By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com
“Bwaaaaaaaaaaaaaaarkkkk”
“Yuckkkkkkkkkkk
kuya!!! Kadiri ka!” sigaw niya sa akin ng isuka ko ang fried chicken na niluto
niya.
Dali-daling lumabas
siya sa kuwarto at narinig ko na lang na nagtatakbo siya pababa ng hagdan.
Hindi man lang niya naisip na may sari-sarili kaming banyo at pwedeng doon na
lang siya maglinis. Kahit kailan talaga iyang baklang iyan minsan mag pagkabobo
kahit pa siya raw ang pinakamatalino sa pamilya.
Kanina pa talaga ako
nabibwisit sa kanya. Isang pamimikon na lang talaga masusuntok ko na mukha
niyan eh. Kung hindi lang talaga ako lalabas na masama sa pananakit ng baklang
kapatid eh matagal ko na sigurong tinuluyan yang Alexis na yan.
Hindi ko rin alam
kung ano ang nakain ni Mommy at ako pa talaga ang nagawa niyang gawing taga
bantay sa baklang to. What’s so special about this fag that everyone wants him
safe and sound? Eh lalaki pa rin iyan kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo. May
lawit pa rin kumbaga. Saka sa tingin ko naman kaya niyang protektahan ang
sarili niya. Heck, ni hindi ko pa nga siya nahabol kanina. I was even
astonished sa bilis at lakas niya. Baka siguro kahit papano eh, pinatigas ng
isla.
Sinadya ko talagang
isuka sa kanya yung fried chicken. Alam mo yung nagtitimpi ka talaga na kung
pwede mo lang siyang bugbugin. Akala niya siguro makukuha niya ko sa luto-luto
niya.
But the chicken is
mouth-watering, kanina pa nga talaga ako gutom at nabigla ako ng pumasok si
Alexis sa kuwarto ko. Lalantakan ko na nga sana yung fried chicken ng hindi
niya alam tapos sasabihin ko na lang sana na tinapon ko pag hinanap niya. Kaya
to save myself, noong mararamdaman kong maisusuka ko yung nakabulon sa akin...
isinuka ko sa kanya. Hahaha!! Nakakatawa talaga yung reaksyon niya, yung parang
diring-diri na ewan.
Sa totoo lang nagulat
din ako at ipinagluto niya ako. Kapag kasi napipikon ako sa kanya, ngising
demonyo na yang baklang iyan. Pero kanina.... sinusuyo niya ba ako?
Ah!
Kahit na. Kahit na
ano pa ang intensyon niya. Basta ang alam ko ayaw ko sa bakla at sarili kong
kapatid ay isinusuka ko. Hindi miaalis ng fried chicken niya ang mga nangyarin
sa buhay ko.
I stood and went to
my graffiti board. Mga collection yung ng pictures ko na kinukunan ko sa tuwing
malungkot ako. Hindi mo naman talaga kailangan ng one-sided bangs at itim na
damit para maging perfect emo poster boy. Minsan, sapat na yung walang pakialam
ang mga tao sa paligid mo.
Kinuha ko ulit ang
nakaenvelope na sertipiko na pinag-aagawan namin ni Alexis kanina. Sariwa pa
rin sa akin yung mga panahong ako lang magisa ang tumatanggap nun. Alam mo yun,
parang nakakuha ka ng parangal pero wala kang pag-aalayan. Gusto ko sanang
sabihin sa sarili ko na para to sa pamilya ko pero mayroon ba ako nun? I doubt
it.
Tapos sasabihin niya
na “sertipiko LANG” to? Tangina niya. Palibhasa walang alam yung baklang iyon
sa mga pinagdaanan ko. Ang alam lang naman niya eh mag make up o rumampa pero
siya pa rin nakikita ng mga magulang ko.
Kasabay ng pagkuyom
ng aking kanang palad ay ang pagkagusot ng sertipikong hawak ko. Tutal wala
naman nagpapahalaga dito, itinapon ko na lang sa basurahan.
Pero hindi pwedeng
ganito...hindi. Makikita niyang baklang iyan, Mararamdaman niya rin kung gaano
kasakit ang mga naranasan ko.
*****
Nakatatlong beses na
ata ako kakahugas ng kamay ko. Hinubad ko na rin blouse ko na nasukahan niya.
Grabe naman kasi yung sinuka niya, panong hindi siya mabubulunan? Eh buong hita
ata ng fried chicken nilamon niya at hindi niya na nginatngat. Tapos magiinarte
na hindi daw siya gutom? Pakipot.
Pano naman kasi teh?
Akala mo siguro magki-kiss kayo ni Lester kanina nung nagkatitigan kayo no?
Pero aaminin ko...
kumabog ng malakas yung dibdib ko ng nagkatitigan kami. Ewan ko ba. Sa
kauna-unahang pagkakataon eh biglang parang gutsong kumawala ng puso ko sa
dibdib ko nung tinitingnan ko siya.
OMG teh!!!
Noooooooooo!!!!! Ang misyon mo!!
Napabuntoong hininga na
lang ako. Gulo tong pinasok ko. At hanggat maari ay kailangan kong kontrolin
ang kahit anong personal na emosyon sa aking sitwasyon. Kumplikado na nga ang
lahat hindi ko hahayaang mas maging kumplikado pa pag nagkataon.
Inamoy ko uli ang
kamay ko. Feeling ko talaga hindi pa naalis yung amoy ng pinaghalong fruit
juice, fried chicken at laway niya. Nakakadiri talaga.
If I know gusto mo
naman!!!
“Bro ano na??? Asan
ka na ba??”
Narinig ko ang
pasigaw na tanong na iyon at mga pares ng paang sa tingin ko ay palapit sa
kinalalagyan ko. Dinig na dinig kasi sa buong kabahayan ang lagaslas ng tubig.
Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang lalaking sa tingin ko ay kaedad ko
lang din. Nakasuot ito ng sumbrero at naka-jersey. Obviously ay nakapang
basketball get up ito dahil may dala-dala itong bola. Kitang kita ko ang
pagkabigla sa kanyang singkit na mga mata ng makita niya ako.
Kumunot naman ang noo
ko sa estrangherong nasa harapan ko.
“Shit!!!..... hindi
nga?? Alexis??? tang ‘na ….. ikaw nga.... shit.... Ikaw ba talaga yan???”
manghang tanong sakin ng lalaking nakita ko habang papalapit siya sakin ng
marahan. Waring hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako.
Ay hindi...hindi...
picture lang to... monumento.. Kaloka...
“Si...sino... ka??”
nag-aalangang tanong ko. Malay ko naman baka akyat bahay gang to.
Pero ang gwapo niya
para maging isang sindikato!!! Ehmeged! Gusto ko na rin yatang maging kriminal.
Char.
“Hindi mo ko
natatandaan? Si Luke... bestfriend ni kuya Lester mo... Totoo nga? Grabe..
Alexis.. buhay ka!”
Diba nga nagsasalita?
So syempre buhay? Tanga lang kuya?? Pero perness cute niya talaga!!
“Ah eh.... hindi
naman sa hindi natatandaan... nabigla lang”
“Ganun ba? ah wait
ito.... baka lamigin ka niyan” sagot niya sa akin.
Nakita kong hinubad
niya ang kanyang Jersey. Lumantad sa aking mga mata ang abs ng Luke na ito.
Oh Em!!!! Chinitong
may abs... I wanna die na!!! Tawagin lahat ng santo... Isa itong divine
intervention! Chos.
“Bakit ka
naghuhubad?” tanong kong clueless pa rin dahil may isang lalaking parang
exibitionist na naghuhubad sa harapan ko.
Unti-unti siyang
lumapit sa akin at ako naman ay parang estatwang nakatayo lang at naghihintay
ng susunod niyang gagawin. Sa bawat pagkilos niya ay kaakibat nito ang pagkaba
ng puso ko.
Nang tuluyan siyang
makalapit at ibinihs niya sa akin ang kanyang Jersey.
Doon ko lang
narealize na hinubad ko pala ang aking blouse at naka-bra lang ako habang
nakikipag usap sa kanya all the time!.
Wahahahaha. OMG!!
Nakita niya na ang alindog mo teh.. Nahalay ka na niya sa kanyang paningin.
Kailangan pakasalan ka na niya. Madali.
“Ah.... so..sorry...
Hindi ko napa...napansin na...ahm...” hindi ko mabuop ang mga salita na
lumalabas sa bibig ko para magexplan sa kanya.
“Ok lang... kaw
naman... pero nabigla talaga ako.. grabe... so totoo pa la ang tsismis?”
“Anong tsismis
naman?” usisa ko sa kanya.
“Na bumalik ka daw...
some even says na nabuhay ka daw ulit... Nabasa mo na ba yung Ilocos Times?
There was a write up there saying na bumalik ka na... Sa totoo lang ayaw kong
maniwala Alexis... dont get me wrong.. its good to know na …. na hindi ka
namatay sa plane crash... pero its been what? 2 years maybe? Tapos all this
time... buhay ka pala... Grabe... di talaga ako makapaniwala... you are right
here...wow”
Halata sa boses niya
na talagang hindi siya makapaniwala. Sino ba naman ang maniniwala agad-agad?
Isang tao na inakala mong patay na ng ilang taon at ngayon magbabalik? Somehow,
kung ako ay isa sa kapamilya nila, im gonna doubt the return of Alexis. Pero
syempre... dahil kamukha ko siya with my feminine version, lahat sila
napaniwala ko na ako nga si Alexis... even my Anita Saavedra na akala ko ay
maghihinala agad.
“Well... its good to
be back...” maikli ko na lang na sagot
“Yeah it is... Tita
must be glad na nagbalik na ang kanyang unica hija” wika ulit ni Luke sabay ang
matamis na ngiti.
Pambansang ulam ang
smile niya teh!!! Inlove na ko! Char.
Sabay naman kaming
napalingon sa inagy na nagmumula sa hagdan. Naputol ang aming paguusap ng
makita ko na naman siya. Ang kuya ko daw na may kagagawan kung bakit ako
naabutang hubad nitong si Luke.
“Anong ginagawa
niyo?”
Ay agad-agad? Hindi
ba pwedeng naguusap lang? KalerQui.
“Ah bro... tinetext
kita ah? Hindi ka naman nagrereply.. so ayun.. yayayain sana kita magbasket
ball?”
“Yeah but...
nakahubad ka naman at suot niya ang Jersey mo?” naguguluhang tanong ni Kuya
Lester.
“Ah eh...” hindi
makasagot si Luke at tumingin ito sa akin na nagaalangan din. Hindi siguro nito
alam kung sasabihin ba nito na naabutan niya kong naka-bra habang naghuhugas ng
kamay.
Nagpalipat lipat
naman ang titig ni Kuya Lester sa aming dalawa. Para kasing naghihintayan
kaming dalawa ni Luke kung sino ang unang magsasalita.
“Ah... inarbor ko
kuya!!! Syempre naman bagong balik ako kaya ibinigay sa akin ni Luke... I look
fab no? Maybe one these days, pausuhin ko ang jersey fashion dito sa Ilocos..
what do you think?” bibo kong sagot sa tanong ni Kuya Lester. Para akong
tangang pabigla bigla na lang na magpapalusto.
Sa sulok ng aking mga
mata ay nakita ko naman si Luke na parang pinipigil matawa sa sinabi ko. Nakita
ko namang umiling iling lang si Kuya Lester sa sinabi ko. Alam ko na naman ang
linya niyan, pinili man nito na wag na lang magsalita, gusto na naman nitong
sabihin na ‘Alexis... wala akong panahon sa kabaklaan mo’. He’s a real
homophobic freak.
Binalingan nito si
Luke at saka nagsalita.
“Pasensya ka na bro
hindi ko nacheck yung phone ko kanina... Marami kasing istorbo sa buhay eh”
sarkastiko niyang paliwanag sa matalik na kaibigan sabay tingin sa akin ng
masama. Kahit kailan talaga panira ng moment tong lalaking to.
“Ok lang yun bro..
ano, laro tayo?”
“Hindi pwede eh...
gustuhin ko man kailangan magbantay ako sa isang taong wala na atang ginawa
kundi bwisitin ang buhay ko.. maybe next time na lang”
“Haha.. Ok sige...
maybe mauna na rin muna ako.. hanap ng pagkaabalahan sa bahay”
Ehmeged pwede sakin
ka na lang maging busy?
“Sige sige bro...”
Tuluyan ng tumalikod
si Luke at pinuntirya nito ang pinto palabas ng kusina. Ngunitbigla ulit
nagsalita ang nakakabwisit kong kapatid.
“Teka? yung damit mo?
Hindi mo na ba kukunin? Alam mo just dont mind this fag.” pahabol na wika ni
Lester kay Luke.
At aba’t balak ka
talagang hubaran teh??? Kaloka ang imbernang kuya!!!
Lumingon naman ito at
sinagot si Lester.
“Hindi na bro... saka
binigay ko naman na kay Alexis yan.. Gift ko na rin at bumalik na pala tong
kapatid mo”
“Sige bahala ka...
Nagpauto ka naman dito”
GrrRrrrRRrrrrr...
Kailangan mo ng magdragona!!! Hoomay!!!
Gusto niyang sirain ang wholesome image mo!!! Pangalagaan ang puri! Chos.
“Hindi naman... sige
una na ko bro... Alexis!” pagpapalam ni Luke sabay kindat sa akin.
*himatay...
Ano bang problema
talaga nitong si Lester? Bakit ba ganun na lang siya kairitable na naman? Eh
kinain na nga niya yung fried chiken eh. Hindi ko na kasalanan kung hindi siya
marunong ngumuya.
Tuluyan ng nakalabas
si Luke ng mansion at naiwan na naman kaming dalawa sa kusina. Tinalikuran ko
siya at itinuloy ang paghuhugas ng kamay. Samantalang pumunta naman siya sa
refrigerator at hula ko ay mangangalkal ng makakain.
“Wag ka ng umasa”
biglang pasaring nito sa akin.
Nang lingunin ko siya
ay punong puno ang bibig nito ng toast na kasalukuyang kinakain nito.
“Excuse me?” iritable
kong sagot.
“May girlfriend yun
si Luke...” wika niya sa akin sa nangaasar na tono. Para bang sinasabi niya na
assuming agad ako at ibinigay sa akin yung Jersey.
“Hindi naman ako
umaasa sa kanya... saka nagiging mabait lang yung tao. Buti pa nga siya eh,
alam niyang irespeto yung mga kagaya namin.. Alam mo you should visit the
wizard of Oz sometimes... malay mo... bigyan ka rin niya ng puso” matapang kong
sagot at tuluyan ko siyang tinalikuran at lumakad papalayo sa kanya. Bwisit
siya!
Winner ang punch line
mo teh!! Kailan mo pa nalaman ang wizard of oz keme???
*****
Ako naman yata ang
natahimik sa sinabi niya.
Parang echo na
pabalik-balik ang mga sinabi ni Alexis sa akin.
“Hindi naman ako
umaasa sa kanya... saka nagiging mabait lang yung tao. Buti pa nga siya eh,
alam niyang irespeto yung mga kagaya namin.. Alam mo you should visit the
wizard of Oz sometimes... malay mo... bigyan ka rin niya ng puso”
Nakarinig kasi ako ng
ingay kanina mula sa kuwarto. Nagpasya akong bumaba at nakita kong magkausap
sila ni Luke. Kitang kita ko sa mata ng bakla kong kapatid na kilig na kilig
naman ito.
Sandali? Naiinis ba
ko na may kausap na ibang lalaki si Alexis?
Mali. Hahahaha. Bakit
ba ganito iniisip ko? Bakit naman ako maiinis na may kausap siyang ibang
lalaki?
Oh Cmon Lester!!!
Lester!! Lester!!
Naiinis lang talaga
siguro ako sa kabaklaan ng kapatid ko. Saka tama tong naiinis ako at hindi
nagpapadala sa kadramahan niya. Wizard of Oz daw? Sus. Nagdrama talaga ang
bakla. Siya naman talaga ang puno’t dulo kung bakit ganun ang asta ko sa kanya.
Kung sana hindi na lang siya pinanganak eh baka maganda pa kakahinatnan ng
buhay ko.
But he’ll gonna love
my next surprise. Abangan niya lang. Baka bumalik siya bigla sa islang
nadaungan niya.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment