By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
Wala ng nagawa pa si
Dan kundi ang umiling habang pinapanood niya ang ubod ng tahimik na si Ryan,
tahimik tapos naka-kunot ang noo at nakatitig sa malayo habang asa dyip sila
pauwi na kala mo napakalalim ng iniisip. Pabiro nitong sinuntok ang malaking
braso ng huli kung saan naman malungkot lang na ngumiti si Ryan atsaka
ipinagpatuloy ang pagtitig sa malayo.
“Baka may toyo
nanaman.” sabi ni Dan sa sarili niya habang iniisip kung pababayaan niya ba ito
sa pagtitig sa malayo o kung tatanungin niya kung anong bumabagabag dito. Mas
nanaig ang kaniyang pagiging maaalalahanin kaya naman wala sa sarili niya itong
tinanong.
“Hey, what's wrong?”
nagaalala ng tanong ni Dan, iginawi ni Ryan ang tingin niya kay Dan at nagtama
ang tingin ng mga ito. Hindi nakaligtas ang seryoso at nagaalalang tingin ni
Dan kaya naman wala sa sarili narin niyang sinagot ang tanong.
“It's just that I
don't want you sleeping with guys to earn money.” naiinis pero nagaalala ding
sagot ni Ryan.
Nung una ay hindi
alam ni Dan kung san nakuwa ni Ryan ang ideya na iyon pero nung maglaon ay
naalala niya ang sinabi niya dito habang paalis sila ng Gustav's. Hindi niya
tuloy alam ngayon ni Dan ang mararamdaman niya, kung mao-offend ba siya sa
iniisip na ito sa kaniya ni Ryan gayong biro naman niya ang pinanggalingan ng
ideya na iyon, matatawa dahil sineryoso pala ni Ryan ang biro niyang iyon at
kung matutuwa ba siya dahil kahit papano ay nagaalala at pinanghahalagahan
narin siya ni Ryan katulad ng pagpapahalaga sa kaniya ni Bryan.
“I was just joking
earlier, Ryan. Yes, my boss is also gay but that doesn't mean I'll jump his
bones so he can give me money. Besides, Sir Jase is already married and is
faithfully in love with his partner.” paniniguro ni Dan kay Ryan na agad na
nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang kaniyang pagkakamali. Hindi niya
napigilan ang sarili na mapangiti sa nalamang ito. Isang ngiti na nagsasabing
nabunutan ito ng tinik sa kaniyang puso.
“Wait, you're not
actually thinking that I'll sell myself, right?” seryosong tanong ni Dan na
ikinayuko na lang ni Ryan dahil sa hiya.
“Eh mapagpatol ka
pala eh!” halos pasigaw na saad ni Dan sabay turo kay Ryan at tumawa.
“Sira ulo ka kasi,
kung ano-ano ang pinagsasabi mo!” nakangiting balik ni Ryan sabay wala sa
sariling umakbay kay Dan.
Ang biglaang
pag-akbay na ito ni Ryan kay Dan ay tila naman nagdulot sa mga kalamnan ni Dan
na maging bato. Sa pangalawang pagkakataon, matapos ang pag-akbay din nito sa
kaniya noong asa library sila upang ipagtabuyan ang gumugulo kay Dan ay hindi
sinumpong ng panic attacks ang huli, walang masasamang ala-ala ang pumasok sa
kaniyang isipan. Hindi siya lumayo at nagtungo sa sulok ng dyip na iyon dahil
sa takot na baka saktan siya ni Ryan.
Tila kasi kinikilala
ng kaniyang katawan na hindi siya sasaktan ni Ryan. Na wala itong intensyong
masama.
Hindi man nami-miss
ni Dan ang mga panic attacks ay natakot parin siya sa kaniyang nararamdaman.
Iba na kasi ang kaniyang naramdaman nang magdikit ang kanilang mga balat ni
Ryan. Tila ang pagdidikit na iyon ng kanilang mga balat at braso ang siyang
tanging iniintay ni Dan na mangyari. Napansin ni Ryan ang pagtahimik ni Dan
kaya't iginawi niya ang kaniyang tingin sa mga mata nito, iniisip na susubukan
niyang tignan base sa reaksyon sa mukha ito ang iniisip nito pero ang lahat ng
ito ay kaniyang nakalimutan nang magsalubong ang tingin nilang dalawa ni Dan.
Hindi niya alam kung
bakit pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na huwag niyang puputulin ang
pagtititigan nilang iyon pero ilang segundo lang naman ang itinagal ng
pagtitigan na iyon dahil si Dan na mismo ang pumutol ng pagtitigan na iyon
kahit pa alam niya sa kaniyang sarili na hindi iyon ang kaniyang gustong gawin.
0000oo0000
“Ayan ka nanaman,
Dan. Kumplikasyon nanaman niyang pinapasok mo. Don't let your feeling get the
best of you.” ang mga salitang nasabi ni Dan sa kaniyang sarili matapos maalala
ang nasaksihang pakikipaghalikan ni Ryan sa isang taong sa kaniyang pakiwari ay
karelasyon nito.
“Don't let your
feelings get the best of you. Gulo nanaman yan kapag nagkataon.” pagpapaalala
ulit ni Dan sa kaniyang sarili saka pinutol na ang pagtititigan nila ni Ryan
kahit pa ang bigat bigat sa loob para sa kaniya na gawin ito. Alam niyang wala
siyang magiging problema sa oras na sabihin niya kay Ryan na may nararamdaman
na siya para dito dahil alam na niya ang tungkol sa sekswalidad nito ang hindi
niya sigurado ay kung pano nito maaapektuhan ang relasyon ni Ryan sa lalaking
nakita ni Dan na kahalikan nito kapag nagkataon. Isa parin ang gulo sa mga
dahilan kung bakit siya lumayas noon. Ayaw na niyang muling magkagulo. Ayaw na
ni Dan pa ng gulo.
0000oo0000
Nangunot saglit ang
noo ni Ryan sa inasal na ito ni Dan at agad na tinanggal na ang kaniyang
malaking braso mula sa balikat ni Dan kahit gaano ka-tama ng pakiramdam nito
doon.
“You're always
bluffing me! Sa susunod, hindi na kita paniniwalaan!” naniningkit matang saad
ni Ryan kay Dan na agad namang ikinabahala ng huli sa pagaakalang nainis
nanaman si Ryan sa kaniyang inasal, hindi alam ni Dan na sinabi at ginawa lang
ito ni Ryan upang hindi magkaroon ng pagaalangan sa pagitan nilang dalawa. Pero
nang makita ni Dan ang nagsisimulang ngiti sa mga labi ni Ryan ay hindi niya
napigilan ang sarili na mapangiti narin.
Pero sa kabila ng
pagbabatuhan muli ng ngiti ay sinumpa ni Dan na hinding-hindi niya pamimihasain
ang sariling damdamin na lumago pa lalo para kay Ryan upang makalayo na rin sa
gulo.
0000oo0000
“Hey. Wanna go out
tonight?” namumulang pisngi at nagmamakaawang tingin na tanong ni Ryan kay Dan
nang makababa sila sa dyip at naglalakad na papunta sa harapan ng kanilang
tinitirhang apartment.
Saglit na natigilan
si Dan sa paglalakad. Iniisip ang pangako sa sarili na kani-kanina niya lang
binitawan sa loob ng dyip ay nagsimula ng umiling si Dan at mag-isip ng
magandang palusot upang makaligtas sa aya na ito ni Ryan nang makita niya ang
pinaghalo-halong tila ba pagkabahala, sakit at pagkapahiya sa mukha ni Ryan.
“Uhmmm i-if you're
n-not u-up for it. It's OK I'm going to a-ask somebody else.” pahabol ni Ryan
na siyang nagtulak kay Dan ng kaniyang susunod na sasabihin.
“OK. Uuhmmm I'll go
out with you tonight.” may pagkamabilis na saad ni Dan na siyang naglagay ng
isang napakalaking ngiti sa mukha ni Ryan.
0000oo0000
“What the hell are
you doing?! You're messing our room!” sigaw ni Bryan sabay hawak sa kaniyang
buhok at sinabunutan ang sarili na tila ba ang ginagawang iyon ni Dan sa
kanilang aparador ay nagtutulak sa kaniya upang mabaliw.
“Huh?” balik ni Dan
sabay tayo ng daretso at tinignan ang kabuuan ng kanilang kwarto. Wala naman
halos ipinagbago ito, kung naging makalat man ito ay dahil na rin sa pagiging
burara ni Bryan at ang kalat ay nasa kalahating bahagi ng kwarto kung saan
andun ang mga gamit ni Bryan. Pero hindi na ito sinabi ni Dan at humingi na
lang siya ng pasensya kay Bryan.
“Oh--- I'm sorry. I'm
going to clean it up later, I just need to find some decent clothes.” wala sa
sariling saad ni Dan, huli na ng mapagtanto niya ang kaniyang pagkakamaling
sabihin ito kay Bryan.
“What do you need
decent clothes for? Your clothes are decent enough, I mean, yes they're old but
you took care of them well so their still decent. Why do you need decent
clothes again? I mean I only know one person who act that way and in need of
decent clothes and he always does that whenever he's going out for a date---
WAIT A MINUTE! YOU'RE GOING OUT ON A DATE ARE YOU?!” mahaba at paligoy ligoy
nanamang sabi ni Bryan.
Mahaba man at
nakakahilo ang mga sinabing ito ni Bryan, hindi pa rin napigilan ni Dan ang
mapatayo ng daretso at manigas ang buong katawan dahil kahit papano ay natumbok
ni Bryan ang rason kung bakit siya nagpapanic sa paghahanap ng disenteng
maisusuot kahit pa hindi naman talaga date ang kaniyang pupuntahan kasama si
Ryan.
“WHO ARE YOU GOING
OUT WITH?!” nakangisi at nakakalokong tanong ni Bryan kay Dan sabay sinundot
sundot ito sa braso gamit ang kahoy na pangkamot ng likod, pilit pinapaamin si
Dan sa taong makaka-date nito.
“S-STOP POKING ME!”
balik naman ni Dan, umaasa na mapalayo sa usapan ang isip ni Bryan.
“PSHH! YOU'RE GOING
TO BE POKED BY SOMEBODY ELSE LATER AND I DEMAND TO KNOW HIS NAME! AS YOUR
ROOMMATE AND BIG BROTHER I DEMAND TO KNOW HIS NAME!” parang batang nagtatatalon
na saad ni Bryan, mas excited pa kay Dan sa paglabas nito para sa gabing iyon.
Napailing na lang si Dan at hindi mapigilang mapangiti na din.
“DOUCHEBAG!”
0000oo0000
Sa kabilang kwarto
naman, hindi alam ni Ryan kung bakit siya nagkukumahog sa paghanap ng magandang
damit gayong lalabas lang naman sila ni Dan. Nang maisip ang pangalan ni Dan at
ang kanilang paglabas mamayang gabi ay hindi mapigilan ni Ryan ang mapangiti.
Noong una pa lang
niyang makita si Dan na natutulog sa kanilang sofa ay hindi niya mapigilan ang
sarili na isipin na may anghel na natutulog sa kanilang sofa. Kung paanong
hindi niya napigilan ang sarili na mamangha sa mapupula nitong labi, matangos
na ilong, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay, maputi at makinis na mukha
sa kabila ng ilang pilat nito sa may panga nito at ang makapal nitong buhok na
sa kabila ng matagal nitong pagkakahiga ay mabango parin.
Pero sa kabila ng
atraksyon na iyon ay pinilit ni Ryan na ilayo ang sarili kay Dan dahil ayaw
niyang isipin ng kaniyang kapatid na masaya na siya doon sa apartment na iyon
at sa bagong unibersidad kung saan siya pwersahang inilipat ng kanilang mga
magulang. Idagdag pa ang katotohanang may mahal siyang iba kahit pa alam niyang
ginagamit lamang siya nito.
Pero hindi parin
napigilan ni Ryan ang sarili na mahulog ang kaniyang loob kay Dan lalo pa't
araw araw niya itong nakikita. Kahit hindi ito magpa-cute ay nakyu-cute-an
parin siya dito, kahit tignan lang siya nito, kahit magkasalubong lang sila
nito at lalong lalo na sa tuwing ngi-ngiti-an siya nito ay talaga namang hindi
napigilan ni Ryan ang sarili. Kahit pa sinisinghalan na siya nito sa tuwing
pinasasaringan niya ito ay hindi mapigilan ni Ryan ang matuwa parin dito.
Lalong lalong hindi
napigilan ni Ryan ang sarili na mahulog ang kaniyang loob kay Dan nang
mapagtanto niyang hindi naman pala siya in-love sa taong kinakasama niya
ngayon, na ang tanging habol niya lang dito ay makakasama at hindi mamahalin ng
pang matagalan. Na si Dan pala ang matagal na niyang hinahangad
“This is very
unlikely of you, Ry.”
“I know---” simulang
sagot ni Ryan.
“Maybe you should
rest first, maybe you're just exhausted or something.” tila plastik na
pagaalala ng lalaking tinatawag ni Ryan na beh. Alam kasi ni Ryan na sabik lang
ito na makipagtalik sa kaniya. Hindi na sumagot pa si Ryan.
“We're free to use
this place for three hours, you can rest first if you like.” malamig pa nitong
pahabol na hindi nakaligtas kay Ryan. Pinagmasdan pa saglit ni Ryan ang taong
inakala niyang minahal niya ng halos magiisang taon na tumayo mula sa kama na
kanilang hinihigaan, nagtapis at nagpunta sa may upuan, nagsindi ng sigarilyo
at nagtext.
Pinagmasdan niya kung
paano itong ngumiti habang nagtetext, iniisip na dati ay ibibigay niya ang
lahat mapasa kaniya lamang ang ngiting iyon, pero iba na ngayon, may ibang
ngiti na siyang gusto at tila ba de awtomatikong makina ang kaniyang utak ay
biglang sumingit sa kaniyang isip ang mala anghel na ngiti ni Dan.
Tila naman
pinaglaruan siya ng kaniyang sariling isip at puso. Pinapipili kung kaninong
ngiti ang mas gusto niya. Ilang saglit pang pinagmasdan ni Ryan ang ngiti ng
lalaking naninigarilyo at nakikipagtext sa ibang tao sa isang tabi ng kwartong
iyon. Ngunit sa huli, mas nanaig ang ngiti ni Dan dahil naisip niya na ang mga
ngiting iyon ay hindi magiging malamig sa oras na matapos sila sa kanilang
pagtatalik katulad ng mga ngiti ng lalaking kasama niya ngayon. Na ang mga
ngiti ni Dan ay hindi lang magiging mainit para sa kaniya dahil may kailangan
ito sa kaniya katulad ng lalaking ngayon ay pinagmamasdan niya parin.
“Maybe because I
don't want to have sex tonight.” wala sa sariling saad ni Ryan na ikinatigil ng
lalaki sa pagtetext.
“What?” saad nito
sabay tingin kay Ryan.
“Maybe because I
don't want us to have sex anymore---” umpisa ni Ryan sabay sinalubong ang
tingin ng lalaking naka upo sa isang upuan sa may sulok ng kwartong iyon. Hindi
ito sumagot o kaya naman ay nagsalita kaya naman ipinagpatuloy na ni Ryan ang
kaniyang nasasaloob.
“---Maybe because I
don't want to do all this shit anymore. Maybe because I'm tired of just being a
sex object to you. Maybe because I'm tired of being ignored after having sex,
Maybe because I'm tired of proving how good I am to you. Maybe because I'm
tired of waiting for you to love me back.” sunod sunod na bulalas ni Ryan na
ikinagulat ng lalaking kaniyang kasama. Hindi nito napigilan ang tumayo mula sa
kinauupuan at tabihan muli si Ryan sa kama. Ramdam na ramdam nito ang purong
emosyon sa mga sinabi nito.
“What are you saying,
Ryan?”
“I'm sorry.” umiiling
na sagot ni Ryan sabay tayo at nagbihis. Wala ng nagawa ang lalaki kundi
panoorin ang tanging tao na siyang nagpapahalaga sa kaniya na talikuran siya.
Alam niyang wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili.
“Goodbye.” halos
pabulong ng sabi ni Ryan atsaka ipinihit ang door knob at lumabas na ng pinto.
Tila naman nagising
siya sa pagbagsak ng pinto nang sarhan ito muli ni Ryan kaya naman agad siyang
nag-bihis, natatakot na kapag hinayaan niyang makalayo si Ryan ay tuluyan na
itong mawawala sa kaniya. Naabutan niya ito ilang metro ang layo sa kanilang
tinuluyang motel, patungo ito sa kaniyang paboritong restaurant kung saan ayon
dito ay gumagawa ng pinakamasarap na shawarma sa buong bansa.
“Ryan!” tawag pansin
niya dito. Agad naman itong tumalikod at humarap sa kaniya. Lumapit siya dito
at saglit na nakipagtitigan, pilit ipinapaalam ang nararamdaman niya na hinding
hindi niya kayang sabihin sa pamamagitan ng kaniyang tingin na iyon.
“Don't go, please.
I-I c-can't lose you too. I-I L-Lo---” sinubukan niyang tapusin ang kaniyang
sasabihin pero hindi niya magawa-gawa na ituloy ang tatlong salitang yun.
Tatlong salitang takot na takot niyang bitiwan kaya naman nagkasya na lang siya
sa pagsalubong ng kaniyang mga labi sa mga labi ni Ryan.
Saglit pang lumaban
si Ryan sa halikan na iyon, walang pakielam kung asa tabing kalsada pa sila at
maraming maaaring makaalam at makakita sa kanilang dalawa. Pero nang mapagtanto
nito kung ano ang kanilang ginagawa ay wala sa sariling humiwalay si Ryan sa
halikan na iyon na lubos na ikinagulat ng lalaking kaniya ngayong kaharap. Sa
makailang beses kasi nilang naghahalikan, ni isang beses ay hindi si Ryan ang
humiwalay sa halikan.
“It's too late. I'm
sorry.” bulong ni Ryan sabay hakbang palayo at iniwan ang lalaki na hindi na
napigilan ang sarili na mapaiyak.
Hindi napigilan ni
Ryan ang sarili na mapangiti sa sariling repleksyon niya nang maalala ang mga
tagpong iyon. Tila kasi nakalaya siya sa isang sumpa na matagal-tagal ng
nababalot sa kaniya. Ngayon, katulad noong hindi pa sila tumutungtong sa
kolehiyong magkapatid ay muli ng gumaang ang kaniyang loob sa lahat ng bagay na
maaaring ikunekta sa kaniyang buhay ngayon.
At lahat ng ito ay
naka sentro ngayon sa isang tao. Kay Dan.
0000oo0000
“Holeee shi-it!---”
excited at gulat na gulat na sigaw ni Bryan nang marinig niyang tinawag ng
kaniyang kapatid si Dan upang umalis na para sa kanilang usapan na paglabas.
“---Ryan's the guy who's going to poke you tonight?!” wala sa sariling pahabol
ni Bryan na halos ikatumba ni Dan mula sa paglalakad palabas ng apartment at ikinasamid
naman ni Ryan.
““WHAT?!”” sabay na
sigaw ng dalawa nang makabawi ang mga ito, hindi mapigilan ni Bryan ang
mapahagikgik lalo pa nang makita niya ang ternong namumulang mga pisngi nila
Ryan at Dan.
“We're just going to
eat outside---” “Maybe go to the club and drink some.” sabay na depensa ulit ng
dalawa na lalong ikina-aliw ni Bryan. Nagkatinginan sila Dan at Ryan dahil sa
hiya at lalong namula ang mga pisngi. Hindi kasi talaga nila napagusapan ang tungkol
sa kanilang paglabas na iyon at lalong-lalo na hindi nila napag-usapan kung ano
ang sasabihin ila kay Bryan kapag nagtanong ito.
“Uh-huh.” tumatangong
saad ni Bryan, nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa mga ito habang abala
sa pagsungkit sa kaniyang bulsa para sa kaniyang pitaka.
“Well, humayo na kayo
para makarami.” humahagikgik na saad ni Bryan atsaka ipinagtulakan ang dalawa
palabas ng front door. “Ingat!” sigaw ulit nito sabay bato ng ilang pakete ng
condom sa kaniyang kakambal.
Muling nagpalitan ng
nababahalang tingin at namumulang pisngi sila Ryan at Dan. Pero hindi rin
nagtagal ay nakuwa na nilang tumawa habang naglalakad para kumuwa ng taxi.
0000oo0000
“I can't believe your
brother actually thought we're going to have sex.” wala sa sariling saad ni Dan
habang nasa loob sila ng taxi.
“Neither do I.” sagot
naman ni Ryan pero ang sagot na ito ay sinadya niyang ganon upang makakuwa ng
ilan pang impormasyon patungkol sa nararamdaman ni Dan sa mga sinabi ng
kaniyang kapatid at kung pano ito magre-react sa mga ganon.
“Well, your brother
is a douche bag. He says whatever he wants to say.” saad ni Dan sabay kibit
balikat, pilit itinatago ang katotohanang hinihiling niya na sana totoo na lang
ang mga sinasabi ni Bryan. Na date nga ang paglabas nilang iyon ni Ryan, pero
ang naisip na ito ay agad ding binura ni Dan sa kaniyang isip nang maalala ang
kaniyang pangako sa sarili.
Napatahimik naman si
Ryan sa sagot na ito ni Dan. Nadismaya man ay hindi parin siya titigil hangga't
di niya alam kung ano ang nararamdaman ni Dan sa mga ganong biro ni Bryan at
kung may pag-asa na gawing makatotohanan ang mga biro na iyon.
0000oo0000
Hindi mapigilan ni
Dan ang mamangha. Ngayon pa lang siya makakapasok sa isang Bar. Kaya naman nang
hilahin siya ni Ryan papasok ay hindi na siya nagdalawang isip pa.
Pero ang paghila na
ito ni Ryan at ang pagpasok naman ni Dan sa bar na iyon ay lubos nilang
pinagsisihan.
Ang mga malilikot na
ilaw. Mga malilikot na galaw ng mga katawan ng kabataan na nagsasayaw sa saliw
ng tugtog, parehong babae at lalaki, ang halos nakasusulasok na amoy ng
sigarilyo, ang nakasusukang amoy ng alak at ang nakakahilong lakas ng mga
speaker na siyang nakakapagpakabog sa dibdib ni Dan na miya mo paulit ulit
itong sinusuntok ang nagtulak sa isip ni Dan na sariwain lahat ng nangyari
noong gabi ng kaniyang kaarawan magiisang taon na ang nakakaraan.
Ang mga malilikot na
ilaw ay nakapagpaalala sa kaniya sa paulit ulit na pagkawala ng kaniyang malay
habang ginagahasa siya ng mga taong kaniyang itinuring na kaibigan. Ang mga
malilikot na galaw ng mga kabataang nagsasayaw ay nakapagpaalala naman sa
kaniya ng kahalayang ginagawa ni Melvin kay Mike ilang dipa lang ang layo mula
sa kinalalagyan ng kaniyang sugat-sugat at hinang hinang katawan. Ang mga
nakasusulasok na amoy ay nakapagpaalala sa kaniya ng amoy ng pinaghalo-halong
droga at mga alak na ginagamit ng kaniyang mga kaibigan at ang malalakas na
tugtog ay nakapagpaalala sa kaniya ng mga sigaw at mura na ibinato sa kaniya
nila Mark at Dave.
Wala sa sariling
itinakip ni Dan ang kaniyang mga kamay sa kaniyang magkabilang tenga. Umatras
siya, walang pakielam sa mga taong kaniyang maatrasan o matabig at nang lumapat
ang kaniyang likod sa isang panig ng pader sa loob ng bar na iyon ay agad siyang
sumandal dito, nagpadausdos paupo, itinago ang kaniyang mukha sa pagitan ng
kaniyang mga hita at idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib saka
nagdasal na sana ay tigilan na ng kaniyang mga kaibigan ang pananakit sa kaniya
kahit pa ang tagpong ito ay nasa kaniya lamang namang isip.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment