Monday, January 7, 2013

The Accidental Crossdresser (01-05)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

[01]
Laoag City Ilocos Norte



“Black Scorpion” tawag sa akin ng isa sa mga staff ng Black Society.


Inangat ko naman ang aking ulo para tingnan ang bumulaga sa aking opisina. Siya si Angelo isa ring secret agent ng Black Society ngunit mas kilala ito sa pangalang Thorn Black.



Black Society is one of the top calibre secret agencies in the Philippines. It was founded by a retired Philippine Army General named Gustav Robredo but they call him Master Black. They were trained to investigate, to gather facts and when it’s necessary..... they are obliged to kill. Maraming pinagpipitagang mga tao ang kumukuha ng kanilang serbisyo sometimes due to the fact na hindi satisfied ang mga ito sa resulta ng kaso o may gusto silang pasubaybayan. Whenever the fight is not a cliche tulad ng nakikita sa mga corny na teleserye kung saan ang mahirap ay kalaban ng mayaman... Sa totoong buhay lahat maaring maging magkalaban, kahit mayaman pwedeng magpatayan. Iba-ibang kaso na ang idinulog sa kanila. A chop-chop victim who happens to be a daughter of a business tycoon. A suicide which turns out to be a premeditated murder. Hacking of computer files. Decoding the password of a Government database. Name it. Basta tama ang presyo ,the Black Agents will find a way.


Minsan naiisip ko na napaka-ironic ng pangalan ng aming sekta. We are situated in Laoag City, Ilocos Norte’s capital and the word itself which happens to be an Ilocano term means ‘sunrise’. Tinawag nga itong Sunshine City. Pero lingid sa kaalaman nila ay dito nagkakanlong ang itim na puwersang naging usap-usapan sa larangan ng krimen at detective arena.



Iilan lang ang nakaka-alam ng kinatitirikan ng kanilang establisyementong ito. Their building was erected in the epicenter of Laoag, katabi sila ng mga nagtatayugang landmarks at importanteng imprastraktura ng Ilocandia. On the eastern front of the building was the famous bell tower. Nasa likod naman ang SM Hypermarket and Provincial Capitol. Inaakala ng lahat na sila ay isang ordinaryong bookstore lamang. Their building carried the banner “Sirib” another Iloco term which means ‘knowledge’. It was a three storey building. Sa baba ay ang mga aklat na ibinebenta at ang second floor ay isa pang extension kung saan maaring magbasa ng mga aklat na available for reading purposes only. Sa ikatlong palapag ang kanilang opisina.


“Yes?” tanong ko kay Angelo


“Master is calling us” matipid na sagot nito sa kanya


“I’ll be there Thorn Black.” sagot ko rin sa kanya.


Its a must that they call one another by their aliases. Sa loob ng black society ay kailangan nilang pangatawanan ang sinumpaang tungkulin. Na isa silang secret agent at dapat nilang sundin ang kanilang master.


“Uy kape tayo mamaya paglabas?” basag ni Angelo sa aking pagmumuni-muni habang nilalakad namin ang hallway papunta sa opisina ni Master.


“Heto na naman tayo” naisip ko sa paanyaya ni Angelo sa akin. Once they are inside the building ay kailangan nilang humiwalay sa buhay nila sa labas. Walang magkaibigan. Walang magkakilala. Bawal ditong pagusapan ang paborito nilang pagkain, saan sila namasyal the last time at isang mortal na kasalanan ang makipagtsismisan patungkol sa walang kwentang bagay. Every word that should come out from their mouth should be work related. Golden Rule: If you dont make sense, better shut up. Angelo would be Black Thorn and I would be Black Scorpion.


“Black Thorn.” may awtoridad na saway ko sa kanya. Nakikita ko pa rin kasi sa mga mata nito ang pangungulit.


“Sorry.. My bad.. can we have a coffee later Black Scorpion”


At nagpantig na talaga ng tuluyan ang tainga ko.


“If you dont want to experience another life threatening disciplinary action, you better shut up”


“Gusto lang naman...”


“We are inside the office.. for God’s sake!”


“Sorry”


Tumahimik naman ito matapos ko siyang sigawan. Naririnig ko pa nga ang echo ng sigaw ko sa loob. Musika na kasi sa kanilang pandinig ang katahimikan. And anyone who distracts their equilibrium without valid reason deserves a capital punishment.


Buti na lamang at walang masyadong tao ang nakakita o nakarinig sa amin.


Angelo Castillo is one of my trusted colleague. Ilang misyon na rin ang dinaan nila. Aside from that, they both came from a boys town. Parehas silang hindi kilala ang magulang at parehas din silang kinupkop ng Black Master para sanayin at hubugin sa kung ano sila ngayon. Naaalala ko pa ang eksena noong mga panahong iyon.


“...Kaya dapat maligo kayong mabuti, dahil darating si General mamaya,  may dalawang kukunin sa inyo” wika sa kanila ng isang matandang dalaga na  nangangalaga sa bahay ampunan. Noong mga panahong iyon ay nasa edad lima siya at ganoon din si Angelo o Gelo kung tawagin niya sa palayaw nito noon.


Excited na lumapit sa kanya si Gelo at hinila nito ang kanyang mga kamay.


“Oh bakit?” naguguluhan niya dito na parang hindi mapakali.


“Ligo na tayo! Dali! hindi mo ba narinig yung sabi ni Mamang... Baka daw dumating yung General.. Diba pag General mayaman yun? Baka maraming pagkain sa kanila kaya ligo na tayo!!” walang kamuwang muwang na wika nito sa kanya.


“Ayoko... ikaw na lang..” lupaypay na wika ko sa kanya


“Bakit na naman???”


“Eh diba pag General, matatapang yung mga yun.. Baka mamaya bugbugin ako. Naalala mo ba yung kwento sa atin ni Cha-cha? May iba daw na inaampon tapos kinukuha yung laman loob ipinapalaman sa siopao!!!!”


“Ano ka ba pusa? Eh mas mukha ka pa ngang daga eh... ang liit liit mo tapos ang payatot mo pa”


“Basta.. ayoko”


Pero wala akong nagawa ng mga oras na iyon. Isa sa mga katangian ni Angelo na hinding hindi ko mabubura ay ang pagiging makulit at mapilit nito. Hindi ito tumatanggap ng “Hindi”.


Pinalinya kami sa labas na parang mga newbie sa isang fraternity. Suot ko ang paborito kong sando habang ang mukha ko ay parang espasol na ata sa sobrang pulbo na nilagay ni Angelo. Nang tangkain ko namang tingnan ang iba pang mga bata ay todo ang mga ngiti nito na parang handang-handa ng magpa-ampon sa tinaguriang General.


Maya-maya ay pumarada na ang kotse ng heneral sa harap ng bahay ampunan. Animo naman ay kinilig ang lahat sa pagdating ng inaasahang bisita. Ang magarang itim na kotse pa lamang nito ay sapat na para mageffort pa ang lahat na magpa cute oh magmukhang kaampon-ampon.


Lumabas sa isang kotse ang lalaking naka polong kulay itim. May salamin ito at singkit ang mga mata na parang sa Instik.


“Magandang umaga ho General, welcome po sa Sto. Domingo House” bati ng kanilang Mamang ng makalapit ang heneral.


“Magandang umaga rin” at bumaling ang heneral sa aming mga bata. “Kumusta kayo mga bata?”


“Magandang Umaga po sa inyo General Gustav Robredo” chorus na banggit nila  sa kanilang scripted na pagbati. Ilang beses yata nilang inulit ulit ang katagang iyon para lamang magsabay-sabay.


“Mabuti naman” mahinahon ngunit puno ng gulang na sagot nito sa kanila.


“Silang lahat na ba ito?” tanog muli ng Heneral sa kanilang Mamang.


“Opo silang lahat na iyan”


Bumaling muli sa kanila ang heneral. Ang dating singkit na mata nito ay mas lalo pang sumingkit ng lumapit sa kanila ng bahagya. Para silang isda na sinusuri kung  bilasa pa o polluted na ng Red tide. Iba-iba kasi ang edad nila. Yung iba ay  nalilipasan na rin  ng panahon at hindi yata bumenta sa mga mag-asawa o sinomang tao na gustong umampon.


Dalawang linya ang  binuo nila, nasa likod naman siya at katabi si Angelo. Nagpupumilit sana nga ito na sa unahan sila pumuwesto para daw sila yung magustuhan ng Heneral pero tinakot niya ito na papalahaw ng iyak pag pinilit pa siya nito. Buti na lang at pinagbigyan nito ang kanyang kahilingan.


Isa-isa nitong tiningnan ang mga batang lalaki sa harapan.  Nakalagay lang naman ang mga kamay nito sa bulsa. Nang matapos suyurin ang unang linya ay pumasok ito sa espasyong nasa pagitan nila. Sila naman ngayon ang sumailalim sa metikoloso nitong pagsusuri.


Nabigla naman siya ng umupo ito sa kanyang harapan. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata. Nahintatakutan naman siya at tumungo na lamang.

“Anong pangalan mo totoy?” tanong nito sa kanya


“Alexander po” inosente kong sagot.


“Bakit ayaw mo kong tingnan?”


“Ayaw” yun lang naisagot ko  ng mga panahong iyon.  Masyado lang talagang nakakatakot ang isang heneral para sa akin.


“Alam mo bang bastos pag hindi ka tumitingin sa kinakausap mo... Kinakausap kita” mahinahon pa ring wika nito sa kanya.


Tila yata dumoble ang takot ko at daga sa dibdib. Mabigat man sa loob ko ay awtomatiko akong napatingin dito. Ang inaasahan kong galit na makikita sa mukha nito ay  hindi ko maaninag. Akala ko kasi ay napunta lahat ng galit nito sa mukha dahil sobrang hinahon ng boses nito.


Ngunit wala akong nakitang emosyon.


“Ano uli pangalan mo?” tanong nito sa kanya


“A....Alexander p...poo” medyo nauutal kong sagot


“Sige Alexander magbalot ka na at aalis tayo”


“Po?”


“Ang sabi ko... magbalot ka na at aalis tayo”


Hindi na ko nakaimik ng oras na iyon. Tumungo ulit ako. Lalabas na ako sa ampunan. Makikita ko na ang mundo sa labas.


“Teka paano po ako??” singit ni Angelo sa kanila.


Nabigla naman siya sa sinabi ni Angelo.  Noon kasing nagpaulan ng lakas ng loob sa mundo ay may dala dalang planggana si Angelo.  Pero yun din yung isang bagay na wala siya. Kung nahihingi nga lang talaga ang lakas ng loob.


“Sino ka ba bata?” tanong naman ng Heneral kay Gelo.


“Angelo po Sir! At your service!”


Sandaling pinasadahan ng Heneral si Angelo. Gaya kanina ay kinikilatis din ito. Nang tingnan naman niya si Angelo ay nakangiti ang mokong na parang walang kinatatakutan.


“Sige, kailangan ko ng sabit”


“Ayos!!! Tara na  Lek-lek... ayusin na natin yung mga damit natin doon.”


“O mga bata.. wala ba kayong sasabihin kay General muna?” paalala ng Mamang nila, ang nangangalaga ng ampunan.


“General salamat po!!!!” sigaw ni Angelo.


Ako. Hindi ako umimik. Alam kong naghihintay rin siyang sabihin ko iyon pero hindi ko alam kung dapat nga ba talaga akong magpasalamat sa kanya.  Naging isang malungkot na paraiso ang Sto. Domingo. ngunit hindi ko alam kung magiging masaya rin ba ang mundo ko sa labas.


Sa huli ay hinila na lang ako ni Gelo papuntang kuwarto, ang ibang mga bata naman ay nakatingin sa amin na may halong lungkot at inggit. Ilang beses na kasing pumupunta dito si General at bulong bulungan na rin na  taon-taon ay kumukuha ito ng mga batang aampunin para maging sundalo.


At dun siya natatakot. Hindi siya sanay sa pisikalan.


Hindi siya palakain. Madaling itinatatwa ng kanyang tiyan ang pagkain. Mas magaling siyang uminom ng tubig.  Kapag naglilinis naman sa loob ng ampunan, ang pinupuntirya niya ay ang mga gawain sa loob. Mas ok sa kanya ang maghugas ng pinggan, magwalis sa loob, mag ayos ng kurtina kaysa ang magi-igib ng tubig.


“Diba sabi ko sa iyo! Tayo ang mapipili nung General? Pasalamat ka pinulbuhan kita  kanina kung hindi muntik ka ng hindi makasama hehe”


“Ikaw na lang kaya sumama Gelo? natatakot ako eh”


“Lek-lek, nandito naman ako eh.. Saka parang mabait naman yung Si General.”


“Baka gawin niya tayong sundalo”


“Eh di mas Ok nga diba? Ratatatatattttttt Boom!!!... Astig kaya!” wika nito sa kanya na talagang nagimagine pa na may dalang baril.


“Basta..”


“Its already one thousand and thirty hours” biglang bungad ng isang boses sa kanila.


Lumingon sila at nakita muli ang Heneral. Nakatingin ito sa relong nakapulupot sa kamay. Nag lingunin naman nila ang orasang nakasabit sa dingiding ay nakaita nilang 1:30 na nga pala ng tanghali.


“Binibigyan ko lang kayo ng limang minuto pag hindi pa kayo tapos diyan, dont bother to come with me” matigas na wika nito at maya maya pa ay nawala na sa paningin nila.


Sa totoo lang ay hindi nila alam ang ibig sabihin ng huling sinabi nito. Ingles iyon pero dahil salat sila sa edukasyon ay hindi nila maintindihan. May mga volunteer teachers na pumupunta sa kanila kada sabado pero hanggang dun lang ang nararating nila.


“Uy! bilisan mo na Lek-lek, baka magbago pa isip nun”


Tumalima naman siya at isinilid na ang iba pang mga damit sa maliit na bag. Nang matapos sila ay lumabas na sila ng kuwarto. Nasalubong rin nila ang Heneral at may mga hawak itong papel. Nakita nilang galing ito sa opisina ng kanilang Mamang.


“let’s go” maikli nitong yaya sa kanila at nagpatiuna ang Heneral papuntang kotse nito.


“Alexander....Angelo...” mahinang tawag sa kanila ni kanilang Mamang bago pa man sila humakbang at lumapit sa nagaabang na kotse.


Nang lumingon naman sila ay nakita nilang bahagyang lumuluha ang kanilang Mamang. Napaluha na rin siya. Kung meron mang isang tao na mami-miss niya sa ampunan ay ang kanyang Mamang. Kung pwede nga lang sana ay ito na ang kanyang tunay na Ina. Ito kasi ang nagtatanggol sa kanya sa mga panunukso na nakukuha niya sa ibang bata sa ampunan. Ito at si Angelo.


“Magpapakabait kayo dun mga bata ah? Wag bibigyan ng sakit ng ulo si General?”


Wala na naman akong naisagot sa kanya. Iyak na ako ng iyak ng mga oras na iyon.


“Opo Mamang.. wag po kayong mag-alala.. magpapakabait po kami doon” masayang tugon ni Angelo sa matanda.


Hindi niya na talaga alam kung paano pa nagagawang maging masaya ni Angelo. Alam niyang naging malapit na rin itong si Angelo kay Mamang pero parang masyang masaya pa ito na mapapalayo sa naging Ina nila.


“Oh Alexander... bakit naman umiiyak ang bunsoy ko? Ayaw mo ba noon? Makakasama ka na sa Ilocos”


“Wow taga Ilocos si General? Katabi po ba yun ng Mindanao?” singit na tanong ni Angelo sa kanila.


Bahagya namang natawa si Mamang at saka nagsalita “Nasa taas yun Angelo... diba taga Cebu tayo? Magbabarko muna kayo at saka magbu-bus papunta doon”


“Yes!!! makakasakay na ko ng barko... Lupet!”


“O yan Alexander.. Sasakay na kayo sa totoong barko... Masaya yun!.. Kaya huwag ka ng malungkot” malambing na wika sa kanya ng kanyang Mamang.


“Mamang pwede po bang hindi ako sumama sa kanya? Ayoko po ng barko... Ayoko po sa Ilocos”


“O sige ganito... Pag laki mo.. bumalik ka na lang dito sa Sto Domingo.. Ok ba yun? Hihintayin kita basta ba ipo-promise mo na magpapakabait ka doon? Ok na ba yun?”


“Nandito pa rin ba kayo Mamang?”


“Oo naman... nag promise na nga ako diba?”


Awtomatiko na akong napayakap sa kanya. Naramdaman ko namang yumakap din sa akin si Mamang. Nakakalungkot talaga na mawawalay na ako sa kanya. Ang sama-sama ng loob ko ng mga panahong iyon.


Narinig namin ang malakas na preno mula sa kotse ni General. Parang gusto kong magwala ng oras na iyon. Wala namang tigil sa kakaluha ang mga mata ko. Si Angelo naman ay naka-akbay lang sa akin .


“Sige na hinihintay na kayo ni General... punta na kayo dun sa kotse”


Tumalikod na sila sa kanilang Mamang at naglakad papunta sa kotseng magdadala sa kanila sa Ilocos at palayo sa bahay ampunan.


“Wag ka ng umiyak Lek-lek... Nandito naman ako eh...” pagaalo sa akin ni Gelo.


Hindi na uli ako sumagot. Umakybak na lang ako sa kanya dahil parang sa paglapit namin sa kotse ay inuubos nito ang lakas ko para lumakad ng maayos. Kung maari nga lang ay sa huling minuto na iyon ay tumakbo ako pabalik ng ampunan ay gagawin ko.





Nakaramdam siya ng tapik sa balikat. Lumingon naman siya para tingnan si Thorn Black.


“Natutulala ka na naman” wika nito sa kanya. Kasalukuyan pa rin nilang nilalakad ang pasilyo papuntang opisina ni Master Black.


“How I wish my memories will shut down like a computer”


“It cant be helped. People change but memories dont”


Nakarating na sila sa harapan ng opisina ni Master Black. It was a painted with pure white. Hindi nila kailangang kumatok dahil isa itong programmed entrance patungo sa loob ng opisina nito.


Itinapat niya ang kanyang mata sa isang laser na nasa pinto. Matapos ang ilang segundo ay si Thorn Black naman ang gumawa nito.


“Password needed” wika sa kanila ng pinto. It was a computerized voice of a female.


“Lumanarap” sabay nilang sagot.


Lumanarap is the middle name of their master.


Ilang saglit pa ay nakapasok na sila sa loob.  Nakita nilang nakaupo ito at kaharap ang isang babae. The girl wearing a black uniform of Black Society so he is assuming na may dini-discuss ang mga ito na isang misyon.


“Black Scorpion” wika niya at sumaludo sa kanyang master.


“Thorn Black, Master”


Sumaludo naman ang master na tinutukoy nila. ilang araw na din niya itong hindi nakikita.


“Gentlemen I would like you to meet.. Black Viper, she works at the Intelligence Division”


Marami na ring miyembro ang Black Society pero sa totoo lang ay hindi niya talaga kilala ang mga kabilang rito. Hindi naman kasi kinakailangan na kilala nila ang isa’t isa. They just worked there and became a team kung kinakailangan.


Humarap sa kanila ang babaeng tinutukoy ng kanilang Master. The lady is had a meztiza features. Parang modelo ang tindig nito. Her hair was tied in a ponytail style. Walang gaanog make up ito magkaganun pa man ay lutang na lutang pa rin ang ganda nito.



“Hi... Im Black Viper” pagpapakilala nito sa kanila.


“Wait... there’ something wrong in her voice” sigaw ng utak niya. At para makumpirma ang hinala ay tumawid ang kanyang mata mula sa mukha nito pababa sa leeg ng babae.


Adam’s Apple. Bingo.


“So Black Viper is a transgender. Or maybe just a transvestite” wika ulit ng kanyang utak. Nakapagtataka kung bakit ang mga kagaya nito ay pinapayagang magtrabaho sa loob ng Black Society. Sa kanyang pagkaka-alam ay isang homophobic ang kanilang Master.


Hindi na niya itinuloy ang panghuhusga sa kausap at inilahad na rin niya ang kanyang kamay para magpakilala.


“Black Scorpion” maikli niyang pagpapakilaala sa sarili.


“I actually knew you, the guy with a stingy brains. You are famous in the intelligence unit” pagbati nito sa kanya ng matanggap ang kanyang kamay.


“Im not surprised” there was a slight pride in his voice sa pagtanggap ng papuri nito.


There is annual ranking in their sect. Taun-taon ay kinikilala ang top agents ng Black Society and last year was his turn to shine. He ranked as the most skilled Black Society agent and from there, codename Black Scorpion became a label.


“Thorn Black” pagpapakilala naman ni Angelo.


“And you are the... King of thorns... they said you easily inflict pain to roses”


“Not to a beautiful flower like you” pambobola naman ni Angelo sa kausap.


What Black Viper really means is that Angelo is infamous for being a ladies man. Siguro ay dahil na rin sa hitsura nito. Angelo definitely have the looks. Hindi nga rin niya akalain na ang isang gusgusin at sipunin na kagaya ni Angelo would grow up to be a hunky and yummy beef cake. His hair is always an army cut. Kung dadamitan ito ng pang sundalo ay papasa talaga tong si Angelo. He have this pair of expressive eyes, parang laging kumikinang kahit hindi nakangiti. His thick eyebrows added a masculinity to his face at nagpapalakas ng sexual appeal nito ay ang maninipis na labi nito na nakakahalinang halikan.


“I suppose we are here to work” biglang sabat ni Master Black sa kanila.


Lahat naman sila ay humarap na rito para makinig sa sasabihin nito.


“Have a seat” paunlak nito sa kanila na umupo sa tatlong silyang nasa kanilang harapan ngayon. Parang sinadya talaga at inaasahan na tatlo lang silang magsasama-sama sa misyon. Iyon lang naman talaga ang dahilan kapag tumuntong sila sa loob ng opisina ni Master Black, isang misyon na kailangan nilang suungin.


Naupo sila sa mga silya at humarap sa isang sophisticated board na nakasalpak sa dingding. Hindi niya napansin na may larawan ng isang babaeng nakalagay dito. Parnag pamilyar nga ang mukhang iyon sa kanya ngunit hindi lang niya mahagilap ang pangalan nito sa kanyang memorya.



“This is Anita Saavedra, the owner of Casino Ilocandia” panimula ng kanilang Master Black.


“I knew it” pagsang ayon ng kanyang utak. “Anita Saavedra is one of the brand here in Ilocos, she owns the Casino Ilocandia and rumors say that she will soon have a hotel to rise in Laoag City that will beat Java Hotel, today’s luxurious five star hotel in the orth”


“So what’s the catch with this Saavedra?” tanong niya bigla para maging diretso na kung anuman ang ipapagawa ni Master Black.


“Our client wants Anita Saavedra behind bars” diretso ring sagot nito sa kanya.


“In what grounds?” balik tanong niya. It seems like he is the only one interested in the case. Matiyaga lang na nakikinig si Angelo habang seryoso ring tinitipa ang computer ng Black Viper na ipinakilala sa kanila.


“Its not a secret that a year ago, Anita Saavedra’s spouse named Victor Saavedra who originally owned Casino Ilocandia was brutally murdered”


Tama. Gumugulong pa rin ang imbestigasyon tungkol sa krimeng ito. The death of the Lord of Gamble was a hot topic last year. Ang kamatayan nito ang nagsilbing daan para humalili sa Diyos ang kanyang Diyosa, now Goddess of Gamble is taking in charge of the Casino Ilocandia, Anita Saavedra.


“Wala pa ring sagot ang krimen.. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap sa mamamatay tao”


“Are you saying that Anita Saavedra is the murderer?” paguusisa pa niya.


“Exactly”


Napalunok siya sa narinig. “Gaano ba kasigurado ang kliyente na si Anita Saavedra nga ang mismong pumatay sa sarili nitong asawa?.... But then, may motibo nga dahil siguro sa yaman? Pero kung isa silang nagmamahalang pamilya, why would she do that” Sa isiping ito ay bigla na lamang akong tinayuan ng balahibo sa batok. Its the same signal of curiosity that easily sparks within kapag may nakakaharap akong bagong kaso o misyon.


“And how sure is the client that Anita Saavedra is the real killer?” singit bigla ni Thorn Black


“Its kinda silly but the only proof that he is sure is that he sounded so sure..” sagot ni Master Black sa kanila.


“He” so the client is he. “Sino nga ba ang hindi masisilaw ng pera? Many people turn to gold digging para maiangat ang sarili. Mga langaw na tumutuntong sa kalabaw para makaakyat sa alta sociedad. In the end, the old adage proves itself that Money is the root of all evil. Kahit magkapamilya, sinisira ng pera.”


“So what will be the blue print of this?” tanong niya para simulan na nila ang pagpa-plano.


“The client wants a solid evidence that would make Anita Saavedra wear the orange uniform and be convicted with reclusion perpetua. The perfect place of course, is their house located at Calayab, Laoag City”


“I think this is only a piece of cake.. Bakit kailangan na tatlo pa kami na pupunta sa isang misyon?”


“Honestly, isa nga lang talaga ang pupunta sa misyon na ito.. And i would be tapping you.. Black Scorpion”


Bigla namang tumalon ang puso niya sa tuwa. There’s always a life on a death defying situations. Kakaibang karanasan na gigising sa iyong diwa.


“So what are they doing here?” medyo nag-aalangan ko pang tanong. I dont want to sound blatant that day. Baka sabihin nilang maere ako.


“They have their roles... that is why I summon you guys”


“Im listening” wika niya rito para simulan na ang pagpapaliwanag sa kahahantungan ng misyon.


“Ok.. so.. The murder happened last year... January 1 2011. But on the same date of 2010... The private plane of Saavedra crashed. A search and rescue operation was made since the plane landed in the pacific area of the Philippines and a few meters from the shore of Islands abounding that area. Fortunately, the Philipppine Navy located the injured body of Lester Saavedra the older son but Alexis Saavedra’s body was never found”



Sa totoo lang ay hindi niya alam ang insidenteng iyon. Hindi niya rin alam kung anong mga ginawa niya noong taong iyon. That was 2 years ago. Its already year 2012. Marahil ay naipadala siya sa ibang lugar para sa isang misyon. So the Saavedras experienced strings of tragedy.


Patuloy siyang nakinig ng taimtim.


“So the plan will start there, there’s nothing more plausible and a higher chance of getting further evidence if you, Black Scorpion will become a Saavedra” tuloy-tuloy na paliwanag ni Master Black sa kanya.


“So you want me to immortalize Alexis Saavedra? Master... the person you are pertaining is a woman. I think you are being misinformed.” pagsalungat ko sa kanya.


Role playing is one of the vital technique in investigation. Minsan kailangan mong makasama sa mismong krimen, makasama ang mga kriminal para malaman ang buong katotohanan. Sa aking kaso ay iba iba na ang ginampanan ko. I pretended as a janitor, journalist, salesman at iba pa para lamang mapalapit sa kaso. Hindi na uso ang winter jacket at detective hat. It would only draw attention. Malamang sa hindi ay takbuhan ka ng mga kriminal.


“Well I think you are the one who is being misinformed” usig sa kanya ng kausap.


Naguguluhang tiningnan ko si Thorn Black at si Black Viper. Ang mga mata naman nila ay parang nadismaya sa pagiging ignorante ko sa issue. Kanina lang ay para akong Einstein aura na alam halos lahat ng detalye ng sinasabing kaso but now, Im confused. Dahil babae ang ipinapakita ng programmable board.


“Alexis or originally named as Alex Saavedra is gay. A crossdresser to be exact. I thought you knew? But I cant blame you if you recognize him as a woman, after all.. he really look like one.” pagbibigay linaw sa akin ni Black Viper.


Hindi ko na nagugustuhan ang itinatakbo ng diskusyon na ito. “If Alexis Saavedra is a crossdresser then ibig ba nilang sabihin ay kailangan niya ring magdamit pambabae? No way!!!!!” tutol ng isip niya.


Just the thought of what he will look like brings bad memories. Mga pangyayaring naganap sa ampunan.



“No!!!!!!” bigla kong sigaw at talagang napatayo ako sa kinauupuan ko sa pinaghalong galit at pagkabigla. It is the probably the greatest insult that I got in my entire life.


“Im not asking if you can do it Black Scorpion... Im telling you to do it” mariin na sagot na Master Black sa kanya.


Oo nga naman. Sino nga ba siya? A top ranking Black Society Agent. The Black Sccorpion. Dangerously brillant. Skilled. Mysterious and now a crossdresser. All of the adjectives that could best describe him wont take the fact that he doesnt own any part of his life. Nang pumasok ako sa Black Society, hindi ko na pagmamay-ari ang katawan ko.


“Just a little preview, Black viper and I are both surprised that you two look perfectly the same.” pagpapatuloy ni Master Black na parang hindi nangyari ang pagiging pangahas niya para tumutol.


Nakita ko ang aking larawan sa board at ang larawan ng tinutukoy na Alexis. hindi ko rin maitatanggi na magkamukha nga talaga kami. We have the same eyes but his was covered by a colorful eye shadow, we have the same angles of face but his was covered by a foundation.We have the same lips but his was painted with red. I have a short hair his was 1 length black hair. Naputol ang aking pagmumuni-muni ng magsalita muli si Master Black.


“So Black Viper will help you to be acquainted with your newest lifestyle, she knows what to do and both of you will have to live in the same roof and for 2 months, I need to see results. Thorn Black.. Stay put. You need to back up Black Scorpion here that’s why I let you hear the case”


Napatingin ako kay Black Viper, tinanguan naman ako nito Napatingin naman ako kay Thorn Black, alam kong pinipigil lang nitong tumawa. At ang huli kong tiningnan ay ang aming Master at narinig kong nagsalita ito sa huling pagkakataon.


“Before you leave this room, I would like to remind you that you are not Black Scorpion or Alexander anymore.... you are now, Alexis Saavedra.. Keep that in mind and that’s an order”


“Its funny how our name is accidentally synonymous but its the accident that I know I will regret for the rest of my life....” bulong ko sa sarili.

Mabibigat ang mga hakbang na nilisan ko ang kwartong iyon.


[02]
Name: Alex Saavedra a.k.a Alexis Saavedra
Born:  May 14 1990
Died:  Jan 1 2010
Cause of Death: Plane Crash

Status before death: Alexis Saavedra was an androgynous print ad model.

Mother: Anita Saavedra
Father: Victor Saavedra

Sibling/s: Lester Saavedra

Nakalabas na ako ng Building at kanina ko pa hawak ang files na ibinigay sa akin ni Black Viper. Yun lang yung nabasa ko sa unahan. Ang iba naman ay naglalaman ng mga clippings sa diyaryo at iba pang larawan ni Alexis Saavedra. Nakakatawa pero magkasing tangkad pa kami. Yun nga lang may pagka balingkinitan ang katawan nito na para talagang pang modelo. Samantalang ako, I have baby fats pa. Pero hindi talaga ako nagka muscle kahit gaano ko hinangad. Nais kong sisihin ang mabilis na metabolism ng katawan ko.


I wonder how many operations she undergone?


Pagkatapos kailangan kong magmukhang kagaya niya!!!! Nakaka.... GrrRrRrRrrrRrr!!! Gusto kong pumatay ngayon!!!


Hindi ko talaga lubos maisip bakit may mga kagaya ni Alexis na kailangan pang baguhin ang sarili para maging babae. I mean. Cmon. Kaya nababastos ang mga kagaya niya eh. Mismong sila wala silang respeto sa sarili nila. Ang sagwa sagwa lang makakita ng baklang nakasuot ng  maiksing shorts sa kalye na naglalakad.


On a second thought? Kabastos bastos nga ba?


Pinasadahan ko uli ng tingin ang larawan niya. This might be edited. Sa panahon ngayon uso na ang kapangyarihan ng photoshop na parang instant plastic surgery. Pero kung hitsura pagbabasehan. Mukha talaga siyang babae.


Ano kaya ang hitsura talaga niya?


Sometimes, I just dont trust pictures.


“My gosh!!! Kaloka.. Sa wakas natapos na rin ang prayer meeting na yun” biglang bulaga sa akin ng isang nakakarinding boses.


Nang lumingon ako ay nakita ko si Black Viper na nakasuot na ng ordinaryong pang babaeng damit.


That’s what Im talking about!!!


Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Well, she is really pretty. I have to admit that. Pero hindi pa rin naitago ng makapal niyang make-up at damit ang masculine features nito. When you saw her up close, you will say that there’s something wrong.


“Oh bat suot mo pa yan?” tanong niya sa akin.


Nakalimutan ko nga pa lang hubarin ang itim kong damit. Our uniforms should not be exposed outside the office. Kapag lumabas ka kasi ng Black Society Bldg ay maari ka ng bumalik sa totoo mong buhay. Ako na uli si Alexander.


Pero totoong buhay? Meron nga ba ako noon?


“Di bale na nga lang,  punta na tayo sa kotse ko”


“Excuse Me?”


“Ay paulit-ulit teh? unli? Kalurkey ah”


Teka ano bang pinagsasasabi ng baklang to. Kanina lang she’s trying hard to appear professional and mannered. Ngayon para siyang nakawala sa hawla niya. And the way she speaks.... Nakakaistir. Ano bang klaseng salita iyon? If this fag was a Black Society agent, hindi to ganitong kumilos.


Kahit naman kasi bumabalik kami sa mga totoo daw naming buhay kuno eh hindi malayong maimpluwensiyahan kami sa aming mga pinagdaanan. We trained like hell in Pagudpud, one of the most hidden places in Ilocos. Simula pagkabata hanggang lumaki ay yun ang naging kanlungan namin.


Hindi nga lang talaga ako familiar kung nakasabay ko nga ba ang baklang to.


“Mehgad teh.... ang shogal ng reaction mo ah? Anes? Magsi-swimming diva ka ba sa kotse ko or matutulala ka lang sa diyosang nasa front row mo? Gosh. Kakastress drilon ka teh ah.. ang aga-aga”


“Hindi kita maintindihan” naguguluhan kong sagot.


“Ay? sorry naman.. bobey ka pala pagdating sa mga ganitey na chika.. Well.. sabi ko lang naman... Gumora ka na dito sa kotse at mag flysung na tayo!”


“Anong Gora? Anong Flysung? Pwede bang magsalita ka na parang normal na tao”


Tangina! Alien ba tong kausap kong to? Nakakabanas!!!


“Gora? Go... Flysung?.. lipad... travel... tayo na at pumunta sa kotse? tayo na at maglakbay? Tayo na sa Sineskwela? Jusko... Slow lang teh?”


“Bakit ko ba kailangan akong sumakay sa kotse mo? Anong meron?”


“Teh ibang level na yang kashungahan mo ah? Eh diba nga po.. We will be living on the same roof and it starts today.. Im gonna have to train you to become Alexis Saavedra..”



Oo nga naman pala. It starts today. Ganun kadali. Buong akala ko eh si Alexander pa rin ako paglabas. Starting today Im now, Alexis Saavedra.



Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya at pumunta sa parking lot ng building. Naghihintay ang isang Honda Civic. Umupo ako sa may driver’s seat nagbabaka sakaling makausap ko siya ng matino. Ngunit sa takbo ng usapan namin kanina? Malabo.


Nagsimula na naming bagtasin ang kahabaan ng Gilbert Bridge. Ang tulay na nagdurugtong sa San Nicolas at Laoag. Ang San Nicolas ay isang first class municipailty at dito rin itinayo ag Robinsons Ilocos sa halip na Laoag.


“Located ang balur ko sa ‘Balai Condominums’”


“Anong balur?”


“Bahay.. Mansion..” naiirita namang sagot sa akin ni Black Viper.


Siguro kailangan ko ng magtake note sa lahat ng sasabihin niya.


Nakakainis!!! Ano ba kasi yung salitang iyon at hindi ko maintindihan!!!!


Tumahimik na lang ako. Baka kasi pag sinakayan ko o magbukas ako ng paksang paguusapan ay mauwi lang sa translation.


“Ano na nga uli ang namesung mo?”


Namesung? Ano na naman yun?


Baka pangalan ang ibig niyang sabihin.. Kasi naroon ang salitang “name”. Kaya nagbakasakali ulit na sumagot ako.


“Alexander..”


“Wala kang apelyido?”


Sa totoo lang ay alangan ako sa apelyidong ginagamit ko. Noong nasa ampunan ay Buenaventura ang apelyidong ginamit ko. Natatandaan ko pa iyon. Nang makuha ako ng Heneral sa bahay ampunan ay Castillo ang ipnalit niya sa apelyido ko.


We were given a brand new identity.


“Castillo” sagot ko sa kanya.


“But you need to trash that name.. Simula ngayon ay Alexis Saavedra na ang tawag ko sa iyo or Alexis..” wika nito sa kanya habang busy sa pagmamaneho.


Hindi na ako sumagot pa dahil baka makakuha na naman ako ng salitang alien sa aking kausap.


“By the way, wag mo na kong tatawaging Black Viper... Sa labas, Bridget ang pangalan ko. Bridget Sta. Maria.”


Pati pangalan pambabae talaga? Why is it that these crossdressers cant just be contented with what they have?


“Noted on that” maikli kong tugon.


“Hay ang boring talaga nitong beki na to?” salita ulit ni Bridget na parang kinakausap ang sarili.


“Anong itinawag mo sa akin?” tanong ko na may himig pagbabanta. Bigla lang talagang nagpantig ang tainga ko.


“Beki.. Bakla..Dont tell me hindi mo pa rin gets yun?”


“Hindi ako bakla” mariin kong tanggi.


“Hahahahahaha”


“What’s even funny with what I said”


“Lahat iyon”


“What?”


“Kung gusto mong paniwalain ang sarili mo na hindi ka bakla eh waley na akes magagawa dun... Hindi naman ako ang mahihilo sa mga sinasabi mo eh.. Ikaw mismo”


“Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi mo”


“Do you know what’s the first step of this training?”


“Ano?”


“Be true to yourself.  Sa nakikita ko.. Pag inamin mo yung kaisa-isang bagay na itinatanggi mo mismo sa sarili mo ay magiging mas madali lang ang lahat ng ito. hindi ko na kailangan magpakahirap para gawin kang isang crossdresser. “


“I really dont get you”


“Alexander... may malaking pinagkaiba ang taong walang alam at ang taong nagmamaang-maangan. Kung sino ka dun? Ikaw lang ang makakasagot.”


Ano bang gustong palabasin nitong Bridget na to? Na magkatulad lang sila? Na isa rin siyang bakla... Isa siyang...


Hindi ko na naituloy ang iniisip ko. Takot din akong makuha ang kasagutan.


“Siya nandito na tayo” wika nito sa kanya.


Kung kanina ay ay parang nagpalit anyo ito at biglang tumunog na nakakarindi ay parang bumalik na naman ito sa pagiging seryoso. Nang bumaba ito sa kotse ay sinundan na lamang niya ito.


Ano ba ang nasabi niya? Sinabi lang naman niya na hindi siya bakla? Masama ba yun?


“Hey... Im sorry”


“Sorry? Saan?” tanong naman nito sa kanya ng mapansin humahabol siya rito sa paglalakad. Nakapasok na sila sa loob ng building.


“I thought I offended you.”


“Well you did.”


“Ano ba ang nasabi ko Bridget? You are so unpredictable”


Hindi ito sumagot at patuloy lang naglakad. Ako naman ay parang asong nakabuntot na naghihintay sa utos ng kanyang amo. Kung hindi ito magsasalita ay wala na siyang magagawa.


After all, ano ba ang kasalanan ko?  Hindi ako bakla. Period.


Nakapasok na kami sa loob ng elevator. Dumistansiya ako ng kaunti. Nagkaroon ng hindi maipaliwanag na espasyo sa aming dalawa. Nagaalangan man ay kinailangan ko siyang kausapin ulit. Dahil sa pagtutulungan naming dalawa ang ikatatagumpay ng misyon. Hindi pwedeng ganito


“Bridget...” hindi ko alam kung paano sisimulan ang dialog ko.


“Ano ba talaga ang tingin mo sa amin?” baling niya sa akin.


“Huh?”


“Narinig mo ko? Ano bang tingin mo sa amin? Sa mga katulad namin ni Alexis Saavedra? bakit parang diring-diri ka?”


Nakakadiri kayo kasi masyado niyong pinangangatawanan pagiging bakla niyo. Lalaki lang ang hanap niyo. Bastusin. Mga walang respeto sa sarili.



“A...a.no … K...kasi..” hindi ko talaga maisaboses ang iniisip ko kanina pa.


Biglang tumunog ang elevator. Hudyat na ito na nasa tama kaming palapag kung saan naroroon ang bahay ni Bridget. Para akong nasa naiipit na sitwasyon ng boxing. Pero save by the bell ika nga.


Tulad kanina ay ito ang naunang lumabas. Sumunod na lang uli ako. Maya-maya pa ay nasa harapan na kami ng kanyang condo unit niya. Kumatok siya ng marahan. Akala ko pa naman ay may susi siya at siya lang ang nakatira sa loob.


Lahat naman sila ay may kanya-kanyang bahay. May kanya-kanyang pamumuhay. Lahat kasi provided ng Black Society. Name it. Kotse, bahay, pera, makabagong kagamitan atbp. Pwede silang magkaroon ng sariling buhay sa labas kung gugustuhin nila. Ngunit ang hindi nila pwedeng talikuran ay ang sinumpaang tungkulin na magsisilbi sila sa Black Society at dito na nila gugugulin ang pinaka huli nilang hininga.



Biglang iniluwa ng pinto ang isang lalaking nakatapis ng tuwalya. May katangkaran ito. Matangos ang ilong... may mapupungay na mata na parang sa anghel. And his body was well defined. Teka... modelo nga ata tong kaharap namin.


“Babe? how’s work?” bating tanong nito kay Bridget.


Nagulat naman ako ng yumakap si Bridget dito kahit basa pa ang buhok nung lalaki na tumawag sa kanya ng ‘babes’. I knew it. Baka ginagawa siyang cash cow ng isang to kaya sila nagsasama sa iisang bubong. Hays. Kawawa naman.


Nagtuloy-tuloy na siya sa papunta sa loob habang magka-akay naman ang dalawa. Malawak ang buong kabahayan para sa kanilang dalawa. Sinundan ko sila sa sala.


“Babes ito pala si Alexis.... Alexis si Edong... Boyfriend ko” proud na proud na pagpapakilala ng bakla sa lalaking katabi. Nakalingkis pa rin ang kamay nito sa braso nung Edong.


“Alexis? Hahaha... Napaka-feminine ata ng pangalan mo? You should try to dress like your name sometimes” natatawang tugon ni Edong sa kanya.


Teka? May bayarang lalaki na nag-e-english?  Saka bakit nga ba Alexis ang pagpapakilala sa kanya eh hindi pa naman talaga pormal na nagsisimula ang misyon? Malapit ko na talagang pilipitin ang leeg nitong Si Bridget!


“Im sorry... Alexis is only a screen name... but my real name is Alexander.. and Im not what you think I am... Siguro kayo lang iyon but Im straight” matigas kong tugon sa kanila. Alam kong nahaluan ng sarkasmo ang pagkakasabi ko sa kanila. Pero kailangan. Ayaw ko lang isipin nila na magkakauri kami.


Dahil hindi!!!


“Hahahahaha” malutong na tawa ni Edong matapos kong magsalita.


So ngayon siya naman ang natawa sa sinabi ko.


“Sige pagbibigyan kita... at tatawagin kitang ‘dude’ this time dahil sinasabi mong straight ka... pero hindi mo kami maloloko”



Tiningnan ko ng masama ang Edong na iyon. Nakangising demonyo ang loko na parang nangaasar. Si Bridget naman ay walang ka-rea-reaksyon sa mga sinabi ko. Pero nakikita ko sa mata niya ang sarkasmo. Tulad ni Edong, gusto niyang ipagpilitan na ‘isa’ ako sa kanila.


“Alexander... hindi mo kailangang magkaila. Please... naaamoy namin ang kapwa namin? Naiintindihan mo? Unang kita ko pa lang sa iyo... My gaydar was activated.” si Bridget.


Again... Paulit-ulit.. Paulit-ulit... Nakakarindi.


“Hindi ako bakla... tapos ang usapan”


“Ah ganun?” hindi pa rin kumbinsido si Bridget. Nakita kong nagkatinginan sila ng boyfriend niya at tinanguan nito si Edong.


Maya-maya pa ay nakita kong lumapit si Edong sa akin. Nakatapis pa rin ito ng twalya ngunit bahagya ng tuyo ang katawan nito. Nabigla ako ng patayuin niya ako bigla. Gamit lamang ang dalawang kamay ay pwersahan niya akong pinatayo. Lumaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla.


Ba...ba..bakit?”


Nag-aalala ako na baka saktan niya ako. So kailangan kong magisip ng defense mechanism para dito. Para saan pa at tinagurian akong si Black Scorpion?


Ngunit mas ikinabigla ko ang pagkabig niya sa akin at nangahas na halikan ang aking mga labi.


Marahas ito na hindi ako makatanggi o makagalaw. Aaminin ko masarap siyang humalik. Pinilit ko pa ring magpumiglas at huwag igalaw ang aking mga labi.


Shit. May bumubukol sa ibaba ko. No. Hindi. Ayoko.



Pero kahit kumontra man ang kahuli-hulihang pagrarason sa isip ko ay parang may sariling buhay ang nakatago sa ilalim ng aking pantalon.


Maya-maya pa ay gumalaw ang kanang kamay ni Edong at kinapa na nga ang bagay na itinatago ng zipper.


Bakit ba ganto to? Hindi ba niya alintana na nasa harap lang namin ang girlfriend niya DAW?


Nang masalat ni Edong ang tinutkoy ko ay bigla niya na akong tinulak. Napaupo na naman ako sa pagkabigla at marahil... sa pagkapahiya.



“Eh gago ka pala eh... bakit ka titigasan sa halik ko kung hindi ka bakla?” baling sa akin ni Edong


Napatingin ako kay Bridget at ang mga mata nito ay waring nanunuri kung ano pa ang sasabihin ko. Kung may dagdag pa kong palusot. Wala man ako sa harap ng salamin ay alam kong namumula ang mukha ko.


“Gusto mo pa ba ng ebidensya para makumbinsi ang sarili mo?” naghahamon na tanong ni Bridget sa akin.


Hindi na naman ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang. Para akong nasampal sa mga nangyari.


Nakita kong ito naman ang tumayo sa kinauupuan at kinuha ang waring mga papel na nakapatong sa TV. Nang bumalik ito ay bahagya niyang itinapon sa akin ang mga ito. Sakto lang para masalo ko at matingnan ng aking mga mata.


Mga larawan iyon. Pero ang mas nakakabigla ay ako ang nasa larawang iyon. Ang uang larawan ay kuha ko at ng isa pang lalaki sa isang bar. Ang pangalawa naman ay larawan ko at ng isa pang lalaki na kahalikan ko din sa bar.


“Saan mo nakuha to?” maang kong tanong sa kanya


“Hindi ako maaassign sa intellgence unit ng Black Society kung hindi ako magaling sa pagkalap ng impormasyon. It was last month that they gave me an assisgnment. It was to research the dramatic or should I say wild life of Black Scorpion, the top ranking agent of Black Society. And I was also surprised na malaman na isa kang...well... one of us. Binigay nila ang assignment na yan sa akin dahil na rin sa assignment mo ngayon. Dont worry.. hindi ko ipinagbigay alam ang nareseacrh ko sa buhay mo... This is only for personal use.. Kailangan kitang kilalanin so that I could easily change Alexander to Alexis. I hope you get my point”


Para akong pinagbuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig mula kay Bridget. Oo. Totoo. Ito ang buhay ko sa labas. Paminsan-minsan ay pinagbibigyan ko ang tawag ng aking laman. At ito ay ang kapwa ko lalaki.


Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay nagsalitang muli itong si Bridget.


“Ano ba kasi ang akala mo sa pagiging lalaki. Refundable? Na pag gusto mong ibalik sa katauhan mo maibabalik mo? Kung pusong babae ka.. asahan mong kahit sa panaginip ay kekembot ka”



Hindi na ako nakaimik. Nakatungo na lang ako. Tama naman lahat ng sinabi niya. Ito ang bagay na matagal kong tinatago-tago sa sarili ko. Oo, nakikipagtalik ako sa kapwa ko lalaki pero kahit kailan ay hindi ko inaamin kahit kanino at kahit sa sarili ko ang totoo kong sekswalidad.


“Mas mabuti pa sigurong magisip-isip ka muna. Nandun ang kwarto mo sa may dulo. May mga gamit ka na rin doon. Tomorrow will be a long day and you must be ready”


Pumasok na ang dalawa sa kanilang kwarto at isinara ang pinto. Alam ko na ang gagawin nila. Mula sa labas ay naririnig ko pa rin ang kanilang hagikhikan.


Tinahak ko naman ang daaan papunta sa sinasabi nitong kwarto. Nang makapasok ay nakita kong nadisenyuhan ng pambabae ang kwarto. Kulay pink ang pinturang ginamit. Lahat ng mga gamit ay pink. Naroon na rin ang mga larawan ni Alexis Saavedra na nakapaskil. Yeah. Isa nga itong print ad model. Siguro nga ay isa ito sa mga hakbang ni Bridget para unti-unti ay masanay na ko sa bagong buhay na haharapin ko.


Tumunog ang cellphone ko.


Lek-lek... andito ako sa Trebeca.. See me here if you want some coffee -09108****


Malapit lang naman yun dito.


Namalayan ko na lang ang sarili ko na lumabas sa pink na kuwarto na parang unti-unting kumakain sa aking kaluluwa. Parang hindi ako makahinga sa kuwartong iyon. At siguro, kailangan ko rin ng kausap.


Hindi naman kami madalas magkita ni Gelo. Well, kadalasan, Trebeca ang lagi naming pinupuntahan. Minsan naman nagrereklamo ito sa akindahil pag nagkikita kami ay puro misyon ang bukambibig ko. It cant be helped. Masyado ng na-attach ang sarili ko sa aking tungkulin.



He was wearing a simple white sando at nakashorts lang ng checkered. Nang makita siya nito ay kumaway ito para ipagbigay alam ang kinauupuan nito. Lumapit naman siya.


“So how’s Alexis? hehe” natatawang bati nito sa kanya.


“Isa ka pa? Huwag mo kong bwisitin Ok? Makakapatay ako ng tao ngayon.”


“Relax. Hahaha. Eh kasi hindi ko mapigilan na isipin.. Ano kaya ang magiging hitsura mo pag nakadamit ka ng....”


“I said stoppppp!!!!!”


Kahit ako nabigla rin sa lakas ng sigaw ko. Ewan ko ba. Parang nanliliit ako sa tuwing ipinagduduldulan nila na magdadamit ako ng pambabae. Sa tuwing tatawagin na nila akong Alexis Saavedra. Nandidiri ako. Natatakot. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.


Lahat ng mata ay nakapukol sa mesa namin. Si Angelo naman, ayun, nagtatanong rin ang mata kung bakit ba ganun na lang ako kung makasigaw. Its been a weird and stressful day.


Hindi ko alam kung anong reflex meron ang katawan ko ng oras na iyon kaya tumakbo na lang ako papuntang rooftop ng Tribeca. Sumalubong sa akin ang hangin. Ang malapit na tanawin ng himpapawid.


Sto Doming Boys Town, Cebu City

“Hoy Bakla”

“Bakla kinakausap ka namin ah”


Sigaw iyon ng dalawang bata sa akin ng papunta ako sa banyo. Hindi ko na sila pinansin.


Nabigla na lamang ako ng lumapit yung isang bata sinuntok ako sa panga. Napaupo ako sa sahig. Sinalat ko ang aking mukha. Dumudugo na pala ang kaliwang bahagi ng labi ko.


Yung isang bata naman ay tinulungan akong  makatayo. Akala ko nga tinulungan niya na talaga ako eh, hinila naman niya ako papasok ng banyo. Itinulak niya ako sa loob ng isang cubicle at dali-dali nitong isinara ang pinto.


“Palabasin niyo ko dito.. uy....” pagmamaka-awa ko sa kanila habang tinutubtob ko ang pinto.


“Diyan ka bagay na bakla... masyado kang pabibo... bagong salta ka lang dito!!!”


Narinig kong isinara nila ang main door ng banyo at sa ka nagtatawanang umalis.


Ilang beses na naulit ang ganung pangyayari. Ilang beses na pinipisikal siya ng mga batang naroon. Pero wala siyang magawa kundi magpaubaya dahil kapag lumaban siya. Siya rin ang talo. Marami sila. At siya... siya lagi yung luhaang bakla sa istorya.


“Lek-lek” tawag ng isang boses sa likod


Hindi ko namalayan na nakasunod na pala si Angelo. Bago pa man niya makita na naguunahan ng pumatak ang luha sa pisngi ko ay pinahid ko na ito.


“Oh diyan ka na pala. Naisip ko lang mas masarap pala magkape dito sa roof top” masaya kong wika sa kanya.


Ewan ko naman kung tumalab nga iyon.


Lumapit naman siya sa akin at pagkatapos ay tumalikod.


“Iiyak mo na yan”


“Ano?”


“Sabi ko iiyak mo na yan”


“Gago ka pala eh. Anong iyak pinagsasasabi mo?”


“Lek-lek.. partners tayo... mula pagkabata alam ko kung malungkot ka o nagpapanggap lang na masaya.. isa pa.. hindi ka si Black Scorpion ngayon... hindi ka rin si Alexis.. ikaw muna si Alexander. Magpakatotoo ka muna sa nararamdaman mo”


May ideya ka ya tong taong to... kung ano nga ba ang totoo.


“Hindi ako umiiyak. Walang umiiyak.”


Hindi nakuntento si Angelo sa sagot ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap iyon sa katawan niya. Wala kong nagawa kundi ihiga ang mukha ko sa likod niya.


First time niyang ginawa to.


“Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat. Hindi mo kailangang sabihing nahihirapan ka. Kung pagod ka na. Tandaan mo lang lagi na narito ang likod ko para sumuporta sa iyo.”


Natagpuan ko na lang ang sarili ko na iyak ng iyak sa likod niya.


*****


“Pre ako ang nakaligtas hindi siya.... Nung nandito pa siya, siya yung paborito.. siya yung bida... ako yung walang kwentang anak... Tangina.. wala na nga siya.. ako na lang nandito.. wala pa rin.. di pa rin nila ako napansin.. Pero alam mo pre.. yung pagka tepok nung baklang iyon.. iyon ang piiiiiiiiiiiiiiiinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.. Lahat ng bakla salot.. dapat lahat sila mamatay.. hehehe”


Alam ko medyo lasing na ako. Nsa Bar 101 kami. Ang ingay sa paligid. Pero wala akong pakialam. Galing ako sa bahay naming bulok. Basta ang gusto ko lang nung oras na iyon, tumagay ng tumagay.


“Lester... pre tama na yan”


“Hindi... anong tama..tama... hindi ako lashenggg huk... hindi”


“Bro...” tawag uli sakin ni Luke, bestfriend ko.


“Sabi ng hinde pa kohh....”


Natigilan ako. Nandun sa harapan namin ngayon ang Mommy ko.


“Hijo tara na,..”


“Uy... Mom? Ang magaling kong nanay.. hindi na kayo busy? Busy sa paghahanap nung namatay niyong anak...”


“Cmon.. Hijo.. lasing ka lang... tara na”


“Mom ako yung nakaligtas.. hindi si Alexis.. hindi niyo pa ba tanggap yun?”


Hindi ito nakasagot . Pero alam kong hindi ko magugustuhan ang isasagot niya. Nagtitinginan na ang mga tao sa loob ng Bar. Maybenasa dyaryo na naman to, another controversy for the Saavedra Family.


“You will come with me... at uuwi na tayo”


She tried to grab my hand pero iniwas ko to at saka ako nagsalita ulit


“Umuwi ka magisa mo.. Im outta here!!!”


*****


Nagpasya akong maglakad-lakad sandali. Kapag ganitong gabi ay magandang kahit papano ay magpahangin sa labas. Ayoko muna sanang umuwi sa condo unit ni Bridget. Kung di nga lang sana pagsuway sa utos ay mas gusto kong umuwi sa bahay.


Kakahiwalay pa lang nila ni Gelo kanina. Kahit papaano ay napagaan nito ang loob ko. Sana lang hindi magbago pagtingin nito sa kanya sakaling malaman nito ang ko o sakaling makita nito ang hitsura ko kapag ako na nga si Alexis Saavedra.


“Aray!” napasigaw ako ng may biglang bumangga sa harap ko.


Napaupo ako sa lupa habang sapo ang ulo ko. Hula ko ay magkasing taas lang kami ng nakabangga ko. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba dahil nakatingin lang din ako sa baba at malalim ang iniisip.


“Tanga mo... Gago!!! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!!!” sigaw sa akin ng lalaking nasa harap ko.


Nang magangat ako ng ulo ay nakita kong parang wasted ang kaharap ko. Malamang sa hindi ay nakainom ito. Hindi ko na lang siguro papatulan.


Tinapunan na lang ako nito ng matalim na tingin bago umalis sa kinatatayuan.


Buti na lang may punto ito na baka siya nga ang may kasalanan pero kung hindi... Gago yun ah!!! Baka siya pa mapagbalingan ko ng init ng ulo ko!!!!.


Nakita kong may nahulog na kung ano mula rito. Pinulot ko iyon sa lupa.


ID pala.


Kaagad kong binasa ang nakasulat.


Kamera Obskura

ID Serial Number: 45869928PILY

Name: Lester Saavedra

Photographer


Itutuloy....



[03]
Balai Condominums, San Nicolas, Ilocos Norte


Nasa veranda ako ng mga oras na iyon. Nagkakape. Oh yeah. Coffee Addict ako. Kahit nga ito na lang din maging tubig ko habambuhay eh Ok na Ok. Nakatanaw lang ako sa labas.


Ngayon na magsisimula ang impyernong buhay ko. Ngayon na magsisimula ang pagpapalit katauhan ko bilang isang.. Ugh.. Baklang Nagdadamit Pambabae. Si Alexis Saavedra. Saglit kong naalala ang nangyari kagabi.


May nakabangga akong lalaki. Lasing siguro. Nakapulot ako ng ID.


Teka asan na nga ba yung ID na yun?


Naalala kong nailagay ko nga pala to sa short ko. Inilabas ko itong muli at pinag-aralan ang lalaking nasa larawan.




Kamera Obskura



ID Serial Number: 45869928PILY

Name: Lester Saavedra

Photographer







Sigurado akong ang Lester Saavedra na to ay ang nakabangga ko kagabi. Malas ko lang hindi ko namukhaan ang lalaking nakabangga sa akin dahil nga napasama ata yung pagkakabangga namin. Kumbaga nga sa boxing, it was a headbat. Grabe, talagang umikot paningin ko. Wala ring tsansa para makita ko kung ano nga ba talaga hitsura nitong si Lester Saavedra dahil naka-shades naman ito ngayon sa ID.


Ang weird lang kasi naka-shades sa ID?


Napansin ko rin na walang larawan ang Lester Saavedra na iyon sa mga clips ng diyaryo na ibinigay sa akin ni Bridget. And I wonder why? May mga larawan na kasama ni Alexis ang kanyang Ina o ama pero wala man lang larawan na magkasama ito at si Lester Saavedra.


Bigla kong naitago ang ID ng lumabas si Bridget mula sa loob. Nakapambahay lamang ito at di tulad kahapon ay wala itong make up. Gayunpaman, ay babaeng-babae pa rin ito.


“Oh My God!!!! Anong iniinom mo?”


“huh? Eto? Kape.”


“Shunga ka lang talaga teh no? Wiz mo ba ini-study ang mga ginivesung ko sa iyo?”


“Ano?”


“God ang hirap talagang makipagspluk sa paminta. Ok. Bakit ka umiinom niyan? Hindi mo ba pinag-aralan yung binigay ko sa iyo kagabi?”


“Pinag-aralan ko naman and Im into it right now” wika ko sa kanya at isinenyas ang mga folder na nasa mesa.


Hindi ko pa naman nababasa ang limang folder na ibinigay niya. Sobrang dami. Kunsabagay ay kailangan kong pag-aralan ng husto ang buhay ni Alexis Saavedra.


“Akin na nga yan!!” naiinis na sabi sa akin ni Bridget.


Kinuha niya bigla ang tasa na may kape at walang anu-ano na ibinuhos niya lamang sa ibaba. Not worrying na baka may mabuhusan na kung ano.


“What? Bakit mo ginawa iyon?”


Nakakainis na talaga tong baklang to!!! Pati kape ko pinakialaman!! Mess up with anything but not my coffee!!!


“Alexander.... Kung meron mang huling iinumin si Alexis sa mundo, yun ay ang kape. Hindi siya umiinom ng kape. Because Alexis cares so much about her skin. Ang isa sa natural ingredient ng kape ay of course caffeine na nakakawala ng natural oil sa balat. Alexis hate that. Isa siyang print ad model so appearance is a must-care”


So my favorite is compromised? Kakainis.


“So ano ang gusto mong inumin ko?”


“Tea.” maikling sagot ni Bridget


“Tea???? Eh sukang-suka nga ako sa tsaa”


“Wala kang magagawa.. Yana ang paborito ni Alexis so kailangan mong matutunang uminom ng ganyan. Tea has natural anti-oxidants. Mas maganda yun kumpara sa kape. Consider the benefits”


Pero ayaw ko nga ng tsaa!!!!


“May magagawa pa ba ko?” napabuntong hininga na lang ako.


“Syempre wala.. This is a yes-yes situation, syempre wala kang karapatang tumanggi”


Oo nga naman. Simula nga pala ngayon ay hindi lang pangalan niya ang magbabago. Its the whole part of him.


“So kumusta ka Alexis?” biglang tanong sa akin ni Bridget na parang walang nangyaring pagtatalo kanina.


Napakunot ang noo ko. Nasa training na ba kami?


“Ahm Ok.. lang” tipid kong sagot. Hindi ko nga alam kung ang sumagot ba ay si ako o si Alexis na.


Biglang lumipad yung sampal ni Bridget sa pisngi ko. At bago ako makailag ay hawak hawak ko na ang sa hula ko’y pulang-pula kong pisngi.


“Aray!!!... Bakit ba? Pag ako hindi nakatiis sa iyo talagang pipisikalin na kita Bridget!!” galit kong tugon sa sampal niya.


“Baka nakakalimutan mong ako ang dominos mo ngayon? Wala tayo sa opisina Black Scorpion at hindi ito ang oras para ipagmayabang mo ang fighting skills mo.” litanya ni Bridget sa akin.


Dominos ang tawag sa trainer mo sa isang misyon. Karamihan ng mga ito ay galing sa intelligence unit na siyang gagabay sa iyo sa mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa tao o lugar na kailangan mong imbestigahan.


“Im sorry.. pero hindi naman ata tama na sampalin mo ko ng walang dahilan. Parte ba to ng training natin? Randomly, you will slap me?”


“Talagang makakatikim ka sa akin lagi niyan kung hindi mo pagaaralan ang mga ibinigay ko sa iyo. God, im so disappointed. All I thought eh naka-absorb ka man lang kahit konti diyan kung talagang nagbasa ka nga ba”


Ok sige... nahuli na ako. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang mga ibinigay ni  Bridget kagabi. First, I was so fed up by the fact na magsusuot ako at magpapakababae. I admit... mula sa paguusap at pagkabunyag ng totoong orientation ko na Im gay eh naisip kong mapapadali nga talaga ang misyon. Gaya ng nasabi ni Bridget. Second, ewan ko ba... pero parang namagneto ako ng  ID nung Lester Saavedra na iyon. Naiintriga lang ako kung ano nga ba talaga ang hitsura niya without those sunglasses and to think na makikilala ko na siya when I became an exact duplicate of Alexis Saavedra


“So ano ba ang mali ko? Tinatanong mo ko kung OK lang ako then I said OK? May mali ba dun?” taka kong pagtatanong sa kanya.


“Oo.. maling mali. Kapag tinanong kita kung Ok ka.. Your reply should be ‘keri lang’”


“Anong keri lang?”


“Gosh teh.. kailangan ko pa talagang iexplain sa iyo yan.. Alam mo.. common sense in an uncommon situation is what the world calls intelligence.. Black Scorpion.. hindi lang pagdedecode ng password ang kailangan mong matutunan kundi lahat ng nangyayari sa sa paligid na ginagalawan mo. you should extend your skills beyond technicalities. Kailangan mo ring maging socially relevant.”


Hindi nga nagkamali ang Master Black sa pagpili kay Bridget na maging Dominos ko. After all... kahit ganyan siya.. She really have the brains. Marami talaga akong matututunan sa kanya.


“Ok noted on that.. So ano nga... anong ibig sabihin ng ‘keri lang’ ?”


“Keri!!!! Keri!!!... pinalanding version ng ‘carry’ which basically means OK”


“Huh? So ano ang punto bakit kailangan kong sabihing ‘keri lang’ in a complicated way when I can just say Ok lang? it doesnt make sense”


Sinampal niya uli ako.


“Please lang... ang katangahan hindi yan parang facebook na lagi ishi-share.. Halatang hindi ka talaga nagbasa ng mga ibinigay ko”


“Im sorry pero alam mo namang bago sa kin to... Lahat ng to.. Yes Im gay... I admit that pero kaka-out ko pa lang in fact ikaw pa lang ang nakaka-alam at ang boyfriend mo..”


“Wala kang mga kaibigan?”


“Si Gelo lang yung kaibigan ko but aside from him... I tried hard to never be close to anyone that I encounter. Kapag galing ako sa Black Society office... diretso na kong bahay and I spend my time watching TV or movies”


“Gelo? that’s the guy ba na nasa office kahapon? Si Thorn Black?”


Tumango ako.


“In fairness biyaw ah? pero mas venum ang boyfie ko syempre... Anyways.. ok so naiintindihan ko na mababaw ang orientation mo sa mundo namin.. So if you are watching TV naman pala.. hindi ka man lang ba aware sa  lifestyle namin? Nakapanood man lang? Sa pagkaka-alam ko maraming programs na ang nagco-conduct ng documentaries sa buhay ng mga transgenders”


I specifically avoided na manood ng mga ganun programa. Ang sakit sakit lang kasi pag naaalala ko ang pangaalipustang naranasan ko sa ampunan dahil lang sa pagiging effeminate ko. Simula noon I tried harder to act straight para kumawala sa mga panunukso at pambababoy na pinag-gagagawa nila sa akin.


“Mas gusto kong manood ng balita.. current events.. CNN and the like”


“Hindi ka man lang nanonood ng TV Patrol o 24 Oras?”


“Nope”


“More than anything else dapat doon ka nanonood kasi sa Pilipinas tayo and we solve crimes na nasa Pilipinas din.....


…..Kaya naman pala.. talagang ang boring ng buhay mo”


Boring na kung boring but I have my reasons. Mas ginawa kong buhay ang pagiging isang secret agent.


Tumango na lang ako imbes na magreklamo. Baka makakuha na naman ako ng sampal.


“Sige.. I’ll be more patient on you this time.. pero teh hindi ako naniniwala sa Patience is virtue ah? kaylangan mong matuto ng mabilisan. 2 months lang ibinigay sa ating dalawa and after 2 months... kailangan maging xerox ka na ni Alexis. Siguro bonus points na yung magkamukha kayo but that’s not enough. Kailangan alam mo kung ano siya inside and out. The way she moves... the way she speaks. Lifestyle...Fashion sense... lahat.”


“Got that... seryoso rin ako sa misyon na ito and I cant afford to lose my rank.. Kahit na ignorante ako sa mundo niyo.. I have to do this.. Dahil... Im Black Scorpion.. top ranking Black Society Agent”


“Good. Buti na lang may fighting spirit ka pa teh. Maybe i’ll start this session with you by asking... Ano ba ang unang-unang gusto mong matutunan sa pagiging isang Alexis Saavedra?” seryosong tanong niya sa akin.


Hmmm... ano nga ba?


“Yung mga pinagsasasabi mo? Gusto kong matutunan yun?” wika ko sa kanya


“Yun ba.. well siguro dapat nga.. Spanish ang tawag dun.” seryosong sagot nito sa akin


“Spanish? You dont sound like Spanish.”


Diba pag Spanish may amiga o amigo... senyora... senyorito.... Eh lagi niya akong tinatawag na ‘teh’

“Hahaha... Spanish means Filipino Gay Lingo... At kung paano ako magsalita sa iyo... Thats Gay Lingo.. Tinatawag din siyang Sward Speak o Bekimon..” paglilinaw ni Bridget


“Bakit ba kailangan niyong magsalita ng ganyan? Cant you just speak like a normal human being?”


“Siguro dahil na rin sa kinatatakutan mo.” seryosong saad ni Bridget


“Anong kinatatakutan ko?”


“Discrimination? Bullying? People saying that you are a fag? Dahil dito.. feeling ng mga baklang ladlad kagaya namin eh we are being treated as an outcast.. Hindi nabibilang sa lipunan. At kapag nagkasama-sama ang mga taong tulad namin.. What happens next when society doesnt want us? Answer is.. we create our own society. At doon na pumapasok ang Gay Lingo.. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng isang lenggwahe na iilan lamang ang nakaka-alam nakakaroon kami ng autonomy... ng sense of being a unique or stand alone community... Nagkakaroon kami ng distinction... Nung amin lang... Kaya tinawag na Tagalog ang mga nasa Katagulagan dahil sa vernacular language nila na Tagalog..may distinction diba? The same goes with Iluko for Ilocanos... Bicol for... Bicolano... Do you get my point? Pero its not necessarily na bakla na pag nag-gi-gay lingo.. these days kahit straight marunong na.. Ewan ko nga ba na ikaw na berde ang dugo wah pagka-knows sa mga ganitong bagay.. Basta ito lang yung probable origin”


“Yes.. got it”


Napatangu-tango ako habang nagpapaliwanag si Bridget. So ganun pala? Ang pagsasalita ng Gay Lingo ay isang pagkakakilanlan.


“So ano ang gusto mong matutunan.. Gosh teh ah... Best in Google Translate ang peg ko ngayon? Pero sige.. Go lang.. Magbigay ka ng words na gusto mong itranslate ko”


Nagisip ako saglit at pilit inalala ang mga usapan namin ni Bridget. Siguro I’ll try to ask with the basic na napapansin ko.


“Bakit lagi mo kong tinatawag na ‘teh’?”


“Terms of Endearment ng mga bakla yan.. Iba-ibang variants naman yan eh.. pwede ring Girl! Atwe!! Sis!! Beks!! pag medyo matanda na yung bakla pwedeng Mama! Mother! Lola!! Mother Nature!!... mga ganun.. o pwede rin naman diretsahang bakla!!!!!”


Natawa ako habang malanding dinedemonstrate ni Bridget ang mga terms of endearment daw. Naaaliw ako sa pagbabago bago ng kanyang tono.


“So ikaw naman.. practice calling me those endearments... gusto kong marinig pano mo sabihin.. So halimbawa nagkita tayo.. and you need to say ‘Hi teh!!!!’ Paano mo sasabihin?”


“Ha....hay.. t..teh.....” malamya kong sagot.


“Teh ano iyon? Autistic lang? May Parkinsons? Lagyan mo ng landi... Alam mo kung gusto mong maging si Alexis.. you need to let it all out... Kailangan ilabas mo yung kembot sa katawan mo... Sige isa pa..”


“hi...teh?”


“Ay? Q & A teh? parang di ka sigurado kung magha-hi ka sakin?”


Paano ba kasi?  Nasaan ba kasi yung kembot sa katawan ko?


Inisip ko na lang na babae ako... Im feminine... Im proud to be gay.. Hindi na ako si Alexander na nagpipilit itago ang pagkabakla.


“O Ano na?”


“Hi Teh!!!!!!!!!!”


“Perfect!!! That’s what Im talking... Bongga!! Dapat ganun lagi yung tone teh.. Rising intonation.. Yung pang diva.. true?”


“True!!”


“Hahaha.. Fast learner ah!!. Bongga.” natatawang wika ni Bridget ng sagutin ko ang tanong niya.


“So pwede mo pa ba akong turuan?”


“Sure.. go lang.. basta magbanggit ka ng salita at hahalukayin ko yan sa beki dictionary ko”


“Ahm.. pangit?” tanong ko


“Ikaw? Chos... hahaha”


“Ano nga?” nairita ako bigla.


“Chaka... yan yung pinaka generic.. pero may iba iba rin siyang contraction.. pwede ring chukie... shonget.. ma-kyonget.. chapter... jupang-pang”


“Hmmm ano pa nga ba? Wala na akong maisip”


“Think of something na close sa sex... Mas maraming translation iyon Hahaha”


Bahagya naman akong natawa pero I give it a shoot. Dapat hindi ako maging ignorante sa mga bagay na ganun.


“Ahm AIDS?” tanong ko


Related naman siguro sa Sex ang AIDS.


“Anita Linda.. sometimes we call it Aida”


“I see.. paano yung malibog?”


“Haha... Determined ka talaga teh ah.. Ok.. Ang malilibog na yan syempre excluding me and my pure virginity... Tinatawag namin silang Cathy Santillian...Kate Gomez.. Cathy Mora... Cathy Dennis...at ngayon Cathy Garcia-Molina hahahaha”


So parang makati kaya Kathy or Cathy? Ow I get it... Tama nga si Bridget sometimes common sense lang.


“O ano pang gusto mong malaman?” tanong niya ulit sa akin.


“Ano ang tawag sa boyfriend ng isang bakla.. Is it ‘jowa’ ?” curiosity strikes me.


“Hmm... may alam ka naman palang Gay Lingo ah”


“Familiar lang siya... in fact naalala ko lang siya ngayon”


“Yes... Tama... Jowa ang tawag sa boyfriend.. pero masyado ng gasgas iyan... Tulad ng human evolution.. Pati Gay Lingo nagbabago through out times.. May nawawala.. may naidadagdag.”


“So you mean.. hindi na jowa ang tawag sa isang boyfriend?”


“Ganun pa rin naman but since marami ng nakaka-alam nun.. May bago ng tawag ang ‘jowa’ sa newest millenium Hahaha”


“Ano?”


“It depends... Pag one time encounter lang ang tawag dun.. STUDIO CONTESTANT... Pag more than once at frequent ang encounter ang tawag dun... MONTHLY FINALIST.. Pag nagkadevelop-an na.. GRAND FINALIST... Pag nagsasama na at ibinabahay.. LUCKY HOME PARTNER... Pero pag call in call-boy lang.. ang tawag dun... LUCKY TEXT PARTNER. hahaha”

“Ah ok.” Yun lang naireply ko sa sobrang pagka-amuse sa mga pinagsasasabi ni Bridget.



“Mayron ka pang isang dapat malaman... “


“Ano yun?”


“Familiar of the word chorva?”


“Parang narinig ko na rin... Ano bang ibig sabihin non?”


“Akala kasi ng ibang tao kabaklaan lang namin yan but NO... Chorva has its etymology from the Greek word ‘cheorvamus’ which means “for the lack of word to say” so that makes ‘chorvah’ a very amazing word.... Kapag wala kang mahanap na sasabihin.. italak mo lang ang chorva... for example... ‘kuya yung chorva ko pakihanap nga’ o kaya ang ‘which is best ba yung chorva na to o chorva na yan’ … kung magche-cheer ka naman... “chorva lang ng chorva!!”... na-getlak mo ba?”


“True!!! hahaha”


Tawanan.


“Ganito na lang.. I’ll give you some of the list ng mga alam kong beki words at pagkatapos... just familiarize yourself Ok ba yun?”


Tumango naman ako. Malamang nga na matagalan kami sa ginagawa namin pag inisa-isa namin ang mga salita sa diksyunaryo.


“So... Let’s go back to Alexis Saavedra.. Ano yung mga nalaman mo tungkol sa kanya.”


“Well... Her mother is Anita Saavedra and her father is Victor Saavedra... She has an older brother named Lester Saavedra. She is a print ad free lance model. She was born on May 14 1990. So today she’s more or less 22. She died in a plane crash last Jan 1 2010”


“Correct... pero masyadong fundamental ang nalalaman mo sa kanya...”


“So ano pa ang dapat kong malaman?”


“Syempre you also have to do some readings.. diyan sa ibinigay ko... pero magbibigay ako ng alam ko.. Alexis was rumored to have a boyfriend.. pero never nakita ng public kung sino nga ba yun.. other than that yun lang ang nalaman ko sa love life niya... I did tried to research harder pero nabigo ako.. Magaling magtago si Alexis Saavedra kung sino man yung boyfriend niya... Medical Issues.. allergic si Alexis sa Sea Foods... Favorite naman niya spaghetti at kahit anong luto ng pasta... Mahilig siya sa Red Stilettos.. Sa tube-style tops...”


Para naman akong nalula sa mga sinabi ni Bridget. So Alexis did have a boyfriend... Pero sandali.. Paano kung ako na si Alexis and mameet ko ang boyfriend na yun? Paano ako magrereact?


OMG Nakakalurkey!!!!


Tangina pati subconscious mind ko nag-gi-gay Lingo na. Parang may sumapi na kung ano sa akin.


At saka paborito ko pa naman din ang fish fillet. Hipon. Sarsyadong tilapia. Pagkatapos allergic niya ang sea foods?  Wala naman problema sa akin yung spaghetti pero pag may cheese? Patay kang beki ka. Naninikip kasi ang dibdib ko pag nakakain ako ng kahit kapiraso lang ng cheese.


“Pwede ba ako magrequest ng Isadang ulam mamaya? Please.”


“No. kailangan mo ng masanay. Kaya ko nga sinabi sa iyo dahil alam kong paborito mo rin ang isda”


“Sige... titiisin ko alang-alang lang sa misyon... pero paano yung sinasabi mong tube style na damit?


“Tube as in tube... bakit?”


“Eh wala akong... yung ano...”


Hindi ko masabi parang ang awkward kasi pag ako na ang nagkaroon ng ganun. Itinuro ko na lang yung boobs niya.


“Ah ito ba?  Keri mo yan teh... gagamit na lang tayo ng push up bra or kung anong alternative... In the meantime... dahil may dalawang buwan tayo para magprepare.. Inumin mo muna to”


Iniabot sa akin ni Bridget ang isang banig ng mga tableta.


“Anong gagawin ko dito?”


“Ay shunga-shungahan lang teh? ipang decorate? bet mo?”

“Dont tell me iinumin ko to?”


“Planggana! Ploks! Truelaloo at walang halong Eklavoo! Ang tawag diyan ay Diane Pills!”


“bakit kailangan kong inumin toh?”


“Para naman pag si Alexis ka na hindi mo na kailangan mainggit dito sa boobs ko”


“Wait... wala sa usapan toh ah... Hindi ako maglalagay ng estrogen sa katawan ko”


“Wala kang karapatang tumanggi... bakit ano sa akala mo ang gagawin mo? Impersonator sa isang pipitsuging comedy bar? Alam mo bang pag may nakahalata sa iyo na hindi ikaw si Alexis Saavedra ay maaring malagay ka sa alanganin at ang misyon? Magisip ka nga”


“Alam mo bang baka malason ang katawan ko nito”


“Hindi. Wag kang OA. At kung malagay ka man sa alanganin dahil diyan.. Black Society has all the medical assistance na kakailanganin mo”


Wala na nga talagang atrasan. Pati katawan ko ay kailangan kong isakripisyo para sa misyon.




*****



Black Society Bldg, Laoag City


Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Lek-lek. Nang tangkain kong pumunta sa Condo Unit nila yung Black Viper eh hindi ako pinatuloy. Sinabi na rin sa akin nila Master Black na hindi ko dapat gambalain si Alexander dahil lubhang mapanganib ang misyon.


Pero sino ang hindi mag-aalala? Noon bata pa kami... Pamilya na turingan namin ni Lek-lek.. Ako pa nga nagbansag sa kanya ng Lek-lek kasi nakakatamad tawagin siya sa pangalang Alexander. Quits naman kasi tinawag niya rin akong Gelo sa halip na Angelo.


Nakakalimang misyon na ako samantalang pangatlo pa lang ito ni Lek-lek. Proud na proud ako diyan. Yung una niyang misyon, ako talaga ang nagrequest kay Master Black na samahan ko siya. Yung pangalawa na hindi ako nakasama... parang ganito rin.. Nagaalala ako kasi hindi ako sanay na nawawala siya sa paningin ko. Pero maganda naman ang kinalabasan dahil nung natapos ang misyon, he ranked as the Top Black Society agent. Sobrang proud ako para sa kanya.


“Master.. bakit ba hindi ako pwedeng sumama sa misyon?”


Kasalukuyan akong nasa opisina ni Master Black. Pangalawang araw ko na tong humihingi ng permiso sa kanya na pasamahin ako sa misyon.


“Thorn Black... Black Scorpion can do this. Wala ka bang tiwala sa kabuddy mo?” si Master Black na busy sa mga papeles na nakatambak sa mesa nito. Nakaka-asar kasi parang hindi naman ako nito tapunan man lang ng tingin at makisimpatiya man lang sa akin



“But you said...pwede akong sumama sa kanya incase..”


“yes...in case... incase na hindi niya kayang magisa... pero ni hindi pa nagsisimula ang misyon... besides... I trust black scorpion to handle this.”


Parang napikon na ata sa akin si Master Black. Wala akong nagawa kundi umupo na lang sa harap nito.


Biglang bumukas ang opisina... Sabay naman kaming napalingon ni Master Black sa taong pumasok.


Iniluwa naman ng pinto ang isang babaeng nakasuot ng kulay puti. She was smiling towards us. Pero bakit hindi siya nakasuot ng puti? Black Society agents always wear black.


“Yes Miss? how can we assist you?” tanong ko na lang bigla. Maganda yung babae.


Narinig kong pumalakpak si Master Black sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay nakatayo na ito at abot tainga ang ngiti.


“Wow... what a job well done...”


Naguguluhan akong tumingin muli sa babaeng kaharap ko. Sino ba to?


Teka...


Syet...


Si...



Lumapit sa akin yung babae na kanina and before I knew it ay isinara niya bigla yung bibig kong naka nga-nga na pala.


“Thorn Black...baka pasukan ng langaw yan” natatawang wika nito sa akin.


“le....lek-lek??? Ikaw ba yan” namamangha kong tanong.. Tang ina! hindi ko agad siya nakilala!!


Bahagya namang itong natawa sa pagkamangha ko at saka nagsalita.


“Im... Alexis... Alexis Saavedra”


Itutuloy...


[04]
“So kumusta na Alexis?”


“Keri lang naman”


“Anong nangyari, dalawang taon na ang nakakaraan?”


“Walang nakakaalam na nakaligtas ako... Sa isang tagong isla.. Napulot ako ng magasawang Paz at Ruben. Si Tatay Ruben ang sumagip sa akin at gamit ang isang bangka ay nagawa niyang iligtas ang palutang lutang ko noong katawan.”


“Kilala mo pa rin ba ang mga totoo mong magulang?”


“Oo naman... miss na miss ko na si Mommy.. Anita Saavedra ang pangalan niya.”


“Eh ang iyong Daddy? Naalala mo pa rin ba siya?”


“Victor Saavedra.. that’s his name..”


“Alam mo bang wala na ang Daddy mo?”


“Namatay siya last year... He was... he was murdered in an apartment in Batac”


“How do you feel about it?”


“Mahal na mahal ko si Daddy dahil siya pa mismo ang nagencourage sa akin na ipagmalaki ko kung ano ako”


“Do you still remember your brother’s name?”


“Yes... his name is Lester Saavedra”


“Are you in good terms with your brother?”


“Hindi.. Honestly, madalas kaming nag-aaway... Hindi niya ako matanggap bilang ganito”


“Yun lang ba ang dahilan?”

“Sa pagkakaalam ko Oo.. My brother is a homophobic. Ayaw niya sa bakla. Lalo na sa mga kagaya ko na piniling magdamit babae. But I dont care, my brother is dumb ass anyway. Hindi na kami magkakasundo. Never”


“Naalala mo pa ba ang petsa ng nangyaring aksidente?”


“It was January 1 2010... Papunta dapat kami sa Palawan together with my brother.. Kami lang dalawa dahil gusto ng mga magulang namin na magbonding kami kahit papano. We boarded our private plane... It was the most terrible idea na naisip nila. Pero syempre alang-alang kay Mommy.. Sumunod na lang ako.. But then.. something unexpected happened... biglang nagkaproblema ang eroplanong sinasakyan namin... Before we knew it.. Nagland kami sa isang pacific area.. and thats what happened next”



“Anong plano mo ngayong nakabalik ka na?”


“I’ll continue my job as a print ad model. Marami na rin akong namiss na projects and that’s what I enjoyed most”


“What if I offer you a fish fillet? Would you like to take a bite?”


“No thanks.. My allergy ako sa sea foods”


“So what’s your favorite dish?”


“Any pasta cuisine...”


“I see... kung wala ka sa isang photo shoot... ano ang paborito mong gawin?”


“Im a couch potato... Sa bahay lang ako talaga and I seldom go out with my friends. I watch Television or Movie marathon”


“Are you seeing someone before the incident happened”


“Ahmmm.. Yes...”


“Is he your boyfriend?”


“Yes”


“Can I know his name?”


“That’s off the limits... sorry”


“Why are you so private when it comes to your boyfriend?”


“We are both protecting each other’s name”


“Did he came from an elite family also?”


“Cant tell sorry”


“Do you personally know Alexander Castillo?”


“Nope... not heard his name”


“What if I tell you, you are Alexander Castillo?”


“Im Alexis Saavedra”


“And what is your purpose that you returned?”


“Because Anita Saavedra killed my father”



Kasalukuyan akong lulan ng isang ordinaryong taxi. Naglalaro sa aking isip ang huling session namin ni Bridget also know as Black Viper. Tumimo sa aking diwa ang lahat ng mga nangyari bago ko narating ang huling session na yun. Everyday of my life ay isang malaking struggle.


Madalas akong antukin dahil sa pills na iniinom ko. Napagmasdan ko rin na unti-unting lumalaki ang aking hinaharap. Gayunpaman, sa loob ng dalawang buwan ay hindi lamang iyon ang dapat kong hasain. Nag-aral ako kung paano ayusin ang aking sarili. Kung anong kulay ng make up ang nababagay sa isang outfit. Kung paano isuot ang tube. Kung paano gamitin ang push up bra. Kung paano magshave ng mga unwated hairs.


Kailangan ko ring isabay sa paginom ng pills ang glutathione para mas lalong tumingkad ang aking balat. Kailangan kong pagaralan ang paglalakad ng suot ang isang 5 to 6 inches heels. Kailangan kong itatak sa sarili ko ang salitang diet na hindi ko naman dati ginagawa. Kailangan kong lumaklak ng tsaa. Kailangan kong matutong manigarilyo. Kailangan kong magsuot ng blue na contact lenses.. Kailangan kong magpahaba ng buhok.


Higit sa lahat. Kailangan kong kilalanin ang mga taong nakapalibot sa taong binubuhay ko ngayon. Ang kanyang ina, ama, kapatid at iba pang kamaganak. Ang mga kaibigan. Ang iba pang taong kanyang nakakasalamuha araw-araw. Pero kung mayroon mang tao na kailangan kong pagukulan ng pansin, yun ay walang iba kundi ang kanyang ina... Si Anita Saavedra.. na ina ko na rin ngayon.


Nakakatawa man pero excited ako. Misyon lang to. Walang personalan. Sa dalawang buwan na ginugol ko ay inalis ko na ang kadramahan sa buhay ko at tinanggap sa sarili na ito na ang kapalaran ko. Pagaari ng Black Society ang buhay ko. Utang na loob ko ito sa kanila. Binigyan nila ako ng edukasyon... ng panibagong buhay... ng karapatang mabuhay malayo sa malabong buhay mayroon sa ampunan.


At ngayon magkakaroon ako ng Ina na siya ko rin namang ipapakulong pag matapos ang misyong ito. How ironic.


Malapit ng makarating ang taxi sa Calayab, Laoag City kung saan naroon ang Subdivision na kinatitirikan ng mansion ng mga Saavedra. Isinuot ko na ang aking sunglasses at naghanda na sa script na nasa loob ng utak ko. Nang lumingon naman ako sa aking kaliwa ay naroroon ang isang matandang lalaki.


Siya si Itay Ruben pero hindi nila alam na isa rin siyang sangkot sa malaking palabas na ito. Siya ang maghahatid sa akin papunta sa Mansion ng mga Saavedra at magkukwento kung paano “daw” niya ako niligtas. Sa suot nitong polong may mantsa at lumang maong ay yagit na yagit ang nakapulot kuno sa kanya.


Maya-maya pa ay nakita kong pinapasok na kami ng security guard sa subdivision. Mula sa mukha nito ay parang nakita ko ang kaunting pagkabagabag. Marahil siguro ay nakilala niya ako kahit na nakasuot pa ako ng sunglasses.


Ilang saglit lang ay pumarada na kami sa harapan ng mansion. Mula sa bintana ng taxi ay kitang kita ko kung gaano kagara ang hitsura nito.


Mayaman nga talaga.


Tinapunan ko ng tingin si Itay Ruben at tumango naman ito sa akin. Nakita kong bumaba ito ng kotse at tinungo ang malaking gate. Habang nakatanaw pa rin mula sa loob ay nakita kong may kinausap siya mula sa loob. Sumunod naman noon ay nakita kong pinagbuksan ito ng isang babaeng nakadamit pangkatulong.


Bumaba na ako mula sa loob ng taxi at humakbang papalapit sa gate. Nang matanaw na ako ni Itay Ruben ay tumango na ito takda ng pagsisimula ng misyon. Namalayan ko na lang ang sarili na nakapasok sa loob ng mala palasyong mansion na iyon.


“Al...Alexis... Sika deta?” (Alexis ikaw ba iyan?) bungad ng katulong sa katutubong salita.


“Manang Fe?” nasasabik kong tugon.


Walang anu-ano’y niyakap ako ng kausap ko. Nabigla man ay kaagad kong binawi ang reaksyon na iyon. Nakakpanibago man ngunit kailangan kong sakyan lahat ng ito.


“Apo.. balasang ko... imbag lang ta nagsubli ka...” (Diyos ko, anak ko... buti na lang bumalik ka) wika nito sa akin sa mangiyak ngiyak na tono.


“Manang asan ang Mommy... miss na miss ko na rin po siya..” wika ko na parang naiiyak na rin.


“May kadtoy uneg balasang ko... addan Mommy’m idtoyen” (Halika dito sa loob anak ko... nasa loob ang Mommy mo)


Sumunod naman kami sa kanya at pumasok na kami sa loob ng mansion.


Masyadong magarbo ang kabuuan ng bahay. Nakalambitin ang mga mamahaling chandeliers. Mga painting na nakasabit sa dingding. Mga pamosong mga kagamitan na malaking halaga ng salapi ang katumbas.


“Agtugaw kay pelang balasang ko..” (Umupo muna kayo anak ko) wika sa amin ni Manang Fe. Halata pa rin sa boses nito ang pinaghalong pagkasabik at pagkamangha sa bilis ng pangyayari.


Nawala sa aming paningin ang alam kong katiwala sa mansion na iyon. Nagkatinginan kami ni Itay Ruben, alam na namin ang susunod na gagawin. Ang makahulugang tinginan na iyon ay senyas ng mga script na naglalaro sa aming mga utak. Dinaig pa ng misyon ko ang mga blockbuster na pelikula ngayon. Kailangan ko ng kaunting ingat at pulido sa mga sasabihin ko. Sa aaktuhin ko. Dahil konting pagkakamali lang, may kalalagyan ako.


“Anak?” pukaw ng boses sa aming likuran.


Paano nga ba ang mas dramatic na entrance? Syempre nakatalikod ako.. Parang slow mo dapat.. unti-unti akong haharap ang then bongga!!!


Ganun na nga ang ginawa ko. Tumayo ako... Nakita kong tumayo rin si Itay Ruben.. Narinig ko siyang nagsalita.


“Magandang umaga ho Maam”


“Mommy?” wika ko sa malambing at nangungulilang tono. May kasabay pang iyak yan ah.


“My daughter.... my princess..” sigaw ni Anita Saavedra saakin. Sabay takbo at natataranta siyang lumapit sa akin. Tears are pouring from her eyes.


Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na siya. She was there.. a very Imeldific statuesque. Napaka glamorosa niya at sapat na para tawagin siyang Donya. She had this simple yet elegant dress. Nakapulupot rin sa kanya ang mamahaling bato na milyon ang halaga.


She touched my face. Waring kinikilatis niya kung totoo nga ang nakikita niya. Bakas sa mukha niya ang sobrang hapis... lungkot... pangungulila. Ewan ko ba pero sa tingin ko ay nadala ako ng hitsura niya. Sa harap ko ngayon... parang hindi lang siya isang Anita Saavedra. Isa rin siyang ina na miss na miss na ang anak na dalawang taon ng nawawala.


And take note... Princess talaga ang itinawag niya sa akin. Ibig sabihin ay babaeng babae ang turing ng kanyang ina sa totoong Alexis Saavedra.. Ang swerteng beki!!!.


“Diyos ko... ikaw nga... anak ko... ayos ka lang ba? I really dont know what happened.. Patawarin mo ang mommy for giving up... Thank God bumalik ka” wika ulit ni Anita Saavedra


Iyak pa rin siya ng iyak.. Namumula na nga ang mga mata nito habang niyayakap ako at hinahalikhalikan ako nito sa pisngi. She is touching me all over. Parang sinisiguro niya kung totoo ba ako. Kung totoo bang nabuhay ang anak niyang matagal ng nawala.


“Miss na miss na rin kita Mommy”


I dont know what happened. Out of some unnatural force eh hindi ko na kailangang pilitin ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Kusang tumutulo ang mga luha ko sa mata. Akala ko nga mahihirapan ako sa pagpapanggap na ito but then its a piece of cake. Pero parang totoo. Parang totoo na namimiss ko ang taong kaharap ko.


“Maam excuse me po... ako po pala si Ruben..”


Nagtatanong naman ang mga mata ni Anita Saavedra na nagpalipat lipat sa amin.


“Mommy siya po pala si Itay Ruben.. siya po nagligtas sa akin”


“Maraming maraming salamat... Hindi ko alam kung paano ako makakatanaw ng utang na loob sa iyo for bringing my princess here but.. kahit magkano ibibigay ko... im just thankful... im overjoyed... salamat ng marami..”


“Walang anuman po Maam... pasensya na ngayon lang po talaga kami nakaluwas dito... Hindi po kasi namin alam kung sino po ba talaga siya... Nagkaroon po kasi ng bahagyang pagkalimot itong si Alexis... Inabot po ng dalawang taon bago niya maalala ang lahat... Gustuhin man po namin na maipagamot itong si Alexis noon eh wala po kaming ganoong kalaking pera.. Isa lang po akong hamak na mangngisda at tindera lamang po rin ang aking maybahay.”


“It doesnt matter... ang mahalaga ligtas ang anak ko.. at nagpapasalamat ako dahil ang mga taong kagaya niyo ang nakasagip sa aking anak...”


Buti na lang naimbento ang sakit ng amnesia. Kung hindi nakakapagtaka na ang isang taong dalawang taong nawala sa isang plane crash ay biglang magbabalik na parang walang nangyari.


“My princess,.. Im really happy, you’re back....” masayang masaya na wika niya uli sa akin.


“I love you Mom.... miss na miss ko na po talaga kayo”


At tumulo uli ang natural na luha na bunga ng lungkot na hindi ko alam kung saan nanggaling.


“Ahmm... ano... so Kumain na ba kayo? Nagugutom ka ba anak? you need anything my princess?”


“Ok lang po ako Mom.. bale ito na lang po si Itay Ruben ang dapat po ninyong asikasuhin... I just wanted to go to my room.. Kung OK lang po”


“Anything for you my princess... Manang Fe, pakisamahan naman si Alexis sa kuwarto niya...” utos nito kay Manang Fe na kanina pa iyak ng iyak sa sulok habang tinatanaw kami. Siguro ay naantig talaga ito sa eksena kanina.


“Thank You Mommy...”


Bago ako magpaalam ay niyapos ko muna to, tanda ng aking pagkasabik rin sa kanya. Nang magkahiwalay na ang aming katawan ay hinawakan niya uli ako sa pisngi.. Hindi pa rin siya natitigil sa pagluha.


“I knew it... I knew that you never left us... Im sorry my princess kung tumigil sa paghahanap si Mommy...but deep inside me.. alam ko... nararamdaman ko na buhay ka pa.. I knew it...”


“Wala pong kaso yun Ma... Kung ako po nasa posisyon niyo.. Hindi ko rin po kakayanin... Lalo na po iniwan na rin tayo ni Daddy...”


“Alam mo na anak?” nabibiglang tanong ni Anita Saavedra sa akin.


Kung atakehin ka nga naman ng kashungahan teh!!! Lusutan mo yan!!!!!


“Ahmm.. ah.. nabalitaan na po kasi namin eh.. Ilocos Sur lang naman po yung pinaka karatig nung isla... Naging maugong rin po ang balita Mommy...”


“Thank you for always understanding me my princess.... Kung nandito ang Daddy mo he will also over flow with joy... I wish he is still here... para magkakayakap tayong lahat”


“Sana nga po... I wish Daddy is still here”


“Im sure masaya ang Daddy mo... kung asan man siya... Lalo na ngayon, our princess is here... you are finally home”


Its so unusual hearing that from her mouth.. Kung siya nga ba talaga ang pumatay kay Victor Saavedra.


Wait. Bakit bigla akong nagda-doubt. Dapat itanim ko pa rin sa isip ko na si Anita Saavedra ang pumatay kay Victor Saavedra. Ang trabaho ko lang ay hanapan siya ng malakas na ebidensya o siguruhin ang claim na iyon.


“Sige na anak... marami pa kaming paguusapan ni Itay Ruben mo.. you should rest.. kung isla pa kamo ang nilakbay niyo papunta rito then you must regain your strength”


“Thanks Mommy”


“Halika mang Ruben.. Doon tayo sa kusina.. mas masarap magkwentuhan habang kumakain” mabait na paanyaya naman ni Anita sa aking Itay Ruben.


Bago ako pumaitaas at akyatin ang hagdan ay nagkatinginan muna kami. Ang mga titiig na iyon ay isang simbolo na nagawa naming pasukin ng walang kahirap hirap ang bahay ng mga Saavedra. Nakakatawa pero we are expecting a pool of body guards sa loob pero wala.


Nauna na akong umakyat at nasa likod ko naman si Manang Fe. Kwento ito ng kwento, ngunit karamihan ay sa kung gaano ito kaexcited na makita ako ulit.


Nang makarating sa pinakataas ay nakita ko kaagad ang isang pink na pintuan. Marahil ay ito nga siguro ang kuwarto ko.


Nabigla ako sa nakita. Teka. Kung kwarto ko to bakit ganito ang amoy? Parang amoy lalaki?


Hindi kaya dugyot yung original na Alexis Saavedra? Kalurkey ah!!!


Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng kuwarto. Masyadong magulo... Kalat kalat ang mga damit. Halatang may gumagamit ng kwartong iyon sa kasalukuyan. Nage-expect pa naman sana ako na kulay pink ang buong kuwarto. Pero kulay blue naman ang pintura.


Napatingin ako sa malalaking larawan na nakapost sa dingding.


Si Lester Saavedra ba to? Ang suppose to be Kuya ko?


Ehmeged teh!!!!!!!! Hoooongggg Gwapo!!! Jackpot.





“Hay Umayos ka Alexis. Narito ka para sa misyon”


*****



“Luke, pre... andito ako sa Bistro 51”


Kausap ko si Luke sa telepono pero parang naghihina ang katawan ko. I dont know how to react. Nung makita ko uli siya. Ang kapatid ko.


It was 2 years. Two years na akala ko I can be good enough para maging isang anak ng isa pinakamayaman sa Ilocos Norte. Two years na ako yung natira so that I can have all the love that I long from my Dad at from my Mom pero nagkamali ako.


“Im sorry pre... pero may lakad kami nung GF ko eh.. next time na lang”


Ako na mismo ang unang nagbaba. Baka kasi sa sobrang bwisit ko eh sa kanya ko pa mabunton ang sama ng loob ko. Nakakadalawang bote na ko pero hindi pa rin matunaw ng alcohol ang sama ng loob ko.


Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat. Na hindi siya nabuhay. O hindi siya buhay. Na tama ang pagaakala naming lahat na patay na siya. Pero he was there. Kanina, I was about to say the good news to my Mom. Nag-away kasi kami sa may Bar 101, I know that I put her to great shame pero masama lang talaga loob ko nun. Bilang pambawi ay yayain ko sana sa isang mother and son date si Mommy at pagkatapos ay I will break the news na I close a deal sa isang kumpanya at ako ang magiging official photographer nila for their models.


Pero kitang kita ng dalawang mata ko... Andun sila, magkayakap. Ang perfect daughter niyang hilaw. Pero hindi maaring siya uli ang maging bida sa bahay. Never. Ang araw na bumalik siya ang desisyong pagsisisihan niya.


“Patay ka sa king bakla ka.”


Itutuloy...


[05]
Calayab, Laoag City


Maaga akong nagising mula sa pagkakahimbing.


It was perfect. Wala akong naging problema sa pagtulog which is weird. Im expecting na babangungutin ako sa higaan na iyon. But the soft mattress find its way to make me comfortable.


Nasa katabing kuwarto ako ng ‘kuya’ ko. According to Manang Fe eh dating kwarto ko iyon, the pink door is the mark. Pero simula daw ng inakala ng lahat na wala na ako eh inako na ng kuya ko ang pink na kuwarto and painted it in accordance with his taste. Bale yung pinto na lang ang hindi napapalitan.


Pero ang pinakaweird sa lahat eh yung kapag inaako ko na ‘akin’ ang lahat ng ito. Kapag sinasabi kong kuya ko, Mommy ko. Pakiramdam ko totoong sa akin talaga lahat ng posessions na iyon when in fact isang malaking palabas lang ang lahat. I just have to fake it... fake it really hard and then I can go back to where I should really belong.. ang kuwarto kong napipintahan ng kulay gray, walang kasama sa bahay, the silent office in black society and before I forgot, the boring name... Alexander Castillo.


Sabi nga nila, enjoy while it last. Since marami na kong nagawa para baguhin ang sarili ko then I should savor every moment that Im Alexis Saavedra even if its only for 2 months. Dalawang buwan lang ang ibinigay sa akin para tapusin ang misyon. Master Black said that this is just a short-kill mission.


Kahapon, isang beses lang ako bumaba mula sa kuwarto. Hoping na..


Hoping na makita mo si koya Lester?? Hahaha


Fucking subsconscious mind!!! Talagang di na mapigilan sa pag-gay lingo at sa paglalandi eh. Pero ok... sige.. Curious lang ako kung ano naman ang magiging reaction niya once na nakita niya ang kanyang long lost sister.


Umamin rin ang bakla!!! Ikaw na ang Cathy Garcia Molina... Kailangan mong ipakamot kay Wolverine now na!!!


But then, I remembered na hate niya pala si Alexis Saavedra. In short, hate niya ako dahil ako na nga siya. Pero hindi ko hahayaang makagulo yun sa tunay na pakay ko sa mansyong ito. I will go treasure hunting for the evidence.


Pero malaysia mo naman teh... baka talagang miss ka na ni koya!!!


Sigh.


Maagang umalis si Mommy para ihatid ng personal si Itay Ruben sa islang naging tirahan ko ‘daw’ ng mawala ako sa loob ng dalawang taon. Kagabi habang natutulog pa rin ako ay marahan niya akong ginising upang ipagpaalam ang balak niyang gawin ngayon. At kapag nakabalik na daw siya ay magkakaroon kami ng mother and daughter bonding.


Char. Ang lakas maka madonna and beki son!!!


Syempre, preparado na ang aabutan niya doon. Nagset up na ang black society ng isang dummy na kubo.. ang kasabwat na gaganap bilang si Paz ang asawa ni Itay Ruben. Kumpletos Rekados kumbaga. Nothing can go wrong.


At habang wala siya ay kailangan kong samantalahin ang mga pangyayari. Pwede ko na sigurong halughugin ang kuwarto nila. O kaya naman ay magtanong tanong. Kung gaano kasi kalawak ang kaalaman ko sa lifestyle ni Alexis Saavedra ay ganun naman ako kabobo sa kaso.


It is so basic.


Client calling us asking to put Anita Saavedra behind bars. Victor Saavedra was murdered in an apartment in Batac.


Hindi pa kilala ang killer hanggang ngayon but then, the client is already pointing his fingers towards Anita Saavedra. Alam ko may motibo pero masyadong malabo. But then again... klaro din naman ang trabaho ko.. ang hanapin ang ebidensyang maaring nagkakanlong lang sa mansion ng mga Saavedra.


Bilang nagring ang cellphone ko.


Hindi muna ako sumagot.


“Black Scorpion?” tinig ng babae ang ang narinig ko sa kabilang linya.


“Ako nga” maikli kong sagot ng makumpirma na si Black Viper ang nasa kabilang linya.


“So what’s the update?”


“We successfully made it in here... Hindi siya ganun kahirap as what we expect.. Naniwala naman sila agad na ako si Alexis Saavedra... Good thing I had average make up that day”


“Oo naman.. galing ka sa isla tapos para kang nagpasalon? Ano yun? At saka buti na rin at you have a darker complexion than Alexis... at least kunwari nasunog yung balat mo”


“Oo nga eh.. Buti na lang hindi sila nag hinala”


“Ok.. its good to know na tagumpay ang unang phase.. nga pala... Angelo, your friend is asking your newest mobile number.. I refuse to give it kasi nga ikaw at ako lang dapat ang nakakaalam ng cp number mo.. aside from of course you new acquaintances there as Alexis Saavedra... I hope you understand”


“Its Ok I can manage... Ganun lang talaga yun”


“Anong ganun lang talaga yun? You mean? Ganun siya kakulit? Kaloka ah.. akalain mong pinuntahan pa talaga ako dito sa condo ko and ang persistent niya.,.. He even throwed bargain.. na pag binigay ko daw number mo eh magdi-date kami... Buti na lang wala si Edong that time.. Eh di sana patay ang lola mo.. but then again.. kahit ganun kagwapo I’ll reserve Thorn Black sa iyo... Syempre may papa Edong na ko”


“Haha.. What do you mean reserve? Gaga ka... Me and Angelo are partners ever since.. Pero ni hindi niya pa nga alam na ganito ako eh”


“Sure ka teh? Eh nung tinatanong ko bakit siya ganun ka persistent na kunin number mo eh sabi niya, nagaalala lang daw siya sa iyo... Like duh? May kaibigan bang ganun kung magalala? Iniisip ko nga na may gusto siya sa iyo eh”


“Wrong teh!!! Maling mali teh... magkaibigan lang kami”


“Ok sige... hindi na ko makikialam sa mga keme na yan.... basta ang misyon wag kalimutan”

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                        
“Masusunod Dominos.”


“Good..”


Namatay na ang linya ngunit parang natulala naman ako sa kawalan sa mga sinabi ni Black Viper.


Pwede kayang alam ni Angelo ang tungkol sa katauhan ko? That I am gay? I remember last time nung nasa rooftop kami ng Tribeca.


“Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat. Hindi mo kailangang sabihing nahihirapan ka. Kung pagod ka na. Tandaan mo lang lagi na narito ang likod ko para sumuporta sa iyo.”


Siguro hindi na magiging big deal kung alam nga ni Angelo ang katauhan ko o hindi. Kung matatanggap niya ako or what. After this mission, ang gusto ko siguro magpakatotoo sa sekswalidad ko. I’ll say to Master Black straight to his face that I am... gay.


I get up on bed at humarap sa salamin. Kung ang ibang tao cellphone ang hinahagilap kapag kakagising, iba naman ako... salamin. I look at the mirror. Malaki na nga pinagbago ko, ang ironic nga lang. Noon, I tried harder to grow a beard or a mustache para lang maenhance ang masculine feature ko. Ngayon, I did some lasers and take estrogen para mawala ang unwanted hairs at magkaroon ng lady like quality skin. Ang hirap sa totoo lang.


Biglang may kumatok sa pinto. Hindi naman ako sumagot at pinakiramdaman lang kung sino iyon.


“Alexis... handa na breakfast anak”


“Sige po Manang Fe.. sunod na lang po ako” wika ko ng makumpirmang si Manang Fe nga iyon.


Nagpony tail lang ako ng buhok and then I went out of the room para bumaba na. Nang maisara ko ang pinto ay napatingin naman ako sa kaharap kong kwarto. It was the room of Anita Saavedra, my Mom.


Parang alam ko na kung saan ako unang maghahanap ng ebidensya.


Meanwhile, ipinagpatuloy ko na muna ang pagbaba sa hagdan. Kailangan ko ring lagyan ng laman ang sikmura ko bago ang bakbakan. Dahan-dahan akong humakbang pababa sa bawat baitang ng hakbang and I can feel tnow the eerie feeling. Ewan ko bakit ngayon lang. Its like there’s something different. Yes, the house is picture of what riches of ‘Saavedra’. Pero parang may iba lang.


Dire-diretso ako papuntang kusina at sa bungad nito ay nakikita kong nagluluto si Manang Fe. Nang makapasok ay umupo na ko sa mesa, I saw a plate of pasta at isang cup of spaghetti sauce. Sa isang saucer naman ay ang cheese. There is also a glass of fresh milk.


“Mangan ka lang anak ko ket agluto nak pay para ken kabsat mo.” (Kain ka lang ng mabuti anak kasi ipagluluto ko pa kuya mo)


Kuya daw? Ehmeged!!!! Kinilig ka bigla noh??? At last face to face na ang peg niyo ni Koya Lester!!!


Nakakainis. Kung pwede lang sanang hugutin yung nag-gay lango na isip na to eh matagal ko ng ginawa pero parang may sarili siyang reflex. React lang ng react eh. Hmmm... well actually hindi ko napigilang tanungin iyon kay Mommy kung nasaan na ang kuya ko. But she said na baka daw nasa Bar o nasa gimikan iyon. She further said na he will be happy to see me again.


But I doubt it.


Ayon kasi kay Bridget or Black Viper, hindi daw maganda ang samahan ng magkapatid na Saavedra. Lester hate Alexis period.


Tinigil ko na ang pagiisip and just focus on the food on my plate. Nilagay ko ang sauce ng spaghetti sa pasta and start eating. In all fairness, masarap talaga magluto si Manang Fe kahit hindi ko naman paborito ang spaghetti napakain naman ako. In the first place, hindi ako gaanong kumain kagabi dahil nga sa kadramahan ko na pagoda, keme.


“Anak, adda met cheese apay hamo kayat?” (Anak may cheese naman bakit ayaw mong lagyan yan?) tanong ni Manang Fe sa akin.


Lusutan mo yan teh!!! Hahaha.


Ito na nga ang sinasabi ko eh. Allergy ko ang cheese. Hindi pwede.


“Ahmmm Ok na po to Manang Fe, parang ayoko po lagyan ng cheese tong pasta ko”


“Aya? Ginatang ko pay ta paboritom ket” (Binili ko pa naman yung paborito mong cheese)


“Ok na po to” maikli kong sagot, hoping na hindi na siya sasagot pa.


Buti naman at nanahimik na lang to. Kung hindi, hindi ako makakahinga ng wala sa oras. i just continued eating at ipinagsawalang bahala na lamang ang lahat.


Ngunit naputol naman ang pagsubo ko ng makita ang isang shirtless na lalaki na pumasok sa kusina. He was the perfect description of a hunk dude. Naka boxers lang ito at magulo ang buhok. His eyes are a bit groggy. Gayunpaman, the guy still looks good and ahm ok.... yummy.


Incest teh? Hahahaha!!


“Adda ka metten anak ko?” (Nandyan ka na pala anak?) wika ni Manang Fe kay Lester.


“Opo... may kape po ba kayo diyan? Medyo masakit po ulo ko eh”


“Wen anak ko”(Sige anak ko)


Then Lester shifted his eyes towards me, narealize ko na kanina ko pa pala siya tinitingnan with the spaghetti still unswallowed in my mouth!


“Anong tinitingin tingin mo?” marahas nitong tanong sa kin.


“Hmmmm..ahmmbbbb” sagot ko na hindi ko alam kung may lumalabas nga bang salita sa bibig ko. Nataranta kasi ako kung paano nguyain yung spaghetti at kung ano ang isasagot ko sa kanya.


“Swallow that.. tutal diyan naman magaling ang mga kagaya niyo” wika ulit nito sa akin ng may himig sarkasmo.


Ay teh bastos!!!! Turuan mo ng leksyon yan.. Go! Transform ka ng Claudine Baretto!! Tutal half Claudine and Half Tulfo ka. Char!


“Lester” marahan ngunit may awtoridad na saway ni Mang Fe mula sa aking likuran.


Lumapit ito kay Lester para iabot ang kape na ipinatimpla nito. Nang tingnan ko naman si Manang Fe eh nakita kong parang nananaway ang mga paningin nito. Yumuko naman si Lester and just took a sip of his coffee.


Buti pa siya may kape. Hays. I miss those days na nakakainom ako ng coffee.


Ilang minuto lang ang tinagal at tuluyan ng naubos ni Lester ang kape niya, patapos na rin naman akong kumain. Dapat sana I could walk out of the kitchen para maiwasan ang kung anumang conflict sa kuya ko daw at pumunta na sa dapat kong puntahan. But for some strange reason eh parang gusto ko munang mag-stay.


Teh wag ka ng umasang ma-mi-miss ka ni koya lester. Tingnan mo binastos ka na nga.


Maya-maya pa ay nakita kong tumayo na si Lester matapos nitong inumin ang kape. Kita ko sa lakad niya na medyo may hangover pa siguro ito. Hindi naman niya ako tinitingnan. Lagi lang diretso sa kawalan ang tingin nito.


Gwapo sana no? Kaya lang bastos!!


“Hanka ba mangan anak ko?” (Hindi ka ba kakain anak?) tanong ni Manang Fe ng makita nitong palabas si Lester.


“Hindi na... nawalan na ko ng gana.. Ikaw ba naman makakita ng salot sa umaga...” sagot nito kay Manang Fe at saka nagpatuloy umalis.


Teh!! Umbagin mo na yan!!! Gow!!! Kakayanin yan ng muscles mo!!


“Awatem latta ni manong mo anak ko” (Intindihin mo na lang ang Kuya mo anak) pag-aalo sa kin ni Manang Fe na nasa likod ko na pala at hinahaplos ang likod ko.


“Ok lang po. Ganun naman po talaga si Kuya eh” sagot ko.


Pero parang mula sa puso ang sagot kong iyon. Parang hindi peke. Parang gusto ko siyang intindihin sa kabila ng sinasabi niya. Parang nararamdaman ko at naiintindihan ko ang pinagmumulan ng galit na iyon.


Standing Ovation ang drama mo teh!! Gusto mong kabugin ang GOMBURZA sa martyrdom na iyan? Hahahaha.


“Tigil.. Tigil!!!!”


“Sinot pagtalnaem anak ko” (Sinong pinapatigil mo anak?) biglang tanong ni Manang Fe sa akin.


Ano ba iyan. Dahil tuloy sa pagsaway ko sa sarili ko na mag-gay lingo eh naibulalas ko na tuloy sa bibig ko ang dapat sana sasabihin ko lang sa sarili ko.


“Ay wala po... ahmm sana po ano ah... tumigil na po yung pagtubo ng balbon ko.. Alam niyo naman po hindi ko keri ang maging balbonessa..haha” malandi kong sagot.


Naku teh halata ka... Hahaha


“Sika talaga anak... maykadtoy man arakupek ta balasang ko” (Ikaw talaga anak... Halika nga dito at yakapin ko dalaga ko) paglalambing sa kanya ni Manang Fe.


Sumunod naman ako at niyakap siya. Kahit papano ay nararamdaman ko talaga sa puso ko na totoong namiss niya ang tunay na Alexis. Kung tutuusin ay parang pangalawang Ina na rin ito dito sa bahay.


Nang magbitiw ako sa pagkakayakap ay nagtungo na ako sa labas ng kusina. Sakto naman at nakita ko si Lester na bumababa ng hagdan. He was wearing a short and and a fitted sando. Gaya ng nakita ko sa ID eh naka shades siya.


Bigla itong napatigil sa paglalakad ng nagkatapat kami. Kahit medyo malayo ang distansiya eh amoy na amoy ko ang pabango nito and I can sniff that manly scent. Hindi ko naman matukoy kung masama ang tingin nito sa akin.


Tumango na lang ako bilang pagpansin sa kanya. Yun lang ang naisip kong paraan para ipagbigay alam na ayos lang sa akin ang lahat kahit pa ganun siya magsalita sa akin.


Nakita ko namang nagtuloy-tuloy lang siya paglalakad habang ako ay napako lang sa pagkakatayo roon waiting for him to just pass by. Ngunit mali ako dahil bigla siyang tumigil when we are side to side.


“Kung akala mo magbabago ang lahat that now you are back, tell you, it wont. Im not excited about your existence” sabi nito sa akin sa mahina ngunit nakakatakot na paraan. Now I can feel the danger on his tone.


Huminga lang ako ng malalim but I wasnt able to respond. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. He hates me bigtime pero wala na akong magagawa dun. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papalabas ng bahay.


Keber na lang teh!! Pero infairness, nosebleed yung English niya wala pa namang napkin ang nose. Char!


Biglang pumailanlang sa buong bahay ang isang kanta. Naagaw naman nito ang dapat sana eh pagiisip ko sa mga sinabi ni Leser sa akin.


The song is familiar. If Im not mistaken... that’s...


Huling El Bimbo teh by Eraserheads... Ang slow ah.. It shows talaga.


“Makapamiss met deta nga kanta” (Nakakamiss din yang kantang iyan)


Nakita ko ulit si Manang Fe na lumabas sa isang sulok.


“Po?” naguguluhan kong tanong.


Kaloka ah kung ang fave na kanta ni Alexis eh Huling El Bimbo. Hahaha. Very hunk teh!! Maling mali.


“Haan mo ba malagip... Idi, Sika ti agpatukar kadeta nga kanta, paborito ni Daddym..” (Hindi mo ba natatandaan? Dati, tuwing umaga, ikaw lagi ang nagpapatugtog niyang kanta para sa Daddy mo..)


Yun naman pala eh. Well, hindi naabot ng knowledge ko iyan. Mukhang maraming alam si Manang Fe kay Daddy.


So required na araw-araw ipatugtog mo iyan teh?


“Kamukha mo si Paraluman, nung tayo ay bata pa...” naririnig ko mula sa kanta. Napaisip tuloy ako kung bakit naging yan ang paborito ni Victor Saavedra.


“Hindi ko po masyado matandaan din... baka rin po dahil sa trauma rin” pagpapalusot ko na lang.


“Pagpasensyaam latta ni kabsat mo ah? Lagipem latta amin nga nasayaat nga napasamak tapno hanka agsakit anak ko” (Pagpasensyahan mo na lang ang kapatid mo kung nakakadagdag pa siya ng sama ng loob mo.. Alalahanin mo na lang yung mga masasayang ala-ala dito sa bahay”


“Ok lang po ako” tipid kong sagot.


Nagkibit balikat na lang ako, ayaw ko ng palakahin masyado ang issue na yun.


Ikaw na teh!!! Ikaw na talaga...


Nagmasid ulit ang aking mga paningin sa kabuuan ng bahay. Napako naman ang aking atensyon sa painting na nakasabit sa dingding. It was a sketch of Victor Saavedra’s face. Lumapit naman ako ng para matingnan ng mas maigi ang painting.


Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang maliliit na letra na naisatitik sa pinakasulok ng larawan.

*PARA* *LUMAN*


Paraluman. Iyon ang kalalabasan kapag pinagdikit ang dalawang salita. Kung painting ang paguusapan ay inilalagay ng mga tagapinta ang kanilang initial o pangalan sa portion na ito ng painting para ipagbigay alam na sila ang artist na nagpinta.


“Nagpintas aya? Naala mi deta idjay kuwarton Mommy’m. Inpababa da idtoy manipud idi awan ni Daddym” (Ang ganda noh? Ipinababa iyan ni Mommy mo mula sa kuwarto nila, noong pumanaw ang Daddy mo)


Tumango tango lang ako bilang pagsang ayon. Kung sa kuwarto ito nagmula then I bet mas may mga nakatago pang impormasyon sa kuwartong iyon.


I never thought that it will be this easy. Hindi naman siguro coincidence. Paboritong musika ni Victor Saavedra ang Huling El Bimbo kung saan nabanggit si Paraluman at ang painting na iginuhit ni *Para* *Luman*.


Hindi pwedeng walang koneksyon.


“Manang, baka po magpahinga muna ako sa taas”


“Sige lang anak ko.. Inak met agdalus” (Sige lang anak ko, Maglilinis muna ako)


Iyon lang ang naging usapan namin at dali dali akong umakyat sa taas ng makita kong nawala siya sa paningin ko. Ilang saglit pa ay nasa harapan na ko ng kuwarto ng mag-asawa.


Dahan-dahan at sigurado ang aking mga galaw. Pumasok ako ng marahan sa kuwarto, careful enough not to create a squeaky sound. Mahirap na.


Nang makapasok ako ay bumulaga sa akin ang isang malaking kama. Simple lang ang disenyo sa loob di tulad ng aking inaasahan. May isang malaking cabinet na nasa loob. Nang buksan ko ito ay nakita kong puro damit lang naman ang laman nito.


Dumako naman ako sa drawer ng mga mesang naroon sa loob. Kung walang lock ang iba naman ay puro alahas ang laman. Sigurado ko na isang alahas lang ang kunin ko ay milyon ang halaga.


Tumagal ng ilang minuto ang paghahalughog ko, nakakita rin ako ng mga papeles sa study table na nasa loob ngunit wala namang silbi ang mga ito. Mga papers sa casino, mga financial statement. Mukhang wala naman yata akong mapapala.


Nagisip akong mabuti. If a person has this sentimental thinggy? Saan niya to itatago?


Teh.. ang tagal mo na.. Isip dali!!!


Sa ilalim ng kama kaya?


Dali-dali naman akong dumapa. And right there I saw a small box. Inabot naman ng aking kamay ang maliit na box na iyon. Its kinda dusty. Kulay brown siya.


Dahan-dahan ko naman itong binuksan. Ngunit nadismaya lang ako dahil wala naman pa lang laman ang box na iyon.


Naglalata na lang na napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa animo’y malaking espasyo ng box na iyon. Wala ata akong mapapala dito. Might as well get out. Sa tingin ko naman ay na-examine kong mabuti ang buong kwarto.


Luz Valdez teh...!!! Kung booking yan... Waley ang effort mo!


Wala akong nagawa kundi abutin ang takip ng box at ibalik iyon sa dati nitong kinalalagyan.


Waitsung teh!!! Sight mo ang cover keme!! Now na!!


Nahagip ng mata ko ang cover ng box. Hindi ko napansin na waring may nakasulat sa ilalim nito. Tiningnan ko naman ito ng malapitan at tama nga ang hinala ko. Agad ko naman itong binasa.


Hindi ko alam kung paano mo ko nagawang kalimutan

-Paraluman



So totoo ang hinala ko? Na si Paraluman ay hindi aksidenteng naisatitik sa painting at nabanggit sa paboritong kanta ni Victor Saavedra?


Im drowned by questions now.


“Anong ginagawa mo dito????”


Sukat sa narinig kong sigaw ay bigla kong naitakip ang hawak ko sa maliit na box at talagang nabigla ako sa pagkakarinig ng boses sa aking likuran. Lumingon naman ako para kumpirmahin kung sino ang nasa pintuan.





Si Lester Saavedra.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment