by: Lui
Mahigpit na hawak ni Darrel sa braso
sina Symon at Agapito. Pilit namang kumakalas si Symon mula sa pagkakahawak ni
Darrel, una, dahil nasasaktan siya at, pangalawa, dahil naiinis siya dito dahil
sa nangyari nung birthday niya.
'What the hell is your problem??', ang
inis na tanong ni Darrel.
'It's none of your business!', ang
halos hangin lang na sabi ni Symon.
Dumating na sila sa Discipline's
Office at doon kinausap sila ng head. Nagpasalamat ito kay Darrel dahil sa
ginawa nitong pag-awat sa dalawa. Matapos ang isang oras ay pinalabas na sila
kasama ang hatol dahil sa nangyari. Nasa labas ng office naghihintay sina
Jeric, Coleen, Lexie, Shane at Darrel. Nang lumabas ang dalawa, ang apat ay
dumiretso agad kay Symon habang si Darrel naman kay Agapito.
'3 days suspension.', ang magkahiwalay
na sabi nina Symon at Agapito.
***
'Ikaw naman kasi. Bakit pinatulan mo
pa 'yun?', ang sabi ni Lexie habang nililinis ang sugat ni Symon sa mukha.
'Hindi ko naman sinasadya na
magkabanggaan kami.', ang sagot ni Symon.
'I know. But why do you have to mock
his name? Ano bang problema mo sa pangalan niya?', ang nag-aalalang tanong ni
Lexie.
Umaray muna si Symon nang matamaan ni
Lexie ang sugat sa kanyang labi bago nakasagot.
'Wala akong problema sa pangalan niya.
Nung una, oo natawa ako. Pero grabe kasi siya nag-react noon kaya parang natuwa
akong asarin siya.', ang pagsasabi ni Symon ng totoo.
'And look at what it caused you.
You're suspended for 3 days!!', ang inis na sabi ni Lexie.
'O, e bakit ka naiinis?', ang tanong
ni Symon.
'Ang babaw kasi!', ang iritang sagot
ni Lexie.
'Don't worry, I'll make those 3 days
productive. I'll work on our musical.', ang sabi ni Symon.
'Yeah, about that. You'll be Erwin's
understudy.', ang nag-aalangang sabi ni Lexie habang nilalagyan ng band aid ang
sugat ni Symon sa may kilay.
'Understudy? As in un-der-stu-dy???
Why me??', ang gulat na tanong ni Symon.
'Oo. You have the three days to learn
the lines and the songs.', ang nakangising sabi ni Lexie bago umalis at itapon
ang mga ginamit.
'What.... Come on! Bakit ako??', ang
protesta ni Symon.
'Uh! Bawal humindi! Lagot ka sa
akin.', ang sabi ni Lexie.
***
Katakot-takot na sermon ang inabot ni
Symon nang makita ni Grace ang mukha niya. Halos hindi ito tumigil sa kakatalak
habang nasa sasakyan. Lalo itong nagalit nang malamang suspended ang anak ng
tatlong araw.
'Three days! O, my God!! What's
happening to you?? Hindi ako nagkaroon ng ganitong problema sa'yo nung nasa
high school ka! Kung kelan ka nag-college saka ka nagloko!', ang sabi ni Grace.
'Mom, please stop!! You're making me
bleed out!!', ang sabi ni Symon habang tinuturo ang mga sugat sa mukha.
'Symon! Those should be healed before
the week ends, I'm telling you. May bisita tayo and I don't want to do any
explanations dyan sa mukha mo! Understood?', ang mala-sundalong sabi ni Grace.
'Okay. I'm going to see a
dermatologist!', ang sigaw ni Symon.
Pinalo siya nang ina sa braso dahil sa
sobrang inis nito sa kanya.
'OW!!!', ang daing ni Symon.
Pagkarating nila sa bahay ay hindi
siya kinausap ng ina. Nagtawanan naman sina Hanna at Maxine nang makita ng mga
ito ang mukha ng kapatid. Sabay-sabay sila kumain ng dinner at doon itinuloy ni
Grace ang pagse-sermon sa anak.
'Okay, okay. Get over it, Mom!', ang
sabi ni Symon.
'I can't!! Alright? Which brings me to
an important news.', ang sabi ni Grace.
All ears naman ang dalawang babaeng
anak habang si Symon ay tumuloy pa rin sa pagkain.
'This Saturday, my big boss is going
to have dinner with us. He wants to meet my family.', ang sabi ni Grace.
'Why?', ang tanong ni Hanna.
'Okay. It's like a background check.
To see how well my family is. How GOOD my children are.', ang sabi ni Grace.
'Okay, Mom. What's it for?', ang
tanong muli ni Hanna.
'I'm
getting promoted to CFO next month.', ang masayang sabi ni Grace.
'CFO? As in Chief Finance Officer?',
ang tanong ni Maxine.
'Exactly, baby.', ang sabi ni Grace.
'Why do they have to see your personal
life? Diba dapat hiwalay yun sa work mo?', ang tanong ni Hanna.
Nakikinig lang si Symon sa pag-uusap
nang mag-iina. Wala siya sa mood na sumali dito. Sa kabusugan niya ay gusto na
lang niyang umakyat at humilata.
'Yeah. But it's a culture in the
company. And besides, mas maraming trabaho ang kailangan pag na-promote ako.
Siguro gusto lang nila makita na independent na ang mga anak ko. Alam nyo na,
wala si Daddy dito.', ang sabi ni Grace.
Wala nang sumagot sa kanila dahil
mukhang may reason naman ang ina.
'Okay, so be at your best on Saturday!
Maaasahan ba ni Mommy yun?', ang sabi ni Grace.
'Yes!', ang sagot ni Maxine.
'Sure.', ang sagot ni Hanna.
'Symon?', ang baling ni Grace sa anak
na lalaki.
'What? Oh, alright.', ang lutang na
sagot ni Symon.
Umakyat na agad si Symon matapos
kumain at binasa ang script para sa kanilang Dress-Up musical. Binasa niya ang
mga lines ni Emily na posible niyang ganapan. Mas maganda nang handa kesa na
mapahiya siya magkataon na wala si Erwin.
'Emily: I thought I won't fall in love
yet it has found a way to keep up with me. Wow! Ang cheesy naman nito.', ang
sabi ni Symon nang basahin ang huling sentence sa monologue ni Emily.
May lyrics ng The Thing About Love
matapos ang lines ni Emily. Si Alicia Keys ang kumanta nito. Hindi ito alam ni
Symon kaya agad niyang kinuha ang laptop, hinanap ang kanta at pinag-aralan
ito.
'Everybody laughs
Everybody cries
Sure it could hurt you baby
But give it a little try
See that's the thing about love'
Parang naka-relate naman si Symon sa
kanta at madali niya itong natutunan. Tinawagan niya si Lexie at nalaman niyang
lip synch lang naman. Wala pang nakakarinig sa kanyang kumanta. Nahihiya kasi
siya.
***
'Diyos ko, anong nangyari sa'yo?', ang
sabi ng ina ni Agapito nang makita siya nito na duguan ang uniform at maga ang
isang bahagi ng mukha.
Ikinwento ni Agapito ang nangyari pati
na rin ang pagka-suspend niya ng tatlong araw. Naging understanding naman ang
ina at hindi na pinagalitan pa si Agapito.
'Huwag mo nang patulan ang mga ganong
klaseng tao. Basta kalmado ka lang dapat lagi.', ang sabi ng ina.
'Sorry, Ma. Hindi ko lang talaga
napigilan ang sarili ko.', ang sabi ni Agapito.
'Okay lang. Ipahinga mo na lang yan.
Tara na, kain na tayo at may ibabalita ako sa'yo.', ang sabi ng ina.
Nasa kalagitnaan sila nang pagkain
nang dumating si James. Agad siyang ipinaghain ng ina ni Agapito na sobrang
saya ng mood ngayon.
'Anong nangyari sa mukha mo?', ang
tanong ni James.
Muli na namang nagkwento si Agapito
nang alitan ni Symon sa school.
'Gusto mo resbakan na natin yan.', ang
sabi ni James.
'Okay na. Napuruhan din naman siya
e.', ang sabi ni Agapito.
'O, edi tambay ka lang dito?', ang
tanong ni James.
'Oo. Ganon na nga.', ang sabi ni
Agapito.
Matapos kumain ay tumambay sina
Agapito at James sa garden at nagkwentuhan habang ang ina naman niya ay busy sa
panonood ng TV.
'Kamusta ka na?', ang seryosong tanong
ni James.
'Okay na. Coping. Wag na natin
pag-usapan.', ang sagot ni Agapito.
'Sabi mo e.', ang sabi ni James.
'Wala ka ba pasok bukas?', ang tanong
ni Agapito.
Si James ay nasa third year college
na. Kumukuha ito ng kursong Computer Engineering sa isang sikat na paaralan sa
bansa. Magkababata sila ni Agapito. Close ang mga magulang nito kaya parang
kapatid na ang turing nila sa isa't isa. Siya ang tumatayong kuya ni Agapito.
'Meron. Hapon pa. Bakit?', ang sagot
ni James.
'Wala naman. Ball tayo bukas ng
umaga?', ang yaya ni Agapito.
'Sige.', ang sabi ni James.
Nagpaalam na rin ito pagkalipas ng
ilang oras dahil inaantok na si James. Nagpaalam naman din agad si Agapito na
matutulog na. Pero hindi naman siya dalawin ng antok. Nagagalit siya sa sarili
kung bakit nagpadala siya sa galit kaya na-suspend siya. Nahihiya siya sa
kanyang ina dahil sa nangyari. Kelangan niyang bumawi.
***
Espesyal ang performance ni Dana ng
gabing iyon dahil iyon na ang ikatlong buwan niya na nagpe-perform. Parang
concert talaga. May full band at hindi lang basta gitara. Gumagala ang mga mata
niya habang kumakanta. Hinahanap niya ang taong laging present kapag
nagpe-perform siya. Pero wala. Hindi niya ito makita ngayon.
'Clouds filled with stars cover the
skies
And I hope it rains, you're the
perfect lullaby
What kinda dream is this
You could be a sweet dream or a
beautiful nightmare
Either way I don't wanna wake up from
you'
Matapos mag-perform ay agad niyang
tiningnan ang kanyang phone. Ngunit walang text si Darrel sa kanya. Tinext niya
ito at tinanong kung bakit wala ito sa biggest performance niya so far pero
wala siyang na-receive na reply. Alas-onse na ng gabi nang lumabas siya PJ's
upang umuwi.
'Dana.', ang pagtawag ni Darrel sa
kanya.
'Darrel! Bakit wala ka kanina?', ang
tanong nito sa kanya.
Malungkot ang mukha ni Darrel.
'May problema ba?', ang tanong ni
Dana.
'Tell me why you kissed me.', ang
diretsong sabi ni Darrel.
Parang na-stun naman si Dana sa sinabi
ni Darrel. Hindi ito agad nakasagot at parang nilayasan siya ng mga salita.
'Tell me. It's messing with me!', ang
sabi ni Darrel.
'Kaya ba wala ka kanina?', ang tanong
ni Dana.
'Oo.', ang sagot ni Darrel.
'It's nothing. It's a friendly kiss.',
ang sabi ni Dana.
'Sa labi? Friendly kiss?', ang tanong
ni Darrel.
'Oo. Dars, magkaibigan tayo. Wala lang
'yun.', ang sabi ni Dana bago tumalikod kay Darrel at naglakad papunta sa
sakayan.
'Sabi mo yan ah.', ang relieved na
sabi ni Darrel.
'Oo. Diba nag-usap na tayo dati na
hindi pwedeng tayo kasi mas mahalaga ang pagkakaibigan natin.', ang sabi ni
Dana.
'Yeah. Akala ko nalimutan mo na.', ang
sabi ni Darrel.
'Gwapo mo ah!', ang pang-aasar ni Dana
nang ma-realize na inakala ni Darrel na meron siyang pagtingin dito.
Kumindat naman si Darrel sa kanya
bilang pagsakay sa pang-aasar nito. Nagyakap ang magkaibigan.
'Hanggang kelan ko matatago 'tong
nararamdaman ko para sa'yo?', ang tanong ni Dana kay Darrel sa kanyang isip.
***
Lumipas ang tatlong araw na naging
busy si Symon sa pag-aaral ng lines at kanta ni Emily. Habang si Agapito naman
ay nakikipaglaro ng basketball kay James.
'Welcome back!!!', ang bati nina Lexie
nang bumalik si Symon sa MSCA.
'Thanks!', ang nakangiting sagot ni
Symon.
'Rehearsals after class ah. Did you do
your assignment?', ang sabi ni Lexie.
'Yes, ma'am!', ang sagot ni Symon.
Nagdedmahan na lang sila ni Agapito
nang pumasok ito sa class room. May mangilan-ngilang kaklase ang
nakipagkwentuhan dito pero hindi na lang ito pinansin ni Symon para iwas gulo
na rin. Hindi na pansin ang mga sugat sa mukha ng dalawa.
Nahirapan naman si Symon na humabol sa
mga na-miss niyang lectures kaya nagsabi siya kay Lexie na magpapaturo ito sa
kanya. Agad naman itong pumayag. Over lunch, hiniram niya ang notebook ni Lexie
at binasa ang mga notes nito sa mga na-miss na klase.
'Pa-photocopy ko na lang 'to ah.', ang
sabi ni Symon bago tumayo.
'Now na?', ang tanong ni Lexie.
'Yup.', ang sabi niya bago lumabas ng
cafeteria.
Maswerte si Symon at tapos na
mag-lunch ang nagpo-photocopy kaya agad na asikaso ang notes ni Lexie. Wala pa
siyang limang minuto doon at iniabot na niya agad ang bayad.
'Symon.', ang pagtawag ni Darrel sa
kanya.
Tumingin lang si Symon sa kanya.
Muntik na siyang ngumiti pero nangibabaw ang inis niya dito. Dumiretso na lang
siya ng lakad pabalik sa cafeteria.
'Galit ka ba sa akin?', ang tanong ni
Darrel na sumunod pala sa kanya.
'Hindi po.', ang sagot ni Symon.
'E bakit hindi mo ako pinansin?', ang
tanong ni Darrel.
'Nagmamadali po ako.', ang malamig
niya pa ring sagot.
Inunahan na niya ito ng lakad. Hindi
na sumunod pa si Darrel sa kanya. Naiwan itong naguguluhan sa ikinilos ni
Symon.
***
'Mom, bakit parang ang dami naman yata
ng food?', ang tanong ni Symon.
Formal dinner ang inihanda ng pamilya
kaya naman bihis na bihis ang lahat. Si Grace ay naka-dress na light blue.
Hanggang tuhod ang haba nito. Nababalutan nito ang hanggang siko niya pero
mababa ang neckline. Sina Hanna at Maxine naman ay naka-dress din na kulay
black at pink. Si Symon ay naka-polo na puti na may accent ng black. May suot
siyang manipis na tie at slim cut na slacks. Bumagay ito sa maputi niyang
complexion at katamtamang built ng katawan.
'We invited my replacement, the new
division head, and her family.', ang sabi ni Grace.
Prepared na ang lahat at pagpatak ng
alas-sais ay tumunog na ang door bell. Unang pumasok ang isang malaking lalaki
na masayang binati si Grace. Isa-isang ipinakilala ni Grace ang anak dito pati
na sa asawa at dalawang anak na kasama. Inimbita nila ang mga ito sa garden
upang makipagkwentuhan habang hinihintay ang isa pang bisita.
'Oh. But Nancy is a good woman.', ang
sabi ni Mr. Benjamin Samson na big boss ni Grace.
'I've heard. So, how's the family?
You've got such beautiful kids. Baka pwedeng ireto ang anak kong lalaki sa isa
sa kanila.', ang sabi ni Grace.
Natawa naman si Mr. Samson sa sinabi
ni Grace. Nalaman nila na ang panganay nito ay malapit nang ikasal pero ang
pangalawa ay kakasimula lang din sa college tulad ni Symon pero taken na.
'I heard you're taking Film?', ang
tanong ni Mr. Samson kay Symon.
'Communication Arts.', ang nakangiting
sagot ni Symon.
'O, what's with the diversion? Why
didn't you take a business-related course?', ang tanong nito sa kanya.
'My mom bugged me about it all summer.
But business is not my passion.', ang sagot ni Symon.
'Oh. I think you've got an artist
here, Grace.', ang sabi ni Mr. Samson.
Ngumiti lang si Grace sa sinabi ni Mr.
Samson.
'You know what, kid. I also didn't
like what I was studying then. I love sketching and painting. But, mahirap ang
buhay noon. Kailangang maging praktikal sa pag-aaral. I admire your passion.
Keep it up!', ang sabi ni Mr. Samson kay Symon.
'Thanks! When I do a documentary, may
I film you?', ang tanong ni Symon.
'Sure! Drop by the office anytime!',
ang sabi ni Mr. Samson.
Muling tumunog ang doorbell. Dumating
na ang bagong division head ng bangkong pinagtatrabahuhan ni Grace. Agad itong
pumunta sa pinto upang personal na pagbuksan ito ng gate.
'Nancy, hi!!', ang bati ni Grace.
Ito ang unang pagkakataon na
magkakakilala sila dahil galing sa ibang division si Nancy. Dahil sa kagalingan
nito sa trabaho ay siya ang first choice nang mabakante ang posisyon ni Grace.
'It's nice meeting you.', ang sabi ni
Nancy.
'Come in, come in.', ang yaya ni Grace
kay Nancy at sa anak nito.
Mula sa gate ay makikita mo sa kanan
ang table kung saan nakaupo ang mga anak ni Grace at ang pamilya ni Mr. Samson.
Agad na kumaway si Nancy kay Mr. Samson nang makita niya ito. Nakatalikod si
Symon kapag galing sa gate ang tingin. Tumayo ang lahat habang papunta sina
Grace sa kanila. Humarap si Symon at nakita ang isang babae na maikli ang buhok
at nakasuot ng blouse, slacks at high heels. Halos kaedad lang siguro ito ng
kanyang ina. Biglang nawala ang ngiti ni Symon nang makilala ang anak nito na
nakatayo sa kanyang likod.
'Here are my children. Hanna, Symon
and Maxine.', ang pagpapakilala ni Grace.
'Nice meeting you po.', ang magiliw
nilang bati.
'Meet my only son, JR. Junior of my
late husband, Agapito.', ang pagpapakilala nito.
Nakipagkamay si Agapito sa kanila
isa-isa. Hinuli niya si Symon at matalas ang tingin nila sa isa't isa.
'Nice meeting you, bro.', ang sabi ni
Agapito sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment