By: Rogue
Mercado
Blog:
roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com
So bale
ganito na ang maabutan ko kada umaga?
Tanginang
buhay to. Nakakainis. No. Nakakawalang ganang mabuhay. That is the right word.
Ikaw ba naman ang laging gumising araw-araw tapos maabutan mo yung baklang
iyon? He is a pain in the ass I swear.
Maaga pa
naman but I just dont want to stay that long in the house. Knowing na katabi ko
lang siya ng kuwarto at pagkatapos ay may posibilidad na makabangga ko siya o
makasalubong kada minuto na lalabas ako. And maybe... there’s a possibility na
kunin niya uli yung kuwartong tinutulugan ko ngayon.
But hell
no!!!
Akin na ang
kuwartong iyon. It was my possession now. If he wants it back kailangan niya
munang dumaan sa akin.
Why I am
being childish now?
Pagdating
kay Alexis ganun talaga. Dahil siguro hindi ko naramdaman ang existence ko
bilang bata sa bahay na iyon. Everyday of my life, my parents say it to my face
that Im not a worthy son, that Im not good enough.
Sa bagay,
totoo naman siguro. When we were just grade schoolers, Alexis who happened to
be Alex then, always brought home test papers with an A grade. Laging nasa
honor roll noon, he graduated Salutatorian when he was just an elementary and
Valedictorian when we were high school. Samantalang ako, nadelay pa ng isang
taon ang pag-graduate ko ng elementary because of a back subject. And when I
reached high school, I pursued harder. Nakapasok ako noon sa National
Competition and brought home the bacon as National photo journalist winner. Pero anong nangyari?
Wala lang. Wala silang pakialam sa nangyari. I remember na magisa ako noon na
bumyahe sa Palawan kung saan ginanap ang contest. They said they were busy pero
pag si Alex o Alexis ang pinaguusapan they always find time.
When we came
into college. That’s the time na nakasilip ako ng pag-asa. I knew it. I knew it
all along. Alam kong may tinatago itong si Alex na akala niya ay hindi ko alam.
Kapatid niya pa rin ako at alam kong may hindi siya sinasabi sa amin.
I knew he
was gay. And when he came out. Akala ko nga itatakwil na siya. That could be
the most momentous scene in our house. Gusto kong makita kung paano siya
ipagtabuyan because he is a disgrace. May reputasyon ang pamilya namin and I
know that our Dad wont allow such shame. Akala ko Alex will be branded as the
new black sheep of the family.
But I was
wrong...
Eh dinaig niya
pa yata si Angel Locsin sa kadramahan niya eh. Tangina. Iyak ng iyak ang bakla
kila Dad, I knew that Dad’s face was a bit disappointed sa revelation ni Alex
pero naramdaman ko ang simpatiya nilang lahat. Im expecting the other way
around. I thought they would disown him.
Doon na
lumantad ng tuluyan si Alex. He started dressing up like a woman. He also
underwent some surigical operations. Pero hindi na ako naging interesado kung
ano yun. Sa tingin niya ba mas magiging interesado ako sa kabaklaan niya? No
way. Kahit pa anong gawin niya I will never be excited of his existence. Simula
noong ipinanganak siya sa mundo, the world keeps on comparing us.
Well at
least, now, I can pride myself as a real man... barako ika nga nila. Eh ang mga
bakla? Ano bang maganda nagawa nila sa mundo? Eh sa panglalalaki lang naman
sila magaling diba? Isinusuka ko ang mga kagaya niya. Lahat ng bakla salot. And
they will always be.
I was about
to drive ng nagring ang phone ko. Salamat naman. Siguro gimik to or what.
Ngayon ko rin dapat sana sisiputin yung meeting ko with the deal that i closed.
Pero wala akong gana, nawalan na ako ng gana. Tutal nagbalik naman yung perfect
na anak nila eh di siya na. Lulustayin ko na lang ang pera ng pamilyang to
tutal naman wala rin silang pakialam sa akin.
I checked my
phone, baka si Luke. Pero ng tingnan ko ang screen ng phone ko, it was Mom.
First time
to. Hindi naman talaga niya ako tinatawagan. Ni text nga wala. Wala talaga
silang pakialam sa akin kahit anong gawin ko. Kahit nga siguro maaksidente ako
o mamatay baka wala lang sa kanila. Pero aaminin ko, Im excited to answer this.
Baka kahit papano may pagbabago.
“Hi Mom..
Lester here”
“Lester
hijo, are you home already?”
First time
nga. It brought chills to my body.
“Ahm opo
Mom... actually kakatapos ko lang din magbreakfast, kayo po how’s the trip?”
“Ok lang ako
anak... medyo pagod lang sa biyahe”
“Ganun po
ba?, dont worry when you get back.. May alam po akong spa and I will take you
there.. You are being too hard on yourself”
“Thanks hijo
pero me and Alexis will go malling bukas pag uwi ko diyan, you can come kung
wala kang lakad.”
Alexis na
naman.
“Ganun po
ba? Siguro po next time na lang baka po may lakad rin ako sa araw na iyon”
pagpapalusot ko.
Sino ba
naman kasi ang gustong magshopping kasama sila? Magmumukha lang akong bodyguard
nila.
“Ok hijo,
pero I just want to ask a single favor.. Sana naman pagbigyan mo ko”
“Ano po iyon
Mom?”
Mukhang
hindi ko gusto ang kakahinatnan ng usapang to. Dapat pala I just dropped the
call para wala ng problema.
“Gusto ko
lang sanang bantayan mo si Alexis habang wala ako? Make her feel comfy this
time. Alam kong hindi pa rin nakakamove on ang kapatid mo. Hindi biro
pinagdaanan niya....”
At ako? Sa
tingin mo ba joke lang ang pinagdaanan ko para mapatunayan ang sarili ko sa
pamilyang to?
“Mom may
lakad po sana ako....”
“Lester,
anak... alam kong things between you and your sister were not really that
good... pero anak magkapatid kayo.. Please... kahit ngayon lang para sa
mommy...”
Nasira na
ang araw ko? Gawin ba naman akong taga bantay nung baklang iyon. Kainis!!!.
Mahina ako
pagdating sa pamilya ko. Yan ang hindi alam ng tao sa akin. Akala nila sa
labas, ako yung perfect guy na halos lahat nasa kanya na. Im a Saavedra. Yes,
we do have riches. Pero kulang iyon para masabi kong perpekto ang buhay ko
dahil simula paglaki ko wala akong ginawa kundi magpasikat sa mga magulang ko
na bulag para pansinin ang lahat ng sakripisyong ginawa ko.
Ibinaba ko
na ang hawak kong cellphone at nanghihinang bumalik sa bahay. Yan kasi si
Alexis may pagkasumbungera yan. Noon, nung makita niya kong nagiinom sa isang
bar nong mga hisgh school pa kami, sinumbong niya yun kay Daddy at buong gabi
ako nalintanyahan. I was even grounded for several days. Hindi lang talaga
malandi yan baklang yan, epal pa. Kaya pag hindi ko sinunod si Mommy eh baka
isumbong na naman ako niyan.
Nakapasok na
uli ako sa loob.
Sandali,
andito lang iyong baklang iyon kanina ah?
Hinagilap ko
siya sa buong sala pero wala akong nakita. Siguro ay pumanhik na ito sa taas.
Kaya naman dinala ako ng mga paa ko sa mga baitang ng hagdan at umakyat muli sa
ikalawang palapag.
Namalayan ko
na lang na nasa harap na ako ng kwarto niya na kwarto ko noon.
Kung noon
siguro nangyari to, malamang hindi papayag si bakla na agawin ko kwarto niya.
His room is really spacious compared sa kwarto ko. Ewan ko ba, pati sa mga
bagay-bagay kailangan may disparity kami ni Alexis. What is it so special to
her... him? Kainis.
Should I
knock? bulong ko sa sarili ko. Kailangan pa ba iyon? Dati-rati tuloy tuloy lang
akong pumapasok sa kwarto niya pag may kailangan akong sabihin sa kanya o kaya
aawayin ko siya. Hahaha.
Ano nga ba
ang sasabihin ko sa kanya? Na pinapabantayan siya sa akin ni Mommy? Ang
awkward. Ngayon lang kasi humingi ng ganitong pabor si Mommy sa akin. I dunno
if its a good thing or a bad thing... pero una gusto ko ang idea na humihingi
ng pabor sa akin si Mommy pero Hell!! ayaw ko namang maging boy ng bakla kong
kapatid.
Anak ng
tokwa oh!
Pinihit ko
ang door knob. Bahala na, sa isip isip ko.
Walang tao.
Yun ang
bumulaga sa akin ng buksan ko ang kwarto ni Alexis. Asan kaya siya? Baka siguro nasa veranda lang o saang sulok
ng bahay.
Saan naman
kaya nagpunta yung baklang iyon?
Bababa na
sana ako nang may marinig akong kaluskos sa isang sulok. Nilingon ko ang
kuwartong kaharap ng kwarto namin. Kwarto iyon nila Mommy at Daddy. Sa
pagkaka-alam ko eh wala naman si Mommy ngayon?
Wala kasing
basta-basta nakakapasok sa kwarto nila Mommy, kahit kaming mga anak niya bawal
pumasok diyan. They are very private. Si Manang Fe naman, naglilinis lang diyan
pero kailangan nandun si Mommy sa loob. Well, ganun rin naman sila sa amin.
They taught us to value privacy. Yun daw kasi ang little space namin for
ourselves. Kaya naman hindi rin sila basta-basta pumapasok sa kuwarto namin ng
walang paalam.
Idinikit ko
ang tainga ko sa pinto at nakumpirma ko ang hinala na may tao nga.
Sino kaya
to? Wag mong sabihing....
Dahan-dahan
kong binuksan ang pinto at nakita kong may nakaupo sa sahig. Nakatalikod siya.
Anak ng?
Anong
ginagawa mo dito???
*****
Sukat sa
narinig kong sigaw ay bigla kong naitakip ang hawak ko sa maliit na box at
talagang nabigla ako sa pagkakarinig ng boses sa aking likuran. Lumingon naman
ako para kumpirmahin kung sino ang nasa pintuan.
Si Lester
Saavedra.
“Ah....ahmm...
kuya??”
“You heard
me right? Anong ginagawa mo dito? Sa loob ng kuwarto nila Mommy?”
“Aaa..ako?
Wala. Nililinis ko lang tong kuwarto nila.. Saka nagpaalam na ko kay Mommy na
baka pwedeng icheck outfits niya. Mag-malling kasi kami bukas at hindi ako
makapili sa wardrobe ko so I plan na humiram muna sa kanya.. Hindi niya ba
nasabi sa iyo?”
Confidence
ang peg!!! Gora teh!! Dapat ganyan ang acting lagi, ilabas mo na si Ate Vi,
gow!!!
Nakita kong
sandaling napatda si Lester sa sinabi ko. Kailangan na kailangan ko ang
matinding pagarte sa pinag-gagawa ko. Kung mauutal pa ko o magugulat, una
palang failed na ko sa mission ko. Kailangan kong ipakita ng bunga ng dalawang
buwan kong preparasyon para dito.
“Hindi, but
you need to get out of there” mariin nitong sabi sa akin.
Kahit galit
ang gwapo pa rin!!! Haysss...
“Pero kuya,
hindi pa ko tapos...”
“No buts..
you need to get out of there... hindi ka na nahiya. Noong mga bata pa tayo we
never dare to get in here unless nandito sila sa loob. Hindi naman por que
kakagaling mo lang sa isla eh magiinarte ka na and break the rules of this
house. Tantanan mo ko sa kaartehan mo Alexis”
Ay hindi na
pala gwapo!!! teh... show what you got!! Gretchen Baretto mode!! Go!
“Hindi...
Kailangan ko pang maghanap ng ebidensya”
“Huh? Anong
ebidensya?”
Lagot na
teh!! Sabi ko Gretchen hindi Mike Enriquez... Shunga!! Ok na sana eh..
Patay. Pero
sa totoo, gusto ko pa sanang magpaiwan dito sa kuwarto dahil gusto kong humanap
ng iba pang ebidensya. Ngayon pa na meron na akong lead sa kasong ito. Pero
ngayon, parang mas gusto kong magpaiwan dahil sa ere nitong si Lester Saavedra.
He is starting to get in my nerves
“I mean
evening gown...para sa pupuntahan namin bukas”
“Evening
gown? Mag-ma-mall kayo tapos evening gown?”
“Bakit?
nakalimutan mo na ba? Im a print ad model... saka why not make a scene?
Nagbalik na ang heiress ng Ilocos Norte? The one and only Alexis Saavedra”
Bongga!!!
Hahaha.. May paheiress-heiress ka pa ah... Pero bet go!!!
“I really
dont care sa mga kabaklaan mo, all i need you to do is to get out of here bago
pa maubos pasensya ko sa iyo? Now lalabas ka ba? O gusto mong kaladkarin kita
palabas?”
“Lalabas.”
maikli kong sagot.
Nakrukut ka
teh? Hahaha.
Mabibigat
ang mga paa na lumabas ako ng kuwarto. Naisip ko baka kasi i-confirm niya kay
Mommy na pumayag ito na pumasok ako eh di ako bulilyaso niyan?. Kailangan ko
ring magingat sa mga galaw ko and I know that this Lester Saavedra will be a
pain in the ass.
True naman
talaga, halimbawa si Koya Lester eh i-chorva ka, feeling ko pain in the ass
talaga. Char.
And here we
go again. Bakit ba kasi nagtrain pa kong mag-gay lingo? Ayan tuloy...
Pagkasara ng
pinto ay pumasok na ako sa kuwarto ko. Tuloy-tuloy akong pumasok at hindi ko na
siya nilingon. Nabwi-bwisit na ako sa lester na to. Siguro kaninang kumakain
kami, it’ll be understandable. Pero ngayon, nakakairita na talaga siya.
Lalo naman
akong nagulat ng pagkahiga ko sa kama eh nakita kong pumasok siya at kasunod ko
pala. I can observe now that he has the capability to move swiftly without
someone noticing him.
Tiningnan ko
naman siya ng diretso. Hindi ako bumitiw. Syempre kuwarto ko na to ngayon,
alangan namang palabasin niya pa ko dito.
Tinititigan
niya rin ako. Kung nakakamatay siguro ang matalim na titig ay kanina pa ko
bumulagta dito. Nakikipagsukatan talaga ang gago ng titig sa akin. Finally, ito
na ang unang nagsalita. Nakaramdam siguro na wala akong balak magtanong bakit
siya nasa loob ng kuwarto ko.
“I only have
few rules for you today. Una, wag kang lalabas ng bahay. Pangalawa, know your
boundaries. Hindi ka pwedeng pumasok sa kuwarto ko at kuwarto nila Mommy.
Pangatlo, dont you ever talk to me kasi ang normal sa atin eh yung hindi
naguusap. Understand me?”
“At bakit
kailangan mo kong gawan ng batas dito sa bahay?” sarkastiko kong tanong I didnt
even to bother to call him Kuya.
“Pinapabantayan
ka sa akin ni Mommy..” sagot ni Lester sa akin.
Ewan ko pero
iba ang dating sakin nung pagkakasabi niyang iyon. Dahil siguro sa nagbago ang
tono niya ng sinabi niya iyon? Hindi ko man nakikita ang mukha ko ngayon eh
bigla akong pinamulahan sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko rin
mapigilang mapangiti ng matamis.
“What’s with
the smile?” kunot noong tanong niya sa akin.
Teh! Wag ka
naman kasing masyadong kiligin. Kaloka... halata ka talaga teh, very much!
Hindi ako
nakasagot. Yung isasagot ko eh subconscious mind ko na ata ang kumokontra o
sumasagot para sa akin. Yumuko na lang ako sa pagkakahuli at pagkapahiya sa
kanya.
“Hahaha... I
get it.. Akala mo nagiging mabuting kuya ako sa iyo? Alexis... kung ako
papipiliin, mas gusto ko pang magpoker kaysa ang makasama ka sa bahay. I cant
even stand your sight here” at sinundan pa nito ng nakakalokong tawa.
Ay assumera
ka teh... char!
Hindi na
lang ako sumagot para iwas diskusyon pa. He got me there. Bakit naman kasi may
automatic reaction kaagad ang mukha ko at kinilig sa sinabi niya. Arrggh.
Nakangiti ng
makahulugan na umalis siya sa paningin ko. Napabuntong hininga naman ako
natulala na naman sa kawalan. Ang hirap ng pinasok ko sa totoo lang. I got a
dysfunctional family, a bully for a brother and vague clues sa pagkamatay ng
Gambling Lord na si Victor Saavedra.
Kalurkey nga
teh.. pero keri mo yan, I wont leave you. Promise.
And before I
forgot, a subconscious mind speaking in swardspeak.
Nakapa ko
muli ang maliit na bos na naipasok ko naman sa loob ng pekpek shorts ko. Buti
na lang at hindi ko naiwala ang una kong ebidensya.
“Paraluman”
ulit ko sa pangalan na umuukit ngayon sa aking isip. Ano kaya ang kinalaman ni
Paraluman dito? Sa mga nagaganap. i have a strong feeling na hindi talaga
nagkataon ang lahat.
Si Paraluman
ba si Anita Saavedra?
Parang wala
naman justification. Malabo pa pero I know that some things will be more
clearer. Syempre sa paglutas ko ng kaso alam kong malalaman ko rin kung paano napatay ni Anita
Saavedra si Victor Saavedra.
I garbbed my
phone at nagdial ng numero. Kung meron mang isang taong makaktulog sa akin
patungkol sa mga tao. Isang pangalan lang ang dapat kong kontakin. Maya-maya pa
ay sumagot na ang tao sa kabilang linya.
“Hello Black
Viper?” wika ko.
“Black
Scorpion?” pagkumpirma rin ni Black Viper.
“Yes ako
nga..”
“So? Any
updates? Ang bilis mo naman ata nagka-update sa kaso”
“This is
Black Scorpion that you are speaking with so...” may himig pagyayabang niya.
“Haha.. Ok..
so anong ibabalita mo sa Dominos mo?”
“I just want
to ask you a favor... nasa opisina ka ba ngayon?”
“Huh? akala
ko pa naman update yan.. Yup Im here sa Black Building bakit?”
“Can you
check on your database kung merong taong nagngangalang Paraluman na related kay
Victor Saavedra?”
“Sige, one
moment”
Ilang
segundo lang ang hinintay ko. Madalian lang naman talaga kasi magcheck ng
profile ng tao sa opisina. Lahat siguro ng nasa populasyon meron kaming
impormasyon.
“Ok...
Nandyan ka pa ba?” tanong nito mula sa akin.
“Oo... so
ano? meorn ba?”
“Wala akong
nakitang tao na unang nangngangalang Paraluman pero may isang tao na second
name niya ang Paraluman...”
“Sino siya?”
tanong ko na may halong kursiyudad.
“Siya si
Precious Paraluman Sarmiento... she was Victor Saavedra’s personal assistant
pero nagresign siya ilang taon na nakakaraan. She resigned a year before Victor
died in an apartment in Batac City. Funny thing is, taga Batac din itong si
Precious. Yun ang lahat ng vital info niya so far”
Umatake na
naman ang isang matinding pagkainteres ko sa bagong tao na binanggit ni Black
Viper. Kinuha ko lang ang address ng eksaktong tinitirahan ng babaeng sinasabi
niya at nagpaalam na ako.
Siguro pwede
ko siyang puntahan ngayon? Dapat wala akong sayanging oras lalo na at wala si
Anita Saavedra ngayon. Mas malaya akong makakagalaw kapag wala siya sa paningin
ko. Maybe this Precious girl could bring a clarity sa malabong kasong ito.
Maybe she could give an evidence that would make me nail this operation.
May
assumption na ako pero sa akin na lang muna iyon.
Nagpalit
lang ako ng pangtaas kong damit. I chose a sabrina cut blouse.Madalian ko lang
na sinuyod ang hitsura ko sa salamin at nagmamadali akong bumaba ng hagdan.
Maybe Ill just take a cab papunta sa Batac. Ayoko pang magdrive ng sasakyan at
baka mahalata pa ng mga tao sa loob na lumabas ako.
Nasa main
door na ako ng awtomatiko akong natigil pagkarinig sa isang sigaw.
“At saan ka
pupunta?”
Nang
lumingon ako. Andun nga siya. Ang bastos kong kapatid.
Itutuloy....
No comments:
Post a Comment