By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
Hindi napigilan ni
Dan ang sarili na tanungin ang sarili. Natatandaan niyang ilang beses ng
pahapyaw na sinabi sa kaniya ni Bryan ang maaaring tungkol sa sekswalidad ng
kapatid pero ilang beses niya rin itong binalewala at ikinibit balikat. Sunod
niyang tinanong sa sarili ay kung ano ang kaniyang dapat maramdaman sa nalamang
ito at kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.
“What the hell is
wrong with you?!” taas kilay na tanong ni Bryan sabay ikinumpas kumpas pa ang
kamay,
“Oh---uhmm--- Yes, I
think you should buy her a book and not a lingerie.” wala sa sariling sagot ni
Dan sabay halo ng kaniyang nilulutong ulam, tila naman nagising sa isang
mabisang sumpa si Dan nang marinig niya ang malakas na pagtawa ni Bryan.
“What?” natatawa
naring tanong ni Dan nang makita niya ang maluha-luha dahil sa katatawa na
damulag sa kaniyang harapan habang hawak hawak ang tiyan na miya mo ang pagtawa
na iyon ang nagtutulak na mahirapan siya sa pag-hinga.
“That question was
like fifteen topics ago. I wasn't even asking you right now. All I said before
you began getting weird and talking about books and lingerie's is that how I'm
thankful that you're here to cook for my brother and I.” saad ni Bryan sa
pagitan ng kaniyang malalakas na tawa.
“That topic was not
fifteen topics ago and even if it was ikaw parin ang dapat sisihin dahil
masyado kang mabilis mag palit ng topic!” balik ni Dan kay Bryan na lalo lang
napatawa.
“Spaceman!” balik ni
Bryan sabay muestra sa kaniyang daliri sa tagiliran ng kaniyang ulo,
nagsasabing nababaliw na ang kaniyang kaharap na si Dan.
“Douche bag!” balik
naman ni Dan.
Asa ganitong tagpo ang
dalawang magkaibigan nang dumating si Ryan.
“Hey guys!” masayang
bati nito sa dalawa.
“Hey bro!” balik
naman ni Bryan.
Tinignan ni Ryan si
Dan, umaasa ng isa ring masayang pagbati mula dito matapos ang kanilang bonding
sa perya noong nakaraang araw pero walang pagkawili o maski ngiti ay wala
siyang nakita sa mukha nito. Blangko lang ito na tila ba hinigop ng kung ano
ang kakayahan nitong makaramdam at maglabas ng kahit anong emosyon o reaksyon.
Hindi maintindihan ni
Dan kung bakit siya biglang nakaramdam ng ibayong inis pagka-kitang pagka kita
niya kay Ryan. Nadagdagan ang inis na iyon nang makita niya ang tuwa sa mukha
nito na tila ba naka-score ito sa isang palaro. Kaya naman nang bumati ito
bilang bigay pansin na andun na siya at nakauwi na ay hindi na ito pinansin ni
Dan sa takot na may masabi pa siyang masama dito.
“Dinner is ready.”
saad ni Dan sabay patay sa kalan at iniwan ang bagong lutong pagkain.
“Where are you going?
Aren't you going to eat with us?” sunod sunod na tanong ni Bryan habang
kinukuwa ang bagong lutong ulam at umuupo sa hapagkainan upang magsimula ng
kumain.
“No. Di pa ako
nagugutom eh. Lalabas na lang ako mamya kapag nagutom na ako.” walang emosyong
saad nanaman ni Dan na ikinabura na ng tuluyan ng ngiti sa mukha ni Ryan at
ikinakunot ng noo nito.
“OK.” bulol na saad
ni Bryan dahil sa malaking tipak ng ulam na nakapasok sa bibig nito.
Habang naglalakad si
Dan papunta ng kanilang kwarto ni Bryan ay hindi siya tinantanan ng tingin ni
Ryan. Nakakunot ang noo nito at pinagiisipang maigi kung meron nanaman ba
siyang nagawang mali o nasabing hindi maganda. Hinahalughog pa ni Ryan ang
kaniyang isip sa mga maaaring rason kung bakit lumamig ulit ang pakikitungo sa
kaniya ni Dan nang makaramdam siya ng pagkalabit sa kaniyang tagiliran.
Dahan dahan niyang
sinalubong ang kaparehas na kaparehas na tingin ng kaniyang kapatid. Patuloy
parin ito sa pag nguya at kinailangan pa ng ilang segundo bago ito makapasalita
dahil sa sobrang puno ang bibig nito.
“Are you going to eat
that?” tanong ni Bryan na ikinairap lang ni Ryan.
“No.” naiiritang saad
ni Ryan sabay tayo mula sa hapagkainan at mainit ang ulo na sumalampak sa sofa
at nanood na lang ng T.V.
Saglit na pinagmasdan
ni Bryan ang kaniyang kakambal at ang kasasara lamang na pinto ng kwarto nila
ni Dan. Iniisip na meron nanamang nangyayaring sigalot sa pagitan ng dalawa
niyang kasama sa bahay pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin dahil
gutom na gutom na siya.
“May toyo nanaman
siguro pareho.” sabi ni Bryan sa sarili sabay kagat ulit sa kaniyang ulam.
0000oo0000
Nakadilat na
patihayang nakahiga si Dan sa kaniyang kama. Iniisip ang kaniyang inasal,
naisip narin niya kung bakit siya biglang nainis nang dumating si Ryan.
Nagseselos siya. Ayaw man niya itong aminin sa sarili pero hindi siya maaaring
magkamali. Hindi niya rin inakalang unti unti na pala siyang nagkakagusto kay
Ryan nang hindi niya nalalaman, napagtanto na lang niya ito nang maisip niya
kung gaano niya kadalas tignan si Ryan kahit pa tahimik ito at pilit silang
hindi pinapansin ni Bryan sa isang tabi, kung pano siya naaapektuhan ng walang
saysay na pagsinghal nito at mga pasaring nito sa kaniya. Sumagi din sa isip ni
Dan na baka kaya hindi niya ito napansin ay dahil pilit itong iniignora ng
kaniyang isip dahil sa nangyari at sa ginawa ng huling tao na kaniyang
nagustuhan.
“Pero unfair kay Ryan
yung inasal ko.” bulong ni Dan sa sarili habang inuusig siya ng kaniyang
konsensya.
Alam niyang walang
alam si Ryan sa kaniyang unti-unting pagkagusto dito at wala itong kasalanan
kung may iba itong gusto at karelasyon. Walang kasalanan si Ryan kung
nagseselos siya dahil wala naman silang relasyong dalawa, walang kasalanan si
Ryan dahil hindi naman sila pareho ng nararamdaman ni Dan sa isa't isa.
“Ako lang naman
talaga itong nagpapakatanga nanaman.” sabi muli ni Dan sa sarili.
Tila naman umayon ang
kaniyang tiyan sa kaniyang sinabing iyon dahil kumalam ito dahil sa gutom. Muli
ipinaalala nanaman sa kaniya ng kaniyang isip ang kaniyang katangahan at di
magandang inasal.
“Tignan mo yan
ginutom mo pa ang sarili mo dahil sa kaartehan na yan.” sabi ulit ni Dan sa
kaniyang sarili at nang hindi na niya natiis pa ang gutom ay akto na siyang tatayo
mula sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.
Dahil nababalot ng
kadiliman ang buong kwarto ay hindi nakilala agad ni Dan kung sino ang nasa may
pinto.
“Bryan?” pabulong na
tawag dito ni Dan, matagal bago sumagot ang lalaking kapapasok lang ng kwarto,
tila ba nagaalangan.
“No, it's Ryan.”
sagot naman ng huli sabay abot sa switch ng ilaw at binuksan ito. Tila naman
nanlamig ang buong katawan ni Dan. Hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad
kay Ryan.
““Look, I'm sorry.””
sabay na saad ng dalawa na naglagay ng nahihiyang ngiti sa mga labi ng mga ito.
“Ryan,---” “Dan,---”
sabay ulit na sabi ng dalawa na nakapagpahagikgik na sa dalawa.
“You go, first.”
naunang saad ni Dan. Hindi na nag-atubili pa si Ryan at agad na niyang sinabi
ang kaniyang gustong sabihin na ilang beses niya pang inensayo sa harap ng
salamin sa loob ng kanilang banyo.
“Dan, I'm sorry. Kung
ano man yung nasabi ko o yung nagawa kong masama para maging cold ka ulit, I'm
sorry. Remember that shawarma incident? I don't want that to happen again. I
don't want you thinking that I'm a total jerk--- I'm sorry.” sunod sunod at
mabilis na saad ni Ryan habang nakakunot ang noo nito at nakatingin ng mariin
kay Dan. Hindi naman mapigilan ni Dan ang mamutla at manlamig ang buong
katawan.
Inusig lalo siya ng
kaniyang konsensya. Hindi niya ginusto na magisip ng kung ano-ano si Ryan dahil
lang sa kaniyang hindi nararapat na pag-iinarte. Isang pagiinarte na wala naman
siyang karapatan upang gawin. Hindi niya kaya na aminin ang pagkakamali na ito
kay Ryan kaya naman ay mabilis na lang siyang umisip ng palusot.
“Wala lang talaga ako
sa mood---”
“Wala sa mood eh
kanina nadatnan ko kayong nagtatawanan ni Bryan?” malungkot na putol ni Ryan sa
sasabihin sana pa ni Dan dahil hindi nito kinagat ang naunang palusot nito.
Natigilan saglit si Dan at tumingin ng daretso sa mga mata ni Ryan.
“Kung andun ka lang
bago kami magtawanan sasabihin mo na wala talaga ako sa sarili ko. You see,
nagkukuwento si Bryan at sobrang layo nung sagot ko sa sinasabi niya, plus the
fact na wala naman talaga siyang tinatanong at sumagot ako ng wala sa hulog.
Yun yung reason kaya mo kami naabutang nagtatawanan pero wala talaga ako sa
mood.” mahabang palusot ulit ni Dan nang makabawi na tila naman kinagat ni
Ryan.
“Yan talaga ang
reason? Promise?” seryosong parang batang tanong ni Ryan.
“Promise.” mabilis na
sagot ni Dan sabay display ng isang pekeng ngiti.
“Ano nga yung
sasabihin mo kanina?” pagiiba ni Ryan sa kanilang paguusap na dalawa.
“Uhmmm-- I'm sorry if
I acted off earlier and--- a-and that If you're going to tell me something,
just say it, because I'm hungry and I was about to get up and eat.” mabilis na
palusot muli ni Dan na mukhang kinagat naman ni Ryan kahit pa iniwas niya ang
tingin sa huli at hindi na muling maisalubong iyon sa mga tingin nito.
“Oh.” tila
nadismayang saad ni Ryan dahil nararamdaman niyang may importanteng bagay pang
hindi sinasabi si Dan sa kaniya.
“Yup.” balik ni Dan
sabay tayo mula sa kaniyang kama at naglakad palabas ng kwarto, papunta sa
kusina.
Naabutan ni Dan na
nakahiga si Bryan sa sofa nang daanan niya ang sala, nakanganga at humihilik
habang pinapalabas sa TV ang Victoria Secret fashion show re-runs. Umiling na
lang si Dan at tumuloy na sa kusina habang si Ryan naman ay nakasunod lang sa
kaniya na parang batang dumidikit sa kaniyang nanay upang hindi mawala sa loob
ng malaking mall.
“Uhmmm--- where's the
food?” tanong ni Dan sabay halughog sa lamesa na puno ng walang laman na
kaldero.
“Bryan ate it all.”
humahagikgik na saad ni Ryan sabay kalam din ng tiyan, tineternuhan ang
kumakalam na tiyan ni Dan.
“Di ka rin kumain?”
tanong ni Dan sabay tingin sa tiyan ni Ryan na katutunog lang na tila ba ang
pagtingin niyang iyon sa tiyan ng huli ay makikita niya ang walang lamang
sikmura nito.
“Nawalan kasi ako ng
gana matapos mo akong hindi pansinin. Di na kasi tumigil yung isip ko sa
kakaisip kung ano nanaman ang nasabi o nagawa kong mali.” wala sa sariling
sagot ni Ryan sabay namula ang mga pisngi dahil sa hiya sa pagkakadulas ng dila
niyang iyon.
Tila inusig nanaman
ng sariling konsesya si Dan. Wala sa sarili niyang sinalubong ang tingin ni
Ryan at wala siyang ibang nakita doon kundi ang sinseridad.
“I'm sorry. Hindi ko
sinasadya na pag-isipin ka ng ganun. Wala lang talaga ako sa sarili. Wala sa
hulog. Pagpasensyahan mo na. Pasensya na.” paulit ulit na paghingi ni Dan ng
pasensya kay Ryan na hindi napigilan ang mapangiti.
“Pano naman ako hindi
magkaka-crush sayo kung ngiti ka ng ngiti ng ganyan!” saad ni Dan sa sarili
habang pinagmamasdan ang mga pantay pantay na ngipin ni Ryan, mapupula nitong
labi at maamo nitong mukha.
“So you said you're
hungry and I'm hungry as hell too and since my brother ate all the food you
prepared for dinner--- what do you say we go eat outside and leave the jerk
alone with his mouth hanging open like that?” taas babang kilay na tanong ni
Ryan kay Dan na nagdulot kay Dan na tigilan ang pagtitig sa mukha ni Ryan.
Hindi mapigilan ni
Dan ang mapangiti lalo pa't nakyu-cute-an siya sa ginagawang paglalaro ni Ryan
sa kaniyang kilay.
“Let's leave the
douche bag and eat outside.” sagot ni Dan sa pagitan ng kaniyang mga hagikgik.
“Great!” masayang
saad naman ni Ryan na muling nagtulak kay Dan na titigan ang mukha nito.
0000oo0000
Manghang mangha si
Dan sa kakaibang katakawan na ipinapakita ngayon ni Ryan. Ngayon niya lang ito
nakitang kumain ng ganun karami, noong asa perya kasi sila ay naka isang hotdog
lang ito sa kabila ng mabilis nitong pagkain. Akala niya ay si Bryan lang ang
bukod tanging ganun kumain, ngayon alam ni Dan na nagkakamali siya at isa ang
katakawan sa maraming bagay na pagkakapareho ng kambal.
“What?” bulol na
tanong ni Ryan sa hindi makapaniwalang pagtitig na iyon ni Dan dahil sa puno ng
pagkain na bibig nito.
“Do you really have
to eat all those---at the same time?” natatawang tanong ni Dan.
“I'm hungry and I'm a
growing boy. Of course I have to eat it all--- at the same time.” sagot naman
ni Ryan na kala mo hindi siya makapaniwala na naglakas loob pa si Dan na
itanong iyon sa kaniya.
“Well then. Eat away.
Eat away.” umiiling na saad ni Dan at kumagat na din sa kaniyang kinakaing
cheeseburger, hindi makapaniwalang hindi parin tumataba ang kambal sa dami ng
kinakain ng mga ito.
0000oo0000
Pinapanood ni Jase
ang ngayong tila ba bagong tao na si Dan. Masaya siya at nagtuloy-tuloy na ang
pag-buti nito. Masipag at matalinong bata si Dan kaya naman gagawin niya ang
lahat makatulong lang dito, kaya naman nung may isang waiter na nag-resign sa
kaniyang restaurant na iyon na iniwan sa kaniya ng kaniyang namayapang kapatid
ay hindi na siya nagdalawang isip na ibigay ang bakanteng posisyon na ito kay
Dan.
Hindi man ito
kataasang pusisyon ay mas maganda naman ang bayad nito kesa sa taga hugas ng
pinggan, idagdag pa ang benepisyo ng pagiging regular na trabahador. Naisip ni
Jase na makakatulong ito kay Dan.
“Dan, come her for a
sec.” tawag pansin ni Jase kay Dan na tila ba naguguluhan kung bakit tinawag ng
kaniyang boss ang kaniyang pansin gayong papauwi na siya at naibigay na nito
ang kaniyang bayad para sa gabi na iyon.
“You know that mang
Pancho left the restaurant, right?” tanong ni Jase kay Dan na wala ng iba pang
nagawa kundi ang tumango. “And now that the restaurant is one man short would
you consider taking mang Pancho's place?” tuloy tuloy na saad ni Jase na siyang
nakapagpalaki ng mga mata ni Dan.
Hindi man kalakihan
ang sweldo ng pagiging isang waiter ay hindi na ito masama pa para kay Dan
gayong makakadagdag ang sweswelduhin niya dito para sa kaniyang pag-aaral at
araw-araw na pang-gastos.
“I—I--- Y-yes! Yes!
Of course I'll take the job!” nauutal dahil sa sobrang excitement na sagot ni
Dan na siyang ikinangiti ng todo ni Jase.
“Good. Now I want you
to come with me.” sabi ulit ni Jase na ikinakunot nanaman ng noo ni Dan.
Iginawi siya nito sa
loob ng restaurant kung saan kumakain ang mga customer, magkakalahating oras ng
sarado ang restaurant kaya't alam niyang wala ng tao doon pero nakakarinig
parin siya ng paggalaw mula dito na siyang lalo niyang ikinataka.
“CONGRATULATIONS!”
sigaw ng bawat staff sa restaurant na iyon. Hindi mapigilan ni Dan ang
mapangiti at makaramdam ng sobrang tuwa.
“Hey. Good luck on
your new job.” saad ng isang lalaki na nakilala niya lang bilang ang lalaking
ka-relasyon ng kaniyang boss kaya naman nabigla siya ng yakapin pa siya nito.
Madalas niyang nakikita itong nakatingin sa kaniya, may halong awa at pagkilala
ang tingin na iyon pero hindi sila nito madalas mag-usap.
“If you need
anything. And I mean anything, don't hesitate to come to us, OK?” bulong nito
bago pakawalan si Dan na wala na lang nagawa kundi ang suklian ng isang
nagpapasalamat na ngiti ang huli.
0000oo0000
Hindi parin siya
makapaniwala sa biglaang pagbabago ni Ryan. Siguro nga at wala na itong
nararamdaman para sa kaniya at kasalanan naman niya iyon kung bakit, aminado
naman siyang ipinagtulakan niya rin palayo si Ryan dahil hindi niya alam kung
pano magmahal pero ngayong lumayo na ito at mukhang nakakita na ng bagong
mamahalin ay saka niya napagtantong mali ang kaniyang ginawa. Kaya naman ngayon
ay sinundan niya si Ryan, desedidong alamin kung ano ang nagtulak dito upang
iwan siya.
Sinundan niya si Ryan
hanggang sa likurang bahagi ng isang restaurant kung saan madalas bumili ito ng
paboritong shawarma. Hindi rin nakaligtas sa kaniya kung pano ito mapangiti sa
kabila ng tila ba kabadong itsura. Nginitian ito ng gwardya at kinausap saglit.
“Err—uhmm---I'm here
for Dan.” nahihiyang bungad ni Ryan sa gwardya na ikinataka ng huli.
“Oh bakit hindi ka
ata madaldal ngayon, Bry.” bati pabalik ng gwardya na ikinangiti lang ni Ryan.
“Hindi po ako si
Bryan kuya. Kapatid ko po siya, ako po si Ryan.”
“Weh?!” di
makapaniwalang saad ng gwardya na nakapatawa kay Ryan.
0000oo0000
“Thank you.”
sinserong saad ni Dan kay Jase at sa boyfriend nito sabay yakap kay Jase.
Ang pagyayakapan na
ito nila Jase at Dan ay hindi nakaligtas kay Ryan na nakatayo ilang metro sa
likurang pinto ng restaurant.
“Hindi ba talaga ikaw
si Bryan?” makulit na tanong ulit ng gwardya na ikinangiti lang ni Ryan sa
kabila ng isang kakaibang pakiramdam na kaniya ngayong nararamdaman matapos
niyang makita ang pagyayakapan na iyon ni Dan at ng isa pang lalaki.
“Oh, Ryan, wala ulit
si Bry? Nagtatae nanaman ba?” nakangiting salubong ni Dan kay Ryan nang makita
niya itong nakatayo katabi ng guard.
“No. I actually
volunteered to fetch you from work tonight---” daretsong simula ni Ryan na
ikinamula ng pisngi ni Dan dahil sa kilig. “--- so tell me, do you usually hug
your co-workers before going home?” may isang tono na hindi maintindihan si Dan
sa sinabing iyon ni Ryan pero binalewala na lang niya ito at idinaan sa biro
ang lahat.
“Don't worry there's
nothing going on between us and we're not having sex---” simula ni Dan at nang
makita niya ang pagbugha ng hangin ni Ryan na tila ba nabunutan ito ng tinik sa
kaniyang sinabi ay napangisi siya at itinuloy na ang kaniyang sasabihin.
“--yet.” pagtatapos ni Dan na ikinalamig ulit ng buong katawan ni Ryan.
“What?!” singhal ni
Ryan na ikina ngisi ni Dan lalo.
“I said we're not
having sex yet.”
0000oo0000
Sa hindi kalayuan,
ang lalaking sumunod kay Ryan ay mataman parin siyang pinapanood. Hindi
makapaniwala sa kaniyang nakikita. Alam niya ang mga tingin na iyon ni Ryan,
tingin iyon ng purong pagpapahalaga sa isang tao, alam niya ito dahil minsan
siyang sumailalim sa mga tingin na iyon kaya naman sigurado siyang ito ang
lalaking dahilan ng biglaan nitong pagbabago.
Nang mapagtantong
tama ang kaniyang hinala ay aalis na sana siya at titigil na sa panonood, iisip
na sana siya ng plano upang mabawi si Ryan pero nang aktong hahakbang na siya
paalis ay saka naman humarap ang lalaking tinatawag niyang tao na nakapagpabago
kay Ryan.
Nanlalamig ang buo
niyang katawan, bumilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpawisan siya ng
malamig at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod. Di makapaniwala na ang
lalaking ipapalit sa kaniya ni Ryan ay isang taong kaniyang kilala. Isang tao
na akala niya ay hindi na niya makikita pa.
“Dan?” kapos hininga
niyang saad.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment