Saturday, December 29, 2012

Angel of Mine (16-18)

by: senioritoaguas

Part 16

RJ BULABOS

Sa pagsikat ng liwanag ..

Unti unti.. sumukob ito sa loob ng aking katawan

Pagbaba ko ng salas

“rj” malumanay na tawag saken ni jenz

Nang linungin ko siya, kasama niya sa salas si emee

Puno ng luha ang buong mata ni emee

Ng makita ko ang kanyang kalagayan, agad nang tumibok ng mabilis ang puso ko

Agad na pumasok sa isip ko si chris


“anong nangyare?” tanong na agad kong sinambit

“si chris nasa ospital” sambit ni emee

Bigla akong natakot

“saang hospital?!”

Wala nang palit palit ng damit

Agad naming tinunton ang lugar kung saan na confine si chris

Nakarating kame ron ng dinatnan ang doctor na kausap ang mama ni chris

“ Mrs. sa sobrang dame ho ng aspirin na inintake niya. Halos sumuko ang buong system ng katawan niya, …..sa ngayon ho,ang magagawa nalang naten ay umasa ng milagro, milagro na sana ho, sana magising ang anak nyo at mailabas lahat ng naintake niya…. Nagwa na ho namen sa ngayon ang lahat ng makakakaya namen at patuloy parin ho kame sa pagkilos” narinig kong sambit ng doctor

Nang umalis ang doctor, unti unting nanlumo ang katawan ko,

‘panong nangyare to? .. anong nangyare!,,,’ sambit ng utak ko

Nang tinangnan ko ang kinaroroonan ng mama ni chris, tulala ito,

Unti unti lumapit ako sa malaking salamin upang makita si chris

Napakasakit makita,

Ang taong mahal na mahal mo

Nasa loob ng isang kwarto at kung ano anong aparato ang nakadikit sa kanyang katawan

“ikaw!” sigaw ng boses

Nang tingnan ko ito, ang mama ni chris

“ikaw ang may kasalanan nito,, ikaw ang makasalanan!,,, dinamay mo lang ang anak ko sa kasalanan mo!” pambibintang at panduduro niya saken

Nabigla ako, pero agad agad kong binuhat ang sarili ko

“ako? … mawalang galang na ho mam, pero sa tingin ko,, “

“sa tingin ko, ikaw ay dahilan ng mga to!,,,,, bawat discrimination mo sa mga bakla, na nasa paligid mo!,,, hindi mo napapansin na unti unti mong pinapatay ang sarili mong anak!” matigas kong sambit sa kanya

“wala akong dinidiscrimina,, lahat ng salita na sinasambit ko laban sa mga katulad ninyo ay turo mismo ng simbahan!,, at galing mismo sa bibilia,, salita ng dyos!” sambit niya saken

“salita ng dyos? … galing sa biblia? … simbahan?, pwes lahat ng yan ang dahilan kung bakit nandon si chris sa loob at hirap na hirap.. anong klase kang ina!”sambit ko

Mabilis siyang lumapit saken

At isang malakas na sampal ang dumapo saking pisngi

“ako ang ina ni chris, at alam ko ang lahat ng makakabute sa anak ko!,.. “

“kung alam mong lahat ng makakabute sa anak mo… bakit siya nandiyan sa loob at naghihirap!”

“umalis kana,,, wag na wag ka nang magpapakita pa! “

“umalis kana!” sigaw niya

Wala akong nagawa kundi umalis, pinagtitinginan na kame ng lahat, alam ko male,,, male na sagutin ko siya… siya ang ina ng taong mahal ko.. pero hindi ko hahayaan na yurakan niya ako at sisihin sa nangyayareng masama sa taong mahal ko

Umalis ako non ng puno ng luha ang buong mata, pero pinangako ko , hinding hindi ko aalis sa tabi ni chris, bastat may pagasang makalapit at makadalaw ako gagawin ko, hinding hindi ko siya iiwan tulad ng pangako namin sa isat isa 



Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . . .


Part 17

Hannah ballatores

isa akong ina, isang ina na nagaalala at nagmamahal sa kanyang anak, nuon paman alam ko kung gaano katindi ang discrimination ng ating lipunan sa mga bakla at tomboy, at ayokong maranasan yon ng sarili kong anak, ng kaisa isahan kong anak
si christian….

Pero nangyare na ang kinakatakot ko, ang mabuksan ang aking anak mula sa malaking discrimination ng mundong ito…

Ngunit, hindi pa huli ,., alam kong may magagawa pa ako, alam kong gagaling ang anak ko mula sa isang sakit ,,, isang sakit ng pagiging bakla,,,

Alam kong tutulungan kame ng dyos, alam kong pagagalingin niya ang anak ko.

Araw iyon ng linggo , halos magdadalawang buwan na ang anak ko sa ospital na nakaratay

Alam kong nanggaling ang sinasabing kasintahan ng anak ko sa ospital na yon, alam kong lumalagi siya rito at ayoko yon… minsan nagkausap kame ng asawa ko tungkol rito

“ayokong pinupuntahan ng taong yon ang anak naten” matigas kong sambit sa asawa ko

“Hannah cant you see? … that person cares for our son!” sambit ng asawa ko

“cant you!! See!!! … that person is the reason why our son thinks his a gay! Hinawaan niya ng sakit niya ang anak naten!” sambit ko

Wala nang nasabi pa ang asawa ko, pero patuloy parin ako … kailangang mailagay ko sa isip niya na dapat lumayo ang lalakeng yon sa anak ko

“kung kailangang magbayad ako ng bondsman gagawin ko … malayo lang ang hayop na yon sa anak ko” dagdag ko pa

Tumingin saken ang asawa ko.. alam kong nabigla siya sa aking mga sinabe

“Hannah ! .. your going over board! Hindi na ikaw yan”

“gagawin ko lahat para sa ikabubuti ng anak ko” sambit ko ng maluha luha at muli kong tiningnan ang anak ko,,,

Maya maya pay hindi ko na nakayanan ang bawat luha at itoy lubusan nang dumaloy sa aking pisngi, napayakap ako sa aking asawa tanda ng unti unti kong panglulumo

Dumaan ang araw, linggo at buwan…

Tatlong buwan na noon ang anak ko sa ospital

Araw iyon ng lunes ,

Nasa bahay ako nuon at ang asawa ko naman ang nagbantay sa ospital

Kasalukuyan akong nakaupo sa salas at nagpapahinga ng biglang magring ang door bell

Nang tuluyan kong buksan ang pinto, ang kachurchmate ko , talagang hinihintay ko ang kaniyang pagdating noon

“sister Hannah” sambit ng isa sa aking mga bisita

Nasa salas na kame nuon na kapwa nakaupo

“sister may problema ba?” tanong nito saken

“sister may isa akong sikreto na sasabihin sa iyo, pinagkakatiwalaan kitang lubos at ayaw kong malaman ito ng iba” pauna kong sambit

“cge sister, bukas ang pusot ispan ko upang unawain ang mga bagay bagay” paninigurado nito saken

“sister, noong araw ng kaarawan ko, at kinabukasan nga ay ang nangyare sa anak ko”

“umamin saken ang aking anak na siya ….” Hindi ko matuloy ang aking sasambitin

“cge sister palayain mo ang iyong sarili” sambit nito saken

Unti unti akong bumagsak at ang mga luha koy tuluyang dumaloy

“umamin siya saamen sister na siya ay isang bakla” sambit ko nang dumadaloy ang aking mga luha

Unti unting lumapit saken ang kasister ko at yinakap ako, unti unti rin akong huminahon ng mga oras na iyon

Pagkalas ng kanyang yakap sa akin, agad siyang nag salita

“sister, hindi ko alam ang dapat kong sambitin,. Tulad mo isa rin akong anak ng dyos ,isang anak na hanggang ngayon ay uhaw sa kanyang pagmamahal at sa kanyang salita , sister patawarin mo ako” sambit nito sken

Tumango tango ako bilang hudyat ng pagintindi

“pero sister, ano kaya kung, lapitan mo ang ating pari? … sigurado akong may maganda siyang maipapayo sa iyo” sambit nito saken

“salamat sister, salamat” sambit ko

At tulyan ng natapos ang aming usapan

Kinabukasan binisita ko ang aking anak

Alas 5 ng umaga palang ay pumunta na ako kasama ang ilan sa aming mga maids

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto

Nakita ko na himbing na himbing na natutulog ang sinasabeng kasintahan ni chris sa tabe mismo ng hinihigaan ng anak ko

Aaminin ko ho, nakaramdam ako ng pagkahabag ng makita ko ito dumiretso ako sa loob ng kwarto at tahimik na inayos ang mga dalang gamit

Ngunit maya maya

“good morning po” sambit ng boses

Di ako kumibo at patuloy ako sa paggalaw, maya maya rin ay may kumatok sa pinto

Nang pagbuksan ito ng isa sa aking kasamang maid, ang nailuwa ng pinto ay ang aking pamangkin ,, si emee

“tita good morning po” pagbati nito sken

Tiningnan ko ito at nginitian

“tita may dala po akong breakfast for us, halina po kayo at sumabay samen” paganyaya pa nito saken

“hindi na iha, busog pa naman ako , cge lalabas na muna ako at kakausapin ko lang ang doctor, andito ka naman, sigurado akong nasa maayos na kalagayan ang anak ko” sambit ko

Di na nagtagal ay lumabas ako ng pinto, alam kong maling iasa ang pagbabantay ng anak ko sa iba, pero mas mainam nang lumabas ako kesa sa magkagulo pa sa loob ng kwartong iyon, at maulit nanaman ang eksenang di kanais nais sa pagitan nameng dalawa ng batang yon

Kinabukasan araw ng myerkules

Dumalo ako sa misa at hinintay ang aming pari upang makausap ko nga ito

Nang matapos ang huling misa, at agad ko itong tinunton at kinausap

“magandang araw ho father” sambit ko ng marating ko ang kinaroroonan nito

Lumapit ako at nagmano

“oh hannah , kaawaan ka ng dyos iha” sambit nito saken

“father may idudulog lang ho sana ako sa inyo na isang napakalaking problema para sa akin, at isa ho itong napaka pribadong bgay , na nais ko sana na tayo lang ang makaririnig ng ating paguusapan” panimula kong pananalita

Kumonot ang nuo ng padre, isang malaking tanong ang bumagabag sa kanyang isipan , ngunit agad ko itong pinabulaanan

“ukol ho ito sa aking anak padre” sambit ko

“cge iha, sumunod ka saaken” sambit ng padre

Sinundan ko ang padre hanggang sa marating namen ang rooftop ng simbahan kung saan may isang maliit ng kubo kubo at pahingahan

Umupo ang padre sa isang upuan na nasa kubong iyon

“cge iha, umupo ka at Malaya mong isalaylay ang iyong damdamin” sambit nito saken

“father, nakalagay ho sa bibliya na ang pagiging bakla ay isang malaking kasalanan , isang bagay nakapag taglay ng isang indibiduwal ay kapalit nito ay kamatayan” pauna kong sambit ng kamiy nakaupo

Tumango tango si father bilang hudyat ng pag sangayon

“at nakasaad rin ho sa bibliya na ang pagiging bakla, o ang pagmamahal ng kaparehas ang kasarian ay isang napakalaking kasalanan, na ang maaaring parusa ay kamatayan” sambit ko

“tunay ang iyong sinasabi iha, ngayon, sabihin mo? .. ano ang dahilan ng mga ito.?” Tanong ng padre

“kase ho father, ang anak ko, si Christian….” Unti unti nanghina ako at parang walang lakas na sambitin at idikit sa pangalan ng aking anak ang salitang bakla

Ng dahil sa aking kahinaan narin, muli akong bumagsak at umiyak,

Lumapit saken si father at tinapik tapik ang aking balikat hudyat ng pagbigay ng simpatya

“father sabihin nyo, mamamatay ba ang anak ko?... ang kahihinatnan ba ng kanyang kaluluwa ay sa lawa ng apoy? .. sagutin ninyo ako father,.. nasa ospital ho ang anak ko , nakaconfine ho siya, at nasa stage of comatose” sambit ko ng humahagulgol

“sagutin nyo ho father? .. mamamatay ba ang aking anak?... sa impyerno ba ang kinahihinatnan ng lahat ng bakla sa mundo?” sambit ko

“Hannah huminahon ka” sambit niya pero patuloy parin ako sa aking paghagulgol non

“lakasan mo ang iyong kalooban at lawakan mo ang iyong pangunawa, tatagan di lamang ang kaisipan kundi ang kalooban” sambit nito saken

“tunay nga iha, na nakalagay at nakaimprenta sa ating bibliya na ang pagiging bakla,, o ang pagmamahal ng kaparehas ang kasarian ay isang malaking kasalanan,…”sambit ng padre

“ngunit ang panginoon naten ay isang dyos na mapagmahal at kaisa isahang pinakamataas sa lahat” sambit nito

“ang pagmamahal nito ay walang sinisino , lahat ay nakatatanggap ng kanyang walang hanggang pagmamahal” sambit nito sken

“father, sinasabe nyo ho ba na ang pagiging bakla ay isang bagay natinatanggap ng dyos?” isang tanong na nagpatahimik di lang sa kanya kundi pati saking isipan at puso

Nakataas ang kilay ko at ang pagtanong kong iyon ay nasa tono ng di lang pagtataka kundi panghuhusga

Tahimik

“mayroon akong kilalang tao iha,sigurado akong matutulungan ka niya” sambit nito

“hindi na ho father” sambit ko at aktong patayo na ko
ngunit hinawakan niya ang kamay ko

“Hannah , kunin mo ang address na ito, hanapin mo si reverent ceejhay bayani… sigurado akong makakatulong siya sayo,, isa rin siyang pari na tulad ko sa isang simbahan na nasa quezon city, ang MCC” sambit nito saken at pagabot ng kapirasong papel

Wala na kong nagawa kundi tanggapin ito , inisip ko nalang na, cgro makakatulong nga ito sa paghahanap ko ng tamang sagot para sa malaking katanungan sa aking isipan

Di ko na rin pinatagal pa, kinabukasan ay pinuntahan ko ang lugar na nasa address

Dinala ako nito sa isang maliit ngunit matayog na simbahan

Pumasok ako rito ,

Kinagulat ko ang lahat ng nakita ko , ibat ibang uri ng mga bakla, tomboy , nagtitipon sa isang lugar ,

akala ko bay isa itong simbahan?

Inalis ko ang isipan ko sa aking nakikita, at tinuon ang aking isipan sa aking pakay

Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang isang di gaanong katangkarang lalaki , nakasuot ito ng simpleng damit na pang pari at malumanay na nakikipag usap sa iba pang mga tao ,

Naghintay ako ng tamang oras para lapitan ito

Nang itoy wala nang kasama nilapitan ko ito

“excuse me reverent?” sambit ko

Tumingin siya saken at sabay ng tingin na iyon ay isang napaka lumanay na ngiti

“Hannah , Hannah ballatores…” sambit ko at pagabot ko aking kamay

Kinamayan niya ako

“Hannah , ngayon ka pa lang ba naparito sa aming simbahan? … tila ngayon palang kita nakita” sambit nito na taglay parin ang malumanay na ngiti

“binigay ho saken ni father manuel ang inyong address , sambit niya na ikaw raw ho ang makatutulong sa akin, ikaw raw ho ang tuluyang makasasagot ng aking mga katanungan” sambit ko at pagsagot narin sa kanyang katanungan

Tumango tango siya

“my son is gay” panimula ko

“my son is gay and he intended to kill his self, nasa ospital siya at nasa stage of comatose”

“im so sorry to hear that” sambit ng padre

“gusto ko lang ho sanang itanong , nakasaad sa ating bibliya na isang kasalanan ang pagiging bakla… na kamatayan ang kalakip nito sa sino mang pumili ng ganitong buhay” sambit ko

Unti unti , napansin kong nalusaw ang ngiti na taglay ng pari

Naglakad siya palayo sa ibat iba pang tao na naroon lang sa aming paligid

Sinundan ko siya

“do you believe in the bible father?” tanong ko rito

“there are other interpretations of the bible mrs ballatores”

“father gusto kong malaman, mamamatay ba ang anak ko? … sa lawa ba ng apoy ang kanyang kahahantungan?” sambit ko ng pinipigilan ang sarili sa pagtulo ng aking luha

Humarap siya saakin

“iha, ang dyos naten ay dyos ng pagibig at dyos ng pagtanggap” sambit niya

“naniniwala kaba rito?” tanong nito saken

“oho” pagsagot ko

“kung gayon , walang sinoman sa ating mundo ang dapat na magsabi, o magsalita ng kahit ano mang bagay na makapananakit sa ating lipunan gamit ang salita ng dyos”

“pero yon ang nakasaad sa bibliya”

“Leviticus 18:22 says that if a man lies with another man it’s an abomination” dagdag ko na nakasaad sa bibliya

“An abomination that time doesn’t mean sin it means unclean” sagot niya saken

“Leviticus also goes on to eating selfish is an abomination or mixing fabrics ,, that , we totally do not interpret that literally” dugtong paniya

Natahimik ako

“kung ganon, anong tinuturo mo sa mga taong naririto? … sa mga taong bakla at tomboy?..” tanong ko

“homosexuality is ok? … that being gay is permissible in gods eyes?” dagdag ko pa

“itinuturo ko ang sa tingin ko ay tama, na mahal sila ng dyos, sa kung ano at kung sino sila” sambit ng reverent

Tahimik

Umiling iling ako

“your just confusing them , you should not not teach them that homosexuality is ok---“ sambit k pero di na ko tuluyang nakatapos

“mrs ballatores, kung gusto mong bumalik sa ibang araw at pagusapan ito, bukas ang aking pinto, pero hindi para husgahan” sambit ng reverent at tuluyan na itong tumalikod palayo saken

Wala na akong nagawa kundi umalis

Muli dumaan ang mga araw,

Araw ng sabado, bumalik ako noon sa simbahang iyon

Agad kong natanaw ang reverent na iyon,

Agad ko siyang nilapitan,

Nang makalapit ako sa kanya

Agad siyang nagsalita

“mrs ballatores, minsan bay kinuwestyon mo ang iyong paniniwala?” agad na tanong nito saken

“wala akong dahilan para kwestyonin ito,” matibay kong sagot

Ngumiti siya saken at sinabing

“minsan, sa pamamagitan ng pag kwestyon naten sa sarili nating pananaw at paniniwala, ay mas makakahanap tayo ng mas malalim pang kahulugan ng buhay” sambit nito saken

“minsan ang pagkwestyon sa ating sarili ay unang paghakbang tungo sa pagbukas ng ating puso at isipan upang intindihin,, at alamin ang ibig sbihin ng tunay na pagibig” dagdag pa nito

Muli, tumulo ang aking mga luha, yumuko ako at naghihikbi,

“mrs ballatores, I know someone, Christine, Christine Navarro, she has a gay son, on his 30`s ,kasali siya sa isang orginisasyon na sumusuporta sa mga tulad ninyo, shes great and im sure by her you’ll undertand more…. And by then youll see your not such alone in this” sambit ng reverent at nagsimulang kunin ang kapirasong papel sa kanyang bulsa

“no reverent, I just needed some couple of answers, yon lang talaga ang pinunta ko,” nagsimula na akong maglakad palayo, pero mabilis niyang iniabot saken ang kapirason papel

“just incase” sambit niya

Kinuha ko na lamang ito

Kinabukasan, dala narin siguro ng pagiging curious ko

Tinawagan ko ang babaeng iyon, inimbita para sa isang tyaa

“I heard what happened to your Christian” sambit nito

Tumango tango ako rito

Nasa loob kame non ng isang coffee shop , hindi ganuon ka rame ang tao at nasa parte kame kung saan maaari kameng makapagusap ng maayos

“napakasakit sa isang ina, na makita ang kanyang anak na nasasaktan , lalong lalo na siguro ang anak na tulad ni Christian” dagdag pa nito

“sobra” sambit ko na may pilit na ngiti

Umiling iling siya hudyat ng simpatya sa sakit na nadarama ko

“ang anak namen non eh, 15 nang lumabas siya at sabihing lubos na isa siyang bakla” biglaan nitong sambit

Kinagulat ko iyon

“hindi ba parang napakaaga?...”tanong ko

Ngumiti siya ng napakatamis at tumungo tungo

“pero, nuon pa man alam ko na, ramdam ko , tayo kaseng mga ina diba? … alam na alam natin at kilalang kilala naten ang ating mga anak” sambit pa nito

Tumango ako bilang pagsangayon,

“pero sadya yata talagang maaga masyado iyon, what was your reaction by then?” tanong ko

Ngumiti ngiti siya

“oh god , I don’t think na kahit sino pang magulang, pagmarinig ang ganoong balita iisipan na, ‘oh your gay, yehey’” sambit niya ng tumatawa tawa

Napangiti narin ako ng mga panahon na iyon

“that’s not the first word that came to my mind” sambit ko

Tahimik

“Hannah? … why don’t you come with me with the organization’s meeting?” biglaang tanong nito

Agad akong humindi

“im not good in talking in groups” sambit kong dahilan

“then don’t talk, just sit and listen, im sure, youll learn much more,” sambit nito sken

“cge pagiisipan ko”

Binigay saken ni Christine lahat ng information tungkol sa sinasabe niyang meeting

Araw iyon ng biyernes alauna ng hapon sa isang meeting hall sa paranque

Nung una noon . nagdalawang isip ako , kung dadalo ba ko o hindi

Ang itinatak ko na lamang nuon sa aking isipan na, mas makakapagbigay nga siguro ito ng sagot sa lahat pa ng iba kong katanungan

Nang dumating ang araw na iyon,

Pinuntahan ko ang sinabing lugar

Pagdating ko roon , napansin agad ng aking mga mata ang ibat ibang tao

“Hannah” tawag saaken ng boses,

Nang lingunin ko iyon

Si Christine

Ngumiti ako at ganon rin ang kanyang ginawa

Nang makalapit siya saken

“sorry late ako” sambit ko

“okay lang, halika nandun ang meeting hall” sambit niya saken

Sinundan ko ang kanyang mga yapak hanggang marating namen ang ibat ibang mga tao na nagtitipon tipon

Nang umupo ako ay naguumpisa na sa pagsasalita ang isang matandang lalaki

“tinuturing ko sila noon bilng mga entertainers, nothing less nothing more,” sambit nito

“pero nang dumating ang araw na sabihin saken ng Michael ko, ng anak ko, na isa siyang bakla, biglaang bumagsak lahat lahat ng pangarap ko para sa kanya…

Ang tagal ko rin non natanggap na bakla ang anak ko, pero anak ko siya, kadugo at kapamilya,

Nuon paman alam kong mahal na mahal ko ang anak ko,pero hindi ko noon naisip na kaya ko siyang tanggapin sa kung ano at sino siya”

Narinig kong sambit nito

Nalilibot ko ang aking mga mata sa ibat ibang mga taong naroroon,. Lahat sila may taglay na ngiti at ilang may taglay na pighati

Maya maya pay may sumunod na nagsalita

“I always knew that I love my daughter, but when she first came out to me and said she was a lesbian , the only thing that came to my mind, is to get a cure for this, for her to be cured of her sickness

But when a psychologist offerd us , shock therapy?” sambit niya

Nang marinig ng lahat ang shock therapy lahat silay nahabag.. maski ako ,

“I looked at ,my baby, and I saw the hurt in her eyes, and by then I said…’wait, this is too much’ … I hugged her, and tell her that I will love her, no matter what or who she is”

Lahat ng umikot na kwento nuon ay kwento ng pagtanggap , pero ang higit na tumatak saking isipan ay ang kwento ni mrs fuentebell

“ isa akong church people.. at ang asawa ko , ay isang pastor,

Nuong unang lumabas samen ang aming anak , na isa siyang bakla, ,… tulad ninyo hindi namin ito matanggap,

Alam namin ng asawa ko, na napaka taas ng discrimination ng mga tao sa mga bakla, lalong lalo na ng ating lipunan ,

Pinilit nameng ipasok sa kanyang isipan na, ang pagiging bakla ay isang kasalanan ,, at kagagalitan ka ng diyos, … at kapag namatay ka, ay sa impyerno ka tuluyang pupunta

… yan ang mga turo namen nuon sa aming anak,

Hindi namen naisip na,, kapag ang isang batang may problema, ay sabihan mo ng walang kwenta, o sabihan mo ng ibat ibang salita na katulad ng aming sinabe,

Bababa ang self steem ng batang ito, …. At mawawalan ito ng paniniwala sa sarili

Sa ngayon ho , patay na ang aming anak, pinatay niya ang kanyang sarili,

Hindi namen alam na, binubully siya sa school , kasabay ng mga panahon ng pagbully nuon ay ang mga salita nameng magasawa…

Pinagsisisihan nameng magasawa ang lahat ng aming ginawa,, ngayon.. ang isa sa aming mga anak, ang mahal nameng anak… ay wala na

May isang mahalagang bagay na itunuro samen ang nangyareng yon

‘NA BAGO MO SAMBITIN ANG SALITANG AMEN, TANDAAN MO AT ISIPIN MO ,, MAY BATANG NAKIKINIG, NA KUNG IKAW, BILANG ISANG MODELO , MAGSASALITA NG IBAT IBANG DISCRIMINATION GAMIT ANG SALITA NG DYOS, MAAARI KANG MAKAPATAY O MAKAKUHA NG BUHAY NG IBA’”

Yon ang buong kwento niya, ng matapos ang kwento niyang iyon.. tuluyan na siyang humagulgol , unti unti nilapitan siya ng iba pang myembro at inalo ko

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng mga panahon na yon… tuluyang narin akong humagulgol

Nasagot na ang lahat ng aking katanungan,,, ang lahat ng aking pagkakamali ay maitatama ko na


Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . . .  


Part 18

Christian ballatores

“Christian” sambit ng boses

Boses na kay tagal nang umaaligid sakng mga panaginip

“imulat mo ang iyong mga mata, gumising ka” sambit pa muli nito

“sino ka?” tanong ko rito

Ngunit walang sagot na bumalik sa aking katanungan

“christian” muli niyang pagtawag saking pangalan

Kasing lamig ng boses niya ang paligid ng aking kinahihigaan

‘nasan ako?’ tanong muli ng aking kaisipan

Nararamdaman ko saking mga kamay ang makakating damo

Naaamoy ko ang lupa na aking kinalalagyan

“imulat mo na ang iyong mga mata, oras na para ikay magpasya” sambit nito muli sakin

Unti unti ko nang minulat ang aking mga mata

Kasabay ng aking pagmulat ay ang dilim na lumulukob sa buong paligid

Nasan ako? … ito naba ang impyerno? Ito naba ang sinasabe ng mama na kapalit ng tinahak kong landas?

Unti unti, may pulang anyo na lumabas sa aking harapan

Di pang karaniwan na nilalang,

“kamatayan” sambit nito saken

Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong,

Unti unti kong nasilayan ang liwanag na nasa likod ng di pang karaniwang nilalang

“lumakad ka at lampasan mo siya, isa kang nilalang ng dyos ,, taong may puso at may kaluluwa, gamitin mo ang biyaya ng dyos,, gamitin mo” sambit ng boses na kanina lang ay gumigising saken

“natatakot ako, makasalanan ako, san ako pupunta!” sambit ko

Unti unting dumaloy ang mga luha aking pisngi , hindi ko alam ang gagawin ko

Ito naba ang tuluyang kamatayan ng aking kaluluwa?

Ito naba ang impyerno para sa mga katulad kong bakla?

“makinig ka sakin ..” sambit ng boses

“maniwala ka sa sarili mo, dahil sa iyong paniniwala, walang impossible, dahil sa iyong paniniwala sa sarili walang sinoman ang kayang makasakit sa iyo” sambit nito

“maniwala ka sa sarili mong kakayahan, walang impossible!” sambit muli nito

“HUMAKBANG KA ANAK NG DYOS AMA!” sigaw nito saken

Unti unti, naramdaman ko ang init na lumulukob sa buo kong pagkatao ,, lalong lalo na saking puso,

Tumayog ang aking isipan,

“anak ako ng ama, wala akong sakit, walang problema sa akin,, at higit sa lahat MAHAL AKO NG DYOS!” sigaw ko

Unti unti akong naglakad pasentro mismo sa di pang karaniwang nilalang

Bawat hakbang ko unti unting nagliliwanag ang aking katawan

Unti unti , napalapit ako sa di pangkaraniwang nilalang na iyon

Unti unti rin siyang nawala, hanggang sa nawala narin ang tumatakip sa liwanag

“nasa iyong mga kamay ang pagpapasya Christian… nasa iyong mga kamay ang kapalaran” sambit ng boses

Nilapitan ko ang liwanag

Pumasok ako rito

Liwanag ang siyang bumabalot sa buong paligid

Muli ay sinara ko ang aking mata dala ng pagkasilaw

Nang tuluyan na akong nakapasok , muli kong dinilat ang aking mata

Tumambad sakin ang kay gandang tanawin, puno ng kaluwalhatian

“maligayang pagdating Christian” pagbati sakin ng boses

Nang tingnan ko ito, ay isang matayog na lalaki ang tumambad sakin

“nasaan ako?.. sino ka?” mga tanong na agad kong inusal

“ito naba ang langit? … patay naba ko?” muli kong tanong

Ngumiti lamang ito saken at isa isa niyang sinagot ang aking mga katanungan

“narito ka sa lugar ng pahingahan, ako si raphael, wala kapa sa langit at hindi kappa patay” pagsagot nito mga aking mga tanong

“kung hindi pa ko patay, anong ginagwa ko rito?”

“narito ka para maagpahinga, at higit sa lahat, para magpasya”

Kumunot ang aking noo

“magpasya ng ano?”

“magpasya kung nanaisin mo pabang mabuhay sa mundo , o mananatili ka rito?” sambit niya sakin ng nakatingin sa aking mga mata

Natahimik ako

“alam mo kasi Christian, totoo, tunay, at walang duda, na talagang napakataas ng discrimination ng ating lipunan sa mga taong di lang katulad mo, kundi ng bawat tao, bastat may makita lang silang mali, o di nila gusto ay agad agad na nila itong didiscriminahin” sambit niya

“sa totoo nga niyan eh, hindi makakagalaw ang sinomang tao sa mundo nyo ng hindi nadidiscrimina ng sinoman”

Tumungo tungo ako bilang pagsangayon

“pero ang mahalaga sa lahat Christian, ay ang paniniwala mo sa iyong sarili, na kahit ano pang sambitin ng iba, laban sayo, alam mo sa sarili mo na hindi ikaw yon, dahil naniniwala ka sasarili mo eh”

“yong ginawa mo kanina? … ang pagtayo mo laban sa takot, isa yan sa mga paniniwala… naniwala ka na mahal ka ng dyos, at higit sa lahat, naniwala ka sasarili mo na kaya mong lagpasan ang halimaw na kanina lang ay humahadlang sa iyong kaligtasan at kasiyahan”

“pero paano kung sarili ko nang magula—“

“kahit sino pa ang makalaban mo.. tumayo ka, at ipakita mo na kaya mo,na hindi ka magpapabagsak sa pamamagitan ng kanilang mga masasakit na salita”

Lumapit siya saken at niyakap ako

“oras na Christian, kailangan mo nang bumalik” sambit nito saken habang akoy yakap yakap niya

“ayoko,” biglaan kong nasambit


Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . . . 


senioritoaguas.blogspot.com

1 comment:

  1. Hello girls,
    I'm Sonja McDonell, 23, Swiss Airlines Stewardess With 13 cities overseas, very tender with lots of fantasies also in my wonderful job. We lesbian girls have cells at & in our sensible body parts, which so called normal girl don't have. These cells become active in the early puberty & they can never be erased. Write me please, when you agree with me.
    With love
    sonjamcdonell@yahoo.com

    ReplyDelete