by: Lui
'You got that smile
That only heaven can make
I pray to God everyday
That you keep that smile
Yeah, you are my dream
There's not a thing I won't do
I give my life all for you
Cause you are my dream'
(Next 2 You - Chris Brown feat. Justin
Bieber)
Iyan ang kanyang kinakanta habang
minamasahe niya ang buhok ng mabulang shampoo. Alas-siete na ng umaga. Malakas
ang kanta na tumutunog galing sa speaker sa kanyang kwarto. Hindi na niya
sinara ang pinto upang marinig ito at masabayan at, tutal naman, ay sarili niya
itong CR sa sariling kwarto.
'One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you,
right next to you
Nothing will ever come between us
Cause I'll be standing right next to
you, right next to you'
(Next 2 You - Chris Brown feat. Justin
Bieber)
Pinihit na niya ang handle upang
lumabas ang tubig mula sa shower at agad na binanlawan ang buhok pati na ang
katawan. Sumasabay ang padyak ng kanyang paa sa beat ng kanta. Nang matapos
siyang maligo ay agad na ipinunas sa katawan ang isang tuyong tuwalya. Naglakad
na siya papunta sa cabinet upang kuhanin ang mga isusuot. Briefs. Undershirt.
Pants. Long sleeves. Tie. Ang lahat ay ihinagis niya sa kama. Nagsimula na ang
bagong kanta.
'Leggo!', ang sigaw niya bago
tinanggal ang tuwalya at nagsuot ng underwear.
At isinabay niya ang galaw ng katawan
sa bagong beat ng kantang tumutugtog nito. Tumapat siya sa full-body mirror at
sinuot ang undershirt at pants. Isinunod na niya ang long sleeves na agad rin
niyang itinupi bago ilagay ang tie. Nang matapos ang kanta ay tinanggal na niya
ang iPod sa speaker. Bumalik siya sa salamin upang magsuklay.
'Hello everyone. My name is Symon
Gonzales, 16 years old from Makati City. You can call me Sy for short.', ang
sabi niya sa harapan ng salamin.
'Hmmm. That doesn't sound right. Well,
who cares?', ang sabi niya sa sarili.
Matagal niyang tinitigan ang sarili
suot ang bagong uniform bago lumabas ng kwarto. Pero bago pa man masara ni
Symon ang pinto ay binalikan niya ang kanyang iPod at headset. Bumaba na siya
at nakitang handa na ang kanyang almusal.
'Good morning, son! Ang gwapo mo naman
sa bago mong uniform.', ang bati ng kanyang ina
na si Mrs. Grace Gonzales, Division Head sa isang malaking international
bank sa bansa.
Lumaking may silver spoon si Symon.
Napagbibigyan ang lahat ng kanyang luho dahil unico hijo ito. May dalawa itong
kapatid na babae. Isang nakakatanda na ang pangalan ay Hanna. Nasa huling taon
na ito sa kolehiyo. Ang nakababata naman niyang kapatid ay si Maxine na nasa
third year high school.
'Thanks, Mom! Aren't you supposed to
be in the office?', ang tanong nito sa ina.
'Actually, I have a meeting in an
hour. But I guess I need to drop you off first to your new school.', ang
malambing na sabi nito ngunit may bahid ng sarcasm sa pagkabanggit sa bagong
paaralan.
'C'mon, Mom! Cut it! I want this
course.', ang medyo naiinis na sabi ni Symon.
'Yeah. Yeah. I know. Wala na nga akong
sinasabi diba?', ang pagsuko ng ina.
Gusto kasi nito na kumuha siya ng
business or finance-related na kurso katulad niya. Ang panganay na kapatid ay
kumuha ng Marketing sa isang sikat na unibersidad. Pero siya, gusto niya ang
Communication Arts. Medyo pangit ito sa panlasa ng kanyang ina pero iyon ang
gusto niya.
'Stop with the sarcasm. Isusumbong
kita kay Daddy.', ang sabi ni Symon habang inuubos niya ang nakahandang
sinangag at hotdog and egg sa mesa.
'You do that. Wala kang allowance in a
month.', ang nakangiting sabi nito.
Isang taon nang divorced ang parents
ni Symon. Sa States sila nagpakasal 20 years ago. Nagkaroon ang ibang babae ang
daddy niya. At the same time, may ka-flirt din ang mommy niya. Hindi ordinaryo
ang pamilya nila. Akala mo ay magkakabarkada lang sila kapag nag-uusap.
Nanatili pa rin naman ang healthy communication sa pagitan ng mga magulang niya
at tuloy pa rin ang sustento sa kanila. Nasa States ang ama niya sa
kasalukuyan.
Matapos kumain ay niyaya na niya ang
ina na umalis. Alas-otso ang una niyang klase. May kalahating oras na lang siya
para bumiyahe. Sa isang exclusive subdivision siya nakatira kung saan nakatira
ang ilang mga sikat na personalidad sa pulitika man o sa showbiz.
'What time should I pick you up?', ang
tanong ni Grace sa anak.
'How about you buy me a car so I won't
be bothering you picking me up?', ang nakangiting tanong ni Symon sa ina.
'You're too young to drive!', ang
protesta ni Grace.
'Mom, I'm sixteen for God's sake. Kung
sa States lang, I should be moving out from Dad's.', ang argumento ni Symon.
'You're not in the States and you're
with me!', ang sabi ni Grace sa anak.
'Okay, okay. My last class ends at
4.30PM.', ang sabi ni Symon pagkatingin sa class schedule niya.
'4.30PM, it is.', ang sabi ni Grace.
Habang nasa biyahe ay kung ano-anong
tips ang ibinigay niya sa anak dahil ito ang first day niya sa college.
Nagkwento rin siya ng mga experiences niya noong siya mismo ang nasa kolehiyo.
Lumaking may-kaya rin ang mommy ni Symon.
***
Nagulat siya sa alarm ng kanyang
phone. Pupungas-pungas pa niyang inabot ito at in-off ang alarm.
'Now baby don't you stop it, stop it
Now baby don't you stop it, stop it
Now baby don't you stop it, stop it
Even if you wanted to, you couldn't
stop us now'
(Don't Stop the Party - The Black Eyed
Peas)
Agad naman siyang bumangon upang
mag-prepare na sa unang araw ng klase. Lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa
CR. Naghilamos siya at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Parang may isang
manipis na linya lang sa kanyang mga mata. Mas singkit pa siya kapag bagong
gising. At ang buhok niya ay nakatayo sa kung saang direksyon. Diretso ligo na
siya at agad din nagbihis. Pagkabukas ng cabinet ay hinanap niya agad ang
bagong tie.
'Junior, baby!', ang nasabi niya sa
isip.
Isang kulay green na tie ang kanyang
inilagay sa kanyang leeg suot ang puting long sleeves. Nakasampay sa kanyang
closet ang dalawa pang kulay ng tie na ginamit niya noong first year at second
year. Black at yellow. Pag nasa 4th year na siya ay red na ang isusuot niya.
Inayos na niya ang gamit na dadalhin sa unang araw ng semester. Alas-dos pa ang
klase niya pero kailangan niyang dumating sa school ng 8AM upang gampanan ang
pagiging officer sa org nila.
Pagkababa niya ay nakita niyang walang
tao. Nagsuot lang siya ng sapatos at agad na ring umalis. Sa campus na lang
siya kakain ng almusal.
8AM nang dumating siya sa campus.
Dumiretso muna siya sa cafeteria bago tumungo sa AVR kung saan nila titipunin
ang mga bagong estudyante. Naroon na ang ilang mga co-officers. Hindi pa naman
siya late pero siya na ang pinakahuling dumating. Siya ang project head nito
kaya't ang lahat ng kilos ng kanyang mga kasamahan ay galing sa utos niya.
Tatlong araw pa lang bago ang unang araw ng klase ay plantsado na ang lahat.
'Guys! Are we all set? Freshmen are
going to be here in less than an hour.', ang tanong ni Darrel.
'Yes, Darrel. Just rehearse your
spiels!', ang sabi ng isang kasamahan sa org.
Iniabot nito sa kanya ang isang papel
kung saan nakasulat ang program at script.
'Good morning, freshmen! I am Darrel
Uy, your Internals VP for this academic year! Are you all excited to start the
new phase of your lives? Rest assured, the Student Council of the Manila School
for Communication Arts will guide you through your four years in college! To
get the ball rolling....', ang pag-eensayo ni Darrel.
'Darrel. Puntahan lang namin yung
F-CA.', ang paalam ng isa niyang kasama.
'Sure. Ilang sections sila?', ang
tanong nito.
'Five. Papapuntahin na namin dito.',
ang sabi nito.
'Okay. All set na naman e. Thanks.',
ang sabi nito.
***
Pumasok na si Symon sa building kung
saan nasa 4th floor ang room niya. Hindi karamihan ang mga estudyante dito
dahil naka-focus lang sa Communication Arts ang itinuturo dito. F-CA1 ang
kanyang section at ayon sa class schedule na hawak niya ay sa room 413 ang una
niyang klase.
Agad siyang pumasok nang nakita niya
ang room 413. May mangilan-ngilan ng mga nakaupong estudyante. Tiningnan niya
ang oras sa kanyang relo at nakita niyang saktong 8AM na. Umupo siya sa ikaapat
na upuan mula sa pintuan sa likod. Wala siyang katabi katulad ng iba niyang
kasama sa room. Hindi na niya tinanggal ang headset na nakapasak sa kanyang mga
tenga.
Ilang minuto pa lang siyang nakaupo
nang may pumasok mula sa pinto sa harap. Akala niya ay ang professor na ito
kaya't agad niyang tinanggal ang headset niya. Pero agad din niyang napansin na
naka-uniform din ang mga ito. Iba nga lang ang kulay ng necktie nila. Green. At
iyong isang babae ay red.
'Hi. F-CA1?', ang tanong ng lalaking
may green na necktie.
Tumango ang isang kaklase ni Symon na
pinagtanungan nito. Pumunta sa harapan ang lalaking naka-green na necktie at
nagpakilala.
'Hi, F-CA1. I'm Jeremy Baltazar. You
can call me Kuya Jer. I'm one of the volunteers for your orientation. I'm from
J-CA3. I'm with Ate Sharmane Lopez from S-CA1. She's the PRO of our student
council.', ang jolly na pagpapakilala nito.
'Hello, F-CA1! Medyo konti pa lang
tayo ngayon. So, for today, you won't be meeting your morning class because we
are devoting it for your orientation at the AVR. We'll just wait for your other
classmates before we head off to the AVR. Okay?', ang sabi nito.
Puro tango lang ang sagot ng mga
estudyanteng nakaupo. Halatang nahihiya pa. Nagsimulang makipagkwentuhan ang
dalawa sa ilang mga freshmen pero minabuti ni Symon na ibalik na lang ang
kanyang headset. Hindi siya ganoong ka-friendly na tao. Okay siya kahit mag-isa
lang.
***
Matapos ang halos kalahating oras na
paghihintay ay sa wakas gumalaw na rin sila paakyat sa AVR. State-of-the-art
ang facilities sa MSCA lalo na ang AVR na akala mo ay isang high-end na
sinehan. Malamig sa loob kaya't buti na lang ay may kasamang coat ang uniform
nila. Umupo na siya sa hilera na itinuro sa kanya ng usher. Katabi niya ang
isang babae at lalaking kaklase pero hindi siya nakipag-usap. Kung kausapin
siya ng mga ito, edi okay. Kung hindi, okay lang din naman.
In less than 5 minutes ay nagsimula na
ang program. Tumayo silang lahat para sa National Anthem. Namangha siya sa
video presentation na kasama nito. Isang bubbly na babae ang host. Nagpakilala
siya bilang si Kaley Faustino from S-CA4. Ipinakilala niya ang Internal Vice
President ng MSCA na si Darrel Uy para i-welcome ang mga freshmen.
Nakuha agad ni Darrel ang atensyon ng
marami. Naka-uniform din siya tulad ng iba pero iba ang dating niya. Ang
mala-bampira niyang kulay, ang mga singkit na mata at ang ngiti na kanyang
ibinigay sa lahat ang talagang napansin ng lahat. At kasama na dito si Symon.
'He's so cute!', ang sabi ng kaklaseng
babae na katabi.
'Yeah.', ang sagot niya sa isip niya.
Nginitian lang niya ang kinikilig na
katabi. At sinuklian din siya nito ng matamis na ngiti. Wala pang nakakaalam sa
sexual orientation ni Symon dahil kahit siya mismo ay naguguluhan. Nagkaroon
siya ng isang girlfriend noong nasa high school pa lang sila pero hindi naman
iyon seryoso. Nagustuhan niya ito pero nagsimula niyang tanungin ang sarili
nang maramdaman niya ang parehas na feeling sa kaklaseng varsity player ng
basketball na kanyang naging ka-close. Hindi mo aakalaing hindi straight si
Symon dahil sa matikas na tindig nito at malalim na boses.
'I'm Coleen.', ang pagpapakilala ng
kaklase.
'Symon. With a 'Y''., ang
pagpapakilala niya.
Nagkamayan sila. Hindi na sila
masyadong nakinig sa sinasabi ni Darrel dahil nagsimula na silang magkwentuhan.
Saan graduate ng high school? Bakit MSCA? Pero nakuha muli ni Darrel ang
kanilang atensyon ng i-announce nito na open sila for freshmen volunteers para
sa council. Agad na nabuo sa utak ni Symon na sasali siya sa committee ni
Darrel.
'So, we'll be opening our booth at the
lobby after lunch up to 4.30PM. Maybe after your class, you can drop by and
sign up. We'd really love to have freshmen as our volunteers! Thank you very
much!', ang huling mga sinabi ni Darrel sa stage.
'You wanna grab lunch or soemthing?',
ang yaya ni Symon kay Coleen.
'Sure! I'm quite starving.', ang
pagpayag ni Coleen.
***
Nag-stay sila sa cafeteria. Isang oras
at kalahati pa bago ang unang klase nila sa hapon nang matapos ang program.
'Buti na lang konti lang estudyante
dito no?', ang sabi ni Symon.
'Oo nga. And walang maiingay. Alam mo
yun. Yung parang nasa palengke.', ang sabi ni Coleen.
'Yeah. Yung 'parang' nasa palengke.',
ang pag-ulit ni Symon sa sinabi ni Coleen na may emphasis sa salitang 'parang'
dahil hindi niya matigas na binanggit ang letter 'R'.
'Sorry ha!', ang sabi ni Coleen.
'It's okay. Ikaw na ang graduate sa
international school.', ang pang-aasar ni Symon sa kanya.
'Tigilan mo nga! It's not funny.', ang
sabi ni Coleen.
'Okay. So much for our first day. As
classmates.', ang pagpapaumanhin ni Symon.
Tinapos na nila ang kanilang kinakain
at nagpaalam na si Coleen. Kelangan daw niyang i-meet ang daddy niya.
'See you in class!', ang paalam ni
Symon.
'Later, Symon!', ang paalam ni Coleen.
Muling isinuot ni Symon ang kanyang
headset at pinindot ang play. Nagsimula nang tumugtog ang kanta sa kanyang
tenga habang binabaybay niya ang daan pabalik sa building.
'When I see your face
There's not a thing that I would
change
Cause you're amazing
Just the way you are'
(Just the Way You Are - Bruno Mars)
Pagkapasok niya sa lobby ng building
ay nakita niya ang isang kumpol ng mga estudyante na inaayos ang booth para sa
volunteers. Doon niya nakita ulit si Darrel na abala sa paglalagay ng mga papel
sa table. Napansin siya nito at nginitian siya.
'And when you smile
The whole world stops and stares for a
while
Cause you're amazing
Just the way you are'
(Just the Way You Are - Bruno Mars)
'What? I'm sorry.', ang halos kabadong
sabi ni Symon nang nakita niyang gumalaw ang bibig nito na parang may sinasabi.
'Oh. I said, I hope you would sign
in.', ang pag-uulit ni Darrel sa sinabi niya.
'Sure, sure! Pwede na ba ngayon?', ang
enthusiastic na sagot ni Symon.
'Okay! No problem. Just choose kung
saan mo gustong committee.', ang sabi ni Darrel.
Limang committees ang pwedeng pagpilian.
Peer, External, Dance, Chorus at Media. Hindi alam ni Symon kung saan siya
sasali dahil okay naman siya sa lahat. Hindi man siya ang pinakamagaling pero
kaya niya naman.
'I only get to choose one?', ang
tanong ni Symon kay Darrel.
'Yes.', ang nakangiti pa ring sagot ni
Darrel.
Doon lang napansin ni Symon na may
dalawa pala itong maliit na dimples sa may baba ng lips niya. Halos
magkasing-height lang sila pero mas malaki lang ang built nito sa kanya. Gusto
niyang itanong kay Darrel kung saan siya doon kabilang pero nahihiya siya. Baka
mahalata siya masyado na siya ang dahilan kung bakit siya sasali dito.
'Just to help you decide, I'm mostly
in Media.', ang sabi ni Darrel.
'YES!', ang sigaw ni Symon sa loob
niya pero hindi niya pinahalata.
'Mostly?', ang tanong ni Symon.
'Yeah. Since I'm the VP Internals,
hawak ko ang mga committees na yan aside sa Externals, well,for obvious
reasons. But I'm usually in Media since 'yung application ng course natin e
nandun talaga.', ang sabi ni Darrel.
Namangha naman lalo si Symon sa kanya
dahil sa galing nito sa pagsasalita. Parang may kung anong kapangyarihan siyang
nako-compel niya ang kausap.
'Wow! Okay. I'll sign up in Media.',
ang sabi ni Symon.
Isinulat na ni Symon ang buong
pangalan, e-mail address at cellphone number sa sheet. Agad naman itong
tiningnan ni Darrel.
'I'll just contact you, Symon!', ang
sabi ni Darrel matapos mabasa ang name niya sa papel.
'Thanks!', ang nakangiting sagot ni
Symon.
'Nice meeting you.', ang sabi ni
Darrel bago ilahad ang sariling kamay.
'Nice meeting you, uhm, Kuya Darrel.',
ang sabi ni Symon.
Nag-shake hands sila ng mabilis. Para
namang pinasabog ang puso ni Symon dahil sa biglang pagkabog nito. Agad siyang
nagpaalam dahil baka mapansin nito ang kanyang pamumula.
***
Habang nasa elevator ay
masayang-masaya si Symon. First day pa lang ng college pero mukhang ang ganda
agad ng mga pangyayari. Pagkapasok niya sa room ay halos wala pang tao. 15
minutes pa bago magsimula ang klase kung hindi late ang professor.
'Nasaan na kaya si Coleen?', ang
paghahanap niya sa unang acquaintance ngayong college.
Ibinaling na lang niya ang atensyon sa
kanyang iPod hanggang sa pumasok ang isang babaeng nasa mid-40's. Mukhang
masungit.
'Stand up!', ang mataray nitong sabi
sa klase.
Masungit nga.
Nagdasal sila ng sandali pagkatapos ay
pinaupo na ulit sila. Kinuha nito ang isang papel mula sa isang brown envelope.
'Say present when I call your name.',
ang sabi niya.
Wala pa rin si Coleen at hindi niya
alam ang number nito.
'Bautista, Coleen.', ang pagtawag ng
prof.
Ngunit walang nagsabing 'Present!' o
nagtaas ng kamay man lang.
'Bautista, Coleen.', ang pag-ulit ng
prof.
'Present, Ma'am!!', ang sigaw ng isang
boses galing sa likod.
Ang lahat ay tumingin sa
pinanggalingan ng boses.
'Attention everyone. This is not high
school anymore! You are on your own now. The school has a strict policy on
absences and tardiness. So, Ms. Bautista, thank you for giving me a good first
impression.', ang strikto at sarkastikong sabi ng professor sa buong klase
partikular na kay Coleen.
Hindi na sumagot si Coleen at nagbigay
na lang ito ng isang awkward look. Tiningnan ko siya upang makita niya ako.
Agad naman siyang umupo sa tabi ko.
'Strict much?', ang reklamo ni Coleen.
Nginitian lang siya ni Symon sa
kanyang tinuran.
Nagdire-diretso ang professor na ito
sa una niyang lecture tungkol sa Asian History. Part ng mga general education
na subject. Kung sino-sino ang tinawag niya mula sa listahan. Buti na lang at
hindi natawag sina Coleen at Symon dahil nag-uusap sila na wala na silang
matandaan sa subject na ito. Matapos ang isang oras ay lumabas na ito ng
classroom.
***
Ang pangalawang klase naman nila ay
Literature 101. Medyo kalog ang professor at mukhang bata pa. Sinimulan niya
ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala nila ng kanilang mga sarili.
Natapos nang magpakilala sina Symon at
Coleen at lumipat na sa sumunod na row ang estudyanteng tumatayo.
'Hi! I'm Agapito dela Cerna, Jr.', ang
pagpapakilala niya sa sarili.
'Ppppfffttt!', ang pagpipigil ni Symon
ng tawa.
Ang lahat ay awtomatikong napatingin
sa kanya kaya nag-pretend na lang siya na nasamid at naubo. Pero sa totoo lang,
natawa siya sa pangalan na kanyang narinig.
'What's wrong with you?', ang tanong
ni Coleen sa kanya.
'Nothing. Don't mind me.', ang sabi ni
Symon.
'You laughed at his name in front of
the class!', ang pabulong na inis na sabi ni Coleen.
'No, I didn't!', ang hindi pagpayag ni
Symon.
'Yes, you did!', ang pilit ni Coleen.
Hindi na sumagot si Symon at nakinig
na lang sa mga sinabi ng professor. Maagang nag-dismiss ang professor na ito.
'Oh, and by the way, your CA101
professor is not around so this is your last class for today!', ang
announcemeng nito bago lumabas ng room.
Palabas na siya ng room kasabay ni
Coleen nang biglang may nagsalita sa likod niya. Halos napatili si Coleen sa
gulat.
'You think my name's funny?', ang
nakasimangot na tanong ni Agapito bago niya banggain si Symon palabas ng room.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment