Sunday, January 6, 2013

Puno ng Pag-ibig (01-05)

By: Mikejuha
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: getmybox@hotmail.com

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.

[01]
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"

May isang bagong itinayo na bahay sa tapat lang ng aking apartment. Sa pondasyon pa lamang nito ay masasabing malaki-laki ang building na gagawin nila.


Dito nagtatrabaho si Marjun; isang laborer na nasa 5’10” ang tangkad, moreno, maganda at matipuno ang pangangatawan at med’yo kulot ang buhok. Sa kabuuan, may hitsura at kung hindi lang sa kanyang trabahong marumi at puno ng dumi ng semento ang damit, masasabing may porma at dating talaga siya.

Alas tres iyon isang hapon noong may binili ako sa labas lang ng apartment. Noong pabalik na ako at papasok na sana ng gate, nakita ko siyang nakaupo at nagpahangin sa maliit na cottage sa ilalim ng puno ng akasya sa harap lang ng aking apartment. Ang cottage na iyon na gawa sa nipa at kawayan ay sinadyang ipinatayo ko. Bagamat hindi pa gaanong malaki ang puno ng akasya, may lilim na ito na nakapagbigay ng preskong simoy ng hangin lalo na kapag ganoong tag-init. At sa cottage na iyon ako kadalasang nagmumuni-muni, nagpapalamig, nag-iisip, nagpapalabas ng sama ng loob at hinanakit sa mundo, at kadalasan doon ko dinadala ang aking laptop upang magtipa ng mga kuwento.

Ako din ang nagtanim sa puno ng akasyang iyon. Mahilig kasi ako sa kahoy. At kahit sa aking mga isinusulat na kuwento, minsan ginagawa kong simbolismo ito sa buhay at pag-ibig. Sabi ng manghuhula, ang kahoy daw ay may malaking papel sa aking tagumpay at pagkabigo.

Syempre tinawanan ko lang ito. Ano naman ang kinalaman sa kahoy sa aking tagumpay. Kung baha, land slide at global warming siguro ang pag-uusapan, malaki talaga ang papel ng kahoy. Pero sa buhay ko? Hmmm. “Mukha ba akong mother earth?” sa loob-loob ko lang.

Dahil nag-iisa si Marjun na nagpapahinga doon, parang may nagtulak sa akin na lapitan siya. At iyon ang ginawa ko.

Seryosong napako ang tingin niya sa akin noong napansin niyang lumihis ako patungo sa direksyon ng cottage imbes na sa direksyon ng gate kung saan sana dapat akong pumasok. Bakas sa mukha niya ang pag-alangan, marahil inisip na baka paalisin ko siya, o pagsabihang bawal ang mag-estambay doon. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang palapit nang palapit ako sa kanya.

“I-ikaw iyong isa sa mga trabahante d’yan, ano?” ang tanong ko agad habang itinuro ko ang nasabing building na ginawa nila. Umupo na rin ako sa tabi niya.

“O-opo. Isa nga po ako sa mga nagtatrabaho d’yan. Laborer po ako. May isang linggo na akong nagsimula.”

“Sabi ko na nga ba eh. Kasi parang nakita na kita noong isang araw.” Ang palusot ko, kunyari ay hindi ako siguradong siya iyon. “Malaki-laki ata ang itatayong building d’yan ano?”

“Opo… apartment din ata eh. Nasa Canada ang may-ari.”

“Ah…” ang nasambit ko, hindi alam kung paano ko sasabihin ang pakay ko sa kanya. “A-ako pala si Aldred” ang pagpakilala ko na lang sa sarili sabay abot ng kamay ko.

Binitiwan niya ang isang ngiting-hiya, nag-aalangan na parang hindi makapaniwala na kinaibigan ko ang tulad niyang nabalot sa dumi ang katawan. “Ako naman po si Marjun.” At bagamat halata kong nag-alangan, iniabot pa rin niya ang kanyang kamay sa akin. “Eh… sensya na po, madumi ang aking kamay…”

“Ay… ok lang iyan, Marjun. At least, ang dumi ng kamay mo ay galing sa semento at graba, hindi galing sa kubeta.”

Natawa siya.

Tinanggap ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon upang magshake hands kami. Hinawakan na rin niya ang aking kamay. Doon ko naramdaman ang malalaking daliri niya at ang malakas, matigas, at magaspang na kalyo sa kanyang kamay. “Huwag mo na lang akong po-puin Marjun. Aldred na lang ang itawag mo sa kin. Puwede ring Kuya Aldred. Alam ko, malaki ang agwat natin e. 35 na ako samantalang ikaw ay nasa 21 lang ba? O 22?”

“23 na po ako”

“Ah… muntik na akong tumama, hehehe. Parang 21 ka pa lang tingnan kasi.”

“Salamat po.”

“Iyon nga lang, huwag na lang ang ‘po’ ha?”

Natawa uli siya. “Ay… sige po. E… Aldred pala, hehehe.” Ang sagot niya. Parang kumportable na siya sa aming usapan.

“Alam mo, Mar…” ang pagbukas ko na sa aking pakay. “Isa akong manunulat. At kaya kita kinausap ay upang alukin ka na maging modelong mukha at katawan sa isa sa mga karakter ng sinimulan kong kuwento. Noong unang nakita kasi kita sa trabaho mo, nakahubad ang pang-itaas na katawan, sumagi kaagad sa isip ko ang katauhan ng karakter ng aking kuwento na si ‘Lester’. Parang kagaya mo siya...”

“T-talaga po? E… Aldred pala?” ang may dalang excitement na sagot niya.

“Oo. Kasi ang ‘Lester’ na karakter ng aking kuwento ay matipuno, malakas, masipag, at kagaya mo, sanay sa pisikal at mabibigat na gawain. Galing kasi siya sa isang mahirap na pamilya.”

“Parang ako rin pala. Parang maganda iyang kuwento mo ah. Sana ay mabasa ko. Mahilig din naman akong magbasa. Iyong tagalog lang.” sabay tawa.

Natawa na rin ako. “Syempre naman, mabasa mo iyon. At Tagalog iyon. Pero payag ka bang maging modelo ko?”

“Paano ba ang pagmomodelo? May… e… sweldo ba iyon?” pag-aalangan niyang tanong.

“Hmmmm. Pwede kitang bigyan ng kaunting halaga. Kasi syempre, hindi pa naman kumikita ang libro ko kung saan ay ilalagay natin ang litrato mo sa cover page at sa kabanata na may highlights. Pero kung halimbawang kikita siya, may royalty ka ring matatanggap.”

“Wow! Libro pa talaga!” ang sigaw niya, hindi inaasahang gagawing libro ko pala ang aking kuwento.

“Oo… libro” at makikita ng maraming tao ang iyong mukha.

“D-di ba nakakahiya?” ang pag-aalangan niya.

“Ba’t mo ikahihiya ang mukha mo? Kapag nakadamit ka ng maayos ay para ka na ring isang modelo o artista eh. Daig mo pa nga siguro ang iba d’yan.”

Parang nag-blush siya sa aking sinabi. “Hindi naman…”

“Ano ka? Totoo kaya!”

Hindi na niya pinatulan ang birit ko. Bagkus, “T-teka… ano ba ang ibig sabihin ng royalty?”

“Iyan ay ang isang parte mo kapag may maibentang libro”

“Ah…” Nag-isip sya. At maya-maya lang, “S-sige. Sige… Payag akong magiging modelo mo. Kailan natin gagawin?”

“Kung kailan mo gusto. Puwede ring mamayang gabi magsimula tayo. Libre ako mamaya.”

“A-ano ba ang gagawin ko?”

“Kukunan lang kita ng litrato at iyon lang.”

“Ah sige, sige. Mamaya alas 6 ng gabi, pupuntahan kita dito s apartment mo.”

Iyon ang napag-usapan namin bago siya tumayo at nagpaalam. “Trabaho na uli ako Aldred. Nand’yan na ang bisor ko!”

Ewan. Pero sumaya ako sa maiksi naming usapan na iyon.

Eksaktong alas 6 ng gabi, tinupad nga ni Marjun ang aming usapan. Naka kulay berde na t-shirt at jeans na kupas. Mukhang tao na siya. Malinis at higit sa lahat, pansing-pansin na ang taglay niyang kakisigan.

“Ay salamat at sumipot ka talaga! At wow! Ang guwapo-guwapo ng aking model naman! Sabi ko na nga ba eh!” ang papuri ko.

Napangiti siya. “Guwapo? Mas guwapo ang tatay ko! Sana nakita mo siya.” biro niya.

“Naks! May ganoon pa talagang linya, hehehe” sagot ko. “Kumain ka na ba?”

“Kumain naman. Tapos na.”

“Ay ako ay kakain pa lang kaya sabayan mo akong kumain. Kundi, magtatampo ako sa iyo.”

Kumain kami at tuloy pa rin ang kuwentuhan tungkol sa trabaho niya. Nabanggit niya na galing probinsiya siya, at napadpad lamang sa lugar namin dahil sa kanyang kaibigan na ni-recruit siya upang magtrabaho. Panganay kasi siya sa limang magkakapatid at kailangang kumayod upang makatulong sa kahirapan ng pamilya.

Pagkatapos naming kumain at nasa sala na, nagtanong na siya kung ano ang gagawin niya.

Ngunit imbes na sagutin ko ang tanong niya, tinungo ko ang refrigerator at kumuha ng apat na bote ng beer, binuksan iyon at iniabot ang isa sa kanya. “Magpainit muna tayo”

Napangiti siya. At habang tinaggap ang beer na inabot ko, “Kailangan ba talagang uminum bago ang picture-taking?” tanong niya.

“Para mamula-mula ang mukha mo” biro ko. Actually, gusto ko lang namang mas makilala siya, makausap at magkagaanang-loob muna. Maganda kasing kahit papaano, may alam akong med’yo malalim-lalim sa pagkatao ng aking modelo. Malay ko, baka maidagdag ko pa sa kuwento ko ang mga karanasan, mga nararamdman, at laman ng pag-iisip niya.

“Ganoon ba iyon?” Biro niya. “A-ano nga pala ang kuwento na iyan na pagmomodelohan ko?”

“Tungkol ito sa isang taong masaklap ang karanasan sa pag-ibig. May katipang nanloko sa kanya, mayroong iniwan na lang siya ng basta, mayroon ding sinaktan siya ng pisikal…”

“Ang saklap naman…”

“Medyo. Drama din.”

“Siya ba iyong sinabi mong karakter na ako, si Lester ba iyon?

“Hindi. Bale ikaw, bilang Lester, ang love interest niya.”

“Ah… babae pala ang pinaka-bida ng kuwento?”

“Lalaki rin.” Ang kaswal kong sagot, inobserbahan ang kanyang reaksyon.

Napatingin siya ng seryoso sa mukha ko, bakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat. “P-paano nangyari???”

“M2M story ang kwento ko, Mar…”

At doon na siya nabilaukan sa beer na nainum niya. “G-ganoon ba? Akala ko lalaki at babae?”

Tahimik. Hindi ko kasi alam ang nasa isip niya; kung matakot ba siya at huwag nang tumuloy, o tanggapin pa rin niya ang pag-momodelo sa kuwento.

“S-sorry. Hindi ko nasabi agad sa iyo ha?” ang pagbasag ko sa katahimikan. “Akala ko kasi hindi malaking issue iyon sa iyo.” Ang paliwanag ko.

“Hindi, hindi. O-ok lang sa akin, Aldred. Nagulat lang ako kasi… sino bang mag-aakalang M2M pala ang kuwento mo. Akala ko, ordinaryong lalaki-babae na love story lang iyan.” Ang sambit niya. “Pero tamang-tama, hindi pa ako nakabasa ng M2M. Baka dito pa sa kuwento mo.” Ang pagbawi din niya.

“Ibig sabihin ok lang sa iyo…? Papayag ka?”

“Wala namang mawawala sa akin, di ba? At sa kabilang banda, ibang karanasan din ito para sa akin; ang pagiging modelo at… sa isang M2M na kuwento pa!”

“Hindi ka naman mahihiya?”

“Hindi naman siguro. Trabaho lang ito. Bakit ako mahihiya?”

“Sabagay…”

“Ano ba ang papel ko talaga sa kuwento?”

“Nasa kabanata pa ako kung saan ang katipan niya ay nag-asawa, at ipinangako niya sa sariling hindi na siya iibig pa…”

“Awts ang sakit noon. Puwede malaman kung paano nangyari ito?”

“Buod lang muna. Magkasintahan sina Byron at Nathaniel or Nath. Magkakaklase kasi sila sa High School at doon sila na develop sa isa’t-isa. Hanggang sa nag-college at gumarduate, hindi sila naghiwalay. Subalit nagkagirlfriend si Nath, si Liz. Lihim lang ito ni Nath ngunit dahil wala namang lihim na hindi mabubunyag, nalaman din ito ni Byron. Pinilit ni Byron na unawain si Nath. Mahal na mahal kasiniya ito. Ngunit mahal din naman Nath si Liz. Noong nabuntis ni Nath si Liz, napilitan siyang pakasalan ang huli. Sobrang drama ang tagpo nito sa araw ng kasal kasi, syempre, best man si Byron sa kasal. Sa gabi, habang nilasap ng bagong mag-asawa ang unang gabi ng pagniniig bilang mag-asawa, si Byron naman ay nasa may bakuran ng bahay, nagtanim ng isang puno na ayon sa kanya ay magsilbing isang bagay kung saan niya maipapalabas ang lahat ng sakit at sama ng loob. At dahil hindi naman sila naghiwalay, kasama pa si Byron sa bahay mismo ng mag-asawa, nagpanggap lamang sila na mag-pinsan. Noong isinilang ang baby nila ni Nath, ninong pa si Byron, at lalong naging masaya ang magasawa, na kabaligtaran naman sa naramdaman ni Byron na nagtiis. Ngunit hindi rin nagtagal ang set-up nilang iyon dahil isang araw noong umuwi ng maaga si Liz, nahuli silang may ginawa sa kuwarto pa mismo ng mag-asawa. Dahil dito, pinalayas ni Liz si Byron sa pamamahay nila at pinapili niya si Nath kung kanino siya sasama. Nagpaubaya si Byron kasi, una, kasal sina Nat at Liz, at pangalawa, may anak pa sila. Puro iyakan ang tagpo na ito. At sa pag-alis ni Byron sa kanila, pinutol din ng babae ang kahoy na itinanim ni Byron. Nai-kuwento kasi ito ni Byron kay Liz na may kinalaman ang punong iyon sa taong mahal niya ngunit hindi niya maaangkin ng buo...”

“Grabe… ang sakit!” sambit ni Marjun. “Parang gusto kong umiyak!”

“Sige umiyak ka…” biro ko.

“Tuloy muna ang kuwento” sabay tawa. “Excited ako. Ano ang sunod na nagyari?”

“Iyon ang pinakahuli at pinakamatinding karanasan niya sa pag-ibig. Kaya sa bago niyang buhay natutunan niyang huwag nang magmahal. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. At kapag puso na ang tumibok, hindi mo mapigilan ito. Si Lester, at ikaw iyon…” sabay tingin ko sa kanya. “Mabait, gentleman, masipag, lumaking mahirap at sanay sa mabibigat na gawain. Magkasama sila sa trabaho. Asst. Manager si Byron habang janitor at hardinero naman si Lester. Si Lester ay walang kaalam-alam sa pagkatao ni Byron. Sa araw-araw na nakikita ni Byron si Lester na napakasipag, napakamatulungin at maalalahanin, nahulog ang loob ni Byron kay Lester. Pilit na pinigilan ni Byron ang sarili at huwag matukso. Ngunit sadyang malakas ang udyok ng kanyang puso. Kaya nagtanim muli siya ng kahoy sa maliit na hardin mismo ng kumpanya upang ito ang magpaalala sa kanya sa mga sakit na naranasan sa kamay ng pag-ibig at upang lakasan niya ang loob na labanan ang naramdaman. Ngunit aksidenteng naputol at napatay ni Lester ang itinanim niyang kahoy sa pag-aakalang isang ligaw na halaman lamang ito at nakakasira pa sa landscape ng hardin. Noong nalaman ni Byron na pinutol ni Lester ang tanim niya, kinabahan siya, sumagi sa isip na baka isang simbolismo ito; na ang taong lihim niyang minahal ay siya pang puputol sa kanyang kahoy na simbolo din ng kanyang pagpigil na mahalin ang mismong tao. Sinugod niya si Lester at pinagalitan, sinigawan, tinakot na sesantehin dahil sa kanyang ginawa. Hindi maintindihan ni Lester kung bakit ganoon kagalit sa kanya si Byron dahil lamang sa isang tanim. At sa sama ng loob, nagresign din si Lester. Ngunit bago umalis, pinalitan niya ang tanim ni Byron sa mismo ding lugar kung saan itinanim ni Byron ang naputol na puno. At sinabi niya kay Byron na para sa kanya ang tanim na iyon, kapalit ng tanim na aksidente niyang napatay. Lumipas ang dalawang taon, lumaki nga ang kahoy ni Lester. At noong dumalaw siya sa kanyang dating tinatrabahuhan, nagka-usap sila ni Byron at nanghingi naman ng tawad ang huli. At dahil interesado pa rin namang magtrabaho doon si Lester, ibinalik siya ni Byron sa kanyang dating puwesto. Ngunit… sa unang araw mismo ng pagsimula na naman ng trabaho ni Lester, pinutol at pinatay niya ang kahoy na itinanim niya para kay Byron…”

“Waahhh! Bakit niya pinutol??? At ano ang sunod na nangyari???” ang tanong ni Marjun na halatang excited sa kahahantungan ng kuwento.

“Sorry… kasi, hanggang d’yan pa lang ang naisulat ko. Hindi ko nga alam kung paano dugtungan ang kuwento eh.”

“G-ganoon? Dapat happy ending iyan ha?. Ang ganda kasi. At kawawa si Byron.” Ang sabi ni Marjun.

“Sana… sana… happy ending siya. Di ko pa alam talaga.” ang sagot ko.

“Ngunit baka hindi ma-aprobahan ng gobyerno na ipalabas ang kuwento mo ah!”

“Bakit?”

“Syempre, maggalit ang DENR. Ilang kahoy na ang pinutol mo sa kuwento.”

Tawanan.

“S-sandali. Paano ka ba nakagawa ng ganyang mga kuwento? Base ba iyan sa totoong karanasan o gawa-gawa mo lang?”

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tiningnan ko si Marjun. Naging seryoso ang aking mukha. Ewan, tinamaan ata ako sa tanong niyang iyon. Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha. “B-base sa totoong karanasan ang mga iyan; isang refleksyon sa mga nagdaang masasakit na mga karanasan at ala-ala sa aking buhay. Sa kuwento ko, ako si Byron.” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

“Ay, sorry… sorry po…” ang malungkot din niyang sabi noong nakitang umiyak na ako.

Pinahid ko ang aking mga luha at binitiwan ang ngiting-hilaw. “O-ok lang Marjun. Kasi… at least di ba ang sabi nila na kapag na-unload mo ang iyong masasakit na dinadala sa isang tao, nakakatulong ito upang gumaan ang iyong pakiramdam. Ako kasi, walang mapagsabihan sa aking mga saloobin kaya dinadaan ko lang sa kuwento. Minsan, umiiyak ako habang tinitipa ang mga kataga dito at bumabalik-balik sa aking ala-ala ang mga masasakit na karanasan sa pammagitan ng aking karakter… Parang ako mismo ang nandoon sa kuwento, sariwang-sariwa muli ang mga kaganapan sa aking buhay.”

“P-pasensya ka na. Hindi ko alam, mahirap pala ang pinagdaanan mo.” Sabay lapit niya sa akin at mistula akong isang batang sinusuyo niya, hinahaplos ang likod.

“O-ok lang. Natuwa nga ako, nasabi ko sa iyo ito. Alam mo, sa iyo ko pa lang naranasang makapag-unload ng ganito. Kadalasan, ang computer ko lang ang nakakarinig sa aking mga hinanaing sa buhay, sa pamamagitan ng aking patitipa ng mga kuwento ko sa kanya.”

“Alam mo Aldred, ngayon ko naramdamang ambait mo pala. K-kung babae ka lang sana… at kung ako lang si Lester at ikaw si Byron, liligawan na kita at hindi na pakawalan pa. Sana sa kuwento mo ay malaman ni Lester ang mga paghihirap ni Byron at mamahalin niya ito. Upang kahit sa kuwento man lang ay maranasan ni Byron ang lumigaya, ang mahalin ng wagas.”

Napangiti naman ako. “Sana… At sana rin ikaw rin talaga si Lester.”

Napangiti siya.

“Ikaw ba hindi pa nakaranas ng pagkabigo sa pag-ibig?” ang pagbaligtad ko sa tanong.

“Eh…” ang pag-atubili niya. “N-aranasan na rin. Kaya nga natamaan din ako sa kuwento kung saan ikinasal iyong kasintahan ni Byron sa iba kasi naramdaman ko ang sakit noong ikinasal din ang aking nobya. Sobrang sakit din noon. Siya ang first love ko. Sa kanya ko naranasan ang magmahal. Ngunit dahil sa wala akong pera, high school lang ang natapos, kaya tutol ang mga magulang niya sa akin at ipinakasal siya sa isang Amerikano. Nasa Amerika na siya ngayon at may dalawang anak. Para akong mababaliw noon. Halos magpakamatay na lang ako. Simula noon, parang takot na akong umibig pa…” ang malungkot din niyang sabi.

“Talaga? Pareho pala tayo. Mga bigo sa pag-ibig.”

“Oo nga eh.”

Tawanan.

“Hindi mo naman siya sinisi?” dugtong ko.

“Hindi naman. Ngayon ko napagtanto na hindi kami bagay. Parang nabulag din kasi siya sa pera ng Amerikano eh. Hinikayat ko siyang magtanan ngunit ayaw niya dahil magagalit daw ang tatay at nanay niya. Kesyo paano ko daw siya bubuhayin, ano ang ipapakain ko sa kanya at sa magiging mga anak namin… Ganoong mga tanong. Di ba ang importante lang naman kapag nagmahal ka, ay manindigan ka. Wala nang daming tanong kung paano, kung magkaano, kung ano… Dahil kung pareho ninyong mahal ang isa’t-isa, ang pag-ibig na mismo ang kusang maghanap ng paraan upang malampasan ninyo ang lahat ng pagsubok.”

Napahanga naman ako sa siabi niya. Tama nga naman. Ika nga, love will find a way… “Ang galing ng linya mo. Magamit nga iyan sa kuwento ko.” Ang naisagot ko na lang.

Natawa siya. “Oo ba… Ibang bayad na naman iyan.”
Tawanan.

“H-hindi mo ba siya na-miss?”

“Na-miss syempre. Pero dati na iyon. Tanggap ko nang hindi talaga kami para sa isa’t-isa. Maaring ang taong nakatadhana para sa akin ay hindi pa dumarating. Lahat naman tayo ay may nakatadhana, di ba?”

“Hmmm… maaari.” ang sagot ko. Hindi na kasi ako umasa na may nakatadhana pa para sa akin. Sa kalagayan ko bang isang bakla… “Pero alam mo, ang kaibahan sa sitwasyon natin ay kapag nakita mo na siya, pwede mo siyang pakasalan samantalang ako, kahit makita ko pa siya, hindi siya puwedeng maging akin talaga sa mata ng tao at mata ng Diyos… kasi wala namang same-sex marriage sa Pinas eh. At labag daw ito sa batas ng Diyos. Kaya sa mga kagaya namin, makontento na lang kami sa pangarap. At ako, kagaya ni Byron, hindi na ako muling magmahal pa…”

“Oww?” ang expression niya. “Hindi naman din ako naniniwala sa kasal eh. Ang mas mahalaga ay pag-ibig. Kasi kung kasal man kayo ngunit sa bandang huli ay magkahiwalay din, ano ang silbe ng kasal? Pagmamahalan talaga ang importante. Kahit walang kasal basta panindigan ninyo ang inyong pagmamahalan, walang kahit na sino man ang maaaring magkapaghiwalay sa inyo.”

“Sabagay…” ang sagot ko. “O sya… masyado na tayong madrama. Magsimula na tayong mag-shoot!” mungkahi ko.

Tawanan. “Sige-sige… at may trabaho pa ako bukas” ang sagot niya. Ewan, parang naramdaman kong masaya din siyang nakapag-unload sa akin.

“Ok… may angle tayong nakahubad pang-itaas ka, may angle tayong naka-brief ka, at may shoot tayong naka-casual ka. Tapos may shoot din tayong nasa kama ka, at may nakatayo sa isang gilid ng kuwarto. Tapos isang araw, sa beach naman tayo, naka swimming trunk ka, mayroon ding nasa tubig, may nasa buhanginan…”

“Ahh, hindi pala matatapos ito ngayon lang?”

“Hindi. Kasi gusto ko na sa bawat chapter na may highlight sa kuwento, may litrato ka doon. Start muna tayo sa nakahubad pang-itaas ka.”

At hinubad na ni Marjun ang kanyang pang-itaas na damit. At ito ang bumulaga sa aking mga mata.



[Itutuloy]

"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"


[02]
“Huwaaahhhh! Hanep ang katawan!!!” sambit ko noong lumatad na sa aking paningin ang walang saplot na pang-itaas niyang katawan.

“Hindi naman…” ang pahumble pa niyang sabi. “Dahil lang iyan sa mabibigat na trabaho”

“Naks naman! Pa-humble effect pa ito…” sagot ko. At noong mapansin ko ang garter ng brief niyang nakausli sa harapang waistline ng kanyang jeans, naintriga naman ako. “At anong brand yang brief mo? CK ba yan?”

Parang nagulat siya na pati ang brief niya ay pinansin ko. “H-hindi ko alam… Basta binili ko lang siya sa tabi-tabi, sa bangketa. Bakit?”

“Sikat kasi yan at may pangalan…”

“Ay malay ko ba. Basta may mai-suot lang, ok na sa akin. Wala akong pakialam sa brand.”

“Patingin nga kung talagang galing ba sa bangketa?” ang may halong biro kong sabi.

Ngunit ako rin ang nagulat dahil bigla ba namang binuksan niya ang zipper ng pantalon niya at hinatak pababa ito upang tuluyang lumantad ang kanyang brief.

“Nyayyyy!” sigaw ng isip ko. Pakiramdam ko ay biglang nagsilab ang aking katawang lupa sa nakitang bukol sa harap niya. Anlaki! At hindi man lang siya nailang o nahiya na makita ko ang bukol niya. Napalunok tuloy ako ng laway. “P-uwedeng mahipo ang tela niyan?” ang sabi ko na lang. Napasubo na eh. At parang di ko mapigilan ang hindi siya matsansingan.

“Oo ba…” at hinawi pa niya ang kanyang mga kamay upang hindi makaharang sa kanyang brief.

Syempre, sinalat ko kaagad ang garter at dinama sa aking daliri ang texture ng tela noon. At syetness, parang gusto ko talagang ipasok na sa kalilaliman ng kanyang brief ang aking daliri. “Haisttttt” sa loob-loob ko lang. Nanaig kasi ang takot ko na baka isipin niyang may iba akong motibo sa pag paghikayat ko sa kanyang maging modelo. Ayoko namang masira ako sa kanya. Kaya, “Tumalikod ka nga?” ang sunod ko na lang na sinabi.

Tumalikod din naman siya. At napa “Shit!” na naman ako sa ganda ng umbok ng kanyang puwet. Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking kalamnan sa sarap ng aking nakita. Ngunit, kagaya ng pagkakita ko sa bukol ng kanyang harapan ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang mag “Haisssssttt!!!” sa sarili ko.

Natapos ang session namin sa gabing iyon. Binigyan ko na rin siya ng bayad. Tuwang-tuwa siya sa perang ibinigay ko. Sabi niya, ang dali lang pala…

Aalis na sana siya noong naitanong kong, “Saan ka pala umuuwi?”

“Nag bed space lang ako, kasama ang pinsan at kaibigan, isang tricycle ride lang ang lugar galing dito.”

“Ah??” ang nasambit ko. “Magkano ang bayad mo sa pagbi-bed space?”

“Eh… 400 ang buwan.”

“Tapos gagastos ka pa niyan sa pagkain at pamasahe araw-araw…”

“Oo.... Pero kapag nabuo na ang unang palapag ng building na ginawa namin, pwede na raw kami doon pansamantalang matulog. Magdala na lang kami ng mga lutuan. Ang higaan naman kahit mga plywood at kahoy na ginamit namin ay puwede na. Magdala na lang kami ng kumot.”

“Ay naku… Marjun, mahirap ang ganyan. Magkasakit ka pa. Atsaka, saan kayo dudumi? Sa semento? Saan kayo matutulog? Sa semento din?”

“Ok lang sa akin. Sanay ako. Mas nakakatipid kasi kami kapag ganoon eh.”

“Eh… kung ok lang ba sa iyo, dito ka na tumira sa akin habang ginagawa pa ninyo ang building na iyan. Libre ka dito sa lahat pati pagkain. Atsaka, nasa harap lang ng apartment ko ang work area mo.” Ang mungkahi ko. “Wala naman akong kasama dito e. Kaya mas maganda kung samahan mo ako dito.

“P-paano naman kita babayaran niyan?”

“Anong bayad ka d’yan! Maglinis-linis ka lang ng bahay, solved na ako.”

“Ganoon lang? Sige ba! Puwede ako. Yeheeey!” ang sigaw niya sa sobrang tuwa sa narinig na mungkahi.

“At kung gusto mo rin, kahit ngayon na, dito ka na matulog.”

“Ay huwag muna.” Ang biglang kabig naman niya. “Sa boarding muna ako matulog ngayong gabi. Magpaalam muna ako ng maayos sa landlady at mga kasamahan ko para klaro at hindi sila maghanap sa akin.”

Tama nga naman.

Kinabukasan, Sabado, wala akong pasok sa opisina kaya maagang-maaga kong inayos ang kuwarto. Pinalitan ko ang mga pillowcases, bedsheets, nilabhan ang mga kumot. Malaki ang kama ko, queen size ito ngunit hindi ako sigurado kung papayag siyang magtabi kami sa pagtulog. “Anyway, kung ayaw naman niyang tumabi sa akin, may spare namang kutson. Ilatag ko lang ito sa sahig sa tabi ng aking kama, at pwede na siguro.

Pagkatapos kong mag-ayos, gumawa ako ng sandwich at juice. Ewan kung bakit sa pagkakataong iyon, sobrang excited ako at sobrang saya ang aking naramdaman na pati sandwich at juice ay naghanda pa talaga ako.

Pagkatapos, nagmadali akong lumabas ng gate, dala-dala ang aking laptop, at sampung sandwich na ginawa ko talaga, props ba. Kunyari kumakain ako habang nagtitipa. Ang juice naman ay pinalamig ko sa refrigerator. Sinadya ko talagang nandoon na sa cottage alas 8:30 pa lang. Alam ko kasing kapag alas 9 na, breaktime niya at kadalasan, doon siya nagpapahangin at kumakain ng tinapay sa cottage ko. Normally, hindi ako nagdadala ng pagkain sa cottage dahil dahil istorbo lang ito sa aking pagko-concentrate sa paggawa ng kuwento, habang nagtitipa. Subalit sa pagkakataong iyon, may masamang hangin ang humampas sa aking tuktok: si Marjun.

Sa paglabas ko pa lang ng gate ay kitang-kita ko na agad siya. Naka-maong, naka-hubad pang-itaas at ang mismong t-shirt ay nakalaylay sa kanyang likuran, ang dulo ay isinisiksik sa likurang bulsa. Lalaking-lalaki ang porma. Maton. Nagmamasa siya ng semento kasama ang dalawa pang laborer at sa init ng sikat ng umagang araw, mistulang nabalot sa langis ang kanyang katawan.

Sa totoo lang, parang gusto ko siyang lapitan at punasan, paypayan, painumin ng tubig… “Kawawa naman siya.” Ang nasambit ko na lang sa sarili.

At ewan ko ba, para akong lumulutang sa ere noong mapadayo sa akin ang tingin niya habang naglalakad akogn patungo sa cottage na dala-dala ang aking laptop at isang supot ng sandwich. At lalo na noong binitiwan niya ang isang pamatay na ngiti at kumaway pa. Napa “Syeeettt!” talaga ako sa sarili ko. Kitang kita ko ang magagandang dimples sa kanyang pisngi at ang pantay at mapuputing mga ngipin.

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib na halos matapilok na ako sa aking paglalakad. Ngunit hindi ako nagpahalata. Kunyari hindi ako affected. Kumaway din ako, ngumiti at noong napansing nakatingin na rin sa akin ang mga kasamahan niya na ang mga mata ay tila may pagtatanong, dali-dali din akong yumuko at dumeretso na sa cottage, inilatag ang aking laptop at ang supot na naglalaman ng sandwich sa mesang kawayan. Naupo ako at nagsimulang magtipa.

Ah grabe ang kilig ko habang nasa ganoong sitwasyon. Parang bumalik muli ang aking pagkabata, ang aking pagka-inosente, ang aking pagka-virgin. Charing.

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Nakabukas lamang ang laptop ko ngunit walang pumasok na kung ano sa aking utak. At ang aking mga mata ay palihim na tumitingin kay Marjun.

Gosh! Grabe to-the-max na talaga! As in… Kasi ewan ko kung nag-ilusyon lang ako, ngunit nahuhuli ko rin siyang sumusulyap-sulyap sa akin! At napansin ko pang para siyang nagpapapansin! Nand’yan iyong pabirong pinapalo niya ng pala ang puwet ng kanyang kasama na gaganti naman atsaka tatakbo siya. Nandyan iyon tatawa siya ng malakas…

“Ano iyon?” ang tanong ko na lang sa sarili. Kapag ganoong nakita siyang nagpapapansin. Tureteng-turete talaga ang utak ko. Para akong maiihi na matatae. Hindi ko rin alam kung sinadya ba niyang magpapapansin.

Alas 9, heto na. Kunyari, concentrate na concentrate ako sa aking ginagawa, tutok na tutok sa kunyari sa pagtitipa at hindi nakatingin sa paligid. At noong palapit na siya, dali-dali kong kini-click ang site ang fb account ko.

Grabe ang excitement ko talaga noong napansing tinumbok na niya ang kinalalagyan ko. Napansin ko pang tinanggal niya ang kanyang t-shirt na nakalaylay sa kanyang likurang bulsa at isinuot iyon habang naglalakad siya patungo sa cottage. Parang narinig ko ang malakas na sigaw ng isip ko ng, “And’yan na siya, and’yan na siyaaaaaaa!!!” Nakakabingi ang kalampag ng aking dibdib.

Ngunit, syempre, playing demure naman ako. Kunyari ay hindi ko pa rin siya napansin. Click na lang ako ng click sa aking fb ng, “like”, “like”, “like”, “like”, “like”, “like”, “like”, “like”, “like”. Hindi ko na alam kung sinu-sino at anu-ano na lang ang ni-“like” ko.

At heto na… dumating na sya. At aba, deretso ba namang naupo sa aking tabi at pagkatapos, sinilip ang ginagawa ko sa aking laptop. At dahil sa dikit na dikit niyang pagtabi sa akin, naaamoy ko pa ang kanyang pawis. Wala siyang putok ngunit amoy lalaki ang nalanghap ng aking ilong. At nagustuhan ko ang amoy niya. Iyon bang amoy ng pawis na nakakapagdagdag ng pagnanasa.

“Ano yan?” ang inosenteng tanong kaagad niya sa akin habang tiningnan ang screening laptop ko.

“Aba… Parang ganoon na kami ka close!!!” sa isip ko lang. At kunyari nagulat ako na nandyan pala siya sa aking tabi. “Ay… ikaw pala Marjun! Heto… nag facebook. May facebook ka ba?” tanong ko din.

“Ay… hindi ako marunong niyan. Hindi ko nga alam magcomputer eh…” ang sagot niya.

“Ay ganoon? Sayang. Sana friend tayo sa facebook.”

“Hayaan mo, friend naman tayo sa face-to-face” ang sambit niya.

Natawa ako. “Kaw ha… witty ka. Siguro matalino ka”

“Iyan din ang sabi ni ma’am. Matalino daw ako; matalino sa pangongopya.”

Tawanan.

“Pwede kitang turuan sa computer, pag may time na tayo” sambit ko.

“Huwag na… di bagay sa akin. Di bagay sa katayuan ko. Ok na sa akin ang ganito...”

“Woi… kaw naman. Dapat matuto ka rin. Malay mo magagamit mo din iyan isang araw… Basta, turuan kita pag may time na tayo.”

“Sige, ikaw ang bahala.”

“Syanga pala, may sandwich ako.”

“Uyyy? Para sa akin?” ang masaya niyang tanong.

Syempre, deny-deny muna ang drama ko. Kaya ang sagot ko ay, “Baon ko habang nagtitipa. Hindi ko maubos-ubos eh.”

“Ay… salamat ha? So puwede ko nang kainin?”

“Oo naman. Kesa masayang lang iyan”

Kumain siya.

“Hintayin mo ako sandali ha? May kukunin lang ako sa loob.” Ang sambit ko habang dali-dali akong pumasok ng bahay.

“Sige…”

Pagbalik ko ay dala-dala ko na ang isang pitsel ng orange juice.

“Waaaahhh! Special!” sambit niya noon gmakita ang orange. “Kakahiya naman!”

“E… di kung nahihiya ka, bayaran mo na lang.” Ang biro ko.

“Puwede…” ang sagot lang niya habang patuloy sa pagkain. Ewan kung ano ang ibig din niyang sabihin sa sinabi niyang bayad na “puwede”.

“Oist… mamigay ka naman sa mga kaibigan mo. Kawawa naman sila” ang sabi ko.

“Huwag na. Kakahiya sa iyo. Pinakain mo na nga ako, magdadala pa ako ng iba.”

“Mauubos mo ba yan?” tanong ko.

“Hindi.”

“O, e di ibigay mo sa kanila.”

Tinawag niya ang kanyang kasama.

Lumapit ang dalawa. “Aldred, heto si Mario, ito iyong pinsan ko. Heto naman si Ver, kaibigan kong nag-recruit sa akin dito” ang pakilala niya sa dalawa. “Mga tol… si Aldred, kaibigan ko…” pakilala din niya sa akin sa kanila.

“Aldred…” ang sabi ko at kahit nahiya silang magkipagkamay, kinamayan ko sila. Mababait naman sila sa tingin ko. Mahiyain nga lang bagamat parang nagtatanong ang kanilang mga mata tungkol sa amin ni Marjun.

Sa hapon, ganoong set-up pa rin. Bago mag alas tres ng hapon, nandoon na ako sa cottage. As usual, lumapit si Marjun, nakikain, at nagkuwentuhan kami.

Ewan ko, parang sobrang close na talaga namin. Siya na itong kumuha ng juice sa refregirator at nagbalik ng pitcher sa loob, kumuha na rin siya ng tubig sa refrigerator. Walang kyeme.

“Mamayang gabi dito ka na matulog sa apartment ko? Tuloy na iyon?”

“Oo. Nakapagpaalam na ako at wala nang problema.”

“Hindi ka naman tinanong kung bakit?”

“Sinabi kong nagpapart-time work ako sa iyo. Linis ng bahay kapalit sa pagtira. At nagmo-model din sa kuwento mo.”

“Hahahaha!” natawa ako. “Hindi ka naman nila kinantyawan? Kung anong klaseng model iyan? Para kasing nagtatanong ang mga tingin nila kanina tungkol sa atin”

“Kinantyawan din. Ngunit wala naman sa akin iyon. Marurumi lang ang mga isip nooon. O kaya ay nainggit. Sabi ko nga sa kanila na mabait ka eh. At hindi ka bakla. Hayaan mo na sila. Takot sa akin ang mga iyon. Pagbubugbugin ko nga ang mga iyon eh.” Sabay tawa.

“Hindi ka naman nahiya?”

“Bakit ako mahihiya? Kung nahihiya ako sa iyo, e hindi na ako lalapit pa dito sa iyo. Hayan nga, tayong dalawa lang dito sa cottage mo. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga iyan.”

“Hayan, nakatingin sila sa atin. Lalo na seryoso ang ating mga mukha na para tayong magkasintahan na nag-uusap tungkol sa plano ng kasal”

Tawanan.

“Basta ako… hindi nahihiya. At proud akong naging kaibigan kita. Ako pa nga ang dapat na mahiya kasi, ganito lang ako ngunit kinaibigan mo. Basta simula mamaya, sa iyo ako matutulog.” ang paniguro niya.

Ngiti lang ang iginanti ko. Parang ang sarap ng pakiramdam na may ganoong taong bagamat may alinlangan ang tingin ng iba sa kanya dahil sa pakikipagkaibigan niya sa akin ay pinanindigan pa niya ito.

“At sila ang dapat mahiya sa iyo. Ang lakas-lakas ngaa kumain ng sandwich eh! At nilaklak pa ang juice!” biro niya

Tawanan uli.

Gabi, dumating din si Marjun. Alas 7 na. Kasi, nagligpit pa daw. Kumain muna kami at nag-inuman ng kaunti.

“Kumusta ang kuwento mo? Ano na ang nangyari kay Lester at Byron?” tanong niya.

“Hindi pa nga ako makapag-isip kung ano ang isusunod ko sa kuwento eh. Gusto mo, magbigay ka ng mga suggestions? Sagot ko.

“Hmmmmm….” Nag-isip siya. “Ganito kaya, kung halimbawang huwag na lang putulin ni Lester ang kahoy. Hayaan na lang ito hanggang sa madiskubre ni Lester ang dahilan kung bakit nagalit si Byron noong aksidenteng naputol niya ang kahoy na itinanim ni Byron at kung ano rin ang simbolismo noon sa buhay pag-ibig ni Byron.”

“Hmmmm…” nag-isip din ako. “Mukhang ok din. Ngunit sa anong paraan naman madiskubre ni Lester ang lahat?” tanong ko.

“Oo nga ano…” sagot ni Marjun.

“Iyan… yan ang dapat hanapan ng lusot.”

“Eh… kung sabihin na lang nating aksidenteng naiwan ni Byron ang diary niya sa opisina at nakita ito ni Lester habang naglilinis siya. Tapos, lihim na binasa…”

“Waaaaahhhhhh! Bingo!” ang sigaw ko. Ako kasi, kapag gumawa ng kuwento, open ang direksyon. Pati ako ay hindi pa alam kung paano magtatapos. Parang one step at a time at habang nagpo-progress ang kuwento, darating na lang ito sa puntong may mga pumapasok na ideya na sa aking utak kung paano ko ito susundan o tatapusin. At kapag ganoong may magandang twist, para din akong naka-bingo, kikilabutan ako niyan sa excitement. At iyon ang naramdaman ko. Ang kaibahan lamang ay hindi galing sa akin ang ideya; kay Marjun.

“Maganda ba?” tanong niya.

“Maganda! Shit! Pwede ka rin palang magkwentista eh!”

“Idagdag mo na lang sa royalty ko yan.” biro niya.

Tawanan.

So iyon ang naging plano kong isunod sa kuwento. Na nagkasama muli sina Byron at Lester sa work, bagamat pinipigilan pa rin ni Byron ang sariling huwag ma-inlove kay Lester. At upang siguradong hindi siya ma-inlove dito, lagi niyang pinapagalitan si Lester, pinapahirapan sa trabaho, inaapi, pinagsasabihan ng kung anu-ano kagaya ng, “Gusto mong tumagal dito? Puwes ayusin mo ang trabaho mo! Sa kagaya mong walang pinag-aralan, dapat ay magtrabaho ka ng maayos dahil kung hindi sesante uli ang aabutin mo. Mabuti kung makahanap ka pa ng trabahong ganito!” Hanggang sa isang araw habang naglilinis si Lester sa opisina ni Byron, nakita niya ang kanyang diary… At doon na pumasok ang twist. Binasa ito ni Lester at gumawa pa siya ng Xerox na kopya sa mga pahina kung saan may kinalaman sa kanya, sa kahoy at sa galit ni Byron sa kanya.

“Waaahhh! Ang ganda na ng twist!” sabi ni Marjun. “May black-mail na mangyayaari! Dali-an mo na Aldred ang pagsulat. Excited na akong malaman kung ano ang mga nabasa ni Lester sa diary ni Byron! Paano kaya niya gagamitin ang mga na Xerox na parte ng diary?”

“Ah… huwag muna. Ibibitin muna kita” ang biro ko.

“Yaayyyy! Daya! Sige ibibitin din kita sa pagkukuha mo ng litrato sa akin” ang biro din niyang pananakot.

Tawanan uli.

Nakatitig-apat na bote na kami ng beer noong mga personal na bagay na ang pumasok na topic sa aming usapan.

“M-may karanasan ka na ba sa sex Marjun?”

Napatingin siya sa akin tapos yumuko. Parang nahiya. “Sa babae mayroon na. Sa girlfriend ko, siya ang pinaka-una ko. Kaya mahal ko iyon.”

“S-sa ibang babae, mayroon na rin?”

“M-may naranasan din. Taga Maynila daw sila at dumayo sa piyesta sa amin. Napagtripan ako. Sa unang gabi, iyon isa. Sa pyesta mismo, iyong kaibigan naman. Tapos may nasundan pa.” sabay tawa.

“Talaga? Ilan ba sila lahat?”

“Apat. Iba-t-ibang okasyon. Minsan may nakita din ako sa ibang baranggay, ganoon din, pinagtitripan din ako.”

“Guwapo ka kasi…”

“Hmmm. Nand’yan na naman ang pambobola…” ang sabi niya medyo nahihiya.

“Bakit? Totoo naman ah!” ang pagdiin ko.

“Sige, salamat…” sabay ismid.

Tumawa na lang ako. Ewan. Parang ayaw niyang aminin na guwapo talaga siya. “Hmmpt! Napilitan sa salamat!” biro ko, sabay pang-ismid din..

Tahimik.

“E… sa bakla, may naranasan ka na?”

“M-mayroon, isang beses, sa piyesta pa rin. Ang ganda niya kasi. Daig pa ang babae. May boobs, sexy. Akala ko nga talaga babae eh.” sambit niya.

“A-anong ginawa sa iyo?”

“Sinusu iyong ari ko…”

“T-tapos…”

“Halik.”

“Tapos…”

“Tinira ko siya sa likuran. Doon ko nadiskubreng bakla pala kasi noong sinalat ko ang butas… may lawit pala ang tangina! Noong nalaman tuloy ng mga katropa ko, kinantyawan na nila ako. Next time, daw sasalatin ko muna bago papatulan.”

Tawanan.

“Nasarapan ka naman?”

“Oo naman. May boobs eh!”

Tahimik. Doon na parang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang may lungkot akong nadarama sa kuwento niya. Una, pagseselos sa taglay niyang kapogi-an. Nasabi ko tuloy sa sarili na, “Sana kagaya ako ni Marjun na guwapo, matangkad, maganda ang katawan, hinahabol ng mga babae at bakla. Pangalawa, iyon bang feeling na na-eenjoy niya ang sex na hindi na kailangang maghanap. Samantalang ako, heto naghahabol. Pangatlo, nagselos ako sa mga naka-sex niya. Parang gusto kong sabihing, “Sana ako na lang ang baklang iyon…”

Ramdam ko ang biglang paggapang ng awa para sa sarili. Bigla akong nalungkot.

“A-ano ang nangyari?” tanong niya.

“Wala… wala.” Ang pag-aalibi ko na lang.

“Anong wala? M-may kinalaman ba ang pagkuwento ko sa karanasan ko sa sex?”

Binitiwan ko ang isang ngiting pilit. “N-naiinggit kasi ako sa iyo.”

“B-bakit naman?”

“K-kasi, ang guwapo-guwapo mo, hinahabol ng mga babae at bakla… walang problema ang sex sa iyo. Ako, heto nag-iisa, iniiwanan ng mahal. Walang nagmamahal…”

Natahimik siya. “Alam mo… hindi ka dapat mainggit sa akin Aldred. Kasi, may hitsura nga ako, wala namang pinag-aralan. Mahirap pa sa daga ang buhay at mabibigat na trabaho ang kayang gawin upang magkapera. Ni paggamit ng computer nga hindi ko alam. BUong buhay ko, puro kahirapan ang aking naranasan. May mga panahon nga na hindi kami makakain ng tatlong beses sa isang araw… Ang hirap. Itong mukha at katawang ito lang ang magandang bagay na ibinigay sa akin. Hindi ko naman pinili ito. Ngunit ganyan naman talaga, di ba? Hindi lahat ng magagandang bagay ay nakukuha ng isang tao sa buhay. At walang taong ipinanganak na ang buhay ay puro kapangitan ang natatamasa. Ikaw, bagamat hindi ka ganyang ka guwapo gaya ng mga artista na nasa tv ngunit matalino naman, may magandang trabaho, nakakaangat sa buhay. Ako… wala. Minsan nga, itong hitsura ko pa ang naging sanhi ng problema ko. Maraming beses na kaya akong nasangkot sa away dahil pinagselosan ng mga boyfriend ng mga babaeng nagkagusot sa akin. Ilang beses na akong nasesante sa trabaho dahil ang mga babae ng supervisor o manager ay dumidikit sa akin...” At napayuko siya, nahinto sa pagsasalita. “Ayoko ng ganito… mahirap na nga lang ako, pinag-iinitan pa ng ibang kalalakihan dahil sa hitsura ko. Hindi naman sex kasi ang hinanap ko sa buhay. Ang hinahanap ko ay trabaho, kaginhawahan, ang makontento, ang sumaya, ang magkaroon ng taong mamahalin na hindi lang hitsura ko ang habol… Ayoko na. Pagod na ako sa mga kaplastikan sa mundo...” at nakita ko na lang na pumatak sa sahig ang luha ni Marjun.

Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa hindi inaasahang pag-iyak niya. Ang buong akala ko kasi, wala siyang kinikimkim na sama ng loob.

“S-sorry Marjun. Sorry…” ang nasambit ko na lang. Nilapitan ko siya, naupo sa tabi niya at hinaplos ang kanyang balikat.

“Pagod na ako Aldred. Mahirap ang buhay ko. Parang gusto ko nang sumuko…”

“Huwag naman. Kaya mo iyan. Nandito ako, tutulungan kita...”

Hindi na siya umimik. Niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang kanyang buhok. Para siyang isang batang aking sinusuyo. Nabaliktad ang eksena sa unang gabi ng aming pag-uusap kung saan ako naman ang kanyang sinuyo.

Nag-inuman na lang kami. Naka-ilang bote din hanggang sa ramdam kong medyo tipsy na ako. Alam ko lasing na rin si Marjun.

“Marjun… tulog na tayo.”

“S-sige Aldred. Lampas alas dose na rin eh. At lasing na ako.”

“Sa kuwarto tayo” sambit ko. tumayo ako at pumasok na sa kuwarto.

Sumunod si Marjun, hinuhubad ang t-shirt habang sumunod sa akin.

“Bakit ka naghubad?” tanong ko noong mapansing wala na siyang saplot.

“Brief lang ang suot ko kapag natutulog….”

“Ah… OK…” sagot ko at noong nasa harap na kami ng kama ko, “Pumili ka, magtabi tayo dito” sabay turo sa kama ko, “O… hiwalay tayo ng higaan at d’yan ka sa sahig…” at ibinagsak ko na ang aking katawan sa aking kama.

Hindi siya sumagot. Bagkus, naupo siya sa kama ko at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantalon…

Nakita ko pang ang tuluyan niyang paghubad ng kanyang pantalon at ang boxers niya na lang ang natirang saplot sa kanyang katawan.

Ito ang huling larawang tumatak sa aking isip.
(Itutuloy)

"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"


[03]
=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

------------------------------------

Nagising ako ng madaling araw gawa ng tawag ng kalikasan. Disoriented ng kaunti ang aking utak, Doon ko naalala kong hindi pala ako nag-iisa sa kuwartong iyon; nandoon din si Marjun. Ang kaso, doon siya nakahiga sa kutson sa sahig na katabi lang ng aking kama. Pinili pala niyang mahiga sa sahig kaysa makatabi ako. Syempre, may kaunti akong panghihinayang bagamat may isang parte din ng utak ko na nagsabing ok na rin ang ganoon upang mailayo ako sa tukso.

Hindi muna ako dumeretso ng kubeta. Sa ilalim ng maliit na sinag ng lampshade inaninag kong maigi ang kabuuan ng kanyang katawan. Nakahiga siyang nakatihaya, hindi ginamit ang kumot na sadya kong inilagay doon para sa kanya. Walang saplot ang kanyang katawan maliban sa suot na brief kung saan bakat na bakat naman ang kanyang bukol sa harapan. Ang isa niyang kamay ay ipinatong sa kanyang noo at ang isa naman ay nakasingit ang mga daliri nito sa ilalim ng kanyang brief na parang inosenteng hinimas ang sariling pagkalalaki at nakaligtaang tanggalin ito doon. Hindi tuloy maiwasan ng aking utak ang hindi mapa “Shit!!” sa ganda ng porma niya. Mistula siyang isang modelong nanunukso at nang-aakit.

Parang natuyuan ng laway ang aking lalamunan sa aking nakita. “Napagakaganda talaga katawan ng mokong! Napaka-guwapo!” sigaw ng utak ko.

Habang nasa ganoon akong paghanga, ramdam ko ang paggapang ng kakaibang kiliti sa aking kalamnan. Nabalot ng pagnanasa ang aking isip at katawang lupa. Parang may nag-udyok sa akin na yakapin siya; na siilin ng halik ang kanyang mga labi.

Ngunit pilit kong nilabanan ito. Ang nagingibabaw sa aking isip ay ang katotohanang isang kahibangan kung bibigay ako at magpaubaya sa tukso dahil wala itong kahahantungan kundi pagkabigo at sakit ng kalooban.

Binitiwan ko na lamang ang isang malalim na buntong-hininga. Hinawakan ko ang dulo ng kumot sa kanyang higaan at hinila ito upang matakpan ang kanyang katawan. Pagkatapos, tinumbok ko na ang kubeta.

Iyon ang natandaan ko. Pagkagaling ko sa kubeta, nakatulog muli ako at noong nagising, umaga na at naalimpungatan ang amoy ng pinirito galing sa kusina.

Tiningnan ko ang hinigaang kutson ni Marjun. Naka-tupi na ang kumot at inilatag ito ibabaw ng unan. Naka-ayos na ang kanyang higaan.

Bumalikwas ako at paika-ikang tinumbok ang kusina, kuskos-kuskos pa ang mga mata. “Magandang umaga Aldred!” ang bungad kaagad ni Marjun na naka-brief lang habang nagpi-prito ng itlog.

Nabigla na naman ako. Hindi ko kasi maintindihan ang ipinakita niyang pagka-walang kyemeng nagbi-brief lang kahit nandoon ako. Kahit nga magkapatid, nagkakahiyaan pa eh. Siguro nga, baka ganyan na siya ka feeling-close sa akin, o baka ganyan lang talaga siya. Baka kahit sa dating boarding house pa niya, ganyan din siya, naka-brief lang, walang paki sa mga kasama. Sabagay, puro lalaki sila doon. Kung kaya ganoon na rin siya sa bahay ko. “Hay naku, kung nagkataong palaban na babae o bakla ang makasama nito sa boarding house niya, siguradong matutukso ang mga iyon at lalapain na ang hilaw na hotdog at itlog ng mokong na to” sa isip ko lang.

“Woi! Bakit ikaw ang nagluto d’yan?” sigaw ko na lang.

“Huh! B-bakit? Bawal ba?” ang tila nabigla niyang sagot sa aking tanong.

“Eh...” Ang naisagot ko. Oo nga naman, hindi naman talaga bawal. Kaso, nahiya lang ako dahil parang bisita lang naman ang turing ko sa kanya. Kaya sinagot ko na lang siya ng, “Kasi po… may pamahiin kami na sa unang pagtulog ng iyong kasama sa bahay, hindi siya dapat na magluto o makialam sa kusiina. At lalo na ang magpiprito pa ng itlog!” sambit ko.

“Huh! Bakit??? Ano ang dahilan?” ang puno niyang kainosentehang tanong.

“Kasi…” ang sabi ko habang palihim na hinugot ang isang nakatagong frying pan sa platera.

“Kasi ano…???” giit niya

“Kasi… may papalo daw ng frying pan sa puwet ng nagluluto kapag nangyari iyon!” at sabay palo ko sa puwet niya ng frying pan. “At dalawang palo ang pa daw ito!” hampas ko uli sa kabilang umbok ng kanyang puwet, sabay takbo. Sobrang pangigigil ko kasi sa ganda ng umbok ng kanyang puwet.

“Arekop!” ang sambit niya, hawak-hawak ng isang kamay ang napalo na puwet. “Nakadalawa ka na ah! Pagkatapos ko dito, humanda ka!”

Tawa lang ako ng tawa. “Two-one!” ang sigaw ko pahiwatign ng score sa kunyari ay laro.

“Sige… pagkatapos ko dito, mauungusan din kita.” habang ipinagpatuloy niya ang pagpiprito ng itlog at pagkatapos, ipinirito naman ang natirang kanin namin noong nakaraang gabi.

Dumeretso na ako sa kuwarto ko. Kumuha ng tuwalya atsaka tinumbok ang shower. Hinubad ko muna ang aking pajama at brief sa labas ng shower, isinabit ito sa sabitan atsaka pumasok.

Nagsasabon na ako noon, nakapikit ang mga mata noong may biglang, “Pahiram ng sabon pagkatapos mo ha?”

Si Marjun. Pumasok pala siya nag palihim. “Huwaaaahhhh! Bakit ka pumasok?” ang sigaw ko sabay talikod habang patuloy na kinuskos ang aking katawan.

“Mali-late na ako kaya sabay na tayong maligo!” sigaw din niya gawa ng ingay na nanggaling sa shower. Naramdaman kong nagshower talaga siya, pinaikot niya ang sprinkler ng shower upang maghati kami sa bagsak ng tubig. Paminsan-minsan namang nagdidikit ang aming katawan.

“Arrggghhh!” ang nasambit ko. At noong maisip na Linggo pala iyon, “Paano ka ma-late e, wala ka namang pasok ngayon?”

“Bakit ayaw mo bang sabay tayong maliligo?”

Hindi ako kumibo. Bagkus umusog ako ng kaunti palayo.

“Bakit? Pareho naman tayong lalaki ah!” ang reaksyon niya noong mahalatang umusog ako at pakiramdam siguro niyang ayaw ko siyang makatabi bagamat charing lang ito.

“Hindi po. Bakla po ako, Marjun, sumasagpang ako ng lalaki. At puwede kitang sagpangin sa ginawa mo! At huwag mo akong tuksuin at baka patulan na kita…”

Ngunit tawa lang siya nang tawa.

“Ano ba to? Nanunukso ba talaga tong kumag to o ano?” May gumapang kasing kakaibang kiliti sa aking katawan. Parang titigasan na ako.

Ngunit hindi siya natinag. Nagsa-shower pa rin siya at paminsan-minsang idinidikit ang kanyang katawan sa aking katawan. Ramdam ko ang kiliti sa bawat pagdampi ng aming mga balat.

Binilisan ko na lang ang pagsasabon at noong mabanlawan na ang buo kong katawan, lalo na ang aking mga mata at nakatingin na ako sa kanya, bumulaga sa aking paningin ang hubad niyang katawan.

Kunyari ay hindi ko siya tiningnan at hindi ako affected sa aking nakita at lalo na sa kanyang ari. “Ok… tapos na ako!” ang sambit ko na lang sabay labas na ng shower.

Ngunit bago pa man ako tuluyang nakalabas ng pinto ay… “Splak! Splak!” ang tinig na narinig ko sabay, “Arekop!” ang sigaw ko, hawak-hawak ang aking puwet na pinalo niya. “Ansakit noon ah!”

Aabutin ko pa sana ang kanyang dibdib upang gantihan siya ng kurot ngunit agad din niyang isinara ang pinto, sabay sigaw ng “May pamahiin kasi kami na dapat ay huwag mong iwanan ang kasabay mo sa pagligo dahil kung nang-iwan ka, may papalo sa puwet mo!” Sabay tawa ng malakas. “Two-all! Ansarap pala ng pakiramdam kapag nakapalo ng puwet!!!” at sarkastikong dugtong niya.

Wala na akong nagawa kundi ang magmaktol sa labas ng banyo. “Punyeta talaga. Naisahan ako.” Pero may halo ding kilig iyon para sa akin. Masaya ang pakiramdam kong ganoon na ka-close ang turing niya sa akin. At syempre, kinilig din ako sa nakitang game na game niyang pakikipagharutan sa akin.

Noong kumain na kami, biruan pa rin kaming dalawa, tawanan.

Dahil linggo iyon at wala naman kaming pasok dalawa, niyaya ko siyang mamasyal kami. Bagamat uuwi daw sana siya sa probinsiya niya ngunit pinagbigyan niya ako at sa sunod na linggo na lang daw siya uuwi, tamang-tama daw may sweldo na rin siya.

Namasyal kami na kaming dalawa lang. Malling, sight-seeign sa park, nagpunta ng mga rides, nanuod ng sine. Buong araw kaming naggala. Ang saya-saya ko. sobra. Para kaming magkasintahan na sobrang close sa isa’t-isa, at halos magyayakapan na. Bigla tuloy sinariwa ng aking isip ang sandali kung saan may boyfriend pa ako at masaya kaming nagdi-date. Sobrang sweet din kasi ni Marjun. Halimbawa, noong kumain kami sa Jollibee, sa gitna ng aming pagkain binigla ba naman ako noong kinuha niya ang tissue at inabot pa talaga ang aking mukha at pinahid ang pagkaing dumikit sa aking bibig. Ako naman, dahil nakita na ang tissue, hindi ko na lang ginalaw ang ulo ko upang matanggal niya ang dumi. At hindi siya nahihiya kahit maraming tao ang kumakain at nakakakita sa ginawa niya. May isang grupo pa nga ng mga bakla na nasa hindi kalayuan ng mesa namin ay nanuod talaga at halatang kinilig sa nakitang eksena namin.

Ewan… mukhang masisira na yata ang aking pangako sa sarili na hindi na muling iibig pa.

Ngunit… sa kabilang banda, hanggang maaari, ayaw ko rin talaga. Kasi, baka likas na sweet lang talaga siyang tao. May ganoon naman talaga ata eh. O baka iniisip lang niyang dahil mas nakatatanda ako sa kanya, kaya instinct niya ang umiiral na alagaan ako. O ba kaya, ay pagsisipsip lang iyon dahil nakitira lamang siya sa bahay ko ng libre. A basta, ewan. Ayokong padaig sa tukso.

At sa unang mga araw ng aming pagsasama ni Marjun ay tumibay ang aming pagiging magkaibigan at naging mas malapit kami sa isa’t-isa. Naramdaman ko rin ang unti-unting pagkahulog ng aking kalooban sa kanya, bagamat pilit ko itong nilabanan.

Isang gabi, nag-inuman uli kami ni Marjun, pampatulog na pag-iinum lang. “M-marjun… huwag kang magalit ha kung may itatanong ako?”

“Sige ba. Open naman ako sa iyo eh. Ano iyon?”

Napangiti naman ako sa kanyang sagot na open siya sa akin. “Simula noong maghiwalay kayo ng girlfriend mo, hindi ka na umibig pang muli?”

Bigla siyang natahimik. “H-hindi na... Trabaho na lang ako. Gusto kong makatulong sa kahirapan ng aking pamilya. Mas mahalaga pa rin asa akin ang maghanapbuhay at ang makahanap ng makakain kaysa pag-ibig na dagdag pasakit lang. Atsaka, darating at darating din iyan sa buhay kapag ang isang tao ay nakatadhana para sa iyo. Para sa akin, ang pag-ibig ay hindi hinahanap. Kusa itong dumarating.”

“Ah… Ayokong maniwala sa ganyan. Para sa mga kagaya ko, hindi talaga basta dumarating ito. Kusa itong hanapin, paghirapan. Kasi, karamihan dito ay laru-laro lang, panandalian, tikiman, experimentuhan. Minsan din, bolahan, lokohan… At kapag nagsawa na, simula uli sa paghahanap. Ang problema, nakakapagod din ang maghanap. Kasi, wala naman talangang totoo sa ganitong klaseng pag-ibig.”

“Woi, sobra ka naman… nand’yan lang iyan sigurado ako. Kung nagbolahan, naglokohan, nagexperimentuhan, hindi ang mga iyan ang para sa iyo.” Ang sambit niya.

Tahimik.

“A-ano naman pala ang pananaw mo sa relasyong lalaki-sa-lalaki?”

Ngumiti siya. “Ang totoo, dati, napapa-‘ewwww’ ako kapag may nakikita o nalalaman tungkol d’yan. At sabihin na rin nating may naramdaman din akong pandidiri. Di ko kasi naintindihan ang ganyang klaseng relasyon. Pero noong nabasa ko ang kuwento mo, doon na nagbago ang pananaw ko. Na-realize ko na kagaya din pala sila sa mga normal na taong nagmamahalan; may damdamin, nasasaktan, nagmamahal ng tunay, sumasaya, kinikilig, naging totoo, seryoso, gagawin ang lahat upang lumigaya... Sa kuwento mo ako natuto na ang pag-ibig pala ay walang pinipiling kasarian, o kulay ng balat, o klase ng pagkatao. Ito ay hindi mo puwedeng husgahan. Kasi, sa lengguwahe ng puso, kapwa puso lang din ang tanging nakakaintindi nito.”

Sobrang tuwa naman ang aking naramdaman sa binitiwan niyang salita hindi lang dahil sa nabuksan ko ang kanyang isip kundi dahil na rin sa lawak ng kanyang pag-iisip.

“Ang lalim naman…” biro ko.

“Malalim ba? Di hukayin natin.” Biro din niya.

Tahimik.

“A-ano ba ang hanap mo sa isang b-babae?”

“Hmmm…” nag-isip siya. “Alam mo, hindi ako naniniwalang kailangang may pamantayan o sukatan ang pagmamahal. Kasi kapag sinabi mong dapat maganda, mabait, may pinag-aralan, maunawain… ito ay lantarang paghahanap sa taong mamahalin mo. Ito rin ay sadyang panghuhusga sa taong hindi mo dapat mahalin. Paano kung ang isang tao ay hindi maganda? Paano kung ang isang tao ay hindi nakapag-aral? Paano kung hindi mabait? E di wala na silang karapatang mahalin? At… malay mo ba kung dahil sa pagmamahal mo, ang taong pangit ang ugali ay magbabago?”

Natahimik ako, napaisip sa kanyang sinabi. Tama nga naman. Paano ang mga taong hindi biniyayaan ng magagandang hitsura? Hindi sexy? Walang pinag-aralan? Mahirap? Mataray…?”

“… at higit sa lahat, paano kung ang tinitibok ng puso mo ay ang taong wala ang mga katangiang pinagbatayan mo?” dugtong pa niya. “Lalabanan mo ba ang isinigaw ng iyong puso? Kapag nagmahal ka, wala nang tanong. Damhin mo na lang ito at magpasalamat. Simple di ba?”

Napaisip muli ako. Tama rin siya. Marami d’yan, iba ang sinasabing gusto nila, ngunit sa bandang huli, doon din napunta sa may mga kabaliktarang katangian. “E… ano ngayon ang batayan mo? Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?” tanong ko na lang,

Hindi siya sumagot kaagad. Bagkus, hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ito sa kanyang dibdib. “Ito… puso ko ang magsasabi sa akin kung sino ang mahal ko.”

Tahimik.

“May naramdama ka bang pintig nito?” tanong niya.

Tumango ako.

“Ang mga pintig na iyan ang magsasabi kung sino ang taong mahal ko.”

“M-may posibilidad kayang ang ipipintig ng iyong puso ay isang lalaki din?”

Napangiti siya. “Alam mo, iyan din ang tanong ko sa sarili noong nabasa ko ang kuwento ni Byron at Lester at nabuksan ang isip ko tungkol sa relasyon ng lalaki-sa-lalaki. At alam mo ba kung ano ang sagot ko sa sariling tanong na iyon?”

“A-ano?”

“Bakit hindi??? Kung siya ang itinitibok ng puso ko...” sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti.

Napangiti ako ng hilaw; natuwa na ang kuwento ko ang naging dahilan upang mabuksan ang isip niya bagamat may lungkot din akong nadarama. Kasi, alam kong hindi mangyayari iyon sa aming dalawa dahil una, ayaw ko na, pagod na ako, at pangalawa, sa dami ba namang mga babaeng isda at sirena sa dagat… sa isang syokoy pa titibok ang kanyang puso? Ano iyon? Kaya hindi na lang ako sumagot pa.

“Ah…Ano na pala ang nangyari kina Lester at Byron?” ang paglihis niya sa usapan.

“Ah, oo nga pala. Heto, may update na. Gusto mo basahin ko para sa iyo para ma-critque mo rin?

“A-ano ba ang ibig sabihin ng ma-critique?”

“Iyon bang magbigay ka ng puna, at makapag suggest ka na rin ng magandang idagdag”

“Ay, sige…”

Ang binasa ko na ang kuwento:

Patuloy pa rin ang hindi magandang pakikitungo ni Byron kay Lester. Ang hindi lang alam ni Byron, alam na ni Lester ang lahat dahil sa naiwang diary. Hanggang sa isang araw, hindi na nakayanan pa ni Lester ang lahat ng masasakit na salita at pang-aapi ni Byron. Kinumpronta nito ang huli lalo na noong pinagsabihan na siya sa harap ng iba pang mga empleyado ng, “Ano ba ito, Lester! Sa tagal-tagal mo nang paglilinis dito, hanggang ngayon ay bobo ka pa rin? Gamitin mo naman paminsan-minsan iyang maliit na utak sa malaking bungo mo! Kaya hindi ka makaangat-angat sa pwesto mong pagka janitor eh, dahil sa napakabagal mong mag-isip! Di ba sinabi kong---


Hindi na naituloy pa ni Byron ang sasabihin gawa ng pagsingit ni Lester. “Alam ko naman kung bakit ka ganyan sa akin eh. Aminin mo, mahal mo ako! At kaya ka galit sa akin ay dahil hindi mo matanggap na umibig ka sa akin! Tangina, aksidenteng naputol ko lang ang kahoy na itinanim mo, na para din naman pala sa akin, nag-init na agad ang ulo mo?”


Isang napakalakas na “Splak!” ang natanggap ni Lester noong tumama ang kanang palad ni Byron sa kanyang pisngi.


“Napahaplos si Lester sa nasapak na pisngi. Ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Sige saktan mo pa ako! Heto pa ang kabila kong pisngi, sampalin mo pa! At heto gamitin mo…” inihagis kay Byron ang isang floor mop. “Saktan mo akooooo! Mahal mo naman ako, di ba? Kaya, sige, saktan mo ako!”


“Anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?! Bakit kita mamahalin, gago!”


“Gago nga ako. Dahil hindi ako pumapatol sa isang katulad mo! Akala mo hindi ko alam? Heto…” sabay hugot ng kopya ng sinerox niyang diary ni Byron sa bulsa ng pantalon niya. Di ba diary mo iyan? Gusto mong basahin ko pa?” at binasa niya nga –


“Dear Diary….. ang hirap naman ng buhay ko. Heto na naman ako, tumitibok ang puso sa isang kasamahan sa trabaho. Alam mo, Lester ang pangalan niya, janitor namin. Guwapo, matangkad, matipuno ang katawan… lalaking-lalaki. Ngunit ang ang lalong nagpapa-inlove sa aking ng mokong ay ang sobrang pagka-sweet. Kaya sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maiwasang lumulundag-lundag ang aking puso. Ngunit sad lang ako kasi… alam ko, sakit ng damdamin at kabiguan lang ang idudulot niya sa akin. Alam ko na katulad ng ibang lalaki, lolokohin lang niya ako o kaya ay paglaruan kapag nalaman niyang mahal ko siya. At lalo lang akong magdusa, masaktan, maawa sa sarili… kagaya ng mga nakaraan kong kabiguan. Kaya’t hanggang sa lihim ko na lamang sa iyo ko maipadama ang pagmamahal ko sa kanya. Dito sa iyong pahina ko lamang siya maaangkin… Maskit ngunit at least, hindi ako umaasa sa wala…”


Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay si Byron, hindi makapagsalita, hindi makapaniwalang nabuking na pala siya ni Lester, at narinig pa ito ng ilang empleyado.


“O ano??? Tama ba ako? Di ba Lester ang nakasulat diyan? At tingnan mo ang petsa, di ba petsa ito kung saan bago pa lamang ako dito at hindi mo pa inaapi? Kung saan sobrang s-w-e-e-t ko pa sa iyo?” ang pag-emphasize pa talaga niya sa salitang “sweet”


At sa sobrang pagkahiya, hindi na nakayanan ni Byron pa ang humarap kay lester. Bigla itong nagtatakbo palayo, papasok sa kanyang opisina.


“Sir… ayaw mo bang makita ang katawan ko? Maghuhubad ako sa harap mo! Gusto mo ba? Sirrr!!!” ang pang-iinis pa ni Lester habang nagtatakbo palayo si Byron.


Sa mga sumunod na araw, pansin na ang pagbabago ng pagtrato ni Byron kay Lester. Hindi na niya sinisigawan pa ang huli. Ngunit hindi rin sila nagkikibuan.


Nakalipas ang isang lingo at nagbago rin ang pakikitungo ni Lester kay Byron. Siya naman itong nang-aasar. Kagaya ng minsan habang silang dalawa lang ang naiwan sa office at lalabas na sana si Byron upang umiwas, hinarangan ni Lester ang pintuan at hinawakan ang kanyang kamay, “Saan ka pupunta Sir? Natakot ka bang matukso sa akin?”


“Ano ba iyang pinagsasabi mo Lester? At bitiwan mo nga ang kamay ko?”


“Sir naman, pakyeme pa eh. Ayaw mo bang haplusin ito?” sabay giya ng kamay ni Byron upang madampi ito sa umbok ng harapan ni Lester. “Ilang araw nang hindi nakapagpalabas iyan Sir. Baka gusto mo lang… game naman ako. Gusto kong matikman kung paano mo ako paliligayahin.”


Ngunit sampal ang natamo ni Lester.


“Ang taas talaga ng pride mo ano? Porket isang janitor lang ako, kaya mo akong pagsasampalin?”


“Huwag mo ngang harangan ang pintuan! Palabasin mo ako!” utos ni Byron, hindi pinatulan ang mga sinasabi ni Lester.


“Aminin mo munang mahal mo ako…” ang sarcastic ding sagot ni Lester.


“Baliw ka ba??? Bakit ba?!”


“Anong bakit ba? Pahirapan mo ba ang sarili mo? Nandito ako, handang makinig sa sasabihin mo. Payag naman akong ligawan mo eh…”


“Tarantado!”


“Pwes hindi ka makakalabas dito…”


Wala nang nagawa pa si Byron kundi ang tumbukin na lang ang CR sa loob ng office at pumasok sa nag-iisang cubicle nito. At doon umiyak, humagulgol, ipinalabas ang sama ng loob at pagkaawa sa sarili.


Ngunit kahit doon, sinundan pa rin siya ni Lester, “Sir… nandito lang ako sa labas. Baka gusto mong magpa-massage o magpaserbisyo, game naman ako…”


Ganyan ang pang-aasar o pambubully ni Lester kay Byron. Kung tutuusin, nakakakilig na nakaka-libog ito ngunit dahil sa alitan nila at sa sarcastic na dating ng mga banat ni Lester, lalong lamang itong nagpatindi sa sakit, pagkahiya, at pagkahabag sa sarili na naramdaman ni Byron.


Ramdam ni Byron ang depression, ang sobrang pressure. Bumabalik-balik na naman ang lahat ng sakit at pagkahabag sa sarili sanhi ng masakit na nakaraan. Parkiramdam niya ay wala siyang kakampi sa mundo.


PInilit niya ang sariling kayanin ang lahat. Ayaw niyang masira ang mga plano niya sa buhay at ang kanyang trabaho. Ngunit hindi pala sapat ang kanyang ipinakitang tatag. Tuluyang gumuho ang lahat at hindi na niya nakayanan ang hirap noong isang umaga, nakapaskil na sa bulletin board ang kopya ng kanyang diary.


Wala siyang ibang pinaghinalaang gumawa noon kundi si Lester. At dahil sa tindi ng hiya at mga tsismis, tuluyan na siyang nagresign si Byron sa kanyang trabaho, dala-dala ang matinding sama ng loob kay Lester at pagkahabag sa sarili. Pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya sa mundo. At habang umiiyak siyang nag-iisa, ang mga tao sa paligid niya ay pinagtatawanan siya, kinukutya, pinandidirihan… at kasama na si Lester sa kanila...

“Waaahh! Tanginang Lester na iyan! Bubugbugin ko na yan eh! Kawawa naman si Byron!” ang sigaw ni Marjun noong matapos ko nang basahin ang parte na iyon.

“Magbigay ka ng puna ah!” ang sabi ko.

“Ano pa bang puna. Sobrang maganda na sya at gusto kong basahin na ang sunod! Next na daliii!”

“Next time na ah. At tulungan mo ako sa sunod na parte…” ang sabi ko na lang.

Ang buong akala ko ay simpleng nagustuhan lang ni Marjun ang kuwento o, nasabi lang niyang maganda ito dahil syempre, libre kaya ang pagtira niya sa apartment ko kaya pinuri niya ang gawa ko. Ngunit kinaumagahan, ang hindi ko akalain ay…

“Marjun! Sino ang nagtanim ng kaimito d’yan sa harap ng gate natin? Kaimito ba ang halaman na iyan?” tanong ko.

“Oo, kaimito iyan. Para iyan kay Byron.”

“B-byron???” ang may halong pagkalito kong tanong, tumaas pa ang kilay. “Paano napunta kay Byron ang puno na iyan?”

“Byron, iyong sa kuwento mo. Alagaan ko iyan para sa kanya. Naawa kasi ako sa kanya eh.”

Natawa naman ako. “Kuwento lang iyon, Marjun. Kathang-isip.”

“Totoo siya dito sa puso ko. Alagaan ko ang punong iyan para sa kanya.”

Hindi ko alam ang tunay na naramdaman. Parang touched ako kumbaga, proud sa sarili na heto, hindi ko pa naipalabas ang libro ko, may naapektuhan na. “Sobrang in-love ka sa kuwento ha???” tanong ko uli.

“Sobra. At hindi lang sa kuwento, pati na rin sa…”

“Sa ano…?” ang tanong ko.

Tinitgan lang niya ako.

“Hoy! Sa ano ka pa na in-love?” Giit ko na may halong excitement sa kung saan pa siya nai-in love.

Hindi niya sinagot ang aking tnaong. Bagkos hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ito sa kanyang dibdib. “May naramdaman ka bang pagpintig nito?”

Tumango ako habang pinakiramdaman ko ang tila paglakas ng pagkabog ng dibdib niya.

“May itinibok na ang puso ko. At ibinulong niya sa akin kung sino ito. Gusto mo, ibubulong ko rin sa iyo kung sino?”

Pakiramdam ko ay biglang kumalampag ang dibdib ko, di maintindihan kung dahil ito sa takot o sa lungkot na umibig na siya sa iba. “S-sige…” ang may halong pagdadalawang isip na sabi ko. “Ibulong mo sa akin ang pangalan niya…”

At inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga sabay bulong ng, “Ikaw…”

“A-ako? Bakit ako?” Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat, hindi makapaniwala.

“Kapag nagmahal ka, wala nang tanong. Damhin mo na lang ito at magpasalamat. Kaya… salamat.” Ang sambit niya ang mga mata ay tila nangungusap at nagmamakaawang nakatitig sa mukha ko.

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================


[04]
=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================


Grabe ang kilig na naramdaman ko sa tagpong iyon. Parakiwari ko ay gusto kong mag excuse upang pumunta ng kubeta. Iyong sobrang kilig ba na parang naninindig na ang mga balahibo mo at namumula ang iyong mukha.

Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata. “Woi, g-ganoon? Ako talaga ang tinibok niyan???” ang sagot ko sabay kalabit sa kanyang dibdib.

“Oo… ikaw.”

“Gosh…” ang pa-demure kong arte. Feeling ko ang haba-haba talaga ng aking hair.

“Ano na?” ang sambit niya noong siguro sa tingin niya ay hindi na ako makapagsalita at nagbi-beautiful eyes na lang ako.

“Eh… Alam mo…”

“Ano…”

“May itinitibok din ang puso ko eh.”

“T-talaga? Ano ang itinibok niya???” ang excited niyang sagot.

“Heto damhin mo sa iyong palad ang aking dibdib.” paggaya ko sa ginawa niya.

Inilagay niya ang kanyang palad sa aking dibdib.

“Naramdaman mo?”

“Oo…” sagot niya ang mga mata ay mistulang nangungusap, parang excited sa sunod kong sasabihin.

“Gusto mo bang ibulong ko rin sa tainga mo ang ibinulong sa akin ng puso ko?”

“Sige… sige!”

At idinikit ko ang aking bibig sa tainga niya sabay sabing, “May pagka-sinungaling daw ang puso mo… Konting-konti lang naman.” Sabay muestra sa aking daliri.

“Wahhhhh! Hindi nangsinungaling ang puso ko! Kahit konti, hindi!” sigaw niyang pagtutol.

“Ay wala na akong magagawa. Iyan talaga ang sabi ng puso ko. At lalong hindi nagsisinungaling nag puso ko.” Ang sagot ko.

Kamot-kamot ang ulo niya, “Naman o… hirap palang kausapin iyang puso mo.”

“Naman!!! Marami nang naranasang sakit iyan kaya di mo siya masisisi.”

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Syempre, hirap kayang masaktan. At kapag nangyari uling masaktan ako, baka hindi ko na kakayanin pa ito. Kung kaya naipangako ko sa sarili na hindi na iibig pa o kaya ay huwag basta-bastang magpadala sa emosyon. Kaya kunyari, ipinalabas kong hindi ako affected sa kanyang pagparamdam bagamat sa kaloob-looban ko lang, super-kilig ang naramdaman ng lola ninyo.

So iyon ang set-up namin sa bahay; nagpaparamdam si Marjun habang deny-to-death naman akong naapektuhan. Syempre, maraming kilig at minsan, natuturete. Minsan din gusto ko nang bumigay. Lalo pa kapag ganyang nag-didisplay ng kanyang katawan. Mahilig kasing nakashorts lang sa bahay ang mokong. Minsan nga nagbi-brief lang. At kapag nasa trabaho naman siya, na nakagawian kong pagmasdan sa cottage kapag wala akong pasok, naka-maong lang iyan, ang t-shirt ay isusukbit sa beywang o sa likurang bulsa ng pantalon at hahayaang nakalaylay. Astig talaga ang porma.

Ngunit ang mas lalong nagpalambot ng puso ko ay ang kanyang pagka-sweet at pagkamasipag. Kada hapon pagkagaling sa trabaho, magpahinga lang iyan ng ilang minuto atsaka magsimula nang maglinis ng bahay, magwawalis, magbubunot ng sahig. Nakaka-impress talaga. Ambigat-bigat na nga ng kanyang trabaho, balot na balot pa sa pawis ang katawan pagdating na pagdating pa lang ng bahay at hayun, sabak uli sa trabahong bahay. Sobrang sipag niya. Ang totoo, parang gusto kong magvolunteer na punasan ang pawis niya o kaya ay mamasahehin siya sa gabi. Pero pinigilan ko ang sarili. Malaking tukso din iyon.

Paminsan-minsan siya na rin ang naghahanda ng pagkain, namamalengke, nagluluto. In fairness, ang galing niyang magluto! Masarap.

Pati sa paglalaba, ang mga damit ko ay isinasali din niya sa kanyang paglalaba ng sariling damit. Pati bedsheets, kumot ay hindi pinapalampas.

“Marjun! Hayaan mo nang ipa-laundry ko ang mga labahin dito sa bahay!” ang isang beses na sabi ko sa kanya. “Inako mo na ang lahat ng gawain dito ah! Nakakahiya sa iyo! Baka hindi na kita mabayaran niyan!”

“O e kung hindi mo na ako kayang mabayaran ng pera, e di, puso mo na lang ang ipambayad mo…” sagot niya.

Na bigla namang ikinaturete ng aking utak. “Marjun ha?!!! Huwag kang ganyan! Alam mong hindi puwede!” ang bulyaw ko, iyong galit-galitan ba, bagamat ang utak ko ay sumisigaw ng, “Kinikilig akoooooooooo!!!!”

“Bakit naman hindi puwede? May mahal ka na bang iba?”

“Wala naman. Pero ayaw ko eh! Kulit mo!”

“Bakit nga ayaw mo sa akin?”

“Woi, ikaw talaga. Parang kung makapagsalita ka ay seryosohan na talaga iyan. Gusto mo, magagalit din ako sa iyo katulad ni Byron kay Lester?”

“Ok lang. Alam ko naman ang panlaban eh.”

“Ano?”

“Ang diary mo…”

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. May diary din kasi ako at simula noong napansin ko siya sa unang araw pa lang na nakita ko siya sa construction site, siya na ang palaging sentro ng aking mga isinusulat doon. “Weeeee! Wala kang mababasa tungkol sa iyo sa diary ko. Wala kaya akong binanggit tungkol sa iyo doon!” ang pagsisinungaling ko pa.

“Ganoon? Sigurado ka?”

“Sigurado. Wala talaga!”

“Kahit iyong palihim na pinagmamasdan mo ako sa pagtatrabaho ko habang kunyari ay nagtitipa ka ng kuwento sa iyong laptop sa cottage, sa harap lang ng tinatrabahuhan ko?”

“Waaahhhh! May ganoon talaga? Paano mo nalaman na pinagmasdan kita? Siguro ikaw ang palihim na nagmamasid sa akin no?”

Tumawa siya ng malakas. “O siya, kung wala pala ako d’yan. E, di pabasa na lang niyan… Bakit ayaw mong ipabasa?”

“May sikreto ako doon na hindi puweeng ibahagi ng kahit kanino. Personal ko kaya iyon.”

“Weee! E, di nandoon ako? Di ba ako naman ang nag-iisang sikreto mo?”

“Wow ang lakas ng tama!” sabi ko sabay tawa.

“Sige na, pabasa…”

“Nasa computer ko kaya iyon. Di ka naman marunong magcomputer, di ba? ”

“E, di turuan mo ako para mabasa ko.”

“Kuleeeeetttttttt!” ang sabi ko na lang. “Hayyyy grabe. Tukso to the max talaga ang hatid sa akin ng mokong na ito…” sa isip ko lang.

Tumawa siya. Iyan ang klase at takbo ng mga kulitan namin.

Hindi rin siya nawawalan ng oras para sa kanyang itinanim na puno ng kaimito na para nga daw kay Byron. Natutuwa naman ako. Para bang totoong-totoo talaga ang kuwento ko. At nagustuhan ko naman ang ginawa niya. Hindi lang dahil gusto ko ang kahoy kasi nakakapagbigay ito ng lilim, preskong hangin at matamis ng bunga, kundi nakakapagbigay din ito ng inspirasyon sa akin dahil sa nakita kong interest niya.

“O, update naman sa kuwento ng buhay ko.” ang sabi niya isang beses na tapos na siya sa mga gawain at nagpapahinga na kami sa sala.

“Hahaha! Kuwento mo talaga???”

“O sige, kuwento ng pag-ibig namin ni Byron.”

“Waaah! Kina-career mo talaga ang kuwento ha?”

“Oo naman. Di ba katawan at mukha ko ang ginagamit mo kay Lester. E, di ako iyon. Atsaka pareho kami ng ugali, parehong sanay sa mahihirap, at higit sa lahat, parehong guwapo.”

“Hahahaha!” ang tawa ko. “Anlakas talaga ng tama!”

“Totoo naman, di ba?”

“Iyong kay Lester tama iyan. Pero ang sa iyo, ewan ko lang…”

“Bakit mo ako ginawang modelo?”

“Hay naku…. Kuleeettt talaga! O sya, sya, kuwento niyo nang dalawa ni Byron.”

“Ay salamat…”

“Kaso, may sulat si Byron na iniwan para kay Lester bago siya lumayo. Ikaw na ang magsulat sa sinabi ni Byron sa sulat ha?” Ang mungkahi ko bagamat may nasulat na talaga ako.

“Ay, di ba ako si Lester? Bakit ako ang magsulat sa parte ni Byron?”

“Ang ibig sabihin ba niyan ay kung may parte sa kuwento na may sulat si Lester para kay Byron, puwedeng ikaw ang magcompose nito?”

“E…” ang sagot niya.

“Sige na Marjun! Colaborative na natin ito.”

“Ano bang collaborative?”

“Iyong kuwentong pinatutulungang buuin. Ako ang main author at ikaw secondary author.”

“Ay… secondary author lang pala ako.”

“Oo naman. Buti nga author ka pa rin eh.”

“Ok, fine. Tapos…”

“Tapos… ilagay ko sa libro ang mga pangalan natin. Ako bilang main author at ikaw, bilang secondary author.”

“Tapos…”

“Tapos, iyon…”

“Iyon lang…?”

“Ano pa ba ang kulang?” sabi ko.

“Syempre, hati tayo sa kita.”

“Main author kaya ako at ikaw ay secondary lang kaya hindi dapat hati.”

“Tumulong kaya ako sa pagsulat tapos katawan ko pa ang ginamit mo bilang modelo ni Lester”

“Waahhh! swapang!”

Natawa siya. “Joke lang. Pero, talaga, ilalagay mo ako bilang manunulat din d’yan sa libro mo?”

“Oo naman…!”

“Yeeeeyyy! Sige, payag na ako na kapag may parte na si Lester na siya naman ang may sulat para kay Byron, subukan kong ako ang gumawa… este… ikaw pala ang magsulat, ako lang ang magdikta.” Ang pagbawi din niya.

“Yeeeyyy!” sigaw ko

“Kaya update na please…”

“Ok… Heto na. Babasahin ko ang parte na ito para sa iyo –“

Noong nalaman ni Lester na nagresign si Byron, para itong nasabugan ng bomba. Parang bigla siyang natauhan at narealize ang sobrang sama ng kanyang ginawa. At lalo pang piniga ang kanyang puso noong nabasa niya ang sulat ni Byron para sa kanya.

“Dear Lester, una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad sa mga nagawa ko sa iyo. Aaminin kong sinadya kong saktan ka, ipahiya sa mga tao, maliitin ang kakayahan, pagalitan, tapakan ang dignidad. Alam kong napakasama ng aking ginawa. Ngunit gusto kong malaman mo na sa bawat pagmamaliit ko sa pagkatao mo, sa bawat sakit na idinudulot ko sa kalooban mo, nasasaktan din ako. Ito ay dahil… mahal kita at tama ang lahat na nabasa mo sa aking diary. Mahal kita; mahal na mahal. Ngunit ayokong ipaalam sa iyo ito o kaninuman dahil alam kong walang patutunguhan ang aking naramdaman para sa iyo. Alam kong wala kang pagtingin sa akin at alam kong imposibleng mahalin mo ang isang katulad ko. Kaya tiniis ko ang lahat. At upang hindi ka na lalapit pa sa akin at hindi lalong mahulog ang loob ko sa iyo, kaya kita pinag-iinitan, sinasaktan. Masakit ang magmahal ng patago, kung alam mo lang. Tinitiis ang damdamin, pinipigailan ang sarili, walang mapagsabihian sa mga saloobin. Naawa ako sa iyo sa mga ginagawa ko, ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong ilayo ang sarili sa iyo at upang hindi mo ako lapitan, kagaya noong unang mga araw mo sa kumpanya kung saan ang bait-bait mo sa akin. Ayokong lalo pa kitang mahalin. Ayokong darating ako sa puntong hindi ko na kayang pigilan ang sarili at malaman mong mahal kita. Ayokong masaktan muli. Noon, nagmahal ako, binigay ko ang lahat ngunit bigo ako dahil niloko lang ako ng mga lalaki, pinaasa, sinaktan… Anyway, hindi naman ito importante sa iyo ngunit ang gusto ko lamang sabihin ay sorry sa lahat-lahat. Ngayong nagresign na ako, alam ko, maligaya ka na. Wala nang mang-aapi sa iyo, wala nang mag-iinsulto… At ako, bagamat parang tinadtad ang puso dahil hindi na kita makikita pang muli, kakayanin ko ang lahat… sanay naman ako sa ganito eh. At tungkol naman sa pagpost mo ng kopya ng diary ko sa bulletin board ng kumpanya, gusto ko ring sabihin na hindi ako galit. Naintindihan kita kasi… napakasama ng aking ginawa. Tama lang na ganoon ang nangyari. Kasi, sa ginawa mo, nagising ako sa katotohanan… Sana alagaan mo ang puno ng kahoy na itinanim mo para sa akin. Magiging Masaya ako kapag isang araw ay maikta kong lumaki ito at inaalagaan mo. Ingat ka palagi. Hangad ko ang kaligayahan mo. – Byron-“

“Huwaaah! Nakakalungkot? Naawa ako kay Byron!” sambit niya. “Dapat hanapin ni Lester si Byron!”

“Hindi ah. Sad ending iyan. Hahayaan ni Lester si Byron at maging girlfriend pa niya ang babaeng papalit sa puwesto ni Byron. At tuloy ang paghihirap ng kalooban ni Byron hanggang sa magpatiwakal ito dahil sa nawalan na siya ng pag-asa sa buhay!”

“Ay sobra naman iyan. Ayoko ng ganyan! Sobrang trahedya!” pagtutol niya.

“Ano ang gusto mo?”

“Gusto kong hanapin ni Lester si Byron.”

“E paano iyan, ako ang main writer.”

“Waaaahhh! Di ba sabi mo ay secondary writer ako? Dapat ay may ambag ako sa kuwento.”

“Ok… binawi ko na. Tanggal ka na. Ako na lang ang writer, hindi ka na kasali.”

“Huwaaaaahhhh! Andaya! Sige, ayoko na ring magmodelo…”

“Ay nagtampo…”

At parang bata na inilabas pa ang dila niya sabay, “Beeee!”

Para naman akong tinablan ng awa kaya binawi ko ang biro, “O sya, sya, secondary writer ka pa rin. Aber… paano ang sunod na isusulat?”

“Yeeeyy! Sandali ha… mag-isip muna ako.”

Tahimik.

Maya-maya, “Gusto ko ganito na lang –“

Malaki ang pagsisisi ni Lester sa pagresign ni Byron. Tumulo ang luha niya noong nabasa ang sulat at naawa siya kay Byron. At nabuo sa isip niya na hanapin ito upang humingi ng tawad. Ngunit hindi na niya nahanap pa si Byron. Pinuntahan niya ang tinutuluyan nito ngunit wala na ito doon. Pinuntahan niya rin ang addres ni Byron sa probinsiya ngunit wala ring makapagsabi kung nasaan siya. Natakot si Lester na baka may gagawing hindi maganda si Byron sa sarili. Nagpaskil siya ng mga announcement sa kahit saan-saan, nagbakasaqkali na mabasa ito ni Byron o kaya ay may makapagturo dito. Nagpunta din siya sa mga police stations, sa mga radio at tv upang maiparating ang kanyang panghingi ng sorry at na sana ay bumalik na si Byron at mapatawad siya.

Hindi tumigil si Lester sa paghahanap kay Byron. Kung saan-saan na lang siya nakarating. Hanggang sa naguluhan na si Lester sa sarili at nagtanong kung bakit ganoon na lang ang kanyang pagsakripisyo at pagkaawa kay Byron. At doon, narealize ni Lester na mahal na pala niya si Byron.

Naisipan ni Lester na magpa-announce ng ganito, “Byron, patawad sa mga ginawa ko sa iyo. Ngayon ko aaminin sa iyo… mahal din kita. Kaya kung mahal mo pa rin ako, pumunta ka sa central plaza sa may lilim ng nag-iisang punong kahoy ng narra doon, alas 7 ng gabi, maghihintay ako…”

At dahil sa sulat na ito, marami ang nakapansin at naintriga. Dumagsa ang tulong at suporta ng mga tao dahil sa kakaibang kuwento sa paghahanap ni Lester kay Byron. May mga newspapers, magasin at tv talk shows na ininterview pa talaga si Lester at ang mga kasamahn nito sa trabaho. Naging instant celebrity si Lester at ang kuwento nila ni Byron. Inenterview ito sa mga radio at pati na sa tv. Hindi lang iyan, may mga sumuporta na sadyang nagpatayo pa talaga ng billboards sa mga highway na ang nakasulat ay ang sinabi ni Lester na nanghingi ng tawad at na mahal niya ito at kung mahal pa rin siya, ay pupuntahan siya sa central park…. Pati sa internet ay patok din ang kuwento nlang dalawa.

“Shitness! Ang ganda ng ideya mo! Dagdagan ko pa ha?” ang sambit ko. Dahil hindi kasi alam ni Marjun ang fb at twitter sa internet, dinagdagan ko ito ng -

… At may twitter na din ito at fan page sa fb kung saan inincourage ang mga taong susuporta sa paghahanap ni Lester na pumunta sa nasabing lugar at magdala ng mga pulang rosas o ano mang pulang bulaklak sa oras ng paghihintay ni Lester. At hit kaagad ang fanpage na iyon na umabot kaagad ng libo-libong likes at shares.

“Sige, tama… at –“ ang pagpatuloy na niya.

Dumating ang takdang oras at araw at nandoon na si Lester, nakaupo sa ilalim ng nasabing higanteng puno ng narra. At napakaraming tao ang sumipot, nagpakita ng suporta. May mga bakla, may mga babae, may mga lalaki, may mga straight na magkasintahan, may mga matatanda…sobrang dami. NIla. At napakarami ding mga tao ang nagdala ng pulang mga rosas at iba’t-ibang klaseng pulang bulaklak at ibinigay nila ang mga iyon kay Lester para kay Byron. At kung titingnan sa itaas ng kahoy ng narra, may nakapaskil pang streamer kugn saan ang nakasaad ay, “Paingayin ang mga sasakyan kapag sinuportahan ninyo si Lester!”

At napuno nga ng ingay-ingay ng central park; puno ng mga tao ang paligid ng puno ng narra. Napuno din ito ng mga pulang rosas at iba’t-ibang klase ng bulaklak.

Hindi lang ito, marami ring mga TV crews at reporters ang naroon, nag-abag kung sisipot ba si Byron at kung ano ang kahinatnan ng kakaibang kuwento ng pag-ibig na inaabangan din ng marami.

Nababalot ng excitement ang lahat. Ngunit si Lester, nakaupong mag-isa sa sementong upuan sa ilalim ng malaking puno, hawak-hawak ang isang kumpol ng mga pulang rosas, nababalot ng kaba, ng takot, at matinding pangamba…

… habang pinatugtog ang kantang –



videokeman mp3
Right Here Waiting – Richard Marx Song Lyrics

“Humaygadddddddd! Humaygadddddddd!!! Ang ganda!!!!” ang sigaw ko sa sobrang paghanga sa ideya niya.

“Maganda ba talaga?”

“Sobra! Grabe!” sagot ko.

“Paano iyan, e di, ako na ang head writer ng libro?”

“Waaahhh! Inagawan ba ako ng role!”

Tawa lang siya ng tawa. “Syempre, maganda sabi mo eh!”

“O sige, mag-resign na lang ako.”

“Pwede…” biro niya.

“Pero ikaw ang magproduce niyan ha? Gastos mo lahat ang magpagawa. Sandali, siguro may mga 25k lang naman ang pinakamurang gastos sa sa print-on-demand, tapos ikaw ang mag-apply ng copyright at ISBN niyan, magprocess ng kung anu-anong papeles at requirements… At ikaw na lang din ang mag-layout, magdesign, at dito gagawin iyan lahat sa computer.”

“Ay ganoon ba? Sige, ibalik na lang kita sa pagiging head writer. Balik na lang ako sa pagiging secondary writer.” Sabay tawa.

“Kala mo ha…”

“Woi… nagtampo ang idol ko. Sige hug na lang kita.”

At niyakap nga niya ako, ang hubad niyang pang-itaas na katawan ay dumampi sa aking katawan. “Ewwww! Layuan mo ako tukso!”

Tawa uli siya ng tawa bagamat kinilig na naman ang lola ninyo.

“O… ano na ang sunod niyan? Nag-antay na si Lester sa Puno ng Narra?” tanong ko.

“Ah… dyan na natin isusulat ang salitang ‘itutuloy’”

“Wahhhhhhhh! Irereport kita sa commission on human rights!!!”

“Huh! Bakit? Anong kinalaman ko doon?”

“Di mo lang ako basta ibinitin, pinatiwarik mo pa ako! Ayoko ng ganito!”

“E, wala tayong magagawa, hindi na gumana ang utak ko.”

“E di ako na lang ang dudugtong! Gumagana na ang utak ko eh.”

“At ano naman ang idudugtong mo? Hayaan mo bang mabalot sa amag ang mukha ni Lester sa paghihintay kay Byron sa ilalim ng puno ng narra o pasiputin mo si Byron at doon na sila magsumpaan sa kanilang wagas na pagmamahalan at sa harap pa ng maraming tao at tv camera??? Daliiii? Nabibitin na rin ako!!!”

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================


[05]
“Gusto ko ang sad ending kaya hindi sisipot si Byron sa lugar.” Ang sabi ko kay Marjun.

“Waaaahhh! Ayoko ng ganyan! Gusto ko happy sina Byron at Lester!”

“Pasensya ka na. Parte ko na ito. Kaya ako ang masusunod.”

“Basta ayaw ko! Ayaw ko! Huwag mo muna siyang gawin. Bukas na lang uli, ako na ang magdugtong niyan.”

“Kung ganoon, ikaw na rin ang magtapos. Kasi, sad ending nga iyan eh. Ayaw ko ng happy ending. Sa ganitong klaseng pag-ibig, hindi makatotohanan ang isang happy ending. Kadalasan, sad ending ending ito. At… kuwento ng buhay ko ito, kaya ako ang masusunod.”

“Basta ayoko…”

“Wala kang magagawa, gagawin ko na.”

“Magback-out ako sa pagiging modelo mo, sige ka. Basta, huwag mo na lang muna siyang gawin…”

Napaisip naman ako sa pananakot niya. Syempre, ayaw ko ring magtampo siya o basta na lang mawala ang ambag niya sa kuwento.

Kaya, wala na akong nagawa kundi ang isara ang aking laptop. “Sige, panalo ka na”

“Yeeeeyyy! Salamat!” ang sambit niyang abot-tainga ang ngiti.

Ngunit sa isip ko, ituloy ko pa rin ito kapag wala siya. “K-kilangan din pala natin ng litrato na nasa central park ka, sa ilalim ng puno ng kahoy at naghinty kay Byron” ang sambit ko. “Dramatic kasi ang point na ito at siguradong tatatak sa imahinasyon ng mga readers ang eksenang nag-antay ka kay Byron, hawak-hawak ang isang kumpol ng mga pulang rosas. Iyong astig na astig ang porma ngunit balisa ang mukha na nakakaawa…” ang nasabi ko na lang.

“Wow! Gusto ko iyan! Parang ang ganda ngang tingnan. Sigurado mukha ko ang maiimagine ng mga readers mo.”

“Oo. At sisikat ka at maraming ma-inlove sa iyo! Magkakarooon ka ng mga fans at titilian ka nila… lalo na sa pagdating ng book-launching at i-announce kong sasama ang modelo ko at mag-aautograph ka rin.”

“Waaahhh! Magiging artista ako!”

“Naman!”

At kinbukasan kaagad, nagpunta kami sa central plaza at kinunan ko ng litrato si Marjun na naka-upo sa ilalim ng isang kahoy. Nagktaon din kasi na may puno ng narra sa centra park kaya doon ko siya kinunan ng litrato.

Nakakatuwa kasi, pinaghandaan talaga namin ang shoot na iyon. Pinapa-facial ko muna siya at pagkatapos, ang buhok ay pinaayos. Iyon bang style na hitsurang kahit naglalalakad ka sa kalsada sa gitna ng napakaaliwalas ang panahon ay magtatanong pa rin ang mga tao kung may bagyo ba, o may ipo-ipo, kasi magulo na nga ang buhok, halos nakatayo pa ang mga ito. At pinasuot ko pa talaga siya ng polong kulay puti na nakatupi ang sleeves hinahatak pataas sa kanyang braso, at ang jeans na kulay abo ay contrast naman sa kulay ng polo niya. At dagdagan pa sa isang kumpol na rosas na hawak-hawak niya. Ahhh grabe. Nakaka-in love. Lalo tuloy akong humanga sa kumag.

“Huwag kang ngumiti, tado! Dapat ay malungkot ang mukha mo, di mapakali…” ang utos ko noong kukuhanan ko na sana siya ng litrato at hindi mapigilan ang sarili niyang magngingiti.

“Hindi ko mapigilan eh!” at tuluyang nang bumigay ang kanyang bibig sa tawa.

“Paano natin matatapos itong shoot na ito kung ganyan ka?”

“Naaasiwa ako sa porma kong ito! Hindi ako sanay! Para akong isang gagong nakahawak pa ng bulaklak.” ang sagot niya.

May mga nanood din kasi sa pictorial naming iyon. Kaya lalo siyang nako-conscious. Akala siguro ng mga usisero ay isang artista ang nakita nila. May hawig kasi ang mukha ni Marjun kay Aljur Abrenica. Pati tangkad at pangangatawan ay halos pareho.

“Hay naku. Tiisin mo. Kasalanan mo. Ipinanganak kang guwapo!” ang sambit ko.

Anyway, parang shooting ng isang artista talaga ang dating sa aming ginawang iyon dahil may mga nanood, naki-usyoso, may kinilig din at humanga kay Marjun. May mga nagtanong din kung para saan ang ginawa naming pagso-shoot na may mga props pa.

“Sa libro lang po ito… At itong aking modelo ay napulot ko lang sa tabi-tabi.” Ang sagot ko sa isang baklang nagtanong talaga sa akin.

“Ay… saang tabi mo naman napulot iyan at mapuntahan. Baka may mga kapatid pa iyang naiwan doon!”

“Wala na. Tira na lang iyan at ako ang nakapulot.”

Tawa kami ng tawa.

Natapos ang aming photo-shoot. Dumaan muna kami sa isang sikat na restaurant kung saan kami nag-dinner.

“Kung hindi dahil sa iyo… hindi ako makaexperience ng ganito, o ni makakain sa sikat at mamahaling restaurant na ito. Hanggang sa labas lang sana ako…”

“Hay naku… ang drama mo. I-enjoy mo lang kasi ako, masaya din na kasama ka. Ikaw, masaya ka bang kasama ako?”

“Hindi lang masaya. Masayang-masaya!” Napahinto siya sandali at seryoso ang mukhang tinitigan ako. “Kaya nga… parang…” hindi niya itinuloy ang sasabihin.

“Parang ano?” tanong ko noong mabitin sa hindi itinuloy na salita.

“Wala… Kalimutan mo na iyon.”

“Ang alin?”

“Wala nga… Atsaka, hindi ka naman maniniwala eh. Kasi ako, parang hindi rin makapaniwala.”

“Tado! Ang alin nga?”

“Basta huwag muna. Sasabihin ko na lang sa iyo sa takdang oras.”

“Ito naman o! Sobrang arte. Ano nga iyan???” giit ko pa.

“Basta… malalaman mo rin. Gusto ko lang makasiguro sa sarili ko…”

“S-sige bahala ka.” Ang nasambit ko na lang na parang may bahid na pagtatampo.

Kinabukasan, hindi muna namin ipinagpatuloy ang kuwento. Bagkus, tinuruan ko siya kung paano buksan ang laptop ko, kung paano ang magtype, kung paano magdelete, at kung anu-ano pa tungkol sa paggamit ng computer. At mabilis siyang natuto.

Binigyan ko rin siya ng exercises sa word processing, at kung paano magpalaki o magpaliit ng fonts, pag-highlight, pagkulay, pag-bold, pag-italics, pag-cut and paste, save, create document, at iba pang mga basic na functions sa computer.

Binigyan ko rin siya ng typing exercises, para bibilis ang kanyang pag-type sa mga letra. Tinuruan ko rin siya sa paggamit ng internet. At nagbukas din kami ng facebook account niya.

Tuwang-tuwa si Marjun. “Di na talaga kita malilimutan nito…” ang seryoso niyang sabi.

“Ok lang naman kahit kalimutan mo ako. Huwag lang ang mga itinuturo ko.”

“Hindi nga eh. Dahil nandito ka na sa puso ko.”

“Hmmmm and’yan na naman po kami… Mga kuwentong walang kahahantungan.”

“Ayaw mo kasing maniwala eh.”

“Huwag na… alam ko naman ang patutunguhan ng lahat eh; pagdurugo ng aking puso. At alam ko namang laru-laro lang para sa iyo iyan. Sawa na ako sa paglalaro. Ako palagi ang natatalo. Kasi sa katagalan, nagiging seryoso ang lahat sa akin samantalang sila, nanatiling naglalaro. Mabuti sila, nag-eenjoy sa paglalaro. Ngunit ako, nasasaktan na…”

“O siya, wala na akong sinabi…” ang nasambit na lang niya.

Hanggang sa unti-unti na siyang gumaling sa paggamit ng computer, sa pagbukas ng facebook. Minsan, pinapahiram ko rin ang laptop ko sa kanya kapag hindi ko ginamit. At siya na lang mag-isa ang nag-ko-computer.

Isang araw, habang nasa bahay ako at nag-iisa, ipinagpatuloy ko ang pagsulat sa kuwento.

May mahigit dalawang oras nang nakaupo si Lester sa ilalim ng puno ng narra at palapit na palapit na ang takdang oras na binanggit niyang deadline sa mensaheng ipinarating niya para kay Byron. Magkahalong matinding kaba at takot ang kanyang naramdaman. Pati na ang mga taong naghintay din, ang mga tv crews, mga reporters ay parehong kinabahan. Kahit ang mga nag-aabang sa kani-kanilang mga TV ay tila nanalangin na kaawaan ni Byron si Lester at sumipot na sa lugar.


Subalit bigo silang lahat. Lumipas ang alas 7, ang oras na itinakda ni Lester ngunit walang ni anino ni Byron ang dumating. Lumipas pa ang ilang oras ngunit nanatiling nakaupo pa rin si Lester sa ilalim ng narra patuloy na inaabangan ang pagdating ni Byron.


Ngunit bigo pa rin siya...


Hanggang sa unti-unting nagsiuwin na ang mga tao at ang iba ay lumapit pa kay Lester at may nag payo ng, “Huwag kang malungkot Lester… marami pang Byron ang darating sa buhay mo” “Huwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon Lester, he doesn’t deserve you…” “Huwag mong sayangin ang oras sa isang taong hindi marunong maawa…” etc, etc…


Ngunit nanatiling umasa si Lester na darating pa si Byron. Hanggang sa hindi niya namalayang doon pala siya nakatulog sa ilalim ng narrang iyon. Nakakaawa, nakakatouch. At ang paghihintay at pagsasakripisyo niya ay hindi kaila sa mga taong sumusubaybay sa kanilang pag-ibig dahil naiparating pa rin ito sa kanila sa pamamagitan ng iilang TV crews na nanatili sa lugar at hindi iniwan si Lester.


Sa sumunod na araw, nagpa-announce naman si Lester ng kanyang cp number. Ipinaskit ito sa mga pahayagan, sa billboards, at TV.


Ngunit nadismaya lamang siya dahil maraming mga nanloko na tawag, ang iba ay nakikipaglaro lamang, bagamat may iba namang nagbigay ng suporta at payo.


May mga tawag din na nagsabing nakita daw nila si Byron sa ganitong lugar. Ngunit kapag pinuntahan naman niya ay hindi naman pala ito.


Hanggang sa sinabi niya muli sa mga TV at estasyon ng radio na linggo-linggo siyang pupunta sa puno ng narra na iyon at maghihintay kay Byron sa ganoong oras pa rin.


At tinupad niya ito. Linggo-linggo, nandoon si Lester sa punong iyon at naghihintay…

Hinayaan ko muna ang kuwento sa ganoong bitin na parte. Inatake kasi ako ng katamaran. Bagamat nasa isip ko na ang ending nito na isang malungkot na pagtatapos, parang nawalan ako ng ganang magsulat sa sa oras na iyon.

Kinaumagahan, nagulat na lang ako. “Happy birthday to me! Happy birthday to me!” ang pagkanta-kanta hi Marjun habang patungo siya sa banyo.

Sinundan ko at tinanong. “Woi, birthday mo talaga?”

“Oo, wala man lang nag-greet…” ang pagparamdam niya.

“Waaaahhh! Happy birthday po!”

“Kiss!”

“Sige kiss sa noo” at talagang inilapit ko ang mukha ko sa noo niya.

Nasa ganoon akong posisyon noong bigla ba naman niyang idiniin ang kanyang bibig sa bibig ko sabay hawak ng ulo upang maglapat ang aming mga labi. “Uhhmmmmpp!”

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa ginawa niya. Parang gusto kong magalit dahil sa pagkabigla ngunit sa kabilang parte ng aking utak ay gusto ko ring magtatalon dahil sa tuwa at kilig.

“Marjun ano ba???!!!” ang sambit ko na lang sabay tampal sa kanyang pisngi noong pinakawalan na niya ako.

“Pa-birthday mo na lang sa akin iyon.” sagot naman niya.

“Ano pa ba ang magagawa ko?” ang pagmamaktol ko kunyari.

“Gusto mo liligawan na kita?” ang sambit niya.

Di ko alam kung nagbibiro o ano ngunit pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap sa aking narinig. Ngunit kagaya pa rin ng dati, pinigilan ko ang sarili upang huwag magpahalata. Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanya na, “Hindi sinasabi iyan; ginagawa!” Ngunit sa isip ko lang ito. “Tado!” ang sambit ko na lang.

“I love you…” ang puno ng lambing na sabi niya sabay yakap sa akin, di ko rin alam kung nagbibiro o naglalaro o anong masamang hangin ang pumasok sa kukute.

“Good!” sagot kong sarcastic.

“Good lang?”

“Very good!” sagot ko uli. Syempre, pakyeme ang lola ninyo. Ayoko na kasi talaga. Alam kong masasaktan lang ako kapag pumatol pa ako.

“Grabe ka naman. Hindi mo man lang ba sagutin ang ‘I love you’ ko?”

“Sandali ha…” hinarap ko siya, tiningnan ang mukha. “Ano ba talaga? Nanliligaw ka ba?”

“Oo… di mo ba ako mahal?” ang biglang pagseryoso sa kanyang mukha. At pakiramdam ko ay talagang hindi siya nagbibiro.

“Marjun… alam mo naman di ba? Gusto kita. Hindi ko lang alam kung mahal. Ngunit ayoko talaga. Alam kong hindi tayo bagay, at hindi tayo puwedeng maging tayo. Masasaktan lang ako. Gusto mo ba iyon? Mag-iiyak ako kapag darating ang panahon na makahanap ka na ng babaeng mamahalin mo? Paano naman ako?”

“E di hindi naman kita iiwanan eh…”

“Puwede ba iyon? Nasabi mo iyan ngayon. Ngunit lalaki ka at ang hangad mo ay ang magkaroon ng mga anak at pamilya. At baling araw ay makakita ka ng isang babaeng mamahalin mo.”

“Hindi naman lahat ng nagmamahalan ay binibiyayaan ng mga anak at pamilya eh. Bahagi lamang ang mga iyan sa pagmamahal. At paano ako makahanap ng babae kung may nagmamay-ari na ng aking puso?”

“Hay naku… ewan!”

“Wala ba akong chance?”

“Hindi ko alam…”

“Maghintay ako…”

“Bahala ka.” Ang nasabi ko. Ngunit ang totoo, naramdaman kong lumambot ang puso ko sa mga sinabi niyang iyon. Para bang ang sarap-sarap pakinggan ng kanyang mga salita. Parang gusto kong umiyak kasi, lahat naman tayo nangangarap ng pagmamahal; ng magkaroon ng isang lalaking manligaw, ipadama ang kanyang pagmagmahal. At parang sa isip ko ay siya na iyon; na si Marjun ay bigay sa akin ng tadhana.

Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko nang bumigay. Parang gusto ko na siyang sagutin. Ngunit “Woi… saan tayo mamaya?” ang salitang lumabas sa aking bibig. Parang may humaharang pa kasi.

“M-magpainum daw sina Mario at Ver, iyong mga mga kasama ko sa trabaho na ipinakilala ko sa iyo sa cottage? Iyong malalakas lumamon ng sandwich? Si Mario ay pinsan ko at si Ver ay matalik na kaibigan.”

“Saan naman daw?”

“Sa dating boarding house ko…”

“E, dito na lang kaya kayo sa bahay. Sagot ko pa ang pang-inum at pulutan.”

“Huwag na… nakakahiya na sa iyo eh.”

“Ano ka? Ngayon ka lang nahiya. Kapal nito…” biro ko. “Sabagay, pedeng ikaltas na lang natin sa royalty mo.”

“Waaahhh! May balak!” tumawa siya.

“O ano? Payag kang dito na lang kayo mag-inuman?”

Nag-isip siya.

“At makasali pa ako sa inuman ninyo.” Dugtong ko.

Maya-maya, “O e di sige… mapilit ka eh.”

At doon nga nag-inum ang magbarkada. Sobrang saya ng grupo. Syempre, mas masaya ako. Habang nakaupong magkatabi sina Mario at Ver, kami naman ni Marjun ay nasa harap nila, at magkatabi rin.

Med’yo lasing na kami noong naramdaman kong parang naglalambing at dumidikit-dikit na sa akin si Marjun. Nand’yan iyong nang-aakbay, niyayakap-yakap ako, pabirong kinakagat-kagat ang batok at likod ko na parang nanggigiil.

Ok lang naman sa akin iyon kasi, paminsan-minsan din naman kaming naghaharutan kapag kaming dalawa lang. Minsan nga din tsinatsansingan ko pa iyan. Ngunit iba sa pagkakataong iyon; nandoon sina Mario at si Ver sa harap namin.

Syempre, sa loob-loob ko lang, proud na proud ako na idinidisplay pa niya sa kanila na niyayakap-yakap niya ako. Para bang ibinida niya sa kanila na, “Heto mga tol… syota ko. Inggit kayo no?” Parang ganoon ang dating sa akin. At nakilaro naman ako. Feeling boyfriend na yata ang naramdaman ko sa eksena naming eh. Parang nagpa-praktis na ba.

Maya-maya, sa tawag ng kalikasan, pumunta ako ng CR at iniwan ang mgkakaibigan na patuloy ang pagbibiruan, pagtatawanan.

Bahagyang nabuksan ko na ang pinto at lalabas na sana ako ng cubicle noong narinig ko si Mario na nagsalita. “Paano ba yan tol… e di talo na kami sa pustahan?”

Bigla akong napahinto at hindi na tumuloy sa paglabas, hinayaang nakabukas ng kaunti ang pinto ng cubicle.

“Ssssshhhh! Tarantado to! Maririnig ka!” ang dali-dali at pigil na pagsagot ni Marjun.

“Di ba, ang pustahan ay dapat sa birthday mo, mapaibig mo na siya?”

“Tsk! Tsk! Huwag ngang pag-usapan iyan tol, ano ka ba?” sagot uli ni Marjun na halata sa boses ang tila pagkainis.

“O sya… sorry na, sorry...” ang sagot ni Mario.

Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa aking narinig. Parang ang lahat ng aking dugo ay dumaloy patungo sa aking puso at nahirapan akong huminga. At naalimpungatan ko na lang ang aking sariling bumalik sa pag-upo sa toilet bowl at umiyak nang umiyak.

Kung gaano ako kasaya sa bago ako pumasok ng CR ay kabaligtaran naman ito pagkatapos kong marinig ang salitang pustahan. “Pinagpustahan lang pala nila ako? Kaya pala niligawan na talaga niya ako kaninang umaga? Kaya pala ang sweet niya sa akin sa harap ng mga bisita niya?” sa sarili ko lang.

Pakiramdam ko ay bumabalik-balik sa aking isipan ang mga sandal kung saan ko naramdaman ang sakit ng panloloko ng isang lalaking iniibig. “Totoo ngang wala talagang mapili sa kanila. Puro sila manloloko, mapaglaro, manggagamit. Hindi nila iniisip ang naramdamang sakit sa parte ng mga taong niloko nila!”

Sobrang pagkahabag ko sa sarili sa sandaling iyon. Parang gusto kong pumatay ng tao o kaya ay sarili ko na lang ang aking saktan at kitilin ang buhay.

Maya-maya, “Aldred… nand’yan ka ba?”

Si Marjun. Tinatawag ako. Tiningnan ko ang akin grelo at may mahigit 30 minutos pala akong nagbabad sa CR. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin.

“Aldred! Ba’t ang tagal mo d’yan? Halika na…” tawag niya uli.

“Eh… medyo sumakit lang ang tiyan ko. Maya-maya, babalik lalabas na ako.” Ang naisagot ko na lang.

Pinilit kong pakalamahin ang sarili at isip. Iginiit ko sa aking utak na huwag pairalin ang galit at habaan pa ang pasensya at pang-unawa.

Pinahid ko ang mga luha at sipon sanhi ng aking pag-iiyak. Naghilamos sa wash basin at lumabas ng cubicle na parang kalmante lang.

“Bakit namumula yata ang iyong mga mata?” Tanong ni Marjun.

“Nagsuka ako eh, kung kaya naghilamos na rin ako.” Sagot ko.

“Ok ka na?”

Tumango ako.

“Sure ka? Baka gusto mo nang magpahinga.”

“Hindi… iinum pa ako…”

At uminum pa rin ako. Ngunit hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang narinig na panloloko ni Marjun sa akin.

At marahil ay bung ng kalasingan at dala na rin ng galit bigla kong hinawakan ang ulo ni Marjun at siniil ng halik ang kanyang mga labi – sa harap ng kanyang mga barakada.

Naramdaman ko pa ang pagpalag ni Marjun sa hindi niya inasahang paghalik ko sa kanya. Ngunit mahigpit ang aking pagkahawak sa kanyang ulo at hindi ko siya nilubayan ng paghalik hanggang sa naramdaman kong sinuklian na rin niya ang aking mga halik.

Naghalikan kami, torrid kiss ang ginawa kong paghalik sa kanya. Gumanti na rin siya at nilakasan ko talaga ang pag-ungol.

Matagal kaming naghalikan. Pakiwari ko ay natulala ang dalawang barkada niya sa nakita sa amin.

Habol-habol ang aming paghinga noong matapos na an gaming halikan. Noong tiningnan ko ang dalawanng barkada niya, tila natulala ang mga ito, bakas sa mga mata nila ang pagkamangha.

“Eh… sensya na ha? Naglalambing lang po sa boyfriend ko.”

Hindi pa rin makapagsalita ang dalawa.

“O sya… mauna na akong matulog. Lasing na talaga! Good night sweetheart! Hapy birthday uli!” ang sabi ko kay Marjun sabay halik muli sa bibig niya.

“Eh… mga tol.. ihatid ko muna sa kuwarto namin si Aldred ha?” ang narinig kong sabi ni Marjun.

“Huwag na… dito ka na lang. Kaya ko ang maglakad patungo sa kuwarto natin sweetheart.”

At dali-dali akong naglakad patungo sa aking kuwarto, hindi na hinintay ang pag-akay sa akin ni Marjun.

Nakahiga na ako sa aking kama ngunit bumabalik-balik pa rin sa aking isip ang salitang “pustahan”. Hindi ko na naman napigilan ang sariling huwag umiyak. At habang nagpatuloy pa rin sila sa pagkakantyawan at kasayahan, pakiwari ko ay ako ang kanilang pinagtatawanan.

“Bukas… palayasin na kita sa pamamahay ko!” ang sambit ko sa aking sarili.

Iyon na ang huli kong natandaan.

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

No comments:

Post a Comment