabalik na pagbati ng mga bata

at di nga nagtagal ay nagumpisa nang mamahagi ng salita ng dyos ni wanson

tila naman mga uhaw sa kaalaman ang mga bata na talagang nakikinig at nais na makilala si jesus

di nag tagal ay natapos na ang pagtuturo ni wanson
agad na niyang pinabalik sa mga sariling kwarto ang mga bata

aktong papasok narin si wanson sa kumbento ng


"ehem, late na po ba ako?"sambit ng isang makulit na boses

nang lingunin ito ni wanson

si jerson

"unang araw na umpisa late na agad!"sambit ni wanson na nakangiti

"3rd day palang po ng pagtuturo mo saken"sambit ni jerson sabay ng pagupo sa isang malaking bato

"hmm anu na nga ba ang sunod mong ituturo tungkol sa iyong dyos?"ang pagtatanong ni jerson

hindi naman nagaksaya ng oras si wanson.. umupo narin siya sa isang kahoy na silya na katapat lamang ni jerson at sinumulang i kwento ang mga nakasulat sa bibliya ang mga alamat at kung sino si jesus, si moises, si abraham, at ang iba pa

tila naman gustong gusto ni jerson ang mga nalalaman at nakatuon ang isip nito sa ikinukwento ni wanson

tumagal pa ng isat kalahating oras ang pagkukwento nila

nang tumayo na si jerson at tumabi kay wanson

natigil naman sa pagkukwento si wanson

"parang date ako ang ayaw mong lumapit sayo ah, bakit parang ngayon ikaw pa ang lumalapit"ang nasambit ni wanson

"cge pagpatuloy mo lang yung kwento nakikinig ako eh, !! anung ginawa ni magdalena sa pabango? tsaka diba sabi mo bayarang babae si magdalena? bakit hinayaan ng jesus nyo na lapitan siya ni magdalena?!"ang maganang pakikinig ni jerson

muli ngang pinagpatuloy ni wanson ang pagkukwento

nang matapos ito

"kahit ano kapa kahit sino kapa, kahit gano kapa kasama sa tingin ng iba, kung alam mo sa sarili mong may pananalig at naniniwala ka sa jesus nyo hindi ka mapapahamak"ang nasambit ni jerson na paliwanag sa unang kwento

"jesus naten"ang pagtuwid ni wanson kay jerson

humarap si jerson kay wanson at sinabing

"salamat"nasambit ni jerson sabay ng isang matamis na ngiti

magkaharap ang kanilang mga mukha, unti unti naging mapangahas ang kilos ng kanilang mga laman, hanggang sa hindi na ito namalayan ang kanilang mga labi ay naghinang

nang matapos ang damping halik,

"patawarin mo ko wanson"mabilis na sambit ni jerson

tumayo si wanson hindi alam ang mga gagawing reaksyon mabilis na lumakad palayo,
bago pa tuluyang mawala sa paningin ni jerson si wanson
tumakbo palapit si jerson kay wanson at niyakap ito

walang tao sa paligid, yan ang kanilang nakikita

niyakap ni jerson si wanson

"mahal na kita wanson"sambit ni jerson

Tadhana – Up Dharma Down « Song & Lyrics

Sa hindi inaaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Bakit hindi pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga at kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bakit hindi pa sabihin
Ang hindi mo aminin
Ipaubaya na lang ba ito sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…


Itutuloy. . . . . . . . . . . .


Part 15

tumulo ang luha ni wanson

nais niyang sabihing mahal niya rin si jerson , pero alam niyang mali,
maraming hadlang

umugong sa isipan ni wanson ang sinambit ng matandang madre

'ang pagibig ang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat'

'pero mali parin! parehas kaming lalake!,hindi pwde to!!, pero aaminin ko mahal ko na rin siya'nasambit ni wanson sa kanyang isipan

nagtatalo ang kanyang isip at puso..

ano bang dapat sundin? ang sinasabi ng isipan na wag gawin ang mali, o ang sinasabi ng puso na walang mali sa pagmamahal ng isang tao

humarap si wanson kay jerson

"jerson, mahal rin kita, pero, --"sambit ni wanson na hindi naipagpatuloy

"kung mahal mo rin ako bat hindi natin ipagpatuloy ito sa isang relasyon?"mabilis na sambit ni jerson

"mali ito, jeson hayaan mo muna akong magisip"sambit ni wanson habang patuloy ang pagdaloy ng luha

"bibigyan kita ng space at oras para magisip, pero wanson ito ang isipin mo, mahal na mahal kita. maging akin ka man o hindi, basta ang alam ko mahal na kita, ngayon lang ako naging ganto"sambit ni jerson

tumalikod muli si wanson at patakbong umakyat sa kaniyang kwarto

naiwan si jerson naghihintay,nagmamahal at umaasa

Tadhana – Up Dharma Down « Song & Lyrics


Sa hindi inaaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Bakit hindi pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga at kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bakit hindi pa sabihin
Ang hindi mo aminin
Ipaubaya na lang ba ito sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…

Lalalala…
-----------------------
nang makarating si wanson sa kanyang kwarto
dun na siya nagiiyak at lumuha

'mahal kita! pero mali ito sa ng ama!, hindi ko na alam kung anung susundin ko! ang puso ko o ang isip ko!' sambit ni wanson sa kanyang isipan

sa kalagitnaan ng paghagulgol ni wanson
biglang tumunog ang pinto
ilang katok ang kaniyang narinig


inayos ni wanson ang sarili
pinahid ang luha at pinilit na pahimasmasin ang sarili

"bukas... ho yan"sambit ng boses ni wanson na nasa tono ng basag

nang bumukas ang pinto, si father ang iniluwa nito

laking gulat naman ni wanson ng makitang si father ang kumatok

"magandang araw sa iyo iho"pagbati ni father

"magandang umaga rin po"pagbalik na pagbati niya rito

"nakita ko ang lahat iho"tuwirang sambit ni father

nang marinig ito ni wanson, inihanda na niya ang sarili para sa parusa na kanyang matatanggap

pero

"sundin mo ang nais ng iyong puso"ang nasambit ni father

nagulat man si wanson sa narinig, may ligaya parin itong dulot

"pero father---"ang sambit ni wanson ngunit hindi niya ito maituloy

"nakasaad din sa sinabi ng ama na malaya kang gawin ang lahat ng nais ng iyong loob, bastat wala kang masasaktan, at matatapakang damdamin"sambit ni father

niyakap ni wanson ang pari

"salamat po father"sambit ni wanson na bakas sa loob ang kaligayahan


-------------------------

dumaan ang mga araw, mga linggo.. halos tatlong linggo na ang nakakalipas
na walang jerson na nag papakita kay wanson

bawat araw na dumarating unti unting nawawawalan ng pagasa si wanson na muli pang makikita si jerson

mga araw na tila gabi , kay tagal, kay lungkot, at kay sakit na mga araw..

mga araw na hindi masilayan ang bawat isa...
------------

"tol pano yan?! bukas na kasal mo..."sambit ni kerwin sa kaibigan na nakaupo at nakatanaw sa malayong lugar


"ang swerte mo talaga tol..akalain mo noh? ang anak pa talaga ng pinuno ang mapangangasawa mo!... "pailing iling pang dagdag ni kerwin

tahimik lamang si jerson.. tila hindi naririnig ang mga sinasambit ng kaibigan

tahimik

tila nababasa na ng unti unti ni kerwin ang damdamin ng kaibigan

"tol, ayos ka lang ba?" pagtatanung ni kerwin

kasabay ng tanong na iyon ay ang pagpatak ng masaganang luha ni jerson sa pisngi nito

mula sa pagkakaupo at pagkakatabi ni kerwin sa kaibigan tumayo ito at humarap kay jerson

"pare ano bang nangyayare sayo? hindi kaba masayang ikakasal kana? , sabihin mo. anong nangyayare"sunod sunod na pagaalalang tanong ni kerwin sa kaibigan

halos utal utal si jerson ng ikwento kay kerwin ang lahat ng pangyayari

mula sa unang pagkikita nila ni wanson hanggang sa kasalukuyang panahon.

nang matapos na ang pagkukwento nito

"tol hindi ka sigurado kung mahal ka talaga niya , kay lesita siguradong sigurado ka, simula pa ng bata tayo patay na patay na sayo yon"sambit ni kerwin na taglay sa mga mata nito ang pagintindi sa kaibigan

"mahal niya ko, sigurado ako don, nagiisip lang siya , kung dapat ba naming ipagpatuloy to sa isang relation... hirap na hirap ako sa situation ngayon.. pano kung magpasya si wanson na mahalin narin ako?? pano kung sa mga panahon na iyon kasal na kame ni lesita" buong pagbigay ng suliranin ni jerson

mula sa pagkakatayo.. umalis si kerwin walang pasabi

'kaibigan kita tol, mula pa ng bata tayo, gagawin ko lahat para sa ikaliligaya mo'


Itutuloy. . . . . . . . . . . .



senioritoaguas.blogspot.com

No comments:

Post a Comment