Monday, January 21, 2013

Bawal na Pag-ibig: Notes on the Wall 03

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Nang nakuha ko na ang note sa loob ng review book ko ay nagulat ako sa aking nabasa. Isang letter at ang nakasulat sa note ay:

Thart,
I know that this is hard for both of us but I do hope you understand my situation. I need to stay here for awhile because I must do something for myself to prove that I still love you. I don’t know if you can still accept me as your partner. This poem will reflect my true feelings for you. I hope that someday you will understand me.


Crossroads…

We walk the lines of the same earth
And wonder beneath the same sky
Yet I can’t seem to find the crossroad,
No matter how I try.

I burst into a sprint at full speed
I didn’t notice how fast I did
For an intersection just came into view,
And at first glance, I recognize you.

You said: “I lost my tears but kept my faith
I was here on time but you were late.
Fear came rushing through my veins
But I kept on waiting down these lanes.

I apologize but you said I didn’t need to
So I hugged you, kissed you, and said I love you
The world seems to rejoice with us for a moment
I want to explan it in words but I couldn’t

So we began to walk hand in hand
Savoring each moment in the wonderland
The world goes dark before our eyes
But tomorrow we’ll see a new sun rise

We came ………….

What the! Walang karugtong yong letter. Hay naku, corny naman pala ang kuya mike. Akala ko kasi seryoso siya sa paghahanap-buhay sa America pero meron din palang natitirang pagiging thoughtful ng kuya ko. Pero para kanino kaya ang letter na eto? At take note mga ateng, it seems na parang recently lang ginawa ng kuya ko ang letter. Para kanino naman kaya eto? Ah basta ang pagkakaalam ko si kuya ay may fiancĂ©e na sa States. Anyway, di ko na pinansin ang letter na iyon kaya tinago ko nalang sa pocket ko. Ayaw ko nang tanungin si kuya tungkol dito kasi di naman kami nagpapakialaman sa aming pang-sariling buhay. Pero believe talaga ako sa kuya ko. Kahit seryoso ay may kunting lambot din pala sa puso niya. Thart? Sino kaya sit thart? Pangalan kaya ‘yon o endearment lang? Hay maraming tanong.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si Ate Jing. “Oh iho, gising ka na pala. May naghahanap dito kay kuya Mike mo pero hindi na siya nagtagal kasi umalis na din” sabi ni Ate Jing. “ganun ate? Bakit naman daw hinahanap si Kuya? Sagot ko ng may kunting kalituhan. Kasi naman walang masyadong kilala dito si kuya maliban sa best friend niyang si Aiza. Sa America kasi siya lumaki at doon na rin nag stay nang matagal na panahon. Minsan lang umuwi si kuya ng pilipinas at ang pinaka matagal na stay niya dito is at least 6 weeks lang at uuwi na agad sa US. “Di ko na iho tinanong kasi mukhang balisa yong binata, basta ang sabi niya ay maghihintay daw siya sa lugar na pinupuntahan nila” sagot ni ate Jing habang busy sa pag handa ng pagkain.

Ano? Isang lalake? Hinahanap si kuya? Balisa? Maghihintay doon sa lugar na pinupuntahan nila? Tawagan ko kaya si Kuya Mike? “Ate Jing sandali lang at tatawagan ko si Kuya Mike”. Bumalik agad ako sa kwarto at kinuha ang cellphone. 2 new messages.

1 message – Ralph

Pare, andito na ako sa Roxas City. Pasensya na kung di na ako nagpaalam sa iyo kasi merong emergency at siguro matatagalan ako dito. Ikaw na sana ang bahala sa mga clinical instructors natin in case na hanapin ako. Thanks pare. Mwah!

Napatawa naman ako sa text ni ralph. Bakit ganun? May “mwah” talaga? Hindi naman ganito si ralph dati eh. Hay ewan ko mga ateng pero kahit ganito kalambing si ralph sa akin ay hangang crush at pantasya lang talaga si ralph para sa akin. Besides, we are friends and nothing more than that! Di na ko nagreply sa kanya kasi baka disturbo na ako sa kanyang ginagawa.

1 message – Unregistered number

Hi.. I hope you are fine.. Don’t forget to eat your dinner ha. Lab you!

Tangina! Sino kaya ito? Hay naku! Ayaw ko nang pansinin kasi baka masira lang yong araw ko dito. Nasira na nga kasi di ko man lang nakilala o nakausap ang mysterious guy ko. Anyway, tawagan ko muna si kuya tungkol sa sinabi ni Ate Jing.

Ring.. ring.. ring.. hindi sinasagot ni kuya ang call.. isang tawag pa nga.. ring.. ring.. ring.. Hay naku siguro may ginagawang kakaiba naman si kuya. Text ko nalang siya. “Kuya may humahanap sa iyo kanina sabi ni Ate Jing. Lalaki balisa ang mukha at ang sabi niya ay maghihintay siya doon sa lugar na pinupuntahan niyo”.. sending message… message sent…

Lumabas ulit ako ng room at kumain. Pero hindi naman ako makakain ng marami kasi hindi pa rin maalis sa isip ko ang nagyari kaninang umaga. Una nakita ko si ralph na nilalaro niya ang kanyang ari habang sinasambit niya ang pangalan ko. Bakit kaya? Iniimagine ako ng kaibigan ko? Hindi maaari. Alam kong lalaking-lalaki si ralph. Tapos etong mysterious guy na palaging sumusulpot sa paningin ko at biglang mawawala nalang sa paningin ko. Hay naku! Nakakaloka mga ateng. Parang sinabugan ako kaagad ng libintador.

Pagkatapos kung kumain ay bumalik naman ako sa kwarto. Makapaglaro na nga ng DOTA. Ring.. ring.. ring.. (tunog ng cellphone) “Hello Kuya! Nareceive mo ba ang message ko? May naghahanap sa iyo na lalaki tapos hihintayin ka daw sa lugar niyong pinupuntahan” sabi ko haban naglalaro ng DOTA. (First blood)! “Yes bro, I’m with him right now. I just called because I decided to have a vacation at IloIlo tomorrow.” Si kuya sa kabilang line. “Ganun? O sige kuya tawagan mo nalang si mommy baka mag-alala ‘yon” sagot ko habang ng kokoncentrate sa laro. (Monster Kill). “okay bro! thanks and bye!” sagot ni kuya.

Hay naku. Tinatamad naman ako sa laro ko. Maka facebook na nga. Logging-in.. 1 Friend Request and 1 new message. Chineck ko ang profile pero hindi ko kilala. Sino eto? Bakit hindi nakaharap ang mukha? Accepted! Tiningnan ko ang ibang pictures niya pero puro naka talikod lahat eh. Tang-ina! Nag send ako ng message sa kanya. “Hoy! Kumag! Salamat sa pag add mo sa akin pero I’m sorry hindi ko balak maging friend ang taong walang mukha kundi likod at ulo lang!

1 message – Ralph. “Pare ba’t di kana nag titext? Na miss kita tuloy. Tawagan mo ako pag may time ka ha? Gusto ko sana iisang review center lang tayo. Love you friend! Mwah!

Hahahaha! Mas lalong napatawa talaga ako sa inasal ni Ralph. Kanina puro “mwah” ang message niya tapos ngayon may “I Love You Friend na?” tawagan ko kaya siya.. Dialling. Calling.. (Sorry the number you dial is not available at this moment. Please try to call later). Hay naku, nagpapatawag siya tapos hindi naman macontact. Pero infairness mga ateng medyo kinilig naman ang puso itetch! Nakaka lurky yang pagiging sweet ni ralph. Siguro ginagawa lang naman niya iyon kasi malapit na kaming maghihiwalay. Pero hindi pwede. Walang may namamagitan sa aming dalawa maliban sa pagkakaibigan.

Nag logout na ako at nag tune-in ulit sa radio. (It’s time for papa jack) (Love problems?) eto na naman ang program na nakakaliw.. hay naku! Sana makatawag ulit si Jacob.

PJ: Magandang gabi sa inyong lahat! This is papa jack and its time for our new caller.
PJ: Hello?
Caller: Hello papa jack!
PJ: Oh! Parang familiar ang boses mo ha. First time mo bang tumawag pare?
Caller: Oo na hindi papa jack.
PJ: Ganun? Pano nangyari yan?
Caller: kasi papa jack tumawag ako kagabi pero naputol ang line.

Shit! Si mysterious guy kaya eto? (sa isip ko lang)

PJ: Ikaw ba yong lalaking humahabol sa isang lalaki din?
Caller: Opo papa jack.
PJ: Ahhh! Jacob right?
Jacob: Opo papa jack.
PJ: So ano ang atin? Meron na bang intervention sa problema mo?
Jacob: Wala pa papa jack. Hindi na nagpaparamdam sa akin ang mahal ko eh.
PJ: Kuya, ganito nalang ang gawin mo. Isipin mo nalang na meron na siyang mahal at tutunan mong bumawi sa girlfriend mo… Alam ko mahal ka parin niya at hinihintay niya ang pagbalik mo.
Jacob: Ewan ko papa jack pero nakipagkita ulit ako sa kanya ngayong gabi para maayos ko ang gusot na ginawa ko. Pero siya na mismo ang ayaw eh.
PJ: Yan! Ikaw kasi. Dapat mahalin mo ang taong nagmamahal sayo. Instead of falling in love with the bad chick. Ay! Chick? Rooster pala no?
Jacob: Papa jack naman eh!
PJ: Kuya pls be honest with me. Babae nga ba ang x mo o lalaki din?
Jacob: Pasensya na papa jack kung nagsinungaling ako kagabi.
PJ: Bakit? Tama ba ang hinala ko? Iniwan mo ang isang lalaking nagmamahal sa iyo para sa isang lalaki din na iniwanan ka right?
Jacob: (mangiyak-iyak) Opo papa jack.
PJ: Hay naku kuya. Ikaw ba itong naka dilaw sa primary photo mo?
Jacob: Opo papa jack.
PJ: Hay naku! Kapatid! Sayang ka. Ang pogi mo naman pero bakit ganyan? Sayang ng lahi mo.

Shit! Parang gusto kong tumawag sa love radio pero hindi ko magawa. Pota! Kumakabog ang heart ko mga ateng. I’m sure na si Jacob na eto ay ang JB na nakita ko. My goodness! I’m so almost na talaga sa way para makilala siya. Makaonline nga at magpopost sa FB ng Love Radio. Baka naman basahin ni papa jack.

I turned on the computer and log-in at facebook. Typing “Love Radio” at search tab. Check! Eto na mga ateng. Bahala na kung makikita ni papa jack at sabihin ang pangalan ko basta maipaabot ko lang kay Jacob ang aking dinaramdam para sa kanya.

Typing “Papa Jack. I’m currently listening to your program. Naaawa ako sa kay Kuya Jacob dahil sa nangyari sa kanya. I hope na sana kalimutan niya na ang lalaking hinahabol niya kasi marami naman diyan ang maaring makilala niya. In fairness ang ganda ng boses ng caller mo ngayon”. Posting… Posted.

Jacob: Bale wala naman po sa akin yan papa jack kasi hindi naman iyan ang basehan sa pagibig diba?
PJ: Tama ka kuya pero sayang ka talaga. Pati nga ako parang mababading eh! Joke lang. Oh Mark D. Anu ang masasabi mo sa caller natin? Diba ang pogi?
Jacob: Papa jack ano ang gagawin ko?
PJ: Siguro magbigay ka nalang ng kunting space para sa kanilang dalawa. Malamang marerealize din naman nila ang effort mo. Baka effortless kana man kaya di ka napapansin ng mahal mo.
Jacob: Ginagawa ko na nga ang lahat papa jack eh kaso parang ayaw talaga.

Pota naman uh! Bakit hindi nababasa ni papa jack ang post ko sa facebook page nila? Shit! Irerepost ko nga ulit!

PJ: Kuya Jacob, etong naka green na lalaki sa picture. Siya ba ang lalaking iniwan mo?
Jacob: Opo papa jack.
PJ: Amputa! Shut the front door! Ano ba ang nangyayari sa mundo? Ako nga di masyadong binayayaan ng ganitong tindig tulad niyo tapos kayo na popogi, lalaki din ang hanap! WTF!

Huh? Sino kaya yon? Pogi din? Please papa jack paki relay naman ng message ko. I’m begging!. Nag post ulit ako ng message sa FB page nang love radio. “Papa jack! Pwede bang malaman ang full name ng caller mo ngayon? Gusto ko lang makita ang mukha niya? Interisado kasi ako. Posting.. posted!

PJ: Oh kuya, may nag post dito. Babae, sabi niya “siguro kapag maka tikim ka ng babae baka malimutan mong bading ka”! Waaaaaaaaaa! Uy! Mamaya pa ang Wild Confession iha! Chill ka muna diyan!
Jacob: (natatawa). Miss! Hindi po ako bading! Isa pa nakailang girlfriend na rin ako kaso iba talaga ang tama ko sa lalaking eto.

Bullshit naman uh! Akala ko yong post ko na ang binasa ni papa jack! Ano ba! Siguro marunong ka naman papa jack umintindi ng post ko noh? Kakainis! Repost again!

PJ: Eto Jacob, ang masasabi ko lang sa iyo ay sana isipin mo muna ang bawat hakbang na gagawin mo. Huwag kang magpadalos-dalos sa ginagawa mo lalo na kapag hindi ka sigurado sa gagawin mo. Tulad niyan. Iniwan mo ang x mo na poging-pogi din tapos hindi ka naman inintindi ng inaasam ng puso mo. Maitanong ko nga. Meron bang picture dito yong taong hinahabol mo?
Jacob: Opo papa jack. Pakicheck nalang po diyan. Kasama ko siya sa beach.
PJ: Ay naku! Nakakatawa talaga uh! Ang sasayang niyo mga chong! Kahit si Mark D. nga nanghihinayang sa inyo.
Jacob: Sorry po Kuya Mark D. Ganyan talaga ang buhay eh.
PJ: Kuya merong nag popost dito. Actually, kanina pa siyang nagpopost. Ang kulit naman ng mamang ito! Pang apat na ang post!
Jacob: Ano naman po ang sabi niya? Baka namang lalaitin naman ako niyan papa jack.
PJ: Iba to kuya Jacob. Lalaki din. Gusto niyang makita ang profile mo. Tinatanong ang full name mo. So ano? See? Maraming nagkakainteres sa iyo. Sa boses mo palang parang masisipa na ako sa trabaho kong ito ha.
Jacob: di naman siguro papa jack kasi alam naman namin na ikaw ang pinaka sikat na DJ eh!
PJ: OK ka ha! Ang sarap mong kausap. Gusto mo burger? Hahaha! Oh ayan, magpakilala ka nga. Sabihin mo yong full name mo at mukhang may mga fans kana eh.

Shit!!! Kabadong-kabado na talaga ako. Finally! Malalaman ko na rin ang full name mo JB! Eto na mga ateng! Carrybells na talaga! At least ma getch ko narin ang name ng poging mysterious guy ko!

PJ: So ano?
Jacob: Sige na nga kahit nakakahiya. Uhmmmm.

Eto na! Shit! Kinukuryente naman ang aking mga kamay. JB magpakilala ka na (sa isip ko).

Jacob: My real name is Jacob bela….

Boom! Whaaaaaaaaaaaat!!!!!!!!!!!!!!! BROWNOUT!!!!!!!!!

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment