By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
NOTE: Gusto ko lang pong sabihin na naisip kong
mas mainam na ilahad ko muna ng diretso at tapusin ang POV ni Xian at sa mga
huling part na yung kay James. Madami kasing mga sikreto sa POV ni James na
siya lamang ang magiging susi para lalo nating maintindihan ang mga di
nasasagot na katanungan sa isip ni Xian. Tanging si James ang nakakaalam no’n
na siya niyang sasagutin sa mga huling bahagi ng ating nobela. Again…please
don’t just read… drop your comments too!
Xian’s Point of View
Nakaramdam ako ng kakaibang
excitement nang nasa building na ako ng accommodation ni Jomel. May mga
kakuwarto siya pero siya lang ang nagkataong day-off sa araw na iyon at alam
kong hindi pa dumadating ang kaniyang mga kasamahan kaya malaya naming magawa
ang mga gusto naming gawin. Parang nakikita ko na naman siyang walang kahit
anong saplot sa katawan. Hahalikan niya ako sa labi na parang kinikiliti niya
ang bawat himaymay ng aking pagkatao. Didilaan niya ang aking tainga na dadaan
sa aking leeg hanggang sa aking mga mamula-mulang utong. Habang ginagawa niya
iyon ay maglalakbay naman ang aking mga palad para galugarin ang kaniyang
katawang parang sadyang nililok ng isang dalubhasang pintor. At kahit hindi
kalakihan ang nasa pagitan ng kaniyang hita ay sapat na iyon para dadalhin ako
sa isang kaligayahang hindi ko maipapaliwanag sa salita lamang. Isa si Jomel sa
mga nakarelasyon kong alam ang aking kahinaan at huling-huli niya ang gusto ko
sa kama. Kaya nang nasa elevator pa lamang ako ay nagsisimula ng sakupin ang
kakaibang init ang aking kabuuan.
Nagbuzz ako sa pad
nila. Papupungas-pungas pang binuksan ng kasamahan niya sa trabaho ang main
door.
“Pasensiya na sa
istorbo kabayan. Nandiyan siya?” tanong ko. Alam na niya kung sino ang
tinutukoy ko dahil madalas din naman ako doon tuwing day-off ni Jomel.
“Oo, nasa kuwarto
niya. Sige pasok ka. Katukin mo na lang sa kuwarto niya.” Pumasok na siya sa
kuwarto niya.
Inilapag ko sa mesa
nila sa sala ang mga dala kong pagkain. Inilagay ko naman ang regalo kong
iphone sa bulsa ng aking jacket.
Nakasara ang pintuan
ng kuwarto ni Jomel ngunit sinubukan ko parin ipihit ang seradura. Bukas.
Napangiti ako. Mas magugulat siya lalo na kung halik ko ang gigising sa kaniya.
Dahan-dahan akong pumasok. Nakakailang hakbang palang ako nang madinig ko ang
halinghingan at ungol ng dalawang kaluluwang pinagsasaluhan ang sarap na hatid
ng laman. At tumambad sa akin ang dalawang hubad na lalaking naglalampungan sa
kaniyang kama. Patay ang ilaw sa loob ngunit aninag ang dalawang hubad na may
ginagawa dahil sa bukas na TV at ang sinag nito ang siyang nagsilbing ilaw
nila.
“Putang ina! Akala ko ni-lock
mo ang pinto!” boses iyon ni Jomel na biglang napaupo sa kama. Mabilis siyang
tumayo at lumapit sa akin na hubo’t hubad at nakikita ko pa ang galit na galit
niyang kargada.
“Lang hiya ka! Manloloko!”
pinipigilan ko ang aking galit ngunit sadyang gusto ko ng sumabog.
“Bakit ka biglang pumasok? Hindi ka
ba marunong kumatok muna?” Alam kong hindi tanong iyon na dapat kong sagutin.
Palusot lamang ng isang taong nasukol sa kaniyang kabuktutan.
“Magdamit ka muna.
Pati yang kung sinuman yang kasama mo pagdamitin mo muna. Kailangan nating
pag-usapan ito at kung may kailangang tapusin ay tapusin na din lahat.”
nanginginig parin ako sa pagkabigla at galit ngunit sinikap kong maging
kalmado.
“Sige, sandali lang at
magdadamit kami.”
Kailangan kong pigilin ang
aking galit. Kahit gaano pa kasama ang loob ko ay kailangan kong timpihin ang
kung anuman ang nararamdaman kong silakbo ng damdamin. Huminga ako ng malalim.
Alam kong makakatulong iyon para magiging maayos ang pakikipagharap ko.
Tumalikod ako at tinuon ko ang aking paningin sa TV. Luminga ako para hanapin
ang switch ng ilaw. Nang makita ko ay ini-on ko ito.
Pagkatapos nilang nagbihis ay
hinarap ko silang dalawa at hindi ko na napigilan ang pagtaas ng dugo ko nang
mapagsino ang katalik niya na halos ayaw iharap sa akin ang mukha. Si Vince!
Ang matalik kong kabigan na pinagsasabihan ko ng tungkol sa amin ni James at
ang kaibigan kong dakila kung magbigay ng kaniyang payo tungkol sa amin ni
Jomel. Kaya pala pilit niya akong pinalalayo kay Jomel. Hindi ko talaga
napaghandaan kaya ang dating simpleng galit ay halos higit pa sa doble dahil
kasangkot ang buong tiwala ko sa dalawang taong kaharap ko ngayon.
“Tang ina! Sa dinami-dami ba
naman ng bakla sa Doha ay kami pang magkaibigan ang tinuhog mo. Ano? Kulang pa
bang mga binibigay ko?”
“Binibigay? Hindi mo kayang ibigay
ang gusto ko Xian. Trip lang ‘tong naabutan mo.”
“Trip? Marunong ka
bang magmahal? Anong trip lang ang sinasabi mo? Sana hindi mo na lang din ako
kinarelasyon kung mga ka-trip lang pala ang hanap mo!”
“Iba yung sa atin
Xian, iba ang trip lang, iba din lang ang puwede kong makuha sa iba!”
“Ano pa ba ang hindi
ko naibigay Jomel? Lahat ng hinihiling mo ibinibigay ko. Pera at pagmamahal
buong-buo kong ibinigay sa iyo tapos ito ang igaganti mo sa akin?” dinuro ko
siya. Parang gusto kong basagin ang mukha niya.
“Huminahon ka Xian! Pag-usapan
natin ito in peaceful manner. Please best!” Si Vince. Ang baklang kaibigan ko
na kung umasta akala mo kung sinong malinis at santa. Kinain lang niya lahat
ang mga payo niya sa akin.
“Tumigil ka bakla ka ha! Hindi
ikaw ang kinakausap ko, ahas! Mag-usap tayo mamaya. Huwag lang atat dahil
haharapin din kita mamaya punyetang ahas ka! Kapal ng mukha mong sabihan ako ng
huminahon dahil wala ka sa lugar ko ngayon. Peaceful manner ka diyan, anaconda
kang bakla ka!” buwelta ko sa kaniya. Tumahimik naman siya, yumuko at lumayo sa
amin ng bahagya.
“Sino pa ba ang hindi
nakakatikim sa iyo dito sa Doha? Lahat na ba ng bakla dito sa Qatar ay pinasuso
mo tang-ina mo!” balik ko kay Jomel. Hindi ko mapigilan ang bunganga ko.
Lumabas ang kapalengkera ko dahil na rin sa galit. Dinuro ko siya ng dinuro. Sa
bawat pagduro ko ay mabilis naman niyang sinasalo ang kamay ko.
“Magdahan-dahan ka sa
pananalita mo tang ina mong bakla ka ha! Baka gusto mong bugbugin kita!”
pambabanta niya. Galit na rin ang kaniyang mukha.
“Ahh ganun. So ngayon ako pa
ang tinatakot mo. Walang hiya ka, pagkatapos kong ibigay lahat sa iyo ganito
igaganti mo sa akin.”
“At anong gusto mo ha? Solohin
mo ako?”
“Natural!
Kinarelasyon mo ako. Kung sana nilinaw mong sex lang pala ang lahat sana hindi
mo ako pinakitahan ng pagseseryoso. Sana din alam ko kung paano laruin ang
gusto mong laro. Sana din pala ay tinuring kitang bayaran at pasuso lang hindi
iyong halos sambahin kita dahil pinaniwala mo akong mahal mo ako at akin ka din
lang.” Nanginginig ako. Tumataas ng tumataas ang emosyon ko.
“Hindi mangyayari
iyon kaya gumising ka nga Xian. Bata pa ako at pagkakataon ko pa ito para
pagkakitahan. Sa tingin mo ba kaya mong ibigay lahat ang gustuhin ko? Saka
sayang din ang ilang handang magbayad matikman lang ako. Ngayon kung sa tingin mo
ay hindi mo masikmura iyon mas mainam na maghiwalay na lang tayo. Di ko
kailangan ang katulad mong makasarili at makitid. Makakaalis na kayo! Go!”
Hindi ko nakontrol ang
sarili ko na parang nagpanting ang tainga ko sa narinig kong sinabi niya sa
akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong sinikmuraan siya. Kung ikaw ay seryoso
sa isang tao kahit alam mong mahirap ibigay ang buong tiwala at pagmamahal
subalit naringgan mo siyang sabihan ka ng ganun, hindi mo kaya gagawin ang
ginawa ko? Kahit siguro gaano ka kabuti at kahit siguro pa gaano kamapagtimpi
ay makagagawa ka ng hindi mo inaasahan.
“Aba! Tang inang bakla to ah!”
iyon ang narinig kong sinabi niya kasabay ng isang malakas na suntok sa aking
panga.
Pagkasuntok niya sa akin ay
lalong sumidhi ang aking galit kaya sinuklian ko din siya ng suntok sa mukha.
Lahat ng galit sa panggagamit niya sa akin ay ibinuhos ko. Lahat ng pamemera
niya at panloloko ay isinama ko sa mga malalakas kong suntok, dagok at sipa. Natumba
siya. Kay James lang ako mahina ngunit sa ibang lalaki na katulad ni Jomel,
kahit gaano pa siya kamaton ay hindi ko siya aatrasan. Ngunit isang napakalakas
na suntok niya ang hindi ko nailagan at parang nakakita ako ng ilang stars
kasunod ng parang pagkahilo ko. Ngunit hindi pa din ako nagpatalo. Isang
malakas na suntok sa kaniyang nguso at isa pa sa panga at bahagi ng katawan
niya ang sunud-sunod kong pinatikim.
“Ito ang dapat sa katulad mong
namemera at nanloloko sa katulad naming, tang ina mo!!!” paulit kong sinigaw
ang pagmumura kong iyon ngunit sa hindi ko inaasahan ay nahawakan niya ang
isang baseball bat . Nag- armas na siya kaya naunahan na ako ng takot. Umatras
ako.
“Tang-ina mo. Astig kang bakla
ka ha! Ngayon lang ako nakakita ng katulad mong palaban. Tignan natin ngayon
kung kakasa ka sa pamalo ko tang-ina mo. Sige lumapit ka putang ina mo. Sinira
mo mukha ko tang ina mo!” pauli-ulit niyang pagmumura.
Lumapit siya sa akin. Habang
papalapit siya ay wala akong makitang puwedeng isangga sa kaniya. Hindi rin ako
makalabas dahil nasa likuran lang niya ang pintuan at kung tatakbo man ako ay
dadaan parin ako sa kaniya. Tinignan ko si Vince ngunit parang nagugulat parin
siya sa bilis ng mga nangyayari. Parang nawawala sa sariling nakamasid lang sa
amin. Ilang hakbang na lang ang layo sa akin at alam kong sa mukha niyang galit
na galit at puno ng dugo ay hindi na niya inisip pa kung mapapatay niya ako sa
gagawin niya. Napapikit ako ng itaas na niya ang pamalo niya at tanging
paghawak sa ulo ko ang tanging nagawa ko.
“Huwag na huwag mong gawin iyan
sa kaibigan ko!”
Narinig kong sigaw iyon ni
Vince. Pagkabukas ko sa mata ko ay nakita kong sumadsad sa sulok si Jomel hawak
ang pamalo. Mabilis na hinawakan ni Vince ang pamalo at nakipag-agawan siya.
“Xian, lumabas ka na! Bilisan
mo! Ako na bahala dito. Susunod ako sa iyo sa labas. Please! Tumakbo ka na!
Mahirap makulong dito sa Middle East. Kung mapatay mo siya ay hindi siya worthy
para sayangin ang buhay mo sa loob ng bilangguan.” Hirap man si Vince si
pakikipag-agawan sa pamalo ay nagawa parin niya akong pagsabihan. Ngunit hindi
ko siya maiwan sa ganoon kaya mabilis din akong nakipag-agawan sa pamalo at nang makuha ko iyon ay hinila ko si
Vince sa likod ko.
“Sige, lumapit ka tang-ina mong
pokpok ka at handa akong pagbayaran ka sa kulungan.” Pananakot ko sa kaniya
habang dahan-dahan kaming lumapit sa pintuan ni Vince. Pagkabukas ni Vince sa
pintuan ay kumaripas na kaming dalawa ng takbo.
Agad kaming sumakay sa kotse
ko. Ayaw kong may makakita sa akin na namumugto ang mukha ko sa suntok. Sa
Middle East, kapag nakita ka sa ganoong kalagayan ay paiimbestigahan iyon at
iyon ang ayaw kong mangyari.
Nang nagdadrive na ako ay
nakahinga ako ng maluwag. Ngunit wala ni isa sa amin ni Vince ang gustong
bumasag sa katahimikan. Alam kong hiyang-hiya siya sa akin. Ilang saglit pa ay
siya na din lang ang unang nagsalita.
“Sorry, hindi ko
naman seseryosohin ang boyfriend mo. Sabi niya kasi nag-away kayo two days ago
at break na daw kayo. Titikman ko lang naman sana siya kasi nga natikman na
halos ng ilang kaibigan natin kaya try ko rin lang sana siya para malaman kung
totoo ang mga chuva? Hindi ko alam na kayo pa pala.”
“Palusot ka pa gaga. Kahit ba
ex ko na ‘yun kung talagang kaibigan ka e di sana dumistansiya ka na lang muna.
Ang galing mong magpayo gaga ta’s kung gumawa ka ng milagro nakapakabalahura
naman.”
“Sorry na po.” Yumuko siya. Alam kong
hiyang-hiya siya sa nangyari.
Pinakawalan ko ang
inis ko sa dibdib. “Hayaan mo na iyon. Masakit ang loob ko sa iyo pero mawawala
din ‘yun.”
“Sorry talaga. E, kasi naman
alam naman lahat na ganun yun dito tapos sineryoso mo. Kung alam ko lang na
seryoso ka pala dun at hindi mo lang ginagamit para paselosin si James ay hindi
na ako bumigay sa mga pambobola niya sa akin sa tawag at text. Sorry talaga.
Hindi bale, babawi ako sa iyo sa kahit anong paraan bakla. Sana magtiwala ka
uli sa akin. Nagyon ko lang naman nagawa ito. Please?”
“O siya. Hayaan mo na. Basta
next time na maging anaconda ka sa akin, dudurugin ko yang ulo mo bakla ka!”
“Ayyy salamay! Siya nga pala,
bakit hindi ka yata sad! Puro galit lang nakita ko sa’yo, walang luha.”
“Bakit naman ako iiyak?”
Napaisip ako. Bakit nga ba
hindi man lang ako lumuha. Hindi man lang ako nalungkot. Masakit yung mga
suntok pero hanggang doon lang. Wala akong naramdaman nalungkot o yung sakit ng
nabigo sa pag-big. Hindi ko siya mahal. Si James, siya parin ang laman ng aking
puso at kahit anong gawin kong panloloko sa nararamdaman ko ay hindi ko iyon
matakasan
Pagkahatid ko kay Vince ay
umuwi na din ako. Naabutan ko si James na umiinom mag-isa at nagpapatugtog.
Wala siyang pang-itaas na damit. Noon ko lang muli siyang napagmasdan. Parang
bumalik ang kaniyang kaguwapuhan noong kabataan namin. Gumanda na uli ang
kaniyang katawan. Maumbok ang kaniyang dibdib na binagayan ng pandesal niya sa
kaniyang tiyan. Nakaboxer short lang siya noon kaya halata ang bukol niya doon.
Ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Ayaw kong ipakita ang
nasuntok kong mukha ngunit alam ko namang kahit makita niya iyon ay wala din
siyang pakialam sa akin. Dumiretso ako sa kama ko. Parang wala pa din akong
nakita.
“Oh! Napano ka. Bakit ‘andami
mong bukol sa mukha at namumula?” taranta niyang tanong.
“Wala to. Huwag mo nga akong
pakialaman!” Kunyari ay inis kong sagot. Ayaw kong maramdaman niyang maayos na
kami.
“Bumalik ka nga dito
at humarap ka sa akin. Maayos kitang kinakausap e.”
“Ayos nga lang ako.
Hindi ko kailangan ang tulong mo. Kaya kop ‘to.”
Naghubad ako ng
pantalon at tanging boxer short na lang ang pang-ibabang suot ko. Sinabit ko
ang jacket ko sa sabitan malapit sa aking kama. Naupo ko at tinignan ko sa
salamin na nakapatong sa side table ko ang aking namamagang pisngi.
“ Ano nangyari sa
iyo? Nakipagsuntukana ka ba? Sinong gumawa sa iyo ne’to ha?” nasa harap ko na
siya. Nakatingin sa aking mukha ng malapitan.
“Dami mong tanong. Alin bang
uunahin kong sagutin?”
“Tarantado nung gumawa niyan sa ‘yo
ah!”
“Oo parang ikaw din. Makapagsalita
ka diyan para namang hindi mo ginawa sa akin ito.”
Huminga siya ng malalim. “Sorry
tol. Sinong gumawa niyan sa’yo?”
“Hayaan mo na muna
ako. Ituloy mo lang pag-inom mo.”
“Bakit ka ba ganyan
sa akin? PInahihirapan mo na ako ng ilang buwan.”
“Bakit ka nga ba naglalasing na mag-isa?”
Gusto kong baguhin ang usapan. Ayaw kong malaman niya ang nangyari kanina at
lalong ayaw kong tuluyan na naman niya akong mabihag.
Hindi na niya ako sinagot.
Lumabas siya sa kuwarto. Humiga na din ako. Pumikit ako dahil sa hapdi ng mukha
ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko.
Nagkunyarian akong tulog. Nagulat ako nang may malamig na dumampi sa mga bukol
ko sa mukha. Pagdilat ko ay nakita ko na napakalapit ng mukha niya sa mukha ko
at amoy ko ang alak sa kaniyang hininga.
“Anong ginagawa mo?” tinabig ko
ang kaniyang kamay na may hawak na yelo na binalutan niya ng bimpo.
“Kailangan mong dampian ng ice
para hindi ga’no lumaki ang bukol niyan. Ano bang nangyari at sinong gumawa
ne’to. Mga suntok ito kaya sabihin mo kung sino gumawa sa iyo ne’to at
bubugbugin ko.” Alam kong nakainom siya ngunit nagugulat parin ako sa mga
ginagawa niya. Tumatayo ang balahibo ko sa mga naririnig kong sinasabi niya sa akin.
Muli niyang inilapat ang bimpo na may yelo sa aking pisngi.
“Sus! Concern ka?” iyon lang
ang nasabi ko para mawala ang tumataas na tensiyon sa pagitan namin.
“Sino ngang gumawa? Si Jomel
ba? Tarantadong ‘yun. Sa’n ba nakatira ‘yun?”
“Susugurin mo? Di naman parang
Pinas lang ito no.”
“Kapag pupunta ‘yun
dito di lang ganito ang aabutin niya sa akin. Gagong ‘yun!”
Habang dinadampian niya ng yelo
ang mga bukol ko sa mukha ay parang pakiramdam ko ay mas lumalapit ang mukha
niya sa mukha ko. Diyos ko, bigyan mo ako ng lakas ng loob para malabanan ang
tukso. Lasing lang siya… lasing na naman siya noong ginalaw ko siya at ayaw ko
nga pagsamantalahan pa ang pagkakataon. Pumikit ako.
“Pumapayag kang ginaganyan ka lang?
Sana tumawag ka sa akin.” Nanggagalaiti pa din siya. Nakaramdam ako ng
kakaibang saya sa aking dibdib.
“Binugbog ko na. Mas garabe
pang ginawa ko sa kaniya! Kaya tumahimik ka na lang. Ako naman ang sagutin mo ngayon.
Bakit ka naglalasing?”
“Wala. Kailangan ba
laging may dahilan kung iinom?”
“Kilala kasi kita,
kapag ganiyang umiinom ka, may problema. Sabihin mo sa akin kung ano.” tuluyan
na niyang hinigop ang natitira kong lakas para pakitunguhan sana siya nang hindi
maganda. Hindi na kasi karaniwan ang ginawa niya ngayon. Kakaibang James ang
kaharap ko. May mali. Nakapikit pa din ako. Hindi ko na kasi kayang tagalan ang
pagtingin sa mukha niya. Nanginginig na din ako kasi hindi ko talaga alam kung
ano ang nangyayari. Hindi ko ito napaghandaan at kung anuman ang nasa utak niya
ngayon ay hindi ko alam. Hindi ko gustong umasa at mangarap ngunit ano itong
ginagawa niya sa akin. Hinintay kong sagutin niya ang tanong ko. Ngunit hindi
ko mahintay ang sagot niya kaya minabuti kong kulitin siya ngunit pagbuka ko ng
bunganga ko ay siya naman niyang pagsasalita.
“Pakiramdam ko kasi nag-iisa na
lang ako. Parang nawala ka na din sa akin. Sobrang nalulungkot na ako dito.”
Garalgal ang boses
niya. Dumilat ako. Muli kong nakita ang mata niyang mamasa-masa at namumula
ngunit walang luhang umaagos. Hindi ako nagsalita. Hinintay kong susunod niyang
sasabihin. Hindi sa ayaw kong magsalita kundi ang totoo ay wala akong alam na
isasagot. Parang nautal ako at nablangko ang utak ko dahil ni minsan ay hindi
ko naisip na mangyayari ito.
“Nawala na lahat sa
akin. Tapos ngayon, parang nawawala ka na din. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sobrang nalulungkot ako. Akala ko pera lang ang kailangan ko para maging
masaya. Ngunit parang ngayon hindi ko na alam kung ano ang gusto ko.
Naguguluhan na ako kung bakit hinahanap ko yung Xian na tropa ko. Namimiss ko
na yung dating ikaw noong bago pa ako dito. Hinahanap ko ang tropa kong kasama
ko nga sa kuwarto ngunit halos di na niya ako kilala pa. Sorry tol, nasuntok
kita”
“Wala na ‘yun.” Sagot
ko. Totoo naman kasing hindi na ako galit nang pinagbuhatan niya ako ng kamay.
Ganoon ba talaga kung mahal mo ang isang tao? Napakadali para sa iyo ang
patawarin siya. Kahit nga hindi siya humihingi ng tawad ay naibibigay mo na
iyon ng kusa.
“Napakasakit sa loob
na nagawa ko ang gano’n sa’yo. Tinulungan mo ako. Pinagsilbihan at trinatong
parang hari ngunit nagawa ko pa din ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung paano
mapapatawad ang sarili ko. Nakokonsensiya ako ng ilang buwan na ngayon, ngunit
sa tuwing gusto kitang kausapin ay umiiwas ka. Lagi kang wala sa bahay. Kung
darating ako sa gabi tulog ka na. Gustuhin ko mang magising sa umaga para
kausapin ka pero parang nagmamadali ka. Lagi kayong magkasama ni Jomel. Lagi
kang may bisita. May ginawa akong sulat dati sa iyo pero pagdating ko nang
hapon, nasa basurahan na.”
“Sulat? Anong sulat?”
tanong ko.
“Hindi mo nakita o
nabasa?” nagtataka niyang balik tanong din.
“San mo siya
isinulat?” May maalala akong kinumpol kong papel at itinapon sa basurahan nang naglinis ako dahil booking lang iyon ng tiket niya nang pumunta dito sa
Qatar. Naisip ko isang taon na din lang iyon kaya itinapon ko sa basurahan.
“Doon sa likod ng
booking ko noong nakaraang taon.”
“May sulat ba doon sa
likod no’n? Hindi ko napansin kasi nagmamadali akong maglinis noon. Saka bakit
kasi doon mo naisipang magsulat?” Pero kahit hindi niya sagutin ay alam ko.
Lalaki nga siya. Kasi kung katulad ko sana siya maaring sa mabango at makulay na
papel ko pa isusulat ang gusto kong sabihin. “Ano bang nakasulat doon?”
“Wala tol.”
“Ano nga!” alam kong
kailangan lang siyang kulitin kasi nakikita ko sa mga mata niya na nahihiya
siya.
“Iyon nga. Namimiss
kita. Hinahanap ko yung dating Xian. Naging busy ka na masyado kay Jomel mo.
Hindi mo na ako napapansin.”
Napangiti ako. Hindi
ko alam kung kailangan ko siyang tanungin sa gusto kong itanong. Para kasing
nakakatakot. Baka bigla na naman siyang ma-offend.
“Oh, bakit ka
ngumingiti?” tanong niya. Lumabas saglit at kinuha ang bote ng alak at ang baso
niya. Nakakuha ako ng tyempo na magtanong habang nakatalikod pa lamang siya.
“Nagseselos ka ba kay
Jomel?”
Hindi siya nagsalita.
Nanatiling nakatalikod. “Sorry sa tanong. Baka na-offend na kita.” Mabilis kong
pagbawi.
“Hindi ko alam.
Siguro! Ewan!” humarap siya. “Basta ang alam ko hinahanap-hanap ko yung dating
ikaw.”
“Bakit mo sinasabi
‘yan? Nakainom ka lang e! Bukas kapag mahimasmasan ka, hindi mo na uli masasabi
iyan. Kilala kita ulol! Lumalabas ang kapilyohan mo at kadaldalan kapag
lasing.”
“Hindi e. Ke lasing
ako o nasa tamang pag-iisip ay may kung ano akong hindi maipaliwanag. Naiinis
na ako sa sarili ko tol”
Nagsalubong ang aming
mga mata. Tinitigan ko iyon. Nalilito ako. Naguguluhan. Nabigla ngunit parang hindi
ko na kaya pang labanan ang mga nangyayari. Nagsimula ang ngiti ko sa labi o
sabihin na nating iyon ang naging umpisa ng mas lalong masalimuot at
paikot-ikot kong buhay kasama ng isang taong hindi niya alam ang tunay na
gusto.
No comments:
Post a Comment