Monday, January 21, 2013

Straight 10

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


XIAN’s Point of View
            Hindi ko alam kung ano ang dahilan at biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni James. Naguguluhan ako ngunit dinadaig ng kaligayahan ang mga agam-agam ng mga ipinakita niyang pagbabago. Nang magkasakitan kami ni Jomel at nakita niyang umuwi akong may mga pasa sa mukha ay iyon na ang naging susi ng muli naming pagkakaayos. Nakainom siya ngunit hindi lasing. Alam kong alam niya ang ginagawa niya ngunit itinutulak ng alak ang kalooban niyang ihayag ang gusto niyang sabihin at gawin ang gusto niyang isakatuparan.

Dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko ay hindi ko na naman nakakayanan ang tukso. Nakapalakas ng kabog ng aking dibdib at nanlalamig ang aking mga daliri. Sinubukan kong itulak ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam ko ay lalo akong bibigay dahil naamoy ko na ang kaniyang hininga.
“Bumalik ka na sa kama mo. Okey na ako.” Bago man lang ako makagawa ng isa pang kasalanan sa kaniya ay sinikap kong palayuin siya sa akin. Iyon lang kasi ang alam kong paraan para tuluyan akong mapalayo sa tukso.
“Ayaw mo bang dito muna ako?” tanong niya.
“Gusto.” Mahina kong sagot. Nanginginig na talaga ako.
“Tabi nga tayo. Usod ka doon.”
Hindi ako sumagot. Umusod ako at nang tumabi siya ay nahawakan niya ang nanlalamig kong mga daliri.
“Bakit ka nanlalamig?”
“Wala.”
“Bakit nga?” muli niyang tanong. “Ninenerbiyos ka yata e.” ngumiti siya.
Nilingon ko siya. Nasa tabi ko na siya. Kinuha ko ang isang unan. Nilagay ko sa pagitan namin. Tama na ang minsan kong pagkakamali noon. Ngunit ano itong ginagawa niya ngayon? Sinusubukan ba niya ang katatagan ko. Bumuntong-hininga ako. Gusto kong ilabas ang tensiyon na kanina pa ako pinahihirapan.
“May unan pa talaga. Ayaw mo ba akong tumabi?” tanong niya.
“Gusto. Natatakot lang ako.”
“Saan? Bakit kailangan mong matakot?”
“Wala. Ano ba ‘to!” paanas kong sinabi iyon.
Katahimikan. Parang nagpapakiramdaman kaming dalawa. Lumingon siya sa akin habang nakatihaya kaming dalawa.  Nilingon ko siya. Mabilis niyang binawi ang kaniyang tingin. Binawi ko din ang tingin ko. Napapikit ako. Gusto kong isipin na hindi totoo ang nangyayari ngayon. Naramdaman ko ang pagkilos niya. At pagmulat ko ay nasa tapat na ng muka ko ang guwapo niyang mukha. Noon ay wala na akong lakas na paglabanan pa ang tukso lalo na’t parang nag-aanyaya ang kaniyang labi na hahalikan ko.
Hinawakan ko ang batok niya. Hindi siya nagpumiglas. Nakatingin siya sa aking mga mata. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya, hindi siya tumanggi. Nakita kong napapikit siya at sa isang iglap ay nagtagpo ang aming mga labi. Hindi ko naramdaman na nilayo niya ang mukha niya sa mukha ko nang magkahinang na ang aming mga labi. Walang kahit anong pagtutol. Parang hinayaan lang niyang maidampi ang labi niya sa labi ko. Nagsimulang gumalaw ang labi ko at napapikit ako sa dala niitong kakaibang sensasyon.
 Naramdaman ko ang unti-unti ding pagbuka ng kaniyang mga labi. Diniinan ko pa. Bahagya kong sinipsip ang pang-ibabang labi niya nang maramdamn kong parang hayok na niyang sinipsip din ang pang-itaas na bahagi ng labi ko. Diniin ko ang hawak ko sa kaniyang batok hanggang naramdamn ko na din ang paghaplos niya sa leeg ko hanggang sa dumantay ito sa puno ng aking tainga at tumigil sa pisngi ko. Sa sandaling iyon, hindi na importante sa akin kung lasing lang siya kaya niya nagawa iyon basta ang sa akin lang ay masaya ako sa kung ano ang namamagitan sa amin ngayon. Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagpatong niya sa akin. Dama ko ang galit niyang kargada na bumundol sa aking tagiliran kaya nagiging mas lalong naging malikot ang mga kamay ko. Nagsimulang lumakbay ang mga kamay ko sa kaniyang tiyan at bahagya kong ipinasok iyon sa kaniyang short. Nang naramadaman kong walang pagtanggi sa kaniya ay saka ko tinodo ang paghawak sa kanyang alaga na noon ay nag-uumigting na sa galit. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapikit parin siya na para bang wala siyang pakialam kung ano ang ginagawa ko. Napapaungol siya na para bang dinadama ang bawat galaw ng aking kamay na nakahawak sa kaselanan niya. Dinig kong bumibigat ang kaniyang hininga sa tuwing nasasagi ko ang ulo nito sa baba. Sa isang iglap ay naglakbay ang kaniyang mga kamay sa aking tagiliran hanggang ipinasok na niya ang kamay niya sa short ko at sapol niya ang malambot kong puwit. Habang naghahalikan kami ay naging abala naman ang kanan niyang kamay sa pagtanggal ng aking boxer short at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.
            “Sandali, James… sandali.” Paanas kong sabi sa kaniya. “Huwag nating gawin ito kung kinabukasan magagalit ka sa akin.”
            Hindi siya nagsalita. Ni hindi niya ako tinignan man lang. Nakapikit lang siya na parang wala sa sarili. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay parang lalo niya akong binigyan ng pagkakataong gawin sa kaniya ang kahit anong maibigan ko. Pagkatapos noon ay saka ko siya muling hinalikan sa labi. Mas mapusok, mas mainit, mas madiin.  Nang dapahan niya ako ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan na sumalpok sa hubad ko ding katawan. Naglakbay ang aking mga kamay sa katawan niya. Dinamdan ko ang kabuuan ng magandang hubog ng kaniyang likod. Mas lalong nag-init ang buo kong katawan . Nang dumantay ang mainit niyang alaga sa pagitan ng aking legs ay nakaramdam ako ng parang libong boltaheng pumasok sa bawat himaymay ng aking pagkatao. At alam kong iyon na ang pinakamasarap na pakikipagtalik sa buong buhay ko. Masakit man ang ginawa niya matapos niya akong patalikurin ay naramdaman ko naman ang kakaibang paghagod niya na para bang nirespeto niya ako na parang nakikiramdam siya kung kailan ako nasasaktan at kung kailan puwedeng idiin iyon ng todo.. Hindi niya ako binigla. Hindi din niya sinagad ng sinagad. Binigyan niya iyon ng hustisya. Binigyan ng tamang indak. Taman-tama lang ang bawat ritmo ng paglabas-masok niya sa akin. Kahit may halong sakit ay mas nangibabaw sa akin ang katotohanang ang lalaking gumagawa niyon ay ang lalaking minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Habang pinapasok niya ako ay hindi rin niya nakaligtaang halikan ako. Sinikap niyang salubungin ang aking nakatagilid na ulo dahilan para ang mawala ng bahagya ang nararamdaman kong hapdi. Ang halik na iyon ang parang nagpagaan sa lahat. Pinagsaluhan namin ang kakaibang ritwal na hatid ng likas na sarap ng pagmamahal. Ibang sensasyon na para bang may kung anong hiwaga ang halik niya para sabayan ko siya na abutin ang rurok ng kaligayahan. Nagtapos iyon sa pag-unat ng kaniyang binti. Pagkagat niya sa aking labi at nang naroon na siya sa pinakamatayog na bahagi ay ang pahina ng pahina niyang pagmumura. At nang matapos ay hinang-hina siyang bumaba mula sa likod ko. Hinarap ko siya. Hinalikan sa labi. Nang nakatihaya na siya ay niyakap niya ako at doon sa malapad niyang dibdib… kasabay ng mahina niyang hilik ay ang pinakamasaya kong pagluha. Bago ako pumikit ay muli kong ibinulong sa kaniya ang tanging salita na alam ng aking puso.
“Mahal na mahal kita James. Kaya kong ialay ang buong buhay ko sa iyo. Ikaw at ikaw lang ang minahal ko ng ganito.”
Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya sa akin. Hindi man ako makatulog dahil sa kakaibang saya ay pinilit ko siyang sabayan. Iyon ang pinakamasayang tulog ko.  Isang tulog na kayakap ko ang taong pinangarap at tanging minahal ko. Ang lalaking siyang tanging nagbigay ng saya sa akin.
Paggising ko kinaumagahan ay tulog pa siya. Isang umagang tanging kagalakan ang mababanaag sa aking mukha. Sinasaliw ko ang pagluluto ng agahan namin ni James sa saliw ng kantang “Because of you” ni Keith Martin.
If ever you wondered if you touched my soul yes you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do
Just the way you say hello
With one touch I can't let go
Never thought I'd fall in love with you...

Siya ang kaisa-isang lalaking minahal ko mula nang natutunan ng aking pusong kilalanin ang ibig sabihin ng pag-ibig. Magkakababata kami at mula noon, siya na an gang nagbigay ng buhay sa akin. Naaalala ko nga na noong elementary kami, kung darating siya sa umaga at isang kindat lang niya sabay ng “tol” niyang tawag sa aking ay napapasaya na niya ang buong araw ko. At ngayon, sa mahabang panahon na aking paghihintay ay parang nagkakaroon na ng katuparan ang matagal kong nang inaasam. Isang pangarap na batid kong imposible na noong mangyari ngunit totoo palang sa pag-ibig, nagagawa nitong maging posible ang isang imposibleng bagay.

The magic in your eyes, true love I can’t deny.
When you hold me I just lose control.
I want you to know that I’m never letting go.
You mean so much to me, I want the world to see it’s because of you.

Kahit sintunado ang boses ko ay pilit kong sinabayan ang kantang iyon. Kakornihan man pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong saya. Ang mga hawak niya sa akin kagabi, ang kaniyang mga haplos ang tuluyang gumapi sa akin at binigyan niya ako ng mas maraming dahilan para hindi ko siya bibitiwan. Paulit-ulit kong pinatugtog ang kantang iyon na para bang lalong nagpasidhi sa aking pagmamahal.

 Sa araw ng Biyernes lang na iyon na parang kumpleto ang umaga ko, hindi sa bagong dilig ako kundi parang noon lang nagkaroon ng katuparan ang matagal ko ng pinapangarap. Dahil kagabi ay nakita ko sa mga mata ni James na pinahahalagahan niya ako. Basta may kung ano sa mga titig na iyon na hindi ko maipaliwanag. Nang hinawakan niya ako ay nawala lahat ang takot ko. Ang sakit ng suntok ko sa mga mukha ay parang tuluyang nahilom. Dahil sa mga haplos niya sa akin ay tuluyang binura nito kung anuman ang mga nangyaring hindi maganda sa amin sa nakaraan. Gusto kong malaman niya na hinding-hindi ko siya hahayaang mawala sa akin dahil siya, tanging siya lamang ang alam kong nakapagbibigay sa akin ng kakaibang saya. Walang yamang katapat, walang magandang trabaho ang papantay at wala ng iba pang hihigit sa kasiyahang dulot niya sa akin.
Patapos na akong magluto ng magising siya. Day-off naming dalawa iyo. Kahit papaano ay may takot akong naramdaman. Paano kung katulad noong una ang reaksiyon niya. Paano kung magbabago na naman at mas lalong sasama ang pakikitungo niya sa akin. Ngunit hindi ko hinayaang magapi ako ng takot na iyon.
“Morning.” Bati ko. Nakaboxer short lang siya at ang tuwalya ay nakalagay sa kaniyang balikat. Nahuli ng tingin ko ang nagagalit na iyon sa harap niya.
“Morning.” Sagot niya. “Makatitig ka naman sa…” patay malisya niyang itinago ang bumubukol na iyon sa boxer short niya gamit ang tuwalya.
“Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita?”
“Ako na. Ikaw ba gusto mo ng kape, ipagtimpla na din kita.”
“Sige, salamat. Malapit ng maluto itong agahan natin kaya magkape ka muna habang naghihintay.”
“Sarap ng gising mo ah. May pamusic-music ka pang nalalaman ngayon ah. Inspired ba?”
Parang naghihina ang tuhod ko sa nangyayari ngayon. Parang nasusunog ang mahaba kong buhok at kailangan kong i-roll ng i-roll at lagyan ng laso nang hindi maapakan ng iba pang mga bakla sa Doha. Sabay kaming nag-agahan habang nagkuwentuhan sa mga kalokohan namin noong kabataan namin.
“Maglalaba muna ako ng mga damit natin.”
“Tulungan na kita. Dalawa na lang tayong maglaba.” Sagot niya.
“Ako na. Magpahinga ka na lang.”
Hidni na siya sumagot.
Inipon ko ang mga puti dahil ayaw kong labhan iyon sa washing machine. Nang nilalabhan ko na ang mga puting damit sa CR namin ay pumasok siya.
“Mag CR ka ba?” tanong ko.
“Hindi, tutulungan na lang kita. Wala akong magawa sa loob ng kuwarto.”
Hihindi palang sana ako nang umupo na siya sa tapat ko at kinuha ang isang puting polo.
Tumingin ako sa kaniya. Sa tuwing tinitignan ko ang kaniyang mukha ay nakakaramdam ako ng kaginhawaan.
“Ano? Bakit ka na naman nakatingin sa akin.” Huling huli ko ang kaniyang matamis na ngiti na sinabayan pa niya ng parang pagpapacute.
“Wala.”
“Hilig mong sumagot ng wala!” Bigla niyang tinalsikan ng bula ng sabon ang aking mukha. Hindi rin naman puwedeng hindi ako gaganti kaya dinamihan ko ang salok ko ng bula saka ko iyon ipinunas sa kaniyang mukha.
“Ahh, gantihan ang gusto mo ha, sige magtago ka na at ibubuhos ko ang lahat ng bulang ito sa iyo.” Nakangisi niyang banta sa akin. At sa tingin ko ay hindi siya nagbibiro lalo nang nakita kong huling damit na pala ang hawak ko at nang hawak niya. Tumayo ako. Umatras. Binuhat niya ang balding puno ng bula nang hinabol niya ako. Tumungo ako sa  isa pang banyo at isasara ko pa lamang nang nabuksan niya iyon kaya wala akong magawa kundi ang pigilin siya. Nagbuno kaming dalawa. Lakas sa lakas. Tumatawa siya. Noon ko lang siya nakitang masayang- masaya. Ilang taon ko ng hindi ko siya nakita ganoon kalakas ang kaniyang tawa. At bago niya maibuhos sa akin ang laman ng baldi ay sinikap kong mayakap siya. Tumingin siya sa akin. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kaniya.
“Baka makita tayo ni Lydia. Anong pang isipin no’n”
Sinara ko ang pintuan ng banyo. Hinubad ko ang basa kong sando.
“May binabalak ka ano?” nakangisi siya. “Tapusin na natin ang nilalabhan natin.” Pag-anyaya niya. Nang dadaan siya sa harapan ko ay niyakap ko siya sa kaniyang baywang. Lumingon sa akin. Natutunawa ako sa kaniyang mga tingin. Tinatanggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniyang baywang ngunit ramdam kong hindi niya iyon talaga gustong tanggalin. Parang gusto lang niyang iparamdam sa akin na nahihiya siya at iyon lamang ang paraan niya para maipakitang kahit papaano ay tumatanggi siya. Mas inilapat ko ang hubad kong katawan sa hubad niyang katawan.
Napabuntong hininga siya.Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Binaba niya ang baldi.
“Ano ba to! Shet!” bulong niya sarili.
“Sorry.” Paanas kong sinabi. Tuluyang lumuwang ang pagkakahawak ko sa kaniyang katawan.
Nagkatinginan kaming dalawa. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Mabilis kong hinalikan ngunit hindi parin siya tumitinag. Pumikit ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya saka ko buong-pagmamahal na hinalikan siya. Hindi ko na hinintay pang gumanti siya sa halik ko. Ngunit gumalaw ang kaniyang mga labi. Nakipagsabayan siya sa akin at sa sandaling iyon, alam kong hindi lang nangyari yung kagabi dahil sa lasing siya Ginawa niya iyon dahil gusto din niya. Nilayo ko ang labi ko sa labi niya. Tinignan ko siya sabay sabi sa kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya.
“Mahal na mahal kita, James. Sana hayaan mong iparamdam ko sa iyo yun.”
Tumitig siya sa akin. Hindi mapakali ang kaniyang mga mata at sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang bula sa buo kong katawan.
“Hayan maligo ka ng sabong panlaba.” Nakangising sagot niya sa akin.
Puno ng ligaya ang araw na iyon at ang sumunod pang mga araw.

“Ano itong nangyayari sa atin? Mahal mo na din ba ako?” tanong ko sa kaniya nang nasa tabi ko siya pagkatapos may mangyari na naman sa amin.
“Hindi ko alam. Huwag na lang pag-usapan.”
“Mahal kita James.” Sabi ko. Hahagkan ko sana siya sa labi ngunit mabilis niyang inilayo ang mukha.
“Hindi puwede.”
“Ang alin? Yung ito?” paninigurado ko sa sinabi niyang hindi puwede.
“Oo. Huwag na lang natin pag-usapan pa ‘to. Lalo akong naguguluhan e. Puwede?”
            Bumuntong hininga ako. Pinilit ko siyang intindihin sa gusto niya.
Sa kama ko siya natutulog habang yakap ko siya. Ngunit nang nasa ikalawang Linggo na kami at kung kailan ako nasanay sa nasimulan namin ay parang biglang nagbago na naman ang ihip ng hangin. Madalas kong napapansin na may kausap siya sa cellphone sa labas ng aming kuwarto. May mga sandali ding habang kumakain kami ay may tatawag sa kaniya at dadalhin niya ang cellphone niya sa labas ng kuwarto at doon niya ito sasagutin. Iyong magkatabi kami sa aking kama na magigising ako sa mga tunog ng text niya at sinasagot naman niya. Hindi ko iyon tinitignan o pinapansin. Pero sinasabihan ko siyang matulog na at gabi na, ang sagot naman niya ay may kausap lang siyang katrabaho niya.
Magkakasunod na din ang gabing lagpas na ng ala-una nang madaling araw kung umuwi. Minsan, dahil sa tagal niya ay nagigising na lang ako kung darating siya. Tumatabi pa naman sa akin sa kama ngunit madalas ay tinatanggal na niya ang kamay ko na nakayakap sa kaniya. Ang rason niya hindi daw siya sanay na niyayakap siya at nahihirapan siyang makatulog. Pinagbigyan ko.
Isang gabing hindi siya nahiga sa kama ko kaya nilapitan ko siya sa kama niya.
“Bakit dito ka nahiga.”
“Wala namimiss ko lang ang kama ko.”
“Gusto mo dito na lang din ako matulog?” tanong ko.
“Huwag na muna.” Hindi siya nakatingin sa akin.
“Sige tabi lang ako sandali. Magpapaantok lang muna, okey lang ba?” Hiling ko.
            Pagkatabi ko sa kaniya ay niyakap ko siya. Hinalikan sa puno ng tainga niya. Siniko niya ako.
            “May problema ba?” tanong ko.
“Nasasanay ka na ng gabi-gabi. Pagod ako.” Tumalukbong siya at tumalikod. Bumalik ako sa kama ko. Kahihiga ko pa lamang nang tumunog ang celphone niya. Bigla siyang bumalikwas at sinagot niya iyon.
“Oh, bhie, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” paanas man ay dinig ko iyon. Bumangon siya. Tinungo niya ang pintuan ngunit nagsasalita parin siya.
“So, tuloy pala tayo ngayon. Sige. Hintayin mo ako….” at tuluyan na siyang nakalabas ng pintuan. Naisip kong ayaw niyang iparinig sa akin ang kanilang usapan. Para akong nangatal. Napakasakit sa akin na makarinig ako ng ganoon. Sobrang sakit na parang hindi ako makahinga. Sampung minuto pa ang nakaraan at muli siyang pumasok sa kuwarto. Nagkunwari akong tulog. Kunyari ay naghihilik na ako. Nararamdaman kong nagbibihis siya. Gusto ko siyang tanungin kung saan pupunta ngunit hindi ako puwedeng magising nang walang dahilan. Sana makagawa siya ng ingay para kunyari magigising ako’t matanong siya kung saan pupunta. Ngunit ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na lumabas na siya at nalock ang pintuan. Hinintay ko siya magdamag ngunit hindi siya dumating. Napuyat ako sa dami ng iniisip kong hindi maganda. Napakaraming tanong sa isip ko. Bakit ngayon pa muli nangyari ngayong sobrang mahal na mahal ko na siya? Sino at ano niya yang tumawag? Babae ba yun? Kung babae yung tinawag niya ng baby, paano na ako uli ngayon?
Kinabukasan ay dumating siya. Hindi umiimik. Hindi ko alam pero ang mainit ang ulo ko. Nagseselos ako? Hindi ko alam. Naghihinala akong may bago na siya? Iyon ang sigurado.
‘Kumain ka na ba?” gusto kong maging maayos pa din ang pakikitungo ko sa kaniya kahit na masama ang loob ko.
“Tapos na. Ikaw na lang ang mag-agahan. Puyat ako.”
Katahimikan. Nahiga na siya sa kama niya.
“Sa’n ka pala galing kagabi?”
“Diyan lang. Sa mga katrabaho ko. Bakit ba?”
“Umalis ka ng gano’n lang?”
“Bakit, masama na ba ngayong lumabas kasama ng mga kaibigan ko?” medyo tumaas ang kaniyang tono.
“Hindi ka man lang nagsabi sa akin?”
“Tulog ka nang umalis ako, alangan naman na gigisingin kita dahil lang do’n”
“Bakit naman hindi mo ako puwedeng gisingin?”
“Bakit ikaw, dati naman lumalabas ka at inuumaga ng uwi pero ni minsan hindi ka naman nagsabi sa akin ah.”
“Noon ‘yun James.”
“Puyat ako. Maghugas lang ako ng mukha tapos hayaan mo munang matulog ako. Mag-uusap na lang tayo paggising ko.” 
“Naghihiganti ka ba sa akin dahil sa mga ginawa ko nang mga nakaraang buwan?”
“Hindi. Bakit naman maghihiganti ako sa ginawa mo dati e, alam ko namang masakit ang loob mo sa akin no’n. Ginagawa ko lang ngayon kung ano ang alam kong tama.”
“Alin bang tama? May nangyayari bang mali?”
“Sa iyo siguro wala. Sa tingin mo siguro lahat nang nangyayari sa atin ay tama. Sa akin kasi hindi ko alam. Parang may mali. Parang may hindi tama. Hindi ito ang dapat”
“Ngayon sasabihin mong hindi tama ang ginagawa natin? Akala ko ba masaya ka, James?”
“Fuck it, Xian! Just drop this at baka kung saan lang mapunta ang usapan natin. Wala ako sa mood makipag-away.”
Hindi naman ako nakikipag-away. I am just trying to clear all misunderstanding here na puwedeng lumaki ng lumaki. Ayaw ko ng bumalik tayo sa dating tampuhan James kaya nga ako nakikipag-usap sa iyo ng matino.”
“Narinig mo ang sabi ko? Patulugin mo muna ako. Pahingain mo muna ako. Saka na tayo mag-usap”
“Sorry.” Napalunok ako. Ayaw ko ding makipag-away. Ayaw kong awayin siya.
“Hindi ako sanay sa ganitong usapan, Xian. Nalilito na ako. Ayaw kong isang araw hindi ko na din kilala pa ang sarili ko. Ayaw kong mahihirapan na akong hanapin kung alin ba talaga ang gusto ko.”
“Ano ba kasi talaga ang gusto mo?” ayaw ko sanang patulan pa siya ngunit hindi ko mapigil ang sarili ko lalo na siya pa din naman ang hindi tumitigil.
“Basta…magulo at tama na muna, okey?”
Pumasok siya ng banyo. Kapapasok pa lang niya ng tumunog ang celphone niya. May text siya. Hindi ko ugaling mangialam sa text ng iba ngunit sa sandaling iyon ay tinalo ng curiosity ko at mga agam-agam ang respeto sa privacy ng ibang tao. Parang nagnanakaw ako sa magkahalong excitement, kaba at takot ang naramdaman ko. Galing sa pangalang Mitch ang text.
“Bhie, sn ung ngyri kgbi ay hnd mo isiping cheap aq. Gnwa q un pr mlman mong mhal kt. Anyway, tnx. Nhhya aq sgutn k kgabi nang tinanong mo ako if ano masasabi ko sa ginawa natin…d2 q n lng sgutin. The sex was great! Tnx po bhie ko.”
Nabitiwan ko ang celphone. Umagos ang luha ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung bakit parang nanginig ang buo kong pagkatao. Hindi ko napigilang lumuha. Napaksakit kasi sa akin kahit sabihin hindi naman kami ni James. Sana hinayaan na lang niya ako noon na hindi pa niya sinasaling man lang ang nararamdaman kong pag-ibig sa kaniya. Ngayon kasi nagwawala na ang damdami ko. Gusto na ng damdamin ko na solohin ang kaniyang pagmamahal.
 Paglabas niya ay nakita niya ang pag-iyak ko.
“Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” tanong niya habang pinupulot niya ang celphone niya. Nakita niyang nakabukas ang message niya. “Tang-ina, Xian. Pinakialaman mo ang mga text ko?”
“Sorry.” Sagot ko. Tumalikod ako.
“Sinong nagbigay sa iyo ng karapatang basahin ang mga text sa akin ha? Pinagbigyan ka lang kung umasta ka akala mo siyota ka na!”
Sa narinig kong iyon ay nabuhay ang pinigilan kong galit. Hindi ko alam ngunit sa mga nangyari sa amin ng ilang Linggo, sa mga pinalasap niya sa akin ay natuto akong magsalita sa kaniya. Natuto akong lumaban at ihayag ang laman ng dibdib ko.

No comments:

Post a Comment