Wednesday, January 2, 2013

Regrets (11)

by: Jeffrey Paloma

Bahay-Bahayan, Tagu-Taguan

”Bakit mo sa akin binibigay ang kwistas mo? Di ba matagal mo na hindi sinusuot to? Akala ko nawala na.” sabi ko habang sinusuri ito. May lace itong stainless at medyo may kalumaan ang telang kumukubli sa isang maliit na bagay. Alam kong mahalaga ito para sa kanya dahil ilang beses kong nakita na ang bagay na ito at lubhang pinakaiingatan niya ito mula pa noong maliit kami.

”Anting-anting ko yan di ba? Hindi ko na sinusuot kasi baka masira sa pawis ko tuwing naglalaro ako ng basketball sa school.” sabay tawa niya. Akala ko'y binibiro niya ako't di ko gusto iyon kaya't umamba akong ihahagis ang bigay niya sa ilog. Nanlaki ang mga mata niya sa aking ginawa. Pinigil niya ako’t hinawakan ang kamay kong nakaamba.


”Wala akong panahong makipaglokohan ngayon, Mickey. Itatapon ko to."

"Seryoso naman ako ah. Anting-anting ko nga yan!"

"Lubay-lubayan mo na ko bumalik ka na lang doon sa mga bagong kaibigan mo.” sabay abot sa kanya ng kanyang kwintas ngunit ayaw niyang kunin sa akin ito.

”Umbilical cord ko nasa loob yan! Dapat laging tuyo yan!” sa seryoso niyang tono.

Tinago nila nanay para sa akin. Ikaw kasi ang nasa kabila niyan para sa akin. Gusto ko itago mo. Para kahit ano man ang mangyari alam mo na ikaw ang karugtong ng buhay ko at ikaw lang ang para sa akin.” pagpapatuloy niya.

”Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo? Eh ano si Madel sa iyo?”

”Kunwari lang iyon para na rin makita ko kung magseselos ka."

”Weh? Di nga? Nirereto pa nga kita di ba? Isa pa... Isa pa..." at nawala ako sa aking sasabihin sa hindi pagkapaniwala sa mga nangyayari.

A-aasa ba ako kung sa iyo lang din? I-isa pa, alam naman natin na hindi tama di ba?” nauutal na ako. Nalilito.

”Eh hindi naman kasi natin pinag-usapan ang bagay na yan eh. Hindi mo rin napansin ang mga pinakikita ko sa iyo.”

”Nagsasalita ka ba dati? Bakit ko naman bibigyan ng kahulugan ang mga pinakikita mo? Isa pa, magkaibigan tayo mula pa ng bata pa tayo kaya hindi ko mapapansin yung mga sinasabi mo.” ang pag-iwas ko na lang. Kinikilig ako pero pilit kong itinatanggi si Makoh.

”Pramis! Mukhang hindi naman tumatalab sa iyo itutuloy ko na rin sana. Isa pa, parang hindi ko alam kasi kung paano magiging tayo. Wala rin akong alam kung paano tayo maging tayo. Pero, sa totoo lang, mas matimbang ka sa kanya sa akin.”

”Gago ka. Huwag mo nga ako ikutin! Gusto mo si Madel. Lasing lang tayo. Makakalimutan din natin ito bukas. Sana lang bu...” at bigla niyang tinakpan ng kanyang daliri ang aking mga labi. Pareho kaming lasing ni Makoh. Marahil kaya rin ganito ang aking damdamin sa mga sandaling ito. Madaling magbago. Hindi ko alam. Pareho na kaming hibang kaya’t kahit kaunti’y nasasaktan ko ang aking sarili dahil umaasa na ako sa mga sinasabi niya.

”Mahal kita, Jarred. Siya hindi. Pinagseselos talaga kita. Parang wala lang sa iyo.” at parang pumalakpak ang tenga ko sa kanyang sinabi.

”Eh tanga ka pala talaga, Mickey. Sabi ko, bakit nga naman ako magseselos kung di ko nga naman alam na….” at muli niyang tinikom ang aking mga labi.

”I love you, Jarred. Pero mas masarap na nasasabi ko na sa iyo ang mga salitang iyon dahil hindi mo kasi makuha-kuha yung bagay na iyon kahit tinititigan pa kita maigi.” natigilan ako't inalala ang mga pagkakataong ginawa niya ang bagay na iyon sa akin.

”Ahhh… iyon ba yung ibig mo sabihin kapag tinititigan mo na lang ako bigla out of the blue?! Kala ko natatae ka lang kasi. Paano ba naman, habang nanonood ng TV o nagtatawanan tayo bigla ka na lang titig ng… ”

”Kinakausap kita ng mga mata ko. Tulad ng ganito.” ang sabat niya’t sabay hawak niya sa aking magkabilang balikat. Nakatitig ang kanyang mga namumungay at nangungusap na mga mata sa akin.

”Ah yan ba yun? Kaya lang di kita maaninag masyado ngayon kasi madilim, diba?” ang natatawa kong sabi sa kanya.

”Di ba, sinusulatan ko pa nga ang likod mo kapag matutulog na tayo?”

”Oh eh ano naman yung ibig mo sabihin doon?”

”Heart yung ginuguhit ko sa likod mo.” at natigilan na lang akong hinahagilap sa aking sarili kung ano ang aking dapat na sasabihin. Pilit kong nagpakakampante dahil sa baka maisip ni Makoh na pinatawad ko na siya agad.

”Ang keso mo pala! Dami natin pinagtitripan sa school na mga ganyan ikaw din pala." pauna ko.

"Akala ko kinakamot mo lang likod ko o nagsusulat ka lang ng kung ano sa likod ko. Hindi ko naman din kasi maramdaman ng maayos kung ano yung ginawa mo.” at tumawa akong muli. Natatawa rin si Makoh ngunit nanatili lang siyang nakangiti.

Naantig niya ang aking damdamin ng kanyang mga salita. Ang init sa pakiramdam. Ang saya ko. Ang haba ng hair ko pero pilit kong pinigilang ngumiti.

”Ganyan ka pala malasing. Bukas kaya ikaw pa rin ang kaharap ko? Baka magbago ka na bukas.” ang pabiro kong sinabi sa kanya na sinundan ko ng pagtawa ngunit parang lumabas lang ito sa kanyang kabilang tenga at nanatiling nakatitig sa akin. Natigilan ako. Nagdadalawang isip ako kung maniniwala akong seryoso siya sa mga sandaling iyon.

”Dahil sa iyo naging masaya ako. Dahil sa iyo nakalimutan ko ang mapait na sinapit ng tatay ko. Kahit walang tinig, ikaw lang ang nakaunawa sa akin at hinarap ko ang mundo sa tulong mo.” ang paliwanag niya. Lumakas ang hangin sa mga sandaling iyon at ang mga dahong tumatakip sa liwanag ng buwan ay tumabi para sa aming dalawa. Nakatitig sa aking mga mata si Makoh at ngayon niya lang ako tinitigan ng ganito.

”Natakot ako kanina.” an pagpapatuloy niya’t muling yumakap sa akin ng mahigpit. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

”Akala ko mawawala ka na. Ang tagal bago ka nagkamalay. Takot na takot ako na mawala ka sa akin.” at lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“Kasalanan ko ang lahat. Patawarin mo ko, Jarred.” tumulo ang luha niya habang nanginginig na ang kanyang pananalita.

”Oo na! Sige na! Okay na! Di bagay sa iyo umiiyak. Ang pangit mo kasi. Lasing ka pa.” nang kumawala ako sa kanyang mga bisig sabay abot ng aking isang kamay sa kanyang pisngi upang punasan ang kanyang luha. ”Pangit mo talaga pag-umiiyak ka nawawala mata mo. Ang laki na natin. Iyakin pa rin tayo.”

”Parang ako lang naman ang lumaki.” ang banat niyang biro sabay tawa.

”Ah ganon? Sana hindi ka na lang pala nagsasalita habang buhay ano?” ang sagot ko naman.

Maya-maya ay may narinig si Makoh na naglalakad papunta sa aming kinaroroonan. Mabilis kaming naghiwalay. Nilingon niya ito at pilit na sinuri kung sino ang dumating.

”Andiyan lang pala kayo. Tama nga si Madel. ang malakas at may kasabay na pagsinok na boses ni Errol.

Nanumbalik ang galit ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko habang inaaninag ang paparating na si Errol.

”Sinama mo ba yan dito?!” ang gigil at pabulong kong tanong kay Makoh. Umiling lang siya.

Nagsinguya ang mga grabang nanatatapakan niya na bumabasag sa nakabibinging katahimikan.

”Tara balik tayo sa bahay. Ubusin na natin yung toma at pulutan doon.” ang anyaya niya na parang wala lang ang mga nangyari kanina. Titig lang ang naging sagot namin sa kanya’t saglit na katahimikan ang nanaig sa amin.

”Jarred, sorry kanina ha? Biro lang iyon. At saka, okay naman sa akin kung ganyan ka. Sanay na rin naman ako sa mga tulad ninyo.” ang sabi niya sabay lapit sa akin habang nakaabot ang kanyang isang kamay na nakikipag kamay. Tinitigan ko lang ang palad niyang aninag ko lang sa liwanag ng na galing sa kalangitan.

”Parang sinabi mo akong hindi ako tao sa tabas ng pananalita mo.” ang napasinghal kong sagot sa kanya. Nakaabot pa rin ang kamay niya hanggang sa napansin niyang ayaw ko itong abutin.

”Tama na, Errol.” ang sabi ni Makoh sa kanya.

”Tara na. Balik na tayo doon.” ang yaya naman niya kay Makoh ngunit di ito sumagot sa kanya. Napansin ni Errol ang malamig na pagtanggap namin sa kanya kaya’t pilit siyang tumawa upang itago ang pagkapahiya. Napabuntong hininga si Errol.

”Jarred, sorry. Kung iniisip mo yung sa barkada ko, wala lang iyon sa kanila. Pumapatol nga sa mga bakla yung mga iyun eh.” ang sabi pa niya. Tila hindi talaga marunong humingi ng paumanhin ang balahurang ito na kanina ko lang nakakwentuhan. Crush ko siya pero nagbago ang lahat noon kanina.

”Alam mo? Hindi ko maintindihan kung humihingi ka ng tawad o lalo mo lang binababa ang pagkatao ko. Makitid ang utak ng mga kagaya mo.” sabay duro ko sa kanyang dibdib ng paulit-ulit kahit malki siyang tao. Alam kong nakakalalaki na ang ginawa ko’t kita na sa kanya ang pagkainis kahit pinipigilan lang niya.

”Hindi ako nakikipagkaibigan sa isang bobong katulad mo!” ang pagdidiin ko pa dahil nakita ko na tinamaan siya.

Wala kang karapatan na apak-apakan ako dahil hindi ako nabubuhay mula sa mga palad mo. Isa pa, sino ka ba sa buhay ko? Ano mapapala ko sa pagpapatawad ko sa nagawa niyo? Sino ka sa buhay ko? Sino?”

Nanatili akong nakatitig sa mga nanlilisik na mga mata ni Errol sa galit. Matapos ang ilang saglit ay nilapitan kami ni Makoh at pinaglayo.

”Mga tol. Kalimutan na lang natin ang lahat.” pauna ni Makoh.

”Nandoon pa ba ang barkada mo? Mukhang masarap silang kasama uminom.” ang sabi ni Makoh kay Errol. Tumango lang si Errol sa kanya at pilit pinakalma ang sarili.

"Nandoon pa sila. Tayo na lang hinihintay."

"Kayo na lang. Uuwi na lang ako." ang sabat ko.

"Jarred, naman. Sumama ka na. Hindi ka naman talaga uuwi eh." ang agad na sagot ni Makoh.

"Paano mo naman nasabi na hindi ako uuwi ng bahay?"

"Takot ka sa aso. Maraming aso sa kalye niyo. Baka nakakalimutan mo?"

"Eh di magpapaumaga na lang ako dito kapag gising na mga amo ng mga asong yun! Pinapapasok naman nila na mga yon ng umaga di ba?"

"Ayokong maiwan ka dito. Isa pa, lagi naman tayo nagkasama sa lahat ng bagay ngayon pa ba tayo hindi kung kelan..."

"Oo na! Sasama na ko!" ang napilitan kong sagot sa takot na baka may masabi pa siya. Inaasahan ko na madulas si Makoh kay Errol. Nag-iingat lang ako.

Nagpahuli ako sa paglalakad habang ang dalawa’y mabuti ang pag-uusap tungkol sa mga idolo nila sa larangan ng larong hilig nila. Maya’t-maya ay napag-usapan naman nilang dalawa ang tungkol kay Makoh, sa akin, at ang pagiging mabuti naming magkaibigan.

May kalayuan din kasi ang dalawa sa paglalakad at hindi alam na dinig ko pa rin ang kanilang pag-uusap. Hindi ko na lang maiwasang mapangiti tuwing nagsasabi ng maganda si Makoh ng tungkol sa akin at tila pinagmamalaki pa niya ako kay Errol.

Hawak ko ng mahigpit sa aking palad ang kuwintas na binigay ni Makoh. Nanginginig na ako sa mga sandaling iyon. Malamig na kasi ang hamog na bumabalot sa buong paligid. Hindi pa naman gaanong tuyo ang aking damit.

Ilang saglit lang ay naririnig ko na tumatanggi na si Makoh sa pagsama namin pabalik kina Errol. Sinusuyo na niya ito marahil naisip ni Makoh ang aking kalagayan at marahil para sa kanya ay tama na ang mga nangyari kanina.

Nang marating namin ang hati ng daan patungo kina Makoh at kina Errol ay tumigil si Makoh sa paglalakad. Lumingon siya sa akin saglit bago kausapin si Errol. Pinilit pa rin niyang makaliban kami sa pagsama pabalik sa kanila.

”Tol, sana yung mga tropa mo… Si Jarred kasi iniisip ko. Uwi na lang kami.”

”Mickey naman. Wala yun. Katuwaan lang naman. Pagsasabihan ko na lang pag dating doon.” sabay akbay nito kay Makoh.

Nang makarating kami kina Errol ay napadaan kaming muli sa kanilang sala. Nakita ko sa wall clock na ala-una pa lang pala. Habang naglalakad kami sa pool area patungo sa mga kabarkada ni Errol ay napansin ni Makoh na wala na roon si Madel.

”Wala na si Madel?”

”Natulog na. Lasing na lasing na eh.” sagot ni Errol.

Nanumbalik ang matinding hiya at galit sa akin nang makita ko sila. Tahimik ako nang makalapit kami sa mga tropa ni Errol. Pinagigitnaan ako ni Errol at Makoh nang umupo kami. Nakatingin lang ako sa sahig at pinakikinggan ang bawat nilang sasabihin. Inunahan na ni Errol na humingi sila ng tawad sa akin. Tumango lang ako bilang pakikisama pero wala na akong balak na kausapin pa sila.

Lumalim pa ang gabi, mas matindi na ang kalasingan ng lahat. Tawa nanaman ng tawa ang lahat habang sila'y nagbabangkaan maliban sa akin. Hindi ako makarelate. Sa gitna ng kanilang kwentuhan habang nagsasalita si Errol ay bigla niya akong inakbayan. Kumunot ang aking noo't tinitigan siya ng masama ngunit hindi niya ito nakita dahil abala siyang nakatitig sa kausap niya. Inalog ko ang aking mga balikat upang maalis ang braso niya ngunit agad niyang ibinalik ito.

Nagkatinginan kami ni Makoh. Tinuro ko ng nguso ko ang ginawa ni Errol. Sumimangot ako't umiling. Tumango lang siya't ngumiti sa akin. Umiling lang ako't napahawak sa aking noo. Ayaw ko kasi na inaakbayan ko mula pa noon. Si Makoh lang ang nakakaakbay sa akin mula pa noon. Isa ito sa mga kaartehan ko.

Maya-maya pa, bumigat na ang mga mata ko. Halos nakapikit na ako sa antok at kalasingan. Hindi ko na rin naiintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

"Inaantok ka na?" sabay uga sa akin ni Errol. May lambing ang tinig niya't naguluhan ako.

"Meme ka na?" tanong niya pa.

Napatingin ako kay Makoh. Nakapikit na siya habang nakasandal sa likod ng upuan.

"Uuwi na ko" sabat tayo ko sa upuan. Muntik akong mapaupong muli dahil biglang umikot ang aking paligid. Buti na lang nasalo ako ng kanina'y nakaakbay na bisig ni Errol. Napatingin sa aking ang lahat at natawa maliban kay Makoh na naalimpungatan sa pagbulalas ng kanilang halakhak.

"Mamaya na. Di pa tayo tapos mag-inom. Dito na lang kayo ni Mickey matulog kung di niyo na kaya lumakad." ang suyong malambing ni Errol. Naiinis nanaman ako sa ginagawa niya. Para akong tinutuya.

Tumayo na rin si Makoh sa kanyang upuan. Hinawakan niya ako sa aking kaliwang braso't inalalayang umalis sa aking upuan.

"Mamaya na lang kayo umuwi, tol." sabi ni Errol kay Makoh.

"Pasensiya na. Hahanapin kasi kami sa bahay. Aalis na si nanay mamaya para pumasok sa opisina. Magagalit iyon kapag di niya kami nadatnan." paliwanag niya. Kita sa mga namumula't namumungay na mata ni Errol ang panghihinayang. Sinundan niya kami ng tingin habang susuray-suray kami ni Makoh na naglakad palabas.

Nang makalayo kami ay nangaripas ng habol si Errol sa amin at sinabing; "Hahatid ko na kayo." ngunit hindi na kami tumigil pa.

Nang magwalay ang landas namin at nakalayo na kay Errol ay inakbayan akong muli ni Makoh ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na tulad ng dati dahil may kasama na itong malambing na pagpisil-pisil. Makalipas ng ilang hakbang ay pinasandal na niya ako sa kanyang balikat. Unti-unting bumagal ang aming paglalakad. Pareho naming inaalalayan ang bawat isa.

”Doon na tayo sa bahay matutulog ha?” ang sabi niya. Tumango ako.

”Maligo muna tayo ha? Baka tayo magkasakit.” at tumango lang akong muli sa kanya. Ibinalot ko sa kanyang likuran ang aking kaliwang braso at mahigpit na idiniin siya sa akin. Hinalikan niya ang aking ulo matapos kong gawin ito.

"Naiinis ako kay Errol kanina."

"Bakit naman? Hindi ka naman na pinag-usapan kanina. Ang saya kaya ng topic." hindi na lang ako sumagot at saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

”Nga pala, hindi ko napansin na dala mo iyong anting-anting mo kanina.” ang sabi ko.

”Nasa loob ng brief ko yan kanina. Doon ko yan nilalagay minsan. Di ba may kasamang bulsa yung ibang brief ko?” at tumawa siya.

”Oo nga no? Buti hindi nabasa sa pool. Ikaw ba yung nagligas sa akin sa pool kanina?” at tumango siya bago nagsalita.

”Naihagis ko yan sa gilid ng pool bago ako tumalon kanina. Muntik ko na nga mawala eh. Buti na lang nakita nung isa sa kabarkada ni Errol kung saan ko naihagis. Nataranta ko sobra nung mahulog ka sa pool.”

Natawa ako ng mahinhin sa sinabi niya habang ipinipinta sa aking isipan ang kinukuwento niya.

Napakapayapa ng gabing iyon para sa akin. Parang ayaw ko na matapos ang sandaling iyon kahit alam kong marami pang pagkakataon na magkakasama pa rin kaming muli. Kuntento na ako.

Nang marating namin ang gate ng bahay ni Makoh ay saglit niya akong iniwan upang marahang buksan ang kanilang gate. Nang mabuksan niya ito ay agad siyang lumingon muli sa akin at nag-bow habang nakalahad ang kanyang palad sa bukana ng gate.

”Lasing ka na nga.” at nauna akong naglakad papasok sa kanila. Walang ilaw sa buong tahanan at lubhang madilim.

Marahan kaming tumuloy sa bahay upang di magising ang kanyang inang natutulog na sa kabilang kwarto. Hindi kasi nito gawain na magsara ng kanyang pintuan dahil sa nanaginip daw siya ng hindi maganda. Marahil iyon na rin ang naging epekto sa kanya nang pasukin ang bahay nila at napatay ang kanyang mister.

Nang matunton namin ang bukana ng pintuan ng silid ni Makoh at bigla niya akong kiniliti sa magkabila kong tagiliran. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig sa pagkabigla sabay ng muntik kong mapakawalan ang isang malakas na sigaw. Dinig ko na lang ang mabilis na paghinga ni Makoh dala ng kanyang di mapigilang pagtawa.

Ilang hakbang lang ay bumangga sa dulo ng aking kanang paa ang gilid ng kama ni Makoh. Nang bumunggo naman si Makoh sa aking likuran ay agad niyang itinaas ang aking suot na damit. Hindi na ako naka-react sa bilis ng kanyang ginawa.

Habang hawak pa niya ang aking pang-itaas ay kinapa niya ang pader ng kanyang silid upang buksan ang ilaw. Isang iglap lang ay nagliwanag ang dilaw na bumbilya sa loob ng kanyang silid. Nakita ko si Makoh na naniningkit ang mga mata’t nakadikit pa ang hintuturo sa kanyang mga labi na nagsasabing ako’y manahimik.

Tinuro niya ang aking salawal at umiling lang ako. Alam kong gusto niyang ipahubad na ito sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit nahihiya na akong gawin ito sa harapan niya ngayon. Inabot niya ang tuwalyang nakasampay sa likod ng pintuan at ibinalot sa aking ibaba. Nang kunin ko mula ito sa kanya ay bigla niya akong hinalikan sa aking pisngi.

”Inom pa tayo ha? Masarap pala ang beer. Nabitin ako kanina eh. May ” ang mahingang bulong niya sa akin.

Nakiliti ang aking tenga sa init ng kanyang hininga. Mabilis kong tinakpan ang bahaging iyon habang bumubulong siya.

”May pera pa ako. Bibili lang ako saglit kila mang Castro ha?” ang bulong niya kahit nakatakip ang aking kamay sa aking tenga.

Kinuha ni Makoh ang kanyang wallet sa loob ng cabinet at tumungo palabas ng pintuan. Nang marating niya iyon ay agad siyang tumigil at lumapit muli sa akin upang bumulong. Binigay ko sa kanya ang kanyang kwintas na siya namang sinabit niya sa knob ng pintuan.

”Pasensiya na. Hindi pa pala ako naglalaba ng damit. Wala kang magagamit na brief bukas.”

Tumango ako nang ilayo niya sa akin ang kanyang mukha at ngumiti nang magsalubong ang aming mga mata. Muli niyang nilapit ang kanyang labi sa aking tenga.

”Sabagay, hindi mo naman kailangan noon mamaya.” ang pahabol niya’t impit na tumawa na lumabas ng silid.

Hindi ko inaasahan kay Makoh na ganoon siya makipag-usap sa akin. Doon ko lang nalaman na hindi ko pala gaano kakilala ang aking matalik na kaibigan. Hindi ko lubos na nabasa ang takbo ng kanyang isipan. Hindi ko na siya kilala pero natutuwa ako sa inaasal niya sa akin.

Sinara ko ang pintuan ng silid matapos ang ilang saglit nang umalis si Makoh. Naramdaman ko na ang pagbigat ng aking ulo sa mga sandaling iyon at di ko na rin napansin na inalis ko na lang ang aking pang-ibabang saplot. Ang tuwalya ni Makoh ay sinampay ko na lang sa aking balikat.

Umupo ako sa ibabaw ng kama at sumandal sa dingding. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Unti-unting bumigat ang aking mga mata at nang halos makatulog na ako’y maingat na bumukas ang pintuan ng silid ni Makoh. Dumungaw siya na nakangisi bago tuluyang pumasok sa loob.

”Tinulugan mo na ba ako?” ang sabi niya sabay ng pagsara ng pintuan. Namulat kong muli ang aking mga mata sa tinig niya’t napatingin sa kanyang dako. May dala siyang isang malaking bote ng inumin. Nangiti ako.

”Paano na lang ang sasabihin ni tita niyan? Naglalasing na tayo ngayon?”

”Hindi yan.” ang sabi niya habang inilalabas ang bote sa supot. Nang ipatong niya ito sa sahig ay kinuha niya sa kanyang likuran ang pambukas dito.

”Nakakahiya kay tita. Baka makaabot to kila mama.” ang sabi ko habang inaalis niya ang kanyang shirt.

”Tayo lang naman ang nag-iinom ah. Nagulat nga si mang Christian kanina nung bumili ako sa tindahan niya eh.” binuksan niya ang bote at tinungga.

”Dito na tayo uminom ha?” sabi niya matapos lumaklak. Tumango lang ako’t ngumiti.

”Ano naman sabi ni mang Christian?”

”Tinanong niya ako kung para kanino yung binibili ko.”

”Ano sabi mo?”

”Secret.” sabay ngiti niya’t kinuskos ang aking bunbunan.

Lumapit sa aking tabi si Makoh at inabot ang bote sa akin. Inalalayan niya akong tumungga sa bote ngunit hindi ko nakayang lumagok ng sindami ng kaya niya. Pinunasan ang aking labi nang matapos kong uminom. Ihinarap niya ako sa kanya’t biglang siniil ng halik.

Ilang saglit kaming naghalikan ni Makoh. Nakapikit lang kaming pareho habang nilalasap ang dala nito sa aming damdamin. Habang nasa ganoon kaming lagay ay hinubad ni Makoh ang kanyang pambaba gamit ang isa niyang kamay. Pilit niyang hindi inalis ang kanyang labi sa akin.

Nang ihagis niya sa sahig ang kanyang salawal ay tinapos ko ang aming halikan. Inagaw ko sa kanya ang bote. Hindi niya maipatong ang bote sa kama gawa ng baka ito’y tumumba at matapon. Ibinaba na lang niya ito sa sahig at pagkatapos ay niyakap akong saglit ng mahigpit.

”Ano ba ginagawa natin? Laro pa ba ‘to?” ang natatawa kong nasambit.

”Oo naman. Maglalaro tayo ngayon. Sa unang pagkakataon, bahay-bahayan naman.” at muli siyang tumungga sa bote.

”Eh… Sino ang nanay?” ang pakipot kong tanong sa kanya. Kinikilig na ako sa mga sandaling iyon.

”Tinatanong pa ba yan?” sabay hawak niya sa aking kamay at mabilis niya itong ipinatong sa nanghuhumindik niyang ari. Tumawa ako ng mahinhin nang mahawakan ko ng buong-buo ang kanyang nagpupumiglas pang sandata. Mabilis kong inalis ang kamay ko mula rito ngunit agad niya rin itong ibinalik. Nanatili ang kamay niyang nakakapit sa aking braso upang pigilan akong umiwas.

"Tigasin ka talaga no? Lagi kang galit."

"Ganoon talaga kapag kasama kita."

Hinalikan niya ako ng mariin at mapusok. Nanggigigil ang mga ngipin niyang kinagatkagat ang aking labi. Nagsimula na akong makaramdam ng mas umiigting na init bukod sa nararamdaman ko na kanina pa na dala ng alak.

Nang mawalay ang aming mga labi ay itinulak niya ng marahan ang aking batok pababa sa kanyang balakang. Pinigilan ko siya.

”Wag!”

”Akala ko ba maliit lang yan?” habang may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

”Ano ba gagawin ko?”

”Wag na nga lang.” sabay alis niya ng kanyang kamay sa aking batok at kita sa kanya ang pagtatampo.

Hindi na ako nagdalawang isip. Binibiro ko lang si Makoh sa ipinakita kong iyon. Agad kong sinunggaban ito at buong loob na isinubo ang kanya. Napakainit sa bibig. Sinipsip ko ito sa tindi ng aking makakaya. Napakadyot siya ng kaunti nang sumagad sa aking ngalangala ang ulo ng kanyang pututoy. Nanginig ang buong kalamnan niya habang nakadiin ito sa aking lalamunan bago biglang umatras ang kanyang likod para ilabas ito sa bibig ko.

Tumunog ang aking bibig ng malakas nang magwalay ang ulo ng kanya at aking mga labi. Nahiya akong tumawa habang nakatingin sa kanya.

Mabilis natapos si Makoh. Nang ako naman ang isusubo niya sana matapos niyang magpahinga’y nakatulog na ako.

Kinabukasan, nagising na lang ako na wala si Makoh sa aking tabi. Matapang na amoy ng pinaghalong pawis at beer ang nanunuot sa aking ilong. Hirap na hirap kong imilulat ang aking mga mata habang ako’y nananatili pa rin na nakadapa. Nananakit ang buong katawan ko. Sadyang mabigat at masakit ang ulo’t pangangatawan ko sa mga sandaling iyon.

Lumabas ako ng silid at hinanap si Makoh ngunit wala siya sa bahay. Ako lang mag-isa doon dahil sa alas siyete pa lamang ay umaalis na ang ina niya upang pumasok sa trabaho.

Ilang minuto ko siyang hinintay sa sala nang akalain kong baka bumili lang siya ng makakain dahil sa tanghali na ng mga oras na iyon. Lumipas ang isang oras ay wala pa rin siya.

Bumalik ako sa kanyang silid at kinuha ang kanyang tuwalya. Doon ko napansin na medyo basa ito at naroon pa rin ang dumikit na amo’y ng sabon na ginamit ni Makoh.

”San kaya nagpunta yun?Di man lang ako ginising.” ang sabi ko sa aking sarili at nagtungo sa palikuran upang maligo ng mabilisan.

Pagkatapos ay sinuot ko ang kung anong damit ni Makoh ang hindi gaanong malaki sa akin. Nang makapagbihis ay muli ko siyang hinintay sa sala. Nakatunganga habang nakaupo sa kanlang sofa. Nakaramdam na ako ng pangamba. Kinukutuban akong baka nga tama ang aking inakala. Marahil nagbago na siya. Marahil dala lang ng alak ang lahat. Marahil di ko na sana pinatulan ang kabaliwang ipinakita niya.

Lumangitngit ng malakas ang gate nila Makoh bandang hapon na. Nakita ko siyang basa ng pawis at mamulamula pa ang balat. Papasok na siya ng gate at abot tenga ang ngiti.

Nainis ako sa kanya nang makita ko siya mula sa bintana. Nanatili lang ako sa upuan nang makapasok siya.

Gulat na gulat siyang inabutan ako na malayo ang tingin at salubong ang aking mga kilay.

”Wow! Bakit nakasambakol mukha mo?” ngunit di ako sumagot sa kanya.

”Nagbasketball kami nila Errol.” sabay alis niya ng kanyang suot na sando at tumabi sa akin.

”Nga pala, ginulat ko si nanay kanina. Tuwang-tuwa siya na nagsasalita na ako. Sabi ko sa kanya dahil sa iyo pero di ko na kinuwento na muntik ka kasi malunod.” ang kwento niya matapos tumabi sa akin. Kinakabig pa niya ako nang ako’y kanyang akbayan ngunit di ko pa rin siya kinikibo.

”Huy! Ano problema? Bakit… Nagtatampo ka ba?” ang pangungulit niya. Hindi pa rin ako sumagot.

”Jarred! Ano ba? Ano problema bakit ka nagkaganyan?” ang masigla pa rin niyang pakikipag-usap pero pansin na sa kanya na nababahala na siya sa aking ipinapakita.

Mula sa kanyang likod na hindi ko napansin ay itinapat niya sa aking mukha ang ilang kumpol ng hilaw na manga. Alam niyang paborito naming meryenda ang bungang iyon.

”Kinuha kita ng manga sa Batibot kanina bago umuwi. Baka kasi naglilihi ka na.” ang biro niya. Napangiti na ako sa ginawa niya’t kinuha ang pasalubong.

”Iniwanan mo ko. Di mo naman ginagawa yun dati ah.” ang maktol ko.

”Sorry. Pag-alis ni nanay kanina dumaan si Errol nagyayaya. Sarap ng tulog mo kaya di na kita ginising. Naka-dalawang laro nga kami kanina. Doon na rin ako nagtanghalian pagkatapos ko maligo dito kasi naglaro pa kami ulit.” ang masiglang kwento niya. Di na lang ako sumagot.

Muling bumalik ang lungkot sa aking mukha. Hindi ko alam kung nagseselos na ako o nagtatampo lang. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung bakit ganito na lang ang aking nararamdaman.

”Akin na. Ipagbabalat kita. May bagoong pa kami sa ref na maanghang.” sabay kuha niya ng manga’t nagmamadaling tumungo ng kusina na isang metro lang ang layo mula sa sala. Habang naghihiwa siya’y pasulyap-sulyap ako sa kanya. Pinagmamasdan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha habang abala siya sa pagbabalat. Nangungulila akong lalo kay Makoh.

Nang tumingin siya sa akin ay nagkasalubong ang aming mga mata. Ngumiti ng matamis si Makoh.

”Bakit ganyan ka tumitig? Madungis na ba ko, Jarred?”

”Asar ako sa iyo. Di ako madadala ng manga mo.”

”Asar?! Bakit?!”

”Wala!!!” ang malakas kong sagot sa kanya. Tumawa ng malakas si Makoh.

Nang matapos siya sa kanyang ginagawa’y agad na tumabi sa akin habang dala ang isang magkok ng binalatan at hiniwa niyang prutas at isang platitong bagoong na may sili.

”Sorry na.” ang sabi niya at nagsawsaw ng isang hiwa sa bagoong at isinubo sa akin. Hindi ako sumagot. Ngumuya lang ako ng nakasambakol pa rin ang aking mukha.

”Bakit napaka-sungit mo ngayon? Ngayon lang kita nakita ng ganyan.”

”Ikaw kasi. Ikaw kasi. Ikaw kasi.” ang paulit-ulit kong sinabi habang ngumunguya ng kaunting manga na natira pa rin sa aking bibig.

”Ano nga ginawa ko?” ang pamamakaawa niya sabay kain ng manga.

”Iniiwanan mo na ko ngayon. Nagbarkada ka lang.” ang maktol ko.

”Sorry na. Maiba ako, yung kwintas?” ang tanong niya.

”Nasa kwarto mo nakasabit sa likod ng pinto. Ikaw kaya ang nagsabit noon doon. Ulia… “ di ko natapos ang aking sasabihin nang isaksak niya ang hiwang manga sa aking bibig.

”Ako nga pala nagsabit noon dun kanina.” hirap na hirap kong nilunok ang mabilisan kong nginuyang prutas upang agad na makapagsalita.

”Wag mo na ko subuan! Bubuluban mo ko eh!” at tumawa lang siya.

Hinila niya ako pasandal sa kanya. Isiniksik niya ang kanyang binti sa likod ng upuan upang ibalot sa aking baywang ang kanyang binti. Ang init ng singit ni Makoh. Bukod dito ay naramdaman ko sa aking likuran ang galit na kanya. Napaigtad ako't nagmadaling tumayo sa pagkabigla nang ikayod niya ito sa akin.

"Hala ka! Bakit ganyan?!" habang namimilog ang aking mga matang nakatitig sa balakang niya. Napahawak si Makoh sa kanyang tiyan at tumawa ng tumawa. Namula ako ng sobra sa ginawa niya.

"Mukhang kailangan mo siguro uminom para masanay ano?" ang sabi niya.

"Sira ka, Mickey! Ano nanaman nasa isipan mo bakit ganyan yan?!" sabay turo.

"Wala. Wala naman. Masaya lang ako kaya siguro ganyan siya." sabay himas niya dito ng ilang ulit bago kumambyo sa loob ng kanyang shorts.

"Next time, try naman natin sa likod mo" ang pilyo niyang alok sa aking. Umiling ako na parang walang bukas.

"Ayoko. Ayoko. Ayoko. Itaga mo yan sa bato!!!"

"Oh! Ate Narda eto ang bato! Darna!!" ang banat niya sabay hagis sa akin ng isang hiwa ng manga.

"Sira ulo!"

"Pero mahal mo ko?"

Kunwari akong nag-isip saglit. Nakangiti lang siyang naghintay ng aking sasabihin.

"Medyo?"

"Medyo pala ha! Gusto mo matikman ang bangis ng talim ng kuko ni Oznai?!" ang sabi niya sabay lapit sa akin. Niyapos niya ako ng mahigpit at tumumba pabalik sa kahot na sofa. Nauntog kaming pareho at nagtawanan na lang. Natapos ang lahat sa matamis na halikan.

Ganyan ang naging harutan namin ni Makoh sa paglipas ng panahon. May pagkakataon na hindi ko na siya nakakasama at kung sasama naman ako ay parang wala rin ako sa paligid niya.

Hindi pormal sa aming dalawa na kami na pero mula sa pagiging magkaibigan ay umusbong na ito sa isang lebel na kaming dalawa lang ang nakakaunawa. Kaya lang, dahil dito, naging maingat kami sa aming mga galaw sa harap ng ibang tao. Hindi namin kasi malaman kung dapat pa o hindi dapat makita ng iba ang ginagawa namin. Mahirap pala ang ganito pero masaya. Exciting.

Dumating ang pasukan. Highschool na kami at kami ni Makoh ay naging magkamag-aral pa rin dahil sa naging varsity siya sa school. Tulad namin, naroon din nag-aral si Madel dahil doon nag-aaral ang kuya niya.

Tungkol kay Madel, parang wala lang ang lahat matapos ang inuman na iyon ngunit tila ilang siya kay Makoh at ganoon din si Makoh sa kanya. Di ko na ito pinansin dahil wala lang naman iyon. Nagawa kong kalimutan rin na isa si Madel sa nanuya sa akin nang humingi siya ng tawad sa akin. Sa katunayan, siya ang kasama at kausap ko tuwing magkakasama sila Makoh at ang barkada ni Errol. Sabay kami nag-aaral o nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay na may katuturan.

Si Errol, presko pa rin tulad ng dati pero hindi ko na siya tipo matapos ang gabing iyon nang mapukaw ni Makoh ang aking puso. Okay lang siya sa akin at nakikisama lang ako sa kanya para kay Makoh. Hindi kami naging close dahil sa hindi ko naman hilig ang mga hilig nila. Dahil diyan pag nagkakayayaan sila ay nasa isang sulok lang ako't tahimik na pinanonood sila kung wala si Madel. Madalas nasa court lang o nakina Errol nakatambay. Ganoon lang at napakaboring talaga ng usapan nila lagi. Pero sa kabila ng lahat ng pinakikita niya ay may minsanan siyang kakaibang kilos lalo na kung kami lang dalawa ang naiiwan.

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


jeffyskindofstory.blogspot.com

1 comment: