by: Lui
Naging ordinaryo naman ang mga sumunod
na dalawang araw. Dahil nga first year pa lang sila ay mas marami ang kanilang
mga minor subjects at karamihan sa mga ito ay napag-aralan na niya noong high
school pa lang. Si Coleen ang naging laging kasa-kasama ni Symon. Nakakilala na
rin nila ang iba pang mga kaklase.
'Gusto niyo sumabay sa amin
mag-lunch?', ang tanong ni Lexie kay Coleen.
Alexis delos Reyes o Lexie, nakasama
siya ni Coleen sa isang group work at nagkasundo naman agad sila. Kasama nito
ang dalawang bagong kaibigan na sina Jeric Sy at Shane Villar. Tumingin muna si
Coleen kay Symon upang tanungin ito kung gusto ba niya. Tumango ito sa kanya.
'Okay!', ang nakangiting sagot ni
Coleen.
Ipinakilala ni Lexie sa kanila ni
Symon ang dalawang kasama at ipinakilala rin ni Coleen si Symon sa kanila.
Tahimik silang nagpunta sa cafeteria. Malamang ay nagkakailangan pa.
Pagka-order ng pagkain at pagkaupo ay nagsimula na ang kwentuhan. Parehas ng
unang tagpo nina Coleen at Symon, nagkaalaman muna kung saang school nanggaling
at kung bakit sa MSCA nag-aral.
'Wait, ikaw 'yung natawa when Agapito
introduced himself, right?', ang tanong ni Lexie.
'I didn't laugh!', ang depensa ni
Symon.
'Oh, sure you did. Who wouldn't?', ang
natatawang sabi ni Jeric.
'Ang bully niyo. He's cute.', ang sabi
ni Shane.
May hitsura naman kasi si Agapito. 5'7
ang taas, moreno at makinis ang mukha. at mukhang laging nangungusap ang mga
mata. Tahimik lang ito at minsan lang maki-halubilo sa iba.
'Yeah. Kaso bothered ako sa name.',
ang sabi ni Coleen.
'Fine, fine! I did laugh at his name.
Nakaganti na naman siya sa'kin. Binangga niya ako after class.', ang sabi ni
Symon.
'Nag-sorry ka ba?', ang tanong ni
Lexie.
'No.', ang sagot niya.
'Then, you deserved it.', ang sabi ni
Lexie.
Nararamdaman ni Symon na makakasundo
niya ang mga bagong kasama. Parang walang drama. Kung ayaw, ayaw. Kung gusto,
gusto. Maraming mga komento sa iba't ibang bagay.
'You guys are so bitchy!', ang pagpuna
ni Shane sa mga pinagsasabi ng mga kasama.
'Pero nakakainis naman kasi talaga
'yung mga ganong klase ng tao. Nakita na ngang ginagawa mo, itatanong pa kung
ginagawa mo.', ang sabi ni Coleen.
'Here's the money, buy someone who you
could bore.', ang sabi ni Symon.
Nagtawanan naman ang lahat sa inakto
ni Symon. Matapos silang kumain ay magkakasama silang bumalik sa klase. Tatlong
subjects pa bago mag-uwian. Pagkapasok sa room ay sa isang row na sila umupo.
Sakto para sa kanilang lima. Si Lexie ang nakaupo malapit sa isle, katabi nito
si Shane. Katabi ni Shane si Coleen. Si Symon naman ay napapagitnaan nina
Coleen at Jeric.
'Say hi to your best friend.', ang
bulong ni Coleen kay Symon.
'Shut up. Baka sapakin ako niyan.',
ang sabi ni Symon.
Nasa kabilang row nakaupo si Agapito.
May isang upuan ang nakapagitan sa kanya at sa isang grupong kakabuo pa lang
din. Tahimik lang siyang nagbabasa ng isang novel. Natawa naman ang iba sa
sinabi ni Symon. Mas malaking tao sa kanya si Agapito. Pasimple niya itong
tiningnan. Nagulat siya nang tumingin din ito sa kanya. Agad niyang ibinaling
sa iba ang atensyon.
'Seriously, kung nakakamatay lang ang
tingin, patay na ako ngayon.', ang sabi niya.
'I saw it, dude.', ang sabi ni Jeric
na tumukoy sa galit na tingin ni Agapito kay Symon.
***
'Dars! Guess what?', ang pagtawag ni
Dana sa kaibigan pagkakita nito sa kanya sa lobby.
'Hmm.', ang sabi lang ni Darrel habang
nakatingin ito sa kaibigan.
Abot tenga naman ang ngiti sa kanya ni
Dana Viloria. Magkaklase sila simula first year college pa lang. At naging
magkaibigan na, ever since. Maganda ito, maputi at maikli ang gupit ng buhok,
kahawig ng kay Emma Watson.
'I got in sa PJ's!', ang tuwang-tuwa
nitong balita sa kaibigan.
'What?! Seriously??!', ang hindi
makapaniwalang sabi ni Darrel.
Ang PJ's o ang Peter and Joe's Bar na
malapit lang sa school ang isang bar na puntahan ng mga estudyante ng MSCA para
mag-aral o di kaya ay magsaya. Hati ito sa dalawang palapag. Ang baba nito ay
ang bar mismo kung saan makikita mo ang mga estudyanteng nagsasaya habang
kumakain o di kaya ay umiinom Pero dahil recognized ito ng paaralan na isang
safe na gimikan, pili lang ang mga alak na pwede nitong ibenta. Ang ikalawang
palapag naman ay isang tahimik na coffee shop kung saan ang mga estudyante ay
nag-aaral. Hindi problema ang ingay sa baba dahil sound-proof naman ito.
'Yes! Every Tuesdays and Thursdays ang
gig ko sa kanila. 8PM.', ang sabi ni Dana.
Sa bar ay may mga regular performers
bukod sa monthly na open mic night. Karamihan nang mga nagpe-perform dito ay
mga current o dating estduyante ng MSCA.
'Wow! Ang galing mo naman, Dans!! So
kelan ka magsisimula?', ang excited na tanong ni Darrel.
'Later! You must be there!', ang sabi
ni Dana.
'Of course! Hindi ko pwedeng ma-miss
'to.', ang sabi ni Darrel.
Madalas na makapagkamalang may
relasyon ang dalawa dahil sa lagi silang magkasama. At isa pa, bagay silang
dalawa. Pero magkaibigan lang talaga sila. Ni hindi sumagi sa isip nila ang
magkaroon ng relasyon.
'Yey! Salamat!', ang sabi ni Dana sa
kaibigan.
***
'You're early.', ang bungad niya sa
ina.
'Yes. Susunduin pa natin si Maxine.',
ang sabi ni Grace sa anak.
'Mom, you're playing Alicia Keys!
Wow!', ang pagpansin ni Symon sa musika na pumapailanlang sa sasakyan.
'Yeah. I love her! Bakit ba?', ang
sabi ng ina.
Hindi na sumagot si Symon at sinabayan
na lang ang nagpe-play na kanta.
'People keep talking
They can say what they like
But all I know is
Everything's gonna be alright
And no one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for
you'
Sinabayan na rin siya ng kanyang ina
sa pagkanta sa chorus. Ang saya nilang mag-ina. Nang matapos ang kanta ay
nagtawanan sila.
'Mom, you ruined it! Ang ganda na ng
pagkanta ko e.', ang sabi ni Symon.
'Kaya nga ako sumabay sa'yo kasi mali ang
tono mo.', ang depensa naman ng ina.
Nagtawanan na naman sila. Ilang minuto
lang ang lumipas at ilang pasikot-sikot lang upang makaiwas sa traffic ay
narating na nila ang school ni Maxine. Naghihintay na ito sa may driveway at
agad na nagpaalam sa mga kaibigan nang makita ang sasakyan.
'Hi!', ang bati ng ina sa bunsong
anak.
'Hey. O, kuya. Why're you here?', ang
sabi ng kapatid nang makita si Symon sa passenger seat.
'Why? Don't you want to see me?', ang
tanong ni Symon.
Umirap lang si Maxine dito. Madalas
silang hindi magkasundo. Ang mga trip nila ay laging magkaiba.
'Can you call your Ate? Let's dine out
na lang since nandito na naman kayo.', ang sabi ng ina.
'Max, call Ate.', ang utos ni Symon.
'Why me? Ikaw kaya sinabihan ni Mommy!',
ang inis na sabi ni Maxine kay Symon.
'Ikaw kaya.', ang pang-iinis ni Symon.
'Ikaw na!', ang inis na sabi ni
Maxine.
'Symon, call your Ate.', ang utos ni
Grace sa anak na lalaki.
Agad naman siyang sinunod ni Symon at
kinausap ang kapatid sa phone. Sinabi nito na magkita sila sa isang mall sa
Makati at doon na sila magdi-dinner.
'Give her an hour daw.', ang sabi ni
Symon matapos kausapin si Hanna.
'Okay. So how was your day, my lovely
babies?', ang paglalambing ng ina habang na-stuck sila sa traffic.
Nagbuntong-hininga si Symon sa sinabi
ng ina. Masyado na siyang malaki para tawagin pang lovely baby. Pero ang
kapatid na si Maxine ay eager na eager sa pagkukwento sa nangyari sa kanya sa
school. Halos wala namang naintindihan si Symon sa sinabi ng kapatid dahil ayaw
niya itong intindihin.
'How 'bout you, college boy? Made any
friends yet?', ang tanong ng ina.
'Yep! I have four friends na. I eat
with them.', ang sabi ni Symon.
'And... how are they?', ang tanong ni
Grace.
Medyo na-weird-uhan naman si Symon sa
tono ng ina. Tuwing ganito ito magtanong, ang gusto nitong malamn ay ang status
at lifestyle ng mga kaibigan niya.
'Oh. Coleen, the first one I met,
graduated from an international school. Diplomat yata daddy niya, not sure but
I think, she mentioned it once.', ang sabi ni Symon.
'What about the others?', ang tanong
ni Grace.
'I don't know. We just met kanina.
But, I think they're ok naman. We clicked.', ang sabi ni Symon.
Ayaw niya sa ganitong ugali ng ina
dahil masyado niyang pinahahalagahan ang estado sa buhay ng mga nakakasama ko.
Dapat ganito. Dapat ganyan. Wag sasama sa ganito. Blah. Blah. Pero alam naman
niyang concern lang ito sa kapakanan niya kaya hinahayaan na lang niya.
'Okay. Where'd you wanna eat?', ang
tanong nito.
Magkaiba ang sinabing restaurant nina
Symon at Maxine kaya't nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Natigil lang si
Symon nang may magtext sa kanya.
***
Nang matapos ang klase ni Darrel ng
5PM ay pumunta muna ito sa org room upang asikasuhin ang mga papel ng mga
bagong volunteers. Bukas na ang unang meeting niya kasama sila. 8PM pa naman
ang gig ni Dana kaya't sa office muna siya nag-stay. Kinuha niya ang
registration matapos niyang makagawa ng isang text template na nag-aannounce ng
kanilang meeting bukas ng alas-sais ng gabi.
Gumawa na rin siya ng outline ng
agenda na kanyang idi-discuss bukas para hindi na siya mahirapan.
'Hey, Darrel.', ang bati ni Sharmane
na kagagaling lang sa class.
'Hi, Ate Sharm. Kamusta?', ang bati
nito.
'Okay lang. Ikaw?', ang sabi nito
habang ibinababa ang gamit sa sariling table.
'Eto, nag-aayos ng agenda.
Magpapa-meeting na ako bukas sa mga bagong volunteers.', ang sabi ni Darrel.
'Cool. Madami ba?', ang tanong nito.
'Yes. More than what we expected.
Gagamitin namin yung meeting room.', ang sabi ni Darrel.
'Okay. Alam na ni Boss?', ang tanong
ni Sharmane tumutukoy sa kanilang presidente.
'Hmm. Hindi pa nga. Little help, Ate
Sharm?', ang nakangisi niyang sabi.
'Sure. Ako na bahala.', ang sabi nito.
'Thanks!!', ang sabi ni Darrel.
Isinend na ni Darrel ang text message
para sa mga new volunteers. Si Sharmane naman ay busy sa pag-review ng mga
proposals galing sa ibang organizations within and outside MSCA.
'Di ka pa uuwi?', ang tanong ni
Sharmane kay Darrel nang matapos ito sa mga ginagawa,
'Hindi pa. First gig ni Dana mamayang
8PM sa PJ's.', ang sabi ni Darrel na may tono ng pagmamalaki.
'Wow!! Supportive boyfriend! Ang
galing naman ni Dana.', ang sabi ni Sharmane.
'Ate, hindi po kami.', ang pag-deny
niya sa sinabi ng PRO ng org.
'That's what you always say.', ang
nakangisi na sabi nito.
'Totoo naman po kasi.', ang sabi ni
Darrel.
'Bakit kasi di mo pa ligawan? Bagay na
bagay kaya kayo?', ang medyo kinikilig na tanong ni Sharmane.
'Magkaibigan lang po talaga kami.',
ang sabi ni Darrel.
'O siya. Una na ako, Darrel ha?', ang
paalam ni Sharmane.
'Sige po, ingat Ate!', ang paalam ni
Darrel.
***
Unregistered number ang nakita ni
Symon nang tingnan ang phone matapos itong mag-ring. Binuksan niya ito at
binasa ang message.
'Hi, new volunteers! This is Darrel
Uy, VP Internals. I'd like to invite you to our first meeting tomorrow at 6pm
in the SC's meeting room. Please be there! Thanks!', ang text ni Darrel.
Para namang bolang dini-dribble ng
isang basketball player ang pagtibok ng puso ni Symon. Nagtext sa kanya si
Darrel. Well, hindi personally sa kanya pero nagtext pa rin sa kanya! Ang gulo!
Basta, alam na niya ang number nito. Ang saya-saya niya!
'Hi, Kuya Darrel! I'll be there.
Thanks!! - Symon', ang reply ni Symon.
Ilang minuto lang ang lumipas ay
tumunog ulit ito at madali niyang binuksan ang message.
'Coleen here!', ang nabasa niya.
Ibang number na ang nagtext sa kanya.
Na-disappoint siya nang mabasa ang text ng kaibigan kaya hindi niya ito
ni-reply-an.
'Mom, I joined this volunteer thing sa
school. I think it won't get in the way naman with my studies. We have a
meeting tomorrow at 6PM. So fetch me later than my dismissal time. Please?',
ang paalam niya sa ina habang pumapasok sila sa parking ng mall.
'Sure. Just make sure you'll
prioritize your studies pa rin.', ang pagpayag ng ina.
'Of course. Thanks, Mommy. Love ya.',
ang sabi nito.
Nag-ikot muna sila sa mall habang
hinihintay ang pangnay na si Hanna. Makalipas lang ang tatlumpung minuto ay
kasama na nila ito.
'Hanna, ikaw na ang pumili kung saan
tayo kakain. Parang aso't pusa na naman itong mga kapatid mo.', ang sabi ni
Grace.
***
Pagpatak ng 7.30PM ay naghanda na si
Darrel papunta sa PJ's. Ibinaba niya ng konti ang kanyang tie at tinanggal ang
pinakataas na butones. Humarap siya sa salamin at itinupi niya ang sleeves ng
kanyang polo. Kinuha na niya ang maliit na backpack at naglakad na papuntang
PJ's. Nasa dulo ng katapat na street ng MSCA ang bar and coffee shop na ito at
mga sampung minutong lakaran lang.
Pagkarating niya sa PJ's ay halos puno
na ang unang palapag nito. Agad niyang iginala ang mga mata upang maghanap ng
bakanteng table.
'Darrel!!', ang sigaw ng isang babae.
Tiningnan niya agad ang tumawag sa
kanya at nakitang isang grupo ito ng mga kaklase niya. Agad niya silang
nilapitan.
'Hi!', ang bati ni Darrel sa kanila.
'Dito ka na. Let's all watch Dana!',
ang sabi ng isa niyang kaklase.
Umupo naman siya. Tatlong table ang
layo nila sa stage pero okay naman ang view. Madilim pa ang bahagi ng stage at
acoustic sounds pa lang ang pinapatugtog sa buong bar. Um-order si Darrel ng
sandwich at bottomless iced tea. Kumain muna siya bago magsimula ang
performance ng kaibigan.
'Good evening!! Welcome to PJ's!
Tonight is a very special night!', ang sabi ng host.
'Whooo!', ang sigaw ng isa pa nilang
kaklase sa sobrang excitement.
'We welcome the new member of the
family! Pleas give a hand to Ms. Dana Viloria!', ang pag-present ng host na
nagngangalang Tony Valdez, na isang bartender kung hindi nagho-host.
Lumabas si Dana mula sa kaliwang
bahagi ng stage. Simple lang siya. Nakasuot lang siya ng silky stop, black
jeans at high heels. Hindi halata ang make-up sa kanyang mukha kaya't sobrang
fresh ng dating nito.
'Go, Dana!!', ang halos sabay-sabay na
sigaw ng kanyang mga kaklase.
'Thanks!', ang nakangiti niyang sabi.
Nagsimula nang tumugtog ang gitara
nang isang lalaki na nasa kanyang kanan. Pamilyar ang kanta pero iba ang atake
ni Dana dahil acoustic ito.
'Eye to eye, cheek to cheek
Side by side, you were sleeping next
to me
Arm in arm, dusk to dawn with the
curtains drawn
And a little last night on these
sheets
So how come when I reach out my
fingers
It seems like more than distance
between us?
In this California king bed
We're ten thousand miles apart
I've been California wishing on these
stars
For your heart on me, my California
king'
Narinig na niyang kumanta dati ang
kaibigan pero feeling ni Darrel ngayon ay first time niyang marinig si Dana
kumanta. Sa isang set ay nakaapat siyang kanta. At talagang pinapalakpakan siya
sa kada tapos niya ng kanta.
'Thank you!', ang pagtanggap niya sa
palakpak ng mga taong nanood.
'Let's give another round of applause
to Dana Viloria. Remember, folks! She's with us every Tuesdays and Thursdays!
Thank you, Dana! Okay, it's the monthly open mic night! The mic is now
available to....', ang sabi ng host.
Pagkababa ni Dana sa stage ay agad
itong pumunta sa table nila Darrel. Yumakap ito ng mahigpit sa kaibigan.
'You're great! Wow!!', ang komento ni
Darrel.
Halos hindi na sila magkaintindihan
dahil panay ang papuri ng ibang kaklase kay Dana.
***
Kinabukasan ay sobrang excited si
Symon na matapos na ang lahat ng klase at um-attend sa meeting kasama si
Darrel. Pero maaga pa. Meron pa siyang 30 minutes bago magsimula ang unang
klase. Minabuti niyang magpunta muna sa cafeteria at bumili ng kape.
'Hi, Ate. Cafe Latte po.', ang pagbili
ni Symon.
Agad namang ginawa ng tindera ang
order niya.
'One latte po.', ang sabi ng isang
pamilyar na boses sa tabi niya.
Sa kinadami-dami ng pwedeng makasabay
na bumili ng kape, si Agapito pa ang nakasabay niya. Hindi na lang niya ito
pinansin pero naiilang siya. Buti na lang ay naunang ibinigay sa kanya ang cup
niya kaya agad na siyang umalis.
'Whew.', ang sabi niya sa sarili.
Palabas na siya ng cafeteria nang
unahan siya ni Agapito sa pinto at tinabig niya. Natapon ng konti ang kanyang
iniinom at napaso ang kanyang kamay.
'Aw!', ang daing niya.
'Oops!', ang nakangising sabi ni
Agapito.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment