by: Lui
Tahimik na tinitingnan ni Symon ang
payapang mukha ni Darrel habang himbing itong natutulog sa kanyang tabi. Hindi
naman ito ganoon kalapit sa kanya pero hindi na siya naghangad pa na mas
mapalapit ito dahil hindi niya alam kung paano magre-react. Ang makita lang
itong malapit sa kanya ay okay na.
'Bakit ba ang perfect ng dating mo sa
akin?', ang tanong ni Symon sa kanyang isip.
Agad kasing nakatulog si Darrel
pagkahiga nito dahil na rin siguro sa sobrang pagod. May mga moments na bigla
niyang ipipikit ang kanyang mga mata kapag gumagalaw ito sa takot na mahuli
siyang nakamasid.
Halos isang oras na rin ang lumipas at
medyo tinatablan na ng antok si Symon. Kita pa rin ang maaliwalas na mukha ni
Darrel, salamat sa ilaw na nakabukas sa labas.
'Good night, Kuya. Mwah. Mwah.', ang
sabi ni Symon sa isip niya.
Agad naman siyang napabalikwas nang
maramdamang may nagising sa bandang unahan ng room. Narinig ni Symon ang tangka
nitong paglabas sa harap ngunit naka-lock ito kaya pumunta ito malapit sa
kanilang hinihigaan. Hindi niya alam kung sino ito at hindi na siya magtatangka
pang alamin. Pumikit na siya upang makatulog na.
'Excuse po.', ang sabi ng volunteer na
naglalakad.
'O saan ka pupunta?', ang medyo paos
na tanong ni Darrel.
'CR lang po, kuya. Ang lamig e.', ang
sabi ng isang volunteer galing sa kabilang section.
'Dalian mo ha.', ang sabi ni Darrel.
Lumabas na ang co-volunteer ni Symon.
Si Darrel naman ay in-adjust ang hinihigaan at umayo ng kaunti sa may pinto
upang may madaanan. Dahil dito, mas lumapit ang kanyang paghiga kay Symon.
Masyado na itong malapit na rinig na ni Symon ang kanyang mga paghinga. Pero
hindi na nagpatalo ang antok kaya naman ay agad ring nakatulog si Symon.
***
Masyado pang masaya ang panaginip ni
Symon para gumising ng alas-sais ng umaga. Nasa isang lugar siya kung saan wala
siyang ibang kasama kung hindi si Darrel. Napakalaki ng lugar pero sobrang lapit
nila sa isa't isa na halos magtama na ang kanilang mga ilong. At ang musikang
pumapailanlang ay nagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa ngayon.
'Boy you got my heartbeat runnin' away
Beating like a drum and it's coming
your way
Can't you hear that boom, badoom, boom
Boom, badoom, boom bass?'
'Parang totoo.', ang sabi niya sa
kanyang sarili.
Pero ayaw tumigil ng alarm na gumugulo
sa kanyang panaginip. Dumidilim na ang paligid. At ang tangi na lang niyang
nararamdaman ay ang lamig ng kwarto kung saan siya natutulog. Para siyang yelo
na hindi matibag nang idilat niya ang kanyang mga mata.
'Oh. My. God.', ang sabi ng isip niya.
Napakagat-labi siya at halos manlaki
ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung bakit ganoon ang kanyang
panaginip. Halos malapit ng magtama ang kanilang mga ilong ni Darrel. Hindi ito
nagising sa alarm na nasa kabilang side ni Symon. Sobrang kinis ng kanyang
mukha. Napaka-pula ng mga labi niya.
'Guys, ready na ang breakfast in 5
minutes.', ang sabi ni Sharmane na sumilip lang sa front door.
Para namang automatiko siyang
napabangon at luminga-linga. Muling nag-alarm ang kanyang phone. Nataranta siya
at halos hindi niya ito agad ma-off nang makitang may mangilan-ngilan na siyang
kasama sa kwarto na gising kabilang na si Jeric.
'Good morning.', ang sabi ni Jeric sa
kanya.
Nginitian niya ito at binalikan ang
cellphone na patuloy pa rin sa pag-alarm. Hindi niya napansin na nagising nito
si Darrel na hirap na tinitingnan ang relo upang makita ang oras.
'Shooot!', ang sabi nito nang makitang
6AM na.
Minadali nito ang pag-aayos ng gamit
dahil kelangan na niyang asikasuhin ang program para sa umagang iyon.
'Kuya, let me do that.', ang
pagpe-presenta ni Symon.
'Nakakahiya naman, wag na.', ang
pagtanggi ni Darrel.
'Sige na po.', ang sabi ni Symon bago
nito agawin sa kanya ang kumot.
'Super thank you, Sy, ah. Punta muna
ako sa meeting room.', ang paalam ni Darrel.
Lumabas na ito ng room. Sinimulan
naman ni Symon ang pagtutupi ng kanyang hinigaan. Isusunod niyang ligpitin ang
kay Darrel. Lumapit sa kanya si Jeric at tinulungan siya sa pag-aayos.
'Ito na lang sa'yo. Ako na magtutupi
nung kay Kuya Darrel.', ang sabi ni Symon.
'Uhm. Okay.', ang sabi ni Jeric.
Matapos mag-ayos ay itinabi ni Symon
ang gamit ni Darrel sa kanyang mga gamit bago sila nagtungo ni Jeric sa
cafeteria kung saan nakahanda ang kanilang breakfast. Sinaluhan nila si Lexie
na may kasamang ibang mga bagong kaibigan mula sa ibang section.
***
Natapos na ang team building activity
nila at ang lahat ay pagod. Nagpasundo na agad si Symon pero nagsabi ang
kanyang mommy na male-late ito ng kaunti. Nasa may isang bench sila ni Jeric
dahil dumating na agad ang sundo ni Lexie.
'Dude, diba close kayo ni Coleen?',
ang tanong ni Jeric kay Symon.
'Oo. Sakto lang. She's my first friend
in college. Bakit?', ang sagot ni Symon.
'Type mo ba siya?', ang medyo alangang
tanong ni Jeric.
'Hindi! Bakit?', ang natatawang sagot
ni Symon.
Napangiti naman si Jeric sa sinabi ni
Symon. Akala niya kasi noong una ay may namamagitan sa dalawa.
'Gusto mong pormahan si Coleen?', ang
tanong ni Symon pagkakita sa masayang mukha ni Jeric.
'Oo sana e. Matutulungan mo ba ako?',
ang tanong ni Jeric.
'Sure! Walang problema dun.', ang sabi
ni Symon.
Sumabay sa kanya si Jeric hanggang sa
main road upang makapag-commute na ito pauwi. Nag-insist ang mommy ni Symon na
ihatid na siya hanggang sa bahay nila pero nahiya na si Jeric at sinabing next
time na lang.
***
Dumaan ang mga linggo na naging maayos
naman ang lahat. Pasimple nang nanliligaw si Jeric kay Coleen. Siyempre,
nariyan ang pangangantyaw ng barkada. Nariyan ang weekly meeting nilang mga
volunteers. Puspusan na rin ang kanilang preparations para sa Dress-Up Musical
nila kay Ms. Ellie.
'Class, I'm giving you the remaining
30 minutes to talk about your musical. See you next week.', ang paalam ni Ms.
Ellie sa klase.
Agad namang pumunta sa platform si
Erwin Lorenzo para kausapin ang mga kaklase para sa kanilang major exams. Siya
ang leader ng klase para sa requirement na ito kasama si Lexie.
'Guys, I need your full cooperation.
Next week ay submission na ng final story and cast.', ang sabi ni Erwin.
'I'm distributing the script for the
play. Ang kelangan na lang natin ay yung mga characters. We have people in mind
na pero we would want to know if it's okay with you to play the part.', ang
sabi naman ni Lexie.
'So, the story is very simple. Tungkol
ito sa dalawang mag-bestfriend na sina Emily at Mac. Mac is in love with
someone else named Anna. He doesn't know that Emily is in love with him.', ang
pahayag ni Erwin.
'It's almost a universal love story
and finding songs for this won't be difficult.', ang sabi ni Lexie.
Nagtaas ng kamay si Agapito upang
magtanong. Agad naman siyang in-acknowledge ni Erwin.
'So, three lang yung characters pero
almost 30 tayo sa class. How are we going to keep everyone busy?', ang tanong
ni Agapito.
For the past few weeks, naging tahimik
ang tensyon na namamagitan sa kanila ni Symon. Hindi naman kasi na nagku-krus
ang kanilang mga landas.
'These are the three main characters.
Pero may minor characters pa. And we need people behind the stage where the
real work happens.', ang sagot ni Erwin.
'So, ang nasa isip namin na gumanap
bilang Mac ay si Shane. Then, Anna will be played by Jeric.', ang sabi ni
Lexie.
Nagtawanan ang lahat nang magbanggit
si Lexie ng mga pangalan. Simula pa lang ay pumapalag na si Shane. Hindi niya
gusto ang mga ganito. Mas tipo niyang magtrabaho backstage.
'Emily will be portrayed by Erwin.',
ang sabi ni Lexie.
Wala namang naging violent reaction
ang mga kaklase maliban kay Shane.
'Wag na ako. Please?? Ako na lang sa
costume.', ang bargain ni Shane.
'Sige. Pero maghanap ka ng kapalit
mo.', ang sabi ni Erwin.
'Deal!', ang sabi ni Shane.
Ibinigay na rin ang mga gagawin ng mga
hindi aarte. Si Agapito at 4 pang kaklase ay in-assign sa lights, si Symon
naman kasama ang 4 ding kaklase ay sa props. Ang iba ay sa sounds inilagay.
Agad silang bingyan ng deadline para makapagsimula na agad sila ng rehearsals
next week.
***
Nang matapos ang lahat ng klase para
sa linggong iyon ay nakatuon ang atensyon ni Symon sa pag-aasikaso ng props
para sa kanilang play sa Lit. Hindi niya binibitawan ang script at inililista
nito ang mga materials na kelangan sa bawat eksena. Hindi naman siguro siya
mahihirapan dahil si Lexie naman ang direktor ng buong play.
'Coleen, please. Sige na!', ang
pagpilit ni Shane sa kaibigan habang pababa sila sa lobby.
'Ayoko nga. Bakit ako?', ang pagtanggi
ni Coleen.
'Please?! We're friends diba? I'll buy
you lunch for one whole week.', ang desperadong sabi ni Shane.
'Ayoko nga.', ang pagtanggi pa rin ni
Coleen.
Agad na nagpaalam si Lexie sa kanila
dahil magkikita sila ni Erwin upang plantsahin ang ilan pang mga detalye para
sa musical. Dumating na ang sundo ni Shane at nagpaalam na rin.
'Saan ka niyan?', ang tanong ni Coleen
kay Symon.
'I don't know yet. Maybe sa library
muna. Gotta read this.', ang sabi ni Symon bago itaas ang script.
'O sige. Kanina pa 'to namimilit si
Jeric na kumain kami sa labas. I don't know with people today, napakahilig
mamilit.', ang bulong ni Coleen.
'Sira ka talaga. Pagbigyan mo na kasi.
Ilang linggo na 'yang pumoporma sa'yo oh.', ang sabi ni Symon.
'Symon, weeks. Weeks pa lang.', ang
sabi ni Coleen.
'So, may chance siya?', ang tanong ni
Symon.
'I don't know. We'll see.', ang sabi
ni Coleen.
Nagpaalam na sila sa isa't isa.
Nag-thumbs up naman si Symon kay Jeric na sinuklian nito nang ngiti.
***
'Saan tayo pupunta?' ang tanong ni
Coleen kay Jeric.
'Surprise.', ang tanging sabi ni
Jeric.
Sumakay na sila ng cab hanggang sa
marating nila ang isang building na mukhang isang high school. Bumaba sila at
agad na pinapasok ng guard.
'Bakit tayo nandito?', ang tanong ni
Coleen.
'Dito ako graduate. May hiningi lang
silang favor sa akin na kailangan kong matapos ngayon.', ang sabi ni Jeric.
Sobrang naw-weird-uhan na si Coleen sa
kasama. Nagsisisi tuloy siya kung bakit siya pumayag na sumama dito. Hindi na
lang ito sumagot at sinundan na lang si Jeric papasok sa school. Umakyat sila
sa pinakataas na palapag ng building. Sinalubong sila ng principal at malugod
silang inanyaya papasok sa auditorium.
'Wait lang ah.', ang paalam ni Jeric
kay Coleen.
'Tara, hija. Pasok ka na.', ang sabi
ng principal na mukha namang mabait.
'E paano po si Jeric?', ang tanong ni
Coleen.
'Susunod na iyon. Alam naman na niya
ito.', ang sabi ng principal.
Wala nang nagawa si Coleen kung hindi
ang sumunod sa principal. Madilim sa loob ng auditorium. May mga bulungan
siyang naririnig at isang pitik nang mga daliri. Matapos ito ay biglang
tumugtog ang isang violin. Ang spotlight ay tumapat sa isang binatilyo na
pulidong tinutugtog ang violin. Pamilyar ang kanta pero hindi niya mawari ang
title nito. Naglakad siya sa gitnang aisle bilang pagsunod sa utos ng
principal.
'With you, with you, with you
With you, with you, girl
With you, with you, with you
With you, with you, girl'
Tumigil ang pagtugtog ng violin sa
stage nang nagsimulang maglakad si Coleen. Nagulat siya nang biglang may mga
estudyanteng nagsulputan mula sa mga upuan at sabay-sabay na kumanta. Doon
lamang niya naalala ang title nang kantang tinugtog ng binatilyo sa stage.
Kinikilabutan siya dahil parang mga boses ng anghel ang kanyang naririnig.
'What the hell, Jeric?', ang sabi niya
sa sarili dahil sa sobrang pagkamangha.
Bumukas ang pulang telon at doon niya
nakita si Jeric. Kasabay nito ang pagsisimula ng kanta. Sobrang nasurpresa
talaga si Coleen sa mga nangyayari. Una, ang alam niya ay kakain lamang sila sa
labas. Pangalawa, hindi niya alam na nagsasayawa pala si Jeric.
Sobrang pinalakpakan niya ang
mini-performance ni Jeric na para lang sa kanya. Pinakagusto niya ang ending
nito kung saan, pagkatapos ng pagsasayaw, ay bumalik muli sa violin at sa mga
mala-anghel na boses ang pagkanta.
'Wow!! Hindi mo naman 'to masyadong
pinaghandaan?', ang tanong ni Coleen kay Jeric matapos itong magsayaw.
'Hindi naman. Nagustuhan mo ba?', ang
hingal na sagot ni Jeric.
'Oo. Sobrang na-surprise ako. Ang
galing mo pala sumayaw.', ang sabi ni Coleen.
'Sinasagot mo na ba ako?', ang tanong
ni Jeric.
'Huh? Di mo pa nga ako tinatanong e.
Sagot agad hanap mo.', ang pamimilosopo ni Coleen.
Natawa naman si Jeric sa sinabi nito.
Akma na siyang magtatanong nang bigla siyang pigilan ni Coleen.
'Hep!!! Hindi muna ngayon ang tanong.
Sobrang aga pa.', ang sabi ni Coleen.
Nabitin naman si Jeric at iniba na
lang ang tanong.
'Pero may pag-asa ba?', ang tanong
nito.
'Hmm. Tara, kain na tayo. Ako nagutom
sa ginawa mo e.', ang nakangiti nitong yaya kay Jeric.
May malalim na kahulugan ang ngiting
ibinigay ni Coleen kay Jeric. Naintindihan naman ito agad ni Jeric kaya naman
masaya itong sumunod kay Coleen.
***
Ito na ang ikatlong Friday na nag-stay
si Symon sa PJ's simula nang makasama niya si Darrel dito. Hinihintay pa rin
niya ang muling pagpasok nito sa pinto para samahan ulit siya.
'You're crazy. Syempre may ibang
ginagawa yun. Tsaka hindi naman kayo friends para magsama ulit kayo.', ang
kontra ng kanyang isip.
Minabuti niyang ibaling na lang ang
atensyon sa pagbabasa ng script para sa Dress-Up Musical nila. Inilagay na niya
sa magkabilang tenga ang headset at yumuko upang hindi makita ang pinto.
Nasa kalagitnaan siya nang pagbabasa
nang biglang may humila sa papel niya. Agad siyang tumingala at nakita ang
isang lalaking napakalaki ang ngiti sa kanya.
'Bakit ka mag-isa?', ang tanong nito.
'I'm waiting for you.', ang sabi ng
isip niya.
'Uhm. Ah. Hmm. Kelangan ko po kasi
basahin itong script para sa midterms namin.', ang nasabi ni Symon.
'You mind if we join you?', ang tanong
ni Darrel.
'No, of course not. Sino pong kasama
niyo?', ang tanong ni Symon.
'Ayun o.', ang pagturo ni Darrel sa
kasama na nakapila sa bar.
'SERIOUSLY???', ang sigaw ng kanyang
isip.
Si Agapito ang kasama ni Darrel.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment