by: Lui
BEST FRIDAY EVER!!!!! Ganyan katindi
ang kasiyahan ni Symon habang papalapit na ang pagtatapos ng gabi. Hindi siya
makatulog dahil pinapaulit-ulit niya ang mga pangyayari simula nang maiwan siya
mag-isa sa PJ's hanggang sa makakwentuhan niya si Darrel.
'Okay ka lang ba?', ang naalala niyang tanong ni Darrel sa kanya nang
mapansin nitong hindi ito komportable.
'Yeah. Uhm. Ah. Hmm.', ang hindi malaman na sasabihin ni Symon.
'Yes?', ang paghihintay ni Darrel sa gusto nitong sabihin.
'Nothing. I'll just go to the washroom.', ang paalam niya.
Agad naman siyang nagkulong panandalian sa CR at hinayaan ang sarili na
makahinga. Parang feeling niya ay nasusuka siya na ewan.
'Dang it, Symon!! Ayusin mo sarili mo. Stay cool!', ang pagpapakalma ni
Symon sa sarili.
'Are you sure you're okay?', ang medyo concerned na tanong ni Darrel
pagkabalik ni Symon sa kanilang table.
Tumango naman si Symon at ngumiti ng pagkalaki-laki. Sinubukan niyang
iwasang titigan ang lalaking nasa harap at umastang normal. Ayaw niyang ito ang
maging huli. Naging smooth naman ang kwentuhan ng dalawa. Batuhan ng tanong at
ng kung ano-ano pa.
'O, may girlfriend ka?', ang tanong ni Darrel.
Halos mabuga naman niya ang iniinom na iced coffee dahil sa biglaang
tanong ni Darrel.
'Nako, wala po.', ang nakangisi niyang sagot.
'Maniwala ako sa'yo. Mukha ka ngang chickboy e.', ang puri ni Darrel.
Halos tumambling naman si Symon sa sinabi ni Darrel. Hindi niya
maintindihan ang lubos na kasiyahang nararamdaman niya. Feeling niya namumula
na naman ang mukha niya.
Mahigpit niyang yakap ang unan at
hinahanapan niya nang mas malalim na kahulugan ang mga salita ni Darrel.
'Nung sinabi ba niya na mukha akong
chickboy, ibig bang sabihin nun e tingin niya sa akin gwapo ako?', ang tanong
niya sa sarili.
Alam naman niyang hindi masyadong
angat ang kanyang looks compared sa iba pero napapalitaw ng kanyang persinality ang magagandang features
niya tulad ng kanyang mga malamlam na mata at magandang ngiti.
***
'You're so hypnotizing
Could you be the devil?
Could you be an angel?
Your touch magnetizing
Feels like I am floating
Leaves my body glowing'
'Take me, ta-ta-take me
Wanna be a victim
Ready for abduction
Boy, you're an alien
Your touch so foreign
It's supernatural
Extra-terrestrial'
Halos buong weekend itong pinapatugtog
ni Symon habang iniisip ang maikling oras na magkasama sila ni Darrel sa PJ's.
Sobrang tinamaan yata talaga siya dito. Wala siyang masabing kahit anong mali
dito.
Ikalawang linggo na niya bilang
freshman at halos tambak na siya ng mga babasahin at mga reports sa klase.
Madalas silang magkasalubong ni Darrel sa hallway at nagngingitian naman sila.
Gusto man ni Symon pero hindi naman ito tumitigil upang makipagkwentuhan.
Hinihintay na lang niya ang text nito na nagpapatawag ng meeting.
Nangyari naman ang pinakahihintay niya
Miyerkules ng umaga. Nagising siya na ang laman ng cellphone niya ay ang text
ni Darrel.
'Hi, Volunteers! Team Building this
Friday to Saturday. I'll drop by your class later. See you.', ang laman ng
message ni Darrel.
Masayang pumasok sa MSCA si Symon at
hindi na mahintay pa ang pagpunta ni Darrel sa room. Sakto pagkalabas ng terror
na prof sa tanghali ay pumasok si Darrel sa loob ng class room dala ang ilang
mga papel. Tinawag niya sina Symon, Lexie at Jeric.
'Hi! Na-receive nyo ba ang text ko
kanina?', ang tanong ni Darrel.
Mukhang puyat ito dahil sa lalong
sumingkit ang mata at medyo haggard ang hitsura. Pero para kaya Symon ay gwapo
pa rin ito.
Tumango naman ang tatlo at nagsimula
nang i-brief ni Darrel ang mga volunteers. Overnight ang team building at sa
loob ito ng school gaganapin. 6PM ito magsisimula hanggang 3PM ng Sabado.
Sinabi na rin ni Darrel ang mga kailangang dalhin at ibinigay nito ang waiver
form bago nagpaalam agad sa tatlo upang bisitahin ang ibang klase.
Sakto namang paglabas ni Darrel ay
pumasok ang Lit 101 professor nina Symon na si Ms. Ellie Dumlao. Cool itong
professor. Hindi mahigpit pero marunong mag-handle ng klase.
'Settle down, guys. I have an
announcement.', ang panimula nito.
Agad namang tumahimik ang lahat at ang
mga mata ay itinuon sa kanya.
'As early as today, I am going to give
you your final exam.', ang seryoso pa ring niyang sabi.
Nagsimula naman ang mga bulungan sa
room. Tumalikod si Ellie at kinuha ang marker at malaking isinulat sa board ang
mga salitang: DRESS UP!. Lalo namang lumakas ang mga usapan ng mga estudyante.
Nagbibigay ng kani-kanilang hula sa kung ano ang exam.
'Hush, guys! You'll be presenting a
musical with a twist! First, the story must be original. Second, you can sing
any song you want as long as it's relevant to the story you are going to
write.', ang paliwanag niya habang naglalakad sa aisle.
'Third, you'll be working as one
group. And last, but not the least, male characters are going to be portrayed
by females and female characters are going to be portrayed by males!', ang
pagpapatuloy niya.
Lalong nagkagulo ang klase sa sinabi
ni Ellie. Ipinaliwanag niya na upang maging isang mahusay na manunulat o di
kaya ay aktor o di kaya ay direktor, dapat ay alam ng isang tao ang pakiramdam
maging isang lalake, babae, tomboy o bakla.
'Preparations should start now. I will
be giving you stories from our syllabus for inspiration, maybe.', ang sabi ni
Ellie.
'Ma'am, pero may midterm exam pa rin
po kami?', ang tanong ng isang estudyante.
'Your midterm exam will be the final
story, the final characters and the final tasks of each of you. Understood?',
ang sabi ni Ellie.
Nagsimula siyang magbigay ng hand outs
at nag-discuss na siya ng unang storyang kanyang ipapaintindi sa mga
estudyante.
***
Ang bilis ng pagdaan ng araw at
Biyernes na. Dinala na ni Symon ang mga gamit umaga pa lang dahil hanggang
4.30PM pa ang klase niya at 5PM magsisimula ang team building. Halos tuliro si
Symon buong araw dahil ang kanyang utak ay naka-set na sa activity na gagawin
after class.
'Hello po.', ang bati ni Symon sa mga
officers pagkapasok niya ng meeting room kung saan ay iiwan niya ang mga gamit.
May mangilan-ngilan nang mga
volunteers ang nakapagpalit na ng damit at naghihintay na lang ng pagsisimula
ng programa. Kasama ni Symon sina Jeric at Lexie na kasing excited ni Symon sa
activity. Nagbihis na rin sila matapos ibaba ang mga gamit. Nagsuot lang ng
plain white shirt at jogging pants si Symon habang si Jeric naman ay
naka-shorts. Si Lexie naman ay naka-tights.
'AVR, guys!', ang utos ng isang
officer sa kanila.
Halos puno na ang AVR pagkarating nila
at halos nasa huling row na sila nakaupo. Pagala-gala ang mga mata ni Symon.
Hinahanap niya si Darrel. Nakita naman niya ito pero nanlaki ang mata niya nang
nakitang may kausap ito.
'Why is he here????!', ang sigaw ni
Symon sa dalawang kasama.
'Sino?', ang tanong ni Jeric.
Sinundan nina Jeric at Lexie ang
direksyon kung saan nakapako ang mga mata ni Symon. Nakita niyang nagtatawanan
ang dalawa sa malayo at mukhang matagal nang magkakilala.
'Volunteer si Agapito???', ang tanong
ni Lexie.
Walang sumagot dito. Mukhang
naramdaman naman ni Darrel na may nakatingin sa kanya at automatic itong
napatingin sa kinauupuan nina Symon. Agad namang ibinaling ni Symon ang tingin
sa katabing si Lexie bago ibalik muli ang tingin kay Darrel. Tumango ito at
ngumiti sa kanya.
'Ano kayang sinasabi nito ni Agapito
kay Darrel? Bakit sila magkakilala?', ang mga tanong niya sa isip niya.
Imposibleng volunteer siya dahil last
week pa closed ang registration. Wala siya sa meeting at hindi siya binigyan ng
waiver form.
***
Nagsimula na ang program at in-assign
na sila sa kani-kanilang mga rooms. Matapos maibaba ang mga gamit ay dumiretso
na ang mga volunteers sa covered court kung saan ay may obstacle course silang
haharapin. Hinati sila sa tatlong grupo na may limang miyembro kada isa.
'Seriously???!', ang sabi ni Symon kay
Lexie na nasa kabilang grupo.
Naging ka-grupo ni Symon si Agapito sa
activity na ito. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit tinanggap ito gayong
tapos na ang registration nang sumali ito.
'Hi.', ang bati ni Agapito sa kanya at
sa tatlo pang groupmates.
Tiningnan lang niya ito ng masama at
wala nang sinabi pa. Nagsisimula nang sumenyas ang activity head. Pumila na
sila at si Symon ay pang-apat at nasa likod niya si Agapito.
'Go!', ang sigaw ng isang officer.
Agad namang nagsimula ang ka-grupo
nila kaya't nanguna agad sila. Kelangan nitong daanan ang obstacle course
papunta sa kabilang side ng court at pabalik. Matapos i-tap ang sumunod na
ka-grupo ay saka pa lang pwedeng gumalaw ang susunod. Mabilis na natapos ni
Symon ang course at buong pwersang pinalo ang kamay ni Agapito upang
makapagsimula na ito. Nakita niya pa na shine-shake nito ang kamay habang
dinadaanan ang mga gulong. Napalakas yata talaga.
'Salamat ah!', ang sabi ni Agapito sa
kanya nang makabalik ito.
'Congratulations to Symon's group!
They won the first challenge!', ang sabi ni Sharmane.
Nagpalakpakan ang mga tao habang si
Symon naman ay nakasimangot lang sa gilid. Tiningnan na lang niya si Darrel na
nasa gilid lang at nagmamasid sa mga nangyayari. Sobrang kalmado ng mukha nito.
'...this will be your permanent group
until tomorrow.', ang mga huling sinabi ni Sharmane na nakapukaw sa atensyon ni
Symon.
'Whaaaaat?!', ang halos hangin lang
niyang sabi.
Tinakbo niya ang maluwag na court
papunta kay Darrel upang tanungin ito kung bakit kasama nila si Agapito.
'Kuya, e hindi naman po siya
nag-register.', ang sabi ni Symon.
'Symon, nag-register siya nung last
day.', ang kalmado na sabi ni Darrel.
'E bakit wala po siya nung meeting?
Tsaka bakit hindi mo siya tinawag nung pumunta po kayo sa room?', ang mga
tanong ni Symon.
'Honestly, he's a friend of mine. We
were schoolmates nung high school. Member of the same club. That's why I really
don't need to brief him about this stuff.', ang sabi ni Darrel.
Hindi na nakasagot si Symon sa kanyang
nalaman. Biglang lumungkot ang mukha nito at nagpaalam na kay Darrel.
'Sige po. Salamat po.', ang malungkot
na sabi ni Symon.
'Hey, Symon. Whatever's going on
between the two of you, ayusin mo na yan. First year ka pa lang, mas okay kung
friends mo ang lahat. Tsaka mabait naman yang si JR. Kaibiganin mo.', ang sabi
ni Darrel bago i-flash ang magandang ngiti.
'JR?', ang tumatawa niyang sabi.
'Yeah. Pilyo ka ah.', ang sabi ni
Darrel.
Bumalik na si Symon sa kanyang grupo
at pasimpleng inasar si Agapito aka JR. Tatanungin niya ito ng mga
nakakatangang mga tanong.
'So, schoolmates pala kayo ni Kuya
Darrel, JR?', ang natatawa niyang tanong.
'Yeah. Why?', ang seryosong sagot ni
Agapito.
'Wala naman, JR!', ang sabi muli ni
Symon na may emphasis sa pangalan nito.
'Seriously, what is your problem with
my name?!', ang naiinis niyang tanong.
'Nothing, JR!', ang sabi ni Symon bago
unahan ito papunta sa room.
***
Nang matapos na ang lahat ng activity
sa gabing iyon ay halos kakilala at kasundo na ni Symon ang lahat maliban na
lang kay Agapito. Hindi niya maintindihan pero ang init ng dugo niya dito.
Siguro dahil meron itong mga paraan na tinatapatan siya nito sa mga pang-aasar
at pambu-bully niya.
'Thanks, guys! We'll wake you up at
6AM tomorrow! Good night!', ang paalam ni Sharmane.
Nagpatugtog sila sa buong auditorium
habang naglalabasan ang mga volunteers. Magkakasama ang mga officers at
masayang nagkekwentuhan. Si Sharmane ay nagsimulang sumayaw.
'Darrel! Darrel! Darrel!', ang kantyaw
ng ibang mga officers.
Binagalan ni Symon ang paglabas upang
makita kung magsasayaw nga ang crush. Hindi naman siya nabigo nang sabayan nito
ang 'Teach Me How To Dougie' na malakas na tumutugtog sa auditorium.
'OH MY GOOOOOOOOOOODDD!!!!', ang sigaw
ni Symon sa loob niya.
Halos panghinaan siya ng tuhod nang
makita niya itong umindak. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Wala na
yata talagang kamalian kay Darrel para kay Symon.
'Uy! Tara na!', ang yaya sa kanya ni
Jeric.
Para naman siyang nagulat nang marinig
ang boses ng kaibigan. Agad siyang tumayo at sinundan ang kaibigan papunta sa
room kung saan sila matutulog.
'Buti naman at hindi natin kasama
'yung isa dito sa room.', ang sabi ni Symon patungkol kay Agapito.
'Bakit ka ba galit na galit dun?', ang
tanong ni Jeric habang nag-aayos ng kutson.
'Ewan ko ba. Gumaganti kasi.', ang
sabi ni Symon.
'Ikaw naman kasi. Tigilan mo na.', ang
sabi ni Jeric.
'Wala na akong ginagawa.', ang depensa
ni Symon.
Napatingin sila sa pinto nang biglang
may kumatok. Si Darrel ang niluwa nito at agad naman umupo si Symon nang makita
niya ito. Naalala na naman niya ang pagsasayaw nito kanina.
'Hi. Favor naman. Ok lang ba kung
lumipat si JR dito? Puno na kasi sa kabila.', ang sabi ni Darrel.
Sumulpot naman mula sa likod nito si
Agapito na nakangisi. Kumaway ito sa ibang mga kasama. Agad namang pumayag ang
majority nang nasa room kaya't wala nang nagawa si Symon.
'Be good, dude.', ang sabi ni Jeric sa
kaibigan.
Hindi na niya ito pinansin. Humiga na
siya at pumikit. Nakahiga siya pinakamalapit sa backdoor ng room. Katabi niya
si Jeric. Si Agapito naman ay sa bandang harapan natulog. Nag-iwan siya ng
konting space para hindi naman siya maapakan kapag may dumaan.
***
Ilang oras nang nakahiga si Symon pero
hindi pa rin siya makatulog. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto nang makabangon ito upang magpahangin sa
labas. Masyado nang malamig ang buga ng aircon sa loob ng room. Madilim na ang
paligid kaya naman hindi niya napansin na meron pala siyang makakasalubong.
'Ay kabayo!', ang gulat niyang turan
nang may isang madilim na pigura ng tao ang bumangga sa kanya.
'Tao naman ako.', ang sabi ng pamilyar
na boses.
'Kuya Darrel.', ang pagkilala niya
dito.
'Bakit ka nasa labas? Dapat tulog ka
na ah.', ang sabi ni Darrel.
'Di po ako makatulog e. Kayo po?', ang
tanong ni Symon.
'Eto nga, papunta na ako sa room niyo.
Dyan na ako matutulog para bantayan kayo.', ang sabi ni Darrel.
'Wow. Grabe, sobrang bait nyo naman.',
ang puri ni Symon.
'Responsibilidad namin kayo kaya dapat
binabantayan kayo lagi.', ang sabi ni Darrel.
'Sabagay. Sige po, magpahinga na
kayo.', ang sabi ni Symon.
'Hindi mo ba naintindihan ang sinabi
ko?', ang magalang na tanong ni Darrel.
In-analyze ni Symon ang sinabi ni
Darrel at napagtanto niya na hindi ito pwedeng magpahinga kung nasa labas pa
siya dahil kargo siya nito.
'Ay. Sorry naman, kuya. Eto na nga,
papasok na e.', ang pabirong sabi ni Symon.
'Ikaw talaga.', ang natatawang sabi ni
Darrel.
Pagkapasok ay agad na humiga si Symon
habang si Darrel naman ay tiningnan muna isa-isa ang mga lalaking volunteers na
natutulog. Sinigurado niya munang kumpleto ang mga ito bago magpahinga.
'Dito na lang ako para magising ako
kapag may lalabas. Ni-lock ko yung pinto sa harap.', ang sabi ni Darrel habang
inilatag ang manipis na foam sa tabi ni Symon.
'Diyos ko! Bakit mo siya laging
nilalapit sa akin???!! Baka atakihin na ako!!!', ang sabi ni Symon sa sarili.
Buti na lang at madilim kaya't hindi
halatang kinikilig siya.
'Sige po. Kuya, may kumot po ba
kayo?', ang tanong ni Symon.
'Meron. Salamat. Pahinga ka na. Maaga
pa tayo gigising mamaya.', ang sabi ni Darrel.
'Sige po.', ang huling sabi ni Symon.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment