Thursday, January 17, 2013

The Accidental Crossdresser 10

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Are you ready anak? Its time to inform everyone that Alexis Saavedra is back” tanong ni Anita Saavedra sa akin ng pumasok siya sa kuwarto.


I am nervous. No. Dying. Hindi ko inakalang sa pagpapanggap kong ito ay kailangan kong pagdaanan ang mga kumplikadong proseso. Its not as easy I thought. Akala ko being femininely the same would be an advantage. This is the most challenging mission I had to date. Hindi ko naman inakala na ang pagpasok sa mundo ng alta sosyedad ay magiging ganito kahirap. Daig pa ni Alexis ang babae kung itrato siya rito sa manision. She was like the princess in her own kingdom. And Ilocos Norte is her dynasty.



On top of that, the party was insanely lucrative and detailed. Napaka-hands on ni Anita Saavedra sa ginaganap na party. Kaninang umaga, I saw the preparation they made in the house. Unang dumating ang mga pulutong ng tao na nagayos ng venue. Gaganapin ito sa garden ng mansion. Nakita ko ring naglagay sila ng mumunting entablado sa harap. Maya-maya pa ay nadagdagan ito ng mga mesa, mga upuan, mga tela at mga extra lights na nagsilbing dekorasyon ng engrandeng pagdiriwang.


Meanwhile, naging busy naman ang mga katulong sa paghahanda ng kagamitan at kalinisan ng mansyon. The food was catered by a famous catering service in Ilocos. It was an invited-only party kaya naman limitado lang ang imbitado sa okasyon. However, it cant be denied that the venue is jam packed. Invite only nga pero marami namang limo ang nakapark sa garahe. Some are even outside the gate. Natatanaw ko iyon mula sa aking kuwarto.


During the preparation process, wala akong nagawa kundi magkulong sa kuwarto ko. Mommy said na it wont be healthy daw na lumabas ako since maraming mga organizer ang nagaayos sa bahay and the news was yet to confirm na buhay ako at nagbalik na. The party was ambiguous, walang nasabi si Anita Saavedra na isa itong welcome back party kaya naman mas lalo yatang na-fuel ang adrenaline ng mga taong sabik na sa katotohanan na nagiging usap-usapan sa buong Ilocos.



Natulog ata ako magdamag. Syempre, beauty rest ang lola mo. Kailangan na wala silang makitang stress symbol. Bago rin magsimula ang preparasyon, I was able to get a full spa sa aking katawan, my mother phoned a home-service spa from F Wellness another state of the art spa in Ilocos.


Sayang teh merlat yung nagspa sa iyo. Tsk.


I didnt bother kung nandito si Lester Saavedra. Hindi siya umuwi kagabi, hearing that he went to pangil Beach alone. Sinabi naman sa akin ni Mommy that hahabol daw si Kuya sa party ko.


Keber! I-enjoy ang moment teh. Omg, you are so fab!


I glance again in the mirror. I picked a designed gown by Amor Tabije, a famous designer. It was a simple yet elegant white gown.


Taray!!! virgin na virgin ah. San ang first communion teh?


I also fixed my hair. Nilugay ko na lang ang buhok ko and I was the one who applied my own make up. Hindi ko kasi pina-patouch ang mukha ko sa ibang tao. Im kinda delicate pag dating sa balat ko.


Attitude agad? Nagiinarte?


Hindi ako mapakali. I heard big names that are waiting outside. Imee Marcos, the current Governor of Ilocos are there with her son Borgy at date naman ng anak nito si Georgina Wilson, an acclaimed ramp model. Some politicians, are also present like Michael Keon, Ilocos’ ex governor. Naroon din si Rudy Farinas, Ilocano Congressman.


If Metro Manila had this famous surnames that sound like a dollar sign syempre meron din silang counterpart sa Ilocos. Sa kalakhang Maynila, they call them the Tans, Sys, Zobels, Aranetas, Gokongweis, Lopez’s, Cojuangcos, and Aquinos. Dito sa Ilocos, we have the Marcos’, Farinas, Naluptas, Laos and Ongs. And before I forgot.... the Saavedras.


Sa ilang minuto Im gonna flip my hair. Sa susunod na minuto Im gonna stand sideward to see my other angle. Pagkatapos ay tatalikod to see how my butt is doing. Then haharap uli para tinginan kung may problema sa make up. Mga isang oras akong ganun na parang maiihi sa nerbyos.


What if someone noticed? Na hindi ako si Alexis Saavedra? Na nagpapanggap lang ako dahil sa isang misyon? That cant happen. It shouldnt be. Dahil ako ang lagot sa kliyenteng umupa ng aming serbisyo.


Wala pa rin akong klarong progress sa misyon ko. I wasnt able to go to Batac to meet Precious Paraluman Sarmiento. Hindi ko rin matiyak kung ano nga ba ang koneksyon niya sa kaso at sa mga bagay na aking napagtagpi-tagpi. Siya nga ba ang Paraluman na tinutukoy sa paboritong kanta ni Victor Saavedra?


I think its time to go out.


Naglakad na ko palabas ng kuwarto. I carried a small pouch laman nito ang tatlong bagay na importante kay Alexis Saavedra. Cellphone, Pera at Sigarilyo. Those were her basic necessities. Syempre, I need to be Alexis in appearance and in my acts. Kailangan na siyang siya ako.


Bumuntong hininga ako ng makalabas na ako at isara ang pintuan. For the first time I saw a door in the corner most part of the 2nd floor. Hindi ko siya napapansin because I wasnt able to roam around the mansion. Ang lagi kong nakikita ay magkatabing kuwarto namin ni Lester at ang kaharap nito na kuwarto ng mag-asawa. I was in the middle of deciding whether or not  I should go to check it. Nanaig naman ang kursiyudad sa aking katawan.




Nang makalapit ako ay napansin kong pula rin ang kulay ng pintuan with a golden door knob. That’s the reason siguro kung bakit hindi ko napansin agad ang pintuang ito. Lookng at how it was situated there. Masyadong distant ang pinto sa aming mga kuwarto kaya imposible mo talaga siyang makita agad. And the synonymous color of the door and the wallpaint made it like a camouflage parang sinadya itong itago sa mapanuring mata ng sinomang umakyat sa ikalawang palapag.


Pinihit ko ang doorknob. It was locked.


Lumingon uli ako sa hagdan at nakiramdam kung may paparating na tao o tumatawag sa aking pangalan. Dinig ko ang ingay ng tugtog sa labas at pati na rin siguro ang pinagsama-samang ingay ng mga tao na naguusap-usap. But the staircase was empty and no sign of person is going up. Siguro naman ay hindi na aakyat muli si Anita Saavedra. She speifically said that I should take my time sa pagaayos ng sarili. At saka maaga pa naman, the party wont start without me.


I tried to remember kung may hairpin ako. Nakalugay nga pala ako so it would be impossible to unlock this door


May Ganda card ka nga pero nasaan ang brain? Shunga shunga lang teh?


“Ganda card....” I said silently to myself habang iniisip kung papaano ko bubuksan ang pinto. God. Ganda na nga lang ba talaga ang meron ako ngayon? Char.


Aminado? GGSS card naman ngayon. Gandang Ganda sa Sarili Card.


Card...Card...Card...Bingo!


Kinuha ko mula sa aking pouch ang wallet na walang ibang laman kundi ang aking calling card, cash at credit card. Who says hair pin lang ang pwedeng makabukas ng imbyernang pinto na yan? I have a credit card that can do the job!


Go teh!!! ikaw pa rin talaga si Alexander Castillo aka Black Scorpion!


Pinihit ko lang ng mahigpit ang pinto and I inserted the card sa doorknob. Sa ilang segundo ng pagpihit at pagkalikot ay bumukas ang pinto.


Perfect!!!


Hindi ako nagaksaya ng oras at tumuloy tuloy ako sa misteryosong kuwarto. When I got in I hurriedly switch on the lights at bumulaga sa akin ang mga kagamitang pang opisina.
It was more of a study room.


Ngunit masyadong blangko ang lugar wala na halos laman ang bookshelf. There was a table in the middle of the room. May isang larawan lang na naroon. It was a photo of Victor Saavedra.


Kailangan kong kumilos ng mabilis.


If this is his study room then probably may makukuha akong impormasyon dito sa loob. Inisa-isa ko ang mga hugot na nasa mesa. But all I got was an empty space. Kung sino man ang unang taong gumalaw nito ay sinigurado niya na wala kang makikitang kahit ano sa loob nito. I also tried to look at some edges na maaring pagkanlungan ng kung anong impormasyon ngunit wala rin akong swerte.


Until I glanced at the corner of the room. May isang malaking tela na nakatakip sa bagay na ito. I stopped looking at nothing at pumunta ako sa bagay na iyon. When I removed the cover ay tumambad sa akin ang isang computer.


Binuksan ko ito at dali-daling nag-abang sa kung ano ang maaring laman ng computer na iyon but to my dismay, it asked me a password.


I started typing...

PARALUMAN


Access Denied.


Crap! Akala ko pa naman ay ganun ko kadali mabubuksan ang computer na to. This should be my thing, Im expert at decoding passwords at stuff.


I started typing...


Huling El Bimbo


Access Denied


Nauubos na ang pasensya ko. The trial and error was only set up to 3 attempts. Kapag ang ikatlong password ay mali pa  rin this computer would shut down. Kakaibang password system ang naka-install dito, sinigurado talaga ng mayari na hindi basta-basta mabubuksan ang computer na to.


Victor Saavedra is one hell of an intelligent man. He’s pretty good at hiding secrets. Kaya siguro naging palaisipan pa rin ang kanyang pagkamatay.


I started typing for the last time...


Casino Ilocandia


Access Denied


And I wasnt able to do even a thing kundi panoorin na mag-shut down ang computer sa aking harapan. It was a failed operation.


Napabuntong hininga na lang ako sa frustration. Sumilip ako sa labas ng pintuan at sakto naman na may naririnig akong papaakyat at tinatawag ang aking pangalan. Talk about chances.


Inayos ko ang sarili ko at dali dali akong pumunta sa aking kuwarto. Nang lumabas akong muli na parang kakagaling sa loob ay naabutan ako ni Anita Saavedra na ini-lo-lock ang aking pinto.


“Are you ready anak?”


“Yes Mom”


Niyakap niya akong muli and it made me feel better. Parang kahit papaano ay naalis ang tensyon na nararamdaman ko mula sa muntik na namang pagkakahuli sa akin sa study room at sa kabang nararamdaman ko dahil ilang sandali pa ay haharap na ako sa maraming tao.


Nauna ng bumaba ng hagdan si Anita Saavedra at pinagmasdan ko munang mawala siya sa aking paningin. Nang matapos ang ilang minuto ng paghihintay ay inayos ko ang aking pagkakatindig. Then I carried my gown gracefully.


Nang bumaba ako ng hagdan ay may dalawang katulong lang na nakabantay sa pinto habang nakasarado ito.


“Ang ganda niyo po Maam” puri sa akin ng isang katulong, nakikita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.


Oo nga,  sana ikaw rin. Chos.


“Thank you” I simply said. Masyado akong ninenerbyos para magsalita ng magsalita.


Then I heard someone from outside speaking from a microphone, nawala rin ang tunog ng musika na nanggagaling mula sa mga violin at ang ingay ng tao ay unti unting napalitan ng katahimikan.


“May I have your attention please” wika ng babaeng tinig mula sa labas. Sa lakas ng boses nito ay abot ang ingay nito mula sa loob ng mansyon. Kung hindi ako nagkakamali it was Anita Saavedra speaking in front of the people.


“There will be a turning point in your life that you will lost the real meaning of happiness. Its like an accident you know.... where everything seems perfect and all of a sudden life will throw a big joke and everything will blow up to your face. Maybe, you’ll know me as Anita Saavedra, the career obsess woman who is now given a new brand as the Goddess of Gamble. But I am ready to give up that prestige if only I could turn back time and protect the valuables in my life. No its not money, its not a property. I already have that. But I can exchange these things to what I lost during this accidents that happened.”


I was frozen by Anita Saavedra’s words I swear. Ramdam ko ang garalgal sa kanyang boses na parang pinipigilan umiyak sa harap ng maraming tao habang nagsasalita. And she continue what she said after a long pause.


“...Everyone hate accidents. Its unpredictable. And people hate unpredictable because its the only time we realize that the most important things in life could be lost in just a snap of a finger...in just one accident and the funny thing is..its always too late. But I was lucky, because God gave one of these that I lost. Maybe, you all know what Im talking about... It was in the news and in the mouths of people. And yes, its true..... I would like to welcome back... my long lost daughter... Alexis Saavedra”


Nang tawagin niya ang aking pangalan ay mas lalo akong nanginig sa nerbyos. My heart was pounding loud. It was as if tinatawag na ako para bitayin.


Binuksan ng mga katulong ang pinto at tumambad nga sa akin ang di-mahulugang karayom na hardin ng mansion. All of their eyes are glued on me. Parang isa akong Diyosa na sinasamba ng mga tao.


Kailangan Diyosa talaga yung comparison?


I proceed to the stage kung saan naghihintay ang aking Mommy. She was crying at ramdam ko ang galak sa kanyang puso. She was crying with joy. siguro ay kinailangan din ng tao to adjust sa kanilang nakikita. I saw mixture of emotions from their eyes. Ang iba... they were shocked, ang iba naman ay tuwang tuwa and ang iba they cant believe what they are seeing.. para silang nakakita ng himala.


Nang maka-akyat na ako sa stage ay narinig ko ang palakpakan ng mga tao. I hugged her again and it felt comforting. Parang feeling ko... naulit muli ang eksena ng tumuntong ako sa mansion ng mga Saavedra.


Ibinigay sa akin ni Anita Saavedra ang mikropono at hudyat nito na kailangan kong magsalita sa maraming tao.


“Thank you Mom... This is like unbelievable... Hindi ko alam kung paano nangyaring nakaligtas ako sa isang trahedya na akala ko ay magiging katapusan na ng lahat. but Im here...again... to where I belong... and Im very thankful to have this second chance with my family.. To Mom.. You dont need to be sorry, alam kong ginawa mo ang lahat to find me... To my Dad.. wherever you are.. I know that you are at peace and dont worry Ill be taking care of our family...and...”


Bigla akong natigilan... Dahil alam ko ang susunod kong babangitin. Yes, this is scripted. Pero ang awkward pa rin. Ang awkward na bangitin ang pangalan niya sa harap ng maraming tao kung wala naman talaga siya dito.


Ngunit nahagilap ng mga mata ko ang aking tinutukoy. He was there and he is staring at me blankly. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito, para siyang nanonood ng isang boring na palabas. I stared at him.... intently. Sana tumagos sa puso niya kahit papano na hindi siya dapat magselos sa akin dahil hindi naman talaga ako ang totoong Alexis and Im only here for a purpose.


“And.... and to my Kuya... you are the best kuya in world at sana maging Ok na tayo that now that im back” wika ko at sinabayan ko ito ng matamis na ngiti. Im still staring at him.


Nagtinginan ang mga tao sa direksyon na tinitingnan ko. And everyone of them are staring at him now. Siguro ay dala na rin ng pressure ng ibang tao, napilitan ito na umakyat sa taas ng entablado.


Nakasimangot siya ngunit hindi naman yun nakabawas sa kakisigan na taglay niya.


Char!!!!!


Ng kunin niya ang mikropono ay ngumiti na ito... tanda na pinipilit lamang nitong ipakita sa karamihan na OK lang ang lahat at walang problema sa pamilya. Nagsimula itong magsalita.


“Ay ikaw talaga Alexis... alam mo namang nandito lang lagi ang Kuya para sa iyo at syempre kahit naman inaaway kita paminsan minsan eh.. lambing ko lang iyon sa iyo” natatawang wika nito


Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!! Maaari na akong mamatay....


Nagtawanan rin ang ibang tao sa sinabi nito.  At saka sinundan iyon ng masigabong palakpakan at sipol ng mga tao. As if we are in a telenovela kung saan nagkita kita ang magkakamaganak na nagkawalay ng ilang taon.


Nabigla naman ako sa mga sumunod na pangyayari. Humarap siya sa akin at niyakap niya ako. Naamoy ko ang pabangong gamit niya and the mixture of his manly scent. I was stunned while his arms were wrapped around me. Ewan ko ba. biglang may kuryente akong naramdaman sa pagkakayakap namin ni Lester..... Kuya Lester.


Matapos ng makabagbag damdamin na eksena na ito ay nauna ng bumaba si Lester Saavedra. Sumunod naman ako at si Anita Saavedra. We went down to people who are waiting for our presence.


Ngunit ang sumunod na minuto at oras ay walang humpay na pagbebeso beso. Kung saan may tumatawag na ‘amiga’ ay pumupunta roon si Anita Saavedra at dala-dala ako nito para ikwento ang aking madramang pakikipagsapalaran matapos ang insidente. may mga media rin na naroon ngunit napagsabihan na pala ang mga ito na walang interview na mgaganap sapagkat isa itong intimate party para sa akin.



Mga isang oras ang ginugol ko bago ako makalayo ng kaunti sa mga bisita. Pumasok ako ng bahay at nagpasyang sa kusina na lamang uminom ng tubig. Lahat na yata ng mukha ay nakabeso-beso ko. Karamihan sa mga ito ay nakaupo sa pulitika, may malaking negosyo sa Ilocos o kaya naman ay may pangalan sa mundo ng showbiz.


Natapos kong inumin ang isang basong tubig ng lumapit sa akin ang isang pamilyar na lalaki.


“Alexis??? Mare?”


“Harold?”


“OMG!!!!! ikaw nga!!! You are back teh!!! OMG.... hindi talaga ako naniniwala nong una but Oh my gosh!!!! You are so back. Parang walang nangyari. You are good as the old Alexis...Im really happy for you teh!”


Isa sa mga pinag-aralan ko ay ang mga taong malapit sa buhay ni Alexis. Syempre hindi exempted roon ang mga kaibigan niya. One of his closest friend is Harold Calleja, the co-owner of the modeling agency she also worked for. Bata pa lang ito ay may pangalan na rin ito sa business arena. He is also gay, yun nga lang ay hindi ito nagdadamit pambabae and he could be considered as Alexis Saavedra’s bestfriend.


“Well... mahirap mamatay ang pink na damo teh... tandaan mo yan! Hahaha” biro ko sa kanya.


“Hindi ka pa rin talaga nagbabago teh! Love it!”


“So ano kumusta? How’s VAMP going?” usisa ko sa kanya.


VAMP is the name of this modelling agency na pinagtatrabahuhan ni Alexis Saavedra at iyon rin ay pagmamay-ari ni Harold Calleja.


“Its so different when you were not there. Pero kahit papano naka-adjust naman kami. But please tell me you will be back.... Please teh? VAMP is your home” pagsusumamo nito sa akin.


What? Ok this is really depressing. Magpapanggap lang ako pero kailangan ko bang gawin lahat to? Makikisama na nga ako sa pamilya ng mga sosyal, now Im gonna have to do modelling? This is really insane!


“I dont know yet Harold... Alam mo naman Im still under recovery of what happened... Ayoko munang i-pressure ang sarili ko sa mga bagay bagay.. I just wanted to take it easy”


“I understand teh... pero tell me if your OK na ah? Magtatampo talaga ako kung hindi ka babalik sa VAMP”


“We’ll see..” maikli kong sagot


“So ano na? ganyan ka na ba pupunta sa Bar 101?” biglang tanong nito sa akin.


“Anong Bar 101?” naguguluhan kong tanong.


“Ano ka ba? Pupunta tayo ng Bar 101 tonight!!” excited na sigaw nito.


“Ah? Wala akong natatandaan na pupunta tayo ng Bar 101?”


“Pinagpaalam ka na ng Kuya mo.. so dont worry!” parang di pa rin nawawala ang excitement ni Harold.


So pinagpaalam ako ni Lester? Ano kaya ang nakain nun? Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang iniisip ko at nagfocus na ako sa usapan namin ni Harold. This would be a long night, I swear.


“Can you wait for me? Magbibihis lang ako. Ok lang ba?”


“Yeah sure... Sissy, this is your night! Ano ka ba kaya kailangan lang na makabalik ka na sa party scene... We so miss you na! In fact, pwede ka ng pumunta dun ng naka gown!” pabirong wika ni Harold.


“Gaga.. bar ang pupuntahan natin hindi kastilyo!”


“Eh tayo naman ang reyna ng Bar 101 bakit ba? hahaha”


“Ah basta... hindi ako komportable dito sa gown na ito”


Iniwan ko siya at umakyat na muli ako sa aking kuwarto para magpalit. Dahil sa alam kong naghihintay si Harold sa baba at probably si Lester sa labas ay minabuti kong magmadali na rin sa pagpili ng damit. Hindi naman naging mahirap because Alexis’ wardrobe is blessed. Pumili ako ng isang yellow cocktail dress at tinernuhan ito ng gold bracelet. Naglagay din ako ng perfume at ang aking phone sa pouch.


Ilang sandali pa ay bumaba na ako ng hagdan. Nakita kong naghihintay na si harold sa sofa at napatayo na ito ng makita na pababa na ako ng hagdan.


“Wow! You look so glam and fab sis.. hindi ka pa rin nagbabago!”


“Of course... Alexis is Alexis right?”


“You bet!”


Lumabas na kami ng mansion at tinahak namin ang garahe kung saan naghihintay daw ang kotse na sasakyan namin ni Harold papuntang Bar 101. Naghihintay na rin daw doon si Lester. Hindi na rin ako nagkaroon ng tsansa na makapagpaalam kay Mommy. nakita ko kasi na busy siya sa page-estima sa mga bisita na naroon.


Nang makasakay na kami sa kotse ay tama nga si Harold na nasa labas na si Lester. Pinili kong umupo na lamang sa likod kasama si Harold. Feeling ko kasi ang awkward ng tensyon sa aming dalawa matapos ang..... ang yakap na iyon.


Habang nasa loob kami ay masyado namang tumahimik ang lahat. Si Harold ay panay ang kuting ting ng kanyang cellphone at paminsan minsan ay nakakatanggap ng random calls kaya hindi na ito masyadong nakakapagkwento o tanong sa kanila. Ganun yata siguro pag businessman.


I felt the need to say thank you kay Lester. Kahit papano naman siguro ay nakapagisip isip na ito na hindi naman talaga siya ang may sala sa lahat ng atensyon na nakukuha both literally and technically I guess. Kaya naman I leaned forward at lumingon sa kanya. He was seriously driving the van.


“Thank You” maikli kong pasasalamat sa kanya.


Tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. At pagkatapos ay nag-focus na ito sa daan.


Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Bar 101. Mula sa labas ay dinig na dinig na ang kabog ng musika na nagmumula sa loob. Mga labinlimang minuto lang siguro ang binagtas namin papunta roon.


Pagpasok sa loob ay agad na nagbeso-beso ang ilang kababaihan, kakalalakihan at syempre ang aking mga kauri. They are very welcoming and really excited sa aming pagdating. We grabbed some drinks sa loob at naupo kami sa isang sulok. Medyo wide space ang kinuha naming tatlo para rin makaupo ang sinabi nilang circle of friends namin na ang iba ay amindao akong hindi ko kilala. Bago pa man ako makaupo ay iangaw ni Harold ang aking atensyon.


“Sis halika muna!” wika niya sabay hawak sa kamay ko at dala sa akin sa isang espasyo. Mabuti na lamang I was able to hold my drink properly kundi ay baka natapon ito sa aking outfit.


“bakit?” tanong ko sa kanya.


“Gaga... memorable tong picture mo... so kailangan kunan natin tong moment na to.. Ok? So pose na!”


Afterwards, I started fixing my hair dahil napapansin kong nanga-ngarag na ito sa sobrang frizz.




Nang makaupo ay late ko ng narealize na naupo ako katabi ni Lester. Nang lingunin ko naman ito ay seryoso lang itong nakatanaw sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip. Muli ay narinig kong nagsalita si Harold.


“Guys... kailangan syempre may picture din ang magkapatid diba? Go compress.” wika ulit ni Harold.


Actually hindi ko alam kung pano magpopose kasama siya. Magkatabi kami pero there still this little space sa pagitan namin. Nang lingunin ko siya ay the same pa rin naman ito ng kanina, sa malayo nakatingin at parang malalim ang iniisip.


So i just faced the camera and smile. Kung ayaw niya akong kapicture wala akong magagawa. I even cant believe na siya nagpaalam sa akin kay Mommy. Kung ayaw niya ako makasama dapat he didnt bother to offer us a gimmick.


“Oh ano iyan? Ang layo niyo sa isat isa compress!” utos sa amin ni Harold.


Umusog lang ako ng konti at laking gulat ko naman ng lakbayin niya ang espasyo sa pagitan namin. Telling Harold that he was ready for a photo-op. Sa distansiya namin I can feel his manly scent at ang alak na mula sa kanyang bibig. Iniwas ko ng konti ang aking mukha. Mali tong napapansin ko bawat detalye sa kanya.




“Ok got it... Kampai!!!!” wika ni Harold na nagsilbi atang host ng gabing iyon.


Makalipas ang ilang minuto ay lumpait sa akin si Lester at bumulong sa aking tainga. Ngunit iniiwasan ko na pansinin ang epekto ng mainit niyang hininga. Nagugulat man ako sa inaakto niya ay sinubukan kong dinggin ang kanyang sinasabi.


“Alexis... punta tayo doon” wika niya at sbay turo sa isang sulok din ng Bar.


“Ok” maikli kong sagot.


Hinawakan niya ako sa kamay at giniya niya para puntahan ang direksiyon na tinuturo niya kanina. It was darker there kaya hindi ko makita kung may tao o wala. Nahihiya man ay hindi pa rin talaga ako kumportable na hinahawakan niya ang aking kamay. I could feel again the bolt of electricity na naramdaman ko kanina.


Nang makalapit kami ay saka niya binitiwan ang aking kamay. nakita kong may tao pala sa sulok na iyon. There were two anonymous guys that were present. Isang katamtaman lang ang taas at nakasuot ito ng sumbrero. Kung hindi ko alam ang brand ng isinusuot niya ay aakalain kong drug addict tong isang kaharap ko dahil sa pula ng mata nito. At ang pangalawa naman ay isang average looking guy na may maiksi at kulot na buhok. The former introduced himself as Sam and the latter named himself Justine.


“Oh pano Alexis... iwan muna kita dito sa dalawang kabarkada ko and I hope you entertain them OK?”


Tumango na lang ako kasi bakas sa kanyang tinig ang pakikiusap. Maybe nakakapanibago ang pakikitungo sa akin ni Lester pero I think this would be better. Umalis siya sagl;it at sinabing babalik raw siya maya-maya. So i was left to entertain this newly met strangers.


“Hey Alexis.. bakit yan ang iniinom mo? you should try this drink.. Ito ang bagong combination ngayon ng 101.. They call it Heaven” wika nung Sam na parang nanunuksong binigkas ang salitang ‘heaven’

*****


“Drink it and Im done” wika ko sa sarili habang nag aabang sa mga susunod na mangyayari.


This is the night that i have been waiting. I prepared my camera to capture every moment.


The plan was simple.... that drink contains ecstasy. Ilang salit pa ay eepekto na iyan at lahat ng tinatagong niyang kadumihan sa katawan ay lalabas. They said that ecstasy is a sex drug. In Bar 101, they call it disco biscuits. Youll feel orgasm begging someone to fuck you. And once these effects are obvious, Im gonna shoot some pictures and even videos with my cam.


“You dont know how bad I can get Alexis... youll never know...”







Itutuloy...

No comments:

Post a Comment