Monday, January 7, 2013

Strange Love (01-05)

By: Chris Li
Blog: mydenoflions.blogspot.com


[01]
"Bakit… ", retorikang tanong sa kanyang sarili.


Patuloy ang paglalakad sa hindi malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.


Mahigit isang oras na simula nung iwan niya sa paborito niyang lugar ang taong sobra nyang pinahalagahan. Nakaramdam na rin siya ng pagod at tumigil, nagpalinga-linga ito sa paligid ngunit hindi na niya alam kung anong lugar na siya napadpad. Naawa siya sa kanyang sarili at pinilit iwinawaksi ang mga alaala gusto na nyang burahin.



-----------------Mikael

"Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito kakahintay sayo."


"Jun pasensya na ,naliligaw kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."


"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka pa?Tang...”,

Hindi na nito naituloy dahil may umagaw sa kanyang cellphone.


"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita."


"Kuya Jaime ok lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the toll gate."


"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung hinintayin pa namin matunton mo ‘tong resort baka abutin pa ng bukas bago pa kami makakain!", sarkastikong sagot nito.


Napangiwi ako sa pagbikas nito sa aking buong pangalan, batid ko na naiinis na ito sa akin dahil dalawa lang ibig sabihin nang pagtawag nito sa akin ng ganito. It's either naglalambing ito dahil may pabor or naiinis na.


"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman ‘tong nagsabi na wag tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", panunuya sa kanya ni Coleen.


"Ah, basta nasan kana?", seryosong sabi ni Kuya Jaime.


Matapos na sabihin ang mga bagay na nakikita ko sa paligid dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan na ako. Napagkasunduan na lang naming sa nadaanan kong bayan na lang ako maghintay para mas safe daw ako at hindi na sila mag-alala.


Masaya ako at nakilala ko ang mga taong ito, dati wala ako sinasamahan na kaibigan. Loner kung baga, maybe because I don't want to get too close sa mga tao dahil I don't want them to hate me/ If they'll come to know the real me but now, I'm taking chances and risks. Bahala na, ang mahalaga ngayon ay sulitin ko ang bawat pagkakataon na kasama ko pa sila.


"Hay, si Kuya Jaime talaga ang kuliiiiit!", inis na sambit ko pero may halong kilig ‘pag naalala ko ang pambubuking ng aming kaibigan kay Kuya Jaime.


Dati rati hindi kami malapit sa isat isa. Marahil sa iba ang interes naming dalawa. Ako, tahimik lamang at mahilig lang mag-basa, makinig ng music at manood ng horror movies, super home buddy. Samantalang si Kuya Jaime ay outgoing, isa ito sa sikat na tao sa aming college hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil sa mga kalokohan nito.

Nariyan ang pagdadala nito ng alak habang nagkakaklase, pakikipagpustahan habang naglalaro ng baraha sa may library at kung ano ano pa. Palibhasa, APO LANG naman siya ng may-ari ng eskwelahan kaya walang palag ang sinuman sa kanya.


-----------


"HOY!ikaw! Hindi mo ba ko naririnig?Ang angas mo ha!""


Napatigaga ako sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko na. Hindi ko namalayan na dito ko natuon ang aking pagkakatulala sa lalim ng iniisip. Malaking tao ito ngunit hindi man kalakihan ang katawan masasabi mong matigas ang mga muscle nito. Maputi ang kanyang balat na mamula-mula, mestisong arogante sabi ko sa sarili ko.


"Nakakaloko ka ha, nababakla ka ba sakin at kanina ka pa nakatitig sakin?!”, sabay tulak nito sa kaliwang balikat ko.


Nagpintig ang tenga ko sa narinig na salitang iyon, oo alam ko. Pero ayokong tinatawag ako ng ganun. Bakit? Kasi naging ganito lang naman ako dahil sa taong piniling mahalin ng puso ko.


Tama, alam ko na ang gagawin ko sabay ngisi sa aking sarili.


"Bakit pare, ang yabang mo ha! Sino ka ba sa tingin mo at akalain mong ikaw tinitignan ko?! Baka ikaw ang bakla, pare! Hahaha…", namula ito, senyales na galit na galit na ito sa akin. Ayos!


"Oh, bakit natigilan ka? Nabahag ba ang buntot mo at nakita mo ang kagwapuhan ko?BAKL...", napabulagta ako sa sahig at naramdaman ko ang pag-init ng mga labi ko. Pinahid ko ang aking mga kamay sa lugar na iyon, tama ako dumudugo na ito. Hindi pa man ako nakakabangon ng tuluyan ay sunod-sunod na akong pinaulanan ng suntok at tadyak ng mestisong arogante.


Hindi na ako lumaban, nanghihina na rin ako sa gutom at pagod. Ito naman talaga ang gusto ko. Baka sakali mawala na ang sakit. Tatahimik na ang mundo ko, mas mabuti pa kesa mabuhay na kada pag-gising ko, laman kaagad ng isip ko ang pagkabigo.


"Tama na yan Homer! Pare, baka mapatay mo po yan.", pag-aawat ng isa ata sa mga kaibigan ng aroganteng mestiso.


 "Stay out of this, Zach!", pagpiglas nito sa kasama at ambang babalikan pa ako habang nakahandusay ako sa kalsada. Narinig ko itong sumigaw pero hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil namamaga na ito at mahapdi.


"Walang hiya ka Zach! Ano itong tinusok mo sakin?!", sabi ni Homer, hindi ko sigurado kung ano ang nangyayari pero tingin ko may bumagsak na ito. Minulat kong pilit ang isa kong mata, tama nga ako, nakadapa na sa sahig at wala ng malay ang mestisong arogante na si Homer.


"Pampakalma…", kalmadong sambit nung Zach sa ngayon wala nang malay na kaibigan, sabay hugot nito sa kanyang cellphone.


"Migz, pare napaaway si Homer. Pakidala naman dito sa entrance ng bar yung sasakyan nya. Titignan ko pa yung napuruhan ng gagong ‘to. Sige pre…"






----------------Zach

Nilapitan ko ang lalaking nabugbog ng pinsan ko. Kaawa-awa ito at sobrang napuruhan. Puro galos at dugo na ito, tinignan ko kung may pulso pa ito. Ngunit ano ito… Luha??


Tinignan muli ni Zach ang mukha ni Mikael at kinilatis. Hindi nito mawari kung bakit tila kinurot ang puso niya. Naisip niyang hindi dahil sa sakit ng katawan ang pagtangis ng lalaking nasa harap niya ngayon. Unti-unti niya itong binuhat para dalhin na sa ospital ng makasalubong nito ang kanyang mga kaibigan.


"Migz kayo na lang muna maghatid kay Homer, dalhin ko lang ang isang ito sa ospital, baka hindi na abutin sa grabe ng pagkakabugbog ni Homer sa kanya.”


"Sige pare, kami na bahala sa gunggong na ito.", napapalatak na wika ni Migz habang tinitignan si Mikael at Homer. "Ok pa ba yan? Parang hindi na humihinga ah.", dagdag pa nito.


Agad tumakbo si Zach papunta sa kanyang kotse ng makita nga nitong hindi na humihinga ang taong karga-karga niya.


"’Wag kang bibitiw please! Kailangan mong mabuhay! ‘Wag mo kong bigyan ng sakit ng ulo!", tulirong sambit nito sa taong karga-karga niya.




----------------Mikael


"Ang sakit na ng buong katawan ko pero bakit ganun? Wala pa rin ito sa sakit na dinulot mo sakin Kuya Jaime…", mapait na nasambit nito habang dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mukha.


"Kunin niyo na lang ako Diyos ko! Kung ganito lang din pala mararanasan ko… Binigyan Niyo nga ako ng taong magpaparamdam sakin na may HALAGA AKO. Pero ano!! Ano ang nangyari! Siya pa itong nagdudulot sakin ng ibayong sakit ngayon. Bakit pa?? BAKIT PA KITA MINAHAL JAIME!", pilit niya itong gustong isigaw ngunit wala na siyang lakas para mag-salita pa. Gusto niya mag-wala pero hindi na nito mai-kilos ang kanyang katawan.


“Marahil, ito na huli kong sandali,” pagtangis pa nitong muli sa kanyang sarili. “Marahil wala nga talaga akong karapatan lumigaya dahil BAKLA ako. Marahil, lahat ng naranasan kong pag-mamahal ay awa lang… Dapat hindi na lang ako nabuhay. Bakit kasi ang TANGA TANGA mo Mikael?! Sinabi ko na sa iyo diba lumayo ka na, pero ang tigas ng ulo mo at umasa ka pa rin na mamahalin ka niya.”, patuloy ang kanyang paghihinagpis sa kabila ng kalagayan ng katawan. Lungkot at pagka-awa ang nararamdaman nito sa sarili.


Naramdaman nalang niyang may bumuhat sa kanya, mainit sa pakiramdam ang mga bisig nito. Hindi niya maintindihan kung bakit kumportable siya dito at ligtas siya sa mga bisig nito. Sinubukan niyang imulat ang mga mata niya ngunit hindi na niya magawa. Hindi niya maintindihan ng may sinabi ito pero alam niyang takot ang boses nito.


"Stay with me please!", narinig niyang nagsalita muli ito bago siya tuluyan nawalan ng malay.





Ang hirap paniwalaan na magkakasundo kami ni Kuya Jaime. Kung tutuusin sa unang pagku-krus ng aming landas akala ko magiging mortal na kaming magkaaway. Siga ito at walang sinuman ang hindi mangingimi kapag nakita siya. Lahat nang gustuhin nito nakukuha niya. Siya ang tinaguriang “campus bully”.


"Nerd! Gawin mo nga ‘tong project ko kung ayaw mo masaktan.”, sabay hagis sakin ng mga materials sa paggawa ng lamp shade.


Nagpanting ang tainga ko nun, "Nerd?! Gago ka pala eh! Bakit hind ikaw gumawa niyan? Kaliit-liit na bagay lang hindi mo magawa? Anong silbi ng malaki mong katawan?? Ano yan panay hangin lang laman?!", singhal ko sa kanya.


Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Oo, inaamin ko na. May gusto ako kay Kuya Jaime noon pa man. Kahit marami ‘tong kalokohan eh may nasaksihan din naman akong kabutihan nito. Iyon ang nagpabago sa tingin ko sa kanya. I don't know what happened to me at sinagot ko siya nung mga oras na yun. Marahil gusto ko din makita at makausap siya ng matagal. Yun nga lang nag-away kami.


"Tarantado ka pala eh!!", ambang susuntukin na niya ko ng pinigilan siya ng kaibigan niyang si Jun.


"Pre, tama na yan. Tara na, kain na lang tayo. Mikael, pag pasensyahan mo ‘tong si kolokoy ha. May pinagdadaanan kasi. Hahahaha… Nireregla ata. Nyahahaha.", malokong tawa nito na siyang dahilan kung bakit siya nabatukan ng una at umalis ng walang pasabi.


"Naku, patay na. Nagtampo na. Pre, sandali lang!", pinigilan ko si Jun habulin ang kaibigan nito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para gawin yun. Ang alam ko lang gusto kong kausapin si Jaime lalo na nung nakita ko ang mukha niya noong binuking siya ni Jun. Galit, pero ubod ng lungkot ang mukha niya bago ito tumalikod at umalis. Kinurot ang puso ko na makita siyang ganun. Ang masayahin at malokong si Jaime hindi ko akalain na may ganito siyang side, napapahiya rin pala siya.


"Jun, ako na kakausap sa kaniya. Napasobra ata yung sinabi ko din kanina."


"Naku, ‘wag na baka magrambol pa kayo.", napakamot sa ulo nitong sabi.


"Sige na Jun, oh… Don't worry I won’t provoke him, pleeeease.", sabay bitiw ng matamis na ngiti.


"Haynaku Mikael, gamitan ba ako ng pamatay mong ngiti? ‘Wag ganun pre!," sabay kamot sa ulo ng makitang hindi pa rin ako tumitigil sa pag ngiti, "Hahaha… Sige na nga! Malamang nandun yun sa may tree house."


Dali-dali akong nagpunta sa Mini Park kung saan nakatayo ang Tree House ng school. Gawa ito sa kawayan kaya napaka-presko doon at paboritong puntahan ng mga estudyante. Tuwing hapon lang ito binubuksan para na rin hindi ito gawing lugar para sa mga nagka-cutting classes.


Pagdating ko sa lugar, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Habang umaakyat lalong tumitindi ang pagkabog ng dibdib ko, baka kasi ihulog ako ni Jaime pag nakita niya ako. Hahaha! Isa pa, hindi ko rin alam kung ano sasabihin ko, bahala na nga! Nasa huling baitang na ako nun at tinignan ang paligid ng Tree House.Malamig ang simoy ng hangin sa loob dahil na rin sa bukas ang bawat bintana nito. Ayun siya, nakaupo at nakaharap sa veranda ng Tree House. Maganda ang tanawin sa mga oras na iyon dahil papalubog na ang Haring Araw.


"Jaime… Pwede ka bang makausap?... Hihingi lang sana ako ng tawad sayo sa mga nasabi ko kanina.", hindi ito umimik kaya nagpatuloy lang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.


"Pasensya ka na ha, nasobrahan ako sa pagsasalita sayo. Ikaw naman kasi eh, tinawag mo kong nerd. Pwede naman kita tulungan sa project natin pero ‘wag mo naman ipagawa sakin lahat.", payuko akong nagsalita ngunit, narinig ko siyang humikbi kaya naman napatingin ako sa kanya. Tama nga ako, nakita ko siyang umiiyak. Nakonsensya ako at ganito pala naging epekto ng mga sinabi ko sa kanya.


"Jaime, I’m really so...."


"Don't say sorry.", impit niyang sabi. "I'm not crying because you've embarassed me.", malungkot nitong sabi.


Seryoso ito at puno ng lungkot ang kanyang mukha. Tila bang sobra-sobrang sakit ng nararamdaman nito ngayon. Ano ba kasi nasabi ko at naging ganito na lang ang paghihinagpis nito.


"Ok, but still, I’m sorry sa mga sinabi ko kanina, alis na ko Jaime…", akmang tatayo na ko at aalis ng hawakan niya ang aking kamay at marahang hinatak.


"Huwag ka muna umalis… Please… Samahan mo muna ako dito. Ayoko na mag-isa.", paputol-putol ito nagsalita habang nakatingin sakin at parang batang nagmamakaawa ang mga mata nito. Naramdaman kong nadudurog ang puso kong makita ang mukha niya, sobrang lungkot nito.


Umupo ako at inilabas ang panyo ko. Ito ang pinaka-paborito kong puting panyo. Bigay sakin ito ng namayapa kong ama noong paslit pa ako at umiiyak sa tabi ng kanyang kama. Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap ng mahal kong Itay.







“Itay, ‘wag mo kaming iwanan ni Inay. Hindi ka ba naawa sa amin, Itay?”, patuloy ang pagsinghot ko sa tumutulo kong sipon noon at ipinampapahid ang aking isang braso sa aking mga mata. Habang si Inay nasa bandang ulo ni Itay at hinahaplos ang kamay nito.


"Mikael… ”, sambit ni Itay habang hinahaplos ang aking buhok.


“…anak ko, ok lang ang umiyak ka pero sana siguraduhin mo na kapag umiiyak ka eh may kasama ka, para panatag si Itay... Na kahit wala na ako… Merong umaalalay sayo sa bawat hirap ng buhay." Lumuluha na rin ang itay noon dahil ito ang isa sa mga huling sandali niya sa mundo. Malakas na ang iyak ko nun at humihikbi na parang hindi na makahinga pati si Inay hindi na mapigilan ang pag-iyak niya sa kalunos-lunos na kalagayan ni Itay.


"Kunin mo ito anak," sabay abot sakin ng panyo. "Kapag nalulungkot ka at wala kang kasama, sana itong panyong ito… ang maging simbolo na narito pa rin ako para sa iyo. Anak… ayokong nakikita kang nasasaktan, alam mo ba iyon. Pero ako pa ngayon itong dahilan ng mga luha mong iyan. Paalam na muna anak ha… Patawarin mo ko at hindi kita masasamahan sa paglaki mo. Mahal na mahal kita anak..." Pumikit na ito at unti-unting kumawala ang hawak nito sa kamay ni Inay. Hindi magka-mayaw ang paghagulgol namin ni Inay noong mga sandaling iyon. Ang kwartong iyon ang nagging saksi sa aming panaghoy at pag-iyak sa pagkawala ng haligi n gaming tahanan… ng aking Itay.








Hindi ko maiwasan maluha habang naalala ko ang mga sandaling iyon. Palihim kong pinahid ng aking mga kamay ang mga kumawalang luha sa aking mata, tsaka ko iniabot kay Jaime ang panyo.


Takang tingin ang binigay niya sa akin habang umaagos pa rin ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi. "Bigay sakin yan ni Itay, sana mapatahan ka niyan tulad ng ginagawa nito sa akin kapag nalulungkot ako at umiiyak."


"Sabi niya sa akin hindi ko daw kailangan mag-isa sa bawat hirap kaya na rin siguro binigay niya sa akin yan. Jaime… I know I’m not in the position to ask you what you're going through right now. But, I'm willing to listen kung yan ang ikakagaan ng pakiramdam mo.", pagpapatuloy ko sa pagsasalita habang kinuha na nito ang panyo at tinignan.


Right there and then, from his tearful eyes he let out a scream of agony. Itinago niya ang kanyang mukha habang umiiyak sa panyo ko. Lumapit ako at hinaplos ang kanyang likod habang patuloy siya paghagulgol.


"I feel empty Mikael…”, humihikbi nitong sabi habang nakasubsob ang mukha sa aking panyo. Para itong bata kung ipahid ang mga mata nito. “Alam ko you're surprise to see me like this. It hit me hard when you say those words to me kanina. Tama ka naman eh, useless ako. I actually envy you, kasi kahit na loner ka sa school, you seems to be fine and peaceful. Eh ako?? Ang dami ko ngang kabarkada, but none of them are true."


Na-guilty ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na yung panunuya ko ay may malalim na impact sa kanya. Words are really powerful, nasabi ko nalang sa sarili ko.


"Jaime, I'm sorry… At ano ka ba, akala mo lang yun na ok lang ako sa lahat, nakakalungkot din kaya mag-isa no. Hehe", pilit kong pagpapatawa sa kaniya.


"Then don't be. At hindi mo naman kasalanan na masabi mo yun kasi may katotohanan naman lahat ng sinabi mo. I should be the one to say sorry kasi ang angas ko sayo."


            Pinahid na nito ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tumigil na siya sa pag-iyak. Gabi na rin noon kaya naman ang mga hand-made lamps na lang ng Tree House ang ilaw sa paligid.


Suddenly, he looked at me. Dahil sa magkatabi kami, ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha. Maaliwalas na ang mukha nito. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko, halong kaba at hindi ko malamang pakiramdam ang nangyayari sa panahong iyon. He's really handsome, ganito pala ang itsura niya kapag hindi siya nag-aangas. Maamo at napakaganda ng kanyang mga mata. Ilang Segundo rin kami sa ganoong ayos ng nagsimula siyang magsalita.


"Thank you." Garalgal niyang sabi sa akin. "Hindi ko inexpect na ikaw pa ang makakaintindi sakin."


"Wala yun,no.", sabay tingin ko sa malayo dahil hindi parin matigil ang puso ko. ‘Ano ka bang puso ka tumahimik ka na nga, isasako kita sige ka!'


"At alam mo, hindi totoo na wala kang tunay na kaibigan, nandyan si Jun. Nag-alala kaya siya nung umalis ka! Pero, nagpumilit na ako nalang kakausap sayo, para na rin personal na humingi ng paumanhin."


"Tama ka, kahit gago yun si Jun eh kaibigan nga turing niya sakin, ako lang itong bulag-bulagan sa kung ano ang tunay sa hindi. Ikaw din naman diba? Kaibigan kita."


Napalingon ako sa mga sinabi niya, dahil hindi ako makapaniwala na si Jaime Serafin ay gusto ako maging kaibigan! Ang tamis ng ngiti niya sakin, wah para akong matutunaw.


"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka? Hindi mo ko kilala baka pagsisihan mo lang sa huli." Malungkot kong sambit, dahil batid ko pag nalaman niya ang aking pagkatao eh itatakwil niya lang ako.


"Oo naman, sigurado ako. Sa ginawa mo pa lang ngayon, I'm sure I would not regret this. At isa ito sa mga desisyon na alam kong tama at proud akong gawin. I can see you are a great person Mikael. Hindi ko nga alam sayo bakit aloof ka sa mga tao but, it seems that you have a lot to say, so much ideas. Malalim kang tao Mikael and I know marami akong matutunan sayo. Right, bunso?hahahaha …"


"Bunso?”, taka kong tanong.


"Yep and I'll be your Kuya from now on. Ipagtatangol kita sa mga mangbu-bully sayo at ikaw naman bunso ang takbuhan ko kapag ako naman ang inaaway ng sarili ko." ngingisi-ngisi nitong sabi.


"Ah. Tama na nga yan gutom na ako, tara na baka maabutan pa natin si manong magtataho sa gate."


"Thank you ulit bunso, can I keep this for now?", patukoy sa panyo ni itay.


"Opo, sige Kuya sayo muna yan hanggang kailangan mo", ngumiti ito at bakas sa mga mukha ang tuwa. “Oh, bakit ka nakangiting bulldog dyan?", pang-aasar ko sa kaniya dahil ito nanaman ang lintik kong puso titibok-tibok na naman. Imp!


"Kasi ang sarap pakinggan nung tinawag mo kong Kuya, bakit ba!?", sabay alis at tinungo ang hagdan pababa.


"Ang mahuli, MANLILIBRE!", sabay takbo nito.






“Hoy, bungol! Bakit ka napapangiti dyan, para kang baliw."


Dumating na pala si Jun at Kuya Jaime, ang lalim ng pagbabalik tanaw ko ni hindi ko namalayan ang oras. Wow! Ang gwapo ni Kuya Jaime sa suot niyang board shorts at sanding pinatungan niya ng polo, ang yummy!


"Wala kuya, nakita kasi kita. Ang gwapo natin ah." pangiinis ko sa kaniya at nakita kong namula ito pero itinago kunyari habang hinatak ako palabas.






Tok!Tok!tok!


Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Inilibot ko ang aking mata at pumasok ang isang nurse. Nasa ospital pala ako.


"Good morning po Sir Jan, kukunin ko lang vital signs po ninyo. May masakit pa po ba sa inyo?", magalang na salita nito.


"Ok naman ako Miss.", hiya kong sambit habang chini-check ang blood pressure ko. "Sino po nagdala sakin dito?", umaasa akong si Kuya Jaime ang nagdala sakin dito. Bumalik ang sakit na hindi ko pa rin siya makalimutan at sobrang namimiss ko na siya.


"Hindi ko rin po alam yung details eh, pero sige po itatanong ko sa Nurses' Station, balikan ko po kayo sa susunod kong pag-check po sa inyo. Sir, kung sakali po may sumakit po sa inyo pindutin niyo lang po 0 sa ating telepono para makpagrequest po kayong mabigyan ng pain killer.", ngumiti ito at bago siya umalis nagtanong ulit ako. "Miss, pwede niyo na ba ako ma-discharge? Kasi hindi ko kaya magbayad para dito."


"Tanungin ko po si Doc. Pahinga ka na muna Sir, lumabas lang po saglit yung bisita niyo para bilhan daw po kayo ng pagkain."


"Sinong bisita?"


"Si Ms.Coleen po. Sige Sir check ko po muna yung ibang pasyente. Tawag lang po kayo ‘pag may kailangan po kayo.", at sinara na nga nito ang pinto.


Si Coleen ang isa sa mga kaibigan namin na talagang malapit sakin. Siya din ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman at ang tunay kong pagkatao. Bumukas uli ang pinto at inasahan na si Coleen ang iluluwa nito, ngunit laking gulat ko kung sino ang nasa pintuan.


"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"







............itutuloy


[02]

-------Zach

            Tulirong-tuliro ang isip ko habang isinasakay ang taong binugbog ni Homer. Ayokong makakita ng namamatay, ayoko! Ni-recline ko ang passenger seat para mapahiga ko ito at dali-dali akong pumasok para madala na ito sa ospital.

            Ang tanging nagpapanatag sakin ng mga oras na iyon ay ang patuloy nitong pag-iyak. Senyales na buhay pa ito at nawalan lang ng malay. Halong awa at inis ang nararamdaman ko parang sa taong ito. Awa, dahil hindi ko alam kung bakit ito umiiyak habang walang malay; Inis, dahil kasalanan niya kung bakit nasa alanganin akong sitwasyon ngayon at anytime soon baka makakita nanaman ako ng naghihingalong tao at mawawalan ng buhay. Diyos ko, ‘wag naman po!

            Pagkarating sa ospital, agad ko itong kinuha at nagsisigaw sa loob ng emergency. Hinarang ako ng isa sa mga nurse at may kung ano anong tinatanong.

“Sir, kumalma muna kayo at fill-upan niyo ho muna itong form…”, sabi ng nurse. Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya.

“Ganito ba talaga dito, ha! Can’t you see that WE have an emergency here at gusto mo pang magfill-up ako kaysa ASI-KA-SU-HIN niyo na ‘tong taong ito bago siya malagutan ng HININGA!, sigaw ko sa kanya, napatanga ito saglit pati narin ang ibang mga nurses.

Pagkatapos ng scenariong iyon, one of the nurses brought a stretcher and take the man I was carrying. They rushed him to the E.R. and left me standing in the middle of the hallway. I can’t believe what just had happened, I swear I could have fainted dahil sa kaba at pagkabog ng mabilis ng puso ko.

            Pinilit ko ang sarili kong kumalma at naupo sa may waiting area malapit sa E.R. Iniabot na rin ng nurse na nasigawan ko kanina ang information sheet.

“Miss, sorry kanina… hindi ko na kasi alam gagawin ko eh.”, napapiling kong sabi.

“Sir, ok lang po yun, mali ko din po, paki fill-upan na lang po ito Sir”, pilit itong ngumiti sakin, marahil sa takot na masigawan ko ulit.

“I don’t actually know that person, pwede bang pakikuha na lang yung personal belongings nya baka may ID doon at ako na bahala sa expenses.”, pag-amin ko sa kanya.

“Ah… eh sige po Sir, pahiram na lang din po muna ng ID po ninyo Sir, for our reference na rin po.”, mahinang sambit nito, maarahil talaga ay takot pa rin ito sakin. Iniabot ko sa kanya ang driver’s license ko at umalis na ito.


May isang oras din ako naka-upo at hinihintay kung ano na kalagayan ng misteryosong taong dinala ko dito. Until now, I couldn’t forget his face, puno ito ng lungkot. Bigla ko ding naalala, noong binuhat ko ito ay pilit nitong isiniksik ang kanyang sarili sa mga dibdib at bisig ko. Para itong bata na naghahanap ng kalinga. Nasa ganito akong gunita ng lumabas ang doctor. Agad akong tumayo para ito ay kausapin.


“Kamusta siya, Doc?”, alala kong tanong.

“It’s been a close call, hijo.”, sagot nito. “Kung nahuli ka pa siguro ng dating mahihirapan kaming i-revive siya. But now, he is stabilizing, we’ll transfer him after an hour kapag ok na siya. Kindly go to the Nurse’s station for the arrangemet you like to do. Excuse me, I have another surgery to make.”, mahabang paliwanag nito.

“Thank you, Doc”, iniabot ko ang aking dalawang kamay sa kanyang kanang kamay para mag pasalamat, bago siya umalis.


Whew! Close call? Buti na lang talaga, sambit ko sa sarili ko. Nagtungo na ko sa counter to pay the bills at makapag-request ng room na lilipatan niya. I told the nurse to call me kapag may nangyaring aberya habang wala ako. Kailangan ko na din umuwi at magpahinga dahil na rin sa may mahalagang presentation ako ng araw ding iyon.

Mag-aalas tres na ng gabi nang makarating ako sa condominium na tinutuluyan ko. I really feel exhausted kaya hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit. Naka-tulog ako sa sofa kahit na ang lagkit ng pakiramdam dahil sa pinaghalong pawis at dugo.




“Kuya? Kuya gumising ka, wag ka naming ganyan oh.”, umiiyak ang isang binatilyo.

“KUYAAAAA! Please gumising ka. KUYAAAAAAAAAAAAAA!”




            Nagising ako sa mapait na bangungot na iyon. Ito na lang palagi ang panaginip ko sa bawat pipikit ako. Alas Siyete pa lang ng umaga at nag-decide na akong maligo, dahil wala naman ako kasama sa bahay, malaya kong hinubad ang aking mga saplot. Nagtungo ako sa banyo at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin.

“Ang gwapo mo talaga, pare kahit puyat ka.”, parang tanga ako habang pinupuri ang sarili.

Binuksan ko ang dutsa ng shower at tinimpla ito ayon sa temperaturang gusto ko.Matapos maligo at mag-sipilyo, tinungo ko na ang aking kwarto at nagbihis ng pambahay. I checked my phone at dun ko lang napansin na marami pala akong tawag galling sa opisina. I quickly dialed my secretary’s number.

“Hello, Sherry? Tumatawag kayo sakin? Is there a problem?”, ganito kasi talaga ako, masyadong worried over things, kaya nga inaasar ako ng mga pinsan ko na masyado daw akong stiff at seryoso sa lahat ng bagay. Ang boring ko daw.
                                                                                                  
“Sir Zach, wala naman problema actually sa atin but, our client Mr.Chen, cancelled our meeting for today. He already apologized kasi he needs to be with his son daw. He’s asking you to have it re-sched, important matter lang talaga.”, maarteng pagpapaalam saking ng secretary ko.

“Ah ganoon ba,sige sabihin mo no problem, we can have our meeting anytime this week, ipareha mo na lang yung free time naming, is that clear?”

“Yes Sir, I’ll be on it after this.”

“Alright, thank you Sherry. Bye.”, at pinutol ko na nga ang linya.


            Kabababa ko pa lang ng telepono nung mag-ring ito ulit. Tinignan ko kung sino ang tumatawag nang ganitong kaaga. It’s Homer. Agad na nag-init ulo ko nung maalala ko yung nangyari kagabi, kung saan ako naipit.

“Tarantado ka Homer!”, bungad ko agad sa sira ulo kong pinsan. “Just so you know, dahil sa kagagawan mo eh muntik na kong mag-iwan ng bangkay sa ospital. Alam mo kung bakit?! Dahil lang naman yung binugbog mo kagabi eh lamog na lamog na nung dinala ko. Tangna naman, pinsan! Naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo pero yung makapatay ka ng tao na walang kinalaman?? Sobra na ata iyon.”, pasigaw at ubod ng inis kong sinabi sa kanya, mataman lang ito nakinig bago ito nagsalita.
“Sorry Zach… I know that I’ve put you to a very difficult situation last night. I’m truly sorry Zach… Kaya nga din ako tumawag sa iyo ng ganito kaaga dahil sa guilt at para malaman na din kung ano pwede kong gawin. Zach, please ‘wag mo na ko sigawan I already feel the guilt hindi mo na dapat dagdagan.”, naramdaman ko naman ang sincerity nito sa paghingi ng tawad and the way his voice cracks, I know super guilty na nga ito.

“Ok na yung binugbog mo, the doctor said it has been a close call for that person, but he’s stable na daw. Probably nasa private room na siya ngayon. Binayaran ko na din yung bill kaya may utang ka sakin!”

“Thanks ‘tol, pwede mo ba ko samahan sa kanya. I will make an apology and at least explain myself for that kind of behavior na pinakita at ginawa ko sa kanya.”, malungkot pa rin ang boses nito, batid ko ang pinagdadaanan ng pinsan ko kaya hindi ko siya tuluyang masisi sa nagawa niya.

“Ok, sunduin mo na lang ako dito, pahinga muna ako dahil wala pa talaga akong sapat na tulog.”, inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng table malapit sa kama ko at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog pero hindi ko nagawa. Naisip kong muli ang itsura ng lalaking niligtas ko kagabi. Bakit ba ako nahihiwagahan sa kung bakit siya umiiyak. Hindi ko din makaila na maamo ang mukha nito sa kabila ng mga pasa at bukol nito. Umiling ako para maiwaksi ang naiisip at pumikit muli at tumuloy matulog.

Kriiiiiiiiiiingggg!

Napabalikwas ako sa tunog ng doorbell dahil kakapikit ko pa lang. But when I checked the time naka-isang oras din pala ako natulog. Patuloy sa pag-doorbell ang taong nasa pinto.

“Sandali lang! Nariyan na.”, sigaw ko habang tinutungo ang pinto.

“Ready?”, It was Homer. He looked at me from heat to toe kasi hindi pa ko nakabihis. Naka-sando at boxer lang ako that time.

“Diba sabi ko matutulog pa ako.”, pagdepensa ko kahit hindi pa man ito tinatanong kung bakit hindi pa ako bihis. “Sandali lang at magbibihis na ako.” Hindi ko alam kung bakit yamot ako nun kahit pa sa byahe at pagdating sa ospital. Dala na rin siguro ng wala akong tulog and idagdag mo pa yung stress na dulot ng nangyari nung gabi.

“Miss, saan po ninyo nilipat yung taong dinala ko dito kagabi?”, I flashed a dashing smile sa nurse na nasa front desk.
“Ah Sir… Kayo po pala, nasa 207 po siya Sir.”, tugon nito habang namumula. Pamatay naman kasi talaga ang ngiti ko. Hahahaha!

“Ok, thanks… Tara, pinsan sa 207 daw.”

Umakyat na nga kami sa 2nd floor ng ospital, kinabahan ako bigla kasi baka kung anong gulo na naman ang mangyari. Hayyyy, Mr.Worried talaga ako! We’ve found the room at may kalalabas pa lang na nurse, kaya naman tinanong ko na ito.

“Nurse? Gising na po ba siya?”, sabay turo ko sa kwarto kung saan siya lumabas.

“Opo Sir, bakit po?”, usisa nito sa akin.

“Bibisitahin sana naming siya, kamusta kalagayan niya?”, what the hell, bakit ako masyadong concern??

“So far, he’s ok although he might require a lot of pain killers pa rin po since maga pa rin po ang mga pasa nito sa katawan.”

“Ah ok, sige pasok na ka…”, nagulat ako dahil paglingon ko wala na si HOMER! Kinabahan ako sa kung ano na naman ang gawin nito. Nagmadali akong tinungo ang pintuan at narinig ko na tila may nagtatalo o sumisigaw kaya pumasok ako agad.




-------------Mikael

“Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"

            Kung mamalasin ka nga naman ito sa harap mo ang dahilan kung bakit ako nakaratay sa ospital. Pero habang tinitignan ko ang mestisong aroganteng iyon, something is not right, parang maamo siya ngayon at hindi hambog. Tinitignan lang ako nito tila ba naghihintay sa sasabihin ko ulit.

“Pumunta ka ba dito para tuluyan ako? Go ahead, I don’t care”, sarkastiko at pambubuyo kong bato sa kanya. May biglang pumasok na lalaki, he is tall at hindi katulad ni mestisong arogante ay kayumanggi ito, matangos ang ilong, tamang kapal ng kilay at malilit na mata. Gwapo siya pero mukhang worried. Tinignan niya ako at inilipat sa kanyang kasama parang nagtatanong kung ano nangyayari.

Finally, one of them broke the silence, kung hindi ako nagkakamali Homer pangalan niya.

“I’m s-sorry…Wala ako sa tamang… katinuan last night. Napagbuntungan lang kita ng galit ko. Pasensya ka na, ako na bahala sa kakailanganin mo para gumaling… makabawi man lang sa kasalanan ko sayo.”, mahinahon ngunit paputol putol ito nagsalita.

Hindi ako umimik, hindi ko sigurado kung ano ang isasagot dahil blanko ang isipan ko at may inis pa kong kinikimkim. Nakatingin lang ito sa sahig, hindi ako matignan.

“Ah eh… My name is Zach, ikaw ano pangalan mo? I was the one who sav…”

“I don’t care who you are.”,pinutol ko ang kanyang pagsasalita at binigyan sila parehas ng malamig na tingin. Zach’s face changed, parang inis na nagulat. Then he spoke again.

“Ganun na lang ba yun??Couldn’t you at least thank me! Kasi AKO lang naman nagtakbo sayo dito at tulirong tuliro utak ko dahil hindi ko malaman kung ano gagawin ko para mabuhay ka lang. Kung alam ko lang na you will show me such HOSTILITY instead of being GRATIFIED, sana iniwan na lang kita sa kalsada!Tara na Homer.”, madiin at puno ng inis ang mga salita nito sakin.

Napahiya ako, siya pala yung taong bumuhat sa akin at nagtakbo sakin sa ospital. Masyado akong umasa na sinundan ako ni Kuya Jaime at siya ang nagligtas sa akin.Sobrang nanliit ako sa sinabi ko sa taong nagligtas sakin. Nasa pintuan na sila nun nang tinawag ko siya.

“Zach… Thank you. It’s Mikael, Jan Mikael. Sorry… I didn’t know.”, nahihiya kong tugon sa mga sinabi nito sa akin. Lumingon ito pero hindi na nagsalita. It was Homer who answered.

“Sige ‘tol, pahinga ka na. Balik na lang kami some other time. Sorry ulit.”

Umalis na ang mga ito at muli akong naiwang mag-isa. Ano ba ‘tong ginagawa mo Mikael?! You don’t have to be harsh sa mga tao dahil sa nasasaktan ka. Umayos ka nga!

“Bakit may aayusin pa ba ko?”, pilit nagtatalo ang kanyang isipan, naguguluhan at tila mababaliw sa sitwasyon niya ngayon.

Lalo lang ako naawa sa sarili ko. Walang mapagsidlan ang mga tanong sa utak ko na tila sasabog na lang ito. I feel so helpless idagdag mo pa na mag-isa ako sa kwartong iyon. Namuo ang mga luha sa mga mata ko,nang may pumasok. Si Coleen. Dire-diretso lang ito sa mesa kung saan niya inilagay ang mga pagkain. Masaya ako na nakita ko ang matalik kong kaibigan. God knows how much I would like to jump off the bed and hug her.

“Kamusta ka Bes? Pasensya na ha natagalan ako, hindi ko alam kung anong pagkain dapat bilhin eh… Ito bumili na lang ako ng madaling nguyain at madigest dahil naka-bed rest ka. Papangit katawan mo kapag nagkabilbil ka!HAHAHAHA”, hindi na talaga ito nagbago, palabiro pa rin ito pero maalalahanin. Napansin niya sigurong hindi ako umimik kaya naman tumigil ito sa pagaayos ng pagkain at tinignan ako.

“ Bes?... What’s wrong? May masakit ba?Kailangan mo ng pain killer, ha? Sandali tatawag ako…!”, natataranta itong nagsalita nang makita ang luha kong dumadaloy sa aking pisngi. Nabitawan pa nito ang mga pagkain kaya nahulog ang iba sa sahig. Dali Dali siyang pumunta sa side table para tumawag.

Akmang magda-dial na siya ng pigilan ko siya at ibinaba na niya ang telepono. Nakita kong may luha na rin ito sa kanyang mga mata.

“Bes… na-miss kita,” malumanay kong sabi habang hinahaplos ang pisngi nito. Umupo siya sa kama ko paharap sa akin.

“Mikael… I’m sorry.” , hindi na napigil ang pag-iyak nito. Hindi ko na din kinaya, kaya agad ko siyang niyakap. “Bes, ano bang nangyari sayo? Bakit nagkaganito ka?” tanong niya habang patuloy siya sa pag-iyak, ramdam ko ang pag-aalala niya sakin. Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa.


“Coleen… ang sakit..ang SAKIT SAKIT ng nararamdaman ko more than this physical pain.”, pinukpok ko ng pinukpok ang dibdib ko ng kamao ko dahil gusto ko nang tumigil ang puso ko.

“WALA NA ANG LAHAT SAKIN COLEEN!BAKIT GANUN?!GUSTO KO LANG NAMAN MAGING MASAYA BAKIT IPINAGKAKAIT SAKIN YUN.”, sobrang sakit ng nararamdaman ko, pilit akong pinapakalma ni Coleen, pinipigilan niyang saktan ang aking sarili. She hugged me nung inuuntog ko na ang sarili ko sa headboard ng kama.

“Shhhhh… Bes naman eh, ayokong nakikitang ganyan. Umiyak ka pero wag mo na saktan sarili mo, please Bes… nasasaktan din ako. Nandito ako Bes, hindi ka nag-iisa, alam ko hindi ako ang kailangan mo ngayon pero hayaan mong tulungan kita sa pag-iyak mo. Narito ako! Pakikinggan kita, wala akong paki-alam sa kanila basta alam ko tanggap kita at mahal kita Bes, mahalaga ka sakin. Kaya please, wag mo na saktan sarili mo… nagmamakaawa ako.”, sobrang nadudurog sa mga oras na yun dahil may nasasaktan din pala ako sa ginagawa ako pero I can’t help myself sobrang kailangan ko si Kuya Jaime sa buhay ko. Minu-minuto ko siya nami-miss, gusto ko siya makasama, mahagkan at mayakap ng mahigpit.

“Mahal na mahal ko siya… Hindi ko alam Coleen paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko dahil saan man sulok ako tumingin, sa bawat hininga ko, sa bawat galaw ng katawan ko si Kuya Jaime nakikita ko, hinahanap-hanap ko… Paano na ako mabubuhay Coleen!”, buong hinagpis kong ibinaon ang mukha sa kanyang balikat.mahigpit ko siyang niyakap na parang si Kuya Jaime ang hawak hawak ko ngayon. Paano ko kakalimutan ang taong nagbigay sakin ng pag-asa na kailanman hindi na ako mag-iisa…hindi nako magiging Loner.Siya lamang ang gusto kong tumawag sakin ng “bunso”, siya lang ang gustong humawak sa mga kamay ko habang natutulog ako. Yayakap sakin pag nilalamig ako sa gabi. Siya lang ang gusto ko magparamdam sakin ng pagmamahal.


“Kuya Jaime, miss na miss na kita. Bumalik ka na sakin…”





 ......itutuloy


[03]
------------Jaime

            Nakapag-desisyon na ako. I have to let him go… even if it means na masasaktan ko siya ng lubos. I have to this because, I love him so much na kaya kong ibigay lahat kahit ang kalayaan niya. Masakit sakin na hindi sa piling ko siya magiging masaya. Gustong-gusto ko siya alagaan pero paano ko gagawin yun ngayon?

            Dalawang linggo ko na rin siya hindi nakikita, kung ano anong paraan na ang ginawa ko para umiwas and it hurts like hell to see his tears falling down his cheeks. Nagpaka-tatag ako not to show him any emotion. I keep on leaving him behind whenever he tried to talk to me, minsan hindi ko na mapigilan at gusto kong tumakbo pabalik sa kanya at yakapin siya ng mahigpit, hawakan siya at hagkan muli… I’m sorry mahal ko. I’m sorry my Mikael…



            Jaime Serafin, that’s me alright. Teacher’s enemy number one. Campus Bully. At kung ano ano pang tawag. Yes! Tama kayo, I’m indeed a rebel and for one reason… I grew up without feeling loved by my parents. Mas mahal pa nila ang pera nila kaysa sa akin. They were not even around sa mga important events in my life. Birthdays, graduation, first communion, first heartache.

            The only person I am thankful to have is my loyal yaya, Nay Ising. Siya na nga halos kinikilala kong ina. Sa kanya ako tumatakbo noon kapag nadapa ako at umiiyak. I never felt na iba ako sa kanya na hindi ko siya kadugo. Pero ngayon kahit siya nasasaktan ko na sa pagiging rebelde ko sa aking mga magulang.

“Nay, ano pong almusal?”, sambit ko habang niyayakap ko siya sa kanyang likuran habang naglulto ito.

“Aba gising ka na pala, nak. Ito nagluluto na ako ng sinigang para na rin sa tanghalian.”

“Hmmm, ambango Nay, tamang-tama lang sa hangover ko. Hihihi”, nakakaloko kong tawa sa kanya.

“Naku, ikaw talagang bata ka. Hala, sige maupo ka na at malapit na din maluto ito. Tatawagin ko din na muna sila Sir at Madam para makakain na kayo.”, umalis ito at umakyat para tawagin ang magagaling kong MAGULANG.


Maya-maya narinig ko na itong bumaba at umupo na ang mga ito sa hapag. Siyempre ang dakila kong ama nasa sentro at sa kanan naman si MAMA, habang ako nasa kaliwa, three seats from them.

“Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi.”, matabang na salita sa akin ni Papa, he didn’t even looked at me, kaya mas lalo ko lang naramdaman na walang laman ang kanyang pag-aalala sakin.

“Bahay ko pa rin naman ito diba?! So, I could go home whenever I want to, right Pa?!”, sarkastiko kong sambit at ibinaba ko na ang kubyertos ko dahil sa nakakawalang gana ang pagkain. And heck!was this really a “home”??

I was about to leave the dining table and head up to my room para makapag-bihis na ng pamasok when he slammed the table with his fist.

“You, young man! Nagtitimpi lang kami ng Mama mo sa iyo pero sobra ka na. Wala kang galang!”, my father’s voice was harsh and fierce. Nilingon ko siya at binigyan ito ng matalim na mga tingin.

“Nagtitimpi?? Walang galang? For your information Papa, ganito niyo ko pinalaki kaya wala kayong karapatan mag-reklamo na ganito ako makitungo sa inyo! Do you need my respect, ha? I think RESPECT cannot be just given. It is being gained, Papa. And both of you, NEVER had the chance to even get the slightest of my respect. You don’t deserve it!”
Mabilis ang mga pangyayari, narinig ko na lang si Mama sumigaw while I found myself on the floor. Sinuntok lang naman ako ng magaling kong ama. He grabbed my shirt and held me up, he pushed me to the wall. His eyes, those eyes never look at me with love, instead he looked at me like he was about to kill me.

“Masakit ba, Pa?”, nakangisi kong tanong sa kanya. He’s about to punched me again pero pinigalan siya ni Mama. For the longest time, nagalak ako sa ginawang yun ni Mama. She cared for me… I thought.

“Tama na yan, Franz… Nakakahiya sa mga kapitbahay”, she said frantically. Nawala bigla yung saya ko, dahil inakala ko na she CARED for me, mali na naman pala ako.

“Nakakahiya kayo…”, nakayuko akong nagsalita while my father’s hand is still holding my shirt.

“Anong sab…”, pinutol ko kaagad ang sasabihin nito at kumawala sa kanya.

“Nakakahiya kayo bilang magulang ko! You never think of me. Mas mahalaga pa rin talaga sa inyo ang status niyo sa buhay. Tinitingala ng mga tao, pero hindi ba kayo nahihya na sarili niyong anak… hindi man lang kayo tinitingala at nirerespesto?? Bakit pa kayo ang nagging magulang ko?! I never felt your love alam niyo ba yun?? Did you ever ask yourself kung mahal niyo ang anak niyo kesa sa karangyaan niyo??”, isinigaw ko na lahat ng nararamdaman ko sa kanila noon. Nakatulala lang sila sa akin na tila gulat na gulat.

“’Wag niyo na pahirapan sarili niyo para maghanap pa ng excuse. Hayaan niyo, Ma, Pa, itong taong ‘to sa harap niyo… mawawala na dito sa bahay niyo. Wala na magpapasakit ng ulo niyo.”, buong lakas kong tinakbo ang aking kwarto at minadaling ilagay ang mga gamit sa travelling bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nun. Bahala na, makaalis lang sa mala-impyernong bahay na ito.

“Jaime, anak…”, tawag sakin ni Nay Ising habang nagliligpit ako ng mga damit ko.Nilingon ko siya at nakita ko itong umiiyak.
“Nay… hindi ko na matatagalan dito.Ayoko man iwan ka pero sana maintindihan mo na hindi ko na kaya yung sakit na sariling magulang ko walang maibigay na pag-mamahal sa akin…” Parang gripo ang mga luha ko habang sinasabi ito habang binabalumbon ang bawat mahawakang gamit at ilagay sa maleta.


            Hindi na ako nag-atubili pa noon, niyakap ko si Nay Ising bago ako umalis. Nangako akong bibisitahin ko siya doon at babalitaan kung nasaan ako. Nagsinungaling ako sa huli kong pangako. Ayokong hanapin pa ako ng magulang ko, as if naman they’ll do, baka nga mag-celebrate pa sila sa pagkawala ko.

“Jun, pare, nasan ka? Pwede bang dyan muna ako sa inyo makituloy? Naglayas ako eh.”, pagtawag ko sa telepono kay Jun.

“ANO? Naglayas ka pare? Ano na naman ‘tong ginawa mo kolokoy ka!?”, kagigising lang nito at yamot sumagot sa akin.

“Sige na pare, kahit isang linggo lang habang wala pa ko malipatan.”, pagmamakaawa ko sa kaniya.

“Pare ano nalang sasabihin ko sa Ermats ko? Ibabahay na kita??”, insultong sagot nito sa akin.

“Sige pare, pasensya na sa abala, sa kalsada na lang muna ako matulog… Sige bye”, patampong pagpapaalam ko sa kanya.

“Hala, nagtampo na… Oh, siya sige na pero isang linggo lang.. Bahala na si Batman kung ano ipapaalam ko kay Mommy. Saan ka ba ngayon?”


Hindi talaga ako matiis nitong si Jun kapag ginamitan ko na siya ng pagtatampo act ko. Napagkasunduan naming sunduin niya na lang ako sa may malapit na mall. Nag-withdraw na din ako sa savings ko baka ipa-freeze pa nila ang account ko, mahirap na.

“Pre, ano bang nangyari at naglayas ka?” Kasalukuyang tinatahak na naming pauiwi ang bahay nila Jun nang magtanong ito.

“ I don’t belong there.”, simpleng tugon ko sa kanya habang nakatalumbaba ako at nakatingin sa gilid ng kalsada.

“Okay, I get it… It’s about your parents again. Setting that aside, I managed to convince my mother to let you stay ng dalawang linggo, hindi din kasi madali makahanap ng matitirhan ngayon.”, kunot noo nitong sambit sa akin. I know he is exasperated to what was happening tapos hindi ko magawa man lang ikwento sa kanya kung ano nangyari. He chose to be silent during the trip to their house.

“Jun, salamat ha… tatanawin ko itong malaking utang na loob. Makakabawi din ako sa iyo.”, nakayuko at nahihiya kong sinabi sa kanya.

“No problem pare, malakas ka sa akin eh.”, sabay mahinang sinuntok ang braso ko.

“Tara na sa loob, hindi na lang din muna ako papasok ngayon para mabantayan ka. Baka sa bahay ka pa namin mag-bigti. Hihihihi”, sabay baba nito sa sasakyan nung aktong babalyahan ko siya sa kanyang sinabi. Para itong bata at dumila pa bago tumakbo papasok sa bahay nila.




“Magandang umaga ho, Tita Claire. Salamat po at pumayag kayo na dito muna ako tumuloy sa inyo.”, pagbati ko sa ina ni Jun na ngayon ay nagkakape na. Nakatulog kaagad ako kagabi dahil na rin sa stress noong nagdaan na araw.

“Naku, hijo ‘wag mo na intindihin yun. Magulang ako kaya naisip ko na kapag anak ko ang nasa kalagayan mo, sana may kumupkop din sa kanya. Don’t get me wrong ha, anak.”, nakangiti itong nagpaliwanag sa akin. Ang sarap pakinggan ng salitang “anak”, parang gustokong umiyak ng sandaling yun dahil never ako tinawag ng magulang ko na “anak”.

            Magkakaklase kami Jun sa first subject kaya sabay na kaming umalis. Nag-paalam at nagpasalamat uli ako sa ina nito bago umalis.Excited na ko pumasok dahil dito ako nakakagalaw nang malaya.

            Pagkapasok pa lang sa room agad na nangilag ang mga kaklase naming, na siyang ikinatuwa ko. Kulang kasi sa pansin kaya dito na lang ako bumabawi sa school.Ginawa ko lahat para maging sentro ako ng atensyon kahit na sa maling paraan. But then I notice this one person na walang pakialam sa pagdating ko.

            Jan Mikael, the Loner. Yan ang bansag sa kaniya, kung ako kilala sa pagiging rebel ko siya naman ay kilala sa pagiging “nobody”. Hindi ko malaman kung bakit ako biglang nagka-interes at pagbuntungan siya ng mga oras na yun. Siguro dahil na rin sa pride ko na hindi man lang ito natinag or nagbigay pansin sa pagdating ko, nakatuon lang ‘to sa kanyang pagbabasa. Natapos ang buong period at nakaisip na ako ng paraan para matakot ito sa akin. Kaunti na lang ang mga tao sa room noon, tama lang para sa audience ko. Hahahaha. Kinuha ko ang mga materials ko sa project ko at lumapit sa kaniya.

"Nerd! Gawin mo nga ‘tong project ko kung ayaw mo masaktan.”, sigaw ko sa kanya, nagulat ito nang ihagis ko sa kanya ang mga ito, na siya naman ikinatuwa ko.

"Nerd?! Gago ka pala eh! Bakit hind ikaw gumawa niyan? Kaliit-liit na bagay lang hindi mo magawa? Anong silbi ng malaki mong katawan?? Ano yan panay hangin lang laman?!", tumayo ito at ibinagsak sa sahig ang mga materials ko. Nagulat ako sa mga sinabi nito, hindi ko akalain na matapang ito. Also, his word hit me so hard na hindi ako nakasagot kaagad. I was flabbergasted to hear that from someone who is so reserved. Para makabawi sa pagkapahiya, nilapitan ko ito at akmang susuntukin ng pigilan ako ni Jun.

"Tarantado ka pala eh!!", hinawakan ako ni Jun sa balikat at nilayo kay Mikael.

"Pre, tama na yan. Tara na, kain na lang tayo. Mikael, pag pasensyahan mo ‘tong si kolokoy ha. May pinagdadaanan kasi. Hahahaha… Nireregla ata. Nyahahaha.", nainis ako sa nangyayari at mas lalo na at hindi ko pa rin makalimutan ang mga binitawang salita nito. Sobrang napahiya na ako kaya binatukan ko na lang si Jun at umalis.

            Nagtatakbo ako patungo sa paborito kong lugar, ang Tree House. Dito ako palagi pumupunta kapag gusto ko tumakas na sa pagkukunwari ko, na ako ay matapang at walang magpapatumba sa akin. I can feel every emotion was rushing into me while climbing up the stairs. Pumunta ako sa veranda at doon umupo sa mahabang bench. I gazed into the beautiful horizon na ngayon ay kulay pula na dahil sa paglubog ng araw.

            The beautiful view did not stop the ill feeling I was enduring for a very long time. Sumuko na rin ang mga mata ko at itinuloy na nito ang pagbuhos ng mga inipong luha.

            Pity... Iyan ang nararamdaman ko para sa sarili ko during that time, napatigil na lang ako sa pag-iisip nung may biglang may tumawag sa akin. Hindi ko ito nilingon dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak, na ang pinaka matikas na tao sa campus ay mahina rin pala.

"Jaime… Pwede ka bang makausap?... Hihingi lang sana ako ng tawad sayo sa mga nasabi ko kanina...", it was Mikael, I was surprised na sinundan niya ako instead of Jun.

            Nagpatuloy ito sa paglapit sa akin at umupo sa tabi ko noong hindi ako umimik sa mga sinabi niya.

"Pasensya ka na ha, nasobrahan ako sa pagsasalita sayo. Ikaw naman kasi eh, tinawag mo kong nerd. Pwede naman kita tulungan sa project natin pero ‘wag mo naman ipagawa sakin lahat.", mahina ang boses niya habang nagsasalita, I feel guilty sa mga sinabi nito na willing siyang tulungan ako kahit na magspang ang ugali ko. My eyes and throat betrayed me dahil bigla ako napa-hikbi. He looked up at me and saw that I was crying. Yumuko ulit ito at humingi ulit ng tawad.

"Don't say sorry… I'm not crying because you've embarassed me.", malungkot kong pagpapaliwanag sa kanya. He was about to leave after mag-sorry ulit dahil nakapanakit siya sa mga sinabi niya kanina, pero hinawakan ko ang kamay nito at hinatak ng kaunti. I know… desperado na ako sa tunay na atensyon kaya siguro nagawa ko yun. I’ve pleaded to him to stay, hindi ko na inintindi pa kung yung mga sinasabi ko ay nakakahiya, ang gusto ko lang noon ay ‘wag mapag-isa.

"Huwag ka muna umalis… Please… Samahan mo muna ako dito. Ayoko na mag-isa.", ito ang mga salitang nasabi ko sakanya habang nagmamakaawa ako at umiiyak. Umupo ulit si Mikael at tila nag-iisip, medyo nahiya ako kaya tumingin ulit ako sa paglubog ng araw.

            May inilabas ito sa kanyang bulsa at sandaling tinignan ito. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngunit nakita ko atang may pumatak na luha mula sa kanyang mata, tumuwid ito ng upo kaya naman inalis ko ang paningin ko sa kanya.

            Suddenly, he raised his hand in front of my face holding a white handkerchief. Ito pala yung kinuha niya sa bulsa niya. Tinignan ko siya para tanungin pero nag-salita ito agad tila nabasa ang nasa isip ko.

"Bigay sakin yan ni Itay, sana mapatahan ka niyan tulad ng ginagawa nito sa akin kapag nalulungkot ako at umiiyak…"

"Sabi niya sa akin hindi ko daw kailangan mag-isa sa bawat hirap kaya na rin siguro binigay niya sa akin yan. Jaime… I know I’m not in the position to ask you what you're going through right now. But, I'm willing to listen kung yan ang ikakagaan ng pakiramdam mo.", sa mga sinabing iyon ni Jaime ay kinuha ko ang panyo at isinubsob ang mukha ko dito. Inilabas ko na ang emosyon na dati ay pinipigilan ko pa. Humiyaw ako at humagulgol, Mikael was still there at lumapit ito para haplusin ang likod ko. I wanted to hug him pero nahihiya ako baka kung ano pa isipin niya sa akin.

"I feel empty Mikael…”,I said admittedly.

“Alam ko you're surprise to see me like this. It hit me hard when you say those words to me kanina. Tama ka naman eh, useless ako. I actually envy you, kasi kahit na loner ka sa school, you seems to be fine and peaceful. Eh ako?? Ang dami ko ngang kabarkada, but none of them are true." Just by saying that na-realize ko na wala isa man sa kanila ang narito para samahan ako at isang tao pa na hindi ko inaasahan ang mapaglalabasan ko ng sama ng loob. He’s a blessing in disguise.

            Tuluyan na akong tumahan at nakapagdesisyon. Masaya ako sa naisip ko, matagal ko na rin hindi naranasan magkaroon ng tunay na kaibigan and he was here. Oh, yes si Mikael ang tinutukoy ko. Sana lang tanggapin niya din ako bilang kaibigan niya…

"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka? Hindi mo ko kilala baka pagsisihan mo lang sa huli.", nagaalangan at malungkot nitong sagot nung sinabi ko na kaibigan ko na rin siya. I was about to ask him kung bakit ako mag-sisisi but, I chose not to spoil the moment na nabigyan ako ng bagong kaibigan. Instead, sinigurado ko sa kanya na I’m proud of my decision at hindi kailanman magsisisi.

            Saksi ang Tree House sa mga pangakong binitiwan ko kay bunso. I’ve decided to be his Kuya at ipagtatangol ko siya kahit kanino. Matagal na rin kasi ako nagaantay ng kapatid but since ang magagaling kong parents ay palaging wala at kahit sila ay minsan lang magkasama, nagging imposible na ang pangarap na iyon. Now, I can’t help but to smile in front of my bunso, sa wakas may kakampi na ako. Sa wakas naramdaman ko na din maging masaya ulit.




“Jaime, anak, si Nay Ising mo ito. Nasa telepono si Mikael, nakikiusap na kausapin mo daw siya kahit sandali lang.”, naputol and pag-iisip ko ng marinig ang pangalan ng… mahal ko.

“Bababa ba ako at kakausapin siya?”, tanong ko sa aking sarili.

“Akala ko ba nakapag-desisyon ka na…”, nagtatalo pa ang isip ko nun ng magsalita ulit si Nay Ising, nasa pinto pa rin pala siya, nakikiramdam.

“Nak, ano bang nangyayari… gusto mo ba pag-usapan natin. Nag-aalala na ako eh, hindi ka na halos kumain at nagmumukmok lang dyan sa loob ng kwarto mo. Narito lang ako anak kung kailangan mo ng kausap, hindi ka naman iba sa akin at anak na tuna yang tingin ko sa iyo…”, narinig ko na itong umalis kaya binuksan ko ang pinto para tunguhin ang telepono.

“Hello.”, malamig kong bati sa tao sa kabilang linya.

“Jai… Ah, Kuya Jaime… pwede ba tayo magkita ngayon? Gusto ko  sana mabigyan na ng linaw ang lahat… nahihirapan na kasi ako.”, rinig na rinig ko ang bawat paghikbi nito sa kabilang linya but I kept my cool and responded.

“Sige. Saan.”, binigay na nito ang lugar at oras, pagkatapos kong ibaba ang telepono ay marahang dumaloy na ang aking mga luha. Gagawin ko ito dahil mahal ko siya, ito ang tama para hindi siya masaktan ng husto. Kailangan mong tatagan ang sarili mo, Jaime – para kay Mikael.

            Bawat hakbang ng aking mga paa patungo sa kwarto ay sobrang bigat. Binuksan ko ang pinto at parang pinaglalaruan ang mata ko, naroon siya nakaupo sa kama at naka-ngiti sa akin. Ang ngiti na nagpapawala ng lahat ng problema ko, ang ngiting hindi ko na muling makikita pa… I closed my eyes for a moment at tumingin uli sa aking kama, wala na siya doon. Napakatahimik ng kwarto ko pati na rin ng buong bahay. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at niyakap ang unan ko, inamoy amoy ko ito dahil hindi pa nawawala ang natural na bango ni Mikael mula ng huli niya itong ginamit. Iniiyak ko sa unan kong iyon ang lahat.

“I will miss you so much… my love… my all. I love you, Mikael… forever.”

......Itutuloy


[04]
   Tunay na napaka-bilis ng panahon, kung kanina ay masaya ka, ngayon naman ay agad na napawi iyon ng lungkot. Sino ba sa atin ang hindi nagmimithi na makaramdam ng tunay na kasiyahan, may ilan nga sa atin ay isinuko lahat ng mayroon sila para sa kaligayahan. Parang ako lang, I’ve taken a risk kahit hindi ko alam ano ang kahahantungan ng mga desisyon ko. Pinili kong buksan ang puso ko at papasukin ang isang taong hindi ko akalain magbibigay saya sa akin, ngunit ngayon tila malabo na iyon. Kailangan ko siyang layuan para hindi ko siya tuluyang masaktan.

            Nagsimula na akong mag-lakad mula sa bahay naming papunta sa napagkasunduang lugar. I can feel my own heavy breathing, na kahit ilang lalim ng paghinga ko ay hindi matumbasan ang pananakit ng aking dibdib. I have to remain calm and act that everything’s alright. Kinabisado ko na rin ang mga dapat sabihin at pinagpasyahan na hindi ako lilingon sa kanya kapag nagkita na kami para hindi masira ang mga plano ko.

Sa ganito lang pala matatapos ang lahat, parang kahapon lang ang saya saya ng bawat pagbati sa akin ng taong sobrang mahal ko…





“Kuya Jaime!Good Mooooooooooorning!”, magiliw na bati sa akin ng bago kong kaibigan, from being a loner ngayon eh masigla na si Mikael.


“Morning, Bunso.”, bati ko din sa kanya.


“Bakit parang malungkot ka?Ang aga aga eh parang trash can mukha mo. Hihihi”, humarap ito sa akin at itinapat ang mukha niya sa mukha ko, tinitignan niya ko ng nakakunot ang kanyang noo. What the hell! Ganito pala kaamo ang mukha ni bunso, tapos bigla itong ngumiti sa akin – isang nakakalokong ngiti… Nangilabot ako at naramdaman kong para akong kinukuryente sa posisyon naming iyon.


“Kuya…”, pabulong ito nagsalita, sa totoo lang alam ko namumula na ako dahil tatlong pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha noon. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga pati ang init na hatid nito sa aking mukha.


“Hmmmm, bakit? Bakit ganyan ka makatingin??”


“Gutom ka na no? Hahahahahaha”, tumayo na ulit at tumawa ng nakakaloko at iniabot sa akin ang kanyang bag. Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa iyon.


“Dinalhan kita ng pagkain, sana magustuhan mo. Nalaman ko kay Jun na naglayas ka pala sa inyo, halos dalawang araw ka na rin daw hindi masyado kumakain… Ako mismo nagluto niyan, kaya wag mo kong ipahiya at ubusin mo yan, kundi wag mo na ko tawagin bunso at wag na tayo mag-usap.”, maldito nitong sambit sa akin, napangiti ako sa kakulitan nito. Sabi ko na nga eh, I will not regret choosing him as my friend.

Ilang araw pa lang mula nung pangyayari sa may Tree House ito na kami at close na kaagad. Nagawa pa talaga niyang magsiyasat tungkol sa akin, na talaga naman ikinatuwa ko. Napakalambing nito pero hindi lang sa akin, pati na rin kay Jun na naging kaibigan na rin niya. Nariyan yung mga sandaling nakakatulog ito sa tabi namin at hihilig talaga sa balikat ko at mahimbing na matutulog. Hindi mo talaga aakalain na outcast ito noon dahil sobrang masayahin pala ito at makwela.






Marami ang nagbago sa pagkakakilala sa amin dalawa. Kung dati sakit ako sa ulo ng lahat, ngayon iba na ang pagkabigla sa akin ng mga professors. Nakakasabay na ako sa klase at nag-eexcel na sa mga ito. On the other hand, Mikael bloomed, marami na rin itong kaibigan at talaga naman kinagigiliwan ng aming mga kaklase.






“Hi… pwede mo ba ko tulungan hanapin itong taong ito, sabi sa akin dito daw ang room niya for this period, tama ba?”, isang babae ang lumapit sa akin, maganda ito at Pinay talaga ang mga features.


“Ah, si Bunso ba? Wala pa siya eh, pwedeng malaman kung bakit mo siya hinahanap? By the way, I’m Jaime, Kuya ni Mikael.”, buong pagmamalaki kong pakikipagkilala sa kanya as Kuya.


“Kuya? Ang alam ko nag-iisang anak lang si Mikael eh. Oh, sorry hindi kaagad ako nagpakilala. I’m Coleen, bestfriend niya ko since High School.”, sabay lahad ng kanyang kamay. Iniabot ko ito at marahang nakipag-kamay. Bigla akong nakaramdam ng tampo at hindi ito nabanggit sa akin ni Mikael. Ang buong akala ko talaga wala siyang kaibigan. Marami pa talaga akong hindi alam kay bunso.


“Coleen??... COLEEN!!! Ikaw nga! Waaah, bakit ka nandito? Grabe, na-miss kita, Bes!”, nagulat kami at dumating na pala si Mikael, kitang kita ang galak nito makita ang kaibigan. Nakaramdam ako ng selos ng mga oras na yon. Ano ka ba?Bakit ka nagseselos?


Nag-yakapan sila at nagkamustahan saglit at ng dumating na ang prof eh agad sila nagpaalam sa isa’t isa. Nagkasundo silang magkikita after his class, marami daw silang pag-uusapan at may malaki itong surpresa sa kanya.


It was weird kasi buong araw din akong tahimik noon at tila badtrip. I went to the Tree House again para makapag-unwind. Umupo ako sa favorite spot ko at pinagmasdan lang ang tanawin. Hindi talaga pumapalya ang kalikasan pawiin ang kung ano mang dinadala ko, hindi man nito maaalis ng tuluyan ang aking mga iniisip, natutulungan ako nitong maging payapa at isa-isahin ang dapat kong gawin para malutas kung anu man ang bumabagabag sa akin.


Napagtanto ko na rin sa wakas kung bakit naging balisa ako sa araw na iyon. Nagtatampo ako kay Mikael. Bakit? Dahil hindi man lang niya ako pinansin buong araw dahil abala ito sa pagdating ng kanyang matalik na kaibigan. Wala naman ako magawa dahil mas matagal naman na talaga niya kilala si Coleen kumpara sa akin na halos isang buwan pa lang nakakasama.


Isa pa sa nagpapabalisa sa akin ay hindi pa ako nakakahanap ng sunod na matutuluyan. Nahihiya na ako kay Jun at kay Tita Claire para humiling pa ng mahabang panahon. Bahala na nga, sa hotel muna siguro ako tutuloy. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni ng may tumawag sa akin.


“Kuya Jaime, nandito ka lang pala eh. Kanina pa kaya kita hinahanap, ipapakilala pa naman kita kay Coleen.”, nakabusangot at pawisan itong lumapit sakin sabay pinisil ang dalawang pisngi ko.


“Aray! Bakit ka naman namimisil ng pisngi! At saka nakilala ko na si Coleen.”, iritable kong tugon sa kanya at umupo habang dinadama ang pisnging kinurot niya.


“Hmp! Eh Kuya bawal ka ba ma-miss at pang-gigilan!? At saka bakit ang sungit mo ngayon? Meron ka na naman ba??ihihihihhi”, pangiinis niya sa akin, ako naman ‘tong si tanga at lumambot ang puso noong marinig na namiss niya ako.


“Doon ka na lang sa bestfriend mo, matagal na kayo hindi nagkikita diba?”, pilit ko pa rin tinatago na gustong gusto ko na narito na siya sa tabi ko kahit pinagtatabuyan ko siya sa mga salita ko.


“Kuya, hindi na yun problema kasi simula sa susunod na semester dito na rin siya mag-aaral. Yun yung surprise niya sa akin. Ang saya diba? Tatlo na ang matatalik kong kaibigan.”


Hindi ako nakaimik sa sinabi nito kasi talagang nagseselos ako dahil ano bang laban ko sa taon na pinagsamahan nila. Ngayon pa nga lang ako nakakakuha ng magandang atensyon mawawala naman kaagad.


“Jaime… anong problema?”, naging seryoso na ang tono nito at nawala na ang batang-isip na kausap ko kanina.


“Mikael, aaminin ko sayo natatakot ako ngayon na baka iwanan mo na ako dahil nariyan na ang matalik mong kaibigan. Marami na nga nagbago sa bawat isa sa atin. Natutuwa ako doon dahil masayahin ka pala at napakalambing, malayong malayo sa nerd at loner na tingin sayo dati. Proud ako sa iyo sa magandang pagbabago mo. Yun nga lang hindi ko maiwasan maiingit at magselos kapag napapalapit ka sa iba…”, mataman lang ito nakikinig at nakatingin sa tanawin katulad ko. Masarap ang simoy ng hangin talagang nakakapagpakalma. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita…


“Ayoko na kasi talaga maging mag-isa. Ayoko dumating ang panahon na maging possessive ako sa iyo. Alam mo ba na kahit sa kaunting panahon pa lang na nakasama kita, I can say na malaki na kaagad ang parte mo sa akin, at tulad mo namimiss din kita kapag hindi tayo nakakapag-usap. Importante ka na sa akin Mikael… Kaya kapag nawala ka hindi ko na naman alam kung saan na naman ako pupulutin.”, nangingilid na ang mga luha ko habang nagsasalita. Sino ba naman hindi malulungkot kapag naisip mong babalik ka lang ulit sa dati pag naiwan ka diba? Wala pa ring imik si Mikael ng mga sandaling iyon, kaya mas lalo akong kinabahan at nalungkot. Ilang minuto din yun bago niya binasag ang katahimikan.


“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mo sa akin na gusto mo akong maging kaibigan. At gusto mo pang kuya ang itawag ko sa iyo… ngunit tama ka… iiwan din kita…”, nakatingin pa rin ito sa kawalan at seryosong nagsasalita. Sobrang lungkot, bakit kailangan magbago kaagad ang lahat, kahapon lang ang saya saya ng pakiramdam ko ngayon babalik din pala ako sa dati… Tangna naman oh!


“Iiwan din kita Kuya Jaime…”, nilingon na ako nito at...


“Iiwan kita pag hindi ka tumigil sa pagda-DRAMA mo dyan, ‘langya ka kung maka-senti. Hahahaha. Alam mo Kuya, hindi ako ganoong tao, hindi ako marunong mang-iwan ng kaibigan. Sorry din Kuya if you feel out of place dahil sa pagdating ni Coleen, pero mabait yun pag kinilala mo siya. I’m sure magkakasundo din kayo, at saka ano ka ba Kuya parehas ko kayong MAHAL no, pati si Jun. Kaya tanggalin mo na yang pag-aalala mo, ha! Promise ko sayo Kuya,  I WILL NEVER LEAVE YOU! Ok?”, mahabang paliwanag ni Mikael at binigyan diin ang bawat salita sa huli nitong sinabi. With that assurance, lumiwanag ang aking mukha at di ko napigilang yakapin siya.


“ Talaga bunso?? Sabi mo yan ha, panghahawakan ko yang promise mo sakin. Salamat talaga!hmmmmm Mwuahhhh!”, Walang mapag-sidlan ang saya ko nun kaya matapos ko siyang yakapin ay hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan. Hawak-hawak ko ang kanyang balikat at tinitigan ko kung ano ang magiging reaksyon niya, ewan ko ba at hindi ako nag-sisisi gawin yun dahil na rin sa galak ko ng mga sandaling iyon.


“O-opo k-kuya, pramis…”, namumula na ito at biglang yumuko.


“Oh, sorry na bunso, nadala lang ako sa galak. Wag mo na isipin yun,ha. Hindi na mauulit.”, sabay halik sa noo nito at ginulo ko ang kanyang buhok.


“A-ayos lang Kuya… hindi mo naman sinasadya diba…”, tumalikod na ito sa hiya. Natutuwa ako sa reaksyon niya at may kaunting kilig akong naramdaman. WHAAAT! Bakit ako kinikilig, hindi ito pwede!


“Uwi na tayo, gumagabi na.”, mahina ang boses nito at papunta na sa hagdan.


“Sige mauna ka na Mikael.”, hindi ko masabi sa kanya na wala na akong matutuluyan.


“Bakit? May lakad ka ba ngayon??”, takang tanong nito sa akin, nasanay na rin siguro ito na sabay kami umuuwi.


“ Ah eh,pupuntahan ko yung paglilipatan ko.”, pagsisinungaling ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.


“Gusto mo Kuya sa amin ka nalang? Hindi maganda ang bahay namin pero pwede ko ibigay sayo yung kwarto ko dahil madalas sa sala lang talaga ako natutulog kasi natatakot ako doon.”, nakakatuwa siyang tignan habang nahihiya ito, hindi ko sigurado kung dahil sa inamin niya sa akin takot siya sa kwarto niya o nahihiya siya sa pag-offer sakin na doon na tumuloy.


My Goodness! Kung alam lang niya gustong gusto ko na sunggaban yung opportunity na yun but, sa totoo lang nasa guard house na ang mga maleta ko dahil nag-paalam na ako kanina kela Jun at sa ina nito. But, my pride at pagkahiya ang namayani bandang huli kaya I turned the offer down.


“Salamat Bunso…Ok lang ako. Sige na baka gabihin ka pa sa daan.”, hindi ko tuluyan sinagot ang paanyaya niya. “Ingat ka ha…”
“Sige Kuya, ikaw din. Kita kits na lang bukas!”, binigyan ako nito ng pamatay niyang ngiti at bumaba na nga ito. I stood there for a moment, still mesmerized with his smile, hay Mikael ano ‘tong ginagawa mo sa akin. Napailing na lang ako at napangiti sa sarili at naalala ang paghalik ko sa kanya.


“Ang lambot pala ng labi mo…”, I said absent-mindedly at hinampas ko ang aking noo.


“JAIME, come to your senses nga!”, at natawa na lang ako sa sariling kabaliwan. My smile disappeared when I remembered wala pala akong tutuluyan ngayon. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa guard house at nagsimula nang maghanap ng matutuluyan.


Halos tatlong oras na ako nag-iikot sa bayan pero puno na lahat ng paupahan ng mga taga-roon. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman napagdesisyunan kong kumain sa isang lugawan sa tabi ng kalsada. Kailangan ko rin kasi tipirin ang natitira kong pera kaya hindi ako makakain sa mga restaurants na aking nakasanayan.


Inilagay ko sa tabi ang maleta ko at kinalong ko ang aking bagpack.


“Isang lugaw po manang at tokwa’t baboy po.”


“Sandali lang hijo,ha… oh heto ang order mo.”, magiliw na sabi ng may-ari.


Sobrang gutom ko na pala noon at hindi ko na namalayan na sunod sunod ang subo ko kaya paminsan-minsan ay napapaso na ako. Nasa sarap ako ng pagkain ng biglang…


“HOLDAP ‘to, akin na ang mga pera niyo at mga gamit!BILIS!”, untag ng isang mama na may takip na panyo ang mukha at nakasombrero. Sa sobrang kaba ay hindi na ako nakakilos pati narin ang ibang kumakain. Tinutukan niya ng baril ang ale na may-ari ng tindahan at sinigawan itong ibigay sa kanya ang lahat ng kita nito, habang ang isang kasama nito ay abala sa pagkuha sa mga gamit namin at kinapkapan pa kami.


“’Wag niyo kaming sasaktan, parang awa mo na.”, pagmamakaawa ng may-ari ng lugawan.


“Ang dami mo pang satsat akin na ang pera mo!Dalian mo na!”, at sinubsob ito sa lalagyan ng pera na nakakandado pa. Hindi ko na natiis ang ginagawa nilang pananakit sa pobreng may-ari kaya nagsalita ako at tumayo.


“’Wag niyo naman saktan si manang! Nakuha niyo na nga lahat eh!”, buong tapang kong sinabi sa mga holdaper.


“Aba ang tapang ng isang ito ha…Tignan ko ang tapang mo ngayon. LUHOD! Luhod sinabi eh!”, sabay tadyak ng kasamahan nito sa aking binti na siya naman pagkabuwal ko sa pagkakatayo. Nagsigawan ang iba pang taong naroon dahil natatakot na madamay at mabaril.


“Parang awa niyo na ho, ‘wag niyo nang patulan ang binatang iyan… nakuha niyo naman na ang gusto niyo, please po.”, umiiyak na ang may-ari, tunay na napakabait nito at inalala niya ang kalagayan ko.


“Ah ganun ba, sige…”, akala ko tapos na ang lahat ng bigla itong lumingon sa akin at inihampas sa aking mukha ang baril na hawak niya. “Sa susunod bata, wag kang pakialamero!”, sabay tadyak pa sa aking tiyan.


Agad na nagtatakbo na ang mga ito pagkatapos akong pagdiskitahan. Hala paano kaya ito wala na nga akong matuluyan, wala pa akong pera.


“Hijo, salamat ha, pero sana hindi ka na nagsalita kanina. Tignan mo tuloy nasaktan ka. Ito yelo oh, para mawala ang kirot.”, sabi ni manang habang inaabot ang isang tuwalyang may yelo.


Ang ibang nanakawan ay agad na nagpunta ng presinto para magpa-blotter. Hindi ko na inaksaya ang oras para sundan at gayahin ang ginawa ng ibang mga nanakawan. Ang importante sa akin ngayon eh saan ako mag-stay. Mga damit lang naman ang nakuha sa akin pero yung pera talaga ang pinanghihinayangan ko dahil wala na akong mapgkukunan nun. Does this mean talo na ako and I have to go back to that Hell House – NO! I WOULD NOT! Mas matitiis ko pang matulog sa kalsada kaysa bumalik sa kanila.


Isip lang ako ng isip ng gagawin at namalayan ko na lang na pamilyar sa akin ang lugar kung saan ako dinala ng aking mga paa. Ito ang daan kung saan lagi kong sinasabayan si Mikael, nagsisi ako at hindi ko pa tinaggap yung paanyaya niya sa akin, eh di sana ay walang problema at hindi pa ko nanakawan. Sana nandun ako at nakikipag-balyahan sa bago kong kaibigan. Nasa huli talaga ang pagsisi, saka lang tayo maghihinayang kapag wala na sa atin ang isang bagay, oportunidad o tao.


Gusto kong tawagan si Mikael at mag-pasundo pero naalala kong nasa bag pack ko pala ang cellphone ko. Hay! Maybe ito talaga ang dapat mangyari para madala ako, karma na rin siguro sa mga kagaspangan ko noon. Bumabalik sa akin lahat ng kasamaan na ginawa ko sa kapwa ko. Defeated. Sumuko na ko sa pag-iisip at umupo na lang sa may gilid ng kalsada.


“I guess, I’ll be spending my night with you…”, pakikipag-usap ko sa kuting sa tabi ko at nililinis ang kanyang mukha.


“ K-Kuya Jaime?... i-ikaw ba yan?”, lumingon ako sa taong nasa likod ko at natuwa kung sino ang aking nakita. Napangiti ako at tila nahihiya sa ayos kong iyon sa gilid ng kalsada.


“’Wag ka nga ngingiti ngiti dyan at magsalita ka.”, nairita ata to at inihagis ang basura sa drum malapit sa akin. “Ano ba kasi ang nagyari…. At t-teka bakit may sugat ang bibig mo, wag mong sabihing…”


“Nagkakamali ka, hindi ako nakipagaway… wala akong ginawang gulo… na-naholdap ako…”, pautal utal kong pag-amin sa kanya.


Dali-dali itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko at sinuri ang sugat sa aking mukha. May bahid lungkot at pag-aalala ang mukha nito pero hindi pa rin ito tumugon mula nung umamin ako sa tunay na nangyari sa akin.


“Tara sa loob, Kuya. Linisin natin yang pasa at sugat mo.”


Sumunod na din ako sa kanya dahil sa totoo lang sobrang lamig sa labas at kanina pa ko palakad-lakad. Pinaupo ako nito sa sofa nila, simple lang ang bahay nila. Katamtaman lang ang laki at may dalawang kwarto na pinagkasya dahil wala naman itong ibang palapag. Malinis at maayos ang bawat gamit, simple lang talaga ito pero ramdam ko ang pagka-at-home ko dito. Magaan ang pakiramdam sa bahay nila Mikael.


Lumabas si Mikael at nakasimagot ito at hindi ko alam kung bakit. Ayaw ba nitong makita ako? Hindi ba siya naniniwala na hindi ako nakipag-away?


“Nasaan mama mo?”, usisa ko sa kanya.


“Kanina pa tulog… tara rito sa mesa para madaling makita yang sugat mo.”


“Bakit galit ka, bunso? Ayaw mo ba na nandito ako?”, masuyo ko siyang nilapitan habang kunyari ay nakasimangot.


“Hindi po, gusto po.”, matipid nitong salita sa akin.


“Eh, bakit ka ganyan, hindi maipinta yang mukha mo… arayy!”, napadiin ang paglapat ng cotton buds nito sa sugat malapit sa labi ko.


“S-sorry… eh syempre kuya... nag-aalala lang naman ako sa nagyari sayo. At saka bakit ka naholdap eh diba dapat nasa tinutuluyan mo na ikaw kanina pa. Diba yun ang sabi mo sa akin kaya pinauna mo ako.”


“ Ang totoo niyan, wala pa talaga ako matutuluyan… nahihiya kasi din ako saiyo. Kaya minabuti kong…”


“Kaya minabuti mo na lang magpalaboy-laboy… Kung hindi ka ba naman gago eh, talagang may mangyayaring hindi maganda sa iyo niyan.” Natapos na nito ang pag-lalagay ng gasa sa mukha ko at niligpit ang mga ginamit niya. Hinawakan ko ang braso nito at nakiusap na ako sa kanya, nilunok ko na ang pride ko.


“Jan Mikael, pwede pa ba ako dito, valid pa ba yung offer mo for redemption??”, pagpapatawa ko sa kanya at binigyan ko ito ng nahihiyang ngiti. Tumango lang ito at umalis ulit at tinungo ang kwarto nito.Bumalik ito at may dala ng damit.


“Ito lang nakita kong pinakamalaki kong damit eh, pagtyagaan mo na lang.”


“Nu ka ba? Ako pa ba itong mamimili? Ok na ok ito sa akin, salamat ha.”


“Hahaha. Sabi mo yan ha.Sige na kuya doon ka na magbihis sa kwarto at matulog ka na. May gagawin pa ako eh. Ay teka, kumain ka nab a? Pagbubuksan kita ng sardinas, gusto mo?”


“Busog na ako, bunso. Salamat. Sige bihis na ako ha. Tapusin mo na din yung gagawin mo para makatulog ka na.Salamat ulit. Ang cute cute mo!”, sabay pinang-gigilan ang isang pisngi nito.


“Kuya naman eh, ang sakit nun ha. Matulog ka na nga. May pasok ka ba bukas?”


“Wala akong subjects bukas, ikaw ba?”


“Isa lang, sa umaga.”


“Ah eh di dapat magmadali ka na nga at maaga ka pa pala bukas.”


“Eh panu ako magmamadali eh dinadaldal mo ako.hahahah!”


“Sabi ko nga, ito na papasok na po.”. Isinara ko na ang pinto at nagsimula na magbihis. Mas malaki kasi ako kay Mikael kaya naman ng isuot ko na ang damit niya eh hapit talaga sa akin. Humiga na rin ako sa kama niya at napansin kong ang bango nito, paulit ulit ko itong inamoy hanggang sa makatulog ako.


Naalimpungatan na lang ako dahil nararamdaman kong naiihi na ako nang mapansin kong wala pa rin sa kwarto si Mikael.


“Alas Tres na ng umaga ah. Bakit hindi pa siya tapos sa gagawin niya?”, tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto niya at tinungo ang palikuran. Hindi ko siya nakita sa lamesa nila kaya nagtaka na ako kung nasaan ito. Pabalik na ako ulit sa kwarto ng mapansin kong may ilaw sa sala.


Naiwan pala nitong nakabukas ang TV at natulog sa upuan. Pinatay ko na ang Tv at nilapitan ko ito para gisingin para palipatin sa kwarto niya. Sa tulong ng kaunting liwanag sa poste ng ilaw sa labas nakita kong muli ang mapayapang mukha ni Mikael habang natutulog.
“Hindi ko pa din lubos maisip na ikaw ang magdadala ng pagbabago sa akin.”, mahinang sambit ko sa kanya. Hinaplos ko ang mukha nito at naalala kong muli yung paghalik ko sa kanya.Para akong baliw at napailing sa naisip kong iyon, kaya naman pinilit ko na itong ginising.


“Bunso, bunso… gising, lipat ka na dun sa kama.”, niyugyog ko ito pero hindi natinag, tulog mantika. So, binuhat ko na lang ito papunta sa kwarto.


Inihiga ko siya at kinumutan bago ako tumabi sa kanya. Ngunit hindi na ako dalawin ng antok at nakatingin lang sa kisame, nasa ganoong posisyon ako ng tumagilid si Mikael paharap sa akin at yumakap. Isiniksik pa nito ang kanyang ulo sa aking balikat at ang kamay ay nakapatong sa aking dibdib. Hindi ako makagalaw at nakiramdam kung tatalikod ulit ito, pero nagulat ako sa kanyang sinabi habang tulog at napangiti ako nito, tinignan ko kung gising ba ito ngunit mahimbing itong natutulog. Ako kaya ang nasa panaginip ni bunso at nasabi niya iyon??



“Kuya, I miss you…”

……Itutuloy


[05]
---Jaime

“Kuya, I miss you…”


 Iyan ang mga salitang namutawi sa mga labi ni Mikael kani-kanina lang. Ang sarap pakinggan ngunit… nangamba ako, pagkatapos kong mapangiti sa tinuran ng aking kaibigan. Nangangamba ako dahil hindi ko maintindihan o ayaw kong tangapin sa sarili ko, na kinilig ako sa narinig ko. Sino ba namang lalaki ang tatablan ng ganun sa kapwa niya lalaki?


Tinignan kong muli si Mikael na mahimbing na natutulog habang inunan niya ang aking balikat. Ang isang kamay nito ay nakalingkis saking braso at ang isa naman ay nasa aking dibdib. Makita ko pa lang ang kanyang mukha ay agad napawi ang aking mga naiisip. Sinabi ko sa aking sarili na natural lang siguro iyon dahil mahalaga sa akin ang taong ito. Marahil natutuwa lang talaga ako at sa wakas may nagpapahalaga na sa akin.


Inihilig ko ang aking ulo sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na nasa aking dibdib. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lang ang bawat pangamba na malunod sa sayang aking nadarama kapag kasama ko ang taong ito.


---Mikael


            “Pano ako napunta rito? Ang alam ko eh sa salas ako natulog.”, takang tanong ko sa aking sarili. Naalimpungatan ako sa liwanag na nangagaling sa labas at nagulat na sa aking pag gising ay magkatabi na kami ni Kuya Jaime. Nag-sleep walk kaya ako at dito napadpad??


            Tatangalin ko na sana ang kamay namin sa pagkaka-hugpong na nasa kanyang dibdib. Ayoko kasing magising siya na ganito ang ayos namin, nakaka-ilang.Bigla itong gumalaw kaya naman natuliro ako at biglang ipinikit na lang ang aking mga mata. Nakiramdam ako kung gising na ito ngunit mas lalo kong ikinagulat ang sunod niyang ginawa.


            Humarap siya sa akin at bahagyang hinaplos ang aking mukha. Hindi ko alam kung saglit lang ito nagising at natulog nang muli. Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata dahil nagaalala ako na malaman niyang gising na talaga ako.


            Ilang minuto rin kaming nasa ganoong ayos at pakiramdam ko tinititigan niya lang ako. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa lapit namin sa isa’t isa, idagdag mo pa ang pagwawala ng lintik kong puso. Gusto ko na imulat ang mga mata ko para masilayan o masaksihan kung talaga bang nakatingin ito sa akin ngunit inuunahan ako ng kaba.


“Maraming salamat ha… dumating ka sa buhay ko.”, pabulong niyang sinabi sa akin.


Diyos ko! Huwag naman sana ako namumula dahil talagang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Ano ang ibig sabihin ng taong ito? Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Jaime pero wala ding mapagsidlan ang galak ko sa sinabi niya. Tila matutunaw ako ng mga sandaling iyon.


            Hinaplos pa niyang muli ang aking mukha kaya naman yun na ang ginawa kong oportunidad para imulat na ang aking mata.


“K-kuya? P-paano ako napunta dito?”, bungad ko sa kanya.


“ Good Morning Mikael…”, sabay bitaw nito ng matamis na ngiti at hindi sinagot kaagad ang tanong ko. Bumangon ako at naupo na lang dahil nagha-hyperventilate na ko sa lapit ng aming mga mukha sa isa’t isa.


“Ginigising kita kanina sa salas eh. Pero grabe ka matulog parang mantika! Akala ko nga patay ka na eh, buti na lang humilik ka kaya nakahinga na ako ng maluwag! HAHAHAHA”


“Ah ganun Kuya!Hmp! ito ang bagay sayo… patay pala ha! Iyan isa pa, lokong ‘to.”, hinampas ko siya ng unan para itago ang mukha ko na sa tingin ko ay pulang-pula, may hinala kasi ako na binuhat niya ako papunta dito.


“Aray naman! Hindi na ito mabiro, kita mo na ngang hindi pa magaling pasa ko gusto mo na dagdagan.”, salita nito habang hawak hawak ang pisnging may pasa at sugat.


“Ay, sorry Kuya. P-patingin nga kung dumugo.”, at tinanggal ko ang kamay nito at binuksan ang gasa malapit sa kanyang mga labi.Marahan ko itong dinama ng aking daliri.


“Masakit pa Kuya?”, tumango lang ito sa akin.


“Sorry ha, ikaw kasi ang aga-aga nang-aasar ka. Tara Kuya, mag-almusal na tayo at pagkatapos lilinisin ko ulit yang sugat mo bago ako pumasok.Ok?”


“Ok.”, matipid nitong sagot sakin. Mukhang nagtatampo ito kasi hindi siya tumitingin sa akin. Pinabayaan ko na lang muna at baka lumala pa lalo kung kukulitin ko siya.


“Maghahanda lang ako ng makakain kuya ha. Sunod ka na lang, sorry po ulit.”, Tumango lang ulit ito at hindi pa rin nagsasalita. Wala na ko nagawa kundi umalis na nga at maghanda na at may pasok din ako.

---Jaime


“Jaime,hijo, kumain kang mabuti ha. ‘Wag kang mahihiya. Anak, abutan mo pa siya ng kanin at kakaunti ang kinuha.”, magiliw na salita akin ni Tita Jean, ina ni Mikael.


            Tuwang-tuwa ito nung malamang may bisita pala sila kagabi at nang malaman na ako iyon ay hindi na magkamayaw ito sa pag-asikaso sa akin. Natutuwa naman ako sa mainit na pagtanggap nito sa akin at pagpayag nito na makitira ako pansamantala sa kanila. Ngunit hindi ko maalis ang magtaka kung bakit tila kilalang kilala na ako nito at masaya na nakilala na niya ako sa wakas.


“Ah Tita, ok naman ito sa akin, busog na rin po ako eh.”, nahihiyang sagot ko sa kanya habang si Mikael ay iniaabot na sa akin ang kanin.


“Sige na bunso, ikaw na kumain nyan at may pasok ka pa.”, patukoy ko kay Mikael. Narinig kong parang natawa si Tita Jean nung marinig ang sinabi ko sa kanyang anak kaya medyo namula ako. Ewan ko ba at nahiya ako eh wala naman ako sinabing hindi maganda.


“Nay, bakit ka natawa dyan?”, tanong ni Mikael sa kanyang ina.


“Wala naman, maalalahanin pala itong si Jaime eh, JM.”, tugon ng kanyang ina.


“Naku Nay! Kung alam mo lang kung gaano katakaw yan si Kuya Jaime. Baka itago niyo ang mga kaldero natin dahil tiyak ubos yun. HAHAHA!”


“Ikaw na bata ka talaga, kahit pa ubusin pa ni Mikael ang laman ng ref natin ok lang. Alam ko naman na masaya kang…”


“NAY! N-nagmamadali na ako tama na muna kwentuhan natin at magsisipilyo na ako.”, pagputol nito sa sasabihin ni Tita Jean.


            Iniisip ko pa rin kung ano yung gustong sabihin ni Tita Jean kanina habang tinutulungan ko siya magligpit ng pinagkainan. Gusto ko man magtanong eh nahihiya din ako. Nagpumilit ako na lang ang maghuhugas ng pinggan at pwede na siyang gumayak para sa trabaho.


“Jaime, mauuna na akong umalis ha. Dito ka lang ba sa bahay o may pupuntahan ka?”, tanong ni Tita Jean habang inaayos ang gamit niya sa bag.


“Wala po akong klase Tita, mag-iingat po kayo sa daan.”


“Salamat, basta kung naisipan mong lumabas nariyan sa ibabaw yung susi ng bahay ha. Mag-iingat ka rin. Siya sige. JM! Anak, aalis na ako, naunahan pa kita, ang kupad mo kasi kumilos, bata ka!”


“Teka Nay, sabay na po tayo. Tapos na kaya ako. Ikaw kaya mabagal dyan, kanina pa ako naghihintay.”, biro ni Mikael sa kanyang ina.


            Nakaramdam ako nang inggit sa totoo lang. My parents did not  show me that kind of affection to me. Nakakatuwa silang tignan mag-ina, kung paano sila mag-biruan sa kabagalan ni Mikael kumilos hanggang sa paglalambing ni Mikael sa kanyang ina.


“Jaime, anak? Aalis na kami, may pagkain sa ref na pwede mong lutuin ha.”, bilin ni Tita Jean. Marahil nakita niyang lumalim ang aking pag-iisip at hindi ko namalayan na nasa pintuan na sila palabas.


“O-opo Tita, ingat kayo Mikael.”,sabay ngiti ko sa kanilang dalawa.


            Hindi ako tinugon ni Mikael noon, pero pinabayaan ko na lang baka nagmamadali na talaga ito at hindi na napansin ang sinabi ko. Ayun, naiwan na nga ako mag-isa. Tinungo ko ulit ang kwarto ni Mikael at humiga.


“Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala akong gamit… Wala akong pera… Haaaay! Kakabugnot!”


Wala rin akong damit na maisuot, paano na lang ako papasok. Ayoko naman bumalik sa bahay dahil lang wala na akong pera, mag-mamalaki lang ang mahal kong ama sa akin. Ang ina ko naman, siguradong mananahimik lang at baka kampihan pa ang magaling niyang asawa. Kumukulo talaga ang dugo ko maisip lang ang aking ama.


Tumagilid ako sa pagkakahiga at naamoy ko ulit ang natural na amoy ni Mikael. Hindi ko alam kung bakit parang nagagayuma ako sa amoy niya. Yung tipong kapag naaamoy ko ito ay kumakalma ako, yung bang pakiramdam kapag umuuwi ka sa bahay niyo at mawawala na lahat ng pagod mo.


Naalala ko tuloy ang nangyari kanina habang narito kami magkatabi sa iisang higaan. Kung paano niya tinignan ang sugat ko kanina… paano niya hinaplos ang gilid ng aking mga labi. Ano ba talaga itong nararamdaman ko para sa kaibigan ko? Bakit kapag hinahawakan niya ako para akong nakukuryente pero nagugustuhan ko? Hinahanap-hanap ko ang bawat pag dampi ng aming mga balat. Gustong-gusto kong haplusin ang mukha niya at hindi ako nagsasawa titigan siya habang natutulog na parang kaya kong gawin yun buong araw.


Dahil nami-miss ko na ulit ang kaibigan ko, nagdesisyon akong bumangon at hintayin na lang siya sa school at sabayan siya umuwi. Bahala na, ayokong magmukmok dito at baka mabaliw pa ako kakaisip ng paraan.


Another complication, mas maliit ang mga damit ni Mikael sa akin kaya naman sobrang hapit nito sa akin. Ibinalik ko na lang ulit ang pantalon na suot ko kahapon at dali-daling umalis pagkatapos siguraduhing sarado ang buong bahay.


Syempre walang pera kaya nilakad ko mula sa bahay nila hangang sa school. Hindi naman ganun kalayo ang distansya nito, kaya siguro nilalakad lang din ito ni Mikael tuwing uwian. Nasa tapat na ako ng gate noon pero nahiya ako bigla sa ayos ko. Papasok na sana ako ng may tumawag sa akin.


“Jaime?? Is that you?”


-----Mikael


            Isa lang naman ang subject ko ngayon pero parang ang haba ng oras at gusto ko nang hatakin ito para makauwi na. Iniisip ko kung ano kaya ginagawa ni Jaime sa bahay at kung nakakain na kaya siya ngayon.


“Mr. Milan, could you please explain to us the significance of a primary key?”, nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip noon ng tinawag ako ng aming professor.


            Tinignan ako ng aking mga kaklase at naghihintay ng sagot. I stood up from my chair and look at my professor and said:


“ Primary key is essential for every records as this defines the uniqueness of a row in a database table. Also, primary key can act as a foreign key to another table which makes a relationship between entities.”


“Thank you Mr.Milan, next time please pay more attention to our discussion rather letting your mind off somewhere else, ok?”, mataray ngunit pabirong sabi sa akin ng aming guro.


“Yes Ma’am, I’m sorry.”, natawa ang mga kaklase ko sa akin kasi sumaludo pa ako habang sinasabi ang aking paumanhin.


Since nakinig na ako sa aming class discussion, tila bumilis na ang oras at natapos na ang litanya ng aming professor. Agad kong tinungo ang pintuan ng may tumawag sa akin.


“Mikael! Sandali lang, may balita ka ba kay pareng Jaime? Nag-aalala kasi si Mama sa kanya simula nung umalis sya sa amin eh.”, si Jun ang nagsalita.


“Uy Jun, kaw pala. Nandoon siya sa amin ngayon tara sabay na tayo pauwi para pagalitan mo din yung mokong na yun.”, sagot ko sa kanya.


“Bakit? Ano nanaman ginawa nun? Nakipag-away? Teka, paanong nasa inyo? Akala ko may tinutuluyan na siya bago siya umalis samin.”, sunod-sunod at takang-taka nitong tanong sa akin.


“Hala ang daming tanong? Kaya nga sumama ka sa akin at nang doon na natin pag-usapan at siya na mismo magkwento sa iyo. Tara na pre!”


“Hahahaha! Sabi ko nga eh, pakain ka Miks ha. Nagugutom na talaga ako kanina pa.”, pagbibiro pa nitong si Jun.


“Yun lang pala eh, basta ikaw mag-luto payag ako. Bilisan na  natin at gutom na rin ako. Ang kupad mo!”


“Weeeeeh!!! Nagsalita ang hari ng kakuparan!”


            Hay!! Wala na ko nasabi. Itong si Jun talaga sobrang hindi magpapatalo pagdating sa balyahan. Palaging may sagot at pambara kahit kanino.


“Maglalakad lang tayo?”, tanong niya ulit nung dire-diretso akong lumabas sa gate ng school.


“Oo. Bakit may problema?”, nakakunot kong sabi sa kanya. Iritable na ako kasi gusto ko nang makauwi, pero itong si Jun sobrang kulit ang daming landi sa buhay!


“Mangingitim ako pre, sayang ang kagwapuhan ko eh.”, sabay posing na parang may kumukuha ng litrato niya. “Gamitin na lang natin si Buknoy ko para mabilis.”, dagdag pa niya.


            Sumakay na nga kami kay “Buknoy”, pinangalan niya sa kanyang kotse, at tinuro kung saan ang daan papunta sa bahay. Bago pa man kami makarating eh nakiusap siyang bumili muna kami ng iba pang mga rekado at ipagluluto niya daw kami ng “Special Spaghetti” niya. Wala na ko nagawa dahil todo kulit nitong si Jun.


            Aside sa mga ingredients niya, bumili na rin kami ng mga chips, chocolates at kung ano ano pang pagkain – food trip and gusto ni Jun. Inip na inip na talaga ako ng mga oras na yun kasi sabik ko nang makita si Kuya Jaime at baka hindi pa yun kumakain.


“Bakit ka tahimik Mikael?”, seryosong tanong ni Jun habang binabagtas naming ang daan papuntang bahay.


“Wala naman, pagod lang siguro ako at gutom. Kaya siguraduhin mong masarap yang gagawin mo.”


“Ako pa! All you need to do pagdating natin ay umupo at mag-relax. Ako bahala sa inyo.”, masigla na ulit nitong sabi sa akin.


            Nakarating na kami sa bahay mga lagpas alas dos ng hapon. Nagtaka ako dahil naka-kandado ang pinto. Nag-alala ako kung bakit iniwan ni Kuya Jaime ang bahay. Agad ko itong binuksan at pinapasok si Jun.


“Mukhang umalis si Kuya Jaime, Jun. Paano yang mga pinamili mo?”, malungkot kong turan sa kaibigan ko.


“Eh di lulutuin pa din, at malamang pagkatapos ko magluto narito na rin si kolokoy. Hahaha”


            Sinimulan na nga ni Jun ang paghahanda ng mga kailangan sa kanyang lulutuin. Ako naman eh tumulong na rin sa paghihiwa ng mga ibang ingredients. Nagkukulitan pa rin naman kami ni Jun habang nagluluto subalit hindi ko magawang huwag mag-alala kung nasaan si Kuya Jaime. Wala man lang kahit note na magsabi siya kung saan siya pupunta, kargo kaya namin siya ng ina ko. Hindi rin naman namin siya matatawagan dahil walang natira sa gamit niya, saan ko nalang hahagilapin yung taong yun.


            Natapos na kami mag-luto pero wala pa rin si Kuya Jaime. Sa bawat oras na tumatakbo lalong tumitindi yung kaba sa aking dibdib. Yung pakiramdam na wala kang magawa kundi maghintay na lang. Hindi ko naman alam saan ang bahay nila para ma-check namin kung naroon ba siya. Isa pa ay pinipilit ko pa ding maging normal sa paningin ni Jun dahil baka mag-isip pa ng kung anu-ano dahil sa kinikilos ko.


Tok!Tok!Tok!


            Nabuhayan ako ng loob noong marinig kong may kumakatok. Mabilis pa sa alas kwarto kong tinungo ang pintuan para pag-buksan ang taong kanina ko pa kinasasabikang makita.


“JM, anak, pakitulungan mo nga ako dito sa bitbit ko. Oh, may bisita pala tayo eh. Nasaan si Jaime pala?” Palinga-linga nitong tinignan ang bahay mula sa pinto.


Disappointed. Akala ko si Kuya Jaime na ang dumating yun pala ay si Inay pala. Inabot ko ang kanyang mga dalahin at nag-mano.


“Nay, si Jun po, kaibigan rin po namin ni Kuya Jaime. May niluto pala kaming “special recipe” niya tamang-tama dating mo.”


“Magandang gabi po Tita. Mangangamusta lang po sana ako kay Jaime kasi nag-aalala po si Mama kung saan na po siya tumuloy buhat sa amin.”, magalang na pagbati ni Jun sa aking ina.


“Magandang gabi rin, hijo. Halika at pagsaluhan na natin yang inihanda niyo. Amoy pa lang talagang nakaka-gutom na. JM, tawagin mo na si Jaime para sabay-sabay na tayo at ng magkakwentuhan tayo ng mga kaibigan mo.”, masuyong salita ni Inay sa amin.


“Tita, wala pa po kasi si Jaime. Hindi po naming nadatnan pagdating naming rito.”, si Jun na ang sumagot. Tumingin si Inay sa akin parang may gustong sabihin pero piniling ipagpaliban muna kung ano man yun.


            Pinagsaluhan na nga naming ang niluto ni Jun para sa amin. To my surprise, it is really good pero hindi ko magawang kumain ng marami sa pag-aalala pa rin sa wala ko pang kaibigan. Masaya naman ang naging pagsasalo-salo naming pero may kulang nga lang para sa akin. Lumalim na rin ang gabi pero wala pa rin si Kuya Jaime at kailangan nang umuwi ni Jun.


“Tita Jean… Mikael, kailangan ko na umuwi. Inaantok na rin kasi ako eh. Paki-dagukan na lang para sakin si Jaime pagdating po niya.”, malokong pagpapaalam ni Jun sa amin. Binigyan ko na lang ito ng ngiti at nagpasalamat din sa kanyang niluto.


“Ingat ka hijo, babalik ka dito ha.”


“Sige po Tita, I will kapag meron po ulit kaming common time ng anak niyo po.” At pinaandar na nga niya si Buknoy at umalis na.


“Mikael? Ok ka lang ba anak? Kanina ka pa kasi matamlay.”, pagtatanong ni Inay pagpasok namin sa bahay.


“Wala po ito Inay. Pagod lang din po ito. Kayo Nay, dapat magpahinga na po kayo. Ako na po bahala magligpit…”


“At maghintay kay Jaime… Okay, ikaw na bahala. Huwag masyado mag-isip anak ha. Kung  nasaan man yun ngayon, I’m sure he is safe. Matutulog na ako ha, Good night anak ko…”, si Inay na mismo nagtuloy ng aking saloobin. Binigyan ako ng halik sa noo bago ito pumasok sa kanyang kwarto.


            Natapos na ko sa lahat ng dapat kong gawin pero wala pa ring Jaime na dumating. Pasado alas diyes na ng gabi ngunit ni anino niya hindi nagpakita. Namuo ang inis ko at tampo sa kanya. Bakit hindi man lang siya nag-paalam? Mahirap bang gawin yun? Sobrang urgent ba nung lakad niya para makalimutan magsabi man lang kahit sa kapirasong papel??


            Hindi ako mapakali, gusto kong lumabas at hanapin siya o doon sa kalsada maghintay ngunit hindi ko naman alam kung saan siya hahagilapin. Naisip kong tanungin si Jun ngunit baka tulog na ito ngayon at mag-alala din. Isa pa  sa kinalulungkot ko ay wala akong alam kung saan ba yung mga lugar na maari niyang puntahan katulad ng bahay nila.


            I felt really tired waiting and worrying sa kanya. Umupo ako sa aming hapag kainan at ipinatong ang aking ulo sa aking mga braso. Ipinikit ko ang aking mga mata na kanina pa din nangingilid sa luha dahil wala talaga ako magawa… sobrang nag-aalala sa taong yun na hindi man lang naisip na may mga tao siyang naiwan dito.


You! Selfish BEAST!!

...Itutuloy

No comments:

Post a Comment