by: senioritoaguas
Rj bulabos
“babe, naghihintay lang ako lage dito, hinding hindi kita iiwan , mahal na mahal kita chris”
Yan ang mga kataga na sinambit ko ng araw na yon
Nasa ganuon akong kalagayan ng biglang may boses na tumawag saken
“iho” sambit nito
Nang tuluyan kong lingunin ito, nakita ko ang mama ni chris, nakangiti ito saken
May ilang mga luha na nasa gilid ng kanyang mata
Sa paglingon ko ring iyon agad niya akong niyakap
“wala
nga akong sapat na kaalaman sa mga tulad ninyo, pero sapat na sa ngayon
ang nalaman ko,” sambit niya at sabay ng pagbitaw sa pagkayakap saken
Hinarap niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita
“walang matigas at koncretong batas ang pagibig, kailan man hindi nararapat kwestyonin ang dalawang taong nagmamahalan,
At
ang pagibig ay hindi kwestyon ng kasarian, ang tunay na tanong lang
rito ay kung gaano nyo talaga kamahal ang isat isa” sambit niya na
tuluyan nang lumuha
“patawarin mo ko iho,” sambit niya saken
Niyakap niya ko at muli siyang humagolgol sa aking balikat
Nang magbitaw kame ng yakap, isang napakatamis na ngiti ang namagitan sameng dalawa
“patawad rin po tita, napagsalitaan ko kayo nuon” sambit ko
Nasa kalagitnaan kame ng pagaayos ng biglang tumunog ang isang instrumento na nakakabit mismo kay chris
Nataranta kame ni tita , agad kameng tumawag ng doctor
Mabilis namang kumilos ang doctor at ilang nurse,
Ang kanina lang na ngiti sa aming mga mukha ay napalitan ng buong takot, takot sa kung ano mang maaaring mangyare
Nasa gilid kame ng kwartong yon ng patakbong lumapit narin samen sila emee, ang papa ni chris at si jenz…
“anong nangyare?” tanong ng papa ni chris
Pero ni isa man samen ay walang sumagot, pigil hiningang hinihintay ang sasambitin ng doctor
Ilan pang minuto nakita na namen na naglabas pa ng isang instrumento ang doctor, nilagyan ng parang isang gel,
At tsaka sinabing
“CLEAR!”
At ang sunod naming nakita ay ang pagsunod ng katawan ni chris sa instrumentong iyon
Nang
makita iyon ni tita duon na siya lubusang nawala sa sarili , hindi
kinakaya ng kanyang damdamin na makita ang sariling anak sa ganuong
kalagayan
Ako naman sa mga oras nayon. Hindi ko alam kung nasa
katawan ko pa ang kaluluwa ko hindi ko alm kung nahinga paba ako, kung
buhay pa rin ba ko, ramdam ko ang masaganang pagtulo ng luha saking ,
yon lang ang tangi kong nararamdaman ng mga oras na yon
Ilang pang beses na ginawa yon ng doctor kay chris, pero sa huli,
Humarap ito samen
At muling humarap sa nurse
“time of death 7:30 pm” sambit ng doctor
Hawak ako ni emee sa braso, unti unting lumakad ang paa ko tungo sa katawan ni chris,…
Christian ballatores
“anong ayaw mo?”
“ayoko nang bumalik don, puro nalang pasakit, puro nalang hirap , ayoko na!” matigas kong sambit sa nagbabantay
Tahimik
“Christian,
ano ang buhay kung puro nalang ito kaligayahan?, pano kang matututo sa
iyong pagkakamali kung hindi ka parurusahan?. At higit sa lahat, pano
mong masasabing maligaya ka, kung di mo mararanasan ang lungkot?”
“christian,
kaakibat ng kasiyahan ang lungkot, ng hirap ang sarap, sa bawat
paghihirap o problema man na daraan ay may iiwan itong isang aral na
maaari mong dalhin sa buong buhay mo”
Naglakad tungo sa isang lugar ang lalakeng iyon, sumunod ako,
Tumingala siya at hinipo ang hangin
Unti
unti, namulat sa akin ang luha ng taong mahal ko, yakap yakap ang
sarili kong katawan , hindi ko alam kung saan pero nang makita ko ito
lubusan akong nahabag sa sarili ko
Napakamakasarili ko,
Inisip ko lang ang sarili kong kapakanan, at hindi ko na naisip pa ang mga taong nagmamahal saken ng tunay
Humarap ako sa lalakeng iyon
“ibalik mo na ko ngayon ayokong nakikitang ganyan sir j , and taong mahal ko” sambit ko
“huli na chris” sambit nito
Nang marinig ko sa kanya ito tuluyang tumulo ang mga luha ko…
Rj bulabos
Unti
unti akong lumapit sa katawan ni chris non, unti unti ring bumibigat
ang aking paghinga, at ang kaninang luha ay domoble pa,
‘bat mo ko iniwan chris, nangako ka, walang iwanan diba’ mga katagang umiikot sa aking isipan
Nang tuluyan na kong nakalapit sa kanya
“babe,
nangako ka diba, sabe mo hindi mo ko iiwan, magkasama tayo sa hirap at
ginhawa, bakit ganto?... babe please wag mo kong iwan…” sambit ko at
niyakap ko ang kanyang katawan
Nang yakapin ko ang kanyang katawan, tila sobrang init nito, na pinagtataka naman ng aking isipan,
“chris?” sambit ko
“chris gumising ka!,,, Chris!” pagtawag ko habang tuluyan akong humahagulgol
Hinawakan
ako ng ilang lalakeng nurse na nanduon at inilalayo ako sa katawan ni
chris, pero mas malakas ako ng mga oras na yon. Hindi ako magpapatinag
Christian balatores
“parang
awa mo na, ibalik mo ko, nagkamali ako, hindi ko pinahalagahan ang
buhay, isang bagay na meron ako, parang awa mo na., alam ko na ang
pagkakamali ko, ibalik mo na ko” pagsusumamo ko
Pero tila bingi siya sa aking mga salita
Patuloy na dumadaloy ang luha ko…
Rj bulabos
Nasa kalagitnaan ako ng pagpiglas nang
“si chris” sambit ni emee ng nakatutok ang mata sa katawan ni chris
Nang tingnan ko ito, pansin at kitang kita ang masaganang luha na dumadaloy mismo sa mata nito
Agad na kumilos ang doctor
“kunan nyo ng pulse,” utos ng doctor
“doc walang pulse” sambit ng nurse
“paanong nangyare yon?.. mainit ang katawan niya” sambit ng doctor na talagang takang taka
Nagging tahimik ang buong kwarto
Christian ballatores
Nasa gitna ako ng paghagulgol ng
“ngayon, sambitin mo ang iyong natutunan” sambit ng lalake
“ang
buhay ay isang bagay na hindi dapat sinasayang, tunay ngang mayroong
dumarating na mabibigat na problema pero ang mahalaga rito ay ang
kakayahan mong lagpasan ang bawat pasakit at hirap sa piling ng mga
taong mahal na mahal mo” sambit ko
Ngumiti saken ang lalake
Bumalik kana
Hinagkan niya ko at napuno ng liwanag ang buong paligid
Rj bulabos
“keep on checking” sambit ng doctor
Lahat kame ay nakatanga at naghihintay
Ilan pang Segundo
“doc pulse ratings, vital signs stable” sambit ng nurse
Napatanga ang lahat, tulala sa nangyare milagro
“this is amazing” sambit ng doctor
“a miracle” dagdag pa nito
Unti unti akong lumapit kay Christian
Niyakap ko siya
“mahal na mahal kita chris” sambit ko habang yakap yakap ko siya
“rj” sambit ng boses ng mahal ko
“chris!!” sambit ko at niyakap ko pa siya ng pagkahigpit higpit
“oh sandale,,,aray,,, baka naman mapabalik ako niyan sa langit sa higpit ng yakap mo” sambit nito saken ng nakangisi
“namiss na kita , mahal na mahal kita chris”
“mahal na mahal rin kita”
“anak?” sambit ni tita Hannah
“ma, its not a question of a gender, it’s a simple question of true love” sambit ni chris
“alam ko anak , alam ko, patawarin mo si mama” sambit ni tita at hinawakan ang kamay ni chris
Kahit na anong masamang nangyare sa nakaraan, patuloy paren ang buhay,
-----Wakas-----
senioritoaguas.blogspot.com
No comments:
Post a Comment