by: seniorito aguas
Part 06
nang makapag handa, hindi na nagaksaya pa ng oras ang tatlo
agad na umalis sa kumbento at pinuntahan ang unang barangay
ang san arinto
bihis pangalis ang tatlo
naka-asul na shirt at navy blue na pantalon si abraham
berdeng luntian naman ang v-neck shirt ni wanson at maong na dark blue
casual na damit panlakad naman ang kay michael
hindi maaaring makakuha ng marameng mata ang tatlo, kailangang maging simple lamang ang kanilang kilos at pagmamatyag
isang matagal na naglilingkod na si michael sa simbahang kinalalagkan ngayon nila abraham at wanson
bata palang raw ito ay ito na agad ang kinamulatan ng kanyang batang isip
mga tamang asal at tamang pagsamba , mga pagsunod at paggawa ng gawain
yan
ang mga unang natutunan nito ng seryosohin na ang pagiging sakristan,
at ngayon nga ay isa na raw ito sa mga pinagkakatiwalaan ng mga padre
"naririto na tayo sa san arinto"mahinang sambit ni michael ng marating nila ang san arinto
hindi ito kalakihang barangay, normal lang rin ito sa paningin nila abraham at wanson
pwera
lang sa mga ilang kababaihan na nakasuot ng damit na itim mula ulo
hanggang paa , na minsan kung kanilang madadaanan may matatalim ang mga
tingin nito
"kung nakamamatay lang ang pagtingin , malamang patay na tayo"pabulong na sambit ni abraham
pinansin rin nila ang mga batang imbis na naglalaro at nagtatakbuhan ay nagkukumpulan at ang ibay nagsasakitan
"weird ng konte"bulong ni abraham kay wanson ng makita ang mga bagay bagay sa paligid
hindi
na pinansin ni wanson ang mga sinasabi ni abraham nakatuon ang isipan
nito sa iisang pakay, ang makita ang lalakeng nais niyang iahon mula sa
impyerno
nagalugad nila ang maliit na barangay ng san arinto.. pero hindi nasilayan ni wanson ang lalakeng nais niyang makita
sunod na barangay
ang san huwaquin
baliktad mula sa barangay ng san arinto.. para itong ghost town
"asan ang mga tao?"pabulong na pagtatanung ni abraham
"hindi
lumalabas ang mga taong nakatira rito sa san huwaquin sa oras na
nakataas ang araw, sa oras na bumagsak at nawala ang sinag ng araw, dun
sila nagsisilabasan"ang paliwanag at sagot ni michael sa katanungan ni
abraham
'paano ko siyang makikita rito kung nasa loob siya ng kanyang bahay' ang nasambit na salita ni wanson sa kaniyang isipan
"may
lugar ho rito sa san huwaquin kung saan tinatambayan ng mga satanista
kahit mataas at tirik ang araw"ang nasambit ni michael na tila nabasa
ang nasa isip ni wanson
"saan?"mabilis na katanungan ni wanson
nagsimula na muling maglakad ang grupo patungo sa lugar na sinasabi ni michael
nangmakarating rito, agad na nagmatyag si wanson.. hinahanap ang lalakeng nais niyang tulungan
pero wala,wala ni anino man lang ng lalakeng ito
"wanson tol? bakit ba kanina kapa hindi mapakali sa kakalinga jan? may hinahanap kaba?"pagtatanung ni abraham
"wala tol"maikling sagot nito
"anung susunod na barangay ang pupuntahan naten?"pagbaling na tanong ni wanson kay michael
"ang san tyermo ho"sagot ni michael sa katanungan ni wanson
tumungo tungo si wanson,
'ito
na ang huling barangay, kailangan na kitang makita, tutulungan kita
pangako yan' matigas na sambit ni wanson sa kanyang isipan
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
Part 07
nang matapos libutin ng grupo ang san huwaquin, sunod na ginalugad ang san tyermo
dakip silim na ng marating nilang tatlo ang san tyermo
lugar kung saan sinasabing pinagpugad ng mga taong satanista
"naririto na tayo"ang sambit ni michael nang makababa ng tricycle
"parang may pyesta ah"sambit naman ni abraham
puno
ng kulay ang buong barangay ng san tyermo, di tulad sa dalawang
napuntahan na barangay, mas maganda ang paligid nito, at mas mababait
ang mga tao, ni hindi mo maiisip na ito ay pugad ng mga demonyo
"magiingat po tayo, hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay ang tunay na anyo"ang matalinhagang paalala ni michael
"magandang gabi ho sa inyo"pagbati ng isang matandang babae ng madaan sila isang kumpulan ng mga tao
"magandang gabi rin ho"pabalik na pagbati ni wanson
"ako
nga ho pala si marsela, isang matandang taga pangalaga ng lugar na ito,
mukang mga dayo ho kayo?"ang pagpapakilala at pagtatanong ng matandang
babae
si abraham ang siyang nakipag usap
"oho eh, nais
lang ho sana nameng maglibot ng kaonte.. galing pa ho kame ng maynila,
ang sabi ho kase sa maynila ang lugar raw ho ninyo ang pinaka magandang
lugar upang magpahinga"ang buong pagsisinungaling ni abraham
"ay
ganuon ho ba, nakow!, mukang sikat na ngang tunay ang aming barangay,
sige ho naway magustuhan ninyo ang pagdalaw rito"ang sabi ng matandang
babae at sabay nang pagtalikod
nang makaalis sa kanilang harapan ang babae
"sigurado kang pugad ito ng mga demonyo?"mahinang tanong ni abraham kay michael
"tulad ho ng aking sinabi, ang nakikitang panlabas na kaunyuan ay panlabas lamang"ang pagsagot ni michael
di na nagsalita pa si abraham, at nagpatuloy ang kanilang pag gagalugad
tahimik
lamang si wanson habang nililibot ng kanyang mata ang halos lahat ng
paligid ng san tyermo, inaasam na matyempohan ang lalakeng nais tulungan
'ni hindi ko pa alam ang kanyang ngalan'ang nasambit ni wanson
"sandale"sambit ni abraham ng may kasamang paghihingal
kanina pang naglalakad ang tatlo at tila pagod na pagod na itong si wanson
"pwde
bang magtigil muna tayo ng sandale? uminom ng tubig? kumain? kanina pa
tayo lakad ng lakad ah?"buong pagod na pagmamaktol ni abraham
"hindi
ho tayo maaring uminom at kumain ng pagkaing galing sa barangay na ito,
lalo pat ang alam nila ay mga dayuhan tayo"pabulong na sambit ni
michael
"gutom na ko eh"pagmamaktol muli nito
naglinga linga si michael, nang may nakitang isang kainan duon niya dinala ang dalawa
nang makarating sa maliit na kaninan
"maupo na tayo"ang sambit ni michael
at agad namang naupo si abraham
maya maya pay may lumapit na babae
"ano hong nais ninyong kainin?"ang pagtatanung nito kasabay ng isang matamis na ngiti
"ahhh---"si abraham
biglang nagsalita si michael
"tatlong kape lang ho"ang pagbigay nito ng nais inumin
"yon lang ho ba?"pagtatanung muli ng babae
"oho"mabilis na sagot ni michael
nang makaalis ang babae
"tae naman oh, bat ba ayaw mo kameng pakainin!?"buong pagmamaktol ni abraham
"kakaen
ho tayo"sambit ni michael at sabay kinuha ang kanyang bag at mula dito
ay kinuha ang mga pagkaing binaon galing sa kumbento
"yown naman pala eh!"halos maisigaw ni abraham
"shhh"sambit ni wanson pahiwatig na wag magingay
maya maya pay dumating na ang babae dala ang kanilang sinabing nais inumin
nang mga panahon na ito ay nakain na ang tatlo ng pagkaing dinala ni michael
"eh pano to?"mahinang sambit ni abraham
kinuha
ni michael ang isang tasa at pasimpleng tinapon ito sa halamang nasa
gilid lamang nila, sumunod naman sa ginawa ni michael ang dalawa
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
Part 08
habang nakain ang tatlo , si wanson naman ay di parin matigil sa paglilinga
inaasam na muling masilayan ang lalakeng nais tulungan
nang maisip niyang wala nang panahon, at wala na ring pagasa
pumikit si wanson at nagdasal
'ama
nais ko siyang tulungan, matutulungan ko siya lalo kung akin siyang
makikita , ama tulungan nyo ho akong mahanap siya' buong pusong
pagdarasal ni wanson
nang idilat nila ang mga mata
napansin niya ang lalakeng nakatayo sa labas ng kainan
alam niya ang presensya ng lalakeng ito..
'lumingon ka'nasambit ni wanson sa kanyang isipan
tila naman narinig ito ng lalaki
"siya nga!"nasambit ni wanson
"sinong siya?"pagtatanung ni abraham
"ha? ehh wala , cge kain lang tayo" sambit ni wanson
------------
nagtambay
ang dalawang magkaibigan sa labas ng kaninan.. sina kerwin at jerson ng
gabing iyon, ipaguusapan ang tungkol sa mga bagong kautusan
"tol anong balak mo dun sa mga bagong kautusan?"pagtatanung ni kerwin kay jerson
"wala
kana don tol, tsaka tingnan lang naten kung lahat sumunod sa mga bagong
kautusan nayan, kung ako nga isang kataas kataasang pinuno sinusuway
ang kautusan , ang mga miyembro pa kaya?" mayabang na pananalita ni
jerson
"ewan ko sayo tol, makaalis na nga rito, lakas ng hangin eh"ang sambit ni kerwin at sabay ng pagalis sa lugar
nanatili sa labas ng kaninan si jerson mag isa
naghihithit ng yosi
nang
maubos ang dalawang stick, duon na nakaramdam ng magaang presensya si
jerson, kakayahan ni jerson ito bilang isang satanista... ang
maramdaman ang presensya at aura ng isang taong malapit o nagiisip sa
kanya
maya maya pay narinig ni jerson ang isang tinig
'lumingon ka' sambit ng boses na ito, isang malumanay ngunit nagbibigay ng matibay na kautusan
napalingon si jerson, hinahanap ang presensya
'ok kaya ko tong hanapin, hinga ng malalim'sambit ni jerson sa kanyang sarili
pumikit siya at pinakiramdaman ang presensya hanggang sa matuon ang kanyang isipan sa lalakeng nasa loob ng kainan
"u-huh!, sabi ko na nga ba eh, magkikita ule tayo"nasambit ni jerson na nakatitig sa lalakeng nasa loob ng kainan
-----------
pansin ni wanson na titig na titig na sa kanya ang lalakeng kanina pa niya nais na makita
'anong gagawen ko alam na niyang narito ako'buong pangambang takot ni wanson
palapit na ng palapit sa kanya ang lalakeng nais niyang makita, kumakabog na ng sobra ang kanyang dibdib
-----------
pinasok ni jerson ang kainan, ramdam ni jerson ang pagkabog ng dibdib ng lalakeng tumawag sa kanya
ang pinagtataka lang ni jerson ay, bakit pati yata siya ay kinakabahan sa paglapit niya sa lalakeng ito
'ano bang meron sayo'tanung ni jerson sa kanyang isipan
nang malapit na si jerson sa kinalalagyan ng lalake muli niyang narinig
'jan ka lang'utos ng boses
"huh?"pagtatanung ni jerson
pinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki
'jan ka lang sabe eh!, wag kang lalapet'sigaw ng boses sa kanyang utak
wala nang nagawa pa si jerson kundi sumunod alam niyang hindi ordinaryong tao ang lalakeng ito
----------
dahil sa takot halos mamutla na si wanson sumisigaw ang kanyang utak na wag lumapit ang lalakeng ito
nang tingnan niya itong muli
hindi ito gumagalaw at nakasandal nalang ito sa pader
'naintindihan niya ang sinasabe ng utak ko?'buong pagtataka na sambit ni wanson sa kanyang utak
maya maya, nakaramdam ng pagputok ng pantog si wanson, dahilan siguro ng sobrang takot
"ahmm abraham michael pupunta lang ako ng palikuran"paalam nito sa dalawa
tumungo tungo naman ang dalawa pagbigay ng pahintulot
tumayo si wanson at tinunton ang palikuran
----------
'haha, pagkakataon ko na'sambit ni jerson sa isipan ng makita na papunta ang lalake sa palikuran
---------
nang makapasok si wanson sa palikuran walang tao rito, pumasok na agad siya sa isang cubicle
inilabas ang lahat ng naramdaman takot at pagkatapos ay lumabas na siya mula sa cubicle
nang buksan ang pinto laking gulat niya
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
Part 09
"sabi ko sayo magkikita tayong muli"sambit ng lalaking nasa labas ng cubicle ni wanson
"sino kaba!? at anong kailangan mo saken"matigas na pagtatanong ni wanson
"ako?
parang kinalimutan mo na agad ako mr wanson,ako nga ho pala muli si
jerson lopez, isang purong satanista . maaari ko bang malaman ang
ginagawa ng mga chatolico sa aming lugar?"taas noong pagpapakilala ni
jerson at pagtatanung kay wanson
"naririto ako, upang tulungan ka jerson"sambit ni wanson
"tulungan ako?, bakit? nasa panganib ba ako?"sambit ni jerson
"iaahon
kita muna sa impyerno !jerson makinig ka bumalik kana sa panginoong
jesus, ililigtas ka niya, nasa panganib ka sa kamay ni satanas!"matatag
at matibay na sambit ni wanson
"wala ho ako sa panganib mr
wanson, lalot naririto ako sa aking teritoryo, ang alam kong nanganganib
rito, ay ikaw at ang mga kasama mo"sambit ni jerson habang palapit kay
wanson
"lumayo ka, wag kang lalapit jerson"pagbigay ng utos ni wanson kay jerson
napangiti si jerson ng matamis
"nakatikim kanaba ng halik ng isang demonyo mr wanson"sambit ni jerson habang lalong palapit kay wanson
'zaide'sambit ni wanson sa kanyang utak
"anong ginawa mo saken mr wanson,! pagalawin mo ko!"pagmamaktol ni jerson
"tutulungan kitang makaahon mula sa impyerno jerson"sambit ni wanson
"hindi ka nga ordinaryong tao"pagbigay ng konclusion ni jerson
ngumiti ng matamis si jerson , sa ngiti na ito tila unti unting natutunaw si jerson, ngiti ng isang angel
umalis si wanson sa palikuran na iyon iniwan si jerson na hindi makagalaw
'puntahan
mo ko sa kumbento, dun kita tutulungan jerson, tutulungan kita, pangako
yan'sambit ni wanson gamit ang kanyang kakayahan
pagkalabas niya ay tapos nang kumain sina michael at abraham
agad na rin silang umalis at bumalik sa kumbento
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
Part 10
"even friendship is a big mistake to be in between of a deity of demon
and a deity of an angel" revedent louisito *satanistas layer 66*
-----------
kinubakas,
nasa dalampasigan si jerson,
hindi maalis sa isipan ang nangyari sa kainan na iyon,
mga bagay na sinabe at pinangako ni wanson ,
'nasa
panganib ba ako? , bakit ba niya ko kailangang sagipin?, mula saan?'mga
katanungang gumugulo at umiikot sa isipan ni jerson
"hoy!,
pansin ko kanina pa ang pagiisip mo ah, ano bayang iniisip mo at parang
ang lalim?" tanong sa kanya ng isa pang kaibigan, si lesita
isang
babaeng satanista si lesita, hindi lingid sa kaalaman ng iba pang
satanista ang lihim na pagtingin ni lesita kay jerson, bata palang ay si
jerson na ang nais makasama ni lesita hanggang sa kamatayan
pero hindi rin lingid sa kaalaman ng buong grupo, na hindi kailangan man papatulan ni jerson si lesita
"wag
mo nga muna akong pakeelaman lesita, may iniisip akong importanteng
bagay, pwde ba? layuan mo ko!" mataas na tonong pagtaboy ni jerson kay
lesita
wala namang nagawa si lesita kundi ang sumunod sa utos ng pinuno
lumayo siya tulad ng sabi nito
hindi
natatakot si jerson na baka tuluyang lumayo sa kanya si lesita, matagal
na niyang itinataboy ang babaeng ito pero wala paring walang bumabalik
balik ito sa kanya
'ang huli niyang sinabi ay puntahan ko siya sa kumbento, pwes yon ang gagawin ko' buong pagdidisisyon ni jerson
---------
ng araw na ito walang ginawa ni wanson kundi mag hintay sa pagdating ni jerson
sinabihan niya itong punatahan siya sa kumbento
nasa loob ng kwarto nito si wenson nagiisa at nakadungaw sa binatan
"bat ba ang tagal niya" nasambit ni wanson ng dahil sa inip sa paghihintay kay jerson
maya maya pay may kumatok sa pintuan ng kwarto nila wanson
nilapitan ito ni wanson at binuksan ang pinto
si michael
"magandang umaga ho" pagbati ni michael kay wanson
"magandang umaga rin michael,"pabalik na pagbati ni wanson
"naririto
po ako dahil pinasasabi ni father na ikaw raw ho ngayon ang nakatokang
magbigay ng aral sa mga bata pang sakristan"pagbigay ng instruksyon ni
michael
"ahh ganon ba?... cge maghahanda lang akot baba narin ako para sa mga bata, salamat michael" sambit ni wanson
at tumalikod na si michael upang bumaba
wala
nang nagawa pa si wanson kundi maghanda at magturo sa mga bata,
napiling lugar ni wanson ay ang lugar kung san unang nagkita sila ni
jerson, ang lugar kung san nakita niyang binubully ang mga batang puti
"magandang umaga mga bata" pambungad na bati ni wanson
"magandang umaga rin po"pabalik na pagbati ng mga bata
"magandang umaga mr wanson"pagbati naman ng isang pamilyar na boses
nang tingnan ito ni wanson, laking tuwa niya ng makita kung sino ito,
si jerson
agad na naalarma ang mga bata, nagsitayuan ang iba ang iba ay bahid ang takot sa mga anyo
tumayo si wanson at linapitan si jerson
"mga bata wag kayong matakot, siya si kuya jerson nyo, makakasama naten siya ngayong araw na to" sambit ni wanson
"p-pero, s-satanista po siya" sambit ng isang bata
"mabait ang kuya jerson niya, wala siyang nais na saktan"sambit ni wanson
"hindi ba jerson" sambit ni wanson sabay ng pagtingin kay jerson
nagtama ang kanilang mga mata, tila napako sa kinatatayuan si jerson
hindi makapagsalita... pipi....
" jerson?" muling pag gising ni wanson kay jerson
" o-oo" pagsagot ni jerson
"oh,,
diba ? sabi ko sa inyo mabait yan si kuya jerson nyo eh, cge na nga
bata umupo na kayo"sambit ni wanson at nagsiupo naman ang mga bata
--------
'ano bang nangyayare sayo jerson!'sigaw ni jerson sa sarili
hindi
niya maintindihan ang nararamdaman tuwing titingin o mapalapit sa kanya
si wanson, tumitibok ng mabilis ang puso nito, kinakabahan at ibat
ibang saring kuryente ang dumadaloy sa katawan nito
'damn!, am i? no! impossible!'pag pigil ni jerson sa bagay na nasa isip niya
---------
nangmatapos na ni wanson ang pagtuturo sa mga bata pinapasok na niya ang mga ito sa kumbento at pinagpahinga
ngayon ay silang dalawa na lamang ni jerson ang nasa labas
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
senioritoaguas.blogspot.com
No comments:
Post a Comment