Tuesday, January 15, 2013

The Accidental Crossdresser 07

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Lalabas lang sana ako wala kasi akong magawa sa kwarto... Im kinda bored” sagot ko sa kanya ng tanungin niya ako kung saan ako pupunta. Syempre, kailangan ko na namang magpalusot nito.


“Tigas rin ng ulo mo no? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko na hindi ka pwedeng lumabas? pati ba utak mo naging utak isda na ng matambay ka sa isla?”



“Kuya... baka naman kasi..”


“No buts.. pasok sa loob” mariing tanggi niya sa mga susunod kong paliwanag.


Infairness teh may pagka-hitler talaga yang si Koya Lester...


Wala akong nagawa kundi pumasok uli sa mansion at mabibigat ang hakbang na tinahak ang salas. Nilagpasan ko lang siya tanda ng pagkainis ko sa pinagagagawa niya sa akin.


Umupo ako sa sofa at nakakibit balikat na napabuntong hininga na lang. This is what I hate the most, ang mga interferences sa pagiimbestiga ko. Ngunit hindi talaga maiiwasan to, sa sitwasyong may ikinukubli kang pagkatao and at the same time may iniimbestigahan kang malabong kaso, ang mga tao sa paligid mo ay maaring makatulong o makasagabal sa mga plano. Dalawang buwan.... parang hindi ko kakayanin kung ang taong ginagaya ko ay daig pa ang kristal kung gwardiyahan ng mga tao sa paligid niya. Kung sana eh janitor na lang o kaya si Manang Fe na lang ang ginaya ko eh di mas makakagalaw ako ng maluwag.


Manang Fe? haller? Gusto mong maging thunder bird as in agad-agad?


But I wont  give up, ngayon pa na may lead na ako sa kaso. Lester Saavedra wont be a thorn in my throat.


Which gives me an idea? Ito pala gusto niya ah? Pakialamanan? Pwes, tingan natin ang tibay niya.


Ay bet? Nagtataray na, fight lang teh... Ibandera ang bandila ng sangkabaklaan.


“Anak ko... inak lang makipalengke”


Nabasag ang pagiisip ko ng malalim ng namalayan kong nariyan pala si Manang Fe sa tabi ko. Nagpapaalam na mamamalengke siya.


“Ah sige po... dito lang po ako sa bahay”


Ngumiti naman ito ng matamis at pag karinig lang ata ng pagsangayon ko ay gumayak na ito palabas ng mansion.


And this is the perfect time to revenge. Hahaha. Kung sa tingin nitong Lester na ito eh magpapatalo ako ng ganun ganun lang, nagkakamali siya. Im Black Scorpion, marami na kong napatumba siya pa kaya? Hinding hindi ko palalampasin ang pagiging bastos niya at pakialamero niya.


Sa isiping ito ay umakyat na ko sa taas at tuloy-tuloy na pumasok na ko sa kuwarto niya. Nakita kong nakahead set siya at nakaharap sa computer. Hindi rin niya narinig ang pagpasok ko kahit parang nabalibag ko ata yung pinto. He must be listening to a loud music.


I walked tiptoe papunta sa kanya, ingat na ingat na hindi niya marinig ang hakbang ko. Papakialaman ko muna kung ano ang ginagawa niya.


Ehemeged... Sight!! Nakafacebook si Koya Lester. Wahahahaha.


At marami siyang kachat? Punong puno ng nakabukas na chat box yung fb niya at base sa mga nakikita kong pictures eh puro babae ang ka chat niya.


Ano naman expect mo teh..? Eh straight as rod talaga si Papa Lester noh?


Nakibasa pa nga ako sa mga ka chat niya. May nabasa akong nagyayaya sa kanya sa date pero tinanggihan niya.


Infairness pappable talaga tong si Koya Lester eh... Habulin ng chicks teh...Keri mo ba yang mga merlat na yan?


Well, sa hitsura ko ngayon... why not?

Ambisyosa!!! Teh, remember chicks yan.. ikaw si chicksilog.... Iligo mo yan o baka kulang ka lang sa moisturizer.. Nyahahaha.


Tumalon naman yung isang mata ko sa isa niyang chatbox. And I read something really interesting.

Precious Paraluman Sarmiento: Hi sir? Musta na po? Balita ko po bumalik na si Maam Alexis?


 Lester Saavedra: Hi Pre? Musta? Long time no see ah... It doesnt feel the same na wala ka na sa casino.. Minsan pasyal ka naman sa amin.
 Precious Paraluman Sarmiento: Masyado pa pong mainit ang paligid.. Gusto ko man po sana kaya lang...


 Lester Saavedra: Yun ba? Wag mo ng isipin yun. My mom forgave you at saka Dad was already with our creator. That issue was already settled. I know na gusto ka ring bumalik ni Mommy sa Casino or maybe you could apply as her new assistant. Tingin mo?



Precious Paraluman Sarmiento: Thank you sir.. bale log out na po ako.. May gagawin lang.



Lester Saavedra: Yeah catch you up soon. Ingat!


Teh may ingat-ingat pa.... Hmm I smell something fishy jan sa merlat na yan... As in super fishy.... yung umaalingasaw. Tingin mo?


Kilala niya si Precious Paraluman? Oh What the heck... syempre.. Nanilbihan nga raw itong Precious Paraluman na ito sa Casino Ilocandia or better yet... nanilbihan ang babaeng ito bilang personal assistant ni Victor Saavedra ngunit nagresign ito bago mamatay ang padre de pamilya.


I stayed focus sa chat box kung may sasabihin pa yung Precious. Hindi ko alam pero hindi ko pa nga nakikita yung babaeng yun pero parang ang init init na ng dugo ko sa kanya.

Hoomaygash?? Tboli teh? Nagiinit... Hindi ko alam na cannibalism ang peg mo ngayon.


Nakita kong in-exit na niya ang chat box at saka nag-click ng isang profile link. Dumire-diretso ito sa profile ni Precious Paraluman. Naging alisto naman ang aking mga mata sa profile ng babaeng kanina pa umaalingawngaw ang pangalan.


Seeing her pictures, magandang babae nga talaga itong si Precious. She had hazel brown eyes, a pair of expressive eyes na parang laging malalim ang iniisip, thin lips that makes her more feminine at her skin is like porcelain. Kung susumahin ang aura ng babaeng ito eh siya ata ang perfect example ng di makabasag pinggan. I bet she is in her mid 20’s.


But what puzzled me most eh ang tinutukoy nilang issue? Ano kaya yung issue na yun?


I badly need to see her. May kung anong bumabalot na misteryo sa Precious Paraluman na iyan. Hindi basta basta lang na napasama ang pangalan niya sa mga bagay na may kinalaman kay Victor Saavedra.


“Anak ng? Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?” sigaw ng kaninang nakaupo at ngayong nakaharap na si Lester Saavedra.


Para naman yata akong pinanghinaan ng tuhod ng lumingon siya ng biglaan sa akin.


OMG teh.. Nakakakrukut tong si Koya Lester.. I so hate him na.


Nagisip naman ako ng mabilis sa isasagot ko sa question of the day na ata yun. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Peeking on his fb account?


“Ah eh wala... diba sabi ko nga diba bored ako... So yun, I wonder if we could do some bonding together tutal namiss naman kita kuya... Diko naman alam na busy ka pala”


Wahahahaha. Ikaw na teh! Grabe ah, ilang page ka? Hong Kopal!! Hahaha. Kung maka-kuya bonding ka naman. FC?


“Ano? Anong droga tinira mo? Kahit kailan walang bonding na magaganap in between us.. Wala akong balak makipag kulutan sa iyo? Naiintindihan mo?”


“Eh What if pedicure na lang? Promise tuturuan kita humawak ng nipper” nakangisi kong sagot.


“Eh kung bigwasan ko kaya pagmumukha mo? Wag mo kong binibwisit Alexis.. Busy ako”


“Halata nga.. Dami mong ka chat no? Siguro nga hindi ka magkadaugaga sa mga ka chat mong humihing sa iyo ng date?”


Bigla namang pinamulahan ng mukha ang kaharap ko.


Hoong kyuuuuttt? Ganyan pala magblush ang maton? Ferness, bumabalik na naman ang crush ko sa kanya.


“Kanina ka pa nakapasok dito?”


“Hindi? Actually sa sobrang iksi ko nga nakapasok dito pwede na kong magvacuum ng kuwarto mo.. Pwede na kong magtayo ng garden o kaya magshower...” sarkastikong sagot ko.


“Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo ko ng maayos... Anong nabasa mo kanina”


“Yun ngang may nag-aask sa iyo ng date... kulit ah? Imbyerna”


“Sus.. yun lang pala... Eh problema ko ba kung nagkakandarapa silang maka date ako... Saka hindi pwede ngayon.. Kung di lang sana nag-ask ng pabor si Mommy eh di sana mapapalaban na naman ako”


Koya Lester.. ako na lang gawin mong kalaban... Promise magpapatalo ako! Chos.


Hindi rin talaga to mayabang si Lester. Sabihin na nating may maipagmamayabang siya? Pero hindi pa rin sapat yun para gawin niyang laruan ang mga fb friends niyang babae.


Tomoh teh!! Itayo ang bandila nating mga virgin! Char.


Finally ako naman uli ang nagsalita. Its my time to rebutt. “Ah ganun ba? so pati yung Precious humihingi sa iyo ng date? Kapal ng mukha niya ah” mariin kong sagot sa kanya.


Ay...ay..ay? You sound like a jealous girlfriend teh.. Very wrong... Yung gurl alam mo na ang meron siya ikaw keme pa rin. Wahahaha.


Nakita kong parang namutla ang kanina ay mayabang na si Lester. So talagang may patagong paguusap ang Lester na ito at ang Paraluman na iyon. This is the perfect time to bluff.


“Ano pang nabasa mo?”pigil na nerbyos na sagot sa akin ni Lester.


“Wala.. nevermind, akin na lang iyon”mabilis kong sagot at akma na rin sanang lalabas ng kuwarto niya. Hindi ko man lang napansin ang mabilis niyang paggalaw at naharangan na niya ako sa paglabas ko ng pinto.


“Sasabihin mo sa akin kung ano pa ang nabasa mo?”tiim bagang na pagdedemand sa akin ni Lester. Nanlilisik na naman ang mga mata nito sa galit.


1 point teh!!.. Kaya iyan. Huwag mo siyang uurungan kahit gaano pa siya ka yummy. Wahahaha.


“Teka.. diba hindi ako pwede sa KUWARTO mo.... KUYA???” pagbibigay diin ko sa mga salitang binanggit ko.


“Yeah tama ka... pero since hobby mo na ata ang pakikialam sa buhay ng ibang tao... you have no right to pass this door unless you tell me kung anong nabasa mo?”


What’s with the panic nga ba? Bakit parang dapat malaman ni Lester ang nabasa kong paguusap nila? Kung tutuusin eh wala naman masyadong nasabi ang dalawa sa kanila maliban sa issue na hanggang ngayon eh hindi ko pa alam.


“Eh bakit ka nga ba nakikipagusap sa kanya? Diba galit ang pamilya natin sa kanya?” tuloy-tuloy na pangba-bluff ko sa kanya. Feeling ko naman yun talaga ang sitwasyon tungkol dun sa issue na tinutkoy ng dalawa sa paguusap nila. Pero kapag hindi ganun ang sitwasyon.... ako ang patay.


GoodLuck teh! Wag kasi masyadong pretending na all knowing.. Naku... ikaw mapapahamak!


“She’s still a friend.. At hindi hadlang ang galit ni Mommy sa kanya to cut my communication with her..”


Bingo! May issue nga... So bakit kaya galit na galit si Anita Saavedra kay Precious Paraluman? Ano ba ang nagawa nitong taong to sa pamilya namin?


Ay? Ang lakas maka-pamilya namin? Claiming much teh? hahaha Pero imperness... bongga yung bluff mo ah... For that sa iyo na ang korona! Ikaw na!


Noon ko lang napansin ang katawang nakaharang sa akin habang seryoso akong tinititigan ni Lester Saavedra. Nung time ko din iyon ko lang napansin na naka top less pala ito at naka shorts lang. Ang dalawang kamay nito ay nakaharang sa pwestong pataas sa magkabilang gilid ng pintuan. Kitang kita ko ang buhok nito sa kili kili.


Slurrrrppppp.. Yum!


“Ba...bahala ka sa buhay mo..” wika ko na lang na medyo nautal sa pagtataray. Paano ba naman kasi, sinong hindi madi-distract sa ganung katawan?


Landi mo teh.. Hindi ka na dapat kay wolverine ipakamot.. Kailangan sipsipin ang dugo mo ng mga linta... Polluted ng landi ang blood vessels mo! Char.


“Alexis... hindi mo sasabihin sa Mommy to diba?”tanong niya sa akin.


Tuluyan kong dinaanan ang mga kamay niyang nakaharang sa pinto. Nabigla siguro ito sa ginawa ko kaya madali akong nakadaan sa pinto. Nilingon ko naman siya para asarin pa siya lalo. Akala siguro ng Lester na to eh siya lang magaling mambwisit.


“You wont say anything to Mommy.. right Alexis?”



Nakalingon na rin pala to ng lingunin ko rin siya. I just made that one irritating smile. Gusto kong makita talaga siyang umuusok ang ilong sa inis. Bwahahaha.


“Alexis? Kinakausap kita!” bulyaw nito sa akin.


“Oo naman Kuya, hindi ko sasabihin basta ba payagan mo ko sa condition ko”


“You dont make the rules here Alexis...”


“Ah ganun ba? Eh di OK pala na magchikahan kami ni Mommy later na kausap mo itong si Precious Paraluman at gusto mo siyang pabalikin upang magtrabaho sa atin... Ang nice na bungad ng topic ko no? Sige kuya di na kita gagambalain. Sleep tight” sarkastiko kong sagot with matching catwalk.


Alexis Saavedra, 22, Ilocos Norte!!! Char.


“Teka.. teka sandali!!” pigil sa akin ni Lester at nakita kong hinawakan niya ako sa isa kong braso.


“Alexis, dont play games OK? Wag mo kong pinapakitaan ng same bratty attitude mo? Buhay ko to at diba sinabi ko na sa iyo na ang normal sa atin eh yung hindi naguusap?”


“Oh diba nga hindi na kita gagambalain? Sige na kuya... makipagchat ka pa doon.. Go!”


“Fuck!!!!.... Sige na... Ano ba yang tanginang kundisyon na yan” sa wakas ay pagsuko ni Kuya Lester sa pangungulit ko. Naihilamos nito ang kamay niya sa mukha.


And take note tinatawag mo na uli siyang Kuya... Hmmmm...


“Isang kundsiyon lang naman kuya... payagan mo kong makalabas. Yun lang naman hinihingi then you can go back chatting with your girls sa facebook.. Oh ano? Deal?” sagot ko sa tanong niya. Yun lang naman talaga kailangan ko. Kailangan kong makalabas ng mansion na iyon para mapuntahan si Precious Paraluman.


“Hindi pwede alam mong hindi ka pinapalabas ni Mommy... Saka hindi mo pa rin ba naiintindihan. Alexis nawala ka ng ilang taon... pagkakaguluhan ka ng tao pag basta basta ka lang lalabas.”


Kainis! Ganun pa rin! Wala yatang epekto ang pagba-black mail ko sa kanya.


Pero imperness naman teh ah... May point naman talaga itong si Koya Lester... Syempre ikaw ba naman irampa ang gandang iyan, people will go suicidal. Chos.


So kung hindi ako lalabas ng mansion ano ang pinaka productive na pwede kong gawin ngayon? I think have a perfect and much better idea.


“Sige Kuya... ganito na lang.. Magkwentuhan na lang tayo. Better idea right? Para hindi na ako lalabas”


Tactics teh? Hmmm... Kailangan talagang ilabas ang gapangan skills ngayon?


“Anong sabi mo pakiulit nga?”nabibigla nitong tanong.


“Ay unli? Paulit-ulit?”


“Wag mo kong pinipilosopo Alexis.”


“Duh? Ang ganda ko namang pilosopo no... Im just asking you if we could talk for a while... tutal ayaw mo namang chikahin ko si Mommy pag balik niya so maybe pwedeng tayo na lang magusap”


So ayun na naman. Yung halos makasakal leeg niyang titig sa akin na wari ay tinitimbang niya ang bawat sinasabi ko kung papayag ba siya o hindi. Well, he doesnt have a choice or else.... Nyahahaha.


“Bahala ka sa buhay mo”


That was the sign Im waiting for. Umalis na siya sa pinto at iniwan niya itong nakabukas. Sa sandaling pagtayo ko sa harapan ng kuwarto niya ay nakita kong pinatay niya ang kanyang PC at tuluyang nahiga sa sa kamang nasa loob. Sa inakto nito ay para itong batang inagawan ng kendi at nanlalatang nahiga sa kama na parang nawalan ng enerhiya.


Lihim naman akong napangiti sa pagtatagumpay ko. Lester picked the wrong enemy to hit.


Bonggels!! Wala na akong ma-say.


Hudyat na rin iyon para tumuloy ako sa kuwarto at simulan na nga ang aming kunwa-kunwariang mag-kuya bonding. Hehehe.


At sa ikalawang pagkakataon ay nangahas uli akong pumasok sa kuwarto ni Kuya Lester. Iniwan ko pa ring nakabukas ang pinto. Tiningnan ko siya. Nakaupo siya sa kama niya at naglalaro gamit ang kanyang cellphone. Umupo naman ako sa kaninang pinagupuan niya habang nagco-computer.


“So Kuya... ilang buwan na rin pala kayo naguusap ni Precious Paraluman ng palihim... or yet... ilang taon na kayo naguusap?” unang tirada ko sa kanya.


Actually, ito talaga ang main objective ko. Kung hindi ko mapupuntahan sa Precious Paraluman sa bahay niya sa Batac. Im gonna interrogate my hilaw brother para naman mabigyan ako ng linaw sa kaso. Ganyan ako kade-dedicated sa trabaho.


Isang malaking Char!!! If I know my hidden agenda ka!


“You need to shut up Alexis... Ayokong pagusapan si Precious... Kung wala kang magandang sasabihin you can leave my room”


No Luck! Ano ba yan? Parang masyado na yatang naging allergic tong si Kuya Lester kay Precious. What’s with that girl ba? Mukhang hindi yata umubra ang gusto kong mangyari para makakalap pa ko ng impormasyon sa Precious na yan. Might as well, bwisitin ko na lang siya buong araw. Tutal ito naman ang gusto niya eh.


“Alam mo kuya, siguro Ok if you can try a more shorter cut o kaya siguro magpa-semi kalbo ka na lang noh? Tutal ang init naman ng panahon ngayon” wika ko sa kanya sabay lapit at butingting ng kanyang buhok habang siya naman ay busy sa paglalaro.


“Shit.. tangina Alexis ano ba? Just touch anything but not my hair... And you told me we are just here to talk... Hindi yung pakialaman mo buhok ko.. Can we maintain a distance. Im allergic to drag queens like you”


Allergic pala ah? Nakakapanginit na talaga ang pagiging homophobic nito. Ang sarap balatan ng buhay tapos budburan ng asin tapos itali sa mangga pakagat sa mga langgam. Nakakainis.


Nilibot ko na lang ang buong kwarto. Nandun pa rin naman yung mga larawan na nakabikini brief itong si Lester. Syempre hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin at baka mahuli pa ko at kung ano pa ang isipin nito.


Eh bet na bet mo naman kasi ang sight niya. Hahaha.


Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa ibang gamit na naroon. Photographer nga itong si Lester. Mayroon siyang Graffiti Board na waring may tinagpi-tagping larawan niya. Lahat ito naka black and white samantalang may isang salita sa gitna nito.


TAKEN FOR GRANTED


Emo peg ah? Kaloka. Di bagay sa yummy image niya.


Lahat naman siguro ng tao may soft spot. Siguro ito yung kay Lester? Parang kasing sa tingin ko, nagpapanggap lang siyang matapang sa harap ko. O ako ba ang dahilan ng salitang iyon? Kung ako nga, hindi naman talaga ako no? Literally speaking, hindi naman talaga ako si Alexis o Alex, ako pa rin naman si Alexander.


Nahagip naman ng mata ko ang isang brown envelope na  nakaipit sa pagitan ng mga libro na nakakalat sa kanyang study table. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman.


“Hey bitiwan mo yan!” saway sa akin ni Kuya Lester.


Hindi ko pa man nasisilip ay naramdaman kong tumayo siya sa kama niya at gusto niyang kunin ang envelope. Kaya mabilis ko itong tinago sa likod ko at hinarap ko siya.


“Oh? Bakit ka lalapit sa kin? Diba sabi mo maintain a distance? O binigyan kita ng distance, why are you breaking our TRO then?”


“Look Alexis... I dont have time to play games with you. Put that down. Now.”


“Ano ba kasi to?” tanong ko na may matinding pagkainteres sa laman ng brown envelope.


Sinubukan niyang agawin sa akin ang envelope ngunit madali ko naman tong naitakbo sa kanya. ilang saglit pa ay para na kaming aso’t pusa na naghahabulas para sa shining brown envelope na yun.


“Tangina, akin na yan Alexis!!!”


“Ayoko nga... sabi mo wag kitang lalapitan tapos hahabul habulin mo ko ngayon”


Ilang minuto lang kaming ganun pero hindi niya nagawang habulin ako. Like duh? Iwas physically trained as an agent. Hindi iyon maiaalis sa akin.


Nakita kong umupo na lang siya sa kama na medyo nahapo at napikon na ata sa pangungulit ko. That’s what he gets sa pannggulo niya sa akin. Kung sana eh pinayagan niya na nga lang ako lumabas eh di tapos problema niya ngayon.


At ngayon naman para sa moment of truth. Ang laman ng mahiwagang envelope!!!


“Bahala ka sa buhay mo” pahabol na wika ni Lester sa akin habang unti-unti kong binubuksan ang envelope.


“Bahala talaga ako” pang-aasar ko pa.


Nang buksan ko ang envelope ay bumulaga sa akin ang isang simpleng sertipiko ng karangalan. Nakapangalan ito kay Lester Saavedra. Ang sertipiko ay patungkol sa pagkakapanalo niya ng 1st place sa photojournalism.


“Sus to lang naman pala? Akala ko kung ano na”dismayado kong wika


Nakita kong parang nawala ang pagkahapo ni Lester at humakbang ito palapit sa akin. Gaya ng kanina ay nanglilisik ang mata nito sa galit. Galit na hindi ko talaga alam bakit ganoon katindi at kung saan ito nagmumula.


Nabigla ako ng agawin niya ng marahas ang sertipiko. Nakatitig pa rin siya sa akin habang hawak-hawak ang kaninang inagaw na sertipiko.


“LANG? Wow... Salamat ah.. Ito LANG naman po kasi ang nakuha kong parangal nung mga oras na iyon. Ako LANG naman po kasi ang nagiisang kumuha nito nong mga panahong walang magulang na pwedeng sumama sa akin. Lahat kasi sila busy sa iyo. Pasensya ka na ah? Itong walang kwenta na to yung pinapahalagan ko.... LANG”


Mistula naman akong dwendeng nangliit sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. Damang dama ko ang poot at kalungkutan sa lahat ng sinabi niya sa akin. Ang tanga ko naman kasi, parang ako pa nakarma sa pagtatangka kong inisin siya. Feeling ko ang sama-sama ko na.


Tsk. Yan kasi, sa kalandian mo teh...


Ok, speechless ako. Nakita kong humiga na lang siya sa kama matapos itabi ang brown envelope.


“Ahm Kuya... gusto mo ipagluto kita? Wala pa kasi si Manang Fe baka nagugutom ka na?”


Pauso ka teh... Very traditional yang peace offering mo. Dapat yung tipong luhod luhod effect tapos right eye lang yung may luha.


Wala akong nakuhang sagot. Nakahiga siya sa kama sa pwestong nakaharap sa dingding. Ilang minuto pa yata akong ganun lang hanggang sa napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto at pumanaog sa hagdan.


Dumiretso akong kusina para magluto. Para madalian ay nagprito na lang ako ng manok na nasa refrigerator. Since marinated na eh, deep fry na lang ang kulang. Habang hinihintay maluto ito ay nagisip isip ako.


I didnt really mean to send him that message. Namisinterpret niya lang ang sinabi ko. Its not that gusto ko siyang maliitin. Akala ko naman talaga kasi ay kung ano na ang laman ng envelopa na yun. Malay ko ba na yung certificate na yun na pinapahalagahan niya ang laman.


Kahit na teh... wrongness pa rin ang sinabi mo... Very foul.


Hinango ko na ang fried chicken mula sa electric stove at pagkatapos ay ihinain ko na ito sa plato. Nagbuhos na rin ako ng fresh juice sa baso at inihanda na ang pagkain sa isang tray.


Tinangay na ako ng aking mga paa pabalik sa kanyang kuwarto at ng buksan ko ito ay ganun pa rin naman ang posisyon niya. Nagiba nga lang ihip ng hangin parang mas naging tahinik ang buong kapaligiran.


“Kuya... kain ka na oh... Wala pa naman si Manang Fe baka after lunch na yun dumating... Sige na baka malipasan ka ng gutom..”


Katahimikan.


Yun ang sagot na nakuha ko sa kanya. Pero teka bat ko nga ba ginagawa ito. Hindi ko naman talaga kasalanan yung kanina saka hindi nga ako si Alexis...hayy. Ang hirap, hindi ako sanay mang-amo ng lalaki. Inilapag ko na lang pagkain sa mesa at nilapitan ko ang kama para gisingin siya dahil marahil ay nakatulog siya habang nagluluto ako.


Sunod sunod naman akong napalunok sa nakita ko. Hindi ko talaga mapigilan.

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg2htGLM_oPKxFm8wZMJQ2ZOue01-2JPWHwQjwTT5tA9ruQC7aY4j-Iuo0dbmSBc7Nx9LcCarpChtRQg-bmBskZv2oaO0WSF_xmHk3c9GMEDMPs7KL9p7EmdZyf4_pMH7gl4NEFto_C/s1600/facebook_-762075177.jpg

Kaloka ang bicep!!!! Pwede na akong mamatay!


Napagpasyahan kong yugyugin na lang siya. Hindi naman ako nabigo at nagising naman siya sa lakas ng pagkakayugyog ko.


Kung makayugyog ka naman kasi parang baging lang teh?


“Ano?” nakasimangot na tanong nito habang pupungas pungas na napaupo sa kama.


“Kain na kako... wala pa si Manang Fe eh”


“Hindi pa ko gutom” maikli nitong sagot at saka bumalik uli sa pagkakahiga.


Hindi na lang ako sumagot at agad na lang akong umalis sa kwartong iyon. Parang pag tumagal pa ko mas lalo lang akong maguilty sa sinabi ko sa kanya when in fact, I should not be blamed sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.


Nang makalabas pa ko ng pinto ay para yatang dala dala ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Ako nga ba talaga ang may kasalanan sa nangyari? Should I really say sorry? Yung plano ko ata mukha namang ako yung nabulilyaso, this is a black mission kumbaga. Failed. Ako yung naapektuhan.


Maybe I should say sorry...


Pinihit ko uli ang door knob matapos ang ilang minutong pagaagam agam. Nang bumukas ang pinto ay hindi ko alam kung matatawa ako sa nasaksihan.


Si Kuya Lester na sarap na sarap sa pagkain ng fried chicken.


“Hmmmm... akala ko ba di ka gutom”


Bago pa man siya makasagot ay naubo ito ng malakas at tinapik tapik ang dibdib para makahinga. Mukhang seryoso ang mukha nito na parang malalagutan na. Nataranta naman ako sa nakita dahil palakas na ata ng palakas ang pagpalo nito sa dibdib.


“Uy... Kuya... ito fresh juice.... Inom ka muna...”


Hinawakan ko na ito para sa kanya. Sa sobrang pagkasama ng pagkabulon nito ay hindi na nito naisip uminom. Nang mahimasmasan ay pareho naming narealize ay isang bagay.


Hawak-hawak ko ang baso at nakapatong at hawak naman ng kamay niya ang kamay ko.


Bigla kaming nagtitigan at sa ilang saglit pa ay..


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment