Monday, January 21, 2013

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor 03

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


“Jayson! Jayson!” pasigaw kong tawag sa kanya.

Lumingon din si Jayson at bahagyang tumigil ang sinasakyang tricycle.

Bumaba si Jayson at tumigil din kami ni tiyo Bert. Mabilis akong tumakbo at ng magkaharap na kami ay nag fist toss.

“Dennis mabuti na lang naabutan kita. Hindi na ako nakabalik ng skul kasi inasikaso pa ang aking gamit.” Paliwanag ni Jayson.


“Kailan ka ba aalis?” mahinang tanong ko kay Jayson

“ngayon na eh” mahina ring sagot ni Jayson

“Puwede ba kitang mahatid?” dagdag na tanong ko

“Oo ba. Sige sumabay ka na sa amin” sagot ni Jayson

Tumingin ako kay tiyo Bert at nakita kong tumango siya. Tanda iyon na pinapahintulutan akong ihatid si Jayson.

Sumakay na ako ng tricycle at katabi ko si Jayson. Hindi kami nag-usap at nanatiling tahimik hanggang sa nakarating na rin kami sa terminal.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kasi habang malapit na ang oras na maghihiwalay kami ni Jayson ay siya namang sumasakit ang dibdib ko.

Hindi ko alam kong ano ba ang nangyayari sa akin pero alam ko malungkot na malungkot ako. Alam ko rin na nagsisimulang mamuo ang mga luha sa aking mata.

“Dennis. Paano na yan? Aalis na ako.” Mahinang tugon ni Jayson.

Hindi na ako nakasagot at namamasa-masa na ang aking mata. Nakita ko ring mamula-mula ang mga mata ni Jayson. Binasag ko ang malungkot na sitwasyon namin ng binuksan ko ang aking bag.

“Jayson. Para sai iyo. Huwag mo munang buksan iyan ha? Sana kahit saan ka man naroroon maalala mo pa rin ako” mahabang tugon ko sa kanya sabay bigay ng box.

Kinuha naman ni Jayson ang box at inilagay sa kanyang bag. May kinuha rin siya at ibinigay sa akin.

Ibinigay niya sa akin ang ID niya.

“Salamat Dennis. Tandaan mo hinding-hindi kita malilimuta. Sa maikling panahon na pagstay ko dito. Nakita ko ang tunay na kaibigan sa iyong pagkatao. Tandaan mo rin na magkaibigan tayo kahit malayo sa isa’t-isa” mahabang tugon ni Jayson at tuluyang umagos an gaming mga luha.

Hinatid ko na si Jayson sa bus at nang sasakay na siya ay humarap muna sa akin.

“Dennis puwede bang humingi ng hiling?” tugon ni Jayson

“Oo.. na…man… i…ik…ika..ikaw.. pa….” pautal-utal kong sagot.

“huwag ka nang umiyak. Magkikita rin naman tayo eh.” Mahinang sagot ni Jayson habang pinupunasan ang mga luha sa mukha

“Oo. Ba..bas..ta.. ik.. kaw. A..an..no.. ang.. hi..hil…. hilin..hilingin mo?” mangiyak-ngiyak ko pa ring tugon sa kanya.

“Puwede bang tumaliko ka nab ago ako umalis?” malungkot pa ring tugon ni Jayson

“Bakit?” maikli kong tanong.

“Kasi ayaw ko lang makita kang umiiyak dahil sa pag-alis ko eh. Please? Paliwanag ni Jayson na may bahid ng lungkot.

Masakit para sa akin ngunit hindi ko naman puwedeng balewalain ang hiling ni Jayson kaya kahit labag sa loob ko ay tumalikod na rin ako sa kanya at tuluyang umagos ang aking luha sa mga mata. Umiikli ang aking paghinga at lumalakas na rin ang aking pag-iyak.

Maya’t-maya ay naramdaman kong niyakap ako ni Jayson sa likod at may binulong

“Dennis. Pangako. Magkikita ulit tayo. Ingat at paalam”

Naramdaman ko na lang na nakawala na si Jayson sa pagyakap at nang sadyang haharapin ko na siya ay pinigilan rin niya ako.

“De….den..dennis… ppp….pllleaa…please….. hu…huw…..huwag.. ka… nnang… hu..hu..ma..marap” pautal-utal na utos ni Jayson at narinig ko nalang ang pagclose ng pintuan ng bus at umalis na ito papalayo.

Nasa ganoon pa rin akong sitwasyon at sinunod ko ang tugon ni Jayson. Hindi ako humarap at umalis na rin sa terminal.

Pagkauwi ko ng bahay ay inilagay ko ang ID ni Jayson sa kisami na harap ng aking higaan. Sa tulong ni tiyo Bert at maayos na naikabit ito.

Minabuti ko nang doon ilagay kasi kapag bago ako matulog at sa pagkagising ko ay makikita ko ang nag-iisang tunay kong kaibigan..

Si Jayson..

Makalipas ang sampung taon.

“Tiyo Bert. Ako na po ang bahala dito sa mga order” tugon ko kay tiyo.

16 years old na ako at sampung taon na rin kaming hindi nagkita o nagusap ni Jayson. Ngunit kahit ganon. Hindi ko pa rin nakalimutan ang kaibigan ko.

Gabi-gabi ay palagi kong kinakausap ang litrato niya sa ID. Binabalitaan ko siya sa lahat na nangyayari sa akin at ang mga nagyayari sa buhay naming mag tiyo.

Iyon ang naging tanging alaala ko sa aking kaibiga. Hindi makapani-paniwala ngunit sa paraang iyon ay naging masaya ako at nararamaman kong magkasama lang kami ni Jayson.

“Welcome po? Ano po ang oorderin niyo?” sambit ko sa matanda na umupo sa tapat ng bar table.

“Hijo hindi mo ba ako natatandaan?” mahinang tanong ng matanda.

Tinitigan ko siya ng mabuti ngunit hindi ko pa rin matandaan kong saan at kalian kami nagkita.

“Hay naku kayong mga kabataan ngayon. Kay dali-dali niyong makalimut. Ako ang lolo ni Jayson Hijo. Siguro natatadaan mo pa si Jayson. Yong classmate mo noon.” Mahabang paliwanag ng matanda.

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Siyempre si Jayson kaya ang laman ng kanyang pinag-sasabi. May kasiyahan ding naidulot ito.

Kumakabog-kabog ang aking dibdib na parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Ngunit napangiti lang ako at tuluyang kinamusta ang lolo ni Jayson.

“ay oo nga pala lolo. Pasensya na kasi matagal rin tayong hindi nagkita. Isa pa ang bata-bata pa namin noon. Hindi ko naman po nakalimutan si Jayson. Parati ko nga siyang iniisip at kinakausap” mahabang tugon ko sa kanya.

Kitang-kita ko sa mga ikinilos ng lolo ni Jayson na nalituhan sa sinabi ko.

“Ah, ang ibig kong sabihin po ay kinakausap ko ang iniwan niyang ID po” dagdag kong paliwanag.

Natauhan din naman ang lolo ni Jayson at ngumiti na rin.

“Siya nga pala lolo. Ano po ang gusto niyong kaining?” parespetong tanong ko sa kanya.

“Naparito ako Hijo para balitaan ka na magbabakasyon si Jayson” paliwanag ng lolo ni Jayson

Nang narinig ko ang kanyang sinabi ay nabitawan ko naman ang note at ballpen na hawak ko. Nagulat ako sa aking inasal ngunit sobrang saya ang aking naramdaman sa mga panahong iyon.

Hindi ko maikakaila na parang naririnig ko ang mga trumpet ng mga anghel sa langit. Sobra pa sa nanalo ng lotto ang aking natanggap na balita.

Kasi sampung taon kaming hindi nagkita ni Jayson at tanging ID niya lang ang natirang alaala niya sa akin. Bukod doon ay wala na.

“ta.. taa.. talaaga?? Ka.. kai.. kalian.. po…. Si… siy…siya… da…dat… datin..ting?” putol-putol kong tanong sa lolo ni Jayson.

Siguro hindi na ako makapagsalita sa sobrang saya. Nakita kong ngumiti ang lolo ni Jayson.

“Bukas Hijo. At sabi niya kung pwede daw ay sunduin mo siya sa terminal” dagdag na tugon ng lolo ni Jayson.

“Opo! Susunduin ko si Jayson lolo. Bukas na bukas po. Kahit ngayon na ay doon na ako maghihintay!” mabilisang sagot ko sa kanya.

Nagulat naman ang lolo ni Jayson sa mga pinag-sasabi ko at tumawa ngumisi.

“Magkakaibigan nga talaga kayo. O sige hijo. Ito lang naman ang pakay ko sa iyo. Aalis na ako at malayo-layo pa ang lalakbayin ko” mahabang paliwanag ng lolo ni Jayson at umalis na rin sa kinaroroonan.

Masayang-masaya ako sa balita na dinala ng lolo ni Jayson. Sa wakas magkikita ulit kami ng bestfriend ko. Pagkauwi ko ay pumasok kaagad ako sa kuwarto. Humiga at kinausap ulit ang ID ni Jayson.

“Parekoy! Magkikita na rin ulit tayo. Matagal-tagal rin tayong hindi nagkita. Ano na kaya ang itsura mo? Siguro naka salamin ka pa rin. Kamusta ka na?” mahabang sambit ko habang nakaharap sa ID ni Jayson.

Ang saya-saya ko at parang hindi na ako makatulog kasi excited na ako sa pagkikita namin ni Jayson bukas.

Pinilit ko ang aking sarili na makatulog at sa wakas binisita na rin ako ng antok.

Kinaumagahan ay bumangon ako at humarap sa salamin.

“tsk.. tsk.. tsk.. ang pogi ko! Malamang pogi rin ang bestpren ko!” sambit ko sa harap ng salamin. Kumindat pa ako tapos tuluyang naligo at umayos na.

Mag-aalas otso na ng akoy nakaalis ng bahay. Pumunta muna ako ng department store. Gusto ko kasi na meron akong ibibigay sa kaibigan ko. Ngunit ano naman ang ibibigay ko? Wala na akong maisip pa kundi ay tshirt.

Umalis na rin ako sa department store at sinimulang tahakin ang daan patungo sa terminal. Chineck ko ang aking relos at magaalas diyes na pala.

Naghintay ako sa terminal ngunit walang dumating na Jayson. Nagsisimulang lumungkot ang aking mukha. Magaalas-dose na ng naisipan kong umalis na lang sa terminal at umuwi. Dumating na rin ako sa aming bayan at pinag-isipan ko na lakarin na lang pauwi.

Nabigo kasi ako. Masakit sa damdamin ang umasang dadating ang isang importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kong bakit ganito ang aking nararamdaman.

Pag-ibig ng aba ito? Lalaki ako at lalaki din si Jayson. Pero bakit ganito ang feeling? Siguro isang bahagi lang ito ng buhay kung saam nararanasang magkagusto sa kapwa lalaki.

Patuloy pa rin ako sa paglakad at meron akong nakasalubong sa daan. Pinagmasdan ko ng mabuti.

Lalaki siguro may 16 years old. Matangkag mga nasa 5’11”, maputi, matangos ang ilong. Manipis ang bibig. Medyo mahaba ang buhok. Naka white tshirt, washedout pants at slippers.

Habang nagkasalubong kami ay tumingin din siya sa akin.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment