by: Lui
'Hi, JR!!', ang bati ni Symon kay
Agapito nang umupo na ito at saluhan sila ni Darrel sa table.
'Hey.', ang walang emosyon nitong
bati.
Hindi masyadong makapang-asar si Symon
dahil naroon si Darrel. Ayaw naman niyang sabihin nito na masama ang kanyang
ugali. Nagkwento si Symon tungkol sa kanilang exam kay Ms. Ellie matapos itong
magtanong sa kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
'We did the same thing when I was in
first year. I played the lead female character.', ang natatawang sabi ni
Darrel.
'Seriously?', ang hindi makapaniwalang
sabi ni Symon.
Magsasalita na sana si Agapito nang
bigla siyang i-cut ni Symon. Nagpakwento ito sa kung ano ang nangyari nung sila
ang nag-present dati.
'It was awful! Ang awkward mag-heels.
Feeling ko madadapa ako.', ang sabi ni Darrel.
Sobrang kinikilig si Symon at
tinanggal niya sa eksena si Agapito. Sa tuwing magsasalita ito ay tatabunan
niya ang sasabihin nito. Tuwing isasama siya ni Darrel sa usapan ay iniiba niya
ang topic. Agad namang nadadala si Darrel at tuluyan nang nawala si Agapito.
'I gotta take this. Excuse me.', ang
paalam ni Darrel bago sagutin ang cellhphone.
Pagkatayo ni Darrel ay naka-receive na
siya ng text mula sa mommy niya dahil nasa baba na ito. Tumayo na siya at
magpapaalam na kay Darrel nang matigilan siya nang magsalita si Agapito.
'Naka-isa ka sa'kin ngayon. Wait for
my turn.', ang banta ni Agapito.
'Oooh. I'm scared.', ang pambabara
niya sa seryosong sabi ni Agapito.
Sinalubong niya na si Darrel sa gitna
ng coffee shop at nagpaalam na.
***
Over the weekend ay naging busy si
Symon sa pag-aaral dahil midterms week na. Na-finalize na niya ang mga props na
kelangan pati na ang mga material sa paggawa nito. Napag-usapan nila ni Lexie
na sa Friday, pagkatapos ng huling exam sila magsisimulang gumawa.
'Symon! Ang pangit naman ng birthday
mo, midterms week!', ang komento ni Hanna na kanyang nakatatandang kapatid.
Iba ang schedule kapag midterms week.
May ibang exam na mas maaga sa nakagawiang oras. At meron naman ibang mas late.
Lunes ang napag-usapan na araw ng pagpapasa at pagpe-present ng final story kay
Ms. Ellie. Agad namang tinanggap ng professor ang kanilang proposal at binigyan
na sila ng go-signal para magsimulang mag-rehearse.
'Lexie, lip-synch ba 'to or live?',
ang tanong ni Symon sa kaibigan.
'Lip-synch lang. Pero kelangan
pag-aralan din nila yung kanta.', ang sagot ni Lexie.
'Ah. Okay.', ang tanging sagot ni
Symon.
'Uy, magpapatulong ako sa inyo nina
Coleen sa rehearsals ah.', ang sabi ni Lexie.
'Sure. No problem.', ang sagot ni
Symon.
Nadatnan nila sina Coleen, Shane at
Jeric sa cafeteria. Hysterical si Shane sa sobrang saya at halos hanggang tenga
ang ngiti ni Jeric.
'What's up?? Sinagot mo na??', ang
tanong ni Lexie kay Coleen.
'Pumayag na si Coleen to take my part
sa musical!!!', ang malakas na sabi ni Shane.
'So, kayo na ba?', ang tanong ni
Symon.
'Hindi pa, dude.', ang sagot ni Jeric.
'Maka-hindi pa to, Jeric. Parang
sigurado kang sasagutin kita ah.', ang sabi ni Coleen.
'Oh, my God! May pinakitang video sa
akin si Jeric!! Kikiligin kayo.', ang sabi ni Shane.
'Jeric!!!!', ang protesta ni Coleen.
'What?? Nakatayo ka lang naman dito
e.', ang sabi ni Jeric habang inilalabas niya ang laptopg galing sa bag.
Nagkumpulan silang lahat at pinanood
nila ang performance ni Jeric sa kanilang high school auditorium. Kilig na
kilig naman si Shane. Hindi naman maikakaila sa video na kinikilig si Coleen.
'He really caught me off guard!', ang
sabi ni Coleen.
'But how did you convince the school
na magamit mo yung audi?', ang tanong ni Lexie.
'Hay, Lexie! He's the son of the
school's owner.', ang sabi ni Coleen.
Nalaman lang niya ito nang kumain sila
ni Jeric sa isang malapit na resto sa school dahil tinanong niya ang tanong ni
Lexie.
'Wow!! You own that school?? Most of
my friends sa village dyan nag-aaral!', ang sabi ni Symon.
'Baka naman pwede natin magamit 'yan
for rehearsals.', ang sabi ni Lexie.
'Seriously, Lexie?', ang pagpansin ni
Shane sa dedication ni Lexie sa pagiging director.
'What?', ang sabi ni Lexie kay Shane.
'Sure! Magpapaalam ako. Once a week?',
ang sabi ni Jeric.
'Yup! Yey! Thanks!', ang sabi ni
Lexie.
'Uhm. Guys, before ko malimutan,
you're all invited this Saturday at my house.', ang sabi ni Symon.
'Why? Anong meron?', ang tanong ni
Coleen.
'It's my 17th birthday.', ang sabi ni
Symon.
Nagkagulo naman ang apat sa sinabi ni
Symon. Naghalo ang excitement dahil sa party at inis dahil late na niya sinabi
na birthday na nito.
'How am I suppose to buy you a gift
with barely a week left tapos midterms pa?', ang tanong ni Coleen.
'Aww. Pwede namang to follow na e.',
ang biro ni Symon.
'No! Hindi 'yun pwede. I hate you,
Gonzales! Wala pa akong isusuot!', ang sabi ni Coleen.
***
'You're so amazing!', ang komento ni
Darrel matapos kumanta ni Dana.
'Thanks!', ang sagot nito.
'Kamusta? Hindi na kita masyadong
nakakausap. Busy ka na. Paano na lang pag sumikat ka? Kakalimutan mo na ako.',
ang drama ni Darrel.
'Uy, OA ka! Hindi no. Sorry, ang dami
ko lang ginagawa.', ang sagot ni Dana.
'Obviously. You're skipping classes!
What's up? Nakakatampo ka na. Di mo man lang ako tinetext. Kung hindi ka pa
siguro nandito sa PJ's, baka di na kita talaga nakita.', ang paglalabas ni
Darrel ng hinanakit sa kaibigan.
'Sorry naman. Nakakatulog na agad ako
pagkauwi ko. Hindi ko na natitingnan phone ko.', ang sabi ni Dana.
Hindi naman sumagot si Darrel sa
sinabi ng kaibigan. Uminom siya ng iced tea na kanyang in-order at kumagat sa
burger na katabi nito.
'Uy, seryoso ka bang nagtatampo ka?',
ang tanong ni Dana.
'Oo. Ikaw kasi e. Masyado kang
nagpapa-miss.', ang malungkot na sabi ni Darrel.
'Sorry naman. Babawi ako sa'yo.', ang
pag-aamo ni Dana kay Darrel.
Hinila ni Dana ang braso ni Darrel at
ihinilig ang ulo dito. Normal ito sa kanilang dalawa. Walang malisya o kung ano
man.
'Okay. Sama ka sa akin sa Saturday.
In-invite ako ng isang volunteer sa birthday party niya.', ang yaya ni Darrel.
'Ang sweet naman!! Ano, official na
ba?', ang tanong ni Sharmane nang napadaan ito sa harapan ng dalawa.
Agad namang umayos ng upo si Dana at
bumati kay Sharmane. Napangiti lang ito sa tinuran ng schoolmate at hinayaang
si Darrel na ang magsalita.
'Nako, that's what you always say.
Good luck!', ang sabi ni Sharmane bago dumiretso sa CR.
'It's so weird how everyone thinks na
tayo no? Bakit kaya di na lang natin sabihin na tayo nga para matahimik sila?',
ang komento ni Dana.
Natawa naman si Darrel sa sinabing ito
ng kaibigan. Alam niyang nag-exaggerate lang ito dahil sa lagi silang
natatanong tungkol sa pagkakaibigan nila.
'Ano? Sa Sabado?', ang pagbabalik ni
Darrel sa invitation niya kay Dana.
'Okay! Pero sunduin mo ako.', ang
pagpayag ni Dana.
***
'Whoooooo!!', ang sigaw ni Shane
habang umiindak kasabay ng malakas na tugtog sa malaking garahe nina Symon.
Alas-nuebe na nagsimula ang party ni
Symon. Busy ang kanyang mommy sa pag-aasikaso ng pagkain at mga inumin. Pumayag
ito na magkaroon ng alak pero limited lamang. At dahil sa policy ng village,
hanggang alas-dose lang ng hatinggabi pwede magpatugtog ng malakas. Marami ang
dumalo. Karamihan ay mga high school friends ni Symon. Siyempre, kumpleto naman
ang kanyang college barkada at ilang mga kaklase. Lahat naman ay inimbita niya
maliban kay Agapito.
'Kuya Darrel!! Akala ko po hindi kayo
makakapunta!', ang masyang sabi ni Symon nang makita si Darrel na pumasok sa
gate.
'Happy birthday!!', ang bati ni Darrel
sabay abot ng regalo.
'Wow! Thank you po.', ang kinikilig na
pagtanggap ni Symon sa bigay ni Darrel.
'Symon. Si Dana nga pala.', ang
pakilala ni Darrel sa kasama.
'Hello po. Tara! Kain na po kayo.',
ang yaya ni Symon.
Inasikaso ni Symon sina Darrel.
Pinaupo niya ito sa table kasama ang mga college friends. At pinaabutan niya
ito ng pagkain sa waiters na kasama sa catering service.
Ang isang part ng garahe nila ay
parang naging mini-bar dahil dito nagsasayawan ang ilang mga imbitado. May mga
lights rin na talaga namang nag-set sa mood nila na mag-party. Masaya ang lahat
at kabi-kabila ang bati kay Symon na nag-eenjoy sila sa party nito.
Bandang 10.30 na ng gabi ng ilabas ng
mommy ni Symon na si Grace ang cake at ang lahat ay kumanta ng happy birthday.
Itinigil panandalian ang music at ibinigay ang momnet na iyon kay Symon.
'Thank you, guys, so much! Thanks for
coming!! Let's party!!!!!', ang sabi ni Symon bago muling ibalik ang malakas na
tugtog.
***
'Anak.', ang sabi ng kanyang ina
habang kumakatok sa pinto.
Marahan nitong binuksan ang pinto ng
kanyang kwarto habang siya naman ay mabilis na nagpupunas ng mga luha sa mata.
'Nandyan si James sa baba.', ang sabi
ng ina.
'Paakyatin niyo na lang po.', ang sabi
ni Agapito na hindi tumitingin sa ina.
Halata sa boses nito ang lungkot.
Nakaramdam naman ang ina sa hirap na dinadala niya. Pero hinayaan na lang niya
muna ito kahit alam niyang itinatago nito sa kanya ang mga luha.
'O sige. Mag-aakyat na din ako ng
pagkain.', ang sabi nito bago muling isara ang pinto.
Muli siyang humiga at wala pang isang
minuto ay naramdaman niya na ang pagsalampak ni James sa kama niya.
'Dude.', ang pagtawag sa kanya nito.
'Hmm?', ang paos niyang sagot.
'Bakit para kang iniwan ng chicks dyan
sa itsura mo?', ang tanong nito nang mapansing hindi man lang ito gumalaw nang
dumating siya.
'Wala. Bakit? May kelangan ka ba?',
ang tanong ni Agapito.
'Wala naman. Wala ako magawa. Umalis
silang lahat. Palaro ng Wii.', ang sabi ni James.
'Sige lang. Ikaw na mag-set up.', ang
pagpayag ni Agapito.
'Yun!', ang tuwang-tuwang pagtayo ni
James.
Nagtalukbong ng kumot si Agapito
habang naglalaro si James ng Wii. Sobrang bigat ng pakiramdam niya ngayon at
mukhang walang ideya ang kaibigan dito. Nang kumatok ang kanyang ina dala ang
isang tray na puno ng pagkain ay nag-pretend si Agapito na nakikipaglaro kay
James pero pagbaba nito ay bumalik ito muli sa higaan. Itinigil ni James ang
paglalaro at umupo sa sahig. Kinuha niya ang tray ng pagkain at nagsimulang
kumain.
'JR.', ang pagtawag niya dito.
Inilabas naman ni Agapito ang ulo sa
kumot at tiningnan ang kaibigan na sarap sa pagkain.
'Ano?', ang tanong nito.
'Ayaw mo ba kumain?', ang tanong nito
kahit puno ang bibig.
'Ubusin mo na 'yan.', ang matamlay na
sagot nito.
'Uy, dude. Anong problema natin?', ang
tanong ni James.
'Ha?', ang nagulat na sabi ni Agapito
sa biglang pag-aalala ni James.
'Kanina ka pa ganyan. Ano? Iniwan ka
ba ng chick?', ang tanong ni James.
'James, alam mo kung anong date
ngayon?', ang tanong ni Agapito.
Nag-isip sandali si James at nang
maisip na niya ang date, wala naman siyang naalalang significant sa araw na
ito.
'O, anong meron ngayon?', ang tanong
ni James.
'Eksaktong isang buwan na since nawala
si Papa.', ang malungkot na sabi niya.
Hindi na napigilan ni Agapito ang
maluha. Muli niyang ibinalik ang kumot sa kanyang ulo. Ayaw niyang makita siya
nang kahit sino man na umiiyak. Kahit ang ina niya hindi siya nakita na umiyak
nang namaalam ang kanyang ama.
Parang naalarma naman si James sa
nakita niyang kahinaan ng kaibigan at agad na umupo sa tabi nito.
'Dude. It's okay.', ang sabi ni James
habang pilit na ibinababa ang kumot.
Ayaw naman itong payagan ni Agapito.
Dumapa na siya at hinawakan ng mahigpit ang kumot para hindi mahila ni James.
Hinayaan na lang siya ni James at patuloy na lang ito na nagsalita.
'JR, isang buwan nang wala si Tito Ag.
Pero isipin mo na lang na nasa mabuting lugar na siya ngayon. Wala na siyang nararamdaman
pang sakit. Maginhawa na siya. Malamang, nakikita ka niya ngayon. Paano siya
magiging masaya para sa'yo kung ikaw mismo di mo magawang maging masaya?', ang
sabi ni James.
'Ang dami ko pang hindi nasasabi sa
kanya. Ang dami pa naming planong mag-ama. Tapos nawala na siya. Ang daya.
Iniwan niya kami.', ang pag-iyak ni Agapito sa loob ng kumot.
'Mas mabuti na iyon kesa naman makita
mo naman siya na nahihirapan diba? You just have to learn how to let go.', ang
sabi ni James.
'It's too soon.', ang sabi ni Agapito.
Hindi na nakapagsalita pa si James
dahil hindi niya alam ang sasabihin dito. Hindi niya gamay ang mga ganito. Pero
nalulungkot siya dahil alam niya kung gaano naging close si Agapito sa ama
nito.
'Dude! Bangon ka dyan! Dali!!', ang
bigla niyang sabi dito.
Buong pwersa niyang hinigit ang kumot
dito at nakita niya ang mga namamagang mata ni Agapito. Ayaw ni James ng
malungkot dahil sa bahay nila ay tanging ito lang ang aura simula nang iwan
sila ng kanyang ama. Hinila niya si Agapito upang bumangon ito at inutusan na
magbihis.
'Basketball tayo nang mawala 'yang
lungkot mo. Dali!', ang sabi ni James
'Gabing-gabi na. 11PM na kaya!!', ang
inis na sabi ni Agapito.
'E ano naman? Wag ka na umarte! Dalian
mo.', ang inis na sabi ni James.
Wala naman nang nagawa si Agapito kung
hindi sundin ang sinabi ni James. Agad itong nagsuot ng basketball shorts pero
hindi na ito nag-sapatos. Naalala ni Agapito na may court nga pala sina James
sa backyard nito kaya malakas ang loob na magyaya maglaro kahit gabi na.
'O, shooting muna!', ang paghagis ni
James ng bola kay Agapito.
Nawala naman kahit papano ang bigat ng
nararamdaman ni Agapito nang simula itong pagpawisan. Lumalamang siya sa
one-on-one nila ni James na madalang lang mangyari. Matapos ang halos kalahating
minuto ng paglalaro at napansin niya na nagpapatalo si James upang gumaan ang
pakiramdam niya ay bumalik na naman ang pakiramdam niya kanina.
'Dude, hindi ko talaga kaya.', ang
sabi niya nang inupuan niya ang bola.
Yumuko na siya at hindi na napigilan
ang sarili na muling maiyak. Si James naman ay agad na lumapit at tinapik siya
sa likod.
'Sige lang, dude. Ilabas mo lang 'yan
lahat.', ang sabi ni James.
Umupo na talaga sa sahig si Agapito at
niyakap ang mga tuhod niya habang si James naman ay nasa tabi niya at hinahagod
ang kanyang likod.
***
Halos nakainom na ang lahat at ang iba
na nakarami ay medyo tipsy na. Nagpaalam na sina Lexie, Shane, Jeric at Coleen
na kina Symon na matutulog. Wala pa ring tigil ang kanilang pagsasayaw hanggang
sa in-announce ng DJ na last song na.
'Awwwww!', ang sabi ng mga tao na
nag-eenjoy pa.
'Nahihilo na ako.', ang bulong ni Dana
kay Darrel.
Hinawakan ni Darrel ang kamay ni Dana
at umupo sa isang table malapit sa mini-bar. Dumaan sandali si Symon upang
alamin kung okay lang ba sila.
'Uuwi na rin kami maya-maya ah.', ang
sabi ni Darrel.
'Nag-enjoy po ba kayo?', ang tanong ni
Symon.
'Oo naman. Thanks for inviting us.',
ang sabi ni Darrel.
Nagpaalam na si Symon at sinamahang
muli ang mga kaibigan. Masayang-masaya siya dahil kumpleto ang birthday niya.
Hindi lang basta dumalo si Darrel, may regalo pa ito sa kanya.
'Dars, gusto ko ng water.', ang sabi
ni Dana.
Humingi sila ng tubig sa waiter pero
dahil nagliligpit na ang mga ito ay sinabihan sila na pumasok na lang sa kusina
upang doon kumuha ng water. Agad naman nilang sinunod ang sinabi ng waiter.
Pagkapasok ay agad na kumuha si Darrel
ng baso at pinuno ito ng tubig mula sa dispenser. Iniabot niya ito kay Dana
upang makainom ito. Medyo hilo pa ito at halatang lasing dahil hindi na ito
makapagsalita ng maayos.
'Sure ka bang hindi ka mapapagalitan
kapag umuwi ka ng ganyan?', ang tanong ni Darrel.
'Alam mo, okay lang ako. Lalo na kasama
kita.', ang sabi ni Dana.
Biglang pumulupot ang dalawang kamay
nito sa leeg ni Darrel. Halata namang nalilito si Darrel sa ginagawa ng
kaibigan.
'I've been meaning to tell you this.',
ang sabi ni Dana.
Nakatitig lang si Darrel sa mga mata
ng kaibigan. Tumatakbo sa isip niya na huwag naman sanang sabihin ni Dana ang
naisip niyang pwede nitong sabihin.
'Thank you for being such a good
friend, Darrel. Ikaw lang ang nag-iisang laging nandyan para sa akin kahit
anong mangyari. I super love you. Thank you, friend!', ang sabi ni Dana.
Parang nakahinga naman ng maluwag si
Darrel. Sa totoo lang, akala niya ay magko-confess ito sa kanya ng pagmamahal.
Pero nagulat siya sa sumunod na nangyari. Biglang lumapit ang mukha ng kaibigan
sa kanya at naglapat ang kanilang mga labi. Nakabukas ang mga mata ni Darrel
nang dumampi ang labi ni Dana sa kanya. Pero napapikit din siya agad nang
ituloy ni Dana ang ginagawa.
'Kuya...', ang pagpasok ni Symon sa
eksena.
Naisipan ni Symon na sundan ang dalawa
nang mapansin niyang pumasok ito sa kanilang bahay. Nakita niyang itinuro ng
waiter ang kanilang kusina. Pumasok siya upang tingnan kung nakapunta ba sila
sa tamang lugar. Pero hindi siya handa sa kanyang nakita. Magkayakap ang dalawa
at magkadikit ang mga labi. Hindi siya narinig nina Dana at Darrel dahil agad
siyang tumigil sa pagsasalita nang makita ang estado ng dalawa.
Namumuo ang mga luha ni Symon at agad
na tumalikod at tumakbo paakyat sa kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili
kung bakit sobra siyang nasaktan sa nakita. Kung ano ang isinaya niya ay gayon
naman ang lungkot na bigla niyang nadama ngayon. Humagulgol siya sa loob ng
kwarto at nagpasalamat siya sa malakas na tugtog dahil hindi siya rinig.
'I hate you! I hate you! I hate you!',
ang sigaw ni Symon habang sinusuntok ang unan.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment