Ang Docu Ni Abad
Kumusta ang Kuya Abad
mo? Anong nangyari?" Ito kaagad ang naitanong ko kay Sally pagkakita ko sa
kanya sa hospital. "Malubha siya kuya" sabi ni Sally habang nakayakap
sa akin. Hindi ko na rin mapigilang mapayakap sa kanya dahil sa halong takot at
kaba. "Ayaw kong mamatay si Kuya Abad. Ayaw ko." sabi ni Sally habang
umiiyak.
–0–
Dalawang oras na rin
kaming naghihintay sa hospital pero wala pa ring doctor na lumalabas para
ipaalam sa amin kung ano na ang nangyari kay Abad. Nabaril daw siya ng mga
hold-upper sa pawnshop na pinagtatrabahoan niya. Guard kasi siya doon. Si Sally
ay nasa tabi ko pa rin. Pero ngayon ay napakalma ko na siya. Nakaupo na lang
siya ngayon na walang imik at mukhang maraming iniisip. Sa murang edad niya ay
ayaw kong mapag-isip siya . ng ganito kaseryoso. Ayaw ko. Bata pa siya.
Nakaramdam na ako ng matinding gutom. Mag-aalas nuwebe na pala at hindi pa kami
nakakain. "Sally, aalis muna ako ha. Bibili lang ako ng makakain.
Dederetso na lang ako ng bahay upang maikuha ka ng gamit. Mag-wiwithdraw na rin
ako." paliwanag ko.
"Huwag mo akong
iwan kuya." Sabi ni Sally.
"Sandali lang
ako. Mag-tataxi ako." sabi ko. Sa totoo, ayaw kong umalis. Gusto kong
nandito ako kung sakaling may lumabas na doctor. Pero kailangan kong umalis.
"Didiretso ako sa bahay nyo. Kung anong mangyari, tumawag ka dun ha o dun
sa kay Manang Winnie." Ito ang bilin ko habang ibinibigay ko sa kanya ang
celfone ko. "Wag mong kalimutan ha." Ulit ko.
–0–
Pagpasok ko sa bahay
nila ay agad akong pumasok ng kwarto at pumunta sa cabinet upang kumuha ng
t-shirt para kay Sally. Kakailanganin niya ito ngayong gabi. Binuksan ko rin
ang kabilang cabinet. Ang cabinet ni Abad. Kukuha na sana ako . ng damit para
sa kanya nang makita ko ang lumang roller blades na katabi ng mga sapatos niya.
–0–
Maaga akong nagising
noong araw na iyon. Kabibili ko pa lang kasi ng roller blades kahapon kaya
excited na excited na akong subukan ito. Nasa dulo kasi ng subdivision ang
bahay ko kaya solong solo ko ang kalsadang walang dumadaan dahil hindi pa
nasimulan ang bagong phase. Okay na okay pag-skate-an ang daan pero ang mga
empty lots ay masyado pang madamo. Pagkasuot ko ng roller blades ay nagsimula
na akong magpa-slide slide. Inclined kasi yung part ng daan kaya mabilis na rin
akong lumarga. Pangliko ko doon sa curve ay hindi ko napansin na may taxi
palang naka-park kaya naman ay nabangga ako.
"BLAG."
"Putang ina
naman o. Dito pa ipinarada." sabi ko sa sarili habang pinilit kong makatayo
galing sa pagkakadapa. Nakatayo na ako ng napansin kong gumagalaw ang damuhan
at parang may
tumatakbong palapit.
"Lumayas ka magnanakaw ka. . Hahayupin mo pa ako ha." ito ang sigaw
ng lalaking ng tumambad sa akin ay muntik na akong mapatawa. Nakababa pa ang
pants at briefs nya kaya pala parang hirap na hirap siya sa pagtakbo. Sa kanang
kamay niya ay isang malaking bato. Ang kaliwang kamay niya naman ay nakatakip
sa harapan niya. Nabitawan niya ang bato ng makita niya akong nakatayo lang
doon. Siyempre hindi siya mag-iisip na magnanakaw ako. Meron bang magnanakaw na
nakaroller blades at paddings pa? Namula siya. Pinigil ko ang matawa. Sa
sobrang hiya siguro niya ay tumalikod siya at tumakbong pabalik sa damuhan.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya ulit. Ngayon ay naka-tuck in na ang t-shit
niya. "Sorry boss ha. Akala ko kasi ano na eh." paliwanag niya.
Nakuha na niyang ngumiti ngayon. Di na niya hinintay pang makasagot ako.
"Nasira yata ang tiyan ko sa adobong yon, e" Sabi niya. Natawa ako.
–0–
Itatapon ko na itong
roller blades na ito. Sira na ang isang gulong eh." sabi ko sa kanya nung
hapong yun na dumaan siya sa bahay ko. "Ako na ang magtatapon" alok
niya. "Hindi, ako na" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang
siya ang magtapon nun. "Ano namang gagawin niya dun?" tanong ko sa
sarili ko.
–0–
Inalis ko ang
pagkakatitig sa roller blades. "Kaya pala. Itinago niya pala ito."
–0–
Naglalakad na ako
papuntang bahay bitbit ang roller blades. Papasok na ako sa gate ng unit ko
nang may marinig akong busena ng kotse. Paglingon ko ay nakita ko yung taxi.
Huminto ito sa tapat ko at nakita ko ang driver na nagbubukas ng bintana sa
passenger's side.
"Sir." sabi
niya.
"Ano?"
tanong ko sa kanya.
May iniabot siyang
maliit na card. "Kung kailangan nyo po ng taxi,sir. Tawagan nyo lang
po." Ngumiti siya. Di pa ako nakasagot ay isinara na niya ang bintana at
saka lumarga.
Romeo Taxi
253 - 5283
Cab Number 6
Ito ang nakasulat sa
calling card.
–0–
"Hello. Romeo
Taxi?. " tanong ko.
"Yes, sir. Would
you like a cab, sir?" tanong ng operator.
"Yes. For May 6.
Kailangan nandito na before eight ng umaga, ok? sabi ko.
"All right, sir.
Cab Number 3 po ang pupunta diyan." sabi ng operator.
"Hindi ba
pwedeng Cab Number 6?"tanong ko. Sa loob-loob ko, ay kabado ako at baka di
siya available.
"Pwede po sir.
Kakilala nyo po ba ang driver?" tanong ng operator.
"Hindi. Pero
nakasakay na ako once at mabait naman siya" ito ang sinabi ko.
"Ok po. Wala
pong problema".
Pagkabigay ko ng
exact address ko ay nagpaalam na ang operator.
"Teka, miss. Ano
nga palang pangalan nung driver ko?" kabado akong hinintay ang sagot.
"Abad po.
Nathaniel Abad." sagot niya.
–0–
Hindi ko alam kung
bakit ngunit naging excited ako habang papalapit ang araw na iyon. Hindi ko
alam kung sabik ako sa pagdating ng parents ko galing sa States or dahil
makikita ko na ulit ang driver ng taxi. 7 pa lang ng umaga ay handang-handa na
ako. Nasa garden na ako sa labas at nagkakape ng dumating ang taxi. Huminto ito
sa tapat ng gate. Halos nangingining ako nung bumukas ang pinto ng kotse.
"Magandang umaga po, sir." sabi niya. Sa totoo lang, mas gumwapo siya
ngayon sa tingin ko. Napansin ko ring bago siyang gupit. Ang tight pants niya
ay kapansin-pansing bagong laba rin. Naka-polo siya ng light blue na may tatak
na Romeo Taxi. Lumapit ako sa gate upang buksan ito. "Ikaw pala,
Nathaniel. Pasok ka at magkape muna tayo" sabi ko. Di ko napansin na
napahinto siya. Tinitingnan niya ako. Ngumingiti pero parang may iniisip na
kung ano. "Pano nyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong niya. Hindi
ako nakasagot.
–0–
Sobrang traffic sa
highway kaya ang bagal ng takbo ng taxi. Mga kalahating oras na kaming
tumatakbo pero di pa rin kami nag-uusap. Hiyang-hiya akong sabihin ang totoo na
itinanong ko sa operator ang pangalan niya. Di talaga ako mapalagay.
Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya pero di ako nagpapahalata. Ang gwapo
talaga niya. Makapal ang kilay. Moreno pero di sunog. Matangkad din siya at
sakto ang katawan sa kanyang height. Magandang pagmasdan ang makinis niyang
braso habang lumalabas ang ugat nito sa tuwing kumakambyo siya. Nakatingin ako
sa makinis niyang pisngi na ang ganda talagang halikan ng bigla siyang tumingin
sa akin. Ngumiti siya at tumingin uli sa daan.
"May dumi ho
ba?"tanong niya sabay punas ng towel.
"Wala
naman" Sabi ko. "Napatingin lang ako."
–0–
"Gusto mo
samahan kita?" tanong niya ng huminto ang taxi sa park area sa airport.
"Sige"
sabi.ko.
Kalahating oras na
kaming naghihintay na walang imikan ng nalaman kong na-cancel pala ang flight
ng parents ko at sa susunod na araw na makakarating. Wala kaming nagawa kundi
bumalik na lang sa taxi. Ng nakasakay na kami ay bumalik ang katahimikan. Ilang
minuto na kami sa biyahe pauwi . ng magsalita siya.
"May masarap na
kainan diyan sa susunod na kanto, sir. Kain tayo." alok niya.
Ayaw ko sana dahil
baka marumi doon pero napilitan akong umoo. Di na kami nakapag-park malapit sa
tindahan dahil marami ring nakaparking na mga taxi. Napag-alaman ko na marami
palang mga driver na kumakain doon. Papalabas na sana siya ng kotse ng
pinigilan ko siya. "'Di ka ba nahihiya?"tanong ko sa kanya. "Sa
alin?" tanong niya. "Alam mo naman siguro na bakla ako. Tapos
magkasama tayo." Di na ako nagpaligoyligoy pa. "Disente ka naman a. At
kung hindi mo sinabi, di ako mag-aakala. Tayo na. Baka hindi tayo makahanap ng
pwesto." sabi niya. Ngumiti lang siya.
–0–
Maraming nakakilala
sa kanya sa kainan. Marami siyang nakakausap. Di rin naman niya ako iniiwan at
isinasali sa usapan nila, Minsan tuloy ay pakiramdam ko na parang ang tagal na
naming magkakilala. Ngumingiti siya habang tinitingnan ang pagkain ko sa
inorder niya. Hindi ko alam kung ano yun pero sarap na sarap niyang inubos ang
order niya.
"Rice
pa?"tanong niya.
"Hindi na. Ikaw
na lang." Sabi ko.
Nang matapos kaming
kumain ay ibinigay ko sa kanya ang perang pangbayad.
"Ako na."
sabi niya. "Binayaran mo na ako tapos di naman natuloy so libre na
kita" sabay ngiti.
Nung bumalik kami sa
taxi ay nagbago na ang lahat. Nag-uusap na kami. Doon ko nalaman na 26 na pala
siya.
"Walang hiya ka
pasir-sir ka pa. Mas matanda ka pa pala sa akin. Hahaha" sabi ko.
Nalaman ko rin na
patay na ang mga magulang niya at siya ang kumikita para mapag-aral ang kapatid
na babae sa elementary. Kung hindi siya nagda-drive ay nag-co-convert siya ng
VHS sa CD sa bahay lang nila. "Kung may ipapa-convert ka, sa akin na lang
ha, Dave" anyaya niya. Pero sabi niya ay ilang pa rin siyang tawagin akong
Dave at kung pwede ay Sir Dave na lang.
–0–
"Seven thirty ulit
bukas?" tanong niya sa akin.
"Oo. Salamat sa
lahat ha. " sagot ko. At umalis na siya.
–0–
Inalis ko ang aking
pagkakatitig sa roller blades. Pilit kong itinoon ang aking isipan sa pakay ko
doon. T-shirt din pala ni Abad. Nakakuha na ako ng dalawang T-shirt at isang
short ng mapansin ko ang isang puting envelop na nakatago sa ilalim ng mga
damit niya. Di ko alam kung ano ang laman noon kaya agad ko itong kinuha at
binuksan. May laman itong dalawang pictures. Sa isang picture ay makikita si
Abad na nakaa-akbay ang kanang kamay sa akin at ang kaliwang kamay kay Sally.
Naka-shorts lang siya at nakashades. And ngiti niya ay napakaganda. Si Sally
naman ay naka-blue na swim suit at ako naman ay naka-short at sando. Sa isang
picture ay kami lang dalawa. Kuha iyon ni Sally. Sa larawan ay makikitang
inaakbayan ako ni Abad. Nasa tabi kami ng pool. Enjoy na enjoy. Naalala ko
tuloy one month ago pa lang. Noong nagpunta kami sa isang water park. Noong
araw na nagbago. ang lahat.
–0–
Alas singko na ng
hapon nung dumating kami sa water park. Nag-leave ako sa araw na iyon . Si Abad
naman ay walang duty sa pawnshop na pinagtatrabahoan niya. Simula noong
nahold-up siya ng tatlong lalaking may dala-dalang baril ay tumigil na siya.
Ayaw na niyang maranasan pang madala sa damuhan, paluin sa ulo hanggang sa
mawalan ng malay at tangayin ang kita pati na ang taxing minamaneho. Limang
araw din siyan sa ospital noon. Araw-araw ay naroon ako at hinihintay ang
kanyang muling pagmulat at paggaling. Noong nagising na siya ay biniro ko pa
nga na mabuti at hindi siya iniwang naka-brief lang. "Salamat sa lahat
ha" naaalala kong sinabi niya. "Wala ito" sagot ko sa kanya.
–0–
"Nasaan si
Sally? Nag-si-swimming pa ba?" tanong ko.
"Nasa kwarto na.
Napagod siguro sa biyahe" sabi niya. "Di ka pa ba matutulog?"
"Eto na nga at
naghahanda na." sabi ko. "Dito na ako sa may sala. Tabi na kayo ni
Sally doon sa kwarto."
"Dito na lang
din ako. Tulog na tulog na iyon. Ayaw kong maistorbo pa. " rason niya.
Inilapag na namin ang
dala naming foam at nahiga na pagkatapos. Sa mga oras na iyon ay di ko alam
kung ano ang nararamdaman ko. Totoo, di na ito ang unang pagkakataon na matulog
akong katabi si Abad pero di pa rin ako mapalagay. Siguro ay dahil sa tatlong
beses naming pagkakatabi noon ay palagi siyang lasing.
–0–
Lumabas ang malaking
pawis ko sa noo noong inilapag ko na sa kama sa kwarto ko si Abad. Ang bigat
pala ng gago. Iinom-inom pa kasi at di rin naman pala marunong magdala. Noong
mga oras na iyon ay naghalo ang aking emosyon. Awa, galit, tuwa at pati na rin
pagnanasa. Awa dahil di ko alam na ang dali pala niyang malasing. Galit dahil
pinagpabuhat niya ako sa kanya hanggang sa kwarto pagkatapos siyang magsuka sa
baba. Tuwa dahil wala na siyang kamalay-malay. At Pagnanasa dahil matagal ko nang
pinapangarap ang eksenang ito. Unang beses ko pa lang nagpunta sa bahay nila
noon at nakita ko siyang naliligo sa labas ng bahay nila ay di na naalis sa
isipan ko kailangan ko siyang tikman. Di ko na matandaan at kung ilang beses ko
na ring pinagbatehan ang eksenang iyon sa isip ko.
Tinanggal ko ang
kanyang t-shirt at tumambad sa akin ang maganda niyang katawan. Kinakabahan ako
pero excited na excited din at the same time. Madali ko na lang nahila ang
short niya pababa. Naka black briefs siya na mamasa-masa pa ang harapan. Di na
ako nakapagpigil pa. Hinila ko na ang garter pababa at nakita ko sa unang
pagkakataon ang ari niya. Malaki ito. Kulay tsokolate. Pero ang kinis at ang
ganda ng hugis. Inilapit ko ang ilong ko at inamoy ko. Lalaking- lalaki ang amoy
nito. Magkahalong amoy ng sabon, pawis, ihi at kaunting tamod na rin siguro.
Inilabas ko ang dila ko at dahan-dahang inilapat ang dila ko sa butas ng ulo
nito. Liningon ko siya. Hindi gumalaw. Babalik na sana ako sa ginagawa ko ng
umakma siyang maduduwal. Binitawan ko na ang garter at inayos ko na lang ang
brief niya. Kinumotan ko na lang siya pagkatapos. Dali-dali akong bumaba at
nagpakulo ng tubig.
–0–
Ang ikalawang
pagkakataon ay naging mas malala. Huhubaran ko na sana siya ng biglang magsuka
sa t-shirt niya at sa kama. Naging maalisangsang ang amoy ng kwarto ko at sa
labas na lang ako natulog. Sa pangatlong pagkakataon, birthday party ko, ay di
na ako sumubok. Sa sala ko na rin lang siya pinatulog.
–0–
"Twelve-thirty"pagtingin
ko sa relo ko. Di pa rin ako makatulog. Linigon ko si Abad sa tabi ko at
humihilik na siya. Kabado pa rin ako. Ito ang unang beses na magkatabi kaming
natulog at di man lang siya nakainom ni isang bote ng beer. "Paano kaya
kung hipuan ko siya" tanong ko sa sarili ko. "Magising kaya
siya?" "At kung magigising man, suntukin kaya ako?" Ito ang nasa
isip ko ng bigla siyang tumagilid paharap sa akin at itinanday ang paa sa hita
ko. Sa posisyong iyon ay nailapat ang harap niya sa kaliwang kamay ko. Di na
ako makagalaw. Amoy ko na ang mabangong hininga niya sa pisngi ko. Iginalaw ko
ang kamay ko. Dumantay ito sa ari niya. Ang nipis ng shorts niya. Iginalaw ko
ulit ngunit ngayon ay idiniin ko na talaga. Di ko na kinuha ang kamay ko sa
posisyon na yun.
Unti-unti ay
naramdaman kong nabubuhay ang ari niya. Parang lumalaki. "Gising nga kaya
siya?" Kabado akong kinuha ang kamay ko at tumalikod sa kanya. Muntik na
akong mapasigaw ng maramdaman kong inilapat pala niya ang matigas na niyang ari
sa may puwet ko sabay bulong sa akin. "Gusto mo ba?" Seryoso siya.
Humarap ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Bumangon ako at naupo sa tabi niya.
Sinundan niya ako ng tingin. Walang sabi ay hinila ko ang short at brief niya.
Tumambad ang malaki at matigas niyang ari sa gitna ng malagong bulbol. Hinawaka.
n ko ito at tumingin sa kanya. Nakapikit siya. Binababa ko na sana ang ulo ko
ng makita kong ipinikit pa niyang lalo ang mga mata niya. Di ito tanda na
nagugustohan niya ang mga nangyayari.
Nabitawan ko ang ari
niya. Bumukas ang kanyang mga mata. Parang nagsasabing " Salamat at hindi
natuloy."
"Sorry."
sabi ko sabay tayo. Di ako makatingin sa kanya. Tumayo rin siya at hinabol ako.
"Kung gusto mo
talaga, okey lang" mahina niyang sabi. Napigilan ako. Ano ito?
"Bakit?"
tanong ko. Di ako makagalaw sa isinagot niya. Halos pabulong niyang sinabi -
""Kasi mahal kita."
–0–
Nakaramdam ako ng
galit at pagkainis. Natawa na rin. Imposible ang mga sinasabi niya, "Di
pwedeng magmahal ang isang lalaki sa isang bakla. Sex lang ang habol nito.
Pagpaparaos. O baka higit pa. Pera ko siguro." sabi ko sa sarili ko.
"Sinong ginagago niya?" Pero di na rin nawala sa isip ko ang isang
tanong. "Paano nga kung totoo?"
–0–
"Bat di ka na
pumupunta ng bahay?" Kararating ko lang ng bahay at papasok na ng gate ng
datnan niya ako. Alam niya kasi kung anong oras akong lalabas ng office.
"Busy
ako."sagot ko lang.
Tumingin siya sa
akin. Parang nalungkot siya sa naging sagot ko. "Dahil ba sa sinabi ko sa
iyo last week?"tanong niya. Di ako sumagot. Wala akong maisagot.
"Bat di mo kasi
subukang tanggapin na..." Pinutol ko ang sinasabi niya.
"...na ano? Na
mahal mo ako? Nagpapatawa ka ba?" sigaw ko. "Alam ko na ang linyang
iyan, Bad. Sa simula lang yan. Tapos ano, lalabas ang tunay mong anyo. Pwes
para malaman mo, hindi ako ganun kadali. Sorry."
Para siyang di
makapaniwala sa mga sinabi ko. Kumunot ang kanyang noo at halatang nalungkot.
"Kung yan rin
lang naman ang tingin mo sa akin..." Di na niya tinuloy at kusa nang
umalis. Halatang hindi tanggap ang nagyayari.
–0–
Kabado akong tinahak
ang daan papuntang ER. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Abad
simula noong eksena sa gate. Isang linggo pa lang pero feeling ko ay isang
buwan na.
–0–
"Ang sabi ko
paano mo nalaman na Nathaniel ang pangalan ko." tanong niya ulit.
Nakangiti.
"A...e."
walang lumabas na sagot sa bibig ko.
"Sa
operator?" tanong niya?
"Ah.. oo."
mabilis kong sagot. "Nathaniel daw pangalan mo e."
"Ahh ganun ba?
Abad na lang." sabi niya. "Di ako sanay sa Nathaniel e."
–0–
Ibinalik ko ang
pictures sa cabinet at isinara na ito. Napansin ko ang luha na dumaloy sa aking
pisngi. "Ano ba itong nangyayari sakin?"
–0–
Nakahanda na ang bag
na may mga damit . Palabas na rin ako ng kwarto ng matuon ang paningin ko sa
dalawang CDs sa sidetable ng kama ni Abad. Nilapitan ko ito at tinignan. Ang
isa ay may nakasulat na "Personal Copy" at ang isa ay may "Dave
Allan Samonte". Para sa akin.
–0–
Lumiwanag ang silid
dahil sa ilaw na naggaling sa TV pagkatapos kong isalang ang CD.. Sandali din
akong naghintay ng biglang mag-blue ang screen at lumitaw ang "Ang Docu ni
Abad". Natawa ako. Ang baduy. At ang lettering ay halatang gawa ng
amateur. "Ang buhay ng tao ay parang libro. Ang mismong tao lamang ang
nakakaalam kung ano ang kanyang isusulat sa bawat pahina nito." May
narration pa. Nag-iba ang eksena at makikita ang picture ng kasal ng parents
niya. "Dito sa mga taong ito nagsimula ang buhay ko" sabi sa video.
Ipinakita rin ang
pictures ng mga magulang niya noong bata pa ang mga ito. "Heto ako noong
two years old ako." sabi niya na may sabay na kaunting halakhak. Makikita
ang picture na isang gwapitong Nathaniel. "Ito ako noong ga-graduate na sa
kindergarten." Makikita siyang pormang-porma sa entablado at bitbit ang
munting diploma. Di ko napapansing tumatawa at ngumingiti pala akong mag-isa.
"Eto ako noong
Prom sa High school," patuloy niya. Natawa ulit ako.
"High School
agad?
"First
girlfriend ko ang kasama ko."
Tiningnan kong mabuti
ang picture ng una niyang naging syota. Maganda.
"Angelie
Torralba." sabi niya.
Halata ang pag-cut ng
eksena. Nakakatawa talaga.
"Ngunit sadyang
may mga bagay na ang libro mismo ang nagsusulat. Mga bagay na naghahatid ng
lungkot at ligaya. Lungkot tulad nito..."
Makikita sa video ang
burol ng parents niya.
"At saya tulad
nito."
Picture ng sanggol na
si Sally ang makikita.
"At
nito..." sumunod na makikita ang picture ng isang magandang babae. Naalala
ko ang pangalan at mukha nito. Apat na taon itong naging syota ni Abad sabi
niya noon.
"Si Joan Miranda.
Syota ko ng pagkatagal-tagal"
Makikita sa sumunod
na footage na nasa altar si Joan at naka-wedding gown. Ikinakasal sa isang
foreigner. Makikita din si Abad na nakaupo sa hanay ng mga groom's men.
Nakangiti ito. Kumakaway sa camera. "Napakasayang araw para sa isang
spesiyal na tao na naging bahagi ng buhay ko." patuloy niya.
"Si
Robert..." Nag-shift ang video sa bestfriend niya. May dala itong isang
boteng beer. "...bestfriend ko. Matindi sa chicks at sa inuman."
Natawa pa siya.
"Si
Sally..." Makikita ang isang 3-year old na si Sally na naka-bathing
suit"...ang mahal na mahal kong munting binibini."
Natawa ako ngunit
hindi ko naihanda ang sarili ko sa sumunod na nakita ko. "Si Dave Allan
Samonte. Napakabuting tao." makikita ang larawan namin sa water park. yung
picture na kami lang dalawa. Di ako makapaniwala na kasali ako.
Nag-shift ang video
sa nasira kong roller blades.
"Dito kami
nagkakilala." Napatawa siyang sinabi ito. "Nakakahiya talaga.
Hahaha." maririnig ang tawa niya. Ang tawa na napansin kong namiss ko na
pala.
Pagkatapos ay
in-insert ang footage sa water park. Kaming dalawa na naghahabolan sa pool. Di
ko alam na kinunan pala iyon ni Sally. "si Dave... Ang taong sa maikling
panahon ay natutunan kong mahalin ng lubos"
Nanlambot ako sa
narinig. Naramdamang tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan.
"Dito..." Bumaling na naman sa picture naming dalawa noong Birthday
party ko. Lumabas sa screen ang picture naming dalawa. Ako ay posing na posing
habang siya ay nakangisi at linilagyan ng sungay ang likod ng ulo ko.
"Dito....Dito sa
taong ito magwawakas ang buhay ko." Di ko na mapigilan ang luha na dumaloy
sa mukha ko. Natawa ulit ako pero lumuluhang parang bata. Nag-ring ang
telepono. Naalimpungatan ako. Pilit kong itinayo ang sarili ko upang kunin ang
receiver.
"Hello?"
nakuha kong sabihin.
"Kuya
Dave..." si Sally. Halos di ko maintindihan ang sinasabi niya.
Humahagolhol kasi. Kinabahan ako ng tudo.
"Wala na si Kuya
Abad."
Di ko mapigilang
bumagsak sa sahig.
WAKAS
Source: bioutloud.net
No comments:
Post a Comment