Source: darkkenstories.blogspot.com
Part Eleven
Bryan
The movie was very nice. Nakakatawa.
Nasa akin yung popcorn, yung pinaka
malaki. Share na kaming lahat dun. Kuha, dito, kuha doon. Pero may napapansin
ako.
Kumuha si Edward ng popcorn. Eh
sakto na nasa loob nung bucket yung kamay ko. Ewan ko ha, pero hinawakan niya
yung kamay ko. As in yung hawak na holding hands habang nasa loob nung malaking
bucket ng popcorn?! Hindi ko nalang pinansin. Alam ko naman kasing hindi niya
sinasadya. Ang dilim dilim kaya kasi.
Sa kanan ko naman, sila Ate at
Matthew. Si Matthew, kumukuha din ng popcorn, pero hindi tulad ni Edward.
Normal lang.
Kumuha ulit ng popcorn si Edward.
Nanaman. Hinawakan nanaman ang kamay ko.
Aminin! Gusto mo din naman!
Oo naaaaa...
PAAKKKKK!!!
"Wag kang pasimple jan
Edward..." pinalo pala ni Kuya Walter yung kamay ni Edward
"Ayy... sorry po... Kukuha po
kasi ako ng popcorn..." paliwanag ni Edward
"Palusot ka pa..." si
Kuya
"SSSHSHSHSHHHH!" si Ate
Grabe. Kung pwede lang
akong malusaw, kanina pa nangyari. Sino ba naman kasing hindi malulusaw kapag
halos lahat ng tao sa sinehan eh tumingin sainyo tapos mag si-SHHHHH?! Grabe.
Sana pala hindi na ko sumama.
"Sorry..." mahinang tugon
naman nila Edward at Kuya
Hay nako. Ang hirap ng
ganito. Tapos may kumakalabit pa. Nyetangineshi.
"Isa pang kalabit kokonyatan
na kita..." sabi ko in a normal volume of voice.
Aba potcha. Ayaw
tumigil. Tungnu huh.
PAKKKKK!!!
"AWWW!" si Matthew na
bahagyang napasigaw. Ayan nanaman. Tumitingin nanaman lahat. Sa sobrang
kahihiyan, yumuko nalang ako para hindi ako makita ng mga tao.
Naman kase ehhh!!! Ang haharot!!!
Sister, ganyan ang consequence ng
pagiging maganda... Tanggap tanggap din...
Gurl, kung ganito din lang ang
epekto ng kagandahan, ibibigay ko nalang sayo! Nakakahiya naman kasi sayo eh,
wala kang mukha!
Ah ganon... Eh di ibigay mo! Para
wala ka ng Matthew at Edward! Tapos baka itakwil ka na ng pamilya mo dahil
chaka ka na! Akin na silang lahat! BWAHAHAHAHAHAHA!
Gurl, joke joke lang... Baka naman
pwedeng pag-usapan 'to? Peace?
Hay nako Sis. IKR. Pero nako ha...
Kung pipili ka na sakanilang dalawa, just call my name, I'll be there...
Thank you Gurl! You're the one!
Goldilocks?!
Pwede! Osya... Wait lang ha...
"Bry, Walter! Tara na nga!
Nakakainis na ha..." sabi ni Ate
Agad naman kaming
tumayo. Nakakaloka naman talaga kasi...
"Bry sorry na..." si
Edward
"Bry ako din.. Sorry
na..." si Matthew
"So, where shall we eat?"
tanong ni Ate paglabas namin ng sinehan
"Pancake House tayo Ate!"
si Kuya Walter
"Kayong dalawa, mag-suggest
kayo..."
"Uhm Pizza Hut..." si
Edward
"Hmmm... Mang Inasal
kaya?" si Matthew
"Ako... Hmm... Sa
Aristocrat..." hirit ko naman
"Hay nako... Nakakain na tayo
jan eh.. Except sa Mang Inasal.. Mang Inasal nalang tayo!" si Ate
"I guess we better get
going... It's almost 8pm..." si Kuya sabay lakad namin papuntang escalator
We are now headin to
the escalator. May nadadaanan kaming mga clothing stores. May nakita akong
couple shirt. Actually, it was unusual to see a shirt like this. Eh ano ba kasi
yang shirt na yan?! Hindi niyo din naman kasi nakikita kasi binabasa niyo lang,
kaya let me describe it to you...
Ito yung itnatawag na
couple shirt. It was very unusual to see a shirt like this.Well, hindi siya
yung karaniwang t-shirt. They call it 3/4. Three-fouths. Yung manggas eh Navy
Blue tapos the rest is white na may
print. Ganito yun print nung sa right side na shirt.
"Luckily I found him...
--->"
"<----So happy he found
me" dun sa left side. Oo, parehong HE. Kaya nga unusual diba?
Sis gusto mo 'no?
Oo gurl eh...
Eh di gora na...
Pano? Eh wala pa nga akong jowaers?
Hay naketch.. Eh di itabi muna..
Reserve...
Wait lang... Titingin pa ko sa
loob...
"Ate Sarah, Kuya, may titignan
lang muna ako... Una na kayo dun..." sabi ko
"O sige... Be fast..." si
Kuya
"SIge Kuya... Samahan mo ko
Matt!" sabay hila kay Matthew
"At talagang siya lang ang
sinama?" sarcastic na tanong ni Ate
"Di pa kase tapos... Samahan
mo ko Matt at Edward!" sabay hila na talaga sa dalawa.
Nauna na nga sila Ate.
Actually, hindi ko naman talaga kasi dapat isasama si Edward sa store na 'to eh...
Si Ate lang kasi eh. Bakit nga ba? Naiilan parin kase ako lalo na kapag silang
dalawa ang kasama ko. Pero kapag siya lang mag-isa, okay lang. Pero pag nandyan
si Matthew, ewan. Parang 50/50 ang puso, isip at kaluluwa ko. At least si
Matthew, bestfriend ko. Eh si Edward, alam kong nanliligaw siya.
Pumasok na kami sa
store. May discrimination naman pala ito. For LGBT customers lang pala. Wala
akong nakikitang mag jowa na boy-girl. Puro tibombabells at jakush. Buti naman
at may ganito pala.
I'm so amazed sa mga
nakikita kong products nila. Aside dun sa unang couple shirt na nakita ko, may
mga rings din na pareho. Yung isa dun ang nagandahan ako. Crown siya na
panghari ang design nung couple ring. Tapos may two-finger ring na for couple.
Yung isang design, "LOVE" ang nakalagay tapos may kalahating heart
after ng E. Dun sa kabila, kalahating heart tapos "HIM".
LOVE<3HIM. May keychains din. Ballers, shoes, mugs, necklaces, etc.
"Gusto mo?" sabi ni
Matthew nung may nakita akong necklace na may pendant na silver na infinity
symbol na may word na love between the lines.
"I want to.. Kaso walang
magbibigay..." then I left. That spot at nag-ikot ulit. Ikot, ikot, ikot.
"So tara na? Gutom na ka ata
eh?" tanong ni Edward
"O sige.." then we left
the store. Nasa loob na kami ng elevator nung maalala ko si Matthew
"Ay shoot!!!" nasabi ko
bigla. Buti nalang yung operator at kaming dalawa lang ni Edward yung nasa
loob.
"Oh bakit?" si Edward
"Si Matthew! Naiwan!"
sabi ko na parang gustong sabihing "Para!" dun sa operator.
"He's not a kid to be taken
good care of. Matanda na yun. He can manage..." sabi nito na parang
nayayamot
"Are you jealous?" sabi
ko. Kung maka-react naman kasi siya!
"Why would I?" sagot niya
"Nasesense ko eh..."
sagot ko. Hindi niya na ko ulit kinausap hanggang sa Mang Inasal. Naka-order na
din pala sila Ate, kami nalang hinihintay.
"Oh, si Matthew?" tanong
ni Ate
"Ah, may binili lang
saglit..."
"Hintayin na natin para
sabay-sabay na tayo... Tutal wala pa naman yung food. Tagal nga eh..." si
Kuya. Takaw talaga.
"Mas mabuti pa nga
Kuya..." sabi ko...
Kwentuhan. Tawanan.
Asaran. Inintriga pa nga nila si Edward. Naku naku naku.
"Oh ayan na pala siya
eh.." si Ate
"Sorry, may nilagay pa kasi sa
kotse... So let's eat?" si Matthew na halatang hinihingal.
"Sakto. Nandyan na din yung
food.." si Kuya
Pinag-gitnaan nila
Edward at Matthew si Ate. Gusto din naman kasi ni Ate para makakwentuhan niya.
We started eating. Kamayan nga pala dito. So naghugas muna kami tapos kumain na
talaga. Halata namang hindi marunong magkamay si Edward. Aba. Anak mayaman nga.
"Bry, hindi ako marunong
magkamay..." alalang sabi ni Edward sakin
"Problema mo yan... Bawal
humingi ng eating utensils dito..." kahit na sa totoo eh pwede
"Hay nako... Manliligaw ka
tapos hindi ka marunong magkamay?! Buti pa 'tong si BESPREN... Marunong... Kung
nanliligaw lang 'to, pasado na samin.. Diba Walter?" sabi ni Ate Sarah.
Ayan nanaman siya... Samantlanag nung una eh ayaw niya sa taong ang pangalan eh
Carl o Matthew. Hanggulo haaa...
"Ay hindi po.. Marunong po
kaya ako..." depensa ni Edward
"Prove it..." si Kuya
Walter
Parang taeng di malaman
naman 'tong si Edward. Kinuha yung stick na may nakatuhog na chicken tapos
kumagat tapos sabay kuha ng kanin. HAHAHA! Halatang hindi marunong...
"Wala.. hindi ka talaga
marunong..." si Ate
Dagdag pogi points kay Fafa
Matthew!!!!!
Gurl, stop it...
Sabi ko nga...
"For you..." sabi ni
Matthew pag-uwi namin sa bahay
"What's this for?" tanong
ko naman
"Can you just please open it
first before asking anything more?" sagot niya. Taray ha.
"OWEHMGIIIH..." gosh!!!
Ang cuteeeeee! <3
"Welcome..." sabi niya
sabay ngiti. Tungnu... Ayan nanaman yung ngiti niyang nagpapakilig sa imaginary
clitoris ko!!!
"Thank you... Nako bes... Kung
nanliligaw ka lang sana, baka matagal na kitang sinagot... PEro alam ko naman
hindi eh.. Kaya eto, thank you!" sabi ko sakanya. Tae. Sayang talaga. Kung
nanliligaw lang talaga 'to, or I should say, kung pwede lang talagang maging
kami, baka matagal na 'kami'.
"Ayan ka nanaman Bes
eh..."
"Anyways, bakit mo nga pala
ako binilhan nito?" tanong ko
"I can feel kasi na gustong
gusto mo talaga yan... lalo na yung necklace..." tae. Kinikilig talaga
ako!!!
"Tae ka Bes... Kinikilig
akooo!!!" sabi ko na may patalon-talon pang nalalaman
"Wag ka nga Bes... Uwi na ko
ha... Thank you ulit..." si Matthew sabay yakap sakin. Taeeeee...
Hangbangooo...
"Ingat ka Bes ha?"
"Sige Bes... See you on
Monday... Tsaka gift ko na din pala sayo yan... Di kasi tayo natuloy sa dinner
natin na solo eh..." sabi niya sabay sakay sa kotse
"Thank you talaga... Ingat
Bes! I love youuuuuu!!!!" ayan. Isinigaw ko sa buong village
"Oo na..." sabay harurot
ng kotse. Ako naman, kaway lang ng kaway sa kanya kahit alam kong hindi niya na
ako nakikita
Ang saya saya ko gurl...
Obviously... Tulog na ko Gurl... I
need to rest din... Good night Sis! Alabshuuu!
Good night gurl! Alasbhuu tuuu!!!
Lord nakit ang gulo? I
know mali ang ginagawa ko pero, bakit ganito? I'm madly inlove with Matthew but
I'm falling for Edward. Ang gulo Lord...
Lord favor naman po oh?
Hihingi po ako ng sign...
Hmmm... Ano bang maganda?
Ganito nalang Lord...
At secret na namin ni Lord yung
sign na yun...
No comments:
Post a Comment