Monday, January 21, 2013

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor 04

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Napaisip tuloy ako na baka si Jayson. Pero nag-iba ang mukha. Habang tinititigan ko siya ay bigla namang yumuko at patuloy sa paglakad.

Nakaramdam ako ng ibayong saya sa aking dibdib. Ngunit nahiya ako kung kakausapin ko siya.

Kaya ang ginawa ko ay sinundan siya. Alam ko na alam niya na sinusundan ko siya.

Wala na akong magawa kaya naalala ko tuloy ang panahong una ko siyang nakita. Kaya ang ginawa ko ay kumanta.


“London bridge is falling down… falling down… falling down…London bridge is falling down.. my first.. knight” malakas kong pag-awit

Lumingon sa akin ang lalaki at ngumiti. Ngunit hindi pa rin ako pinansin kaya patuloy lang ako sa aking ginagawa.

“London bridge is falling..” naputol ang pag-awit ko ng biglang nagsalita ang lalaki.

“tigilan mo na yang pagkanta. Baka bumuhos ang ulan!” sambit ng lalaki at huminto sa paglakad

“Huh? Pasensya na po tol kasi akala ko..” naputol kong paliwanang

Humarap sa akin ang lalaki at nilapitan. Maya’t-maya ay inangat niya ang kanyang kamao.

Ngumiti na rin ako at ginawa ko na rin ang pag-angat ng kamao at nag fist toss kami.

Niyakap niya ako at ganoon din ang ginawa ko.

“Tado! Bakit ngayon ka lang? Pinag-hintay mo ako ah” mabilisang sambit ng lalaki na si Jayson na pala.

Kumalas ako sa pagyakap niya at hinarap siya.

“Sorry Jayson kasi dumaan pa ako sa department store at may binili. Eto nga pala” sambit ko kay Jayson at inabot ang biniling tshirt.

“Salamat ha. Pero tingnan mo naman Dennis. Ang tagal kong naghintay. Hindi pa ako nakapagligo. Ang baho-baho ko na nga!” mahaba at galit na paliwanag ni Jayson sabay sapak sa ulo ko.

“arekop! Sorry na Jayson. Tara. Punta tayo sa bahay” sambit ko sa kanya habang hinahaplos pa ang sinapak na ulo.

“Huwag na. doon nalang tayo sa amin” sagot ni Jayson at lumakad.

Marami kaming pinag-usapan. Mga nangyari sa buhay. Mga nag bago. Ang mga gusto at hindi gusto. Mga bagay na pinag-kakaabalahan at kung ano-ano pa.

Sa paglalakad ay nadaanan namin ang isang maliit na tulay na medyo nasira at inaayos naman ng mga construction worker.

“Dennis. Hinihingal ako pwede bang umupo muna tayo diyan sa may kahoy malapit sa tulay?” sambit ni Jayson.

“Oo naman. Ikaw pa” mabilisang sagot ko.

“sabi ng lolo ko may dumadaang malaking barko dito kung saan nakasakay ang knight na tumulong sa akin?” mahabang tanong ni Jayson

“Huh? Naniniwala ka pa rin ba doon?” maikli kong tanong

“Bakit hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinabi ko noon?” malungkot na tugon ni Jayson

“Huh? Ewan ko Jay kasi masyadong makulit an gating mga imahinasyon noong bata pa tayo. Isa pa wala naman akong nabalitaang may dumadaan na malaking barko dito eh. Tingnan mo nga ang kitid-kitid ng ilog tapos dadaan ang barko?” mahaba kong paliwanag

“Aba! Hindi ka naniniwala? Sandali.” Malakas na depensa ni Jayson sa paliwanag ko habang nakatingin sa mga nagaayos ng tulay

“Hoy! Mga pare! Hoy!” pasigaw na sambit ni Jayson

Pipigilan ko pa sana siya kasi nakakahiya ngunit nakuha na niya ang atensyon ng mga nagtatrabahong lalaki.

“Ano yon?” maikling tanong ng isang matandang lalaki na tumutulong sa pag-ayos ng tulay.

“Diba merong malaking barko ang dumadaan dito kaya nga palaging sira ang tulay?” malakas na sambit ni Jayson.

Nagtitinginan naman ang mga lalaki doon at nagsalita ang matanda.

“Oo. Iyon ang mga kuwento dito sa ating bayan na merong malaking barko ang dumadaan dito” paliwanag ng matanda.

“Oh naniniwala ka na ba?” patuloy na pangungulit na tanong ni Jayson

Tumango na lang ako at gusto ko pa sanang tanungin ang matanda pero tumayo na si Jayson. Tumayo na rin ako at sinamahan siya pauwi ng bahay nila.

Nakarating na rin kami sa bahay ng lolo ni Jayson.

“Lolo andito na po kami ni Dennis” maikling sambit ni Jayson habang hinuhuban ang kanyang tsinelas.

“Magandang hapon po lolo” pagbati ko sa matanda.

“Magandang hapon din sa inyo. Hali kayo at kumain muna ng pananghalian” tugon ng matanda at pinaghanda ang mga kakainin.

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap-usap kaming tatlo.

“Ah. Lolo. Totoo po bang may malaking barko na dumadaan sa tulay malapit dito? Mahinang tanong ko sa matanda

Napatingin ang matanda sa amin at nakita kong ngumiti ng patago si Jayson.

Hindi na ako pinansin ng matanda.

“siya nga pala pupunta muna ako ng bayan. Meron ba kayong guston ihabilin?” tanong ng matanda habang kinukuha ang kanyang sombrero.

“Dens, pwede bang dumito ka nalang muna sa bahay?” sambit ni Jayson.

“Oo sige. Kasi matagal-tagal din naman tayong hindi nagkita” sagot ko sa kanya.

“Lolo, pwede po bang sabihan si tiyo Bert na dito muna ako magstay sa bahay niyo?” respetong tugon ko sa matanda.

“O sige hijo mabuti naman iyon at masamahan mo naman ang apo ko” sagot ng matanda.

Umalis na rin ang matanda at kami na ang naiwan ni Jayson.

Maya’t-maya ay may dala-dalang unan si Jayson. Nabigla naman ako ng hinampas niya ito sa ulo ko.

“Tado! Gusto mo ng wrestling. Sige mag wrestling tayo” sambit ko sa kanya at hinablot ang isang unan.

Nagpillow wrestling kaming dalawa. Hindi na namin namalayan na nakapasok na pala kami sa kwarto ni Jason.

Patuloy pa rin kami sa pag pipillow wrestling hanggang sa natumba siya at nadaganan ko. Naramdaman ko ang bukol ni Jayson.

Nagkatinginan kami at parang nangungusap an gaming mga mata. Tinitigan namin an gaming posesyon na parang magtatalik kaya umupo ako at umupo rin siya. Nagtalikuran kaming dalawa at tahimik na nakikiramdaman.

Hindi ko alam kong ano ang aking naramdaman pero masayang-masaya ako. Yong parang gusto ko siyang yakapin at halikan. Hay naku! Ewan basta hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang aking pakiramdam

Magkalipas ang ilang minuto at ganoon pa rin an gaming sitwasyon ng bigla namang hinampas ni Jayson ang unan sa ulo ko.

“Bleeeeeeeeeh! Talo!” sigaw na sambit ni Jayson.

Hinila ko ang kanyang mga paa at napahandusay si Jayson sa kama. Pumatong ako sa itaas niya ay hinawakan ang kanyang dalawang kamay.

Hindi makagalaw si Jayson sa ganoong posisyon at mas lalong nilakasan ko ang pag hawak ng kanyang mga kamay.

“O ngayon sino ang talo?” sambit ko kay Jayson at nakangisi pa.

Natawa si Jayson at pinipilit na makawala ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paghawak ng kanyang kamay itinapat ko ang aking mukha at dinidilaan siya na parang bata.

Sa di ko inaasahang pangyayari ay biglang hinalikan ako ni Jayson.

Natigilan naman ako sa kanyang ginawa at nang medyo humina ang pagkahawak ko sa kanyang kamay ay bigla namang nakawala si Jayson at itinulak ako. Napahiga ako sa kama at siya naman ang puma-ibabaw sa akin.

Sa madaling salita ay nagkapalitan kami ng posisyon. Hindi ako makakilos kasi dinadaganan niya ang aking dibdib.

“O ngayon sino na ang talo?” sambit ni Jayson at ngumingiting parang tuso.

Ang karumal-dumal na sumunod na pangyayari ay nakaramdam ako ng libog at tilang kinuryente ang aking katawan.

Tumigas ang aking ari at ng umawtras pababa si Jayson ay naramdaman naman niya ang matigas kong ari.

“Ay naku ano ito?” pagulat na sambit ni Jayson

Biglang tumayo si Jayson sa ganoong posisyon at umupo na rin ako sabay kuha ng kanyang unan at tinakpan ang tumitigas kong ari.

Nagtitigan kami ni Jayson ng biglang humalakhak naman siya. Humalakhak na rin ako sa nangyari at naging reaksyon ni Jayson.

“Ikaw ha! Kung ano-ano ang mga ginagawa mo.” Nakakalokong sambit ni Jayson sabay kagat ng labi.

Nilapitan ko si Jayson at hinaplos ang kanyang mukha. Hindi na rin siya pumalag at ipinikit pa ang kanyang mata.

Unti-unting lumalapit ang aking bibig sa bibig ni Jayson. Hahalikan ko na si Jayson ng…..

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment