http://zildjianstories.blogspot.com
Nakapasok na kami sa bahay nila Rome na may matinding
pag-aalala sa aking sarili sa mga mang yayari. Dumiretso kami sa dining area
nila. Tinawag naman ng Mommy ni Rome ang dalawang katulong para initin at
simulang ihanda na ang pag-kain. Pag kaupo ko agad akong binanatan ng tanong ng
Mommy nya.
“So Anu ang natapos mo?” walang
emosyon nitong tanong sa akin.
“Co- computer Science po Maam.”
Kinakabahan kung sagot sa kanya.
“Ikaw pala ang Ace na KAIBIGAN ng
anak ko way back in High School.” Pag bibigay diin nya sa salitang kaibigan.
Di ko alam ang isasagot ko. Ramdam
ko na pinag papawisan na ako. Tumingin ako kay Rome para sana mag patulong pero
naka yuko lang ito.
“Opo.. ako nga po yon.” Ang pabulong
kung sagot pinilit hindi mag stammer ang boses ko.
“So dati na ba kayong may SPECIAL na
pag tingin sa isat isa?” sabi ulit nito “Alam ba ng parents mo na ganyan ka?”
dagdag pang sabi nito.
Gusto ko nang mag walk out dahil
feeling ko minamata na ng Mommy ni Rome ang aking pagka tao. Hindi ko rin alam
kung anung tanong ang sasagutin ko.
“O-opo.” Ang pilit kung sagot sa
huling tanong nito.
“San ka nag aral nung collge? Don ka
rin ba sa Cebu nag aral?” ang may halong galit na nyang sabi. “I didn’t expect
this honestly. I was expecting na babae ang dadalhin ng anak ko but it turns
out na lalake pala.” Dagdag pa nito sa parehong tono.
“Mommy Stop it. Wag nyo..” ang sabat
ni Rome na pinutol agad ng Mommy nya.
“Stop what? Nag tatanong lang naman
ako. Wala naba akung karapatang mag tanong sa SPECIAL someone ng nag iisa kung
anak?” sarkastikong sagot agad ng Mommy ni Rome.
“Mom..”
“Shut up Ervin im not finish talking
to Ace.” May diin nitong pag papa tigil kay Rome.
“Sa Manila po ako nag-aral” ang
sagot ko nalang para di ma bulyawan si Rome ng Mommy nya.
“So kelan pa ito? How did this
happened Ace? How about your parents okey lang ba sa kanila ang relasyon nyo ng
anak ko?” sunod sunod na tanong nito.
Nag desisyon na akong tumingin sa
kanya. Nag buntong hininga muna ako bago sumagot.
“Hindi pa po kami ni Rome wala pang
namamagitan sa amin. Way back in high school Best friends talaga kami wala po
yun halong malisya.” Ang sagot ko sa Mommy ni Rome habang nakatingin ako sa
mata nito.
“Walang namamagitan pero special ang
tingin ng anak ko sayo? Where did it start then?” balik nanaman ito sa walang
emosyong mukha.
“Honestly Mrs. Ruales I also don’t
know where it started. Wala naman kasi ito sa plano ko.” Medyo nanginginig na
ako sa kaba buti nalang di ako nag stammer.
“I want to meet your parents.” Ang
sabi nya na may ngiti na sa labi.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag
iba ang expression ng mukha ng Mommy ni Rome. Kanina lang kasi parang gusto ako
nitong sakalin ng sabihin ni Rome na ako ang special someone nito. Isama pa ang
mga tanong nito sa akin.
“Oh bakit ganyan ang mukha mo iho?
Effective ba ang pag tataray ko?” ang wika nito sabay tumawa ng nakakaloka.
Napa nganga talaga ako sa biglaang pag babago nito ng mood.
“Si Mommy talaga syado mo namang
pinahirapan ang future wife ko.” Ang naka ngisi nitong sabi habang naka tingin
sa akin.
Napakunot ako ng nuo. Hindi ko na
alam ang mga nang yayari naguguluhan ako kung bakit biglang nag iba ang
atmosphere sa loob ng bahay nawala ang tensyon na kanina lang ay ramdam ko.
“Sorry Supah Ace. Kinuntsaba ko si
Mommy na pahirapan ka ng konte para naman may thrill.” Ang nakangisi nyang
sabi.
“Anung ibig mong sabihin?” hindi
magawang iprocess ng utak ko ang sinabi ni Rome dahil sa sobrang takot ko
kanina sa Mommy nya.
“Bago paman kita dinala dito alam na
ni Mommy ang lahat. Pero sinabi ko sa kanya kanina bago ako umalis na
iinterogate ka nya para lumabas ang natural na ikaw.” Ang naka ngisi nyang sabi
sa akin.
Lang ya!! Pinag tripan lang pala ako
ng mag inang to! Halos mamatay ako sa kaba tapos trip lang pala nila!!natural
na ako? sang banda naman kaya yon? manda ka sa akin mamayang ulol ka. Ang sabi ko sa aking sarili at binigyan ng matalim na
tingin si Rome.
“Sorry iho ha. Kailangan ko rin
kasing itanong yan para marinig ng tao sa kabila ang mga isasagot mo.” At
ngumiti sa akin ng ubod ng tamis.
“Sinong tao Mommy? Kanino palang
kotche ang nasa labas?” ang nag tatakang tanong ni Rome.
Agad lumabas ang isang lalaki na
nasa early 50’s. Maputi ito at kahit matanda na halata pa rin ang gwapo nitong
hitchura.
Napatayo si Rome sa inuupuan ng
makita nya ang taong lumabas.
“Da-dad?” Napalingon ako kay Rome sa
sinabi nito akala ko kasi wala na ang Daddy nya. Kita ko sa mukha ni Rome ang
pag kabigla nung makita ang kanyang ama.
“Anak..” Ang nasambit lang ng
kanyang ama. Halata sa mga mata nito ang pag-kasabik ng makita ang anak nya.
Nakita ko ang galit sa mukha ni
Rome. Pero halata parin sa mga mata nya ang pananabik nang makita nya ang
kanyang Daddy.
“Bakit kapa nag balik?” ang may galit
na sabi ni Rome.
“Im sorry anak. Can you let me
explain?” sabi naman ng Daddy nya. May pag susumamo sa mga mata at tinig nito.
“For eight years di ka nag pakita
tapos ngayon darating ka to explain? Para san pa?” may galit pa ring sabi ni
Rome.
Lalapit na sana ang Daddy ni Rome sa
kanya Pero nang humakbang ito papalapit ay sya namang pag atras ni Rome.
“Anak let your Daddy explain. Kung
ako nga napatawad ko na sya, ikaw pa kaya?” Ang sabi ng Mommy ni Rome.”
Hindi nakasagot si Rome. Alam ko ang
ibig sabihin ng Mommy nya. Mahal na mahal ni Rome ang Daddy nya di man nya
sinasabi sa akin nung high school pero alam ko nung makita ko sya sa kwarto ko
na nag guiguitara ng tinuro sa kanya ng Daddy nya nasa mata nya ang
pangungulila dito.
Tumingin si Rome sa akin na para
bang nag tatanong ng dapat nyang gawin. Tumango lang ako sa kanya na ang ibig
sabihin ay hayaan nyang mag explain ang Daddy nya. Nakita ko nalang na umupo
yung Daddy ni Rome sa tabi ng Mommy nya kasabay ng pagupo nito.
“Bakit mo kami tiniis ni Mommy ng
walong taon.” May galit na tono nitong tanong sa kanyang ama.
“Im sorry. Hindi ko namang ginusto
na malayo sa inyo lalo na sayo anak mahal na mahal kita.” Simula ng Daddy ni
Rome.
“Mahal? Kung mahal mo kami ni Mommy
di mo kami iiwan at hahayaang mag hirap.” May panunumbat na sabi ni Rome.
“I have no choice. Na tanggal ako sa
trabaho dahil sa recession. Kung hindi ako aalis san tayo kukuha ng kakainin
natin?” may mga luha nang namumuo sa mata nito.
“Ayaw ko man kayo iwan pero kailangan.
Maganda ang offer sa akin sa states at yon lang ang nakikita kung paraan para
makaangat tayo. Nahihiya ako sa Mommy mo dahil ako ang nasunod na hindi sya mag
trabaho dahil ang gusto ko ako mismo ang bubuhay sa pamilya natin. I just want
the best for you and your mom.” at dumaloy na ang luha nitong pilit
pinipigilan.
“Ang sabihin mo dahil sa pride mo
kaya mo kami iniwan at inihabilin kay lola!”
“Rome” ang pag pigil ng Mommy ni
Rome sa kanyang anak.
“No Mommy! Hindi bat nagalit ka rin
kay Daddy noon kaya tayo nagpakalayo!”
Bigla namang natahimik ang Mommy ni
Rome sa sinabi ng kanyang anak.
“Hindi mo kasi alam kung anu pinag
daan ni Mommy noon.” Ang sabi ulit ni Rome sa Daddy nia.
“Hindi maganda ang turing ni lola
dahil ginawa syang katulong. Ang sakit na nakikita ko si Mommy na inaalila ng
sarili kung lola habang ikaw nag papakasarap sa states.” Ang may diin na sabi
ni Rome batid ko ang galit nito sa bawat pag bitiw nya ng mga kataga.
“Hindi ko naman alam yon dahil...”
Hindi na natapos ang sasabihin ng Daddy ni Rome dahil pinutol nya ito agad.
“Pano mo malalaman hindi ka nga naka
alalang tumawag diba?” may sarcasm na sagot nito.
“Palagi akong tumatawag tuwing may
pagkakataon pero sa tuwing tatawag ako ang laging sinasabi ng lola mo nasa
skwelahan ka at ang Mommy mo naman ay minsan lang daw umuwi dahil busy daw ito
sa trabaho.
Nagalit ako noon sa Mommy mo dahil
napag usapan na namin na ako ang mag tratrabaho at sya naman ang bahala sa pag
aalaga sayo.” ang daddy ni Rome.
Hindi na lang sumagot si Rome.
Ngunit basa na rin ang mga pisngi nito dahil sa luha. Ganyon paman bakas pa rin
sa mga mata nito ang galit sa kanyang ama.
“Nung umalis kayo doon sa puder ng
lola mo mas lalo akong nagalit sa Mommy mo.Dahil sa mga pinag sasasabi ni Mama,
nagatungan ang nararamdaman ko kay Nancy at tuluyan na akong nag patangay sa
mga kasinungalan nito.” Malungkot pa rin ang mukha ng Daddy ni Rome. Maski man
ako dama ko sa sarili ko na totoo ang sinasabi nito.
“Paano mo kami na tunton?” Pambabaliwalang
tanong ni Rome sa sinabi ng kanyang ama.
Nakita ko ang pag buntong hininga ng
Daddy nya bago nag salita.
“Nag hire ako ng tao para hanapin
kayo. Sya ang nag sabi sa akin na dito kayo napadpad ng iwan nyo ang Surigao.
Nalaman ko rin sa kanya ang totoo na mag isa ka nyang pinalaki at inalagaan ng
Mommy mo matapos nyong umalis sa bahay nina Mama. Sobra akong na guilty sa
kinalabasan sa pag papaimbestiga ko.”
Ang umiiyak na nitong sabi. Unang
beses ko palang makakita ng isang lalaking umiiyak, sobra akong naawa sa kanya.
Lumingon ako kay Rome at nakita ko
sa mga mata nito na nabawasan kahit papaano ang hinanakit nya sa ama nya. Bigla
itong tumayo sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumabas ng bahay. Agad ko
naman itong sinundan at Nakita ko syang nakaupo sa may swing. Naramdaman nya
ang pag lapit ko.
“Bakit hindi ko pa rin sya lubusang
mapatawad sa kabila ng lahat ng mga sinabi nya?”
Hindi ako nakapag salita dahil hindi
ko alam ang sasabihin ko. Kaya sa halip na mag bitaw ako ng salita ay hinagod
ko nalang ang likod nya.
“Alam mo ba, nung una kung makilala
ang parents mo sobra akong na inggit sayo. Kasi you have your Daddy to support
you.” Hinayaan ko muna syang ilabas lahat ng hinanakit nya.
“Alam mo ba, naisip ko paano kaya
kung hindi umalis ng bansa si Daddy? Paano kaya kung nakita nya ang pag laki
ko? Mararamdaman ko rin kaya ang naramdaman mo habang kasama mo ang Daddy mo?”
Ramdam ko ang pangungulila sa mga sinabi nya.
“Diba matagal mo nang hinihintay ang
pag kakataong ito? Why don’t you give him a chance na gampanan nya ang role nya
as your father? Ang daming taon nyo nang nasayang na sana mag kasama kayo bakit
mo pa dadagdagan. Why do you have to prolong your agony? Wag mong hintayin na
huli na ang lahat.” Hindi ko maiwasang mag komento.
Napatahimik ito matapos kung mag
salita.
“Mahal mo ba ang Daddy mo?” ang
deretso kung tanong sa kanya.
“Mahal na mahal..” halos pabolong
nitong sabi sa akin.
“Oh bakit para kang nahihiya pero
kung sakin mo yan sinasabi noon halos ipangalandakan mo pa.” ang nakangisi kong
sabi sa kanya.
Napatahimik ko ulit si Rome. Naka
two points ako ngayon kay gago! Sabi ng loko kung isip.
“Oh anu pa ang hinihintay mo pasko?
Tumayo kana dyan at kausapin mo na ang Daddy mo!”
Atubili paring tumayo Rome.
“Ah ganun ayaw mo paring tumayo? Pag
di ka tumayo dyan kalimutan mo na kontrata natin uuwi nalang ako.” pananakot ko
sa kanya at akmang tatalikod na ako sa kanya ng pigilan nya ako at sabay
sabing.
“Ito na nga tatayo na dapat talaga
na nanakot ka?” ang asar nyang sabi sa akin.
Napangiti nalang ako sa reaction ni
Rome.
Tumayo na ito at nag lakad pabalik
sa loob ng bahay. Huminto muna ito sa harapan ng pintuan at huminga ng malalim
bago pinihit ang seradura. Abat! Iniwan ako bigla! Sabi ko sa aking sarili.
Agad naman akong sumunod sa kanya
pabalik sa loob. Pag pasok ko parang tuod sa pag kakatayo si Rome. Siniko ko
ito at binigyan ng masamang tingin. Agad naman natauhan.
“i-Im sorry dad.” Ang nauutal nyang
sabi.
Agad na nag liwanag ang mga Mukha ng
Mommy at Daddy nya pati ako ay nakaramdam ng ginhawa ng marinig ko ang sinabi
ni nya. Dahil sa sinabi ni Rome ay hangos na napatakbo ang Daddy ni Rome
papunta sa kanya at napayakap dito.
“im sorry dad.” Ang ulit nitong pag
hingi ng tawad at di na nito napigilan ang sarili na mapayakap rin sa kanyang
ama.
“Im sorry din anak babawi ako sayo
pati na rin sa Mommy mo.” At hindi napigilan ng Daddy nya ang mapaluha sa
sobrang kaligayahan nito.
“I miss you dad sobra.”
“ I miss you more anak. Ang laki mo na
at mas gumwapo kapa.” Wika ng Daddy nya habang humihikbi.
“Kay tagal kung hinintay ang pag
kakataon na ito anak ang mayakap kang muli.”
Nanunuod lang ako sa drama nilang
dalawa. May ngiti sa aking labi dahil alam kung Masaya ngayon si Rome at kompleto
na ang kanyang pamilya. Who would have thought na ang simpleng dinner na
magaganap sa bahay nila ay magiging ganito ka drama.
“Lalamig na ang pagkain, kumain na
muna tayo.” Ang pag putol ng Mommy nya sa eksena sabay pahid ng kanyang mga
luha. “Mamaya nyo na ituloy yang ka dramahan nyung mag ama.”
“Sus eh kung maka iyak ka nga
walastik lang.” Pang aasar ni Rome sa Mommy nya.
Natawa kami sa huling sinabi ni
Rome. At hayun nga nag simula na kaming lumamon.
“Ipakilala mo naman ako sa kasama mo
anak.” Ang pag lalambing ng Daddy nya.
“Ay Oo nga pala. Dad This is Ace my
future wife.” At ngumiti ito ng sobrang tamis sa akin.
Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi
ko sa sinabi ni Rome.
“Nice to meet you iho. Welcome to
the family.” Ang nakangiti nyang sabi sa akin.
“P-po? wag po kayong maniniwala dyan
sa anak nyo.” Ang naisagot ko sa sobrang hiya.
“You don’t have to worry. Sa tinagal
tagal ng panahon na di ko nakasama si Rome ngayon ko lang sya nakitang ganyan
ka saya at ayaw kung maging hadlang sa sayang nararamdaman nya.” At tumingin
kay Rome at kumindat.
“I-deny ba ako.” sabi naman ni Rome
sa akin at nag sad face.
“Kung anu anu kasi pinag sasabi mo.”
Ang nahihiya ko pa ring sabi.
“Tigilan nyo na muna yang pang
gigisa nyo sa future wife ni Rome.” Sabi ng Mommy nya at ngumiti ito sa akin.
Panay naman ang kwentohan ng mag
ama. Minsan sumasabat naman ang Mommy ni Rome habang ako naman ay tahimik
nakikinig sa kanilang usapan. Para syang bata kung umasta sa harap ng Daddy nya
habang pinag uusapan nila ang huli nilang pag bobonding mag ama.
“Ace iho bakit tahimik ka?” Pag
pansin ng Daddy ni Rome sa pananahimik ko. “Mag kwento ka naman sa akin ng
tungkol sayo para naman makilala ko ang future wife ng anak ko.” Sa kanya
pala namana ni Rome ang dimples nya pati ang mata at ang ilong sabi ko sa
aking sarili ng makita ko ang ngiti ng ama ni Rome.
“Po?”
Di ko pa rin maiwasang hindi mahiya.
“Wag kanang mahiya iho sabi ko naman
sayo tanggap namin ng asawa ko ang relasyon nyo.” Sabi ng Daddy ni Rome.
“Naku po wala pa kaming relasyon. Sa
ngayon magkaibigan parin kami.” ang defensive kung sagot.
“Don din naman ang punta nun.” Ang
sabi naman ng Mommy ni Rome.
“Tama ka dyan Mommy kasi nakontrata
na sya sa akin.” Sabay ngisi. Pakingshet naman oh! Baka pati ang ginawa
naming kontrata na kwento na nitong lokong to sa Mommy nya.
“Ace iho, pwedi mo bang ma kwento sa
akin kung panu kayo nag kakilala ng anak ko? Gusto ko kasing malaman lahat ng
detalye nung nawala ako.” sabi ng Daddy ni Rome.
“Oo nga naman iho gusto ko ring
malaman kung panu kayo nag kakilala ng anak ko.” Ang sabat naman ng Mommy nya.
Sa umipasa ay nahihiya pa akong mag
kwento sa kanila. Ngunit dahil sa nakikita kung eagerness nilang malaman kung
paano kami nag kakilala ng anak nila ay napilitan akong sabihin lahat. Na
ikwento ko rin sa kanila ang barkada namin pati ang pag punta namin ng Kuting
at Cebu. Habang nag kwekwento sa akin nakatingin si Rome. Minsan sumasabat ito
kung may mga detalye akong nakalimutan o pilit na hindi sinasama sa kwento
tulad ng pag tatapat nya sa akin nung nasa Cebu kami. Natatawa naman ang mga
magulang nya kung sinisita o pinipigilan ko si Rome.
“Im very grateful na lumaking matino
ang anak ko kahit wala ako para gabayan sya. Nagawa nya pa ring maging isang mabuting
tao at makapag tapos pag aaral. Proud na proud din ako sa asawa ko sa pag gabay
nya kay Rome.” Sabay hawak nya sa kamay ng kanyang asawa.
“Ace…” Ang sabi ng Daddy ni Rome.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment