Tuesday, January 15, 2013

The Accidental Crossdresser 09

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Anak...anak... wake up”


“Anak...”


Naalimpungatan ako ng mga tawag na iyon. Mga tawag na naglalambing... nagiingat na huwag akong mabwisit sa pagkakaistorbo ng aking tulog.


“Hmmmmmmm” marahan kong reklamo ng tuluyang magising ang aking diwa. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata ay nakita ko ang isang anghel.... Hindi. Kriminal. Isang mamatay tao. Isang...ina.



“Mom? Nakabalik na po kayo?”


“Yes...hija, kagabi pa ko nakabalik.. Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo, sabi ng Kuya mo nakatulog ka daw ng maaga.


Kaloka eh panong hindi makakaborlog... Best in dictatorship ang walang pusong Lester na yan... Pwe!!


“Kumain na po kayo?” tanong ko sa kanya.


Wow teh concern? Very ulirang anak peg.


Hindi naman ako nakakuha ng sagot. Anita Saavedra just sat there, staring at me deeply. Nasa mga mata niya ang ningning ng kaligayahan. Wala rin akong nagawa kundi ngitian siya.


“Im really happy hija, you just dont know.... my daughter... hindi ko talaga alam.. siguro may nagawa akong tama that the Lord give you back to me...” wika nito sa akin habang nakikita kong dumadaloy ang butil na luha sa kanyang mga mata. She was in pain. Deep pain. Pero para bang nakita niya lang ako, these were all relieved. Nararamdaman ko ang pinaghalong saya at bigat ng paghihirap na pinagdaanan ng taong nasa harapan ko.


Sa isang ordinaryong ina... sino ba ang hindi masasaktan? Kung una... nawala ang anak mo sa isang aksidente.. Mabuti pa nga iyong iba nakita nila ang bangkay. Pero ang mas masaklap, yung nasa gitna ka ng pag-a-agam-agam kung ang taong importante sa buhay mo ay pumanaw na nga ba talaga o sadyang nawala lang. The hardest goodbyes are the one said silently but never explained. Pagkatapos... mamamatayan ka pa ng asawa.


Pero hindi ordinaryong ina si Anita Saavedra. She was Ilocos Norte’s Goddess of Gamble. Sa sosyal na pasugalan siya nabubuhay. Pera ang puhunan...pera rin ang tubo. Sa maiksing pagaaral ko sa estado ng kanilang buhay... casino ilocandia has been the breathing-air of their other business. Pinasok na rin nila ang real estate and currently, Pamulinawen Hotel, another 5-star hotel will soon rise somewhere in San Nicolas, Ilocos Norte.


Siguro...kahit pa gaano kasama itong si Anita Saavedra, still she’s a mother... hindi pa rin niya matitiis ang kanyang mga anak. Thats the softest spot of every woman. Malas nga lang niya, hindi niya ako anak. I need to do my job as quick as I could. Pero ang hirap.... sobra. Being crystally protected? I doubt baka pag magawa ko ng lumabas ay may body guards ako.


Ayaw mo nun? Less effort ang booking?


“So how’s your first day in the house kahapon? Pasensya ka na anak ah? I need to go to Ilocos Sur.. ang layo pala nung islang napadpadan mo? Anak walang eyeliners dun?” pabiro ngunit malambing na tanong sa akin ng aking ina.


I so love you na mommy!!!! Char.


“Oo nga mom... so ang ginawa ko na lang.. yung mga uling-uling na lang ni Nanay Paz ang ginamit ko. Haha”


Tatawa na rin ba ko? K.


“Hindi ka pa rin talaga nagbabago... you are still very resourceful!” natatawa na ring sagot sa akin ni Mommy.


“Oo naman Mom? San pa ba ko magmamana... di syempre sa pinaka-fine..fresh....fierce mother!!! Oh diba parang california girls lang!!! Char!” sagot ko sabay yakap sa kanya.


“Hmmmmm kaya love na love ka ni Mommy!!!”


Pangalawang beses ko na tong yakap siya. And it feels good. Feeling ko ang safe ko at may taong handang mag-alaga sa akin. I wasnt really used to being taken care of. Sanay na kong ugaling militar. Walang mag-aalaga sa iyo kundi ang sarili mo. But this time.. I can feel someone caring at me. Someone I can call, my Mom.


Ipinikit ko ang aking mga mata habang yakap yakap siya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat ang itinatanim ko sa utak ko eh isa siyang kriminal na walang awang pumatay kay Victor Saavedra. Anong nangyayari?


Nang kumalas siya sa pagkakayakap namin ay nagtanong siyang muli.


“Kumusta naman kuya mo? Hindi ka ba niya inaway o nagusap man lang ba kayo anak?”



Napaisip ako.

Kuya? Lester? Actually hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya.


Positive... Inlababo ka na talaga sa kanya. Tsk Tsk. It took you three days para mainlove sa kanya.


Hindi naman sa ganun. But, Gawd! Hanggang sa panaginip sinusundan niya ako? Stalker lang? Kaloka. Sa panaginip ko daw, sinusubuan ko daw siya nung fried chicken tapos ayaw daw niya akong umalis sa tabi niya. Hahaha. Kaloka yung panaginip na yun.


Hidden desire. Tsk.


“O..ok naman po kami ni Kuya... so far” nauutal kong sagot.


“Are you sure hija? Dont be afraid pag binu-bully ka na naman ng kuya mo at akong bahala?”


“No Ma.. Im fine.. I can manage though its not a secret that we are aloof with each other.. Ganun lang po talaga siguro... normal na sa magkakapatid ang ganun”


“I hope you and Lester will be OK...”


“Oo naman po, kapatid ko siya eh”


Ngumiti naman siya at hinagod ang aking buhok. From her gestures, I can still feel those longing that she felt. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita itong muli.


“Nga pala anak, I met with an event organizer... I will throw a party for you tomorrow... kaya mo na bang humarap sa mga tao?”


“Po..po?”


“I know this is a bit of a rush... but I can’t wait to tell to the world that my daughter is back... Hindi lang ako ang nakamiss sa iyo hija... pati mga kaibigan mo.. many are actually texting me if its true na nakabalik ka na.. or nabuhay ka daw.. Silly them...”


How can I forgot? Alexis Saavedra is dubbed as the gay-heiress of ilocos norte. Her status is her brand. Laman siya lagi ng bars at iba pang mga glamorosong lugar kung saan walang ginawa ang mga tao kundi ang magpasosyal at magpasosyal.


“Of course Ma... i cant wait to be back in the ramp scene”


“Mana ka nga talaga sa Mommy... mahilig sa exposure!”


So kaya tsinugi mo rin si  Victor para maexpose ka pa lalo?


“Eat your breakfast na dear... Im pretty sure nami-miss mo na ang pasta ni Mommy”


“Sige po”


Bumangon na ko sa higaan ko at nakita ko naman na nauna ng lumabas ng kuwarto ko si Anita Saavedra. Napabuntong hininga na lang ako habang nakita kong  unti-unti siyang nawala sa paningin ko.


Ang swerte ni Alex o Alexis Saavedra. No wonder, baka lahat ng bakla sa mundo mainggit sa kanya. Hindi lang siya biniyayaan ng suportado at mapagarugang pamilya, biniyayaan pa siya ng yaman na magagamit niya para matustusan ang luho niya. Kung ganto ba naman ng ganto sinong aayaw na beki? Hindi ka lang makakabili ng diane-35 para magkaroon ng female hormones... Maning-mani lang ang magpa-breast implant or maybe... sex change.


Pumunta muna ako sa harap ng salamin para suklayin ang aking buhok. Naisip ko, ang swerteng maaring kainggitan ng mga beki sa mundo ay swerte ko na ngayon...well, sa loob ng dalawang buwan. Ang tunay naman talagang hangarin ko ay mapatunayan ang krimeng ginawa ni Anita Saavedra. Pero mukhang malabo akong makakilos sa linggong ito... maraming nakatakdang gagawin. Maraming exposures ang dapat kong harapin.


Bumaba na ako para pumunta sa kusina kung saan naroon si Manang Fe at Mommy na parehong abala sa kani-kanilang niluluto. Its amazing, seeing someone as sophisticated as Anita Saavedra cooking food. Ang alam ko kasi sa mga Donya... utos lang ng utos. Ayaw nilang mabahiran ng konting kalyo ang kamay nila. Ang alam ko rin tanging bagay na sumasayad sa kanilang palad ay pera o credit cards.


“Hija... ang tagal mo namang bumaba.. dont worry you are beautiful kahit na kakagising mo”


“Very wrong Mom... aoyokong haggard ang hair ko so may I suklay a bit Haha”


“Hanka pay talaga nagbalbaliw anak ko” (Hindi ka pa rin talaga nagbago anak” singit ni Manag Fe sa usapan.


“Sinabi mo pa tiyang” pagsangayon ni Anita sa sinabi ng matanda.


Tiyang? So magkamaganak sila? Hindi ko alam na ganun ang eksena. But anyways kung ganun nga wala namang masama. After all, Manang Fe is good at taking care of the house. Ngayong umaga ko rin nakita ang iba pang mga katulong na naglilinis ng sala. Naalala kong linggo kahapon at baka naman day off ng mga yun.


Umupo na ako ng mesa at naghintay sa kung anong ihahain sa akin. Masarap rin pala kahit papano ang pinagsisilbihan ka though in my old standard life, hindi naman nagkukulang ang Black Society to provide what we need yun nga lang off limits ang katulong o kasambahay. We dont want anyone to know our own identity. Kung magkakaroon man kami ng kaibigan, we make sure that its from Black Society lang din, mga nakasamang magtraining and the like. We dont settle for aliens to be our friends.


Napansin ko naman ang isang dyaryong nakalapag sa mesa. It was the latest issue of Ilocos Times, ang lokal na dyaryo sa buong Ilocos.


I was a bit shocked habang binabasa ko ang headline.

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj_vXt8WYG38XCPVgHPYkC8btoWyxBKoj4k8cRRSnItIn2Mj2mUHXQjytDl-fAVFgiDLgeU26DXE9Qpkc5OURQuda0QrUfV_PLMKnMpoPMQzVSgl04VYlfWNd4atx7BJfKD4618iXVQ/s1600/ilocos-times-may-17-may-23-issue.jpg

Totoo nga pala. Pinagpipiyestahan na ang balitangng nakabalik daw ako. Pero hindi pa rin sigurado ang mga tao kung talagang nakabalik na nga ba o tsismis lang ang balita. The news said that Anita Saavedra was yet to confirm this groundbreaking news.


Sosyal ang bakla. Heiress kung heiress... Paris hilton? Char.


Inilapag ko na ang dyaryo ng makita kong papalapit na si Mommy para ihain ang pagkaing niluto niya. It was again... spaghetti and paired with a green tea. Pero wait...


Ehmeged teh!!! May keso!!!


Shit. Ito na naman tayo. May keso ang spaghetti na niluto niya. Siguro ang gagawin ko na lang eh tumikim lang konti at iwasan ang keso sa plato ko. Nakakainis. Bakit pa kasi spaghetti ang paboritong pagkain nitong si Alexis.... hindi ba siya nakaget over sa kabataan niya? Ugh.


Susubo pa lang sana ako ngunit napansin kong may pumasok sa kusina namin. It was Ok.. Lester.


Hoong Gwapo teh!!!!!!


That day nakaligo na ang gago at nakablue V-neck paired with black shorts. Nakatsinelas lang naman ito. That was definitely a beach get-up. Halatang he was going to a resort or something. May dala rin itong maliit na travelling bag.


“Mom, I gotta go... pupunta po kaming Pangil beach.”


“Hindi ka na ba magbibreakfast man lang hijo..?”


“No Thanks” matipid nitong sagot at saka tiningnan ako ng masama. Yung tipong parang sinasabi niya na, ayaw niyang kumain kasi nandun ako sa mesa.


“Ok then” matipid ring sagot ni Mommy sa kanya.


Madalian itong lumabas sa kusina na para bang kating kati ng umalis sa lugar na iyon dahil naroon ako. Ipinagsawalang bahala ko na lang. Kailangan ko na sigurong masanay.


Hindi mo man lang ba maimagine teh... he’s going to the beach... Topless again... Wet and.. ahmm....

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg615g_xOvbZMUZwJo-5-XiJltMLKoXvUrALPo0qJsFeRWiQf3900jlTWoNsTgejWpz6xJFXCyeFwYsVjQ_iwvEbI_syFOZlUv8w9cQg2KhjeUDhehUrZ5bh7mHgI8eS38l71dr79H0/s1600/facebook_-890853202.jpg


“Shut up...” mahina kong saway sa sarili ko.


“Ano iyon anak?”


“Wa...wala po... ahm Ma.. I think Im full na..”


Echusera... isang kutsara pa lang nakain mo.. full na? Lokohan?


“Ayan ka na naman hija... ni hindi mo nga nagalaw yung kinain mo”


“Im on diet po kasi eh... Im sorry..”


Pasalamat ka naimbento ang diet!!! Chaka.


Sa totoo lang, nararamdaman kong hindi kaagad ako makahinga sa kaunting kinain ko. May Quick-melt cheese ang spaghetti at imposibleng hindi ko makain yun if the compound was already mixed.


“Sige anak... if there’s anything you wanted to eat.. Sabihan mo lang si Manang Fe Ok? I need to meet some of these people na magaasikaso sa party bukas OK?”


“Sige po Mom”

*****


Dapat sana kanina pa ako naka-alis. I got up early. Freshen up a bit. Sa kagustuhan kong magunwind ay naisipan kong pumunta ng Pangil Beach. This is the perfect day to relieve stress after yesterday’s chaos. That fag is a walking nightmare. I believe that I deserve some peace of mind matapos ang kahapon.


Paalis na nga sana ako ng makita kong nakabukas ang kwarto ni Alexis. Naroon rin pala si Mommy. And then mas nadagdagan pa ang pagkabwisit ko when I saw them being so sweet together. I wonder kung magagawa rin sa akin ng Mommy yun. throw a party for me pag nawala ako tapos biglang bumalik? O baka magpa-party siya pag nawala na ko sa buhay niya?


And I wonder what it feels like to be hugged by your mother... hindi ko pa kasi naramdaman.


Why is it that the things that we want are often unreachable kahit nasa tabi tabi lang ito?


Welcome back party pala ah...

Sa isiping ito ay kinuha ko ang aking cellphone. Ayaw ko naman maging masamang kuya kay Alexis so maybe she deserve a gift from me. I grabbed my cellphone and started dialling a number.


“Hey pare... si Lester to.. Naalala niyo yung sinabi ko sa inyo noong last time.. Oo.. maganda to...sexy... sakto sa trippings niyo to.. I assure you, hinding hindi kayo magsisisi, kahit ilan pa kayo.... Oo naman... Hindi kayo magsisisi... Sige Ill tell you the details later... that would be after the party sa bahay bukas.. Sige..sige... no problem”


I let out an evil grin after the call. Sa wakas.


*****


I am looking at different catalogues na ibinigay sa akin ni Mommy bago ako umakyat. It was several gowns designed by local designers sa Ilocos. Pinapapili niya ako ng gusto kong suotin sa party ko.


Feel na feel niya na talaga kaloka.


Suddenly, biglang nagingay yung phone. It was a call from an unkonwn number.


“Lek-lek?”


“Ba...black thorn?” hindi makapaniwala kong tanong


“Sus.. wala naman tayo sa opisina bakit black thorn pa rin?”


“Still.. this is a work related mission... Kaya dapat pa rin kitang tawagin sa code name mo”


“Gelo na lang... parang iba na ko sa iyo eh... nae-enjoy mo na ba iyan?”


“Huh? What do you mean? Anong klaseng tanong iyan?” parang bigla naman akong nairita sa sinabi niya. Baka dahil nga medyo... medyo naeenjoy ko ang mga pangyayari.


“Im sorry... I just want to check kung Ok ka..and...” hindi nito naituloy ang sasabihin.


“And?”


“Kung namimiss mo ko?”


Waaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh


Hindi ko napigilang hindi matawa at ok... kiligin sa sinabi niya. Pero Gelo is a friend, a partner, maybe he just want to say that he miss his friend?


Grabe ah... kung straight guy friend yan.. Hindi yan magsasalita ng ganyan.


“Puro ka talaga kalokohan...” pambabara ko na lang.


“I mean it... kasi I am..I... I miss you partner.. I still hope na payagan ako ni Master Black na samahan ka diyan sa mission mo”


“I appreciate the concern Gelo pero Im good... Kaya ko naman so dont worry. This mission will end after 2 months” pag-a-assure ko sa kanya


2 months? Kaya nga ba?


“Ok sabi mo eh.... I believe in you, sige ibaba mo na ang phone baka naiistorbo na kita?”


“Huh? bakit ako ang magbababa? Anong klaseng pauso na naman to Gelo?” natatawa kong tanong


“Basta ikaw na magbaba”


“Ikaw na kaya... ikaw tumawag”


“Ikaw na Lek-lek... wag ng makulit”


“Ikaw na Gelo... Ay naku”


“Ikaw”

“Ikaw”


“Sige na nga ako na nga.... basta magiingat ka jan Lek-lek.. pag may problema tawagan mo lang ako sa number na to”


“Sure... I will pero teka.. Aren't you prohibited to get my number? San mo makuha to?”


“Wag ng magtanong.. I have my ways! Haha”


“Ok fine daya... sige na Gelo!!”


“Sige.. bye-bye Leklek... Mwah!!”


“Huh? Mwah? Bago yan ah..”


“Bawal? Haha”


“Ewan ko sa iyo.. sige na”


“Oh bat ka natatawa... kinikilig ka no?”


“Akala ko ba.. you’ll hang up na?” iwas ko sa tanong niya


“Sige na nga... kala ko kinikilig ka eh. Bye! Mwah! Haha”




Nang ibaba ko ang cellphone ay sinuklay ko ang buhok kong hanggang Pacific Ocean.


Itutuloy.....

No comments:

Post a Comment