by: Lui
Puro mga hikbi na lang ang maririnig
mula kay Symon. Nagtext siya kina Coleen nang medyo humupa na ang nararamdaman.
Nag-alibi na lang siya at sinabing nahilo at nasuka kaya nauna na sa kwarto.
Alam na naman nila kung saan sila matutulog. Sobrang nanghihina na siya.
Dahil siguro sa sobrang pagkabalisa ni
Symon ay hindi niya naramdaman ang pagpasok ni Jeric sa kwarto. Dahil silang
dalawa lang ang lalaki sa grupo, sila ang magkasama sa pagtulog. Habang sina
Coleen, Shane at Lexie naman ay sa kwarto ni Hanna matutulog. Si Hanna ay sa
kwarto muna ni Maxine natulog.
'Symon. Okay ka lang ba?', ang tanong
ni Jeric nang marinig nito ang ilang mga hikbi.
'Yeah. I'm okay. Ayoko kasi ng
nagsusuka e.', ang pagsisinungaling ni Symon.
'Sure ka? Namumugto na 'yang mata mo
o.', ang sabi ni Jeric.
'Oo. Matulog ka na.', ang utos ni
Symon.
Nagtungo muna ng CR si Jeric upang
mag-wash up. Si Symon naman ay hindi na bumangon at hinayaan na lang ang
kaibigan na maging at home sa kanyang kwarto. Naghilamos muna si Jeric bago
mag-shower. Medyo hilo na rin ito sa antok at sa alak na nainom pero nahihiya
naman siya kung hindi maglilinis ng katawan bago matulog. Matapos makaligo ay
nagbihis na ito at itinapon ang ilang mga kalat sa bag sa trash can sa loob ng
CR ni Symon. Doon niya nakita ang isang hindi pa bukas na regalo. Kinuha niya
ito at binasa ang card.
'To: Symon
Happy, happy birthday!!:)
From: Darrel'
Hindi pa bukas ang regalo kaya't
dinala niya ito palabas ng CR. Nagtataka siya kung bakit nandoon ang regalo ni
Darrel.
'Symon, nakita ko 'to sa trash can.
Bakit nandon 'tong gift sa'yo ni Kuya Darrel?', ang tanong ni Jeric.
Bumilis ang tibok ng puso ni Symon at
hindi alam ang isasagot sa kaibigan.
'Ah. Eh. Kanina kasi nung nagsusuka
ako, hawak ko 'yan. Hindi ko na naibaba. Akin na nga!', ang sabi niya bago
mabilis na hinablot kay Jeric ang regalo.
Pinipigilan pa rin ni Symon ang
pag-iyak dahil ayaw niyang mapansin ito ng kaibigan. Pero sobrang halata na may
dinadamdam ito dahil nanginginig ang boses niya habang nakikipag-usap kay
Jeric.
'Sy. I know we just met, I mean all of
us. But, I'm your friend. What's bothering you? Alam kong hindi ka okay. Inaway
ka ba ni Kuya Darrel? You can tell me.',
ang sabi ni Jeric.
Natulala naman si Symon sa tinuran ng
kaibigan. Habang tumatagal ang panahon ay unti-unti na niyang nakilala ang mga
kaibigan. At syempre, unti-unti na rin siyang nakikilala ng mga ito. Si Coleen
ay lumabas na ang pagiging conyo at buhay-mayaman. Si Lexie naman ay ipinakita
na ang pagiging dedicated sa academics at extra-curricular activities. Si Shane
ay ipinamalas na ang pagiging happy-go-lucky. At si Jeric? Sa kanilang lima,
hindi niya inakalang si Jeric pa ang magiging listener. Siguro dahil in-expect
ni Symon na parehas silang lalaki at hindi sila mag-uusap about mushy or cheesy
things.
'You can trust me.', ang panigurado ni
Jeric nang umupo na ito sa side ng kama kung saan siya matutulog.
Ipinatong ni Symon ang regalo ni
Darrel sa kanyang study table. Umakyat na siya sa kama at nag-indian sit sa
tabi ni Jeric. Nagsimula na naman siyang umiyak na parang bata.
'Come on, tell me.', ang sabi ni Jeric
habang hinahagod ang likod ni Symon.
'I saw Kuya Darrel and Ate Dana
kissing in the kitchen.', ang pag-iyak ni Symon.
***
Tulog si Dana sa tabi ni Darrel habang
nasa taxi sila papunta sa bahay nito. Hindi niya mawari kung bakit siya
hinalikan sa labi ng kaibigan.
'Wala lang siguro 'yun. Baka sobrang
thankful lang talaga siya. Pero bakit ko in-expect na sasabihin niyang may
feelings siya para sa akin?', ang sabi at tanong ni Darrel sa sarili.
Tiningnan niya si Dana na himbing sa
pagtulog at nakasandal na sa kanyang balikat.
'May nararamdaman ba ako para sa'yo?
Bakit ganito? Baka nadadala lang ako ng mga pang-aasar sa atin.', ang
pakikipag-usap pa rin ni Darrel sa kanyang sarili.
Nakarating na sila sa tapat ng bahay
nina Dana at marahan niya itong ginising. Agad naman itong naalimpungatan at
pinilit si Darrel na siya na ang magbabayad ng pamasahe pero hindi pumayag ito.
'Thanks sa paghatid.', ang sabi ni
Dana na medyo namumula pa ang mga mata mula sa pagtulog.
'It's okay.', ang sabi ni Darrel.
Gusto niyang tanungin ito sa nangyari
kanina pero nahihiya siya. Parang ang bastos kasi ng dating. Hindi niya alam
kung ano ang sasabihin. Parang naiilang siya na ewan.
'So, I gotta go. Medyo late na.', ang
paalam ni Darrel habang pilit na nakangiti.
'Sige. Ingat ka ah. Thanks ulet!', ang
sabi ni Dana bago ito pumasok sa gate.
Naglakad naman si Darrel palayo sa
bahay at naghanap ng masasakyang jeep pauwi. Punong-puno ang kanyang isip ng
mga tanong. Naguguluhan siya sa sarili. Mahal niya ba si Dana? O akala lang
niya?
***
'Okay. So?', ang tanong ni Jeric.
Hindi niya mawari kung ano ang
nakakaiyak sa nakita ni Symon. Akala naman niya ay may masama itong balita na
narinig o di kaya ay may nakalimot na bumati dito. Pero hindi na naisip na
dahil sa nakita niyang naghalikan sina Darrel at Dana kaya siya umiyak.
Hindi naman makasagot si Symon.
Hinihintay niyang maintindihan ni Jeric ang sitwasyon by himself. Sobrang lakas
ng kabog ng puso niya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng kaibigan. Pero
nandito na 'to e. Kung totoo namang kaibigan si Jeric ay matatanggap siya nito.
'May gusto ka kay Ate Dana? Ngayon pa
lang kayo nagkita ah.', ang tanong ni Jeric.
Umiling si Symon bilang pagsagot ng
hindi.
'E ano? Wala naman akong makitang
nakakaiyak sa nangyari maliban na lang kung may gusto ka kay...', ang hindi
natapos na sasabihin ni Jeric nang maintindihan nito ang sinasabi.
Lalo namang naiyak si Symon nang
mapansin niyang nag-iba ang mukha ni Jeric at parang naguguluhan. Pilit siguro
nitong inaayos sa isip niya ang mga pangyayari.
'Symon, may gusto ka kay Kuya
Darrel?', ang tanong nitong walang panghuhusga.
Tiningnan ni Symon sa mga mata si
Jeric habang tumutulo ang mga luha nito. Hindi na niya kailangang sumagot pa ng
oo dahil naintindihan na ito ni Jeric.
'Okay. I didn't expect that. Okay.',
ang sabi ni Jeric habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Nahihiya si Symon sa kaibigan kaya't
humiga na ito at nagtalukbong ng kumot. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay.
Habang si Jeric naman ay parang istatwang hindi makagalaw sa kinauupuan. Hindi
pa nagsi-sink in sa kanya ang nalaman ngayong gabi.
Matapos ang ilang minuto ay kinausap
na ni Jeric si Symon.
'Hey.', ang pagtawag ni Jeric dito.
'Jeric, it's okay if you wanna leave.
Or kung ayaw mo na rin ako kausapin. Okay lang.', ang sabi ni Symon.
'What are you talking about? You're my
friend and I'll accept you kahit ano ka pa. I admire your courage na sabihin sa
akin kahit na you let me figure it out by myself.', ang sabi ni Jeric.
Hindi naman nagsalita si Symon dahil
hindi niya alam ang isasagot dito.
'May balak ka bang sabihin 'to kina
Coleen?', ang tanong ni Jeric.
'Oo. Pero hindi pa ngayon. Can you
keep this for a while?', ang tanong ni Symon.
'Sure. Pero I didn't notice na you're
not straight. Akala ko nga dati type mo si Coleen e.', ang sabi ni Jeric.
Napangiti naman si Symon sa sinabi ni
Jeric at nagsimula na niyang ikwento ang pagka-crush niya kay Darrel.
'Sorry ha. Baka nandidiri ka.', ang
sabi ni Symon.
'Ano ba 'yang isip mo? Bakit naman ako
mandidiri? I have an uncle who's gay. So, medyo sanay na ako. Akala nga nila
dati susunod ako sa yapak nun e.', ang natatawang kwento ni Jeric.
'E may Coleen ka na. So you're
definitely straight.', ang sabi ni Symon.
'Alam mo 'yan, te!', ang baklang sagot
ni Jeric.
Napamura naman si Symon sa ginawa ni
Jeric. Nagulat siya na kaya nitong lumambot ng ganon.
'Joke lang! Oo naman. Seryoso ako kay
Coleen.', ang seryoso nang sabi ni Jeric.
***
Malaki ang pasasalamat ni Agapito kay
James na talagang gumawa ng paraan para mapagaan ang pakiramdam niya. Pero
talagang sobrang sariwa pa ng sugat sa puso ni Agapito dahil isang buwan pa
lang simula nang sumakabilang-buhay ang ama nito. Inatake ito sa puso habang
nasa gitna nang isang meeting sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nakaabot pa ito
sa hospital pero masyado nang malala ang lagay ng puso nito kaya bumigay na din
agad.
Wala pang isang taon simula nang
ma-diagnose ang sakit nito sa puso. Kahit na patuloy naman ang pagpapa-check up
at pag-inom ng gamot, masyado naman itong stressed sa trabaho. Sobrang malapit
si Agapito sa ama. Tatlo lang sila sa pamilya dahil nag-iisa itong anak. Kaya
naman laking lungkot nilang mag-ina nang mawala ito.
'If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never, ever
end
How I’d love, love, love to dance with
my father again'
Paulit-ulit niyang pinatugtog ang
kantang iyan pagkahiga niya sa kama. Hinayaan niyang malunod siya sa sariling
mga luha. Alam niyang darating ang panahon na makakayanan na niya na wala ang
ama.
***
Tahimik lang si Symon habang nasa
sasakyan papasok sa MSCA. Nakatingin lang siya sa labas habang malakas na
tumutugtog ang kanyang iPod sa kanyang tenga.
'When you're gone it feels like
My whole world's gone with you
I thought love would be my cure
But now it's my disease
I try to act mature
But I'm a baby when you leave
How can i ever get used to being
without you?'
'Symon!', ang sigaw ni Grace sa anak.
'What??', ang inis na baling ni Symon
sa ina.
'What's with the gloomy face? Lunes na
Lunes, nakasimangot ka.', ang pagpansin niya sa malungkot na anak.
'Nothing. I just got up on the wrong
side of the bed.', ang malamig na sagot ni Symon bago muling ibalik ang headset
sa tenga.
Nag-vibrate ang phone niya at nagtext
si Coleen. Niyayaya siya nito mag-breakfast in 15 minutes kasama si Jeric.
Pumayag naman siya dahil sobrang malapit na siya sa school. Pagkababa niya ay
sa cafeteria siya muna dumiretso at doon hinintay sina Coleen at Jeric.
'O, aga mo ah.', ang bati ni Jeric sa
kanya.
'Tinext ako ni Coleen. Breakfast
daw.', ang sabi ni Symon.
'Grabe. Bakit ang lungkot mo?', ang
tanong ni Jeric.
Tiningnan lang ni Symon si Jeric para
maalala nito ang nangyari noong birthday niya.
'Come on, Sy! Cheer up.', ang sabi ni
Jeric.
Pilit na ngumiti si Symon. Lumapit
nang kaunti si Jeric sa kanya at bumulong.
'And kung ako tatanungin mo, puppy
love lang 'yan.', ang sabi ni Jeric.
'What? Bakit naman? So, yung sa inyo
ni Coleen, puppy love lang din?', ang tanong ni Symon.
'Iba naman 'yun. Pero tingnan mo yung
sitwasyon mo. Crush mo lang siya. Baka na-infatuate ka lang. Hindi nga kayo
ganoon magkakilala pero kung umakto ka ngayon parang nag-break kayo.', ang
walang prenong sagot ni Jeric.
Hindi naman nakasagot si Symon dahil
sapul naman siya sa sinabi ni Jeric. Buti na lang at dumating na si Coleen at
naiba na ang topic.
'Nasaan sila Lexie? I texted them din
e.', ang sabi ni Coleen pagkaupo nito.
'I don't know. But for sure, they're
coming.', ang sabi ni Jeric.
'Hi, Symon! Your sad aura is oozing.
What's up?', ang sabi ni Coleen.
'Ewan ko sa'yo, Coleen.', ang inis na
sagot ni Symon.
'What's wrong with you?', ang tanong
ni Coleen.
'Hayaan mo muna siya. Tara, let's
order na.', ang yaya ni Jeric kay Coleen.
Nagpa-order na lang si Symon kay Jeric
para may magbantay ng gamit nila sa table kahit na wala pa naman masyadong tao
sa cafeteria dahil maaga pa. Kinuha niya ang iPod sa bulsa matapos ilagay ang
headset sa tenga.
'Hi, Symon! Ang aga ah!', ang sabi ng
pamilyar na boses.
Napalingon si Symon sa papalapit na
estudyante bago pa mapindot ang play button.
'Kuya Darrel.', ang medyo masaya
ngunit biglang lungkot niyang bati dito.
'O, nabuksan mo na ba 'yung regalo ko
sa'yo?', ang tanong nito.
Ang fresh ni Darrel nang umagang iyon.
Parang halos kakatapos lang nito maligo at medyo basa pa ang buhok. Ang linis
niya tingnan sa plantsadong polo at sa slim cut na pants. Hindi pa rin
nagbabago ang nakakatunaw nitong ngiti at ang mga nangungusap na mata.
'Uhm. Hindi pa po e.', ang sagot ni
Symon.
'Ganon ba? Tell me kapag nabuksan mo
na.', ang sabi nito sa kanya.
'Sige po.', ang sabi ni Symon.
Kumaway naman kay Darrel si Jeric mula
sa kabilang dulo ng cafeteria. Halata ang pag-aalala sa mga mata nito dahil kay
Symon.
'O kasama mo sila?', ang tanong ni
Darrel.
'Opo.', ang maikling sagot ni Symon.
'O sige. I'll see you around. Bili
lang ako ng coffee.', ang paalam ni Darrel.
'Sure.', ang sagot ni Symon na may
pilit na ngiti.
Ibinalik niya ang atensyon sa iPod at
pinindot na ang play sa kanyang headset. Nagsimula na ang bagong kanta.
'Am I crazy or falling in love
Is it real or just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do'
'Seriously?', ang inis na sabi ni
Symon nang malaman ang kantang tumutugtog na panama sa kanya ngayon.
***
Habang lunch break ay pinag-usapan
nila Lexie at Jeric ang posibilidad ng pagre-rehearse sa parating na Biyernes
sa auditorium ng school na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Si Symon naman ay
hindi pa rin humuhupa ang pagkalungkot at pagkainis sa araw na iyon dahil kahit
saan siya magpunta ay nakikita niya si Darrel o di kaya si Dana.
'I'll ket you know by tomorrow.', ang
sabi ni Jeric kay Lexie.
'O sige. Basta we should start
rehearsing this week. Less than 2 months na lang before our presentation.', ang
sabi ni Lexie.
Tahimik lang si Symon. Hindi na siya
tinatanong ng mga kasama. Marahil kinausap na ito ni Jeric na hayaan na lang
muna siya.
'Kuha lang ako ng water.', ang paalam
ni Symon sa barkada.
Tumayo siya at tinungo ang drinking
fountain na sana kanang bahagi ng cafeteria. Nakatulala siya sa umaagos na
tubig habang pinupuno nito ang kanyang baso. Dalawa ang kanyang pinuno upang
hindi na siya bumalik. Agad naman siyang tumalikod mula sa fountain para
makagamit na ang susunod at para makabalik na siya sa kinauupuan nang
magkabanggaan sila ng estudyante sa kanyang likod. Natapon ang dalawang basong
tubig na hawak niya at nabasa siya pati na ang taong nabangga niya. At the same
time, natapon din ang spaghetti na nasa tray na hawak ng nasa likod niya at
tumapon din ito sa kanilang dalawa.
'FUCK!!', ang sigaw ni Symon nang
makita ang sariling basa at puro mantsa ang uniform.
'Ano bang problema mo sa akin? HA?',
ang pagtulak sa kanya ng nabangga niya na kasing-basa at kasing-dumi din niya.
Natigilan ang lahat ng tao sa
cafeteria nang itulak ni Agapito si Symon. Napaupo ito sa sahig. Agad namang
nakabawi si Symon at tinulak din si Agapito.
'Your name sounds funny!', ang sabi ni
Symon.
Nang makatayo si Agapito ay binigyan
niya ng isang malakas na suntok si Symon. Inihagis naman ni Symon ang sarili
kay Agapito upang makaganti. Napahiga si Agapito sa sahig dahil sa lakas ng
pwersa ni Symon. Nasa ibabaw si Symon at binigyan niya ng sunod-sunod na suntok
si Agapito. Nakatayo naman si Agapito at nakabawi ng suntok kay Symon. Parehas
nang duguan ang mga mukha nang dalawa. Nagtitilian na ang mga tao at walang
makapigil sa dalawa. Natigilan lang ang dalawa nang may isang sumigaw.
Nakakatakot ang malaking boses na narinig nila. Nakakapangilabot dahil sobrang
galit ito.
'STOP IT, BOTH OF YOU!!!', ang sigaw
ni Darrel.
Salubong ang kilay nito at buong
pwersa niyang hinablot sina Symon at Agapito palabas ng cafeteria papunta sa
Discipline's Office.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment